0% found this document useful (0 votes)
5K views319 pages

Olympus Academy - Mahriyumm

The Twelve Olympians were the major gods in ancient Greek religion and mythology. The most prominent were Zeus, Hera, Poseidon, Demeter, Athena, Apollo, Artemis, Ares, Aphrodite, Hephaestus, Hermes, and either Hestia or Dionysus. Hades and Persephone were sometimes included as part of the twelve, though Hades resided permanently in the underworld. Their family tree and roles are described in Greek myths.

Uploaded by

Eli Colter
Copyright
© © All Rights Reserved
We take content rights seriously. If you suspect this is your content, claim it here.
Available Formats
Download as TXT, PDF, TXT or read online on Scribd
0% found this document useful (0 votes)
5K views319 pages

Olympus Academy - Mahriyumm

The Twelve Olympians were the major gods in ancient Greek religion and mythology. The most prominent were Zeus, Hera, Poseidon, Demeter, Athena, Apollo, Artemis, Ares, Aphrodite, Hephaestus, Hermes, and either Hestia or Dionysus. Hades and Persephone were sometimes included as part of the twelve, though Hades resided permanently in the underworld. Their family tree and roles are described in Greek myths.

Uploaded by

Eli Colter
Copyright
© © All Rights Reserved
We take content rights seriously. If you suspect this is your content, claim it here.
Available Formats
Download as TXT, PDF, TXT or read online on Scribd
You are on page 1/ 319

Upon Reading...

In the ancient Greek religion and Greek mythology, the Twelve Olympians are the
major deities of the Greek pantheon, commonly considered to be Zeus, Hera,
Poseidon, Demeter, Athena, Apollo, Artemis, Ares, Aphrodite, Hephaestus, Hermes,
and either Hestia or Dionysus. Hades and Persephone were sometimes included as part
of the twelve Olympians (primarily due to the influence of the Eleusinian
Mysteries), although in general Hades was excluded, because he resided permanently
in the underworld and never visited Olympus.

(click on the video to be enlightened. Charot)

https://www.youtube.com/watch?v=eJCm8W5RZes

THE FAMILY TREE:

The Invitation
'I'm very sorry Ms. Young but you are being expelled from the academy...'

Po?!?! Pa'no po yun?

'Aside from having 38 consecutive lates, We have also noticed your constant
tardiness Ms. Young, and we can't tolerate that..'

Eh? I apologize Mr. Principal pero eto lang po ang school na maafford namin ni
auntie at di ko po kayang ma expell. Please do give me a chance... promise. I won't
be late and tardy..
just please... I need to graduate para makaahon kami at magkatrabaho ako. Please
nama-

'We're so sorry. Here's the letter. Give it to your aunt. We can't do anything for
this case so just pick up that letter and...

Go home..'

Go home...

Go home.... Cesia.

Napanaginipan ko na naman yung sa last week. Di ko akalaing nangyari talaga ang di


ko inaasahan... ang ma expell.

Haaaay.. Buhay nga naman oh.


San ba ako makakahanap ng bagong school. Wala na nga akong pang tuition. Ang mahal
mahal pa ng bigas. Magtrabaho nalang talaga ang choice ko.

wait... anong Ceysha?


Cesar ata?

Cecile?

Hmm..

Ces... ??? Ces-something

"Abigaiiiilll !! Bumaba ka rito ngayon ! Daliii " Huh??

Si auntie ba yun? Ba't niya ako tinatawag.. ang aga-aga pa ahh..

Tumingin ako sa orasan na nasa bedside ko.

12:49 pm...

"Abigail Young! Pag di ka pumunta dito bubuhusan kita ng mainit na tubiiig!!" First
day pa naman ng job hunting ko tas late pa ako.. wala na talaga akong pag-asa..

"Eto na pooo!" Patakbo akong bumaba para tignan kung ano yung pinag-iingayan ng
nag-iisang pamilya ko.

*thump*

Hanggang sa may isang napakalaking maroon box akong nadatnan sa gitna ng maliit
naming salas.. at si auntie na parang may binabasa..

Anong meron ?

"Abigail...."

Halatang masaya si auntie habang nakatingin sa akin na humahakbang para tignan yung
binabasa niya

"Auntie ano yan? Anong meron?" Bigla siyang tumalon sa direksyon ko at yumakap na
siya namang ikinagugulat ko..."Uhh?"

"Abby.. di mo na kailangang magtrabaho" Huh? Tungkol sa nabasa ba niya yan?


Bumitaw naman siya sa mahigpit niyang yakap at tumingin sa akin ng diretso...
"Abby? Bingi ka ba? Sabi ko di mo na kailangang magtrabaho"

Ows?

Tumitig lang ako sa kanya ng walang alam.. wala naman talaga akong alam sa
nangyayari. Nabasa naman niya ang ekspresyon ko saka kinuha yung letter at binigay
sa'kin.

Ano'to?

...sulat malamang.

Binasa ko naman ang nakasulat sa printed paper:

'
To Ms. Abigail Young,

We have heard of your past issue with your last school and have also learned of
your hard situation at home. That's why we would like to offer you an
opportunity...

A chance to study inside our prestigious and very private school...

Prestigious and very private??

OLYMPUS ACADEMY.
ALL FREE-OF-CHARGE!

Kindly refer to the second paper for more information about your enrollment. Thank
you!'

Free-of-charge? Lahat?
May ganun ba? HAHAHA.

"Auntie, di kaya fraud lang to? School na free-of-charge lahat? Wala namang ganun
ahh." Tapos na kayang April Fools.

"Well ngayon ka lang makakakita ng "fraud school" na nagpadala ng box na may lamang
school supplies pati tatlong set ng uniform.." seryoso niyang sabi.

Dali dali kong binuksan ang box at namangha...


Sa loob ng box ay may tatlo pang gold boxes at lahat may labels...

Uniforms and necessities..

Notebooks and supplies..

Books and Enhancement Pads..

Kinuha ko ang papel na nasa ibabaw ng tatlong boxes. Ito yata yung second letter at
may kasama pang brochure? At map? Ganito nalang ba kayaman ang school nato..?

Umupo ako atsaka binasa ang content ng second letter...

'

Ms. Young's

All you need to bring are clothes that you can wear for the next months and the
box.

We also would like to let you know that we will be sending you a private car to
fetch you 3 days from now. Please wear the prescribed uniform. '

Car... what?! A private car?

haaay. prestigious, Abby.

Tinignan ko naman ng maigi ang logo ng Academy na nakalagay sa ibaba. Sa borders ng


circle ay may mga katagang di ko naiintindihan..

'Alis volat propriis'

Alis volat propriis? Ibang language ba yan?

Tiningnan ko rin kung ano ang nasa gitna ng circle.. mountains at sa taas may
pakpak?

Eh?

Ba't ang unique naman ng school nato.

Sa may bottom right ng paper naman...

"Abby.. di kita gustong pilitin kasi alam kong malaki kana para sa ganyang
desisyon.. pero tinawagan kasi nila ako kanina para i-assure yung arrival mo"
Binasa ko ang nakalagay...

'If you accept our invitation please do sign here'

"Auntie naman. Sabi dito ilang months ako dun tas ang unfamiliar pa ng school"
Di ba niya ako mami-miss? Ouch.

"Gusto ko lang kasing makasiguro na nakakapag-aral ka ng maayos." Malungkot niyang


sabi.

Sabagay... para naman makatulong ako sa kanya atsaka once in a blue moon ka lang
makakatanggap ng ganito no. Saan ka ba makakakita ng school na ganito.

"So Abby, pupunta ka ba?" sabay bigay niya ng ballpen habang naka puppy eyes...
eto talagang babaeng to.. nagawa pang magpuppy-eyes parang bata.

"Sige na ng-"

"Hala ! Yung niluluto ko!" bigla siyang napatakbo sa kusina.

Hay nako. Ewan ko nalang kung mabubuhay pa itong tita ko na walang kasama.

Tumingin ulit ako sa nakasulat...

'Please do sign here'

Alright. Wala naman sigurong mali pag nag sign ako diba? I mean what can go wrong?

Kinuha ko na ang ballpen at nag sign.

Pagkatapos kong mag sign, napabitaw nalang ako sa gulat.

Sino bang di makabitaw eh bigla nalang nasunog at nawala yung papel.

shoot. May mali talaga dito sa pinasukan ko...

Farewell Ordinarity
3 DAYS LATER...

'Go home Cesia... you're not safe here'


Cesia...

Cesia!

'Kriiinnnggggg'

"Ayy Cesia!" napaupo ako bigla sa kama

'Kriiiinnnnggggg!!' huh?

Sinubukan kong mag focus sa harap. Ang blurred pa kasi ng vision ko dagdagan mo pa
ng sakit sa ulo.

Ugh.. anong oras na ba?

Lumingon naman ako sa right side ng kama..

5:55 am

Mamaya pang 7:00 dadating ang service. Humiga ako para matulog ulit..

Pagkatapos ng limang minuto ng kakaisip sa 'Cesia' na yon,* sighs* di talaga ako


nakatulog. Napag desisyunan ko nang bumangon at mag almusal.. saktong isang oras
bago ako umalis.

Pababa pa lang ako sa hagdan, nakaamoy na ako ng isang napakapamilyar na amoy..

Hmm...

Sinundan ko ang amoy at syempre, tama ang hinala ko...

Nakita ko si tita na pinapatong ang isang bowl ng sinigang sa lamesa. Agad naman
akong umupo sa katapat niyang silya at nilagyan ang plato ko ng kanin. Sinabawan ko
ang kanin at napalaway sa baboy na nakuha ko't nilagay sa plato...

"Ang aga mo ata ngayon Abby. excited? Haha" rinig kong sabi niya
Nakaangat lang ang ulo ko sa kanya habang sinusubo ang pagkain.

"Hahaha niluto ko yung paborito mo kasi alam mo na... baka di ka na makakakain


neto.. sosyalin pa naman ang mga pagkain dun"
Napatigil ako sa pag kain at napatingin sa kanya...
dalawang araw na naming pinag-usapan to. Nakahanda na din kami sa paglisan ko.
"Mami-miss din kita auntie.."

Nakita ko syang ngumiti at tumayo...


"Pagkatapos mong kumain, magbihis ka agad" utos niya. The usual. Alam kong
malungkot siya tinatago lang niya... wala na rin akong magawa kaya tumango nalang
ako..

Pagkatapos ng ilang minuto, tumayo na rin ako't nagbihis sa kwarto after maligo.

Ngayon, nakatingin lang ako sa salamin at nagagandahan

Sa uniform.

Ang cute nga kasi white long sleeves na may maroon na vest at sa may upper right
ang logo. May kasama ring gold sparkling ribbon na nakasabit sa leeg ko. Sa baba
naman ay short skirt na striped, maroon and gold. Of course, black knee socks and
black school shoes..

Yes, lahat to kasama sa package.

Naalala ko na naman yung nasunog na letter...

Aish. Wag na nga. Di kayang mag sink-in sa utak ko.

Okay na siguro to.

Tumalikod ako at pinuntahan ang box na katabi ng backpack kong may lamang mga
damit.. Tinignan ko ulit yung maliit na gold box sa loob na may label:

'Uniforms and necessities'

Binuksan ko ito para i check kung may nakalimutan ba akong suotin. Mukhang wala na
nga.

Ayy wait...

Napapikit ako sa isang bagay na sumilaw sa paningin ko kaya kinuha ko ito para
tingnan.

Ano na naman to?


a gold pin..

Isang maroon na circle.. at may white wings on both sides, sa loob ng circle ay may
letter "A" na kulay gold. Napanganga ako sa hinahawakan ko ngayon..

woah. mukhang totoong gold to... kasali ba talaga to sa uniform? baka kasi mawala
to at mapulot ng iba tsaka ibenta.. wag naman sana..

"Abbyy ! nandito na yung kukuha sa'yo !" tawag ni tita. Nilingon ko ang orasan...

6:59

di ko ata namalayan yung oras.. ibinulsa ko ang pin at nagmadaling kinuha ang
backpack at box.
Surprisingly, ang gaan-gaan lang ng box.. sa bagay, may holes kasi sa sides kung
saan pwede i-insert yung kamay para mabuhat.

tinignan ko ulit yung room ko bago lumabas.. mami-miss ko to.

bye for now..

bitbit sa likod ko ang backpack at sa harap ang box, lumabas na ako at bumaba.

Sa salas, nakita ko si auntie na kausap ang isang lalaking matangkad na naka suit
sa may pinto. I'm guessing he's in his 60's? may wrinkles na kasi.. at may strands
of gray din yung buhok niya. Tumigil naman sa pag-uusap yung lalaki at lumingon sa
direksyon ko.. Napatingin din si auntie sa'kin with the sincerest look in her face.

Nakangiti yung lalaki habang naglalakad patungo sa'kin at kinuha yung box..
"Let me help you with that Ms. Young" aya niya.
"T-Thank You.." He nodded at me and at my tita bago siya lumabas ng bahay. Nag nod
din naman as a response ang tita ko.

"Abby, dito ka nga" Sinunod ko naman si tita at naglakad sa harapan niya. "Mukhang
mababait naman ang mga tao dun Abby, kaya dapat maging mabait ka rin sa kanila. Pag
nalaman kong late ka palagi talagang susugurin kita sa school mo" paalala niya.

Nagbuntong-hininga siya at naramdaman ko na rin ang malungkot na hangin na


nakapaligid sa amin..

"Ano ka ba auntie, babalik lang ako after ilang months" tumawa nalang ako para
mawala yung malungkot na aura.. di naman talaga ito maiiwasan... first time kaya
naming magkahiwalay ng napakatagal..

all these years, kami lang dalawa ang palaging nagkakasama. Kahit sa school nga
wala akong mga kaibigan.. siya lang din ang nag-iisang pamilya ko pagkatapos ma
aksidente ng mga magulang ko..

niyakap ko siya ng ilang segundo at bumitaw..

"Auntie, wag kang mag-alala, diba sabi mo mababait yung tao dun? tsaka masasarap
yung mga pagkain " sabay kindat
"Ikaw talagang bata ka. Sige na nga. Basta pagbutihin mo mag aral ha?" marihin
naman siyang tumawa kaya napagaan na din ang loob ko.

"Syempre di ko sasayangin to no. "

"Oh, baka nainip na yung driver. Halika na"

hinatid nya ako sa tapat ng sasakyan at binuksan naman ng driver ang pinto para
sa'kin. Pumasok na ako sa loob at inabot naman niya yung bag ko

"Eto bag mo, mag ingat ka ha?" huli niyang sambit.

"Opo" Pagkatapos ay sinara niya yung pinto. Pumasok na yung driver sa loob para i-
andar ang makina.
Nagsimula na ring tumakbo ang sasakyan at napatingin ako ni tita na kumakaway nang
nakangiti at parang... umiiyak?

hanggang sa nawala na siya sa paningin ko.

Pagkatapos ng ilang minuto...

Napabuntong-hininga ako habang nakaupo ngayon sa backseat..


Narinig ko rin ang biglang pagpatak ng ulan. Nakikisabay ata ang langit sa lungkot
ko...

"Ms. Young, kung gusto mo umidlip ka muna. Mataas-taas din kasi itong byahe na
ito..."
Sumandal naman ako sa bintana at nagsimulang pumikit gaya ng sabi niya...

"Miss?"

"Huh?"

"Malapit na po tayo.."
Huh?

napamulat ako at agad inayos ang pagkakaupo ko "Ilang oras po ba akong natutulog?"

"about 7 hours... and 8 minutes"


7 hours?! ilang oras ba ang byahe? ang layo naman ata ng school na'to.

"Manong, ilang oras po ba ang layo ng Olympus Academy?"


Natawa naman siya ng mahina bago sumagot "7 Hours and 10 mins"

seven hours pala akong natulog.. so two minutes pa bago kami makarating...

Pinagmasdan ko ang mga kahoy na dinadaanan namin...teka, di kaya kami naliligaw?


parang forest na ata' to.

"M-Manong, di ba tayo naliligaw?" tanong ko baka kung saan ako dalhin ng lalaking
to.

"Almost there, Miss" dapat lang manong.

bumagal naman ang takbo ng sasakyan at napanganga lang ako sa nakita kong
napakataas na golden gate. Pumasok kami sa nakabukas na gate at nag park sa harap
ng isang mansyon...

No..

isang palasyo...

how is this a school?!

Officially a Student
"Welcome Ms. Young" sabay bukas ng driver at nag bow...
Nakatulala lang ako sa napakalaking palasyo na nakatumbad sa harapan ko.

Nakaramdam naman ako ng kaba nang may makita akong mga estudyante na nagsidatingan
na rin. Halatang-halata talaga na mga mayayaman sila. Samantalang ako, di kaya na
wrong send yung invitation?

"Please head into the lobby desk and follow their instructions Miss"
Nag nod ako sa driver at pumasok sa loob ng napakalaking doorway.

Red carpet..

Marbled floor..

chandeliers..

Gold staircases...
and scattered students...

Inikot ko yung paningin ko at halos mabulunan na ako sa pagkalaki-laki ng lugar.

Tumigil ako sa circular marbled desk na nasa gitna ng lobby area as said.
"Name please?" tanong ng babaeng nasa desk.

"A-Abigail Young po"

"New Student?"

"Yes"

"Can I see your invitation and your pin?" Kinuha ko ang invitation sa bag ko at
binigay sa kanya..

Pin?

Anong Pin? Yun ba yung...

kinuha ko ang pin mula sa bulsa ng vest ko at inabot ito.. tinignan niya ang pin at
ako ng pabalik-balik with a confused face.

"Are you sure you're new here Miss Young?" she asked.

"Opo"

"Okay then.." nakangiting sabi niya "Here is your class schedule and your dorm
room... Before going to your dorm, please do stop by at the Admission Room for your
ID and official ground name.. oh and one last thing.. don't forget to wear this" as
she handed me the pin.

"Okay... uhmm...asan po ba yung Admission Room?" wala talaga akong alam sa lugar
nato. Baka mawala pa ako dito.

"Oh. Haha. Just follow the speck of light and you'll soon find your destination
Miss" she said with a wide grin. Tinignan ko naman siya ng gulong-gulo. Anong speck
of light pinagsasabi nito?

With a brow raised, I watched her close her palm and then open it in front of me at
biglang may lumitaw na small ball of light sa kamay niya na lumutang agad sa
hangin.

WHAT.

"This light Ms. Young is your odigos. It will lead you to the Admission room and
your dorm. Good Luck!" sambit niya.
Sinunod ko naman yung lumilitaw na liwanag. Odigos ba yun? Ang bilis naman nitong
makalipad.
Dumaan ako sa isang hallway ng mga estudyanteng nakatingin sa'kin bago naglaho ang
liwanag kaya napahinto rin ako sa harap ng isang malaking pinto. Ito ata yung
admission room?

Pagkapasok ko ay nadatnan ko ang mga estudyanteng naglilinya para magpapicture.


Malaki-laki din ang room na ito. I leveled my head down dahil ramdam na ramdam ko
ang mga titig ng iba at sumunod sa last student sa linya.

While waiting, sinuot ko yung pin ko sa vest at tinignan ang Class Schedule ko..

'Classes start tomorrow'

Bukas agad? Gusto ko pa naman mag ikot-ikot sa school campus.


Sabagay, baka after 2 to 4 weeks, mamemorize ko na lahat ng sulok ng lugar na'to. I
just hope so.

'History'

'Physical Education'

'Biology'

mukhang okay naman yung subjects...

'Semideus'...?

"Miss?! Hello ?!" napalingon ako sa likod para tignan ang babaeng tumatawag
ata.."Huh?"

"It's already your turn. Kanina ka pa nakatayo jan. Are you bingi?" naka cross arms
siya habang sinisigawan ako.

Nag "sorry" ako at nagmadaling pumunta sa studio at nagtago sa likod ng kurtina.

"Don't worry about her. She's a senior. Nandito lang siya para sa'kin" rinig ko.
Tinignan ko naman ang lalaking nasa likod ng camera na nakangiti sa'kin and I must
say ang gwapo niya..

"I'm Dio of the Alpha Class. Junior" sabay abot nya ng kamay.

"Abigail Young.. Junior?" inabot ko din ang kamay ko to shake hands at napansin ko
ang pin na suot niya.. same as mine.

"Cool. Alpha Class ka rin. I'll be hanging out with you then" he said excitedly.
"Without further due, Miss Young, please sit down on that chair and smile so I can
take your picture"

I sat down and smiled like what he said

... after a quick flash


"Done"

Tumayo ako at inayos ang skirt ko bago kunin ang ID...


"So what's your ground name?" tanong niya.

"Ground name?" may sinabi ata yung babae sa desk na ganyan...

"Your ground name is your permanent name here in the school. Once you enter Olympus
Academy, bago ka na. Literally, magbabago talaga buhay mo.. So any name you have in
mind?" explain niya.

'Cesia'

"Cesia"

"Okay.. it's Cesia then" sabi niya while typing it in the monitor.
"Congratulations Miss Abigail Young. You're now Cesia of Alpha Class and an
official student of Olympus Academy." handing me the ID with the gold sling.
Nagpasalamat ako bago lumabas sa studio at hanapin sana ang lumulutang na liwanag
para dalhin ako sa dorm room ko nang biglang nabangga ko ang babaeng sinigawan ako
kanina.
Or should I say binangga ako.. aray.

"You better not flirt with him, bitch." bulong niya at nagulat naman ako nung may
scenario na lumabas sa isipan ko...

Nakalatay ang duguan kong katawan sa sahig...


"or you'll end up like that" she said before pumasok sa studio. Napatigil nalang
ako sa nangyari.. how did she..

"Did my big sister threaten you?" I heard a girl ask me. "Sorry. happens all the
time"
Tumingala ako at tinignan ang babaeng nagsasalita... kapatid nya yun?

"Here" hinawakan niya ang kamay ko at biglang naging light ang ulo ko as I smell...
roses?

"I'm Ira of Beta Class. Junior. And the girl you just met is my sister, Mei of Beta
Class. Senior" tinignan niya ako na parang nag-aantay ng sagot.

"Abi- I mean Cesia of Alpha Class. Junior" Nagulat naman siya pagkatapos kong
sabihin yun.

"I-Im really sorry Cesia.. ugh. that girl. doesn't know who she's messing with."
dumiretso agad siya sa studio na galit..

umm.. okay?

Nakita kong lumitaw ang ball of light across the room..

"there you are.." I said with relief at sinundan ko ito palabas sa Admission Room.
Dumaan kami sa isang hallway at umakyat ng dalawang staircases sa dulo. Then again
may hallway, we went left on the corner at may nakita akong bridge.

At the end of the bridge is a door for the second floor of another building...

A wooden door with a gold plate at the top...

and the word "Alpha" engraved on it.

First Meet
May laser sa peephole ng door at iniscan ang pin at ID ko.

COOOOOLLLL.

"Welcome Lady Cesia" with a woman's formal voice, bumukas ang pinto at nag-on lahat
ng lights sa loob.. and oh wow. This isn't a room.. This is a house.

Napanganga na naman ako sa school na'to.

Sa gitna is the salas, sa right side yung kitchen at dining area, sa left, may hall
with 4 rooms on both sides. And of couse ang malaking veranda I am currently
facing..

Complete with a flatscreen TV, a fireplace, a full view of the mountains below,
etc., yung bahay namin wala lang sa bahay na'to.

Umupo ako sa malaking sofa at naalala yung bahay namin...

yung room ko...

at si auntie..

Aish. ang dali ko namang ma homesick.. wala pa ngang one day.

Inikot ko yung tingin sa buong area hanggang sa hall... 8 doors.. 8 rooms? ibig
sabihin 7 students ang titira din dito.. ako nga lang ang naunang dumating.

Lumuwag naman ang pakiramdam ko sa fact na may makakasama ako dito...


sana nga maging close kami.. hopefully.

Bumitaw ako ng isang malalim na buntong-hininga saka humiga.

Nakatingin ako sa kisame na may chandelier... ngayon ko lang din naramdaman ang
pagod sa kakahabol ng odigos na yun. Idagdag mo pa ang mga nangyari kanina...

Sa huli, bumigat na din ang mga mata ko.

Nandito ako sa isang familiar na park...

'Cesia...'

hinahanap ko ang babaeng tumatawag..

'Here... love'

at nandun nga siya nakaupo sa bench.. pero hindi ko maaninag ang mukha niya... Sino
siya?
Nabaling ang atensyon niya sa may slide at binalikan ako ng tingin...

'Go home Cesia... you're not safe here...'

Unti-unting naglaho ang park kasama siya.

"Shh. wag niyong gisingin ang Sleeping Beauty"

"Everyone shut up"

"Bro, chix"

"I already met her at the Admission Room earlier"

"Bro naman! di mo'ko nainform!"

"hmm?" sino yun?

*boogsh*

"Aray.."

"Ikaw kasi Chase ang ingay-ingay mo. Ayan tuloy nagising!" sure na talaga akong may
naririnig ako.

"I think she's awake.."

"Shhhhh!!"

Binuksan ko ang mga mata ko and directly in front of me are faces. STARING FACES.
Kaya napasigaw ako bago tumalon sa kinahihigaan ko at sila naman napaatras.

shoot. nakatulog ata ako...

"Hi ! I'm Ria." bati nung mala-fierce na babaeng...

umm...

"I-Im Ce-"

"Cesia. We saw your ID. I'm Art by the way. hihi" sabi ng kiddo sa left side ni Ria
na mukhang excited.
"Kara" at Ria's right. Ang chill lang niya habang nakapameywang.

So..... sila ba yung mga roommates ko?

"And we are... the Powerpuff Girls!" sigaw nung Art sabay nag fist pump sa ere.

"Really, Art? Really?" iritang tanong ni Kara.

"Nakarami ka ata ng PPG, Art" dagdag ni Ria.

Yumuko naman si Art at pumunta sa kitchen.. naaawa tuloy ako sa kanya.. ang cute pa
naman niya.

Narinig namin ang tunog ng telepono.


"Ako na sasagot" sabi ng isang guy saka tumakbo ng napakabilis.

Seryoso. Wala pang isang segundo nasa stand na siya. Di ko nga sya nakitang
tumakbo. Yung force lang ng hangin ang naramdaman ko.

"and that was Chase... Mabilis din ang kamay nyan kaya mag-ingat ka. Kawatan yan..
bolero.. mahilig gumala.. maingay.."

Okay... noted? sa tingin ko inis na inis tong si Ria ni Chase.


"That guy over there na kasama ni Art" turo ni Ria sa kitchen

"yan si Cal. Mukhang patay no? Humihinga pa yan don't worry. HAHA" napangiti ako
sa nakikita ko..

Nagsusumbong ata si Art sa kanya samantalang siya, dead cold ang tingin sa baso
niyang dala.

"I guess nakilala mo na si Dio. So lastly... that's Trev"


Tinignan ko si Dio na nagsalute pa sa'kin at yung Trev na nakasandal lang sa pader
at walang kibo sa nangyayari.

Lumapit sa'kin si Ria at nagtanong "So... sino ang deity parent mo? Sabi ni Dio na
may bagong student sa Alpha Class. Kaya gusto ko talagang malaman kung sinong
Olympian ang mommy/daddy mo.. sisters na kaya tayo"

huh?

"Deity Parent?" may ganun ba?

"You know. Yung parent mo na God or Goddess from Greece.." she pointed out.

wait naalala ko yan sa dati kong school...

Yes. Greek Mythology ata.

Olympian na parent? Okay. Firstly, wala naman akong parents. Lastly, anong ibig
niyang sabihin na Olympian?

"wala akong parents. Patay na sila. Si auntie lang nagpalaki sa'kin" batid ko.

Nagkatinginan naman silang lahat except ni Trev. "I guess she doesn't know
anything... yet" Dio sighed.. umm.. may kailangan ba akong malaman?

"You see, lahat ng students dito ay offsprings ng mortals at gods...Pati ikaw.


We're sort of like.. demi-gods"

you're kidding. High ba tong mga 'to?

"Here..." Ria rolled her sleeves and with a flick of her wrist, may vine na
gumapang sa braso niya't umikot sa kamay niya saka naging isang matulis na espada.
"Ria of Alpha. Daughter of Ares, the God of War at your service" sabay point ng
sword niya sa direksyon ko..

namamalik-mata na ata ako.

Holy. THIS GIRL IS DANGEROUS.

Nakita ko namang nag reverse yung sword at nawala kaya binalik niya yung sleeves
niya.. I exhaled out of relief.

"So yun nga.. ikaw? ano abilities mo?" tanong niya sa'kin.

"W-Wala.." Mukhang ang layo naman mangyari sa'kin yun. Wala akong parents and Gods?
akala ko nga di sila nage-exist eh demi-gods pa kaya. Tas ako pa?

"Guys.." lumingon kaming lahat ni Chase na pababa pa lang ng telepono.


"Claiming Ceremony will start in 9 mins... look presentable daw" and with a flash,
pumunta na siya sa room niya which is the first one on the left.

"Well Cesia, malalaman mo na kung sino and ano ka in 9 mins" sabi ni Ria atsaka nag
wink sa'kin bago tumayo at tumungo sa room niya.

Nagsipuntahan na rin ang iba sa kani-kanilang kwarto...

"Ba't nagmamadali ata yung mga Deities?" narinig kong tanong ni Art.
"We don't know and we'll find it out soon.." sagot naman ni Kara.

Sinundan ko sila ng tingin hanggang sa nakapasok na silang lahat sa rooms nila..

I guess I'm left with the last one sa right. Kinuha ko na yung back pack ko at
pumunta sa kwarto...

Pagbukas ko, automatic nag on yung lights at air condition. Ang spacious din ng
kwarto at nakapatong na sa King Size Bed yung maroon na kahon.

Humiga ako sa tabi ng box at sinubukang mag isip-isip kung ano tong pinasukan ko...

Isang palasyo... lumilipad na liwanag... at mga weirdong estudyante.

"Alphas, you have 5 minutes left before the ceremony starts.." sabi ng... bahay?

Buhay ba tong tinitirhan namin? baka may sariling isip to.


I sighed.

5 minutes.. 'malalaman mo na kung sino and ano ka' ano naman ang gusto niyang
iparating?

Naghilamos na ako sa CR at nag-ayos ng uniform..

*Gggrrrrr*

di pa pala ako nakapananghalian. aish.

Humarap ulit ako sa salamin habang nagsusuklay saka tinali ng ponytail ang buhok
ko.

you'll be fine Abigail... you should be.

Claiming Ceremony
Nakarinig ako ng katok sa pinto at boses ata ni Ria.. "Cesia? tapos kana ba? Let's
go."

Lumabas naman ako at sakto ring lumabas si Trev sa room niya.. Ngayon ko lang siya
nakita ng harap-harapan.

Nakuha ang atensyon ko sa mga kamay niya... kumikinang yung palad niya at may
strokes of light na lumalabas.. parang kuryente?

Napamulsa siya at tumungo na nila Ria na nag-aantay.

"Tch"

Problema non?
Sumunod nalang ako sa kanya.

Automatic na nagbukas yung door at sinabayan ako ni Kara na lumabas.


"Claiming Ceremony is the time wherein new students are claimed by their deity
parents.. or god"

Hmm.. Claiming nga

"pero yung best part, makakatanggap ka ng grace! or should I say, allowance!


HAHAHA." tawang-tawa naman itong si Chase, not until sinapak siya ni Ria.

"Chase! mukha mo. PERA."-Ria


"Eh ikaw? yung mga weapons mong baduy. May pa kaway-kaway ka pa sa mga espada mo..
tsk"-Chase

"Gagawin talaga kitang dummy sa mga bago kong weapons"-Ria

"Oh tapos ano? Susumbong ka sa daddy mo?"- Chase

Namumula na si Ria nang may nilabas siyang malaking espada na nag-aapoy at


pinahilig ito ni Chase. Nawala naman bigla si Chase sa kinatatayuan niya na mas
kinaiinisan ni Ria.
"Hoy wag mo kong takbuhan bakla!" sigaw niya bago hinabol si Chase sa hallway...

hindi ko alam kung matatawa ba ako o kabahan para sa kanilang dalawa.

"Don't mind them"sabi naman ni Kara. Nag nod nalang ako sa kanya.

"Like what Chase said, it's also the time we receive grace from the gods. The
Ceremony happens annually. Usually the 4th week of school but I guess the council
is in a hurry."

"Ano yung grace?" tanong ko. I mean..

allowance.. ?

weapons..?

"Just watch.." kinuha niya yung kamay ko at pumasok kami sa isang napakalaking
hall. May ancient map sa taas at pumagitna ang isang napakalaking chandelier.
Meron ding 6 stone statues on both opposite walls at sa baba ay mga salitang di ko
naiintindihan. Marbled naman yung floor at gold yung chairs and tables..

Woah...

Ang grand naman..

agad tumahimik at nagsitayuan ang mga estudyante.. Dumaan kami sa isang table at sa
laking gulat ko, nag bow ang mga estudyante.. ganun din sa iba, hanggang sa
nakarating kami sa pinakadulong table kung saan nakaupo na sila Ria at Chase..

Gumaan naman ang tensyon nang bumalik ang ingay sa paligid..

"Art, ba't sila nagbow kanina?" tanong ko ni Art na nakaupo sa kaliwa ko.
"Ahh yun ba? tingnan mo yung mga pins nila.." Nagtungo ako sa sinabi niya at
tinignan ang mga pins...

silver lahat ng mga pins nila.. may letter B at C na nakalagay...

"A is for Alpha. Ang mga direct descendants of the Olympians or the major gods"
tinignan ko naman yung pins namin.. A... Alpha..

"B is for Beta. Ang mga direct descendants of the minor gods"

Ahh..

Beta.. may natatandaan ako kaya hinanap ko siya...

ayun nga.. Kumakaway si Ira sa'kin nang nakangiti kaya kumaway din ako.

"C is for Gamma. Ang mga indirect descendants.."

"Alpha ang pinakamataas na class kasi yung parents natin ang pinakamataas among the
gods. Sila rin ang nagpatayo ng school nato as a safe haven for us. Ang galing nila
no?" dagdag niya.

Nababaguhan talaga ako sa deity parent na yan. Kung totoo ang sinasabi nila, at
least alam kong buhay pa ang mama/papa ko. Pero bakit naman kailangan pa niyang
magtago. Hinintay pa talaga niyang ako yung makatuklas na deity pala siya.

Isang matandang lalaki ang tumayo sa kinauupuan niya at pumunta sa harapan namin.
"Students of Olympus Academy" nakakabingi yung boses niya.

"I am Jonah. The Head of the Council of Elders. I will be this year's Ceremony
Host. For the student whose name is called... hmm.. Starting from... the Gamma
Class," napa-gasp naman ang iba.

"please proceed here in front and willingly accept your grace." Nabalot na ang hall
ng mga palakpak at hiyaw ng mga estudyante.

Sa palagay ko nagsisimula na yung Ceremony...

"Ice of Gamma Class." tawag niya


agad namang tumakbo yung Ice sa gitna..

Biglang lumamig yung hall at natulala ako dahil nag snow sa spot niya at nag form
ang ice into a staff na hawak-hawak na niya ngayon..

"The successor of Khione's temple. Chosen by Khione, the Goddess of Ice herself !"
Pagkatapos, nag cheer ang mga kasamahan niya.

Sunod-sunod na rin ang pagtawag ng mga pangalan at sunod-sunod rin akong natulala
sa mga nakikita ko.

"Kaye of Gamma Class"


Nakatayo ang isang petite na babae sa gitna at halatang kinakabahan.. Naghintay
lang kami na may mangyari sa kanya..

Matapos ang ilang seconds, there was a burst of light on her spot kaya nasilawan
kaming lahat
Pagtingin ko ulit sa kanya, naka dress na siya ancient style at naka sandals... may
wreath din na nakalagay sa buhok niya...
pati nga siya nagulat sa nangyari.

Pumikit naman ng saglit yung Jonah bago nagsalita... "The New Oracle of Apollo, the
God of Light and the Sun!" mas marami pang sigaw ang narinig ko para sa kanya..

so bago pala siya dito katulad ko..

Tinignan ko ang pitong estudyante na kasama ko sa table, ang kalma lang nila..
sabagay, ang tagal na kaya nila dito samantalang ako, parang magkaka-heart attack
anytime.

*inhale...

*exhale...

*inhale...

*exhale...

Pagkatapos ng ilang oras, tinawag na rin si Ira....

"Ira of Beta Class"


Tumayo naman siya sa gitna... sister nga pala niya yung mataray na Mei.

Dahan-dahang naging visible ang isang malaking rose sa paanan niya. Bumuka yung
rose at inilabas ang isang pink na lyre.
"Yes! bagong lyre" bulong niya saka kinuha

"The daughter of Erato the lovely. Muse of Lyric Poetry!" nagpalakpakan naman ang
ibang estudyante...

wait.. "Muse?" tanong ko. Akala ko ba God/Goddess lang?

"The Muses.. sila ang 9 Godesses of literature and arts." sagot naman ni Kara na
nakaupo sa left side ng table.

Ahh... Goddesses din pala sila.

"and lastly... Mei of Beta Class"


naglakad naman si Mei sa gitna...

Katulad ng sister niya, may naging visible... na black glittering knife sa kamay
niya..
"Awe Mom. You're so bitterly sweet." mukhang spoiled to.

"The daughter of Melpomene. Muse of Tragedy!"

Tragedy...
that explains kung anong nangyari sa unang pagkikita namin..

sana naman nalaman ko yan bago niya ako binangga. ang unfair lang. di ako ready
nun.

"That would be all for tonight. Students, please proceed now to your dorms and
prepare yourselves for your first day in school.. except the Alphas, of course."

Nagbulong-bulungan silang lahat..


"Huh? wala bang grace yung Alpha?"

"What? gusto ko pa naman makita sila Dio at Trev.. huhu"

"Ano kaya nangyari?"

"I know right? I smell something fishy.." ilan lang yan sa naririnig ko sa hall

"I SAID PROCEED NOW TO YOUR DORMS." napatakip ako ng tenga sa kakasigaw niya.
Nag-work nga naman yung malaking boses niya kasi nagmamadaling lumabas yung mga
estudyante.

The Alphas
"Ahh.. so where were we?.. oh. right. Listen. private ang pagkakakuha ng grace
niyo" sabi nung matanda.

"Tsk.. sayang. gusto ko pa naman sanang ipakita sa buong academy ang kagwapuhan ko"
mahangin talaga tong si Chase.

Akmang sapakin na sana ni Ria si Chase kaso napigilan siya ni Kara.

"Why? does it has something to do with the urgent claiming?" sabi niya't hinigpitan
ang kamay ni Ria.

"I don't know about that.. sinabihan lang ako na privately ipasagawa ang claiming
niyo..."nakita ko ang naiiiritang mukha ni Kara pagkatapos mag 'I don't know' ni
Jonah saka binitawan ang kamay ni Ria.

"Sino?" tanong ni Chase.


"your father..." sagot naman ni Jonah

"Less of that.. let's start already. Go infront of your deity's statue.." utos niya
at sinunod naman nila.

Nasa harap ni Ria ang statue ng isang lalaki na fully armed at may dalang espada..
'Ares'

nabasa ko somehow yung nakasulat sa baba. Siya pala yung ama ni Ria.. the God of
War.

Sunod kong tinignan si Chase...


yumuko siya sa harap ng statue ng lalaki na naka winged sandals at naka helmet. may
bitbit din itong staff na may pakpak.

'Hermes'

Hermes?

Naalala ko na...
Si Hermes yung God of Speed at messenger ng 12 Olympians diba? Kaya pala parang The
Flash tong si Chase..

Sumunod naman si Kara.. tumigil siya sa harap ng statue ng babae na naka warrior
suit at may dalang shield..

'Athena'

Aha.

the Goddess of War and Wisdom. So namana pala ni Kara yung pagka-strict sa nanay
niya.

May na-realize ako...


Nakakatulong din pala minsan tong' konting kaalaman ko sa Greek Mythology kahit
sumasakit na yung ulo ko sa kakaalala.

sa kabila naman si Dio... nakayuko rin siya sa harap ng statue ng lalaking may
dalang trident..

Isa lang naman talaga ang alam kong God na may dalang malaking tinidor..

'Poseidon'. The God of the Sea.

So... kaya niyang mag manipulate ng tubig ganon?

"Hey Pa" narinig ko si Art na nagsalita kaya napatingin ako sa kanya..

Isang lalaking half naked, at may dalang scroll.

Binasa ko ang nakasulat sa baba..


'Apollo'

ang alam ko God of Prophecy at Healing siya pero sabi din kanina Light.

Baka all of the above...

Nakita ko rin si Cal na nasa harapan ng statue ng medyo may katandaan na lalaki na
nakahawak ng plain wooden staff at tinabihan ng isang asong may tatlong ulo...

'Hades'

Hades..

Aha. the God of the underworld. Kapatid ni Poseidon at... yung pinakamataas na si
Zeus.

Zeus...

May anak nga ba si Zeus dito? ang swerte siguro niya. Tatay niya God of the Sky...
at Ruler of the Universe pa.

Hinanap ko ang isang statue ng lalaking may dalang thunderbolt.

ayun nga.. at may nakaharap sa kanya...

si Trev...

*sigh*

Naiinggit na'ko sa nakikita ko. Silang lahat naka pair na sa statues... ako kaya?
Sino nga ba sa'kin? Baka umasa pa'ko. Normal lang pala ako na tao.

Lalabas na sana ako ng hall para pumunta sa dorm nang nakarinig ako ng pamilyar na
boses..
'Here... love'

huh?

Sinubukan kong i-trace yung boses niya at napatigil ako sa harap ng statue ng
babae.. mga doves lang ang nakatakip sa katawan niya at may dala siyang shell.

Who is she...

biglang nag-iba yung paligid...

naging isang malawak na garden at kahit papano gumaan ang pakiramdam ko..

lumabas ang isang babae among the meadows..

'You were so young the last time we met.. but I have been looking out for you...'
Siya nga.

siya nga yung nasa park nung bata pa ako.. pero ngayon ko lang nakita yung itsura
niya...

Matangkad siya at lumulutang yung soft locks ng brown hair niya. Yung mga mata niya
pa iba-iba ng kulay... green.... blue... brown...violet... tas kasing puti niya ang
dove na nakapatong sa balikat niya.

Sa unang tingin palang, alam mo nang dyosa siya...

'Stop it Cesia. You're flattering me' sabay tawa niya. ang sarap pakinggan ng boses
niya...

'Cesia... heavenly, my beautiful daughter' saka niya ako niyakap saglit...

Muli siyang humarap sa'kin para bigyan ako ng pinakamatamis na ngiting nakita ko...

'D-Daughter?' A-anak?

'Mmhmm..' she nodded. 'Now, you know'


Akala ko patay na yung mga magulang ko...

'Well... ' pinitas niya ang isang bulaklak at nag-bloom ito...

'your aunt is your dad's sister so we trusted her too keep you. Your dad and I...
have never been involved in an accident obviously' tumawa naman siya saka binigay
sa'kin ang bulaklak...

'You're dad.. he's.. just..' biglang nagbago yung ekspresyon niya at saka nag sigh
'gone..'

'Go now, love. Your friends are waiting' saka hinalikan ang noo ko at unti-unti
siyang naging mga butterflies na kumawala...
wait...

wala talagang lumalabas sa bibig ko maliban lang ng..

"M-mom..." lungkot at saya ang nararamdaman ko dahil sa nakita ko.

Nakatayo na ngayon ako sa tinatayuan ko kanina, sa harap ng lumiliwanag na statue..

"Cesia! Oh my God." rinig ko ang nag e-echo na sigaw ni Ria. Nakatingin lang
silang lahat sa'kin na parang.. natutulala?

Uhh.

Ba't ang weird ng pakiramdam ko... physically.

Tinignan ko ulit ang statue at nalamang ako pala yung lumiliwanag.

what.

Dala ko ang bulaklak kanina at naka dress.. ombre.. pink to violet na puno ng
glitter..

Nag-abot yung kilay ko nang nadama kong nag-iba rin yung buhok ko.. Imbes na plain
black at straight, di ko alam pero naging night blue at may soft waves na..

Tinignan ko sila at ngayon ko lang nakita yung mga bitbit nila.. gold lahat.

si Ria may hawak na malaking espada. MALAKING MALAKI.

si Kara, isang malaking shield.

si Art, may pana...

si Cal na katabi ni Art ay may tinitignan na singsing.

Kay Chase naman.. golden feather na lumulutang sa palad niya.

si Dio.. suot ang pendant na may maliit at hugis-diamond na vial. Mukhang may laman
na gold liquid.

pero si Trev walang dala....


"Cesia !" sabay takbo ni Ria sa direksyon ko tapos tinignan ako mula ulo hanggang
paa.

"I knew it.. Hoy Chase yung pustahan natin!" sigaw niya ni.
Pustahan?

Sumunod naman na pumunta sa'kin sina Kara at Art.

"Cesiaaa! iihhh" tumitili si Art kaya napa-cringe ako.


"You look.. fine" Kara remarked.

"Fine as an Olympian flower." dagdag ni Ria.

"Alphas, attention." singit ng Elder "Tomorrow's your first day. Keep that golden
things of yours. You're gonna use it during PE Class."

"Cool" sabat ni Chase

"You may now go to your respected dorm." saka siya naglaho...

•••

Nandito na kami sa dorm. Kanina pa nakapasok yung apat na boys sa kani-kanilang


kwarto maliban sa'ming girls.. maingay na nag-uusap sina Art at Ria, halatang
excited sa nangyari kanina..

"Pero Ria, si Cesia talaga ang spotlight tonight" gigil na gigil naman tong si Art.

Mukhang ako na yung pinag-uusapan nila..

"Oo nga. Cesia, ano ba talang nangyari?" tanong ni Ria sa'kin.

"Girls. Let's proceed with that tomorrow. Okay? It's almost midnight. She's tired
and so are we." awat ni Kara kaya binigyan ko siya ng thank-you look at mukhang
nakuha naman niya kaya tumayo na siya.

"Awweee...sige na nga. Goodnight Cesia...Ria..Kara..." naghikab pa si Art papunta


sa kwarto niya. Sumunod din si Ria ni Art at tumungo na sa kwarto niya..

Pumasok na rin ako sa kwarto...

Nilagay ko yung bulaklak na dala ko sa harap ng salamin saka nagbihis. Binaba ko na


rin yung maroon box sa carpet at humiga na...

Finally... rest.
Bukas na bukas sisiguraduhin kong makakapunta ako sa library para magbasa...

and with a split second... pinikit ko na rin yung mga mata ko..

First Day of Class


'Good Morning Lady Cesia'

H-Huh?

•••

shoot! Anong oras na?!

dali-dali akong bumangon at kinuha yung clock sa nightstand.

8:39 am

Inayos ko muna yung mga class necessities ko bago tumakbo palabas para mag almusal.

"whoa.. why in a hurry ?" tanong sa'kin ni Chase na nakaupo sa sofa at nanonood ng
TV katabi si Cal.

"10 am pa ang first subject natin today" sabi ni Ria na kumakain kasama ang
dalawang girls.

wait...

Natandaan ko na... first subject is History at 10:00 am.

Sadyang nasanay lang talaga ako sa school ko dati na 7:30 am nag s-start ang class.

"Here... we ordered some breakfast" tugon naman ni Kara.


Pinuntahan ko sila at napalaway sa mga pagkaing nakahanda sa lamesa..

Eggs & Bacon...

Salad...
Pancakes...

and a pitcher of Orange Juice...

Bihira lang akong nakakapag-almusal ng ganito karami. Sinenyasan ako ni Kara na


umupo sa tabi niya.. sinunod ko naman at nagsimula na ngang kumain.

•••

After kong matapos ang savory breakfast ko, tumayo si Ria at nagsalita "Okay.
Magbihis na kayo, we have one whole hour for shopping."

"Shopping?" pwede ba yun?

"Of course. Natural lang yan pag first day of school no. Kaya magbihis na kayo.
Daliii" sagot niya bago pumasok sa room.

"Yes! Makakabili na rin ako ng bagong stickers! mwahaha" at lumusot na rin si Art.

Hinintay ko si Kara na mag explain pero "Just do what she says" lang ang sinabi
niya saka tumungo na rin.

Okay.

Pumunta na ako sa room ko at dumiretso sa CR para maki-business..

Habang nag t-toothbrush, napaisip ako sa nangyari kahapon pero di tulad noon, nasa
mindset ko na na iba tong lugar na to....

...ang mga kasama ko

...at ako.

Dapat naman talaga akong mag-adapt agad para hindi ako male-left behind if ever.

Pagkatapos kong magbihis, humarap ako sa salamin at napansin ang mga mata ko..

blue... topped with longer eyelashes..

mas pumuti din ako dahil sa buhok ko...

hinipo ko yung mukha ko...


para lang akong nag make-up pero di naman ako naglalagay ng kung ano kahit powder.
'kling'

... eh? nasa'n na yung bulaklak?

kinuha ko yung golden bracelet na nakalagay sa dating pwesto ng bulaklak kagabi..


may naka side-view na figure ng swan at isang pink na gem as if mata.

'wear it' ang boses na yun... 'it suits you..'

sinuot ko yung bracelet na automatically, nag fit sa wrist ko saka lumabas.

•••

"Alam mo namang kanina ka pa nakangiti diba?" tanong ni Ria.

Papasok pa lang kami sa Campus Mall, nasa likod lang ito ng school pati yung park
nila.

"H-huh?"

"Since lumabas ka sa room mo nakangiti ka na.. may nangyari ba?" tanong niya ulit

Pa'no ba? di ko kasi mapigilan ang tuwa ko kanina na marinig ulit ang boses niya.
All this time... binabantayan nga niya ako.

"Well.. whatever happened must be good" pinat naman ni Kara yung balikat ko.

"Ate !" may tinawag si Art na babaeng may dalang box at may... pakpak? tumigil
naman sa paglipad yung babae saka nilingon si Art.
"Meron na bang bagong stock ng Powerpuff Girls na stickers?" tumatalon siya na
parang bata.

"Yes. They just arrived" sagot naman ng babae.

"Iihh ! Thank you!" nag nod naman yung babae at nagpatuloy na.

"Sige. Kita nalang tayo mamaya sa class ah? Bye!" at nawala na nga siya.

"Okay then.. I heard may latest collection ang Dior. Let's go!" alok ni Ria.

Pumasok kami sa isang boutique na puno ng mga make-up at perfumes. May mga students
din na nag t-try out ng products .

"Miss.. can we see that Special Diamond Collection they're talking about?" hingin
ni Ria sa isa sa mga associates.
"Of course. Ladies, just follow me" saka lumipad ahead of us.

Tinanong ko si kara kung ano yung lumilipad na mga babae.


"They're the aurae or the breeze nymphs.. They're assigned to work here in the
campus. You can actually see them everywhere doing their duties. The woman you met
in the lobby, is also one." sagot niya.

Ahh... okay okay... siguro di ko namalayan yung pakpak ng babaeng nasa desk kasi
hindi naman siya lumilipad..

"Here they are... freshly imported from France" sabi ng associate saka may binuksan
na glass. Napanganga lang ako sa apat na perfume na nasa loob at nakapatong sa
cushion..sa bandang taas may label na 'Diamond Collection'
"we'll take all of them." mahilig siguro tong si Ria ng perfumes.

Pagkatapos kunin ang apat na perfume, dumiretso ang associate sa counter na


sinundan namin.

•••

Nag-aantay lang kami na matapos ang cashier sa pag p-process ng mga perfumes

"Buti nalang apat, tig-iisa tayo. Akala ko kasi 5 or more..you know, baka
mahirapan pa tayong pumili." sambit ni Ria.

Ha? Akala ko ba sa kanya lahat yun.

"That would be.. one hundred and sixty thousand pesos, Ma'am" narinig kong sabi ng
cashier.

... 160 000 Pesos?!?!

kinalabit ko si Ria at lumingon naman siya sa'kin.

"Wala akong dalang pera na ganyang kalaki.." wala nga akong piso sa bulsa ko libo-
libo pa kaya?!

tinawanan niya lang ako.

Huh?

"Libre ko'to no! atsaka.. anong walang pera? lahat kaya ng mga students dito may
pera sa school account nila. Parang allowance? at isa yan sa grace na natatanggap
natin yearly." nag wink siya.
Ha? wala naman akong natanggap na pera.

Hiningi ni Ria ang ID Card ko kaya tinanggal ko ito sa case at binigay sa kanya.
"Miss, paki-check nga ng balance ng card na'to" inabot ni Ria sa cashier yung ID
ko. Nag type ng kung ano yung cashier before swiping my ID sa card reader.

"Umm... 7 million and a half Ma'am" saka sinauli ito.

"See?" tinanggap ko yung ID ko at binalik sa case.

wow.

"All ID Cards are connected to each of our Academy Bank Accounts. You can also use
it to withdraw real money using ATM's in the mortal realm" rinig kong sabi ni Kara.

oh. Mukhang handy din 'to.. Accessible kahit sa labas ng campus.

pwede kayang magpadala ng pera sa bahay?

"15 minutes before 10. Tara na sa Dorm" sabi ni Ria bitbit ang custom-made na paper
bag.

Pagkatapos kunin ang mga bags namin sa Dorm, dumiretso na kami sa class at saktong
nag ring na rin yung bell pagpasok namin. Umupo na ako sa empty seat na katabi ni
Art.

Isang class lang kaming walo.

Sandali lang at pumasok na rin ang isang babae na nasa mid 30s at may dalang libro.

"For those who don't know me yet" tumingin siya sa direksyon ko "I'll be your
history teacher this year... Just call me Madam Viola."

"we'll be tackling the usual.. Greek Mythology." puno niya.

Nagsimula na siyang mag discuss tungkol sa nangyari many millenias ago...

From Chaos the nothingness... to Gaea the earth at Uranius the sky, ang mga
magulang ng Twelve Titans na namuno after pinatay ni Cronus si Uranus.

Then.. dalawa sa Titans, sina Cronus at Rhea ang nagbigay buhay ng first six of the
major Gods..

Tinawag namang 'Olympians' ang major gods dahil nakatira silang lahat sa tuktok ng
Mt. Olympus...
Kung pano natalo ng Olympians ang mga Titans during sa war nila called
'Titanomachy' which lasted for 10 years...

and eventually, the birth of the mortals...

Tumunog na yung bell as a sign for the start of the next period.

"Next meeting, we'll discuss about your forefathers..." at lumabas na si Madam.

"PE na. Tara! sabay tayo sa training room" tumango ako ni Art at sumama sa kanya
dahil wala naman talaga akong alam kung sa'n ang location ng training room na yan.

May nadatnan kaming table sa room kung sa'n nakapatong yung golden weapons ng
kagabi.

"Sinong kumuha nito?" tanong ni Ria.

"You're welcome" sambit ni Chase na nakasandal sa table with crossed arms.


Nag-snob lang si Ria at isa-isa na nilang kinuha yung mga weapons except namin ni
Dio, Cal at Trev.

"That kind of gold is very... very rare to find..." may nag e-echo na boses.

"It can never be touched by mystical beasts.. neither demons. And if it does, the
foe's skin will burn." lumabas ang isang lalaking naka white shirt at jeans sa
isang corner ng room. "I'm Rio. Your trainer for this year" ngumiti siya saglit
tapos sumeryoso ulit.

"Now show me what you've got. Let's start with..

the both of you.. speed and war." nagtinginan naman sila Chase at Ria saka pumunta
sa center at nag gesture for attack.

"calm down... you're not gonna fight each other.." paalala niya.

"what?!" iritang response ni Ria. Mukhang gusto na gusto talaga niyang patayin sa
harap namin si Chase.

"You're gonna fight..." tinuro niya yung end of the room.


"them.."

In Action
May narinig akong growls at nagulat ako nang lumitaw ang isang pack of wolves at
kusang sumugod sa dalawa.

Anong klaseng training to?!

Agad pinaikot ni Chase yung golden feather na lumulutang sa palad niya saka ito
tinusok sa wolf na lumundag sa ere kaya tumagos yung feather sa kabilang side.
Nawala na rin yung wolf na parang bula. Kung ano ang galaw ng kamay niya, yun din
ang path ng feather. Ang talas naman pala nyan, mukha nga lang harmless. Tumatayo
tuloy balahibo ko.
Pinatagos niya muli ito sa dalawang wolves na akmang susugurin siya side by side.

"Wooohh.. parteeh!" may pa party2 pa tong si Chase ako na nga tong kinakabahan para
sa kanila.
Nawawala siya sa tinatayuan niya at nag-aappear ulit sa ibang dako ng room. Mukhang
kontrolado niya ang paglusob ng wolves.. sana nga

"Party mo mukha mo" ito namang si Ria, pinigilan ang weight ng wolf na nakapatong
sa kanya gamit ang sword niya at saka nag counteract. Tinulak niya pataas ang wolf
at tinuhog ito. Ang brutal naman ng babaeng 'to parang amazona lang. Anak nga ng
God of War.
Ang bilis din niyang umiwas sa mga atake. Pagka may wolf na lumalapit sa kanya,
agad naman niyang ipahilig ang sword sa direksyon nito.

"Hoy Chase! wag mo nga akong nakawan ng biktima." sigaw niya kay Chase.
"kasalanan ko bang mabagal ka lang?" at nagawa pa talaga nilang magtalo.

Naawa na tuloy ako sa wolves.. hindi pa nga sila naka attack, bumubuwelo na agad
sila.

After ilang minuto ng paglalaban.... at pag-aalitan, nawala na rin lahat ng lobo.

"You could've finished them off after 4 mins but you took more time arguing than
actual fighting." comment ni Sir Rio.
Bumalik si Ria at galit na inilapag ang sword niya sa table habang si Chase,
nakasandal na sa pader at humahalakhak.

"Now... Light and Dark. Go forth" he commanded.

Tama nga hinala ko, si Art ang Light at si Cal ang Dark. Pumuwesto na sila pero iba
ang formation, si Cal nasa harap and a meter away sa likod niya nakatayo si Art.

Itinaas ni Art ang pana niya at nag aim sa dulo ng wall... hinatak na niya ang
string at may lumabas na arrow made of light. Nagsilabasan na ang mga wolves saka
nag release si Art. Mukhang dumarami sila. Natamaan niya ang unang wolf na sumugod.
Then after, sumunod na rin yung iba.

Napabilib ako sa accuracy ni Art dahil every second, may natatamaan siya. Nagawa
namang iwasan ni Cal ang arrows habang nire-resist yung wolves na ma distorbo ang
nasa likuran niya. Tinatapon lang niya yung mga wolves sa iba't-ibang sulok ng
room.

hmm...

tinignan ko ng maigi kung pa'no isa-isang napatumba ni Cal ang mga lobo...
Palagi niyang ise-seize ang leeg ng mga lobo saka niya ito ihagis sa ibang
direksyon gamit lang ang right hand niya..

I get it.

Yung ring...

Yung ring ang nag pa-paralyze ng mga wolves na hinahawakan niya bago niya ito
itapon ng napakalakas. Tuwing may hinahawakan siyang leeg, nag g-glow kasi.

Out of nowhere, may lumabas na wolf sa bandang kanan ni Art at dumiretso sa kanya.
Natamaan naman yun ni Art pero bago nawala, na daplisan ng front right paw ang
pisngi niya.

"A-Aray..." mukhang may cut siya.


Lumaki yung mata ni Ria at napa gasp naman si Chase.. "oh no... bro" he mouthed.

The moment pumatak yung dugo sa sahig, lumingon si Cal sa direksyon ni Art. Bakas
sa mukha niya ang tinding galit pagkatapos makita si Art na nag whince dahil sa
sakit.

Biglang nagdilim ang dulo ng room..

Pagkaraan ng ilang segundo, lumiwanag ulit. Silang dalawa nalang ang natira na
nakatayo sa room at tinitignan ni Cal ang cut ni Art.

whoa.. nasa'n na yung mga lobo?

"Awwsss... ba't mo inubos Cal? Huhuhu.." parang bata talaga tong si Art.

"Get that checked, Cal. By the way, nice performance. I'm gonna give you bonus
points for that." ngumingiti-ngiti na naman tong Sir namin eh kanina lang
napakaserious niya.

"Let's go" tugon ni Cal kaya lumabas na rin ang dalawa..

"Wisdom and Sea" ayan. sumimangot na naman si sir.

Sumunod na si Kara at Dio. Naghanda na rin sila sa gitna at naghintay sa dadagsa.


As expected, may wolves na tumatakbo sa direksyon nila.

Gamit ang shield, hinahadlang ni Kara lahat ng wolves na sinusubukang sakmalin


siya. Ang swift ng galaw niya.. halatang pinagplanuhan niya muna para agad niyang
mapatumba. May times na siya mismo ang sasakay sa wolf para ilaslas ang dagger sa
leeg nito. Minsan di niya ginagamit ang dagger niya at mapapa-cringe nalang ako sa
cracks na naririnig ko.

Si Dio naman, nagma-manipulate sa gold liquid na laman ng pendant niya. Ginagawa


niya itong maliliit na needles at pinapa-aim sa mga wolves. Nagawa niya rin itong
mag form ng maliliit na bullets. Pag nasa original form yung liquid.. which is
scattered, tinataklob niya ito sa ulo ng wolf saka i-squeeze hanggang ma deform at
ma squish ang buong head.

ish. nago-goosebumps na talaga ako sa nakikita ko.


Eventually, naubos na nila lahat ng wolves ng walang ka effort-effort.

"I must say.. you both are skilled. But this is about team building and I can't see
any kind of 'team' here." rinig kong puna ni sir.

Ahhhh.. team building..

"How is it a team building when there's only the both of us?" tanong ni Dio.

oo nga.

"Your partner's abilities are matched with yours. You should learn how to combine
your skills to make the work faster and easier.. Speed and Stamina.. Strength and
Accuracy.. Flexibility and Coordination.. lastly, Power and Agility. You're meant
to hold a particular skill, that's why." Paglilinaw niya.

Bigla akong kinabahan.

Kung paired na sila...

ibig sabihin...

si Trev ang magiging partner ko

..at kami na ang susunod.

Okay. First of all, wala akong weapon. And lastly, hindi ako marunong magmala-
action star in real life. Ngayon ko nga lang nalaman na may training pala na ganyan
dito.

"Next... Sky and..." nooooo


'krrriiinnggg' saved by the bell!

"Oh well... prepare yourselves next meeting. Trev, lend a hand to your partner will
you..." batid ni sir.

"Let's go." nag-aya na si Ria para lumabas kasama si Kara.

"and by the way, you're free for the whole afternoon. I already asked permission sa
next teacher niyo para maka loosen up kayo sa training. Don't take it for granted"
he added.

Pagkalabas namin sa training room, nagbitaw ako ng pinakamalalim na sigh of relief.


Akala ko mamamatay na'ko sa first day ko dito.

"Don't sweat over that. Dumaan muna tayo sa clinic para kunin si Art" sabi ni Ria.

•••

Kumakain ng pretzels si Art habang nakikinig kay Ria na nagsasalaysay tungkol sa


sinabi ni sir na pairing kanina. Tumatango-tango naman siya na parang bata so I
guess naiintindihan niya.

"Ahh.... kung partner ko si Cal... sino yung partner ni Bubbles?"

I take back what I said.

Napa facepalm nalang si Ria sa tanong ni Art.

"Tara na nga lang sa dorm. O-order tayo ng lunch. Gusto ko na rin kasing mag
standby mode at manood ng TV." aya niya sa'min.

Right. Gusto ko yang idea na'yan.

The Swan
Parang anytime matutunaw na'ko sa mga titig ng mga estudyante dito sa hallway.
Lalong-lalo na sa mga babae.. kanina pa talaga ako nagdududa na may dumi sa mukha
ko.

"They're just staring at you because of your face." sambit ni Kara.

Sabi ko na nga ba.. may dumi nga sa mukha ko. nakakahiya naman.
Kinuha ko yung panyo ko at tinanong si Kara.

"the what?" ha? sabi mo kanina lang na may mali sa mukha ko


"Oh.. not because there's something on your face. It's because you've changed...
physically." dahilan niya.

"especially sa appearance.." dagdag ni Ria

"Oo nga Cesia.. gumanda ka kaya. Baka nakalimutan mo na yung nangyari kagabi" rinig
ko naman galing ni Art.

Ang obvious naman pala ng changes.. na co-conscious tuloy ako sa mukha ko..
permanent na kaya to?

"Welcome Ladies" automatic nag-open yung pinto ng dorm.. sabay kaming napaupo sa
sofa while nag-oorder si Ria sa telephone stand.

"the usual.... yes... all eight of us... uhh... yes I guess. ok.. thank you" binaba
na ni Ria ang telepono at umupo na rin sa tabi ko.

kinuha ni Art ang remote at binuksan ang TV..

"The city of townsville..."

"Art." tawag ni Kara.

"eto na nga" nilipat naman niya ang channel na may "huhuhu" pang kasama. Matanong
ko lang, may connection ba tong pagiging childish ni Art sa ama niyang God of
Light? malubha na eh.

"Ladies, your order has arrived" ang galing talaga ng bahay na'to. Marunong mag
notify ng kung ano-ano.

"Ako ang nag-order kaya kayo dapat kumuha" depensa ni Ria.. at dahil ako ang katabi
niya, ako nalang ang kukuha...

Binuksan ko ang pinto at nagpasalamat sa aurae pagkatapos niyang i-abot ang plastic
bag na may lamang lunch namin.
"You're welcome, Ma'am" sagot niya saka ko sinara at tumungo na sa kitchen para
ilapag ang mga pagkain.

carbonara..

meat kebabs..

yogurt...

tuna salad..

apples..

berries and nuts.. ang dami naman nito.

isa-isa ko silang inilagay sa mga bowls.. kumuha na din ako ng walong pairs ng
kutsara't tinidor and then walong glasses, saka inilabas ang pitcher ng iced tea at
tubig.

Ayan.. naka-arrange na lahat.

"Welcome Masters.." narinig kong bumukas yung pinto. Mukhang nandito na rin yung
boys...

Suddenly a gust of wind passed by me.

"Hmm.. yum" si Chase pala. Nakasandal na siya sa upuan at kumakain ng mansanas.

"Alright. Good thing nag-order na kayo ng lunch." sabi ni Dio na papunta dito
kasama sina Trev at Cal. Sumunod na rin ang tatlo na kanonood lang ng TV.

Nagsiupuan na kaming lahat sa table at nagsimulang maglagay ng mga pagkain sa mga


plato namin.
"I talked with my mom earlier..." sabi ni Kara habang kumukuha ng salad.

"ako rin... kaninang umaga. Ginising ako ni Dad"-Art.

"weird. papa also talked to me"-Ria

"same. I've noticed they're getting more active... why'd you think?" dugtong ni
Dio.

The whole time nag-uusap lang sila tungkol sa pagiging active ng mga Gods
samantalang ako nakikinig lang. Sa tingin ko connected din ito sa sudden claiming
na sinabi ni Kara.

"Ako na magligpit tapos nood tayo ng movies sa TV.. yung ano... ano nga pala tawag
ng mortals dun?" tanong ni Art.

"Movie Marathon" sagot ni Kara

Nagtanong din si Ria kung ano yung papanoorin namin.


"May The Matrix ako at Inception. Di ko pa napanood kaya sabay nalang nating
panoorin" sabi ni Chase. Nawala siya sa kinatatayuan niya and after some seconds
bumalik na siya dala ang dalawang DVD's.

"Well then... we can't reject that. Free naman tayo the rest of the day" Dio
shrugged.

Nagsitayuan na sila at pumunta sa sala maliban namin ni Art. Tutulungan ko na din


siyang magligpit dahil marami-rami din tong nasa table.

"eto Cesia oh." i-aabot na sana ni Art ang pinagpapatong niyang plato kaso mukhang
slippery yung kamay niya kaya bago ko natanggap ang mga plato nabitawan niya ang
mga ito.
Napahiyaw si Art na siya namang kumuha ng atensyon sa iba na papunta sa sala.

Oh my-
Pero wala kaming narinig na basag ng mga plato dahil

.... lumulutang ang mga ito.

Napansin kong nag-glow yung mata ng swan na nasa bracelet ko dahil nakataas yung
kanang kamay ko sa direksyon ng mga lumulutang na plato. May nararamdaman akong
attraction between my hand and the plates..

..na tila ako ang nag co-control ng mga plato sa ere.

"Ibalik mo sa table Ce-cesia.." narinig ko ang tensed na boses ni Art. Halatang


nagulat din siya sa nangyari. Pa'no ko naman to mababalik ?! di ko nga alam ako
pala nagpapalutang nyan.

dalian mooo Cesia. Baka mahuli ka at malaglag ng tuluyan yaaan

okay... calm down Cesia...

*inhale...

*exhale...

nakafocus ako ngayon sa mga plato at dahan-dahan kong ginalaw ang kamay ko.

shoot.

gumalaw din yung mga plato.

okay okay...

*inhale..

tinuloy ko ang paggalaw ng kamay ko


hanggang nasa ibabaw na yung mga plato sa table...

*exhale...

narinig ko ang pag 'thump' ng mga plato... sign na successful yung paglapag ko nito
sa surface. Nawala na rin yung glow sa mata ng swan.

Binigyan ko silang lahat ng what-the-fudge-just-happened look.


"your bracelet... your bracelet controlled it." putol ni Kara sa silence.

"ibig sabihin yan yung weapon niya?" tanong ni Ria


"yes... it can control the movement of physical things." sang ayon niya.
So naco-control ko yung mga bagay-bagay ganon?

"Guys.. hello? tapos na ba kayo dyan? nag-sstart na yung movie" tawag ni Chase
sa'min

"buti pa si Cesia.. kaya nyang magpalutang ng kahit ano eh ikaw feather lang
ha.ha.ha" tukso ni Ria.
"at least may napapalutang ako eh ikaw?" sabay mimic ni Chase sa tawa ni Ria.
"C'mon you two... manood nalang tayo." awat ni Dio sa dalawa.

Sumunod kami ni Art sa kanilang anim na nasa sala at siniko ako ni Art kaya
napalingon ako sa kanya.
"Thank you Cesia hihi" ngumi-ngiti pa siya. Ang sarap tuloy kurutin ang cheeks
niya.
"Ah... okay lang nabigla lang naman ako dun" sa totoo lang, hindi ko nga alam na
magagawa ko yun.
"Pero ang galing mo talaga hihi. Ang cool pa ng weapon mo" bati niya.

Hindi ko alam kung mag t-thank you ba ako dahil sa sinabi niya kaya nginitian ko
lang siya.. Umupo na ako sa gitna nila Kara at Ria dahil nagsisimula na yung movie.

•••

h-huh?

mukhang nakaidlip ako.. kinusot kusot ko yung mga mata ko bago idinilat ang mga
ito. Ilang oras kaya akong nakatulog?

Tumayo ako at tinignan ang mga kasama kong mahimbing na natutulog rin sa sofa..

ang cute naman nilang tignan..

Si Art parang bata lang na nakafetus position at may blanket na dala. Sa tabi niya
si Cal na nakacover ang braso niya sa mga mata niya. Beside them is Chase na
nakapikit, yung ulo nakalean lang sa sofa at nakatingala.. and then si Ria na
nakasandal na ngayon sa shoulder ni Kara... lastly si Dio na katulad din ni Chase
pero naka crossed-arms.

may kulang...

nasa'n kaya si Trev?

hmm... baka nasa room niya lang.

Lumabas ako sa veranda para magpahangin..

Ang ganda talaga ng view... ang lawak ng forest at may mga mountains din na
nagsisilbing divider ng orange-tinted sky and the tall trees.
Napapikit ako dahil sa maamong simoy ng hangin... ang sarap naman ng pakiramdam.
Walang mga busena ng mga sasakyan, walang amoy ng usok o kung ano-anong sagabal na
meron sa syudad.

just... plain... perfect.

Feel na feel ko pa rin yung perfect na surrounding ko nang may narinig akong
boses...
"beautiful isn't it...?" ang husky ng voice niya na parang kakagising lang.
Tinignan ko siya at mukhang tama nga yung guess ko dahil magulo-gulo pa yung buhok
niya.

"yeah... ang ganda talaga ng view" binalik ko ang tingin ko sa landscape na nasa
harap ko. He murmured something na hindi ko narinig ng maayos.

Pinagmasdan ko nalang yung horizon nang narinig ko ulit yung boses niya...

Her Daughter
Haaayyy...

ang tagal naman ng susunod na teacher namin. Di kaya siya absent?

Pinaikot ko sa ere ang ballpen ko na kanina ko pa pinaglalaruan habang naghihintay


sa subject teacher namin.

"Mukhang nasasanay kana ahh. Hihi" sambit ni Art na katabi ko ng seat.

"Nagsasanay pa nga lang eh" kagabi pa ako nag p-practice gamitin ang weapon ko..
after many tries, nakuha ko nang ma control ang mga gamit ko tulad ng unan,
notebooks at books. Napag-alaman ko ring mas mahirap kontrolin ang mga mas
mabibigat na bagay.

"Mabuti nga at madali kang naka-adapt sa weapon mo. Who knows? baka may bad guy na
sasalubong sa'tin anytime. Pero malabo namang mangyari yun. Hihi" sabi niya.

bad guy?

"I'm sorry I'm late Alphas. I had some business to attend to." Pumasok ang isang
lalaking nasa mid-20's pa at naka white shirt at jeans lang.

"I'm Glen. Your semideus handler for this year." hanggang ngayon di ko pa talaga
alam kung ano ang 'semideus' nayan. Nakalimutan ko kasing pumunta sa library. Sa
susunod nalang siguro para may alam din ako tungkol sa Gods at sa school na'to.

"Well then... let's start" sabay clasp ng dalawa niyang kamay


"Semideus. from the latin words: 'semi' which means demi and 'deus' which means
God. In other words, Demigod.. half-god, half-mortal"

Ahh.. yun pala meaning nyan. okay okay

"Basically within 3 hours, I'm gonna help you enhance your particular abilities
depending on your deity so I hope you cooperate."
abilities? ang alam ko lang yung weapon ko.

may abilities nga ba ako?

"Let's proceed to the grounds. Shall we?" sabay kaming lahat na lumabas at pumunta
sa campus grounds na mas malawak pa sa field ng dati kong school.

Pa'no ba to? wala akong abilities. Kung meron man, hindi ko rin alam kung ano.
aish.

"I'm gonna have to ask each one of your deity so I can determine what you can do.
Okay?" tinanguan lang namin siya. Sasabihan ko nalang si sir mamaya...

"the first one... Ria right?" nag forward naman si Ria at nag respond "yes sir.
I'm the daughter of Ares"

tinignan niya muna si Ria ng ilang seconds bago magsalita ulit. "Hmm... summoning
weapons. What a handy ability." at may sinulat siya sa record paper niya.

"Dio of Alpha..." nag forward din si Dio nang tinawag ang pangalan niya "Son of
Poseidon, sir"

"Can control and seek water... hmm. no doubt" at nagsulat siya ulit.

"Chase..." nawala si Chase sa spot niya at bumalik na may suot na cap "Son of
Hermes, Sir Glen"

"Speed obviously" saka ni-record.

"Cal..." nag foward na rin si Cal "Son of Hades"

"I could sense that" tumawa naman siya ng marahan "can summon darkness and detect
underground premises... cool." at nagsulat ulit sa records.
"Kara.." chin-up na nagforward si Kara "the Daughter of Athena"

"hmm.. intelligent, strategical in battles.. and just like your mom, strict but
confident.. nice." at nag record na naman siya.

"Trev.." sumunod si Trev na naka poker face lang.

"hmm.. summoning energy and manipulating the weather. Powerful yet dangerous. His
son indeed" tumango-tango siya habang nagsusulat sa paper.

"Ar-" lumundag si Art sa harap bago matapos ni sir ang pangalan niya.
"Daughter of Apollo hihi."

"collects energy to create light and to heal rapidly... I guess that's why you're
very bubbly"
sabi ko na nga ba. May connection yan sa pagiging energetic niya.

"Okay then... Cesia, the new girl" shoot.

ako na pala...

"sir wala po akong abilities at kung meron man hindi ko po alam kung ano." ayan.
dineretso ko na.. di ko alam kung mahihiya ba'ko kasi hindi ako updated.. I mean,
kakaalam ko nga lang na demigod pala ako.

"Ahh... judging from your looks... you're Aphrodite's daughter, aren't you?"
tinitignan niya lang ako with a sweet smile plastered on his face.

"yes sir"

tama.. the Goddess of beauty, love and sexuality ang deity parent ko.

"And you think you don't have any abilities?" tanong niya sa'kin, still with a
smile kaya nag-nod nalang ako.

"Well then..." nag whistle siya gamit ang dalawang daliri niya at biglang may
lumabas na owl na di ko alam kung saan galing at pumatong sa braso niya.
para sa'n naman yan?

"Command this owl to get something" he asked.

ha?

"just tell it to get something" he added.

"Umm... g-get something?" ano ba tong pinapagawa niya.

"Verbally or not.. order him to get something. " sabi niya

"I order you to get something..." hindi parin lumilipad yung owl.

pa'no ba to.. exercise ba to or ano ?

"hmm... command it to get something within 15 seconds or I'll kill it right on the
spot"

what?!

"s-sir.." awat ko sana pero nagsimula lang siyang magbilang..

seryoso nga siya.

"Mister Owl... kumuha ka naman ng something oh please.."

"14...13...12"

"Mister Owl kung ayaw mong mamatay sumunod ka sa'kin"

"10... 9..." hindi pa rin.

pa'no ba' tooo. kailangan ko pa bang lumuhod?! Juskopo.

order...
verbally or not...

okay focus Cesia... focus!!!

'Mister Owl... fly and get me something' utos ko sa kanya gamit ang inner voice ko.

"5... 4..."

'now.'

"3...2..."

'I said.. now!' binuhos ko na lahat ng will ko dito dahil kanina pa ako na te-
tensed sa owl na'yan.

Nakarinig ako ng ingay galing sa side ng forest bago lumipad ang owl papunta dun.

waahhh !! lumipad nga siyaaaaa

"let's wait" sabi ni sir.

Pero okay na rin kung hindi siya makakabalik para di siya patayin ni sir...

but after ilang seconds, nakita ko si Mister Owl galing sa forest na may dalang
fruit sa beak niya.

pero mas lumaki ang mga mata ko dahil sa nakita kong nakasunod sa kanya...

sa likod niya ang isa pang sandamakmak ng owls na may dalang kung ano-ano sa beaks
nila at patungo silang lahat sa direksyon namin.

"what the..." rinig kong sabi ni Chase.

"whoa." boses naman ni Ria ang narinig ko.


Nag-land silang lahat sa harap namin at isa-isang binaba sa ground ang mga dinadala
nila. May mga prutas pero mostly, mga seeds.

Pagkatapos, tumingala lang silang lahat sa'kin na para bang naghihintay ng


response...

"U-umm... thank you" saka sila nagsiliparan pabalik sa forest maliban ni Mister Owl
na lumipad sa shoulder ni Sir Glen.

"you actually commanded all the owls within this area Cesia..." sabi ni sir ng
napakaseryoso.

Hindi ko naman alam na narinig pala yun ng ibang owls. si Mister Owl lang kaya yung
sinabihan ko... I think.

"P-pero sir..." mag-eexplain na sana ako kaso bigla siyang ngumiti ng pabiro
"...and I'm impressed. I mean, it's your first time yet you overdid it." dugtong
niya.

Nagbitaw ako ng sigh of relief matapos marinig ang sinabi niya.

"Alright, everyone. Listen up." at nagsimula na nga siyang magturo ng iba't-ibang


tips and techniques para mas maging effective yung mga abilities namin... and
somehow, mag improve.

The Silent Years


"so.. ono gogowon nyo ngoyon..?" kanina pa to nagsasalita si Art kahit punong-puno
pa yung bibig niya. Nasa basement kami ng Mini-Mall kung saan matatagpuan ang food
chain ng academy para mag-lunch. Nakamove-on na din kami sa nangyari kanina.
Natural lang naman daw yun para sa mga katulad namin.

hmm.. ano nga pala gagawin ko... 3:00 pm pa kasi mag s-start ang Biology Class.

"May bibilhin pa ako mamaya. Ikaw Kara?" tanong ni Ria sa katabi niyang kumakain.
"I'm going with Art. We're helping Doctor Liv with her medicine duties." sagot
niya.

Tinanong din ako ni Ria kung may gagawin ba ako at dahil hindi ko gustong maging
sagabal sa kanila, sinabi ko nalang na pupunta ako sa library. Tutal, free time ko
naman at hindi pa'ko nakapunta dun para magbasa tungkol sa academy at sa mga Gods.
Unang natapos si Ria na kumain at tumayo na.. "Well then.. see you in class"

"Umm.. Ria, pakibili na rin ng ingredients para sa chicken curry ko. Magluluto kasi
ako mamaya para sa dinner natin.." sambit ni Art. Marunong naman pala tong magluto
si Art. Akala ko lahat ng meals nila puro ordered.
"Of course. I'll just drop it by sa Dorm" she replied.

"at... thank you din pala sa bagong perfume. Kinailangan ko talaga yun. Hihi" ang
cute talaga ni Art ngumiti. Nakakagigil.

"No worries.. ganyan kasi ako ka.. you know- generous" nag wink siya at tumungo na.

Maya maya lang, nagpaalam na rin ako sa kanilang dalawa para pumunta na sa library.
Tinuruan naman ako ni Kara kung saan ang location.

Lakad lang ako ng lakad at binalewala ang mga tingin ng iba pang mga estudyante na
nadadaanan ko. May part kasi sa'kin na mukhang naka used to na sa mga titig nila.
Pero hindi pa rin nawawala yung pagiging self-conscious ko.
Nasa left wing na ako, nakita ko ang library first thing in the left gaya ng sabi
ni Kara dahil nakabukas lang yung pinto at visible ang chairs, tables and columns
of books na nasa loob.

Ilan lang ang mga estudyanteng nakikita ko at mukhang occupied sila sa binabasa
nila dahil wala naman silang kibo sa'kin na dumadaan lang sa tabi-tabi.

haaayy

buti nalang... hinanap ko ang column na may "History" na nakasulat...

at ayun nga. Nasa dulo ito ng library katabi ng mga windows....

Pumunta ako dun at napansing halos lahat ng mga libro ay luma na na may kasama pang
mga alikabok. Sinagi ko ang mga libro na nasa shelves para maghanap ng pwede kong
basahin..tumigil ang kamay ko sa isang dark green na libro na pinamagatang
'Graeco'.

Kinuha ko ito at umupo sa pinakamalapit na table para magsimulang magbasa...


Nakasulat dito lahat ng nangyari pagkatapos ng Titanomachy. May mga pangalan din
akong di naiintindihan pero may label naman kung sino yung particular na person.

Mukhang timeline 'to ng past events.

Nag flip lang ako ng pages at may nababasa akong mga familiar events tulad ng
Trojan War at stories ng mga heroes na na-discuss na namin sa past school ko.
Minsan, tumitigil din ako sa pag flip para basahin ang mga topics na hindi ako
pamilyar...

and so... the Gods went silent.


yan lang ang nakasulat sa gitna ng last page. Akala ko last part yung creation ng
Academy.. nakakabitin naman. Para lang kasing storybook yung libro.

Matanong ko nga si Kara mamaya tungkol sa history ng Academy...

Tumayo na ako at ibinalik ang libro sa shelf nang mapansin ko ang katabi nito na
isang leathered book with gold marks. Sideways, ay ang mga katagang 'sub silentio'

Kinuha ko ito at ibinuklat.

hmm...

That's odd.. walang laman yung pages kahit isang word man lang. Pa'no naman naging
libro to kung walang content?

Napansin kong nagsitayuan na't lumabas ang mga estudyante.. I guess malapit nang
mag start ang class. Halos tatlong oras pala ang ginulgol ko sa pagbabasa.

Binalik ko ang libro sa shelf at naglakad na palabas.

•••

'Krriiinnggg'

kakaupo ko pa lang ng seat nang nag ring yung bell. Speaking about timing. Pumasok
na din ang teacher at nag-introduce sa sarili niya.
"I'm Liv.. your Biology teacher and as some of you may know, the head doctor of the
Academy." kaya pala naka lab coat siya at nakagloves. May suot din siyang
eyeglasses at ang neat tignan ng buhok niyang naka-bun.

siya pala yung tinutukoy ni Kara kanina...

Habang nagdidiscuss siya sa mga objectives ng subject, di ko napigilang tanungin si


Art tungkol sa libro.

"Art... ano nga pala ibig sabihin ng sub silentio?" pabulong kong tanong ni Art.
Nakatingin pa rin ako sa harap para di mahalatang may kinakausap.

"Nakita mo siguro yung libro no?" she whispered back.


Nag nod naman ako sa tanong niya. May alam din pala siya sa libro na yun.

"under silence ang english translation nyan... ang tawag nila jan 'The Silent
Years' yun daw yung period before tinayo ng Gods ang Academy na'to. During those
times, wala dawng nakakaalam kung ano ang ginagawa ng mga Gods. Ang creepy nga
diba? walang laman yung book." umurog ng konti si Art sa side ko.

"Ha? eh bakit may ginawa silang book para jan?" kailangan pa talaga nilang mag-
dedicate ng book para sa event na wala silang alam.

"Kaya nga. Rumours say na during those years, may unknown creatures daw na
pinapatay at kinakain ang demigods and thus, nagawa ang Academy. Sabi din ng iba na
may nangyari daw sa Olympus at nagkaroon ng saglit na division. And lastly, may
pinaghandaan daw yung mga Gods about something" bulong niya

Ang mysterious naman...

"Pero ang sabi ng staff, planning and construction lang daw yun ng school" inayos
na ni Art ang pagkakaupo niya sa seat.

May sagot naman pala sila. Baka di pa lang nila nafi-fill up yung libro..

Fair enough.

Binalik ko ang atensyon ni Doc na nag di-discuss tungkol sa mga nymphs.


"The nymphs are the divine spirits of nature. They are classified as celestial,
land, plant, and water. There are also nymphs found in the Underworld. The aurai
are an example of the celestial beings. The oreads, or the mountain nymphs belong
to the land as the Anthousai or the flower nymphs for plants. Water nymphs such as
Naiads, or freshwater nymphs are known to the mortals as 'mermaids'."

Biglang tumalon ang puso ko sa saya ng marinig na totoo pala yung mermaids.
Childhood dream ko kasi ang makakita ng isa or more like maging isa.

Oh well. this Biology Class is not bad after all....

Field Commotion
Nadatnan namin ang iba pang mga estudyante na nagmamadaling naglalakad papunta sa
field bakas sa mukha ang pagtataka at pangangamba.

"There's something wrong..." sambit ni Kara.


Biglang nag-appear sa harap namin si Chase kaya napaatras ako ng konti.

"Sa field. You guys should check it out" saka siya nawala.

May nangyari nga.

"Let's go" unang tumakbo si Trev sa hallway na agad naming sinundan.

Tumigil sila sa harap ng mga estudyanteng nagbubulungan samantalang ako hinahabol


ang hininga sa kakatakbo. Wala namang nakapansin sa pagdating namin dahil lahat
sila nakatuon ang atensyon sa gitna ng crowd.

Nacu-curious na talaga ako sa pinaguguluhan nila...

Namalayan kong nag dim ang kalangitan.. and suddenly, isang malaking dabog ng
kidlat ang nag echo sa field at ginising ang buong kaluluwa ko. Magkaka-atake na
talaga ako sa school na'to.
"Chill bro, matu-turn off yung girls sa'yo." mukhang alam ko na kung sino yung
sinabihan ni Chase.

Bumalik na rin ang liwanag sabay pagtigil ng ingay ng mga estudyante. May bumuong
aisle sa gitna ng crowd na siyang dinaanan namin.

Ngayon, nasa amin na ang atensyon ng lahat.

•••

Napatakip ako ng bibig nang nakita ko ang duguang senaryo sa harap ko. Yung mga
owls kanina.. nakalatay silang lahat at putol-putol ang mga katawan.

Hinanap ko siya... dumaan pa ako ng ilang piraso ng katawan ng ibang owls para
hanapin siya.

At nakita ko nga siya... lumuhod ako para tignan siya 'Mister Owl' buo pa rin ang
katawan niya pero puno ito ng dugo.

Naramdaman kong may humawak sa balikat ko. Si Art. "Do you mind?" umiling ako at
dahan-dahang inabot si Mister Owl sa kanya. Kinuha niya ito at dagling nagliwanag
ang kamay niyang nakapatong sa dibdib ni Mr. Owl. "Oh.. mukhang okay na siya.
Dalhin ko nalang siya sa clinic mamaya. okie?" Nag nod nalang ako sa kanya.

Tumayo na ako at pinagpag ang skirt ko nang may narinig akong hiss ng broken twigs
galing sa forest. Titignan ko na sana ito nang tinawag ako ni Ria kaya bumalik
nalang ako sa direksyon nila. Pinilit kong wag tingnan yung dismembered parts ng
mga owls habang dumadaan sa field.

"Hey.. are you okay?" tanong sa'kin ni Ria. Tumango ako at pinigilang masuka sa
eksena.

Kinakausap ng boys ang isang lalaki na naka suit at may dalang notes. May nakikita
rin akong mga school personnel na may dalang black bags at naglilinis ng area
kasama sina Art at Kara.

"Mukhang matatagalan pa sila... Sa dorm nalang natin sila hintayin." tinawag ni Ria
si Chase at nagpaalam na.

•••

A few moments later, inalis ko ang sling ng bag ko at bumagsak sa couch para maka
breathe out sa gruesome scene kanina. Tinabihan naman ako ni Ria at sabay kaming
napa-sigh.

"I'm sorry you have to see that.. wanna eat some ice cream? Trust me. Sweet foods
lang katapat nyan." nag-nod ako saka siya tumayo at pumunta sa kitchen. Kinuha ko
ang remote para buksan ang TV at inilipat sa Disney Channel. Mas gusto ko pang
manood ng Phineas & Ferb para mawala sa isipan ko ang nangyari kanina. Bumalik si
Ria sa couch dala ang isang gallon ng ice cream at binigyan ako ng kutsara.
•••

Eksaktong naubos namin ang ice cream nang narinig kong bumukas ang pinto. Tinignan
ko ang iba kong mga kasamahan na kakapasok lang at mukhang nagugutom. Ilang hours
din pala kaming nanonood at kumakain ng ice cream ni Ria.

"I'm cooking dinner!" sabay takbo ni Art sa kusina.

Umupo silang lahat sa couch maliban ni Trev at Cal na dumiretso sa kwarto nila.
Napatingin ako ni Kara na katabi ko lang at nakapikit. Siguro napagod sila sa
paglinis kanina. Sabagay, para lang namang may nag massacre sa field dahil sa baha
ng dugo.

Tumayo na ako saka pumunta sa room para mag half-bath. Isinabit ko muna ang bag ko
sa likod ng pinto at tumungo na sa banyo. Pagkatapos kong magbihis, umupo lang ako
sa tapat ng salamin habang nagsusuklay...

"Hey guys! Dinner is ready!" rinig kong sigaw ni Art.

Binaba ko na ang suklay sa lamesa at lumabas na sa kwarto. Nakita ko silang lahat


na nakabihis na rin at nakaupo sa table. Tumabi naman ako ni Ria saka inilapag ni
Art ang niluto niyang curry.

"Galing mo talagang magluto Art." unang nag scoop si Chase sa bowl followed by the
rest.

Tahimik lang kaming kumakain. Tinignan ko silang lahat na malalim ang iniisip. Ang
seryoso naman nila kung makakain. Sinusubukan kong wag silang pansinin dahil baka
mas magtensed yung atmosphere at masuffocate pa ako.

"Hey guys.. Baka nagkaroon lang ng crisis sa forest?" buti nalang at nagsalita si
Ria. Akala ko kung ano na.

"Oo nga.. baka isa pala silang kulto kaya nagkaroon ng mass suicide..." dugtong ni
Chase na agad namang sinapak ni Ria kaya napa "Aray!" siya.

Gumaan ang pakiramdam ko nang nag-iingay na naman ang dalawa. Mas mabuti na yun
kesa tahimik lang ang grupo. Nakakatakot kasi.

"Do you think it was some kind of a... threat?" tumahimik na naman ang lahat
pagkatapos magsalita ni Dio.

Threat? Sino namang magbabanta?

"Impossible. No unauthorized person can get inside the school grounds." linaw ni
Kara.

hmm... ligaw na hayop lang siguro yun.


Biglang tumayo si Trev at naglakad na papunta sa kwarto niya. Pagkatapos, ay tumayo
na rin si Cal at tinulungan si Art na magligpit ng pinagkainan.

"I guess we'll talk about it tomorrow." nginitian kami ni Dio at tumungo na sa
kwarto niya.
Sunod-sunod na ring nagsitayuan ang mga kasama ko para magpahinga.

Lumabas muna ako sa veranda... ito na talaga ang favorite spot ko dito. Kitang-kita
ang buwan at ang mga bituin na nagsisilbng ilaw sa gabi. Sumandal ako sa dulo at
tinignan ang landscape para magpalipas lang ng oras.

May nahagip akong gumagalaw sa forest. Isang shadow na unti-unting lumalayo..


Tinignan ko ito ng maigi at napagtanto kong estudyante siya dahil naka skirt siya.
Di ba niya alam na delikado ang magpaliguy-ligoy sa gabi?

Haays.

Kahit anong sitsit ko di talaga niya ako naririnig. Ayaw ko pa namang sumigaw dahil
baka makadistorbo ako ng iba.

Humahakbang na siya palayo kaya napaisip ako kung ano ang pwede kong gawin para
makuha ang atensyon niya.
And an idea suddenly sprung up into my mind... Nagawa ko na'to dati. Sana nga lang
mag work ulit.

Ipinikit ko ang mga mata ko at nag reach out sa presence niya... saka ako nag focus
sa kinaroroonan niya.

Alright.. let's do this.

'Go back.. you're going the wrong way' hindi pa rin siya bumabalik.

'Hey...' tumigil siya sa paglalakad. 'Go back...' I willed her to go back once
more nang narinig kong bumukas ang sliding glass kaya napalingon ako.
"Ilo-lock ko na sana eh. Buti nalang napansin kita.." gunita ni Art.

Binalik ko ulit ang tingin ko sa forest pero wala na siya. Ano bang ginagawa niya
sa oras na'to? Akala ko ba may curfew lahat ng students dito. Sinuri ko ng maayos
ang forest bago pumasok sa loob.

Dumiretso ako sa kwarto at nagkibit-balikat nalang sa nangyari. Sana naman narinig


niya ako.
Haay.. Di ko gustong mag overthink ng ganitong oras kaya umidlip nalang ako.

Training I
Nagising ako sa tunog ng alarm clock.

...wait

Wala namang laman ang schedule ng Alpha ngayon ah. Ba't nga ba ako nag alarm?
Kinuha ko ang clock sa nightstand at napatingin sa oras.

3:30 am ?! Ano ba trip ko at nag set ako ng alarm sa madaling-araw.

Inilapag ko ang clock sa nightstand at bumalik sa pagkakahiga. Nakatingala lang ako


sa kisame.. and then it dawned on me.

~FLASHBACK~

"Look. I don't want to be a failure in PE Class." nagsalita ulit siya kaya lumingon
ako sa kanya. Inantay ko lang matapos yung sentence niya para magkaroon ng sense
ang gusto niyang ipahiwatig.
"And you need practice." Gets ko na. Ako nga pala partner niya sa PE.

Tinignan ko lang ang naka poker face niyang mukha.. Ina-underestimate niya ba ako?

"Wag kang mag-alala. Mag t-training ako" Binigyan ko siya ng 'fighting' look na
parang bata lang. Naka poker face pa rin siya... kahit isang ngiti ng assurance
wala talaga.

"This Saturday. Meet me at the Training Room. 3:30 am" at pumasok na siya sa dorm.

Training huh...

Sa tingin ko napilitan lang siyang tulungan ako dahil utos yun ni Sir. And besides,
maaaring ako ang maging dahilan ng pagbagsak ng grades niya...

~END OF FLASHBACK~

Bumangon na ako saka pumunta sa banyo. Sinuot ko ang white tee and a pair of jeans
na naka hang sa closet. Tinali ko rin ang buhok ko in a high ponytail at nagsapatos
na. Dahan-dahan akong lumabas sa Dorm para hindi marinig ng iba ang pag alis ko.
After kong isarado ang pinto ng walang ingay, dumiretso na ako sa aking
destinasyon.

Tahimik lang ang mga hallways na dinadaanan ko tapos ang dilim-dilim pa. Para tuloy
akong nasa horror movies...
Nababaguhan lang siguro ako kasi sanay akong nakikita ang nagkalat na mga students
sa hallways.

Pero ang creepy pa rin...

Tumigil ako sa harap ng Training Room at binuksan ang malaking pinto. Naka-on lahat
ng lights at nakatayo lang siya sa gitna na naka crossed arms. Mukhang kanina pa
niya ako hinihintay. "Arrive late again and you're dead." Sabi ko na nga ba. Ang OA
naman ng lalaking to eh ilang minutes lang naman akong late. Yumuko ako at pumunta
sa gitna ng room.

"We'll start in using your weapon.." umatras siya sa far right wall at may kinuha
siyang maliliit na kunai sa bulsa niya. Don't tell me balak niyang paliparin sa'kin
yan?!
"These are dipped into the blood of a Gorgon. Come in contact with the blades, and
you'll burn." Napalunok ako sa serious reminder niya. Oh God.
Di pa ako ready magpasakabilang buhay.

Naghagis siya ng dagger na dumaan sa braso ko kaya napa wince ako sa hapdi.
Tinignan ko ang namumula kong sugat na ngayo'y dumudugo ng konti.

what the. "seryoso ka ba?!" galit kong tanong sa kanya.

Nag smirk lang siya and after a few seconds, I just found myself struggling to
dodge his throws. Kahit saang banda, tinatarget niya kaya nakatanggap din ako ng
ilang burns at scratches. Gusto ko na sanang tumigil pero tila hindi niya alam na
tao din 'tong pinapaulanan niya ng daggers. "Use your weapon, idiot." rinig kong
sabi niya. Ganito ba talaga ibig sabihin ng 'training' nila? Hindi ako nag enroll
para maging biktima ng homicide.

Pinilit kong itaas ang kamay ko towards him at nag focus sa spot niya. I calmed
myself and fixed my gaze sa mga daggers na ibinabato niya. Nagbitaw ako ng isang
malalim na buntong-hininga...

Nag-glow ang mata ng swan sa bracelet ko sabay nag slow motion ang mga daggers na
paparating sa direksyon ko. Ginamit ko ang oras na yun para i-repel sila isa-isa.

Kumunot ang noo niya at binilisan ang paghagis ng mga daggers dahilan na naging mas
alisto ako. I can clearly see the waves of motion and somehow predict where
they're heading kaya mas naging kampante rin ako. Spontaneous lang ang landas ng
mga attacks niya...

•••

I already felt my rapid heartbeat nang naubos na lahat ng daggers niya. Finally.
Tumigil na rin siya. Habang nakapameywang ay tagaktak na ang pawis ko.

Tinignan ko lang siya na naka poker face pa rin "Tomorrow. Same place, same time."
at lumabas na siya sa room. Yun lang? Pagkatapos niya akong muntik patayin yun lang
ang response niya? ang pabalikin ako sa torture chamber na'to?

aish.

Lumabas na ako at bumalik sa dorm para magpalit. Sinuot ko ang sweater ko para
walang makakita sa mga galos ko just in case. Imbes na mag breakfast, dumiretso ako
sa kama. Narinig kong may kumatok sa pinto pero naunahan na ako ng antok...

•••

Haaayy..
Nakatulog na naman ako. Umupo ako sa kama at kinusotkusot pa ang mga mata ko.
After ilang seconds ng pagtitig ko sa blank wall sa harap ko, I lazily went out of
my room para kumain.

"I think someone stayed awake the whole night." sabi ni Dio na nakaupo lang sa sofa
katabi sina Art at Chase. Binalingan ko nalang sila dahil nag we-welga na ang tiyan
ko. Nakita ko sina Kara at Ria na kakatapos lang kumain at nag-uusap. Napansin
naman nila ako. Tumigil sila sa pag-uusap at may kinuha si Ria sa Ref "Eto oh.
Brunch mo. Inilagay ko nalang sa ref. Ang tagal mo naman kasing magising." Umupo
ako sabay lapag ni Ria ng isang grilled cheese sandwich at glass of lemonade. Hindi
na ako nag hesitate na magpasalamat pa at nagsimula nang kumain.

Uminom ako ng lemonade pagkatapos maubos ang sandwich ko. Tinignan ko ang dalawa na
kanina pa nakatitig sa'kin. I gave them a puzzled look.
"Cesia.. may ginawa ka bang stressful kagabi?" tanong ni Ria. Ha?

"I mean like.. you know.. exercise... or something?" dagdag niya. Hindi naman ako
nag e-exercise tuwing gabi ah.

"Ria, have you forgotten yesterday's incident?" nagsalita si Kara.

Nag-nod lang si Ria "oh right. sorry" sabi niya. Ahh.. yung kahapon pala yung
tinutukoy nila.

So.. ano namang konek dun sa pag e-exercise ko kagabi?

Biglang pumunta sa'min si Art bakas ang pagtataka sa mukha niya. "Guys... may
itatanong lang ako.." naghintay lang kami sa idadagdag niya "Ba't ba nakakatayo si
Goofy pero si Pluto hindi? Eh pareho lang naman silang aso ah!" Haynako Art.
Nagkamot siya ng ulo na parang bata.

Tumingin si Ria sa direksyon ni Chase kaya napatingin din ako. Nakangisi lang si
Chase sa'min at nagkibit-balikat. Binigyan ako ni Ria ng 'tulungan-mo-ako' look
kaya napaisip ako ng kung ano..

"A-ano kasi... umm.. may sakit si Pluto." reason ko. Nakatingin pa rin si Art
sa'kin. Ano ba kasi. Hindi ako marunong mag handle ng ganito.

"U-umm.. kasi.. na talsikan si Goofy sa Chemical X ni Professor kaya ano.. para


siyang tao." nagliwanag naman ang mga mata niya sabay gasp. "I-Ibig sabihin..
kapatid sila ni Mojojojooo?!" binigyan ko siya ng reassuring nod.

Walang nakaligtas sa tili niya at tumakbo siya sa kanyang kwarto.


Nagsigh ako pagkatapos niyang isara ang pinto ng kwarto niya.

Malabo na talaga tong si Art...

"Gamit talaga yang boses mo. Buti nalang at may anak si Aphrodite dito.. thank the
Gods!" tugon ni Ria. Nginitian ko siya awkwardly pagkatapos ay sabay kaming
napatawa.
Bumukas yung pinto ng dorm kaya napalingon kami. Pumasok sina Cal at Trev... kasama
ang isang petite na babae?

Wait naalala ko siya... anong ginagawa niya dito?

A Threat
"Gather around." sinabihan kami ni Trev na mag gather daw kaya nagtitipon-tipon
kami sa sala. Nagtinginan kami ni Ria dahil sa sudden call. Ano kayang nangyari?

Tinawag na rin ni Cal si Art sa room niya. Nakaupo kaming girls samantalang ang
boys naka squat lang. Inilibot ko ang tingin ko sa kanila. Eto na naman. Natatakot
talaga ako sa mga kasama ko kapag naka-'on' na ang serious mode nila.

haays..

"Cal and I went to the field to investigate the incident yesterday and we didn't
find something.. rather someone and we found her unconscious." nilingon ni Trev si
Kaye na katabi ni Art. Sa pagkakatanda ko, nasa Gamma Class siya at siya ang chosen
oracle ni Apollo.

Nagsimula na siyang magkwento "As you know, I'm an oracle of Apollo.. Bago pa lang
ako dito may nararamdaman na ako sa campus. Specifically sa forest. Ewan ko lang
kung instincts ko lang ba yun or abilities ko.. which is to be able to foretell the
future... well I guess, a part of it" ang galing naman... Isang real-life
manghuhula este psychic.

"Yesterday night, I heard a call from the other side of the forest kaya sinundan ko
ito. I was in some sort of a trance.. Halfway there, nakarinig ako ng ibang boses
galing sa campus to stop and go back... I snapped out of the trance and the next
thing i saw was two people trying to wake me up." may naalala ako na scenario sa
sinabi niya kaya agad ko siyang tinanong kung nasa forest ba siya sa right wing na
tanaw lang sa dorm.

"yea..." she looked at me deeply. "How did you know?" naging suspicious ang tingin
niya sa'kin.
Ibig sabihin siya nga yung nakita kong pagala-gala na estudyante sa forest
kagabi...

"It was her who stopped you from straying. Didn't you Cesia?" napatango ako sa
sinabi ni Trev na ikinalaki ng mga mata ni Kaye.
Nasa akin na ngayon ang atensyon nilang lahat kaya kinabahan ako...
may mali ba dun?

Sinubukan ko lang naman yung abilities ko eh. Malay ko bang nasa trance pala siya.
Wala akong alam sa nangyari sa kanya guys.
Inosente ako promise.

Nakatingin pa rin sila sa'kin...

Ba't ba kasi shi-nare pa ng lalaking yan. Pwede naman niyang ibulong kang Kaye or
at least mamaya nalang niyang sabihin. Aish.

"You were saying about a vision." putol ni Trev sa katahimikan. Phew.


"Y-yes..." sagot ni Kaye kaya nasa kanya na ulit ang atensyon "W-while I was
unconscious, Nagkaroon ako ng vision kung saan pitch black lang ang nakikita ko.
May narinig akong eerie na b-boses.. sabihin ko daw sa inyo na umalis na dito
hangga't hindi p-pa huli." nakikita ko ang takot sa mga mata niya habang
nagsasalita siya. Parang anytime mag br-break down na siya..

Bigla siyang tumayo "I-I'm sorry. I gotta go." Dali-dali siyang lumabas sa dorm.
Now's my chance. Following my instincts, tumayo ako at sinundan siya. Naabutan ko
siya sa labas ng dorm at nakita kong pinapahiran niya ang mga luha niya.

"T-thank you..." ha?

"Para saan?" nginitian niya lang ako sabay sabing "Kung hindi mo ko pinigilan
kagabi di ko na alam kung saan na ako ngayon or kung may nangyari pa sa'king
masama.."

Maya maya, nasa bridge lang kami na nag-uusap tungkol sa nangyari sa kanya.
Ikinwento niya kung pano siya nakarating dito. Ngayon palang din niyang napag-
alaman ang tungkol sa school na'to at abilities niya. Akala niya normal lang yung
mga visions niya but ever since dumating siya dito, more often naco-control daw
siya ng visions niya kaya bigla na lang siyang mahihimatay or magpaliguy-ligoy kung
saan-saan. Pero mas ikinatakot daw niya ang last vision niya...

The whole time, binigyan ko siya ng sympathizing look. She was just stressed out
like me, isang araw kong pinilit na i sink-in lahat ng nangyari sa utak ko.

Di nagtagal, kinwento ko na rin ang first encounter ko sa school na'to. Tumatawa


naman siya so I guess nag wo-work yung pag co-comfort ko sa kanya.

•••
Napansin naming magha-hapon na kaya nagpaalam na siya..

"Akala ko worst day ko ngayon. Pero buti nalang nandito ka.. Salamat ulit ha? Uuna
na'ko baka kasi hinahanap na ako ng roommates ko" nag-nod naman ako sa sinabi niya.

saka ako nakarinig ng tinig 'you've done well...'

Dumiretso ako sa sala at umupo sa couch. Napadako ang tingin ko ni Trev na


nakatingin din sa'kin. Inirapan ko lang siya. Baka nakalimutan niyang muntik na
niya akong patayin kanina.

Nakikinig lang ako sa usapan nila tungkol sa posibilidad na totoo nga yung hinala
nila na threat yung nangyari kahapon...

"If so threat nga yun, eh sino naman may gawa? at bakit sa'tin lang?"ani Ria.

"Oo nga.. ang kapal naman niyang magbanta sa'tin. Ganun nalang ba ako kagwapo at
pati kayo napag-tripan?" Inaatake na naman ng topak 'tong si Chase. Sinamaan lang
siya ng tingin ni Ria.

"If this is something our parents already knew, then we can take shelter for now."-
Dio

"We'll just use the time to wait for more movements until we can determine its
reasons"-Kara

Kakarinig ko lang ng boses ni mom at wala naman siyang sinabi ayon sa nangyari.
Kung may alam siya, edi sana sinabihan niya akong mag-ingat or something... Mas
mabuti kung maghanda kami sa susunod na galaw niya para as soon as possible, may
idea na kami tungkol sa kanya.

hmmm... ba't nga ba niya kami papaalisin sa Academy?

"Kung sino man ang gumawa nun patay siya sa Forest Nymphs. mwahahaha" tawang-tawa
pa tong si Art.

"Let's just dismiss this case unless he or she starts a rampage again... tsk"
tumayo na si Trev.

"Ano sa tingin mo?" tanong ni Ria sa'kin.

"Wala talaga akong alam sa mga threats na yan eh.." hinggil ko. Baka false alarm
lang pala yun or para sa ibang tao pala. Pero sa tingin ko hindi naman
nagsinungaling si Kaye kanina. Naawa nga ako sa kanya kaya sinamahan ko siya sa
labas at kinumportable.

"Shouldn't we report this to the school?" suggest ni Dio.


"Let's just wait until the sender makes his or her moves for the second time
around" tumango naman si Dio sa sinabi ni Kara.

"Hey guys! dinner na tayo!" aya ni Art na nasa kusina.

Oh well.. Kung may gagawin na naman yang sender na yan sana mahuli na namin. Di ko
pa naman gustong makakita ulit ng massacre. Mas mabuti pa kung nag leave nalang
siya ng note. Nag abala pa talaga siyang pumatay ng maraming owls at itinapon sa
field.

Hinila na ako ni Ria patungo sa kusina para kumain.

Training II
Second day of training...

napasigh ako sa naalala ko at nag face palm.

Tumayo na ako at pinatay ang nag-iingay kong alarm clock. Dumiretso ako sa banyo
para gawin ang pang araw-araw kong ritual. Nagbihis ako ng fitted gray shirt at
skinny jeans. Tinali ko rin ang buhok ko at nag warm up muna. Then tinignan ko ang
mga pasa na nakuha ko kahapon.. Unti-unti na silang nawawala..

"WELL. Can't wait to replace them with new ones." puna ko sa harap ng salamin.

As usual, sinubukan kong wag mag-ingay kaya naka tiptoe akong lumabas sa dorm para
walang makarinig sa pag alis ko at tumungo na.

Habang naglalakad sa hallway, iniisip-isip ko ang nangyari kahapon lalong-lalo na


si Kaye.. Hindi ko alam kung bakit pagka may tao/hayop on the verge of sadness... I
can feel their pain. Sisihin ko na sana ang instincts ko when I remembered
something...

I'm an offspring of love herself. Of course I easily feel sorry. Sabi nga nila diba
'Everyone is born out of love and to love' Pero bakit naman minsan madali din akong
matakot at ma offend? haayy.. Downside nga naman oh.

Pumasok na ako sa loob ng training room and nakita ko na naman siya na nakatayo sa
gitna. Magulo-gulo pa ang buhok niya at nakadikit sa mukha niya ang kanyang
'usual' look which is obviously just a straight face. Not a hint of emotion.

"Why the hell are you still standing there?" tanong niya sa'kin. Napakurap ako bago
pumunta sa dako niya. Ang sungit naman neto. Needless to say, masungit naman talaga
siya kahit sa ibang tao.
"Are you insulting me silently woman?" tanong ulit niya na nakakunot ang noo.

"H-Ha?" Shoot. Mukhang nakahalata siya.

"tsk.. nevermind" sabi niya.

Hinanda ko na ang sarili ko sa kung anong mangyari. Baka kasi bigla na lang siyang
maghagis ng kung ano kaya mas mabuti na yung ready ako anytime no. Katulad nalang
kahapon.

Instead na umatras sa dulo, may inilabas siyang remote galing sa pocket niya.. "I
borrowed the virtual remote for our class." tinignan ko yung itinaas niyang remote.
"Once I press a button, wolves will start appearing and attack you immediately."
Ibig sabihin yan yung ginamit ni Sir Rio para magsummon ng wolves last meeting..
"But I'm only giving you one wolf at a time.. you're still weak." hmm.. okay. I'll
just try to repel each one of them.
Kakayanin ko'to.

"But you are to use your weapon only to kill. Use your abilities to control their
movements" that's not good. Pangalawang time ko pa nagana yung ability ko at hindi
pa ako nag me-mental training.

Juskopo. Naglakad siya papunta sa corner ng room. Nagdadalawang-isip na ako ngayon


kung bakit bumalik pa ako dito.The moment na may pinindot siya, agad akong
nakaramdam ng takot. May narinig akong growl sa dulo ng room kaya lumingon ako...

at eto na nga...

Tumakbo papalapit sa akin ang wolf kaya tumakbo din ako sa ibang direksyon...
Tumakbo ulit siya sa'kin kaya tumakbo din ako. Tumakbo na naman siya at syempre,
tumakbo na naman ako. So basically, naghahabulan lang kami ng wolf.

"What the hell are you doing?!" sigaw niya.

"Umiiwas malamang!" sagot ko habang nakikipagpatintero sa wolf.


Bulag ba siya?

"Fight it or I'll send another wolf." batid niya. Mukhang no choice na talaga ako
dito.

Tumigil ako sa harap ng wolf at agad nag focus sa presence niya.. Tinitignan niya
lang ako na parang easy prey.

'Alright wolf. It's between you and me' siningkitan ko siya ng mata.

Lumundag siya sa direksyon ko with his sharp claws out. 'fall' utos ko sa kanya
gamit ang inner voice ko.
Against its will, bumagsak siya sa sahig. woah. I felt adrenaline rush. Napabagsak
ko talaga siya... with just one word.

Bumalik siya sa pagkakatayo at umiling-iling. Obviously, galit na galit siya ngayon


dahil nakatutok lang siya sa'kin habang umiikot. Lumusob siya ng napakabilis but
this time, nakataas na ang kamay ko sa direksyon niya at a few inches away from my
hand, narinig kong nag crack ang neck niya kaya napapikit ako at napalingon
sideways... ish.

Pagdilat ko, nawala na yung wolf kaya ibinaba ko narin ang kamay ko at tinignan si
Trev na nakasandal lang sa pader.
"Forget what I said. Here's a whole pack" sabay pindot niya ng remote.

Nakarinig ako ng growls sa dulo ng room. This guy is seriously trying to kill me.
What is wrong with him. May atraso ba ako sa kanya?

Tinignan ko ang mga galit na wolves sa backwall... Now is not the time to be pissed
off. Nagsimula na silang umatake. And this time, sabay-sabay sila.

Umiwas ako sa ilan at sinamantala ang oras para tapusin ang mga wolves na umaatake.
Ugh. Muntik na yun. Naka focus lang kasi ako sa isang wolf at biglang may tumalon
na isa pa sa direksyon ko. Nahihirapan talaga akong kontrolin sila isa-isa... unti-
unti ring sumasakit ang ulo ko.

Unless...

natandaan ko ang first time na nagamit ko ang ability ko sa field. I know this will
take a huge headache but it's worth it. Pagod na ako...

I calmed myself and opened my mind towards them. 'attack the wolves.' utos ko. May
naramdaman akong kirot sa balikat ko kaya napaatras ako. For life's sake. Ilang
times ko silang inutusan pero hindi parin kaya palagi na lang akong umiiwas. The
more I try, the more na sumasakit ang ulo ko.

Huminga ako ng napakamalalim at binalewala ang mga sugat ko na kumikirot na.

I'm so done with all of you.

Kinuyom ko ang kamao ko habang nakatingin sa nanlilisik nilang mga mata. Kulang
nalang mag super saiyan ako dito sa kinatatayuan ko. Gusto ko pang mabuhay no.

Itinago ko ang kaba ko because I know, they can smell fear. Humakbang ako sa kanila
at narinig kong lumakas yung mga ungol.
Pero wala ni isa sa kanila ang umatake."Yeah right. I'm the Alpha here." bulong ko.

Huminto ako sa paglalakad at humarap sa kanila... and with all my will left...
'KILL THE WOLVES.'
Nagsitigilan sila at sabay nag howl, pagkatapos ay inatake ang isa't-isa.

I ran out of breath and lost my balance.

Naramdaman ko ang dalawang kamay na sumalo sa'kin bago ako nawalan ng malay...
Power Limit
Kinurap-kurap ko ang mga mata ko at nag adjust dahil sa silaw ng ilaw.

Sinubukan kong gumalaw sa kinahihigaan ko.

aish. ang bigat ng katawan ko...

nasa'n nga ba ako?

Sinikap kong alalahanin ang nangyari at bakit napunta ako dito pero sadyang sumakit
ang ulo ko kaya napa flinch ako.

What happened to me...

No, what's wrong with me.

Pinilit kong ibend ang ulo ko para tignan ang katawan kong ayaw mag-cooperate.

May ilang pasa ako at bandages... "A-aray.." napahawak ako sa ulo ko at agad
binagsak ito sa unan.

"Stop stressing yourself out hon.." pumasok si Doc Liv na naka hospital gown.
Inabutan niya ako ng dalawang tablets at isang baso ng tubig.

"Take these... it'll help you."sinunod ko agad siya and after ilang segundo, gumaan
na yung pakiramdam ko.

Kinuha niya ang baso at inilapag sa table. "Trev brought you here yesterday morning
and explained to me what happened..."

Naalala ko na...

Nasa training room ako nung nahilo ako at nawalan ng malay. Isang araw pala akong
uncoscious.

Umupo siya sa tabi ko "You see, every ability has a limit.. we call it Power Limit.
Yung ginawa mo kahapon was dangerous Cesia. You pressured your ability. As a
defensive reaction, your mind locked itself to be able to regenerate. So next time,
control yourself. Okay?" tinapik niya ako saka tumayo na " You can go out the
clinic whenever you want. You'll live. Just don't forget to stop for a rest."
nakangising sambit niya bago tuluyang lumisan.

Huminga ako ng malalim.


Power Limit...

may ganyan pala.

Napaisip ako sa wolves... naubos ko kaya silang lahat? I'll be so disappointed pag
hindi. Napunta kaya ako dito dahil sa kanila.

Well, partly dahil si Trev ang may kakagawan nito in the first place. But
pinapatawad ko na siya since siya din naman ang nagdala sa'kin dito.

Dapat lang naman no.

Nagdesisyon na akong tumayo at pumunta sa dorm para doon nalang magpahinga. Nandun
kasi yung favorite spot ko sa school.

Dumiretso lang ako sa paglalakad kahit alam kong karamihan sa mga estudyate
nakatingin sa'kin.

Nagtataka siguro sila kung bakit ganito itsura ko. Binilisan ko ang paglalakad
hanggang sa makapasok na nga ako sa dorm. Phew.

Pumunta ako sa veranda at napasinghap.

Finally.

Fresh air, warm breeze and amazing view... sapat na yan para gamutin ako.

Maya maya, narinig ko ang pag bukas ng pinto.

Nandito na ata sila...

Pumasok ako sa loob at ang unang nadatnan ko ay nagtitili na Art at Ria na patakbo
sa kinaroroonan ko para yakapin ako. Ibinaba ni Kara ang bag niya sa couch at
pumunta sa'min. Bumitaw na rin si Ria at hinawakan ang balikat ko.

"Cesia! buti nalang at nandito kana. Last visit kasi namin, natutulog ka pa."
excited niyang sabi.

"Cesia. Alam mo ba nag-aalala kami ng sobra sa'yo." nag pout si Art bitbit ang bag
niya.

"We'll give you time to change. We're heading to the mall.. If you want to"
tinanguan ko naman si Kara. "Syempre sasama ako no. Bibili din ako ng mga bagong
damit."

Nagsipuntahan na kami sa mga room namin para magbihis. Tinignan ko ang mga sugat
ko. Cool. Nawala na yung iba at walang trace na ibinilin. Bumalik lang sa dati yung
skin ko. Walang namumuong scar or anything.

Lumabas na ako at kakalabas lang din ni Trev sa room niya kaya napahinto ako sa
harap niya. Ang cold pa rin ng tingin niya.

"tsk" umalis na siya sa harapan ko. wow naman. hindi ba siya mag so-sorry?

...

...

mukhang hindi nga.

Lumabas na rin ang tatlong girls at sabay na kaming pumunta sa mall.

•••

Dala-dala ang ilang bags, nag-aya si Art na kumain dahil nagutom daw siya sa
kakahanap ng PPG Plushies.
Sumang-ayon naman kami since pagod na din kami sa kakabitbit ng mga binili namin.

Bumaba kami sa basement. Sinundan ko lang sila kahit nilagpasan na namin ang lahat
ng food chains. Saan ba nila planong kumain? sa CR?

Lumiko kami sa isang itim na hall na may red carpet. Hindi naman siguro to
papuntang CR diba? kailan ka ba makakakita ng red carpet papuntang CR.

Tumigil kami sa dulo kaya tinanong ko si Art kung bakit kami nandito. "Wait ka
lang. Kaya nga tayo pumunta sa mall para dito." sagot niya.

May pinindot-pindot si Kara at suddenly, may laser na nagscan sa mga mukha namin.

Dahil fan ako ng sci-fi movies, isa lang ang naiisip ko...

... isang "SUPERSECRET UNDERGROUND RESTAURANT THINGY! *insert fangirl tili*"

Narinig kong humagikgik ang tatlo. "Yes you're right Cesia." sabi ni Kara kaya
nanlaki ang mata ko.
Oh no. OH NO. OH NOOO.

Bumukas ang itim na pader at ibinaon ko ang mukha ko sa plastic bags dahil sa hiya.
Nagpahuli ako sa kanilang tatlo na obviously nagpupumigil tumawa.

Nakita ko ang isang table sa gitna at ang apat na boys na nakapwesto na.

Nakabaon pa rin ang mukha ko sa plastic bags habang nakaupo. Nakita ko si Kara na
kagat-kagat ang labi niya. Isinubsob ko pa ang mukha ko sa bags.

Ang lamya ko talaga...

Kumunot ang noo ng mga boys tila nagtataka kung bakit ang tahimik namin.

"what ha-" naputol ang tanong ni Dio sa biglaang pagtawa ng tatlo.


"BWAHAHAHAHAHAHA!" Di na talaga nila napigilan. Hahay.

"HAHAHA wooh. HAHAHA" may papunas-punas pa tong si Ria.

"HAHAHA what a surprise" eh si Kara nakatingala lang at nakahawak sa tiyan niya.

"Guys..." pagmamakaawa ko.


"HAHAHAHAHA!" Si Art hampas lang ng hampas sa table.

Nakatingin lang ang boys sa'min na para bang sinasapian.

Pinagtutulungan pa talaga ako ng tatlong to imbes na tulungan ako. Para lang akong
tuta na pinagtutulungan nilang tadyakan.

This is so unfair.

Pagkatapos ng ilang decades, tumigil na din sila sa kakatatawa samantalang ang


boys, speechless pa rin.

Dahan-dahang tumahan ang tatlo at sabay huminga ng malalim saka ako tinignan.

"S-Sorry.." pinilit ni Ria magmukhang 'sympathetic' pero halata namang tinatago


niya yung halakhak niya kaya binigyan ko siya ng pilit na ngiti.

Umiling-iling naman si Art "Order na tayo ng dinner. Gutom na kasi ako." Nag nod si
Kara sa alok niya.
Nag antay kaming magsalita yung boys pero nakatitig lang sila sa'min.

Problema nila?

"Is there a problem gentlemen?" tanong ni Kara kaya nagkatinginan yung boys.

"N-No. None at all." tugon ni Dio. Umayos ng upo ang boys at tinawag ang waiter.

After a few minutes, dumating na yung orders namin. Napapalibutan ng iba't-ibang


aroma ang room.
Habang kumakain, nag-uusap kami ng random topics tulad nalang ng bagong PPG
plushies ni Art at newly-released movies.

Tahimik ko lang silang pinagmasdan. Para lang silang normal na teenagers...

even if I know they're not.

PE to Admirer
THIRD PERSON'S POV

Nakasandal lang si Cesia sa desk niya habang nagdi-discuss si Mrs. Viola. Ilang
araw na rin ang lumipas at unti-unti nang nawawala ang sakit ng katawan niya. Gaya
ng sinabi ni Doc Liv, nagpahinga naman siya at binawasan ang paggamit ng ability
niya. Mukhang naka-regenerate na ang utak niya dahil hindi na ito sumasakit.

Tumunog na yung bell kaya nagsimula na siyang kabahan.

Tumayo siya at inayos ang sarili niya para sa susunod na subject. Nagsilabasan na
ang walong Alphas. Napaisip si Cesia sa maaaring mangyari sa class at huminga ng
malalim. Isa sa possibilities ang mahimatay na naman siya at ninais niyang hindi
mangyari ulit yun.

Kinalabit ni Art si Cesia "good luck!" bati nito bago pumasok sa room.

Binigyan naman ni Cesia si Art ng ngiti kahit nanginginig na yung mga tuhod niya.

Nadatnan nila si Rio na nag-aantay lang sa loob.

"Where were we? oh right." Sinenyasan niya ang dalawa na pumunta sa gitna ng room.

"Control yourself" paalala ni Cesia sa sarili niya. Binigyan siya ng malapad na


ngisi ni Ria habang naka thumbs-up. Nagnod lang siya at binalik ulit ang tingin sa
dulo ng room.
"Sa tingin ko mahihimatay na naman si Cesia" asar ni Chase na ikinainis ng katabi
niya "Ikaw ang mahihimatay pag hindi ka tatahimik jan." banta nito. Hindi na umimik
si Chase dahil pinindot na ng sir nila ang visual remote.

Lumabas ang isang pack of wolves. At sobrang dami na nila ngayon. Naging alisto si
Cesia samantalang si Trev pasimple lang na nagsummon ng lightning sa mga palad niya
since yun ang weapon na pinahiram ng ama niya.

Nagsimula ng lumusob ang mga wolves kaya itinaas na ni Cesia ang kamay niya at
nagsimulang kontrolin at itapon kung saan-saan ang mga ito. May ibang wolves na
tumungo sa direksyon ni Trev na sunod-sunod niyang hinagisan ng lightning bolts.
Naramdaman ni Cesia ang presence ng dalawang wolves sa likod ni Trev. 'Duck!' agad
namang yumuko si Trev nung tinaas ni Cesia ang kamay niya sa dalawang wolves
halfway sa ere at binagsak ng may lakas kaya narinig ng lahat ang pagkabasag ng mga
buto nito.

Habang umiiwas sa mga matatalas na claw ng ilang wolves, napansin ni Trev na


napapaligiran si Cesia kaya naghagis siya ng isang bolt sa kanya. Nakuha naman ito
ni Cesia at pinaikot ito sa wolves na nakapaligid sa kanya bago nawala ang energy
nito at tuluyang naglaho.

"Are you seeing what I'm seeing?" tanong ni Chase kaya napatango si Ria. Nakatayo
lang silang anim na walang kibo habang pinapanood ang dalawa.

They were all stunned.

"Is that Cesia?" tanong ni Dio sa mga kasamahan niya. Wala ni isa sa kanila ang
sumagot dahil nakatuon lang ang tingin nila sa babaeng nasa gitna.

"Holy Aphrodite!" Art remarked.

"No doubt that she's her daughter." dugtong ni Kara. Nakita kasi nila kung paano
gumalaw si Cesia. Dinadaan niya ang mga galaw niya gracefully. Para lang siyang
prinsesa na sumasayaw. On a different side naman si Trev, ang mga galaw niya strong
and bold.. as expected sa anak ni Zeus.

Cesia's POV

Woah. Muntik na yun ah. 'fall' ginamit ko ang short moment na nasa sahig ang wolf
para kontrolin ito.

Naramdaman ko na nagpupumiglas siya kaya tinapon ko agad ito sa ibang wolves.

Lumingon ako sa likod para tignan kung meron pa bang buhay pero wala na akong
nakikita. Narinig ko ang hiyaw ng wolf kaya napatingin ako.
May bolt na nakadiin sa tiyan niya at nawala na siya ng tuluyan.

I guess that was the last one...


Pinunasan ko ang pawis na namumuo sa noo ko. Nakaramdam ako ng saya dahil natapos
namin at hindi ako nahimatay.

Nag thumbs up ako kina Ria pero nakatitig lang siya sa'kin... silang lahat pala.
Hindi siguro nila nagustuhan yung performance namin. Bahala na.

Ayaw ko pang mamatay ng ganito kaaga. Lalayas talaga ako kapag papaulitin kami ni
sir.

"That was one epic performance!" comment ni sir. Ha? Eh akala ko ba di nila
nagustuhan yung performance namin.

"That's an A+ for you both." nakangisi niyang sabi.

Oh. OKAY! Haha. Yun naman pala. Dumiretso na si Trev kaya ako nalang ang
nagpasalamat kay sir. "You're schedule is moved again. You're dismissed now."
paalala nya sa'min.

"You were so good back there." Puri ni Kara habang naglalakad kami sa hallway.

"talaga?" tanong ko.

"I assure you.. you were." Lumapad yung ngiti ko sa sinabi niya. Kani-kanina lang
kinakabahan ako, ngayon hindi na. Buti nalang at na repay ang hardwork ko.
Pinaghirapan ko talaga na makakuha ng good points dun. I worked so hard I dropped
by the clinic.

Nasa hallway lang kami nang may lalaking humarang sa'min kaya napahinto kami. Ano
namang pakay niya at may dala-dala pa siyang bouquet?

"It's for you.." tugon niya sabay iniabot sa harap ko ang dala niya.

Hinintay kong may kukuha sa bulaklak na isa sa'min pero wala kaya napagtanto kong
para sa'kin nga'to.

Kinuha ko na yung bulaklak at nagpasalamat.

"I'm West of Beta Class. The son of Aglaea, youngest of the graces." pakilala niya
sa sarili sabay nag-bow.

"I-uhh... I'm Cesia of Alpha. Daughter of Aphrodite." ang sweet naman niya. Pero
bakit ako lang. Ang unfair naman para sa mga kasama ko.

"I hope you liked it..." tinanguan ko siya at binigyan ng sincere smile. Nakita
kong nagliwanag ang mga mata niya.

"Nice meeting you Cesia. I'll be sure to send more." kinindatan niya ako at nag
salute bago tuluyang umalis.

Umm... okay? Bahagyang tumingin ako sa unahan at nakita ang isang grupo ng girls na
masamang nakatingin sa'kin.

•••

"What the hell was that?" natatawang tanong ni Ria nang pumasok kami sa dorm.
Nagtitili pa rin si Art hanggang ngayon.

Kinuha ni Kara ang bouquet at hinugasan. "I'm putting these in a vase." paalam
niya.

"We dropped by the classroom..." narinig ko ang boses ni Dio na kakapasok lang
kasama ang ibang boys. "..and we heard Cesia has an admirer" dagdag niya.

Ang bilis naman kumalat ng mga balita dito. Ilang minutes lang ang lumipas at
dumating na sa kanila ang tungkol kanina.

"You won't believe who dared to give her flowers..." ani Ria. "the one and only
West." bunyag niya.

Nagkibit-balikat naman si Dio. "Expected it. His mom's the grace of splendor. No
doubt he's gonna court the daughter of beauty." tinignan ako ni Dio ng patukso. Ang
excited naman nila. Binigyan lang ako ng flowers court na agad.

Di ba pwedeng trip lang niyang magbigay?

The Mission
Kasama ko sila Ria, Art at Kara maghapunan dito sa academy mall.

"Cesia, kumusta na yung manliligaw mo?" Ilang times ko na bang sinabihan tong si
Ria na di ko nga siya manliligaw.

"Di ko siya manliligaw" tipid kong sagot. Natawa naman siya ng marahan.

"Eh bakit araw-araw siyang nagbibigay ng flowers at chocolates?" tanong ulit niya.
Malay ko ba kung bakit inaraw-araw niya.

"Siya kaya tanungin mo" ma suggest ko lang. Natawa na naman siya. Okay naman si
West ah kaso minsan siyang sumusulpot kung saan-saan. Mahilig siguro siya sa
jumpscares.

Iniikot-ikot ko lang yung straw ko sa slushie since tapos na naman akong kumain.
"Guys! Sa field!" biglang sumigaw ang isa sa mga students.
Nagkatinginan kaming apat sa table at sabay nagsitayuan.

"What is it this time?!" inis na tanong ni Kara habang tumatakbo kami patungong
field. Hingal na hingal kaming tumigil sa harap nila Trev na kinakausap ang isang
lalaki. Tinignan ko ang field at wala naman akong nakikita kundi malalaking pieces
of shattered glass.

Narinig kong nag gasp si Art.


"I-is that.." nagtaka ako kung bakit gulat na gulat yung tatlo "the school's
protective barrier." dugtong ni Kara.
Ako naman ang napasinghap.

"Ladies..." tinawag kami ng isang aurae at pinapunta sa office.

"Sino kaya may gawa nun?" tanong ni Art. Naghihintay lang kami ngayon sa principal
dahil pinapatawag kami.
"We don't know..." sagot ni Dio. Isang malaking news ang pagkabasag ng barrier ng
school. Ito lang naman ang nagsisilbing shield ng school from wild mythical beasts
at destructive elements. Nalaman ko lahat ng yan sa class weeks ago.

Pumasok ang isang babae na may katangkaran at nasa mid 40's na. Siya ata yung
principal.
"Have you heard of the recent event?" tumango kaming lahat. "No. Not about the
school barrier." Wala nang tumango sa'min. Pa'no ba kasi wala kaming alam sa
tinutukoy niyang 'recent' event.

"A student has been missing for the last few days..." pagbigay-alam niya.
"what?" nagtatakang tanong ni Ria. Ngayon pa lang namin nalaman ang news na yan ah.
Para lang namang walang nagyaring kung ano sa school. The past few days were just
normal. Not until today.

"Kaye of Gamma Class is currently nowhere to be found. We've been searching for her
yet we didn't find any clues of her disappearance. The council thinks the past
events are all connected with it" sabi niya.
Si Kaye nawawala?!

"Po?! Paano po nangyari yun?!" gulat na tanong ni Art. Naalala ko ang sinabi sa'kin
ni Kaye tungkol sa visions niya. No. Way.

"Calm down. We know it also has something to do with her abilities. That's why I
called the eight of you... we need your help." Umupo siya sa harap at seryoso
kaming tinignan.

"Alphas. You're on a mission."

•••

"I can't believe this." kakapasok lang namin sa dorm nang narinig ko ang reklamo ni
Ria. Pagkatapos, dumiretso na ako sa kwarto para magbalot na. Why?

simply because of our mission.

We were requested to find a mortal named 'Theosese' in the city. Makakatulong daw
siya sa paghahanap namin ni Kaye. Yung boys naman, inutusang hanapin ang isang
witch-like lady living in a remote village.

Kinuha ko ang ilang pairs of clothing at inilagay sa backpack ko. Hindi ko rin
nakalimutan na dalhin ang ID card ko dahil siguradong magagamit namin to.

Sana nga lang madaling matapos 'tong misyon namin. Needless to say, ginusto ko
naman to dahil ibig kong tulungan si Kaye. I just hope she's fine. Sabi ng council
nakidnap daw siya through trance. I believe so dahil yun din yung sabi niya sa'min.

Hmm.. paano kung nakasnap out of trance na siya at magigising nalang siya na walang
alam kung nasa'n siya at may mga halimaw or something na balak siyang saktan.

Uhh.

Ano ba 'tong iniisip ko.

Sinara ko na ang zipper ng bag and umm... ano nga ba susunod kong gawin?

Oh right. Nagbihis ako ng shirt at jeans. Tinali ko rin yung buhok ko at nagsapatos
na.

I'm currently staring at a blank wall.


Mamaya, lalabas na kami ng campus at magsisimula na ang kauna-unahang misyon ko.
Not counted yung inuutusan ako ni auntie na bumili ng suka or kung ano sa tindahan.

Seryosong mission talaga 'to...

Kinuha ko na ang backpack ko at lumabas sa room. Mukhang hindi pa sila tapos sa pag
impake kaya lumabas nalang ako sa veranda.
Huminga ako ng malalim. Nagmatyag lang ako sa scenery na nakatumbad sa harap ko.
Nakakatulong din kasi ito pag gusto kong mag relax at kumalma muna.

For the last time, tinignan ko ang scenery...

"Bye magandang view ng veranda..." malumbay kong sambit bago tuluyang pumasok sa
dorm.

Nakita ko sila sa sala na may pinag-uusapan kaya umupo ako sa dulo.

"Won't the students notice our disappearance?" tanong ni Dio.

"Yeah lalong-lalo na si West. Baka magtataka yun kung bakit nawawala ang prinsesa
niya." at nagawa pa talagang manukso ni Chase. Hahaaayy...

"The Academy have their ways..." sagot ni Kara. Oo nga. Nagawa pa nga nilang i-
conceal yung pagkawala ni Kaye.

Napadako ang tingin ko sa katabi ko na nakapikit habang nakasandal ang ulo.

Napansin ko ang matangos niyang ilong at mapupula niyang labi... Kaya pala
binansagan tong ultimate crush ng bayan. Gwapo naman siya, masungit nga lang tas
parang robot. Palagi lang naka straight face.

Kumunot yung noo niya at unti-unting bumuka yung mga mata niya.

hhmm....

Okay din naman yung mga mata niya... tas yung eyelashes niya bagay na ba- "Are you
done?" nagulat ako sa biglaan niyang tanong. shoot. Agad akong umiwas ng tingin.
Kanina pa pala siya nakatingin sa'kin. Ugh.

Seriously. How dumb can I be?

"Guys. It's time" sabi ni Chase. Agad akong tumayo at pumunta kina Ria.
"Oh. Anong nangyari sayo?" tanong ni Ria. "W-wala. Tara na nga.." aya ko.

Nadatnan namin sa labas ng gate ang dalawang sasakyan. Isa para sa girls at isa sa
boys.

Pumasok na kami sa loob. Nasa front kami ni Art. Si Art ang nasa steering wheel
dahil gusto niyang maunang mag drive. Si Chase naman ang nag d-drive sa boys. Sabay
nag take-off ang dalawang sasakyan.
Pagkatapos ng ilang minuto, nakita ko ang dalawang opposite roads. Nag-beep si Art
gayundin si Chase. In other words, nagpaalam na. Dumaan sila sa kaliwa at kami sa
kanan.

Habang nasa highway, kinumbinsi kami ni Art na matulog muna since gabi na kaya
pinikit ko na ang mata ko...

sana naman walang mangyayaring masama sa'ming lahat...

Pre-Mission
Cesia's POV

Nagising ako dahil sa silaw ng araw at tunog ng mga busena. Iminulat ko ang mga
mata ko at tinignan ang napakabusy na kalye.

Nasa syudad na nga kami...

Nilingon ko si Art na may kinakain habang nag d-drive. "Gusto mo? Nagutom kasi kami
kaya nag drive thru kami sa Jollibee." alok niya. Tumalikod ako at nakitang
kumakain din sina Ria at Kara. Inabutan nila ako ng burger at fries kaya tinanggap
ko ito at sinimulang kainin.

Tahimik lang kami hanggang huminto ang sasakyan sa harap ng isang hotel. Eto na
siguro yung sinasabi nilang four-star hotel kung saan kami mags-stay.

Naka reserba na kasi ang arrival namin.. syempre, with the help of the school.

Sa ngayon, dito muna kami mananatili until matapos namin ang aming pakay dito sa
city.

Lumabas kami dala-dala ang mga bags namin. Hinagis ni Art ang key na agad namang
nasalo ng valet. Sabay kaming pumasok at namangha nalang ako sa matingkad na
disenyo ng lobby.
Napakalaki ng area at nagkalat ang mga taong halatang mayayaman. Pumunta kami sa
counter para i-claim ang reservation namin.

"Yes.. yes.. you're assigned to Room 527" turo ng receptionist sa'min at ni-ring
yung bell sa desk. Biglang lumabas ang hotel porter tulak ang isang rolley. "Your
luggage ma'am.?"

Binigay naman namin sa kanya ang mga bitbit naming bags. May inabot na card ang
receptionist sa porter which I believe is our room key card.
Una siyang naglakad kasunod kami. Napansin kong karamihan ng mga taong nadadaanan
namin papunta sa room ay mga businessmen/businesswomen.

Sumakay kami sa elevator at lumabas sa 7th floor. Sinundan lang namin siya hanggang
tumigil siya sa tapat ng nasabing room. Dinikit niya yung card sa metal plate.
Pagkatapos naging green ang bar, binuksan niya ang pinto. Nag gesture siya na mauna
daw kami na ginawa naman namin.

Batay sa spacious living room and kitchen, masasabi kong this is a Grande Suite.
Inilapag na ng porter ang mga bags namin at ang key card sa table bago lumabas.
Dumiretso ako sa kwarto namin pagkasabi ni Kara na magpahinga muna kami bago
simulang hanapin si Theoses.

Nakahiga lang ako sa malaking kama with my arms open wide. Kumusta na kaya yung
apat? Napaisip ako sa kalagayan ng mga lalaki na nasa ibayo ng syudad. By now, nasa
village na siguro sila...

Chase's POV

"Where the hell are we?!" inis na tanong ng katabi ko na kanina pa na hi-highblood.

"Calm down bro... malapit na nga tayo eh." kahit hindi naman.

Leche talaga makapagbigay ng directions yung principal. Ang sabi makikita lang daw
AGAD namin yung Inn. Eh mag-uumaga na at wala pa akong nakikitang inn o village man
lang.

Inikot-ikot ko yung steering wheel kahit di ko alam kung saang lupalop na kami
dinadala ng sasakyan.

Nag-iisip ako ng mga paraan kung pa'no tumakas sa tatlong lalaki na siguradong
itsu-tsugi ako pag nalaman nilang kanina pa kami naliligaw nang nakakita ako ng
isang bahay. Tapos, sunod-sunod na mga kabahayan ang dinaanan namin.

Pakshet. Ang galing mo talaga Chase.

"Sabi ko nga sa inyo diba mga tol? Wag niyo kasing maliitin ang kakayahan ko."
tahimik akong nag buntong-hininga at sinunod lang ang daan.
Maya maya, nakita ko na ang Inn. Sino bang hindi makakakita eh ang laki ng 'INN' na
nakasulat sa slate.

Niliko ko na ang sasakyan para i-park ito. Nagsilabasan na rin kaming apat bitbit
ang bags namin saka pumasok. Simple lang naman yung disenyo ng Inn. Gawa lang ito
sa kahoy pero malaki-laki naman ang area at mukhang palaging pina-polish.

Pumunta si Dio sa mesa at kinausap ang isang matandang babae. Narinig kong may
tinawag ang matanda at agad lumabas ang isang batang lalaki.
"Dong, pakihatid nga sila sa kwarto nila" inabot ng matanda ang susi sa bata.

Habang naglalakad papunta sa kwarto napaisip ako...

may chix kaya dito? Masasayang lang ang kapogian ko kapag wala.

Okay din naman yung mga probinsyana or may pagka. Alam niyo na... matapang..
masipag.. maganda.. at wild..

Yung tipo ko lang.

Finding Theo
Cesia's POV

Tinignan ko si Art na seryosong nakatingin sa map. Nakasingkit ang mata niya at


nakakunot ang noo.

"Art. Tapos ka na ba diyan? Kanina ka pa nakatingin sa map." tawag ni Ria. Ilang


minuto na din kasi kami nandito sa gilid ng daan. Alam ba ni Art yung pupuntahan
namin?

"May alam ba kayong Raglem Street? Wala naman kasing Raglem Street ayon dito.."
sabay abot niya ni Kara sa likod. Kinuha naman ni Kara ang map at maiging tinignan.
"Do you think it's a hidden street?" tanong niya sa'ming tatlo.

Nagkatinginan naman kami.


Sa pagkakaalam ko, may mga secret places daw dito sa mortal realm at makikita lang
ito through enough observation.

"Cesia, you've been here for a long time. May alam ka ba na Raglem Street?" tanong
ni Ria. Wala naman akong naaalala na Raglem St. dito sa syudad. Kung meron man, edi
sana alam ko nasaan yan since ang unique ng pangalan. "Sorry pero wala. Ngayon ko
pa nga yan narinig eh" gloomy kong sagot. Nagui-guilty ako dahil dapat nga, malaki
ang maitutulong ko dahil namuhay ako dito.

"Then we don't have any choice but to find it." binalik ni Kara ang map at sumandal
sa backseat. Nag pout naman si Art at itiniklop ang map. Umayos siya ng upo saka
inistart ang sasakyan.
Whilst on the road, nag-red yung street light kaya huminto kami. Tumitingin-tingin
lang ako sa labas at napansin ang makulay na jeep na kasunod namin...

'.tS ragleM'

"Wait!" hiyaw ko kaya napatingin silang tatlo sa'kin. Tinignan ko ulit yung side
mirror. Tama nga ang nabasa ko. "U-uhh... wala akong alam na Raglem St. pero may
alam akong Melgar St." Ilang beses na akong nakapunta jan para mag-pass ng late
projects. Nandyan kasi nakatira yung dati naming adviser.

Pagkatapos ng ilang segundo ng katahimikan, sabay silang napatango. Mukhang


naintindihan na nila yung sinabi ko kanina.
"That actually makes sense..." sambit ni Kara.
"Yaaay!! Nasa'n ba yan?" natutuwang tanong ni Art. Sinabihan ko naman sila na ilang
kilometers away lang kaming lagpas sa corner ng street.

Nag kulay green na yung stoplight at nag u-turn si Art. Maya maya, lumiko kami sa
nasabing kanto.

Nagmamasid lang ako sa labas ng bintana. Yep. Same as the last time I saw it.
"Eh Raglem Street lang ang sinabi ng principal. Pa'no ba natin mahahanap ang exact
location ng Theosese na yun?" tanong ni Art.
"May alam akong nakatira dito." masigla kong sagot. Buti nalang at may naitutulong
ako dito. Akala ko kasi useless lang yung presence ko.

Tinuruan ko si Art kung saan ang bahay ng dating Prof. namin. After ilang minuto,
nasa tapat na kami ng bahay niya.

Kinakatok ko yung pinto pero wala pa ring sumasagot.

"Umm.. prof? Si Ce- Abigail po ito." Napaatras ako nang narinig ko ang pagbukas ng
pinto.
"Abigail? what are you doing here? You're supposed to be in Olympus Academy."
kumunot yung noo ko. Wait. Pa'no niya nalaman? May alam ba siya sa pagiging demi-
god ko?

Nag sigh siya at binuksan ang pinto broadly. "Come in." Pumasok naman kaming apat.
Pinaupo niya kami sa sofa at umupo siya sa tapat namin. "So.. why are you here?"
tanong niya.

I eyed him suspiciously.

Nakatira siya sa isang hidden street.

Alam niya ang tungkol sa Olympus Academy.


What's with him?

Napansin naman niyang kanina pa ako nakatingin sa kanya "Abigail look. I'm actually
the one who sent you to the Academy. I purposely dropped your grades to get you
expelled." paliwanag niya. So he's the reason why I'm here afterall. "I found out
you're one when you were able to hold my silver pen.. draped with chemicals that
only divine beings can hold." Naalala ko yung time na sinasabi niya.

Nasa eskwelahan ako noon...

~FLASHBACK~

Nasa lap ko lang ang project ko sa Chemistry. Sana naman tanggapin ito ni Prof
kahit late na...

Pagkatapos mag ring ng bell, tumayo ako at iniabot ito sa kanya with fingers
crossed at my back.
"Hmm.. good good. You're saved." I felt relief after marinig ang sinabi niya.
Pinaghirapan ko talaga yan. Phew.

Nilapag niya ang folder sa mesa kaya nalaglag yung silver pen niya na nasa edge.
Kukunin ko na sana ito nang pinigilan niya ako. "NO! Don't bother to pick it up."
Oh well. Dala ng sobrang saya dahil sa kabaitan niya, pinulot ko ang pen and handed
it to him cheerfully.
Nakatingin lang siya sa'kin na para bang nanghihinala.

Di ba niya kukunin 'to?

"You're dismissed." he grabbed the pen immediately. Eh? di ko naman yan itatakbo
ah...
"I SAID YOU'RE DISMISSED." Kinuha ko ang bag ko at dali-daling lumabas.

May nagawa ba akong masama?

~END OF FLASHBACK~

"oh." yan lang ang nasabi ko. Kaya pala after those few days, nag-iba yung trato
niya sa'kin. Sinabi niya ring siya yung nag inform ng Academy tungkol sa'kin... So
siya pala may kapakanan ng pagkaka-expell ko sa dati kong school at pagt-transfer
ko sa Academy.

"We're here to find a man named Theosese" paalala ni Kara. Muntik ko ng


nakalimutan. Nandito nga pala kami para sa misyon namin.

Mamaya nga lang siguro namin pag-uusapan yan...

Nag-abot ang kilay niya pagkatapos marinig ang sinabi ni Kara. "Excuse me?" tanong
niya. Inulit naman ni Kara ang sinabi niya at nagtataka lang siya the whole time.

"Are you crazy?" Kami naman ang nagtataka sa tanong niya. Sinong baliw? Kami?
Bakit? Mukha ba?
"What do you mean PROFESSURR?" inemphasize pa talaga ni Art ang 'professor' sa
tanong niya. Sa tingin ko, matagal na niyang hinintay na masabi ang line na yan.

"I know him. In fact, everyone knows him." oh yan naman pala. Ba't nagtanong pa
siya kung baliw ba kami.

"and he's already dead." Ano daw?

"Imposible." puna ni Ria.


"Yes and he's my deceased father." pagbigay-alam ni Prof.

Ha? Eh bakit naman kami pinapahanap ng tao na matagal na palang nakabaon sa lupa??
If so, we're heading straight to nothing.
Baliw na nga siguro kami. Oh no.

"Are you sure? We were ordered to look for him. He could help us with our mission"
batid ni Kara.
"Pardon.. but he's already gone so there's no way he could be of help." nalungkot
ako sa sinabi ni Prof.

First part ng mission at bagsak agad kami. Kung palpak ang sinimulan namin, then
hindi ko na alam kung saan patungo ang misyon na'to.

•••

"Do you think he was lying?" tanong ni Ria.


"I didn't see any signs.." sagot ni Kara.
Nasa living room lang kami at pinag-uusapan ang nangyari kanina.

Haayy... Maipagpapatuloy pa kaya namin ang misyon na'to?

Biglang nag ring yung telephone. Tumayo ako at kinuha ito.


"Ma'am, you have a call from another landline. Do you wish to speak to it.?" tanong
ng lady.
"Yes please." sagot ko.

Nag beep ng dalawang times at narinig ko ang boses ni Prof sa kabilang linya.

"See me after lunch. Still at my house. I forgot to mention something..." sabi


niya.
Pagkatapos, beeps nalang ang narinig ko kaya ibinaba ko na ang telepono.

Tumingin ako sa gawi ng tatlo.


"Girls..." tawag ko sa kanila.

Semideus
Dumiretso kami dito sa bahay ni Prof pagkatapos mag lunch. Nae-excite ako sa
sasabihin niya.

I knew our mission wouldn't end this quick. May pag-asa pa kami na ipagpatuloy ang
journey.

May kinuha siya na libro sa mala-antique shelf tas hinipan ang alikabok.
Binuksan niya ito at kinuha ang isang paper na naka insert sa page. Dahan-dahan
niya itong inabot sa'min.

"My father told me to give this when someone comes to find him..." tinignan ko yung
papel. Halatang luma na ito.

'No tree, it is said, can grow to heaven unless its roots reach down to hell.'

Nabasa ko yung mga katagang nakasulat.

Sooo...?

"It's a famous quote from Carl Jung, a philosopher." sabi niya.

Please don't tell me we have to determine what he wants it to mean.

"We have to know what it means" ani Kara. I heaved a deep sigh.

"I think this book could help you." Iniabot ni Prof sa'kin ang libro na agad kong
kinuha. May portrait na tree sa harap at tila may gold na mga bunga.

Iniscan ko ang pages.. this is full of random stuffs, I must say.

"I wouldn't mind if you'd borrow it. Just don't forget to give it back." nakangiti
niyang sabi.

Pagkatapos ng ilang hours, we decided na doon nalang sa hotel namin ipagpatuloy ang
pagsusuri.

"Thank you again Prof." tumayo na si Ria.

"My pleasure." sagot niya.

Lumisan kaming apat dala-dala ang piraso ng papel at libro.


•••

"I can't take all of these informations! waaahh!!" reklamo ni Art nang paligid-
ligid sa kama. Siya kasi ang nagbabasa ngayon sa libro. We took turns in reading
it. Kara, Ria, Art then me.

"Art. God of Knowledge ang ama mo.. quit being so lazy." sabi ni Ria na nasa harap
ng laptop. Pinahiram kasi ni Kara ang laptop niya. Kakabili lang niya nito kanina.
For research purposes, of course.

Inaayos ko lang yung mga damit namin sa cabinet. Iisa lang ang bedroom namin but
with four beds for each one of us.

"Hindi ako lazy! I want my girls back! Huhuhu." Hinagis niya ang libro at kinuha si
Bubbles. I'm talking about one of her three pillows na may mukha ng tatlong
PowerPuffs.

"Art! Hindi pa tapos ang time mo." Ria exclaimed. Nako Art wag mong pagalitin ang
anak ng God of highblood.

"No! Bleeee." tutol ni Art sabay labas ng dila.

Nag sigh lang si Ria at nilingon siya. "You study that right now!" utos niya.

"yee stedi det reyt new" ani Art at nag make-face pa.

"Stop mimicking me!" halatang naiinis na si Ria.

"Step mimicking mi!"

"Pick up the book and read!"

"Pick ep the beek end riid!"

Nakikinig lang ako sa kanila.

Haynako. etong dalawang 'to.

"Crap. Stop it! Study or else." banta ni Ria.

"Or else what?" chin-up na tanong ni Art.

"Or else. I'll force you." sagot ni Ria.

"Then make me." sumingkit ang mga mata ni Art. Gayundin si Ria.

"Waaahhh!" Sinugod ni Ria si Art na nakaupo sa kama hawak si Bubbles.


Tinuloy ko nalang ang pag a-arrange ng mga clothes namin. Sana naman andito na si
Kara para awatin ang dalawa. Nasa lobby kasi siya. Ewan ko kung anong ginagawa niya
sa baba.

Maya maya, mga tawa lang ang naririnig ko kaya tinignan ko ang dalawa.
Kinikiliti ni Ria si Art habang si Art hinahampas-hampas si Ria gamit si Blossom.

"Haha Ayahahaw ko hahaha nahaha!" tumigil naman si Ria sa pagkikiliti.

"Buti naman. Magbasa kana ja-hahaha!" Naputol ang sinabi ni Ria dahil agad na
bumangon si Art at kiniliti siya.

"No waayy!!" hiyaw ni Art.

"Okay okay! I give up!" tumakbo palabas si Art pagkatapos magsurrender ni Ria.

Narinig ko ang malalim na buntong-hininga niya "What a child." sabay pulot niya sa
libro.
"I guess turn mo na.. eto oh. Mahaba-haba pa ang babasahin mo" tinanggap ko ang
libro at nag squat sa bed ko. Ria proceeded to face the laptop again.

Sinimulan ko nang buksan ang libro para magbasa.

The first batch of pages were pretty boring. Tungkol lang naman sa History and
numerous myths. Then the next set is about all the Gods, Goddesses and Mythical
Creatures.
Binabasa ko lang yung hindi familiar na names. Uhh... Iris... Boreas.. Khione...
nymphs.. been there.

But what caught my attention is the last set of pages.

'Semideus'

Cool. Dedicated para sa'ming demigods.

'A semideus is a divine being that upholds the graces of his/her deity. They are
considered sacred for they are born with the blood of a god.'

Hmmm... Maybe that's why we were trained. To cope being half a god. Pero bakit
palagi kaming on the verge of death. Geez.

'Each demigod is gifted after his/her deity. Whether manipulation, mindset, and
other advantages. Although, these abilities could be far more dangerous for them.
Thus, the Power Limit. Wherein a physical part of a semideus locks itself to be
able to regenerate. But if not given the enough time, can cause death and supreme
divination'

Okay. I should have taken Doc Liv's words seriously. Eh sabi kasi niya normal lang
daw yun. Malay ko ba nakakamatay pala yung ginawa ko.

For the next few pages, mga stories lang at adventure ng mga demigods ang nababasa
ko. Hercules, Helen of Troy, etc.,

Impressive. Kahit minor details nakasulat. I bet mortals are eager to have this
lalong-lalo na ang mga historians.

Pinagpatuloy ko lang ang pagbabasa nang bumukas ang pinto. Si Kara pala.
"I brought supper and a good news." nakapameywang niyang sabi. "but we have to eat
first. I'm hungry... we all are." sabay labas sa room.

Tumayo naman kami ni Ria at nagkatinginan. Ano kaya yung good news na sinasabi
niya?

Dala ang libro, lalabas na sana ako para ibigay ito kay Kara nang pinigilan ako ni
Ria.

"You don't have to. Kanina pa yan na-memorize ni Kara." nagtaka ako sa sinabi niya.
Isang round palang niyang nabasa ang libro tas na memorize na agad?

"Surprising right? Well she's the daughter of wisdom so..." kinuha niya yung libro
at inilapag sa desk.

"Ako yung susunod sa kanya diba?" Nag nod ako sa tanong niya.

"Pero baka kasi ano..." baka kailangan niyang basahin ang libro for the secound
round.

"Trust me." uhhkay?

Sabay kaming lumabas sa room at nadatnan si Kara at Art sa table na tila


naghihintay.

Pagkatapos kumain, tinignan kami ni Kara na seryosong-seryoso.


"Earlier, I went to the nearest library.." ha? sabi niya nasa lobby lang siya?

"I memorized the whole book just in case it's connected to the quote." Tinignan ko
si Ria. Binigyan niya ako ng I-told-you look. Grabe. Isang libro na memorize na
agad niya. Ilang gigs kaya ang utak niya?

"I found no clue in its content... Then I realized it's just simply the tree."
Tumaas yung kilay ko. Ano namang meron sa kahoy na yun?

"It's a tree from the Garden of the Hesperides. You know? The golden apple that
caused the Trojan War?" nag gasp kaming tatlo.

Woah. Ang galing naman ng babaeng 'to.

"But rest for now. We're going to Prof first thing in the morning." saka siya
tumayo.

The Search
"Clever. I thought is was something deeper." sabi ni Prof lightly scratching his
chin pagkatapos mag-explain ni Kara.

"Do you know where we can find it?" tanong ni Ria.


Kumunot ang noo ni Prof saka siya may kinuha sa shelf. Hindi libro but a rolled
paper. Ilang millenias na kaya tong mga stuffs ni Prof nandito. Lahat kasi old-
fashioned. Wala ba siyang planong mag modernized?

Hinila niya yung string at inilapag ang isang malaking map. Parang maps ng mga
pirates lang. Tinignan ko ng maigi yung map at napansing Latin ang nakasulat.

Teka.. anong map nga ba ito?

"This is my father's map... of the world." Eh pa'no naging world yan. Malayo ang
itsura niyan sa map of the world na alam ko.

"He was quite a wanderer... This map here contains all the places. Even the secret
ones he have been in. Mortals can't see them but we can. He recorded all the places
throughout. I'll let you use this if you give the book back." demand niya.

Eh? Pero hindi pa kami tapos sa pagababasa ah...

Kinuha ni Kara ang book at agad ibinigay ni Prof.

Aish. Wag na nga. Namemorize naman lahat ni Kara yun.

"What're you gonna do with it?" tanong ni Prof.


"Find and visit the Garden of Hesperides." seryosong sagot ni Kara.

Tumawa naman si Prof.


Pero unti-unting nawala ito dahil narealize niyang seryoso ang sagot ni Kara.

"What?! It's dangerous! Are you trying to kill yourselves?!" Napasigh lang ako. We
expected this. Napag-usapan na namin to kagabi. Legend says na kung sino man ang
pumunta sa Garden of Hesperides, makakatanggap daw ng galit ni Hera, the supreme
goddess, wife of Zeus.

"It is still part of our mission.." depensa ni Kara.


"No.. no.. you don't know where you're heading... Mabuti pa't maghanap muna kayo ng
ibang clues..." kinalma niya ang sarili niya.

"It's the only one we've got and we have no time to waste..." muli siyang nagalit
sa sinabi ni Kara.
"Fine! I warned you. As soon as you go there, forget that you know me and never
show up again." Grabe naman.

"Lumayas na kayo sa pamamahay ko! You're just getting me a curse! Go out now!"
dali-dali kaming tumayo at lumabas sa bahay niya.

Nabigla ako sa padabog na pagsara ng pinto.

Umm..?

Pumasok agad kami sa sasakyan at tumungo na...

"Ang bad niya! HUHUHU" naiiyak na si Art habang nagd-drive.


"Hey.. wag kang umiyak.. baka manlabo yung paningin mo at mababangga tayo" gunita
ni Ria.

Pinalayas niya kami tas sabi pa niya wag na daw kaming magpakita. Akala ko talaga
tutulungan niya kami. I'm super disappointed.

"Obviously, he can't help us. That means we'll be doing more work for now." sabi ni
Kara habang tinitignan ang map.

Sumandal ako sa upuan at napahinga ng malalim... this is gonna be so exhausting...

Art's POV

"Sabi ng internet, it's located somewhere west... do you think it's here?"-Ria
"Maybe.. but it could be here..."-Kara

Dinig na dinig ko ang boses nila sa living room. Nasa kwarto lang kasi ako nakahiga
katabi sina Blossom, Bubbles at Buttercup.
"Bubbles... inaway ako kanina ni Professor.." Huhuhu. Tinawag pa niyang dangerous
ang garden. Hindi kaya. Ang ganda-ganda kaya nun.

"Wag kang mag smile smile jan bubbles uy!" Akala siguro nila di ko nakikita yang
mga ngiti nila. Ano ako tanga? Huhuhu.
"Gusto kong uminom ng Chemical X!" biglang may humawak sa balikat ko kaya napatayo
ako. "Waattaaa!!"

Ayy. Si Cesia lang pala.

Bumalik ako sa paghiga at pag-iyak.


"Alam mo ba.. pag uminom ka ng Chemical X, magiging pusa ka or disabled?" Hala!

"Talaga?" tumango siya.


"Katulad nila Pluto at Goofy.."

~~~daandaanduunnn~~~

"ARRTT!!" umiiyak si Kara.


"Art? Huhuhu. Nasaan ka ba?!" si Ria din.
"Meoooow! (Nandito ako! Huhu!)"
"Meeooow! (Tulungan niyo ako!)"
"K-Kara.. tanggapin nalang natin.. wala na siya!"-Ria
"Meoooow! (Nandito ako.. please! huhu)"
"I-Im s-sorry Art. Kukunin ko na sina Blossom.."-Kara
"Papalitan ka na namin... Siya na ang papalit sa'yo"-Ria

A-akala ko di niyo ako papalitan... Si princess Sara pa! Yu hab bruken my hart...

~~~daandaanduunnn~~~

"Art?"
"A-ano juk lang naman yun C-Cesia ihh.. hihi.." Hindi dapat ako mapalitan! Hindi
pwede. Subukan lang ng Sara na yan.

"Pinapunta ka ni Kara sa living room. Ano?" alok niya.


"NO!" Hindi ako tanga. Alam kong bubuhasan nila ako ng Chemical X para makuha nila
sina Blossom at mapalitan nila ako. As if!

"Art..." seryoso niyang tawag.

"Eto na nga! Huhu" bye muna Bubbles. Maya na lang.


Sabay kaming lumabas... at wala rin akong nakikitang traps. Wew. I think it's safe.

Tabi kami ni Cesia umupo. Sana sinama ko si Bubbles. Psh.

"Tulungan mo nga kami dito Art. Kinakausap mo na naman yung unan mo." Pa'no naman
yan nalaman ni Ria? *gasps* Hindi maari.. I-ibig sabihin may nag t-traydor sa'kin!
Blossom.. Bubbles.. Buttercup.. you're all under investigation.

"Art? Okay ka lang ba?" tanong ni Cesia.


"Oo..." dahil alam ko na gusto niyo na akong palitan! Tsk!

"Okay.. uhh back to where we were. How about here?"-Kara

Nakikinig lang ako sa kanila. Nabo-bored na ako dito. Gusto ko na bumalik sa


kwarto. *yawns*

sasabihin ko nalang siguro...

"Umm.. halo?" tawag ko.


"Not now Art." binalingan lang ako ni Ria.

"Hallooo?" tawag ko ulit pero sinundot-sundot ko si Ria. Ang busy kasi nila. Ba't
ba kailangan nilang maghanap? Kung magtanong nalang kaya sila sa may alam?
"what?!" haysalamat. Tumigil na ako. Baka kasi sugurin ako ulit nito.

"Ba't ba kayo naghahanap kung saan.. eh alam ko naman nasan eh" mga tanga talaga.

Ewan ko nalang.

Lumaki yung mata ng tatlo.


"WHAT?!" Halos mapatumba na ako sa kinauupuan ko. Ano ba naman to.

"Uhhuh.." duh. Dinadala kaya ako ni Dad sa Garden nung toddler pa ako.

"Where?!" Grabe. Nakakabingi naman tong si Kara.


Tinignan ko ang map... "here hihi" sa may Iberian Peninsula.

Haayy... the good old days... nung bata pa kasi ako dinadala ako ni dad sa Garden
tas sabihin pa nga niya 'You make the sun warmer Art' kumusta na kaya siya... na-
miss ko na rin yung hesperides. It's been years...

Ay?

Ba't ang tahimik netong tatlo?

Tinignan ko sila na nakatingin din pala sa'kin.

Nag face palm si Ria.

Bakit kaya palagi silang nag f-facepalm sa'kin? Ganyan nalang palagi response nila.
Sumasakit ba yung mga leeg nila?

Village Witches
Chase's POV

"Chase, did you find any footprints?" narinig ko ang boses ni Dio sa radio.
Kinuha ko ito at pinindot ang button "Wala pa bro..." tas sinabit ko ulit sa belt
ko.

Nasa bahay kami ng nasabing village witch.


Ang laki-laki kasi ng lugar kaya ayan. Hinati-hati namin ang area ng bahay. Nandito
ako sa isang malaking kwarto.

Naglibot-libot lang ako.. tsk. dust dust and more dust.

Napatingin ako sa sigarilyo na nasa wooden ash tray. Kinuha ko ito at tinignan..
this was recently used.

Bigla akong nakarinig ng kasa ng baril sa likuran. "Shit." Nabitawan ko ang


sigarilyo at napataas ng kamay.

"Sino ka?" tumalikod ako at nakita ang isang matandang babae.

"Sino Ka?!" hiyaw niya.

"I.. uhh.. a visitor?" Nakataas pa rin ang dalawang kamay ko.

Nag isip-isip ako kung pano kunin ang baril na dala niya. I took slow easy steps sa
dako niya.

"Stop son of Hermes." Tumigil ako sa paghakbang. Nanginginig yung mga kamay niya.
Hindi ko alam kung dahil ba kinakabahan siya o dahil sa katandaan niya. Ang alam ko
lang, nakatutok sa'kin ang baril na dala niya.

"Chase.. are you there?" Tumunog yung radyo. Langya naman bro. Bakit ngayon pa.

Lumingon yung matanda sa bandang kanan. "1..2..3.." rinig na rinig ko ang mahina
niyang pagbilang. Tinignan niya ulit ang gawi ko. "4.." ibinaba niya ang baril
niya.

She leaned forward. "Follow me" sinunod ko siya.

Kinuha ko ang radio "Guys.. sa baba. I think I found her" Nagcopy naman si Dio saka
ko ibinalik ang radio.

Magkatapat kaming umupo at naghintay sa tatlo ko pang kasama.

Maya maya, nagsidatingan na rin sila.


"Sit." Sinunod nila ang sinabi ng matanda at umupo sa tabi ko.
For a few seconds, tahimik lang kami.

Narinig namin ang pagbuntong-hininga niya. "The four of you. Why are you here?"
tanong niya.

"I believe you could help us... You see.." at nagsimula na ngang mag kwento si Dio
kung bakit naparito kami. Inilibot ko lang ang paningin ko sa kalooban ng bahay.
Maraming mga alikabok at halatang ilang years ng nakatayo ito. Yung mga furnitures
din pang old era.

"If it is a kidnapping that you're saying then I can't help you.. but I know
someone who can." Kakarating lang namin dito tapos papaalisin agad kami. Minsan
talaga nakakairita din ang mga inuutos ng council. So Inaccurate. Tch. Mga
matatanda nga naman.

Tumayo ang matanda at kinuha ang isang roll of thread saka ibinigay ni Dio. "Ibigay
mo to sa kanya." tinanggap naman ito ni Dio.

Nagtaka kami kung bakit hilo yung binigay niya.

Itinaas niya ang kamay niya at nagsummon ng odigos. Nagsimula nang lumipad ang
odigos kaya agad naming sinundan ito.

Bago lumabas ng bahay, nakita ko ang babae na nakangisi. Tangna. Pag nalaman kong
pinagtritripan pala kami nga matandang yan ewan ko nalang.

Nawala ang odigos sa harap ng isang bahay. Magkalaki lang sila sa unang bahay na
pinuntahan namin.

Pumasok kami at nadatnan ang isang matandang babae na nakaupo na may dalang
measuring rod. "Anong kailangan niyo?"
Antique style parin ang disenyo ng bahay. Binigay ni Dio ang thread at in-explain
sa matanda kung bakit napunta kami sa tahanan niya.

"I can't help you with your journey but I know someone who can." Binigay niya ni
Dio ang dala niyang measuring rod. Pinagtitripan na talaga kami ng mga witches na
to. "Give that to her." Nagkatinginan kami. May mali talaga dito.

Nag summon siya ng odigos na agad naming sinundan. Thread.. measuring rod...
tangna. Baka mananahi lang tong mga witches na'to tas ginawa kaming free transport
ng mga gamit nila.

Naglaho ang odigos sa harap ulit ng isang bahay. Nagkatinginan kami at tumango lang
si Trev. Pumasok kami sa bahay at nadatnan ang isang matandang babae na nakaupo.
"What do you want?" tanong niya.

I heard Dio sigh at in-explain ulit kung paano kami napunta dito.

"Trance huh? Well.." may kinuha siyang shears mula sa bulsa niya at iniabot ni Dio.
"I know someone.. give this to her." sabay summon niya ng odigos. Tangna. Hindi ko
gusto to. Sumasakit na yung mga balakang ko kakasunod sa odigos na yan.

Pakalma kaming lumabas sa bahay.

"Stop." huminto kaming lahat pagkasabi nun Trev.


"Alam mo bro.. pinaglalaruan na talaga tayo eh." Halatang-halata na.

"thread.. measuring rod... shears..." Napatigil kami sa sinabi ni Dio.

Shet !

Nagkatinginan kami at dali-daling tumakbo sa pinakaunang bahay na napuntahan namin.

Agad binuksan ni Cal ang pinto at tama nga ang inisip namin. Nakatayo ang tatlong
matatanda na nakasuot ng black robes.

"The Fates.." rinig kong bulong ni Cal.

The Moirai a.k.a. The Fates. Sila ang nag co-control ng mga buhay ng mga mortal.
Composed of three old ladies na siyang nagdedesisyon sa pagkabuhay at pagkamatay ng
mga tao.

Sa bandang kanan.. si Clotho. She spun the thread of life.

Sa gitna.. si Lachesis. She measured the thread of life allotted to each person.

Sa kaliwa.. si Atropos. She was the cutter of the thread of life.

They are destiny in form.

Kinuha ni Atropos ang shears na dala-dala ni Dio. "Thank you darling" at bumalik sa
tabi ng dalawang Moirai.

Inikot-ikot ni Clotho ang thread sa daliri niya. "We know why you're here.." tumawa
sila witch-like sa mga movies. Yung high-pitched at nakakairita.
"We cannot help you gentlemen." batid ni Lachesis.
"Di naman pala tayo matutulungan eh. Umalis na tayo dito mga bro." Bokya.
Pinaglaruan lang kami ng tatlong matatandang to. Sa gwapo kong to. Tsk.

"But..." biglang nawala yung alik-mata nila kaya all white nalang ang mga ito.

"You need to go to Arcady.. far east to regain its peace. Find a lady that's never
pleased and give her some of these..." at tuluyan na silang naglaho.
Biglang bumigat yung mga kamay ko at nakita kong bitbit ko na ang isang bag of
gold.

"Anyone knows where Arcady is?" tanong ni Dio.


"They are referring to a place that needs peace. And we have to restore it." sambit
ni Trev.

"I know one place... the complete opposite of Arcadia." sagot ni Cal "overpowered
by a cruel family.. Terraria."

"Wow bro... ang galing mo na palang mag rhyme. Nahawa ka siguro sa tatlong
matanda." Wew. Pwede nang mag mala-Jose Rizal ang kaibigan ko.

"Let's go now. We need to rest and pack our bags." utos ni Trev. Lumabas na kami ng
bahay at dumiretso sa sasakyan.

Terraria...

ba't parang narinig ko na yan dati.

Nymphs of the Evening


Cesia's POV

I looked down to the most fascinating view ever. Mas kamangha-mangha pa'to kumpara
sa veranda. Patches of green and blue lang ang nakikita ko... Nasa langit kasi
kami. More like, nasa private jet ni Kara for our trip to find the Legendary
Garden. First time kong sumakay ng eroplano kaya nagmukha akong batang nakaupo at
nagliliwanag ang mukha dahil ka-level ko na ang mga puting ulap.

"Hmpf." tinignan ko ang katabi kong hindi maiguhit ang mukha at naka crossed-arms.
Kagabi pa siya ganito. Surprisingly, hindi niya rin dinala ang tatlong unan niya.

"Okay ka lang Art?" hindi ko maiwasang magtanong. Iba kasi yung aura niya ngayon.
But at the same time, ang cute niya pa rin habang naka-pout.

"tanungin mo si Sara." tinalikuran niya lang ako. I'm really concerned about her.
Di kaya tungkol yun sa sinabi ko sa kanya kagabi na Chemical X? pero wala naman
akong na-mention na Sara ahh...
Binaling ko nalang ang atensyon ko at tumayo papunta sa mini fridge. Nagugutom kasi
ako.

Nakita ko si Kara na nagbabasa ng libro at si Ria na nakaharap sa laptop.


Looking at this, napaisip ako sa iba pa nilang mga ari-arian. Ang dami siguro.
Sobrang dami.

Binuksan ko ang mini fridge at nakalantad ang maraming chocolates and drinks.
Kumuha ako ng isang bar at isang can. Bumalik ako sa pagkakaupo at nagsimulang
magsnacks.

Eating treats while on a private jet...


The old me wouldn't believe this. Akala ko hanggang panaginip lang 'to.

I sat down quietly eating and enjoying the magnificent view...

"The plane is preparing to land" katulad ng bahay, may sariling utak din 'tong
plane. You can say that because there's no one on the pilot seat.
"Good. Locate a clearing and adjust the anti-mortal system to 100%" sinusunod lang
nito ang mga utos ni Kara. So impressive.

Nakita ko sa bintana na unti-unti nang bumababa ang plane hanggang nag complete
touchdown na nga.

Nagulat ako nang dinikit ni Art ang mukha niya sa glass window. "We're
heeerrreeee!!!" Agad siyang tumayo at dali-daling binitbit ang bag. "Yiiieeee!!"
halata sa mukha niya na nae-excite siya. Eh kani-kanina lang nakafrown siya. Ano ba
talaga?

hays.

Tumayo ako at sumunod ni Kara. Nasa unahan na yung dalawa at papalabas na kami ng
plane.
"Anti-Mortal System activated. Good Luck Masters." rinig ko ang boses ng plane bago
lumabas. Kusang nagclose ang door at naging invisible ang buong aircraft.

Hmm... anti-mortal nga.

"Welcome to Ronda, Andalusia Spain." bati ni Ria na nakangisi.

Pakalma lang akong ngumiti kahit deep inside, nagwawala na ako. First time ko rin
kayang mangibang bansa.

Wwaaahhh !! For the first time in forever to.


Naku. Kung alam to ni tita siguradong magwawala din yun. Di dahil sa excitement
kundi, ikakagalit niya ang pagpunta ko dito na hindi siya kasama.

"Art can you lead us to the place?" Kara asked.

"Uh... a-ano... k-kasi..." nakayuko lang siya with both hands at the back. "Hindi
ko alam kung nasan eh... ang place lang ang alam ko..." naka pout niyang sabi.

Nakapameywang naman si Ria "How? Akala ko ba dinadala ka ng papa mo dito."

"Yun nga... pero wala akong alam sa exact location. Si papa lang. Nakatago kasi ang
Garden somewhere na hindi ko nga alam... hihi.." nag peace sign si Art pagkatapos
niyang mag explain.

So kailangan pa talaga naming maghanap ulit.

Haaayyy...

Nakita kong hinubad ni Kara ang relo niya at may pinindot na button. "What's that?"
tanong ni Ria.
"A compass.. it can detect large areas of mist." Iniikot-ikot niya yung compass sa
iba't-ibang direksyon.

"but there's mist everywhere..." nagtatakang sambit ni Ria. Tumigil si Kara sa pag-
iikot. "There..." tinignan ko ng maigi ang tinuro niya na isang mountain. Just a
plain mountain.

Nagsigh si Ria at nagkibit-balikat "Tara na nga.." at tumungo na nga kaming apat.

So far, mga kahoy lang ang dinadaanan namin. Nasa lead si Kara na tumitingin-tingin
pa rin sa relo niya. Nagtaka ako saglit kung bakit di namin nagamit yung compass sa
city para hanapin ang secret street. Pero naalala ko that the mist is at its
thickest in cities and crowded places at baka mahirapan ang compass sa pag detect.

Biglang huminto si Kara sa paglalakad dahilan na mapahinto rin kami. "Here" sambit
niya.
Inangat ko ang ulo ko at inilibot ang tingin sa paligid. Nasa base na pala kami ng
mountain na tinuro niya kanina.

Pero wala namang meron dito. Mga kahoy lang talaga...

"Let's scatter and inspect the whole area.." hiwatig ni Kara.

Pumunta ako sa east at nagsimulang mag inspect ng something odd.

Woods...

Grass...

Plants...
Biglang dumaan ang isang silvery butterfly sa harap ko. Sinunod ko ito hanggang
nakapatong na ito sa isang bulaklak. Kumikinang ang mga pakpak niya dala na rin sa
steel-like features nito.

"Ang ganda..." bulong ko. Ang cool nga eh.

"No, you are..."

uhh...

wait what.

tama ba ang narinig ko? nagsasalita ang butterfly?

"U-uhh.." nakaplastered sa mukha ko ang gulat.. at kaba. Dahil baka nababaliw na


ako. Eto na nga sinasabi ko eh.

Juskopo.

Lumipad ulit yung butterfly kaya sinundan ko ulit ito.

Nadatnan ko ang tatlo pang butterflies at ang tatlo kong mga kasama coming from
different directions.
We met at the middle at nagkatinginan lang kami.

Sabay naming sinundan ang apat na kahina-hinalang butterflies. Pumasok kami sa


isang cave at tumigil sa harap ng isang steel door. Dumapo ang mga buterflies sa
door at nag blend in sa steel.

"What's the password?" nagkatinginan kaming apat saka namin tinignan si Art.

"Art, password daw" sambit ni Ria.


Pumunta sa harap si Art saka nag knock. "kailangan ba talaga ng password? di ko
alam eh huhu" suyo niya.

Nakarinig kami ng bulungan on the other side at maya maya, bumukas na yung pinto.

Tumambad ang tatlong girls na ka-edad lang siguro namin. Each with eye-catching
hair colors. Pink, Orange and Red.

indicating the colors of the sunset.


"I told you. Boses yun ni Art" sabi ng pink-haired.

"Waaaaahhhh !!" Lumukso si Art papunta sa tatlo at niyakap ng mahigpit.


Tumili din yung tatlong nymphs at nagyakapan nang nagtatalon-talon.
"Ehem.." tumigil ang apat pagkarinig nila ng boses ni Kara. Mukhang ngayon pa nila
napansin na kanina pa kami nakatayo dito.

"Sorry hihi... Uhh.... Kara, Ria and Cesia, meet the nymphs of the evening and
golden light of the sunset. Drum rolls puhliz.!!" excited na banat ni Art.

"Aigle.." kumindat ang pink-haired.

"Erytheia.." nag wave naman ang orange-haired.

"and Hesperia..." at nag bow ang red-haired.

"Aj, Thea and Hespe... meet Kara, Ria and Cesia.." dagdag ni Art.

"Pasok kayo.." aya ng isa. Nag nod si Kara at sabay kaming pumasok.

and I tell you, I haven't seen a place this beautiful. Kumikinang ang grass lalong-
lalo na ang mga bulaklak. May crystalline river na dumadaloy papunta sa isang grove
of trees. Napanganga ako sa mga trees na nagbubunga ng mga golden apples. In short,
nasa wonderland ako ni Alice.

"Dito.." tinawag kami ni Erytheia na nakaupo sa isang circular bench. Inilapag


namin ang mga bags namin sa table at nagsiupuan.

"Since friends kayo ng friend namin, pwede niyo na kaming matawag as Aj, Thea and
Hespe" natutuwang paalala niya.

In fairness, ang galing ng tagalog nila. Naalala ko ang sinabi ni Doc Liv na lahat
ng superior beings katulad ng nymphs and gods don't have a default language. Alam
nila lahat ng languages ng mortal realm so nakaka-adjust sila sa mga mortals.

"Mabuti nalang at nakita namin kayo sa CCTV.." inabutan kami ni Hespe ng mainit na
cups of tea.
"CCTV?" tanong ni Art.
"Uhhuh... yung metallic butterflies ang nagsisilbing cams namin sa labas" sagot ni
Aj.

"..aaannd we get to spy on cute boys." gigil na gigil ang magkatabing nymphs.

"Wooowww. hi-tech na pala dito" puna ni Art pagkatapos mag clap.


"Yep.. so why are you here? Sight-seeing?" tanong ni Hespe.

"Do you know any man named Theosese?" nagkatinginan ang tatlong nymphs pagkatapos
magtanong ni Kara.

"We almost killed him the last time because he was a trespasser..." ani Hespe.
Killed...

Tinignan ko silang tatlo at ngayon ko lang napansin ang mga mata nila na hollow-
colored.

These girls are beautiful yet dangerous. Pumapatay sila through luring others to
dance until they die...

Terraria
Dio's POV

I've had hopes with this mission.

HAD.

My foot is sore and my hands are sweating. Namamaga na rin ang buong katawan ko and
had I looked at my company, I wouldn't know na nahihirapan na din sila.
I tried my best to pretend I'm doing fine but walking on the streets of hell is not
fine swear to Styx.

We've already arrived to this chaotic place and I haven't seen a local closer to
Tartarus, the deepest part of the Underworld. Halos dalawang araw din naming
hinanap ang lugar na to at nasa ilalim lang pala ito ng kagubatan.

Flames are the only source of light since there's no sunlight able to enter this
place. So do air and water.
In the case of the mortals, I'm sure isang tapak pa lang nila sa lugar na to tumba
agad ang katawan nila. They're gonna suffocate to death.

"Grabe bro. Pwedeng labas muna ako? Mas nababawasan kasi yung temperature pag
nandito ako eh..."

Idagdag niyo pa ang kasama kong palaging inaatake ng topak. Yet I envy Chase dahil
mahangin pa rin siya even in a place with acidic air.

"Watch it Cha-" naputol ang sinabi ko dahil sa pagyanig ng lupa. Shit. This place
is crumbling to pieces and if we don't hurry it'll bring us with it.

"Walk Faster" utos samin ni Trev. His face is still made up. He doesn't seem
flinching or anything. Just his regular straight face and his regular walking.
Same with Cal. Though I know for a reason that he's used to it since his terrain is
the Underworld.
As we walked on the roads, I noticed people staring at us. Pero hindi sila
pangkaraniwang tao. They have red skin with overwhelming body piercings and
tattoos. I saw a woman cradling a baby and toddlers playing with torches and
needles.

Napansin ko si Cal with glowing eyes and in it is a hint of excitement na agad


namang nawala nang napansin niya din ako. Akala niya siguro di ko alam na gusto
niyang makitira dito.

"How long have we been walking?" tanong ni Trev.

"for almost 3 hours..." sagot ko.

Instinctively, pumunta ako sa rock houses at nagtanong sa red people kung saan
namin makikita ang pinuno nila. Kaso hindi ko maintindihan ang sinagot niya dahil
nasa ibang language ata to.

"It's just down the road.." salin ni Cal. I just nodded at the woman at nag bow as
a gesture of thank you. Nag gasp ang babae at nagsimulang sumigaw.

A few meters away from us, lumutang ang isang pack of men na may dala-dalang spears
na agarang sumugod sa direksyon namin.

What the hell did I do?!

"Run!" Agad bumalik ang enerhiya namin at nagsitakbuhan.

For now, nag uunahan kaming tatlo dahil mahuli man ang isa, ay tiyak masusunggaban
ng galit na mob na humahabol sa'min. Tatlo na lang kami dahil iniwan na kami ng isa
sa napakaloyal na friend namin.

Naghihingal kaming tatlo sa kakatakbo at kanina pa tumatagaktak ang mga pawis


namin. Dulot na rin sa humidity ng area, the angry mob just gets closer inch by
inch as we felt weak and tired.

Hanggang ngayon, iniisip ko pa rin kung ano ang nagawa kong pagkakamali at
hinahabol kami ng isang angry mob.

Slowly, naging sloppy na ang mga takbo namin so we decided to stop and fight. We
stopped at the spot and raised each of our weapons at them. Instead of an attack,
we just received their glares. I wondered what happened when something stinged my
neck.

Well damn. I should've realized that.


I saw a bulky creature land in front of us before passing out.

•••

"The bow may have been a form of an insult to the people..." Cal said while
scratching the iron bars.

So clueless of me. I should've been more careful even in small gestures or we


shouldn't have ended in this underground jail in this underground hell.

Napamura si Chase nang nagising siya sabay himas ng likod niya. Siya lang ang
hinintay naming magising para magsimulang mag hatch ng escape plan.

"They would seize us no matter what the reason is." sabi ni Trev na nakasandal sa
pader at nakabulsa ang kamay.

Trev has a point. We're strangers in their territory and looking at their strict
glances, it's no doubt they would fire at us anytime. They're just waiting for us
to do even a slight gesture to let that happen.

"Tsk. Nahuli talaga ako sa balugang yon... So what's the plan? " tanong ni Chase.

"There are two doorways connected by one hallway. From left to right. Each with 4
creatures guarding it. They took away all our belongings and the cell is
spellbound. No summonings, callings or even the use of abilities..."

"So we just have to wait..." dugtong ko sa sinabi ni Trev. I sighed out of


desperation to get out of this place and go back to the Academy.

Where everything was under control until shit happened.

We heard the chiming of keys getting louder and closer.


I guess the watcher has come to visit us. To think of it, a watcher can be a help
for escape. Good to know we still have hope.

An ugly creature stopped in front of us. I remembered him and now that I can see
him clearly, masasabi kong hindi siya binayayaan ng mukha. On the other hand,
malaki ang katawan niya. Sa sobrang laki, nagdilim ang buong cell dahil sa cast ng
anino niya.

He said something na hindi ko naintindihan dahil grumbles lang ang naririnig ko.

"Can I atleast go to the comfort room?" ani Chase. Kumunot ang noo ko dahil sa
biglaang paghingin niya.

Nag grumble ulit ang halimaw which obviously meant no dahil sa pagstomp ng foot
niya kaya nag shake ang buong ground.

"Kung ayaw mo... pwes dito nalang." Pagkatayo ni Chase, kinuha ng halimaw ang keys
sa belt niya with annoyance.

Narinig ko ang pagpasok ng key sa lock kaya na alerto ako.

Naramdaman ko sa likod ang pag abot ni Cal ng isang matulis na bagay sa kamay ko.
Dinamdam ko ito saglit bago napagtantong isa ito sa dart na ginamit sa'min para
mahilo kami temporarily.

I guess I'm not the only one desperate to crawl out of this place afterall...

I heard the last click of the lock.

"Now."

Mayethrusa
Cal swung the door open wide enough for us to jump out of the cell. As I stepped
out, I felt a part of my abilities regain again.

I grabbed unto his belt and used it as a stepping stone to launch higher and stick
the poison to his neck.

In which hindi nangyari.

I was taken aback by his large axe mid-air so I waded out of balance at nag land sa
ibang direction.

Nag dim ang buong paligid but not fully. I realized Cal was the one behind it kaso
hindi pa talaga bumalik ng whole ang abilities namin so palpak ang pag summon niya
ng darkness kaya narinig ko ang mahinang grunt niya.

"Hoy teka teka! Hahaha" natatawa si Chase habang iniiwasan ang leaning axe ng
halimaw kaya nagmukha siyang daga at ang axe ang paw ng pusa.

"Tsk. He doesn't even know how to use an axe." insulto ni Trev na mas ikinagalit ng
halimaw kaya umungol ito at iniliko ang axe sa direksyon niya. Even without our
abilities, matatalo pa rin namin ang higanteng yan. There's four of us and we're
professionally trained.

I got up at hinigpitan ang hawak sa poisoned dart...

I charged and halfway there, dumilim ang buong paligid. I remembered where his neck
was so I quickly leaped and rode behind it. I was assured na leeg niya nga ito kaya
di na ako naghintay pa na itusok ang dart sa right side.

Agad akong tumalon para hindi makasama sa pagtumba niya.


Nakarinig kami ng bagsak sabay yanig ng hall bago nagbalik ang liwanag.

Nakita kong nakadapa na ang higante face down at sa tabi niya ang malaki niyang
axe. Tsk. Sharp-shooter nga di naman marunong ng actual fighting.

He should stick with shooting poisoned darts kesa sa palakol niya.

I shrugged off the dirt on my shirt when I heard fast and loud footsteps getting
nearer.

Oh. His friends are here.

We separated our gazes and immediately faced either side depending on our spot.
Trev and Chase will deal with the 4 on the left then Cal and I, 4 on the right.

Nakikita ko na sila and I felt my hands tingling.

What's this?

I eyed the brittled ground.

water...

You know, it would be my pleasure to break their water system.

I spread my palms and collected the flow of the water. Though nahihirapan pa rin
ako dahil napakalalim ng location nito, sinubukan kong i maintain ang connection ng
kamay ko sa tubig.
The water has not appeared yet pero nararamdaman kong papalapit na ito.. at
papalapit na rin ang apat na friends ng halimaw.

"come on..." A meter apart from the creatures, lumabas na rin ang tubig mula sa
cracks ng floor kaya panandalian ko itong pinagapang sa mga paa ng pinakamalapit
sa'kin dahilan na mapatumba siya.
At sunod-sunod na nga ang mga pangyayari.

Swish ng tubig, Balik-balik na pagkawala ng liwanag, cracks of thunder and waves of


motion. The hall got full of those. Including the loud thuds made by the supersized
monsters.

I got my hand occupied by the last one which fell cold and wet when I got the water
to cover his large hideous face. He kept struggling until I eventually drowned him
to death.

"So nasa'n ba nila tinago ang weapons at bags natin?" tanong ni Chase.

"It's inside a large hall directly above us. The stairs are on the left." of course
Cal would be the one to answer. Siya lang naman ang may kakayahang mag detect ng
underground premises dito.

"Let's go before they check on us. I'm sure others have already noticed.." Nag nod
kami sa sinabi ni Trev at sabay tumakbo straight up.
Chi-neck ni Chase kung meron bang nakabantay pero safe naman daw. Lumabas kami sa
dungeon at walang ingayng umakyat sa hagdan.

I seriously didn't expect finding a single girl would lead us to escaping prison.
That Kaye must have gone through worse.

We arrived directly to the said hall. Nakalatag sa marble table ang mga gamit
namin. Sa likod nito ang isang malaking throne. Pero ipinagtataka ko kung bakit
walang nagbabantay.

Walang nagtangkang pumunta sa table dahil pareho kami ng iniisip...

Traps.

We heard a hiss kaya tri-nace ko kung saan nanggaling to.

Lumabas ang isang magandang babae sa likod ng itim na kurtina. But my eyes were
caught by her waist down.
She doesn't have any legs but rather, a tail of a snake. Its' scales are blood red
and thick. She crawled her way to the table at sinimulang suriin ang mga gamit
namin.

May usok na lumalabas sa kamay niya pagka hinahawakan niya ang weapons namin.
Inilapag niya ang golden feather at kitang-kita ko ang sunog niyang kamay.

"You brought gold alright. But not the Gold I wanted! Hsss.." Galit siyang umupo sa
trono niyang gawa sa coal.
"Guards!" nag echo ang malaki niyang boses sa paligid kaya agarang nagsilabasan ang
mga guards niya.

"Wait!" awat ni Chase. "Uhh.. Gold ba kamo? Nasa bag ko yun. Yung color grey.."

Tumayo ang babae at pumunta sa direksyon namin. Hinanda ko ang sarili ko just in
case bigla nalang siyang mag strike without saying a word. Pumula ang mata niya
sabay hiss sa harap ni Chase.

"Listen Demigod." tinuro niya ang isang daliri sa noo ni Chase. "I'm Mayethrusa.
The Queen of this Kingdom. Daughter of Typhon and Echidna."

Echidna, the half-snake monster is the mother of all monsters while Typhon fathers
them.

No wonder...

"I was just born and I don't want Demigods messing with me. Pareho lang kayo sa mga
ina't ama niyo! Gore, check the gray bag!" Daling pumunta yung Gore at chi-neck ang
bag.
Itinaas niya ang isang bag of coins "Meron po M'Lady!" sigaw niya.

Inirapan ni Mayethrusa si Chase and snatched the gold from the guard to check it
out. "Hss... Grab your things and leave." Sinunod namin ang sinabi niya at kinuha
ang mga kagamitan namin.

Bigla akong hinawakan ng isang guard kaya napa grudge ako. Tsk. We can do it on our
own. Can't they wait?

Sinamahan kami ng mga guards na lumabas sa Terraria. They pushed us outside the
pack of vines bago nawala. We took some time to breathe the air again.

I don't want to go back to that place for the second time around.

...Or should we? Wala kaming nakuhang information !

Sinipa ko ang bato sa harap ko "Shit. Wala tayong nakuha na information!"


"Calm down bro..." nilingon ko si Chase. "Naglibot-libot muna ako sa buong lugar
habang hinahatid tayo sa mga balugang yon. Narinig kong may kapatid si Mayethrusa
pero nasa Arcadia siya... sa tingin ko may alam siya"

Mishap
Ria's POV

Kung bakit ganito si Art hindi ko alam. Anong trip ng babaeng to at binabatak ang
top ko di ko rin alam.

"Dun tayo Ria oh! May girl version ni mojojoooo !!" Napilitan akong sumunod sa
kanya dahil nga hinahatak niya yung white shirt ko at baka masira to.

Nasa mall kami naghihintay nila Kara at Cesia na may binili daw. Why do I always
end up being with Art.

I'm starting to think hindi na babalik ang dalawang babae at talagang ibinilin na
sakin ng tuluyan si Art. Tsk. Inabandona na talaga ako ng dalawa.

"Stop it Art." I groaned out of distress. Hinihila niya pa rin ako patungo sa Toy
Kingdom.

Tinitignan kami ng ibang tao kaya mas nainis ako. "What the heavens are you looking
at?" Umiwas naman sila ng tingin ngunit di parin tumitigil si Art.

"Sige na puhleeaassee.." pagmamakaawa niya. I didn't sign up for this. I DID NOT.

Akala ko talaga magbabago na tong si Art as the years pass by but still. Para parin
siyang bata. Hindi siya mahina or weak or fragile. She's just...

Napatigil ako sa pag-iisip nang narinig ko ang dalawang chuckles ng dalawang babae
sa tapat ko enjoying their coffee.

Judging by their glares, they're laughing at my being. Hi-nead to toe nila ako kaya
tumingin din ako sa dakong baba.

Nawala na ang batang hinihila ako kani-kanina lang pati na rin ang lower half ng
shirt ko.

Basically, pinunit ni Art ang top ko out of desperation. Exposed na exposed ang
stomach region ko at muntikan na ang bra ko.

shit. shit. shit. shit. shit.


SHIT ART !!

I tried to calm myself and tied the freshly ripped cloth.

Tinitignan pa rin ako ng dalawang babae kaya sinamaan ko sila ng tingin. At Aba!
Mukhang nakikipagkumpetisyon ang dalawa. May pa iling iling pa sila.

Mortals.

I walked towards them at nilagpasan sila. Nakita ko na meron din pala silang kasama
na dalawang lalaki.

Gotcha.

"One coffee.. just the plain one." ramdam na ramdam ko ang mga nag-aapoy na tingin
nila habang naghihintay ako sa order ko.

Inabot ko ang bayad sabay kuha sa kape. I smiled at the girls while taking a light
sip of my coffee papalabas ng cafe.

Lakad lang ako ng lakad hanggang sa nag fake gasp ako at ibinuhos ang cup of coffee
sa lalaki na nasa edge ng table.

Napatigil sa pag inom ang babae na katapat niya. Halatang nagulat sila sa ginawa
ko.

"Oh.. I'm really sorry.... here.." I bent down and picked up the tissues slowly. I
noticed the guy glance at my chest down to my waist as I stood up.
And as I wiped the stain I left at his upper right, napalunok siya sa ginagawa ko.

Tinignan ko ang katabi niyang lalaki and gave him a wink. I noticed both their
bodies tensed.

The girls? they stopped moving.

"What the fuck are you doing?!" Tsk. Ang tagal namang matauhan ng babaeng to.
Patuloy lang ako sa pag wipe ng polo niya.

"Hello?! That's my boyfriend!" she busted. Boyfriend? Ba't nag-eenjoy ata to?
Pinagpatuloy ko pa rin ang pagpunas ng stain PROFESSIONALLY.

"Hey bitch. That's my boyfriend !" sigaw niya. Alam ko. Di ako bingi. Kakasabi mo
nga lang diba? Tsk.

Mas diniinan ko pa ang pag wipe sa chest ng lalaki kaya lumaki ang mata neto.

"Don't make me-" awat niya.

I sighed. "Since you're talking behind my back, you're in a REALLY good position to
kiss my ass." I reminded her.

She grabbed my elbow and roughly spun it so ngayon kaharap ko na siya.


Nakita ko ang namumula niyang mukha. I gave her an innocent smile na mas ikinainis
niya.

"You think this is funny?" Yeah. Nakakatawa ang mukha mo. Just so you know..

"I was supposed to give you a nasty look..." tinignan ko siya as if sinusuri ang
mukha niya "but I guess you already have one.. so.."

Nanlaki ang mata niya sa sinabi ko.


"You little wrench..." sasabunutin niya sana ako pero mas mabilis ang reflex ko
kaya nahawakan ko ang dalawang kamay niya within a second.

I just hate the fact na nag-aaway ang mga babae through pulling each other's hair.
Can't they fight? Like an actual fight? That would get me going. Hindi pure
kadramahan ang gusto ko. Gusto ko ng patayan.

I let go of her hands nang may lakas kaya padabog siyang napaupo sa seat niya. She
just sat there in awe not having to do anything.

I looked back at her boyfriend.

"Your boyfriend likes me though" and so I took off.

Nakita ko si Art na may pakaway-kaway pa at may bitbit na bag.


Nakasimangot akong naglakad sa dako niya.

"Saan ka galing? Anong nangyari?" at nagtanong pa talaga siya.

Napa'oh' siya nang bumaba ang tingin niya sa suot ko "Hihi... mukhang sayo to"
aniya, sabay abot ng tela ng shirt ko na pinunit niya kanina.
Nag sigh lang ako at tinanggap ang puting tela.

"Tara na nga..." aya ko sa kanya.

•••

"Checkmate.. hihi"

ugh.

naglalaro kami ni Art ng chess at talo na naman ako for the hundredth time.

Narinig ko ang paglapag ni Kara ng mga groceries. Kakarating lang kasi namin dito
sa Hotel. Tapos na rin akong magbihis pagkapasok pa lang namin dito.

"Ayaw ko na." Kanina pa ako na u-underscore sa larong to. Kapag muntik na akong
manalo, hindi ko alam kung anong ginagawa ni Art but I do know it ends up getting
on her scale.

"Wag... gusto ko pa eh. Huhuhu" angal niya.

"I'm done.." tumayo na ako. Wala namang gamit ang pagpatuloy ng laro kung expected
na ang mananalo o matatalo.

I sat on the couch at kinuha ang ancient map. I unrolled it then sinuri ang strange
places...

There are a lot of recorded names here signifying na marami-rami din ang napuntahan
ni Theosese. Mahilig naman talagang gumala ang tandang yon sabi ng mga Hesperides.

Minsan nga, dahil sa kagustuhan niyang mag wander, mapapahamak siya ng wala sa
oras. Muntik na nga siyang mapatay ng mga Hesperides.
Inalok daw siya ng Hesperides na mag stay muna sa Garden pero naglaho agad siya.
That's all they know about him. Isang pagkikita lang ang nangyari and he went to
wander again.

Biglang nag ring ang telepono. Ako na sana ang kukuha kaso naunahan ako ni Cesia
kaya bumalik nalang ako sa pagkakaupo.

Tsk. Dapat ang mga matatanda di na mag paligoy-ligoy pa dahil nga matanda na sila.
They just have to rest and breathe. Unlike Theosese na kung saan-saan nagpupunta.
Anyways baka na realize niya na matanda na nga siya at baka dream niya ang mag
adventure before death snatches him... or something like that. It must be very
important kasi nga diba? He almost got killed doing so...

Or pwede ring nasiraan siya ng ulo due to his old age kaya ayan.
Narinig ko ang pagbaba ni Cesia ng telepono. Nakakunot ang noo niya.

"Sino yun?" I got curious due to her face.

"Yung Academy..." my brows met after she answered. Academy? Don't tell me may
nangyari na naman sa school?

"What is it?" usisa ko.

"A-ano kasi... di ko alam kung bakit pero..."

Arcadia
Chase's POV

Kung nasa East forest ang Terraria, nasa West naman ang Arcadia. Kung nasa ilalim
ng lupa ang Terraria, nasa itaas naman ang Arcadia.

Ang sabi ng matandang oracle, dapat may matatagpuan daw kaming malaking kahoy sa
gitna ng kagubatan. Aakyatin pa daw namin ito para makapunta sa taas.

Kaya TAKTE.

Ang sakit sakit na ng paa ko kakahanap ng branches na pwedeng mapatungan. Daig pa


namin si Jack.

"Bilisan mo Chase." sambit sa'kin ni Dio.

"Lubus-lubusin mo muna pwet ko bro.." konti nalang. Nakikita ko na ang mga ulap.

Napamura ako nang nabali ang sanga na pinagpatungan ng isang paa ko. Hindi ko
narinig ang pagbagsak nito sa lupa dahil nga napakataas na ng naakyat namin.
Narinig ko lang ang pagbagsak nito ni Dio. Hindi naman siya nag reklamo. Hindi din
naman kasi ako makikinig sa reklamo niya.

Nakapako ako sa pag-aakyat. Wala akong oras sa mga ganyan.


Kumapit ako sa isang sanga at nag spring pataas. Ramdam na ramdam ko ang hangin
habang umaakyat. Isang talon nalang at makakadaong na ako sa ulap. Pero
nagdadalawang isip pa rin ako. Baka pagkalapag ko lulusot ako sa ulap at tuluyang
bumagsak.

"Bro, pwede na ba akong mag land? Sure ka bang safe tong patungan?" tanong ko. Sa
movies ko lang nakikita ang mga ganito at wala akong tiwala sa mga bagay-bagay na
nasa mga pelikula.

"Of course it is"

Bahala na nga to. Kita-kita nalang kami sa Underworld. Tangna.


Suminghap muna ako bago tumalon.

Napagtanto kong di nga ako bumabagsak kaya bumalik ang ginhawa ko. Mukhang
postponed pa ang pagbisita ko sa Underworld. Buti naman.

•••

"Finally" rinig kong sabi ni Dio nang nasa harapan na namin ang palasyo.

Mababait ang mga tao dito. Sinamahan pa talaga kami. Kulay skyblue at yellowgreen
ang mga balat nila contradict sa mga Terrarians'.

Puti lahat ng kagamitan dito pati na ang mga bahay at itong palasyo na gawa sa
marble.
May garden din sila sa tabi-tabi at sa tapat ng palasyo ay ang napakalaking
fountain. Kumikinang ang tubig at ewan ko ba. Gusto kong tumira dito.

Tumango ang isang Arcadian at binuksan ang malaking pinto. Pumasok kaming apat at
bumungad ang napakalaking hall.

Puta. Isa nalang talaga.

ISA NALANG. Titira na talaga ako dito.

Kumikinang ang buong kapaligiran. Parang bagong-bago lahat ng nandito.


Katulad ng events hall sa Academy, may 12 statues din dito ng mga deity parents
namin.

Pumasok ang isang babae. Unang tingin palang, alam na naming kambal siya ni
Mayethrusa. Pero kulay blue ang snake tail niya at di katulad ng kambal niya, maamo
ang mukha niya. May dala siyang libro at quill saka pumunta sa table at inilapag
ang mga ito.

Nagsuot siya ng eyeglass at tinignan kami. "Come.." utos niya. Phew. Ang laki
talaga ng kaibahan. Pumunta kami sa may table at ngayon ko lang napag-alamang hindi
pala siya nagsusulat kundi nag d-drawing ng isang building.

"What brought you here?" tanong niya.

Teka... tangna. Wala akong dalang gold.

"Your twin sister..." sagot ni Trev.

May discount naman siguro... diba? Mababait kaya silang lahat dito. Pwede sigurong
manghingi ng discount...
Narinig kong nagbuntong-hininga siya at tumigil sa pag guhit. Binaba niya ang
eyeglass niya at nagmasahe ng temples.

"Mayethrusa... what did you do this time sister?" bulong niya sa sarili habang
nakapikit.

"Actually.. kami ang pumunta sa Terraria in the first place.." tumigil siya sa
pagmasahe at idinilat ang mata. Tinignan lang niya si Dio at nag-antay ng dagdag sa
sinabi niya.

Agad ikinwento ni Dio ang buong paglalakbay namin at kung ano ang nangyari sa
Terraria dahilan na maparito kami.

"I really thought she'd side with me..." sabi niya.

Ba't pa nga ba ako nag-aalala. Mukhang di naman namin kinakailangan ang gold...

"You see... my mother has her ways to... 'provide'. Terraria was a part of Arcady
once but mother tore the other half and hid it below the ground. She gave the land
to us dahil kakaanak lang niya namin dito sa forest and she wants us to rule on our
very own terrain. Dumating ang isang gabi, narinig ko ang mga hiyaw at iyak ng
Arcadians dulot ng pagkasira ng Arcadia. Out of curiosity, pumunta ako dito and
that's when I decided to side with them. Naawa ako sa kanila. Some Arcadians who
were dragged down with the land instantly became red and ill-spirited. My mother
disowned me since then but the Arcadians accepted me and made me their counselor.
Nakita ko kung papano unti-unti naging masama ang kambal ko. I tried to convince
her to return Terraria or at least its people but.. I just got jailed.. Hermes went
to save me and so... here I am.." nag iba ang expression niya.

Dahil sa sinabi niya gusto kong sugurin si Mayethrusa at ibalik sa Arcadia ang lupa
at mga tao nila. Tsk.

Naalala ko kasi ang kinwento ni papa noon nang may niligtas siya na babae sa lugar
na nagngangalang Terraria. Pinagyabang pa nga niya sakin ang nangyari. Akala ko
talaga di totoo.

Pakshet Dad! Nagmana talaga ako sayo. Woooh.

Gumaan ulit ang expression niya saka binalik ang eyeglass.

"I can't help you... Ang alam ko lang, lumalakas ang boses ng mga kapatid ko sa
baba. Something is keeping all of them awake... That's why you demigods, must not
trust anyone."

Sumingkit ang mata ko sa sinabi niya. Oh? Ano namang gusto nyang iparating?

"What do you mean?" tanong ni Trev. Halatang nagkaka interest na siya. Trip niya
kasi ang mga banta at mga misteryosong bagay. Halata naman siguro.

"It doesn't concern you. You may leave. Just take it as an advice." yan lang ang
sagot niya.

"An advice from?" tanong ni Dio.


"An advice from me, Ariethrusa, as a counselor." dugtong niya saka itinapat ulit
ang atensyon sa pag drawing.

Tumango si Trev sa'min na nangangahulugang pwede na kaming lumisan. Sabay na kaming


umalis. Di ko na kailangang maglibot dahil baka tuluyan na nga akong makitira dito.

•••

Nasa bintana ako at nagmamasid lang sa labas kahit di gaano kaganda ang view dahil
sasakyan lang naman ang nakikita ko.

Nababagot na ako...

Pwede kayang mag held ng party dito?

Naramdaman ko ang daloy ng mist na papunta sa'kin. Kasabay ang isang envelope na
lumulutang sa ere. May maliliit ito na pakpak na agad nawala nang kinuha ko ito.

Pagkakita ko ng wax stamp ng Academy, binuksan ko ito para basahin ang laman. Baka
may alam na sila...

'As of now, you are requested to proceed back to school immediately.'

"What's that?" narinig ko sa likod si Dio na mukhang napansin ang binabasa ko.

"Bro. Yung Academy... papabalikin daw tayo." sagot ko.

Kumunot ang mga noo nila at nakadikit sa mukha ang pagtataka. Hindi pa kami tapos
sa misyon namin. Wala nga kaming nagawang improvement. Alam naman siguro ng Academy
yun. Pero bakit pinapatigil nila kami? May nangyari ba?

The Return
Cesia's POV

Hanggang ngayon nagtataka pa rin ako kung bakit pinapabalik kami ng Academy.

Tinignan ko ang mga kasamahan kong walang imik.

Mukhang di lang ata ako...

Papunta na kami sa Academy. Ang sabi kasi 'urgently' kaya the day after, nag impake
na kami para sa pagbalik namin. Sa tingin ko nagkaproblema na naman at kinailangan
nila ang Alphas.

Yung mga boys kaya? Sana naman makita ko ulit sila ng kompleto at buo..

Nagmasid ako sa labas at napansin ang patak ng ulan sa bintana...


Wala naman akong ibang magawa kaya nilibang ko nalang ang sarili ko sa pamamagitan
ng pag cheer sa mga droplets as if nag ra-racing.

Kung aling droplet ang unang dumaloy sa baba ng bintana, siya ang panalo!

Nangingilig ako sa tuwa nang nakita ko si Droplet no.3 na tuluyan nang nilagpasan
si No. 1 at No. 2.. Gooo!

pero bigla nalang itong tumigil kaya naunahan na naman siya ng dalawa. Aish.

Agad namang sumali ang isang droplet at nilagpasan si No. 3. Naku naku. Ang sayang
naman..

Nakita kong nag sama-sama at naging isa sila droplet no. 1, 2 and 4.

Teka! Teka! Bawal yan ah! Mas bumigat ang kumpulan ng droplet.

Ang unfair lang sa manok ko. I proclaim justice!


Ti-nap ko ang part ng window kung saan naka- stand by si number three kaya tuluyan
na nga itong bumaba ng bumaba...

Pero sa laking gulat ko, sumama siya nina no. 1 at sabayng nagpadusdos sa baba.

Hindi ko inexpect na sasama siya sa kumpulan ng droplet pero I accept... sabay


naman silang nanalo eh kaya okay na yan.

It's a quadruple tie! Unbelievable!

Haaay. Nababagot na'ko.

Ang lalim din kasi ng iniisip ng tatlo ko pang mga kasama pati na si Art na nag d-
drive. Ewan ko lang kung nagd-drive ba talaga siya kasi panay ang pagsingkit ng
mata niya na para bang may hinuhula...

Ang dalawa naman sa likod. Wala lang. Di ko masasabing nag chi-chill dahil ang
seryoso nila.

Halos masu-suffocate na ako at sa tingin ko di na talaga ako aabot sa school.


Sumandal ako sa bintana...

sana man lang kahit background music para feel na feel ko ang ulan...

Hmmm...

Tinignan ko ang tatlo at itinago ang right hand ko. Di naman siguro nila mahahalata
diba?

Gagamitin ko lang naman ang weapon ko eh...

Nag focus ako sa buttons na nasa harap ng sasakyan.

Hinay hinay kong pinindot ang mp3 button at inikot ang volume..

HINAY HINAY...

Unti-unti ko nang narinig ang music kaya naging alerto ako at tinignan sila...

Okay okay. Mukhang wala nga silang paki... THE COAST IS CLEAR.

Tinuloy ko na ang pag increase ng volume at wala pa din silang reaksyon. Buti
naman.

'We know full well there's just time..'


'So is it wrong to dance this line?'

Nilakasan ko pa ang volume...

'If your heart was full of love


Could you give it up?'

Nanlaki ang mata ko at napasinghap...

'Cause what about, what about angels?'

Waaahhh... !!
'They will come, they will go, make us special'

Naalala ko ang song na'to ! Eto... eto yung... yung ano...

'Don't give me up. Don't give... me up'

Yung background music ni Hazel Grace ! Yung part na naging emotional siya sa car
niya !

'How unfair its just our love'

Speaking about timing!

Umayos ako ng upo at maiging tinignan ang ulan..

'Found something real that's out of touch..


But if you'd searched the whole wide world..
Would you dare to let it go?'

Napabuntong-hininga ako at napangiti... first time na narinig ko'to, isang


ordinaryong tao pa ako...

'Cause what about, what about angels?


They will come, they will go, make us special'

Pero first time ko na rin sigurong marinig yan...

'Don't give me up
Don't give... me up'

bilang si Cesia...

Chase's POV

Tinignan ko ang katabi kong nakasimangot.

"Hoy bro. Tangna. Tigilan mo nga yan. Nahihirapan na akong magmaneho!" Halos di ko
na makita ang dinadaanan namin dahil sa fog na dulot ng ulan.
Kung siya kaya nasa pwesto ko ngayon? Ibabangga ko talaga ang sasakyan na 'to pag
di siya titigil.

Porke't bad mood dadamayin pa talaga ako? Eh ang saya-saya ko nga dahil pagkatapos
ng ilang araw ng pagdurusa, makakabalik na din ako sa Academy.

Ewan ko naman sa tatlong to. Kanina pa nagme-menopause.

"Tsk." Narinig ko ang biglang pagtunog ng kidlat. Wow naman bro. Iba din tong si
Trev eh. Siya lang ata ang nireregla sa tatlo.

Sinubukan ko nalang na ituon ang atensyon ko sa daan at wag nang lumingon sa mga
kasama kong nakaka-bad vibes.

Kaya naman siguro walang mga chix to. Napakahirap naman kasing pagsamahan.

Buti pa ako. Gwapo na, mabait pa. Sana lang naman di ako mahawa sa tatlong to. Tsk.

Kung tutuusin, mas mabuti na rin na babalik kami sa Academy. Sa tingin ko wala
namang point yung misyon na'to.

Pag ipapadala ulit kami sa mga misyon, sisiguraduhin ko talagang di makasama. Mas
gusto ko pang manood lang ng TV sa dorm o di kaya mang spotting ng chix sa campus.

Mas masaya nga yan kesa naman bumalik pa kami sa Terraria. Bahala na sila dyan.

Ayaw ko pa namang makita ang mga balugang yon dahil baka mahawa din ako sa kanila.
Di ko kayang mamuhay na parang nasobrahan ng tan ang balat ko. Mga bakla lang ang
nagpapa-tan.

Naging pamilyar na ang daan kaya napasigla ako. Ayos! Malapit na pala kami. Unti-
unti na ring tumahan ang ulan.

Malapit na kami pero wala pa akong nakikitang sasakyan? Nasan na nga ba yung mga
babae?

Nasagot naman ang tanong ko nang narinig ko ang busena ng sasakyan nila Art saka
tumabi ito sa'min.

Pinahirit ko bigla ang sasakyan at nagdasal na sana nakuha ni Art ang gusto kong
iparating.
ISANG RACE.

Nakita kong tumigil ang sasakyan nila sa side mirror kaya bumagal ako para tignan
sana kung anong nangyari.
Pero sa laking gulat ko, tumakbo agad ito at nilagpasan kami.

At nakita ko kung sino ang nasa driver's seat.

Si Ria.

Nagawa pa talaga akong hamunin ng babaeng yan. Ha. Papakainin ko siya ng hangin.

I smirked kasabay ng pagtapak ko sa accelerator.

We're damn back.

Back to School
"tu-tulungan niyo 'ko.." sambit ni Art na tila nawawalan ng hangin.

"Bu-buhay.. pa.. ako..." I braced myself dahil umiikot ang paningin ko.

Si Ria naman kasi eh. Nagawa pang mag racing.


Wala nga itong epek ni Kara pero halos atakihin na kami dito ni Art!

Ngayon alam ko na ang dahilan kung bakit hindi si Ria ang pinili ni Kara na
magmaneho in the first place...

Narinig kong isa-isang bumukas ang pinto ng sasakyan pati sa side ko.

May kumuha sa kamay ko at dinamdam ang wrist ko.

"She's still breathing..." aniya, sabay abot ng kamay niya.

Kinuha ko naman ito at nagulat ako nang hinatak niya agad ako papalabas dahilan na
mawalan ako ng balanse.

Pero imbes na matumba, sinalo niya ako.

"U-uhh..."
Nanlaki ang mga mata ko kaya agad akong napabitaw sa grasp niya dahilan na mawalan
ulit ako ng balanse.

"idiot" sabi niya sabay hawak sa mga balikat ko. "Stay still."

Unti-unti nang nawala ang hilo ko kaya kinibit ko na ang mga balikat ko.
"O-okay na ako.." tinanggal niya naman ang mga kamay niya pagkatapos kong sabihin
yun.

"Art..." Nakita ko kasi si Art na walang malay at dala-dala ni Cal...

haayy.. Hindi niya talaga kinaya.

"She's gonna be fine... happened once." narinig kong sabi ni Kara.

Agaran akong pumunta sa direksyon nila pagkatapos kong magpasalamat sa kanina.

Phew. That was awkward.

"She just had a heart attack" nanlaki ang mata ko sa sinabi ni Ria.

Heart Attack?!

JUST?!

Mukhang nabasa ni Ria ang gulat na gulat na ekspresyon ko kaya agad siyang nag-
explain.

"We're demigods. Immortality is in our blood so..." tumigil siya sa pagsalita para
tignan sana kung na gets ko na ba yung sinasabi niya.

Pero hindi. Naka plastered pa rin sa mukha ko ang gulat at taka kaya nag sigh siya.

"Umm.. our death.. somehow.. gets postponed or something...so minor things lang ang
mga ganito. Unless they're mixed with enchantments." dugtong niya.

"Ahhh..." yan lang ang sinabi ko na animo'y naintindihan ko ito. Pero wala talaga
akong ideya.

May ganyan ba?


Kung ano man ang sinabi niya I guess I can tell na ang swerte naman pala naming
napaghaluan ng dugo ng mga gods.

We're partly immortal.


Fair lang naman siguro yun dahil matindi ang pinagdadaanan namin.

I'm talking about the training and the part-time missions.

"Babae. May utang ka sa'kin" tukso ni Chase na naglalakad patalikod sa harap ni


Ria.

"Tsk. Hello? I INTENTIONALLY slowed down because of Art." depensa ni Ria.

"Pfft. Wag mong gamitin ang pagiging 'concern' bilang excuse" bahagyang napa smirk
si Chase.

"I. Am. Not. Using. It. As. An. Excuse." Sabay tulak niya ni Chase dahilan na
mapatawa siya.

"Ha. You're cute." gunita ni Chase.

Tumigil naman si Ria sa paglalakad at ikinuyom ang kamao...

Biglang nag apoy ang kamay niya at unti-unting naging espada ang apoy.

"Die you bastard !!"

Agad niyang pinahilig ang espada sa kinatatayuan ni Chase. Nakita ko siyang nag
make face bago nawala on the spot.

Hinanap ni Ria ang lalaking nawala at napatigil sa direksyon ng bukas na main door
ng academy kaya napatingin din ako.
Nandun si Chase na naka crossed-arms at nag wave pagkatapos siyang mahanap ni Ria.

"Tch!" agad tumakbo si Ria taas-kamay ang malaki nyang espada.

Haaayy.. I guess some things just don't change.

Matanong ko lang... ganito ba mag greet ang dalawang to pag nagkita?

Paano kaya pag may mortals na makakakita sa kanila? May mist naman diba? The mist
covets the supernatural to look natural in the eyes of the mortals.

So pag nilabas ni Ria ang espada niya... ang tingin ng iba pekeng light saber lang
to or baseball bat.

Nakakatawa sigurong tignan pag may actual sword fight. Dalawang adults na may
bitbit na laruang light sabers.

"Umm.. Kara... dati kasi bago ako dumating dito sa school... parang wala namang
supernatural akong nakikita..." mukhang nagets niya ang ipinagtataka ko.

"It's because you have to undergo the claiming so that the mist will be
ineffective" ahhh...

"Pero paanong claiming? Paano kung maraming tao ang makakakita sayo?" Alangan namag
bigla nalang iilaw ang kinatatayuan mo tapos poof. Iba na ang itsura't suot mo.

"That's when the mist takes place. But casually, a sudden claiming is done in a
secretive way... like dreams and stuffs. I for one, found my way here in the
academy with the help of my mom and her riddles. I was claimed at an early age..."
Ang galing naman.

Di pala lahat ng demigods nasa school na claimed.


Tinetest talaga sila ng deities nila bago sila ihatid dito sa Academy.

Ako kaya? Hindi pa naman ako nakatagpo ng mga ganyang test nung claiming ahh...

"I'm sure we'll discuss it in class. As for now, just prepare your report."

Report? Ba't ngayon ko lang nalaman yan?!

Te..teka..

wala akong gamit pangsulat ng essay. Ilang words ba dapat meron?! Kailan ang
deadline?!

Narinig ko ang marahan na tawa ni Kara kaya napatingin ako sa kanya.


"Just tell them what happened during our mission. Even if it sounds boring, they
can get any information out of it." gunita niya.

I sighed out of relief. Buti naman. Mas gusto ko pa ang oral kesa sa written eh.

Pero pano ko ba sasabihin? Aish. Ang aga-aga ko namang mag story-telling.

Lumiko kami sa hallway at iilan lang ang nakikita kong mga estudyante.
Sabagay, nagb-breakfast pa siguro ang iba.

Sinusundan ko lang sila at napansing papunta pala kami sa office. Hindi sa dorm.

Agad agad? Eh wala pa naman akong maireport ah... di ba pwedeng magpahinga muna...
haayy.
Nakakapagod naman palang maging estudyante dito. Wala sa schedule ang pahinga.
Lahat urgent at direct.

Akala ko wala nang mas nakakapagod noong pinapalinis pa kami sa school garden sa
dati kong school. Meron pa pala.

"Ahh.. welcome back" nakangiting sabi ng principal with open arms.

Pero agaran namang nawala ang ngisi niya nang nakita niya si Cal bitbit si Art.
Tinanguan lang niya si Cal pagkatapos dumiretso na siya sa clinic.

Humarap siya sa'min at sinuri kami isa-isa. Oh well. Maybe ito yung way niya para
tignan kung okay ba kaming natira.

Napatingin rin ako sa mga kasamahan ko.

So far so good...

Wala naman sigurong nasaktan during the mission diba?

"Ah... looks like you need some rest... well then.. you should. The office is still
occupied."

Lumabas sa office ang isang staff saka may binulong kay madam. Inangat niya ang ulo
niya para tignan kami.

"Go now... rest, then I shall call you for your report" nakangisi niyang sabi.

With a whoosh of air, nawala na si Chase sa bandang kanan ko.

Buti naman.

Tumango sila Trev at unang tumungo. Sumunod lang ako sa kanila sabay pasok nila
madam sa office.

I managed to get a glimpse sa loob. Nakita ko ang isang babaeng nakaupo at


nakasayad ang tingin sa baba...

"Kaye..."

Unsolved Doubts
Art's POV
"Waaaahhh !!" sabay stretch ko sa kama. Ang sarap ng tulog ko.

Napaginipan ko na naman sila Blossom... nag sorry na sila.


Walang-wala kasi si Sara sa cuteness ko kaya di daw nila ako papalitan.

mwihihi.

at dahil diyan, magluluto ako ng strawberry cake !

Ceeelleeebrate good times, come'on! Yeah!! Ceeellleeebrate goo-

"Ehem.." minulat ko ang mga mata ko para tignan kung sino ang pumutol sa
celebration song ko.

"Cal.." inilibot ko ang tingin ko at napagtantong nasa school clinic nga ako.

Weyt. Siningkit ko ang mata ko para mag isip isip kung bakit ako nandito at paano
ako napunta dito.

Hmm...

Kidnap?

Carnap?

Hold-up?

Homicide?

Suicide?

"Heart attack."

Ahh... heart attack...


tumango-tango ako dahil naalala ko na ang nangyari.

Waaahh!! Knock out na naman ako.


Sa susunod di ko na talaga ibibigay kay Ria ang manobela! Hmp!

"Sit" utos ni Cal saka niya nilagyan ng tubig ang baso sa mesa. Sinunod ko naman
siya at umupo sa higaan.

"Nasan nga pala-" bago ko pa matapos ang tanong ko ay sinagot na niya ito.

"Dorm.. resting" sabay abot niya ng baso. Minsan talaga ang sungit ng lalaking
to... minsan ba? este kada segundo pala.

Someday Cal...

papasuotin talaga kita ng flower crown tapos picture-an kita. Hihi. Tapos i-edit ko
mata mo. Gawin kong anime eyes! Mwahahaha!

"I know what you're thinking." sambit niya. Binigyan niya ako ng nakakamatay na
titig kaya kinuha ko na ang baso saka uminom.

Balang araw Cal... Balang araw...


MWAHAHAHA!!

"Stop grinning." bakit? Hindi ba pwede?

"Blleeee!!" narinig ko ang pagbuntong-hininga niya bago niya kinuha ang baso sa
kamay ko at ibinalik sa lamesa.

"I'm heading back. Wanna come with me?" alok niya.

"yes pleaseee" nagagalak kong sagot.


Yaaayy !! Sa wakas. Dorm na namin ang uuwian ko. Hindi na hotel!

Tinulungan niya akong bumangon at tumayo saka kami sabayng lumabas sa clinic.
Nandun pa rin ang manhid ng mga paa ko pero nakakalakad na naman ako so I'm
perfectly fine! Hihihi.

Napansin ko ang tingin ng mga estudyanteng dinadaanan namin kaya nginitian ko sila.
"Halooo!! hihi" kinawayan ko rin silang lahat.

Ayy... ba't dinideadma lang nila ako?

Di ba nila ako na-miss?

Don't tell me... *gasps*

invisible kami?! or b-baka.. multo na kami?! NNOOOOOO !! Huhuhu.

Paano na sila Buttercup...


Sino na ang a-attend sa meeting namin ni Professor....
Sino nang tatalo kay Mojojo..!
P-paano na si-Huhuhu
Narinig kong bumukas ang pinto.. "M-mauna na ako Cal... Huhuhu paalam. Nakikita ko
na ang liwanaaaaggg!!" Pero hindi niya pa rin ako binibitawan saka siya humarap
sa'kin.

Ha? Bingi ba 'tong lalaking to? Sabi ko una na'ko. Gusto niya mauna?

"What in the deepest lair are you talking about?" kunot-noo niyang tanong.

Napa iling ako dahil sa tanong niya.


Tsk tsk.. poor Cal... walang alam...

"wala..." mamaya ko nalang siguro sasabihin ang katotohanan Cal. You deserve to
know the truth and the truth shall set you freeeeee !!

Hinila niya ako papasok sa dorm at nakita ko ang iba sa sala na tila nagme-meeting.
"Halooo" masaya kong bati.

Tumabi naman ako ni Cesia para maki cheese-mis.

"May nangyari ba?" tanong ko sa katabi ko.

"Si Kaye... bumalik na."

"HA?!" hiyaw ko.

Tumahimik silang lahat at tumingin sa direksyon ko kaya binigyan ko nalang sila ng


peace sign.
"H-hihi... s-sorry" agad namang nawala ang tensyon kaya umurog ako ng konti sa tabi
ni Cesia.

"A-ano daw? Talaga?" usisa ko.

"Oo.. pero walang nakakaalam kung paano siya nakabalik dito eh..." so good news
pala yan. Pero bakit naman ang seryoso nilang lahat? Di ba sila masaya dahil
nakabalik na buhay si Kaye?

"Ahh... may welcome party ba?" tanong ko.

Baka kasi makulangan pa kami ng cake. Eh isa lang naman dapat ang gagawin ko. Pero
okay din naman yung dalawa.
Magpapagawa nalang din ako ng banner na may katagang 'WELCOME BACK' tas oorder na
rin ako ng balloons at Powerpuff Party Hats!

Waaahhh !!! Finallyyy !!


Invite ko rin kaya sila madam?

"Uhh... party?" nagtatakang tanong ni Cesia.

Tumango naman ako "Gagawa sana kasi ako ng cake. Isa lang dapat pero okay na rin
yung dalawa. Tas oorder ako ng-" napatigil ako sa pagsalita dahil sa biglaang
pagbukas ng pinto.
Hays. Ano bang meron sa araw na'to at parang di ko maituloy ang pagsasalita ko.

"You are being summoned..." sabi ng isang aurai. Sabay na kaming tumayo at tumungo
sa office.

Alam na alam ko naman kung saan ang kahahantungan ng pagpunta namin sa office.

Report, Case Discussion, Realizations.

I want something for a change... like.. like.. isang welcome party!


Ba't ba kasi di pa sila sang-ayon sa dati ko pang suggestion. Eh ang saya kaya nun!
Hmp.

Hayaan na nga. Mga abnormal kasi eh. Walang alam sa salitang 'fun'. Basta ako, mag
pa-party ako!

Binuksan ni Dio ang pinto saka kami isa-isang pumasok. Nakita ko si Kaye na nakaupo
sa isang seat at sinundan kami ng tingin.

Eh? Ba't niya kami nakikita? Di ba mga multo nalang kami?

Anyways.. nandito na nga siya...

Ginamit ko ang ability kong maghanap ng wounds sa katawan niya pero mga gasgas lang
naman sa binti at braso niya ang nararamdaman ko.

Mabuti naman at di gaano siyang nasaktan. See? kaya nga dapat kaming mag party eh
dahil walang nagkamit ng seryosong injury ni isa sa'min. Booo!

Ipinatong ni madam ang dalawang kamay niya sa table sabay utos sa'min na umupo kaya
umupo na rin kami.

"I want to hear the girls' report first... Kara." tawag niya. Tumayo naman si Kara
at sinimulan na ang pag report.

Maya maya, natapos na rin si Kara kaya tinawag na niya si Trev para sa report ng
boys.

Sumandal ako sa upuan at humikab sa gitna ng pagk-kwento ni Trev.

Antagal naman...
Nang matapos na rin si Trev, binanggit ni madam ang pangalan ni Kaye kaya umayos na
ako ng upo at nakinig sa usapan. Di ko kasi ma afford ang maging outdated.

"She managed to escape from the creatures who tried to lure her. The council's
trackers took days to finally locate her being." sabi ni madam.
"It was a pack of sirens and 3 unknown large monsters. They were trying to kidnap
her due to their belief that she could control their future but how wrong were
they..." sabay tingin niya kay Kaye na nagbuntong-hininga.

"I guess that's it. Alphas you may go now... as a token of your mission, your
combat examination is cancelled.. and you can start attending your classes at most,
this week.. whichever day you'd prefer." tumayo siya saka nag bow.

Sabay din kaming nagsitayuan at nag bow sa kanya pagkatapos ay lumabas na sa


office.

•••

"That was it?!" galit na sambit ni Ria. Nakikinig lang ako sa mga reklamo nila
habang kumakain kaming walo dito sa cafeteria.

Napag alaman ko ring di pala kami mga multo nang tinanong ko si aleng na nagtitinda
sa cafeteria kung okay lang ba kumain ang mga kaluluwa.

Huhu. Akala ko talaga mga kaluluwa kami at anytime may vacuum na lalabas galing sa
underworld para kunin na kami. Wew.

"Psh. Takte. Sana di nalang ako sumama. Sabi ko na nga ba. Walang point yung misyon
natin." inis na inilapag ni Chase ang tray niya sa lamesa.

"Kalma lang. We've already done it." suyo ni Dio.

Kaming dalawa lang siguro ni Cesia ang patuloy na kumakain at walang imik. Sabi nga
nila diba? Don't add fuel to the fire. Dahil talagang mag-aapoy na ang table na'to
ng wala sa oras. Huhuhu.

Napatingin ako sa katabi kong tahimik lang at mahigpit na ikinuyom ang kutsara na
unti-unting na de-deform.

"Huy Cal.. magkamay ka nalang. Di ka na makakakain nyan" gunita ko. Di naman niya
ako pinansin kaya umayos nalang ako ng upo.

Waahh !! Grabe naman! Gusto ko ng party hindi isang kulto ng mga anti-happy!!!

"At least we got in a start.. and soon enough, we'll search for more reasons"
sambit ni Kara.
Yah. Wala naman siguro kaming ibang choice.
Sariling sikap 'to sa ngayon. Fighting!

New Goodie
'Dearest Art... gather your light for now..'

Nagising ako sa boses ni Papa...

Gather your light? Ano naman meaning nun? More training or more energy?

Meh...

Tumayo na ako at sinuot ang PPG slippers ko. It's so commmfffyy...

weewooweewoo.

Pumunta ako sa nag-iisang bintana ng kwarto at binuksan ito. Unti-unting pumasok sa


sistema ko ang sunlight. Nararamdaman ko ang agos ng energy na dumadaloy sa katawan
ko kaya napasinghap ako.

Waaahh... nakakagaan talaga sa pakiramdam pag ganito eh.

Tinignan ko ang mga kamay kong nagliliwanag na kaya tumigil na ako sa pag absorb ng
energy at sinarado ang bintana.

Ganito na ako dati since birth. Kumukolekta ng energy galing sa araw para sa
immunity ko!

Ang galing lang no? Hihi.

Kailangan ko kasi ng mas maraming energy kumpara sa iba para sa abilities ko


lalong-lalo na sa healing at since anak ako ng Sun God aba! syempre ang sun ang
main energy ko.

Lumabas ako para kumain ng almusal suot-suot ang bubbles onesie ko na bagong bili
ko lang during our last mission! Ang cute nga kasi ang fluffy ng blonde pigtails ni
bubbles.

Kung ganito din kaya hairstyle ko ngayon?

Oh well. Mamaya nalang ako mag dedecide dahil nag ma-mating call na si Mr. Tummy.
Eto na pooo!

Kumuha ako ng isang bowl tas naglagay ng cereal at milk. Mr. Tummy, meet Ms.
Breakfast!

"Good Morning!" bati ko ni Dio na kakalabas lang sa kwarto niya at kumuha ng plato.

Ewan ko pero parang ako lang ata kumakain ng cereals for breakfast sa'ming lahat.

Hmm.. mas mabuti na rin siguro yon no? para di agad ako maubusan ng cereal.

Mwehehehe.

"Goodd Morninggg!!!" masaya kong bati kay Cal nang nag squat ako sa upuan.

New Day, New Life!! Ayy hindi pala.

New Day, New... New.. ano ba...

New...

New Year! Wihihi.

"Good Morning!" bati ko kay Trev na engot pa rin hanggang ngayon. Bleee.

"Good Morning!" bati ko kay Chase na isang segundo lang ay nakaupo na sa mesa.

"Good Morning!" tinanguan naman ako ni Kara.

"Good Morning!" hindi din ako pinansin ni Ria na dumiretso lang sa ref.

"Good Morning!" nakangisi kong bati ni Cesia.


"good morning" Buti pa si Cesia... marunong pang mag respond! Eh yung iba para lang
bingi. Blah.

"Why so early?" tanong ko sa kanya. Palagi kasing late tong si Cesia eh kaya isang
miracle ang pag gising niya ng ganitong oras! A round of applause!

"Ahh... nakalimutan ko kasing i-deactivate yung alarm." sabay kamot niya ng ulo.
Kahit gulong-gulo ang buhok niya para parin siyang isang dyosa!

Ommooo !! Pasuotin niyo man yan ng dumpster, hindi pa rin mababawasan ang
kagandahan niya.

Natural lang naman siguro yan sa anak ni kagandahan herself. Duh.


Habang kumakain, napa-isip ako sa nangyari kahapon...

DI AKO NAKAGAWA NG CAKE!


Huhuhu.. labag man sa loob ko, tanggap ko na.

Next time nalang siguro... tatluhin ko kaya? Strawberry, Chocolate, Mocha.


Waaaahh !! Sige sige.. gusto ko yan.

Pero bago ko pa masubo ang spoonful of cereal ko, napatigil kaming lahat sa pagkain
dahil sa biglaang pagtunog ng kidlat.

Sabay naman kaming napatingin kay Trev dahil siya lang naman ang alam naming
makakagawa nun since isa yan sa ability niya.

"Bro. Ang aga-aga nanggugulat ka na" reklamo ni Chase sabay gulo sa buhok niya
dulot ng inis.

Pagkatapos ng ilang segundo, kumunot ang noo ni Trev at tumingin sa'min na


naghihintay ng response.
"I... did not do that" sabi niya dahilan na mapatingin kaming walo sa isa't-isa.

"GET DOWN!" Ilang milliseconds ang lumipas pagkatapos sumigaw si Kara ay isang
kidlat ang pumasok sa loob ng dorm na dumiretso sa table namin. Narinig agad namin
ang malakas na pagsabog sa bandang likuran ko after naming magpailalim sa mesa.

Waaahh !! Yung cereal ko!

Sunod sunod na ang pagsabog na naririnig namin kung saan-saan kaya nararamdaman ko
na ang tensyon sa pagitan naming walo na nasa ilalim ng mesa.

"Trev!" sigaw ni Kara.


Tinignan ko si Trev na tila nahihirapan sa ginagawa.

"I... I can merely control it!" galit niyang sabi.

Kung sagayon, hindi nga siya ang source ng mga kidlat...

EH KUNG HINDI SIYA, SINO?!


"Art. Accompany me!" sigaw niya sa ilalim ng mga tunog ng pagsabog.

Tinanguan ko lang siya dahil naintindihan ko agad kung ano ang gusto niyang
iparating since ako lang din naman ang may ability related to light. Kaya nga
'lightning' diba?

Napalunok ako bago simulang maghanap ng energy source.

Magagamit ko kasi ang ability ko sa pag locate ng pathways ng mga lightning bolts
seconds before they struck a particular area.
At sa tulong ni Trev na kayang makontrol ang mga ito, pwede naming mabagal at
maiwasan ang mga kidlat at the same time.

Ang cool no? Hihi.

"Faster Art!" hiyaw ni Ria.


"Wait!" nahihirapan na nga ako dito eh. Idagdag mo pa yung mga pagsabog! Bahala na
nga to. Energy ko nalang ang gagamitin ko. No choice na ako! Huhuhu

I traced several spontaneous lights successfully kaya napa-assure na'ko.


"On the count of three..." naghanda naman sila pagkasabi ko nun.
"three... " unti-unti ko ng naramdaman ang papalapit na light source...
"two..." at mukhang ang thick ng bolt na'to.
"ONE!" tumayo kami at sabayng tumakbo papalayo sa table na sakto ring sumabog.

"Ria to your right! "

"Cesia, duck!"

"Everyone stay down!"

Mga hiyaw ko lang ang nakikipaghalubilo sa mga pagsabog all throughout.

Naramdaman ko ang pagbagal ng daloy ng mga lightnings kaya nakatulong din ito sa
pag iiwas namin. Not fully pero atleast may seconds ako para antigin ang iba ko
pang mga kasamahan.

Nagtago kami sa corridor ng mga rooms namin na naghihingal.


Parang may sariling gubat ata ang dorm.
Ayaw ko pang mag WWIII!

"Chase can you open the door?" tanong ni Trev.


"Bro naman!" angal ni Chase. Hindi ko naman siya masisisi dahil mabilis nga siya
but light is still quicker and sharper kaya talagang mahihirapan siya sa pag iwas
no.

"Just open that goddamn door!" inis na utos ni Trev.

Napamura si Chase bago nawala sa paningin ko. Nakita kong agad bumukas ang pinto
kaya sinimulan ko na ang pag trace ng light.

Napansin ko naman ang ilang burns sa may balikat ni Chase nang bumalik na siya sa
pwesto niya.

"Upcoming twelve lightnings on our pathway in 5 seconds" pagbigay alam ko.


"I'll make it 9" nag nod ako pagkatapos marinig ang sinabi ni Trev.

"Let's head out!" sigaw ko sa iba.


With all my remaining strength, tumakbo ako without hesitation na tumigil o kung
ano basta ang alam ko lang, ramdam na ramdam ko ang papalapit na mga kidlat sa dako
namin.

weewooweewooooooo!!

"Waaaaahhhh !!!" hiyaw ko pagkatapos kong tumalon papalabas ng dorm at nagkalas sa


far edge ng hallway.

Napasandal kaming lahat sa pader para maghanap ng hangin.

Phew. Ano nga ba yun?

Maya maya, tumigil na rin ang pagsabog na naririnig namin kaya inactivate ko muna
ang ability ko just in case.

"Clear na lahat." naghihingal kong sabi. Hoooo.

Narinig ko rin ang papalakas na mga yabag ng mga paa kaya napalingon ako.

Nakita ko sila Doc Liv, Sir Rio at iba pang staff na tumatakbo papunta sa direksyon
namin.

"What happened here?!" nag-aalalang tanong ni Doc.


"We were attacked by lightning... and it wasn't... Trev." sagot ni Kara.

Tumango-tango naman si Doc.


"Let's proceed to the clinic. Rio and the others will take care of your dorm."
paalala niya.

"All stations report in the Alphas Dormitory." narinig kong sabi ni Sir sa radio
niya bago tuluyang pumasok sa dorm namin.

Sumunod na rin ako sa iba patungong clinic.

"Are you okay?" tanong ni Doc sa'kin. Tinanguan ko naman siya. Ginamit ko na rin
ang natitirang energy ko sa mga konting sugat na natamo ko kanina.

Kakakain ko nga lang ng breakfast ko tas papasok na naman ang nakakapanibagong


gulo...

Hmp!

wait...

wait!

Nanlaki ang mata ko at napatigil sa paglalakad nang may naalala ako.

ASDFGHJKL !!!

SILA BLOSSOM!

Problems
Ria's POV

Tinutulungan ko ngayon si Kara na gamutin si Cesia.

She got it worse.

Wala nga syang burns pero may mga wounds naman siya due to the impact of shattered
glass and flying objects ng kanina.

Kami ni Kara ang tumutulong ni Doc dahil bigla nalang tumakbo pabalik si Art
urgently.
Wala talaga kaming ideya kung ano na naman ang drama ng bata. Hula ko may
connection yan sa PPG obsession niya.

"Bring this to Chase. Make sure you apply it on his burns evenly." utos ni Doc
sabay abot niya sa'kin ng isang bowl of paste. I nodded and directly went to
Chase's spot.

Nadatnan ko siyang natutulog sa bed niya so I quickly applied the paste on his
burns na siyang gumising sa kanya. May acid kasi ang paste na'to kaya medyo mahapdi
sa burns.

This medicine was created just a week ago.

"Tangna. Ano yan?!" hiyaw niya sabay himas sa balikat niya.

"Bakla" yan lang ang sinabi ko at nagpatuloy sa pag apply ng paste. Umupo naman
siya para even ang pag apply ko.

Narinig ko siyang nag-hiss dahil sa hapdi kaya napangiti ako.

HE DESERVES THE PAIN.

"That evil grin..." sumingkit ang mata niya kaya mas diniinan ko ang paglagay ng
paste.

"Tsk. Hoy babae tandaan mo may utang ka pa sa'kin." he reminded.


Hindi ba niya nakuha nga intention ko nga ang magpatalo kasi naawa ako ni Art? o
sadyang bobo lang talaga siya?

Hmm... I'll take the latter.

Binigyan ko ng bored look ang bakla at inilapag ang paste sa table pagkatapos ko
siyang magamot.

Dumiretso na ako kina Cesia at Kara para tulungan ang paggamot sa kanya.
Inutusan naman ni Doc si Kara na tulungan ang tatlong boys kaya ako muna ang
naglilinis ng mga sugat ni Cesia.

Nakita kong hinay-hinay nang nawawala ang ibang wounds niya kaya hinayaan ko nalang
siya na magpahinga as I sat down by her side.

She's just new here and she's already exposed to dangerous stuffs.

I sighed.
we all were.

"Huhuhu" nilingon ko si Art na naka PPG onesie at naka pout.

"What's wrong?" I asked.


Tumabi siya sa'kin saka ako tinignan. Ngayon ko lang din napansin nga umiiyak nga
siya.

"Sila... blossom... kunin ko na sana pero di nila ako pinapasok sa dorm Ria.
waaahhh!! huhuhu" as expected.

I tried to hide my smile to look sympathetic.

"Don't worry... I'm sure okay lang sila." suyo ko.

"Paano?" iniangat niya ang ulo niya.

"May powers sila diba?" nagliwanag naman ang mga mata niya pagkatapos niyang
marinig ang sagot ko.

"Oo nga pala... hihi" I felt relieved nang bumalik ulit yung ngiti niya.

This girl is fragile and innocent. Di ko pa nga siya nakita na seryoso at galit...

maybe that's why I always wonder what her wrath looks like.

Tinignan niya si Cesia kaya napatingin din ako.

"Okay na ba siya?" tanong niya.

"Yeah.." sagot ko. She'll be healed soon enough kaso mababagalan nga lang... her
body can't heal dozens of wounds at the same time.. just one at a time since bago
pa sa immunity niya ang ganito.

Tumayo na ako at sinabihan si Art na bantayan muna si Cesia. Pupunta kasi ako sa
dorm para tumulong sa pag i-inspect.

Naguguluhan pa rin talaga ako sa nangyari. If the first batch of problems were
because of Kaye's abduction then ano na naman tong bagong atake na 'to?

"Found anything?" tanong ko ni sir na kasama si Kara pagkapasok ko sa dorm.

Dumiretso ako sa dining table para tignan ng maigi ang ibinilin na marka ng
lightning.

"Unfortunately..." sagot niya. Hinipo ko yung itim na bakas sa mesa.


Hmm.. That's odd...

Napalingon ako ni Trev na kakapasok lang at papunta sa kinaroroonan ko.

"It's artificial..." batid niya habang tinitignan ang marka.

The mark should still be hot kaso iba to... nasa room temperature na.

Artificial... I guess that explains kung bakit nakapasok ito sa school barrier
since no attacks can be activated from outside.

"It must have been created inside the campus." sambit ni Kara na nakatayo sa tapat
ng table at nakapameywang.

"Maybe... pero wala tayong kilala na nakakagawa ng artificial abilities." pagbigay-


alam ko. It's like the greatest violation against the gods and it would take years
to mimic abilities.

Tahimik lang kaming nagmasid sa dorm... wala pa rin kasi kaming naiisip na
possibilities.

Sana mahanap kaagad namin ang suliranin para mapatay ko na siya. Early in the
morning at pinagtri-tripan na kami. Ugh. Such a pain in the arse.

Napagdesisyunan kong bumalik muna sa clinic kaya nagpaalam na ako sa kanila.


Nababagot na ako tignan ang mga mukha ng mga kasama kong malalim ang iniisip.

Nakita ko ang isang babae na nakatayo sa paanan ni Cesia at nakapako ang tingin sa
harap niya pagkapasok ko sa loob.

I was assured nga si Kaye nga ito nang lumingon siya sa'kin.

Though nag-iba ang itsura niya. She was all pale and I can see dark circles under
her eyes.

"I.. I had a vision again that's why I headed here... but I was too late.. I'm so
sorry.." nakayuko niyang sabi.

Pumunta ako sa kinaroroonan niya at inakbayan siya.

"No need... it's not your fault.." sabi ko.

"Pero dapat kasi pinagbalaan ko kayo habang maaga pa.. kaso natakot ako...
kasalanan ko'to" I hate people with this attitude. Inaako nila ang mga ganitong
pangyayari.

In fact, I hate nice people. They just annoy me.


"Nah... don't start a drama. Wala kang dapat ihingi ng tawad." napansin ko naman
siyang napa buntong-hininga sa sinabi ko.

"But-" tinignan niya ako ng nag-aalinlangan.

"I said not to start a drama. You heard me right?" Walang kwenta ang ganitong pag-
uusap. Punong-puno na ang utak ko ng kung anu-ano kaya hindi ako magdadagdag ng
something little and unnecessary.

Tumango naman siya.

"Can I help?" That question is just what I needed.

"Certainly... sabihan mo lang kami pag nagkaroon ka na naman ng vision. We'll be


ready." sagot ko.

"May lead na ba?" tanong niya bakas sa mukha ang curiousity.

"All we know is that the lightnings used were artificial.." halatang gulat na gulat
siya sa sinabi ko.

"I-Ibig sabihin nasa loob lang ng campus ang attacker?" nag-aalalang tanong niya.

"Yeah..." nanlalaki pa rin ang mga mata niya.

Napansin namin ang pag galaw ni Cesia kaya napalingon kami sa kanya...

"She's awake.." saad ko. That's great. She's regaining her strength...

"M-Mauna na'ko... may class pa kasi ako. Pakisabi nalang ni Cesia na dumaan ako..."
nagbuntong-hininga na naman siya "I'll do my best to help.." tumango ako at
dumiretso sa bedside saka siya lumabas ng clinic.

Nakita kong unti-unting iminulat ni Cesia ang mga mata niya kaya tinawagan ko na si
Doc.

"Hey... are you okay?" tumango naman siya.

She's already responsive...

"Good" puna ko.

Post-incident
Cesia's POV

Rinig na rinig ko pa rin ang alarm.

Kumuha ako ng unan para itakip sa tenga ko.


Aish. Halos isang linggo na ang lumipas pero tinatamad pa rin akong bumangon. Di ba
pwedeng matulog muna kahit 5 mins man lang?

Wag nalang pala. Alam ko na kasi kung saan papunta ang extra 5 minutes na yan.

Limang minuto equals isang oras kaya echos. Bumangon nalang ako at pinatay ang
alarm.

Nararamdaman ko pa rin ang sakit sa katawan ko hanggang ngayon. Pero di tulad ng


dati, kaya ko nang gumalaw.

Sabi ni Doc, dapat daw akong magpahinga. Mukhang okay na naman ako kaya
napagdesisyunan kong bumalik na sa klase.

Nakakaumay din kasi minsan pag ako lang isa dito sa dorm. Saka dapat pa akong mag
catch-up sa mga lessons na naghihintay sa pagbalik ko.

Lumabas ako at nakita ang tatlong girls.

Parang walang nangyari na gubat sa dorm dahil binago nila lahat. Sa loob ng isang
araw, nagawa nilang palitan ang interior ng buong dorm. Ang galing lang.

"Sure ka ba talagang papasok ka na sa klase?" nag-aalalang tanong ni Art.

Oo, bitbit ang tatlong PPG Plushies niya.

Tumango naman ako. "Di ko kasi gustong madagdagan pa ang lessons na icacatch-up
ko."

"Are you super really very sure?" dagdag niya. Napatawa naman ako ng marahan.
They've been like this since the lightning event. Syempre, naappreciate ko naman
ang pagiging concern nila.

"Okay na okay na ako. Wag kayong mag-alala." saad ko.

Tinignan niya ako from head to toe na tila ini-inspect ang anyo ko. Hinayaan ko
nalang si Art dahil alam ko namang nawala na lahat ng gasgas sa katawan ko kaya
wala na akong ikabahala.

"Okay. But make sure to tell us if you feel pain or so.." paalala ni Kara.

"Hindi ko malilimutan yan" nakangisi kong sagot.


Pumunta na ako sa hapagkainan at umupo.

"Nasa office yung boys.. nag re-review lang tungkol sa last week" sabi ni Ria.

Napabuntong-hininga naman ako.

Last week...

wala pa bang may alam kung ano talaga o sino ang source?

Marami-rami din akong natamong sugat. Tulad nalang ng sirang telepono na natapakan
ko nung tumatakbo kami papalayo sa mga kidlat. Ish.

Pinilit kong wag nang alalahanin ang nangyari. May pagkain kasi sa harapan ko. Baka
mawalan ako ng gana.

Tinignan ko ang mga kasama ko na kumakain. They seem fine.

Atsaka ang boys na daw ang bahala sa review at alam ko namang madali lang sa kanila
ang mga ganyan... sanay nga diba? wala naman akong malaking maitutulong dito dahil
bago pa lang ako.

Pero ibibigay ko pa rin ang best ko para makibahagi sa bagong dating na problema.

"Wag kang magmumuni-muni diyan uy! Sayang ang pagkain" nabalik ako sa realidad
dahil sa boses ni Art. Tinignan ko siya at napag-alamang di pala ako ang
sinasabihan niya kundi si Buttercup na katabi niya dahilan na mapangiti ako.

The last time na sobrang excited ako ay nung papunta kami dito at nagplay ang song
sa TFIOS sa sasakyan.

I wonder if that will be the last time.

Sana naman hindi. Maraming problema na kasi ang sasalubungin namin from now on.

I sighed. Pati dito sa dorm hindi na safe.. pero handa kami sa pwedeng pag-ulit ng
nangyari. Dapat lang.

•••

"All creatures each have their own weaknesses. Sometimes it's obvious, sometimes
it's not. Ever heard of the story of Odysseus and Polyphemus?" tanong ni sir
sa'min. Tumango naman kami.
Isang part ng journey ni Odysseus ang pagkita nila ni Polyphemus, the one-eyed
giant cyclops. Kinain niya ang anim na mga kasamahan ni Odysseus kaya ni-lure niya
yung giant na malasing hanggang makatulog siya gamit ang strong Ciconian wine saka
niya binulagan ito. Nagpakilala si Odysseus bilang 'Nobody' kaya nang magising na
ang higante, tinawag niya ang iba pa niyang mga cyclops at sinabing inatake daw
siya ni 'Nobody'. In the end, nakatakas rin sila Odysseus sa kweba ni Polyphemus.

"You'll be doing that today. You will seek and target your opponent's weakness. Any
problems? you're free to say anything." tinignan ako ni sir na tila nag aantay ng
sagot kaya umiling-iling ako.

Gusto ko mang mag-excuse pero hindi. Ilang araw na rin akong naka-skip ng klase eh.
And I'm sure makakaya ko ang task na'to.

I think...

"Alright. Prepare yourselves... I just installed a new visual in the room. You'll
surely like it." nakangisi niyang sambit.

Pumunta kami sa may table at naghanda. Tinitignan nila ang weapons nila at
tinetesting samantalang ako, naghahanda lang sa sarili. Mahirap na. Baka mahimatay
pa ako dahil nga sa sobrang stress.

Ayaw ko pa namang bumalik sa clinic. Ask the gods, nagiging suki na talaga ako dun.

Napadako ang tingin ko kay Trev na nakasandal lang at malalim ang iniisip.

Ba't nag-iba ata ang aura niya ngayon?

Ako lang ba ang nakahalata?

Kinibit-balikat ko nalang.. hmm. ganyan naman talaga siya dati pa.

"Hey, sure ka ba talaga?" napalingon ako ni Ria na hinawakan ang balikat ko.
Binilang ko ang mga tanong nila at masasabi kong pang labinlima na yan mula umaga.

"Yeah.." tumango ako. Hindi naman ako nagrereklamo sa mga paulit-ulit nilang
tanong.
Instead, gumagaan ang pakiramdam ko kapag naririnig ko ang mga ito. Ewan ko ba.
Pero nasisiyahan talaga ako pag kinakamusta ako or somewhat like that.

Eto na kaya ang proof na loner talaga ako? Sa totoo, feeling ko kasi out of place
ako sa school na'to.

Nababaguhan pa rin ako sa surroundings at nahihirapan pa rin ako sa pag b-blend in


dito.

I need to cope faster.

Shallow lang ba? Eh sino ba namang mag-aakala na ang isang random student
mapapadpad sa school ng mga kakaibang nilalang kasi nga hindi rin siya katulad ng
karamihan.

'You're chosen heavenly... you're not random' bigla kong narinig ang boses niya.
Ngayon lang ulit siya nagparamdam ahh..

Kusang napangiti ako dahil sa sinabi niya. She's been listening.

"Alright. You will go by four. Boys then girls" instruction ni sir.

Ano na naman kayang meron at apat talaga ang kinakailangan...

"Diba dapat Ladies first?" naghihikab na tanong ni Chase papunta sa gitna ng room
kasama ang feather niyang lumulutang sa palad niya.

Siya nga pala, halatang inaantok pa rin yung boys.. Pina review kaya sila buong
magdamag? And by review, ibig kong sabihin ay investigate.

"I believe they've been working hard.." sabi ni Kara na tila sinagot ang katanungan
ko. Tumabi siya sa kinatatayuan ko at maiging ipinako ang tingin sa harap.

"Akala ko ba gusto niyo nang matapos 'to para makapagpahinga?" naglakad si sir sa
dako namin. "Remember boys. Target the weakness." saka niya pinindot ang remote.

Tahimik lang kami nang dumaan ang ilang segundo. Unti-unting napoporma ang apat na
malalaking anino kaya siningkit ko ang mga mata ko para tignan ang nangyayari sa
dulo ng room.

Hmm... patuloy na lumalago ang mga floating particles.

"Have fun with the new installment boys." nakangising sabi ni sir.

Pagkatapos niyang sabihin yun, isang malaking dabog kasabay ng lindol ang
naramdaman namin galing sa mga higante.
Halos matumba ako dahil sa pagkalaki-laki nila kumpara sa apat na mga lalaki. May
dala pa silang mga pamalo.

Akala ko ordinaryong higante lang sila pero hindi... dahil napansin ko ang dalawang
mata nila na nakapikit at sa gitna ng noo ang isa pang mata na sinusubaybayan ang
galaw ng mga lalaki.

Akmang aatake na sana si Chase nang pinahilig ng isang cyclops sa direksyon niya
ang kahoy na dala-dala nila.

Mabilis na nakaiwas si Chase kaya si Cal na katabi niya ang natamaan at natapon sa
pader.

Ouch.

"Tsk." pinunasan ni Cal ang dugo na namumuo sa mga labi niya saka tinulak ang
sarili mula sa pagkadikit sa pader.

Ang duguan niyang likuran ang huli kong nakita bago magdilim ang buong silid.

Until now... I still can't get over this deadly subject.

Unlikely Moments
"Excuse me. Kailan pa naging wild ang mga probinsyana?" inis na tanong ni Ria.

Kinuwento kasi ni Chase ang nangyari sa misyon nila.

In details.

Sabi niya bukod sa walang punto ang misyon, wala daw siyang nahanap na chix. So
overall, wala talagang kwenta kahit ang presence niya.

"Tss. Kaya nga gusto ko ang mga tipong taliwas sa stereotypes." sabi ni Chase kaya
napa iling nalang si Ria.

Nasa circular bench ng park kami ngayon. Hindi natapos ng boys ang PE dahil may
sudden meeting ang staff.

Nagk-kwentuhan lang kami dito.


Minsan lang daw kasi sila pumupunta sa park kaya nag aya si Art. Dapat raw kaming
lumabas at 'ifeel ang freedom' ani Art.

Today looks like a typical day. Pero para sa mga ibang estudyante, hindi. Kasi
nakatuon lahat ng mga mata sa'min.

Binabalewala lang ng mga kasama ko ang sitwasyon dahil sanay na sila... except me.
Naco-conscious pa rin talaga ako.

"What did Ariethrusa say?" curious na tanong ni Kara.

"She said not to trust anyone and.. that her brothers and sisters are waking up."
sagot ni Dio.

This means hindi lang ang mga gods ang unti-unting naging active which is bad news.

Ano kayang nangyari sa realms ng supremes at tila okupado ang lahat...

Kumunot ang noo ni Kara sabay tingin sa malayo. Halatang malalim ang iniisip niya.
Mahirap talagang basahin kung ano ang nasa utak ni Kara. Narinig ko na nga ang tawa
niya pero nandyan pa rin ang misteryosong vibe.

Manang mana ni Athena.

"Maybe I was wrong..." sabi niya na nakasingkit ang mata. "Maybe the tree was the
tree that connected Terraria and Arcadia" gunita niya.

"Paano mo naman nasabi yan?" nagtatakang tanong ni Ria.

"No tree, it is said, can grow to heaven unless its roots reach down to hell.."
napaisip kami sa sinabi ni Kara.

Yun yung quote na ibinilin ni Theosese para sa'min...

"Or maybe he meant it to be understood in two ways. Alam niyang may maghahanap sa
kanya.." ani Ria.

"He's into something and it makes me confused." nagbuntong-hininga si Kara bago


lumabas sa pananaw ko si Art at Cal na may dalang trays.

Inilapag nila ang trays at nag distribute ng ilang bowls of tuna salad. Tinanggap
ko ang tinidor na binigay ng nakangising Art at nagsimula nang kumain.

"I still can't believe you went to Spain without us." sabi ni Dio saka sumubo ng
pickled mushroom.

"Pero nakaharap nyo ang fates. Sa imagination ko nga lang sila nakikita.."-Ria
"Tsk. Iba yung sa inyo. Biniyayaan kayong makita ang garden. Lalong-lalo na ang
hesperides."-Chase

"Oh? Ano namang meron?"-Ria

"Aba. Inaakit nila ang mga lalaki hanggang mawalan sila ng hininga. Isa lang ang
ibig sabihin nyan.."-Chase

"Oh?"

"First-class chix sila!"

Isang sapak galing kay Ria ang natamo ni Chase.

At diyan nagsimula ang pagbabangayan ng dalawa na naging background music buong


maghapon.

•••

Lumabas ako sa kwarto at nakita si Kara na tinitignan ang map na nakalatag sa mesa.

Obviously, nalilito siya which is kind of funny dahil anak siya ng goddess of
wisdom.
Pinapakita lang nito na mortal pa rin kami. Nagkakaproblema at may panahon na
stressed na stressed kami.

Pumunta ako sa likuran niya para makisali sa pagsuri ng map.

Tinrace niya ang nakasulat na Latin sa itaas at binasa ito.

"The Map of the World." saka nagbuntong-hininga. Disappointed siguro.

"Kung magpahinga ka kaya.. Bukas na bukas siguradong gagaan ang pakiramdam mo..."
alok ko. Dapat di niya pinipilit ang sarili niya.

Mahihirapan lang siya sa kalaunan.

Binigyan niya ako ng mapait na ngiti.

"Okay lang yan.." giit ko.

24/7 kasi siyang nakabantay sa anong pwedeng sorpresa. She deserves something.
Kahit isang quick nap man lang.
Saka, halata namang gulong-gulo na siya sa gustong ipahiwatig ng Theosese na yun.

Ako rin. Di ko gets kung ano talaga ang message niya.

Kung i co-connect mo kasi ang buong pangyayari sa misyon namin pati sa boys,
nakakalito. Wala kaming possibility na nakikita that makes sense. It just doesn't.

"You know what? I do need to rest." tumayo si Kara at dumiretso sa kwarto niya.

Nilingon ko ulit ang map at umikot sa harap nito saka umupo. Tinitignan ko lang ito
nang may interest.

"Di kaya connected ng missions namin ang nangyari last week?" tinanong ko ang map.

Ba't ko tinanong? Matagal na kasing nakabaon sa isipan ko ang question na yan.


At dahil patay na ang makakasagot niyan edi ang map nalang niya ang tatanungin ko.

"Maybe or maybe not..." nanlaki ang mga mata ko sa narinig ko.

Shoot.

Ewan ko kung nasisiraan na ba talaga ako or totoong nagsasalita nga ang map.

Umurog ako sa harap at itinapat ang ulo ko sa mapang nagsasalita.

"U-Uhh.. b-bakit?"

This is a discovery!

Naghintay ako na magsalita ulit ito pero ilang segundo na ang lumipas at wala pa
rin.

"U-umm.. Hello?" tawag ko ulit sa map.

Naramdaman ko ang pag-iba ng weight sa tabi ko kaya napalingon ako at nakita si


Trev.

"Hi." narinig kong sabi niya.


Te.. teka... siya yung...

"I just had to grab the chance. Wouldn't I?" nanlaki ang mga mata ko sa sinabi
niya.

Ibig sabihin siya nga yung sumagot...

at nakita nga niya akong nakikipag-usap sa mapa.

...

...

...

...

...

SOMEBODY HELP ME.

"Just continue what you were doing. I'm listening.." saad niya.

Hindi ko alam pero agad akong nainis sa sinabi niya.

Ish. Akala niya siguro di ko nakikita ang nakatagong ngiti sa ilalim ng mukhang
yan.

"Why are you staring? I said continue."

And oh wow. Ang kapal ng mukha kung makautos ah.

He's liking it.

Kumunot ang noo niya kaya itinaas ko ang isang kilay ko. Aba. Hindi ako magpapatalo
sa lalaking to no. I don't like people who tried to kill me once.

"Kung alam mo lang.." bulong ko. Bigyan ko kaya siya ng hint na gusto ko siyang
papaulanin ng daggers gaya ng ginawa niya sa'kin dati?
Inilapit niya ang pagmumukha niya sa mukha ko dahilan na mapaatras ako.

Nakatingin lang ako sa mga mata niyang nakatutok din sa'kin kaya napalunok ako.

too close. TOO CLOOSSEE!

Saka siya lumayo at tumayo.

Tinignan ko ang mapa na nawala na sa mesa at hawak-hawak niya.

Tinalikuran niya lang ako at naglakad papunta sa kwarto niya.

"S-Sira!"

Napatigil naman siya sa sinigaw ko.

Nakatingin lang siya sa pinto.

"Unlike you..." sabay hawak sa doorknob.

"Hindi ako nakikipag-usap sa mga mapa." huli niyang salita bago tuluyang pumasok sa
kwarto.

Nahagip ng mga mata ko ang ngiti niyang puno ng satisfaction.

Or baka na imagine ko lang yun?

But still... ugh.


THIS. GUY.

Rough Afternoon
Ria's POV

"M-May paparating... makapangyarihan. Hindi ko alam kung sino pero alam kong
patungo na s-sila dito..." nanginginig si Kaye habang nagsasalita.

"At alam k-kong... galit sila..." dagdag niya.

Nagkatinginan kami ni Kara.

This.. this is too much. How can such a creature attack a property of the Gods?
Their motive may be so strong the wrath of the Gods doesn't matter to them.

"How much time do you think we have left?" tanong ni Kara.

"Before the month ends." sagot ni Kaye.

Well shit. We don't even have any clues about anything. Does this mean we have to
rely on pure luck?

"We should go." tumayo si Kara at sumunod ako. Sinara ni Kaye ang pinto nang
makalabas kami sa dorm room niya.

"What do you think?" tanong ko sa kanya habang naglalakad sa corridors.

If she's on it then I am too.

It wasn't a warning dahil nakita niya ito sa vision niya ibig sabihin mangyayari
nga ito. We're the first two to know pero alam kong may alam na rin ang council.
Ang ipinagtataka ko lang ay kung bakit wala pa rin silang ginagawa sa paparating.

"I don't know. The school is vast... the students... the staff..." napangiti ako sa
sinabi niya. She thinks of others before herself. And that's good.
Actually, madalas ko lang naririnig galing sa kanya ang mga ganyan.
Tuwing kinakabahan siya.

If I know, nagha-hatch na yan ng plan kung paano ma execute ang iba to safety.

"Why would a person like you get nervous?" natatawa kong tanong sa kanya.

"They're gonna proclaim war Ria. They're gonna start one." napatigil ako sa sinabi
niya. Sinundan ko lang siya ng tingin habang papalayo sa'kin.

War... by the end of the month history will happen. At wala pa kaming alam kung
sino, bakit at paano.

Somehow... wala kaming magagawa sa ngayon kundi ang mag-antay ng news galing sa
council.

'Dad..' tinawag ko ang nag-iisang tao na alam kong makakasagot nito. 'why?' tanong
ko.

I want answers...

and I want answers right now!

•••

Kinuha ko ang vase at inihagis ito sa labas ng veranda.

"Ugh!" hiyaw ko para mapalabas ang galit na nasa loob-loob ko.

I hate everything!

"This Life!" kinuha ko ang wooden chair at itinapon ito sa may forest.

That wasn't heavy!

That wasn't enough!


Everything isn't enough!

"WHY?!"
Inalsa ko ang table at itinapon ito papalabas.

Maraming mga tanong ang gumugulo sa utak ko ngayon and then this vision comes up.
Like... why?! WHY?!

We don't deserve this. The school doesn't deserve this. If anyone deserves this
then ITS THE GODS!

Nanginginit ang buong katawan ko sa inis at nararamdaman ko ang unti-unting


paglabas ng espada sa kamay ko.

'You're scared Arianne...' narinig ko ang boses niya.

Huh. Ako? Takot? Paki niya? Kung tutuusin siya nga ang takot eh. Di niya kayang
awatin ang paparating na kalaban. Di niya ako kayang tulungan! Isang god ba talaga
siya o hanggang pangalan lang siya?!

Tsk.

Ba't nga pa ba ako nagtanong... kahit noon pa wala naman talaga siyang paki sa anak
niya. Anong klaseng ama ba siya? Makapangyarihan daw pero kahit si mommy di niya
kayang naligtas!

Hoy Ares! hear me! Kahit isang segundo di ako naging proud na ama kita. Hiyang-hiya
nga ako dahil ikaw pa ang naging ama ko!

Napaluhod ako dahil sa biglaang pagbigat ng katawan ko. Unti-unti kong nalalasahan
ang dugo galing sa labi ko. Pft.

Tumayo ako sa pagkaluhod at nilingon sila Cesia na papunta sana sa kinaroroonan ko


pero inawatan ni Kara. Nagbitaw muna ako ng malalim na buntong-hininga bago binalik
ang espada at pumasok sa loob.

Ayaw kong may makakakita sa'kin na ganito. Too bad, hanggang sa veranda ko lang ito
napigilan. I wonder if they saw all of that. Tsk. I'm such a reckless girl.

"Sorry.." I apologized. Tinignan ko si Cesia na halatang nag-aalala.


Hindi siya makasagot kaya nilagpasan ko nalang siya.

"That was close.." rinig kong sabi ni Dio.

"Did I hurt anyone?" tanong ko sa kanya.

"No..." tinanguan ko lang siya at dumiretso sa kwarto.

I sighed as I felt my weight fell on the bed. Rinig na rinig ko pa rin ang malakas
na heartbeats ko. I adjusted my breathing para marelax kahit konti.

Then I felt adrenaline rush again kasabay ng galit at inis. As much as possible,
binagalan ko ang pag ginhawa ko. I also bit my tongue. My way of controlling this
issue.

Nang mapagaan na nga ang loob ko, tahimik lang akong nakapikit at naalala ang
nangyari...

~FLASHBACK~

"This letter was given by our chief commander... we're sorry." tinignan ko ang
isang matangkad na lalaki na nakayuko at may inabot kay lola na papel.

Kinuha naman ito ni lola at tumango sa lalaki na agad sinarado ang pinto.

Tinignan niya muna ang papel saka umupo sa upuan at lumingon sa'kin na nakasilip
lang sa hagdan.

"Halika dito hija.." tinawag niya ako. Nakangiti pa rin siya pero kitang-kita ko
ang lungkot sa mga mata niya.

"Po?" umupo ako kaharap niyang upuan.


"Galing po ba yan kay mama?" excited kong tanong.

Pero sa laking gulat ko, nakatutok lang siya sa'kin saka umiling.

"Ahh.. ano po yan?" nacu-curious na talaga ako.

Binuksan niya ang sulat at binasa ang nasa ibabang bahagi. Yung hulihan siguro.

Nakangiti pa rin siya pero ngayon, tumutulo na ang mga luha niya. Itinapat niya ang
sulat sa dibdib niya nang nakapikit.

"La? Okay ka lang po ba?" nag-aalala kong tanong sa kanya. May sakit kaya siya?

"Si mama..." nagliwanag ang mata ko nang binanggit niya si mama.


"hindi na siya makakabalik..."

and that was when it hit me.

Tinignan ko ang nakasabit na uniform na kakaplantsa ko lang. Sabi niya susuotin daw
niya yun para sa next season...

"P-pero... ang sabi niya.. babalik siya..." agad sumunod ang mga patak ng luha
dahil kahit bata pa ako, alam ko na ang ibig sabihin nun...

"Pinadala kasi siya sa Afghanistan Arianne...at-" hindi niya natapos ang


pangungusap dahil bigla nalang siyang natumba sa pagkakaupo.

"L-lola.." mangiyak-ngiyak kong tawag sa kanya. Kahit anong alog ko sa kanya, di pa


rin siya nagigising.

"Mama? Lola...?"

~END OF FLASHBACK~

Tinignan ko ang military uniform na nakaframe sa pader.

She died during a war... and yet dad just left her there in the middle and watched
her slowly lose her breath...

so ironic given a title 'God of War'

Mom died because of war... might as well die because of it too.

'You're scared Arianne' pinikit ko na ang mga mata ko pagkatapos marinig ulit ang
boses niya.

'and that's okay...'


Confusions
Cesia's POV

"Isipin nyo nalang bro kung anong mangyayari pag natuluyan yang babaeng yan!" sabay
turo ni Chase kay Ria na taimtim lang na kumakain.

Nalilito pa rin ako kung anong ibig sabihin ni Chase. Bakit? Ano nga bang meron
kung matuluyan nga si Ria? May masama bang mangyayari? Anong tuloy nga ba
pinagsasabi neto?

Kanina pa siya ganyan eh.

"Responsibilidad na niya yan. She knows how to control herself." mas kumunot ang
noo ko sa sinagot ni Dio.

Eh? Ano ba talaga pinag-uusapan nila?

"Don't mind them." narinig kong sabi ni Kara.

Pinagpatuloy ko nalang ang pag kain.


Habang natatakam, di ko maiwasang mapatingin kay Ria na magulo-gulo pa ang buhok at
halatang wala sa mood. Naalala ko na naman ang nakita ko kahapon.
Aish. Kahapon ko lang kasi siyang nakita na ibang-iba sa Ria na kilala ko.

Ang sabi naman ni Art na normal lang yun sa kanya kasi anak nga siya ng God of
Violence and Bloodshed so yeah... medyo violent pag overstressed.

Pero iba pa rin ang naramdaman ko nang nakita ko siya... parang nag-iba siya sa
paningin ko.

Siguro dahil first time kong nakita siya na sobrang galit.


Saka, tinanong ko na si Kara kung anong dahilan ng lubos na inis niya. 'Not
anybody's business' lang daw.

Grabe naman pala pag ma stressed tong si Ria eh. Parang nakawala sa kulungan. O di
kaya isang pasyente sa mental. Nakakatawa mang isipin, nakakatakot pa rin. Halos
isang oras nga akong di makasalita dahil sa nangyari.

Di ko talaga inaasahan na makikita ko siyang nagkakaganon. Kinakabahan pa rin ako


pag nakikita ko siya. Baka kasi anytime bigla nalang siyang magwawala at matapon pa
ako kung saan.

Tinignan ko ang eyebags na namumuo sa ilalim ng mga mata niya.


Naaawa din ako pa minsan. Overstressed. Naguguluhan na siguro siya sa nangyayari
kaya ayan.
Nag wild nalang bigla.

Hmm..

but it makes me think..

kung ako kaya magkakaganon? Yung point na magwawala ako. Pero hindi pa naman ako
nakaabot sa edge of being superly overwhelmed.

Meh...

kumakain lang kasi ako pag under distress.

Yung tipong 'hayst. stressed na naman ako. Makahanap nga ng pagkain..'

"Pero may point si Chase eh." biglang sabat ni Art. Nakakuha siya ng masamang titig
galing kay Kara kaya agad siyang napatawa awkwardly.

"H-hihihi... si Bubbles.. siya pala may point ihh.." saka niya binilisan ang pag
kain.

Kanina pa talaga ako nagtataka sa mga kasama ko. Ano ba talaga tong pinag-uusupan
nila?

"Do you want to go shopping?" tinignan ko ang nagsalita. Si Ria.


Halos mabulunan ako nang nag-abot ang mga mata namin.

Ewan ko pero parang kinikilabutan ako sa kanya.

Hayst.

Hayaan na... sa tingin ko bumalik na siya dati eh...

sa tingin ko...

"So you want to go shopping or not?" nabalik ako sa realidad dahil sa tanong niya.

"S-sige ba..." sagot ko. Binigyan ko siya ng ngiti. Isang nanginginig na ngiti.
Sana nga lang di niya nahalata.

"Ang ganda sanang sumama..." nakayukong sabi ni Art.


"You're not going?" nakasimangot na tanong ni Kara.

"Ahh.. ano.. kasi... may meeting pa kasi kami ni PROFESSUR ihh.. hi.. hihi?"
nakangisi niyang sabi. Napansin ko na naka cross fingers pala siya.

Magsasalita na sana si Kara nang inunahan siya ni Ria.


"Kara.. it's okay." aniya.

Napabuntong-hininga si Kara.

"I'll treat you with those powerpuff ice creams or what do you call those.." kalma
niyang sabi na siyang ikinagulat ni Art.

Mayamaya, nakangiti na ng malawak si Art kasabay ng pagliwanag ng mga mata niyang


puno ng excitement.

"Mwihihi. Juk lang yun Ria! Sama ako!" sabi niya bago tumakbo papuntang kwarto.

Somehow, ngayon ko lang na i-imagine ang kwarto ni Art...

Diyan lang kasi siya sa loob naka standby kaya obvious na obvious na kung anong
meron.

Isang Powerpuff Wonderland.

Pagkatapos kong kumain, tumayo na ako at dumiretso sa kwarto para magbihis.

Psh. Wala na ba kaming magagawa dito sa school kundi ang mag shopping?

•••

"Hey! Sorry I'm late... but here... I don't break my promises. Buti nalang nakita
kita. Such a coincidence!" madrama niyang sabi saka ako kinindatan.

"Uhh.. thank you?" sagot ko saka kinuha ang bouquet at chocolates na hawak-hawak
niya.

Agad akong siniko ni Ria kaya napalingon ako sa kanya. Ngumuso siya sa direksyon ni
West.

Hindi sa west kundi ni west.

"Uhh.. West..." mag-aapologize na sana ako kaso natatakot ako eh. Hindi ko to first
time mang busted pero paano nalang ang reaksyon niya?
"Yes?" sabik na sabik ang ekspresyon niya.

Nagbuntong hininga ako bago magsalita.

"A-ano kasi eh... pasensya na pero-" naputol ang pagsasalita ko dahil bigla nalang
siyang naglabas ng isang regalo na ngayon lang naming napag-alamang nakatago pala
ito sa likuran niya.

Inabot ko ni Ria ang bulaklak at chocolates para kunin at buksan ang regalo.

Nakita ko ang isang kumikinang na necklace at kulay torqouise pa ito. Pumagitna ang
isang diamond na tila salamin.

"Woah. That thing's worth like 54 million... plus the diamond."

Napalunok ako sa sinabi ni Ria.

Nginitian ko si West ng nag-aalinlangan.

This is enough.

"Hindi ko to matatanggap West..." pagbigay-alam ko sa kanya.

54 MILLION?! No. No. No. A thousand No's.

"That's okay.. bumili rin naman ako ng isa na 34 million lang.." nagulat ako sa
sinabi niya.

A MILLION NO's.

"No West.. ang ibig kong sabihin.. di ko kayang matanggap to pati na rin ang
efforts mo. Pwede bang yung studies lang muna ang aatupagin natin? Ano kasi eh..."
wala na talaga akong maibigay na dahilan kundi 'aral muna'.

Haynako Cesia.

nakita ko ang pagkadismaya niya pagkatapos marinig ang sinabi ko.


"That's okay..." nakayuko niyang sabi. Kinuha ko mula kay Ria ang bulaklak at
chocolates saka ito ibinalik sa kanya. Sinara ko na rin ang box na naglalaman ng
necklace at sinauli ito.

"Sorry West.." kumunot ang noo niya saka tumingala at isa-isa kaming tinignan.

Nang biglang inirapan niya kami at naglakad papalayo sa'min.

Nagkatinginan nalang kaming apat sa ginawa niya.

"He's so gay.." natatawang komento ni Ria.

"I pity his pride..." dagdag pa ni Kara.

Somehow, tila gumaan yung loob ko ngayong alam kong wala nang susulpot kung saan-
saan.

Pero nagui-guilty pa rin ako. Naranasan ko nang ma reject.


At masasabi kong it does hurt.

"Kain pa tayo?" sabay lundag ni Art sa harap namin.

Napatingin ako sa dala-dala niyang icecream. May mukha ni Blossom ang waffle cone.
Sa isa pa niyang kamay, ay ang free stickers na kasama nito.

"How about we go to the groceries?" aya ni Kara.

"Eh? Tinatamad akong magluto eh.." nakapout na sabi ni Art.

"Who said you're the one cooking?" napahinto ako sa sinabi ni Ria.

Tinignan ko sila na nakatingin din sa'kin. At tama nga ang hinala ko...

"Okay lang ba yung sinigang?" tanong ko. Just to be safe. Baka kasi di nila type
yung sinigang... favorite ko pa naman yun.

"Oo naman no" nakangising sagot ni Ria saka ako hinila papuntang groceries.

Agad namang sumunod sila Kara at Art.


Bago kami makapasok sa grocery store, napansin ko si West na may kausap na babae.
Siningkit ko ang mga mata ko para matignan ng maigi ang kinakausap niya.

Si Kaye...

Hmm.. close pala sila?

An Eerie Encounter
Kasabay ng pag upo ko ay ang pag ring ng bell.

Kinuha ko na ang notebook at pen para maghanda sa susunod na subject.

Biology.

Agad pumasok si Doc na pawis na pawis at humihingal. Dumiretso siya sa table at


humarap sa'min.

"Sorry... just had surgery with a stubborn student." Kinuha niya ang hanky na nasa
bulsa niya saka pinunasan ang mukha.

"I won't discuss today..."

Ay?

Malumbay kong ibinalik ang notebook at pen sa bag.

Eto pa naman ang favorite subject ko. Dito lang ako nagta-take down notes.
Interested kasi ako sa mga mythical creatures since then...

"But I'm giving you a pop quiz..." kinuha ko ulit ang pen at notebook ko matapos
marinig ang sinabi ni Doc.

Yas.

"Or more like a challenge..." ibinalik ko na naman ang pen at notebook sa bag ko.
Hay. Ano ba talaga?

"I have planted 4 narcissus flowers around the forest. You have to seek for it
before it dies. Art and Trev. Kara and Chase. Ria and Cal. Cesia and Dio.." Doc
instructed.

Mukhang di ako mahihirapan dito. Malapit lang kasi sa tubig ang mga narcissus at
bagay si Dio para sa paghahanap ng mga locations nila.

Tinignan ni Doc ang relo niya at kami isa-isa.

"Alright. Time starts now."

Sabay kaming lumabas ni Dio at dumiretso sa labas ng campus.

"The nearest lake or river?" tanong niya sa'kin.

"lake.." sagot ko.

Tumango naman siya saka kami nagsimulang humakbang sa loob ng forest.

•••

Sumasakit na ang mga paa ko kakalakad sa forest na to ahh. Di ko akalaing


napakalaki naman pala nito.

Naglalakad kami ngayon sa madilim na bahagi ng forest at ewan ko kung bakit ang
weird ng pakiramdam ko dito.

Inikot ko ang tingin sa buong kapaligiran at nahagip ng mga mata ko ang nakatayo na
shadow ng isang babae sa may kalayuan.

Kumunot ang noo ko at tinignan siya ng maigi kahit ang anyo niya lang.
Hindi siya shadow. Naka black robe siya at halatang babae dahil sa lumulutang
niyang buhok. I get this eerie feeling galing sa kanya.

Nararamdaman kong ang presensya niya ang dahilan kung bakit madilim dito...

Kung bakit ibang-iba ang atmosphere dito...

At nararamdaman ko rin ang titig niyang may ibig sabihin...

"Got it." nabaling ang atensyon ko ni Dio na nasa tabi ng lawa at kakapitas lang ng
bulaklak.

Nilingon ko ulit ang babae na nawala na sa pwesto niya. Gayundin ang dilim na
pinapalibutan ang forest.
Weird.

Binalewala ko nalang yon saka ibinalik ang atensyon ni Dio bitbit ang narcissus
flower.

Kumunot ang noo niya saka tumingin sa direksyon na tinignan ko kanina. Nagtataka
siguro siya kung bakit nakatingin ako dun.

"W-wild animal lang..." rason ko.

"You seem bothered with it.." dugtong niya.

"Ah.. nagulat lang ako kasi ano... first time kong makakita ng wild animal..."
nakangisi kong sagot.

"Really? That's good." puna niya sabay gulo sa buhok ko. "Bumalik na tayo habang
maaga pa. Though I feel like we're on the second place."

"Okay lang yun.." gunita ko.

Nagsimula na kaming naglakad pabalik sa school at tama nga ang sinabi ni Dio, dahil
mas nauna sila Art sa classroom.

Dumiretso ako sa desk at umupo. Iniisip ko pa rin yung nakita ko kanina.

Ish. That lady was so cringe-worthy.

Napansin ko ang pagdating nila Kara at Chase kaya ikinibit-balikat ko nalang ang
nangyari. Baka nasa imahinasyon ko lang yun...

Oo nga. baka sa imahinasyon ko lang yun...

"We just had to jump didn't we?" ngayon ko lang din napansin na basang basa pala
sila Chase at Kara.

"It was slow running water. Saka kung iikot pa tayo, wala ng oras." defensive na
sagot ni Chase.

running water...

sa riverside siguro nakatanim ang bulaklak nila.

Mayamaya, dumating na rin sila Cal at Ria dala-dala ang narcissus flower nila.
Inilapag nila ito sa table kung saan nandoon din ang iba pang flowers namin.

Ilang minuto ang nakalipas sa paghihintay, pumasok si Doc at ganon pa rin ang
itsura niya.

May pagka haggard.

"I'll be using these flowers for a new medicine I'm making. So..." kinuha niya ang
record niya at nagsimulang magsulat. "Art and Trev. Cesia and Dio. Kara and Chase.
Ria and Cal... I guess that's it. You're dismissed except Art. You're helping me
today..." nakangiti niyang sambit.

"Yiiiiiiiissss!" wala na namang nakaligtas sa tili ni Art.

Inayos ko na ang bag ko saka tumayo. Kasabay kong lumabas sila Ria at Kara.

Sinusubukan kong ipasintabi sa isipan ko ang nakita ko kanina dahil ako ang mag
luluto ng dinner ngayon.

Baka kasi may pwede pa akong ipandagdag para mas mapasarap ang sabaw.

Gamitin ko kaya yung recipe ni auntie?

•••

"Ang bango ahh..." biglang tumabi sa'kin si Ria at tinignan ang mainit na sabaw.

"Impressive. I can smell it from my room." sumunod din si Kara.

Inagaw ni Ria ang scoop at kumuha ng sabaw. Hinipan niya muna ito bago tumakam.

"I'm officially hungry." sambit niya bago isauli sa'kin ang scoop.

Nagmadali siyang kumuha ng mga plato at kutsara't tinidor. Gayundin si Kara sa mga
baso at pitcher ng lemonade.

Hinain ko na sa bowls ang sinigang at laking gulat ko nang nakaupo na pala silang
lahat sa hapagkainan.

"Nagmadali talaga akong matapos yung task ko para dito Cesia ah. Hihi..." sabik na
sabik si Art.

Oh wow. Ano to? Commercial lang ng sinigang? Kusa akong napangiti at hinay hinayng
inilapag ang bowls sa mesa.

Sinundan lang nila ako ng tingin hanggang sa matanggal ko na ang gloves at maupo
katabi ni Kara at Art.

"The moment of truth!" Itinaas nila ang mga kutsara at isa-isang kumuha ng kani-
kanilang servings.

Huli na kumuha si Trev at itinapat ang bowl sa akin kaya kumuha na rin ako ng sabaw
at baboy.
Tignan ko muna ang mga reaksyon nila...

Unang tumikim si Chase. Nakatingin ang lahat sa kanya.

Nahulog ang kutsara na hawak-hawak niya kaya napalunok ako.

Te-teka... may mali ba? shoot.

Baka may nakalimutan ako...

Baka nakulangan ng asim...

Kung ano-ano ng mga mali ang pumapasok sa utak ko.

"Oh? Exaggeration lang yon! Haha! Putek. Kumain na nga kayo. Ang sarap mga tol!"
napabitaw ako ng malalim na buntong-hininga. Muntik na akong atakihin dun ah. Aish.
Chase talaga.

Nagsimula na nga kaming kumain. Ang ipinagtataka ko lang ay kung bakit tahimik lang
sila sa pag kain at parang naka focus silang lahat sa pagkain. Nakadalawang rice
cooker na nga kami eh.

And I think that's good. Mabuti naman at okay yung niluto ko.

Pagkatapos kumain, dumiretso na ako sa kwarto saka nag toothbrush at nagbihis.

Hindi na ako sumali sa movie marathon nila Ria. Bumalik na naman kasi sa isipan ko
yung babae.

Ish. So creepy. So eerie.

Sana naman wala lang yon... or di kaya nababaliw na talaga ako?

An Announcement
"As a lot of you may have known.. offsprings of olympians are rare. So consider
yourselves endangered species! And since you're endangered species, you have to
know how to use your abilities as a form of defense." nakangising sabi ni Sir Glen.

Hmm. So pa'no ko pa nga ba magagamit ang ability ko para sa defense?

Kaya kong mag manipulate ng will. So pa'no nga ba?


"I want you to not use your weapons on this. Clear?" tumango kaming lahat.

Pero unti-unting nawala ang mood ko nang na realize ko na training pala ang gagawin
namin ngayon.

Oh no.

Ibang-iba ang training nila dito. Okay na sana yung discussion lang eh!

"So what I want you to do... is fight me." nagtaka ako saglit sa sinabi niya. Pero
nagulat nalang ako nang dumami si Sir saka pinalibutan kaming walo.

eto na nga yung sinasabi ko.

"ALL OF ME" sabay sabay nilang sabi.

Isa.. dalawa... tatlo... wait. Di ko mabibilang kung ilang Sir Glen ang nandito!

Agad akong nag panic at nagtago sa likod ni Art. Pwede bang mag time-out?

"Careful. Great grandson ni Athena si Sir Glen. He can smell fear. Baka ikaw
targetin Cesia. Sige ka. Hahahaha" mas kinabahan ako sa sinabi ni Art at dali-
daling tumayo sa tabi niya as if hindi takot.

Pero deep inside, rinig na rinig ko ang dabog ng mga kabayo na nagkakarera.

"Rio let me borrow his visuals. And I discovered that it can imitate a person. I
adjusted some settings of course so don't tell him about this." nakangising sabi
nila Sir Glen.

Nakita ko silang lahat na nakapwesto na kaya nadismaya ako sa sarili ko. Handang-
handa na sila samantalang ako.. hayst.

Nanlulumo akong umatras sa pwesto.

Hayaan ko nalang siguro na sila muna ang mag action scene. Tutal, na-trauma na
talaga ako.

"Let's start!" sabi ng isang Sir Glen.

Agad tumakbo papunta kay Ria ang dalawang Sir Glen na katabi ni Sir Glen.
Sumunod ang ilan pang Sir Glens kaya agad naging busy silang lahat sa
pakikipaglaban.

Nakakalitong tignan.

Nanonood lang ako sa live action movie sa harap ko.

Diniinan ko ng pansin ang ayos ni Kara sa pakikipaglaban. Kahit stressed na


stressed siya nagawa pa rin niyang manlaban ng napakaraming Sir Glens.

Tinignan ko si Art na hindi ko na maaninag dahil sa sobrang silaw ng ibinabato


niya.
Si Ria, papalit-palit lang ng weapons.
Si Chase? Di ko na makita. Pero alam kong nandito lang siya, tila nakikiisa sa
hangin.
Si Dio at Trev pasimple lang na lumalaban kasama ang isang puddle of water na
kumikinang. Isang collaboration ng tubig at kuryente.
At si Cal, na isang hawak palang galing sa kanya, bali agad ang buto. Either dahil
sa pagkahigpit ng pagkakahawak niya o dahil itinapon ka na pala sa ibang dako ng
field.

Matagal-tagal na nga ako dito sa school nato kasama sila. Pero nababaguhan pa rin
ako pag nakikita sila in action. Or should I say.. namamangha.

"Yo Cesia. Wala ka bang planong tumulong?" narinig ko ang boses ni Chase na parang
hangin kung dumaan sa harap ko. Boses lang kasi niya ang narinig ko.

"A-ano.. m-masakit yung katawan ko..." sabat ko.

"Huh? but you're fine." sambit ni Art na hanggang ngayon ay nagliliwanag pa rin.

Shoot. Nakalimutan ko yung ability ni Art. Epic fail Cesia. Nakalimutan kong
marunong palang maghanap ng dinaramdam sa katawan si Art. Aish.

"We need your ability right now daughter of Aphrodite." sabi naman ni Kara.

Napatingin ako sa napakaraming Sir Glens.

Oh Gods... di ko matatakasan 'to. Tumakbo kaya ako ng napakabilis? Pero hindi ako
si Chase.
Napalingon ako sa isang Sir Glen na papunta sa kinaroroonan ko dahilan na manlaki
ang mga mata ko.

"WAAIITT!!!" hiyaw ko.

Tumigil silang lahat at napatingin sa'kin. Pati yung Sir Glen na papunta sa
kinatatayuan ko.

Tinignan ko lang sila na nakatayo at nakatitig lang sa gawi ko. Dulot siguro sa
biglaang paghiyaw ko.

Maya maya, bumalik na ang live action movie.

Hindi ko naiwasan ang suntok na nagmula kay Sir kaya napaatras ako. Palagi lang
akong umaatras para makaiwag sa mga sunod sunod na atake niya.

"Stop me if you can." nakangising hamon ni Sir.

Eto na nga po. Nag-iisip na nga ako ng plano kung paano tapusin ang mga suntok mo.

Kung mag antay kaya ako hanggang sa mapagod siya? Ish. Hindi eh... Kung ibigay ko
siya kay Kara para sila na ang maglaban? Hayst. Hindi rin...

Napansin ko ang dalawa pang Sir Glen na papunta sa'kin.

"You have strong abilities Cesia. And you'll just leave it unused?" narinig kong
sabi niya.

Sinundan ko lang siya ng tingin kahit paikot-ikot na kami dito sa pwesto ko dahil
nga, ayaw kong makipaglaban. Alam kong matatalo lang ako.

I swear last na talaga yung last training namin kahit maganda yung score ko. Si
Trev lang naman talaga ang nakapagpataas nun eh. Siya yung mas maraming napatay na
lobo.

Naramdaman ko ang sakit sa bandang tagiliran ko dulot ng pagkalakas na patid ni


Sir.

"Ikaw lang ang kilala kong anak ni Aphrodite with very... very low self esteem"
sabi niya sabay tulak sa'kin.

Muntik na akong matumba. Buti nalang nakatayo agad ako, kundi isang malakas na
suntok ang makakain ko.
Laking gulat ko lang nung natumba na nga ako ng tuluyan dahil sa isa pang patid sa
tuhod galing kay Sir Glen.

Biglang sumakit ang paa ko dagdagan mo pa ng impact ko sa ground.

"STOP!" sigaw ko kaya tumigil ang kamao niya mid-air. I grabbed the chance na
gumulong para maiwasan ang kamay niya.

Natapon si Sir Glen dahil sa isa pang Sir na inihagis ni Cal sa kinatatayuan niya.

Tinulungan akong bumangon ni Art kasabay ng pag ring ng bell. I sighed out of
relief.

Tinignan ako ni Art mula ulo hanggang paa. Napaurong ako dahil sa sakit.

"Sprained yung ankle mo. Gusto mong samahan kita sa cli-" hindi ko na siya
pinatapos dahil alam ko na kung ano ang sasabihin niya.

"No.. okay lang ako.." sagot ko. Ayaw ko nang bumalik sa clinic.

"Maghihintay nalang ako na gumaling to." tumango lang si Art at ipinalibot ang
kamay ko sa leeg niya para tulungan akong maglakad.

Sinubukan kong wag mapangiwi dahil sa sunod-sunod na pintig ng sakit galing sa paa
ko.

Nakita ko si original Sir Glen na nasa gitna ng field at may sinasabi sa kanila.
Nag-iisa lang siya kaya masasabi kong siya ang totoong Sir Glen.

"You might wonder why it seems like we are having your PE Class. I just told you
you're endangered species.. and do you know why endangered species must learn how
to defend themselves?" tanong niya sa'min.

"because they're hunted." sagot ni Kara dahilan na mapalingon ako sa kanya.

hunted?

"We were called for a sudden meeting about the celebration of the three lunar
goddesses. It will be moved closer. The moon is close. The darkness too. Prepare
yourselves Alphas." seryoso niyang sabi.
Hindi ko alam pero nangingilabot ako sa sinabi niya. Tinignan ko ang iba ko pang
kasamahan at napansin kong nagkatinginan sila Ria at Kara na para bang nagsang-ayon
sa sinabi ni sir.

May alam kaya sila?

"You're dismissed." paalam niya sa'min.

Papuntang dorm, napansin ko na malalim ang iniisip ng lahat kaya di ko maiwasang


matanong si Art sa kanina.

"Descendant din kasi si Sir Glen ni Apollo kaya ganun magsalita..." pagbigay-alam
niya sa'kin. Lahat naman pala ng may dugong Apollo eh marunong magforetell.

Ibig sabihin marunong din 'tong si Art?

"Art marunong ka rin bang humula?" curious kong tanong. Kumunot ang noo ko dahil
ngiti lang ang binigay niya sakin seconds bago sumagot.

"May kambal kasi akong lalaki. Ako yung binayayaan ng ability na mag heal, siya
yung mag foretell."

"Nasaan na siya?"

"Wala na... niligtas niya ako eh. Ako sana yung mamamatay kaso pinuntahan niya ako
sa Underworld." pinuntahan sa Underworld? tinignan ko siya ng nagtataka.

Agad naman niyang nabasa ang mukha ko kaya nagsalita ulit siya.

"Sinubukan kong balikan siya pero... huli na ako." tinignan ko siya.. this time,
ang buong being niya.

Who would know...

sa likod ng mga ngiti niya..

ang nakaraan na hindi mo kayang mabasa.

"S-sorry.." yan lang ang nasabi ko. Nadismaya na naman ako sa sarili ko.

Haynako Cesia. Ang careless mo.


"Okay lang yun. Saka kung hindi nangyari yun edi sana di ko nakilala si Cal at
sooner or later... kayong mga Alphas." bumalik ang ngiti niya.

Pero ngayon ko lang nakita ang lungkot na nakatago nito.

Hindi na ako nagsalita pa. Baka kasi kung ano na naman ang mahantungan ng bibig ko.

"Pagdating natin humiga ka muna sa sofa at i-elevate mo yung paa mo. Saka ako
gagawa ng cold compress para jan. Okie?" paalala niya.

Tinanguan ko lang siya at tinignan ang sumasakit na paa ko.

I'm feeling weird lately... at hindi ko alam kung bakit.

Art's Discovery
Art's POV

"Selene, Artemis and Hecate. They are labeled as the three lunar goddesses for they
bear the symbols of the moon and the night" binasa ni Kara ang libro na dala-dala
niya.

Binabasa niya yun para kay Cesia.

Wala pa kasi siyang alam sa Celebration eh kaya napagdesisyunan naming pumunta dito
sa library.
Sa mga ganitong oras tahimik ang library. Perfect timing! Mwihihi.

Juk lang.

Pinlano ko talaga 'to kasi turn ko na na i-study yung map. Dito ko pag aaralan ang
map para walang sagabal. Hindi naman sila tumanggi sa alok ko na samahan ako. Wala
naman silang gagawin sa dorm eh kaya mihihi.

Nasa dulo kami katabi ng malaking bintana. Sa may 'History section' kung saan
walang nag s-stand by.
Boses lang ni Kara na nagbabasa ang maririnig dito.

Tinignan ko ng maigi ang mapa na nakalatag sa mesa sa harap ko.

Hmmm...

Hmmm...

Haaaayy.. ano bang makukuha ko dito?

NABOBORED NA AKOOOOO.

Kung nandito lang sana sila Blossom.. sila Buttercup... Sila Bu- AHA!

Tinignan ko sila Ria na busy sa pagbabasa ng libro kaya ginawa ko na ang dapat kong
gawin.

Hinay hinay akong tumayo at naglakad sa likod na section ng history para di nila
ako makita.

Mehehehehe.

"And where do you think you're going?" napatigil ako sa boses ni Ria kaya agad
akong napaharap sa kanya.

weewooweewoooooo !!

Abort mission. Abort mission.

"H-ha? Ano eh.. naghahanap lang nila Bubbles... BOOKS. Naghahanap ako nila Books.
Ehehehe...?" Huhuhu... Mission failed. Sana dun nalang ako sa dorm. Huhu.

"Ba't ka ba naghahanap ng books? May mapa ka pang pag-aaralan Art." Oo nga ee. Alam
ko yun kaya nga e-escape ako diba? Huhuhuhu.

"Nakalimutan ko ihh. Hihi.. sige" saka ako naglakad pabalik sa mesa at padabog na
umupo.

Hahay. Ano bang mapapala ko sa kakatitig sa mapang 'to? Unfaaiirr !!

Pinaglalaruan ko ang liwanag na nakatakas sa broken glass ng bintana. Pinaikot-ikot


ko 'to sa iba't-ibang bahagi ng mapa.

Huhayy...

Nakita ko ang isang linya ng black ink nang itinapat ko ang liwanag sa may bahagi
ng Andalucia, Spain. Tinrace ko ito at naporma ang isang letter 'm'.

Galeeng. Parang hidden message. Hihi.

Sunod-sunod kong tinrace ang lahat ng letra hanggang sa wala na nga akong makitang
mark sa huli.

m.. i.. t.. a.. t.. o.. r..

mitator?

Iniangat ko ang ulo ko ng takang-taka. Pangalan ba yun? Parang pangalan ng robot


ah.

"Halooo. Pwede mag stop muna kayo diyan?" kinuha ko ang atensyon nila.

"Bakit?" curious na tanong ni Ria.

"May na discover ako! Mwahaha. Ang cool nga eh." Pagkatapos kong sabihin yun,
nagkatinginan lang silang tatlo.

Di ba sila naniniwala sa sinasabi ko? O tinatamad silang tumayo sa upuan nila? O


lilipad sila sa Townsville at kunin sila Blossom para i congratulate ako dahil sa
aking discovery!
Hoo. Ang galing ko talaga.

mitator. meh. Mamaya ko nalang icongratulate si Art pag alam ko na ano yung
mitator.

Pre congratulations Art!

Tumayo sila at pumunta sa kinauupuan ko para tignan ang mapa.

Hinanap ko yung liwanag na nawala na. Tinignan ko ang bintana at napag alamang
hapon na pala kaya medyo faded na yung liwanag. Huhu. Ang sayang naman.

Kung gamitin ko kaya yung liwanag ko?

Hmmm...

Itinaas ko ang kamay ko at itinapat sa ibabaw ng Spain. Dahan dahang nagliwanag ang
palad ko pero wala pa ring lumalabas na ink pagkatapos ng ilang segundo.

Pero nakita ko yun kanina ah...

"Art?" tawag sa'kin ni Kara na kanina pa naghihintay.

"P-pero.. nandito lang yun ee.." ba't di nag appear yung secret message? Huhu.

"What exactly were you doing with your light?" nagtatakang tanong ni Kara.

"Kanina kasi, pinaglalaruan ko yung liwanag galing sa broken glass ng bintana tapos
may nakita akong black ink nang itinapat ko ito sa map.. tas letters... tas
mitator... tas ewan. Malay ko ba bakit nawala siya.." Huhuhu. Very sayang. Gusto ko
pa naman sanang ipakita sa kanila yung na diskubre ko.

No congratulations to Art.

"It needs light. 399 wavelength to be exact." nilingon ko ang nagsalita. Si Trev
kasama si Dio.

"Dapat ba talagang exact yung wavelength? Slow pa ako jan ee" weakness ko talaga
yang wavelength na yan.
May science side din kasi tong mundo namin.

Bigyan nyo man ako ng isang makapal na libro tungkol sa properties or units or
measurements etc., of Light, wala pa rin akong mapapala jan. Wala. Huhuhu.

Anak ng God of Light pero walang alam sa Light. Mag emit lang ang alam.

Waaaaa !! baka di na ma proud si papa sa'kin. No Congratulations to Art again.

"Elite Imitator... those were the words written." sabi ni Trev.

Magtatanong sana ako kung paano niya nalaman. Pero naalala ko kasi nung
nararamdaman ko ang pabalik balik na pasok ng kakaibang liwanag sa dorm. Sa kwarto
ni Trev specifically. Kaya hula ko, ability niya ginamit niya para makita yung
message.

One step ahead naman pala siya sa'kin ee bakit ngayon lang siya nagbigay-alam?

"Elite Imitator? sounds familiar." tanong ni Ria.

"We've read that before. In Theo's book. Elite Imitator. A machine he created that
can imitate energy and light abilities. And then there's this other one... Seht
Imitator. It can imitate godlike abilities. The latter is most dangerous. He hid
the Elite and destroyed the Seht." napanganga ako sa sinabi ni Kara. Na memorize
niya talaga yung buong libro.

Ako nga isang word lang ang naaalala ko...

yung first word: 'The'

"Kaano-ano ba siya ni Hephaestus?" tanong ni Ria.

"A descendant or his son. He's too brilliant to be just a descendant. So maybe he
was a demigod." sagot ni Kara.

Hephaestus the God of Fire, Blacksmith, Weaponries, etc., si Hephaestus ang


tagagawa ng mga weapons ng mga Gods. Nakakagawa rin siya ng kung anu-ano katulad
nalang ng kauna-unahang babae sa mundo. Si Pandora.

At may anak pala siya dito?!

Waaahhh !!! Ang coooolll !!!


Kaso nga lang di ko naabutan. Patay na ee. Kung maaga kong nalaman na may anak pala
siya, edi kanina pa ako sumugod para magpagawa ng talking Bubbles.

"Continue helping Cesia with the Celebration. We'll discuss this later.." sambit ni
Trev.

"Nasa'n nga pala sila Cal?" tanong ko.

"Kasama si Sir Glen." sagot ni Dio bago tuluyang naglakad palabas ng library.

Arr.. Alrightie Me Heearttyyy !!

Ibinalik ko ang atensyon ko sa mapa at napangiti.

Okie! May alam na kami. At alam kong first stepping stone pa'to namin. Soon enough,
ma sosolve na namin ang problemang 'to! Kaya namin 'to!

Kakayanin ko 'to...

...mamaya pagkatapos kong mag snacks.

"Bili muna ako ng ice cream ha?" tumayo ako at nagpaalam na sa kanila.

Dumiretso ako sa mall at hinanap ang all-time favorite ice cream ko.

Lalalaaaaa~~~

nakita kong nag make way ang ibang students kaya pumunta na ako sa counter. Ang
bait talaga nila. Hoho!

"Wednesday Special puhliz!"

Wrong Call
"Cesia, busy ka ba ngayon?" tanong ko sa kanya nang mag ring na yung bell.

Sabay naming inayos ang mga bags namin saka tumayo.

"Hindi naman. Bakit?" aniya sabay abot sa books na nasa desk ko.

Sabay na rin kaming naglakad palabas ng room.


"Gusto ko sanang magpasama sa mall eh. Bibili kasi ako ng pang dinner." Si Cal sana
yung yayayain ko kaso pinapatawag na naman sila sa office.
Ewan ko pero panay yung pag tawag sa kanila sa office kaya di ko siya masasama
pagka may bibilhin ako or maggala lang kung saan saan.

Huhuhu. Pero I understand. Wihihi.

"Sila Ria?" tanong niya.

"Naku. Wag na. Busy din kasi ang mga yun sa na discover ko ee." Baka sinasamba na
naman nila yung mapa dahil nga sa hidden message.

If I know, nasa sala na naman sila Trev, Dio, Ria at Kara pinapalibutan ang map
para pag-aralan. Or di kaya gumawa ng theories sa posibleng koneksyon ng hidden
message sa mga nangyari.

Pero minsan di ko mapigilang maki cheesemis sa kanila. Ang ipinagtataka ko lang ay


kung bakit iba ang pinag-uusapan nila.

One time narinig ko nga si Ria na dapat daw kaming maghanda. Idagdag mo pa yung
sinabi ni Sir Glen.

Iiiiihhhhh !! Ang creepy tologooo!!

Tapos si Papa. Hindi ko na naririnig ang boses niya kahit tinatawag ko siya.

Ewan pero may mali talagang mangyayari. Pakiramdam ko dapat akong kabahan pero di
ko pa alam kung bakit eeeee kaya kinakabahan na nga ako ng tuluyan.

"Cesia... pansin mo rin yung atmosphere sa mga nagdaang araw?" tanong ko sa kanya
habang naglalakad sa corridors.

"Ha?"

"Ang creepy lang no? Wala ka bang namamasid o di kaya nararamdaman na may mali?"
dagdag ko para mas maintindihan niya.

Agad naman siyang napatigil sa paglalakad. Aha. Di ako nag iisa.

"Nakita mo rin yung babae?" nagtaka ako saglit sa sinabi niya.

"Babae? Sinong babae?" sumayad ang tingin niya sa baba pagkasabi ko nun at
nagsimulang maglakad.
"Ah.. ano.. wala.. akala ko kasi ano eh.." sabi niya.

Ibig sabihin wala rin siyang nararamdamang mali? Baka umaandar na naman
overthinking ko ano? Yips. Baka ako lang ang nag o-overthink sa'ming lahat.

Malaki rin naman ang paniniwala ko na kung may problema man, maso-solve rin namin
yan! Fighting!

Tinignan ko si Cesia na nakayuko habang naglalakad. May nasabi kaya akong mali?
Parang may sumasagabal sa kanya ah...

"Cesia?" tawag ko sa kanya. Pero nakatingin pa rin siya sa sahig habang naglalakad
at tila hindi narinig ang boses ko.

"CESIAAA???"

Ayan. Nagulat ko na siya. Pa'no bang di magugulat eh tinapat ko talaga yung bibig
ko sa tenga niya.

"Shoot! Ha?"

"Cesia naman eh. Tumingin ka naman sa daanan mo. Delikado yan baka may mabangga
ka." paalala ko sa kanya.

Huhayy.. Ano bang nangyayari sa mga kasama ko at parang may tama.

Don't tell me... *gasps*

Omoooo!! Naka drugs ba sila?


Kaya ba nagsasama sila sa sala nang wala ako kasi nagse-session pala sila?! Kaya
siguro pinapatawag sila sa office kasi nga nagdududa na ang staff.

Di kaya i-rade yung dorm namin?

OH NO!
Agad akong napatakbo papuntang dorm.

Dapat ko silang mapigilan habang maaga pa! Masyado pa kaming bata para dyan. Bad
yan!

"Itigil nyooo yaaaaannn!!" hiyaw ko pagkabukas ko ng pintuan dahilan na mapatingin


sila sa'kin.

"Please stop! Mga bata pa kayo. Paano nalang ang mga ambitions niyo. Yung
kinabukasan niyo! Isipin niyo kung anong mangyayari pag tinuloy niyo yan. Alam ko
na kung ano ang ginagawa niyo pag wala ako. Kaya please itigil niyo na yan. Marami
na ang nasira dyan o di kaya namatay. Tulungan ko kayo kung ano man ang problema
niyo. Wag lang kayong magdrugs pleaseeeeeeee!!!" Huhuhu.

Halos lumuhod na ako dito sa pwesto ko. Naiisip ko na kasi kung ano ang itsura nila
pag naging drug addicts na sila. At ayaw ko na makita ko silang ganun.

Di ko sila hahayaan dahil mga kaibigan ko sila.

Importante sila sa'kin. Importante ang buhay nila. Huhuhu. Sana naman alam nila
yun.

Dumaan ang ilang segundo ay wala pa ring umimik sa kanilang lahat.

Oh no. Nakapasok na sa sistema nila ang drugs!

"Lumilipad kami Art. woooohhh!!" nagmala ibon si Chase na nakaupo kasabay ng


pagtaas-baba niya sa mga kamay niya na animo'y mga pakpak.

WAAAHHH !!!

"Itigil mo nga yan Chase!" sinapak naman ni Ria si Chase.

"Art... We're not on drugs." kalmang sabi ni Kara.

Naglakad ako forward para tignan kung ano ang nasa mesa.

Yung map.

Ahh...

So hindi pala sila nag se-session?


"Ahh... pero-"

"Art.. WE ARE NOT ON DRUGS and never will be." dagdag ni Kara na siyang tumahan
sa'kin.

"HAHAHAHA Pucha Art. Sa gwapo kong to napagkamalan mo'kong drug user." narinig ko
ang malakas na tawa ni Chase at paghahampas ni Ria sa kanya sa likuran ni Kara.

Hmp. Seryoso kaya ako!

"Pwamissssss??" baka kasi may plano silang mag drugs. Naku naku.

Narinig ko ang pagbuntong-hininga nilang lahat at si Chase na nagpipigil ng tawa.

"Promise" sabay sabay nilang sagot.

Okie. Yun naman pala.

Nadatnan ko si Cesia na nasa tabi ko. Nakahawak siya sa tuhod niya at naghihingal.
Hala. Nakalimutan ko tuloy si Cesia. Huhuhu.

"Sorry Cesia ah.."

"O-okay lang... yun..." naghihingal niyang sabi. Biglaan lang kasi ang pagtakbo ko.
Hindi man lang ako nag paalam.

"Gusto mo magbihis muna bago pumunta sa mall o diretso na tayo?" tanong ko sa


kanya.

"Magbihis muna tayo. Para pagbalik natin dito diretso ka na sa pagluto." sagot
niya.

Tinganguan ko lang siya saka pumasok sa kwarto para magbihis.

Pagkatapos magbihis, lumabas na ako at nakita siya na naghihintay sa labas.


Nginitian ko lang siya saka kami tuluyang naglakad papuntang mall para mag
grocerryyy!!

"Sorry talaga kung napagod ka sa kakahabol sa'kin..." di ko naman sinasadya yun ee.

"Okay lang. Nabigla lang naman ako dun." ang bait bait talaga niya!
Hihi. Wag kang mag-alala Cesia. Bilhan kita ng ice cream yung Mojojo. Hangkyut din
kasi ni Mojojo dun ee. Tas may free toppings pa.

"Hindi ka ba nauubusan ng energy Art?" napangiti ako sa tanong niya.

"HINDI!! Mwihihi." sagot ko.


Actually, mauubusan naman talaga ako pag grabe yung gamit ko sa abilities ko ee.
Pero rare lang mangyari yun. Tuwing very over super extremely stressful works.

"Ah.. halata naman siguro" napakamot siya sa ulo niya.

Napalitan ng pagtataka ang mukha ko nang may naramdaman akong batak...

Napatigil ako sa harap ng isang dorm room.

Ano namang ginagawa ng malalakas na sources dito?

Hmm...

Hinawakan ko ang doorknob para buksan sana ang pinto nang tawagin ako ni Cesia sa
may di kalayuan.

Nagdadalawang isip akong buksan ba ito o hindi pero sa huli, binitawan ko narin ang
knob saka sumunod kay Cesia.

"Ano?"

"Wala..." nilingon ko ulit yung pinto ng dorm room.

Serious Talk
Chase's POV

"The council plans for a movement." sabi ni Sir Glen ng pihitin ko ang knob para
tuluyan na ngang makalabas kami sa office niya.

"Una na muna ako bro" paalam ko kay Cal at dumiretso sa dorm.

Ilang segundo ang lumipas at nakapasok na ako sa dorm. Nakita ko ang iba ko pang
mga kasamahan na nasa gitna ng sala at tila seryoso ang pinag-uusapan kaya tumabi
na ako para makisali.

Napatigil naman sila sa pag-uusap nang napaupo ako sa tapat nila.

Nakatingin lang sila sa'kin na para bang naghihintay ng kung anong balita galing sa
kataastaasan.

"Guess what" nakita ko ang magkaparehong reaksyon nila. Yan lang naman kasi ang
pang intro ko bago sabihin ang unbelievable news.

"Spill it Chase. Nakakainis na talaga yang 'Guess what' mo." naiiritang sabi ni
Ria.

Tinignan ko silang lahat. Kulang.

"Nasa'n nga pala sila Cesia at Art?" tanong ko.

"Di mo alam?" aba't tanong pa ang sinagot ni Ria.

"Magtatanong ba ako kung alam ko?" tsk.

"We don't want them to know... yet." kumunot ang noo ko sa sinabi ni Kara.

"We have less than a month at wala pa kayong plano na sabihan sila sa mangyayari?
Ang galing ah" napakaselfish naman ata ng move na yan.

May karapatan silang malaman as early as possible dahil malaking event ito at
gustuhin man nila o hindi, kasama sila sa pangyayaring 'to. Kaming lahat.

Okay. I admit. Nagpapakaseryoso na talaga ako. Nakakabaduy man tignan, pero iba na
talaga to.

Laban na'to.

Laban ng Masa.

Kidding aside, magpapaka seryoso na talaga ako. Pero ang hirap lang. Pucha.

Napabuntong-hininga ako. Grabe na to ha. Nasisira na kagwapuhan ko dahil sa sunod


sunod na mga pangyayari. Wala na akong oras para mag handsome sleep.
Tsk tsk tsk.

"May ipapahanap ang council. Blueprints.. blueprints ng machinery. Yun din daw ang
hanap ng mga kalaban. Kaya dapat mapasakamay na natin 'to bago sila dumayo rito."
pagbigay-alam ko sa kanila.

Hindi ko na sasabihin ang maaaring mangyari kapag di namin makuha ang blueprints.
End of the World aniya dahil sa kakayahan ng ewan kong machine at bakit
napakahalaga ata nun.

"Could it be?" naiintrigang tanong ni Dio.

Tinignan ko silang lahat na nagtataka. Pinagsasabi ng mga 'to?

"Bakit?" curious kong tanong. Mukhang pareho sila ng iniisip ah.

"Kakaalam lang namin tungkol sa existence ng dalawang machines ni Theosese na may


kakayahang mag imitate ng abilities." sambit ni Dio.

. . .

Eh yun naman pala eh! Mga gagong to! Pinapabalik-balik pa kami ni Cal sa office
para lang jan? alam naman pala nila yung tinutukoy ng council.

Chill Chase. KAKAALAM.

"Actually, alam na ng mga girls ang existence ng machines. They read about it
during their mission." dugtong ni Dio na mas ikinairita ko.

Breathe in... breathe out...

Sinandal ko ang likuran ko para magpangalumbaba. Sa couch ko ibubuhos ang bigat ng


katawan at ulo ko.

"Name?" seryoso kong sabi.

"Elite Imitator and Seht Imitator. Halata naman siguro kung anong klaseng machine
ang dalawa." sagot ni Ria.

Kinuyom ko ang kamao ko.

TANGNA GUYS. Kung alam niyo lang ang paghihirap na dinaanan ko para mahanap lang
ang pangalan ng machinery na yan. Alam niyo lang pala. Edi sana sila Trev nalang
ang pinapatulong ni Sir. Magkakatigyawat na talaga ako pag magtatagal pa tong
problemang to!

Sinuyo pa namin ang nakakamatay na council eh may alam naman pala kayo?! WTF men.

"May pinaghuhugutan ka Chase?" bulong ni Ria. Nakatingin lang siya sa tensed


position ko habang nakaupo kaya sinubukan kong mag relax para hindi mahalata.

"Wala. Ang saya nga ng araw ko. PUNO NGA NG RAINBOW AT UNICORNS." sinabi ko yun
nang pasigaw na pabulong.

Tinignan ko sila na nag-uusap tungkol sa sunod-sunod na nadiskrubre namin.

"Naka drugs ka nga." binigyan ako ni Ria ng nandidiri na tingin.

"Matuto ka namang sumeryoso Ria. Malaking problema 'to." paalala ko sa kanya.

Agad siya napatigil at tinignan ako na para bang hindi ako kapani-paniwala.
Pagkatapos, isang nagpipigil-tawa na ngiti ang dumapo sa mukha niya.

"Wait what? Ano nga ulit yun?" nahahalata ko ang tukso sa boses niya. Etong babaeng
'to. Nag aantay lang naman pala na may sabihin ako para mang-asar. Girls nga naman.
Huhahay.

"Shut up you two." sasagot na sana ako kaso pinigilan kami ni Trev.

Epal si bru. Resback ko na yun!

"So.. how are we gonna find the blueprint? We're talking about an ancient blueprint
by the way." seryoso kong sabi.

Seryoso ko silang tinignan.


Seryoso akong nag-antay ng sagot.

Seryoso akong...

walang sumagot.

Pucha bru! Kung wala naman palang sasagot sa inyo edi maglalakwatsa nalang ako.
Rinig ko may bagong shop sa mall. Sayang ang mga chix pag wala si Master Chase.
Baka nag aantay na sila sa pagdating ko.

"You've searched outside. So maybe it's in the campus." sagot ni Kara.

Tumango-tango ako sabay himas sa baba ko. Boom! Nakita ko yan sa mga pelikula.
Seryoso effect kuno.

Napansin ko na naman si Ria na nagpipigil ng tawa. Siya ata yung nag d-drugs. May
topak eh. Ako na nga tong nag seseryoso eh siya naman tong namumula't nanggigil.

"Iba ata aura ng meeting na'to dahil sayo Chase ah. Hahaha" yan na nga sinasabi ko.
Okay na sana kung si Ria lang. Dinagdagan pa ng kupal kong bru. Si Dio.

"Naririnig niyo pa rin ba ang mga gods? I can't call my dad." paglipat ko sa
panibagong topic.

Mahirap na.
Baka ako ang maging topic. Hindi naman sa hindi ko gustong maging topic ng
conversation. Di ko naman mapipigilan ang pagiging most discussed person in the
campus. Kaso iba to. May mga tao talaga akong mapapatay pagkatapos ng meeting nato.
Seryosong seryoso ako.

"Me either"-Kara

"Yea"-Trev

"Ako rin eh"-Ria

"Ngayon ko lang na realize yan"-Dio

Weird. At the start of school, nagpaka active sila. Agarang Claiming at yung bagong
weapons. At ngayon, walang ni isang message akong nakuha galing sa kanila mismo kay
dad wala.

Nagloloko na naman ba ang kalangitan?


"Pero ano ba talaga ang hinahanap natin? Dalawa ang meron eh. Elite or Seht?"
nagtatakang tanong ni Ria. Nakalimutan ko nga pala silang tanungin ukol diyan but
no need.

"The Elite was hidden and now lost while the Seht was destroyed... that means one
thing." sagot ni Trev.

"Seht. The Seht Imitator." narinig ko ang boses ni Cal.

"Seht? Paano? Eh diba sabi niyo napakadelikado ng machine na yan? Kaya nga sinira
diba?" napaisip ako sa sinabi ni Ria.

Imitator... Bukod pa sa mahirap gawin yan, mahirap ding maghanap ng blueprints


nyan. Halata naman siguro base sa pinagdaanan ko.

Sa pagkakalam ko, Imitators ang worst machineries ever created by mankind... and
most powerful. Kaya pinagbawal ito. Kung meron man, sigurado akong nakatago ang
blueprints sa napakaimposibleng lugar.

"I get it now. The Elite was made and hidden. Therefore, maliit ang chance na yun
ang pinapahanap ng council. Kung yun nga, edi sana ang nawawalang machine talaga
ang pinapahanap sa'tin. Pero blueprints yung tinutukoy nila... means hindi pa
nalikha or..."

"dapat pa itong buuin.." dugtong ko sa sinabi ni Dio.

"Alright. The search starts now. Chase, Ria and Kara, right wing. The rest, left. "
sabay kaming tumayo at nagsama-sama para sa search of the century.

Mabuti nalang at makakalabas na ako't maaari na akong magpadisplay sa mga chix.

Agad kaming lumabas para sa secret mission ng Alphas minus two dahil wala pang alam
ang dalawa. Amin-amin lang 'to.

Kumakanta ako sa isipan ko habang naglalakad.

'Oh blueprints kong giliw.. sa kakahanap sayo ako'y nababaliw'


Ge.

Conflicts Do Exist
Cesia's POV

Hinigpitan ko ang paghawak sa gilid ng couch. Ang lakas naman pala ng babaeng 'to.

"Sige na Cesia puhliizzz!! Last na talaga 'to! Sige naaa!!" kung gaano kalakas ang
bunganga niya ganun din katibay ng sikmura niya.

Hinihila lang naman niya ako para pumunta sa ice cream shop na yun.

Anim na beses. Anim na beses ko siyang sinamahan gayundin ang sunod-sunod na pag
kain ko ng ice cream. At alam na alam kong madadagdagan na yan ng pampito pag
bibitaw ako sa pagkakahawak ng couch na'to.

Humihilab na ang tiyan ko. Surrender na ako. Mamamatay talaga ako sa intoxication
pag di titigil si Art.
Di ko na kaya!

"Cesia naman ihh!!" hinahatak niya pa rin ang mga paa ko.

Ang tanging pag asa ko nalang ay ang mga kamay ko at ang couch na'to.
Staying strong lang kami ng couch.

Walang bitawan.

Nagsimula ng mag slide ang mga kamay ko kaya hinigpitan ko pa ang paghawak. Ayan
na. Konti nalang at mahahatak na talaga ako ng babaeng 'to.

Kasabay ng pagkawala ng pag-asa ko ang pagbukas ng pinto.

Nakita ko si Kara na halatang pagod. Ni hindi lang siya umimik at naglakad


papuntang kwarto niya.

Shoot!

Magtatanong sana ako kaso nakalimutan kong hinihila pa pala ako ni Art. Muntikan ko
ng mabitawan ang couch.

"K-kara..." tinawag ko siya.

Sinigurado kong maririnig sa boses ko ang desperation... or more like,


pagmamakaawa.
Pagmamakaawa na tulungan akong takasan ang sitwasyon na'to.
DAHIL ISANG HATAK NALANG LAGOT NA AKO.

Pinikit ko na ang mga mata ko para maghanda sa katapusan ng mundo nang nagsalita si
Kara na siyang tumigil kay Art.

"Let her take some rest Art." sambit niya bago makapasok sa kwarto.

Lumuwag ang paghawak ni Art sa mga paa ko saka niya ako binitawan.

Kumawala ang isang buntong hininga ngayong alam ko na safe na ako. Malaki ang utang
na loob ko kay Kara.

Nilingon ko si Art na nakayuko. Hindi ko alam kung magui-guilty ba ako at samahan


siya o tatakbo ako papasok sa kwarto at iwanan siya.

"Ayaw mo ba talaga?" iniangat niya ang ulo niya at tinignan ako. Gamit ang puppy
eyes niyang walang makakatanggi.

Pero sa ngayon, mas feel ko ang sakit ng tiyan ko kesa sa guilt kaya umiling ako.

"Sige na puhliz!! Wala akong magagawa ngayong hapon ee. Busy silang lahat. Ayaw
kong ma bored" malumbay niyang sambit.

These past few days, si Art lang ang palagi kong kasama.

Nagdidistansya kasi silang lahat sa'min at wala kaming ideya kung bakit. Kung meron
ba kaming nagawa na mali o sinasadya ba talaga nila yun dahil sa iba pang dahilan.
Ang alam ko lang, sa tingin ko iniiwasan nila kami eh.

May time na sabay kaming pumasok sa dorm at nadatnan silang lahat na the usual,
naguusap-usap na naman.
At instead na ipagpatuloy ang pag-uusap, tumigil lang sila. Nagtitinginan muna bago
nagpaalam para lumabas.

Umiling ulit ako.

Nag frown lang siya pagkatapos padabog na umupo sa couch at kinuha ang remote.
Declaration siguro ng pagkatalo niya.
"Fine. Maghahanap nalang ako ng ibang gagawin. Hmp." naka crossed-arms niyang sabi.

At dahil jan, dumiretso na ako sa kwarto, particularly sa CR dahil sa ice creams na


nakain ko buong maghapon.

Pagkatapos, humiga ako at dinamdam ang sarili ko bago ipinikit ang mga mata ko at
tuluyang naglakad sa yellow brick road papuntang Emerald City.

•••

Nagising ako sa isang ingay na nagmumula sa labas.

Napakaingay. Aish.

Kumuha ako ng unan at itinakip sa tenga ko hanggang sa napagtanto ko ngang hindi na


talaga titigil ang mga sigaw kaya bumangon na ako.

Mga sigaw...

"ALAM MONG IMPORTANTE SA'KIN YAN ART! BAKIT PINAKIALAMAN MO?!"

"Ria! Calm down! It was unintentional!"

May nagsisigawan... sa labas?

Agad akong naalimpungatan at dali-daling lumabas sa kwarto para makita si Ria na


galit, si Art na umiiyak sa likuran ni Kara na dinidepensahan siya. Napansin ko rin
ang isang military uniform na basang-basa at nakalatag sa couch katabi ni Art.

"I-Im s-sorry R-ria.. di.. ko.. naman sinasad-" hindi ko naririnig ng maayos ang
sinasabi ni Art dahil sa mga hikbi sa pagitan ng bawat salita niya.

"ANONG DI SINASADYA ART?! WALA KANG MAGAWA?! YUN BA?! KAYA PINAKIALAMAN MO ANG
KWARTO KO?!" dumadagundong ang boses ni Ria sa buong dorm.

"Ria! Stop it! You left the dorm open! And you know Art." si Kara naman kalma pa
rin. Or di kaya kanina pa siya nagagalit kaso pinipigilan lang niya?

"OH I KNOW ART. SHE'S CHILDISH. IMMATURE. PUERILE. IRRESPONSIBLE." napa-woah ako sa
sinabi ni Ria.
Tinignan ko ang tatlong lalaki na nakatayo lang sa tabi ko. Wala akong naririnig na
salita galing sa kanila.
Wala ba silang planong itigil ang pagbabangayan?

"RIA!" hindi na napigilan ni Kara ang inis niya.

"KARA! I'M DONE WITH THAT CHILDLIKE ATTITUDE OF HERS! KAHIT MINSAN NAMAN ART!
PAIRALIN MO YANG UTAK MO. YOU'RE DAMN OLD ENOUGH TO BE FUCKING DUMB AND STUPID!"
napa-woah na naman ako sa sinabi ni Ria. Napasinghap si Kara at si Art, lalong
lumakas ang paghagulgol niya.

Tinignan ko na naman ang tatlo at napag-alamang nakatitig din pala sila sa'kin.
Tumigil ang mga mata ko kay Cal.

Magtatanong na sana ako kung may gagawin ba siya para matigil na sila... then na
realize kong...

ako.

Ako dapat ang umawat sa kanila. In fact, pwede yan sa ability ko. Aish. Ba't di ko
naisip agad yun?

"That's enough Ria!" hiyaw pabalik ni Kara saka tumabi kay Art.

Bago pa makasagot si Ria, naunahan ko na siya. Hinawakan ko ang balikat niya.

And there.

Naramdaman ko ang agos ng ability ko. Naramdaman ko ang galit ni Ria.


Pero hindi ako nagpadala. Sa halip, kinalma ko ang sarili ko... at kumalma rin
siya.

Na tila may connection kaming dalawa. Ang bridge, ay ang palad ko at ang balikat
niya.

"Itigil na natin to Ria." nagulat na lang ako dahil for the first time, I didn't
stutter.

Hmm. Nice.

Lumingon siya sa'kin saka ko siya tinanguan. Nakatingin lang kami ni Art na umiiyak
pa rin. Nag-aantay na matahan siya ni Kara.

Napansin ko ang pagbuntong-hininga ni Ria. Siguro naman natauhan na siya. Ibang-iba


kasi siya pag galit.
"SORRY KUNG USELESS PALA AKO SA INYO. SABI KO NA NGA EH. DAHIL IN THE FIRST PLACE,
WALA KAYONG SINABI SA'KIN TUNGKOL SA MGA PLANO NIYO! SA LABAN NA DARATING! SORRY.
HINDI KO ALAM. SAGABAL LANG PALA AKO!" biglang tumayo si Art at tumakbo papalabas
ng dorm.

Sa mga susunod na segundo, nakapause lang kami. Walang gumagalaw. Walang


nagsasalita. Stunned.

May laban na paparating? Ano? Anong plano nila? Kumunot ang noo ko sa kakaisip ng
sinabi ni Art.

Tinignan ko silang lahat. May alam sila na hindi namin alam. Kaya pala nag s-space
out nalang sila pag present kami...

Pero imbes na magalit, binigyan ko nalang sila ng ngiti na alam kong ipagtataka
nila. I understand kung ganon nalang ako ka out-of-group. At kung bakit di ako
kasali sa mga plano nila. Bago palang ako at hindi ako mag d-drama dito.

Dahil kailangan ako ni Art. Nag-iisa siya ngayon. She needs me.

"Pupuntahan ko lang siya." sambit ko bago lumabas ng dorm.

Habang naglalakad, nag isip-isip ako sa pwedeng puntahan ni Art...

at isa lang ang lumabas sa isipan ko.

sa Park.

Peace & Nightmares


"Cesia. Wag mo isarado yung pinto please. Gusto ko open lang." sambit ni Art na
nakahiga sa kama ko at nakayakap sa puting unan at naka pajamas.

Gusto niya kasing may katabi siya sa pag tulog.

Kaya yes, napagdesisyunan naming dito sa kwarto ko matulog.

Iniwan kong half-closed ang pinto bago tumabi sa kanya.


Tinignan ko lang siya na nakapikit. At least now, napatahan ko na siya.

Mahirap din yung pag-uusap namin sa park. Pinagpawisan nga ako sa mga salita na
binibitawan ko. Dapat pa kasi akong maging careful. Baka may masabi pa akong mali
at mabubuo na naman ang panibagong conflict.

"Art..?" tinawag ko siya. Pero nakapikit pa rin siya at nakayakap sa unan.

Walang response.

Ang bilis ah. Akala ko ba mag kukuwentuhan pa kami?

Aish. Hindi pa naman ako makakatulog. Nakatulog na kasi ako kanina.

Binunot ko ang libro na nasa ilalim ng kama at nagsimulang magbasa.

'We weren't together from the start. But that doesn't mean we will not be together
at the end. They're a part of me now. As I am to theirs. They were unexpected. They
were.. different. All I know is that they matter to me now. And we'll fight. We'll
live. Together.'

Hindi ko alam kung anong klaseng coincidence 'tong first lines ng page.

Phew. Sinara ko ito at napapikit. Pinatong ko sa dibdib ang libro.

Marami ng nangyari kahit bago pa ako dito sa skwelahan na'to. Marami akong nalaman,
natuklasan at kung anu-ano pa. At nakilala ko sila. Di ko inaasahan ang pagdating
nila. Ang pagdating ng mundong 'to.

Natandaan ko ang mga araw na nasa syudad pa ako. Simpleng estudyante. May mga
kaibigan naman. Pero yung pinakanamiss ko talaga si Auntie. Kumusta na kaya yung
babaeng yon?

Nagising ako sa pagmumuni-muni dahil sa tunog ng pagbukas ng pintuan.

Kinusot kusot ko muna ang mga mata ko bago tignan kung anong meron.

Si Cal.

Dumiretso siya sa tabi ni Art.

"Is she okay?" nag-aalalang tanong niya.

Tumango ako. "Yeah. Madali naman siyang pakalmahin eh. Babalik rin siya sa dati."
If I know, bukas na bukas babalik na ang dating Art. Yan si Art ee. Kahit anong
problema masayahin pa rin.
At yan ang gusto ko sa kanya.

Yung sinabi niya kanina na useless siya. Hindi totoo yun. Dahil sa ilang months na
nakasama ko sila, siya ata ang pinakafragile sa group. And that makes her
significant to the group.

Siya lang ang may ngiti sa labi pagka may problema. Siya ang gumagaan ng atmosphere
pag nakakasuffocate na. Mahinhin nga siya at childish.

Pero matalino rin siya. Mabait. Malakas.

"I didn't know she knew..." narinig kong sabi ni Cal. Nakatingin pa rin siya sa
natutulog na Art.

"She's smart." tinignan ko si Art na mahimbing na natutulog.

"Yeah... she is." sabi niya.

hmm...

"Cal... matanong lang. Kaanu-ano mo ba talaga si Art?" di ko naiwasan na maitanong


ang tanong ng bayan.

Iba kasi ang samahan nila eh. Alam kong super close sila for so many years. Pero
magkaiba ang magkaibigan lang. Para silang mag-

"my wife." nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya.

Sasabihin ko na sanang mag-jowa pero WHAT.

Wife?! Ibig sabihin.. kasal na sila?!

"Paano?" Wife?! Like Husband and Wife?! Married?! For better or for worse?!

"We were married in the Underworld. With the blessing of my father and her twin
brother. She was forced to. So you don't have to worry. We're legally married but..
it's not really.. married married." gunita niya. Okay so married sila legally.

Pero yun na rin yun. Kasal na sila.

HUSBAND AND WIFE PEOPLEEE.


"Paanong 'married married'?" Ayan. Nangunguna na ang pagiging curious mo Cesia.

Hindi naman kasi ako na orient eh!

"She was forced to marry me. It's not like we really... love each other." may
napansin ako ng konti sa sinabi niya kaya napangiti ako. I watched in awe nang
hinawi ni Cal ang bangs ni Art.

Aweeeee.

"Hihi.." narinig ko ang mahinang pagtawa ni Art kaya mas lumapad ang ngiti ko. Pati
sa pag tulog ganyan pa rin siya. Ang cute.

"I'm just glad she's fine..." he sighed. Oh wow. May soft side din pala tong son of
Hades.

At may katotohanan din pala ang kasabihang 'Don't judge a book by its cover' dahil
sa unang titig mo palang kay Cal, akala mo isa siyang demonyo fresh from hell. Even
though he is.
Pero sa ngayon, ibang-iba siya.

Neutral.

"How did she know?" tanong niya.

"Narinig daw niya si Chase na may kinakanta. Ayun. Na curious na nga siya. Pero
nakakahalata na talaga kayo. Syempre, di maiiwasan ang maging curious." sagot ko.

"So anong plano niyo?" this time, ako na naman ang nagtanong sa kanya.

Gusto ko na rin kasing malaman ang flow eh. Kahit kinakabahan ako para sa
mangyayari, dapat may part ako sa event na'to.

Unless.. sasabihin nilang useless lang ako. Though, okay lang naman pag ganun. Mag-
iingat nalang ako at masdan sila on work.

"We're looking for a machine. The Seht Imitator. Blueprints exactly." sagot niya.
Naalala ko ang conversation nila sa library. Ahh okay okay.
"Eh yung council?"

"Nothing."

Tumango-tango lang ako. So wala pa ring plano ang council ganon? Baka may plano na
sila pag late na ha. Hmm. Di naman siguro. Di nila kami pababayaan. I guess...

"We're sorry.."

"I understand." binigyan ko nalang siya ng ngiti. I guess alam na niya kung ano ang
ibig sabihin nun.

"I'm gonna go now..." paalam niya. Tinignan ko lang kung paano niya hinalikan si
Art sa noo bago tumayo at nagsimulang humakbang.

Edi kayo na.

Tumigil muna siya bago lumabas ng room saka lumingon sa gawi ko.

"You'll take care of her right?" nagtaka ako saglit sa sinabi niya.

Pagkatapos, tinanguan ko lang siya saka itinaas ang kanang kamay ko na animo'y nag
p-promise.

Tumango rin siya at tuluyan na ngang lumabas.

Haaayy.

Wow ha.

World record ata ang conversation na yun. Mga ilang minuto ring nakausap ko si Cal.
Minsan lang kasi siya nagsasalita.

Kinuha ko ang kumot at dagling nag adjust para makatulog ng maayos.

'Goodnight Ma' kahit di na niya sinasagot ang mga tawag ko, di ko pa rin
nakakalimutan ang kausapin siya.

Or atleast iparinig sa kanya na okay lang ako. Buhay na buhay. Eh siya kaya?
'Mom? I hope you're fine. Okay lang ako dito. Again, naging useful na naman ako.
Napakalma ko si Ria at Art. Sana naman nakita mo yun. Grabeng effort ko dun.'
Kinuha ko ang opportunity na mag letter for ma. Dahil alam kong di naman niya ako
naririnig. Haha.

Napabuntong-hininga ako.

Bumalik na naman ang emptiness sa loob-loob ko. Isa na siguro sa dahilan ang
nalaman ko kanina. Yung tungkol sa plano nilang hindi ako kasama.

Pero di ako maghahang-on sa fact na'yan. I'm positive.

Pero bakit...

bakit parang may kulang?

Umidlip na ako at nakita ang isang anyo ng babaeng nakaitim. Siya yung nasa forest.
Anong ginagawa niya dito?

'Be careful my dear. The war is just the stepping stone. The rope to the
fireworks.' napakasakit paringgan ng boses niya kaya napaurong ako. Matinis kasi.
Ish.

'The sun will set. And will never rise again.' nakita ko ang isang katawan na
nakalatay sa marbled na sahig.

'And you will bow down to the new era of the new supremes...' nasa loob kami ng
isang temple. Kakaiba. Kakaibang temple dahil puno ito ng mga iyak. Napakaraming
iyak.

'All of you will replace our sufferings.. our misfortunes... our pain.'

at nakita ko sila... puno ng dugo.

At isang dosena ng mga taong nakasuot ng kumikinang na mga robes..

nakaluhod...
nagmamakaawa...

Finders Keepers
Ria's POV

"Art?" tinawag ko siya na nakaupo na sa mesa at kumakain ng cereal. Sinadya ko


talaga na bumangon ng maaga.

To have a proper apology.

And obviously, I didn't even get to start apologizing or atleast say the word
'sorry'.

Maybe it was my fault. Kasalanan ko ang nangyari kagabi because I didn't understand
her.

I can't and never will.

Dahil iba si Art. At kaibigan ko siya.


She's worth the 'sorry' of a daughter of Ares.

I thought about it last night.


And clearly, marami akong nabitawan na salita na ako mismo, ayaw kong marinig. Na
ayaw kong iparinig sa kanya. Aaminin ko, naging careless na naman ako. To the point
na nasaktan ko ang isa sa pinakamatalik kong kaibigan.

And I hate myself for it.

"Hmmmmm?" iniangat niya ang noo niya at tinignan ako na parang walang nangyari.

Umupo ako sa tapat niya at tinignan siya na kumakain.

Namumula pa rin ang mga mata niya. Matagal-tagal din kasi ang duration ng away
kagabi at iyak niya. Enough to puff her eyes.

"I... I'm sorry." diniretso ko na sa S-word. Hindi ko kayang mag speech. Lalo na't
naguiguilty pa rin ako. And I hate long speeches. Enough na sa'kin kahit isang
salita lang.

Unless gusto nga niyang mag speech ako sa harap niya. I'd give it a go as long as
she forgives me.

"Hihi. Ano ka ba Ria. Nangyari na yun. Sorry din ah? plano ko talagang labhan yung
military uniform eh. Di ko alam" napangiti ako sa response niya. An annoyed smile.

Well shit.
Ngayon ko lang nalaman na motibo pala niya na labhan ang military uniform. It was a
good intention afterall.

Then there's me... I was so mad at her.

KASALANAN KO NGA ANG LAHAT.

"I'm really really sorry.."

Sinuri ko ang mukha niya at wala akong nakitang bakas ng galit kundi isang pair ng
dalawang nagliliwanag na mga mata at isang malapad na ngiti.

"Sabing okie na eh. Hala! Bingi ka na Ria? Dahil ba yun sa sigaw ko kagabi kaya
wala ka nang maririnig?! HALA!" napangiti na naman ako sa sagot niya.

So I guess that's it. The same old Art that I know is back.

"Nah. Gusto ko lang masigurado ang sinabi mo." I answered..

pero base sa reaksyon niya, di pa rin siya naniniwala sa'kin.

"Teka.. kung bingi ka.. bakit nakasagot ka sa tanong ko?" nagtatakang tanong niya.

Yep. That's her.

"Kasi nga... hindi ako bingi." I assured her. Well not really dahil nasa mukha pa
rin niya ang taka, takot, at hanga.

Bago pa siya makasagot, narinig namin ang pagbukas ng pinto kaya napalingon kami
para makita si Cal na bagong gising.

Napangisi ako ng konti sa reaksyon niya nang makita niya kami na nasa mesa.

"Ugh. Wag mo'kong tignan ng ganyan Cal." alam ko naman ang ibig niya. Those alert
eyes even if he's half asleep.

Baka akala niya aalipustahin ko na naman si Art...

or itatakbo ko...

Hmm...
"Hey Art.." tinawag ko ang napakaclueless na Art.

"Wanna get some ice cream?" alok ko.

Nakita ko sa peripheral view ang pag iba ng mukha ni Cal.

A good time to mess with a devil.

"Huh? Eh Ria.. maaga pa eh." halatang nagdadalawang isip siya. Pfft.

"Awe.. bibilhin ko pa naman sana yung bagong cup na may free tatlong set ng
stickers.." and within a split second, nakailang tango na siya.

Kinuha ko ang kamay ni Art at hinila siya papalabas ng dorm.


Pero bago ko pa siya tuluyang matangay, napatigil ako dahil sa isang opposite force
galing sa isang kamay pa ni Art na...

as expected, hawak-hawak ni Cal.

"Someone's getting possessive." I groaned sabay hila ni Art.

"You're not bringing her anywhere." mariing sabi ng lalaking nakasimangot dahilan
na mapatawa ako ng marahan.

"bakit? bibili lang naman kami ni Art ng ice cream ah diba Art?" tinignan ko si Art
at tinignan rin niya si Cal.

"sige na Cal! ice cream lang naman eh!" naka pout niyang sabi.

Unfortunately, umiling-iling si Cal.

"no" ano ba talagang meron sa mga lalaki ngayon.

Bago pa magmakaawa si Art, binitawan ko na ang kamay niya.

"That's okay. May gagawin din naman ako." tinanguan ko lang si Art pagkatapos niya
akong bigyan ng ha?-sure-ka? look.

I'm just teasing the guy.

May arrangement kami ngayon ni Kaye pero mamaya pa. May klase din kasi sila sa mga
oras na'to. So why not pull her out para mamaya makapag shopping ako kasama ang mga
girls diba? I'd have plenty of time for myself and with the others.

To speak of, matagal na din akong hindi nakapag spa. And by that, makakapag isip-
isip din ako for the awaiting war.

Wala na nga kaming time para mahanap ang blueprints pero may time naman akong
makapag spa.

Meh. I'm gonna die anyways.

Wala akong paki. Ang sa akin lang, matapos na'to para makapag move on na rin ang
lahat. Back to normal. No sudden calls. Meetings. Machines. War.

At kung mamatay man kami, well atleast NAKAPAG SPA AKO.

Ginagawa ko rin naman ang part ko sa event na'to. But ang sinasabi ko lang, there's
a possibility na mamatay nga ako. So.. I'll just cherish time as it is while I
still exist.

"Cheerio" pasimple kong sabi sabay kaway ng nakatalikod bago lumabas ng dorm at
tumungo na sa klase ni Kaye.

Habang nag iisip ng pipiliin kong formula na gagamitin sa spa, nakita ko si Kara sa
hallway at papunta sa kinaroonan ko.

Crap. Nakalimutan ko.


Supposed to be, magkasama nga pala kami sa pagkikita namin ni Kaye sa araw na'to.

"I decided not to wake you up." giit niya nang tumigil siya sa harap ko.

"Okay lang. Nakalimutan ko rin kasi na dapat pala magkasama tayo" I explained back.
Quits pa rin kaming dalawa.

"So, nasa'n si Kaye?" tanong ko.

"I went to her first class. No one was there." sagot niya.

"9 am ang second subject nila. So, dun tayo." tinanguan niya lang ako.

Magkasabay kaming pumunta sa klase ni Kaye. Ilang minuto ang lumipas at nasa tapat
na rin kami ng classroom.

Kakatok sana si Kara kaso naunahan ko na siya. Binuksan ko ang pinto at dumiretso
sa adviser na kakaputol lang ng discussion dahil sa biglaang pagdating ko.

"May I excuse Kaye?" paalam ko sa teacher.

Bahagya akong napatingin sa black board at napag-alamang Physical Science ang


subject nila.
Wala kaming Physical Science sa Alphas dahil minor lang 'to para sa'min.

Unlike any ordinary schools, we're classified through our abilities not year
levels. Pero pareho kaming lahat na u-undergo ng 5 years sa Academy.

I'm already a senior here since a year before the others ako na enroll dito. So as
Kara, Trev and Cal.

"Kaye? She's been absent for 3 days already." nagtataka niyang sabi.

Tinignan ko si Kara na tumango kaya sabay kaming napatakbo labas.

Tumigil kami sa harap ng dorm ni Kaye at dali-dali itong binuksan.

"Wala siya dito. Bumili lang ng herbs. May lagnat kasi." gunita ni Gen; roommate ni
Kaye pagkapasok namin sa room.

Pagkatapos, napabuntong-hininga kami. Akala namin kung ano na ang nangyari sa


kanya. Baka nakidnap na naman. Or worse.

"Kung gusto niyo, gawan ko kayo ng kape? Nakapag almusal na ba kayo?" alok niya.

Umupo kami sa table at nagtitingin-tingin lang sa buong kwarto habang nag-aantay na


matapos ang luto ni Gen.

Hanggang sa may napansin ako na nakatago sa ilalim ng bedsheets sa kama ni Kaye.

"Salamat." sabi ko nang inilapag na ni Gen ang pagkain sa hapagkainan.

Tahimik lang kaming kumakain ni Kara at si Gen naman, nagbabasa ng libro.

"Babalik nalang kami bukas. Just tell her the meet-up is postponed. Wag mo nalang
sabihing napadaan kami. Let her rest." pagbibigay-alam ko. Tumango lang siya nang
nakangisi bago isinara ang pinto.

Nilingon ko si Kara saka niya itinaas ang isang bagay na nakatago pala sa likuran
niya.

Kaso hindi ko masyadong makita.

"What's that?" tanong ko.

Lumapit siya enough para malaman ko kung ano yon.

"Oh wow. You're fast" puna ko.


Hindi ko nga namalayan na kinuha na niya pala ito.
"I wonder why she hid it." aniya sabay abot sa'kin ang hawak niya.

Binuksan ko ito at nakitang wala pa rin itong laman.

"Me either." kumunot ang noo ko at tinignan si Kara.

"Are you thinking what I'm thinking?"

"yea"

we're definitely keeping it.

The Alpha Way


Cesia's POV

Lumabas ako ng kwarto at nakita si Cal na kumakain. Si Art, nakatayo sa gilid,


nakatalikod at naka crossed arms.

Sabay na ring lumabas si Chase at dumiretso sa hapagkainan kaya sumunod na rin ako
sa kanya.

Habang kumakain, napapansin ko ang panay na paglingon at pagsilip ni Art sa gawi


namin. May binubulong rin siyang di ko masyadong marinig.

May pinagtatampuhan siguro. Or ako lang ata ang nakakahalata?

Pagkatapos kumain, dumiretso ako sa kwarto para magpalit ng damit.

Medyo maaga pa para magsuot ng uniform kaya pambahay lang ang suot ko. Manonood
lang rin naman ako ng TV.
Pagkatapos, mag re-review sa make-up quiz namin ni Madam Viola. Ilang days kasi
akong hindi naka attend sa class niya.

Tas mamayang hapon, tutulong kami sa paghahanap ng blueprints.

Lumabas ako at dumiretso sa couch.

Si Art? ganun pa rin.

Pero kasama na ni Cal sila Dio at Trev na kumakain sa mesa.


Kinuha ko ang remote at napa iling nalang ako nang unang lumabas sa tv ang
pagmumukha ni Bubbles.

Nanlaki ang mga mata ni Art sabay takbo sa kinauupuan ko.

Wrong move.

Di ko na malilipat ang channel na'to. Imposibleng matanggal si Art sa tabi ko.

Tinignan ko ang katabi kong nakaupo at nakaplaster sa mukha ang isang malapad na
ngiti.

Minsan talaga matatanong ko nalang kung anong nasa utak ni Art pagka umaandar ang
pagiging PPG Maniac niya.

Ish. Ba't ba kasi PPG yung unang bumulagta sa TV.

Mental note. Wag i-on ang tv pag nasa presensya ni Art. Delikado.

Tumayo ako at pumunta sa kusina para magtimpla ng kape. Sira na ang plano kong
manood ng TV. But may back up plan naman ako. Mag relax sa veranda.

And syempre, kulang ang relaxation kung walang kasamang kape a.k.a. side drink.

Kinuha ko ang container saka ito binuksan. Pagkabukas ko pa lang, langhap ko na ang
aroma ng caffeine mula sa loob.

Pagkatapos ihalo ang cream sa mug, dumiretso na ako sa labas ng veranda.

Napasinghap ako sa simoy ng hangin. This time, may kasamang amoy ng mainit na kape.
Wah. Nice Cesia.

Umupo ako sa bench at inilapag ang mug sa mesa. Sumandal ako at nagsimulang
magpangalumbaba.

•••

Mayamaya, may narinig akong boses kaya iminulat ko na ang mga mata ko.
"It's gonna rain. Just in case di mo alam." di ko ata namalayan ang paglabas niya
dito sa veranda.

Iniangat ko ang ulo ko at tinignan ang langit na nasa ibang shade na ng blue.

"And your coffee is cold." dagdag niya.

Nilingon ko ang nakapatong na kape saka ito kinuha.

Hmm. Tama nga siya.

Ibig sabihin, di ko rin namalayan na nakatulog pala ako dito sa veranda. Hay nako.

"So... kailangan ko pa bang mag apologize sa nangyaring bulgaran?" napangiti ako sa


sinabi niya.

Umiling-iling ako. In the first place, nakahingi na ng sorry si Cal. And lastly,
nauunawaan ko naman kung bakit wala akong alam.

"Bago pa ako dito. Syempre, nauunawaan ko ang dahilan kung bakit di niyo ko-"

"are you underestimating yourself?" pinutol niya ang sinabi ko.

Binigyan ko siya ng nagtatakang tingin. Underestimate? Pinagsasabi neto?

"Just because you're new here doesn't mean you're weak. Well damn. Kung alam mo
lang kung anong itsura mo pag nasa warfield. You're good. And you'll excel."
kumunot ang noo ko sa sinabi niya.

Motivational speech ba yun? Para i-cheer up ako? Yun dinig ko eh. Pero para saan
nga ba yun? Wala naman akong sinabi para bigyan niya ako ng inspirational response
ah.

"Ha? Ang sabi ko lang naman na nauunawaan ko kung bakit di niyo ko sinama sa plano
niyo." giit ko.

"so ano nga ba sa tingin mo ang dahilan?"

"na bago pa ako dito."

"exactly." nag clap pa siya na tila nag e-emphasize ng point.

Ilang seconds at na gets ko na rin ang sinasabi niya. Ahh.

"Okay then. Ano nga ba ang dahilan?" sumipsip ako ng konting kape. Nawala na nga
ang init pero wala na akong magagawa. Ang sayang naman pag di ko'to maubos.

"to protect you." ewan nalang at nasamid na nga ako ng tuluyan pagkatapos niyang
sabihin ang mga katagang yon.
"H-ha? Protektahan? Ako?" inuulit ulit ko ito ng ilang beses sabay turo sa sarili
ko para masigurado kung tama nga ba ang narinig ko.

Tumango siya. "Yeah. We need you and Art. You're both significant in this Academy.
You know Art. At ikaw... first year mo pa dito. We wouldn't want our new student
getting hurt. Would we? You two are different." nag abot na naman ang kilay ko sa
sinabi niya.

But instead, binigyan ko nalang siya ng malapad na ngiti na animo'y naiintindihan


ko ang sinabi niya.

"Nandito lang pala kayo. May pag-uusapan sana tayo." sabay kaming napalingon ni Ria
na nakasilip halfway sa bukas na glass doors.

Tumayo agad kami at bago pa man makabalik sa loob ng dorm, kinalabit ko si Dio.

"Thank you" bulong ko.

"For what?" tanong niya.

"For thinking of protecting me." sagot ko. Hindi ko alam kung mahihiya ba ako or
hindi.

Pero ang alam ko, ang bait nila. Napaka thoughtful. Ako na walang nagawa para ma
deserve ang mga taong p-protektahan ako pagka may darating na panganib.

Okay. Sige na. Medyo na touch talaga ako dun.

Nagkibit-balikat siya. "Don't thank me. Thank Trev." sambit niya bago pumasok sa
loob.

Eh?

"Cesia?" tawag sa'kin ni Ria na nakahawak na sa handle ng glass.

Dali-dali akong pumasok sa loob saka niya ito sinarado.

Tumabi ako ni Art na naka indian style sa couch.

Actually, lahat sila naka indian style kaya alam ko na kung anong klaseng pag-uusap
'to. Umupo rin ako sa couch ng paganun bago sila nagsimulang magsalita.

For the first time. Kasama na kami ni Art sa gathering na'to. Pero syempre, hindi
ko pinapahalata ang excitement. Dapat akong maging serious dahil seryoso din 'tong
pag-uusapan namin.

"We found it." nanlaki ang mga mata namin pagkarinig sa anunsyo ni Trev.

Sumunod na sinabi niya kung paano ito nakita. Through Ria and Kara. Kaso, di pa
niya sinasabi kung saan nila ito natagpuan.

Aish. Ang importante, nasa kamay na namin ang blueprints.

Nakikinig lang ako sa mga sinasabi nila. At talagang diniinan ko ito ng atensyon
dahil mahalaga to. Subukan kong wag kalimutan ang nilalantad nila. Just in case.

Matapos dumaan ang ilang minuto, natapos na rin kami. Sabay kaming tumayo para
magsipuntahan na sa kwarto. May susunod pa kasi kaming klase.

Napatingin ako sa libro na hawak-hawak ni Trev.

"Hindi niyo ba ibibigay sa council yan?" hindi ko maiwasan ang magtanong.

Agad naman silang napatigil dahil sa sinabi ko. May nasabi ba akong mali?

"No." sabay nilang sabi.

Nilingon ko si Kara and of course, sumagot naman siya. Siya lang talaga ang ally ko
sa mga panahong kailangan ko ng explanations.

"We found it. We keep it." aniya "Until we find some useful informations, then we
can give it to them." tinanguan ko lang siya. I understand.

Sa totoo, ang ganda ng ideya nayan. Na'sa amin naman ang blueprints. Kaya dapat sa
amin din ang first advantages.

"Its the Alpha Way." sabi niya bago tuluyang pumasok sa room niya.

Sumunod na rin ako at pumasok sa room ko. Dumiretso ako sa vanity area ko para
magsuklay at mag ayos.

Habang nakaharap sa sarili kong repleksyon, naalala ko ang sinabi ni Dio kanina sa
veranda at nagtaka kung bakit ngayon ko lang napansin ang linyang yon.

'You two are different.'


The Silent Book
"Its parts look weird."

"May familiar names naman siya eh"

"Ano ba tong handwriting niya. Wala akong nababasa!"

Naririnig ko ang bulung-bulungan ng tatlong girls na nasa gitna ng sala at pinag


iinteresan ang libro.

Nag ta-take turns kasi kami. Boys and then girls. Ang in charge sa boys ay si Trev
since kaya niyang mag emit ng light. Sa amin naman, si Art.

Katulad ng mapa, hindi ordinaryong papel ang ginamit para sa librong 'to. Kailangan
pa tong masinagan ng partikular na wavelength ng liwanag para makita kung ano ang
contents.

Nasa 32nd page na kami. Ang hirap naman kasi. Dapat mo pang isubsub ang buong
pagmumukha mo kada page para mabasa o makita ng maayos ang nakasulat.

Medyo mahina pa rin kasi si Art sa pag emit ng eksaktong wavelength kaya ayan.

Hinahalikan na ng tatlong babae ang libro.

"Art. Please put the light here." utos ni Kara na sinunod ni Art. Tinapat niya rin
ang kamay niya sa bahaging tinuro ni Kara.

"It has this weird microscopic particles. I wonder how he created those." puna ni
Kara.

"Dito rin Art" tungo ni Ria.

"Okie!" Tumatango-tango naman si Art saka itinuon ang liwanag sa ibabang bahagi ng
pahina.

Mayamaya, nag give up na rin sila. Bukas na lang daw namin itutuloy ang pagbabasa.

Lumabas si Kara sa dorm. Si Art at Ria, pumasok sa kani-kanilang kwarto kaya ako
nalang ang nag-iisa dito sa salas...

kasama ang librong to.


Kinuha ko ang libro at binasa ulit ang nakasulat sa cover.

'The Silent Years'

Ito lang naman pala ang hinahanap namin. Eh kung saang lupalop pumunta sila Chase
para dito.

Napasakamay ko na to once. Pero wala pa akong alam na ganito pala to ka importante.

Binuksan ko ito and as expected, wala akong nakikita na naka imprint sa pages.

Hindi ko alam kung matatawa ba ako kasi nga, nandito lang pala to sa library. Pero
saan ba kasi 'to natagpuan nila Kara? Wala naman silang sinasabi eh kaya hula ko,
di nila 'to nakuha sa library.

Isang katok ang napatigil sa'kin.

Visitors?

Tumayo ako at dumiretso sa pinto para buksan ito nang napahinto ako sa biglaang pag
hila sa'kin pabalik.

"I'm answering that. You go to your room." ako lang ba ang nakakapansin or nagiging
utus-utusan na niya talaga ako?

Tinignan ko lang siya na nakatayo sa harap ko.

"No."

Napansin ko ang pag iba ng reaksyon niya. Kasabay ng pag-iba... ng mga mata niya?
Nag iba ata yung kulay for 1 sec eh kaya di ko masyadong nahagip.

Or imahinasyon ko na naman yun?

Sign naba 'to ng stress?

Naramdaman ko ang isang kamay na na nakahawak sa balikat ko. Tinginan ko kung sino
ito at napansin si Ria na katabi ko na palang nakatayo.

"Hey Cesia. Kami na ang bahala dito." nakangisi niyang sabi.


Kumawala ako ng isang buntong hininga dahil sa biglaang paglakas ng mga katok.

Tinanguan ko lang sila saka dumiretso sa kwarto.

Aish. Meron pa rin ba silang mga sekreto na tinatago nila mula sa'min ni Art?

Ria's POV

Nag antay muna ako na matapos ang mga katok bago buksan ang pinto.

Nakita ko si Kaye na nakatayo at nagmumukhang rocket ship na anytime, sasabog.

"Anong ginagawa mo dito?" inosente kong tanong.

Hindi naman siya sumagot. Dahil alam kong alam niya na alam ko ang sagot.

I just stared at her. Nagmumukha pa rin siyang rocket ship. So.. kailan niya balak
sumabog?

"Give it back Ria." oh there. Kaso, hindi ako nakapag countdown.

"You know something do you?" Tinignan ko siya na para bang sinusuri ang buong
pagkatao niya. Which is in fact, true.

"Yes. I know that the council is looking for the book." which leads her to the
conclusion na importante nga ito kaya niya ito kinuha?

Or is it something else?

"At alam mo ba kung bakit?" I tilted my head. Siguro naman alam niya.
Obviously, dahil sa dorm niya nakuha namin ang libro.

"N-no..." mahina niyang sagot pero enough na marinig ko ito.

Kumunot ang noo ko sa sinabi niya. Sure ba siyang wala siyang alam kung ano ang
nasa libro?

Nagpabalik-balik muna ang tingin niya sa'ming dalawa ni Trev bago tumigil sa'kin
ang mga mata niya.

"Kayo... may alam kayo" woah. that was fast. Ang bilis niyang makapag formulate ng
hypothesis ah.

Let's conclude it without the experimentation. Shall we?

"Yes we do sweetheart." I firmly said bago sarhan siya ng pinto. Hindi ako
respectful. Alam ko yun. At proud ako.

Dumiretso ako sa kitchen at binuksan ang ref. Kinuha ko ang half-empty na pitcher
ng juice at inilagay ito sa mesa.

"So.. hindi ba natin pag-uusapan ang nangyari kanina?" tinanong ko siya. Just in
case, nakalimutan niya ang nangyari.

Kumuha ako ng baso at nilagyan ito ng juice.

"She used her ability at me." sagot niya without a hint of impress, disapproval,
etc., on it.

Pero at least nag iba ang tono niya.

"Maybe it was unintentional" I said while taking another sip.

Naalala ko ang moment na kusang tumigil ang mga paa ko pagkatapos marinig ang 'No'
ni Cesia. Buti nalang, at mabilis akong naka recover. Hindi naman kasi ako ang main
target ng command niya.

I heard him grunt dahilan na mapangiti ako.

Thank the Gods! Nasagot na rin ang mga dasal ko.

I've been hoping na dumating ang isang nilalang para ipakita kay Trev na hindi lang
siya ang boss dito. Wala pa kasing nagtangkang hamunin siya. Except me. Twice. But
the results are the same. I failed. Ganoon siya kalakas.

But not strong enough to resist a command from a daughter of Aphrodite.


Nakakatuwang isipin.

"Stop grinning." see? Nakakainis din kasi sa pride ko ang pagiging all leader-like
niya.
"Why? Mas gumaganda ako pag nakangiti. Try mo rin kaya?" mas nilaparan ko pa ang
ngiti ko to emphasize it.

Like Cal, pinagtitripan ko rin itong si Trev. I don't know pero hobby ko na talaga
ang mang inis ng tao. Na e-entertain lang talaga ako.

Maliban nalang sa baklang si Chase. Inaagaw niya kasi ang trabaho ko dito sa dorm.
Ang manukso. Tsk. Minsan nga nagpapanggap siya na parang tunay na lalaki. All
serious and stuff. Eh if I know, maiiral din yang pagiging bakla niya. Di pa naman
kasi umamin. Nababaklang umamin.

Bago pa ako mabawian ng buhay dahil sa titig niya, naglakad na ako sa direksyon
papuntang kwarto.

I managed to get a glimpse of his disapproval face. Ha. Hindi pa rin siya
nakakapaniwala na may lalamang na sa kanya. Na pwede siyang maging utus-utusan.

Tumigil muna ako bago tuluyang makapasok sa kwarto.

"Seriously Trev. Don't threaten her." paalala ko.

"I wasn't threatening her." sagot niya.

I smudged a 'ako-ba-inuuto-mo' look.

"Really? To the point na nag iba ang kulay ng mga mata mo?" natatawa kong sabi.
He's being defensive. Malay ko kung bakit.

Nakatayo lang siya as if sinusubukang isink-in sa utak niya ang nangyari.

And so... tatawagin ko na itong 'under the stage of disbelief'.

I found myself smiling again. And finally, binuksan ko na rin ang pinto.

"She was just... compelling." kasabay ng sagot niya ang pagpasok ko sa kwarto.

At kasabay na rin sa pagpasok ko sa kwarto ang understandable translation ng sinabi


niya.

'She was just... strong...er'

Shit is real.

Spa
"Ah... finally" bulong ko pagkatapos bumaba sa jacuzzi at sumandal sa hole kung
saan galing ang massage bubbles.

Napangiti ako pagkakita ko sa tatlong girls na nakasandal rin sa kani-kanilang side


ng jacuzzi at nakapikit.

Ramdam ko ang pagod sa mga nagdaang araw.

And with that, pinakawala ko ang stress na natamo ko at pinaanod ito sa relaxing
flow of warm water.

"We deserve this." sabi ko nang nakapikit.

Hindi sila sumagot kaya mas gumaan ang pakiramdam ko. I can feel no tension. Just a
calm atmosphere sa pagitan naming apat.

Kakatrain lang namin. At napagdesisyunan kong isabay silang tatlo dito.

Naalala ko ang pag-aalala sa mga mukha nila pagkapasok namin sa spa. Halatang
nagdadalawang isip na ituloy ba ito o hindi dahil nga, may gagawin pa kaming
preparation.

Pero hindi yan hadlang para makapag spa kami.

Buti nalang at sumang-ayon sila pagkatapos ng facial massage. Na explain ko na rin


sa kanila kung gaano kahalaga ang spa.

And that is why, nandito kami ngayon sa special treatment nila before the world
ends.

Complete package talaga ang kinuha namin. And surprisingly, it's Cesia's treat.

Nagkatinginan nga kami pagkasabi niya na siya ang lilibre. As time pasts,
napapansin kasi naming mas lumalabas ang Aphrodite side ni Cesia.
Like more often, nagiging confident na ang bawat salita na ibinibigkas niya. She
doesn't stutter anymore.

Worried lang ako na baka tuluyan na nga siyang ma addict sa spa.

Hmm.

Who cares anyways?

Walang makakapigil sa kanya dahil nasa dugo niya ang beauty and everything about
being pretty.

Ugh. So jealous.

Pag anak kasi ng God of War, ang inaasahan nila ay isang makisig na mala-warrior na
lalaki. Kung babae man, dapat masculine daw.

But no. Hindi ako ganyan.

Babae ako at isa rin sa regards ko ang karaniwang katangian ng mga babae. Tulad
nalang ng love for spas, shoppings, perfumes, etc.,

Okay.. may time rin naman na nangunguna ang pagiging violent and harsh ko.

But that's just another side of me. Nagiging active lang ang dugo ni Ares pag
provoked.

At oo, alam kong ibang-iba ako pag tuluyan na ngang maging anak ng tatay kong idol
na idol ni Sparta.

Nasa isip naman ako pag nagagalit, pero kasi nga, anak ako ng God of War eh. Wala
na akong magagawa. Pag galit, mas nananaig talaga ang dugong Ares ko.

Amazona man ako sa paningin ng karamihan, kaibigan naman ako sa kanila.

I really don't care about my title being violent. What matters is, nakakatulong
ako. Na isang grace ang existence ko sa mundong ito.

Hindi hadlang ang opinyon ng mga tao sa'yo. Bitch. Evil. Demon. Slut... Dahil sa
huli, ang mga desisyon mo lang ang nakakapagsabi sa'yo kung ano ka.

And now that malaki ang posibilidad na mamatay ako at this very young age, masasabi
kong..

fuck this shit.

I'll give my best at matalo man ako, well atleast nakapag spa ako.

Atleast everyone will know me as the daughter of Ares who fought for a reason.

Like my mom.
Umurog ako ng konti at nag adjust sa pagkakaupo.

Dito ko lang naman nilalabas ang kadramahan ko sa spa.

It's hard to care if you're this relaxed.

Alam kong pagkatapos nito, di na namin kayang iwasan ang mga susunod na araw. Ang
mga susunod na problema.

In this way, we're preparing ourselves para sa ultimate stress na masasalubong


namin.

"What do you think will happen?" narinig kong tanong ni Kara.

"We'll be meeting for the preparation I guess." sagot ko.


I'm sure hinahanap na kami ng apat na boys para pag usapan ang paghahanda namin.

"I'm talking about the awaited night." sabi niya.

Iminulat ko na ang mga mata ko at nakita silang tatlo na nakatingin sa'kin.

"Expected naman siguro na mamamatay tayo." kalma kong sabi na siyang dahilan ng
biglaang pagkagulat nila Art at Cesia.

"Joke. I don't know? We're first timers. I'm sure napaka entertaining ng
mangyayari." ginawa kong humor ang sagot ko para mapagaan ang dalawa na halatang
kinakabahan sa sinabi ko.

First time na mag u-undergo kami ng series of drastic events. And this time,
papalapit na papalapit na kami sa resolution.

Ang pwede lang naming gawin, ay ipaubaya ito sa sarili naming kakayahan. a.k.a.
fight.

"Kailan nga ba yung celebration?" tanong ni Art.

"Nabasa ko sa school board papunta dito. Next week, thursday daw." sagot ni Cesia.

Napansin ko ang pag abot ng kilay ni Kara.

"what is it?" usisa ko. Na curious lang talaga ako sa reaction niya.

"My lunar calendar says... friday." Ngayon, ako na naman ang nagtaka. Lunar
calendars are very accurate.

Namali ba sila ng lagay sa poster?


"Sa tingin niyo... intensyon ba talaga nila ang pagkakamali ng date o hindi?"
Napatingin kaming lahat ni Art.

Thursday... Friday...

Ilang segundo ng katahimikan ang lumipas bago kami natauhan galing sa napakalalim
na realizations.

Isa lang ang sagot na pumasok sa isip ko.

They meant it.

The day before nila gaganapin ang celebration para may time pa na mahanda ang buong
school.

Pwede nilang papauwiin ang mga estudyante or mag assemble ng teams depending on the
kind of strategy... pwede rin nilang ma secure lahat ng corners ng school para
maiwasan ang possibly intense na pagkasira ng buong Academy.
At para rin may time sila na magbuo ng bagong enchantment para panatilihing malakas
ang barrier whole throughout the attacks.

"Cool." puna ko.

"They're saving time to clear and facilitate the area." dugtong ni Kara.

Pinaparinggan lang namin ang aming mga sarili bago tumayo at nagsilabasan na sa
jacuzzi.

"Art. Wala ka bang planong tumayo jan?" nakapameywang kong sabi.

Umiling iling siya.


"Ayaw. Gusto ko dito lang." bata talaga.

Tinitigan ko lang siya at nag antay na matapos ng magbihis sila Kara at Cesia. Poor
Art. Nakakarelate naman kasi ako. Kung pwede nga, whole week ako dito sa spa.

Pero HINDI NGA KASI PWEDE.

"Art. May responsibilidad ka pa rin sa real world. Kaya tumayo ka na jan at


magbihis or iwan ka na namin dito." banta ko sa kanya.

Nag pout siya at padabog na naglakad sa dressing room.


I sighed.

•••

Papunta kami sa classroom nang biglang sumulpot si Sir Glen galing sa office.

"I just want to let you know that the school is also prepared. Nagawa ko nang
tawagin ang iba pang troops for their help." aniya saka ibinigay sa isang aurai ang
folders na dala-dala niya.

"How about the rest of the school?" tanong ni Kara.

"We'll be sending the students home. But some I believe, will stay." sagot niya.
"And the defense system is fully charged already. Including the school barrier and
protective charms."

"thank you" tinanguan niya lang kami pagkatapos magpasalamat ni Art.

Tahimik lang kaming naglakad sa corridors papuntang classroom kung saan alam kong
naghihintay ang boys.

"You see girls. This is why a spa is important"

Analyzation
Dio's POV

"The Alphas are in charge of the decoration committee, security and the rest of the
preparation." I said looking straight at the ceiling.

Seriously, the 'rest of the preparation' line got me. Walo lang kami. At kami ang
in-charge ng the rest of the preparation? tsk.

"Seryoso ka bro?" tanong ni Chase habang pinapaikot ang golden feather sa palad
niya.

We're not allowed to use weapons in school. Pero kakatapos lang ng Semideus
training namin. We're excused since kakagamit lang namin.

"Yeah" binigay ko sa kanila ang papel na naka attach sa gilid ng board.

Kinumot ni Cal ang papel at tinapon ito sa bin. Umiling-iling pa siya bago bumalik
sa nakaraan niyang posture na nakasandal sa upuan at nakapikit.

I watched the three of them sitting there. No care given. Why are they so lazy?
Before I could protest, biglang bumukas ang pinto at pumasok ang apat na girls na
kanina pa namin hinihintay.

"Where were you?" sinundan ko sila ng tingin hanggang sa makaupo na sila.

"Spa." maikling sagot ni Ria.

Girls. May oras pa talagang mag spa. Sa dinami-rami nila pwedeng gawin. Spa pa
talaga. Impressive. At times like this, it would be better to hear na galing sila
sa training. Or studying the book.

But no. Galing sila sa spa.

I sighed.

Nakatayo ako sa teacher's platform at tinignan sila isa-isa na nakaupo.

Everytime na may events concerning the school wala silang interest. Pakiramdam ko
ako lang isa ang may genuine concern sa celebration.

You know what would get their attention?

"The incoming war." I started talking. Yes. Clearly, nakuha ko nga ang atensyon
nila kaya mas diniinan ko ang susunod na mga salita.

"We are in charge of the 'rest of the preparation'. Alam nyo naman siguro kung ano
ang ibig sabihin nyan." nakatuon sa akin ang mga mata nila. Maliban nalang kay Trev
na nakapikit pa rin. But I know he's listening. Tinatamad lang talaga siyang ibuka
ang mga mata niya.

"We are in-charge of the preparation of the incoming attack." I heard Chase's
groans. Sa kalalaking tao, nagrereklamo pa.

"And so, I need suggestions." I eyed the first girl I think is best at giving
suggestions.

Kara.
Her mother is the Goddess of Wisdom and Intellectual Thinking.

Heck. Siya nga ang unang nakatuklas sa bluprints na nasa loob ng libro. Obviously,
she'd be the first one na makaka-contribute sa meeting na'to.

"Sir Glen told me he has assigned recruits" pagbibigay-alam niya.

Okay. So wala naman pala kaming problema in terms of amount. Magaling mamili si Sir
Glen. I'm sure he has contacted strong troops to gather for the event.

"How about the rest of the school?" tanong ko.

"The celebration will be celebrated the night before the actual night." sagot niya.

"Therefore, may time pa para mapauwi ang mga students sa kani-kanilang mga bahay."-
Ria

"We expect na tatawagin tayo sa event hall para i-announce na walang klase! Hihi"-
Art

"Kaya, may oras din tayong i-clear ang buong area bago maganap ang laban."-Cesia.

Our fast reflexes led us to face the four girls.

"woah. Saan galing yun?" namamanghang tanong ni Chase.

And with a split second, sabay silang sumagot.

"Spa."

"Wow. Sabi na nga ba. Hoy mga bro. Spa din kaya tayo?" nagpapalakpak pa siya na
parang retarded seal.

That actually made me think. Pwede naman sigurong mag spa at this time? Or are we
too late?

I mean, we'd gladly spend some time para mag relax at makapag isip-isip din.

Crap. Ano na ba 'tong iniisip ko? Baka nahawa na ako sa kabaklaan ni Chase.
"Shut it. Hindi pa tayo nakapag come-up ng strategy." with that, gumuhit ako ng
ilang squares signifying all the area of the Academy. Sinali ko na rin ang field at
nilagay ito sa loob ng isang circle.

"The circle is the school barrier. Outside is the forest." I pointed out.

"Piece of cake lang naman yan bro. Dapat mas maraming groups sa labas kesa sa
loob." sambit ni Chase.

I shook my head. Reminiscing the event.

"No Chase. Naalala mo ba ang attack sa dorm? It was inside the campus. Inside the
barrier." pagpapaalala ko sa kanya.

"Speaking of... wala pa rin tayong nakukuha na lead tungkol sa attack at kung saan
nanggaling." dagdag ko.

Honestly, wala akong alam kung saan patutunguhan 'to. Limitado lang ang alam namin.
And that's what makes this hard.

"Yun ba yung thunderbolts sa dorm?" na iintrigang tanong ni Art.

I nodded.

"One thing we know is that it's artificial." iniangat ko ang ulo ko para matignan
sila ng maigi.

It was quite memorable for all of us. Dahil sa event na yun, nagambala ang
expectations namin for the school year. Napag-alaman naming iba tong panahon na 'to
para sa Academy. Para sa'min.

"Possibly, it could have been created by a ma-" naputol ang pagsasalita ko dahil sa
biglaang pagpasok ni Kaye sa classroom.

"I'm sorry I'm late." nagmamadali siyang tumabi kay Cesia.

Bago pa ako magtanong kung anong ginagawa niya dito, agad nagsalita si Trev.

"I called her here. She's a part of the team."


Instead of taking a rant about the term 'privacy', pinagpatuloy ko nalang ang dapat
na sasabihin.

What was it again?

Oh right.

"It came from a machine." sabi ko.

We have talked about this while studying the book and analyzing it...

At ngayon ang takdang oras para ibahagi ito sa girls.

And so the real equation begins.

"Our hunch is that... the other machine is located inside the campus. The Elite
Machine. Used to summon those fake thunderbolts."

I'm already feeling the tension occupying the space between us.

"I don't know the connection between the school and Theosese. But he hid his two
greatest works inside the campus." Nagkatinginan ang apat na girls.

"Maybe that's why he expected some people from the academy to come to his house?"
tanong ni Ria. Sabay naman silang napatango as if answering their own questions.

"Tonight is the deadline para maisauli natin ang libro na hinahanap ng council. We
need to make the most out of it." I reminded them.

"And so Alphas, our next goal... is to find out where the Elite Machine is."

Boutique Hopping
Art's POV

"Kung ito kaya?" tinaas ko ang isang blue na cocktail dress.


Ang cute nga kasi may black belt. Parang dress lang ni Bubbles. Ito lang naman ang
nakikita kong type ko.

Namimili lang kami dito sa loob ng boutique para sa susuotin namin sa gabi ng
celebration.

Magpapa dye nalang ako ng blonde tapos i-pigtails. And then isang pair ng black
shoes.
"It looks great!" puna ni Ria.

Kyaaahh!! sabi ko na nga ba eh! Bagay talaga sa'kin to.

"Pag costume party ang pupuntahan mo. Isang ball ito Art. You need to look as
decent as possible. I know what you're thinking to do with that dress."
nakasimangot niyang dugtong.

Hmp. Binelatan ko nalang siya.

Ang bitter talaga nila. Eh malapit na nga ang posibleng kamatayan ko tapos di pa
nila ako bibigyan ng chance na suotin 'to! Huhuhu.

Binalik ko ito sa ramp at nagsimulang mag ikot-ikot sa buong boutique.

Hindi ko kaya ang mga damit na'to eh. Ang sexy sexy! Kung pwede nga mag costume
nalang ako.

Kung hindi sana nangyari ang atakeng yun sa dorm edi sana, may susuotin ako sa
celebration.

Nasira kaya yung dress ko! Nasunog yung buong skirt niya. Huhu. Sad story. Suot-
suot ko pa naman yun for the last 2 years.

Eh ang mga dress naman dito, puro pakita ng cleavage. Isang hook lang, tanggal na
ang cloth na nakatakip sa boobs mo. Che.

Tapos ito.

Hinawi ko ang black dress na may punit sa gilid ng mahaba ng skirt.

Sinadya ba tong punitin nila? Eh ang revealing naman kasi sa legs eh!

Ano ba naman 'to. Kulang nalang maghubad sila at takpan ang maseselang bahagi nila
ng 2 inches na scotch tapes. Yung katulad kay Lady Gaga.

Hahay. Wala na akong ginagawa dito kundi manglait ng mga damit na nakikita ko.

"Art. May napili ka na ba?" nilingon ko si Cesia na may dalang isang night blue
shade na dress at may glitter sa may dulo ng long skirt. Para tuloy itong stars sa
madilim na gabi.

"C'mon Art. It's the right time na pumili ka na naman ng bago. Inuulit-ulit mo na
kasi yung last dress mo." sambit ni Ria.

Aba't dalawa pa ang dala-dala niya. Hindi nalang ako magugulat kung bakit ang
revealing ng pinili niya.

"Eh gusto ko yun ee!" kaya nga binalik-balik ko diba? Kasi peyborit ko nga yuuunn!!

Nag pout nalang ako. Wala na silang magagawa. Okay naman kung wala akong susuotin
eh.

"Di nalang ako sasali sa ball." yan lang ang naisip ko na solusyon. Wala naman
talaga akong interest sa ball na yan eh.

"Sige ka. Baka magalit ang lunar deities sa absence mo. Tsk. Isa pa naman sa
deities ang kambal ng daddy mo." may pailing-iling pa si Ria.

Huhu. Nakalimutan ko. Isa nga pala sa lunar goddesses si Artemis.

Waaaahh!! Paano nalang kung isumbong niya ako kina Papa. Baka pagalitan ako nun.
Lalong-lalo na si Artemis. Di pa naman kami close. Mas magagalit sa'kin yun. Galit
kasi siya sa mga anak ni Apollo. Lalong-lalo na sa'kin dahil ako ang closest ni
daddy.

"Okie fayn!!" Agad kong hinatak si Cesia at dumiretso sa fifth ramp ng mga dresses.

Siya ang sinama ko kasi anak siya ng Goddess of Beauty. Siya ang 'professional' sa
mga ganito diba?

"Tulungan mo'ko Cesia ha? Hihi. Di ako marunong pumili eh." binigyan niya ako ng
ngiti saka tumango.

Sabay kaming napaharap sa mga dress at isa-isang tinignan ang mga ito.

"Ano bang gusto mo?" tanong niya habang tinitignan ang mga dresses.

"Kahit ano basta bagay sa'kin" sagot ko.

Marami namang mga styles na available dito. Kaso wala akong nakikita na type ko.

"Lahat naman dito bagay sa'yo." narinig kong sabi niya.


"Gusto ko yung cute. Yun lang." alam kong useless ang 'cute' na ginamit ko pang
describe ng dress.. kasi nga, lahat ng dresses dito pang 'hot' at hindi pang
'cute'.

Ang unfair lang. Paano nalang kaming mga girls na hindi gusto ng mga ganitong
dresses?

Limited lang ba ang options namin? Ang sakit naman.

Curse the Fashion Wooorrrlldd!!

"Eh eto?" nilingon ko siya saka tinignan ang...

OMAYGAD.

"Iiiiihhhh!!! Yan ngaaa!!" hinablot ko ang dress na nakataas sa isang kamay niya.

Omg. Hindi ko alam kung maiiyak ba ako ng tears of joy.

"Iiihhh!!" niyakap ko siya ng mahigpit na mahigpit.

Bumitaw ako at tinignan ulit ang dress.

Off shoulder siya at ballgown style. KATULAD NG STYLE NG LAST DRESS KO. Pero mas
maganda 'to kasi kulay rainbow at sa skirt, may curly patterns ng glitters.

"She really likes those kind of dresses." sambit ni Kara.

"Buti naman at nakakita ka pa ng ganitong style. I guess this is the last one."
kinuha ni Ria ang dress at tinignan ito from top to bottom.

Waaahh!! Susuotin ko ulit yan next year!

Tinawag ni Ria ang isang aurai at binigay sa kanya ang mga dresses. Ang aurai
nalang daw ang hahatid sa mga dresses sa dorm.

Pupunta pa kasi kami sa ibang boutiques para mamili ng make-up, accessories at


shoes!

•••

"Please deliver these to our dorm." tinignan ko si Ria na inabot ang napakaraming
boxes at bags sa tatlong aurai.
Oo tatlong aurai ang kinakailangan para ma deliver ang pinamili namin.

Ang dami naman kasi.

Bumili rin kami ng susuotin para sa incoming war.

Syempre no.

Alam naman siguro natin na ang pinakaimportante ay ang 'poise' lalong lalo na sa
mga babae. Kaya dapat, maganda rin tayo during action scenes! Waattaaa!!

Kami lang siguro ang heroes dito na bumibili ng attire para sa war. Ang unique
namin eh no? Wihihi.

"Kain na tayo!" alok ko sa kanila. Naririnig ko na kasi ang mating call ni Mr.
Tummy. Baka mahimatay pa ako dito sa gitna ng mall.

Pumunta kami sa basement ng mall at nagsimula ng mag-order ng pagkain.

Nag uusap-usap lang kami habang kumakain. May times na tinitignan ko sila.

Ang sayang lang ng pagiging magkaibigan namin kung mamamatay lang naman kami.

Lalong-lalo na si Cesia. Kung kailan lang yung first meet namin sa dorm na
natagpuan namin siya na natutulog sa couch. Huhuhu.

"So.. when do you think should we start looking for the machine?" tanong ni Kara.

"We have 3 days left." dagdag ni Ria.

"Actually..." tinignan ko sila isa-isa

"sa tingin ko alam ko kung nasan." sabay subo ko ng pagkain.

The Girls' Investigation


Cesia's POV

Hinahalungkat ko ang boxes na may lamang books at isa-isa itong tinitignan.

"wala pa rin" sambit ko sa kanila.


nasa dorm room kami na tinutukoy ni Art.

Last time kasi, naramdaman niya ang napakalakas na energy na nanggagaling sa loob.
Sa sobrang lakas, kinutuban siya na nandito ang machine.

"Kaninong dorm ba kasi 'to?" tanong ni Art sabay bukas sa closet.

"Mamaya ka nalang magtanong Art. Basta maghanap ka ng something suspicious!" ani


Ria na kasalukuyang pinag iinteresan ang vanity cabinet.

"nothing" bulong ni Kara.

"Mahigit sampung minuto na tayo dito eh!" nag-aalalang sabi ni Art.

Binalik ko ang box at siniguradog nasa exact same place at position ito bago ko
kinuha.

"Make sure you don't leave a trace." paalala ni Kara saka iniayos ang bedsheets at
mga unan.

Kinakabahan ako dahil sa ginagawa namin. Ewan ko kina Kara at Ria.

Naisipan pa talagang pumasok dito sa dorm na walang pahintulot. Nanghingi lang kami
ng pass sa office saka dumiretso dito.

Ako pa talaga ang inatasan nilang manghingi sa office. Kasi nga, isa daw sa
advantages ng ability ko ang mang utos. Di naman nakatanggi ang key keeper. Malay
ko kung dahil ba yun sa ability ko. Sinabihan ko lang naman siya na ibigay sa'kin
yung pass.

Mukha tuloy kaming isang gang ng magnanakaw.

Kaso, di ko pa rin alam kung kaninong dorm 'to. Wala kasing nakasulat sa books na
pangalan kung sinong may-ari.

Si Kara at Ria naman, hindi sinasagot ang mga tanong namin pagka nagtatanong kami.

May scrapbook akong nakita kaya agad ko itong kinuha mula sa shelves.

Pero bago ko pa'to mabuksan at matignan kung sino ang may-ari. Nasa kamay na ito ni
Ria. Yung letter G lang ang nahagip ko.

"Lumabas na tayo. Baka kung sino pa ang makakakita sa'tin dito" aniya at sinauli
ang libro sa shelf.

Nag check up muna si Kara kung may mga tao ba sa labas. Pero klase pa ng Beta at
Gamma ngayon kaya safe na rin kaming lumabas ng dorm room.

•••

Sumandal si Art sa sofa. Bakas sa mukha niya ang pagod.

"woof. Ayoko naaa!! Wala na akong energyyy!!" reklamo niya.

"Bakit? May energy ka ngang magreklamo jan. Nakakairita na talaga yang pagiging
tamad mo Art." inis na sambit ni Ria.

Ako rin eh. Napapagod na rin ang mga mata ko. Dagdagan mo pa ng sakit ng ulo.

The usual, nasa harap na naman naming apat ang libro na may lamang blueprints.
Hindi pa nga namin naabot ang kalahati ng pages. Aish.

"C'mon Art. Mamaya na natin ibibigay 'tong libro sa council. It's our last chance!"
hinihila ni Ria ang paa ni Art na ayaw pa ring gumalaw sa posisyon niyang nakahiga.

Sumandal na rin ako sa couch hanggang sa tumigil na ang dalawa at no choice na nga
si Art.

Hindi naman siguro tatanggi si Art sa himok ni Ria. PPG Ice cream.

Bumalik siya sa tabi ko saka nag squat. Umupo na rin ako ng maayos at itinuon ulit
ang atensyon sa libro sa harap.

Hindi ko alam kung bakit na survive ko ang araw na'to. Marami nang sunod-sunod na
pumapasok sa utak ko. Himala nga at nakakapag isip pa rin ako.

Gusto ko lang matulog...

At magising sa kwarto ko sa syudad.

Na sana panaginip lang lahat ng 'to.

Na hindi totoong demigod ako.

At may laban na magaganap.

Na malapit na akong...
mama-

mawala.

mabura sa mundong 'to.

Iniiwasan ko talaga ang salitang 'mama-deads'.

Natakot lang talaga ako sa sinabi ni Ria sa spa.

Saka... yun rin yung sinasabi ng napaka creepy na matandang babae.

Na darating ang araw, may mangyayaring masama. May mawawala. May masisira.

Ginulo ko ang buhok ko.

Nakakainis na talaga yan ha. Sunod-sunod na ang dinig ko sa salitang 'deads'.

Buti nalang at nabawi rin ang stress ko ng konti sa spa.

Hays. Na realize ko talagang stressed na stressed na kami pagkatapos ng massage


kaya ako na nag alok na manglibre. Nakita ko kasi ang sobrang craving nila. Na tila
sumisigaw sila ng 'we want moooree' deep inside.

Besides, wala pa din kasi akong nailibre sa kanila. Worth it naman.

Napansin ko ang tahimik kaya tinignan ko silang tatlo na kanina rin pala nakatingin
sa'kin. Kanina pa pala ako naka poker face dito.

"Gusto mo break muna tayo Cesia? Mukhang di mo na kaya ii!" nakatingin sila sa
buhok kong ngayon ko lang napag-alamang gulong-gulo.

Panandalian ko itong inayos saka ko sila nginitian.

"No. Wala na tayong time. At okay lang naman ako. Nalilito lang."

"True."-Kara

"Relate."-Ria

"Ah.. Akala ko ako lang.."-Art


tumango-tango lang sila habang sinasang-ayunan ang sinabi ko.

Tuluyan na nga akong napangiti sa fact na hindi ako nag-iisa sa problemang 'to. Na
hindi lang ako ang malapit ng mabaliw dito.

Nakakagaan lang talaga sa pakiramdam na may kahati ka sa mga problema mo.

"Okay. Eto na ah. Last page na natin 'to. Ibigay na natin 'to sa boys!" natutuwang
aya ni Art.

Tinapat niya ang kamay niya sa susunod na page. Tinuruan siya ni Trev kung paano i
set ang wavelength ng liwanag na nilalabas niya kaya ayan.

Kaya na niyang pailawan ang buong pahina.

Hanggang ngayon talaga di ko pa rin naiintindihan ang nakasulat. More like, di ko


nababasa. Mas worse pa sa doctors ang handwriting niya!

"Art. Care to ask you... does this look familiar?" tinuro ni Kara ang drawing na
hugis oblong na nasa kanang bahagi ng page kaya napatingin rin ako.

Hmm.

Medyo familiar nga... parang nakita ko na yan dati eh...

tama. Sa Biology namin.. sa dati kong school.

Ito yung nasa chart. Ito yung pinaka hatest ko about sa biology dahil dati,
pinamemorize sa'min ang different functions of particular...

"cells." sabay kaming napasagot.

Ewan ko at bigla nalang akong na excite pagkatapos naming magkatinginan. Parang


after 1000 years, na decipher na namin ang libro.
biglang pumasok sa utak ko ang isang wild guess...

"The Seht Imitator is not a machine." nangungunang sabi ni Kara.

"It's a living thing." dugtong ni Ria.

"Walang cell wall kaya sigurado akong animal cell yan!" nananabik na sabi ni Art.

"Oh my-" hindi na natapos ni Ria ang exclamation remark niya dahil dali-dali naming
inilipat sa susunod na pages ang libro.

"Tendons.. glands.. bone marrows.." naririnig kong bulong ni Kara habang


pinagpatuloy ang pag scan ng pages.

"brain." huminto siya sa pahina na may drawing ng brain katabi ang isang kahon na
may nakasulat sa loob.

"the living thing can communicate... calculate.. remember.. imagine.. speak.."


inilibot niya ang tingin niya sa'ming tatlo pagkahinto niya sa pagbabasa.

"We're not looking for something. We're looking for someone."

Tao. Tao ang imitator.

Reunited

"sex!"

Tuluyan na nga akong nasamid sa iniinom kong juice dahil sa biglaang hiyaw ni Art.

Halata ring nagulat ang lahat at napatigil sa pag kain.


"Oh my gods Art! You can't just blurt that out." sigaw ni Ria.

"Naalala ko kasi na nagtanong si Kara kung paano nagawa ni Theosese yung


microscopic components. Hihi." sagot niya. Walang halong dirty tone. 100% innocent
at sincere ang sagot niya. Na nakaka frustrate dahil sinigaw pa talaga niya ang
salita na yan.

"We're eating, Art" mahinang sabi ni Kara na kumukuha ng tuna.

"bakit? masama bang sumagot?" nagtatakang tanong niya.

Pinatuloy ko nalang ang pag kain at napa iling.

"No. But you don't shout while eating." sagot ni Kara saka isinubo ang tuna.

Tumahimik lang siya saglit kasabay singkit ng mga mata na tila may lalim ang
iniisip.

"sssseeeeeexxxx" this time, binulong na niya ito.

Agad kong nabitawan ang kutsara't tinidor ko. Katabi ko lang kasi siya kaya dinig
na dinig ko ang sinabi niya.

Napansin ko rin si Chase na nagpipigil ng ngiti. At si Cal na sinasamaan siya ng


tingin.

"The council was pissed. We gave up the book late." pag-iiba ng topic ni Dio.

Napa sigh ako saka pinulot ang kutsara't tinidor. This time, hinigpitan ko na ang
paghawak. Baka kasi bigla nalang mag 'Art' si Art. Unpredictable talaga ang andar
ng utak niya.

"And uhh.. what's with Kaye, Trev?" tanong ni Dio. Pero nakatuon pa rin ang
atensyon niya sa pagkain.

"I just find her significant. Knowing her ability to foresee the future." sagot
niya.

"Does that excempt her from our secrets like how the Seht imitator is a human
being?" tanong ulit ni Dio.

Hindi lang siya sumagot at pinagpatuloy ang pag kain. Napansin ko ang pagtaas ng
kilay ni Dio sabay kibit ng balikat.

"Ngayong alam na nating tao ang Seht imitator. Does this mean na tao rin ang
Elite?"-Chase

"Possibly"-Kara

"at nasa loob siya ng campus sa panahong 'to."-Ria

Noong una, walang wala kami. Wala kaming mga ideya tungkol sa nangyayari. Walang
kahit ni isang clue man lang.
Pero nakakapanatag ng loob ang naririnig ko ngayong mga tanungan at sagutan nila.
Dahil finally, unti-unti nang nagkakaroon ng sense ang unexpected events.

Saka, ang galing lang dahil nakuha namin ang impormasyon a week before the war.

"Nga pala, whole day ang preparation ng celebration tomorrow kaya walang klase."
paalala ni Chase.

"And tomorrow's our meeting with the school leaders and the rest of the people
concerned." dagdag ni Trev.

Napaisip ako kung ano ang maging itsura ng meeting namin bukas. Kung maging awkward
ba ito... or maging sad? Malungkot kasi aware ang lahat na pwedeng last na ang
pagkikita namin bukas. Na maaaring last na ang gagawin namin sa araw na yun.

Ang dali naman ng panahon. Ang harsh pa nito. Lalong-lalo na sa'kin. Parang kahapon
lang, na expell ako sa dati kong school.

Pero looking at me right now, alam kong nag-iba talaga ako. Akala ko talaga
nababaliw na'ko sa sunod na sunod na weirdies na nae-experience ko. Buhay nga naman
oh.

Pero atleast, nakilala ko sila. Napasok ko ang isang kakaibang mundo na lingid sa
pagkakaalam ko noong una.

Maybe nagdasal nga ako na hindi totoo ang nangyayari sa'kin. Na panaginip ko lang
ang lahat ng 'to.

At kung totoo ngang natutulog lang ako,

di ko na gustong magising.
Ibang-iba ang buhay ko noong wala pa akong alam sa mundong 'to. Malayong malayo
talaga ang gap ni Abigail kay Cesia.

Nakarinig kami ng katok sa pinto at sabay na nagkatinginan.

"It's yours Cesia" kumunot ang noo ko sa sinabi ni Trev.

Nagtaka ako bago tumayo sa kinauupuan at tumungo para buksan ang pinto.

"Abigail..."

namamalik-mata na ba ako?

totoo ba'to?

nandito ba talaga siya sa harap ko?

alam niya ang tungkol sa'kin?

may alam siya sa academy?

"Auntie?" kinusot-kusot ko ang mga mata ko. At hindi pa rin siya nawala sa harap
ko. Which means... totoo nga siya..

nandito...

nakatayo...

"AUNTIIEEE!!" napahiyaw ako ng todo-todo at niyakap siya ng mahigpit na mahigpit.

Nilabas ko lahat ng 'i miss you' ko sa napakahigpit na yakap ko sa kanya. May pa


talon-talon pa ako dahil sa sobrang kaligayahan na nararamdaman ko.

Naririnig ko parin ang mga tawa niya pagkatapos ko siyang bitawan mula sa
pagkakayakap.

Shoot. Ang mukhang 'to.. namiss ko 'to! Akala ko di na kami magkikita!

Pero wait...

ba't nga ba siya nandito?

"Nandito ako dahil pinatawag ako ng Academy. Tutulong ako Abby." nabasa niya kaagad
ang ekspresyon ko.

"P-pero.. akala ko.."

"na wala akong alam tungkol sa school na'to? Tungkol sa totoong identity mo? Abby.
Kapatid ko ang ama mo. Ibig sabihin, ikaw ang responsibilidad ko. Ako ang pillar mo
noong wala ka pa na claim. Gusto ko sanang manghingi ng patawad kaya dumiretso ako
dito.." nakayuko niyang sabi.

Napangiti ako sa sinabi niya. Akala niya siguro galit ako. Na mahirap itake-in tong
sinasabi niya. Pero wala akong nararamdamang galit ngayon.

Ang saya-saya ko nga.. napakasaya.

Kulang nalang iiyak ako dito sa harap niya.

At di ko na ngang napigilan ang pagtulo ng mga luha ko.

"Abby.. sana mapatawad mo'ko. Tinago ko lang naman sa'yo ang totoo kasi nais kitang
protektahan." giit niya.

"Auntie naman eh!" tinampal ko ng mahina ang balikat niya.

"Wag ka ng umiyak Abby.." nakikita ko ang lungkot sa mga mata niya.

Pagkatapos ng ilang buwan ng pag-aasam sa presensya niya, syempre naman, hindi ko


gagayahin yang nasa movies na reaction na yan. Magiging masaya ako sa pagkikita
namin.

Wala ng halaga ang pagtago niya sa totoo kong identity o kung ano pa yung mga
storyang ginawa niya, ang gusto ko lang... makita ulit siya.

Mayakap siya bago ako sasabak sa laban.

Magpaalam kung darating man ang oras na mama 'deads' ako.

"Auntie.. namiss kita.." nakangisi kong sabi. Para na tuloy akong baliw dito.
Umiiyak nang nakangiti.

Sandali siyang nagulat sa sinabi ko. Pero mayamaya, gumaan na rin ang ekspresyon
niya.

"Akala ko talaga hindi na tayo magkikita... akala ko yun na yung huling araw na
makita kita.. akala ko.." and before I know it, niyakap niya ulit ako kaya
napahagulgol nalang ako ng iyak.

Para lang akong bata na nahiwalay sa ina niya sa mall.

"Shh... alam ko.. kaya nga nauna ako dito para makita ka.." aniya at bumitaw sa
yakap. Pinunasan niya ang mga luha na umaagos sa namumulang ilong at pisngi ko.

"Wag ka ngang umiyak. Marami pa tayong catch-ups na gagawin. Pupunta na muna ako ng
office. Babalikan kita..." hinalikan niya ako sa pisngi.

Tinanguan ko siya saka siya nagsimulang maglakad papalayo.

Nakita ko kung paano maglaho ang anyo niya kaya naalala ko ang araw na nakasakay
ako sa sasakyan papuntang Academy.

Aaminin ko, may part sa'kin na nanlulumo sa kanya. Pero hindi eh. Mas dumaig ang
saya ko ngayo't nayakap ko ulit siya.

Pinunasan ko ulit ang pisngi ko at napatawa ng marahan.

Aish Abby... ang OA mo na naman...


Take Control
Ria's POV

I...

I can't breathe.

"Ria!" and with a moment, nagising ako sa isang napakalakas na sampal.

I was gasping. Kusang naghahanap ng hangin ang sistema ko. Inhale through the mouth
and exhale through the mouth.

Tinabig ko si Chase.

"Anong ginagawa mo dito?" tanong ko hawak hawak ang dibdib kong tumatakbo.

"You left your door open again. Saka, late ka na sa meeting. Ako rin. Pero nakita
kong bukas yung pinto mo." sagot niya.

"May alam ka ba tungkol sa privacy?" naiinis kong tanong. This is a girl's room.
Dapat di siya pumapasok dito.

Lalong-lalo na't may natutulog pang sleeping beauty dito!

"Pasalamat ka nga ginising kita." tumayo siya. "you should worry about yourself.
Your eyes." aniya at lumabas na rin sa kwarto ko.

Napalunok ako sa sinabi niya at dali-daling pumunta sa CR para manalamin.

"fuck." puna ko pagkatapos makita ang pag-iba ng kulay ng mga mata ko.

Sa sobrang inis, nasuntok ko ang salamin at pagkatapos maramdaman ang sakit ng


pagkasugsog ng glass sa kamao ko, bumalik na rin sa dating kulay ang mga mata ko.

Tinignan ko ang kamay kong dumudugo at kumalma.


You can control yourself Ria.

•••

"We have noticed that the Gods are in a hurry. Maybe the students have noticed that
too. And I think we all know why..." sabi ni sir Glen na nasa harap ng event hall
katabi ang principal.

Limited lang ang mga tao na nandito dahil kami lang ang may alam sa mangyayari
bukas ng gabi. May mga estudyante rin na nagvolunteer.

Gusto daw nilang tumulong para protektahan ang Academy. Meron ding mga unfamiliar
faces dito.

"And so... we have gathered to talk about the happening that will take place
tomorrow night inside the Academy." dagdag niya.

"Someone has proclaimed war. For the first time, the Academy is participating in
such battle. But just because we're first-timers doesn't mean we're weak. Some of
us, in fact, are very good with danger." tumigil ang mga mata niya sa'ming mga
Alphas.

Tinignan ko ang mga kasama kong nakikinig rin ni Sir Glen. Pati na si Cesia, na
katabi ang auntie niya.

Nakita ko talaga kung paano niya niyakap ng mahigpit ang auntie niya kagabi.
Umiiyak pa nga siya sa saya. Nakita ko kung paano nila kamahal ang isa't-isa.

Too bad, hanggang nood lang kami sa table. Lahat kasi ng pillars namin noong wala
pa kami na claim, ay patay na.

All for one reason: to protect us.

Kaya no doubt, talagang pupunta ang auntie niya dito pagkaalam niya sa magaganap
bukas ng gabi.

To protect her.

Imagine our sympathetic faces last night. Lahat ng pillars namin namatay. They
risked their lives for us.

And looking at Cesia with her auntie... nakaramdam ako ng lungkot sa loob.
"what happened?" nakatingin si Kara sa kamay kong nakabandage.

"nothing" nilagay ko ang kamay ko sa baba ng armrest para walang makakakita nito.

"Don't let it manipulate you Ria." gunita niya.

Napabuntong-hininga ako.

"Bago pa ako dito Kara. Don't blame me." sagot ko.

"but you have to control it. You can't just go insane in battle. You'll kill
everyone on your way." I hesitated for a moment. Pero napagtanto kong tama nga
siya.

kill...

nakaramdam ako ng kaba pagkatapos marinig ang salitang yan.

Naalala ko kasi ang first time na nag-iba ang kulay ng mga mata ko.

Nasa mission kami noon.

At natapos namin ang misyon within 3 minutes because of me.

Sa loob ng tatlong minuto, naging isang buhawi ako ng violence.. bloodshed..


Pinatay ko lahat ng kaaway... at muntikan na ring mapatay si Art...

Since then, pinangako ko sa sarili ko na wag ulit ibahin ang kulay ng mga mata ko
hangga't sa matuto na nga akong controlin to.

Pero sa panahong 'to kung saan araw-araw ay adrenaline rush dahil sa darating na
war, hindi ko maiiwasan ang Ares na nasa dugo ko.

Hindi ko maiiwasan ang mag 'wild'.


"Tomorrow morning will be the start of the plan. In this area will be the..." at
nagsimula na ngang tinuro ng principal ang plano para sa buong school.

Ang malakas na dabog ng dibdib ko lang ang naririnig ko. Sinusubukan kong sauluhin
ang sinasabi niya amidst the uncomfortable silence.

Uncomfortable dahil nahahalata ko ang panginginig ng boses ng principal.

Napatingin ako sa isang lalaki na naka crossed arms, nakaupo sa unahan nila Trev.

"kasama siya sa pinatawag?" tanong ko kay Kara na napalingon rin sa direksyon ng


lalaki.

Tumango naman siya. "I told you.. Theosese has a significant bond with the school.
Naturally, his son would be here." sagot niya.

Naalala ko ang last time na nakita ko siya. Sa bahay niya kung saan pinagalitan
niya kami bago pumunta sa Garden of Hesperides.

•••

"Students will have no class a week after the celebration and are asked to proceed
to their homes the day after the night immediately."

Naririnig ko ang mga 'yes' ng mga estudyante pagkatapos marinig ang announcement sa
speakers.

Nasa corridors kami ngayon papuntang dorm para maghanda sa celebration.

Kakabili lang rin namin ng lanterns.

So far, ang gabi na'to ang pinakagusto kong celebrasyon ng school. Marami naman
kaming events and stuff pero pinakasgusto ko talaga 'to.

Dahil may party. And after the ball, magiging napaka solemn na ng the rest of the
night. And besides the fact na visible ang Aurora.

Isang natural phenomenon ito sa mga mortals. Pero para sa'min, sinisimbolo nito ang
presensya ng tatlong goddesses sa buong gabi.
Light from the moon is set free and scattered. Para ipakita ang satisfaction ng
goddesses sa celebrasyon.

Sadyang napangiti ako pagkapasok namin sa dorm.

"Alright ladies and gentlemen! Today's the night to look as fabulous as hell!"
anunsyo ko na may kasamang malapad na ngisi sa mukha.

"Hell yea" boses lang ni Chase ang natira sa kinatatayuan niya at isang gush of air
bago siya nawala.

"Now... let's sashay shall we?" nakataas ang isang kilay ko.

"Mooncaakkkeessss!!" tumakbo rin si Art papuntang kwarto niya.

Mayamaya, nag disperse na rin ang mga kasamahan ko at pumasok na sa kani-kanilang


kwarto.

Napameywang nalang ako at napatawa ng mahina.

Bahala na. Ang importante, maganda ako sa gabing 'to. Sisiguraduhin kong i-eenjoy
namin 'to.

Nagsimula na akong maglakad papuntang kwarto...

balewala ang nangyari kaninang umaga.

Different
Cesia's POV

"Angandaaa wiiihh!!" ang matinis na boses ni Art ang sumalubong sa'kin paglabas ko
ng kwarto.

Isang malaking milagro ang pagsusuot ko ng high heels at hindi natapilok ni isang
beses since pagkasuot ko nito.

Parang ang dali ko ngang mag adjust sa suot ko.

Di ko tuloy maiwasang matanong ang sarili ko kung dahil ba'to anak ako ng Goddess
of Beauty kaya easy lang sa'kin ang heels.
"You look like a goddess Cesia" puna ni Ria. Ang hot niyang tignan sa blood red
dress niya. She slays.

Tinignan ko rin si Kara na katabi niya, suot ang isang saphire green at off
shoulders. Ang elegant niyang tignan.

Si Art, parang prinsesa lang. Off shoulders rin at may pagka ombre. Pero lahat ng
colors ng rainbow.

Inayos ko ang hair accessory ko. Unlike them, hindi nakatali ang buhok ko.

Pinabayaan ko lang ang soft curls na naka drape sa mga balikat ko. Isang tanging
gold chain lang ang nakapatong sa ulo ko.

Alam nyo yung accessories ng mga exotic royalties sa ulo? Yung may pa goddess-
goddess effect? Yun nga.

Si Ria ang pumili eh. Bagay raw sa'kin kaya no choice.

Narinig ko ang pagbukas ng pinto kaya napalingon ako at nakita ang isang lalaking
nakasuot ng gray silky suit.

Nagkatinginan lang kami saglit bago niya itinaas ang kamay niya dahilan na
mapalingon ako sa mga kasama kong nagsilabasan na pala.

"you're with me." bulong niya saka kinuha ang kamay ko at pinatong ito sa braso
niya.

Hindi ko alam kung ano ang dapat kong reaction kaya wala akong imik habang
naglalakad kasama siya papuntang event hall.

Nakatingin lang ako kina Ria at Chase na alam kong nagbabangayan sa harap. Hindi ko
man naririnig ang mga boses nila, nakikita ko naman ang galaw ng mga bibig nila.

At halatang nag-aaway nga sila.

Tumitingin-tingin lang ako sa paligid. Nag-iba ata ang atmosphere ng gabing ito.
Parang ang silent lang...

"There are no stars tonight" narinig kong sabi niya. "Why are you wearing that
dress?"

Napayuko ako at napatingin sa ibabang bahagi ng dress ko. May mga stars ito na
kumikinang...

"Nagagandahan lang talaga ako sa dress na'to. Saka, parang bagay sa event." sagot
ko.

"I guess you represent the stars.." puna niya dahilan na mapangiti ako.

Akala ko wala kaming matino na pag-uusap. Yung normal lang na pag-uusap. Kadalasan
kasi, inis ang nararamdaman ko pagka nagsasalita siya.

"Trev..."

hindi siya sumagot. Pero alam kong nakikinig siya. Ganyan naman talaga ang lalaking
yan.

Parang emo lang. Chill kuno.

"sa tingin mo... mananalo tayo?" kusang lumabas ang tanong sa bibig ko. Di ko na
kayang bawiin ang tanong. Ang careless ko kasi. Kung anong lumalabas sa bunganga
ko.

Pero bakit..

bakit pakiramdam ko...

pwede kong ibahagi sa kanya ang mga tanong na takot akong itanong? ang mga salita
na takot akong sabihin?

"you're curious aren't you?"

"hindi ba halata?"

narinig ko ang mahina niyang tawa. Pero agad nanumbalik ang pagiging seryoso niya.
"It depends on the Fates." maikli niyang sagot.

Siguro dahil hindi bias ang mga sagot niya...

"So naniniwala ka sa destiny?" usisa ko.

"Just because we're having a normal conversation doesn't mean you can get
comfortable with me, lady." natahimik ako sa sinabi niya.

"sorry.." hindi ko talaga nagegets ang lalaking 'to.

Manang-mana sa tatay. Seryoso. Matalino. Tahimik. Malakas. At nakakatakot...


Nakakatakot ang mga kakayahan niya.

Katulad nalang ni Zeus.

Pero dapat nga ba siyang katakutan? katulad ng ama niya? Iba naman siya eh. May
sariling pag-iisip din siya. Kaya na niyang pumili ng mga desisyon.. at alam na
niya ang ginagawa niya. Kailangan ba talaga siyang icompare sa ama niya?

"no..." nagulat ako pagkarinig sa boses niya.

"I don't."

iniangat ko ang ulo ko para matignan siya.

Saka humarap ulit bakas ang isang ngiti ng tagumpay.

May naalala ako kaya hindi na ako nagpalipas ng oras para magsalita ulit.

"Thank you..."

"for what?"

"for thinking of protecting me."

"How did you know?" napansin ko ang pag stiffen ng tindig niya na tila naging
alerto sa sinabi ko.

"Nalaman ko lang. So tell me... why?" naging curious lang talaga ako sa sinabi ni
Dio noon.
"because you and Art are the ones left." hindi yan ang inexpect kong sagot kaya
kumunot ang noo ko.

Natandaan ko ang sinabi ni Dio na 'different'. Pareho lang ba sila ng meaning?

Pumasok na kami sa event hall, at katulad ng dati, sabay sabay nag bow ang ibang
mga estudyante sa pagdating namin.

"left? ibig mong sabihin... different? Bakit?" ayan na. Lumalamang na naman ang
Cesia na chismosa.

Eh wala naman talaga akong alam sa sinasabi nila. Syempre, magtatanong ako.

"You still have stuffs you don't know about us Cesia. You and Art are too delicate
to be in a war. You'll know about it tomorrow..." seryoso niyang sabi.

Nakita ko si Art na kumakaway at sinenyasan ako na tumabi sa kanya.

Kaming dalawa... delicate...

•••

"Dalian mo Cesiaaa!!" Hawak hawak ng kanang kamay ko ang skirt ng dress at sa


kaliwa, ang kamay ni Art na hinihila papuntang ewan.

"Te-teka saan ba tayo pupunta?" Hingal na hingal kong tanong. Hindi ba kami sasali
sa ball? Eh hindi pa naman kami nakasayaw ah..

"sa dooooorm!" tumitili siya.

"Oh my god guys! Magsisimula na!" mas bumilis ang mga takbo naming pito papuntang
dorm pagkatapos sumigaw si Ria.

Nahihirapan din ako sa pagtatakbo gamit ang heels na'to.

Nakita ko ang pinto ng dorm na nakabukas at si Chase na nakatayo.

Sabay kaming pumasok sa dorm pero ang ipinagtataka ko, ay kung bakit hinahatak pa
rin ako ni Art.
Hindi na ako nagtanong at nagpadala nalang hanggang sa tumigil kami sa labas ng
veranda.

Nakabalot ng mga unan at sheets ang sahig ng veranda. Sa gitna, ay may bowls na may
lamang chips at mga pagkain. May tray rin ng drinks sa mesa na nasa gilid. Nasa
tabi nito ang mga lanterns na binili namin.

Napangiti ako sa nakita ko. Ang cute kasi.

Nasa isang sulok din yung Powerpuff plushies ni Art.

"Take off your shoes guys" paalala ni Ria.

Sinunod namin ito at tinanggal ang bawat pair na suot namin.

Pagkatapos, sabay kaming umupo sa napaka comfortable na sahig. Para tuloy kaming
nag ca-camping sa veranda.

Inabot sa'kin ni Dio ang isang bowl ng popcorn kaya tinanggap ko ito nang
nakangisi. Sinimulan na rin ni Chase ang pagpasa ng drinks.

Huli akong nakatanggap ng canned soda at nilapag ito sa sahig.

Napalingon ako sa kanilang pito na nakahiga na pala kaya sumunod na rin ako.

Sa ngayon, nakatingin lang ako sa starless sky at nakapatong sa tiyan ko ang isang
bowl ng popcorn.

"Ano bang hinihintay natin Art?" tanong ko. Napansin ko kasi na ang tahimik lang ng
lahat. Na para bang may hinihintay.

"That" aniya sabay turo sa kalangitan kaya napatingin din ako sa itaas.

SC: Aurora & Lanterns


(A/N: This is a special chapter for this book. Pinagsikapan ko pong gawing
'sentimental' ang chapter na'to kaya guess what? Magkaka-POV na rin ang Anak ng
Goddess of Wisdom!)

Kara's POV
I watch their faces glow due to the light. I watch how it turns pinking and
greenish.

And I know, their faces will still be glowing even after the light stops.

"Ang gandaaaa!!" I heard Art's excited remark. Beside her is Cesia looking
hypnotized.

Her right hand is dipped halfway in the bowl and her mouth is slightly open. I
guess she stopped in the middle of eating.

A smile made its way on my face when I saw Ria and her satisfied look.

But all I can see are the bags forming below her eyes and so the smile quickly
faded.

She's been busy... and tired. I believe she barely had a good night sleep
considering her situation right now.

My eyes went to her bandaged hand. She hurt herself again. I can tell. I hope I
could help her. But no I can't. The only person who can help her is herself.

"How about you enjoy the rest of the night?" I turned to look at Dio. His head
resting on his arms.

"I can't." I said, adjusting my position of sitting and grabbing the canned soda.
All I could think of is the war. This night will just pass by.

"Why?" he asked.

I put on a contemplating face instead of answering him. Alam niya kung bakit. I
can't avoid worrying over tomorrow night. Just what if our plan wouldn't work? what
if the whole thing fails? and the school, together with us falls?

"Naalala ko ang mission natin dati. You, Art, Chase and Me. Remember? nawala ng
saglit si Art sa mall and you were worried like hell. You were worse than a mom."
and now he's starting to talk humor. Sinusubukan siguro niyang pagaanin ang
atmosphere.

"yun pala.. bumili lang ng pop rocks. hahaha" Chase continued making the both of
them laugh.
I gave them a warning look. Hoping na makuha nila ito.

"Imagine... nagawa mong patawagin ang lahat ng security. Pati helicopter pinabantay
mo sa labas at pina search within a 30 - mile radius." Chase said not minding my
steaming glare.

I sighed. defeated.

The memory automatically flashed in my mind. Unknowingly making me smile. It was


embarrassing alright. Muntik ko ng mabili ang buong mall at ang surrounding
compunds.

"How about the day you boys thought you were going bald?" I claimed.

"Hahahaha nailed it!" Ria exclaimed. "Umiyak talaga si Chase dahil dun! Hahahaha"

Art and I laughed at the same time. I remember all of it. We bought super glue and
replaced it with the boys' shampoos. They can't feel a strand of their hair. Their
head was as flat as a sheet of paper and it was so ridiculous.

I mean, Trev almost burned the whole dorm down so it was a good prank.

"Tsk. Akala niyo nakalimutan ko yung araw na nag disguise kayong girls bilang nazi
supporters." Chase defended.

"but it was a good act." I said. "Oo nga! inimbita nga kami ng mga terrorists eh!"
Art protested.

It was an international mission. And we were supposed to find an influential


businessman that was connected with the terrorist attacks in Germany.

"Yeah. In the end, napagkamalan kayong assassins." Chase grunts. Letting a smirk
creep on his face a while after.

We were banned from the country. Good thing, we didn't use our real identity. We
were thrown in prison and managed to escape a day before prosecuted. The three of
us received gunshot wounds. It was a narrow escape. But it was fun.

"Eh yung pumunta tayo sa Dubai? tapos nagbihis drag queens ang boys! Hahahaha! May
picture pa nga ako eh!" as if on cue, the four boys groaned.

"tapos ang awkward ng drag show nila sa club! Ahahahaha negative five stars for the
'Booty Boppers' ! Ahahahaha ew. Booty Boppers." Ria said amidst her hysterical
laughing.

'Booty Boppers' was the name for their drag group.

"Aym Liza, boys. with a zeee for your ahm-zipperr?" Art furrowed her eyebrows
mimicking Chase's Act.

And then the whole crew laughed out loud.

Except Trev and Cal of course.

But I know they're laughing silently.


Judging by the funny glares they're giving to Chase.

"SUPERSECRET UNDERGROUND RESTAURANT THINGY! Waaahh!!" Ria suddenly shouted.

"Hahahahahaha!!" Art crouches on her side to steady her stomach; control her
laughs.

"Ooyyy.." Cesia covers her face with a pillow. Hiding from shame.

I let out a laugh. The four boys just gave us clueless looks. Of course they would.
They were not there to see it.

After minutes of clapping like retarded seals, the eight of us entered a zone of
silence.

Watching the beautiful works of the goddesses. And reminiscing everything we have
been through.

All those memories... just to end in a war. Unfortunate.

Who am I to tell? I just know. The war will stick with our memories. We can't just
not forget about a historical event.

I lied down comfortably and found myself drifting in the silence. I closed my eyes
to let the atmosphere flow.

"Hey guys..." I heard Ria's voice. "sa tingin ninyo tama ang gagawin natin bukas?"

We formulated a different plan for tomorrow night. We know something the others
don't.

It's the Alpha Way.

"Depends.." Dio was the one who answered.

"Depends if we fail or succeed?" I can hear desperation in her voice. Her craving
for answers is really a habit of hers that I like.

"Depends if we fight or not.." I said slowly opening my eyes to see the lights
already fading.

"There are a lot of things we can do to succeed.. or fail. We really don't know
what would happen... but we do know that our plan is better." I added.

For now, the lights are gone and the show is finished. Which means that the
celebration has ended.

I stood up and picked each one of our lanterns and handed it to them.

They say, that after the Aurora, the goddesses grant wishes from chosen lanterns.

One by one, eight glowing lanterns stand before us.

"From Cesia to Kara..." Ria reminded.

We stood in a row and waited for the one before us to wish and release their
lantern.

Slowly, I noticed specks of lights floating midair.

Other students have already started wishing as the lanterns kept increasing.

"Kara..." I hear a whisper beside me.


When it was my turn, I gripped the wooden handle and felt the heat from the fire
inside.

I closed my eyes.

'Sana.. hindi ito ang huling gabi na magkasama kaming lahat...'

I hold my breath and exhaled, releasing all the tension... releasing the lantern.

I didn't wish about winning the war. I gave up my wish for the eight of us.

I watch how the lanterns glow, heading to the unknown. I watch how it turns breeze
by breeze.

And I know, the lanterns will still be glowing even after the light stops.

I watch a hundred lanterns leave our sight.

Yet, only eight lights remained visible.

Inveiglement
Cesia's POV

Napaurong ako ng konti habang hinihila ang napaka fit na jeans.

Ako lang ba or lumaki nga yung pwet ko?

Napayuko ako at tinignan ang dalawa ko pang mansanas para i check kung pareho nga
bang lumaki sila.

Nope. Walang nag-iba.

Hindi naman sa flat chested ako pero minsan kasi isa sa insecurities ko ang size.
Babae nga naman ako kaya syempre, cino-compare ko rin sa'kin yung sa iba.

Teka.

Mamayang gabi na yung digmaan at wala akong iniisip ngayon kundi size ng boobs ko.
Aish Cesia.

Pagkatapos magbihis, tinignan ko muna ang kwarto ko for the last time.

Naalala ko yung moment na nasa kwarto rin ako dati. Sa pinakadati ko pang kwarto.

Same thing. Same feeling.

Saka ako lumabas na walang dala kundi ang katawan ko at ang bracelet bilang
weapon...

at ang lakas na sana'y wag maglaho hanggang gabi. Kailangan ko pang mag ipon ng
tiyaga para mamaya.

Focus Cesia.

Ito na ang pagkakataon na ipakita mo ang natutunan mo sa training. Kaya ka


ipinanganak na ganito kasi worthy kang pumasok sa mga ganitong problema.

Yung risky.
Yung napaka dangerous.
Yung nakakadeads.

Nakita kong wala pang lumabas na isa sa mga kasamahan ko kaya lumabas muna ako sa
veranda.

Maaaring last na ang gagawin namin ngayon. Katulad nalang ng paglabas ko dito sa
veranda. Baka last footsteps ko na dito.

Kaya syempre, hindi ko sasayangin ang mga segundo na naglalakad ako... kumakain..
tumatakbo.

Okay. Ang OA ko na.

Overreaction na talaga 'to.

Hooo grabe!
Nagsimula na ngang pagpawisan ang mga kamay kong kanina pa pala nakayukom.

Pinahid ko ito sa gray shirt ko saka pumasok sa veranda. Napansin ko kasi na may
lumabas na.

Nakita ko silang lahat na nakatayo sa sala at nag-uusap kaya nakisali na rin ako.

Tumabi ako kay Ria na kasalukuyang pinupunasan ang espada niya.

Mukhang lahat ata inaasikaso ang mga weapons na ibinigay ng mga deities sa'min.

Naka uniform gold lahat ng weapons. Gold kasi metal of the gods.

Saka, special gold naman 'to.

Kaya ba binigyan kami ng deities ng weapons noong claiming ceremony dahil alam
nilang may mangyayaring gulo?

"All the students are gone by now." pagbibigay-alam ni Kara.

May pinindot siya sa shield niya kaya lumabas ang mga maliliit na triangular gold
plates mula sa edge.

Isang tingin palang, alam mong napakatalim na nito.

"Yo Dorm. Shut down. Activate to Vacation Mode." utos ni Chase.

"Vacation Mode? Really?" nakataas kilayng tanong ni Ria.

Agad agad, nakarinig ako ng ilang clicks.

Biglang dumilim ang buong dorm at pagbalik ng lights, nawala na ang veranda.
May nakaharang na na metal gate.
Pati mga bintana. Napalitan na ng metal frames.

Ang dim nalang ng lights. Yellow orange.

Parang nasa interrogation rooms sa movies.


Ang cool.

"Let's go."

•••

Hindi ko maiwasang matignan ang vibrating barriers ng school.

One second, invisible. One second, white glass.

Ngayon ko lang nalibot ng buo ang barrier. At masasabi kong ang laki pala nito.

Nakita ko kung paano tumama ang isang ibon sa labas ng barrier.

Seryoso talaga sila.


Walang makakapasok sa campus.

Napadaan kami sa isang grupo ng mga babae na ang weird ng suot.


May kasama pang face paint ang ruggish but chill outfit nila.

Parang mga amazona lang...

Teka.

Tumigil si Kara at pumunta sa direksyon nila.

Confirmed. Amazons nga sila.

Woah.

Real-life amazons. Women warriors. Fierce. A genuine race.

Pinipigilan ko ang sarili kong wag tumakbo at magpa autograph pero tinawag kami ni
Kara.
Nang nasa harap na ako sa kanila, hindi ko maiwasang titigan ang mga mata nila na
kulay gray.

May mga ganitong kulay pala ng mata?! plus points lang sa coolness!

"So this is Aphrodite's daughter?" napalunok ako sa sinabi ng isa. Para siyang
higante at ako isang langgam.

Walang-wala ako sa napakabangis na aura niya. Tememe ako.

"Cesia. Cesia, this is Kia. She's currently the leader of the tribe." pagpakilala
ni Kara.

Mag sha-shake hands ba kami? Or beso-beso? Or?

Pero napatigil ako sa pag iisip pagkatapos maramdaman ang isang matulis na bagay sa
leeg ko.

Inangat ko ang ulo ko para makita ang mga mata niyang nakakanakaw ng hininga.

At unti-unti kong naramdaman ang pagliwanag ng apoy sa loob loob ko.

'speak my daughter, speak.'

Pagkatapos marinig ang boses, agad nag slow motion ang mundo.

Nakita ko ang lumulutang na mga alikabok.

Ang daloy ng hangin.

Ang bawat angat ng bawat ginhawa.

At ang malamig na dulo ng blade.

Ito.

Ito yung hinahanap ko...


Halatang nagulat siya.

Sino bang hindi magugulat eh nakadapli na sa leeg niya ang blade.

PATI NGA AKO NAGULAT SA GINAWA KO.

Pagkatapos, pinutol ko na ang comnection sa pagitan ng utak ko at kamay niya saka


pa niya napalayo ang blade sa leeg niya.

A moment of silence.

"I once wished to be a demigod. But I forgot, they lay useless without their
abilities." mariin niyang sabi. Nasa akin pa rin ang mga mata niya.

Insulto ba yun? Yun ata dinig ko.

"Hey guys. Mamaya na nga yan. Kanina pa naghihintay sila Sir Glen." sumulpot si
Chase sa gitna.

Kinuha ni Ria ang kamay ko at hinila ako papunta sa building. Nasa hallway na kami
nang binitawan na niya ito.

"How did you do that?!" ang lakas lakas ng tanong niya. May tili pa kasing kasama.

"Ngayon ko nga lang alam na nagagawa ko yun.." sagot ko.

"I thought verbal commands lang ang kaya mo against humans." sabi niya bakas sa mga
mata ang excitement.

"ako rin..."

Akala kasi namin noon, na gumagana lang yung inveiglements ko sa mga tao pag
verbal. Tas nonverbal sa mga animals, etc.,

Inveiglement. Yun na ang term na ginagamit namin para i-describe ang forced
commands na ibinibigay ko. Nababaguhan pa rin ako sa salita na yan. Pero
sinusubukan ko namang maging used to.
"Ano yung sinabi ng Kia kanina Ria? Di ko na gets eh" tanong ni Art.

"Ugh. She's just jealous." saad niya saka hinawakan ang blade ng malaking espada
niya.

"It's really good though na nalaman na natin yang enhancement ng ability mo bago
tayo pumasok sa warfield." ani Ria na naglalakad sa harap ko.

Napatigil ako sa paglalakad.

Shoot. Umiikot na naman ang mundo.

"Hey... are you all right?" nag-aalalang tanong ni Ria.

Isang beses lang naman akong nagkakaganito. At alam kong sa clinic na naman ako
gigising.

Bago pa ako makasagot, nagdilim na ang lahat.

•••

Hindi ako nakaka... hinga.

Dugo...

Dilim...

Lindol...

Kaba...

Lamig...

Liwanag.

"Cesia?" narinig ko ang boses ni Art.

Iminulat ko ang mga mata ko at nakita sila Kara, Ria at Art na nakatayo sa paanan
ko.

"Yung digmaan.. yung-" nandito sila.

Buhay pa sila.
"3 hours ka palang dito. Kaya don't worry!.. Pero sa tingin namin dapat ka munang
magpahinga Cesia" ngumuso siya sa mesa na may nakalapag na baso at gamot.

"No!" nagulat ako nalang ako dahil sinigaw ko ang katagang 'no'.

"Babangon ako. Sasali pa rin ako." sabi ko sabay tayo mula sa pagkakahiga.

Kahit para akong dinaganan ng sampung bus, kinaya ko pa ring tumayo at magmukhang
'okay' sa harap nila.

"Are you sure?" tanong ni Ria.

"Oo." dahil ayaw kong magkatotoo ang panaginip ko.

Hindi pwede. Hinding-hindi.

The Insider
Ria's POV

"We have deployed 4 troops from the Amazons and 5 from Artemis' Hunters. Higpit ang
pagbabantay nila sa gate, field at sa ibang bahagi ng forest. We have also
scattered the volunteers across the campus. And you... hanggang ngayon hindi kayo
sang ayon sa pinapagawa namin sa inyo." tumigil siya sa harap at padabog na
pinatong ang mga kamay sa mesa.

"Ano ba talaga ang plano niyo? Are you keeping something from us?!"

Isang oras na kami dito sa office.

At wala kaming pinapakinggan kundi ang pagtaas-baba ng boses ni sir Rio since wala
pa sila Sir Glen.

And Wow. Nagawa pa talaga niya kaming pagalitan bago ang digmaan. Very impressive.
Dapat nga words of encouragement ang binibigay niya.

We're fucking saving the school at ngayon may oras pa siya para ipalabas ang hidden
talent ng bunganga niya.

"Why do you care anyways? Why don't you just do your job." kalma kong sabi.

Kalma nga ba? Nanginginit na kasi ang mukha ko. Alam kong namumula na ako dito.

Ilang salita nalang, at baka sasabog na nga ako ng tuluyan sa office na'to.
"This is my job Ria. And it's my job to secure you-" GODS!

Hinigpitan ko ang paghawak sa espada na nasa kanang kamay ko.


Pinipigilan ko lang ito na tumagos sa pagkalaki-laking bunganga niya.

"SECURE?! Okay. Let's cut this crap. We all know we're gonna die. And we don't need
your security shit dahil ALAM NA NAMIN KUNG ANO ANG DAPAT GA-GA-WIN." kaliwang
kamay ko naman ang nakapatong sa mesa.

Nag crack ang table glass sa ilalim ng kamay ko pero maliit lang naman ang impact
nito.

"You.. all know you're gonna die?" halatang nagulat siya. Inilibot niya ang tingin
niya sa'ming walo as if in disbelief.

Hinilamos niya ang kamay niya at napabuntong-hininga.

"You really are your parents." he crossed his arms as if may authority siya para
icompare kami sa deities namin.

"Yeah. But we're better." giit ko at umatras para magkatabi na kami ni Cesia.

"Strong-willed and stubborn. But tell you what, you continue that secret plan of
yours. And if that plan fails, bagsak kayo sa Training." sabi niya pagkaupo sa
swivel chair.

"And if the plan succeeds..." nagsimula na kaming maglakad palabas at ako ang nasa
huli.

"We get to have 2 weeks of vacation." giit ko.

Bago ko pa masarado ng buo ang pinto, naabot ng tenga ko ang dismayang bulong niya.

"the alpha way."

•••

"You have your weapons and... oh, these" inabot ng isang estudyante ang walong
maiitim na bagay.
"what are these?" curious na tanong ni Kara.

Syempre siya ang magtatanong nyan. Once makakakita yan ng something bago or
interesting, talagang aandar ang pagiging smartypants niya.

"you clip that on your ears. Pindutin niyo yung button and voila! Makakausap niyo
na ang isa't-isa. Kahit magkalayo-layo kayo." nahahalata ko ang excitement sa boses
niya habang nagpapaliwanag.

Parang... bluebooth? What do the mortals call them again? I forgot.

Matagal-tagal na kasi akong nakikiblend in sa updates ng mortals. Pumupunta lang


ako sa mortal realm pag kinakailangan.

"Ayos." isang whoosh ng hangin ang iniwan ni Chase.

Pinindot ko ang earphone at narinig ang boses niya.

"Yo guys. Hello? Hello? HELLOOOO?" napangiwi ako sa biglaang pagsigaw niya.

"Yeah Chase. Naririnig ka namin. Stop shouting." narinig ko ang mga tawa niya bago
bumalik sa likod ko.

"Pwede niyo ring pindutin ulit ang button para i turn off ito. And uhh.. lahat ng
may ganyan.. they can.. hear everything you say so.." napatango kami sa sinabi
niya.

"thank you!" nagtatalon-talon na pasasalamat ni Art. "Ang cool!"

Nagpaalam na ang estudyante at umalis. Pero si Kara, panay pa rin ang pagtitig sa
ear thing.

Natawa ako ng marahan. Ang cute niya kasing tignan. Para bang pinag iinteresan ang
isang alien object.

"We're going to manage the security. We'll be heading now" paalam ni Trev. Tumango
ako saka sinundan ng tingin ang boys papalayo.

Magkikita pa naman kami mamaya.


Pero kasi, iba ang pakiramdam ko pagka may lumalayo sa grupo.

"Malapit na ang takdang oras. Why are you still standing there?" napalingon ako
dahil sa pamilyar na boses.

At unang nakita ng mga mata ko ang isang pair ng nightshade eyes.

Titigan mo lang ang mga mata nila and before you know it, nasa loob ka na ng
blackhole.

"Heather!" binati ko siya.

Naglakad ako papunta sa bisig niyang nakabukas na para sa isang yakap.

"I missed you!" sabi ko pagkatapos bumitaw sa yakap.

"I know right? Matagal-tagal na rin ah.." napatigil siya sa pagsasalita after
mapatingin kay Cesia.

"Is this the beauty?" tanong niya.

"Obviously." natatawa kong sagot.

"Heather, Cesia. Cesia, Heather. Ang second in command ni Artemis sa kanyang


hunters." pagpakilala ko sa dalawa.

Tinaas ni Heather ang kamay niya para sana makipag shake hands ni Cesia kesyo
napaatras si Cesia kaya napangiti ako.

"Sorry. Na trauma ata. Amazons." tinanguan ko si Cesia. Ngumiti naman siya at


tinuloy ang pakipagkamayan kay Heather.

"Ugh. Amazons." puna niya pagkatapos hinead-to-toe si Kara. "I should go now.
And... say hi to Art for me." nag wave muna siya saka naglakad patungong field.

Muntik ko nang makalimutan si Art. Tinignan ko siya na nakatayo lang sa gilid.

Minamasdan kami.

I bet kanina pa siya nakatayo jan. Ini-examine ang bawat paghinga ni Heather.

"IIIIIIIHHHHHHHH!!" napatakip ako sa tenga... wala na namang nakaligtas sa tili ni


Art.

"Ang cool nila! Omg! Omg!" nagliliwanag ang mga mata niya.

Ang Hunters kasi ang mga indirect descendants ni Artemis, na kambal ng papa ni Art.
Since hindi naman nagkakaroon ng direct descendants si Artemis, pumipili lang siya
ng virgin women.

Yes. Virgins.

What can you expect from the Goddess of chastity and virginity anyways?

And of course, bawal ang boy-girl relationship amongst her Hunters. That's like the
most important rule they have.

They need to secure their womanity. Or that's what I like to call it.

"Alright alright. Pupunta pa tayo sa opening ng forest Art. Cesia and Kara alam nyo
na kung saan ang spot niyo dito sa area. Mag-aabot kami nila Dio on the other
side." sana naman hindi nila nahalata ang kaba sa boses ko.

Hindi ko kasi naririnig ang sarili ko. Malalakas lang na tibok ng puso ko.

"On the other side?" kumunot ang noo ni Kara.

"on the other side... of the forest." I smiled at her.

Nagpaalam na kami sa isa't-isa.

Nalaman kong gabi na pala habang tumatakbo kami papalayo ng academy.

The army will attack from the outside. Kami ang maghihintay sa kanila.

Pero useless naman dahil may nakapasok na sa loob ng campus.

An Insider.

A Traitor.
Tinuro ko ang itaas pagkatapos magtanong ni Art kung saan kami magtatago.

Sabay kaming umakyat sa dalawang magkatapat na kahoy.

Tumayo ako at nakita kung paano gumalaw ang mga kahoy sa may di kalayuan. They're
almost here.

Inayos ko ang paghawak sa isang sanga dahil sa bigat ng espada. Hindi ko na


nakayanan at napaupo na nga ako.

"Ria.." narinig ko ang tawag ni Art.

Narinig ko ang yabag ng mga paa.

Napatingin ako sa baba ni Art at nakita ang malalaking mga anino.

I gathered my senses.

Alam naming dito ang daanan ng mga kaaway.

Walang nakakaalam kundi kami lang. Paano?

Pinindot ko ang earpiece at napangisi.

"Hey Kaye! Your grand entrance failed! You bitch!" sigaw ko bago sinalubungan ng
espada ang paparating.

War I
Cesia's POV

"Hey Kaye! Your grand entrance failed! You bitch!"

Nagsimula nang magsitakbuhan ang ibang mga estudyante.

Bakas sa mga mukha nila ang pagtataka. Pati ako, di pa rin nakapaniwala na siya ang
insider sa campus.
Nalaman namin ni Art ang tungkol sa pagtatraydor ni Kaye pagkatapos naming manggulo
sa dorm nila.

Sinabihan lang kami ni Ria na siya..

siya ang Elite.

"Let's walk faster." utos ni Kara.

Mabilis kaming naglakad papuntang security room.

Naabutan ko ang ilang mga Hunters dala-dala ang kanilang mga sibat. KItang-kita ko
ang mga mata nilang kulay silver. Kumikinang dahil sa liwanag ng malaking buwan.

Yung leader nila. Si Heather nangunguna at nakakunot ang noo.

Sumunod sa kanya ang iba pang mga Hunters.

At sa laking gulat ko, kasali rin ang ilang mga batang babae.

Bata man, ang aangas pa rin nilang tignan.

Mayamaya, napatigil kami sa paglalakad at napahawak sa ledge.

Bigla kasing lumindol ng malakas.


Muntik na nga akong matumba kundi ako nahawakan ni Kara.

"Sure ka bang safe tayo rito?" nanginginig na ang mga tuhod ko.

"Yeah." sagot niya. Tinignan ko siya na maiging nakatingin sa may side ng forest
kaya napalingon rin ako.

Shoot.

Unti-unting naghiwalay ang lupa sa may dulo ng gubat. Hindi ko masyadong makita
kung anong nangyayari dahil gabi na pero napakalinaw ng paghiwalay ng lupa.
Sa edge ng forest...

"Sila Ria!" nag-aalalang sigaw ko.

Naalala ko ang sinabi ni RIa na pupunta sila doon!

Baka napahamak na sila!

"They're gonna be fine. Let's just keep walking."

Kahit kailan talaga nalilito pa rin ako kung bakit ang kalma ni Kara. Ni hindi man
lang siya natakot.

Kung tinatago man niya, ang galing niya ata. Eh kasi ako dito inaatake na eh siya
hindi parin!

Kinuyom ko ang mga kamao kong nanlalamig na habang naglalakad.

Syempre manlalamig 'to.

Wala na atang dugo na nakadaloy sa palad ko dahil sa higpit ng pagkayukom.

Sinundan ko lang siya ng tahimik.

Natataranta na ako. Speechless.

Napapikit na naman ako dahil sa pagyanig ng lupa.

"The barrier is opened." bati ni Trev pagkapasok namin sa security room.

Busy siya sa pagpipindot sa monitor. Si Chase, nakapameywang at nakatingin sa


window glass.

Iniwasan ko talagang tumingin sa sitwasyon sa labas kaya dali akong umikot


patalikod at hinarap sila Kara.

"Ang galing ng bru natin ah." narinig kong puna ni Chase.

"Done." sabi ni Trev saka tumayo.

Kasabay ng pagtayo niya ang pagpasok ng isang... nilalang na ewan ko kung ano.
Ang alam ko lang babae ito dahil sa lumulutang niyang buhok.

"Dinner is served!" pinakita niya ang kanyang pampaglagari na mga ngipin. At akala
ko sa horror movies ko lang makikita ang ganito.

Pinalipad ni Chase ang feather niya kaso bumukas yung dibdib ng babae kaya lumusot
lang ang feather sa katawan niya.

Gross.

Nakita ko kasi ang kalamnan sa loob ng dibdib niya at napag-alaman kong wala siyang
puso.

Pero natuluyan naman siya pagkatapos saniban ng kuryente galing sa inihagis na bolt
ni Trev.

"Daemons." inis na bulong niya at binaba ang kamay niyang pinapaikutan ng mga
kislap.

Daemons... nature spirits; similar to ghosts. May dalawang uri ng daemons. Ang
noble spirits at ang malevolent spirits.

Halata naman siguro kung anong klase ng daemons ang umatake kanina.

"kumakain na pala sila ng demigods?" tanong ni Chase.

Bigla akong kinabahan pagkatapos marinig ang sinabi niya. Isa sa kakalabanin namin
ang mga multong kumakain ng demi-gods.

At may iba pang mga unknown creatures ang naghihintay sa'min sa labas.

At dahil jan... ayaw ko ng lumabas.

"We have to go." napalunok ako sa sinabi ni Trev.

Aish. Kahit kailan talaga.

"Intruder Alert!" sigaw ni Chase. Inangat ko ang ulo ko at nakita ang ilan pang mga
daemons na papunta sa security room.
'Stop.' at katulad ng feather ni Chase, wala itong nagawa sa mga daemons.

Lumusot lang ito sa kanila. Mas dense pa ata sa hangin ang command ko.

Ang hirap naman pala nilang makontrol. Ang hirap maghanap ng koneksyon na pwedeng
mahawakan.

BIlang reflex action, weapon ko nalang ang ginamit ko at sinarado ang pinto.
Narinig ko ang kalabog nito pagkatapos kong isara.

Sa ngayon, pilit nilang binubuksan ang pinto.

"Hey guys. Wala na tayong choice." nilingon namin si Chase na halfway na palabas ng
bintana.

Nagtinginan kami. Tumango si Trev at sinenyasan kami ni Kara na mauna.

"Isang floor lang naman ang kailangan nating talunin." sabi niya bago ko marinig
ang pagbagsak niya sa baba.

Pinipigilan ko pa rin sa pagbukas ang pinto.

Nakita ko kung paano mawala si Kara sa labas ng bintana at narinig ang pagbagsak
niya katulad kay Chase.

"I'm holding the door." tumakbo si Trev papunta sa nag-iingay na pinto. Sinecure ko
muna na kaya nga niya bago pumunta sa nakabukas na bintana.

Nag-aalanganin akong lumingon kay Trev na sinasalo ang naglalakas-lakasang tulak ng


mga daemons sa kabilang side ng pinto.

"Cesia!" mas kinabahan ako pagkatapos narinig ang tawag ni Kara mula sa baba.

Huminga muna ako ng malalim bago lumabas ng bintana.

Sumandal muna ako sa pader sa gilid. 1 foot lang ang ledge na pinapatungan ko kaya
hindi ako makakagawa ng jump start.

Diretsuhang pagtalon 'to.

"C'mon Cesia! Wala ng oras!" sigaw ni Chase.

Isang bagsak lang Cesia. Isang floor lang yan.


Hindi ka mamamatay jan dahil hindi namamatay ang bida sa first part palang ng
digmaan.

Alam mo yan.

Breathe in...

breathe out.

Naramdaman ko ang pagkakayod ng tuhod ko sa lupa. Pinilit kong wag sumigaw sa


sakit.
Kagat-kagat ang labi, tumayo ako at pinaspas ang putik na dumikit sa jeans ko.

"Are you okay?" tanong ni Kara pagkatapos akong tulungang tumayo.

Tinanguan ko lang siya. Nakatikom pa rin ang bibig dahil sa gasgas na natamo ko
mula sa bagsak.

"Let's go." aya niya at nagmamadaling naglakad papasok ng kagubatan.

"Si Trev.. nasa loob pa siya.."

"He's fine." sagot niya.

Aish. Ano bang meron sa kanila at palagi lang silang 'fine' kahit naman hindi.

Ganoon nalang ba sila ka professional sa mga ganito? Ganoon nalang ba sila kasanay?

Hay. Sa bagay.

Nakiisa kami sa ilang mga amazons na patakbo papunta sa dulo ng forest.

Sinusubukan kong wag isipin ang mga galos na sumasakit kada hakbang ng mga paa ko.
Tumigil ang mga Amazons kaya napatigil rin kami.

Tatanungin ko sana si Kara kung bakit kami tumigil pero... no need.

Dahil isang napakamilyar na higante ang nakatayo sa harap namin.

Cyclops.

Mas malaki pala sila sa totoong buhay. At mas nakakatakot.

"Astonia! You know what to do." sigaw ni Kia saka tumakbo at sumakay sa paa ng
cyclops.

Ginamit niya ang belt para itali sa leeg ng higente at umakyat. Sa baba, nakita ko
ang ilan pang mga amazons na nagtutulungan sa pagtali ng isang mataas na pisi sa
dalawang kahoy na magkatapat.

"He's gonna fall" hinila ako ni Kara papalayo sa kinatatayuan namin.

Alinsunod sa sinabi ni Kara, napatumba nga nila ang higante. Nakita ko ang
nakalatay na kawatan ng cyclops. Dumudugo ang mata.

Nakapatong sa batok si Kia na kinakalas ang belt niyang nakapulupot sa leeg ng


cyclops.

Saktong tumalon si Kia pababa nang nagliwanag ang buong katawan ng higante at
naging abo na agarang hinithit ng lupa.

Nagkatingininan kaming dalawa.

Lumabas mula sa lupa ang abo at nag anyong cyclops ulit.

Kinuha nito ang isang Amazon. Tinapon niya ang Amazon pero bago pa siya tumama,
nagawa kong i kontrol ang impact niya sa isang kahoy kaya mabilis siyang naka
recover pagkahulog niya sa lupa.

Lumamig ang pawis ko pagkatingin sa higante na kakamatay lang kanina.

"Kara... anong nangyayari?"


"RUN."

War II
Ria's POV

"Where the hell are they?!" I blurted out.

Umiwas ako sa isang kamay ng cyclops at tumalon sa isang sanga para mahagip ang mga
mata nila. Umatras muna ako at tumalon sa kanang bahagi ng cyclops at tinusok ang
espada sa naglalakihang braso niya.

Sa ngayon, nakakapit lang ako sa espada since napakahyper ng isang 'to.

Nang naramdaman ko ang pagbagal ng pagtaboy niya sa'kin, hindi na ako nag aksaya ng
oras at kumapit sa balat ng baka na suot nila at hinatak ang blade.

Not a good choice of clothing, is it?

Isang tabyog lang ang kailangan ko para makaakyat at diretsong matamaan ang mata
niya.

Bago siya bumulagta, umikot ako sa leeg niya para pugutan ng ulo.

One body standing, Two bodies falling.

Naghiwalay ang ulo't katawan niya pagbagsak nito sa lupa.

"Hey guys! papunta na rito sila Kara at Cesia. OH? Nasan sila Dio?" tumabi si Chase
sa katawan ng cyclops.

Sa ulo specifically.

Umalis ako sa scene dahil nagsimula ng bumaha ng dugo.

"Kanina pa nga namin sila hinihintay dito." sabi ko at pinalipad ang espada sa
likuran ko.

Naramdaman ko kasi ang biglaang paglamig sa likod kaya hindi na ako nagdalawang-
isip na may daemons nga.

Nawala si Chase sa kinatatayuan niya at bumalik dala ang espada.


With a hint of satisfaction in his face. "Nice hit." puna niya saka iniabot ito
sa'kin.

"Siguro natagalan pa sila sa paghati ng lupa. You know." he tilts his head.

Tumango ako. Pinahid ko ang duguang blade sa bark ng kahoy.

"Where's Art?" saktong bumagsak mula sa langit si Art as if sinagot ang tanong
niya.

Bitbit ang nagliliwanag niyang golden bow.

"Waaaahh!! Nakita nyo yun? Ang galing ko no?! Ihhhh!!!" napa iling nalang ako sa
tili niya.

Pati dito. umaandar yung pagiging Art niya.

Well, hindi pa naman siya namatay dahil sa pagiging isip bata niya so let her be.

"May nakapasok na sa loob ng campus." hinawakan ni Chase ang earpiece niya kaya
pinindot na rin namin yung sa'min.

"The plan has changed. I repeat the PLAN HAS CHANGED." narinig ko ang pamilyar na
boses ni Sir Rio.

Napangiti ako dahil naririnig ko kasi ang tunog ng mga bagsak at sigaw sa
background.

"So... what's the new plan?" nakangisi kong tanong.

As of now, nai-imagine ko ang pagbuntong-hininga niya.

Ilang seconds ang lumipas at narinig ko ulit ang boses niya.

"Defend the school and everyone in it." his voice shaking.

This time, nawala na ang ngiti ko. He sounded desperate.


Too desperate to be true.

Kailangan naming bumalik sa campus para tulungan sila.

"This is getting out of hand." sabi ko at nagsimulang maglakad papunta sa Academy.

Napatigil kami sa paglalakad nang sumulpot sila Cesia at Kara.

Humihingal and looking pale as ever.

"Anong nangyari?" tanong ni Art.

"The creatures..." huminto si Kara sa pagsasalita para maghanap ng hangin.


"they..." pinutol ko na ang sinabi niya.

Naawa na kasi ako. Pilit pa namin siyang pinapasagot eh alam na naman namin kung
ano ang sasabihin niya.

"The creatures can't be killed? Yeah. Alam na namin yan minutes ago. Dapat mo pa
silang putulan ng ulo, burn their body and etcetera." saad ko at tinignan si Art.

"Si Kaye... ang lakas lakas ng Elite to the point na kaya niyang i-regenerate ang
mga katawan ng mga kalaban mid-death. Kaya nagliliwanag sila. Parang nakakonekta
ang lifeline ng mga creatures sa kanya. Sa energy niya. ANG LAKAS NIYA! Huhuhuhu!"
nakapout si Art.

Tumango ako.

Si Art na isang demi-god at anak ng mismong God of Light. Kailangan pa nga niyang
gumawa ng contact to something/someone to heal.

Pero ang Elite, na isang machine lang, kaya nitong buhayin at i-restore ang energy
ng kung ano without even touching them.

Maybe that's why isa sa pinakamalaking sin against the Gods ang imitators.

Nakita ko ang nanlalaking mga mata ni Cesia.

And with an instant, I found myself inside a grip of a large hand.


Nabitawan ko ang espada ko. Hindi ko rin kayang mag summon ng bagong weapon dahil
nakaipit ang dalawang kamay ko.

Hindi ako nakakagalaw.

"Seriously, ilang cyclops ba ang nandito?!" hiyaw ko.

Shit. Ria.

I should think instead of arguing with life.

Bago pa niya ako mabato, sinummon ko ang espada kong bigay sa'kin ni Dad on my last
year's birthday.

The one na nag-aapoy. My favorite.

Sino bang may akala na ang useful naman pala nito sa gabing 'to.

Agad akong nabitawan ng cyclops.

Instead na bumagsak sa lupa kung saan hinihintay ako ng maraming bato, nasa bisig
ako bumagsak.

Napa-hiss ako at dali-daling tumayo para tignan ang burns sa right side ng right
leg ko.

Yes.

Nagagawa rin akong masaktan sa sarili kong weapons. Sa handle lang kasi ako immune
sa apoy. At dahil nakaipit ang kamay ko waistdown, pati leg ko napaso sa blade.

"First degree burns. Okay ka lang Ria?" napahinga ako ng maluwag pagkatapos marinig
ang sinabi ni Art.

First-degree. Okay. My demigod system can handle this wound.


I nodded.

Napalingon ako ni Kara na binato ang shield niyang nakalabas ang spikes.

The shield painfully cutting the neck easily.

In which case, nakakatakot tignan.

Then, bumagsak ang higante with his head rolling away from his body.

Panandaliang bumalik ang shield sa braso ni Kara.

Mental note: Don't fucking mess with that shield of hers.

We encountered some other creatures on our way to the Academy. We're halfway there
nang napatigil na naman kami.

Narinig kasi namin ang papalakas na mga yabag ng maraming mga paa.

Too loud for footsteps. Too fast for cyclops.

What are they?

Tumigil sa harap namin ang isang dosena ng mga kabayo.

Hindi.

Iniangat ko ang ulo ko.

Centaurs.

Half-men, Half-horses.

May bitbit pa silang mga pana.


Ang lalaki ng mga katawan nila kaya proportional ito sa mala-kabayo nilang
posteriors.

Finally!

Nakakita na rin ako ng centaurs. Hindi lang isa. Marami pa.

Should I flip out?

nah.

"Paumanhin at natagalan kami mga demigods." nagbow ang isa.

Oh my gods. Nagsasalita sila.

Tsk. Of course they would. Kalahating tao sila.

"Yes buti nalang nandito na kayo mga kuya! Kailangan talaga namin ng masasakyan
papuntang Academy eh." Art said relieved bago sumakay sa likuran ng isang centaur.

Napatingin lang kami. Seryoso ba siya?

"Art. Hindi uso ang pagiging FC sa digmaan!" sigaw ni Chase.

"Nandito naman talaga kami para kunin kayo." sabi ng isa. "sapagkat kinakailangan
kayo ngayon."

Tinanguan kami ni Kara. Siguro nga hindi sila mga kalaban.

Una akong sumakay saka sumunod silang dalawa ni Cesia.

"Chase?" tinawag ko si Chase na nakatayo lang.

"Uhh- no need." sabi niya bago mawala sa harap ko.

"Aye!" humiyaw ang isang centaur bago sila nagsitakbuhan sa direksyon ng nag-iisang
palasyo sa gitna ng kagubatan.

Inikot ko ang tingin sa forest na ngayo'y hindi na maipagkakaila.

Habang nakasakay, napansin ko ang mga kahoy na natumba, nag-aapoy.

At sa may di kalayuan, nakita ko ang kalat na mga volunteers na estudyante. May iba
na ginagamit ang abilities nila.

Nakita ko kung paano ginawang ice ng dalawang estudyante ang isang cyclops saka
binasag ng isa gamit ang malaking axe niya.

Sa kabilang section naman, nahagip ng mga mata ko ang ilang mga tribes. Kung paano
kumikislap ang silvery eyes ng Hunters.

Pag gabi kasi, nagiging buwan ang mga mata nila. Ang mga Amazons naman. Hindi ko na
masyadong maaninag ang grey eyes nila. Parang kinain na ng gabi.

I feel the air heavy on my shoulders.

Gosh. Paano ba namin 'to matatapos?

War III
Dio's POV

I felt my eyes change to my natural color.

"Done." I claimed clasping my hands together.

After minutes and minutes of creating earthquakes and separating land from land,
masasabi kong tapos na ako.

Lumuwag ang ginhawa ko.

What I did sounds impossible. And I'm so proud of myself.

Although, pakiramdam ko anytime, mawawalan ako ng hangin. Pawis na pawis na ako.

I'm overusing my power.

Why am I dividing the land?


Ito ang version ng 'barrier' namin.

Alam naming may mga armies pa na paparating galing sa iba't-ibang directions.

And so, napagdesisyunan naming maglagay ng gap para hindi madadagdagan ang kalaban.
Para wala ng makapasok.

I called on the rivers to bring their water and fill the gap.

So they did.

Unti-unting napuno ang space ng tubig.

Pagkatapos, umatras ako para mag make way kay Trev.

It's his turn.

Nakita ko ang mga kislap ng kuryente mula sa braso niya hanggang sa tuluyan na
ngang lumitaw ang isang thunderbolt sa mga kamay niya.

Saka niya binato ang tubig ng sampung bolts.

Enough para maging deadly ito sa kung sino mang nilalang ang magtatangkang
lumangoy.

I saw sparks on the water before facing Cal.

"Yo bros" and Chase na kararating lang.

"The girls?" tanong ko.

Nagsimula na kaming maglakad papuntang Academy.

"Hinatid sila ng centaurs. Akalain nyo yun mga 'tol? CENTAURS?" namamanghang sabi
ni Chase.

I can't blame him. Me too. Namangha rin ako sa anyo nila nang nag-abot kami.

They look like Spartans and Vikings at the same time. With those braided and long
beards. And those horse hinds.

Para silang badass dads. Yung mga tipong sumasakay sa monster trucks at malalaking
motorcycles.
"Sir Glen really called the best troops for the war. Napa-oo nga niya ang mga
Amazons." I said with disbelief.

I wonder what he did para makuhang allies ang Amazons. Especially ngayong napag-
alaman kong bago na pala ang leader nila.

Siguro kakilala ni Sir yung leader. Kia? I think.

And the Hunters too.

Hunting season pa nila ngayon pero nandito na sila sa Academy para tumulong. Ano pa
kayang troops ang tinawag ni Sir?

Suddenly, I felt a slight sting on my arm.

I eyed the thing.

A dart just passed by me.

I was almost hit.

We went on a halt at sabay-sabayng napatingin sa likod para makita ang isang


rampage of red angry people.

"They look familiar.." tinignan ko sila ng maigi na tumatakbo nakataas ang mga
spears and arrows patungo sa kinatatayuan namin.

"Sino bang hindi makakalimot sa mga yan?" Chase added.

Sabay kaming napakuha sa mga weapons namin at naghanda sa pagdating nila.

I remember those red bodies crammed with tattoos and piercings.

Every inch of their bodies screams with the word 'toxic'.

Dahil natatandaan ko ang lugar nila at ang napakagandang stay namin doon.
Traumatizing and Terrifying.

Terraria.

Just this time, we won't run away from them.

A spear made its way to me.

But I was quick para umiwas dito.

Floating in front of me is the enchanted gold waiting for someone to kill.

Sinara ko ang vial na container nito.

I then pulled the string on my neck para ibulsa ito including the vial.

Mahirap na. Baka maputol ang kwintas at mawala ang container ng weapon ko.

The glass is special too. Dahil pati normal glass, natutunaw when in contact with
my gold.

A meter away from me is a Terrarian with large peircings hanging from the tips of
his thin tongue.

Yeah. Nakanganga siya.

I manipulated the gold. To close his mouth.

Or made it worse?

Nawala kasi ang bahagi ng balat ng bibig niya.

I heard his cry turn from angry to agony.

Poor guy.

Bumagsak siya sa lupa pagkatapos kong ipasok ang gold sa loob ng katawan niya.

The funny thing is, kung ano ang nararamdaman ng gold, nararamdaman ko rin.
And I can say that they have the stickiest blood ever.

Concluding my impression, lumabas ang green goo mula sa open niyang katawan.

Their blood is green. Which makes them even freakier.

Dahil napakarami na nilang nakikipagsapalaran sa kakayahan ko, I also added my


effort.

I called the waters.

So now, dalawa na ang kinokontrol ko.

Left hand, gold. Right, water.

Kinuha ni Trev ang moments na basa ang Terrarians para hagisan ito ng bolt.

Busy with the controlling, nakaramdam ako ng isang suntok sa sikmura dahilan na
mapahinto ako.

Isang putol na kamay ang kumapit sa braso ko at pinaikot ito.

I shrieked for a moment feeling my arm twist.

Shit!

Kakagaling lang nyan kanina nang nahatak ito ng cyclops.

I got the arm out by covering it with the gold.

Burn.

So now, I'm stuck with one hand controlling the gold.

Great. Ngayong pinapalibutan na nila kami.


I tried to move my arm. My hand even. But no I can't.

Tinakpan ko ang bali kong braso ng tubig para mapadali ang pag regenerate nito.

I can't move it but I can feel the cool water surrounding it.

"Okay ka lang bro?" sabi ng hangin. Ni Chase. Di ko siya nakita pero kilala ko ang
boses niya.

"Yeah." I replied.

I continued breathing.

Damn you red people!

Ginawa kong bullets ang liquid gold at inulanan ang batch ng Terrarian closest to
us.

But that doesn't stop them from dying. Dahil nga, immortal sila sa gabing 'to.

Dahil sa Elite.

Pero nakakatulong naman dahil sa extra time na binibigay nito sa'min.

Kung madilim ang part na ito sa forest, mas dumilim ito dahil kay Cal.

Ang tanging pag asa nalang namin para maaninag ng maayos ang mga Terrarians, ay ang
thunderbolts ni Trev. At ang weapons namin that are currently glowing.

The battle is favoring us.

But again, that can't stop one of the women with large nipple piercings cut me with
her three-headed spear.

DAFUQ.
I willed my gold straight to her. Bago pa siya mabuhay ulit, tinunaw ko na ang puso
niya.

Sa kabila niya, ay ilan pang mga babae na may dala-dalang kani-kanilang sandata.

"Should we hit them?" tumigil si Chase sa tabi ko at pinatong ang kamay niya sa
injured shoulder ko.

But I didn't whince. I just exhaled the pain.

You know that time when you're so used to being hurt that you just breathe out the
pain?

Literally. Dahil punong-puno na ako ng mga sugat. Cuts, bruises idagdag mo pa ang
isang bali.

"We don't hit women." I said seriously

"unless they're trying to kill us."

Nahagip ko ang ngisi ni Chase bago siya nawala sa kinatatayuan niya.

Sa likod ng mga galit na Terrarians ang naglalakihang mga pamilyar na higante.

Old friends?

I smirked.

Captured
Cesia's POV

Ang weird lang talaga habang lumalaban na nakasakay sa isang kabayo.

Or centaur.

Pinapalipad na naman ni Kara ang nakakatakot na shield niya.


Si Art, hatak ng hatak ng bow niya.
At si Ria, naka sideways ang espada sa paraang nahahati niya ang mga kalabang
papalapit o nadadaanan.

"This is fun! Haha!" hiyaw ni Ria.

Napatingin ako sa likuran ko para makita si Art at Kara na nakangisi minding their
business.

Kaya ako, nagsimula na rin akong maghanap ng pwedeng maligtas.

Katulad nalang ng isang student na nag back flip pagkatapos tumalon galing sa
balikat ng cyclops.

Ang cool ngang tignan pero alam kong mali ang magiging bagsak niya. Kaya kinontrol
ko na ang mga paa niya para bumagsak sa tamang anggulo.

Napangiti ako pagkatapos makita ang gulat na ekspresyon niya.

Medyo hazy ang pananaw ko sa paligid. Dahil nga, ang bilis makatakbo ng mga
centaurs na'to.

Naramdaman ko ang malakas na daloy ng hangin. Himala nga at hindi ako nadala.

I'm thin. Hindi naman in an abnormal way pero compared sa tatlong 'to. Considered
na ako ang thinnest.

Sinulit ko ang oras para ma relax kahit dinig na dinig ko ang pagsabog, mga sigaw,
at mga tunog ng sandata.

Napatigil kami in an agressive way.

Buti nalang at nakahawak ako sa balikat ng centaur bago matapon sa pagkalakas ng


hinto.

Panira talaga ng moment.

"Sa langit!" napatingin kaming lahat sa langit pagkatapos sumigaw ng isang centaur.

Noong una, hindi ko medyo nakikita ang buong anyo ng creature na papunta sa'min.
Then I realized.

Dalawa ang anyo nito. May mga paa siya katulad ng mga kabayo pero may pakpak siya.
Saka yung-

Aish. Half-horse at half-bird siya. Yun lang. Naguguluhan kasi ako kung ano talaga
siya.

Ano bang meron at half-half ang iilang creatures dito? May half-horse at half-
human. Ngayon, may half-horse at half-bird na naman. Kulang nalang half-horse at
half-isda.

Wait. Meron nga ba?

Tinaas ng mga centaurs ang lahat ng mga paso nila sa direksyon ng lumilipad na
nilalang.

Pero ang bilis nito kaya ni isang arrow, hindi nakadaplis sa katawan nito.

Nagulat ako nang dumaan ang ibon-like kabayo a meter away sa spot ko saka ako
nilagpasan.

Sinundan ko ito ng tingin at napag-alamang kay Art ito papunta.

"Art!" sigaw ko pagkatapos makita kung paano sinunggab ng nilalang si Art na noo'y
nakaupo sa centaur at ngayo'y nagpupumigil sa claws ng isang unknown creature.

Hinagis ni Kara ang shield niya pero mas mabilis pa rin ang nilalang kaya walang
nagawa ito kundi bumalik sa braso ni Kara.

Agad nawala sa sight ko ang creature at tinignan sila Ria.

Nagtama ang mga mata namin.

"We have to go back!"


"Babalik tayo!"
"Si Art!"

Pero bago pa kami maka u-turn, hinarangan kami ng...


Hindi ko natapos ang pagbibilang. Nakaramdam ako ng isang sting sa leeg ko.

Nagawa kong itukod ang mga kamay ko nang bumagsak ako sa lupa.

"tsk. demigods."

Isang mahinang buntong-hininga ang kumawala pagkatapos magdilim ang mundo.

Chase's POV

5 seconds bago mahatak ako ng tuluyan ng isang terrarian, kinuha ko na ang kamay
niya at... pinihit ito.

Hinila ko siya papalapit sa'kin.

Wala nang magagawa ang terrarian dahil sa bilis ko kaya sa isang iglap,

nagkahiwalay na ang ulo't leeg niya.

Kinuha ko ang spear sa paanan ko at ibinato ito sa isa pang terrarian na 3 steps
nalang ang layo kay Dio.

Siningkit ko ang mata ko para makita ng maayos ang nagaganap na away sa harap ko.

Kasalanan kasi 'to ni Cal.

Nagmamayabang na naman sa ability niya.

Eto. Damay tuloy kami.

Isang espada ang sumangga sa feather ko kaya dali kong sinunggaban ang terrarian at
pinatagos ang feather.

Tsk.

Kung may magtatanong, ang hirap ng ganito. May kinokontrol ka pang weapon at the
same time, naka ability mode: ON ako.
Putek.

Ang hirap magpagwapo ng ganito dahil palaging nasisira ang buhok ko.

Bigyan na rin ng kwenta 'tong suot ko na pinaghandaan ko pa talaga. Magmumukhang


azkal lang naman pala ako sa huli.

Aba. Malay ba natin may magpapakita na magandang babae dito.


Tapos dun na magsisimula ang love story namin.

Humarap sa'kin ang isang babaeng terrarian.

Napasinghap ako dahil kakaiba ang anyo niya.

Ang ganda ng mga mata niya...

Ang mga piercings niyang bagay na bagay sa sa structure ng mukha niya...

Ang mala anghel niyang ngiti...

Ang mga tingin niyang nakakabaliw...

"nah" pinugutan ko siya ng ulo.

Hindi ko type ang mga taong reddish. Literal na red.

Hmm... although, may alam akong 'red' na type ko.

Mehehehe.

Ipinikit ko ang mata ko at binuksan ito para makita ang pag slowmo ng lahat.

Kung may magtatanong, hindi naman ako ganoon kabilis para mag exist two places at
once.

Pero ganoon ako kabilis para sikmurain ka kung akala mo di ko kaya yun.
Kaya ko naman talaga. Pag a meter away. Atleast nagagawa ko di'ba? tsk.

Master kaya 'to.

Kagaya nalang ng terrarian na sinuntok ko. Sa mata niya, sinuntok siya ng hangin o
diba multo. Pero..

Boom!

Si Master Chase lang pala.

Sa tingin ko, ako ang pinakamagaling dito dahil ako ang nag-iisang may element of
surprise.

Pero syempre hindi ko sinasabi ng malakas yan dahil alam kong alam na nila yan.

Kinuha ko ang isang spear at tinuhog ito sa dibdib ng terrarian.

Binali ko ang stick ng spear at inihagis ito sa katabi niya.

Sabi nila mahangin daw ako?

SYEMPRE MAHANGIN AKO. Sa sobrang bilis ko, nagiging hangin ako.

Napahinto ako dahil sa matigas na ewan na natamaan ko. Pader ata.

Napamura ako habang hinihipo ang noo ko.

"Ano ba kasing ginagawa ng pader dito. Akala ko ba forest 'to" mahina kong bulong.

Bigla na namang lumindol kaya tumama na naman ang noo ko sa pader.

Pucha.

Ano bang trip ng pader na'to.

Tinignan ko ang kulay brown na pader.


Nope.

Iniangat ko ang ulo ko at nakita ang napakapamilyar na pagmumukha ng isang


dambuhala.

"Ganito pala katigas ang tiyan mo ah? Pwes-" sinuntok ko ng malakas ang tiyan na.
Nakayuko pa rin siya sa'kin. Hindi man lang siya napaatras.

Tatakbo na sana ako kaso, naramdaman ko na naman ang pamilyar na sakit sa leeg ko.

"Tangna mga bru. Pangalawa na'to!" nadidismaya kong sigaw bago bumulagta sa lupa.

Pag naputikan ako dahil dito, patay sila sa'kin.

Answers
"Oh shut up West."

"Nasa'n na ba kasi si Kaye? Alam na ba niyang nandito na yung Alphas?"

"Papunta na siya rito. Nasa kabilang room siya. Interrogating I think."

"Pag hindi siya pumunta dito ako na talaga mismo ang gagawa ng orientation."

Napaurog ako dahil sa mahigpit na pagkakatali ng kamay ko.

Napatigil sila sa pag-uusap kaya iminulat ko na ang mga mata ko at nakita ang
nagmamay-ari ng mga boses.

Nakaluhod ako at nakatali sa isang poste.

Ang hirap ng ganitong posisyon.

Sumasakit na yung leeg at likuran ko.


Ibig sabihin kanina pa ako nakaganito.

Anong oras na ba?

"Good morning sweetie. How nice of you to wake up earlier than those... lil'
shits." ani Mei at napatingin sa dulong bahagi ng isang corner ng room kaya
napatingin rin ako.
Naroon silang lahat na walang malay.

Lahat sila.

Pati yung boys.

Maliban kay Art. Kasama ang mga higante na nagbabantay.

Biglang sumakit ang ulo ko.


Sa pagkakatanda ko, pinapalibutan kami ng mga higante.

At yung boses...

Iniangat ko ang ulo ko para makita ang pagmumukha ng isa sa mga traydor.

Yun pa rin ang mukha niya. Walang nagbago.

Kaso, nababaguhan akong tignan siya bilang isang kaaway. Pati si Mei.

At expected na rin ang parehong reaksyon ko kay Kaye.

Biglang bumukas ang pinto na naging sanhi ng pagdaplis ng kaunting liwanag sa balat
ko.

Hindi ko na kailangang tumingin para malaman kung sino ang pumasok.

"Oh. That was fast. And look what we got here..." nakita ko ang paa niya na tumigil
sa harap ko.

Hindi na ako nag-alanganing tumingin sa kanya.

Hindi ko siya kayang tignan.

Hindi ko kayang tignan ang mukha ng babae na tagapagsimuno ng lahat ng 'to.

Hindi ko gusto na ang pagmumukha niya ang huli kong makikita bago mama-deads.

Naramdaman ko ang matalim na blade sa ilalim ng baba ko.

Saka niya ito ginamit para mapaangat ang ulo ko at mapilitang mapatingin sa
nanlilisik niyang mga mata.
"Hey bitch." nag-iba na ang boses niya.

"Surprise!" natatawa niyang sabi saka pinakawalan ang ulo ko leaving a mark under
my chin.

psh.

"Although not really a surprise dahil nalaman niyo agad ang plano ko. But look at
you and the Alphas right now! Isn't it a surprise?"

nakarinig ako ng tunog mula sa likuran kaya napalingon ako at nakita sila na gising
na.

Bigla akong kinabahan.

Marahil, malayo kasi ako sa spot nila. Ako lang ang nakatali sa pole dito.

At based sa mga tingin nila, mukhang ako na ang unang mama-deads.

"Mei?!" galit na tawag ni Kaye.

Ibang-iba na talaga siya. Ang galing naman pala niyang mag acting to the point na
nakipagsimpatya ako sa kanya noong unang kita namin.

Naawa pa ako sa kanya dati. But it was just a role play.

Akala ko ang sensitive niya.. ang sweet pa naman niyang tignan.

Isang 'Alice' na naging 'Queen of Hearts' sa loob ng isang gabi.

"Bakit kulang sila?! Nasan yung bata?!" hinarap niya si Mei na binigyan lang siya
ng bored look.

Si Art...

"She's missing. I think they were the first ones who lost her. When we arrived to
capture them, wala naman yung bata." spontaneous ang pagkakasagot ni Mei.

Kahit mataray siya alam niya pa rin kun sino ang leader sa pagitan nilang dalawa.

Napabuntong-hininga si Kaye. "Fine. She's weak anyways. She's no use." sagot niya.
Tinignan ko si Cal na parang nahihilo pa rin dahil sa kung ano ang nilagay nila sa
sistema namin.

"Congratulations Alphas! You really got me there. Akala ko babagsak na ang plano ko
dahil sa inyo. Buti nalang at nakahanap ako ng tulong." malapad ang ngisi niya.

"Fuck you Elite. Nasira ang buhok ko dahil sa ginawa mo." narinig ko ang boses ni
Chase.

Binigyan lang siya ni Kaye ng nandidiring tingin.

"Actually, pumasok ako sa Academy bilang Kaye. Hindi Elite. I killed an oracle just
to know kung paano mag disguise full-time. So I did. I discovered na mahirap palang
magbalik anyo bilang Elite sa Academy because of the barrier. Then I found out that
the only way to break the barrier is through blood. Through a warrior's blood. And
guess what? I had tons of them when I killed Athena's sacred animals."

Naalala ko ang gulo na nangyari sa field noon. Siya pala ang may kagagawan nun.

MUNTIK NA NGA NIYANG MAPATAY SI MISTER OWL.

Nilingon ko si Kara na nakayukom na ang kamao. Kung hindi lang sana sa tali, baka
kanina pa niya na karate chop 'tong si Kaye.

"So I went to your dorm and fraud a threat para mawala kayo ng saglit sa Academy.
Knowing that I already broke the barrier, kinailangan ko pang mag transfer ng
malaking energy sa loob ng ilang araw mula sa labas ng barrier sa katawan ko para
maging Elite ulit. I was made to absorb unlimited energy sweethearts. At dahil
dalawa sa inyo ay kayang makadetect ng energy, I faked my own kidnap. I can't
afford a hindrance noon na hindi pa ako Elite. I took the time while you were out
on your mission."

Wala kaming imik.

Pabalik-balik siya sa pwesto niya habang nagsasalita.

Kami, nakikinig sa bawat salitang binibitaw niya.

Because FINALLY. Nagets na rin namin lahat.

Finally. Unti-unti ng nabubuo ang connection sa pagitan ng mga nagdaang pangyayari.


Finally. Dumarami na ang reasons kung bakit siya dapat ang una naming pabagsakin.

Grabe ang pinagdaanan namin.

Yun pala, nakaplano na ang lahat.

"And when you arrived, I let you take a glimpse of what I can do. Remember?"
ngumiti siya at tinaasan ako ng kilay.

Tandang-tanda ko ang atake habang nag-aalmusal kami. Ang pagsabog.. ang kidlat..
ang mga sugat...

NATATANDAAN KO LAHAT. Dahil isa yun sa naka traumatize sa'kin.

"And so I learned that you were from my creator's house. That douchebag Theosese.
He was my father yet he doesn't respect me! Ginawa niya ako bilang maging mas
malakas kesa sa mga Gods. Pagkatapos, gagawin niya lang akong protector of you...
weaklings! Demi-gods! Kayo ang sumira sa buhay ko!" mas lumakas ang boses niya.

"But... I have already taken care of him.." kalma niyang sabi.

Pati sarili niyang ama pinatay niya.


Habang nakikinig sa kanya, mas nagiging worse siya sa paningin ko.

How could she.

"Theosese was once a member of the council. But he was considered a traitor when he
created us. Kaya alam kong nandito lang sa loob ng campus ang blueprints ng Elite
at Seht. I found it indeed. Not until nakita ito nila Kara at Ria then stole it."
sinamaan niya ng tingin sina Ria at Kara na magkatabi lang.

Yung book.

Kaya pala hindi sinasagot nila Kara ang mga tanong namin kung saan nila ito nakita.

Ibig sabihin...
yung dorm na pinasok namin...

ang dorm ni Kaye.

Naalala ko ang letter 'G' sa scrapbook.

AISH.

Nag imaginary facepalm ako.


Syempre dorm yun nilang dalawa ni GEN.

"Fast forward to this..." kinuha niya ang isa pang dagger na nakalapag sa mesa.
"where I kill you and draw your blood to me so hopefully, I'll turn into Seht. I
read that one thing in particular that Elite doesn't have but Seht does, is the
blood of a manipulator. At sadyang tinadhana ka ngang mapadpad dito Cesia. A
daughter of Aphrodite. Who can manipulate living and nonliving things against their
will. I want your power Cesia. I want it."

napalunok ako sa sinabi niya.

So yun nga ang reason kung bakit may sariling spot ako dito sa gitna ng room.

Naglakad siya papunta sa'kin.

Kitang-kita ko ang replekyon ng nkakairitang ngiti niya sa blade.

Naramdaman ko ang matinding sakit nang sinimulan na niya ang cut.

Pilit tumutulo ang luha ko kasabay ng dugo mula sa leeg ko.

Hindi ako pwedeng mamamatay lang ng ganito.

Napatigil ang silent prayer ko nang nakarinig kami ng pagsabog mula sa pader at
nakita si Art na nakasakay sa nilalang na half-horse, half-bird.

"Art to the rescueeee!!! Tererereenn!!" hiyaw niya saka tumalon kay Mei.

Isang segundo ang lumipas, at nagsimula ng mag-iba ang eksena sa harap ko.

Supreme Divination
Art's POV

Mamaya nalang siguro ako manghihingi ng tawad sa council dahil sa butas na nagawa
ko sa pader.

Ang laki naman kasi ni Blobblebutt eh! Sabing dun nalang ako ihatid sa corridors!
Sinira pa talaga yung pader! Huhuhu.

Ewtch.
Nakaramdam ako ng sakit sa palad ko. Hiniwa kasi ni Mei yung kamay ko na nakakapit
sa isa pa niyang kamay.

Hmp.

Tumalon ako at inipit ang ulo niya sa braso ko. Pero kasi, siniko niya ako sa may
ribs kaya napabitaw ako.

Agad niyang sinipa ang tuhod ko kaya napatumba ako ng wala sa oras.

Itinaas niya ang dagger at akmang isasaksak sa'kin nang sinangga ito ng isang
espada.

Si Ria.

"Yung.. yung halimaw..." humihingal siya habang nakikipaglaban kay Mei.

"Ah si Blobblebutt? Isa siyang hippogriff eh. Pinadala siya ni dad! Bago kong pet!"
kinuha ko ang bow na nakasabit sa likuran ko at nagsimula ng hatakin ang string at
i-aim ito sa mga... ano ba tawag jan?

Ang papangit ng mga giants na'to!

Mga panget na Giants.

Nakaramdam ako ng locks of feather sa may kaliwang tenga ko kaya napalingon ako
para makita ang isang nag-aalalang mukha.

"Okay lang yan Blobblebutt. Gusto mo tulungan mo'ko?" niyaya ko siya.

Nakakatawa nga kasi ang laki-laki niya tas nakakatakot tignan. Yun pala, isa siyang
napaka cute na hippogriff at 5 years old palang. Pinadala siya ni dad kasi yun daw
yung advanced birthday gift niya sa'kin.

Hangkyut!

Nakita kong nagliwanag ang mga mata niya saka tumango.


"Okie! Kita mo yang mga giants na yan? Patayin mo yan ah?" tumango ulit siya bago
tumakbo papunta sa mga giants na tinuro ko.

~Lalalalaaaaa~~~

Olrayt.

Tinutok ko ang nagliliwanag na arrow sa giant na nasa likuran ni Kara na kinakalas


ang tali ni Cesia.

Steady.

Binitawan ko ang string at saktong natamaan ko ang ulo ng giant.

Bumuo ulit ako ng bagong arrow saka tinamaan ang puso.

Dapat kasi mamatay ang monsters before sila makaregenerate. Fatal na para sa isang
monster ang wound sa head and heart.

Pagkatumba ng higante, ay ang pagkawala at pagtayo ni Cesia mula sa pagkakatali sa


poste.

Galing ko talaga! mihihi.

Pinuntahan ni Kara ang isang giant at pinatay ito.

THAT'S RIGHT FOLKS.

Walang weapon.

Walang shield.

Natapos niya ang higante sa loob ng isang segundo.

Ganun lang. Walang drama.

Binlock lang niya ang higante pagkatapos nag swing pataas para sipain ang ulo nito
away from the neck.
Nakakakilabot talaga tong si Kara eh.

Weewooowee.. so scarryyy... but amazing with a Z!

Tumakbo si Kara papunta sa table kung saan nakapatong ang shield niya.

Sabay ring pumasok ang NAPAKARAMING MGA PANGET NA GIANTS SA ROOM kaya hindi
nagtagal ay naka corner na kami dito sa dulo.

Sa edge.

"See? You'll still end up dying even after you fight." natatawang sabi ni Kaye sa
harap namin.

Nyeh nyeh nyeh. Ang bad niya talaga! mas worse pa ata sa drugs ang ginagamit niya!

Napahinto ang katahimikan dahil sa pagbukas ng pinto.

Kumalahati ang grupo ng giants para mag make way sa isang... babae.

Babaeng Ahas.

KAYA PALA TRAYDOR TONG SI KAYE. Ahas kasi yung kinakasama niya. Ayan. Nahawa tuloy
si Bes!

Bes nga ba tawag dun? Nabasa ko lang naman sa mortal realm yun eh. Sa internette.

Hihi. Sarreh.

"We meet again." naka warrior outfit siya. Red yung snake tail niya. May scales pa
na color violet.

Para siyang evil stepmother ni Cinderella.

Batuhin ko kaya siya ng glass shoes?

*gasps* or baka DARATING SI FAIRY GODMOTHER NAMIN!

O to the M to the G!
"We have always hated you... and now you have to suffer our wrath! The
discrimination we received because of your parents!" nagsimula na siyang sumigaw.

Lah. Galit ba sya? wala naman kaming ginawang masama!

Nginitian niya kami.

oh tapos ngayon nginingitian niya kami? baliw nu?

"KILL THEM!" sabay turo niya sa'min.

Nagkatinginan kami bago umatras at tumalon sa butas ng pader.

Pero unlike them, hindi ako bumagsak the hard way.

Sinalo kasi ako ni Blobblebutt seconds bago tuluyang bumagsak dito sa field.

"Tsk. Di man lang kami sinalo." Chase grunted bago pinaspas ang shirt niya.

"Sorry" nag peace sign ako "Di pa kasi kayo close. Pero wag kayong mag-alala.
Ipapakilala ko rin kayo ni BLOBBLEBUTT!"

Sunod-sunod ang pagbaba ng mga giants mula sa pangalawang floorMuntikan na nga


akong mawalan ng balanse dahil sa mga lindol galing sa impact ng bagsak nila.

And Oh-oh. Mukhang galit sila.

Suddenly, lumindol na naman.

Pero malakas na ito to the point na nahati yung lupa sa pagitan naming mga Alphas
at Mga Panget na Giants.

Nakaramdam ako ng nanlalamig na mga kamay sa arm ko.

"Anyareee??" tanong ko kay Cesia na may halong taka at takot sa mata niya. Hindi
siya sumagot.

Nakatuon ang mata niya sa kabilang direksyon kaya napatingin rin ako.
Una kong nakita ang isang pair ng blue eyes na tila kulay ng dagat.

"Supreme Divination Cesia... alam mo yung nangyari sayo nung nahimatay ka dahil
nasobrahan ang paggamit mo sa abilities mo? Ganito ang mangyayari pag desperate na
ang demigod na maprotektahan ang sarili o ang iba. Para lang tayong tumungtong sa
next level para maging godlike." explain ko sa kanya.

Nakanganga pa rin siya eh. Haynako.

Akala ko ba may alam na siya tungkol dito?

Naku naku.

"During this process, our god side overcomes our human side. That's why, we are
capable of emiting more and dangerous abilities. Like Dio, he can control water.
But right now... he can project earthquakes too... but its also dangerous as it can
result to sudden death unless you know how to control it." dagdag ni Kara.

Wala pa ring imik si Cesia.

Huhays!

"Sorry Cesia ngayon mo palang to nalaman. Akala kasi namin hindi ito mangyayari sa
harap mo." lumitaw si Chase sa harap namin.

Iniisa-isa kami ni Cesia ng tingin. "Kayo...?" halata ang kaba at takot sa tanong
niya.

Tumango silang lahat maliban nalang sa'kin. "Oy! Except me! Di ko pa naransanan
yang supreme divination na yan no!" tinaas ko ang dalawang kamay ko.

Halurr. NSDSB. No Supreme Divination Since Birth kaya ako.

Yung nag-iiba ang kulay ng mata? Tapos lalakas ka? Wala pa ako sa point na yan eh.

Di din naman ako ready sa ganyan. Baka di ko lang ma control ang mag 'wild' at
bagsakin lahat na nakaharang sa harap ko.

Nakakatakot nga kasi kapag nagpapadala ka sa galit mo, di mo na maco-control ang


abilities mo. Kusang maghahanap ito ng patayin.

Humaygads! Diba? Iiihhhhhh!!!


"Kaya pala kami nalang ni Art ang natira... kami nalang ang different?" nagtaka
kami sa tanong niya pero tinanguan nalang namin siya.

"They're jumping on our side." nagliwanag ang mata ni Kara bago ito naging kulay
green.

Kinuha ko ang kamay ni Cesia...

"Kaibigan pa rin naman tayo eh kaya wag kang matakot. Ang cool ngang tignan! Yun
oh..." tinuro ko si Kara na malayo ang talon papunta sa kabilang side ng lupa at
nawala sa likod ng mga giants.

"Tara na? Hihi" huhu. Sana naman kaibigan pa rin niya ako.
Ako na nga lang nakikipagsympathize sa kanya ngayon eh! Hmp!

Bago pa kasi siya rito. Wawa naman ni Cesia.

Bilhan ko siya ng ice cream pagkatapos!

Napansin ko siyang huminga ng malalim.

"Tara."

tinanggap niya ang kamay ko.

LET'S PARTEEEHH!!!!

Rage
Cesia's POV

Unti-unti ng naghihilom ang sugat sa leeg ko.

PERO hindi pa rin ako nakakamove-on sa mga mata nilang iba-iba ang kulay.

Tinignan ko ang mga kasama kong nakakakilabot ang itsura.

Kahit maliit sila compared sa mga giants, mas powerful pa rin silang tignan.
Lalong-lalo na't nakikita ko kung paano nila tinutumba ang mga kaaway.
Blue

Si Dio. Mas nagliliwanag ang weapon niya ngayon. Pinapalibutan siya ng tubig na
animo'y isang shield. Gumawa siya ng pond gamit ang gold niya saka pinalindol para
sabay mahulog ang kalaban at matunaw ng tuluyan.

Yellow

Si Chase. Ano nga bang ginagawa niya? Alam nyo yung anime style fights? Yung kay
naruto? ANG DAMING CHASE. May isa na nakikipagtagisan sa mga taong kulay red tapos
yung isa kinakalaban ang giant. May dalawa pang nakaharap sa isang dosena ng
daemons.

Tas ang light ng mga steps niya. Nakangisi pa nga siya eh.

Green

Si Kara. Ang lalakas ng mga steps niya. Quick saka accurate. Pero mas nakakamangha
ang kakadiskubre ko lang na ability niya.

She's strong. SUPER STRONG.

Sinundan ko ng tingin ang giant na tinapon niya gamit ang isang kamay.

Nakakunot ang noo niya habang iniisa-isa ang mga kalaban. Parang kinacalculate niya
muna ang galaw nila bago gumawa ng isang swift move.

"Cesia!" nilingon ko ang tumawag sa'kin saka tumakbo papunta sa kanya.

Tinignan ko ang mga mata niyang normal lang ang kulay.

Pero paminsan-minsan nagiging blood red ito.

Okay lang ba siya? halata kasing malalim ang ginhawa niya...

na tila nagpipigil ng galit.

"R-ria..yung mata mo..."

"bago pa ako sa stage na'to Cesia. I can merely control myself under this kind of
pressure. But I'm trying to..." sabi niya kaya tumango nalang ako.
"Bakit mo'ko tinawag?"nag-aalalang tanong ko sa kanya.

"Have you seen Art?"

Nagkahiwalay kami nung inatake ako ng isang giant. Tinukso pa nga niya ito papalayo
sa'kin.

"Baka magkasama sila ni Cal?"

Bahagya siyang napatingin sa likuran ko kaya napalingon rin ako.

Naroon si Cal sa kabilang side ng nahati na lupa.

Bigla akong kinabahan sa kulay ng mata niya.

Ina-absorb kasi ng mata niya ang liwanag na parang black hole.

Kumikinang rin yung ring na weapon niya. Everytime na may hinahawakan siya,
natutumba ito. Or more like nagnanumb.

Saka niya ito itatapon sa bitak ng lupa.

Humarap ulit ako kay Ria.

"or yung bagong friend niya?"

umiling-iling siya.

Isang malaking sorpresa talaga ang bagong kaibigan ni Art. False alarm lang pala
ang nangyaring kidnap ni Art.

"woah!" tinulak ako papalayo ni Ria dahilan na matumba ako.

"what the hell is wrong with you?!" galit na tanong ni Ria habang hinaharangan ang
sarili mula sa espada ni Mei.

Tinignan ako ni Mei na nanlilisik ang mga mata.

Biglang nag-iba ang kapaligiran.

Nasa same spot pa rin ako ng field...

naging acidic ang hangin kaya masakit sa ilong..

pero amoy na amoy ko ang rotten smell...


ng mga bangkay...

"R-ria?" muntik ko nang maapakan ang duguan niyang katawan.

napaatras ako.

may naramdaman na naman akong kung ano sa may paanan ko kaya napahinto ako.

Nakatalikod ang katawan niya..

Ginamit ko ang paa ko para iharap ito.

"K-kara..." duguan ang shield niya. Nakabuka pa rin ang mga mata niyang ngayon.. ay
naging dull green na.

Napansin ko ang isang bagay na gumugulong papunta dito sa paanan ko.

Tumigil ito sa harap ko kaya agad kong napagtanto kung ano ito.

Ulo...

putol na ulo ng bagong kaibigan ni Art.

Iniangat ko ang ulo ko para makita ang Academy na tila inulan ng dugo. Sirang-sira
ang buong palasyo.

Nakaramdam ako ng kamay sa balikat ko na siyang nagbigay ng goosebumps sa katawan


ko.

"K-kasalanan mo lahat ng 'to Abby..."

"auntie.." hinawakan ko ang duguan niyang mukha.

"Auntie.. anong nangyari-" pero bago ko pa matapos ang sasabihin ko, bumulagta na
ang katawan niya.

"I haven't seen you use your gift since the start of war.." nakarinig ako ng boses
sa may entrance ng forest.

Siningkit ko ang mata ko para makita ito ng maayos.

Unti-unti kong nakikita ang isang magandang babaeng naglalakad papunta sa'kin.

Naka helmet siya... may dalang spear at nakasuot ng kumikinang na golden armour.

"And now you let a daughter of a minor goddess put you in a trance. Alam mo ba kung
ano ka?"

trance...

nasa isang trance pala ako...

nakatingin lang ako sa babaeng papalapit sa'kin.

"you're a coward."

"s-sino ka?" kusang umaatras ang mga paa ko.

"hinahayaan mo lang ang mga kaibigan mong magpakamatay para sa'yo. And you..."
kumunot ang noo niya.

"you let them." hindi ko alam pero tila tumagos ang sinabi niya sa'kin.

Ang Alphas...

"You are a gifted niece of mine. You are my daughter's closest friend. And are you
trying your best?" kalma nga ang pagkakasabi niya pero ramdam na ramdam ko ang
galit nito.

"You are a child of a Goddess. You are stronger. Wag mong gawing paumanhin ang
pagiging bago mo sa mga bagay na ito. By birth you were born with a blood of a God.
Hindi ka bago dito Cesia. Sadyang napakahina mo. Nasa harap mo na ang laban. At
tumayo lang at manood ang ginawa mo. Ang kabahan at matakot lang ang nararamdaman
mo." natatawa niyang sabi.

"For once. Listen to the rage. And do something... not just for you. but for
them.." nilingon niya ang mga katawan nila Ria kaya napatingin din ako.
napaluhod ako dahil sa isang arrow na tumama sa kanang balikat ko. Napangiwi ako sa
sobrang sakit.

"Kumapit ka sa kakayahan mo dahil mas malakas ka pa sa kanila..."

Agad bumalik ang dating field pagkatapos kong marinig ang huling binulong niya.

Napasigaw ako nang hinatak ko papalabas ang arrow mula sa katawan ko.

Naririnig ko pa rin ang malalakas na tibok ng puso ko.

ginamit ko ang weapon ko para icontrol ito pabalik sa taong kulay pula.

Pero hindi ko ito tinuloy sa puso niya.


Ginamit ko ang blade sa tip ng arrow para pugutan siya ng ulo.

Tumayo ako.

"Abigail!" nakarinig ako ng sigaw.

pero huli na ang lahat.

naramdaman ko ang hangin habang bumabagsak sa hindi ko alam kung saan papunta.

patungong kamatayan siguro...

ang alam ko lang nahuhulog ngayon ako dito sa malaking gap ng lupa.
Malay ko ba dadalhin pala akong trance sa edge ng crack? sa dead end?

pinikit ko ang mga mata ko at hinayaan ang mga kamay kong mag spread apart.

kamatayan...

napangiti ako.

deads.
hindi na deads.

mamamatay na talaga ako...

habang nakapikit, inimagine ang napakapait na kamatayan ng isang demigod.

Wala naman akong nagawa eh...

huli na ako para tumulong.

I lived a good useless life.

"Are you done making your last will?"

iminulat ko ang mga mata ko at unang nakita ang isang pair ng...

golden eyes.

Yumuko ako para tignan ang empty black space na naghihintay sa katawan ko.

at napag alamang lumulutang kaming dalawa.

hinigpitan ko ang pagkakapit sa kanya.

"A-anong ginagawa mo dito?"

"Saving you?" nakita ko ang namumuong smirk sa mukha niya.

"NAKAKALIPAD KA?!" hinampas ko ang dibdib niya at napaiyak.

Sunod-sunod na ang pagliligtas nila sa'kin. Di ko akalaing pati sa point na'to


ililigtas pa rin ako.

"Are you underestimating me woman?"

Tinignan ko siya.
Napangiti ako.

This time, not for the reason na huling ngiti ko na ito.


But for the reason na may pag asa pa ako para ibalik sa kanila ang utang na loob
ko.

Her Wrath
Art's POV

Nakalagay ang dalawa kong kamay sa ulo para iwas-bukol mula sa bato na ibinabato ng
isang panget na giant.

Ihh! Paano ba ako makaka aim ng ganito.

*ting* biglang lumabas ang isang idea sa utak ko.

Tumakbo ako papalayo at pagkatapos masigurado na hindi na ako makikita ng panget na


giant, umakyat ako sa isang tree.

akyat

akyat

akyat

Ayan.

Nakapatong na ako sa isang strong and hard branch na sure akong hindi mababali.

Lumindol na naman kaya napahawak ako sa trunk ng kahoy.

Nakarinig ako ng crack.

Okay. Hindi okay ang branch na'to.

Dali-dali akong lumuhod at nag aim sa moving giant.

Ang dali lang niyang hanapin kasi naman siya lang ang gumagalaw sa harap ko.
Naghahanap din siguro sa'kin.

Hinatak ko ang string for two times. Isa sa ulo at isa sa puso.
Naysss.

Bumaba ako sa kahoy.

Ang ganda nga ng pagkababa ko kasi hinatid pa talaga ako sa lupa.

Kaya eto.

Kinuha na ng damo ang first kiss ko!

Waaaahhh!! pa'no ba kasi tuluyan na ngang nabali yung sanga na pinapatungan ko.

Agad akong tumayo at hinihipo-hipo ang lips ko.

Huhuhu.

Yung first kiss koooo!!

Hindi naman sa first kiss ko nga yun. Nahalikan ko na kasi sila Bubbles.

Pero ang sabi sa internette, first kiss daw ay nagaganap UNEXPECTEDLY.

Eh unexpected ang nangyari.

Huhuhu! Pano nalang si Cal.

Baka mapagalitan ako nun.

Hmm...

Di naman siguro nahahalata diba? Mihihi.

Tumakbo ako pabalik sa field.

Automatically, hinarap ako ng isang panget na giant, dalawang red people na aliens,
at dalawa pang daemons.

Wow. Hinintay pa talaga nila ako.

"Sorry kung late akuu." sabi ko pagkatapos in-enlighten ang dalawang daemons.
Ginamit ko lang ability ko para matunaw sila. Nagliwanag nga sila bago sumabog.

Hinawakan ng giant ang beywang ko at tinapon ako papalayo.

Naramdaman ko ang malakas na impact ng likuran ko dagdagan mo pa ng impact sa harap


dahil sa bagsak ko.

Gusto ko lang pong ipagpaalam na HINDI AKO LARUAN para itapon ng isang brat.

Maliban nalang kung ako si Princess Sara. Sige itapon niyo na ako.

Bleeee.

Agad bumalik sa pwesto ang buto sa kaliwang leg ko. Hinandaan ko kasi ng
napakabonggang energy ang gabi na'to.

Halooo? Dapat kaya ready aku!

Eto na nga. Fighting!

"Waaahh!!!" sinugod ko ang red aliens na nakataas ang nagliliwanag kong kamay.

"Wattaaaa!!" pinakain ko sa isang alien ang isang suntok.

Nag form ako ng isang arrow para itusok ito sa lalamunan niya. At isa pa para sa
isa pa niyang alien friend.

Inilibot ko ang tingin ko para hanapin yung Panget na Giant.

Pero pare-pareho kasi sila ng mukha sa the rest. Siguro nakiisa siya sa
pakikipaglaban kay Kara na ngayo'y hinaharap ang anim na giants.

He is in good hands na pala. Oh well!

Pinuntahan ko si Cal na nakatayo. Kitang kita ko ang tattoo sa dibdib niya.

Hindi ba siya nagiginaw? Punit punit na yung suot nyang shirt eh!

"Cal... may sasabihin sana ako.."

asdfghjkl. paano ko ba sasabihin 'to.

"WALA NA YUNG FIRST KISS KO!"


ayy! nasabi ko na pala. Hihi.

"WHAT?!" Huhu. Galit nga siya.

"Mahaba eh. Basta. Unexpected. Ano kasi.. nahulog ako tapos ano... HINDI KO NAMAN
KASALANAN EH! HINDI KO GINUSTO YUN CAL! HUHUHU!" Kung alam ko lang kung anong
mangyayari pag umakyat ako sa kahoy na yun edi sana naiwasan ko ang unexpected
first kiss ko!

"Sor-" napatigil ako dahil sa biglaang pagyakap niya sa'kin.

*dug dug* *dug dug*

naririnig ko ang pagbagal ng heartbeats niya.

Injured siya.

Pero di ko alam kung saan.

Parang may mali sa kanya.

"I love you. Promise not to rescue me in the underworld?"

nagtaka ako sa sinabi niya.

"Labyutoo.. pero anong ibig sabihin mo Cal?"

nadama ko ang isang bagay sa likuran niya.

Isang arrow.

tinaas ko ang kamay kong may dugo.

"Cal?"

"Cal naman eh! Hihi ayan na. Napatawa mo na naman ako sa joke mo.."

bumigat ang katawan niya kaya hinigpitan ko ang pagkayakap sa kanya.

Birubiru lang naman to di'ba?


hindi naman siguro siya ganito kadali maano eh!

*dug dug* *...*

wala na akong naririnig na tibok ng puso niya.

"Cal..."

Cesia's POV

Kakatapak lang namin sa lupa nang napatigil kami dahil sa isang pagsabog.
Wala namang sound ang sabog pero grabe kasi ang liwanag kaya napapikit kaming
lahat.

"Fuck!"

"Shit!"

"Pucha!"

"Crap!"

sabay-sabay pa silang napamura.

Agad kong nilingon kung saan galing ang pagsabog pagkatapos maalimpungatan sa
sobrang liwanag.

Nakita ko si Cal na nakahandusay at duguan.

Sa likod niya nakatayo ang isa pang nagliliwanag na babae.

Nakakakilabot ang itsura niya. White kasi yung mga mata niya. Hindi yung white na
mga mata ng bulag. Napakawhite nito.

Saka yung mukha niya...

medyo familiar.

Familiar nga ba?


At halatang galit siya. GALIT NA GALIT.

Nakapako lang ang lahat ng atensyon sa kanya.


Not until nagsimula na siyang mag summon ng ball of lights at inihagis kung saan-
saan kaya nagsitakbuhan na kaming lahat.

"Well someone messed with the wrong girl" natatawang sabi ni Chase.

Nakatago kami dito sa likod ng mga matataas na kahoy na makikita lang sa border
between the field and forest.

Nagkakagulo parin kasi sa field dahil sa babae kaya tumigil kami dito para magtago.

"Chase. Pati dito umaandar yang topak mo. Shut. Up." reklamo ni Ria.

"Guys.. haven't you noticed anything?" biglaang tanong ni Kara.

Nagkatinginan kami at sabay sabay na napailing.

"ITS MORNING."

Kusang bumuka ang bibig ko.

Shoot. Totoo nga.

"and the sun is straight looking at us."

Sabay na naman kaming napatingin sa taas kung saan nakatapat ang araw directly sa
field.

"aside sakin, unti-unti na ring nagiging hot." sabat pa ni Chase.

Nararamdaman ko na rin ang tinding init mula sa araw.

Nagkaroon ng katahimikan sa pagitan naming anim.

"She's gonna burn us all wouldn't she?" nag aalanganing tanong ni Dio.

SINONG SHE?!

"Unless..." Iniangat ni Trev ang ulo niya saka ako tinignan.


Sumunod narin silang lahat kaya nagsimula na akong kabahan.

"T-teka.. ba't kayo nakatingin sa'kin?" hindi ko gusto ang mga titig nila.

"You're the one who calmed me when I almost went wild." nagtaka ako sa sinabi ni
Ria.
Yun ba yung sa dorm? Nung nag away sila ni Art?

Aish. ba't di ko gusto ang expressions nila.

"H-ha?"

"You need to stop her." nanlaki ang mga mata ko pagkasabi ni Kara.

"B-bakit ako?" nanginginig na ang mga tuhod ko sa pinapagawa nila.

"Because you can Cesia. You're the only one who can stop her from exterminating all
of us." hinawakan ni Kara ang balikat ko.

"If you can't do it for us.. then do it for her. Save her."

Isa-isa ko silang tinignan.

Ngayon... alam ko na kung sino ang babae.

"You know it would be dangerous. If you really don't want to, we can change the
plan and-"

pinutol ko ang sinabi ni Trev.

"Wag na. Gagawin ko... alam ko namang eto lang ang choice natin eh. Kakayanin ko..
Susubukan at kakayanin."

Hindi man ako nakakapaniwala kung bakit sinabi ko yun, kumawala nalang ako ng isang
buntong-hininga para ilabas ang lahat ng kaba at takot.

"We'll be spreading out..."


Binigyan ako ni Ria ng ngiti

isang malungkot na ngiti.

Nakita ko kung paano sila naglaho sa harap ko.


At ngayon, ako lang mag-isa ang nakatayo dito...

Walang kasama kundi sarili lang.

Nagsimula na akong maglakad sa direksyon ni Art.

For once.

I'm listening to the rage.

Conclusion
Nasa taas ang pet niya na gumagawa ng tornado gamit ang malalaki niyang pakpak para
protektahan si Art.

Walang alamag si Art sa ginagawa niya ngayon.


First time pa niya ito kaya hindi niya nacocontrol ang sarili niya.
Galit lang ang alam niya. Kaya galit rin ang pinapalabas niya.

"What a crybaby!" nilingon ko ang nagsalita.

Si Kaye.

Sa likuran niya, naroon sila Ria at Kara kaharap sila West at Mei.

Sa tingin ko nililigtas pa ng boys sila Sir. May nahahagip kasi akong sparks galing
sa corridor ng Academy. Malamang kuryente yun.

"And you think you can save her?!" napatigil ako sa sinabi niya.

"Maybe that's why good people die young. Because they're dumb. You should know
that..." nakita ko ang pana na hawak-hawak niya.
"Oh wait. Pagpapaganda lang pala ang alam mo. Your mom is a slut. And I know you
are too. I mean. YOU DEMIGODS are useless without your abilities. You're just like
your parents." natatawa niyang sabi.
Kahit punong puno na ang katawan niya ng mga pasa at naligo sa sariling dugo
tumatawa pa rin siya.

Biglang kumulo ang dugo ko sa halakhak niya.

I've heard enough.

and that's enough.

"So tell me... Sino nga ba sa'ting dalawa ang gustong patayin ang anak ng isang
Goddess para makuha ang abilities nito?" I snapped at nagsimulang maglakad sa
direksyon niya.

Siya na naman ang napahinto. Saka nya ako tinaasan ng kilay.


"Excuse me?" saad niya.

MAY PA EXCUSE ME PA SIYANG NALALAMAN.

Tumigil ako sa harap niya at di maiwasang mapansin ang pana.

Siya ang dahilan kung bakit galit si Art ngayon.

Pinatay niya si Cal.

At gusto ko siyang patayin dahil sa lahat ng ginawa niya sa'ming lahat. Dahil sa
ibig niyang saktan ang mga kaibigan ko.

Muntik na akong mamatay dahil sa laban na'to.


At ngayong nawalan na kami ng isa.

GUSTO KONG IBUHOS SA KANYA ANG LAHAT NG GALIT NA NAMUMUO SA LOOB-LOOB KO.

Pero nagbuntong-hininga nalang ako at tinalikuran siya para harapin si Art.

Narinig ko ang tunog ng string sa likuran.

"Fuck!" napalingon ako pagkatapos marinig ang mura niya at nakita siya na
nagpupumigil mula kay Auntie na tinatackle siya.

Balak siguro niyang panain ako katulad ng ginawa niya kay Cal.
Psh.
Sa sobrang focus ko kay Art, nakalimutan ko ang sarili ko.

Sacrifice.

Ganun naman talaga diba? Makakalimutan mo nalang ang sarili mo para sa ibang tao.
Makakalimutan mo ang kahalagahan ng buhay mo dahil buhay ng ibang tao ang inaatupag
mo.

Mawalan ka man ng buhay, wag lang huminto ang ginhawa ng mga taong importante
sa'yo.

Isang anak ng Goddess of Love. Sinakripisyo ang sariling buhay para sa iba.

Kusa akong napangiti.

Kaya ba ganito ako dahil anak ako ni Aphrodite?

Or dahil tao ako. Dahil marunong akong makiramdam sa iba... At isa na yan sa nature
ng isang tao.
Tinignan ko ang pet ni Art na nakayuko sa'kin.

Nasasaktan siya.

At narealize kong... Gumagawa siya ng buhawi hindi para protektahan si Art mula sa
mga kalaban.

Kundi protektahan siya mula sa sarili niya.

Naglalabas si Art ng napakalaking energy na maaaring makapatay sa kanya.

Yung tornado... Eto yung bumabalik sa energy na nilalabas niya. Parang rebound
lang.

Tinanguan ko ang pet ni Art.

Napansin ko ring humina ang buhawi.

Na tila pinapahintulutan niya akong pumasok.


'thank you...' sana narinig yun ng pet niya.

Saka ako pumasok at direktang hinarap si Art.

Sinusubukan kong wag tignan si Cal na nakahandusay sa paanan niya.


At ipako ang tingin ko kay Art...
Nag iba na rin ang itsura niya...

"Art..." pinagpapawisan ako dahil sa init dito sa loob ng buhawi.

"Art.."

Hindi niya pa rin ako naririnig.


Na parang wala ako sa harap niya.

Nakatingin parin sa labas ang nagliliwanag niyang mata.

'Art...' ginamit ko ang inner thought ko.

'Art... Sinasaktan mo ang sarili mo p-please itigil mo na yan..'

Pilit tumutulo ang luha ko.

Alam kong nandiyan si Art...

Hinawakan ko ang magkatapat na balikat niya.


Pero saglit lang dahil sa burn na nakamit ko. Ang init init niya kasi.

Aish.

Naramdaman ko ang tibok ng hapdi sa mga palad ko kaya dumarami ang namumuong luha
sa mga mata ko.

"Wala na si Cal..." narinig kong bulong niya.


Mahina man pero rinig na rinig ko ito.

"Art?!" napahiyaw ako.

Saka siya tumigil. At tumingin sa may bandang likuran ko ng napatagal kaya


napatingin rin ako.

Nandoon sila Auntie at Kaye.

Nanlaki ang mga mata ko pagkatapos malaman ang dahilan kung bakit naka titig siya
sa kanila.

"N-no Art! WAG!"

Pero hindi siya nakinig sa'kin.

At bigla nalang nag slow motion ang lahat ng nangyari.


Ang pagsabog sa kinatatayuan nila Auntie...
Ang matinding liwanag na kumasunod...
At si Auntie...

"ART!" hinarap ko si Art at pinuwersa ang balikat niya.

Alam kong nasusunog na ang palad ko pero hindi. Mas diniin ko pa ang mga kamay ko.

"TAMA NA YAN ART!" sinigawan ko siya.


And with an instant, nasa loob ako ng whiteness...
Isang nakakabulag na lugar dahil wala kang makikita kundi kulay puti...

"Art?" inilibot ko ang tingin ko.

"Wala na si Cal..." nag echo ang boses niya.

Napahawak ako sa dibdib ko. Nakaramdam kasi ako ng piit mula dito.

"Pinatay nila si Cal, Cesia.."

Bumilis ang tibok ng puso ko kasabay ng pagkawala ng hangin sa sistema ko.

Nasa loob ako ng galit ni Art.

At ito yung nararamdaman niya.

Katulad ng nangyari kay Ria nung hinawakan ko siya.

Kinalma ko ang sarili ko.


Hindi ako magpapadala sa galit niya. Nandito ako para tulungan siya.

"Art... Alam kong mahirap..." tumayo ako.


"Mahirap ang pinagdaanan mo.. Ang nakita mo..." nanginginig ang boses ko.
"Pero kasi... Pag walang mahirap... Wala tayo Art. Hindi 'Art' si Art ngayon kung
hindi namatay yung kapatid mo diba?"
Napahawak na naman ako sa dibdib ko. Mas nagalit siya sa sinabi ko.

"bakit?! Ano bang alam mo Cesia?! Hindi ka naman namatayan! Masaya ka! Yung kapatid
ko at si Cal... Isa lang sila sa buhay ko at ngayong wala na sila-"
"wala ka na rin?! Bakit yun lang ba ang alam mo Art?! Dahil napakaimportante nila
sa'yo ganun ba?! Na parang nawalan ka ng parte ng buhay?! Na parang pinatay ka ng
pagkawala nila?!" bumabasa na naman yung pisngi ko at napapaos na ang boses ko.

Pero kakausapin ko hangga't nakikinig pa siya.

"Isipin mo naman Art na nandito pa rin kami! Sana alam mong isa lang rin ang 'Art'
na kilala namin! Yung batang masayahin... Maalaga... Yung adik sa PPG!" humagulgol
na nga ako ng tuluyan.
"Art naman eh! Hindi ito ang Art na kilala ko..."
"Hindi ito ang Art na kilala ni Cal.."
"at hindi ito ang Art na magugustuhan niya!" napaluhod ako dahil sa kusang pagbigat
ng katawan ko.
"Akala mo ba hindi ko nararamdaman ang galit mo?" nanghihina na ang boses ko.

"Ramdam na ramdam ko ang pakiramdam mo Art. Dahil nawalan na ako ng kaibigan..


Nawala na si Auntie ko at ngayon! Di ko gustong madagdagan ang mawawala Art! Ang
Alphas... Kayo... Kayo lang ang natitirang kaibigan ko.. Kayo lang ang mauuwian ko
dahil wala na Art! Walang wala na rin ako! Kung mamamatay lang rin pala kayo edi
sana namatay na rin ako. Pero hindi eh! Naglakas loob akong humarap sa'yo kasi
gusto kong mabuhay tayo! Mag-iiba man ang mundo natin, makita lang kayong masaya at
kasama ko okay na Art! Kayo ang buhay ko! Kayo nalang ang natira na parte ng buhay
ko...k-kayo nalang..."

"k-kaya please! Tumigil kana Art... Sinasaktan mo ang mga taong importante rin
sa'kin. Ang Alphas... at ikaw.."
Tumigil na ako.
Pagod na ako sa kakasigaw.
Gusto kong ibuhos lahat pero naubos na ang kaya ko.

Hanggang dito lang ako.

Nilakasan ko ang pag iyak.


Palpak na naman ako.
Eto.
Ako na mismo ang nagpadala sa sarili kong emosyon.

Nag-iisa pa ring nakaluhod... Umiiyak..

At pagod.

"F-friends pa rin ba tayo?"


iniangat ko ang ulo ko para makita ang pagmumukha ng isang batang nag-aalala.

Tumayo ako at dali-dali siyang niyakap para ipagpatuloy ang iyak sa balikat niya.

Nagawa ko.

Book Note
This part of the book is not a special chapter neither a bonus. The chapter is
rather dedicated to the readers. This section of Olympus Academy is permanent and
will not be deleted by the author.

This part here signifies that the last chapter you've read is the last chapter of
the book.

(Magbasa hanggang sa katapusan.. *wink wink*)

Olympus Academy [Semideus Saga]

Started: March 2016


Completed: September 2016

The Author On

How the story was created:

Nag re-research ako tungkol sa Greek Mythology and then *ting* pumasok sa isip ko
ang modern demigods. NA NASA PILIPINAS. Saka, isa rin akong fan ni Rick Riordan.
Wooh! Percy Jackson!

How the characters were created:

Originally, anim lang dapat sila. Baka kasi hindi niyo mamemorize ang names nila.
Pero marami kasi akong ideal different attitudes for my characters. So yun nga. I
also based their personalities from their deities. I'm really careful about how
each one of them thinks. (POV) Although mahirap, nag-eenjoy rin ako sa ginagawa ko.
Sa magtatanong, nagsusulat ako ng particular POV ng isa sa kanila, pag feel ko
maging sila. Pag seryoso ako, either kay Ria or Dio. Pag galit, Ria. Pag masaya, si
Art syempre or diba Chase. Pag wala lang... Normal mood ko lang, si Cesia. Ganun
haha.

How the plot was formed:

ETO. ETO YUNG PINAKAMAHIRAP. Sa isip ko parang ang dali lang. Pero kapag nagsimula
na akong magpindot ng ilang letra, pinagpapawisan na ako. Ako kasi, gusto ko every
chapter importante (and must contain 1000+ words), Dapat every chapter holds an
important thing that Cesia can use to the near future. Like memories, etc., kung
ano ano ngang scenerio ang lumalabas sa isipan ko eh. Haha. But try to go back sa
chapter entitled 'Answer' yung sinabi ni Kaye lahat, Dun nila marerealize that
everything was planned all along.

And of course I added some more twists to make it more thrilling! (yung ibang chap
nga kinuha ko lang sa mga panaginip ko) Adik kasi ako sa Fantasies!

What she feels about her first book:

Napakasaya kasi nasali yung OA sa top #10 sa Fantasies. At blessed sa mga readers
na walang hanggan ang pagsuporta sa book. Chapter by chapter vinovote talaga nila
saka yung iba nag cocomment pa. Hoo grabe. Nakakatouch.

Her plans:

May iba sa inyo na naghahanap ng loveteams or more kilig moments diba? I'm trying
to so don't worry. Nakatuon kasi ako palagi sa action/fantasy side ng story kaya
medyo mahirap i mix yung romance sa original plot ng part of the story.

May idadagdag rin akong bagong characters. Baka kasi curious kayo kung ano ang
hitsura ng anak ng iba pang gods and goddesses. There's more to come!

Mas iintense ang adventure. Lalong lalo na kay Cesia. I have left hints that means
hindi pa talaga tapos ang story nila. There are questions sa book na hindi pa
nasasagot.

Ex: Sino yung babaeng nagpakita kay Cesia?

Ayan.

FOR THOSE WHO WOULD LIKE TO ASK SOMETHING, JUST COMMENT DOWN BELOW.

ANNOUNCEMENT!

Olympus Academy is the FIRST of the FOUR books of 'Semideus Saga'

Kaya nga Saga eh. Haha.

BONUS ANNOUNCEMENT: May epilogue ang book. Para sa inyo talaga yon.

And I will give you a glimpse of the second book too.

Oo. Ganun ko kayo kamahal.

°°°°
Personal na Msg galing kay Author:

Daghang salamat jod kaayo mga pinalanggang readers nako! Kung wala kayo, ewan ko
nalang kung saan ang tungo ng librong 'to. Kayo ang pinakamahalagang bahagi ng
story na'to!
For your motivating comments and curious questions.
Napapangiti niyo talaga ako all throughout. Sa pagtatyaga niyo sa grammatical
errors/misspelled words ko.

For every word you have read from this book... Is an inch of a smile that has made
way on my face.

Abot langit ngiti ko ganun. Haha.

Sana suportahan nyo rin ang susunod na mga libro.

Sa ngayon, isa po akong estudyante. 15 yrs old and reigning life.

Sana nagustuhan niyo ang story.. First book ko pa eh. Huhu. The struggle iz realz.

Sana mahal niyo sila Cesia katulad ng pagmamahal ko sa kanila.

At sana...
SANA marami kayong mga aral na nakuha sa story na'to that you can use hopefully in
your own lives.

I wish you the best demi-gods!

May you find your odigos that will guide you to where you truly are supposed to
be..

I love you xx. ❤

Epilogue
Cesia's POV
Dali-dali kong kinuha ang ID ko sa table at lumabas ng kwarto.
Nakita ko sila katabi ang kani-kanilang mga bagahe. Agad naman akong nilapitan ni
Ria.
"Wala ka na bang nakalimutan?" tanong niya bago kinuha ang knapsack ko at inabot
ito kay Chase.
Clothes...
Underwears...
Shoes...
Toothbrush...
Nag imaginary headcount ako sa mga necessities na dapat kong dalhin.

Umiling ako "wala na."

Inilibot ko ang tingin ko at nginitian silang anim.

Kompleto na kami.

"Alright!" bakas sa mukha ni Ria ang excitement. Kaming lahat ata sabik na sabik
eh.

Umoo kasi si sir Rio na mag vacation ang Alphas a week after the war.

Ang saya lang no?

Pero kung nandito lang sana si Cal..

Siguro mas magiging masaya ang vacation na'to.

"let's turn-"
"ako na! Ako na! Iiihhhh!!" tumatalon-talon si Art pagkaputol niya sa sasabihin
sana ni Dio.
"Dorm. Turn on vacation mode!" napangiwi ako sa matinis na sigaw niya.

Agad naging dim ang room at automatic na nagsarado yung windows pati veranda.

"waaaahh!! Ang cool talaga!!" yeah. Hanggang ngayon tumatalon-talon pa rin siya.
Ako nga rin eh. Di ko maiwasang mamangha. Naaalala ko kasi yung iilang action
movies na may dimly lit room bilang hiding grounds kung saan gumagawa sila ng
investigation, spying, etc.,
"Let's go!"

Sabay kaming pito na lumabas sa dorm.

Habang naglalakad, dinamdam ko ang kapaligiran.


Bumalik na yung dating aura ng Academy bago maganap ang sekretong digmaan.

Para ngang walang nangyari eh.

Nagtataka siguro ang iilang mga estudyante kung bakit nagdadala kami ng mga bagahe.

Wala akong magawa kundi ngitian lang sila o di kaya mag nod.

Kung pwede ngang isigaw sa kanila na magbabakasyon kami eh. Haha. Pero wag na.

Dumiretso kami palabas ng palasyo at pumunta sa bagong field.

May bagong field na kasi ang Academy.


Eto yung bahagi ng forest kung saan naubos lahat ng nakaturok na kahoy during sa
war. Ginawa nalang nilang field since ang laki-laki ng damage.

Nakita ko ang isang pamilyar na eroplano sa may di kalayuan at napangiti.

Sabay kaming pumasok sa loob at in-arrange ang mga bagahe namin pati sarili.

Umupo ako sa dati kong upuan. Gayundin si Art na tumabi sa'kin dala-dala ang
tatlong PPG Plushies niya.

"Teka.. Wala naman tayong runway ah.. Wala rin tayong cliff para makapag
headstart." narinig kong sabi ni Dio.

Natawa ng marahan si Kara bago inutusan ang eroplano na umandar.

"You forgot about the cliff you created." nakangising sagot ni Kara.

Napatawa rin ako ng mahina.

Gagamitin pala namin yung cliff na ginawa ni Dio nang hinati niya yung lupa last
week.

Mayamaya, nasa himpapawid na nga kami. At katulad ng dati, napakaganda rin ng view
ko.

"Naalala mo yung mission natin ano?" siniko ako ni Art.


Tinanguan ko siya.
Tandang-tanda ko ang unang mission ko sa Academy.
Narinig kong nagbuntong-hininga ang katabi ko saka sinubsob ang mukha niya sa
plushies niya.
"Ang dali lang ng panahon..." saad niya nang nakapikit.
"Naka goodbye kana ba sa auntie mo?" tanong niya.

Nagbunton-hininga ako "Kakapunta ko lang sa puntod niya kagabi. Nag alay na rin ako
ng mga bulaklak.." hindi na ako nagtaka kung bakit tumahimik siya pagkatapos kong
magsalita.

Narinig ko rin ang paglalim ng hininga niya.

"Buti ka pa.. Eh ako, hindi pa nga ako nakapagpaalam kay Cal... Huhu" diniinan niya
ang pagkasubsob sa mga unan.

Sinandal ko ang likuran ko sa seat at napapikit nang narinig ko ulit ang boses ni
Art...
"Namimiss mo rin ba siya?" napangiti ako sa tinanong niya.
"Always.. Ikaw rin?"

Hindi ko alam pero naging komportable na ako pag ganitong usapan..


Hindi nung una na medyo awkward pa.
Oo. Pinatay ni Art si auntie at hindi ko maiiwasan ang galit sa fact na yan. Pero
alam ko naman talagang hindi si Art ang pumatay sa kanya. Well atleast hindi ang
'Art' na kaibigan ko.

Kaya pinapatawad ko na siya.

"sobra..." narinig kong bulong niya.

Overall, ang ganda lang ng byahe namin. Walang sagabal na nangyari. Puro tawanan
lang nung biglang tumigil ang airplane kaya natumba si Chase kasama ang food tray
na dala-dala niya.

"Putcha!" ang sarap naman kasi ng bagsak niya. Nagulat nga ako dahil di pumutok
yung labi niya.
"It was the wind. Don't blame my plane" saad ni Kara.

Nilingon ko si Trev na nasa katapat lang naming upuan.

Across the aisle lang at nakita siyang nakapikit. Pero nahahalata ko rin ang isang
smile of satisfaction na namumuo sa labi niya kaya napangisi rin ako.

Finally, unti-unti na rin kaming lumalapit sa lupa at bumagal na ang lipad namin.
Pinapanood ko lang sa bintana ang mga synchronized waves ng nakakamanghang dagat.

Sa isang beach.

Sa isang beach kami papadpad.

Vacation nga. Haha.

"Alright guys! Welcome to Rio!" sigaw ni Ria pagkatapos huminto na sa pag andar ang
makina.

"Iiiihhh!!!!" nagtitili na naman si Art at dali-daling kinuha ang mga gamit niya.
Sinundan ko lang sila hanggang sa napatigil kami sa harap ng vacation house. Two
floors ito. Made of wood or something like that.

Not until pagkapasok namin dito...

Nabitawan ko ang rollers ko.

Ang laki... Ang ganda...

WAAAAAHHHHHH!!!!!

"kanino to?" bulong ko kay Art.


"Ah... Kay Dio to. Mahilig kasi siya sa beaches. Kaka renovate lang niya" sagot
naman ni Art.

"okay guys... May walong kwarto 'to. Pumili na kayo. Wag lang yung locked one.
Sa'kin yun" nagtinginan kami bago magsitakbuhan papunta sa taas. Syempre, nakauna
na si Chase but that doesn't stop me para piliin ang kwarto na nasa huli kung saan
katapat lang ang beach.

"you guys, don't move!" HAHAHA. ginamitan ko pa talaga ng ability.


Kaya ayan. Ako ang nakauna. Para kasi silang mannequins na nakapause lang.

"pwede na kayong gumalaw" natatawa kong sabi bago pumasok sa kwarto ko.
May malaking glass sa kabilang side ng kwarto kung saan view na view ko ang beach.
Bumagsak ako sa higaan bakas ang isang matagumpay na ngiti.

"KAKAIN PA TAYOOOO!" narinig kong sigaw ni Dio.

Dali-dali akong bumangon at lumabas sa kwarto. Mamaya ko nalang siguro aayusin ang
mga gamit ko.

Magkasabay kaming bumaba nila Art.

Pero napatigil kami dahil sa isang pamilyar na lalaki ang kasalukuyang nakatayo sa
harap namin at nakikipag-usap kay Dio.

Narinig ko ang pag gasp ni Art.

"CAAALLL?!" agad namang napalingon si Cal sa gawi namin.

"CAAALLL!!!!" tumakbo si Art papunta sa kanya para yakapin siya.

Nagkatinginan lang kami bago tuluyang lumapit sa kanila nang nakangisi.

Yep, buhay pa si Cal.


Buhay na buhay.

Nabuhay siya dahil sa malaking energy na nilabas ni Art noon.


Nasa kanya kasi nakatuon lahat ng healing energy ni Art nung nasa loob silang
dalawa sa buhawi.
Hindi nga lang namin siya nakasama papunta dito kasi may mission siya. Next week pa
dapat yung uwi niya eh.

"Ang aga mo ata bru ah?" inakbayan siya ni Chase.


"yeah" napangiti ako sa maikling sagot ni Cal.
"namiss niya ata si Art" natatawa kong sabi.
Sinamaan lang ako ng tingin ni Cal kaya mas lumapad ang ngiti ko.

"Alright. Since we're all here. We should go to the shore. Naghihintay ang dinner."
saad ni Dio.
Lumabas kaming lahat at pinagpatuloy ang tawanan at kwentuhan sa wooden benches na
kakaset-up lang nila.

Sa gitna ay isang circular table. Then sa gitna ng table, may malaking marbled hole
kung saan may bonfire.

Ang cool ngang tignan.

Minamasid ko lang ang dagat habang nakikinig sa kanila.


Medyo gabi na pero may konting liwanag pa naman para maaninag ko kung paano
kumikislap ang crystal clear waters...

"You don't regret being a demigod right?" inabutan niya ako ng pagkain.

Umiling ako.

"And you don't regret enrolling in the Academy?"


Pinagpatuloy ko lang ang panonood sa dagat.

Akala ko nga di ko makakayanan ang pagiging ganito. At first, kinabahan ako..


Natakot.. Pero nawala ang lahat ng takot at kaba ko nung nakilala ko sila.

Dahil ngayon, alam kong hindi na ako nag-iisa.

Kung hindi ko tatanggapin ang pagiging demigod, edi sana di ko sila nakilala. Edi
sana di ako nagkaroon ng mga memories kasama ang Alphas.
At masaya ako dahil pinagpatuloy ko ang pagiging Alpha.

Ni minsan... Di ako nagsisisi na pumasok ako sa mundong 'to. Tanggap ko na na iba


ako.

Kasi ang buhay,

Ma tao man o ma demigod...

It is a matter of choices. At na sa'yo yan kung ano ang kahahantungan mo.

Kung iiling ka ba o tatango.


Ika nga, 'No tree, it is said, can grow to heaven unless its roots reach down to
hell'
The deeper you think of something, the more na naaintindihan mo yun.

The more you think about life... The more you can say na simple lang naman talaga
ang buhay.

Ang pumili ka.

Mabuhay para sa sarili...

O ang mabuhay para sa iba.

And I choose the latter.

Dahil lahat tayo ay nabuhay para gumanap bilang isang parte sa buhay ng isang tao.

Kaya gusto kong mabuhay tayo.

Para sa mga minamahal natin.


"Not one thing." sagot ko sa kanya.

SECOND BOOK !!!


I have promised to give you a glimpse of the second book. So here it is...

That is only the cover. Which I think will be enough for now.

I will release the first chapter after some time. I hope you will wait.

I'm excited too!

Godspeed Demigods!
xx. Author ☆

You might also like