Noli Me Tangere Buod ng Buong Kwento
Ang binatang si Juan Crisostomo Ibarra ay isang Pilipino ngunit siya ay pinag-aral ng
ama na si Don Rafael sa ibang bansa. Mahigit pitong taon itong tumira sa Europa bago
ito muling bumalik ng Pilipinas.
Naghanda ng malaking salu-salo sa bahay ni Kapitan Tiago upang salubungin ang
binata. Inimbitahan din ang ilang panauhin katulad nina Padre Damaso, Padre Sibyla,
Tinyente Guevarra, Donya Victorina, at ilang may impluwensya sa lipunan.
Ipinahiya ni Padre Damaso, ang dating kura ng San Diego, si Ibarra ngunit wala itong
ginawa bagkus pinagpasensyahan lang niya ang pari. Magalang itong nagpaalam at
nagdahilang may ibang pupuntahan.
Si Maria Clara ang magandang kasintahan ni Crisostomo Ibarra. Siya ang anak-anakan ni
Kapitan Tiago, mayamang taga-Tondo.
Dumalaw si Ibarra kay Maria Clara kinabukasan pagkatapos dumalo sa pagtitipon.
Nagkaroon ng pagkakataon ang magkasintahan na muling balikan ang kanilang mga
ala-ala. Muling binasa ng dalaga ang liham na binigay ng binate bago pa ito tumungo
sa Europa.
Pinuntahan naman ni Ibarra si Tinyente Guevarra bago ito umalis upang ipagtapat ang
pagkamatay ng ama. Isinalaysay ng tinyente na naakusahan ang ama na erehe at
pilibustero dahil sa hindi nito pagsisimba at pangungumpisal.
Ipinakulong si Don Rafael dahil sa pagkamatay ng isang Kastila sa kasalanang di naman
siya ang may gawa. Malapit na sanang malutas ang paglilitis nang magkasakit at
kalauna’y namatay ang ama ni Ibarra.
Ipinag-utos ni Padre Damaso sa isang sepulturero na hukayin ang bangkay nito at ilipat
sa libingan ng mga Intsik. Dahil sa lakas ng ulan ay hindi kinaya na buhatin ang bangkay
kung kaya’t itinapon nalang ito sa lawa.
Sa kabila ng nangyari ay hindi hinangad ni Ibarra na makapaghiganti, sa halip
ipinagpatuloy niya ang adhikain ng ama na makapagtayo ng paaralan.
Naghanda ng isang pananghalian si Ibarra pagkatapos ng pagbabasbas. Muli na
namang tinira ni Padre Damaso ang binata.
Sa pagkakataong ito ay hindi na nakapagpigil si Ibarra. Kamuntikan na niyang saksakin
ang pari kung hindi lang siya napigilan ni Maria Clara. Dahil sa nagawa ni Ibarra ay
naging ekskumunikado siya.
Sinamantala ni Padre Damaso ang pagiging ekskomunikado ni Ibarra at inutusan si
Kapitan Tiago na itigil ang pagpapakasal ni Maria Clara kay Ibarra. Nagpasya si Padre
Damaso na ipakasal si Maria Clara kay Alfonso Linares.
Sa labis na pagdaramdam ng dalaga ay nagkasakit ito. Sa tulong ng Kapitan Heneral ay
napawalang bisa ang pagiging ekskomunikado ni Ibarra.
Subalit may mga taong sumalakay sa kwartel at si Ibarra ang pinagbintangan. Kahit
walang kasalanan ay dinakip at binilanggo ang binata. Nakatakas si Ibarra sa tulong ni
Elias.
Nabigyan naman ng pagkakataon ang magkasintahan na makapag-usap bago gawin
ang planong pagtakas. Doon nalaman ni Ibarra na si Padre Damaso ang totoong ama ni
Maria Clara kung kaya’t tutol ito sa pagmamahalan at planong pagpapakasal ng dalawa.
Gamit ang bangka ay tinakas ni Elias si Ibarra. Nakalagpas man sila sa ilang gwardiya
sibil nasundan pa din ang kanilang bangkang sinasakyan. Inisip ni Elias na iligaw ang
mga humahabol sa pamamagitan ng paglusong nito sa tubig.
Sa pag-aakalang si Ibarra ang tumalon ay hinabol at pinaputukan ng mga sibil
hanggang sa magkulay dugo ang tubig. Nawalan ng pag-asawa si Maria Clara dahil
pag-aakalang patay na si Ibarra.
Napagdesisyunan nitong pumasok sa kumbento upang maging isang madre. Napilitang
pumayag si Padre Damaso sa dalaga dahil magpapakamatay daw ito pag hindi ito
pumayag.
Noche Buena na nang makarating si Elias sa gubat ng mga Ibarra na sugatan at
nanghihina. Doon ay natagpuan niya si Basilio at malamig na bangkay ni Sisa.
Bago tuluyang bawian ng buhay ay nanalangin si Elias. Mamamatay siyang hindi nakikita
ang maningning na pagbukang liwayway. Ngunit para sa mga makakakita, bilin niya na
batiin ito at huwag ding makakalimot sa mga nabulid sa dilim ng gabi.
PAGKILALA SA MAY AKDA
Ang Noli Me Tangere ay isang nobelang isinulat ni Jose Rizal,At inilathala noong 1887, sa
Europa. Hango sa Latin ang pamagatnito na nitomay kahulugang “huwag mo akong salingin ( o
hawakan )”.Sinipi ito mula sa San Juan 20:17 kung saan sinabi ni Hesus kayMaria Magdalena na
“ Huwag mo akong salingin sapagkat hindiPa ako nakaaakyat sa aking ama.” Mas madalas itong
tinatawagNa Noli; at ang salin nito sa Ingles ay Social Cancer. SinundanIto ng El Filibusterismo
URI NG PANITIKAN
Ang Noli Me Tangere ay isang nobela na uri ng kwento.Ang nobelang ito ay sumasalaysay
saconflict problemang“Man vs. Society” o “Tao laban sa Lipunan.”Ang Noli Me Tangere ay
tungkol sa mga lipunan. DitoIsinalaysay ni Rizal ang kahirapan sinapit ng mga PilipinoSa
gobyerno ng kastila . Ang El Filibusterismo ay kwentonaman tungkol sa paghihiganti . Ang
paghihiganti ni CrisostomoIbarra sa gobyerno ng kastila kaya iniba niya ang kanyangPangalan at
katauhan, siya na si Simuon, ang mag – aalahas.Inalay ni Rizal ang El Filibusterismo sa 3 Pari
ang GOMZURA.
TEMA AT PAKSA SA MAY AKDA
Ang temang tinalakay sa nobelang Noli Me Tangere ay ang mgaHindi katanggap-tanggap na
Gawain ng mga kinauukulan sa pamahalaan at simbahan noong panahon ng mga
kastila sa Pilipinas. Ipanapakita ng nobela ang mga kanser ng lipunan na maaring kapulutan
ng aral ng mgamambabasa. Dahil sa pagmumulatng nobela hinggil sa mga kanser na ito,
nagagawang palakasin ang inspirasyongng mga kabatan na baguhin ang Sistema sa lipunan.
LAYUNIN NG MAY AKDA
Ayon sa liham ni Dr. Jose Rizal kay Dr. Ferdinand Blumentritt,Ang mga layunin nya ay ang mga
sumusunod: Matugon ang paninirangP u r i n g i p i n a r a t a n g m g a k a s t i l a s a m g a
P i l i p i n o a t s a b a n s a . M a i u l a t a n g kalagayang panlipunan, uri ng pamumuhay, mga
paniniwala,pag-asa,mithiin o
adhikain,karaingan at kalungkutan. Maihayag ang maling paggamit ng relihiyon ng
ginagawang dahilan o sangkalan sa paggawa ng masama. Maipaliwanag angp a g k a k a i b a
ng tunay sa di-tunay na relihiyon. Mailantad ang kasamaang nakakubli sa
k a r i n g a l a n n g p a m a h a l a a n . M a i l a r a w a n a n g m g a k a m a l i a a n , masamang hilig,
kapintasan at kahirapan sabuhay
Noli Me Tangere Tauhan at Kanilang mga
Katangian
1. Juan Crisostomo Ibarra y Magsalin
Anak ni Don Rafael; kasintahan ni Maria Clara; pangunahing tauhan sa nobela
2. Maria Clara
Kasintahan ni Crisostomo Ibarra; anak-anakan ni Kapitan Tiago; anak ni Pia
Alba at ng paring si Padre Damaso
3. Kapitan Tiago o Don Santiago de los Santos
Ama-amahan ni Maria Clara; asawa ni Pia Alba
4. Pia Alba
Asawa ni Kapitan Tiago; hinalay ni Padre Damaso; ina ni Maria ClarA
5. Tiya Isabel
Tiya ni Maria Clara at tumulong sa pagpapalaki dito; pinsan ni Kapitan Tiago
6. Don Rafael Ibarra
Ama ni Crisostomo Ibarra; mayaman kung kaya’t labis na kinainggitan ni Padre
Damaso
7. Don Saturnino
Lolo ni Crisostomo Ibarra
8. Kapitan Heneral
Pinakamakapangyarihang opisyal ng Espanya sa Pilipinas
9. Don Pedro Eibarrimendia
Ninuno ni Crisostomo Ibarra na naging dahilan ng matinding kasawian ng
nuno ni Elias
10. Padre Damaso Verdolagas
Ninong ni Maria Clara; humalay kay Pia Alba; nagpahukay sa bangkay ni Don
Rafael
11. Padre Bernardo Salvi
Kurang pumalit kay Padre Damaso; nagkaroon ng lihim na pagtingin kay
Maria Clara
12. Padre Hernando De La Sibyla
Kura ng Tanawan; palihim na sumusubaybay kay Crisostomo Ibarra
13. Pilosopo Tasyo o Don Anastacio
Matalino ngunit tingin ng karamihan ay baliw
14. Donya Victorina de los Reyes de Espadaña
Nagpapanggap na Kastila; asawa ni Don Tiburcio
15. Don Tiburcio de Espadaña
Isang pilay na Kastilang napadpad sa Pilipinas; asawa ni Donya Victorina;
nagpanggap na doctor
16. Donya Consolacion
Asawa ng alperes; malupit at masama ang ugali
17. Alperes
Asawa ni Donya Consolacion; lider ng mga gwardiya sibil; kaagaw ng kura sa
kapangyarihan sa San Diego
18. Kapitan Pablo
Kapitan ng mga tulisan; tinuturing na ama ni Elias
19. Don Filipo Lino
Ama ni Sinang; Bise-Alkalde
20. Elias
Nagligtas kay Crisostomo Ibarra; anak ng angkang kaaway ng mga ninuno ni
Ibarra
21. Sisa
Inang nabaliw sa paghahanap sa dalawang anak; asawa ni Pedro
22. Pedro
Iresponsableng asawa ni Sisa; mahilig sa sugal at lasenggo
23. Crispin
Bunsong anak ni Sisa; napagbintangang nagnakaw; tagapag-patunog ng
kampana sa simbahan
24. Basilio
Panganay na anak ni Sisa; napagbintangang nagnakaw; tagapag-patunog ng
kampana sa simbahan
25. Linares
Umiibig kay Maria Clara at napiling mapangasawa nito; pinsan ng inaanak ni
Padre Damaso
26. Tinyente Guevarra
Tinyente ng gwardiya sibil; kaibigan ni Don Rafael; nagkwento kay
Crisosotomo Ibarra tungkol sa sinapit ng kanyang ama
27. Nol Juan
Namahala sa pagpapagawa ng paaralan
28. Lucas
Taong madilaw; nagtangkang pumatay kay Crisostomo Ibarra
29. Albino
Dating seminarista; kasintahan ni Victoria
30. Andong
Napagkamalang pilibustero
31. Balat
Tiyuhin ni Elias na naging tulisan
32. Tarsilo at Bruno Alasigan
Mga anak ng lalaking pinatay ng mga Kastila
33. Andeng
Kinakapatid ni Maria Clara; mahusay sa pagluluto
34. Iday
Magandang kaibigan ni Maria Clara; tumutugtog ng alpa
35. Sinang
Masayahing kaibigan ni Maria Clara; anak ni Kapitan Basilio
36. Neneng
Mahinhin at palaisip na kaibigan ni Maria Clara
37. Victoria
Tahimik na kaibigan ni Maria Clara; kasintahan ni Albino
38. Leon
Kasintahan ni Iday
39. Kapitana Maria
Pumanig sa pagtatanggol ni Ibarra sa alaala ng ama; babaeng makabayan
40. Hermana Rufa
Kampi kay Padre Damaso
41. Don Primitivo
Marunong mangatwiran at mahilig magsalita ng Latin; pinsan ni Tinchang;
tagapayo ni Kapitan Tinong
42. Kapitana Tinchang
Matatakuting asawa ni Kapitan Tinong
43. Kapitan Tinong
Naparusahan dahil sa pakikipagkaibigan kay Crisostomo Ibarra
44. Kapitan Basilio
Kapitan sa bayan ng San Diego