Tagapagsalita: Sa isang tahanan sa baybay ng dagat ay mag-isang naninirahan si Padre Florentino.
Isang
tunay na musikero at nalilibang sa pagtugtog ng harmoniko.
Isang sulat and dumating na padala ng Tenyente. Inakala ni Don Tiburcio na siya ang
tinutukoy sa liham, kaya hindi siya napigil ni Padre Florentino sa pag-alis.
Natiyak ni Padre Florentino na si Simoun ang pinaghahanap ng Tenyente. Dumating
itong duguan, malungkot, pagod na pagod, at may pasan na maleta.
Tinanggap ito ng Padre at hindi mawari ng pari ang kalagayan niya. Nagtaka si Padre
Florentino kung ano ang dahilan ng pagkakasugat niya.
Dumating ang telegram na hulihin siya nang tumanggi itong magpatingin sa
manggagamot sa lalawigan.
Nasa ganito siyang pag-iisip nang dumating ang isang alila na nagsabing gusto niyang
makausap ang may-sakit.
Padre Florentino: Nahihirapan ba kayo, G. Simoun?
Simoun: Bahagya po. Sa loob ng ilang sandal ay matatapos na ang paghihirap ko.
Padre Florentino: Panginoong Diyos! Ano ang ininom mo?
Simoun: Sayang. Wala na pong lunas. Ano ang nais ninyong gawin ko bago dumating ang ikawalo?
Padre Florentino: Diyos ko! Diyos ko! Ano ang ginawa mo G.Simoun?
Simoun: Huwag ninyong guluhin ang inyong isip. Ang nagawa ay nagawa na. Hindi ako pwedeng
mapasakamay ninuman habang buhay pa ako at baka makuha pa nila sa akin ang lihim.
Pakinggan ninyo ako. Malapit na ang gabi. Kailangan ko na ipagtapat ang aking lihim
at dapat na makilala ninyo kung sino ako.
Kayong may pananalig sa Diyos, sabihin ninyo sa akin kung tunay ngang may Diyos.
Sa sandaling ito ay nais kong mabigyang-liwanag ang isang pag-aalinlangan.
Padre Florentino: May panlaban ako sa lason, G.Simoun. May morfina ako at may eter.
Simoun: Huwag kayong mag-aksaya ng panahon. Yayao ako dala ang aking lihim.
Tagapagsalita: Sa puntong ito, litong napaluhod ang pari sa paanan ni Kristo. Pagkaraan ng isang sandal
ay tumayo siyang walang imik. Naglapit ng isang silya sa ulunan ang pari at kinumpisal si Simoun.
Napaurong ang pari at napatingin sa maysakit nang sabihin ni Simoun ang tunay
niyang pangalan. Ipinagtapat niyang siyay si Ibarra na pumunta sa Europa at nagbalik sa Pilipinas
labintatlong taon na ang nakararaan na puno sana ng pag-asa, maganda ang mga pangarap, upang
balikan at pakasalan ang kanyang kasintahan na si Maria Clara.
Padre Florentino: Patawarin kayo ng Diyos Ginoong Simoun! Tayoy anak sa pagkakasala. Nakita niya ang
inyong tiniis.
Simoun: Sa palagay ninyo ay kalooban niya na ang pulong itoy..
Padre Florentino: Alam kong hindi niya pinababayaan ang mga taong nananalig sa kanya.
Simoun: Kung ganoon, bakit niya ipinagkait ang kanyang tulong?
Padre Florentino: Nagkagayon ito dahil sa ang pinili ninyong paraan ay hindi niya pinahihintulutan!
Simoun: Alam ko na akoy nagkamali ngunit bakit ipinagkait pa niya ang kalayaan ng bayan ko?
May marami pang mas masama kaysa sakin. Bat iniligtas niya sila?
Padre Florentino: Ang mga taong tapat ang loob at kapuri-puri ay kailangan magtiis. May pasya ang
Diyos sa pag-uusig sa mga nagkakasala.
Simoun: Alam kop o. Kaya nga pinaglaganap ko ang kalupitan
Padre Florentino: Totoo, lalong maraming udyok ng kasamaan ang lumalaganap kaysa kabutihan.
Simoun: Kung ganoon, ano po ang dapat kong gawin?
Padre Florentino: Magtiis at gumawa.
Simoun: Magtiis at gumawa? Madali sana iyan kung ang paggawa ay walang pagtitiis at ma makakamit
na gatimpala. Kung nakita lamang ninyo ang mga nakita ko. Magtiis at gumawa! Anong Diyos iyan?
Padre Florentino: Isang Diyos na matapat at makatarungan, G. Simoun. Ang pagtitiis ay lalong
nagpapatibay at nagpapalakas sa kaluluwa. Siya ang Diyos ng kalayaan na nag-uutos sa ating ibigin ito.
Tagapagsalita. Naramdaman ni Padre Florentino na hinawakan ng maysakit ang kanyang kamay at pinisil
ito. Hinihintay niyang magsalita ito ngunit nakaramdan lamang siya ng dalawa pang pisil at naghari ang
katahimikan sa buong silid.
Luhaang binitiwan ni P. Florentino ang kamay ni Simounat lumapit sa bintana at
tumanaw sa kalawakan ng dagat. Nang tingnan niya uli si Simoun nakapikit na ang mga mata nito. Patay
na si G. Simoun.
Tiniyak ng pari na walang ibang makakita sa kanya. Kinuha niya ang maleta ni Simoun
at inihagis sa tubig.