0% found this document useful (0 votes)
59 views4 pages

Diagnostic 8

Diagnostic G8
Copyright
© © All Rights Reserved
We take content rights seriously. If you suspect this is your content, claim it here.
Available Formats
Download as DOCX, PDF, TXT or read online on Scribd
0% found this document useful (0 votes)
59 views4 pages

Diagnostic 8

Diagnostic G8
Copyright
© © All Rights Reserved
We take content rights seriously. If you suspect this is your content, claim it here.
Available Formats
Download as DOCX, PDF, TXT or read online on Scribd

TEJERO NATIONAL HIGH SCHOOL

M.J Cuenco Ave., Cebu City

DIAGNOSTIC TEST
ARALING PANLIPUNAN 8

Panuto: Basahin ang mga katanungan, piliin at isulat ang letra na may tamang sagot sa sagutang papel.

1. Anong kontinente ang may pinakamalaking bahagdan ng populasyon at lawak ng kalupaan na


sumasaklaw sa humigit-kumulang na ikatlong bahagi ng kabuuang sukat ng lupa sa buong mundo?
A. Asia B. Australia C. Europe D. North America
2. Ang mga lupain na malapit sa pulo tulad ng Antarctica ay nakararanas ng lubhang kalamigan sa buong
taon. Anong uri ng klima ang tinutukoy nito?
A. Continental B. tropikal C. tuyo D. polar
3. Alin sa sangay ng heograpiya na tumutukoy sa pag-aaral ng mga tao at sa kanilang mga komunidad,
kultura, ekonomiya, at pakikipag-ugnayan sa kapaligiran sa pamamagitan ng pag-aaral ng kanilang relasyon
sa lugar?
A. etniko B. lahi C. heograpiyang pantao D. wika
4. Ano ang uri ng wika kung saan ang kahulugan ng salita at pangungusap ay nagbabago batay sa tono ng
pagbigkas nito?
A. Austronesian B. Cebuano C. non-tonal D. tonal
5. Namumuhay sila nang simple, na umaayon sa isang mahigpit na patakaran o kodigo (code) ng relihiyon
nang walang kuryente o kahit anong de-motor na kagamitan. Alin sa mga sususunod na pangkat-etniko ang
tinutukoy dito?
A. Amish B. Arabs C. Maoris D. Pygmies
6. Anong salita ang nagmula sa salitang Greek na ethnos kung saan pinag-uugnay ng magkakatulad na
kultura, pinagmulan, wika at relihiyon?
A. etniko B. lahi C. nasyonalidad D. wika
7. Anong species na Homo na tuwid na maglakad?
A. Hominid B. Homo erectus C. Homo habilis D. Homo sapiens
8. Nakatulong nang malaki ang metal sa pag-unlad ng __________.
A. Industriya B. Kabuhayan C. Kalakalan D. Pamumuhay
9. Ang itinuring na pinakabanal na ilog sa India dahil sa paniniwalang may kaugnayan ito sa kanilang
Diyosa.
A. Ilog Ganges B. Ilog Huang Ho C. Ilog Indus D. Ilog Nile
10. Ang pagkontrol sa Tigris at Euphrates ay susi sa kaunlaran ng Mesopotamia, aling pahayag ang HINDI
kabilang sa dahilan nito?
A. Madalas tumaas ang tubig-baha at nasisira ang kabahayan nito.
B. Upang mabuhay at binigyang-proteksyon ang kanilang sakahan.
C. Nag-organisa sila at gumagawa ng dike at kanal para sa irigasyon.
D. Kinakailangan nilang kontrolin ang tubig sa Ilog Tigris at Euphrates.
11. Sa sinaunang panahon, mahalaga ang ginampanan ng mga pinuno sa paglutas ng mga suliraning
panlipunan. Sa kasalukuyan, gayundin ang ginawa ng ating mga pinuno sa panahon ngayong lumaganap ang
pandemya. Paano natin matutulungan ang ating gobyerno upang masugpo ang pagkalat ng Covid-19?
A. Sumunod sa batas ayon sa health protocols.
B. Bigyan ng tulong ang mga nangangailangan.
C. Sisihin sila sa kanilang pagkakamali.
D. Gayahin ang mga pinunong hindi marunong sumunod sa batas.
12. Paano bumagsak ang imperyong Mogul?
A. Namatay ang pinuno dahil sa sakit.
B. Sinalakay ito ng mga taga-Gitnang Asya.
1
C. Mahina ang mga pinuno at nag-alsa ang mga mamamayan.
D. Maraming problema ang dumating sa imperyo gaya ng pandemya.
13. Ang mga sumusunod na pahayag tungkol sa Bagong Kaharian sa Egypt ay tama MALIBAN sa_______.
A. Naging pinuno si Reyna Hatshepsut. C. Nasakop ng Imperyong Roman ang Egypt
B. Naitaboy ang ang Hyksos mula sa Egypt. [Link] kasunduang pangkapayapaan ay nilagdaan.
14. Alin sa mga sumusunod na pinuno ng Egypt na pinaniniwalaang pinakamatagal na namuno?
A. Mentuhotep B. Pepi II C. Senusret I D. Thutmose III
15. Ang digmaang Trojan ay ikinuwento sa epikong Iliad at Odyssey. Sino ang may-akda nito?
A. Homer B. Paris C. Pericles D. Socrates
16. Ang kabihasnang Minoan ay nadiskubre ng isang British historian at arkeologo. Sino ang tinutukoy na
siya ring nanguna sa paghuhukay ng Knossos?
A. Arthur Evans B. Chris Evans C. Heinrich Schliemann D. Richard J. Evans
17. Ano ang kahulugan ng Roman numeral na X sa numero?
A. 5 B. 8 C. 9 D. 10
18. Ano ang sistema ng pamahalaan ng Rome?
A. Presidensyal B. Republika C. Komunismo D. Parliamentaryo
19. Nahahati sa tatlong malalaking pangkat ang mga pulo sa Pacific: ang Polynesia, Micronesia at
Melanesia.
Ano ang kahulugan ng Micronesia?
A. nag-iisang isla B. maliit na isla C. maraming isla D. maitim na mga isla
20. Alin sa mga kabihasnan ng America ang umusbong sa pagitan ng 300 C.E. at 700 C.E.?
A. Kabihasnang Aztec B. Kabihasnang Inca C. Kabihasnang Maya D. Kabihasnang Olmec
21. Ito ay yari sa matatalim at itim na bato at matalas na salaming nagmula sa mga Aztec.
A. Chinampas B. Obsidian C. Palamuti D. Pyramid
[Link] sa mga sumusunod ang HINDI kabilang sa mga ambag ng kabihasnang Maya?
A. Chinampas B. Konsepto ng zero C. Pok-ta-pok D. Sistema ng pagsusulat
23. Si ______________ ang itinuturing na isa sa pinakamahusay na hari sa Panahong Medieval.
Pinamunuan niya ang “Holy Roman Empire” na sinasabing muling bumuhay sa Imperyong Romano.
A. Charles the Great B. Cyrus the Great C. Pepin the Short D. Darius the Great
24. Ito ang pinakamahalagang anyo ng kayamanan sa Europe.
A. Ginto B. Lupa C. Palamuti D. Pilak
25. Ito ay isang pag-aaral sa mga pangunahing uri ng kaalaman, katotohanan, buhay, halaga,
pangangatwiran, isip, at wika. Ang mga nasabing katanungan ay madalas na isinasaalang-alang bilang mga
problema na pinag-aralan o nilutas.
A. biholohiya B. pilosopiya C. politika D. sikolohiya
26. Ano ang ibig sabihin ng pilosopo?
A. Nag-aaral sa mga nabubuhay na organismo.
B. Nananaliksik tungkol sa mga pangyayari sa mundo.
C. Nangingilatis ng mga bagay-bagay at pinag-aaralan ang pinakamalalim na katanungan na maaaring
itanong ng sangkatauhan.
D. Pag-aaral kung paano gamitin ang mga limitadong pinagkukunang- yamanupang maipamahagi sa mga
tao para sa kasalukuyan at hinaharap.
27. Ang mga sumusunod na pahayag tungkol sa buhay at kaisipan ni St. Anselm ay Tama MALIBAN sa
___.
A. Isang Italyano at kinilala bilang Ama ng Scholasticism.
B. Dapat itakwil ang kamunduhan at manalig sa Maykapal.
C. Naging opisyal ng simbahan na humawak sa tanggapan ng Arsobispo ng Canterbury.
D. Unang nagmungkahi sa pilosopiyang ontological na argumento, isang argumento na may Diyos.

2
28. Alin sa mga sumusunod ang HINDI kabilang sa mga obra ni Leonardo Da Vinci?
A. Last Supper B. Madonna and the Child C. Mona Lisa D. Pieta
29. Sino ang may-akda ng “The Prince?”
A. Desiderius Erasmus B. Laura Cereta C. Niccolo Machiavelli D. William Shakespeare
30. Anong pamilya ang namayagpag at kinilala bilang mga duke ng Tuscany sa Florence, Italy?
A. Da Vinci Family B. Fugger Family C. Medicci Family D. Petrarch Family
31. Ano ang naging pangunahing pananaw ng mga tao sa buhay sa panahon ng Renaissance?
A. Ang pagpapahalaga sa sariling kasiyahan ay isang kasalanan.
B. Mahalaga na magkaroon ang tao ng tiwala sa sariling kakayahan.
C. Ang kasalukuyang buhay ay paghahanda para sa kabilang buhay.
D. Hindi maghahatid ng kasiyahan sa tao ang mga materyal na bagay.
32. Ano ang uri ng pamahalaan na kung saan pinamumunuan ng hari o reyna?
A. Komunista B. Monarkiya C. Oligarkiya D. Parliyamentaryo
[Link] kahulugan ng salitang ito ay pagsilang o rebirth.
A. kadiliman B. kaliwanagan C. pagkamatay D. pagsilang
34. Anong karagatan ang nangunguna sa rutang kalakalang internasyonal noong nagsimula ang
Renaissance?
A. Baltic Sea B. Black Sea C. Mediterranean Sea D. Red Sea
35. Anong larangan ng komersyo ang lumago sa Europe na nagsimula sa ikaapat na Krusada?
A. daungan B. kalakalan C. pagbabangko D. pagmamanupaktura
36. Anong uri ng pamahalaan kung saan ang kapangyarihang pampolitika ay karaniwang nakasalalay sa
isang maliit na pangkat ng mga piniling tao mula sa isang bahagi ng lipunan?
A. Demokrasya B. Monarkiya C. Oligarkiya D. Parliyamentaryo
37. Alin sa mga sumusunod na pangalan ang HINDI kabilang sa pangkat ng manunulat?
A. Dante Alighieri B. Leonardo Da Vinci C. Thomas More D. Veronica Franco
38. Anong lugar ang nagkontrol sa daloy ng mga mamahaling kalakal at pampalasa sa pagitan ng Asya at
Europa?
A. Athens B. Florence C. Rome D. Venice
39. Sino ang tinaguriang “Ama ng Humanismo” na sumulat sa tulang Sonnet to Laura?
A. Francisco Petrarch C. Giovanni Boccacio
B. Michaelangelo Bounarroti D. Raphael Santi
40. Alin sa mga sumusunod ang naging sentro ng pag-aaral sa Renaissance?
A. aklatan B. kalakalan C. paaralan D. simbahan
41. Ang mga sumusunod na pahayag tungkol sa institusyong pang-ekonomiya sa panahon ng Renaissance
ay tama MALIBAN sa.
A. Nagsimula ang industriyang pagbabangko.
B. Naging matatag ang pananakop dahil sa kalakalan.
C. Ang mga daungan ang naging daan tungo sa kalakalang internasyonal.
D. May mga manggagawa na hindi kasapi sa samahan o guild na umaasa pa rin sa mga may-ari.
42. Ang mga sumusunod na pangyayari ay naganap noong Unang Digmaang Pandaigdig, alin dito ang
HINDI nabibilang?
A. Pagbuo ng Triple Alliance at Triple Entente.
B. Pagpapalakas ng hukbong militar ng mga bansa.
C. Pagtatag ng Samahan ng mga Nagkakaisang Bansa.
D. Pagkakaroon ng diwang nasyonalismo ng mga kolonyang bansa.
43. Ang digmaan ay nagdudulot ng teribleng pagkawala ng buhay at ari-arian. Nagdulot ito ng hinagpis at
lungkot sa milyun-milyong mga nakaligtas, kabilang ang mga naulila ng digmaan at [Link]
magpapatuloy ang digmaan, ano kaya ang mangyayari sa mundo?
A. Lalaganap ang kultura ng mga makapangyarihang bansa.
3
B. Mawawasak na ang daigdig dahil sa mga nakakamamatay na sandata.
C. Mangingibabaw ang mga makakapangyarihan bansa laban sa mahihina.
D. Marami ang mga mamamatay na halaman hayop, tao at maaring hindi na matitirhan ang mundo.
44. Si Benito Mussolini ay isang tanyag na diktador na nagtatag ng ideolohiya kung saan itinuturing na mas
mahalaga ang kapakanan ng pamahalaan kaysa mamamayan. Anong ideolohiya ang tinutukoy dito?
A. Capitalism B. Fascism C. Nazism D. Militarism
45. Itinatag ng Japan ang Greater East Asia Co-Prosperity Sphere na naghahangad na makamit ang
dominasyon ng kapangyarihan sa buong Asya. Sinong emperador ang namuno sa mga Hapones sa pagsakop
ng ilang bahagi o probinsya ng China?
A. Hirohito B. Matsoka C. Michiyasu D. Togo
46. Sino ang Pangulo ng United States na isa sa mga pinuno ng Big Three?
A. Abraham Lincoln B. Franklin D. Roosevelt C. Josef Stalin D. Winston Churchill
47. Ang pangkat ng mga tauhang pampangasiwaan ng U.N. na nagpapatupad sa mga gawaing pang-araw-
araw. Anong sangay ito ng United Nations?
A. International Court of Justice B. General Assembly C. Secretariat D. Security Council
48. Anong ideolohiya ang nakasentro sa mga patakarang pang-ekonomiya at paraan ng paghahati ng mga
kayamanan para sa mamamayan?
A. Pampulitika B. Pangkabuhayan C. Panlipunan D. Panseguridad
49. Alin sa mga sumusunod na pangalan ang nagtaguyod ng Konserbatibong ideolohiya?
A. Adolf Hitler B. Benito Mussolino C. Joseph Stalin D. Margaret Thatcher
50. Anong sistemang pang-ekonomiya kung saan ang mga pribadong indibidwal ang nagmamay-ari ng mga
negosyo o kalakal?
A. Kapitalismo B. Komunismo C. Liberalismo D. Pasismo

You might also like