100% found this document useful (1 vote)
823 views24 pages

Signed-Off Komunikasyon-at-Pananaliksik11 q1 m2 - Konseptong-Pangwika v3 PDF

Uploaded by

Christian Ocon
Copyright
© © All Rights Reserved
We take content rights seriously. If you suspect this is your content, claim it here.
Available Formats
Download as PDF, TXT or read online on Scribd

You are on page 1/ 24

Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino – 11

Alternative Delivery Mode

Unang Markahan – Modyul 2: Konseptong Pangwika
Unang Edisyon
Republic Act 8293, section 176 states that: No copyright shall subsist in any
work of the Government of the Philippines. However, prior approval of the
government agency or office wherein the work is created shall be necessary for
exploitation of such work for profit. Such agency or office may, among other things,
impose as a condition the payment of royalties.
Barrowed materials (i.e., songs, stories, poems, pictures, photos, brand
names, trademarks, etc.) included in this book are owned by their respective
copyright holders. Every effort has been exerted to locate and seek permission to
use these materials from their respective copyright owners. The publisher and
authors do not represent nor claim ownership over them.

Published by the Department of Education

Secretary:
Undersecretary:
Assistant Secretary: Development Team of the Module:
Author: Development Norhanah D. Macalanggan
Team of the Module - Pambaya
Reviewers: Gina L. Mandawe
Author: NORHANAH D. MACALANGGAN
Editor: - PAMBAYA
Ina Joana L. Sultan
Analiza
Editor: Ina Joana L. Sultan, Analiza R.R. Solatorio
Solatorio, Jocelyn P. Zamora
Jocelyn P. Zamora
Illustrator:
Reviewer: Gina L. Mandawe Janeth U. Tigol
Illustrator: Janeth
Management U. Tigol
Team:
Management Team:
Chairperson: Dr. Arturo Dr.B. Bayocot,
Arturo CESO III CESO III
B. Bayocot,
Regional
Regional Director Director
Co-Chairpersons: Dr. Victor G. De Gracia Jr., CESO V
Asst. Dr. Victor G. De GraciaDirector
Regional Jr., CESO V
Asst. Regional Director
Mala Epra B. Magnaong
CES, CLMD
Mala Epra B. Magnaong
Members: CES, CLMD Dr. Bienvenido U. Tagolimot, Jr.
Regional ADM Coordinator
Elesio
Member: Dr. BienvenidoM. U.Maribao
Tagolimot Jr.
EPS, EPS-ADM Filipino

Neil Mike Luke Improgo

EPS – II, LRMS
Printed in the Philippines by: Department of Education – Regional Office 10
Office
PrintedAddress: Zone 1, Upper
in the Philippines Balulang
by: DepEd, Cagayan
Region X de Oro City 9000
Telefax:
Department(088)of880-7071,
Education(088) 880-7072
– Bureau of Learning Resources
E-mail Address:
Office Address: [email protected]
Zone 1, DepEd Building Mastersons Ave., Upper Balulang,
Cagayan de Oro City, 9000
Telefax: (088) 880 7072
E-mail Address [email protected]
11
Komunikasyon at
Pananaliksik sa Wika at
Kulturang Pilipino
Unang Markahan – Modyul 2
Konseptong Pangwika

This instructional material was collaboratively developed and

reviewed by educators from public and private schools, colleges, and
or/universities. We encourage teachers and other education stakeholders to
email their feedback, comments, and recommendations to the Department of
Education at [email protected].

We value your feedback and recommendations.

Kagawarang ng Edukasyon. Republika ng Pilipinas

Talaan ng Nilalaman

Mga Pahina

Pangkalahatang Ideya ……………………………… 1

Nilalaman ng Modyul ……………………………… 1
Alamin ……………………………… 2
Pangkalahatang Panuto ……………………………… 2
Subukin ……………………………… 2
Aralin 1 ……………………………… 4
Tuklasin ……………………………… 4
Linangin ……………………………… 7
Suriin ……………………………… 8
Aralin 2 ……………………………… 10
Tuklasin ……………………………… 10
Linangin ……………………………… 10
Aralin 3 ……………………………… 13
Tuklasin ……………………………… 13
Suriin ……………………………… 13
Isaisip ……………………………… 15
Tayahin ……………………………… 15
Sanggunian ……………………………… 19
Modyul 2
Konseptong Pangwika 2
Pangkalahatang Ideya

Ang paggamit ng wika sa pakikipagtalastasan o pakikipag-usap sa

kapwa ay isang katangiang unique o natatangi lamang sa tao. Sinasabing
makikita sa kakayahan ng tao lamang at wala sa ibang nilalang tulad ng mga
hayop ang pagiging malikhain ng wika. Masasabing ang wika ay natatangi
lamang sa tao at hindi sa iba pang nilalang sapagkat nagagamit ito ng tao
upang makapagpahayag ng kanyang mga karanasan, kaisipan, damdamin,
hangarin, at iba pa batay sa pangangailangan at sa angkop na sitwasyon o
pagkakataon.
Sa Modyul na ito ay tatalakayin ang mga Konseptong Pangwika.
Matututunan sa Modyul na ito ang Unang Wika at ang Pangalawang Wika ng
mga Filipino. Ang pagkakaiba ng Monolinggwalismo, Bilinggwalismo at ang
Multilinggwalismo, gayundin ang Heterogenous at Homogeneous na Wika.

Nilalaman ng Modyul

Ang modyul na ito ay may tatlong aralin:

 Aralin 1 – Unang Wika, Pangalawang Wika, at Iba pa

 Aralin 2 – Monolinggwalismo, Bilinggwalismo at

Multilinggwalismo

 Aralin 3 – Homogeneous at Heterogeneous na Wika

1
LAYUNIN

Ano ang Inaasahan Mo

Inaasahang pagkatapos ng modyul na ito ang mga mag-aaral ay:

1) Natutukoy ang mga kahulugan at kabuluhan ng mga konseptong

pangwika. (F11PT-Ia-85)
2) Naiiuugnay ang mga konseptong pangwika sa sariling kaalaman,
pananaw, at mga karanasan. (F11PS-IB-86)

Pangkalahatang Panuto

Paano mo Matutunan

Upang makamit ang mga inaasahan, gawin ang mga sumusunod:

 Basahin at unawain nang mabuti ang mga aralin.

 Tiyaking naiiuugnay ito sa sariling karanasan bilang isang
mamamayang Pilipino.
 Sundin ang mga panuto ng mga gawain at pagsasanay.
 Sagutin nang mabuti at isaulo ang mga gawain sa bawat aralin.

Subukin

Panuto: Sagutin ang sumusunod na mga tanong kaugnay ng mga

paksang tinalakay sa modyul na ito. Bilugan ang titik ng tamang sagot.

1. Tawag sa mga taong gumagamit ng iisang wika lamang.

A. Multiligguwal
B. Monolingguwal
C. Bilingguwal
D. Monolingguwalismo

2
2. Ang mga mamamayan sa Pilipinas ay mayroong mahigit sa tatlong
wika ang kanilang nalalaman at ginagamit kung kaya’t sila ay
maituturing na _______________.
A. Multilingguwal
B. Monolingguwal
C. Bilingguwal
D. Mulitilingguwalismo

3. Tawag sa pangatlong wikang natutunan mo sa iyong pagkabata?

A. L2
B. L3
C. L1
D. L4

4. Tawag sa pangalawang wikang natutunan mo sa iyong pagkabata?

A. Unang Wika
B. Pangalawang Wika
C. Wala sa mga nabanggit
D. Wikang gusto

5. Tawag sa wikang una mong natututunan sa iyong pagkabata?

A. Unang Wika
B. Pangalawang Wika
C. Wala sa mga nabanggit
D. Wikang gusto mo

6. Tawag sa pagpapatupad ng iisang wika sa isang bansa tulad ng

mga bansang South Korea, Hapon at iba pa kung saan iisang wika
ang ginagamit.

A. Monolingguwalismo
B. Bilingguwalismo
C. Multilingguwalismo
D. Polingguwalismo

7. Nagkakaroon ng varayti ng wika dahil sa pagkakaiba-iba ng mga salik

panlipunan tulad ng edad, hanapbuhay o trabaho atbp kaya’t
tinatawag na _____________ ang wika.

3
A. Multilingguwalismo
B. Heterogeneous
C. wala sa nabanggit
D. lahat ng nabanggit

8. Ano naman ang tawag sa pagkakaroon ng tatlo o mahigit pa sa

tatlong wika ng isang bansa.
A. Monolingguwalismo
B. Bilinggwalismo
C. Multilingguwalismo
D. Trilingguwalismo

9. Ang mga sumusunod ay mga dahilan kung bakit sinasabing

heterogeneous ang wika, MALIBAN sa isa.
A. Ang wika ay buhay.
B. Ang wika ay binubuo ng iba’t ibang varayti.
C. Ang wika ay binubuo ng isang varayti.
D. Ang wika ay nagbabago sa paglipas ng mga taon.

10. Tawag sa pagkakaroon ng dalawang wika ng isang tao na tila ba

ang dalawang ito ay kaniyang katutubong wika.

A. Monolingguwalismo
B. Bilinggwalismo
C. Multilingguwalismo
D. Trilingguwalismo

Aralin 1 – Unang Wika, Pangalawang Wika at Iba pa

Tuklasin

Ano-anong wika ba ang nasasalita at nauunawaan mo? Subukang

ipahayag ang reaksiyon o sasabihin mo para sa sumusunod na mga
sitwasyon gamit ang mga wikang alam mo. Subukan natin!

Susubukin Mo

Gawain 1. Panuto: Magbigay ng mga reaksiyon sa mga sumusunod na

sitwasyon gamit ang iyong mga wikang natutunan. Tandaan na gamit lamang
ang mga wikang alam mo. Isang reaksiyon lamang bawat wika.

4
Sitwasyon 1

Nagkita kayo ng isang

kaibigang matagal mo ng hindi
nakita.

Sitwasyon 2

Sumasakit ang tiyan mo at tila

tinatawag ka na ng kalikasan.

5
Sitwasyon 3

Gusto mong humingi ng pera sa

iyong nanay na galit na galit.

6
LINANGIN

Alam mo ba na…….

Unang Wika
Unang Wika – ito ang tawag sa wikang kinagisnan mula sa pagsilang at
unang itinuro sa isang tao. Tinatawag din itong katutubong wika, mother
tongue, arterial na wika, at kinakatawan din ng L1.
Sa wikang ito ay pinakamataas o pinakamahusay na naipapahayag ng tao
ang kanyang mga ideya, kaispan, at damdamin. Sa madaling sabi, ang unang
matututunan na wika ng isang bata ay siyang tintawag na unang wika.

Pangalawang Wika
Pangalawang Wika – ito naman ang tawag sa pangalawang wika na
matututunan ng isang bata o L2. Habang lumalaki ang isang bata ay
nagkakaroon siya ng exposure sa iba pang wika sa kaniyang paligid na
maaaring magmula sa telibisyon o sa iba pang tao tulad ng kanyang tagapag-
alaga, mga kalaro, mga kaklase, guro at iba pa.
Mula sa mga salitang pauli-ulit niyang naririnig ay unti-unti niyang
natutuhan ang wikang ito hanggang sa magkaroon siya ng sapat na
kasanayan at husay rito at magamit niya na rin sa pagpapahayag at sa
pakikipag-usap sa ibang tao at ito na ngayon ang tinatawag na pangalawang
wika.

Pangatlong Wika
Pangatlong Wika – ito naman ang tawag sa wika na matututunan ng
isang bata matapos niyang matutunan ang una at ang pangalawang wika o
L3. Dumarami ang mga taong nakakasalamuha ng isang bata sa kanyang
paglaki, gayundin ang mga lugar na kanyang nararating, mga palabas na
kanyang napapanood sa telebisyon, mga aklat na kaniyang nababasa. Dito’y
may ibang bagong wika pa uli siyang naririnig o nakikilala na kalauna’y
natututuhan niya at nagagamit na sa pakikipag-usap sa mga tao na
nakapaligid sa kaniya na nagsasalita rin nito. Ang tawag ngayon sa wikang ito
ay pangatlong wika.

Sipi mula kina Dayag at Del Rosario, Komunikasyon at

Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino:Phoenix, Inc., 2016, pp. 27-28

7
SURIIN

Bakit kaya sa tingin mo ay mahalagang matutunan ng isang tao

ang mga wika o mga wikaing ginagamit sa kaniyang paligid?
Makatutulong kaya ito sa kaniyang pang-araw-araw na pamumuhay?
Alamin natin!

PAGNILAYAN AT UNAWAIN

Sagutin ang mga sumusunod na mga tanong.

1. Ano ang unang wika o L1 mo? Sa paanong paraan natututunan ng

isang tao ang kaniyang unang wika o L1? Ipaliwanag ang iyong sagot.
___________________________________________________
________________________________________________________

______________.

2. Ano naman ang iyong pangalawang wika o L2? Paano nagkakaroon

ng L2 ang isang tao? Saan at papaano ito nangyayari?

___________________________________________________
________________________________________________________
________________________________________________________
________________________________________________________
________________________________________________________
________________________________________________________
________________________________________________________
___________________________________.

8
3. Ano o ano-ano naman ang iyong pangatlong wika o L3? Anong
pangyayari o mga pangyayari ang nabibigay-daan sa pagkakaroon ng
isang tao ng ikatlong wika? (Huwag ihiwalay ang tanong sa mga linya)

___________________________________________________
________________________________________________________
________________________________________________________
________________________________________________________
________________________________________________________
________________________________________________________
________________________________________________________
________________________________________________________
________________________________________________________.
4. Sa anong wika mo madalas naipapahayag ang iyong mga ideya? Bakit?

______________________________________________
________________________________________________________
________________________________________________________
________________________________________________________
________________________________________________________
________________________________________________________
________________________________________________________
____________________________________________.
5. Anong wika naman ang madalas ninyong ginagamit sa inyong tahanan?
Bakit?
___________________________________________________
________________________________________________________
________________________________________________________
________________________________________________________
________________________________________________________
________________________________________________________
________________________________________________________
________________________________________________________
_____________________________________________.

9
Aralin 2 – Monolingguwalismo, Bilingguwalismo, at Multilingguwalismo

TUKLASIN

Gawain 2. Panuto: Isulat sa mga kahong nasa ibaba ang mga bans na sa
tingin mo ay napapabilang sa mga bansang nagpapatupad ng
Monolinggwalismo, Bilinggwalismo, at Multilinggwalismo.
MONOLINGGUWALISMO

BILINGGUWALISMO

MULTILINGGUWALISMO

LINANGIN

Basahin mo

Monolingguwalismo
Monolingguwalismo ang tawag sa nagpapatupad ng iisang wika sa
isang bansa tulad ng isinasagawa sa mga bansang isa lang ang wika na
ginagamit na panturo sa lahat ng larangan o asignatura. Sa sistemang
monolingguwalismo ay may iisang wika rin ang umiiral bilang wika ng
edukasyong komersiyo, negosyo at wika ng pakikipagtalastasan sa pang-
araw-araw na buhay. Samantalang monolingguwal naman ang tawag sa
mga gumagamit ng iisang wika lamang.

Bilingguwalismo
Binigyang kahulugan ni Leonard Bloomfield (1935), isang
Amerikanong lingguwista ang bilinggwalismo bilang paggamit o pagkontrol
ng tao sa dalawang wika na tila ba ang dalawang wika ay kanyang
10
katutubong wika. Sa madaling salita ang bilinggwalismo ay pagkakaroon
ng dalawang salita sa buhay ng isang tao. Bilingguwal naman ang
matatawag sa taong may sapat na kakayahan sa isa sa apat na makrong
kasanayang pangwikang kinabibilangan ng pakikinig, pagsasalita,
pagbasa, at pagsulat sa isa pang wika maliban sa kaniyang unang wika.
Maituturing na biligguwal ang isang tao kung magagamit niya ang
ikalawang wika nang mataas sa lahat ng pagkakataon. Sa pananaw na
ito, dapat magamit ng mga bilingguwal ang dalawang wika nang halos
hindi matutukoy kung alin sa dalawa ang una at pangalawang wika niya.

Multilingguwalismo
Ang Pilipinas ay ang bansang pinakahalimbawa ng multilinggwal.
Sa pilipinas ay mayroong mahigit 180 wika at wikain kaya naman
bibihirang Pilipino ang monolinggwal. Karamihan ay nakakaintindi ng
maraming wika katulad ng Filipino, Ingles, Cebuano o iba pang wikang
katutubo na karaniwang wikang kinagisnan. Sa madaling salita
multilinggwalismo ang tawag kapag gumagamit ng tatlo o mahigit pang
wika ang isang bansa. Multilingguwal naman ang tawag sa mga taong
gumagamit ng tatlo o mahigit pang wika.

Sipi mula kina Dayag at Del Rosario, Komunikasyon at Pananalik sa

Wika at Kulturang Pilipino:Phoenix, Inc., 2016, pp. 29-34

PAGNILAYAN AT UNAWAIN

Ipaliwanag ang mga sumusunod at magbigay ng mga bansang

alam mong maaaring halimbawa ng mga ito.

MONOLINGGUWALISMO
________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
_____________________________________________.

11
BILINGGUWALISMO
__________________________________________________________________
_________________________________________________________________________

___________________________________________.

MULTILINGGUWALISMO
___________________________________________________________________
__________________________________________________________________________

12
Aralin 3 – Homogeneous at Heterogeneous na Wika

TUKLASIN

Gawain 3. Panuto: Ibigay ang mga kahulugan ng mga sumusunod ayon sa

iyong sariling kaalaman.

HETEROGENEOUS
HOMOGENEOUS

SURIIN

Basahin mo

Bawat wika na patuloy na ginagamit ay hindi kailanman

matatawag na homogeneous dahil ang bawat wika ay nagkakaiba-iba sa
maraming aspeto. Maaari lamang matawag na homogeneous ang wika
kung iisa at parepareho lamang magsalita ang lahat ng gumagamit ng
nasabing wika.

Subalit lingid sa kaalaman ng lahat na hindi ganito ang wika

sapagkat nagkakaroon ito ng pagkakaiba-iba sanhi ng iba’t ibang salik
panlipunan tulad ng edad, hanapbuhay o trabaho, antas ng pinag-aralan,
kasarian, kalagayang panlipunan, rehiyon o lugar, pangkat etniko o
tinatawag ding etnolinggwistikong komunidad kung saan tayo’y nabibilang,
at iba pa. Nagpapatunay lamang ang mga iba’t ibang salik panlipunang ito
ng pagiging heterogeneous ng wika. Ito ang mga dahilan kung bakit
nagkakaroon ng iba’t ibang barayti o pagkakaiba-iba ng wika.

13
PAGNILAYAN AT UNAWAIN

1. Ipaliwanag kung bakit sinasabing walang buhay na wika ang

maituturing homogeneous. Isulat ang iyong sagot sa kahong nasa
loob ng laso.

Sagot:
_______________________________________
_______________________________________
_______________________________________
_______________________________________
_______________________________________
_______________________________________
_______________________________________
_______________________________________
_______________________________________
_______________________________________
_______________________________________
___.
2. Ano sa iyong palagay ang naging dahilan kung bakit namamatay
ang isang wika? Ipaliwanag.

Sagot:

_____________________________________________________________________

_____________________________________.

14
ISAISIP

Magaling! Iyong napagtagumpayang matapos ang modyul na ito. Muli

nating ulitin ang mga bagay na dapat na iyong tandaan sa modyul na ito.
Sa modyul na ito ay iyong nalaman ang tatlong aralin, ang Aralin 1 –
Unang Wika, Pangalawang Wika, at Iba pa, Aralin 2 – Monolingguwalismo,
Bilingguwalismo at Multilingguwalismo at ang Aralin 3 – Homogeneous at
Heterogeneous na Wika. Iyong natutunan sa modyul na ang lahat ng tao ay
nagkakaroon ng unang wika, pangalawang wika at pangatlong wika. Nalaman
mo na ang unang wika na iyong matutunan sa pagkabata ay tinatawag na
unang wika o L1 o language 1 sa Ingles, samantalang pangalawang wika o
L2 ang pangalawa at L3 o pangatlong wika ang tawag sa pangatlong wika na
iyong matutunan na maaaring sa paaralan o sa telebisyon mo ito matututunan
habang ikaw ay lumalaki.
Tinalakay din sa modyul na ito ang pagkakaiba ng
monolingguwalismo, bilingguwalismo at multilingguwalismo.
Monolingguwalismo ang tawag sa pagkakaroon ng iisang wika lamang,
bilingguwalismo naman ang tawag sa pagkakaroon ng isang bansa ng
dalawang wika at multilingguwalismo ang tawag sa mga bansang may tatlo o
higit pang wika ang ginagamit katulad na lamang ng bansang Pilipinas.
Sa huling bahagi ng modyul na ito ay binigyang linaw ang pagkakaiba
ng pagkakaroon ng homogeneous at heterogeneous na wika. Binigyang-linaw
din sa modyul na ito na ang isang wika ay hindi maaaring maging
homogeneous dahil ito ang mga nagiging dahilan kung bakit namamatay ang
isang wika.

TAYAHIN

Panuto: Sagutin ang sumusunod na mga tanong kaugnay

ng mga paksang tinalakay sa modyul na ito. Bilugan ang titik ng
taman sagot.

1. Tawag sa mga taong gumagamit ng iisang wika lamang.

A. Multiligguwal
B. Monolingguwal
C. Bilingguwal
D. Monolingguwalismo

15
2. Ang mga mamamayan sa Pilipinas ay mayroong mahigit sa tatlong
wika ang kanilang nalalaman at ginagamit kung kaya’t sila ay
maituturing na _______________.

A. Multilingguwal
B. Monolingguwal
C. Bilingguwal
D. Mulitilingguwalismo

3. Tawag sa pangatlong wikang natutunan mo sa iyong pagkabata?

A. L2
B. L3
C. L1
D. L4

4. Tawag sa pangalawang wikang natutunan mo sa iyong pagkabata?

A. Unang Wika
B. Pangalawang Wika
C. Wala sa mga nabanggit
D. Wikang gusto

5. Tawag sa wikang una mong natututunan sa iyong pagkabata?

A. Unang Wika
B. Pangalawang Wika
C. Wala sa mga nabanggit
D. Wikang gusto mo

6. Tawag sa pagpapatupad ng iisang wika sa isang bansa tulad ng

mga bansang South Korea, Hapon at iba pa kung saan iisang wika
ang ginagamit.

A. Monolingguwalismo
B. Bilingguwalismo
C. Multilingguwalismo
D. Polingguwalismo

16
7. Nagkakaroon ng varayti ng wika dahil sa pagkakaiba-iba ng mga salik
panlipunan tulad ng edad, hanapbuhay o trabaho atbp kaya’t
tinatawag na _____________ ang wika.

A. Multilingguwalismo
B. Heterogeneous
C. wala sa nabanggit
D. lahat ng nabanggit

8. Ano naman ang tawag sa pagkakaroon ng tatlo o mahigit pa sa

tatlong wika ng isang bansa.

A. Monolingguwalismo
B. Bilinggwalismo
C. Multilingguwalismo
D. Trilingguwalismo

9. Ang mga sumusunod ay mga dahilan kung bakit sinasabing

heterogeneous ang wika, MALIBAN sa isa.

A. Ang wika ay buhay.

B. Ang wika ay binubuo ng iba’t ibang varayti.
C. Ang wika ay binubuo ng isang varayti.
D. Ang wika ay nagbabago sa paglipas ng mga taon.

10. Tawag sa pagkakaroon ng dalawang wika ng isang tao na tila ba

ang dalawang ito ay kaniyang katutubong wika.

A. Monolingguwalismo
B. Bilinggwalismo
C. Multilingguwalismo
D. Trilingguwalismo

Susi ng Pagwawasto
Panimulang Pagsusulit
Mga Sagot:
1. b
2. a
3. b
4. b
5. a
6. a
17
7. b
8. c
9. c
10. b

Gawain 1.
Sagot: Nasa guro ang pagpapasya kung tama ang sagot ng mag-
aaral.
Pagnilayan at Unawain 1

Sagot: Nasa guro ang pagpapasya kung tama ang sagot ng mag-
aaral.
Gawain 2.
Sagot: Nasa guro ang pagpapasya kung tama ang sagot ng mag-
aaral.
Pagnilayan at Unawain 2

Sagot: Nasa guro ang pagpapasya kung tama ang sagot ng mag-
aaral.
Gawain 3.
Sagot: Nasa guro ang pagpapasya kung tama ang sagot ng mag-
aaral.
Pagnilayan at Unawain 3

Sagot: Nasa guro ang pagpapasya kung tama ang sagot ng mag-
aaral.
Pangwakas na Pagsusulit
Mga Sagot:
1. b
2. a
3. b
4. b
5. a
6. a
7. b
8. c
9. c
10. b

18
Mga Sanggunian
Dayag, Alma M. at del Rosario, Mary Grace. Pinagyamang Pluma
Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino. 927
Quezon Avenue, Quezon City: Phoenix Publishing House, 2016.

19

You might also like