100% found this document useful (1 vote)
528 views2 pages

Valedictory SPeech

Ang dokumento ay tungkol sa pagtatapos ng elementarya ng isang batch ng mga estudyante. Binanggit nito ang mga pagbabago sa paaralan sa loob ng 8 taon, ang mga paghihirap at tagumpay ng mga estudyante, at ang pagtatapos nila sa elementarya.
Copyright
© © All Rights Reserved
We take content rights seriously. If you suspect this is your content, claim it here.
Available Formats
Download as DOC, PDF, TXT or read online on Scribd
100% found this document useful (1 vote)
528 views2 pages

Valedictory SPeech

Ang dokumento ay tungkol sa pagtatapos ng elementarya ng isang batch ng mga estudyante. Binanggit nito ang mga pagbabago sa paaralan sa loob ng 8 taon, ang mga paghihirap at tagumpay ng mga estudyante, at ang pagtatapos nila sa elementarya.
Copyright
© © All Rights Reserved
We take content rights seriously. If you suspect this is your content, claim it here.
Available Formats
Download as DOC, PDF, TXT or read online on Scribd
You are on page 1/ 2

Ang buhay ay parang roller coaster ride, maraming twists and turns!

Maraming di inaasang mga


pagkakataon, mga karanasang nagpasaya, nagpalungkot, nagpagulat satin at may mga inaasam rin
na mga sandali gaya na lamang ngayon.
Sa ating napakaaktibo at bibong District Supervisor na si Ma’am Lucy P. Maquindang, sa ating
lubos kung sumusuporta sa mga hangarin ng mga estudyante, ang pundasyon ng ating paaralan,
walang iba kundi ang ating punong guro na si Dr. Josephine B. Fabian.
Sa ating mga mga strikto ngunit lubos na nagmamahal na mga guro, mga magulang, sa ating mga
kapatid, lolo, lola, tito tita, pinsan at ang buong barangay at siyempre ang star ng pagtitipong ito
walang iba kundi tayong mga magsisipagtapos. Sa ating lahat isang mapagpalang umaga.
Lubos ang aking kagalakan sapagkat tayo ay na sa finish line na ng ating pag-aaral sa elementary.
Kaya naman marapat lamang na naipagbunyi natin ang pagkakataong ito. Congratulations sa ating
lahat Batch 2013-2014!
Sa halos 8 taon ko ditto sa paaralang ito, nakita ko ang napakaraming pagbabago. Minsan habang
tumitingin ako sa paligid, naalala ko iba’t ibang mga pagkakataon ko bilang isang LESian.
Naalala niyo pa ba, may malaking puno dyan sa may washing area at may sirang waiting shed pa
nga. Naalala niyo opa ba? Noon, kapag nasa linya na kami para sa flag ceremony, tinitiis nalang
naming ang init kasi walang bubong na magproprotekta sa amin. Gayun din kapag umuulan. Hindi
pa sementado ang maraming bahagi nito kaya mahirap kapag umuulan.
Sadyang puno ang alkansya ng buhay ko ng iba’t ibang karanasan sa lugar na ito. Marami man
kaming panahon ng pagtitiis, di natinag ang paniniwala namin na darating ang pagkakataon na
uunlad din an gaming mahal na paaralan. At ang aming panalangin ay sinagot nga ng Diyos sa
pamamagitan ng mga proyekto ng gobyerno lalong lalo na ang gymnasium na ito. Sa
pamamagitan ng mga ito ay naging mas kaakit akit di lang ang aming paaralan kundi mas
napalakas nito ang aming kagustuhan matutoto at pumasok sa paaralan. Sadyang kailangan lang
ay tiwala at tibay ng puso.
Naisip ko noon, na gaya ng mga nagdaang baitang, magiging madali rin ang taong ito ngunit
ako’y nagkamali. Napagtanto ko na mula sa simula hanggang sa huli, ito ang naging
pinakamahirap na bahagi ng elementarya. Unang araw pa lamang nagkamali na kami at mas
naging mahirap pa ang mga sumunod na araw. Ngunit sa bawat pagkakamali ay may natutunan
akong leksyon sa buhay. Aaminin naming medyo pasaway kami kaya nga mga pagkakataon na sa
tuwing pinapagalitan kami, gumagawa parin kami ng paraan upang maging masaya. Pero sa bawat
pagkakataong iyon, tumatagos ang mga mensahe ng mga aral na natutunan naming sa aming mga
guro. Naiiba sila dahil lubos ang kanilang pagsusumikap na maintindihan namin ang leksyon.
Patawarin niyo po kami at Maraming salamat po sa inyong mga sakripisyo lalo napo sa aming
adviser na si Ma’am Prieto.
Sa mga taong lubos ang aking utang na loob, ang aking mahal na pamilya na laging nandyan
upang suportahan ako at tugunan ang aking mga pangangailangan. Kung wlaa sila, wala ako rito.
Siyempre, di magiging masaya ang buhay ko dito kung wala ang aking mga tunay na mga
kaibaigan na laging nandyan para sa akin lalo na sa mga panahon ng kalungkutan. Alam niyo na
kung sino kayo. Magkahiwalay man tayo dahil sa iba’t ibang paaralan tayo papasok sa
highschool, sana’y walang limutan.
Gaya ng nang karamihan sa atin dito, may mga pagkakataon din ng nasa mas mababang baiting pa
ako, napaisip nako sa mga pwedeng mangyari kapag dumating ang espesyal na araw na ito.
Marahil ay magiiyakan tayo, magtatawanan, magkakapatawaran at magkakabati ang mga di
nagkaintindihan at isa sa ayaw na ayaw ko, ang magpaalam. Sa nagdaang mga taon na kami ay
naging bahagi ng paaralang ito, marami kaming karanasan na di namin malilimutan. Ang mga aral
na aming natutunan ay di mawawaglit sa ming puso’t isipan.
Ang araw na ito ay pwedeng huli na nating pagsasama sama bilang isang
batch. Pero alam ko sa puso ko ang mga alaalang ating nabuo, mga pagkakaibigang napaunlad,
ang kasiyahan at tagumapy na ating natamo ay di parin kukupas sa panghabang panahon.
Ano mang dagok at unos ng buhay ang ating kaharapin. Ito man ay kahirapan, kalamidad,
kasamaan, kalungkutan o ano paman laging isaisip mahal kung kaibigan, Huwag tayong susuko!
Tibayan ang puso! Isipin mong kaya mo!
Maraming Salamat at Mabuhay ang LESians Batch 2014!

You might also like