0% found this document useful (0 votes)
783 views12 pages

APOLAKI (Deity) : Rhenden Subida DAYANG HANAN (Scholar) : Samantha June

The document provides background information on the cast of characters for a play titled "When Day and Night Reign". It introduces the deities Apolaki and Mayari, twins and children of Bathala, as well as others who will guide and teach them such as Dayang Hanan and Pamegat Idianale. The summary highlights how the play will showcase how Apolaki and Mayari's personalities develop from childhood as they learn from the tribe and overcome the dilemma of their status as deities.

Uploaded by

Pau Llena
Copyright
© © All Rights Reserved
We take content rights seriously. If you suspect this is your content, claim it here.
Available Formats
Download as PDF, TXT or read online on Scribd
0% found this document useful (0 votes)
783 views12 pages

APOLAKI (Deity) : Rhenden Subida DAYANG HANAN (Scholar) : Samantha June

The document provides background information on the cast of characters for a play titled "When Day and Night Reign". It introduces the deities Apolaki and Mayari, twins and children of Bathala, as well as others who will guide and teach them such as Dayang Hanan and Pamegat Idianale. The summary highlights how the play will showcase how Apolaki and Mayari's personalities develop from childhood as they learn from the tribe and overcome the dilemma of their status as deities.

Uploaded by

Pau Llena
Copyright
© © All Rights Reserved
We take content rights seriously. If you suspect this is your content, claim it here.
Available Formats
Download as PDF, TXT or read online on Scribd

“WHEN DAY AND NIGHT REIGN”

CAST OF CHARACTERS

APOLAKI(Deity): Rhenden Subida DAYANG HANAN(Scholar): Samantha June

God of the Sun and Patron of Warriors. Buan

Apolaki is the son of Bathala with a mortal and Dayang Hanan is a noble scholar

is the older twin brother of Mayari. He is a appointed by Bathala to educate Apolaki and

deity of innate intelligence and talent for Mayari on the ways of mankind. She is the

martial arts tribe’s tutor on both academic and vocational

MAYARI(Deity): Maria Angelique Santos lessons.

Goddess of the Moon and Guardian of PAMEGAT IDIANALE(Tribe Chief): Michelle

Revolutions. Mayari is the daughter of Bathala Ann Pinili

and the younger twin sister of Apolaki. She is Pamegat Idianale is responsible for the

known for her immaculate beauty, welfare of the whole tribe and is the fighting

intelligence, and strength. mentor of Apolaki and Mayari.

BATHALA(Deity): Allaine Luise Mangalus DUMAKULEM(Tribe Elder Adviser): Pauline

Bathala is the supreme ruler and Llena

omnipotent creator of the universe. He is Dumakulem is the elder adviser of the whole

known to be a loving god who cares deeply for tribe in all aspects.

his creations, especially mankind.

TIME THEME

Set in the pre-colonial era of the Philippines The theme of the play is how Apolaki

SETTING and Mayari overcome the dilemma of status

Luzon island in the Philippines and power over familial bond and rationality.

It showcases how their personalities were

shaped from the beginning until they reach


adulthood. Their similarities and differences realm until the time of throne inheritance

are highlighted as they grow in the mortal comes into play.

Scene I: The Beginning

EXT. ISLAND

NARRATOR

Noong unang panahon, kadiliman ang bumabalot sa bawat sulok ng mundong nilikha ni Bathala, ang

diyos ng buong sansinukuban. Dahil dito, niregaluhan ni Bathala ang mga tao ng apoy upang magamit

nila ito sa kanilang pamumuhay sa lupa.

Dumating ang panahon na nahulog ang loob ni Bathala sa isang mortal at nagbunga ang kanilang

pagmamahalan. Isinilang ang kambal na sina Apolaki at Mayari. Sa paglabas ni Apolaki ay kumalat

ang liwanag pagkat siya ang itinalagang diyos ng araw samantalang sa paglabas naman ni Mayari ay

kumalat ang kadiliman ngunit nagningning ang buwan na nagbigay ng ilaw bilang gabay sa gabi.

Subalit, sa kasamaang palad ay pumanaw ang kanilang ina matapos iluwal si Mayari.

Ikinalungkot ito ni Bathala dahil lubos ang kanyang pagmamahal para sa ina ng kanilang mga anak.

Ngunit, alam niyang mas gugustuhin ng kanyang sinta na ipagdiriwang ang pagsilang kaysa magluksa

kung kaya’t ipinagdiriwang ang pangyayaring ito ng sangkatauhan sapagkat sila ay simbolo ng

bagong kabanata para sa buong mundo.

Music plays -- (TRACK 1: LIVELY AGUNG ENSEMBLE)

(The whole tribe chants and dances Talibul signifying their gratitude for the birth of Apolaki and

Mayari)

Music ends --

DUMAKULEM

(Brings both hands, palms up towards the sky) Lubos ang aming pasasalamat sa inyo aming Bathala,

ang mga anak niyong sina Apolaki at Mayari ay malaking biyaya sa amin.
BATHALA

Dahil ang aking mga anak ay sanggol pa lamang, humihingi ako ng pabor sa inyo upang alagaan at

turuan sila ng inyong kaalaman nang sa gayon ay magkaroon sila ng karanasan at maintindihan ang

sangkatauhan. Ihanda ninyo ang aking mga anak na maging magaling at mapagmahal na mga diyos.

PAMEGAT IDIANALE

Masusunod po, aming Bathala. Gagawin po namin ang aming makakaya upang lumaki silang

may angking talino, galing, at pagmamahal sa kapwa.

SCENE II: Sprout of Youth

EXT. ISLAND/TRIBE CAMP

NARRATOR

Simula ng pangyayaring iyon, sina Dayang Hanan at Pamegat Idianale ang tumayong gabay nila

Apolaki at Mayari. Samantalang si Bathala ay nanumbalik na sa kaharian ng mga diyos upang

gampanan ang kanyang mga responsibilidad bilang hari ng sansinukuban.

Lumipas ang apat na taon, nagsimula nang magpakita ang dalawang batang diyos ng kanilang mga

natatanging kakayanan. Si Mayari ay tahimik lamang ngunit tuwid na kung magsalita’t may kaalaman

na sa aritmetika. Habang si Apolaki naman ay masiglang bata na mahilig maghawak ng espadang

laruan na tila’y nakikipaglaban.

Nang tumuntong na sa edad na walong taong gulang sina Apolaki at Mayari. Sa kanilang pagtanda,

sinimulan na nila Pamegat Idianale at Dayang Hanan ang pagtuturo sa kanilang dalawa tungkol sa

mga kuwento ng mga naunang henerasyon sa pakikipaglaban at mga tradisyon pati na rin ang mga

pangyayari na ginawa ng ibang mga diyos sa lupa.

Ibinahagi ng kanilang mga guro ang kaalaman tungkol sa kanta at sayaw na kanilang isinasagawa

bilang pagpapasalamat sa masaganang ani kay Bathala at sa iba pang mga diyos.
PAMEGAT IDIANALE

Halina’t magtungo na tayo sa lugar ng anihan upang makapagsimula ang tribo ng pasasalamat sa mga

diyos.

Music plays -- (TRACK 2: ANG DALIT O IMNO)

(Everyone gathers around the fire and begins singing Ang Dalit o Imno while dancing Kadal Tahaw)

Music ends –

EXT. RIVER SIDE

NARRATOR

Makalipas ang ilang taon, ang magkapatid na sina Mayari at Apolaki ay maaari nang turuan gumamit

at bumuo ng mga sibat upang kanilang gamitin sa pangangaso at pangingisda. Sa pag aaral nila na ito

ay malalaman kung sino ang mas magaling na magbuo ng sibat at mangisda. Nagsagawa ang

paligsahan ng magkapatid upang mapatunayan nila sa sarili nila kung sino nga ba ang nararapat na

magmana sa trono ni bathala. Habang itinuturo ni Dayang Hanan ang mga kaparaanan ng

pangangaso, si Mayari ay nakatingin sa malayo at kaniyang pinag-mamasdan ang bayas na

kasalukuyang ginaganap malapit sa kanilang lugar.

SCENE III: Training

EXT. FOREST

NARRATOR

Kasabay ng paglaki ng dalawang magkapatid ay ang pagkatuto nila sa lahat ng bagay na nakapaligid

sa kanila. Inaral nila kung paano ba tumatakbo ang lugar na kanilang ginagalawan at kung ano ang

kahulugan at importansya ng mga ito. Kasama na dito ang pagkatuto nila sa kung paano

makipaglaban sa kung sino man ang magtatangkang manakop sa kanilang bayan.

Music plays -- (TRACK 3: ENERGETIC KULINTANG ENSEMBLE)


(The tribe gathers and dances Burung-Talo as they prepare for their training)

Music ends --

MAYARI

(Smiles) Maghanda ka na Apolaki. Maghanda ka ng matalo sa akin ngayong pagsasanay na ito.

APOLAKI

(Smirks) Hindi ba parang baligtad? Ikaw ang maghanda ngayon Mayari dahil nakatakda ka ng matalo

sa akin ngayon.

NARRATOR

Tila ba nawala ang pagod nilang dalawa ng sila’y magkita at nagsimulang maglaban. Patuloy ang pag-

atake nila sa isa’t isa gamit ang kanilang sariling armas. Gamit ni Apolaki ang kanyang espada, at

gamit naman ni Mayari ang kanyang ginunting.

MAYARI

(Sweating) Tumigil ka na Apolaki. Kitang kita ko na nanghihina at napapagod ka na. Tanggapin mo

na lang na ako ang mananalo ngayon. (Mayari jokes and laughs as she continues to fight with Apolaki)

APOLAKI

(Laughs while panting) Ako nanghihina? Baka ikaw Mayari. Tanggapin mo na lang din kase na ikaw

ang matatalo ngayon hahaha.

NARRATOR

Tumagal ang paglalaban nilang magkapatid. Kitang kita sa kanila ang determinasyon na manalo sa

pagsasanay na iyon. Ngunit sa huli, sila ang dalawang itinanghal na nanalo dahil sa kanilang taglay na

lakas, tapang, at kagalingan. Nang dahil dito ay parehas silang naging masaya.

APOLAKI

Siguro hindi pa ito ang pagkakataon na may matalo sa ating dalawa, Mayari. Siguraduhin mong

maghahanda at magsasanay ka para sa hinaharap, dahil doon ay tatalunin na talaga kita. (Apolaki

joked and laughed together with Mayari)


SCENE IV: TWIN CONFLICT

EXT. FOREST/TRIBE CAMP

NARRATOR

Lumaking matikas at matiwasay ang dalawang diwata. Patanda nang patanda ay mas nahubog ang

kanilang mga talento at kakayahan. Bagaman ang kanilang responsibilidad bilang taga-gabay sa mga

mortal ay pabigat nang pabigat, ang kanilang mga kaalaman ay patunay na kaya nilang magampanan

ang mga panganip at pagsubok na maaaring dumating kasama ng kanilang mga responsibilidad.

Music plays -- (TRACK 4: KAWAYAN)

(The tribe gathers and dances Tuwali War Dance as they prepare for their training)

Music ends --

NARRATOR

Habang nagaani ang iba pang mga kasapi sa tribo ay ginaganap ng iba ang kanilang ritwal na handog

o pasasalamat sa naaani ng kanilang tribo sa kasalukuyan. Kabilang sa mga tao na kumakanta at

sumasayaw ay si Mayari. (The yields would slowly be stacked in the background while some of the casts

would prepare the materials for the celebration later)

Bago ang selebrasyon ay mamathaan ang dalawang diwata sa isang gubat, habang nangongolekta ng

mga halaman ang dalawang diwata para sa gaganapin na ritwal ng masaganang ani ng kanilang tribo.

Matapos nilang gawin ay naisipan nilang magpaunahan para magpalipas oras.

Nagtipon-tipon lahat ng mga tao. Sa gitna ay may nagsasagawa ng pagsayaw habang may hawak na

bilao paikot sa isang malaking apoy at sa paligid naman ay may tumutugtog ng mga instrumento

habang ang iba naman ay kumakanta.

Music plays -- (TRACK 5: HUDHUD NI ALIGUYNON)

(Women of the tribe, including Mayari took part in chanting, while the men performed and played

instruments alongside them.)


NARRATOR

Kalagitnaan ng pagdiriwang, nakita ni Apolaki si Dumakulem na nagmamasid sa malayo. Nakaupo sa

kubo nilang mandirigma. Agad niyang nilapitan ito para alamin ang nangyari sa kabilang tribo..

APOLAKI

Dumakulem, totoo ba ang narinig kong balita? Sinakop ang katabing tribo? (sits right across

Dumakulem)

DUMAKULEM

Sa kasalukuyan nagpadala kami ng mandirigma upang suriin ang kalagayan nila. Hindi pa rin sila

nakakabalik. Isang malaking banta ito. (Shakes his head and frowns, Mayari notices them)

MAYARI

Apolaki! Ano ginagawa mo d’yan? Bakit hindi ka nakikisali sa pagdiriwang? Tara, samahan mo ako

makisayaw sa kanila. ‘Di ka lang marunong sumayaw ‘no? (Laughs and pulls Apolaki’s arm) Huwag ka

mag-alala, tuturuan kita. Hindi rin kita pagtatawanan!

APOLAKI

Hindi na kailangan. Bumalik ka na lang sa ritwal. Kaya ko na ito. (Pushes Mayari lightly)

MAYARI

Bakit mo ba ako tinataboy, Apolaki? Isa rin akong diwata na may tungkulin na pangalagaan ang

tribong ito.

APOLAKI

Iwan mo na ang pakikipaglaban sa aming mga lalaki at baka maging hadlang ka lang. Huwag ka

magmaktol d’yan, Mayari. Kung ako sa iyo, nakikisali na lang ulit ako sa ritwal.

MAYARI

(Stands up and looks at Apolaki intently) Sana isang araw, magsisisi ka na hindi mo ako itinuring

kapantay mo. (Walks out and goes to the other tribe members who are almost done with the ritual)

Music ends --
NARRATOR

Nakalipas ang ilang buwan matapos ang pangyayaring iyon. Agad din nagka-ayos ang dalawa, subalit

may konting pagkabahala pa rin sa isa’t isa. Isang umaga habang nag-eensayo ang dalawang diwata,

dumating ang taga-mensahe ni Bathala para ipaalam ang kalagayan ng kanilang ama.. Naabutan nila

itong nakahiga sa kanyang higaan, bakas ang panghihina. Nang mapansin ang pagkarating ng

kanyang anak, sinenyasan niya ang dalawa lumapit.

BATHALA

Apolaki, Mayari, aking mga anak, kumusta ang pag-eensayo ninyo?

MAYARI

Aming ama, ano nangyari sa inyo? (Holds Bathala’s hand and worry is evident to her face)

(Apolaki holds Bathala’s other hand)

BATHALA

Napagpasya kong lumisan at mamahinga na. Ngayong alam ko na handa na kayong mamuno, ang

aking tungkulin para gabayan ang sangkatauhan ay magtatapos na. Gusto ko na makiisa sa lupa.

SCENE V: Worthy of the Throne

EXT. OUTSKIRTS OF THE CAMP

APOLAKI

Pumanaw na si Ama. Wala na si Bathala. (Apolaki lowers his head in sadness, Mayari follows suit.)

Kailangan na nila ako. Ako ang may karapatan umupo sa trono ni Bathala. (MayariI looks at him in

disbelief.)

MAYARI

Hindi. Hindi iyon ang gusto ni Ama. Ang nais ni Ama ay sabay tayo magaalaga sa mga tao!
APOLAKI

Imposible na parehas tayong mamahala sa isang mundo, sapagkat nag-iisa lang ito, at dalawa tayo.

Hindi tama na dalawang diyos ang uupo sa trono. (Apolaki then walks up to Mayari, pointing his

hand at the earth with its people in it.)

APOLAKI

Kailangan nila ng isang diyos na kaya silang protektahan at ipaglaban. At iyon ay gawaing panlalaki

lamang.

MAYARI

Hindi porket babae ako ay hindi ko kayang gawin ang mga kaya mong gawin. Parehas tayong

pinaghanda nila Pamegat Idianale at Dayang Hanan para sa araw na ito. At ang gusto ni Ama ay

magsama tayong dalawa sa pagmana ng kanyang trono.

APOLAKI

Wala na si Ama. Ako ang tamang tagapagmana ng trono dahil ako ang panganay. Hindi ba tama lang

na ako’y mamahala ng mundo katulad ng pamamalakad ni Ama?

MAYARI

Apolaki, hindi na iyon makatarungan. Ako’y may karapatan din umupo sa trono, sapagkat ito ang

nais ni Ama. (Mayari shouts, clenching her fists. Apolaki stops in his tracks, and chuckles.)

APOLAKI

At sino ka sa tingin mo para mamuno sa mundo? Isa kang babae LAMANG.

NARRATOR

Tuluyan na nag-away ang magkapatid sa kung sino ang karapat dapat na uupo sa trono ni Bathala.

Napuno ng galit si Mayari at pumulot ng dalawang sibat gawa sa kawayan at sumugod patungo kay

Apolaki. Naramdaman ni Apolaki ang mabigat na yapak ng paa ni Mayari at pumulot siya ng isang

mahabang sibat na gawa sa kawayan. Nang mangyari iyon ay parehas silang tumilapon sa lakas ng

puwersa.
MAYARI

Kung ayaw mo ibigay sa akin kung ano ang karapat dapat na akin, wala akong ibang magagawa kundi

sapilitang kunin ito sayo. (Mayari gets into a fighting stance)

Music plays -- (TRACK 6: MARANAO: KAPAGONOR)

(The two hold their weapon of choice in front of them while waiting for the other to make a move.

Apolaki charges at Mayari and strikes. A rapid exchange of blows ensues. The fight slows down, both of

them are heavily breathing. Mayari charges at Apolaki with a battle cry, after a few hits one of Mayari’s

bamboo sticks BREAK. Mayari fails to shield her head, then Apolaki strikes her FACE. Apolaki realizes

what he’s done and drops his wooden club and runs to Mayari)

Music ends --

APOLAKI

Mayari! Mayari! (Apolaki cradles Mayari in his arms, shaking her to wake her up. She slowly opens her

eyes; he sees that one of her eyes is now blind)

APOLAKI

O, Mayari! Hindi ko dapat ginawa iyon. Ako’y humihingi ng tawad, hindi dapat ito nangyari.

MAYARI

Ang nais ko lang naman ay matupad ang hiling ng ating Ama. (Apolaki holds Mayari closer to him)

INT. TENT - EARLY MORNING

(Apolaki waits outside the tent. Inside the tent, Mayari is being checked on by one of the healers of the

tribe, he walks out, looks at Apolaki and nods at him. Apolaki enters the tent, Mayari is on the cot lying

down. Apolaki walks closer… Mayari looks the other way.)

APOLAKI

Mayari, hindi sapat ang mga salita para masabi sayo kung gaano ko ito pinagsisisihan. Hindi ko dapat

inangkin ang trono ni Ama para sa sarili ko… At tama lang na mamuno ka, dahil iyon ang nais ng ating
Ama. Na mamahala tayo sa mga tao ng magkasama. Ako’y may naisip na paraan upang maihati natin

ang responsibilidad na iniwan ni Ama. (Mayari looks up at Apolaki)

MAYARI

Pumapayag ka na hatiin ang responsibilidad ng pamumuno sa mga tao?

APOLAKI

Oo. Napagtanto ko na isang malaking pagkakamali ang pag angkin ng trono para sa sarili ko.

Magkapatid tayo na anak ni Bathala.

MAYARI

Ngunit paano na ako mauupo sa trono ni Ama at mamamahala sa mga tao? Ako’y binulag mo sa isang

mata, marahil hindi ko kayanin maging pinuno sa mga tao.

APOLAKI

Ika’y nagkakamali kung sa tingin mo ay hindi ka akma maging pinuno. Kahit noon pa man ay

nagagawa mong lamangan ako sa lahat ng pinapagawa sa atin na pagsubok. Kaya ako’y nanghihingi

ng tawad. Ako’y may malaking kasalanan sayo. Kaya ikaw ang tunay na karapat dapat na magmamana

ng trono ni Ama. (Mayari weakly reaches out to Apolaki. Apolaki comes closer.)

MAYARI

Huwag kang magsalita ng masasama ukol sa sarili mo. Tayo’y nangako kay Ama na sabay natin

paglilingkuran ang mga tao. Igalang natin ang huling hiling ni Ama para sa atin. Hindi na dapat tayo

mag-away. (Apolaki takes Mayari’s hands. The two share a hug and peace between the siblings has been

achieved. The two exit the tent arm in arm, the townspeople waiting for them outside.)

PAMEGAT IDIANALE

Ayan na sila! (EVERYONE crowds around the two deities. The two look at each other. APOLAKI takes a

deep breath)
APOLAKI

Taumbayan! Kami’y may mabuting balita! (EVERYONE whispers. Mayari removes her arms from

Apolaki and stands next to him.)

MAYARI

Ang huling hiling ni Ama, ni Bathala, ay maging mabuting pinuno kaming dalawa para sa inyo. At

salamat sa pagturo ni Dayang Hanan at pag ensayo sa amin ni Pamegat Idianale, ay handa na kaming

umupo sa trono ni Bathala.

APOLAKI

Ako, si Apolaki, ang Diyos ng Araw at ako ang mamamahala sa lahat ng tao at bagay na nasisilawan

ng araw.

MAYARI

At ako, si Mayari, Diyosa na Buwan, ang mamamahala sa gabi at lahat ng tao at bagay na

nakakaramdam ng ningning ng mga bituin. Gagawin namin ang lahat ng makakaya namin upang

gabayan kayo patungo sa mga tamang desisyion at marelihiyosong buhay.

APOLAKI

Hahatiin namin ng patas ang responsibilidad sa pag gabay sa inyo lahat. Sana ay ipagpatuloy ninyo

ang pagpaniniwala sa aming kakayahan bilang diyos ninyo, upang mapagsilbihan namin kayo ng

tuluyan. (The townspeople cheered on the APOLAKI and MAYARI’s names)

DAYANG HANAN

Tama lang na ipagpatuloy namin ang pagpuri sa inyo, ang mga anak ni Bathala. Nawa’y ipagpatuloy

natin ang pagpuri kay Apolaki at Mayari bilang mga diyos! Mabuhay Apolaki at Mayari! (The

townspeople cheered. The town is happy)

Music plays -- (TRACK 7: DUGSO FOLK MUSIC)

(The whole tribe chants and dances Dugso to celebrate their two deities coming together as one to lead

the tribe) Music ends --

You might also like