Republika ng Pilipinas
Leyte National High School
Lungsod Tacloban
Di-Masusing Banghay Aralin
Sa Filipino 9
Ika- ng Nobyembre, 2018
Mary Cris D. Viñas Gng. Mona Lisa D. Petallana
Gurong Nagsasanay Gurong Tagapagsanay
I. Layunin
Pagkatapos ng isang linggong talakayan, ang mga mag-aaral sa
ika-9 na baitang ay inaasahang magagawa ang mga sumusunod nang
may 80% na kawastuhan;
a. Naitatanghal sa anyo ng informance ang isang itinuturing na
bayani ng alinmang bansa sa Kanlurang Asya sa kasalukuyan
(F9PS-IIIg-h-56),
b. Natutukoy at nabibigyang-katangian ang isa sa mga itinuturing
na bayani ng alinmang bansa sa Kanlurang Asya (F9PS-IIIg-
h56).
II.
Paksa at Kagamitan
a. Paksa
A3.1 Mga Itinuturing na Bayani sa Kanlurang Asya
Informance
b. Sanggunian
Panitikang Asyano
Modyul ng Mag-aaral sa Filipino 9
p. 189-190
c. Kagamitan
speaker, tarpapel, folder, program
III. Pamamaraan
a. Pagganyak
Magkakaroon ng paunang pagbati ang mga host sa
gagawing informance (panalangin, paglalahad sa pagtatanghal)
b. Pagsusuri
Ang guro ay magkakaroon ng pagbabalik-aral tungkol sa
isang epiko at ang kahalagahan nito sa mga bayaning
magtatanghal.
IV. Ebalwasyon
a. Pagrampa ng mga Bayani
Isang (1) bayani bawat pangkat. Mayroong apat (4)
na pangkat ang klase kung kaya’t mayroon ding apat (4) na
bayaning rarampa at magtatanghal.
Sa pagrampa ng bawat bayani, kasunod nito ay ang
pagpapakilala kung saang bansa nagmula ang epikong
pinagkunan nila ng katauhan at ang paglalarawan ng kani-
kanilang katangian, karanasan at tagumpay na ilalahad ng
kanyang mga kagrupo.
Inaaasahang may kumukuha ng litrato sa bawat
bayaning nagtatanghal.
b. Pagtataya sa Pagtatanghal
Sa pagtataya sa informance na ginanap, ang klase na
ang bahalang humatol para sa karapat-dapat na marka ng
bawat grupo.
Matapos ang pagtatanghal, ang isang grupo ay
bibigyan ng marka ng tatlong grupong nakapanood at
nakasaksi sa kanya/kanilang ginawa at gayundin ang
mangyayari sa iba pang grupo. Gamit ang ibibigay na rubriks
ng guro ay inaasahang magiging maayos at patas ang
pagmamarka.
Rubriks
Lubhang Kasiya- Kasiya-siya Hindi Kasiya-siya
siya (4) (3)
(5)
1. Kasuotan Naaangkop ang mga Hindi masyadong Hindi angkop ang
kasuotang ginamit pinaghandaan ang kasuotang ginamit ng
ng tauhan. kasuotang ginamit. tauhan.
2. Props Naaangkop ang lahat May ilang props na Hindi angkop lahat
ng ginamit na mga hindi angkop ang ng props na ginamit.
props pagkakagamit.
3. Pagkakagana Makatotohanan at Kulang ang kanyang Hindi naging
p ng Tauhan kapanipaniwala ang pagkakaganap ayon makatotohanan at
pagkakaganap ng sa galaw at kapani-paniwala ang
tauhan (galaw at ekspresyon ng pagkakaganap ng
ekspresyon ng mukhang ipinakita. tauhan.
mukha).
4. Kulturang Buong linaw na Hindi gaanong Walang naipakitang
Pinalutang sa naipakita ang kultura malinaw ang kultura kultura ng bansang
Akda ng bansang ng bansang pinaggalingan ng
pinanggalingan ng pinanggalingan ng epiko.
epiko. epiko.
V. Kasunduan
Para sa awtput (Groupings)
Iprint ang larawan ng kanya-kanyang bayaning
representante sa short bond paper, ilagay sa itaas na bahagi
ng larawan *Aralin bilang, Epikong pinagkunan at Pangalan
ng bayaning binigyan-katauhan. Sa ibabang bahagi naman
ilarawan ang katangian ng bayaning ito. Ipa-laminate ang
nabuo at ipasa sa susunod na pagkikita.