3
Filipino
Kuwarter 3 - Linggo 9
Pagbibigay Wakas ng Kuwento
Kagawaran ng Edukasyon
1 • Republika ng Pilipinas
Filipino - Grade 3
Alternative Delivery Mode
Kuwarter 3 – Modyul 9: Pagbibigay Wakas ng Kuwento
First Edition, 2020
Republic Act 8293, section 176 states that: No copyright shall subsist in any work of
the Government of the Philippines. However, prior approval of the government agency or office
wherein the work is created shall be necessary for exploitation of such work of profit. Such
agency or office may, among other things, impose as a condition the payment of royalties.
Borrowed materials (i.e., songs, stories, poems, pictures, photos, brand names,
trademarks, etc.) included in this book are owned by their respective copyright holders. Every
effort has been exerted to locate and seek permission to use these materials from their
respective copyright owners. The publisher and authors do not represent nor claim ownership
over them.
Published by the Department of Education
Division of Malaybalay City
Development Team of the Module
Authors: Florita G. Felizarta Ellen Jane J. Duhaylungsod
Editor: Armando A. Agustin Maria Luz G. Pama Vilma T. Fuentes
Valeria S. De Leon Guillerma S. Fortin Jeremy G. Lagunday
Lourdes O. Ducot Abel P. Galer Berna B. Bateriza
Leny G. Ama Zelda T. Arceno Jay Martin L. Dinaldo
Armand Anthony S. Valde Sr. Cosjulita K. Olarte Nairobi Jose B. Baja
Illustrator: Vanessa Joy D. Merafuentes
Layout Artist: Manuel D. Dinlayan II, PDO II
Management Team:
Chairperson: Dr. Victoria V. Gazo, CESO V
Schools Division Superintendent
Co-Chairperson: Sunny Ray F. Amit
Asst. Schools Division Superintendent
Ralph T. Quirog
CES, CID
Members: Purisima J. Yap
EPS-LRMS
Printed in the Philippines by Department of Education
Division of Malaybalay City
Office Address: Sayre Highway P-6, Casisang, Malaybalay City
Telefax: (088) 314-0094
Email Address:
[email protected] 3
Filipino
Kuwarter 3 – Linggo 9
Pagbibigay Wakas ng Kuwento
Ang instruksyunal na materyal na ito ay kolaboratibong nabuo at sinuri
ng mga dalubhasa mula sa Sangay ng Lungsod Malaybalay. Hinihiling naming
ang mga guro, administrator at stakeholders ng edukasyon na magbigay ng
puna, komento at suhestiyon at ipadala o email sa Malaybalay.city
[email protected].
Pinahahalagahan po naming ang inyong feedback ate rekomendasyon.
Sangay ng Lungsod Malaybalay • Kagawaran ng Edukasyon
Paunang Salita Para Sa Mga Mag-aaral:
Malugod na pagtanggap sa Filipino sa Ikatlong Baitang, modyul sa
(Pagbibigay Wakas ng Kuwento).
Ang modyul na ito ay ginawa ng mga guro sa Sangay Lungsod ng
Malaybalay ayon sa Kurikulum ng K – 12 ginagabayan ng mga punong-guro,
tagamasid pampook at tagamasid pansangay. Ginawa rin ito bilang tugon
sa iyong pangangailangan sa gitna ng pandemya (Covid-19).
Layunin nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka
sa loob ng silid-aralan. Hangad din nitong mabigyan ka ng mga
makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.
Ang modyul na ito ay may bahagi at icon na dapat mong
maunawaan.
Paalaala sa mga Guro:
Nakapaloob nito ay ang mga pamamaraan para matuto ang mga
mag-aaral. Inaasahang magagabayan ninyo ang mga mag-aaral sa
paggamit nito.
Paalaala sa mga Mag-aaral:
Ang modyul na ito ay ginawa para sa iyo upang maintindihan mo
ang mga competency na dapat mong matutunan.
Pinaalalahanan din kayo sa mga sumusunod:
1. Huwag dumihan at sulatan ang modyul. Ang inyong mga sagot sa mga
gawain ay isulat lamang sa aktibiti notbok sa Filipino.
2. Isunod-sunod and pagsagot sa mga gawain.
3. Ibalik ang modyul na maayos ayon sa petsa na napagkasunduan ng
iyong guro.
4. Kung mayroong mga tanong at alinlangan, huwag mag-atubiling
magkonsulta sa iyong guro.
5. I teks o tumawag sa numerong ito ____________.
6. Alamin
Magandang araw sa iyo! Mahilig ka bang magbasa? Sa linggong
ito ay pag-aaralan mo ang mga sumusunod:
Nagagamit nang wasto ang pang-ukol (laban sa, ayon sa,
para sa, ukol sa)
Natutukoy ang kahulugan ng mga tambalang salita na
nananatili ang kahulugan
Nagagamit sa pangungusap ang mga tambalang salita
Nakapagbibigay ng sariling wakas sa binasang Kuwento
Nakabubuo ng isang kuwentong katumbas ng nabasang
kuwento
Subukin
Panuto: Sagutin nang wasto ang mga sumusunod:
1. _______ lahat ang inihanda niyang pagkain.
a. ayon sa b.ukol sa c. para sa
2. Paraan ng pamumuhay o gawain na pinagkakakitaan.
a. bukaspalad b. hanapbuhay c. kapitbahay
3. Ano ang tawag sa taong nakatira sa katabing bahay?
a. punongkahoy b. kapuspalad c. kapitbahay
4. Basahin at piliin ang maaring mangyari o kalabasan ng
kuwento.
Minsan ay sinabi ni Pangulong Quezon na kailangang magkaroon ang
Pilipinas ng isang wikang sarili.Hindi maaaring Ingles sapagkat ito’y hindi atin.
Hindi rin maaaring Espanyol sapagkat ito’y hindi rin atin. Kailangan ang isang
wikang katutubo na mauunawaan ng lahat.
a.Hindi magkaintindihan ang mga nag-uusap.
b.Nag away-away ang mga Pilipino dahil sa wika.
c.Nagkaunawaan at nagkabuklud-buklod ang mga Pilipino.
5. Naglalaro si Carmen ng luksong-lubid sa labas ng bahay nila.Pawis at
pagod na pagod na sa paglalaro ay hindi pa rin siya tumitigil. Biglang
bumuhos ang ulan. Siya ay naligo pa sa ulan.
a. Lumakas ang kanyang katawan.
b. Natuwa ang kanyang nanay.
c. Nagkasakit si Carmen.
1
Unang Araw Nagagamit nang wasto ang pang-ukol (laban
sa, ayon sa, para sa, ukol sa)
Tuklasin
Basahin ang isang liham mula sa isang kaibigan.
160 Maitim II East
Silang, Cavite
Pebrero 3, 2013
Mahal kong Susan,
Wow! Nakasama ka pala sa inyong lakbay-aral. Tiyak na sa susunod
nating pagkikita, marami tayong pagkukuwentuhan. Sa susunod na buwan
naman ang aming lakbay-aral. Sana payagan ako ni tatay.
Kanina sa klase, dumating ang isang tourist guide. Ipinakita sa amin ang
iba’t-ibang larawan at video tungkol sa magagandang lugar na malapit dito
sa amin. Kukulangin pala ang isang araw para sa pamamasyal. Ayon sa
kaniya, kapag taga rito ang namamasyal libre daw. Kaya sa susunod na
bakasyon, marami tayong papasyalan.
Hanggang sa muli, best friend.
Ang iyong kaibigan,
Maricel
Suriin
1. Ano ang nais ipabatid ng sulat ni Maricel para kay Susan?
a. Ang iba’t-ibang larawan at video tungkol sa
magagandang lugar na malapit sa kanila.
b. Tungkol sa kanyang pamamasyal.
c. Tungkol sa kanyang buhay.
Ang pang-ukol ay mga salitang kataga o pariralang nagsasaad ng
kaugnayan ng pangngalan sa iba pang bahagi ng pangungusap.
Pagyamanin
Panuto: Tukuyin ang angkop na pang-ukol sa pangungusap.
ayon sa laban sa para sa ukol sa
1. ________ pangulo, agad na ipinapatupad ang bagong batas.
2. Handa na ba ang gamit ninyo ____________ kamping bukas?
3. ______ manggagawa ang ginawa nilang panukala.
2
Ikalawang Natutukoy ang kahulugan ng mga tambalang
Araw salita na nananatili ang kahulugan
Balikan
1. Bumuo ng pangungusap gamit ang pang ukol.
laban sa para sa ukol sa ayon sa
Tuklasin
Panuto: Basahin ang isang balita ng pasalita
Tinanghal na naming kampeon si G. Eric Latoza sa katatapos lamang na
karera ng bangka sa bayan ng San Ildefonso. Ito ay taunang paligsahan
upang bigyan ng pagkilala sa hanapbuhay na malaki ang naitutulong sa pag-
unlad ng naturang bayan. Madaling -araw pa lamang ng Lunes, ang
dalawang bangkerong kasali sa naturang paligsahan ay nagtitipon na sa
pantalan ng naturang bayan. Sakay ng kanilang naggagandahan at mga
bagong bangka, nagsimula ang karera sa ganap na 5:00 ng umaga.
Samantala, tila tumigil ang mundo sa naturang bayan dahil ang lahat
ng magkakapitbahay ay nakaabang kung sino ang unang makakarating sa
pantalan. Tumagal din ng mahigit isang oras bago tinanghal ang Bangkero ng
Taon. Ang kampeyon ay tumanggap ng cash prize at disenyo ng kaniyang
bangka at gagawing modelo ng isang malaking kumpanya na gumagawa at
nag didisenyo ng mga bangka na ikakalakal sa ibang bansa.
Sagutin ang mga tanong.
1. Ano ang tawag sa mga salitang may salungguhit?
Ang salitang may salungguhit ay: hanapbuhay at kapitbahay.
Hanapbuhay ay bagay na ginagawa ng tao para kumita
ng pera at;
Kapitbahay ay katabing bahay.
Ang salitang hanap+buhay at kapit+bahay ay:
Tambalang salita na binubuo ng dalawang salita na magkaiba
at pinagtambal upang magbibigay ng isang kahulugan.
Halimbawa: lakad + = lakadpagong
3
Suriin
Pagtambalin ang mga salita para makabuo ng bagong salita.
1. kapos + = _________ 2. + pawis = _________
3. + bukid = _________ 4. bahay + = _________
Pagyamanin
Panuto: Pagdugtungin ang mga sumusunod na larawan.
1. + = _________ 3. + = _______
2. + = ______ 4. + = _________
Ikatlong Nagagamit sa pangungusap ang
Araw tambalang salita
Balikan
Panuto: Isulat sa patlang ang salitang naaangkop.
tambalang dalawang magkaiba binubuo pinagtambal
Ang 1. ____ salita ay 2. ____ng 3. ___ salitang 4. ___na 5. _______.
Tuklasin
Punan ng salita ang patlang ayon sa kanyang kahulugan.Pumili
mula sa mga salita sa kahon.
kahoy buhay kapit palad
Tambalang Salita Kahulugan
1.punong ___________ halaman na may mga sanga at dahon
4
2.bukas_____________ palabigay
3.hanap____________ paraan ng pamumuhay o gawain na pinag-
kakakitaan.
4._______bahay kalapit bahay.
Suriin
Panuto:Pliin at isulat ang wastong tambalang salita na naaangkop
sa pangungusap.
1. Ang _______ ng aking ama ay driver.
(hanapbuhay, kapitbahay, bahaykubo)
2. Si Maria ay galing sa _______ na pamilya.
(kapuspalad, marangya, maralita)
Ang tambalang salita ay maaaring gamitin sa pangungusap kung
ang pangungusap ay may simuno at panguri na nagpapahiwatig
ng buong diwa.
Pagyamanin
Gamitin sa pangungusap ang mga tambalang salita.
dalagangbukid bahaghari pataygutom
Ikaapat na Nakapagbibigay ng sariling wakas sa
nabasang kuwento
Araw
Balikan
Panuto: Gamitin sa pangungusap ang mga sumusunod na
tambalang salita.
1. lakadpagong 2. hatinggabi
Tuklasin
Basahin ang tula tungkol sa ‘Huwarang Pamilya’.
5
‘Huwarang Pamilya”
I. Sa aming tahanan, Tunay na nagmamahal
Buo ang pamilya, Maasikaso talaga
Lubos ang kasiyahan, IV. Si kuya, si ate
Aming nadarama. maasahan din
II. Maaga pa lamang Masipag, magalang
Iyong makikita Magaling sa eskwela.
Haligi ng tahanan, V. Itong aking pamilya
Hayun na sa palayan. Magandang huwaran
III. Ilaw ng tahanan, Sa aking paglaki
Laging nariyan Sila ang tutularan
Suriin
Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na tanong.
1. Tungkol saan ang binasang tula?
a. Masayang Pamilya b. Huwarang Pamilya c.Masalimuot na
Pamilya
2. Sino-sino ang binanggit sa tula? Ilarawan ang bawat isa
a. haligi ng tahanan(ama), ilaw ng tahanan(ina),kuya at ate
b. Lolo, lola at mga kapatid
c. Kapitbahay at kabaranggay
Sa pagbabasa ng tula ito ay nakadadagdag ng kaalaman
tungkol sa bagong talasalitaan tulad ng: haligi ng tahanan- ama,
ilaw ng tahanan-ina.
Pagyamanin
Panuto: Isulat ang posibleng mangyayari batay sa tula.
1. Sinu-sino ang mga tauhan na tinutukoy sa tula?
2. Isulat ang natutunang aral sa tulang binasa.
Ikalimang Nakabubuo ng isang kuwentong katumbas ng
Araw nabasang kuwento
Balikan
Panuto: Basahin ang kuwento.Isulat ang titik ng tamang sagot
na maaaring kalabasan ng kuwento.
6
Matapos ang kalahating araw na pag-iikot, masayang umuwi sa bahay sina
Rey, Ella at Tatay mula sa kanilang pamamasyal sa Nayong Pilipino. Ano
kayaang magandang wakas ng kuwento?
a. Natulog kaagad sila.
b. Pagod na pagod sila sa pamamasyal.
c. Nagpahinga muna at natulog na sila.
Tuklasin
Basahing mabuti ang liham para sa kaibigan.
106 Purok 190
Brgy. Malinis, Ginhawa
Oktobre. 2, 2019
Mahal kong Vanessa,
Kumusta ka na? Sayang hindi ka nakarating noong nakaraang Sabado.
Hindi mo tuloy nasaksihan ang parangal na iginawad sa aming barangay
bilang Child-Friendly barangay ng Rehiyon X.
Lahat ay nagtipon-tipon sa plasa upang makiisa sa pagdiriwang. Nag
salita ang punong barangay na si Kapt. Joel. Sinabi niya na “sa wakas ay
nagbunga rin ang aming pagsisikap at pagtutulungan”.
Dumating din si Kag. Agnes na aming punong lungsod at si Cong.
Abraham na talagang ikinatuwa naming lahat.Pagkatapos ng maikling
palatuntunan, nagbigay ng libreng serbisyong medical ang grupo ni Dra. Rey.
Sina Bb. Badillo at G. at Gng. Derla naman ay nanguna sa pamimingay ng
libreng meryenda para sa lahat.
Ang saya talaga nang araw na iyon. Sana nakarating ka.
Ang iyong kaibigan,
Danika
Suriin
Ano ang ikinuwento ni Danika sa kanyang liham para kay
Vanessa?
Pagyamanin
Panuto: Isulat ang posibleng mangyayari batay sa tula.
1. Bumuo ng kuwento tungkol sa iyong ginagawa tuwing pasko?
7
Isaisip
2. Isulat sa limang pangungusap lamang.
Ang pagsunod sa anumang panuto na ibinigay ay nakatutulong sa pag-
intindi sa binasang salita. Malalaman mo paggamit ng pang-ukol.Tandaan
mo, na ang pang-ukol ay mga salitang kataga o pariralang nagsasaad ng
kaugnayan ng pangngalan sa iba pang bahagi ng pangungusap. Sa
pagbabasa rin, ng ibat-ibang teksto o kuwento nakakatulong ito kung paano
gamitin ng wasto ang mga salitang tambalan. Ang tambalang salita ay
binubuo ng dalawang salita na magkaiba at pinagtambal upang magbigay
ng isang kahulugan.
Sa pagbabasa ng tula ito ay nakadadagdag ng kaalaman tungkol sa
bagong talasalitaan sa pagbuo at paggawa ng wakas ng kuwento.
Isagawa
Gumawa ng poster tungkol sa CLEAN and GREEN Project ng mga
kabataan sa barangay gamit ang malikhaing pagguhit.
Tayahin
A. Panuto. Buuin ang bawat pares bilang tambalang salita.
Hanay A Hanay B
1. Hating a. aralin
2. Bungang b. gabi
3. Takdang c. kahoy
B. Piliin ang tamang pang-ukol.
laban sa ayon sa para sa ukol sa
4. ______ batas tayo ay may mga karapatan sa Lipunan.
5. Handa na ba ang gamit ninyo _______ kamping?
Karagdagang Gawain
Ang buong mundo ay kasalukuyang inaatake ng isang virus na
sanhi sa pagbabanta ng ating kalusugan. Ito ay tinatawag na
Covid-19 pandemik. Saliksikin ang kahulugan ng: Covid-19 at
Pandemya at isulat ito sa isang buong papel.
8
9
LR Portal
K-12 Curriculum Guide (MELC)
Kagamitan ng Mag-aaral sa Filipino
Patnubay ng Guro
Sanggunian
Suriin Subukin
1. hanapbuhay 1. a
2. kapospalad 2. b
IV. Suriin 3. c
4. b
1.b
5. c
2.a I. Suriin
V Balikan 1. a
1.b
Pagyamanin
TAYAHIN 1. ayon sa
1. b 2. para sa
2. c 3. laban sa
3. a
II. Suriin
4. ayon sa
5. para sa 1. Kapospalad
2. Dalagangbukid
3. Anakpawis
4. Bahaykubo
Pagyamanin
1. Bahaykubo
2. Kapitbahay
3. Balatsibuyas
4. Anakpawis
III.
Balikan
1. tambalang
2. binubuo
3. dalawang
4. magkaiba
5. pinagtambal
Tuklasin
1.kahoy
2. palad
3.buhay
4.kapit
Susi ng Pagwawasto
2