0% found this document useful (0 votes)
4K views12 pages

I Kurso: Filipino 101 - Komunikasyon Sa Akademikong: Vision

This document discusses the history and development of the national language of the Philippines. It begins by explaining that Tagalog was first recognized as the official language in the Constitution of Biak-na-Bato in 1897. It then discusses periods where English and Pilipino/Filipino were promoted as the national language by American and Philippine governments respectively. The key points made are that Tagalog was replaced with Pilipino in 1959, and the 1987 Constitution recognized Filipino as the national language while designating English and regional languages as official languages.
Copyright
© © All Rights Reserved
We take content rights seriously. If you suspect this is your content, claim it here.
Available Formats
Download as PDF, TXT or read online on Scribd
0% found this document useful (0 votes)
4K views12 pages

I Kurso: Filipino 101 - Komunikasyon Sa Akademikong: Vision

This document discusses the history and development of the national language of the Philippines. It begins by explaining that Tagalog was first recognized as the official language in the Constitution of Biak-na-Bato in 1897. It then discusses periods where English and Pilipino/Filipino were promoted as the national language by American and Philippine governments respectively. The key points made are that Tagalog was replaced with Pilipino in 1959, and the 1987 Constitution recognized Filipino as the national language while designating English and regional languages as official languages.
Copyright
© © All Rights Reserved
We take content rights seriously. If you suspect this is your content, claim it here.
Available Formats
Download as PDF, TXT or read online on Scribd
You are on page 1/ 12

Republic of the Philippines

Commission on Higher Education


Region IV – A CALABARZON
Municipality of Lipa
KOLEHIYO NG LUNGSOD NG LIPA
COLLEGE OF TEACHER EDUCATION
Captivating knowledge Through Education

VISION
A center of human I. KURSO: FILIPINO 101 – KOMUNIKASYON SA AKADEMIKONG
development committed to the FILIPINO
pursuit of wisdom, truth, justice,
pride, dignity, and local/global II. PAKSANG ARALIN
competitiveness via a quality but
affordable education for all
qualified clients. Time -Frame
Aralin 4 – Tagalog, Pilipino, Filipino: 3 Oras
MISSION Mahahalagang Tala Hinggil sa Wikang
Establish and maintain an Pambansa
academic environment promoting
the pursuit of excellence and the III. LAYUNIN
total development of its students
as human beings, with fear of God 1. Natutukoy ang mahahalagang tala hinggil sa wikang Pambansa.
and love of country and fellowmen.
2. Nakabubuo ng akrostik gamit ang salitang FILIPINO.
GOALS
Kolehiyo ng Lungsod ng Lipa aims IV. PAKIKIPAGPALIHAN
to:
1. foster the spiritual, intellectual, Pagganyak na Gawain : SINO AKO?
social, moral, and creative life of its
client via affordable but quality
Panuto: Tukuyin kung sino ang mga nasa larawan.
tertiary education;

2. provide the clients with reach


1. 3.
and substantial, relevant, wide
range of academic disciplines,
expose them to varied curricular
and co-curricular experiences
which nurture and enhance their
personal dedications and
commitments to social, moral,
cultural, and economic
transformations.

3. work with the government and


the community and the pursuit of
achieving national developmental
goals; and
2. 4.

4. develop deserving and qualified


clients with different skills of life
existence and prepare them for
local and global competitiveness.

visit us at: www.facebook.com/College-of-Teacher-Education


Republic of the Philippines
Commission on Higher Education
Region IV – A CALABARZON
Municipality of Lipa
KOLEHIYO NG LUNGSOD NG LIPA
COLLEGE OF TEACHER EDUCATION
Captivating knowledge Through Education

5.

Tagalog, Pilipino, at Filipino

Ang wikang Tagalog ay ang wikang sinasalita sa rehiyong Tagalog kasama ang Bulacan, Bataan,
Batangas, Cavite, Rizal, Laguna, Quezon, Mindoro, Marinduque, ilang parte ng Puerto Princesa, Nueva
Ecija, at sa National Capital Region o Metro Manila (Constantino, 2006). Naging opisyal na wika ng bansa
ang Tagalog matapos itóng kilalanin ni dating Pangulong Manuel L. Quezon noóng 30 Disyembre 1937
sa bias ng Kautusang Tagapagpaganap Blg. 134 at sinimulan itóng ituro sa lahat ng paaralan sa buóng
kapuluan simula noóng 1940. Sa isinigawang sarbey ng Ateneo de Manila University noóng 1989,
lumitaw na 92% ang nakaiintindi ng Tagalog sa buóng bansa (Almario, 2014).
Sinimulang tawaging Pilipino ang Tagalog noóng 13 Agosto 1959, sa bisa ng Kautusang
Pangkagawaran Blg. 7 na nilagdaan ni Jose Romero na dating Kalihim ng Kagawaran ng Edukasyon. Ayon
kay Panganiban (1970), ang pagpapalit-tawag sa Tagalog tungong Pilipino noóng 1959 ay (1) upang
mapawi ang isip-rehiyonalista, (2) ang bansa nati’y Pilipinas kayâ normal lámang na tawaging Pilipino
ang wikang Pambansa tulad ng mga pangunahing wika sa daigdig na kung ano ang bansa ay siya ring
pangalan ng wika, at (3) walang ibang katawagang maaaring ilapat sa wikang Pambansang Pilipinong
batay sa Tagalog.
Samantala, unang nasaksihan sa Saligang Batas ng 1972 ang konsepto ng isang wikang panlahat
na Filipino, gaya ng nasasaad sa Artikulo XV, Seksiyon 3, Talata 2 ng nabanggit na Saligang Batas: “Ang
Pambansang Asamblea ay dapat gumawa ng hakbang tungo sa pagpapaunlad at pormal na adapsiyon
ng panlahat na wikang pambansang tatawaging Filipino.”
Isang Wikang multi-based na maituturing na panlahat na wikang Pambansa na nakabatay sa
maraming wika ang kailangan sa isang multilingguwal na bansang katulad ng Pilipinas at itó mismo ang
siyang binibigyang-diin sa Saligang Batas ng 1987 partikular sa Art.XIV, Seksiyon 6 at 7 na naglalaman
ng sumusunod na pahayag:

visit us at: www.facebook.com/College-of-Teacher-Education


Republic of the Philippines
Commission on Higher Education
Region IV – A CALABARZON
Municipality of Lipa
KOLEHIYO NG LUNGSOD NG LIPA
COLLEGE OF TEACHER EDUCATION
Captivating knowledge Through Education

Sek. 6 “Ang Wikang Pambansa ng Pilipinas ay Filipino. Samantalang nililinang itó ay dapat payabungin
pa salig sa umiiral na wika sa Pilipinas at iba pang mga wika.”

Sek.7 “Ukol sa mga layunin ng komunikasyon at pagtuturo, ang mga wikang opisyal ng Pilipinas ay
Filipino, at hangga’t walang ibang itinatadhana ang batas, Ingles. Ang mga wikang panrehiyon ay
pantulong na mga wikang opisyal sa mga rehiyon at magsisilbing pantulong sa mga wikang panturo
roon.”
Itinuturing ang wikang ng isang mabisàng bigkis sa pagkakaisa at pagkakaunawaan. Ang
pagkakaroon ng isang wikang pambansa, sa gayon, ay nagmimithing mabilis magkaunawaan at sibulan
ng damdamin ng pagkakaisa nang mga mamamayan na may iba-ibang wikang katutubo. Katulong itó,
ng pambansang watawat, pambansang awit, at iba pang pambansang sagisag sa pagtatatag ng isang
pambansang pamahalaan (Almario, 2014). Ito ang dakilang lunggati ng Kapasiyahan Blg. 13-39 ng
Kalupunan ng KWF nang bigyan nitó ng sumusunod na depinisyon ng Filipino:
Ang Filipino ay ang katutubong wika na ginagamit sa buóng Filipinas bilang wika ng
komunikasyon, sa pagbigkas at pagsulát na paraan, ng mga pangkating katutubo sa buóng kapuluan.
Sapagkat isang wikang buháy, mabilis itóng pinauunlad ng araw-araw at iba’t ibang uri ng paggamit sa
iba’t ibang pook at sitwasyon at nililinang sa iba’t ibang antas ng saliksik at talakayang akademiko ngunit
sa paraang maugnayin at mapagtampok sa lahok na nagtataglay ng mga malikhaing katangian at
kailangang karunungan mulâ sa mga katutubong wika ng bansa.

MAHALAGANG Talâ hinggil sa WIKANG PAMBANSA


Saligang Batas ng Biak na Bato

Naganap ang kauna-unahang pagkilála sa Tagalog sa Saligang Batas ng Biak-na- Bato noóng 1
Nobyembre 1897 nang gawin itóng Opisyal na Wika ng bágong tátag na pamahalaang rebolusyunaryo.
Ang pangyayaring itó’y bunga ng nakitang masidhing pagkakaisa ng damdamin ng mamamayán dahil sa
mga akdang naisulat sa Tagalog sa panahon ng propaganda na nakapagpaalab ng damdaming
makabansa. Partikular itóng tinutukoy sa Artikulo VIII na nagsasaád na “Ang wikang Tagalog ay siyáng
magiging Opisyal na Wika ng Republika.”
Panahon ng Amerikano
Samantala, sa panahon ng mga Americano, particular na noong 1901, ipinatupad ng Philippine
Commission ang Batas Blg. 74 na nag-aatas ng paggamit ng Ingles bilang wikang panturo o midyum ng
pagtuturó sa lahat ng paaralan sa buóng kapuluan. Binatikos ng Anti- Imperialist League sa Estados
Unidos ang naturang polisiya noong 1908 at ikinatwirang (1) Maaring Maging wika komún at wikang
panturo sa buóng kapuluan ang isang wikang katutubo sa bansa at (2) Hindi maaring magtagumpay ang
paggamit ng Ingles bilang wikang panturo sa Pilipinas.
Sa kabila ng maigting na kampanya ng pamahalaan ng Estados Unidos na mapalakas ang wikang
Ingles sa bansa muláng 1901, hindi pumabor sa wikang Ingles ang resulta ng isinagawang Monroe
visit us at: www.facebook.com/College-of-Teacher-Education
Republic of the Philippines
Commission on Higher Education
Region IV – A CALABARZON
Municipality of Lipa
KOLEHIYO NG LUNGSOD NG LIPA
COLLEGE OF TEACHER EDUCATION
Captivating knowledge Through Education

Educational Survey Commission noong 1924 sa pangunguna nina Otto Sheer, Najeeb Saleeby, at George
Butte na nagsabing hindi naging mabunga ang pagkatuto ng mga kabataang Filipino gamit ang wikang
Ingles. Ang pangyayaring itó ang nagbigay-daan sap ag-iral ng Batas Komonwelt Blg. 577 noong 1931
na nagtagubilin sa paggamit ng wikang bernakular bilang wikang pantulong sa pagtuturó sa buong
kapuluan muláng Taóng Arálan 1932-1933.
Binigyang-diin ni George Butte noong 1930 ang resulta ng Monroe Educational Survey
Commission (Act 3162 at Act 3196 ng Philippine Legislature) na nagsasabing “mahigit 80% ng mga
batang pumapasok sa paaralan ay hindi kailanman nakaaabot nang lampas sa elementarya kaya
nasasayang ang gastos.” Ikinatwiran din ng mga lider na Americano na hindi nararapat na maging
Wikang Pambansa sa Pilipinas ang Ingles tulad na lámang ng naging pahayag ni David J. Doherty (1903)
na “Hindi magiging wikang komun ang Ingles sa Pilipinas sapagkat hindi itó ang wika sa bahay.”

Ganito rin ang pananaw ni Najeeb Saleeby noon pang 1900 na nagwikang “Ang wika ng
edukasyon at ang kagamitan sa edukasyon ay dapat na tumungo sa isang sitwasyong ang isang
nagtapos sa paaralang primarya’y makatutulong sa kaniyang sariling makakuha nang higit na
maraming kaalaman at mapag-aaralan pagkatapos niya ng pag-aaral. Walang katotohanan ang
paniniwala ng pamahalaan nng Estados Unidos na ang wikang Ingles ang tanging makakalinang sa
mga Filipino tungo sa demokratikong ideal na siyang batayan ng kanilang kultura. Hindi umaabot ang
Ingles sa masa kayâ hindi itó ang angkop sa bansang demokratiko. Magkaiba ang wika ng literature sa
paaralan at sa bahay.” Ganoon din ang naging katwiran si George Butte (1930) na nanindigan sa
pagsasabing “Paano magiging isang tunay mna nasyon ang Pilipinas gayong angmga mamamayan nitó
ay walang komung layunin, sentimiyento, pag-asam, pagsisikap, at mga ideal sa pamumuhay na siyang
bunga ng kawalan ng komung wika sa bansa.” Bagaman matalik na kaalyado ng Estados Unidos,
naramdaman ni Pangulong Manuel L. Quezon ang mahigpit na pangangailangang magkaroon ang
Pilipinasng isang wikang Pambansa at sa pagsisikap ni Kongresista Wenceslao Vinzon ay nagkaroon ng
probisyon sa Saligang Batas ng 1935, Artikulo XIV, Seksyion 3 na pormal na nag-aatas sa Kongreso na
gumawa ng kinakailangang mga hakbang hinggil sa pagkakaroon ng wikang Pambansa na ibabatay sa
isa sa mga umiiral na wika sa Pilipinas. Kayâ, noóng 27 Oktubre 1936, itinagubilin ni Pangulong Quezon
nsa Pambansang Asamblea na magtatag ng isang Surian ng Wikang Pambansa. Nagbunga itó ng
pagpapatibay ng Batas Komonwelt Blg. 184 sa pangunguna ng Punò ng Committee on Style sa Kongreso
na si Kgg. Norberto L. Romualdez na nagbigay-daan upang maitatag ang Surian ng Wikang Pambansa.
Ang Surian ng Wikang Pambansa ang naatasang magsagawa ng mga pag-aaral hinggil sa mga
umiiral na katutubong wika sa Pilipinas at mulâ sa mga ito’y pumili ng magiging batayan ng wikang
Pambansa. Upang maisakatuparan ang naturang mabigat na tas, hinirang ni Pangulong Quezon ang
Lupon ng mga Eksperto noong 12 Enero 1937 at binigyan ng representasyon ang walong pangunahing
wikang umiiral sa Pilipinas na kinabibilangan nina:
Jaime C. De Veyra
Wikang Waray
Tagapangulo ng Lupon
visit us at: www.facebook.com/College-of-Teacher-Education
Republic of the Philippines
Commission on Higher Education
Region IV – A CALABARZON
Municipality of Lipa
KOLEHIYO NG LUNGSOD NG LIPA
COLLEGE OF TEACHER EDUCATION
Captivating knowledge Through Education

Cecilio Lopez
Wikang Tagalog
Kalihim

Casimiro Perfecto
Wikang Bicol
Kagawad

Santiago Fonancier
Wikang Ilokano
Kagawad

Felimon Sotto
Wikang Cebuano

Felix Salas Rodriguez


Wikang Hiligaynon
Kagawad
Haji Buto
Wikang Tausug
Kagawad

Zoilo Hilario
Wikang Kapampangan
Kagawad

Jose Zulueta
Wikang Pangasinan
Kagawad

Ginamit na batayan ng lupon sa pagpili ng magiging batayan ng wikang Pambansa ang mga
sumusunod na kriterya:
1. Ginagamit ng nakararaming Filipino na siyáng wika ng Maynila na sentro ng kalakalan.
2. Ginagamit sa pagsulat ng pinakadakilang panitikan ng lahì.
3. May pinakamaunlad na balangkas, mayamang mekanismo, at madaling matutuhan ng mga
Filipino.
4. Maraming salita na may pinakamalapit na hawig sa iba pang mga wika.
Matapos ang mahusay na pagganap sa kanilang tungklin, naghain ng resolusyon ang Surian ng
Wikang Pambansa noóng 9 Nobyembre 1937 na nagsasabing wikang Tagalog ang nakatugon sa lahat
ng pamantayang inilatag ng Lupon. Kaya noóng 30 Disyembre 1937, nilagdaan ni Pangulong Quezon
ang Kautusang Tagapagpaganap Blg.134 na nagpapatibay sa kapasiyahan ng SWP. Sinundan ito ng
Kautusang Tagapagpaganap Blg. 263 noóng 1 Abril 1940 na pormal na nag-aatas sa pagpapalimbag ng
visit us at: www.facebook.com/College-of-Teacher-Education
Republic of the Philippines
Commission on Higher Education
Region IV – A CALABARZON
Municipality of Lipa
KOLEHIYO NG LUNGSOD NG LIPA
COLLEGE OF TEACHER EDUCATION
Captivating knowledge Through Education

Diksiyonaryong Tagalog-Ingles at ng Balarila ng Wikang Pambansa ni Lope K. Santos. Sinundan itó ng


pagpapalabas ng Kalihim na Pagtuturo na si Jorge Bocobo ng Kautusang Pangkagawaran Blg.1 na nag-
aatas na simulang ituro ang Wikang Pambansa sa ika-4 na taón sa mataas na paaralan at sa ikalawang
taón sa mga paaralang normal.
Panahon ng Japones
Sa panahon ng mga Japones (1941-1945) unti-unting naitanghal bilang wikang Pambansa ang
Tagalog sa bias ng Military Order Blg. 2 noong 17 Pebrero 1942. Iniutos din ng pamahalaang Japones
na Tagalog at Nihongo ang magiging wikang opisyal ng Pilipinas. Humantong itó sa malawakang
pagpapalaganap ng Filipinismo at ideolohiyang Japones partkular na sa ilalim ng pamamahala ni dáting
Pangulong Jose P. Laurel. Ang katotohanang itó’y matatagpuan sa Saligang Batas ng 1943 sa Artikulo 9,
Seksiyon 2 na mas lálong kilalá bilang Laurel Constitution.
Maging si dating PAngulong Jose P. Laurel ay nagpalabas ng Kautusang Tagapagpaganap Blg.10
na pormal na nag-aatas sa pagtuturò ng wikang Tagalog sa lahat ng mga paaralán maging sa kolehiyo
at unibersidad.
At dahil Tagalog ang kinilála bílang batayang ng Wikang Pambansa bágo pa man magkaroon ng
digmaan, itó pa rin ang naideklarang Opisyal na Wika ng Pilipinas sa bisó ng Batas Komonwelt Blg. 570
noong 4 Hulyo 1946.
Higit pang pinasigla ni dating Pangulong Ramon Magsaysay ang paggamit ng Wikang Pambansa
nang lagdaán nitó noóng sa pagdiriwang ng Linggo ng Wika tuwing 29 Marso hanggang 4 Abril bilang
pagbibigay-parangal sa kaarawan ni Gat. Francisco Balagtas na isa sa mga nagbigay prestihiyo sa wikang
Tagalog. Gayunman, makalipas lámang ang mahigit isang taón, noong 23 Setyembre 1955, sa bisá ng
Proklamasyon Blg. 186 ay pinalitan ang petsa ng pagdiriwang ng Linggo ng Wika tungong 13-19 Agosto
bilang pagbibigay-pugay sa kaarawan ni dating pangulong Manuel L. Quezon na malaki ang naging hírap
upang ganap na magkahugis ang Wikang Pambansa.
Samantala sa hangaring higit na mapatingkad ang nasyonalismo, iniutos ng Direktor ng
Paaralang Bayan na si Gregorio Hernandez Jr. ang pagrerebisa sa salin ng Panatang Makabayan maging
ang pagtuturó at pagpapaawit sa Lupang Hinirang sa mga paaralan sa bisá ng Sirkular Blg. 21 noong
Pebrero 1956.
Subalit, hindi naging madalî ang pagtanggap sa wikang Tagalog bilang Wikang Pambansa lálo na
sa mga bahagi ng bansa na di- Tagalog, kayâ, sa mismong pagdiriwang ng Linggo ng Wika noong 13
Agosto 1959, sa bisá ng Kautusan Pangkagawarang Blg. 7 ay sinimulan itóng tawaging Pilipino sa
pangunguna ni Jose Romero na dating kalihim ng Kagawaran ng Edukasyon sa paniniwalang mas
magiging katanggap-tanggap ang Wikang Pambansa sa bágo nitóng pangalan.
Sa ikalawang talata ng atas ni J.E Romero, idiniin pa na “in order to impress upon the National
Language the indelible character of our nationhood, the term PILIPINO shall henceforth be used in
referring to that language.” Bago lumabas ang atas, ang wikang Pambansa ay karaniwang tinatawag na
Tagalog o Wikang Pambansa. Ang atas, sa gayon, ay isang paraan ng pagbibinyag sa Wikang Pambansa
at upang maihiwalay itó sa tatak na Tagalog.

visit us at: www.facebook.com/College-of-Teacher-Education


Republic of the Philippines
Commission on Higher Education
Region IV – A CALABARZON
Municipality of Lipa
KOLEHIYO NG LUNGSOD NG LIPA
COLLEGE OF TEACHER EDUCATION
Captivating knowledge Through Education

Nilagdaan ni Pangulong Ferdinand E. Marcos noong 24 Oktubre 1967 sa bisá ng Kautusang


Tagapagpaganap Blg. 96 ang pagsasa-Filipino ng pangalan ng lahat ng gusali, edipisyo, at mga tanggapn
ng pamahalaan. At bílang susog, nagpalabas ng memorandum si Kalihim Tagapagpaganap Rafael Salas
noong 1968 na nagtatagubiling pati ang mga Pamuhatan o Ulong Sulat (letterheads) ng mga kagawaran,
tanggapan, at sangáy ng pamahalaan ay kailangang nakalimbag sa Filipino na may salin sa Ingles.
Gayundin, ang pormularyo sa Panunumpa sa Tungkulin ng mga kawani ng pamahalaan ay gagawin sa
Filipino. Nasundan pa itó ng Kautusang Tagapagpaganap Blg. 187 na pormal na nag-uutos sa lahat ng
kagawaran, kawanihan, tanggapan, at iba pang sangáy ng pamahalaan na gamitin ang Filipino sa mga
opisyal na komunikasyon, transaksiyon, at korespondensiya.
Sa hangaring mapahusay ang kalagayan ng Wikang Pambansa, inatasan ang mga kawani ng
pamahalaan noong 7 Agosto 1969 na dumaló sa mga seminar o pagsasanay na isasagawa ng Surian ng
Wikang Pambansa. Inatasan noóng 17 Agosto 1970 sa bisá ng Memorandum Sirkula Blg. 384 ang lahat
ng Korporasyong Kontrolado at Pagmamay-ari ng Pamahalaan na tangkilikin ang Wikang Pambansa.
Ang hangaring matuldukan ang malaon nang hidwaan pangwika sa pagitan ng mga Tgalog at di-
Tagalog ang nag-udyok sa mga tagapagbalangkas ng Saligang Batas ng 1972 na isaalang-alang ang
sosyo-politikal na konteksto sa pagpapasok ng probisyong pangwika sa Saligang Batas. Kayâ, sa Artikulo
XV, Seksiyon3, Talata 2 ng nabanggit na Saligang Batas ya may ganiting pahayag:
“Ang Pambansang Asamblea ay dapat gumawang hakbang tungo sa pagpapaunlad at pormal na
adapsiyon ng panlahat na wikang pambansang tatawaging Filipino.”
Ang Saligang Batas ng 1972 ang kauna-unahang Saligang Batas na inilimbag sa Wikang Pambansa
nang isailalim itó para sa plebisito noong 15 Enero 1973 sa bisá ng Kautusang Panlahat Blg.17.
Samantala naging wikang panturo ang Pilipino sa antas elementarya sa bisá ng Resolusyong Blg. 70 na
lumabas noóng 1970. Pinagtibay rin sa taóng itó ang Resolusyong Blg. 73-7 ng Pambansang Lupon ng
Edukasyon na nagsasabing ang Ingles at Filipino ay isasáma sa kurikulum mulâ unang baiting sa
mababang paaralan hanggang sa kolehiyo.
Noong 21 Hulyo 1978, lumabas ang Kautusan Pangmistri Blg.22 na nnag-uutos ng pagkakaroon
ng anim(6) na yunit ng Filipino sa lahat ng kurso sa antas tersiyarya at labing dalawang (12) yunit ng
Filipino sa mga kursong- pang-edukasyon. Noong 1979, ipinag-utos ng Kagawaran ng Edukasyon na ang
mga mag-aaral ng Medisina, dentista, Abogasya, at Gradwado ay magkakaroon na rin ng Filipino sa
kurikulum.
Bagaman ang konsepto ng panlahat ng wikang pambansang tatawaging Filipino ay unang
natunghayan sa Saligang Batas ng 1973, pormal itóng naisakatuparan sa Saligang Batas ng 1987
partikular na sa Art XIV, Seksiyon 6 at 7 na naglalaman ng sumusunod na pahayag:
Sek.6 “Ang Wikang Pambansa ng Pilipinas ay Filipino. Samantalang nililinang itó ay dapat payabungin
pa salig sa umiiral na wika sa Pilipinas at iba pang mga wika.”
Sek. 7 “Ukol sa mga layunin ng komunikasyon at pagtuturo, ang mga wikang opisyal ng Pilipinas ay
Filipino, at hangga’t walang ibang itinatadhana ang batas, Ingles. Ang mga wikang panrehiyon ay

visit us at: www.facebook.com/College-of-Teacher-Education


Republic of the Philippines
Commission on Higher Education
Region IV – A CALABARZON
Municipality of Lipa
KOLEHIYO NG LUNGSOD NG LIPA
COLLEGE OF TEACHER EDUCATION
Captivating knowledge Through Education

pantulong na mga wikang opisyal sa mga rehiyon at magsisilbing pantulong sa mga wikang panturo
roon.”
Ang bahaging itó ng Saligang Batas ng 1987 ang naging pangunahing konsiderasyon ng KWF,
kayâ, nitóng 5 Agosto 2013, sa pamamagitan ng Kapasiyahan Blg. 13-39 bay nagkasundo ang Kalupunan
ng KWF sa sumusunod na depinisyon ng Filipino:
Ang Filipino ay ang katutubong wika naginagamit sa buóng Filipinas bílang wika ng komunikasyon, sa
pagbigkas at sa pagsulát na paraan, ng mga pangkating katutubo sa buóng kapuluan. Sapagkat isang
wikang buháy, mabilis itóng pinauunlad ng araw-araw at iba’t ibang uri ng paggamit sa iba’t ibang
pook at sitwasyon at nililinang sa iba’t ibang antas ng saliksik at talakayang akademiko ngunit sa
paraang maugnayin at mapagtampok sa mga lahok na nagtataglay ng mga malikhaing katangian at
kailangang karunungan mulâ sa mga katutubong wika ng bansa.
Bilang pagtalima sa tadhana ng Saligang Batas ng 1987, nagkaroon ng modipikasyon sa
implementasyon ng edukasyong bilingguwal sa bansa sa bisá ng DECS Order Blg. 52, s. 1987.
Nagpalabas naman noóng Disyembre 1996 ang CHED ng Memorandum Sirkular Blg. 59 na nag-aatas
ng pagsásama sa mga kurikulum ng siyam (9) nay unit ng Filipino sa mga kolehiyo at Pamantasan.
Nabágo rin ang panahon ng pagdiriwang ng Linggo ng Wika tungong Buwan ng Wika sa bisá ng
Proklamasyong Blg. 1041 mulâ kay dating Pangulong fidel V. Ramos noóng 1997 kalakip ang tagubilin
sa iba’t ibang sangáy at tanggapan ng pamahalaan partikular na sa mga paaralan na ipagdiwang ang
naturang okasyon sa pamamagitan ng mga gawaing kakabakasán ng kalinangan ng lahìng Filipino.
V. AKTIBITI:

PANUTO: Sagutin ang mga sumusunod na katanungan.

1. Ano ang wikang Tagalog?


2. Ano-ano ang mga dahilan ng pagpapalit-tawag sa Tagalog tungong Pilipino?
3. Bakit itinuturing na ang wika ay isang mabisang bigkis sa pagkakaisa at pagkakaunawaan?
4. Ano ang wikang Filipino?
5. Isa-isahin ang mga ginamit na kriterya sa pagpili ng magiging wikang pambansa.

VI. AWTPUT (RESULTA)


PANUTO: Bumuo ng Akostik ng salitang FILIPINO. Ipaliwanag kung bakit ito ang iyong nabuong
pagpapakahulugan.

Mamarkahan ang akrostik batay sa mga sumusunod na pamantayan.


Nilalaman ------------------------ 50 pts.
Salitang ginamit ------------------------ 30 pts.
Orihinalidad at Pagkamalikhain ------------------------ 20 pts.
Kabuuan ------------------------ 100 pts.

visit us at: www.facebook.com/College-of-Teacher-Education


Republic of the Philippines
Commission on Higher Education
Region IV – A CALABARZON
Municipality of Lipa
KOLEHIYO NG LUNGSOD NG LIPA
COLLEGE OF TEACHER EDUCATION
Captivating knowledge Through Education

VII. PAGTATAYA

I. PANUTO: Isulat ang FILIPINO kung tama ang pahayag at PILIPINO kung mali.
1. Naging opisyal na wika ng bansa ang Tagalog sa bisa ng Kautusang Tagapagpaganap Blg. 134.
2. Sinulang ituro ang Tagalog sa mga paaralan noong taong 1940.
3. Noong 1989, nagkaroon ng sarbey at lumalabas na 94% ng mga Pilipino ang nagsasalita ng Tagalog.
4. Isa sa mga dahilan kung bakit ginawang Pilipino ang Tagalog ay upang mapawi ang isip-rehiyonalista.
5. Ang Pambansang Asemblea ay dapat gumawa ng hakbang tungo sa pagpapaunlad ng wikang
Pambansa na tatawaging Pilipino.
6. Isang wikang multi-lingual na maituturing na panlahat na wikang Pambansa na nakabatay sa
maraming wika ang kailangan sa isang multilingguwal na bansa.
7. Filipino ang Wikang Pambansa na makikita sa Seksyiyon 6 ng Saligang Batas ng 1987.
8. Ukol naman sa Seksyon 7 ng Saligang Batas ng 1987 na ang wikang opisyal ng Pilipinas ay Filipino at
hanggang walang itinatadhana ang batas ay, Ingles.
9. Ang mga wikang panrehiyon ay pantulong na mga wikang opisyal at magsisilbing wikang panturo
roon.
10. Ang pagkakaroon ng wikang Pambansa ay mabisang bigkis sa pagkakaisa at di pagkakaunawaan.

II. PANUTO: Tukuyin ang hinihingi ng mga sumusunod na pahayag. Isulat ang sagot sa sagutang
papel.
1. Petsa kung kailan naging opisyal na wika ng bansa ang Tagalog.
2. Sila ang nagsagawa ng sarbey noong 1989 na nagpatunay na marami ang nakakaintindi ng Tagalog sa
bansa.
3. Petsa kung kailan sinimulang tawaging Pilipino ang Tagalog.
4. Ito ay nilagdaan ni Jose Romero na dating Kalihim ng Kagawaran ng Edukasyon.
5. Ito ang nagtakda na ang Pilipino ay maging Filipino.
6. Sa pagkakaroon nito ay sumibol ang damdamin ng pagkakaisa ng mga mamamayang may iba-ibang
wikang katutubo.
7. Ito ang katutubong wika ginagamit sa buong Filipinas bilang wika ng komunikasyon, pabigkas man o
pasulat.
8. Petsa kung kailan naganap ang unang pagkakilala sa Tagalog.
9. Ito ay nag-aatas ng paggamit ng Ingles bilang midyum ng pagtuturo sa lahat ng paaralan ng buong
kapuluan.
10. Ito ay nagtagubilin sa paggamit ng wikang bernakular bilang wikang pantulong sa pagtuturo noong
1932-1933.
11. Noong 1930, binigyang-diin niya ang resulta ng Monroe Educational Survey Commission.
12. Sinabi niya na hindi magiging wikang kumon ang Ingles sa Pilipinas dahil hindi ito ang wika sa bahay.
13. Sinansala niya ang paniniwala ng Estados Unidos na ang wikang Ingles ang tanging makalilinang sa
Filipino tungo sa demokratikong ideal.
14. Ito ay pormal na nag-aatas sa Kongreso na gumawa ng kinakailangang mga hakbang hinggil sa
pagkakaroon ng wikang Pambansa.

visit us at: www.facebook.com/College-of-Teacher-Education


Republic of the Philippines
Commission on Higher Education
Region IV – A CALABARZON
Municipality of Lipa
KOLEHIYO NG LUNGSOD NG LIPA
COLLEGE OF TEACHER EDUCATION
Captivating knowledge Through Education

15. Petsa kung kailan itinagubilin ni Pangulong Quezon sa Pambansang Asemblea na magtatag ng Surian
ng Wikang Pambansa.
16. Siya ang kongresista na nagsumikap na magkaroon ng probisyon para sa wikang Pambansa.
17. Ito ang nagbigay daan upang maitatag ang Surian ng Wikang Pambansa.
18. Siya ang nanguna sa pagbuo ng Surian ng Wikang Pambansa.
19. Sila ang naatasang magsagawa ng pag-aaral hinggil sa mga umiiiral na katutubong wika sa bansa.
20. Kailan hinirang ni Pangulong Quezon ang Lupon ng mga Eksperto ng SWP.
21. matapos ang mahusay na pagganap sa kanilang tungkulin, kailan naghain ng resolusyon ang SWP
na nagsasabing wikang Tagalog ang nakatugon sa lahat ng pamantayan ng Lupon.
22. Petsa kung kailan nilagdaan ni Pangulong Quezon ang Kautusang Tagapagpaganap Blg. 134.
23. Ito ay pormal na nag-aatas sa pagpapalimbag ng Diksyunaryong Tagalog-Inges.
24. Siya ang nagpalabas ng kautusan na nag-aatas na simulang ituro ang wikang Pambansa sa ika-4 na
taon.
25. Petsa kung kailan ipinasa ang Military Order Blg. 2.
26. Ito ang tinatawag na Laurel Constitution.
27. Ito ang nag-atas sa pagtuturo ng wikang Tagalog sa lahat ng mga paaralan maging sa kolehiyo at
unibersidad.
28. Ito ay ipinanukala noong 4 Hulyo 1946.
29. Siya ang lumagda sa Proklamsyon Blg. 12.
30. Ang itinakdang petsa ng pagdiriwang ng Linggo ng Wika sa ilalim ng Proklamasyon Blg. 186.

III. PANUTO: Iugnay ang Hanay A sa mga nakatalagang impormasyon na makikita sa Hanay
B, C, at D. Letra lamang ang isusulat sa sagutang papel.

Hanay A Hanay B Hanay C Hanay D


1. pagtuldok sa A. Mga Korporasyon A. 1997 A. Kapasiyahan Blg.
hidwaang pangwika 13-39
2. yunit ng Filipino sa B. Mga Tagalog at Di- B. 1972 B. Kautusang
kolehiyo tagalog Pangkagawaran Blg.7
3. pagtangkilik sa C. Commission on C. Disyembre 1997 C. Kautusan
wikang Pambansa Higher education Pangministri Blg. 22
4. bagong pangalan D. Kalupunan ng KWF D. Pebrero 1956 D. Kautusang
ng wikang Pambansa Tagapagpaganap Blg.
96
5. Linggo ng Wika – E. Kagawaran ng E. 23 Setyembre 1955 E. Proklamasyon Blg.
Buwan ng Wika Edukasyon 186
6. pagdiriwang ng F. Fidel V. Ramos F. 21 Hulyo 1978 F. Proklamsyon Blg.
Linggo ng Wika 1041
7. Panatang G. Ferdinand E. G. 5 Agosto 2013 G. Memorandum
Makabayan Marcos Sirkular Blg. 384
8. depinisyon ng H. Gregorio H. 17 Agosto 1970 H. Saligang Batas,
Filipino Hernandez Jr. Artikulo XV, Seksiyon
3, Talata 2
visit us at: www.facebook.com/College-of-Teacher-Education
Republic of the Philippines
Commission on Higher Education
Region IV – A CALABARZON
Municipality of Lipa
KOLEHIYO NG LUNGSOD NG LIPA
COLLEGE OF TEACHER EDUCATION
Captivating knowledge Through Education

9. pagsasama sa I. Jose Romero I. 13 Agosto 1959 I. Sirkular Blg. 21


kurikulum ng (9) nay
unit ng Filipino sa
kolehiyo at
Pamantasan
10. pagsasa-Filipino J. Ramon Magsaysay J. 24 Oktubre 1967 J. Memorandum
ng pangalan ng mga Sirkular Blg. 59
tanggapan at gusali.

IV. PANUTO: Isa-isahin ang mga sumusunod. Gawin ito sa iyong sagutang papel.
A. Mga lugar sa rehiyong Tagalog. (12)
B. Katwirang ibinigay ng Anti-Imperialist League ng Estados Unidos ng batikusin ang Batas Blg. 74 ng
Philippine Commission. (2)
C. Lupon ng mga Eksperto ng SWP (9)

Inihanda:

KENNETH H. ABANTE, MATF.


Instruktor I

RAYMOND JOSEPH S. MAKALINTAL, MAEd.


Instruktor I

Isinumite:

ARIEL L. RAMOS BOBBY C. BUENDIA JOSIERENE V. ABEL ZHARA JEAN M. MENDOZA


Instruktor I Instruktor I Instruktor I Instruktor I

Iwinasto:

Department Module Editing Committees

Binigyang-pansin:

DR. BIBIANA JOCELYN D. CUASAY


Tagapatnugot ng Modyul

DR. AQUILINO D. ARELLANO


Pangalawang Pangulo- Ugnayang Pang-Akademiko Pinagtibay:

MARIO CARMELO A. PESA, CPA


Pangulo ng Dalubhasaan
visit us at: www.facebook.com/College-of-Teacher-Education
Republic of the Philippines
Commission on Higher Education
Region IV – A CALABARZON
Municipality of Lipa
KOLEHIYO NG LUNGSOD NG LIPA
COLLEGE OF TEACHER EDUCATION
Captivating knowledge Through Education

Sanggunian:

AKLAT:

Corazon P. San Juan, Rosario U. Mag-atas, et al. Komunikasyon sa Akademikong Filipino, (Maynila,
2009).

Jennifor Aguilar, Jomar I. Cañega, et al. Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Filipino,
JenHer Publishing House, (Maynila, 2016)
Virgilio S. Almario, Pagpaplanong Wika at Filipino, Komisyon sa Wikang Filipino (Maynila, 2015), p.
116.
Virgilio S. Almario, Madalas Itanong Hinggil sa Wikang Pambansa, Komisyon sa Wikang Filipino
(Maynila, 2014)
Artur P. Casanova, Ligaya T. Rubin, et al. Kasaysayan sa Pag-unlad ng Pambansang Wika sa Pilipinas,
(Maynila, 2004)
Jennifor Aguilar, Jomar I. Cañega, et al. Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Filipino,
JenHer Publishing House, (Maynila, 2016)

POOK-SAPOT:
malacanang.gov.ph

bayaningfilipino.blogspot.com
https://philippine-politics.fandom.com/

visit us at: www.facebook.com/College-of-Teacher-Education

You might also like