ROWING MINDS TUTORIAL CENTER
Unang Lagumang Pagsusulit sa Araling Panlipunan 7-KKCA
Name:
Direksiyon: Basahin at unawain ang bawat tanong. Bilugan ang letra ng tamang
sagot.
1. Alin ang pinakamalaking epekto ng kawalan ng pagpapahalaga ng tao sa kanyang
kapaligiran?
a pagkakaroon ng pandemya
b. pagkakaroon ng climate change
c. pagkakaroon ng hindi pagkakaunawaan ng mga bansa
d. pagkakaroon ng mga malawakang protesta sa iba't ibang bansa
2. Alin ang pinaka-akmang ugnayan ng tao at ng kapaligiran?
a. abusive relationship c. reciprocal relationship
b. parasitic relationship d. unequal relationship
3. Alin ang nagpapakita ng pagpapahalaga ng mga taga-Timog-Silangang Asya sa kanyang
kapaligiran?
a. pagpuputol ng puno
b. paghuhukay ng mina
c. pagsasagawa ng ritwal sa ilog
d. pag-aani ng mga bunga mula sa pananim
4. Paano maiibsan ang epekto ng climate change sa Asya?
a. Magkaisa at magtulong-tulong ang lahat ng mga bansa sa buong daigdig.
b. Magtulong-tulong ang mga Asyano sa paglutas ng suliranin sa climate change.
c. Magtulong-tulong ang mga Pilipino sa pagharap at paglutas sa mga epekto ng climate
change.
d. Magkanya-kanya ang mga bansa sa Asya at bigyang-solusyon ang problemang kanilang
kinahaharap sa kasalukuyan.
5. Paano nakaaapekto ang klima sa vegetation cover ng isang rehiyon?
a Mas malago ang vegetation cover sa mga lugar na may klimang polar.
b. Mas mababa ang vegetation cover sa mga lugar na may klimang polar.
C. Mas madalang ang vegetation cover sa mga lugar na may klimang tropikal.
d. Mas mahaba ang vegetation cover sa mga lugar na may klimang tropikal.
6. Paano nakaaapekto sa klima ang mga anyong lupa tulad ng kabundukan ng Sierra Madre
sa kalupaan ng Luzon?
a. Pinahihina ng Sierra Madre ang bagyo na tatama sa kalupaan ng Luzon.
b. Pinalalakas ng Sierra Madre ang mga bagyo na tatama sa kalupaan ng Luzon.
c. Pinalalayo ng Sierra Madre ang mga bagyo na tatama sa kalupaan ng Luzon.
d. Pinararami ng Sierra Madre ang mga bagyo na bumabagtas at tumatama sa kalupaan ng
Luzon.
7. Bakit tinatawag na Ring of Fire ang malaking bahagi ng Timog-Silangang Asya?
a. dahil sa maraming sunog sa kagubatan ng Asya
b. dahil sa maraming aktibong bulkan na matatagpuan sa Asya
C. dahil sa paniniwala ng mga Asyano na suwerte ang dala ng dragon ng Ring of Fire
d. dahil sa pagiging komunista ng ilang bansa na kabilang sa Asya
8. Bakit mayabong ang kagubatan sa mga lugar na may klimang tropikal?
a. dahil sa kakaunting sinag ng araw at tubig-ulan ang natatanggap ng mga lugar dito
b. dahil sa sobrang init at tindi ng sikat ng araw na natatanggap ng mga lugar dito
C dahil sa malamig na panahon at sobrang dami ng tubig-ulan ng mga lugar dito
d. dahil sa tamang sinag ng araw at masaganang tubig-ulan na natatanggap ng mga lugar dito
9.Pilin ang mayroon sa mga bansang gumagawa ng (finished products/? mga tapos na
produkto
a. kultura b. likas na yaman c. teknolohiya d. utang
10. Allin ang huwarang modelo ng agrikultura at paggawa para sa isang ang bansa?
a.Ito ang may hilaw na materyales at gumagawa ng produkto
b. Umaangkat ito ng hilaw na materyales at umaangkat din ng tapos na produkto
c. Ito ay may hilaw na materyales at iba naman ang gumagawa ng tapos na produkto.
d. Umaangkat to ng mga hilaw na materyales at gumagawa rin ng tapos na produkto
11. Paano nakakamit ang ecological balance sa isang kapaligiran?
a. Inaabuso ng tao ang kapaligiran.
b. Inaalagaan ng tao ang kapaligiran.
c. Hindi pinahahalagahan ng tao ang kapaligiran.
d. Nilillisan ng tao ang kapaligiran kapag ubos na ang biyayang dulot nito
12. Alin sa sumusunod ang sumisira sa ecological balance sa isang bukirin?
a. Binubungkal ang lupa.
b. Nagsasaboy ng punla sa binungkal na lupa
c. Tinatayuan ng mga bahay ang lupang sakahan.
d. Pinoprotektahan ang mga pananim mula sa mga peste
13. Bakit nalalason ang mga isda at iba pang yamang tubig?
a. dahil sa kakulangan sa pagkain
b. dahil sa sobrang lamig na klima
c. dahil sa labis na populasyon ng mga ito sa katubigan
d. dahil sa mga kemikal na itinatapon sa katubigan
14. Alin ang pangunahing dahilan kung bakit nagaganap ang greenhouse effect sa ating
mundo?
a. pagkaubos ng mga punongkahoy
b. pagpigil sa paglaki ng populasyon
c. pagkamatay ng maraming uri ng hayop
d. pagkatuyo ng maraming anyong tubig sa maraming lugar
15. Alin ang yamang dulot ng kagubatang tropikal sa Timog-Silangang Asya?
a. isda at perlas b. langis at ginto
c. punongkahoy at hayop d. sinaunang banga at palayok
16. Alin ang pangunahing pinagkukunan ng pagkain ng mga taga-Timog- Silangang Asya?
a. disyerto b. kagubatan c. lupang agricultural d. karagatan
17. Aling mga bansa ang tinatayang pinakamauunlad?
a. mga bansang mabilis ang paglago ng populasyon
b. mga bansang mabagal ang paglago ng populasyon
c. mga bansang mas marami ang matatandang populasyon
D. mga bansang mas marami ang nakababatang populasyon.
18. Aling mga bansa ang tinatayang pinakamahihirap?
a. mga bansang mataas ang migrasyon
d. mga bansang mas marami ang nakababatang populasyon
b. mga bansang mababa ang migrasyon
c. mga bansang mas marami ang kalalakihan
d. mga bansang mas marami ang kababaihan
19. Bakit mahalaga na ang mga mamamayan ng isang bansa ay may hanapbuhay?
a. Nakatutulong sila sa paglago ng turismo.
b. Nakababawas sila sa paglago ng populasyon.
c. Nakadaragdag sila sa mga gastusin ng pamahalaan.
d. Nakatutulong sila sa pamamagitan ng pagbabayad ng buwis.
20. Bakit mahalaga sa isang bansa ang mataas na porsiyento ng mga nagsisipagtapos ng pag-
aaral?
a. Bumibilis ang paglago ng populasyon.
b. Dumarami ang mga nangingibang-bansa.
c. Mas marami ang nagiging produktibong mamamayan.
d. Nadaragdagan ang binibigyan ng ayuda ng pamahalaan.
21. Paano nakaaapekto ang maraming matandang populasyon sa isang bansa?
a. Mas marami ang mabibigyan ng hanapbuhay.
b. Mas lalaki ang makokolektang buwis ng pamahalaan.
c. Mas malaki ang gugugulin para sa pensiyon ng matatanda.
d. Mas magiging mapanganib ang mga lansangan dahil sa krimen.
22. Alin ang may pinakamahalagang implikasyon sa kalagayang panlipunan ng isang bansa?
a. bahagdan ng marunong bumasa at sumulat
b. bilis ng paglaki ng populasyon
c. komposisyon ayon sa gulang
d. uri ng hanapbuhay
23. Bakit mahalaga ang papel ng batang populasyon sa isang bansa?
a. Sila ay nag-aaral.
b. Sila ay pinagagamot.
C. Sila ay ginagastusan.
d. Sila ay naghahanapbuhay.
24. Alin ang pinakaakmang kaugalian ng isang Asyano tungkol sa kanyang kinabibilangang
pangkat etnolingguwistiko?
a. Itinatanggi niya ang kanyang sariling pangkat.
b. Tinutuligsa niya ang kanyang sariling pangkat.
c. Kinukunsinti niya ang kanyang sariling pangkat.
d. Pinagmamalaki niya ang kanyang sariling pangkat.
25. Bakit mahalaga sa isang grupong etnolingguwistiko ang pagsusulat ng kanilang
kasaysayan?
a. Nakatutulong ito para makapanakop ng ibang teritoryo.
b. Nakatutulong ito upang mabuo ang pagkakakilanlan ng mga kasapi.
C. Nakatutulong ito upang magkaroon ng pananampalataya ang mga kasapi.
d. Nakatutulong ito para maging malakas ang puwersa ng pagtatanggol sa kanilang teritoryo.
26. Aling pangkat etnolingguwistiko napabibilang ang mga Pilipino?
a. Austronesian b. Sumerian C. Turk d. Ural-Altaic
27. Alin ang resulta kapag hindi naimpluwensiyahan ng sinumang dayuhan ang isang
pangkat etnolingguwistiko?
a. Maraming pagbabago ang nagaganap.
b. Nagiging makasarili ang mga kasapi ng pangkat.
c. Napananatili ang kultura at tradisyon na kinagisnan.
d. Nakararamdam ang mga kasapi ng pagkainggit sa ibang pangkat.
28. Aling pangkat etnolingguwistiko ang matatagpuan sa Silangang Asya?
a. Austro-Asiatic b. Dravidian c.Korean d. Persian
29. Bakit mahalaga ang pagkakaroon ng isang pambansang wika?
a. Isa itong paraan tungo sa pagkakaisa ng mga mamamayan.
b. Isa itong paraan para mas madali ang paggawa ng mga batas.
c. Isa itong paraan upang makapaglimbag ng maraming aklat ang mga publikasyon.
d. Isa itong paraan upang mapuksa ang suliranin sa korapsiyon ng mga opisyal sa
pamahalaan.
30. Alin ang itinuturing na puso ng isang kultura?
a. kagamitan b. pananamit c. ritwal d. wika
31. Anong uri ng kabuhayan ang karaniwang umuusbong sa mga lugar na malapit sa lambak-
ilog?
a. agricultural b. pagpapastol c. pagtotroso d. pagmimina
32. Alin ang naging epekto ng mayayamang kagubatan sa Timog- Silangang Asya?
a. Naging pangunahing hanapbuhay ng mga tagarito ang pagtotroso.
b. Naging pangunahing pagkain ng mga tagarito ang isda.
C. Gawa sa bato ang karaniwang panahanan sa rehiyong ito.
d. Nasanay ang mga naninirahan dito sa malamig at mayelong kapaligiran
33. Alin sa sumusunod ang nagbubuklod-buklod sa mga bansang kabilang sa Timog-
Silangang Asya?
a. Ang klima rito ay binubuo ng apat na panahon.
b. Ang rehiyong ito ay itinuturing na maliit na kontinente.
c. Ang rehiyong ito ay karaniwang disyerto.
d. Pangkabuhayang agrikultural ang kinagisnan ng mga naninirahan dito.
34. Bakit mahalaga na pag-aralan ang pisikal na heograpiya ng Timog- Silangang Asya?
a. upang ipakita ang maraming pagkakaiba-iba ng mga kultura
b. upang magkaroon ng sapat na kaalaman at maipagmalaki ito nating mga Asyano
C. upang mapagtuunan ang pagkakatulad-tulad ng mga bansang kabilang sa rehiyon at
makita ang mga nag-uugnay sa kanila
d. upang mapatunayan na ang Timog-Silangang Asya ay angat sa ibang rehiyon sa Asya
35. Alin sa sumusunod ang hindi nagpapakita ng epekto ng pisikal na heograpiya sa rehiyong
Timog-Silangang Asya?
a. ang mga gawaing pang-ekonomiya ng mga tagarito
b. ang kaugalian at kultura ng mga tagarito
c. ang hitsura ng mga taong naninirahan dito
d. ang mga likhang sining at teknolohiya rito
36 Alin ang tumutukoy sa produkto na may mababang halaga sa merkado?
a. hilaw na materyales B. tapos na produkto C bulok na materyales
37. Alin sa sumusunod ang bansang may mas malaking kita?
a. bansang nagbebenta ng mga hilaw na materyales
b. bansang gumagawa ng tapos na produkto
c. bansang umaangkat ng mga hilaw na materyales
38. Bakit maliit lamang ang pakinabang ng bansang nagbebenta ng hilaw na materyales?
a. Binibili ang produkto nila sa mataas na presyo.
b. Sila rin mismo ang gumagawa ng tapos na produkto.
c. Binibili ang produkto nila sa mababang presyo.
39. Alin ang huwarang modelo ng agrikultura at paggawa para sa isang bansa?
a. Ikaw ang may hilaw na materyales at iba ang gumagawa ng tapos na produkto.
b. Inaangkat mo ang hilaw na materyales at inaangkat din ang tapos na produkto.
C. Ikaw ang may hilaw na materyales at ikaw rin ang gumagawa ng produkto
40. Alin ang pinakaangkop na kaisipan ukol sa pagkakaroon ng relihiyon?
a. Ang relihiyon ang susi upang makamit ang kayamanan at kapangyarihan
b. Ang relihiyon ay isang tradisyon na nagmula pa sa mga sinaunang kabihasnan.
C. Ang relihiyon ay pagkilala ng tao sa kapangyarihang nakapaghahari sa lahat ng bagay.
d. Ang relihiyon ay ang puno't dulo ng kaguluhan at hindi pagkakaunawaan sa daigdig.
41. Aling aklat ang tumatalakay sa buhay ni Hesukristo?
a. Bagong Tipan b. Koran c. Lumang Tipan d. Torah
42. Alin ang pinakamalaking himala ni Hesus na naging batayan ng pananampalataya ng
kanyang mga alagad?
a. ang pagpaparami ng isda at tinapay na ipinakain sa limang libong tao
b. ang pagpapagaling sa mga maysakit tulad ng ketong
c. ang Kanyang muling pagkabuhay pagkatapos mamatay sa krus
d. ang pagpapalayas sa demonyo sa mga sinapian nito
43. Saang lungsod unang tinanggap ang mga aral at turo ni Muhammad?
a. Jerusalem b. Mecca c. Medina d. Sumer
44. Alin sa sumusunod ang pangunahing diyos ng Hinduism?
a. Ama, Anak, at Espiritu Santo
b. rahma, Vishnu, at Siva (Shiva)
c.Allah, Abraham, at Muhammad
d. Buddha, Confucius, at Vishnu
45. Saang rehiyon ng Asya naging katutubong relihiyon ang animism?
a. Hilagang Asya b. Kanlurang Asya
C. Silangang Asya d. Timog-Silangang Asya
46.Ano ang pinakaimportanteng produkto ng Timog-Silangang Asya bago dumating ang mga
Europeo? (ginto, mais, paminta)
47. Anong grupo ng Europeo ang unang dumating sa Timog-Silangang Asya? (British,
Dutch, Portuguese)
48. Anong bansa sa Timog-Silangang Asya ang napasok ng mga British? (Indonesia,
Malaysia, Pilipinas)
49. Anong sistema ng pagtatanim ang ipinakilala ng mga Espanyol at Amerikano sa
Pilipinas? (hagdan-hagdang palayan, irigasyon, plantasyon)
50. Ano ang pangunahing pakay ng mga Europeo sa pananakop ng mga bansa sa Timog-
Silangang Asya? (hilaw na materyales, pagpapalaganap ng kanilang wika,
pakikipagkaibigan)
Piliin kung alin ang hindi kasali sa ibinigay na pangkat ng mga salita. Ikulong ng
kahon ang salitang hindi kabilang sa bawat kategorya.
1. Mga pangunahing pangkat etniko sa Timog-Silangang Asya:
Inca Malay Melanesian Polynesian
2. Mga lugar kung saan nagmula ang mga pangkat etniko sa Timog-Silangang Asya:
Africa Europe Mga isla ng Pacific Taiwan
3. Dayuhang impluwensiyang nagbago ng kulturang Austronesian sa Pilipinas:
Amerikano Tsino Espanyol Portuguese
4. Mga bansa/lugar na ang pangkat etniko ay Austronesian:
Easter Island Hawaii New Zealand Pilipinas
5. Mga wikang nagmula sa Austronesian:
Bicolano Ilocano Ingles Waray
Tukuyin ang sumusunod. Hanapin ang sagot sa ibaba at isulat ito sa patlang.
Anito Pandot burol tahanan babaylan Bathala
______1. Siya ang kataas-taasang diyos ng ating mga ninuno.
______2. Ginagawang itong imahen na binibigyan ng handog.
______3. Sila ang mga paring babae.
______4. Ito ang tawag sa seremonya ng pagsamba.
______5. Ito ang mga pook sambahan ng ating mga ninuno.
Pagtambal-tambalin ang hanay A at hanay B. Isulat ang letra ng tamang
kapareha sa patlang.
A
_____1. Pinatubo _____5. Gitnang Luzon
_____2. Apo _____6. Baguio
_____3. Sierra Madre _____7. Sulu
_____4. Lanao _____8. Mindanao
B e. kabundukan
a. pulo f. dagat
b. kapatagan g. talampas
C. bundok h. lawa
d. bulkan i. tangway
Isulat sa patlang ang MH kung ang idea ay nakapaloob sa mainland hypothesis ni
Bellwood at isulat naman ang IH kung ito ay nakapaloob sa island hypothesis ni Solheim.
__________1. Ang mga kultura sa rehiyon ay nagmula sa mga pakikipagkalakalan at
komunikasyon sa pagitan ng mga isla sa Timog-Silangang Asya.
_________2. Hindi direktang nagsasabing ang mga ninuno ng mga taga-Timog- Silangang
Asya ay Austronesian, ngunit nagpapahiwatig ng mga kultura na kumalat sa pamamagitan ng
pakikipagkalakalan at komunikasyon sa pagitan ng mga isla sa rehiyon.
_________3. Nagmula ang teoryang ito mula sa mga pag-aaral ng mga sinaunang
kagamitan, kasangkapan, at iba pang artifact na nahanap sa mga lugar kung saan nagmula
ang mga Austronesian.
_________4. Sa halip na maniwala na mga Australoid ang mga ninuno ng mga Pilipino, ang
mga Austronesian ang pinagmulan ng populasyon na nakatira sa karamihan ng mga teritoryo
sa Asya ngayon.
_________5. Ang mga ninuno ng mga populasyon sa mainland Timog-Silangang Asya ay
nagmula sa mga sinaunang tao na nagwiwika ng Austronesian, na nagmula sa Taiwan at
naglakbay patungong Timog-Silangang Asya.
_________6. Ang mga kultura sa Timog-Silangang Asya ay may mga koneksiyon sa mga
kultura sa ibang bahagi ng Asya at Pacific.
_________7. Ipinakikita ng teoryang ito na hindi lamang paglalakbay ang nagdala ng mga
kultura sa rehiyon, kundi pati na rin ang mga pakikipagkalakalang nangyari sa pagitan ng
mga isla.