UNIVERSITY OF MINDANAO
College of Arts and Sciences Education
Language Program
Self-Instructional Manual (SIM) for Self-Directed Learning (SDL)
Course/Subject: GEFIL 1/Panitikang Filipino
Pangalan ng Guro:
Ma. Edna P. Porras
THIS SIM/SDL MANUAL IS A DRAFT VERSION ONLY; NOT FOR
REPRODUCTION AND DISTRIBUTION OUTSIDE OF ITS INTENDED USE.
THIS IS INTENDED ONLY FOR THE USE OF THE STUDENTS WHO ARE
OFFICIALLY ENROLLED IN THE COURSE/SUBJECT.
EXPECT REVISIONS OF THE MANUAL.
Course Outline: GEFIL 1 – Panitikang Filipino
Course Coordinators: Marilou Y. Limpot, EdD
Melissa C. Napil, EdD
Alma B. Cuevas, EdD
Gina G. Cahucom, EdD
Email:
[email protected] [email protected] [email protected] [email protected]Student Consultation: Done by online(LMS) orthru text, call or email
Mobile: 0906-1833892
0905-2296068
0977-4904374
0926-7713739
Phone: (082) 3050647 loc. 118
Effectivity Date: June 2020
Mode of Delivery: Blended (On-Line with face to face or virtual sessions)
Time Frame: 54 Hours
Student Workload: Expected Self-Directed Learning
Requisites: None
Credit: 3
Attendance Requirements: A minimum of 95% attendance is required at all
scheduled Virtual or face to face sessions.
Course Outline Policy
Areas of Concern Details
Contact and Non-contact Hours This 3-unit course self-instructional manual is designed for
blended learning mode of instructional delivery with
scheduled face to face or virtual sessions. The expected
number of hours will be 54 including the face to face or
virtual sessions. The face to face sessions shall include
the summative assessment tasks (exams) since this
course is one of the general education subjects across
colleges.
Assessment Task Submission Submission of assessment tasks shall be on 3rd, 5th, 7th
and 9th week of the term. The assessment paper shall be
attached with a cover page indicating the title of the
assessment task(if the task is performance), the name
of the course coordinator, date of submission and name of
the student. The document should be emailed to the
course coordinator. It is also expected that youalready
paid your tuition and other fees before the submission of
the assessment task.
If the assessment task is done in real time through the
features in the Blackboard Learning Management System,
the schedule shall be arranged ahead of time by the
course coordinator.
Turnitin Submission (IF To ensure honesty and authenticity, all assessment tasks
NECESSARY) are required to be submitted through Turnitin with a
maximum similarity index of 30% allowed. This means that
if your paper goes beyond 30%, the students will either opt
to redo her/his paper or explain in writing addressed to the
course coordinator the reasons for the similarity. In
addition, if the paper has reached more than 30%
similarity index, the student may be called for a
disciplinary action in accordance with the University’s
OPM on Intellectual and Academic Honesty.
Please note that academic dishonesty such as cheating
and commissioning other students or people to complete
the task for you have severe punishments (reprimand,
warning, expulsion).
Penalties for Late The score for an assessment item submitted after the
Assignments/Assessments designated time on the due date, without an approved
extension of time, will be reduced by 5% of the possible
maximum score for that assessment item for each day or
part day that the assessment item is late.
However, if the late submission of assessment paper has
a valid reason, a letter of explanation should be submitted
and approved by the course coordinator. If necessary, you
will also be required to present/attach evidences.
Return of Assessment tasks will be returned to youtwo (2) weeks
Assignments/Assessments after the submission. This will be returned by email or via
Blackboard portal.
For group assessment tasks, the course coordinator will
require some or few of the studentsfor online or virtual
sessions to ask clarificatory questions to validate the
originality of the assessment task submitted and to ensure
that all the group members are involved.
Assignment Resubmission You should request in writing addressed to the course
coordinator his/her intention to resubmit an assessment
task. The resubmission is premised on the student’s
failure to comply with the similarity index and other
reasonable grounds such as academic literacy standards
or other reasonable circumstances e.g. illness, accidents
financial constraints.
Re-marking of Assessment Papers You should request in writing addressed to the program
and Appeal coordinator your intention to appeal or contest the score
given to an assessment task. The letter should explicitly
explain the reasons/points to contest the grade. The
program coordinator shall communicate with the students
on the approval and disapproval of the request.
If disapproved by the course coordinator, you can elevate
your case to the program head or the dean with the
original letter of request. The final decision will come from
the dean of the college.
Grading System Course exercises – 30% (including BlackBoard forum)
1st exam – 10%
2nd exam – 10%
3rd exam – 10%
Final exam – 40%
Preferred Referencing Style(IF THE
APA6th Edition
TASK REQUIRES)
Student Communication You are required to create a umindanaoemail account
which is a requirement to access the BlackBoard portal.
Then, the course coordinator shall enroll the students to
have access to the materials and resources of the course.
All communication formats: chat, submission of
assessment tasks, requests etc. shall be through the
portal and other university recognized platforms.
You can also meet the course coordinator in person
through the scheduled face to face sessions to raise your
issues and concerns.
For students who have not created their student email,
please contact the course coordinator or program head.
Contact Details of the Dean Khristine Marie D. Concepcion. PhD
Email:
[email protected] Phone: 082-3050647 local 134
Contact Details of the Program Edwin L. Nebria, EdD
Head Email:
[email protected] Phone: 082-3050647 local 134
Students with a Special Needs Students with special needs shall communicate with the
course coordinator about the nature of his or her special
needs. Depending on the nature of the need, the course
coordinator with the approval of the program coordinator
may provide alternative assessment tasks or extension of
the deadline of submission of assessment tasks. However,
the alternative assessment tasks should still be in the
service of achieving the desired course learning
outcomes.
Online Tutorial Registration(IF You are required to enroll in a specific tutorial time for this
NECESSARY) course via the www.case.edu.ph portal. You will attend
the tutotial sessions and take the pre and post test to
determine the progress. This can be done online or you
can call or text directly the course coordinator for
assistance if you do not have internet connection. Please
note that there is a deadline for enrollment to the tutorial.
Help Desk Contact Carizza Mari C. Tinanac
GSTC Facilitator
Email:
[email protected] Phone: 09778058911/09504665431/09058924090
Library Contact Norgel May I. Petinglay
Head-LIC
Email:
[email protected] Phone 09513766681
Course Information – see/download course syllabus in the Black Board LMS
CC’s Voice: Magandang buhay! Malugod ko kayongbinabati para saasignaturang
GEFIL 1: Panitikang Filipino nasumasaklawsapag-aaral ng iba’tibanganyo
ng panitikan sa pamamagitan ng pagbasasa ilang tekstong hango sa
iba’tibangrehiyon ng Pilipinas.Tatalakayin din ang mga mahahalagang
kaganapan sa iba’tibang panahon ng kasaysayan ng panitikan sa
sambayanang Pilipino.
Ang modyul na ito ay binuo upang magamit bilang sanggunian sa pag-
aaral ng Panitikang Filipino. Bagamat marami na ring aklat ang naisulat at
nalathala, naniniwala ang mga manunulat ng modyul na ito na
makatutulong pa rin ito sa pagtunghay ng mga mahahalagang
pangyayaring humabi sa kasaysayan ng lahing Pilipino na naging
sanligan ng ating kabihasnan at kalinangan.
CO: Sa pagtatapos ng kurso, ang mga mag-aaral ay inaasahang:
a. Nakikilala ang kalinangang Pilipino at natatalos ang minanangyaman at taglay
nakatalinuhan ng lahing ating pinagmulan.
b. Namumulatang kamalayan at sensibilidad at natatamo ang magandang
saloobin at pagpapahalaga sa kagalingang hatid ng panitikan.
c. Naipapamalas ang pagpapahalaga sa akdang pampanitikan sa pamamagitan ng
madulang sabayang pagbigkas.
Tayo ay magsimula!
Kabanata 1
BATAYANG KAALAMAN SA PAG-AARAL NG PANITIKAN
Week 1-3: Unit Learning Outcomes (ULO): Sa katapusan ng aralin, ang mga mag-
aara
ay inaasahang:
1. nakikilala ang kalinangan ng lahing ating pinagmulan; at
2. naipaliliwanag ang kahalagahang dulot ng pag-alamsa ating minanangyaman at taglay
nakatalinuhan ng lahing ating pinagmulan.
Big Picture in Focus
ULOa.Nakikilala ang kalinangan ng lahing ating pinagmulan
Metalanguage
Ang bahaging ito, ang pinakamahalagang terminolohiya na may kaugnayan sa
pag-aaral ng panitikan ng Pilipinas ay ilalahad upang magamapanan ang ULOa. Mga
terminong ating mapag-uusapan ay ilalahad sa paraang malinaw at madaling
maintindihan.
1. Kahulugan at Kahalagahan:
Ang salitang PANITIKAN ay galling sa salitang-ugat na TITIK at unlaping PANG
(nanagingPANdahilsaimpluwensiya ng unang letra ng salitang-ugat) at hulapingAN
(pang + TITIK + an =pangTITIKan). Batay sa tuntuning pagbabagong
morpoponemiko, ang panlaping pang ay nagbabago ng anyo at nagiging pan kapag
ikinakabit ito sa salitang ugat na nagsisimula sa letrang d,l,r,s,t kaya ang dapat na
PANGTITIKAN ay naging Panitikan.
2. Ang ibang manunulat ay nagbigay ng kani-kanilang kahulugangaya ng mga
sumusunod (Lorenzo et al., 2010 at Santiago et al., 1989):
a) Nagpapahayag ng damdamin ng tao tungko lsa iba’tibang bagay sa daigdig,
sa pamumuhay ,pamahalaan, lipunan at sa kaugnayan ng kanilang kaluluwa
sa Dakilang Lumikha ayon kay Bro Azarias .
b) Bungang-isip at naisatitik ni Alejandro Abadilla buhay ito dahil ito ay
repleksyon ng pamumuhay at pakikipamuhay ng mga tao sa kanyang
ginagalawang lipunan.
c) Ang panitikan ay umusbong kasabay ng pagbabago ng panahon at
kasaysayan dahil na rin sa matinding pangangailangan ng tao.
Mabisang instrumento upang bumago ang damdamin at isipan ng tao, at
mapakilos siya ayon sa idinikta ng kanyang puso at isip.
d) Ang panitikan ay walang kamatayan, a never ever ending story, sa
pagkatuto sa buhay.
Ang tao ang gumagawa nito at habang mayroon pang nilalang na nabubuhay
sa mundo, ang panitikan ay patuloy pa ring panitikan , na binubuo at patuloy
na nabubuo ng mga mamamayang Pilipino.
e) Ang panitikan ay sining sapagkat ito ay nasusulat sa isang maganda,
maayos at kalugud-lugod na pamamaraan.
Anumang bagay raw ang naisasatitik, maging ito’y totoo,kathang-isip, o
bungang tulog lamang ay maaaring gawing panitikan (Webster).
f) Ang panitikan ay kasaysayan ng kaluluwa ng mga mamamayan (Ramos)
Dalawang Anyo ng Panitikan:
a. Patula isa sa pangkalahatang anyo ng panitikan na nangangailangan ng masusing
pagpila ng mga salita, pagbilang ng mga pantig, at paghahanap ng magkakatugmang salita
upang maipadama ang isang damdamin o kaisipang nais ipahayag ng manunulat.
b.Tuluyan o Prosa nasusulat sa karaniwang takbo ng pangungusap gaya ng nobela,
talambuhay, maiklingkuwento, dula, nobela, alamat, balita, sanaysay,anekdota parabola o
anumang panulat na walang sukat at tugma at naisulat sa patalata na paraan.
3. Mga Dahilan Kung Bakit Dapat Pag-aralan ang Panitikang Pilipino
Upang makilala ang kalinangang Pilipino, malaman ang ating
minanangyaman ng kaisipan at taglaynakatalinuhan ng
lahingatingpinagmulan.
Upang matalos natin na tayo’y may marangal at dakilang tradisyon na
nag silbing patnubay sa mga impluwensya ng ibang mga kabihasnang
nanggagaling sa ibang mga bansa.
Upang mabatid natin ang mga kapintasan sa ating panitikan at
makapagsanayupangmaiwasto ang mgaito.
Upang malaman ang ating mga kagalingan sa pagsulat at mapagsikap
ang ito’y mapagbuti at mapaunlad.
Bilang mga Pilipinong mapagmahal at may malasakit sa ating sariling
kultura ay dapat nating pag-aralan ang ating panitikan.Tayo ay higit
kanino man ang dapat magpahalaga sa sariling atin.
Essential Knowledge
Upang magampanan ang nasabing ULO’s para sa unang tatlong linggo ng
asignaturang ito, kailangan mong maunawaan ang sumusunod na Essential Knowledge
Nailalatag sa susunod na pahina. Alalahanin na hindi kayo pinagababawalang gumamit
ng ibang batayang makikita sa ating silid aklatan gaya ng ebrary,
search.proquest.com at iba pa.
Kaligirang kasaysayan:
Ang panitikan ng bawat bansa ay kasaysayan ng mga pangyayari na nagsisilbing
repleksyon ng pamumuhay at pakikipamuhay ng mga tao sa kanyang kinabibilangang
lipunan. Pinakikilos nito ang ating malikot naisip at binibigyang pintig ang ating puso.
Bago pa man dumating ang mga mananakop na Español, ang mga katutubong
Pilipino ay mayroon nang maituturing na sariling panitikan na nagpapakita ng kanilang
kalinangan at kasaysayan. Bukod dito, mayroon na rin silang sariling sistema ng
pagsulat na tinatawag na baybayin. Sa pamamagitan nito, naitala nila ang ilang
mahahalagang pangyayari sa kanilang buhay gaya ng kanilang tradisyon, kaugalian,
paniniwala, at iba pa. Ayon sakasaysayan, ang ating mga ninunong Pilipino ay gumamit
ng matutulis na bagay gaya ng dulo ng kawayan, kahoy, lanseta, bato, at bakal bilang
panulat, at ang mga biyas ng kawayan, talukap ng bunga, at dahon ng mga
punongkahoy naman ang naging sulatan nila. Masasabing ang pamamalasak ng lipat-
dila o pasalitang-uri ng panitikan ang isa sa pangunahing katangian ng panitikan sa
panahong ito. Dahil dito, napreserba nila ang kanilang sina unang panitikan.
MGA AKDANG NAKAIMPLUWENSYA SA PANITIKAN NG PILIPINAS AT NG
DAIGDIG
Napakalaking impluwensya ng panitikan sa ating buhay, damdamin, kaisipan at
ugali ng tao at kultura ng lahi. Ito ay isangparaannanagkakalapit ang damdamin ng
mgataosasanlibutan. kaparaanan, ang atingbinabasa ay nagbibigay ng
iba’tibangimpormasyonnamagbubunga ng kaunlarangpansarili o panlipunan.
Ilansamgaito ay ang sumusunod:
Banal naKasulatan/Bibliya.
Koranmula Arabia (Arabic
Iliad at Odyssey ni Homer (Greek
Mahabharata ng India (Sanskrit
Canterbury Tales ni Chaucer (Old English
Uncle Tom’s Cabinni Harriet Beecher Stowe(Modern English).
Divina Comediani Dante Alighieri
El Cid Compeadorni Dante Alighieri
Isanlibo at Isang Gabi (One Thousand and One Nights
Aklat ng mgaArawni Confucius(Analects)
Aklat ng mgaPatay ng Ehipto( Book of the Dead
Awitni Rolando ( Songs of Roland)
Noli Mi Tangere at El Filibusterismoni Dr. Jose Rizal
ANYO NG PANITIKAN:
A. Mga Uri ng AkdangTuluyan
a. Pabula- mgasalaysayin din itonghubadsakatotohananngunit ang
layuni’ygisingin ang isipan ng mgamambabasa, higit ng mga bata sa mga
pangyayaring makahuhubog sa kanilang ugali at pagkilos. Tampok ang mga
hayop bilang mga pangunahing tauhan sa kwento.
Halimbawa:
Ang Pagong at ang Matsing ni: Dr. Jose Rizal
Ang Kuneho at ang Pagong ni: Aesop
b.Parabula-kwento o salaysay na hango sa banal na kasulatan na naglalayong
mailarawan ang isang makatotohang moral o ispiritwal sa isang matalinghagang
paraan.
Halimbawa:
Ang MabutingSamaritano
Ang AlibughangAnak
c. Alamat-ito’ymga salaysaying hubad sa katotohanan; tungkol sa pinagmulan
ng bagay ang paksanito.
Halimbawa:
Alamat ng Ilog Pasig
Alamat ng Mangga
d. MaiklingKuwento-ito’y salaysaying may isa o ilang tauhan, may isang
pangyayari at may kakintalan.
Halimbawa:
Ang Kuwentoni Mabuti ni Genoveva Edroza- Matute
Impen Negro ni: Rogelio Sikat
WalangPanginoon ni: Deogracias Rosario
Nagbibihis na ang Nayon ni: BrigidoBatumbakal
e. Anekdota–mga likhang-isip lamang ng mga manunulat ang mga maikling
salaysaying ito na ang tanging layunin ay makapagbigay-aral sa mga
mambabasa.
Halimbawa:
Para sa mga hindi nakakaalam, ang Hebreo ang wika nagiging mitsa ng Israel. Isang ahenteng
Ruso (KGB agent) ang nakakita sa isang matandang nababasa ng balarilang Hebreo sa parke ng
Moscow. Itinanong ng ahente kung ano ang kanyang binabasa, at isinagot ng matanda “ito ay
aklat tungkol sa wika ng Israel”. Sinabi ng ahente nasa gulang ng matanda ay hind na ito
makararating pa sa Israel. Sinabi ng matanda na tama ang ahente ngunit sa paraiso ang wika ay
Hebreo.Tinudyo ng ahente ang matanda na baka sa impiyerno ito mapunta. Sumagot ang
matanda na hindi problema iyon sapagka tmarunong na siya ng wikangRuso.
https://www.tagaloglang.com/anekdota-halimbawa/)
f. Sanaysay- pagpapahayag ng kuru-kuro o opinyon ng may-akdatungkol
saisangsuliranin o pangyayari.
Halimbawa:
KapagLumaki Na (Sulating di Pormal)
Pinalaki tayo sa kasinungalingan. Bata pa lang tayo, sinanay na tayo sa mga nilalang na hindi
naman natin nakikita. Kapre, tikbalang, manananggal, tiyanak, multo at mangkukulam. Mga
lamang-lupa daw ang tawag dito. Nagtataka ako kung bakit hindi isinama ang kamote, sibuyas at
luya. Mga lamang-lupa din naman iyon.
Kapag nagkakasakit tayo, ipinipilit ng Nanay na masarap ang lasa ng gamot para sasakit mo.
Kahit kalasa iyon ng tinta ng pentel pen o panis na mantika. Para mapainom ka, kailangang
pasinungalingang pagkasarap-sarap ng gamot kahit pati sila kapag umiinom nito ay
nagkakandangiwinari at nasasimangot. At may batok ka galing kay Tatay kapag nailuwamo at
naisuka. Sayang ang ipinambili ng gamot.
Ipapanood sa iyo ang palabas ng TV ang mas lalong pinakamalalaking kasinungalingan. Sesame
Street na hindi mga totoong tao ang gumaganap. Palakang nagsasalita, mag-partner na puppet
na parehong lalaki (sino kaya ang bading?), halimaw na mahilig sa biscuit, bampirang hanggang
10 lang ang kayang bilangin (minsan up to 12), ibon na kasinglaki ng elephante at elepanteng
balbon (saan ka nakakita ng elepanteng pagkahahaba ng balahibo sa katawan?) at isang
nilalang na mahilig mag-ipon ng basura at nakatira sa basurahan. May tagalog version ito dito sa
Pilipinas, ang Batibot. Ang problema, ang pinakabida sa program na ito, isang tuso at isang
tanga.
Bahagi ng isangsanaysaymulasahttp://sanaysay-filipino.blogspot.com/2011/07/maikling-sanaysay-
tungkol-sa-kabataan.html
g. Talumpati- ito’y isang pagpapahayag na binibigkas sa harap ng mga
tagapakinig. Ang layunin nito humikayat, magbigay ng impormasyon,
mangatuwiran, magpaliwanag, at magbigay ng opinyon o paniniwala.
Halimbawa:
Ang isang ordinaryong batang Pilipino ay kalimitan natinitingnan bilang isang
kasambahay ng kanyang mga magulang. Sa ating modernong panahon ngayon ay
karamihan ng mga bata ay nahuhubog sa teknolohiya. Mga bata na tumutunganga nalang
sa harapan ng kompyuter o cellphone, hindi man tumutulong sa mga gawaing bahay.
Minsan nahihirapan ang ating mga magulang sa lahat ng mga gawain kaya halina’t tulungan
natin ang ating nanay at tatay. Ito ang mga paraan para maging mabuting anak sa kanyang
mga magulang:
Tumulong — Bilang mga anak, tayo ay inaasahan ng ating mga magulang para gawin ang
kanilang inutos. Hindi dahil tinatamad sila, kundi kailangan nila ng tulong. Marami sa atin ay
ang mga magulang ay matanda na.Madalas hindi na nila kaya ang lahat ng mga gawain
kaya para maging mabuting anak ay kailangan natin silang tulungan.
Sumunod — Tayong mga kabataan, madalas nating sinasabi na “Masyado naman kayo
mahigpit sa akin” sa ating mga magulang, o kaya binubulong nalang sa ating sarili. Sila,
bilang magulang, gusto lang nila kung anong nararapat sayo. Alam nila kung ano ang
ikabubuti mo dahil dumaan na rin sila sa ating edad. Naging bata rin sila para malaman kung
anong ikasasama o ikabubuti ng mga anak.
Bahagi ng talumpatimulasahttps://medium.com/@cod5sabre/mabuting-anak-6905f9f8dc6f
h. Dula-ito’y itinatanghal sa ibabaw ng entablado o tanghalan. Nahahati ito
sa ilang yugto, at sa bawat yugto ay maraming tagpo.
Halimbawa: “Hulyo 4, 1954 A D
Ni:Dionisio Salazar (1968)
i. Balita-ito’y isang paglalahad ng mga pang-araw-araw na pangyayari sa
lipunan, pamahalaan, mga industriya at agham, mga sakuna, at iba pang
paksang nagaganap sa buongbansa o maging sa ibayong dagat.
Halimbawa:
MANILA - Nakumpiska ng mga awtoridad ang P6.8 milyonnahalaga ng hinihinalang shabu mula sa
magkahiwalay na operasyon sa Las Piñas at Quezon City, na nagresulta sapagka-aresto ng 5
hinihinalang drug pusher, Linggo.
Unang naaresto ang 3 suspeknanagbenta ng droga sa mga operatiba ng Philippine Drug
Enforcement Agency sa parking area ng isang mall sa Las Piñas.
Nakuha sa kanilang bag ang nasa kalahating kilo ng umano'y shabuna nag kakahalaga ng P3.4
milyon, ayon sa PDEA.
Dagdag ng ahensya, 2 beses nang nagpuslit ng shabu ang mga suspek mula sa kanilang supplier
na si alyas LadjsaTalitay, Maguindanao.
Bahagi ng balitamulasahttp://news.abs-cbn.com/news/07/02/18/halos-p7-m-shabu-
nakumpiska-sa-las-pias-qc
j. Talambuhay-tala ng kasaysayan ng buhay ng isangtao. Maaaringito’y pang-
iba o pansarili.
k. Nobela- mahabangsalaysayingnahahatisamgakabanata. Hangosa
tunaynabuhay ng tao ang mgapangyayari at
sumasakopsamahabangpanahon. Ginagalawanito ng maramingtauhan.
Halimbawa: Me Tangere, El Felibusterismo
B. Mga Uri ng Akdang Patula:
A. Tulang Pasalaysay ang uring ito ay naglalarawan ng mahahalagang mga
tagpo o pangyayari sa buhay, halimbawa’y ang kabiguan sa pag-ibig, ang
mga suliranin at panganib sa pakikidigma o kagitingan ng mgabayani.
a.1 Epiko–nagsasalaysay ng mga kabayanihang halos hindi
mapaniwalaan pagkat nauukol sa mga kababalaghan. Ito’y nagbubunyi
sa isang alamat o kasaysayan na naging matagumpay laban sa mga
panganib at kagipitan.
a.2 Awit at korido –mga paksang hango sa pangyayaring tungkol sa
pagkamaginoo at pakikipagsapalaran, ay mga hari’t reyna, prinsipe’t
prinsesanag kakaisa sa kaharian. Ang awit ay ay may sukat na 12] pantig
at inaawit nang mabagal sa saliw ng gitara, samantalang ang korido’y
may sukat nawalong [8] pantig at binibigkas sa kumpas ng martsa.
a.3 Balad–may himig na awit dahil ang ito ay inaawit habang may
nagsasayaw.
Ito ay nilikaha noong unang panahon.Sa kasalukuyan nagpapasama na
ito sa tulang kasaysayan na may anim hanggang walong pantig.
B. TulangLiriko- ito ay nagtataglay ng mga karanasan, kaisipan, guniguni,
pangarap at iba’tibang damdaming maaaring madama ng may-akda o ng
ibang tao. Ang uring ito ng tula ay maikli at payak.
b.1 Awiting bayan– ang karaniwang paksa ng uring ito ay pag-ibig,
kawalang pag-asa o pamimihagti, pangamba, kaligayahan, pag-asa at
kalungkutan.
b.2 Soneto –tulang may 14 na taludtod hinggil sa damdamin at kaisipan,
may malinaw nabatiran ng likas na pagkatao, at sakabuuan, ito’y
naghahatid ng aral sa mambabasa.
b.3 Elehiya – nagpapahayag ng damdamin o guniguni tungkol sa
kamatayan o kaya’y tula ng pananangis lalo nasa paggunita ng isang
yumao.
b.4 Dalit – awit na pumupuri sa Diyos o Mahal na Birhen at nagtataglay
ng kaunting pilosopiya sa buhay.
b.5 Pastoral- ito ay may layuning maglarawan ng tunay na buhay sa
bukid.
b.6 Oda - nagpapahayag ng isang papuri o panaghoy o iba pang
masiglang damdamin; walang tiyak na bilang ng pantig o tiyak nabilang
ng taludtod sa isang saknong.
C. Tulang Pandulaan- katulad ito ng karaniwang dula, ang kaibahan nga
lamang ay binibigkas ng mga tauhan ang kanilang mga diyalogo sa paraang
patula. Maaaring isa sa mga uring ito ang mga tulang binibigkas ang
sasarswela at komedya.
c.1Trahedya – uri ng dulang angkop sa mga tunggaliang nagwawakas sa
pagkasawi o pagkawasak ng pangunahing tauhan.
c.2 Komedya – isang gawa na ang sangkap ay piling-pili at ang
pangunahing tauhan ay may layong pukawin ang kawilihan ng
manonood. Nagwawakas ito ng masaya. Ang tunggalian ay karaniwang
nagtatapos sa pagkakasundo ng mga tauhan na nakapagpapasaya sa
damdamin ng manonood.
c.3 Melodrama –karaniwang ginagamit sa lahat ng mga dulang musikal,
kasamana ang opera. Ngunit ngayon ito ay may kaugnayan sa trahedya
tulad din ng parsa sa komedya. Ang sangkap ng uring ito ng dula ay
malungkot Ngunit naging kasiya-siya ang katapusan para sa
pangunahing tauhan ng dula.
c.4 Parsa (Farce) uri ng dula na may layunin mag pasiya sa
pamamagitan ng mga kawing-kawing na mga pangyayaring nakatatawa.
c.5 Saynete (Sketch) uri ng dula na ang pinapaksa ay mga karaniwang
pag-uugali ng tao o pook.
D. TulangPatnigan kabilang sa uring ito ang karagatan, duplo at balagtasan.
d.1 Karagatan – ito ay batay sa alamat ng singsing ng isang prinsesa na
naihulog niya sa dagat sa hangarin mapangasawa ang kasintahang
mahirap. Hinamon niya ang mga binatang may gusto sa kanya nasisirin
ang singsing sa dagat at ang makakakuha’y pakakasalan niya. Sa larong
ito, isang kunwa’y matanda ang tutula hinggil sa dahilan ng laro;
pagkatapos ay paiikutin ang isang lumbo o tabona may tandang puti kung
sinumang matapatan ng tandang ito paghinto ay siyang tatanungin ng
dalaga ng mga talinghaga tanong at patalula ang paraan ng pagsagot.
d.2 Duplo – ito ang humalil sa karagatan. Ito’y paligsahan ng husay sa
pagbigkas at ang patula. Ang mga pangangatwiran ay hango sa Bibliya,
sa mga sawikain, at mga kasabihan. Karaniwang nilalaro upang aliwin
ang mga namatayan.
d.3 Balagtasan – ito ang pumalit sa duplo at ito’y sa karangalan ng
“Sisne ng Panganay na si Francisco “Balagtas” Baltazar”. Ito’y tagisan ng
talino sa pagbigkas ng tula, bilang pangangatwiran sa isang paksang
pagtatalunan.
Mga Paraan ng Pagpapahayag ng Panitikan:
Ayon kay Pagkalinawan (2006) at Santiago, Kahayon at Limdico (1989),
pasulat man at pasalita, patula o tuluyan, ang anumang akdang pampanitikan ay
maaaring talakayin sa apat na uri ng pagpapahayag.
Pagsasalaysay – isang uri ng pagpapahayag na nagsasalaysay ng
isangkaranasan. Halimbawa: “45: Isang Paglalakbay”
Paglalarawa- isang paraang naglalarawan ng isang bagay, tao o lugar na ang
mga detalye ng katangian maging ito man ay kagandahan at kapintasan ng tao,
bagay o lugar ay binabanggit dito. Halimbawa: “Davao… Isang Pagbabalik-
Tanaw”
Paglalahad–isang paraang nagbibigay katuturan sa isang ideya o konsepto.
Nagmumungkahi rin ito ng paraan ng paggawa ng isang bagay. Maaaring
tumalakay ng isang suliranin, magbigay ng dahilan o kalutasan. Halimbawa:
Paano magluto ng ginataang paksiw na tilapia
Pangangatwiran-naglalayong humikayat sa mga mambabasa o tagapakinig
napumanig sa opinyon ng manunulat o tagapagsalita. Halimabawa: “ Kailangan
ang “Taos-puso na Pagtawag at Pananalig sa Poong Lumikha”
Self-Help:
You can also refer to the sources below to help you further understand
the lesson:
Argonza, M. V., Bongalon, Y. L., Gonzales, J.O., Tabirao, E. A.
2014. Tudla:Binagongedisyon. Quezon City: Philippine Educational Publishers
Association.
Baldonado, Riza B. 2013. Readings from world literature:understanding people’s cultures
traditions and beliefs. Quezon City: Great Books Publishing.
Cabasaan, W., Caranto, A. Magtibay, P. 2014. Appreciating Philippine contemporary
literature. Malabon City: Junezyville Publications.
Espina, L., Plasencia, N., Ramos, V., &Villena, J. 2014. Literatura ng Iba’tibangrehiyon ng
Pilipinas (Ikalawangedisyon). Manila: MINDSHAPERS CO., INC.
Limpot, Marilou Y, Dela Salde, Marsan S., Napil, Melissa C., Oliva, Elleine Rose A., Bayani,
RammelT.,Solatorio, Lilian B., Cuevas, Alma B., Cahucom, Gina G.and Palma, Reita C.
2018. Panitikang Filipino. Malabon City: MUTYA Publishing Co. Inc.
Rodil, R. C. 2014. Heritage of world literature: poetry selection, Philippines. Mandaluyong
City: Books Atbp Publishing Corp.
https://www.marvicrm.com/2017/10/song-of-roland-tagalog-version
http://imgfil.com/1b67tb
https://www.learnreligious.com
https://www.britannica.com/topic/
https://en.wikipedia.org/wiki/uncletoms
https://tl.wikipedia.org/wiki/divina
https://simple.wikipedia.org/wiki/ElCid
https://mgablognielaine.blogspot.com/2016/10/pagsusuri
ngilangkwentosanobelang.htmlhttps://www.scribd.com/doc/46405451/Mga-Maiimpluwensyang
Akd https://afrikhepri.org/tl/ang-aklat-ng-mga-patay-ng-sinaunang-egyptians-pdf/
LET’S CHECK!
Gawain 1. Panuto: Piliin at isulat sa patlang ang pinaka angkop na letra ng inyong sagot. Gamitin ang
malaking letra at bawal ang anumang pagbubura.
____1. Isa sa mga tulang pasalaysay na naglalarawan ng katapangan, kabayanihan at
pakikipagsapalaran ng mgatao.
A. soneto
B. balad
C. epiko
D. elehiya
____ 2. Ito ay isa sa mga akdang tuluyan natumatalakay sa pinagmulan ng isangbagay, lugar o
pangyayari
A. talambuhay
B. parabula
C. anekdota
D. alamat
____ 3. Ito ay isa sa mga paraan ng pagpapahayag ng naglalayong humikayat sa mga mambabasa o
tagapakinig na pumanig sa opinyon ng manunulat o tagapagsalita na malinaw na nailatag ang
mga katwiran
A. Pagsasalaysay
B. Pangangatwiran
C. Paglalahad
D. Paglalarawan
____ 4. Ito ay isa sa mga unang anyo ng tula na ginagamit sa panggagamot o pangkukulam.
A. salawikain
B. bulong
C. sawikain
D. bugtong
____5. Ito ang kasaysayan ng kaluluwa ng mamamayan. Nasasalamin dito ang mga layunin,
damdamin at pag–asa ng isanglahi
A. kultura
B. panitikan
C. relihiyon
D. bugtong
____ 6. Tulang liriko na may isang saknong at may 14 natalutod na ang kabuuan ay hinggil sa damdamin
ng kaisipan
A. elehiya
B. balad
C. oda
D. soneto
____ 7. Napag-alaman nina Julah at Jikeh sapamamagitan ng pagbabasa na mayroong langit,
purgatoryo at impierno, subalit nakalimutan nila kung alin sa mga akdang pampanitikan ito ay
maaaring basahin.
A. Aklat ng mga Araw
B. Iliad at Homer
C. Divina Comedia
D. Aklat ng mga Patay
____ 8. Isa sa mga akdang pampanitikan na naglalaman ng alamat at mitolohiya ng ehipto
A. Divina Comedia
B. Uncle Tom’s Cabin
C. Aklat ng mgaPatay
D. Aklat ng mgaAraw
____ 9. Ito ay isa sa mga akdang tuluyan nabinibigkas sa harap ng madla at may layuning hikayatin ang
kanyang tagapakinig
A. soneto
B. nobela
C. balita
D. talumpati
____ 10.Nakagawian na nina Samantha at Jemimah na bumili ng pahayagan tuwing umaga upang hindi
mahuli sa nangyayari sakanilang paligid, anong uri ng panitikan ang kanilang tinatangkilik?
A. sanaysay
B. nobela
C. balita
D. pabula
____ 11. Sa anong uri ng tulang pasalaysay nabibilang ang Florante at Laura?
A. balad
B. awit at korido
C. epiko
D. soneto
____ 12. Isa sa mga akdang tuluyan na nag- iiwan ng isang kakintalan sa mambabasa
A. sanaysay
B. maiklingkuwento
C. talumpati
D. nobela
____ 13. Isa sa mga paraan ng pagpapahayag na ang layunin ay magbigay ng kahulugan
A. paglalarawan
B. pagsasalaysay
C. pangangatwiran
D. paglalahad
____ 14. Isa sa mga akdang maimpluwensiya na tumatalakay sa Gintong panahon ng Kristiyanismo sa
France.
A. El Cid Compeador
B. Aklat ng mgaAraw
C. Awitni Rolando
D. Canterbury Tales
____ 15. Isa sa mga anyo ng panitikan na binubuo ng pangungusap at tuloy-tuloy ang paraan ng
pagsulat
A. sanaysay
B. prosa
C. patula
D. liriko
____ 16. Ang MabutingSamaritano:__;____: pabula
A. Parabula::: Alamat ng Duryan
B. Maiklingkwento::: Ang Matsing at ang Pagong
C. Parabula::::Ang Matsing at ang Tipaklong
D. Anekdota:::Ang Langgam at ang Tipaklong
____ 17. Isa sa maimpluwensiyang akda na naglalarawan ng katangiang panlahi ng mga Arabo
A. Aklat ng mgaAraw
B. El Cid Compeador
C. Iliad at Odyssey
D. Uncle Tom’s Cabin
____18. Nais malaman ni Simonne kung aling akda ang naging batayan ng ideolohiyang demokrasya,
aling aklat ang dapat niyang basahin?
A. Isang Libo’t Isang Gabi
B. Divina Comedia
C. Canterbury Tales
D. Uncle Tom’s Cabin
____ 19. Ito ang natatanging epiko ng mga Tagalog
A. diona
B. tulalang
C. haraya
D. kumintang
____ 20. Ang mga akdang Noli Mi Tangere at El Filibusterismo ay nabibilang sa anong anyo ng
panitikan?
A. tuluyan
B. ppatula
C. liriko
D. korido
____ 21. Si Bb. Jilliene ay nagnanais na mapaniwala at maakit ang kanyang mambabasa sakanyang
ginagawang obra. Ano ang paraan ng pagpapahayag ang dapat niyang gamitin?
A. paglalahad
B. paaglalarawan
C. pangangatwiran
D. pagsasalaysay
____ 22. May takdang gawaing ibinigay ang guro ni Sabelle. Nais ng kanyang guro na hingin ang
kanilang pananaw hinggil sa kampanya laban sa droga ng gobyernong Duterte. Anong akdang
tuluyan ang pinagawa ng guro?
A. talambuhay
B. maiklingsalaysay
C. sanaysay
D. anekdota
____ 23. Alim:: pinakamatandang epiko sa Pilipinas; _____::pinakamahabang epiko sa daigdig
A. Hudhud
B. Mahabharata
C. Bidasari
D. Don Juan Teñoso
____ 24. Isa mga akdang maimpluwensiya na naging batayan ng pananampalataya ng mgaTsino.
A. Aklat ng mga Patay
B. Aklat ng mgaAraw
C. Aklat ni Confucius
D. Aklat ng mga Buwan
____ 25. Isa sa mga akdang patula na kinabibilangan ng Romeo at Juliet.
A. soneto
B. oda
C. trahedya
D. melodrama
____ 26. Isa sa mga tulang pandulaan na ang tunggalian ay karaniwang nagtatapos sa pagkakasundo ng
mga tauhan na siya naming nakapagpapasaya sa mga manonood.
A. parsa
B. saynete
C. melodrama
D. komedya
____ 27. Ito ay isa sa mga tulang patnigan na ang pangangatwiran ay hango sa Bibliya, sa salawikain at
mga kasabihan upang aliwin ang namatayan.
A. karagatan
B. balagtasan
C. duplo
D. debate
____ 28. Ito ay isa sa mga tulang pasalaysay na ang paksa ay tungkol sa pagka maginoo ng mga
tauhan.
A. epiko
B. awit at korido
C. balad
D. melodrama
____ 29. Nais ni Sienna na magsulat tungkol sa pag-uugali ng mga Kidapaweño. Anong uri ng tulang
pandulaan ang kanyang isusulat?
A. saynete
B. parsa
C. duplo
D. pastoral
____ 30. Isa sa mga tulang lirikonanagpapahayag ng papuri o panaghoy o iba pang
masiglangdamdamin at walangtiyaknabilang ng pantig o taludtod.
A. oda
B. soneto
C. dalit
D. pastoral
LET’S ANALYZE
Pagsasanay 1. Hindi sapat namalaman lamang ang mga termino ukol sa panitikan, kailangan
pang palawigin ang inyong kaalaman upang lalong mapalawak ang inyong kabatiran.
Talakayin nangmaayos ang mga naka tala sa ibaba.
1. Bakit kailangan pag-aralan ang Panitikan?
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
_____
2. Paano paghambingin ang panitikan kahapon, ngayon at bukas? Gamit ang venn diagram.
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
_______
3.Bakit ang panitikan ay masasabing walang kamatayan?
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____
Pagsasanay 2. Panuto:Punan ng sagot ang talaan hinggil sa mga akdang nagbigay ng
impluwensiya sa ating panitikan. Tingnan ang LMS para sa detalye
ng pagsasakatuparan ng gawaingito
Tauhan at
Akda Paboritongpangyayari/senaryo Tunggalian Resolusyon
Katangian
Iliad at
Odyssey
Mahabharata
Canterbury
Tales
Uncle Tom’s
Cabin
Divina
Comedia
El Cid
Compeador
Isanlibo’t
Isang Gabi
Aklat ng
mgaAraw
Book of the
Dead
Awitni
Rolando
IN A NUTSHELL
Sinasabing nakikita sa panitikan ang buong larawan ng isangkultura, tradisyon at
paniniwala, ibig sabihin ang kabanatang ito ay kapaki-pakinabang upang mabuksan at
magkakaroon ng kabatiranang bawat isa ukol sa halaga ng pagbabasa ng panitikan?
1. Para saiyo, (Ano ang iyongmasasabi kung ang isang bansa ay walang talang
panitikan?)
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
2. Ano ang ambag ng panitikan sapag papanatili sa kultura, tradisyon at paniniwalang
isanglahi?
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
______________________________________________________________________
Q & A LIST
MgaTanong/Isyu Sagot
KEYWORD INDEX
panitikan kasaysayan
akdang patula impluwensya
akdang tuluyan bungag-isip
walang kamatayan oda
Homer Osiris
Dante Alighiere Noli Mi Tangere
titik El Filibusterismo
KABANATA 2
PANAHON NG KATUTUBO
Big Picture in Focus:
ULOb. Naipaliliwanag ang kahalagahangdulot ng pag-
alamsaatingminanangyaman at taglaynakatalinuhan ng
lahingatingpinagmulan.
Metalanguage
Sa bahaging ito, ang pinakamahalagang terminolohiya na may kaugnayan
sapag-aaral ng panitikan sa panahon ng Katutubo ay ilalahad upang magampanan ang
ULOb. Mga termino ng ating mapag-uusapan ay ilalahad sa paraang malinaw at
madaling maintindihan.
1. Bumbong -isang uri ng kawayan na ginamit ng ating mga ninuno sa pagpapalaganap
ng panitikan
2. kuwentong bayan- mga karaniwang kaganapan sa pamayanan.Tungkol sabuhay,
pakikipagsapalaran, pag-iibigan, katatakutan, at katatawanan nakapupulutan ng
magagandang aral sa buhay.
3. Maragtas- ang salaysay na ito ay tungkol sa sampung datung tumakas mula sa
Borneo dahil sa kalupitan ni Sultan Makatunaw. Nagtungo sila sa Panay at binili ito
kay Haring Marikudo. Nasasaad dito ang paraan ng pagbili ng lupa, paglinang,
paghahati-hati ng mag tirahan, pagbubuo ng mga samahan ng mga pinuno at
pagpapairal ng batas na dapat sundin ng mga mamamayan.
4. Haraya-binubuo ito ng mga alituntunin ng kabutihang-asal at salaysay ng mga
halimbawa ng mga naturang tuntunin.
5. Lagda- ito’y katipunan ng mga batas o kautusannadapattuparin ng mgamamamayan.
ang halimbawanito ay ang “KodigoniKalansyaw”.
6. Hari sa bukid- ito’y salaysay tungkol sa isang haring hindi nakikita ngunit nalalaman
ng mga tao na nakatira sa taluktok ng bundok ng Kanlaon sa Negros. Ang naturang
hari ay parang isang bathala na nagbibigay biyaya sa mabubuti at nagpaparusa sa
masasama.
7. WayangOrang at Wayang Purwa-palabas na may kinalaman pananampalataya. Na
naglalarawan sa kapangyarihan ng kanilang bathala sa pagpaparusa sa mga
nagkasala. patula ang usapan at may kasamang awit at sayaw. Ang mga
pagtatanghal ay may kaunting banghay (plot), nakaraniwan at tungkol sa
pagpaparusa ng bathala sa kalupitan ng Sultan o Datu sa mga aliping babae.
8. Embayoka-ang mga Muslim sa Lanaw at Holo ay may palabras na pagtatalong
patula na katulad ng balagtasan ng Katagalugan. Ito’y ginampanan ng isang lalaki at
isang babae. Ang tawag sa palabras na ito ay embayoka o bayok.
9. Sayatan-isang laro ng panyo na may tulaan, awitan at sayawan.
10. Yantok-isanguri ng halaman na may sukat mula 250 hanggang 650 metro ang habà
ng katawan. Karaniwang makikita ang halamang ito sa Aprika, India, at Timog
silangang Asia.
Essential Knowledge
Upangmagampanan ang nasabing ULO’s para sa unang tatlong linggo ng
asignaturang ito, kailangan mong maunawaan ang sumusunod na Essential Knowledge
Na ilalatag sa susunod na pahina. Alalahanin na hindi kayo pinagbabawalang gumamit
ng ibang batayang makikita sa ating silid aklatan gaya ng ebrary,
search.proquest.com at iba pa.
Kaligirangkasaysayan
Ang panitikan sa panahong ito ay…
Karaniwang pasalin-dila (oral)
BAYBAYIN
Tumatalakay sa paraan ng pamumuhay (way of life) ng ating mga ninuno
Nagpapatunay na may sibilisasyon/kabihasnan na ang mga katutubo sa Pilipinas
bago pa dumating ang mga Español
Matatagpuan din sa mga palayok, banga, kawayang bumbong (isang ng bamboo) .
kung nakasulat.
Unang tulang Tagalog
A. Awiting Bayan o kantahing-bayan ay tulanginaawitnanagpapahayag ng
damdamin, kaugalian, paniniwala, karanasan, gawain o hanapbuhay ng
mgataongnaninirahansaisangpook o lugar.
1. Oyayi/hele (pagpapatulog ng bata)
Halimbawa:
Matulog ka nabunso, ang inamo ay malayo
At hindi ka masundo may putik at mabaho.
2. Kalusan (paggawa)
Halimbawa:
Likassa Pilipino ang pagtutulungan
Sama-samangtumutulong para sa bayan
Mayaman man o mahirap, nandiyan ang pagkakaisa
Kapit-bisigitongpinaglabanan
3. Balitaw/Kundiman awit ng pag-ibig
Halimbawa:
Ang balatmo’yhuwagibilad kung mainit
Kailanganmo’ysalakotnapambukid
Ang balat kung masungit ang panahon
Parang payong din ‘yon
4. Diona (kasal)
Halimbawa:
Aanhin ang yamang Saudi,
O yen ng Japayuki
Kung wala ka satabi
-Fernando Gonzales https://burubudoy.wordpress.com/2008/07/15/pinoy-haiku-tanaga-dalit-at-diona/)
5. Kumintang/tagumpay (pandigma) , ito ay kasaysayan ng mga pandirigma ng
mga kawal nina DatuDumangsil ng Tall at DatuBalkasusa ng Tayabas at ng
Bai ng Talim.
6. Dalit/himno (pagsamba sa anito/panrelihiyon) isang awit ng papuri, luwalhati,
kaligayahan o pasasalamat, karaniwang para sa Diyos o Mahal na Birhen
sapagkat nagpapakita, nagpaparataing o nagpapadama ng pagkadakila o
pagsamba.
Halimbawa:
Pumanaog, pumanaog si Mansilatan,
Saka si Badla ay bababa,
Mamimigay ng lakas,
Pasayawin ang mga baylan,
Paligiran ang mga baylan.
Birhen sa Barangay
O Maria reyna sa Pilipinas,
Panalipdi kami sa mga katalagman,
Agaka kami ngadto sa manluluwas,
Si Kristo nga anak mo ug ang
Among kaluwasan.
7. Dung-aw isang makalumang tula at tradisyon ng mga Ilokano. Isa itong tulang
inaawit bilang panaghoy sa isang taong namatayan.
Halimbawa:
Ay amanganageb-ebba
Dinak man kaasianaya
A panawan a sisina
Tay unegbalay a kasa.
Ay amanganageb-ebba
Dinak man kaasianaya
A panawan a sisina
Tay unegbalay a kasa.
8. Soliraninawitsapagsasagwan
9. Talindawawitsapamamangka
Halimbawa:
Sagwan, tayo'y sumagwan
Ang buong kaya'y ibigay.
Malakas ang hangin
Baka tayo'y tangayin,
Pagsagwa'y pagbutihin.
B. MGA KARUNUNGANG-BAYAN
Ang mga bugtong, palaisipan, salawikain at kasabihan ay itinuturing nakarunungang-
bayan dahil nagpapatalas ito ng isipan upang mag-isip at bigyang-kahulugan ang mahalagang
kaisipang naka paloob dito o ang ma salitang inilalarawan nito.
1. Bugtong- tulang patugma na ang layunin ay pahulaan ang isang bagay, tao at pook
nakakikitaan ng talinghaga. Ito ay karaniwang nilalaro sa mga lamayan sa patay para
magbigay-aliw at mawala ang antok habang nagpupuyat. Nang lumaon, ginagawa na
rin ito tuwing may pistahan o sa mga pagtitipon.
MgaHalimbawa:
1. Gintong binalot ng pilak/pilaknabinalot ng balat.
2. Hindi hayop, hind itao/walang gulong tumatakbo.
3. Dahong pinagbungahan/bungang pinag dahonan.
4. Bumili ako ng alipin/mataas pa sa akin.
5. Pinihit ko si kaibigan, bumukas ang daanan.
6. Nang bata’y submarino, nang tumanda’y eroplano.
7. Natuwa ang nawalan, nagalit ang nakakuha.
8. Prutas nakaysarap kainin, may itim na perlas kung hatiin.
9. Isang pindot ng daliri, impormasyo’y sari-sari.
10.Tubig sa kaitaasan, ang ulo’y bilugan.
2. Salawikain-butil ng karunungang hango sa karanasan ng matatanda na nagsisilbing
batas at tuntunin ng kagandahang-asal ng ating mga ninuno.
1. Ang hipong palatulog, 6. May tainga ang lupa,
Inaanod ng agos. May pakpak ang balita.
2. Umiwas sa baga, 7. Ang araw bago sumikat,
Sa apoy nasugba. Nakikita ang banaag
3. Ang maniwalasasabi-sabi, 8. Ang magtanim ng hangin,
Walang bait sasarili. Bagyo ang aanihin.
4. Ang sumusira sa bakal,
Kanya ring kalawang.
5. Kung may isinuksok,
May madudukot.
3. Sawikain-kagaya ng salawikain na nagpapahayag ng magandang kaisipan o mensahe
sa buhay. Ang kaibahan lamang, ito ay tiyak at madaling matukoy ang mensahe. Ito ay
tinatawag ding kawikaan o mga kasabihang walang natatagong kahulugan.
1. Ang tunay nakaibigan sa gipit nasusubukan.
2. Nasa Diyos ang awa, nasa tao ang gawa.
3. Daig ng maagap ang taong masikap.
4. Kung minsan ang awa, masakit ang iwa.
5. Tulak ng bibig, kabig ng dibdib.
4. Palaisipanisangparaan- ng pagpukaw at paghasa ng kaisipan ng tao. Ito ay nakalilibang
bukod sa nakadaragdag ng kaalaman.
1. May isang bola sa mesa. Tinakpan ito ng sombrero.
Paano mo kaya makukuha ang bola nang di man lang magagalaw ang
sombrero?
2. May isang prinsesang nasa tore ay nakatira, balita sa kaharian, pambihirang
ganda.
Bawal tumingala upang siya’ymakita. Ano ang gagawin ng binatang sumisinta?
3. Sa paglalakad ng isang mangangaso sa kagubatan ay nakakita siya ng isang
puno ng bayabas nahitiknahitk sa bunga. Nais niyang kumuha ng bunga ngunit
ito’y binabantayan ng mababagsik na unggoy. Paano makakakuha ng bayabas
ang mangangaso na hindi niya sasaktan ang mga unggoy?
4. May isang balong ang lalim ay dalawampung dipa. Sa balong ito ay may palaka,
ang palaka ay nakaahon ng tatlong dipa sa iisang araw ngunit nadudulas ng
dalawang dipa. Ilang araw aakyatin ng palaka ang balon?
5. Kawikaan-kauri ng sawikain na ang kaibahan lamang ay laging nagtataglay ng aral sa
buhay.
Halimbawa:
Ang kasipagan ay kapatid ng kariwasaan.
Walang ligaya sa lupa na di dinilig ng luha.
C. Iba pang Anyo ng Unang Tula
1. MgaTugmaang Pambata mga tugmaang karaniwang ginagamit sa
panunukso o pagpuna sa kilos o gawi ng isang tao.
Halimbawa :
a. Tiririt ng maya c. Bata, batuta
Tiririt ng ibon, Nagsuot salungga,
Ibig mag-asawa, Hinabol ng palaka
Walang ipalamon
b. Putak,putak d. Ako’y isang lalaking matapang
Batang duwag Huni ng ibon kinatatakutan
Matapangka’t,
Nasa pugad.
2. Bulong-tugma ng ginagamit sa panggagamot na pangkulam o pang-
eengkanto.
Mga halimbawa:
a. Tabi, tabi po nuno.
Huwag pong magagalit, kaibigan,
Aming pinuputol lamang,
Ang sa ami’y napag-utusan.
b. Dagang malaki, dagang maliit,
Heto ang ngipin kong sira na’t pangit,
Bigyan mo ako ng bagong kapalit.
Ikaw ang nagnakaw ng bigas ko.
c. Lumuwa sana mga mata mo,
Mamaga sana ang katawan mo,
Patayin ka ng anito.
D. Epiko-mahabang tulang pasalaysay na nagpapakita ng kabayanihan, katapangan,
at pakikipagsapalaran ng pangunahing tauhan. Ang mga pangyayari ay karaniwang
hindi kapani-paniwala at punong-puno ng mga kababalaghan.
Iba’t ibang Epiko
1. Bidasari (Moro)
2. Tatuang, Tulalang, Tuwaang (Bagobo)
3. Parang Sabir (Moro/Tausug)
4. Haraya (Bisaya)
5. Maragtas (Bisaya)
6. Kumintang (Tagalog)
7. Biag (Buhay) ni Lam-Ang (Ilokano)
8. Ibalon (Bicolano)
9. Bantugan (Muslim/Maranao)
10. LabawDonggon (Ilongo)
11. Hudhud (Ifugao)
12. Alim (Ifugao)
13. Hinilawod (Bisaya)
14. Indarapatra at Sulayman (Maguindanao)
Ang ilansamgahalimbawangnabanggit ay mababasasa
https://drive.google.com/file/d/1dqVw-ldJ7Tw6z4-63BHVeIlhg7ksbGSG/view?usp=sharing
Self-Help:
You can also refer to the sources below to help you further
understand the lesson:
Argonza, M. V., Bongalon, Y. L., Gonzales, J.O., Tabirao, E. A.
2014. Tudla:Binagongedisyon. Quezon City: Philippine Educational Publishers
Association.
Baldonado, Riza B. 2013. Readings from world literature:understanding people’s cultures
traditions and beliefs. Quezon City: Great Books Publishing.
Cabasaan, W., Caranto, A. Magtibay, P. 2014. Appreciating Philippine contemporary
literature. Malabon City: Junezyville Publications.
Espina, L., Plasencia, N., Ramos, V., &Villena, J. 2014. Literatura ng Iba’tibangrehiyon ng
Pilipinas (Ikalawangedisyon). Manila: MINDSHAPERS CO., INC.
Limpot, Marilou Y, Dela Salde, Marsan S., Napil, Melissa C., Oliva, Elleine Rose A., Bayani,
RammelT.,Solatorio, Lilian B., Cuevas, Alma B., Cahucom, Gina G.and Palma, Reita C.
2018. Panitikang Filipino. Malabon City: MUTYA Publishing Co. Inc.
Rodil, R. C. 2014. Heritage of world literature: poetry selection, Philippines. Mandaluyong
City: Books Atbp Publishing Corp.
https://drive.google.com/file/d/1dqVw-ldJ7Tw6z4-63BHVeIlhg7ksbGSG/view?usp=sharing
https://drive.google.com/file/d/1A39cvHbMGzZL110DKn6ejokdvD7s2qFN/view?usp=sharing
LET’S CHECK!
Gawain 1. Panuto: Piliin at isulat sa patlang ang pinaka angkop na letra ng inyong sagot.
Gamitin ang malaking letra at bawal ang anumang pagbubura.
____ 1. Awiting bayan nanagpapahayag ng damdamin, karanasan, paniniwala, gawain o
hanapbuhay ng mga mamamayan sa isang pook.
A. oda
B. elehiya
C. parsa
D. pastoral
____ 2. Ang uri ng karaniwang paksa sa matandang panitikan.
A. pasulat
B. makabayan
C. panrelihiyon
D. lipat-dila
____ 3. Ang sistema ng pagsulat ng mga sinaunang Pilipino.
A. pasalita
B. abakada
C. abecedario
D. baybayin
____ 4. Isa sa mga epiko naisinaalang–alang niya ang kaniyang kaluluwa sa isang gintong isda.
A. Bidasari
B. Bantugan
C. Alim
D. Hudhud
____ 5. Isa sa mga tauhan ng isang epiko na labis nanibugho sa taglay na kakisigan,
katapangan at kahusayan sapakikipagdigma ng kanyang kapatid.
A. Marikudo
B. Bantugan
C. Haring Madali
D. Indarapatra
____ 6. Isa sa mga salot sa epikong Indaraptra at Sulayman, na naging dahilan upang maiwan,
ng Reyna ang kanyang bagong silang na sanggol.
A. Pah
B. Tarubusaw
C. ibong Garuda
D. Kurita
____ 7. .Ang itinuringnabayani ng kahariang Bumbaran.
A. PrinsipeSulayman
B. Indarapatra
C. Haring Madali
D. Prinsipe Bantugan
____ 8. Siya ang nakapatay kay Pah at sa dambuhalang ibong may pitong ulo.
A. Haring Indaraptra
B. PrinsipeSulayman
C. PrinsipeBatugan
D. Haring Madali
____ 9. ito ay Katipunan ng mga alituntunin ng mabuting pagtupad sa pamahalaan.
A. salawikain
B. kawikaan
C. sawikain
D. bulong
____ 10. Ito ay isa sa mga unang anyo ng tula na ginagamit sa panggagamot o pangkukulam.
A. tugma
B. dula
C. sawikain
D. bulong
____ 11. Isa sa mga epiko naitinuturing napinakamahabang epiko ng Panay.
A. Maragtas
B. Biagni Lam-ang
C. Alim
D. Hinilawod
____ 12. Dulang pagtatalo nakahawig ng balagtasan ng mga Tagalog nakaraniwang
ginagawasa Jolo at Lanao.
A. embayoka B. kawikaan
C. sawikain D. bulong
____ 13. Ito ay isa sa mga epiko nahango sa Malay.
A. Bantugan B. Indaraptra at Sulayman
C. Bidasari D. Haraya
____ 14. Isa sa mga epiko naisinaalang–alang niya ang kaniyang kaluluwa sa isang gintong
isda.
A. Bidasari B. Bantugan
C. Alim D. Hudhod
____ 15. Siya ay itinuring na bayani ng kahariang Bumbaran.
A. PrinsipeSulayman
B. Indarapatra
C. Haring Madali
D. PrinsipeBantugan
____ 16. Ito ay ng mga tuntunin ng mabuting pagtupad sa pamahalaan.
A. salawikain
B. kawikaan
C. sawikain
D. bulong
____ 17. Sa bundok na ito pumunta si Indarapatra para labanan ang halimaw na ibong may 7
ulo.
A. Bundok
B. Bundok Kurayan
C. Bundok Mantinupli
D. Bundo kGuindongan
____ 18. Alin sa mga epiko makikita ang pangalang Bugan at Wigan?
A. Tulalang
B. Alim
C. Bidasari
D. Hudhud
____ 19. Ito ay isang epiko nabinubuo ng 25 salaysay tungkol sa isang bayani.
A. Biag ni Lam-ang
B. Bantugan
C. Bidasari
D. Hudhud
____ 20. Isa sa mga tauhan ng epiko na unang taong nakatira sa Bikol.
A. Lam-ang
B. Bantugan
C. Maragtas
D. Baltog
Gawain 2. Panuto: Pagtapat-tapatin ang mga pahayag mula sa hanay A at hanay B.
Isulat sa patlang ang tamangsagot.
Hanapin sa hanay B ang pagkakakilanlan ng mga pangunahing tauhan sa epiko na
nasahanay A. Isulat sa patlang ang titik ng tamangsagot.
A B
_____1. Hinilawod a. maramingulo
_____2. Alunsina b. may dalawangulo.
_____3. LabawDunggon c. hari ng Akklan
_____4. Padalugdog d. namuhaysinaAlunsina at Paubari
_____5. Saragnayan e. kabag
_____6. Humadapnon f. pangalawang asawa ni Labaw Dunggon
_____7. Aso Managa g. epiko ng Panay
_____8. Banalakon h. asawaniLabaw
_____9. Dumalapdap i. banal nababae ng dagat Silangan
_____10. Madyaas j. ng kadiliman
_____11. UmbanPaimbabaw k. hari ng Irong-irong
_____12. Burigadang Pada l. hari ng kadiliman
_____13. Ayutang m. kaharian ng isasamgaasawaniHumadapnon
_____14. AngiyGinbitinam n. hari ng Hantik
_____15. Abyang Dirlinin o. naka patay sa hari ng kadiliman
Pagsasanay 1. Hindi sapat na malaman lamang ang mga batayang kaalaman ukol sa
panitikan ng panahon ng katutubo, kailangan pang palawigin ang
LET’S ANALYZE inyong kaalaman upang lalong mapalawak ang inyong kabatiran.
Talakayin nang maayos ang mga nakatala saibaba.
1. Paano napanatili ng mga katutubo ang kanilang paraan ng panulat?
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
IN A NUTSHELL
Tinalakay sa bahaging ito ang panitikan bago dumating ang mga dayuhan. Ipinakita rito
ang mga obra ng ating mga ninuno. Nagpapatunay na may sariling kalinangan na ang ating
mga ninuno.
1. Para sa iyo, ano ang iyong masasabi ukol sa kulturang Pilipino?
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
2. Kung tayo ay hindi sinakop ng mga dayuhan, ano kaya ang naging larawan ng ating
Pilipinong kabihasnan?
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________
Q & A LIST
MgaTanong/Isyu Sagot
KEYWORD INDEX
baybayin palaisipan
pasalindila kawikaan
salawikain kwentong bayan
Confucious bumbong
Tugmaang pambata Noli Mi Tangere
akdang patula sawikain