0% found this document useful (0 votes)
1K views31 pages

Ap9 - q1 - Mod-5 - Mga Salik Na Nakaaapekto Sa Pagkonsumo - v3

Copyright
© © All Rights Reserved
We take content rights seriously. If you suspect this is your content, claim it here.
Available Formats
Download as DOCX, PDF, TXT or read online on Scribd

You are on page 1/ 31

Government Property

NOT FOR SALE

NOT
9
Araling Panlipunan 11
Unang Markahan, Linggo 6-7, Modyul 5
Mga Salik na Nakaaapekto sa
Pagkonsumo

Department of Education ● Republic of the Philippines

Araling Panlipunan - Grade 9
Alternative Delivery Mode
Quarter 1, Wk.6-7, Module 5: Mga Salik na Nakaaapekto sa
Pagkonsumo
First Edition, 2020

Republic Act No. 8293, Section 176 states that: No copyright shall subsist in
any work of the Government of the Philippines. However, prior approval of the
government agency or office wherein the work is created shall be necessary for
exploitation of such work for profit. Such agency or office may, among other things,
impose as a condition the payment of royalties.

Borrowed materials (i.e., songs, stories, poems, pictures, photos, brand names,
trademarks, etc.) included in this book are owned by their respective copyright holders.
Every effort has been exerted to locate and seek permission to use these materials from
their respective copyright owners. The publisher and authors do not represent nor claim
ownership over them.

Published by the Department of Education – Division of Cagayan de Oro

Schools Division Superintendent: Roy Angelo L. Gazo, PhD., CESO V

Development Team of the Module

Writers: Greggy Q. Encinares, Louie E. Salipong

Content and Language Evaluators: Mary Ann S. Engrecial, Roquesa P. Tejada,
Lenore L. Boa
Illustrator and Layout Evaluator: Ananias T. Clarido, PhD, Mary Jane O. Simeon
Illustrator/Layout Artist: Dennis Baynas
Management Team
Chairperson: Roy Angelo E. Gazo, PhD, CESO V
Schools Division Superintendent

Co-Chairpersons: Nimfa R. Lago, MSPh, PhD, CESE

Assistant Schools Division Superintendent

Members: Henry B. Abueva, EPS, OIC-CID Chief

Virginia N. Nadayag, EPS- Araling Panlipunan
Sherlita L. Daguisonan, LRMS Manager
Meriam S. Otarra, PDO II
Charlotte D. Quidlat, Librarian II

Printed in the Philippines by

Department of Education – Division of Iligan City
Office Address: General Aguinaldo, St., Iligan City
Telefax: (063)221-6069
E-mail Address: [email protected]

9
Araling
Panlipunan
Quarter 1, Wk 6-7 – Module 5
Mga Salik na Nakaaapekto sa Pagkonsumo

This instructional material was collaboratively developed and

reviewed by select teachers, school heads, and Education Program
Supervisor in Araling Panlipunan of the Department of Education -
Division of Iligan City. We encourage teachers and other education
stakeholders to email their feedback, comments, and recommendations to
the Department of Education-Iligan City Division at
[email protected] or Telefax: (063)221-6069.
We value your feedback and recommendations.

Department of Education ● Republic of the Philippines

Talaan ng Nilalaman

Mga Pahina

Pangkalahatang Ideya ……………………………… 1

Nilalaman ng Modyul ……………………………… 1
Alamin ……………………………… 1
Pangkalahatang Panuto ……………………………… 2
Subukin ……………………………… 3
Aralin 1: Kahulugan at Uri ng Pagkonsumo
Balikan ……………………………… 6
Tuklasin ……………………………… 6
Suriin ……………………………… 7
Pagyamanin ……………………………… 8
Isaisip ……………………………… 9
Isagawa ……………………………… 11
Aralin 2: Mga Salik na Nakaaapekto sa Pagkonsumo
Tuklasin ……………………………… 12
Suriin ……………………………… 13
Pagyamanin ……………………………… 14
Isaisip ……………………………… 15
Isagawa ……………………………… 16
Buod ……………………………… 17
Tayahin ……………………………… 18
Karagdagang Gawain ……………………………… 21
Susi ng Pagwawasto ……………………………… 21
Sanggunian ……………………………… 23

1
Modyul 5
Mga Salik na Nakaaapekto sa
Pagkonsumo
Pangkalahatang Ideya

Ang modyul na ito ay tatalakay sa konsepto ng pagkonsumo bilang

isang mahalagang gawain ng tao. Mauunawaan mo dito ang apat na uri ng
pagkonsumo na makatutulong sa iyo sa paggawa ng matalinong
pagdedesisyon bilang isang mamimili. Binigbigyang-diin din ang iba’t ibang
salik na maaaring makaaapekto sa pagkonsumo ng tao bilang tugon sa
kanyang walang hanggang pangangailangan at kagustuhan.
Para mas lalo mong maintindihan ang konsepto ng pagkonsumo, may
mga gawain sa modyul na ito na susubok sa iyong kasanayan sa pagsisiyasat
at mapanuring pag-iisip na makatutulong upang lubos na maunawaan ang
aralin bilang isa sa mga konsepto ng ekonomiks at ang katuturan nito sa
iyong pamumuhay. Ang mga halimbawa na ginamit sa modyul na ito ay
madali mong maiintindihan dahil makikita mo ito sa lipunang iyong
ginagalawan o mga pangyayaring nararanasan mo sa totoong buhay. Sinikap
din ng mga may akda na gumamit ng linggwahe na naaayon sa antas ng pag-
unawa mo bilang isang mag-aaral ng Ikasiyam na baitang.

Alamin

Pamantayan Sa Pagkatuto: Nasusuri ang mga salik na nakaaapekto sa

pagkonsumo (AP9MKE-Ih-16).

Sa pagtatapos ng modyul, inaasahang matatamo ang mga sumusunod na

kakayahan:

1. nabibigyan ng kahulugan ang pagkonsumo;

2. natutukoy ang iba’t ibang uri ng pagkonsumo;
3. naipaliliwanag ang mga salik na nakaaapekto sa pagkonsumo, at
4. napahahalagahan ang matalinong pagtugon sa mga salik na
nakaaapekto sa pagkonsumo.

1
Pangkalahatang Panuto
Paano mo Matututunan?
Upang makamit ang mga inaasahan, gawin ang mga sumusunod:
 Basahin at unawain nang mabuti ang mga konseptong pangwika.
 Sundin ang bawat panutong ibinigay sa bawat gawain at pagsasanay.
 Sagutin ang lahat ng mga ibinigay na gawain at pagsasanay.

Icons na Ginagamit sa Modyul

Alamin Ito ay ang bahaging naglalahad ng mga layunin o

mithiing dapat matamo sa pag-aaral mo sa
modyul na ito.

Ito ay pagtatasa sa antas ng iyong kaalaman sa

Subukin tatalakaying aralin. Sa pamamagitan nito
masususuri kung ano na ang iyong natutunan
kaugnay sa bagong tatalakaying aralin.

Ito ay ang pagtatatag ng ugnayan sa

Balikan pamamagitan ng pagtatalakay sa mga
mahahalaga mong natutunan sa nagdaang aralin
na may koneksiyon sa tatalakaying bagong aralin.

Ito ay paglalahad sa bagong aralin sa

Tuklasin pamamagitan ng iba’t ibang gawain.

Ito ay ang pagtatalakay sa mga mahahalaga at

Suriin nararapat mong matutunan upang malinang ang
pokus na kompetensi.

Ito ay ang mga gawain na magpapalawak sa

Pagyamanin iyong natutunan at magbibigay pagkakataong
mahasa ang kasanayang nililinang.

Ito ay mga gawaing magpoproseso sa iyong

Isaisip mahahalagang natutuhan sa aralin.

Ito ay ang mga gawain na gagawin mo upang

Isagawa mailapat ang iyong mahahalagang natutunan sa
mga pangyayari o sitwasyon sa totoong buhay.

2
Subukin

Basahin at unawain nang mabuti ang tanong sa bawat aytem. Isulat ang
titik ng pinakatamang sagot sa iyong activity notebook.
1. Alin sa mga sumusunod ang pinakaangkop na kahulugan ng pagkonsumo?
A. Ito ay proseso ng paglikha ng panibagong produkto.
B. Ito ay ang interaksyon ng mamimili at nagtitinda sa isang pamilihan.
C. Ito ay mekanismo ng pamamahagi ng mga pinagkukunang-yaman,
produkto at serbisyo.
D. Ito ay tumutukoy sa paggamit ng produkto o serbisyo upang
matugunan ang pangangailangan at kagustuhan ng tao.
2. Ang pagkonsumo ay may iba’t ibang uri. Anong uri ang nakapagdudulot ng
agarang kasiyahan sa mamimili?
A. direkta C. produktibo
B. maaksaya D. mapanganib
3. Ang lahat ng tao ay mamimili. Paano mo malalaman kung may nakukuhang
kasiyahan ang mamimili sa pagkonsumo ng produkto at serbisyo?
A. Kung patuloy pa rin siya sa paggamit ng naturang produkto.
B. Kung inubos niya ang stock ng naturang produkto sa pamilihan.
C. Kung hindi na siya tumatangkilik sa naturang produkto o serbisyo.
D. Kung nagmahalan ang presyo ng produkto at serbisyo sa pamilihan.
4. Isang uri ng pagkonsumo na nagdudulot ng pinsala sa kalusugan ng isang
tao. Alin sa mga sumusunod ang tinutukoy nito?
A. direkta C. produktibo
B. maaksaya D. mapanganib
5. Kung ikaw ay isang taong rasyonal, ano ang dapat mong isaalang-alang sa
pagkonsumo ng isang produkto o serbisyo?
A. kapakinabangan nito
B. kasiyahan na dulot nito para sa sarili
C. kaligayahan na dulot nito sa ibang tao
D. kaibahan nito sa ibang produkto o serbisyo
6. Ang pagkonsumo ay isang mahalagang gawaing pang-ekonomiya ng bansa
sapagkat ito ay nagbibigay katuturan sa produksyon. Ano ang mahihinuha
mo sa pahayag na ito?
A. Walang produksyon kung walang pagkonsumo.
B. Walang pagkonsumo kung walang produksyon.
C. Ang pagkonsumo ay nakasalalay sa dami ng produkto o serbisyo.
D. Maaaring may mga produkto at serbisyo kahit walang produksyon.
7. Ang hindi pagtugon ng mga tao sa kanyang pangangailangan at kagustuhan
ay magdudulot ng iba’t ibang suliranin sa ekonomiya ng bansa. Alin sa mga
sumusunod ang payak na paglalarawan sa suliraning ito?
A. Mawawalan ng hanapbuhay ang mga tao.
B. Magreresulta sa pagkalugmok ng bansa sa kahirapan.
C. Mabubuhay pa rin ang mga tao na nasa mga liblib na lugar.
D. Walang pamilihan dahil walang malilikhang produkto at serbisyo.
3
8. Ang pagkonsumo ay isang mahalagang gawain ng lipunan. Paano mo
mailalarawan ang isang lipunan na walang pagkonsumong nagaganap?
A. walang umiiral na pamilihan
B. industriyalisado at superyor sa paggawa
C. may naglalakihang mga gusali at bahay-kalakal
D. kakikitaan ng interaksyon sa pagitan ng konsyumer at prodyuser
9. Ang kita ay isa sa mga salik na nakaapekto sa pagkonsumo. Ano ang
kaugnayan ng kita ng tao sa kanyang pagkonsumo?
A. Pagnenegosyo ang sagot sa kahirapan ng mga taong naglilingkod sa
bayan.
B. Nagsusumikap ang tao na matutugunan ang lahat ng kanyang mga
pangangailangan.
C. Higit na mas mahalaga sa tao ang kanyang kita kay sa dami ng kanyang
mga pangangailangan.
D. Kung mababa ang kita ng isang tao mas mababa ang kanyang
pagkonsumo sa kanyang mga pangangailangan at kagustuhan.
10. Ang pagkakaroon ng maraming utang ay makaaapekto sa pagkonsumo ng
tao. Bilang isang mag-aaral, paano mo maiiwasan ang pagkakautang?
A. Dapat may sapat na halaga ng pera bilang pambayad ng utang.
B. Matutong humingi ng libreng pera sa kaklase para makaiwas sa
pagkakautang.
C. Matutong magtipid sa paggamit ng pera para makabili ng
pangangailangan.
D. Iwasan ang pangungutang sa mga bangko at sa ibang pang mga
institusyong pinansyal.
11. Ang mga negosyante ay gumagamit ng patalastas sa kanilang produkto sa
telebisyon, pahayagan, radyo, internet at social media. Paano ito
nakaaapekto sa pagkonsumo ng isang mamimili?
A. Mas mabenta ang mga produktong pinapatalastas.
B. Naeenganyong bumili ang tao para makasabay sa uso.
C. Mas tinatangkilik ng tao ang mga produktong iniendorso ng isang
personalidad sa telibisyon.
D. Tumaas ang pagkonsumo ng tao dahil sa impluwensyang dulot ng mga
patalastas sa telebisyon, radyo o maging sa internet.
12. Ang mga sakuna tulad ng bagyo, lindol at maging ang pandemyang dala ng
COVID-19 ay nagreresulta sa kakulangan ng suplay ng mga pangunahing
produkto. Bilang isang Pilipino, paano ka makatutulong na mapanatili ang
maayos na pagkonsumo sa kabila ng sakuna?
A. Bumili ng maramihan at itago sa bahay para hindi maubusan.
B. Bumili ng mabentang produkto sa pamilihan kahit hindi kailangan.
C. Sundin ang mga batas na ipinapatupad ng pamahalaan para makontrol
ang presyo.
D. Bumili lamang ayon sa pangangailangan para mabigyan ng
pagkakataon ang iba na makabili sa parehong produkto.

4
13. Hindi lahat ng tao ay naiimpluwensyahan ng mga patalastas ng mga
produkto kung kaya mababa lamang ang kanilang pagkonsumo. Ano ang
ipinapahiwatig sa pahayag na ito?
A. Kaya ng tao paikutin ang presyo ng mga produkto sa pamilihan.
B. Malawak ang kaalaman ng mga tao sa bawat produktong ibenebenta
sa pamilihan.
C. Mas binibili ng tao ang pangunahing pangangailangan tulad ng pagkain
kaysa sa mga luho sa buhay.
D. Magkakaiba ang mga pangangailangan ng tao kaya mas inuuna niya
ang pagbakasyon sa ibang bansa.
14. Sinasabing may mataas na pagkonsumo ang mga taong may malalaking
kita. Alin sa mga sumusunod na pahayag ang nagpapatotoo nito?
A. Kung mas malaki ang kita, mas maraming mabibiling mga produkto.
B. Kung may malaking kita, mas kayang makapagbakasyon sa iba’t ibang
bansa.
C. Kung mas malaki ang kita, mas mababa ang pagtugon sa mga
pangangailangan.
D. Kung mas malaki ang kita, mas malawak ang kaalaman sa sisitemang
pang-ekonomiya.
15. Ang pagbabago-bago ng presyo ay nakaaapekto sa pagkonsumo. Kung
ikaw ay isang mamimili, paano ka makatutulong na maiwasan ang pang-
aabuso sa pagtakda ng presyo sa mga produkto sa pamilihan?
A. Idulog ang mga suliraning pang-ekonomiya sa mababang korte.
B. Ipagdasal at hayaan sila na maging mayaman sa mga mata ng tao.
C. Iwasan ang paggawa ng mga produkto para sa malakihang pamilihan.
D. Isumbong ang mga abusadong namumuhunan sa Department of
Trade and Industry (DTI).

5
Aralin Ang Konsepto ng Pagkonsumo
1
Balikan

Four Questions One Puzzle

Buuin ang puzzle sa pamamagitan ng pagtukoy sa apat na

pangunahing katanungang pang-ekonomiko para sa maayos na alokasyon ng
mga pinagkukunang-yaman. Isulat ang iyong sagot sa activity notebook.

? ?

? ?
https://www.pexels.com/photo/business-business-finance-
business-meeting-close-up-606318/

Tuklasin

Pic-Sure This!

Suriin ang larawan na nasa ibaba at sagutin ang mga pamprosesong

tanong batay sa iyong sariling interpretasyon. Isulat ang iyong sagot sa
activity notebook.

https://www.aetc.af.mil/News/Photos/igphoto/2000121007/ https://www.piqsels.com/es/public-domain-photo-oczen

1. Ano ang nakikita mo sa mga larawan? _____________________________

2. Naranasan mo na ba ang ganitong sitwasyon? ______________________
3. Bakit tayo gumagamit ng produkto at serbisyo? ______________________
6
Suriin

Ano ang pagkonsumo?

https://pxhere.com/en/photo/1456559

Sa pag-aaral ng ekonomiks binibigyang diin ang gawain ng paggamit ng

mga produkto at serbisyo upang matugunan ang pangangailangan at makamit
ang kasiyahan sa mga taong gumagamit nito. Ang tawag sa konseptong ito ay
pagkonsumo. Ang pagkonsumo ay hindi lamang limitado sa mga pagkain o
paggamit ng mga produkto bagkus kabilang rin dito ang pagtangkilik sa mga
serbisyo tulad ng pagpapagupit ng buhok, paggamit ng kuryente o tubig at iba
pang serbisyong nagbibigay sa tao ng kasiyahan o kapakinabangan.

Ang pagkonsumo ay may apat na uri ayon sa kapakinabangan nito sa

nagkokonsumo. May tuwiran, produktibo, maaksaya at mapanganib na
pagkonsumo. Matutunghayan sa tsart sa ibaba ang kahulugan ng bawat uri.

Apat na Uri ng Pagkonsumo

Direkta Produktibo Maaksaya Mapanganib

Kapag Kung ang Sobra o labis Kung ito ay

agarang layunin ng kung nagdudulot ng
natatamo ang paggamit ng ihahambing pinsala o
kasiyahan at produkto ay sa kanyang banta lalo na
kapakinaba- upang pangangai- kalusugan ng
ngan sa makabuo ng langan o taong
paggamit ng panibagong kagustuhan gumagamit
produkto o bagay na nito.
serbisyo kapaki-
pakinabang

7
Pagyamanin

A. What’s in the Basket?

Itala sa mga kahon na nasa ibaba ang sampung produkto na sa tingin mo
ay laman ng basket ng mga mamimili sa panahong ito na may pandemya.
Pagkatapos ay sagutin ang mga pamprosesong tanong. Isulat ang iyong sagot
sa activity notebook.

http://www.freestockphotos.biz/stockphoto/16029

1. Ano-ano ang naging batayan mo sa pagpili ng naturang mga produkto o

serbisyo? ____________________________________________________
2. Alin sa mga produkto at serbisyong nailista mo sa itaas ang binibili ng iyong
pamilya? Alin naman sa mga ito ang hindi? Bakit?
_______________________________________________________
3. Bakit ba nagkakaroon ng panic-buying sa mga panahon tulad ng
pandemic? Nakabubuti ba o nakasasama ito sa ekonomiya? Ipaliwanag.
________________________________________________________

B. Pagkonsumo, Uriin Mo!

Piliin sa mga salitang may salungguhit ang tutukoy sa uri ng pagkonsumo
na ipinapakita sa mga larawan. Isulat ito sa activity notebook.
Direkta Produktibo Maaksaya Mapanganib

1. Tela

2. Pag-inom
ng tubig

3. Junk
foods

4. Shoe
hoarding

https://www.needpix.com/photo/15308
03/snack-junkfoods-chips-peanuts- ttps://commons.wikimedia.org/wiki/File:
foods Largest_collection_of_Converse_All-
Stars.JPG
8
Isaisip

A. Pic-Suri

Suriin ang bawat larawan na nasa ibaba. Ipaliwanag ang kaugnayan ng

mga ito sa konsepto ng pagkonsumo. Itala ang iyong sagot gamit ang
horizontal scroll. Isulat ito sa activity notebook.

1.

ttps://pixabay.com/illustrations/hung
er
-eat

2.

https://pixabay.com/vectors/firewood
-tree-trunk -logs-timber-36866/

3.

4.

9
B. Pagkonsumo, Pahalagahan Mo!
Buuin ang graphic organizer batay sa napag-aralang teksto. Punan
ang unang kahon ng maikling pagpapaliwanag tungkol sa kahalagahan ng
pagkonsumo. Matapos mapunan, magbigay ng konklusyon tungkol sa
natalakay na paksa sa ikalawang kahon. Gawin ito sa iyong activity
notebook.

Mahalaga ba ang
Pagkonsumo?

Dahilan

Sagot:
_____________________________________________________

Kongklusyon;
______________________________________________
______________________________________________
______________________________________________
______________________________________________
________________
______________________________________________
______________________________________________
______________________________________________
______________________________________________

10
Isagawa

Spend It Wisely!

Magdiriwang ng kaarawan si Wisely pero napagdesisyunan ng kanyang

pamilya na walang handaang magaganap dahil sa krisis na nararanasan na
dulot ng COVID-19 pandemic. Binigyan na lamang siya ng isang libo ng
kanyang mga magulang para mabili ang gusto niya sa kanyang kaarawan.
Kung ikaw si Wisely, alin sa mga produkto na nasa cloud callout ang
pagkagastusan mo sa isang libo? Ipaliwanag ang iyong naging batayan sa
pagpili ng naturang produkto. Isulat ang iyong sagot sa activity notebook.

Maglalaro
Bibili ng ng
pagkain compute
r
games

https://www.flickr.com/photos https://en.wikipedia.org/wiki/
/risagirl/5630304228 Desktop_computer drink
Bibili ng
bagong
damit

Bibili ng
murang
cellphon
https://publicdomain
e vectors.org/en/free-clipart/
Questioning-guy/70842.html

https://www.needpix.com/photo/337661/phone- https://freesvg.org/coloured-line-art-vector
iphone-blue-mobile-screen-communication- -image-of-trousers
device-digital-modern https://freesvg.org/pink-t-shirt-vector-clip-art

Sagot
___________________________________________________________________

11
Mga Salik na Nakaaapekto
Aralin sa Pagkonsumo
2
Natutuhan mo sa unang aralin ang kahulugan at mga uri ng
pagkonsumo. Ngayon ay isa-isahin natin ang mga salik na nakaaapekto nito.

Tuklasin

Hulaan Mo!

Suriing mabuti ang bawat larawan. Punan ang patlang ng mga

nararapat na letra upang mabuo ang mga hinihinging konsepto. Sagutin ang
tanong na nasa ibaba at isulat ito sa iyong activity notebook.

https://www.flickr.com/photos/george_reyes/23 https://pixabay.com/illustrations/debt-loan-credit-money-
68791524 finance-1500774/

1. Pagbabago sa P__ es__ __ 2.Pagkak _ u __ a n __

https://www.pxfuel.com/en/search?q=peso https://commons.wikimedia.org/wiki/File:0161ajfDaniel_Padilla_Bench
_Billboards_Advertisements_Pasig_River_Mandaluyong_Cityfvf.jpg
3. K __ t __ 4. Pag- __ an__ ns__ __

12
1. Paano nakaaapekto sa iyo bilang isang mamimili ang mga nabuong
kataga?
________________________________________________________
_________________________________________________________________________________

Suriin

Mga Salik na Nakaaapekto sa Pagkonsumo

Maraming salik ang nakaaapekto sa pagkonsumo ng isang konsyumer.

Nakadepende sa mga salik na ito ang pagkakaiba ng paraan at dahilan ng
kanilang pagkonsumo.
Ang sumusunod na mga konsepto ay magbibigay sa iyo ng kaalaman
tungkol sa mga salik na nakaaapekto sa pagkonsumo.

Pagbabago ng Presyo
Ang pagtaas o pagbaba ng presyo ay nakaaapekto sa dami ng
kanyang binibiling produkto o serbisyo.
Mga Salik na Nakaapekto sa Pagkonsumo

Pagkakautang
Mga Salik na Nakaapekto sa Pagkonsumo

Dahil sa pagkakautang ay mababawasan ang kakayahan ng

tao na makabili.

Kita
Ito ay nagdidikta sa anong paraan ng pagkonsumo ng isang
tao. Kapag lumalaki ang kita ay lumalaki din ang kakayahan
niya na bumili ng produkto o serbisyo.

Mga Inaasahan
Ang mga inaasahang pangyayari sa hinaharap tulad ng
sakuna, pandemya, pagdiriwang at iba pa ay nakaaapekto sa
desisyon ng mga konsyumer na bumili.

Pag-aanunsyo o Patalastas
Ang nakikita sa mga anunsiyo sa telebisyon, pahayagan,
radyo, internet at social13media ay madaling makaimpluwensya
sa tao sa pagkonsumo.
Pagyamanin

Sanhi at Bunga

Punan ang mga kahon na nasa Hanay B ng maikling pagpapaliwanag

kung paano nakaaapekto ang mga salik sa pagkonsumo na nasa Hanay A
hanay ng mga kahon. Gawin ito sa iyong activity notebook.
Hanay A Hanay B

14
_______________________________________
_______________________________________
_______________________________________
PAGBABAGO
NG PRESYO _______________________________________
_______________________________________
_______________________________________
______________________________
_______________________________________
_______________________________________
_______________________________________
KITA _______________________________________
_______________________________________
_______________________________________
______________________________
_______________________________________
MGA _______________________________________
INAASAHAN _______________________________________
_______________________________________
_______________________________________
_______________________________________
______________________________
_______________________________________
_______________________________________
PAGKAKAUTANG _______________________________________
_______________________________________
_______________________________________
_______________________________________
______________________________

_______________________________________
_______________________________________
_______________________________________
PAG-AANUNSYO _______________________________________
_______________________________________
_______________________________________
______________________________

15
Isaisip

Buuin ang concept map batay sa tekstong iyong napag-aralan. Punan

ang unang hanay ng mga kahon ng mga salik na nakaaapekto sa
pagkonsumo at sa ikalawang hanay ng mga kahon ng mga halimbawa sa
bawat salik. Isulat sa activity notebook ang sagot.

MGA SALIK

HALIMBAWA

16
Isagawa

Produkto Ko, Ipatalastas Ko!

Nabigyan ka ng pagkakataon na pumasok sa isang negosyo at

nagdesisyong gumawa ng produkto. Naisip mong kinakailangan itong i-
anunsyo para makumbinsi ang mga konsyumer na tangkilikin ito.
Gumawa ng isang poster bilang patalastas sa produktong ibebenta.
Gawing patnubay sa paggawa ng poster ang rubrik sa ibaba. Gawin ito sa
iyong activity notebook.

__________________________________________

RUBRIK PARA SA PATALASTAS

PAMANTAYA 4 3 2 1
N
Ang nabuong
patalastas ay Ang nabuong Ang nabuong Ang nabuong
Impormatibo patalastas ay patalastas ay
nakapagbibigay patalastas ay
ng wasto at nakapagbibigay kulang sa hindi
napakahalagang ng wastong impormasyon organisado at
impormasyon impormasyon tungkol sa kulang sa
tungkol sa tungkol sa katangian ng impormasyon
katangian ng katangian ng mga salik na tungkol sa
mga salik na mga salik na nakaapekto katangian ng
nakaapekto sa nakaapekto sa sa mga salik na
pagkonsumo. pagkonsumo. pagkonsumo. nakaapekto
sa
pagkonsumo.
Magaling ang May
Malikhain Napakagaling Hindi maayos
pagkagawa ng kakulangan
ng pagkagawa ang
patalastas. ang
ng patalastas. pagkagawa
pagkagawa
ng patalastas.
ng patalastas.

17
My Family Consumption

Pumili ng sampung produkto na makikita mo sa inyong bahay at

tukuyin ang kapakinabangan nito sa inyong pamilya. Isulat ito sa acitivity
notebook.

My Family Produkto/ Dahilan ng

Consumption Serbisyo Pagkonsumo
1. ______ __________________
2. ______ __________________
3. ______ __________________
4. ______ __________________
5. ______ __________________
6. ______ __________________
7. ______ __________________
8. ______ __________________

9. ______ __________________
10. ______ __________________
https://pixabay.com/vectors/house-
blue-building-blue-house-1293063/

https://www.publicdomainpictures.net/en/view-image.php?image=60553&picture=ruled-paper-planner

Buod
Binigyang-linaw sa modyul na ito ang konsepto ng pagkonsumo. Sa
pagganap sa mga gawain at pagbasa ng mga teksto ay nabigyang linaw
ang mga sumusunod:

 Ang pagkonsumo ay tumutukoy sa paggamit at pakinabang ng

produkto at serbisyo.
 Ito ay isang mahalagang gawaing pang-ekonomiya na nagbibigay
katuturan sa produksyon. Walang malilikhang produkto at serbisyo
kung walang kokonsumo ng mga ito.
 Layunin nito na matugunan ang pangangailangan at magkaroon ng
kasiyahan sa mga taong gumagamit nito.
 May apat na uri ng pagkonsumo. Ang direkta, produktibo, maaksaya at
mapanganib na pagkonsumo.
 Ang iba’t ibang salik na nakaaapekto sa pagkonsumo ay ang mga
sumusunod; pagbabago ng presyo, kita, pagkakautang, mga inaasahan
at pag-aanunsyo.
 Nabigyang-diin sa mga gawain sa modyul na ito ang kahalagahan ng
pagkakaroon ng pang-unawa sa konsepto ng pagkonsumo para sa
isang matalinong pagdedesisyon na magagamit sa pang-araw-araw na
pamumuhay ng tao.

18
Tayahin

Basahin at unawain nang mabuti ang tanong sa bawat aytem. Isulat ang
titik ng pinakatamang sagot sa iyong activity notebook.
1. Alin sa mga sumusunod ang pinakaangkop na kahulugan ng pagkonsumo?
A. Ito ay proseso ng paglikha ng panibagong produkto.
B. Ito ay ang interaksyon ng mamimili at nagtitinda sa isang pamilihan.
C. Ito ay mekanismo ng pamamahagi ng mga pinagkukunang-yaman,
produkto at serbisyo.
D. Ito ay tumutukoy sa paggamit ng produkto o serbisyo upang matugunan
ang pangangailangan at kagustuhan ng tao.
2. Ang pagkonsumo ay may iba’t ibang uri. Anong uri ang nakapagdudulot ng
agarang kasiyahan sa mamimili?
A. direkta C. produktibo
B. maaksaya D. mapanganib
3. Ang lahat ng tao ay mamimili. Paano mo malalaman kung may nakukuhang
kasiyahan ang mamimili sa pagkonsumo ng produkto at serbisyo?
A. Kung patuloy pa rin siya sa paggamit ng naturang produkto.
B. Kung inubos niya ang stock ng naturang produkto sa pamilihan.
C. Kung hindi na siya tumatangkilik sa naturang produkto o serbisyo.
D. Kung nagmahalan ang presyo ng produkto at serbisyo sa pamilihan.
4. Isang uri ng pagkonsumo na nagdudulot ng pinsala sa kalusugan ng isang
tao. Alin sa mga sumusunod ang tinutukoy nito?
A. direkta C. produktibo
B. maaksaya D. mapanganib
5. Kung ikaw ay isang taong rasyonal, ano ang dapat mong isaalang-alang sa
pagkonsumo ng isang produkto o serbisyo?
A. kapakinabangan nito
B. kasiyahan na dulot nito para sa sarili
C. kaligayahan na dulot nito sa ibang tao
D. kaibahan nito sa ibang produkto o serbisyo
6. Ang pagkonsumo ay isang mahalagang gawaing pang-ekonomiya ng bansa
sapagkat ito ay nagbibigay katuturan sa produksyon. Ano ang mahihinuha
mo sa pahayag na ito?
A. Walang produksyon kung walang pagkonsumo.
B. Walang pagkonsumo kung walang produksyon.
C. Ang pagkonsumo ay nakasalalay sa dami ng produkto o serbisyo.
D. Maaaring may mga produkto at serbisyo kahit walang produksyon.
7. Ang hindi pagtugon ng mga tao sa kanyang pangangailangan at kagustuhan
ay magdudulot ng iba’t ibang suliranin sa ekonomiya ng bansa. Alin sa mga
sumusunod ang payak na paglalarawan sa suliraning ito?
A. Mawawalan ng hanapbuhay ang mga tao.
B. Magreresulta sa pagkalugmok ng bansa sa kahirapan.
C. Mabubuhay pa rin ang mga tao na nasa mga liblib na lugar.
D. Walang pamilihan dahil walang malilikhang produkto at serbisyo.

19
8. Ang pagkonsumo ay isang mahalagang gawain ng lipunan. Paano mo
mailalarawan ang isang lipunan na walang pagkonsumong nagaganap?
A. walang umiiral na pamilihan
B. industriyalisado at superyor sa paggawa
C. may naglalakihang mga gusali at bahay-kalakal
D. kakikitaan ng interaksyon sa pagitan ng konsyumer at prodyuser
9. Ang kita ay isa sa mga salik na nakaapekto sa pagkonsumo. Ano ang
kaugnayan ng kita ng tao sa kanyang pagkonsumo?
A. Pagnenegosyo ang sagot sa kahirapan ng mga taong naglilingkod sa
bayan.
B. Nagsusumikap ang tao na matutugunan ang lahat ng kanyang mga
pangangailangan.
C. Higit na mas mahalaga sa tao ang kanyang kita kay sa dami ng kanyang
mga pangangailangan.
D. Kung mababa ang kita ng isang tao mas mababa ang kanyang
pagkonsumo sa kanyang mga pangangailangan at kagustuhan.
10. Ang pagkakaroon ng maraming utang ay makaaapekto sa pagkonsumo ng
tao. Bilang isang mag-aaral, paano mo maiiwasan ang pagkakautang?
A. Dapat may sapat na halaga ng pera bilang pambayad ng utang.
B. Matutong humingi ng libreng pera sa kaklase para makaiwas sa
pagkakautang.
C. Matutong magtipid sa paggamit ng pera para makabili ng
pangangailangan.
D. Iwasan ang pangungutang sa mga bangko at sa ibang pang mga
institusyong pinansyal.
11. Ang mga negosyante ay gumagamit ng patalastas sa kanilang produkto sa
telebisyon, pahayagan, radyo, internet at social media. Paano ito
nakaaapekto sa pagkonsumo ng isang mamimili?
A. Mas mabenta ang mga produktong pinapatalastas.
B. Naeenganyong bumili ang tao para makasabay sa uso.
C. Mas tinatangkilik ng tao ang mga produktong iniendorso ng isang
personalidad sa telibisyon.
D. Tumaas ang pagkonsumo ng tao dahil sa impluwensyang dulot ng mga
patalastas sa telebisyon, radyo o maging sa internet.
12. Ang mga sakuna tulad ng bagyo, lindol at maging ang pandemyang dala ng
COVID-19 ay nagreresulta sa kakulangan ng suplay ng mga pangunahing
produkto. Bilang isang Pilipino, paano ka makatutulong na mapanatili ang
maayos na pagkonsumo sa kabila ng sakuna?
A. Bumili ng maramihan at itago sa bahay para hindi maubusan.
B. Bumili ng mabentang produkto sa pamilihan kahit hindi kailangan.
C. Sundin ang mga batas na ipinapatupad ng pamahalaan para makontrol
ang presyo.
D.Bumili lamang ayon sa pangangailangan para mabigyan ng pagkakataon
ang iba na makabili sa parehong produkto.

20
13. Hindi lahat ng tao ay naiimpluwensyahan ng mga patalastas ng mga
produkto kung kaya mababa lamang ang kanilang pagkonsumo. Ano ang
ipinapahiwatig sa pahayag na ito?
A. Kaya ng tao paikutin ang presyo ng mga produkto sa pamilihan.
B. Malawak ang kaalaman ng mga tao sa bawat produktong ibenebenta sa
pamilihan.
C. Mas binibili ng tao ang pangunahing pangangailangan tulad ng pagkain
kaysa sa mga luho sa buhay.
D. Magkakaiba ang mga pangangailangan ng tao kaya mas inuuna niya
ang pagbakasyon sa ibang bansa.
14. Sinasabing may mataas na pagkonsumo ang mga taong may malalaking
kita. Alin sa mga sumusunod na pahayag ang nagpapatotoo nito?
A. Kung mas malaki ang kita, mas maraming mabibiling mga produkto.
B. Kung may malaking kita, mas kayang makapagbakasyon sa iba’t ibang
bansa.
C. Kung mas malaki ang kita, mas mababa ang pagtugon sa mga
pangangailangan.
D. Kung mas malaki ang kita, mas malawak ang kaalaman sa sisitemang
pang-ekonomiya.
15. Ang pagbabago-bago ng presyo ay nakaaapekto sa pagkonsumo. Kung
ikaw ay isang mamimili, paano ka makatutulong na maiwasan ang pang-
aabuso sa pagtakda ng presyo sa mga produkto sa pamilihan?
A. Idulog ang mga suliraning pang-ekonomiya sa mababang korte.
B. Ipagdasal at hayaan sila na maging mayaman sa mga mata ng tao.
C. Iwasan ang paggawa ng mga produkto para sa malakihang pamilihan.
D. Isumbong ang mga abusadong namumuhunan sa Department of Trade
and Industry (DTI).

21
Karagdagang Gawain

I- Collage Mo!
Bumuo ng isang collage tungkol sa pagkonsumo. Pumili ng isang anyo
para sa gagawing collage. Gumupit ng mga larawan mula sa pahayagan o
magasin ng mga produkto o serbisyong kinokonsumo ng tao. Maaari ring
kumuha ng mga larawan mula sa label ng mga produkto tulad ng sardinas,
noodles o mga pansit kanton at iba pa. Idikit ang nabuong collage sa activity
notebook.

RUBRIK SA PAGBUO NG COLLAGE

Nakuhang
Pamantayan Deskripsyon Puntos
Puntos
Malinaw, tama at tugma ang larawang
Nilalaman 10
ginamit
Presentasyon Maayos at malinis ang pagkagawa 10

Malikhaing Gumamit ng recycled materials at

angkop na anyo sa gawain 10
Paggawa

Susi sa Pagwawasto

Aralin 1
Balikan
Four Questions One Puzzle
1. Ano- anong produkto at serbisyo ang gagawin?
2. Paano gagawin ang naturang produkto at serbisyo?
3. Para kanino gagawin ang mga produkto at serbisyo?
4. Gaano karami ang gagawing produkto at serbisyo?

Pagyamanin
B. Pagkonsumo, Uriin Mo!
1. produktibo
2. direkta
3. mapanganib

22
4. maaksaya

Aralin 2

Tuklasin
Hulaan Mo!
1. Pagbabago sa presyo
2. Pagkakautang
3. Kita
4. Pag-aanunsyo

Pre-test at Post-test
1. D
2. A
3. A
4. D
5. A
6. A
7. B
8. A
9. D
10. C
11. D
12. D
13. C
14. A
15. D

23
Mga Sanggunian

Aklat

Bernard R. Balitao et al., Ekonomiks: Mga Konsepto at Aplikasyon, Batayang

Aklat ng Araling Panlipunan, Ikaapat na Taon, (Quezon City: Vibal
Publishing House, Inc., 2012) 86-89.

Kagawaran ng Edukasyon, Republika ng Pilipinas. Ekonomiks, Araling

Panlipunan Modyul para sa Mag-aaral, Unang Edisyon, (Pasig City: Vibal
Group, Inc., 2015), 60-63.

Online

https://pxhere.com/en/photo/1456559 (accessed May 17, 2020).

https://www.aetc.af.mil/News/Photos/igphoto/2000121007/ (accessed May 17,

2020).

https://www.needpix.com/photo/1530803/snack-junkfoods-chips-peanuts-foods
(accessed May 18, 2020).

https://pixnio.com/media/bottle-bottled-water-drink-drinking-water-fitness
(accessed May 18, 2020).

https://pxhere.com/en/photo/646851(accessed May 18, 2020).

https://commons.wikimedia.org/wiki/File:Largest_collection_of_Converse_All-
Stars. JPG (accessed May 18, 2020).

https://publicdomainvectors.org/en/free-clipart/Questioning-guy/70842.html
(accessed May 19, 2020).

https://freesvg.org/pregnant-lady-smoking (accessed May 20, 2020).

https://freesvg.org/no-smoking-sign-vector-clip-art (accessed May 20, 2020).

https://pixabay.com/illustrations/hunger-eat-hungry-comic-food-not-4291379/
(accessed May 20, 2020).

https://pixabay.com/vectors/firewood-tree-trunk-logs-timber-36866/ (accessed
May 20, 2020).

https://freesvg.org/rfc1394-endtable-1 (accessed May 20, 2020).

24
https://www.needpix.com/photo/1407373/clipart-clipart- graphic-illustration-
trash-can-trashcan-rubbish-bin (accessed May 20, 2020).

http://www.freestockphotos.biz/stockphoto/16029 (accessed May 20, 2020).

http://www.publicdomainfiles.com/show_file.php?id=13975565412392
(accessed May 21, 2020).

https://www.flickr.com/photos/risagirl/5630304228 (accessed May 21, 2020).

https://en.wikipedia.org/wiki/Desktop_computer (accessed May 21, 2020).

https://www.needpix.com/photo/337661/phone-iphone-blue-mobile-screen-
communication-device-digital-modern (accessed May 21, 2020).

https://freesvg.org/pink-t-shirt-vector-clip-art (accessed May 21, 2020).

https://freesvg.org/coloured-line-art-vector-image-of-trousers (accessed May

21, 2020).

https://www.pexels.com/photo/business-business-finance-business-meeting-
close-up-606318/ (accessed May 23, 2020).

https://www.publicdomainpictures.net/en/viewimage.php?
image=60553&picture=ruled-paper-planner (accessed May 25, 2020).

https://pixabay.com/vectors/house-blue-building-blue-house-1293063/
(accessed May 25, 2020).

https://www.flickr.com/photos/george_reyes/2368791524 (accessed May 27,

2020).

https://commons.wikimedia.org/wiki/File:0161ajfDaniel_Padilla_Bench_Billboar
ds_Advertisements_Pasig_River_Mandaluyong_Cityfvf.jpg (accessed May
27, 2020).

https://www.pxfuel.com/en/search?q=peso (accessed May 27, 2020).

https://pixabay.com/illustrations/debt-loan-credit-money-finance-1500774
(accessed May 27, 2020).

https://www.piqsels.com/es/public-domain-photo-oczen (accessed May 28,

2020).

25
https://commons.wikimedia.org/wiki/File:Ana_Ivanovi
%C4%87_(15490658211).jpg (accessed May 28, 2020).

For inquiries and feedback, please write or call:

DepEd Division of Iligan City

Office Address: General Aguinaldo, St., Iligan City
Telefax: (063)221-6069
E-mail Address: [email protected]

26
27

You might also like