Republic of the Philippines
Department of Education
Region IV-A CALABARZON
CITY SCHOOLS DIVISION OFFICE OF ANTIPOLO
SAN ROQUE NATIONAL HIGH SCHOOL
CATCH UP PLAN FOR READING INTERVENTION
Paaralan SAN ROQUE NHS Baitang 8
MATATAG K
to10 Kurikulum Pangalan ng Guro MGA GURO SA Asignatura FILIPINO
FILIPINO 8
Petsa at Oras ng BIYERNES, FEB. Markahan IKATLO
Pagtuturo 16. 2023
I. PAKSA/NILALAMAN
II. KASANAYAN SA PAGBASA
Mga Layunin
III. KAGAMITANG PANTURO
A. Materyal sa Pagbasa Alamat
B. Sanggunian https://www.youtube.com/watch?v=bXekfNL2CH0
http://buribooks.com
IV. MGA PAMAMARAAN
Bahagi Oras/Minuto Mga Gawain
A. GAWAIN BAGO Ipasagawa ang sumusunod na gawain.
BUMASA 40 MINUTO
GAWAIN SA PAGKATUTO BLG. 1: Pagganyak
PANUTO: Itala ang mga salitang maaaring maiugnay
sa larawan sa ibaba.
Inaasahang sagot:
1. Gintong aral
2. Matatag
3. Malakas
4. Maaasahan
5. Payo at iba pang maaaring maiugnay sa lola
Sasabihin ng guro: Isang nakamamanghang
katangian ng isang lola/babae ang mga nabanggit
ninyo. Bagamat hindi lang lola o nakatatanda ang
maaaring makagawa nito ay maaari rin nating
kapulutan ng aral ito na magagamit natin sa mga
pangyayari sa tunay na buhay. Bilang pagpapahalaga
sa mga magagandang katangian nila subukin pa natin
mas palawakin ang kaalaman natin tungkol sa kanila
sa susunod na gawain.
GAWAIN SA PAGKATUTO BLG 2: Pag-alis ng
Sagabal
PANUTO: Magbigay ng isang (1) katangian ng isang
lola. Pagkatapos, ipaliwanag kung paano mo ito
magagamit sa tunay na buhay.
Katangian ng isang lola
______________________________
Inaasahang sagot:
Halimbawa:
Mapagmahal- magagamit ko ito sa lahat ng
pagkakataon dahil sa malupit na mundo at hindi patas
kailangan pa rin nating magmahal at magpatawad.
Sasabihin ng guro: Talaga namang hindi
maipagkakaila ang mga katangiang ipinamamalas ng
ating mga lola sa nagdaang henerasyon. Ang kanilang
natatanging lakas, talion, diskarte, aral at mga
kaugaliang patuloy na umiigting at ipinapasa sa bawat
henerasyon. Ngayon naman, subukin nating mas
palalilimin pa ang pagkilala natin sa kanila sa
pamamagitan ng pagsagot sa susunod na gawain.
GAWAIN SA PAGKATUTO BLG. 3: Susing salita/
Mahalagang konsepto
PANUTO: Magbigay ng paglalarawan na
sumisimbolo sa katangian ng isang lola sa
bawat bahagi ng katawan. Piliin sa loob ng
kahon ang letra ng tamang sagot.
(Hal. Kamay- pagiging maalaga)
1. Buhok
2. Mata
3. Puso
4. Bisig
5. Paa
Susing sagot:
1. E
2. D
3. C
4. B
5. A
Sasabihin ng guro: Napakahusay ng inyong
ginawang pag-uugnay sa katangiang taglay ng isang
lola sa bahagi ng katawan. Napakaraming
pambihirang katangian na maaari nating magamit sa
tunay na buhay lalo na sa panahong susubukin tayo
ng pagkakataon. Ngayon naman, ating basahin ang
isang kuwentong pinamagatang “Ang Pambihirang
Buhok ni Lola.
B. GAWAIN HABANG Ipagawa ang sumusunod habang binabasa ang
BINABASA 40 minuto napiling akda/teksto. (Ang Pambihirang Buhok ni
Lola)
GAWAIN SA PAGKATUTO BLG. 4: Pag-unawa sa
Nilalaman
PANUTO: Sagutin ang mga tanong.
1. Sino ang madalas mag-ayos ng buhok ni
lola?
2. Ano-ano ang katangian ng buhok ni lola?
3. Bakit maraming humahanga sa taglay na
katangian ng buhok ni lola?
4. Paano nakatulong sa bagyo ang buhok ni
lola?
5. Sa iyong palagay, bakit ikinumpara ang
buhok ni lola sa mga kababaihan?
GAWAIN SA PAGKATUTO BLG. 5: Paglinang sa
Kasanayan
Hatiin ang klase sa DALAWANG PANGKAT.
Pumili ng lider na magiging tagapagdaloy ng
usapan.
UNANG PANGKAT
PANUTO: Gamit ang grapikong presentasyon
MAIN/DETAILS CHART, isa-isahin ang mga pangyayari
sa sa binasang kuwento at iugnay sa pangyayari sa
tunay na buhay.
Inaasahang sagot:
Halimbawa
Pangyayari- “Pambihira rin ang tibay at kapal ng
buhok niya. Mula pagkabata, walang naputol o
nalagas kahit isang hibla. Bawat hiblang tumubo,
humahaba nang walang hinto. Masabit man sa
sampayan. Maipit man sa mga kawayan. Kahit pa
madilaan ng apoy sa kalan. Buhok ni Lola’y sadyang
matibay. Kaya ang paglago nito’y walang humpay”
Pangyayari sa tunay na buhay- Tayo ay
makararanas ng pagsubok at pagkadapa sa buhay,
ngunit gaya ni lola dapat tayo’y maging matibay sa
lahat ng pagkakataon. Manalig sa Maykapal. Sa
pagsubok maaari rin tayong umunlad.
IKALAWANG PANGKAT
GAWAIN SA PAGKATUTO BLG. 6: Pagpapalalim
ng Kasanayan
PANUTO: Tukuyin ang angkop na
kahulugan ng salitang may salungguhit
batay sa pagkakagamit nito sa
pangungusap. Piliin sa loob ng kahon ang
tamang sagot.
1.____ Ang kapal ng kaniyang buhok.
2. ____ Ang kapal ng kaniyang mukha.
3. ____ Maitim ang kaniyang hangarin sa
paglapit niya sa iyo.
4. ____ Ang buhok ni Lola ay maitim pa
rin kahit pa siya’y matanda na.
5. ____ Sasabunutan ang bukid, tumana,
latian at gubat hanggang sa ito ay
makalbo.
6. ____ Ang isang babae sa daan ay
akmang sasabunutan ang kaniyang
kaaway.
7. ____ Natitiyak nilang hindi magtatagal,
dadakutin ng bagyo ang bawat kubo.
8. ____ Dadakutin na sana ng magwawalis
ang kalat nang bigla itong hinangin
papalayo
9. ____ Ang kababaihan ay matibay sa
pagharap sa kahit anong problema lalo
kung panahon ng krisis.
10. ____ matibay ang pagkakadikit ni
tatay sa natuklap na sapatos ni bunso.
Susing sagot:
1. Malago
2. Walang hiya
3. Masama
4. Uri ng kulay
5. Sisirain
6. Hihilain ang buhok
7. Lalamunin
8. Dadamputin
9. Matatag
10. Makapit
Sasabihin ng guro: Hindi maikakaila
ang nakabibighaning katangian ng isang
babae. Hindi lang panlabas o pisikal na
katangian ang nagpapabukod tangi sa
knila maging ang panloob na katangian
na siyang nagiging lunduyan ng
maraming henerasyon. Maraming kayang
gawin at talagang maasahan sa lahat ng
pagkakataon lalo na sa oras ng pagsubok.
Ngayon naman ay sagutin natin ang
susunod na gawain.
Ipagawa ang sumusunod PAGKATAPOS
C. GAWAIN 20 MINUTO MAGBASA.
PAGKATAPOS GAWAIN SA PAGKATUTO BLG. 7: Paglalahat
BUMASA PANUTO: Gamit ang teknik na 3-2-1, ipagawa ang
paglalahat.
3 2 1
Salita na Bagay/ Tanong na
naunawaan Pangyayari na nais mo
sa binasa nagging kawili- pang
wili habang malaman
binabasa ang
akda/teksto
1. 1. 1.
2.
2.
3.
GAWAIN SA PAGKATUTO BLG. 8: Paglikha
PANUTO: Bumuo ng mahalagang kaisipan kung
paano maisasabuhay ang mga aral o natutuhan sa
kuwentong binasa. Isulat sa iyong dyornal.
Sasabihin ng guro: Nawa’y maging makabuluhan
ang araw na ito sa paggunita sa natatanging
katangian ng mga kababaihan. Magamit sana ito sa
mga pagkakataong tayo’y sinusubok tayo ng tadhana.
Inihanda ni: Sinuri ni:
MA. LUISA B. ESPLANA MA. TERESA P. BARCELO
Susing guro 8 Dalubguro I
ANG PAMBIHIRANG BUHOK NI LOLA
Kuwento ni: Rene Villanueva
Kilala sa kasaysayan ang pambihirang katangian ng mga babaeng Filipino. Marami sa kanila ang
tinitingala bilang bayani, kabilang sina Gabriela Silang, Tandang Sora, Gregoria de Jesus, Teodora Alonzo,
at marami pa.
Ano kaya ang dahilan ng pambihirang katangian ng mga babaeng ito? Dahil kaya sa hanging
nilalanghap nila? O sa sinag ng araw na nagbigay sa kanila ng kayumangging kulay? Dahil kaya sa tubig
na kanilang iniinom?
Ikukuwento ko ngayon sa inyo ang tunay na dahilan kung bakit matatag ang mga Pinay kahit mula
pa noong araw…
Lahat sila’y apo ng isang ninuno na walang nakatatanda kung ano ang pangalan. Lola lang ang
tawag sa kaniya ng lahat. Lola siya ng mga tagailog. Lola din siya ng mga tagabukid at tagabundok. Lola
siya ng bayan.
Pambihira sa lahat ang buhok ni Lola. Kapag nakalugay, ang haba raw ay isang kilometro.
Pero walang makatiyak. Mga onda-onda kasi ang buhok niya kaya ilatag man sa pinakamahabang kalye sa
baryo, di pa rin masukat nang husto.
Pambihira rin ang tibay at kapal ng buhok niya. Mula pagkabata, walang naputol o nalagas kahit
isang hibla. Bawat hiblang tumubo, humahaba nang walang hinto. Masabit man sa sampayan. Maipit man
sa mga kawayan. Kahit pa madilaan ng apoy sa kalan. Buhok ni Lola’y sadyang matibay. Kaya ang paglago
nito’y walang humpay.
Isang buong araw ang kailangan para linisin sa gugo ang buhok niya. Para matuyo, kailangang
pahanginan sa loob ng isang linggo. Hindi iyon problema kay Lola.
Kahit buhok niya’y ginugugo o pinatutuyo, kaya ni Lolang maglaba, magluto, o magkopra. Kaya rin
niyang maghilot ng may pilay o magpaanak habang buhok niya’y inaalisan ng kuto o sinusuklay.
Kahit sandaan at lima ang edad ni Lola, itim pa rin ang buhok niya. Wala siya ni isang kulay abong
hibla.
Lahat ng dalubhasang sumiyasat sa buhok ni Lola ay humanga.
“Buhok po ninyo ay likas na kamangha-mangha!” sabi ng doktor na henyong kalbo.
“Nasa langis ng niyong ang sekreto,” sabi ni Lolo.
“Nasa kata ng dayap na pinahinugan,” sabi ng nanay ko.
Bulong ng iba, “Nasa lambanog siguro.”
Gusto ni Lola, nakatirintas abg buhok. Inaabot ng tatlong linggo ang pagtirintas. Toka-toka lahat
ang kaniyang anak, manugang, at mga apo. Madalas, katulong ang buong baryo.
Estrikto si Lola sa tirintas niya. Ayaw niya nang mahigpit. Ayaw niyang siya’y naniningkit sa pagkabanat ng
kaniyang anit. Ayaw din ni Lola ng tirintas na maluwang. Ayaw niyang may mga hiblang nakabuhaghag.
Bawat salisihan ng buhok, gusto niya’y eksakto ang sukat. Apat na daliri walang labis, walang kulang.
Bawat isang metro ng tirintas, nakatali sa mga sigay na kuwintas. Sa pagitan, may mga kabibe,
sampagita, ilang-ilang, kiping, at palara. Ilang pilyong apo ang nagsasabit din ng sanicolas, galyetas, at
balutan ng pastilyas.
Buhok ni Lola ang lagging pinag-uusapan, lalo kung may pagdriwang sa baryo. Tirintas niya kasi’y
mas mahaba sa alinmang prusisyon. Mas marami ang hibla ng buhok niya sa boto ng kahit sinong
tumakbo sa eleksiyon.
Kung pista, nakapusod si Lola. Posturang-postura. May kamagong na paynetang nakasuksok sa
harapan ng buhok na ipinusod. Parang korona ng reyna.
Isang araw, kumalat ang balita. Suson-susong bagyo ang tatama sa baryo. Pinaghahanda nang
mabuti ang lahat.
Parang isang taong kumilos ang buong baryo. Kinapalan at hinigpitan ang mga pawid na bubong.
Bawat gilid ng bahay ay sinuhayan ng pinakamatabang kawayan. Bawat pamilya’y nag-imbak ng asin,
bigas, tinapa, at langis. Bawat tahanan ay humanda sa siyam-siyam na pagsama ng panahon.
Nang magsimulang humagunot ang hangin at ulan, bawat pamilya’y nagyakap-yakap na lamang
habang nag-iiyakan. Natitiyak nilang hindi magtatagal, dadakutin ng bagyo ang bawat kubo. Lahat ng
puno’y mabubunot isa-isa. Sasabuutan ang bukid, tumana, latian, at gubat hanggang sa makalbo.
Pero hindi nawalan ng loob si Lola. Kahit umuungol ang hangin at ulan, ipinatali niya sa kaniyang
buhok ang bawat bahay sa baryo. Pati munisipyo at kapilya. Pati talipapa at sabungan.
Pinatayantang ng hangin ang maraming hibla ng buhok ni Lola. Tila galit nag alit sa naisip niya.
Pero ai Lola’y parang natuwa pa. Sa mga hiwa-hiwalay hibla niya nakatali ang mga kalabaw, baboy,
kambing at iba pa.
Sa loob ng anim na buwan, labinlimang bagyo ang sunod-sunod na nagdaan. Ilang araw lang ang
pagitan ng bawat isa. Sapat na panahon lang para mahigpitan ang pagkakatali ng lahat sa buhok ni Lola.
Hindi ko na inabutan si Lola. Pero alam kong totoo ang mga alamat, tula, at awit tungkol sa kaniya
at sa kaniyang pambihirang buhok.
Pansinin niyo na lamang ang inyong mga lola, nanay, tiya, ate, mga pinsan, mga pamangkin at
kapatid na babae. Pag-aralan ninyo kung gaano sila katibay sa harap ng kahit anong problema. Lalo kung
panahon ng krisis. May mga nagsasabi ngang “Ang mga Pinay ang mga tunay na lalaki sa ating bayan.”