0% found this document useful (0 votes)
347 views14 pages

Kohesiyong Gramatikal

Strategic Intervention Material
Copyright
© © All Rights Reserved
We take content rights seriously. If you suspect this is your content, claim it here.
Available Formats
Download as PDF, TXT or read online on Scribd
0% found this document useful (0 votes)
347 views14 pages

Kohesiyong Gramatikal

Strategic Intervention Material
Copyright
© © All Rights Reserved
We take content rights seriously. If you suspect this is your content, claim it here.
Available Formats
Download as PDF, TXT or read online on Scribd
You are on page 1/ 14

i

Kohesiyong gramatikal
na pagpapatungkol
Cohesive Devices
(Anapora at Katapora)

Strategic Intervention Material


ERAIDA RINA C. MORO

i
Kagawaran ng Edukasyon
Republika ng Pilipinas
Kohesiyong Gramatikal na Pagpapatungkol
Cohesive Devices
(Anapora at Katapora)

Strategic Intervention Material


ERAIDA RINA C. MORO

This systematic intervention material is developed and reviewed


by educators from the Department of Education, Schools
Division of Batanes. We encourage students, teachers and other
stakeholders to email their feedbacks, comments and
recommendations at [email protected].
We value your feedback and recommendations.

Kagawaran ng Edukasyon
Republika ng Pilipinas
i
Published by the
LEARNING RESOURCES MANAGEMENT AND DEVELOPMENT CENTER
(LRMDC)
Department of Education
Regional Office No.II, Cagayan Valley
Schools Division of Batanes, Basco, Batanes
Copyright 2019

Section 9 of Presidential Decree No. 49 provides:


“No copyright shall subsist in any work of the Government of the Republic of the
Philippines. However, prior approval of the government agency of the office wherein the
work is created shall be necessary for exploitation of such work for profit.”
This material has been developed within the project of the Division Learning
Resources Management and Development center (LRMDC) of Schools Division of Batanes
of the Department of Education, Region II (DepEd RO2). It can be reproduced for
educational purposes and the source must be clearly acknowledged.
The Material may be modified for the purposes of translation into another language but the
original work must be acknowledged. Derivatives of the work including creating an edited
version, an enhancement or a supplementary work are permitted provided all original work
is acknowledged and the copyright is attributed. No work may be derived from this material
for commercial purposes and profit.

Eraida Rina C. Moro


Writer
Sabtang National School of Fisheries

_____________________________________
Illustrator

Cecilia C. Cielo
Consultant

ii
Talaan ng Nilalaman

Rationale ……….………………………………………….. 1

Overview …………………………………………………... 2

Kard ng Patnubay ………………………………………………….. 3

Kard ng Gawain ………………………………………………….. 4-5

Kard ng Pagtataya ………………………………………………….. 6

Kard ng Pagpapayaman ………………………………………….. 7

Kard ng Sagot ………………………………………………….. 8-9

Kard ng Sanggunian ………………………………………………….. 10

iii
Rationale

Ang ikatlong markahang pagsusulit ng ika-9 na Baitang ng Sabtang National School of


Fisheries sa Filipino ay sadyang mababa. Pinatutunayan ito ng mababang puntos na nakuha
nila sa competency tungkol sa wastong gamit ng kohesiyong gramatikal na pagpapatungkol.
Isa sa mga dahilan kung bakit hindi nakasusunod ang mga mag-aaral sa mga aralin lalong-lalo
na sa mga araling nangangailangan ng masusing pag-unawa ay ang kakulangan nila ng pang-
unawa sa wastong gamit ng anapora at katapora. Kung minsan pa’y nagiging kabagot-bagot
para sa kanila ang pagbabasa lalo na kung hindi nila alam o nauunawaan ang kanilang binabasa.

Makatutulong ang mga gawaing kalakip nito upang malinang ang kakayahan ng mga
mag-aaral sa paggamit ng anapora at katapora at nang sa gayon ay maunawaan nila nang husto
ang mga aralin at mapataas ang kanilang performans.

Layunin ng interbensyon na ito na masuri ng mag-aaral ang pagkakaiba ng bawat uri


ng kohesiyong gramatikal at magamit ito nang wasto. Kung mapagtatagumpayan ang
sitwasyon, magiging malaking kapakinabangan ito lalong-lalo na sa pagsulat o pagbuo ng talata
gayundin sa kanilang lubos na pagkatuto.

1
Kohesiyong Gramatikal na Pagpapatungkol

Ang pangngalan ay bahagi ng pananalitang tumutukoy sa ngalan ng tao, bagay,


hayop, gawa, pangyayari at kalagayan.

Ang panghalip ay panghalili sa ngalan ng tao, hayop, lugar, gawa o pangyayari.

Ito na ang pagkakataon mong tunghayan kung ano ang anapora at katapora.

Ang kohesiyong gramatikal na pagpapatungkol (Cohesive Device Reference) ay


paggamit ng panghalip na tumutukoy sa mga nauna o nahuling pangngalan; mga salitang
nagsisilbing pananda upang hindi paulit-ulit ang mga pangngalan.

 Ito, dito, doon, iyon (para sa lugar, hayop, bagay at pangyayari)


 Sila, siya, tayo, kaniya, kanila (para sa tao)

Nahahati ang kohesiyong gramatikal na pagpapatungkol sa dalawa:


1. Anapora o sulyap na pabalik
- ito ay panghalip na ginagamit sa hulihan bilang pananda sa pinalitang
pangngalan sa unahan.

Halimbawa:
*** Karamihan sa mga tao ay ikinakabit ang kulturang Pranses sa Paris. Ito ang
sentro ng moda, pagluluto, sining at arkitektura.
→ Pansinin sa halimbawa, ang pangngalang Paris sa unang pangungusap ay
hinalinhinan ng panghalip na ito.

2. Katapora o sulyap na pasulong


- ito ang panghalip na ginagamit sa unahan bilang pananda sa pinalitang
pangngalan sa hulihan.

Halimbawa:
*** Sila ay sopistikado kung manumit. Ang mga taga-France ay masayahin at mahilig
dumalo sa mga kasayahan.
→ Sa halimbawang binanggit, ang panghalip na sila ay ginamit bilang panuring sa
pangngalang taga-France.

2
Kard ng Patnubay

Kumusta? Ako ang iyong magiging gabay sa iyong gagawing pagtuklas sa paksang ito.
Alam kong mahirap intindihin sa una subalit kung malalampasan mo ang pagsubok na ito,
magiging malinaw sa iyo ang lahat.

Ang isang babasahin o teksto ay binubuo ng magkakahiwalay na pangungusap o


sugnay.

Ang mga pangungusap o sugnay na ito bagama’t magkakahiwalay ay pinagdudugtong


o pinag-uugnay ng mga pang-ugnay o kohesiyong gramatikal. Ginagamit ang mga pang-ugnay
na ito na referents o reperensiya na kung tawagin ay anapora at katapora.

Upang lubos mong maunawaan ang aralin, subukin mong sagutin ang mga kasunod na
gawain. Pagbutihan mo ha.

3
Kard ng Gawain

Sa iyong unang gawain, kinakailangan muna nating balikan ang hinggil sa panghalip.
Huwag mong kalimutan, ang panghalip ay katagang panghalili sa pangngalan upang
maiwasan ang paulit-ulit na paggamit nito.

Gawain 1

Panuto: Salungguhitan ang panghalip na ginamit sa bawat pangungusap.

1. Ikaw ang dahilan kung bakit napahamak ang mga magsasaka.


2. Sa Luneta kami unang nagkita.
3. Tayo ay naghirap dahil sa isang imitasyon na hiyas.
4. Siya ay natatanging babae sa magkakapatid.
5. Kanila ang condominium na tinitirhan ni Ginang Lopez.
6. Sinubok niyang isuot ang hiyas sa harap ng salamin.
7. Dito naganap ang isang himala.
8. Ang ipinahiram kong kuwintas sa iyo ay imitasyon lamang.
9. Labis ang kaniyang pagdurusa at paghihinagpis dahil sa pagkamatay ng kaniyang ina.
10. Sipag at tiyaga, iyan ang kinasangkapan niya sa pag-angat sa buhay.

Magaling! Napagtagumpayan mo ang unang gawain na sumubok ng iyong


kakayahan.

4
Sa pagkakataong ito, isang gawain naman ang nakahanda upang punan mo ng angkop
na panghalip ang bawat pahayag.

Gawain 2
Panuto: Punan ng angkop na panghalip ang mga patlang mula sa ibinigay na mga
pagpipilian sa loob ng panaklong.

1. “Mahal, akala ko’y ikatutuwa ________ (nila, ko, mo) ang pagkakuha ko sa
paanyaya.”
2. Sumapit ang inaasam ________ (kitang, kong, kanilang) araw ng sayawan.
3. _________ (Siya’y, Ika’y, Kami’y) isa sa magaganda’t mapanghalinang babae na
sa pagkakamali ng tadhana ay isinilang sa angkan ng mga tagasulat.
4. Labis ang pagdurusa at paghihinagpis ni Mathilde dahil may paniniwala _________
(akong, kaming, siyang) isinilang siya sa daigdig upang magtamasa ng lubos na
kaligayahan sa buhay na maidudulot ng salapi.
5. Malimit na sa pagmamasid _________ (niya, nito, siya) sa babaeng Briton na
gumaganap ng ilang pangangailangan niya sa buhay ay nakadarama si Mathilde ng
panghihinayang at napuputos ng lumbay ang kaniyang puso.
6. Kapag nagkita kayo ni Elena, pakisabi na kinukumusta ko _________
(sila, siya, niya).
7. Ipinangako ni Bb. Mirriam na bibigyan _________ (niya, sila, nila) ng mataas na
marka si Mario.
8. _________ (Kami, Siya, Sila) ay naging mabuting halimbawa kaya naman si Rizal
at Bonifacio ay maituturing na bayani.
9. Hindi ko matukoy kung ano ang mahirap sa asignaturang _______
(ganito, ito, nito) ngunit sa totoo lang ang Matematika ay nakalilibang.
10. Naririto naman na tayo sa bayan, ________ (doon, dito, ganyan) na tayo mamili.

Binabati kita sa matagumpay mong pagsagot. Hinarap mo ang dalawang magkasunod


na gawain nang may lakas ng loob!

5
Kard ng Pagtataya

Ngayong alam mo na ang hinggil sa panghalip, may isa ka pang pagsubok na


gagawin. Mas marami kang masalungguhitang panghalip, mas magaling!

Gawain 3

Panuto: Salungguhitan ang mga panghalip na ginamit sa diyalogo.

Ako… Lagi na lang Ako

Nanay: Drake, nagawa mo na ba ‘yung ibinilin ko sa iyo kanina?


Drake: Opo.
Nanay: Drake, nasaan ‘yung jacket ng tatay mo? Kailangang madala iyan
mamaya dahil masyadong malamig sa pupuntahan nila. Drake,
nakikinig ka ba sa akin?
Drake: Opo.
Nanay: Drake, idaan mo nga itong pandesal sa lola mo bago ka pumasok
mamaya sa paaralan.
Drake: Opo.
Nanay: Drake?!
Drake: Drake… Drake… Drake… puro na lang Drake.
Nanay: Sino pa bang tatawagin ko eh nag-iisa ka lang naman na anak ko.
Huwag mo akong sinasagot-sagot Drake dahil baka hindi ako
makapagtimpi sa’yo.
Drake: Lagi na lang kasi ako… ako… puro na lang ako.

Napagod ka marahil na magbasa at magsagot sa mga gawain. Medyo marami


pero sulit naman, hindi ba?

6
Kard ng Pagpapayaman
Ito na ang panghuling gawain. Huwag kang sumuko. Kaya mo ‘yan!

Gawain 4
Panuto: Punan ng angkop na panghalip ang bawat patlang upang mabuo ang diwa ng
pangungusap. Pagkatapos ay isulat ang PA kung ang panghalip ay ginagamit
bilang pagpapatungkol sa anapora at PK kung ito ay pagpapatungkol sa
katapora.

1. Tunay ngang _______ ay isang dakilang lungsod dahil ang Maynila ay may
makulay na kasaysayan.
2. Nagkasakit ________ kahapon pero pumasok na sa klase si Jake kanina.
3. Si Lea Salonga ay napakahusay kumanta kaya nga hinahangaan _______ ng lahat.
4. Umiiyak ang anak ________ kanina kaya ipinasyal muna ni Aling Nena.
5. Ang mga kababaihan sa Pilipinas ay malambing ngunit nagiging matapang lalo na kung
________ ay tinatapakan.
6. Madalas maiwan ni Zaphy ang ___________ gamit.
7. ________ ang dahilan kung bakit nabasag ang salamin, di kasi nagpapapigil sa pagtakbo si
Markie.
8. Bibilhin na sana ni Tracy ang bestida nang mapansin _________ wala ang kaniyang pitaka.
9. Sina Jared at Brent ang nangunguna sa klase dahil masipag __________ mag-aral.
10. Habang naglalakad si Marc sa kakahuyan, nakita ___________ nakasunod sa kaniya ang
anino.

Madali lang, hindi ba?

Sa wakas, natapos mo rin ang mga gawaing inihanda ko para sa’yo. Maligayang bati!

7
Kard ng Sagot

Gawain 1
1. Ikaw ang dahilan kung bakit napahamak ang mga magsasaka.
2. Sa Luneta kami unang nagkita.
3. Tayo ay naghirap dahil sa isang imitasyon na hiyas.
4. Siya ay natatanging babae sa magkakapatid.
5. Kanila ang condominium na tinitirhan ni Ginang Lopez.
6. Sinubok niyang isuot ang hiyas sa harap ng salamin.
7. Dito naganap ang isang himala.
8. Ang ipinahiram kong kuwintas sa iyo ay imitasyon lamang.
9. Labis ang kaniyang pagdurusa at paghihinagpis dahil sa pagkamatay ng kaniyang ina.
10. Sipag at tiyaga, iyan ang kinasangkapan niya sa pag-angat sa buhay.

Gawain 2
1. mo
2. kong
3. siya’y
4. siyang
5. niya
6. siya
7. niya
8. sila
9. ito
10. dito

Gawain 3
Nanay: Drake, nagawa mo na ba ‘yung ibinilin ko sa iyo kanina?
Drake: Opo.
Nanay: Drake, nasaan ‘yung jacket ng tatay mo? Kailangang madala iyan
mamaya dahil masyadong malamig sa pupuntahan nila. Drake,
nakikinig ka ba sa akin?
Drake: Opo.
Nanay: Drake, idaan mo nga itong pandesal sa lola mo bago ka pumasok
mamaya sa paaralan.
Drake: Opo.
Nanay: Drake?!
Drake: Drake… Drake… Drake… puro na lang Drake.
Nanay: Sino pa bang tatawagin ko eh nag-iisa ka lang naman na anak ko.
Huwag mo akong sinasagot-sagot Drake dahil baka hindi ako
makapagtimpi sa’yo.
Drake: Lagi na lang kasi ako… ako… puro na lang ako.

8
Gawain 4
1. ito - PK
2. siya - PK
3. siya - PA
4. niya - PK
5. sila - PA
6. kaniyang - PA
7. siya - PK
8. niyang - PA
9. silang - PA
10. niya - PA

9
Kard ng Sanggunian
Mga Aklat
Del Rosario, Mary Grace G. et.al (2018) Pinagyamang Pluma 9 Ikalawang Edisyon,
Phoenix Publishing House, Inc. Pahina 276-277

Internet
https://www.scribd.com/doc/433983030
https://prezi.com/ogodd7opiyzk/mga-panandang-kohesyong-gramatikal/
http://gurosafilipino.blogspot.com/2010/07/kohesyong-gramatikal-anapora-
katapora.html?m=1

10

You might also like