100% found this document useful (5 votes)
4K views20 pages

Filipino: Ikalawang Markahan-Modyul 14

Copyright
© © All Rights Reserved
We take content rights seriously. If you suspect this is your content, claim it here.
Available Formats
Download as DOCX, PDF, TXT or read online on Scribd
100% found this document useful (5 votes)
4K views20 pages

Filipino: Ikalawang Markahan-Modyul 14

Copyright
© © All Rights Reserved
We take content rights seriously. If you suspect this is your content, claim it here.
Available Formats
Download as DOCX, PDF, TXT or read online on Scribd
You are on page 1/ 20

Government Property

9
NOT FOR SALE

NOT

11
Filipino
Ikalawang Markahan- Modyul 14
Paraan ng Pagsasalita sa Taong
Naninindigan sa Kanyang Saloobin o
Opinyon sa Isang Talumpati

Department of Education ● Republic of the Philippines


Filipino- Grade 9
Alternative Delivery Mode
Kwarter 2, Linggo 4 – Paraan ng Pagsasalita sa Taong Naninindigan sa
Kanyang Saloobin o Opinyon sa Isang Talumpati
First Edition, 2020

Republic Act 8293, section 176 states that: No copyright shall subsist in any
work of the Government of the Philippines. However, prior approval of the
government agency or office wherein the work is created shall be necessary for
exploitation of such work for profit. Such agency or office may, among other things,
impose as a condition the payment of royalty.
Borrowed materials (i.e., songs, stories, poems, pictures, photos, brand names,
trademarks, etc.) included in this book are owned by their respective copyright
holders Every effort has been exerted to locate and seek permission to use these
materials from their respective copyright owners. The publisher and authors do not
represent nor claim ownership over them.
Published by the Department of Education – Division of Cagayan de Oro
Schools Division Superintendent: Roy Angelo L. Gazo, PhD, CESO V
Development Team of the Module
Author: Irene I. Lumontod
Evaluators/Editors: Ginalyn A. Kiamko, Perlita T. Monterola
Illustrator and Layout Artist: Irish S. Habagat
Management Team
Chairperson: Roy Angelo E. Gazo, PhD, CESO V
Schools Division Superintendent

Co-Chairpersons: Nimfa R. Lago, PhD, CESE


Assistant Schools Division Superintende

Members: Henry B. Abueva, OIC-CI


Levi M. Coronel, PhD., EPS-Filipino
Sherlita L. Daguisonan, EPS-LRMS
Meriam S. Otarra, PDO II
Charlotte D. Quidlat, Librarian II

Printed in the Philippines by


Department of Education – Division of Iligan City
Office Address: General Aguinaldo, St., Iligan City
Telefax: (063)221-6069
E-mail Address: [email protected]

i
9
Filipino
Ikalawang Markahan- Modyul 14
Paraan ng Pagsasalita sa Taong
Naninindigan sa Kanyang Saloobin
o Opinyon sa Isang Talumpati

This instructional material was collaboratively developed and reviewed


by select teachers, school heads, Education Program Supervisor in Filipino of
the Department of Education - Division of Iligan City. We encourage teachers
and other education stakeholders to email their feedback, comments, and
recommendations to the Department of Education-Iligan City Division at
[email protected] or Telefax: (063)221-6069.

We value your feedback and recommendations.

Department of Education ● Republic of the Philippine

ii
Talaan ng Nilalaman

Mga Pahina

Pangkalahatang Ideya ……………………………… 1


Nilalaman ng Modyul ……………………………… 1
Alamin ……………………………… 1
Pangkalahatang Panuto…………………………….. 2
Subukin ……………………………… 3
Aralin 1 ……………………………… 5
Balikan ……………………………… 5
Tuklasin ……………………………… 5
Suriin ……………………………… 6
Pagyamanin ……………………………… 7
Isaisip ……………………………… 11
Isagawa ……………………………… 11
Buod ……………………………… 11
Tayahin ……………………………… 13
Karagdagang Gawain ……………………………… 14
Susi ng Pagwawasto ……………………………… 14
Sanggunian ……………………………… 14
This page is intentionally blank

ii
Modyul 14
Paraan ng Pagsasalita sa Taong
Naninindigan sa Kanyang
Saloobin o Opinyon sa
Isang Talumpati

Pangkalahatang Ideya
Sa modyul na ito ay mababatid natin ang mga iba’t ibang paraan ng
pagpapahayag ng saloobin, kaisipan at damdamin sa isang masining na
pamamaraan.
Layunin din ng modyul na ito na mabigyan ang bawat mag-aaral ng karagdagang
dunong at talas ng kaisipan sa larangan at paraan ng pagsasalita na siyang maging
gabay sa pagbibigay-puna sa isang taong naninindigan sa kanyang mga saloobin o
opinyon sa isang talumpati.
Lantad ding ibinahagi dito, ang mga pamantayan sa isang talumpati upang ang
mga ideya o kaisipan na likas sa bawat mag-aaral ay maihahayag sa madla nang
may kariktan o sining para lalong maging malinaw at mapanghikayat ang pagbibigay
puna sa paraang pagsasalita.
Malilinang at maipapalabas din ng bawat mag-aaral ang angking husay at galing
sa paraan ng pagsasalita sa modyul na ito sa pamamagitan ng mga gawain na
nakapaloob dito.

Nilalaman ng Modyul
Ang modyul na ito ay naglalaman tungkol sa pagbibigay-puna sa paraan ng
pagsasalita ng taong naninindigan sa kanyang saloobin o opinyon sa isang talumpati
at mga gawaing tatasa sa kaalaman at kasanayan ng mga mag-aaral sa tamang
pagbibigay ng puna nang may kalinawan at kahusayan sa paraang pagsasalita.

Alamin

Ano ang Inaasahan Mo?

Pagkatapos ng pag-aaral sa modyul na ito, ang mag-aaral ay inaasahang:


Nabibigyang-puna ang paraan ng pagsasalita ng taong naninindigan sa kanyang
mga saloobin o opinyon sa isang talumpati. (F9PD-lld-47

1
Pangkalahatang Panuto
Paano mo Matututunan?
Upang makamit ang mga inaasahan, gawin ang mga sumusunod:
 Basahin at unawain nang mabuti ang mga konseptong pangwika.
 Sundin ang bawat panutong ibinigay sa bawat gawain at pagsasanay.
 Sagutin ang lahat ng mga ibinigay na gawain at pagsasanay.

Icons na Ginagamit sa Modyul


Ito ay ang bahaging naglalahad ng mga layunin o
mithiing dapat matamo sa pag-aaral mo sa modyul
Alamin
na ito

Ito ay pagtatasa sa antas ng iyong kaalaman sa


tatalakaying aralin. Sa pamamagitan nito
Subukin
masususuri kung ano na ang iyong natutunan
kaugnay sa bagong tatalakaying aralin.
Ito ay ang pagtatatag ng ugnayan sa
pamamagitan ng pagtatalakay sa mga
Balikan
mahahalaga mong natutunan sa nagdaang aralin
na may koneksiyon sa tatalakaying bagong aralin.
Ito ay paglalahad sa bagong aralin sa
pamamagitan ng iba’t ibang Gawain
Tuklasin

Suriin Ito ay ang pagtatalakay sa mga mahahalaga at


nararapat mong matutunan upang malinang ang
pokus na kompetensi.

Pagyamani Ito ay ang mga gawain na magpapalawak sa iyong


n natutunan at magbibigay pagkakataong mahasa
ang kasanayang nililinang

Isaisip Ito ay mga gawaing magpoproseso sa iyong


mahahalagang natutunan sa aralin.

Isagawa Ito ay ang mga gawain na gagawin mo upang


mailapat ang iyong mahahalagang natutunan sa
mga pangyayari o sitwasyon sa totoong buhay.

2
Subukin

Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na mga katanungan. Isulat lamang ang titk o
letra ng mapipili mong sagot sa patlang bago ang bawat bilang.

____1.Ito ay isang buong kaisipan o opinyon ng isang tao na pinababatid sa


pamamagitan ng pagsasalita sa entablado.
a. Sanaysay b. Tula c. Talumpati d. Diyalogo
____2. 'Hindi ako iniluklok upang pagsilbihan ang interes ng kahit sinong tao, o anumang
pangkat, o anumang uri. Pagsisilbihan ko ang bawat isa at hindi ang isa lang.' ito ay
talumpati ng Pangulong Duterte sa kanyang panunumpa bilang Presidente. Ano sa
palagay mo ang ipinahihiwatig niya?
a. Walang pinipili c. serbisyo iaalay sa lahat
b. uunahin ang bayan bago ang sarili d. isa siyang “servant-leader”
____3. “Ang kabataan ay ang pag-asa ng bayan” ito ay tanyag na linya ng talumpati
nino?
a. Gat. Jose P. Rizal b.Corazon Aquino c.Jose P. Laurel d. Emilio Aguinaldo
____4. “Hindi ako susuko, kaya ko ‘to!”, ang mga linyang ito ay nagpapahayag ng anong
saloobin?
a. Pagiging gahaman b. Mapagmataas c. Determinado d. Sawi
____5. Ikaw na ba ang hinihintay ko? Ikaw na kaya ang sagot sa aking mga dasal?Ang
mga linyang ito ay nagpapahiwatig ng;
a Kilig b.pag-aalinlangan c.pananabik d. galak
____6. Ano ang tawag sa isang proseso ng pagpapahayag ng ideya sa paraang pasalitang
tumatalakay sa isang isyu?
a..debate b. posisyong papel c.replektibong sanaysay d. talumpati
____7. Alin sa mga sumusunod ang hindi kabilang sa mga uri ng talumpati batay sa paano
ito binibigkas sa madla?
a.biglaang talumpati b.isaulong talumpati c.manuskrito d.layuning talumpati

____8. Anong uri ng talumpati nabibilang ang State of the Nation Address?
a.talumpating nagbibigay kabatiran c.talumpating panghikayat
b.talumpati ng pagbibigay-galang d.talumpating papuri

____9. Anong uri ng talumpati ang Eulogy o pagkilala sa isang taong namatay ?
a.talumpating nagbibigay kabatiran c.talumpati ng papuri
b.talumpating pagbibigay-galang d. talumpating pampasigla

3
___10. Anong uri ng talumpati na naglalayong tanggapin ang bagong kasapi ng samahan o
organisasyon?
a.talumpating pampasigla c. talumpating papuri
b.talumpating panghikayat d.talumpating pagbibigay-galang
___11. Anong uri ng talumpati na naglalayong magbigay ng pagkilala sa isang tao o
samahan?
a.talumpating pampasigla c. talumpating papuri
b.talumpating panghikayat d.talumpating pagbibigay-galang
___12. Alin sa mga nasa ibaba ang di kabilang sa dapat isaalang-alang sa pagsulat ng
talumpati?
a.uri ng tagapakinig c.kasarian ng tagapakinig
b.mga saloobin at dati nang alam ng mga nakikinig d.antas/uri sa lipunan

___13. Anong uri ng talumpati ang ibinibigay lamang ang paksa sa oras ng pagsasalita?
a.biglaang talumpati b.maluwag c.manuskrit d.isinaulong talumpati
___14. Anong uri ng talumpati ang ginagamit sa kumbensyon o seminar kaya pinag-aralan
itong mabuti?
a.biglaang talumpati b.maluwag c.manuskrito d.isinaulong talumpati
15. Anong uri ng talumpati ang nagbibigay ng iilang minuto para sa pagbuo ng
ipahahayag na kaisipan?
a. biglaang talumpati b. maluwag c.manuskrito d.isinaulong talumpati

4
Aralin Saloobin o Opinyon sa Isang
1 Talumpati

Balikan
Bilang pagbabalik-aral sa nagdaang modyul, iyong natutunan ang mga
salitang hindi lantad ang kahulugan batay sa mga konteksto ng pangungusap. Ang
pangunahing ideya na di-lantad ay iyong mga ideya na hindi tuwirang inilahad ng
awtor sa loob ng isang talata.Samantalang ang lantad ay mga salitang sa unang
tingin pa lang ay mapapansin at makikita na ang kaisipan.Ngayon naman, ating
matutunghayan na ang mga ito ay may malaking bahagi idudulot sa pagpapahayag
ng saloobin o opinyon.

Tuklasin

Magandang Buhay! Handa ka na ba? Alam kong masisiyahan at


masasabik ka sa mga matutuklasan mo habang pinag-aaralan ang araling ito.
Naranasan mo na bang magkaroon ng kaibigan na isang stranger dahil sa iyong
magandang salitang nasabi? O di naman kaya’y, minsan ka na bang nawalan ng
kaibigan dahil sa uri o paraan ng pagsasalita? Kaya,sa araling ito,tutulungan kang
kakaharapin ang mga sitwasyong ito.

Gawain 1
Panuto. Magbigay ng mga salitang may kaugnayan sa salitang “talumpati” gamit ang graphic
organizer.

TALUMPATI

Mga Pokus na tanong

a. Ipaliwanag ang kaugnayan sa mga salitang ibinigay dito.


b. Magbigay ng halimbawa ng mga kaisipang kaugnay nito.

Suriin
5
Minsan ka na bang nakasaksi o nakarinig ng isang talumpati? Kailan? Sino?
At para kanino ito? Sa maraming paraan at pagkakataon,alam kong ito ay iyong
nasaksihan na.Ngunit hindi batid ang kabuuan nito.Kung kaya, ating tatalakayin at
aalamin ang kalakhan at sakop nito.
Ayon sa internet,“Ang talumpati ay isang buod ng kaisipan o opinyon ng
isang tao na pinababatid sa pamamagitan ng pagsasalita sa entablado para sa mga
pangkat ng mga tao. Layunin nitong humikayat, tumugon, mangatwiran, magbigay
ng kaalaman o impormasyon at maglahad ng isang paniniwala. Isang uri ito
ng komunikasyong pampubliko na nagpapaliwanag sa isang paksa na binibigkas sa
harap ng mga tagapakinig”. Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang
ensiklopedia.
Sining ito ng pagpapahayag ng isang kaisipan tungkol sa isang paksa sa
paraang pasalita sa harap ng tagapakinig. Ito ay may mga anyo;
1.Ang panandaliang talumpati (extemporaneous speech) ay ang agarang
pagsagot sa paksang ibinibigay sa mananalumpati at malaya siyang magbibigay ng
sariling pananaw. Maaaring may paghahanda o walang paghahanda ang talumpati.
2.Tinatawag na impromptu sa wikang Ingles ang talumpating walang
paghahanda kung saan binibigay lamang sa oras ng pagtatalumpati. Sinusubok ang
kaalaman ng mananalumpati sa paksa.
3.Maaaring binabasa, sinasaulo o binabalangkas ang talumpati. Sa binabasang
talumpati, inihanda at iniayos ang sinusulat muna ang talumpati upang basahin
nang malakas sa harap ng mga tagapakinig.
4.Samantalang ang sinaulong talumpati, inihanda at sinaulo para bigkasin sa
harap ng mga tagapakinig.
5.Habang naghahanda ng balangkas ng kanyang sasabihin ang binalangkas na
talumpati kung saan nakahanda ang panimula at wakas lamang.
Ayon naman sa isang internet page na SlideShare sa panulat ni Edmark Barrera,
“Ang Pagtatalumpati ay isang paraan ng pagpapahayag ng saloobin,kaisipan, at
damdamin sa isang masining na pamamaraan.Ito ay may layuning mapapanig ang
mga tagapakinig sa ideyang inilalahad o pinaniniwalaan ng
mananalumpati.Sapagkat ang pagtatalumpati ay mabisang instrumento ng
pagpapahayag,mangangailangan ito ng kahandaan hindi lamang ng bibigkasing tala
kundi gayundin ng iba pang salik na lalong magbibigay ng kariktan at lalo pang
hihikayat sa mga manonood upang pagtuunan ng higit na pansin ang
mananalumpati.” May iba’t-ibang Uri rin ang Talumpati;

Mga Uri ng Talumpati:

1. TALUMPATI NA NAGPAPALIWANAG/ NAGBIBIGAY KABATIRAN -


pagbibigay kaalaman ang hangganan ng talumpating ito.Nag-
uulat,naglalarawan at tumatalakay para maintindihan ng tagapakinig ang
paksa.Halibawa nito ay ang State of the Nation Address ng pangulo o SONA.
2. TALUMPATI NA NANGHIHIKAYAT-Layuning makaimpluwensiya sa pag-
iisip at kilos ng tagapakinig.Halimbawa nito ay ang talumpati mula sa mga
pulitiko na nangyayari sa tuwing halalan o eleksiyon.
6
3. TALUMPATING PAGBIBIGAY GALANG- naglalayong tanggapin ang
bagong kasapi ng samahan o organisasyon.
4. TALUMPATING PAPURI o EULOHIYA (EULOGY)- naglalayong magbigay
ng pagkilala sa isang taong namatay na.
5. MANUSKRITO-uri ng talumpating ginagamit sa kumbensyon o seminar kaya
pinag-aralan itong mabuti.
6. TALUMPATI NG PAMAMAALAM- ito ay nangyayari kapag aalis na sa isang
lugar o magtatapos na sa ginagampanang tungkulin.
-slideshare.net/RaymorRemodo/talumpati-
127820736

Narito ang ilan sa Mahahalagang Salik sa Pagtatalumpati:


 TINIG- Napakahalaga ng tinig sa isang matagumpay na pagtatalumpati.Ang
paiba-iba ng boses ayon sa pangangailangan ang lalong nagbibigay-buhay sa
talumpati.
 TINDIG- Mahalaga sa isang mananalumpati ang pagkaroon ng isang “tindig-
panalo”. Ito ang pagtindig sa entablado na kakikitaan nang tikas at tiwala sa
sarili.
 PAGBIGKAS- Ang bitaw ng bawat salita ay dapat may wastong diin at
wastong pagkakapantig-pantig upang maihahatid ang mensahe nang buong
linaw at kaliwanagan.
 PAGTUTUUNAN NG PANSIN- Mahalaga na mapanatili ang pagtuon ng
paningin(eye contact)sa mga tagapakinig upang madama ng mga ito ang
sinseeridad ng mananalumpati.
 PAGKUMPAS- Higit na maging epektibo ang paglalahad sapagkat ang galaw
ng mga kamay ay nakatutulong upang lalo pang maihatid ang damdamin sa
mga tagapakinig.

Pagyamanin

Gawain 2 Panuto: Basahin ang mga halimbawa na talumpati at sagutin ang mga
sumusunod na tanong na nakasaad sa ibaba at isulat sa iyong journal o kwaderno.
1. Kabataan ng Makabagong Henerasyon: Iba Pero Tanaw Pa Rin Ang Pag-
Asa

“Iba na talaga ang mga kabataan ngayon” – mga salitang halos araw- araw
mong maririnig mula sa mga matanda. Sa dyip, sa kalye, sa palengke. Halos
nakakabingi na nga ‘di ba?

Iba na nga talaga ang mga kabataan ngayon. Ang kabataan ng makabagong
henerasyon na maraming alam sa bagong teknolohiya, maraming pangarap sa
buhay, maraming nais maabot.

7
Ang totoo, maraming kapuri-puri sa mga kabataan ngayon. Marami sa atin ang hindi
nakakakita nun dahil inaasahan nating maging pareho sila ng kabataan noon. Hindi
pa ipinapanganak, nakakulong na sa ating mga ganito, ganun.

Ano sa tingin mo kaibigan? Hindi ba pwedeng hayaan natin silang mamuhay


sa mundo na kinamulatan nila? Mahirap. Mahirap ang pilitin silang mamuhay sa
mundong ibang-iba na rin.

Iba man ang kabataan ng makabagong henerasyon, tanaw pa rin nila ang
pag-asa. Hindi man sa paraan na ating nakikita, pero malay mo, balang -araw, mas
magiging maliwanag ang mundo dahil sa kanila.

2. Ang Paggalang ng Kabataan sa mga Magulang

Nay… Tay… Po… Opo… Nasasabi mo pa rin ba ang mga ‘to? Hindi naman
masakit sambitin hindi ba at mas nakakalambot pa nga ng puso? Pero bakit parang
dumadalang ang paggamit ng mga ito?

Ang pagtawag sa iyong ama na Tatay, Papa, o Daddy at sa iyong ina na Inay,
Mama, o Mommy ay senyales ng paggalang ninyo sa kanila. O mga kabataan ng
bayan, sila yung dalawang taong gagawin ang lahat para sa inyo.

Ang paggalang mo sa mga magulang mo ay walang katumbas na ligaya sa


kanila. Hindi mo man ito makikita, pero ramdam nila ito. Bukod sa pagmamahal,
wala nang mas sasarap pa sa paggalang ng anak sa kanyang ama o ina sa lahat ng
oras.

2. Kabataan, Tuloy Ang Laban

Hindi madali ang mabuhay sa mundong mayroon tayo ngayon. May droga,
masamang impluwensya ng barkada, bolakbol, at kung ano pa. Kadalasan, marami
ang napapariwara.

Subalit, kabataan, tuloy ang laban. Huwag sana tayong papatalo sa mga
pagsubok na dumarating sa mga buhay natin araw-araw. Huwag sana tayong
mapapagod na labanan ang kasamaan, ang kung ano man na sa atin ang
maidudulot ay hindi kabutihan. Kabataan, tuloy ang laban!

3. Hinaing ng mga Kabataan sa mga may Katungkulan sa Bayan

Anim na taon sa elementarya, anim na taon sa sekondarya, at may kolehiyo pa.


Labas ang paghahanda na ginagawa bago kayo palayain sa mundong ito kabataan.
Ang akala ng iba’y madali, ang totoo bawat araw ay nagbabakasali.

Subalit, pursigido ang marami sa mga kabataan ngayon. Bawat gabi’y nananaginip
ng magandang bukas, bawat umaga’y dumidilat sa pag-asang may mas maliwanag
na bakas.
Habang hindi pa ito dumarating, ngayon muna, hinaing sa may katungkulan sa
bayan ang nais pakinggan. Sana’y mas lalong paigtingin ang suporta sa edukasyon,
iba pa rin ang sa araw-araw ay may natutunan na leksyon.

8
Sana ipaglaban ang kayamanan ng bayan, ang bawat parte na siyang naging kapalit
ng pagkamatay ng mga tao noon pa man. Sana’t huwag hayaang droga ay manaig,
huwag hayaang sakupin nito ang buong daigdig.

Sana mas lalong paunlarin ang kalikasan, pangalagaan ang yaman na kailanma’y
hindi matutumbasan. Sana, sana manaig ang katauhan. Hustisya sana sa bawat
isa’y palaging pahalagahan.

Sa ngayon, ito muna, ito muna ang hinaing ng mga kabataan sa may mga
katungkulan sa bayan.

4. Ang Uri ng mga Kabataan


5.
Iba’t iba ang uri ng mga kabataan sa mundong ito. May mahirap, may mayaman, at
may katamtaman. May magaling, may madiskarte, may malaya, at may natatakot sa
mundo. Ikaw, alin ka dito?

Maraming kabataan ang may mga pangarap sa buhay, mayroon naman na nasa
gilid lang tumatambay. May mga pamilya ang inuuna, mayroon ding bahala na kung
saan papunta. Ikaw, alin ka dito?

May mga kabataan na edukasyon ay pinapahalagahan, mayroon namang


pagtratrabaho ang kailangang unahin higit sa ano pa man. Yung iba, alam kung ano
yung gusto, yung iba naman, gusto kung ano yung meron. Ikaw, alin ka dito?

Ilan lamang ito sa mga uri ng mga kabataan na mayroon ang mundo ngayon. Kahit
sino ka pa sa mga nabanggit, parte ka ng mundong ito. May puwang ka sa bawat
sulok nito.

https://philnews.ph/2018/12/12/halimbawa-ng-
talumpati-5-talumpati-kabataan/
Mga Gabay na Tanong:

a. Sino ang nagtatalumpati?


____________________________________________________________
b. Tungkol saan ang talumpati?
____________________________________________________________
c. Anong uri ng talumpati ang pinapahayag sa mga halimbawa?
_____________________________________________________________
d. Para kanino at ano ang nais ipahiwatig ng talumpati?
_____________________________________________________________
e. Sa palagay mo, bakit kaya naisulat o nagawa ang talumpating ito?
_____________________________________________________________

Isaisip
Gawain 3

9
A.Sagutin ang sumusunod na mga tanong. Isulat sa iyong journal o kwaderno
ang mga sagot sa tanong.

1. Ano ang talumpati? Paano ito naiiba sa ibang panitikan?


2. Ano-ano ang uri at anyo ng talumpati? Paano nagkakaiba ang mga ito sa
isa’t-isa?
3. Kung ikaw ay mabibigyang pagkakataong magsalita at makapagbigay ng
talumpati, ano ang anyo at uri ang kaya mong gawin?Bakit?

Isagawa
Gawain 4

Kung titingnan mo ang iyong paligid, sambayanan at ang buong sanlibutan.


Ano marahil ang maituturing na isang malaking dagok na kinakaharap nating lahat
ngayon? May banta sa kalusugan, ekonomiya at maging sa Edukasyon hindi ba?
Kung gayon, bilang tugon, manood ka sa isang telebisyon o maari ka ring makinig
ng talumpati sa radyo na may kaugnayan sa kaganapan ngayon.

Bigyang puna ang paraan ng pagsasalita ng mananalumpati base sa


Pamantayan o Salik na nakasaad sa talahanayan

Mga Pamantayan
Uri ng Talumpati
Anyo ng
Talumpati
Tinig
Tindig
Pagbigkas
Pagtuunan ng
Pansin
Kumpas (kung
Telebisyon)

Buod
Likas sa pagiging tao ang kakayahang umunawa at unawain sa kabila ng
pagkakaiba ng opinyon o saloobin. Ika nga ,“Agree to disagree”. May mga
pagkakataong ang iyong pinaniniwalaan at pagpapahalaga ay salungat sa
pinaniniwalaan o pananaw ng iba ngunit ito ay hindi banta ng pagkakaisa at pag-
unlad.Sa halip, matutong unawain ang pinanindigang saloobin ng bawat isa maging
ito ay taliwas sa iyo.Isiping tayo ay biniyayaan ng kaalaman at damdamin upang
maging daan sa matiwasay na pamumuhay kasama ang ibang tao.
Ang talumpati ay isa sa mga paraan upang mapaabot sa kapwa ang mga
saloobing nais ipahayag at opinyong pinaninindigan. Maging makaotohanan at sa

10
lahat ng panahon,nawa ang lalabas sa bibig ay mga salitang nakapagbibigay ng
kagalingan at hindi kasinungalingan.

11
Tayahin
Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na mga katanungan. Isulat lamang ang titk o
letra ng mapipili mong sagot sa patlang bago ang bawat bilang.

____1.Ito ay isang buong kaisipan o opinyon ng isang tao na pinababatid sa


pamamagitan ng pagsasalita sa entablado.
a. Sanaysay b. Tula c. Talumpati d. Diyalogo
____2. 'Hindi ako iniluklok upang pagsilbihan ang interes ng kahit sinong tao, o anumang
pangkat, o anumang uri. Pagsisilbihan ko ang bawat isa at hindi ang isa lang.' ito ay
talumpati ng Pangulong Duterte sa kanyang panunumpa bilang Presidente. Ano sa
palagay mo ang ipinahihiwatig niya?
a. Walang pinipili c. serbisyo iaalay sa lahat
b. uunahin ang bayan bago ang sarili d. isa siyang “servant-leader”
____3. “Ang kabataan ay ang pag-asa ng bayan” ito ay tanyag na linya ng talumpati
nino?
a. Gat. Jose P. Rizal b.Corazon Aquino c.Jose P. Laurel d. Emilio Aguinaldo
____4. “Hindi ako susuko, kaya ko ‘to!”, ang mga linyang ito ay nagpapahayag ng anong
saloobin?
b. Pagiging gahaman b. Mapagmataas c. Determinado d. Sawi

____5. Ikaw na ba ang hinihintay ko? Ikaw na kaya ang sagot sa aking mga dasal?Ang
12
mga linyang ito ay nagpapahiwatig ng;
a Kilig b.pag-aalinlangan c.pananabik d. galak
____6. Ano ang tawag sa isang proseso ng pagpapahayag ng ideya sa paraang pasalitang
tumatalakay sa isang isyu?
a..debate b. posisyong papel c.replektibong sanaysay d. talumpati
____7. Alin sa mga sumusunod ang hindi kabilang sa mga uri ng talumpati batay sa paano
ito binibigkas sa madla?
a.biglaang talumpati b.isaulong talumpati c.manuskrito d.layuning talumpati

____8. Anong uri ng talumpati nabibilang ang State of the Nation Address?
a.talumpating nagbibigay kabatiran c.talumpating panghikayat
b.talumpati ng pagbibigay-galang d.talumpating papuri

____9. Anong uri ng talumpati ang Eulogy o pagkilala sa isang taong namatay ?
a.talumpating nagbibigay kabatiran c.talumpati ng papuri
b.talumpating pagbibigay-galang d. talumpating pampasigla

___10. Anong uri ng talumpati na naglalayong tanggapin ang bagong kasapi ng samahan o
organisasyon?
a.talumpating pampasigla c. talumpating papuri
b.talumpating panghikayat d.talumpating pagbibigay-galang
___11. Anong uri ng talumpati na naglalayong magbigay ng pagkilala sa isang tao o
samahan?
a.talumpating pampasigla c. talumpating papuri
b.talumpating panghikayat d.talumpating pagbibigay-galang
___12. Alin sa mga nasa ibaba ang di kabilang sa dapat isaalang-alang sa pagsulat ng
talumpati?
a.uri ng tagapakinig c.kasarian ng tagapakinig
b.mga saloobin at dati nang alam ng mga nakikinig d.antas/uri sa lipunan

___13. Anong uri ng talumpati ang ibinibigay lamang ang paksa sa oras ng pagsasalita?
a.biglaang talumpati b.maluwag c.manuskrit d.isinaulong talumpati
___14. Anong uri ng talumpati ang ginagamit sa kumbensyon o seminar kaya pinag-aralan
itong mabuti?
a.biglaang talumpati b.maluwag c.manuskrito d.isinaulong talumpati
15. Anong uri ng talumpati ang nagbibigay ng iilang minuto para sa pagbuo ng
ipahahayag na kaisipan?
b. biglaang talumpati b. maluwag c.manuskrito d.isinaulong talumpati

13
Susi ng Pagwawasto

1.c 6. d 11. b
2.c 7. d 12. d
3.a 8. a 13. a
4.c 9. c 14.c
5.b 10. d 15. d

Mga Sanggunian
quizziz.com/admin/quiz/5d7ce70d64017100aab1c8f/pre-test-sa-mga-gusto-ng-free-taste-talumpati

slideshare.net/edmarkbarrera/ang-talumpati-at-ilang-mahahalagang-salik

slideshare.net/RaymorRemodo/talumpati-127820736

https://philnews.ph/2018/12/12/halimbawa-ng-talumpati-5-talumpati-kabataan/

Dayag, Alma M., Baisa-Julian, Ailene G. at Del Rosario,Mary Grace G.Ikalawang


Edisyon.Pinagyamang Pluma,Wika at Panitikan para sa Mataas na Paaralan.
927 Quezon Avenue, Quezon City: Phoenix Publishing House, 2018.

14
For inquiries and feedback, please write or call:

DepEd Division of Iligan City


Office Address: General Aguinaldo, St., Iligan City
Telefax: (063)221-6069
E-mail Address: [email protected]

15

You might also like