Mama Ai Ai Papa Bong
(Middle child) Kathryn (Eldest) Alden
(Maid) Nanay Charisse Tito Bing
Yaya Tisay Lolo Andong
(Teacher) Sir Jason\ PE Teacher
(Driver) Manong Dodo
(Youngest) Andoy
(Classmate #1) Marcus
Narrator
Narrator: Isang hapon ng umuwi na galing sa iskwelahan sina Kathryn at Alden ng sunduin na sila ni
Manong Dodo sa labas ng gate.
Alden: Kathryn tara na andun na sa labas si Manong Dodo, uwi na tayo para mahabol ko pa yung
papanoorin kong palabas sa tv. Bilis, tara na.
Kathryn: Oo na kuya. Wait lang po, tatapusin ko lang tong homeroom task namin. Schedule ko kasing
maglinis ngayon sa classroom. Tulungan mo nalang ako kuya para mapadali. Hehe
Alden: Sige na nga. Para mapadali natin yang ginagawa mo.
Narrator: Matapos nilang linisin nila Kathryn at Alden ang classroom ay nagpatungo na sila kay Manong
Dodo. Pagkakita na nila kay Manong Dodo sa parking lot ay agad2 silang sumakay sa kotse.
Kathryn: Manong Dodo pasensya po at natagalan kami, naglilinis pa kasi kami ng classroom.
Manong Dodo: Ok lang po yun Kathryn at Alden. Wala naman pong ibang utos sina Sir Bong at Ma’am
Aiai.
Alden: Oo nga po Manong. Timing din talaga. Sige po Manong uwi napo tayo sa bahay. Wala napo
kaming dadaanan pang lugar.
Narrator: Pagdating nila ng bahay ay agad namang nagmano ang magkapatid sa mga nakakatanda sa
kanila. Nasa labas ng terrace si Lolo Andong nagmamasid sa mga bulaklak at tanim sa labas ng bahay nila
habang nagpapahangin ito. Agad namang tumayo si Lolo Andong pagdating ng mga bata sa bahay nila.
Kathryn at Alden: Mano po Lolo.
Lolo Andong: Oh mga apo. Kamusta naman ang skwela niyo? Pasok na din kayo sa loob at magmano na
din kayo sa mama at papa niyo.
Kathryn at Alden: Sige po Lolo Andong. Ma! Pa! andito napo kami.
Narrator: Patungo naman si Kathryn sa kusina kung saan andun sina Nanay Charisse at Mama Ai Ai niya.
Habang naghahanda sila ng pagkain para sa panghapunan nilang lahat. Habang si Alden naman ay
patungo sa sala kung saan andun ang TV at ang Tito Bing nya ng nanonood ito ng basketbol sa
telebisyon. Habang si Papa Bong ay nasa sulok ng sala na tila busy ito sa kausap nya sa kanilang Negosyo.
Pagpasok ni Kathryn sa kusina ay agad itong nagmano sa kaniyang Mama Ai Ai at Nanay Charisse. Tapos
patungo din sya sa sala para mag mano sa kaniyang Papa Bong at Tito Bing bago sya umakyat ng kwarto
para magbihis at makatulong agad sa pagluluto sa kanyang Nanay at Mama sa kusina. Si Alden naman ay
agad-agad namang kinuha ang remote ng TV at nagmamadaling ilipat ang palabas nito at tila
nakalimutang mag mano sa kanyang Papa at Tito sa sala at sa kanyang Mama at Nanay sa kusina.
Napansin naman nila Tito Bing at Papa Bong ang inasal ng bata. Nang matapos si Papa Bong sa kanyang
paguusap sa cellphone ay agad nitong kinausap si Alden.
Papa Bong: Alden, kakauwi mo lang TV agad ang inaatupag mo ha. Ni pagmano mo sa amin ng Tito mo
ay nakalimutan mo na yata. Kina Mama Ai Ai at Nanay Charisse mo nagmano ka na rin ba?
Alden: Ay, Papa. Tito. Pasensya napo gusto ko lang kasing mahabol ang palabas medyo nahuhuli nadin
kasi ako. Sorry po Papa, Tito.
Narrator: Saka nag mano si Alden sa kanyang Papa at Tito. At nagtungo din ito sa kanyang Mama at
Nanay sa kusina.
Alden: Mama Ai Ai, mano po. Nanay Charisse, mano din po.
Narrator: Sabay balik si Alden sa sala ang nagpatuloy manood ng TV ng hindi man lang nakapagbihis.
Matapos ang paghanda ng pagkain nila sa mesa ay niyaya na nilang kumain sila lahat ng sabay sa hapag
kainan. Kumpleto naman ang lahat ng myembro ng pamilya. Pagkaupo nila sa mesa ay niyaya ni Papa
Bong na mag lead ng prayer si Alden pero tumanggi eto kasi sobrang busy sa kanyang cellphone.
Papa Bong: Alden ikaw na mag prayer bago tayo kumain.
Alden: Wait lang po Pa, tatapusin ko lang tong ML.
Narrator: Agad namang nagalit si Papa Bong kasi nabastos sa sagot ni Alden.
Papa Bong: Ano ba Alden? Diba sinabi ko na sa inyo pag kakain na wala ng hahawak ng gadget. Dahil
mababastos ang grasya. Ilapag mo na yan kundi ilang araw kang di makakahawak ng cellphone mo.
Narrator: Si Mama Ai Ai naman ang agad na nagkuha sa cellphone ni Alden kahit na magtampo ito sa
kanya para di na mapapagalitan pa ng todo si Alden ng Papa niya. Si Kathryn nalang din ang nag lead ng
prayer para sila ay makakakain na lahat ng panghapunan.
Kathryn: Bless us, Oh Lord and these thy gifts which we are to receive from thy bounty through Christ,
Our Lord. Amen.
Mama Ai Ai: Amen. Oh kain na tayo.
Narrator: Habang kumakain silang lahat ng sabay sabay ay nagtanong naman si Papa Bong sa mga bata
tungkol sa kanilang araw sa eskwelahan.
Papa Bong: Oh, Kathryn, Alden. Kamusta ang pagaaral nyo kanina? Kelan daw ba kayo matatapos sa
school year na ito?
Kathryn: Hanggang katapusan ng Mayo nalang daw po Papa sabi ni Sir Jason. Final exams daw naming sa
17 at 18 ngayong buwan. Sabi ni Sir Jason magiging achiever na daw ako sa susunod na taon kasi mataas
po yung average kong grades.
Mama Ai Ai: Good news yun anak. For sure mas gagalingan mo pa yan pag nasama kana sa achiever
class. Ikaw naman Alden Kamusta naman yung pag aaral mo?
Alden: Ok naman po Mama nasa average naman po yung mga kuha at binigbigyan din ako ng offer ng PE
teacher naming na makasali ako sa training para sa basketbol. Sabi nya may maibubuga pa daw ako
kapag nag training pa ako ng maigi.
Papa Bong: Ok din yun Alden pero dapat nating pagusapan ay kapag nagsimula kanang pumasok sa
basketbol para magtraining dapat di mor in iiwan ang pagaaral mo at seryosohin mo rin ang training
upang magbunga ng Magandang resulta. Di yung pa petiks petiks lang. Naglalaro ka lang para makilala
ng mga tao kundi para gumaling ka talaga na basketbol player.
Andoy: Ako din po papa gusto ko ring maging basketbol player pag laki ko.
Yaya Tisay: Oh kumain ka ng maraming gulay. Para lalakas din ang pangangatawan mo at mas matibay
ang iyong mga buto.
Mama Ai Ai: Tama si Yaya mo Andoy. Kain ka ng maigi tapos mag aral din ng Mabuti andito naman ang
mga kapatid mo na mag tutor sayo, kaya pag may mga tanong ka sa kanila lapitan mo lang wag na wag
kang mahihiya kahit sa aming dalawa ng Papa mo. Pati narin si Lolo mo. Wag lang sa Tito Bing mo baka
ibang kalokohan ang ituturo sayo nyan.
Andoy: Sige po Mama.
Lolo Andong: Ok lang yung yun apo sa kaya ng maalala kong kayang isasagot sa mga tanong mo. Hehehe
Tito Bing: naku naman ate Ai Ai damay na naman yung sibilyan. Wala naman akong ginagawang
kalokohan dito eh. Wala nan ga akong ginagawa.
Mama Ai Ai: yun nga Bing wala kang ginagawa buong araw. Nakalatag kalang sa sala nanood ng tv.
Ginawa mong tambayan mo yung sala. Buong araw kang nagtatambay dyan. Ni isang gawaing bahay
wala ka ngang naitulong pwera nalang kung uutusan ka saka kana gagalaw. Hindi pa madrawing yung
mukha mop ag naistorbo yung kapapanood mo ng tv. Maging maayos ka sanang ehemplo sa mga
pamangkin mo.
Papa Bong: sya sya. Tama nayan. Baka magaway pa kayo at saan pa mapunta ang usapan. Basta Bing
sumama ka nalang sa akin sa opisina bigyan kita ng magagawa para di ka palaging nakatambay dito sa
bahay.
Tito Bing: sige po kuya. Pasensya napo Ate Ai Ai. Di na po mauulit, nawalan lang po ako ng inspirasyon
kasi kaka hiwalay lang naming ng GF ko.
Mama Ai Ai: Sige2 bumawi ka nalang sa mga pamangkin mo.
Narrator: Matapos kumain ng pamilya ay nagligpit na ang mga babae at naglinis ng hapagkainan at sa
kusina. Tinulungan ni Kathryn ang Mama nya at si Nanay Charisse. Habang sina Yaya Tisay ay nagligo kay
Andoy para ihanda na ang pangtulog na kasuotan nito at mayamaya pa ay mapatulog na ang batang
alaga. Si Alden naman ay balik sa paglalaro ng kanyang cellphone habang si Bing at Lolo Andong ay
nanonood ng balita sa Tv. At sa kailaliman ng gabi ay natutulog na silang lahat.
Kaumugahan ay ginising na ni Nanay Charisse ang mga batang mga estudyante para maka paghanda na
para sa eskwela habang si Mama Ai Ai ay nagluluto ng kanilang mga almusal. Si Papa Bong naman ay
nagbibihis na galing sa pagkaligo pero si Tito Bing ay mabagal pang gumalaw at di palang nakakaligo. Tila
nagmamadali lahat ng tao na aalis ng bahay patungo sa skwelahan at opisina. Andun Narin sa garahe si
Manong Dodo habang hinugusan ang kotse na gagamitin sa paghatid nila.
Mama Ai Ai: Tara na kayo kain na andito na ang almusal. Bilisan nyo kundi malalate kayong tatlo. Bing!
Bilisan mo rin dyan ano ka ba. Di pwedeng maghintay silang lahat sayo. Kung matagal kang matapos sa
pagbihis mo wag ka nalang mag almusal para sabay na kayong makaalis.
Tito Bing: Ok po ate
Narrator: Matapos nilang kumain ng almusal ay agad nag si alisan sina Bong, Kathryn, Alden at Bing.
Kathryn: Bye Ma! Thank you sa almusal. I love you mama!
Alden: Thank you, Ma. I Love you!
Papa Bong: Hon, salamat sa almusal nakaka busog talaga magandang panimula sa araw ko. I Love you
hon. Mwah.
Mama Ai Ai: I love you too Hon. I love you too mga anak. Ingat kayo ha.
Narrator: sumakay na sila lahat kay Manong Dodo at isa2 na silang inihatid sa kanilang mga
patutunguhan. Sa loob ng silid aralan ay pumasok na si Titser Jason.
Kathryn At classmates nya: Good Morning Sir Jason.
Sir Jason: Good morning class. Ok sit down. Good news nga pala sa isang student natin na si Ms. Kathryn.
Nakausap ko na ang ibang titsers at ang principal. Base sa matataas mong grades sa taong ito ay
maiaangat kana sa susunod na taon sa achiever’s class. Congratulations Ms. Kathryn. Palakpakan po
natin sya class.
Kathryn: Thank you po Sir Jason.
Narrator: Habang nakakuha naman ng parangal si Kathryn sa kasalukuyang palad si Alden naman ay
binawian ng offer na magtraining para sa basketbol.
PE teacher: Alden pwede ba kitang makausap magisa?
Alden: sige po sir ano po yun?
PE Teacher: pasensya na Alden ha kasi sabi ni coach napuno na daw yung slot sa team para sa high
school varsity. Mas maigi daw kasing matuto yung mga kaklase mo sa training nila kahit di sila gaano
kagaling katulad mo pero nakikinig daw sila sa mga instructions ni coach. Habang ikaw daw ay minsan
sumisingit sa usapan habang nagsasalita si coach. At pagkatapos ng training kahit na mag huddle kayo
para mabigyan kayo ng tips tungkol sa basketbol para mas lalo kayong lumakas at gumaling sa paglalaro
ay ikaw lang daw yung biglang uupo at maglabas ng kanyang cellphone. Di ka daw seryoso sa pagtraining
mo. Pasensya na Alden pakisabi nalang sa mga magulang mo.
Alden: Ganun po ba Sir. Grabe naman kahit mabigyan man lang ulit ako ng chance. Promise po titigilan
ko na ang pag seselpon ko.
PE Teacher: Sige Alden baka sa susunod na taon magbago ang isip ni coach at pwede kanang maka pag
tryout ulit para makasali sa team. Pero wag mong kalimutan ang sabi ni coach na magseryoso kana
talaga sa pag aaral at pag babasketbol mo.
Narrator: pagkatapos ng araw ay umuwi na silang lahat sa bahay at agad2 binabalita ni Kathryn sa
kanyang mga magulang ang Magandang balita.
Kathryn: Mano po Lolo. Nasaan po sila Mama at Papa?
Lolo: Si Mama mo nasa likod ng bahay kasama si Nanay Charisse mo nag didilig sa mga halaman.
Kathryn: Salamat po Lo. Ihahatid ko na ang magandang balita sa kanila.
Alden: Mano din po Lo. Nakauwi Narin po ba si Papa?
Lolo: Hindi pa Alden. Pero bakit mukhang malungkot ka. Ano po bang problema apo ko?
Alden: Malas po Lo, di kasi ako nakapasok sa tryouts para sa basketbol team sabi ng Teacher ko sa PE. Di
daw gusto ni coach yung hindi seryoso sa pagtitraining sa basketbol.
Lolo: Ahh ganun ba apo. Baka tama nga naman sila, ang gawin mo nalang ay making ka sa mga
nakakatanda sayo kasi di naman yan sila magbibigay ng masamang payo para sa kinabukasan mo. Kaya
itry mo rin apo baka Mabuti ang kalalabasan kapag nakikinig ka sa kanila.
Alden: Ok po Lolo, salamat po sa payo. Sige po Lolo pasok napo ako.
Kathryn: Mama! Mano po, Nanay Charisse mano po. Ma may maganda akong balita po, nakausap na
daw ni Sir Jason ang principal namin. Sabi po nya sa susunod na taon ay pasok na daw ako sa achiever’s
class.
Mama: Wow anak! Congratulations! Siguradong sa susunod na parangal mo nyan ay valedictorian kana.
Kayang kaya mo yan anak. Gawin mo lang yung lagi mong ginagawa sa pagmamabuti ng pagaaral mo.
Kathryn: Oo po Mama. Thank you po ulit. Dahil din kasi ito sa pag magaling kong Mama na sobrang
maalaga sa aming magkakapatid. Kaya di ako gaanong mahirapan sa pag aaral ko.
Narrator: nakauwi na rin si Papa Bong. At agad syang sinabihan ni Lolo na si Alden ay kausapin sa sala
kasi mukhang dismayado sya sa balita ng kanyang PE Teacher.
Papa Bong: oh. Alden. Sabi ng Lolo mo may pinagdaanan ka raw ngayon. Ano ba nangyari sa skwelahan?
Alden: Oo nga po, Pa. di po kasi ako natanggap sa basketbol tryout. Eh mas magaling naman ako kaysa
ibang bata dun. Sabi kasi ni coach di daw ako nakikinig sa mga payo nya matapos mag training, eh tapos
na nga kami mag training eh. Kaya ako nag seselpon kasi nga tapos na kami.
Papa Bong: Ahh kaya naman pala Alden. Marahil tama nga si coach mo, kasi di importante sa lahat ng
tao lalo na sa coach mo kung mas magaling ka sa ibang bata. Ang gusto Nyang makita ay kung ikaw
mismo gustong matuto at gustong gumaling pa sa pagbabasketbol. Kung sa tingin mo wala kanang
matutunan sa kanila wag mong ipakita yun. Ipakita mo parin ang respeto sa coach mo at makinig ka ng
maigi, baka naman may matutunan kapang bago na pwede mong gamitin sa pagsasanay mo. Sige lang
Alden may susunod na taon pa naman, baguhin mo lang yung mga inasal mo at wag mo ng ulitin yung
ang mga di Magandang asal na nakikita ng ibang tao. Para sayo din lahat ng iyon anak.
Alden: Ok po Papa. Sorry po sa inasal ko. Di ko napo uulitin yun at seseryosohin ko Narin ang
pageensayo ko sa basketbol at di ko rin pababayaan ang pag aaral ko. Kukuntian ko nalang din ang
pagselselpon ko sa isang araw. Pasensya po talaga Papa. Salamat po sa mga payo nyo. I love you papa.
Papa Bong: Okay lang yan anak, may tiwala din naman ako sayo. Syempre anak kita eh, manang mana ka
sa akin. I love you too anak!
Narrator: At dun nagtatapos ang ating kwento. Maraming salamat po.