Kabanata 1 Batayang Kaalaman Sa Wika
Kabanata 1 Batayang Kaalaman Sa Wika
LAYUNIN:
1. Nakakapagpahayag ng mga kaisipan at pananaw sa
pamamaraang wasto, malinaw at mabisa tungkol sa wika.
2. Naiisa-isa ang mga pinagmulan ng wika.
3. Nauunawaan ang pagkakasunod-sunod ng pangyayari sa
kasaysayan ng wikang pambansa.
KAHULUGAN NG WIKA
Ang wika ang pinakamahalagang kasangkapan ng tao sa kanyang
pakikipagtalastasan.
Ito ay simbolo na bumubuo ng sistema upang maayos na maisakatuparan ng tao
ang paghahatid ng anumang mensahe.
Wika ang nagsisilbing susi ang bawat tao upang magkaunawaan.
Dito sa Pilipinas, maraming Pilipino an gang nakapagsasalita nang mahigit sa
isang wika.
Tinatawag na bilinggwal ang taong marunong magsalita ng dalawang wika. Kung
isang wika lamang ang alam ng tao, tinatawag siyang monolinggwal. Subalit kung
mahigit sa tatlong wika ang ginagamit ng isang tao gaya ni Dr. Jose Rizal,
tinatawang siyang poliglot.
Isa ring sanhi ng pagkakaiba-iba ng wika ay pagkakahati-hati ng mga pulo o
topograpiya ng bansa. Ang pagkakalayu-layo ng mga pulo at ang heograpikal na
kaayusan nito ay malaking salik sa pagkakaroon ng iba’t ibang wika.
KATANGIAN NG WIKA
1. Ang wika ay isang sistema.
Binubuo ng magkakaugnay na bahagi na maaaring sa anyo o kahulugan.
Ang anyo ay tumutukoy sa magkakaugnay na sistema ng mga tunog,
pagbuo ng salita at mga kaayusan ng salita sa loob ng pangungusap.
Ang pangungusap ay maaaring pagsamahin para makabuo ng isang
diskurso.
Magkakaroon din ng iba’t-ibang pagpapakahulugan sa mga maliliit na yunit
ng mga salita kapag ito’y ginamit sa pangungusap na tinatawag na sintaktik
na kaayusan.
PINAGMULAN NG WIKA
1. TORE NG BABEL
Batay sa istorya ng Bibliya, iisa lang ang wika noong unang panahon kaya’t
walang suliranin sa pakikipagtalastasan ang tao. Naghangad ang tao na higitan
ang kapangyarihan ng Diyos, naging mapagmataas at nag-ambisyong maabot
ang langit, at nagtayo ng pakataas-taas na tore. Mapangahas at mayabang na ang
mga tao, subalit pinatunayan ng Diyos na higit siyang makapangyarihan kaya sa
pamamgitan ng kaniyang kapangyarihan, ginuho niya ang tore.
Ginawang magkakaiba ang Wika ng bawat isa, hindi na magkaintindihan at
naghiwa-hiwalay ayon sa wikang sinasalita. (Genesis kabanata 11:1-8)
2. BOW-WOW
Ayon sa teoryang ito, maaaring ang wika raw ng tao ay mula sa
panggagaya sa mga tunog ng kalikasan. Ang mga primitibong tao diumano ay
kulang na kulang sa mga bokabularyong magagamit. Dahil dito, ang mga bagay-
bagay sa kanilang paligid ay natutunan nilang tagurian sa pamamagitan ng mga
tunog na nalilikha ng mga ito. Marahil ito ang dahilan kung bakit ang tuko ay
tinatawag ng tuko dahil sa tunog na nalilikha ng nasabing insekto.
Pansinin ang mga batang natututo pa lamang magsalita. Hindi ba’t
nagsisimula sila sa panggagaya ng mga tunog, kung kaya’t ang tawag nila sa aso
ay aw-aw at sa pusa ay miyaw. Ngunit kung totoo ito,bakit iba-iba ang tawag sa
aso halimbawa sa iba’t ibang bansa gayong ang tunog na nalilikha ng aso sa man
o sa Tsina ay pareho lamang?
3. DING-DONG
Kahawig ng teoryang bow-bow, nagkaroon daw ng wika ang tao, ayon sa
teoryang ito, sa pamamagitan ng mga tunog na nalilikha ng mga bagay-bagay sa
paligid. Ngunit ang teoryang ito ay hindi limitado sa mga kalikasan lamang kundi
maging sa mga bagay na likha ng tao. Ayon sa teoryang ito, lahat ng bagay ay
may sariling tunog na siyang kumakatawan sa bawat isa at ang tunog niyon ang
siyang ginagad ng mga sinaunang tao na kalauna’y nagpabagu-bago at nilapatan
ng iba’t ibang kahulugan. Tinawag din ito ni Max Muller na simbolismo ng tunog.
4. POOH-POOH
Unang natutong magsalita ang mga tao, ayon teoryang ito, nang hindi
sinasadya ay napabulalas sila bunga ng mga masisidhing damdamin tulad ng
sakit, tuwa, sarap, kalungkutan, takot, pagkabigla at iba pa.
Pansinin nga naman ang isang Pilipinong napapabulalas sa sakit. Hindi
ba’t siya’ y napapa-Aray! Samantalang ang mga Amerikano ay napapa-ouch!
Ano’ng naibubulalas natin kung tayo’y nakadarama ng tuwa? Ng sarap? Ng takot?
5. YO-HE-HO
Pinaniniwalaan ng linggwistang si A.S. Diamond (sa Berel, 2003) na ang
tao ay natutong magsalita bunga diumano ng kanyang pwersang pisikal. Hindi nga
ba’t tayo’y nakalilikha rin ng tunog kapag tayo’y nag-eeksert ng pwersa.
Halimbawa, ano’ng tunog ang nililikha natin kapag tayo’y nagbubuhat ng
mabibigat na bagay, kapag tayo’y sumusuntok o nangangarate o kapag ang mga
ina ay nanganganak?
6. YUM-YUM
Katulad ng teoryang ta-ta, sinasabi rito na ang tao ay tutugon sa
pamamagitan ng pagkumpas sa alinmang bagay na nangangailangan ng aksiyon.
Ang pagtugong ito ay isinasagawa sa pamamagitan ng bibig ayon sa posisyon ng
dila. Katulad halos ng teoryang ta-ta ang paliwanag ng mga proponent ng teoryang
ito sa pinagmulan ng wika.
TUNGKULIN NG WIKA
Ang wika ay mahalagang instrumento sa pakikipagtalastasan. Ang tungkulin ng
wika ay nag-uugat sa nabuong sistema ng isang kultura ayon sa pamantayan ng
paniniwala, tradisyong, pag-uugali at kung paano nakikisalamuha ang tao.
Batay sa prinsipyo ni Ferdinand de Saussure, functionalist, mas kailangan daw
pagtuunan ang anyo at paraan ng wikang ginagamit ng isang nagsasalita sa halip na
pagtuunan ang kahulugan nito. Marami sa gumagamit ng wika ang nagbibigay-pansin
sa kahulugan sa halip na sa anyo kung paano ipinapahayag ang wikang ginagamit,
subalit sa katunayan, ang kahulugan ng sinasabi ng nagsasalita ay nakasalalay sa
patraan at nayo ng pagsasalita.,
Ayon kay Emile Durkheim (1985), isa sa mga tagasunod nio Saussure at
tinaguriang “Ama ng Makabagong Sosyolohiya,”ang lipunan ay nabubuo sa
pamamagitan ng mga taong naninirahan sa isang pook o lokalidad at ang bawat isa ay
may kanya-kanyang papel na ginagampanan. Binibigyang-diin din ni Durkheim na ang
kalikasan ng buhay ay nagmumula sa isang maayos na lipunan.
Ayon naman kay Jakobson (2003), may anim na paraan ng paggamit ng wika.
1. Pagpapahayag ng damdamin (emotive)- ginagamit ang wika upang palutangin
ang karakter ng nagsasalita.
Halimbawa :Masaya ako sa bayang kinagisnan ko.
2. Panghihikayat (conative)- ginagamit ang wika upang mag-utos, manghikayat o
magpakilos ng taong kinakausap.
Halimbawa : Magluto ka nang maaga dahil maagang darating ang mga panauhin.
Bilhin ninyo ang sabong na ito.
3. Pagsisimula ng pakikipag-ugnayan (Phatic)- ginagamit ang wika bilang
panimula ng isang usapan o pakikipag-ugnayan sa kapwa.
Halimbawa : Kamusta ka? Saan ka nanggaling?
4. Paggamit bilang sanggunian (referential)- ginagamit ang wikang nagmula sa
aklat at iba pang babasahin bilang sanggunian o batayan ng pinagmulan ng
kaalaman.
Halimbawa :
Ayon kay Aristotle, sa kanyang aklat na Retorika, kailangang makilala muna ng
isang manunulat ang sarili bago siya magsimulang sumulat.\
Halimbawa: Hindi sila nagkita sapagkat inihasik sa kanilang isip na ang pagkikita
nila ay masama, tukso. At sa kanilangbaging daigdig ng aklat, ng mataas na gusali
ng malayong kabataan sa kapaligiran, ang isipang iyon ay parang tabak na
nakabitin sa kanilang ulo o kaya’y tulad din ng sanga ng punungkahoy.
-Mula sa “Bagong Paraiso” ni Efren Abueg.
M.A.K Halliday - Inilahad niya na may pitong tungkulin ng wika sa Explorations in the
Functions of Language (1973)
1. Instrumental
2. Regulatori
3. Interaksyonal
4. Personal
5. Heuristiko
6. Imahinatibo
7. Impormatibo
Tumutukoy sa pagpapahayag ng datos at
impormasyon.
1. Tagalog
2. Cebuano
3. Ilokano
4. Hiligaynon
5. Bikol
6. Samar-Leyte o Waray
7. Pampango o Kapampangan
8. Pangasinan o Pangalatok
Suriang Wikang Pambansa (SWP) -itinatag noong Nobyembre 13, 1936 ng Batas
Pambansa Blg. 184 (binuo ng Saligang Batas Pambansang Asamblea) pinili ang Tagalog
bilang batayan ng bagong Pambansang Wika.
Disyembre 30, 1937 - pinili at ipirinoklama ni Pangulong Quezon ang Tagalog bilang
batayan ng bagong pambansang wika.
A. Ang Alibata
- ipinalalagay na katutubo at kauna-unahang abakada o alpabetong Filipino
- binubuo ng tatlong patinig at 14 na katinig
Kabuuan ng Patinig
B. Alpabetong Tagalog
- binubuo ng limang patinig at 15 katinig
patinig: a, e ,i, o, u
katinig: b, k, d, g, h, l, m, n, ng, p, r, s, t, fw, y
Ilang tuntunin:
1. Sa pagsulat ng mga katutubo at mga hiram na karaniwang salita ay susundin
pa rin na kung ano ang bigkas ay siyang sulat at kung ano ang sulat ay siyang
basa.
2. Ang dagdag na walong letra ay gagamitin sa pagbaybay ng:
a. pantanging ngalan tulad ng tao, lugar, gusali, sasakyan, at
b. salitang katutubo mula sa ibang wika sa Pilipinas
3. Sa panghihiram mula sa Ingles at iba pang banyagang wika, ang pagbabaybay
ay naaayon sa sumusunod na paraan:
a) kung konsistent sa Filipino ang baybay ng salita, hiramin ito nang
walang pagbabago e.g. reporter, editor, soprano, memorandum
b) kung hindi konsistent ang baybay ng salita, hiramin ito at baybayin
nang konsistent, ayon sa simulaing kung ano ang bigkas ay siyang
sulat at kungano ang sulat ay siyang basa. e.g. control-kontrol
leader-lider candy-kendi
c) May mga salita sa Ingles o iba pang banyagang wika na
makabubuting pansamantalang hiramin sa orihinal na anyo tulad ng
mga salitang malayo na ang baybay ayon sa alpabeting Filipino.
e.g. clutch brochure doughnut
E. 2001 Alfabeto at Binagong Patnubay sa Pagbaybay
- Pinamunuan ng Komisyon ng Wikang Filipino sa pangunguna ni Rosario E.
Maminta
- Hinati sa dalawang pangkat ang walong dagdag na letra
- Unang pangkat: f, j, v, z
- may ponemikong katangian at may sariling tunog na hindi nagbabagu-bago kaya
sa pagbaybay ng mga hiram na salita , gagamitin lamang ang mga letrang ito
e.g. Formalismo sabjek volyum
Ikalawang pangkat: c, ñ, q, x
- kumakatawan sa mahigit pa sa isang tunog. Hindi ito kumakatawan sa iisa at
tiyak na yunit ng tunog sa palatunugang Ingles, kundi nakatutunog pa ng isang
letra
e.g. central-sentral cabinet-kabinet
Espanyol Filipino
Cheque Tseke
Litro Litro
Liqiud Likido
Sasakyan Pangyayari
Qantas Airlines First Quarter Storm
Doňa El Niňo
3. Gamitin ang mga letrang F, J, V, Z para katawanin ang mga tunod, /f/, /j/, /v/, /z/ kapag
binabaybay sa Filipino ang salitang hiram.
Halimbawa:
Fixer → fikser
Subject → sabjek
Vertical → vertikal
4. Gamitin ang mga letrang C, Ň, Q, X sa mga salitang hiniram nang buo.
Halimbawa
Cornice Reflex Xenophobia
Cell Requiem Cataluňa
1. DAYALEK
2. IDYOLEK
3. SOSYOLEK
4. ETNOLEK
Ito ay barayti ng wika mula sa mga
etnolongguwistikong grupo. Mula sa
pinagsamang etniko at dialek, taglay nito ang
mga salitang nagiging bahagi na ng
pagkakakilanlan ng isang pangkat-etniko.
5. REGISTER
6. PIDGIN AT CREOLE
Ang nangyari nang dumayo ang mga Espanyol sa Zamboanga at makipag-usap sila sa
mga katutubo roon. Dahil pareho silang walang nalalaman sa wika ng bawat isa kaya
nagkaroon sila ng tinatawag sa makeshift language. Sa kaso ng mga Espanyol at
katutubo ng Zamboanga, nakalikha sila ng wikang may pinaghalong Espanyol at wikang
katutubo. Pidgin ang tawag sa nabuo nilang wika.