Republic of the Philippines
Department of Education
REGION III
SCHOOLS DIVISION OF TARLAC PROVINCE
GERONA NORTH DISTRICT
FIRST QUARTER EXAM in
Grade 11- Komunikasyon at Pananaliksik Tungo sa Wika at Kulturang Pilipino
S.Y. 2022-2023
Name: __________________________________________ Date: ____________________________
Score: __________________________________________
Panuto: Piliin ang tamang sagot mula sa mga pagpipilian sa bawat aytem.Isulat lamang ang titik o letra ng mapipili
mong sagot sa patlang.
______ 1. Ginagamit ang Wikang Filipino upang magkaintindihan ang mga Pilipinong may iba’t ibang Unang wikang
kinagisnan. Ang Filipino rito ay ginagamit bilang______.
a. Wikang Pambansa b. Wikang Opisyal
c. Lingua Franca d. Wikang Panturo
______ 2. Kung ang wika ay ginagamit bilang wika sa mga transaksyon at/o komunikasyon sa gobyerno, pasulat man
o pasalita,gamit ito bilang _____.
a. Lingua franca b. Wikang Pambansa
c. Wikang Opisyal d. Wikang Panturo
______ 3. Ayon sa kanya, ang wika ay isang sistema ng mga tunog na isinaayos sa paraang arbitraryo.
a. Paz Hernandez b. Henry Allan Gleason,Jr.
c. Charles Darwin d. Lope K. Santos
_______4. Ang katutubong wika na ginagamit sa buong Pilipinas bilang wika ng komunikasyon ng mga etnikong
grupo.
a. Filipino b. Ilokano
c. Bisaya d.Waray
_______5. Ayon kay ________, ang wika ay sistema ng tunog o sagisag na ginagamit ng mga tao sa komunikasyon.
a. Sapiro b. Hemphill
c. Gleason d. Hutch
_______6. Ipinapahayag sa Sek.7 artikulo bilang ______ ng Saligang batas ng 1987 na ang Wikang Opisyal sa Pilipinas
ay Filipino hangga’t walang ibang itinatadhana ang batas,gagamitin din ang Wikang Ingles.
a. XV b. XII
c. XIV d.XVI
_______7. Ano ang ating wikang Pambansa?
a. Ingles b. Ilocano
c. Tagalog d. Filipino
_______8. Ayon kay _________, ang wika ay isang makataong pamamaraan ng paghahatid ng mga kaisipan, damdamin
at kaparaanang lumikha ng tunog.
a. Gleason b. Sapiro
c. Quezon d. Hemphill
_______9. Anong wikang ginagamit bilang wikang panturo sa mga paaralang Pang-sekundarya?
a. Tagalog at Bisaya b. Maranao at Bisaya
c. Ingles at Filipino d. Ingles at Kastila
_______10. Ang tawag sa wikang opisyal na wikang ginagamit sa pormal na edukasyon.
a. Wikang Panturo c. Wikang Pambansa
b. Wikang Opisyal d.Wikang Pandaigdig
_______11. Ano ang pagkakaiba ng Monolingguwalismo and Monolingguwal?
Address: Quezon, Gerona, Tarlac
Email Address:
[email protected] Contact No: 09214614141
a. Pareho lang sila
b. Ang Monolingguwalismo ay para sa bansa at ang Monolingguwal ay para sa tao
c. Ang Monolingguwal ay para sa bata at ang Monolingguwalismo ay para sa matanda
d. Wala sa nabanggit
_______12. Kapag Si Joe nagsasalita ng Ingles at Tagalog higit na maiging gamitin ang Filipino sa usaping ito, siya ba
ay isang Monolingguwal?
a. Oo b. Hindi
c. Pareho lang d. Tama
_______13. Ano ang Bilingguwalismo?
a. Ito ay ang tawag sa paggamit ng maraming lenggwahe o wika
b. Ito ay ang tawag sa paggamit ng dalawang uri ng lenggwahe o wika
c. Ito ay ang tawag sa paggamit ng wika
d. Ito ay ang tawag sa wika
_______14. Ano ang Bilingguwal?
a. Ang tawag sa taong may kakayahang gumamit ng dalawang wika o dayalekto
b. Ang tawag sa taong may kakayahang magsalita
c. Ang tawag sa taong may kakayahang gumamit ng wika o dayalekto
d. Ang tawag sa dalawang wika o dayalekto
_______15. Ang isang tao ay masasabi nating bilingguwal kung may kakayahan itong gumamit ng dalawang wika o
dayalekto nang may _________?
a. Kaalaman b. kahusayan
c. Kasipagan d. kababawan
_______16. Ano ang Multilingguwalismo?
a. Kakayahang makapagsalita ng higit sa isang wika
b. Kakayahang makapagsalita ng isang wika
c. Kakayahan ng isang indibidwal na gumamit ng dalawang wika
d. Kakayahang makapagsalita ng higit sa dalawang wika
_______ 17. Sinong bayani Pilipino ang may kakayahang magsalita ng iba't ibang lengguwahe?
a. Emilio Aguinaldo b. Apolinario Mabini
c. Andres Bonifacio d. Dr. Jose Rizal
_______ 18. Ano ang salin sa wikang Filipino ng "what an extravagant dress you're wearing!"?
a. "O kay gara ng iyong kasuotan!"
b. "O kay ganda ng iyong kasuotan!"
c. "O kay galing ng iyong kasuotan!"
d. "O kay grande ng iyong kasuotan!
_______ 19. Ano ang madalas gamitin na lingguwahe nating mga Pilipino sa kasalukuyan?
a. Bisaya at Espanyol b. Tagalog at Bisaya
c. Filipino at Espanyol d. Ingles at Filipino
_______20. Ano ang tagalog sa Filipino ang "oyster"?
a. taluba b. kangkong
c. talaba d. taho
_______21. Kilalang-kilala ng madlang tagapanood ang paraan ng pagsasalita ni Noli De Castro lalo na kapag sinasabi
niya ang pamoso niyang linyang “Magandang Gabi, Bayan!”
a. Etnolek b. Dayalek
c. Sosyolek d. Idyolek
_______22. Nagtatagalog din ang mga taga- Morong, Rizal pero may punto silang kakaiba sa Tagalog ng mga taga-
Metro Manila.
a. Dayalek b. Sosyolek
c. Idyolek d. Etnolek
_______23. Marami ang gumagaya sa paraan ng pagsasalita ng Kris Aquino lalo na ang malutong niyang “Ah, ha, ha!
Okey! Darla! Halika!”
a. Sosyolek b. Idyolek
c. Etnolek d. Dayalek
_______24. Nagtagpo ang mga unang nakipagkalakalang Tsino at mga katutubo sa Binondo bago pa man dumating
ang mga Espanyol. Dahil parehong walang alam sa wikain ng isa’t isa, bumuo sila ng wikang walang sinusunod na
estruktura at hindi pag-aari ng sinuman sa kanila.
a. Idyolek b. Etnolek
c. Pidgin d. Creole
_______25. Habang naghahanda ng report o ulat ang magkaibigang Rio at Len ay maharot at nakatatawa ang
ginagamit nilang mga salita subalit nang maihanda ang mga kagamitan at magsimula silang mag-ulat sa harap ng
klase at ng guro ay biglang nag-iba at naging pormal ang paraan nila ng pagsasalita.
a. Sosyolek b. Etnolek
c. Register d. Idyolek
_______26. Litong-lito si Gabrielle sa dami ng kanyang takdang-gawain kaya naisipan na lamang niyang pumunta sa
Silid-aklatan upang magsaliksik.
a. Instrumental b. Heuristik
c. Imahinatibo d. Regulatori
_______27. Naging maayos ang pag-uusap ng Pilipinas at China na humantong sa pagkakaroon ng kasunduan upang
malutas ang sigalot sa pinag-aagawang teritoryo ng dalawang bansa sa West Philippine Sea.
a. Personal b. Heuristik
c. Imahinatibo d. Regulatori
_______28. Simula nang maglagay ng mga babala ang MMDA sa mga kalsada nabawasan ang mga aksidenteng dulot
ng hindi pagtawid sa tamang daanan.
a. Personal b. Instrumental
c. Interaksyonal d. Regulatori
_______29. Marami ang dumalo sa panayam ni Pangulong Duterte tungkol sa kaniyang layuning masugpo ang
kriminalidad sa bansa kamakailan lamang.
a. Heuristik b. Impormatibo
c. Imahinatibo d. Instrumental
_______30. Nahirapan si Caeli sa pagbabagong nangyayari sa kanyang buhay kaya naman nagsimula siyang magsulat
ng mga saloobin niya sa kanyang talaarawan.
a. Personal b. Instrumental
c. Interaksyonal d. Regulatori
_______31. Masayang nagbabatian at nagkukumustahan ang mga tao sa pagdiriwang ng Dinagsa Festival sa Cadiz.
a. Personal b. Instrumental
c. Interaksyonal d. Regulatori
_______32. Bagaman unang subok ni Mika na magluto ng cake naging masarap ang kinalabasan ng kanyang luto dahil
matamang sinunod niya ang pamaraan ngpagluto nito.
a. Personal b. Instrumental
c. Interaksyonal d. Regulatori
_______33. Marami na sa mga kabataan ngayon ang nanonood at nakikinig ng Makabagong Tula dahil sa mga
matatalinhaga at masining na pagpapahayag.
a. Heuristik b. Impormatibo
c. Imahinatibo d. Instrumental
_______34. Nanood kami kagabi ng pag-uulat sa telebisyon tungkol sa paparating nabagyo sa ating bansa.
a. Heuristik b. Impormatibo
c. Imahinatibo d. Instrumental
_______35. Nahumaling si Nathaniel sa nakita niyang patalastas na may tagline na "Wala pa ring tatalo sa Alaska!"
kaya bumili siya nito.
a. Heuristik b. Impormatibo
c. Imahinatibo d. Instrumental
_______37. Instrumento na ginagamit sa pakikipagtalastasan upang magkaunawaan ang bawat isa.
a. wika b. text message
c. social media d. sign language
_______38. Sa aling sitwasyon makikita ang higit na kahalagahan ng Wikang Pambansa?
a. kausap ang ina sa telepono
b. binatang nanliligaw sa kanyang napupusuan
c. naliligaw ng daan
d. nanonood ng balita
_______39. Magpapadala ka ng liham sa iyong magulang sa probinsya. Anong wika ang iyong gagamitin?
a. Lingua Franca b. Wikang Filipino
c. Wikang Ingles d. Unang Wika
_______40. May lalaking lumapit sa iyo at itinanong kung saan matatagpuan ang istasyon ng pulis.
a. Interaksiyon b. Personal
c. Heuristiko d. Regulatori
_______41. Ano ang katutubong wika na ginamit sa Pilipinas bilang wika ng komunikasyon?
a. Ingles b. Filipino
c. Taglish d. Cebuano
_______42. Ang KWF ay ang pangunahing ahensiya ng pamahalaan na binuo upangmagsagawa ng mga pananaliksik,
paglilinang, pagpapalaganap, at pagpapaunlad ng Filipino at iba pang wika sa bansa. Ano ang kinakatawan
ng acronym na KWF?
a. Kawanihan ng Wikang Filipino b. Komisyon ng Wikang Filipino
c. Kaukulang Wikang Filipino d. Kongregasyong ng Wikang Filipino
_______43. Sa panahon ng pagsasarili, ano naging wikang opisyal?
a. Tagalog at Ingles b. Filipino
c. Taglish d. Cebuano
_______44. Sa panahong ito ipinaturo ang Nihonggo at inalis ang Ingles.
a. Rebolusyunaryo b. Hapon
c. Amerikano d. Pagsasarili
_______45. Naging masigasig at masigla ang mga Pilipino sa paggamit ng sariling wika sa panahong ito.
a. Amerikano b. Pagsasarili
c. Kasalukuyan d. Hapon
_______46. Nagmula sa dalawang (2) salitang sanay at pagsasalaysay, na isang piraso ng sulatin na kadalasan
naglalaman ng punto de vista (pananaw) ng may katha pagpuna, opinyon, impormasyon, obserbasyon, kuru-kuro,
pang-araw-araw na pangyayari, ala-ala ng nakaraan at pagmumuni-muni ng isang tao
a. Talumpati b. Sanaysay
c. Maikling Kuwento d. Dula
_______47. Uri ng Sanaysay na tumatalakay sa mga paksang magaan, karaniwan, pang-araw-araw at personal
karaniwang nagtataglay ng opinyon, kuru- kuro at paglalarawan ng isang may akda; naglalaman ng nasasaloob at
kaisipan tungkol sa iba’t ibang bagay at mga pangyayari na nakikita at nararanasan ng may akda
a. Pormal b. Di-pormal
c. Sanaysay na Naglalarawan d. Sanaysay na Nagkukuwento
_______48. Itinuturing na pinakamahalagang bahagi ng isang sanaysay sapagkat ito ang unang titingnan ng mga
mambabasa at dapat nakapupukaw ng atensyon.
a. Panimula b. Katawan
c. Wakas d. Konklusyon
_______49. Bahagi ng sanaysay na tumatalakay sa mahahalagang puntos ukol sa tema at nilalaman ng sanaysay.
a. Panimula b. Katawan
c. Wakas d. Konklusyon
_______50. Mabisa itong magagamit sa pangangalap ng opinyon at katwiran ng ibang tao na nabibilang sa isang
pangkat.
a. Pagsasarbey b. interbyu
c. sounding-out-friends d. brainstorming
Prepared by:
KRISTINE BERNADETTE T. MARTINEZ
Subject Teacher
Checked by:
JOSEPHEN D. LACAYANGA
HT – III
Noted:
WILLY Q. MAMARADLO
Principal I