0% found this document useful (0 votes)
360 views11 pages

Grade 9 2ND G. 1.2

1. The document discusses a Korean fable called "The Judgment of the Rabbit" which has been translated to Filipino. In the fable, a tiger falls into a deep hole in the forest and calls for help. A man hears the tiger and considers helping but is afraid of being eaten. 2. They ask a pine tree, an ox, and finally a rabbit for their opinions on what the man should do. The rabbit tells them to reenact their positions in the hole. The rabbit then determines that the problem started when the man helped the tiger out of the hole, so he should have continued on his way and left the tiger trapped. 3. Fables in Korea often feature animals
Copyright
© © All Rights Reserved
We take content rights seriously. If you suspect this is your content, claim it here.
Available Formats
Download as DOCX, PDF, TXT or read online on Scribd
0% found this document useful (0 votes)
360 views11 pages

Grade 9 2ND G. 1.2

1. The document discusses a Korean fable called "The Judgment of the Rabbit" which has been translated to Filipino. In the fable, a tiger falls into a deep hole in the forest and calls for help. A man hears the tiger and considers helping but is afraid of being eaten. 2. They ask a pine tree, an ox, and finally a rabbit for their opinions on what the man should do. The rabbit tells them to reenact their positions in the hole. The rabbit then determines that the problem started when the man helped the tiger out of the hole, so he should have continued on his way and left the tiger trapped. 3. Fables in Korea often feature animals
Copyright
© © All Rights Reserved
We take content rights seriously. If you suspect this is your content, claim it here.
Available Formats
Download as DOCX, PDF, TXT or read online on Scribd
You are on page 1/ 11

1

Filipino 9 Mindanao State University


Ikalawang Markahan UNIVERSITY TRAINING CENTER
Modyul 2 Marawi City

Mga Akdang Pampanitikan ng Silangang Asya


Paalaala: Ang lahat ng sagot sa mga gawain ay isusulat sa nakalaang sagutang papel na matatagpuan sa
pinakadulong bahagi ng module na ito. Aalisin ang sagutang papel at iyon lamang ang ipapasa.

Panitikan: Ang Hatol ng Kuneho (Pabula-Korea)


(Isinalin sa Filipino ni Vilma C. Ambat)
Gramatika/Retorika Mga Paraan ng Pagpapahayag ng Emosyon o Damdamin

Panimula: Ang Korea tulad ng ilang bansa sa Asya ay ilang beses ding sinakop ng mga dayuhan.
Nakikita sa kanilang pamumuhay ang impluwesnya ng China at Japan, ang ilan sa mga bansang sumakop
sa kanila. Sa likod nito ay mahigpit pa rin nilang napananatili ang pagpapahalaga sa kanilang kultura,
tradisyon, kasaysayan, edukasyon, at pamilya.

Sa pagtatapos ng araling ito, ikaw ay inaasahang naunawaan at mapahalagahan ang karakter ng mga
hayop sa kuwneto bilang tunay na tao na gumaganap sa mga kuwentong tunay na nangyayari sa
lipunang ginagalawan. Makilala ang kahalagahan ng pagiging makatao at makatarungan.

LINANGIN MO. Basahin at unawain mo ang pabulang pinamagatang “Ang Hatol ng Kuneho” mula sa
Korea. Sikapin mong suriin kung bakit mahalagang unawain at pahalagahan ang pabula. Subukin mo ring
pagtibayin o pasubalian kung nailalarawan ba ng mga hayop na ginamit sa pabula ang katangian ng mga
tao sa bansang pinagmulan.

Ang Korea ay isa sa mga bansang matatagpuan sa Silangang Asya. Ito ay dating tinatawag na
Choson na ang ibig sabihin ay “Lupain ng Mapayapang Umaga” tulad ng ibang bansa sa Asya ay ilang
beses ding sinakop ng mga dayuhan. Nakikita sa kanilang pamumuhay ang impluwensya ng China at
Japan, ang ilan sa mga bansang sumakop sa kanila. Sa likod nito ay mahigpit pa rin nilang napapanatili
ang pagpapahalaga sa kanilang kultura, tradisyon, kasaysayan, edukasyon at pamilya.

Sa kasalukuyan ay nahahati sa dalawa ang Korea, ang Hilagang Korea at Timog Korea kung saan
magkaibang ideolohiya at sisteman ng pamahalaan ang naghahari sa dalawang bansa. Gayunpaman,
masasabing ang kanilang kultura at paniniwala ay hindi nagkakalayo. Ang mga bansang ito ay kapwa
nagpapahalaga sa pamilya kung saan ang kapakanan ng bawat kasapi ng mag-anak ang pinakamahalaga
higit sa ano pa mang mga bagay.

ANG HATOL NG KUNEHO


Isinalin sa Filipino ni Vilma C. Ambat

Noong unang panahon, nang ang mga hayop ay nakapagsasalita pa, may isang tigreng naghahanap
ng pagkain sa gubat. Sa kanyang paglillibot, nahulog siya sa napakalalim na hukay. Paulit-ulit na
sinubukan ng tigre ang makaahon, subalit siya ay nabigo. Sumigaw siya nang sumigaw upang humingi ng
tulong subalit walang nakarinig sa kanya.
2

Filipino 9
Ikalawang Markahan
Modyul 2
Kinabukasan, muling sumigaw ang tigre upang humingi ng tulong hanggang mapaos. Gutom na
gutom at hapung-hapo na ang tigre. Lumupasay na lamang siya sa lupa. Naisip niyang ito na ang kanyang
kamatayan. Walang anu-ano ay nakarinig siya ng mga yabag. Nabuhayan siya ng loob at agad na tumayo.
“tulong! Tulong!” muli siyang sumigaw.
“Ah! Isang tigre!” sabi ng lalaki habang nakadungaw sa hukay.
“Pakiusap! Tulungan mo akong makalabas dito,” pagmamakaawa ng tigre.” Kung tutulungan mo
ako, hindi kita makalilimutan habambuhay.”
Naawa ang lalaki sa tigre subalit naisip niyang baka kainin siya nito. “Gusto sana kitang tulungan
subalit nangangamba ako sa maaaring mangyari. “Patawad! Ipagpapatuloy ko na ang aking paglalakbay.”
wika ng lalaki at nagpatuloy sa paglalakad.
“Sandali! Sandali! Huwag mong isipin iyan,” pakiusap ng tigre. “Huwag kang mag-alala, pangako
hindi kita sasaktan. Nagmamakaawa ako, tulungan mo ako. Kapag ako ay nakalabas dito tatanawin kong
malaking utang na loob!”
Tila labis na nakakaawa ang tinig ng tigre kaya bumalik ang lalaki upang tulungan ito.
Nakahanap siya ng troso at dahan-dahan niyang ibinaba sa hukay. “Gumapang ka rito,” sabi ng lalaki.
Gumapang ang tigre sa troso hanggang makaahon sa hukay. Nakita ng tigre ang lalaking tumulong
sa kanya. Naglaway ang tigre at naglakad paikot sa lalaki.
“Sandali!” hindi ba nangako ka sa akin na hindi mo ako sasaktan? Ito ba ang paraan mo ng
pagpapasalamat at pagtanaw ng utang na loob?” sumbat ng lalaki sa tigre.
Wala na akong pakialam sa pangakong iyan dahil nagugutom ako! Hindi ako kumain nang ilang
araw!” tugon ng tigre.
“Sandali! Sandali!” Ang pakiusap ng lalaki. “Tanungin natin ang puno ng Pino kung tama bang
kainin mo ako.”
“Sige,” ang wika ng tigre. “Pero pagkatapos natin siyang tanungin, kakainin na kita. Gutom na
gutom na ako.”
Ipinaliwanag ng tigre at ng lalaki sa puno ng Pino ang nangyari.
“Anong alam ng tao sa pagtanaw ng utang na loob?” tanong ng puno ng Pino. “Bakit ang mga
dahon at sanga namin ang kinukuha ninyo upang mapainit ang inyong mga tahanan at maluto ang inyong
pagkain? Mga taon ang ibinibilang namin upang lumaki. Kapag kami’y malaki na pinuputol ninyo kami.
Ginagamit ninyo kami sa pagtatayo ng inyong mga bahay at pagpapagawa ng inyong mga kasangkapan.
At isa pa, tao rin ang humukay ng butas na iyan. Utang na loob! Huwag ka nang mag dalawang isip,
Tigre. Sige pawiin mo ang iyong gutom.”
3

Filipino 9
Ikalawang Markahan
Modyul 2
“O, anong masasabi mo doon?” Tanong ng tigre habang nananakam at nginungusuan ang lalaki.
Sa mga sandaling iyon ay dumaan ang isang baka, “Hintay! Hintay!” pakiusap ng lalaki.
“Tanungin natin ang baka sa kanyang hatol.”
Sumang-ayon ang tigre at ipnaliwanag nila sa baka ang nangyari. Hiniling ng dalawa ang opinyon ng
baka.
“Sa ganang akin, walang duda sa kung ano ang dapat gawin,” wika ng baka sa tigre, “dapat mo
siyang kainin! Tingnan mo, mula nang kami ay maisilang naglilingkod na kami sa mga tao. Kaming
mga baka ang nagbubuhat ng mabibigat nilang dalahin. Inaararo namin ang bukid upang makapagtanim
sila. Subalit, ano ang ginagawa nila kapag kami ay tumanda na...pinapatay kami at ginagawang pagkain!
Ginagamit nila ang aming balat sa paggawa ng kung anu-anong bagay. Kaya huwag mo akong tanungin
tungkol sa pagtanaw ng utang na loob. Kainin mo na ang taong iyan.”
“Tingnan mo, lahat sila ay sumasang-ayon sa akin. Kaya humanda ka na sa iyong kamatayan!”
Wika ng tigre habang bumubuwelo upang sakmalin ang lalaki.
Alam na ng lalaki na ito na nga ang kanyang katapusan. Nang biglang dumating ang lumulukso-
luksong kuneho.
“Sandali! Tigre! Sandali!” sigaw ng lalaki.
“Ano na naman!” singhal ng tigre.
“Pakiusap bigyan mo pa ako ng isa pang pagkakataon. Tanungin natin ang kuneho para sa
kanyang hatol kung dapat mo ba akong kainin.”
Ah! Walang kuwenta! Alam mo ang sagot niya. Pareho lang sa sagot ng puno ng Pino at ng
baka.”
“Pakiusap, parang awa mo na!” pagsusumamo ng lalaki.
“O sige, pero huli na ito. Gutom na gutom na ako!” sagot ng tigre.
Isinalaysay ng tigre at ng lalaki ang nangyari, matamang nakinig ang kuneho. Ipinikit ang
kanyang mga mata at ipinagalaw ang kanyang mahabang tainga. Pagkalipas ng ilang sandali, muli niyang
idinilat ang kanyang mga mata. Malumanay at walang ligoy na nagsalita ang kuneho. “Naiintindihan ko
ang iyong isinalaysay. Subalit kung ako ang magpapasya at magbibigay ng mahusay na hatol dapat
tayong magtungo sa hukay. Muli ninyong isasalaysay sa akin ang nangyari. Ituro ninyo sa akin ang daan
patungo doon,” wika ng kuneho.
Itinuro ng tigre at ng lalaki ang hukay sa kuneho. “Tingnan natin, sabi mo nahulog ka sa hukay at ikaw
naman ay nakatayo dito sa itaas,” wika ng kuneho sa tigre at sa lalaki. “pumunta kayo sa mga posisyon
ninyo noon, upang mapag-isipan ko pang mabuti ang aking hatol.”
4

Filipino 9
Ikalawang Markahan
Modyul 2
Tumalon agad ang tigre nang hindi nag-iisip. Ang nais lamang niya ay matapos agad ang usapan nang
makain na niya ang tao. “Ah! Ganito ang kalagayan ninyo noon. Ikaw, tigre ay nahulog sa hukay at hindi
makaahon. Ikaw naman lalaki, narinig mo ang paghingi ng saklolo kaya tinulungan mo ang tigre. Ngayon
maaari na akong magbigay ng hatol. Ang problemang ito ay nagsimula nang tulungan ng tao ang tigreng
makalabas sa hukay,” paliwanag ng kuneho na tila may ibang kausap. “Sa ibang salita, kung ang tao ay
hindi nagpakita ng kabutihan at iniwan ang tigre sa hukay, walang naging problema. Kaya naisip ko na
magpatuloy ang tao sa kanyang paglalakbay at dapat na manatili ang tigre sa hukay. Magandang umaga
sa inyong dalawa! Wika ng matalinong kuneho at nagpatuloy sa kanyang paglukso.

Kaligirang Pangkasaysayan ng Pabula sa Korea

Ang mga hayop ay hindi lamang mga nilikhang gumagala sa kapatagan at kabundukan. Ang mga
ito ay simbolong ugnayan sa bansa at sa mga mamamayan nito. Sa Korea, mahalaga ang ginampanan ng
mga hayop sa kanilang mitolohiya at kuwentong bayan. Ayon sa kanilang paniniwala, noong unang
panahon daw ay may isang tigre at oso na nagnais maging tao. Nang bumaba sa lupa ang kanilang diyos
na si Hwanin (diyos ng kalangitan) ay humiling ang isang tigre at isang oso na maging tao. Ang sabi ni
Hwanin ay magkulong sa kuweba sa loob ng 100 araw. Dahil sa marubdub na pagnanasang maging tao ay
sumunod sa ipang-uutos ang dalawa. Pagkalipas na lamang ng ilang araw ay agad ding lumabas ang tigre
subalit nanatiling nasa loob ng kuweba ang oso.

Pagkalipas ng 100 araw ay may isang napakagandang babae ang lumabas sa kuweba. Ang babae
ay natuwa sa kanyang itsura at kinausap muli si Hwanin. Nagpasalamat siya sa diyos at muling humiling
n asana ay magkaroon siya ng anak. Pinababa sa lupa ng diyos ang kaniyang anak na si Hwanung (anak
ng diyos ng kalangitan) at ipinakasal sa babae. Sila’y nagkaanak at pinangalanang Dangun. Si Dangun ay
naging hari. Pinaniniwalaang ditto nagsimula ang pagkakaroon ng simbolong hayop ang iba’t ibang
dynasty sa Korea.

Ano ang Pabula?

Ang pabula na nagmula sa salitang Griyegong muzos na ang ibig sabihin ay myth o ‘mito’ ay
nagsimula sa tradisyong pasalita at nagpasalin-salin sa iba’t ibang henerasyon hanggang sa kolektahin ng
mga pantas at sa huli ay binigyan ng ilang pagbabago ng mga tagapagkuwento nang naaayon sa kultura o
kapaligirang kanilang ginagalawan. Ang pabula ay isa sa mga sinaunang panitikan sa daigdig. Noong
5

ika-5 at ika-6 na siglo bago si Kristo, may itinuring nang pabula ang mga taga-India. Ang karaniwang
paksa ng

Filipino 9
Ikalawang Markahan
Modyul 2
mga pabula ay tungkol sa buhay ng itinuturing na dakilang tao ng mga sinaunang Hindu, si Kasyapa. Si
Aesop-tinaguriang Ama ng mga sinaunang pabula dahil sa napabantog niyang aklat, ang Aesop’s Fable.

Ang pabula ay isang maikling kuwentong kathang-isip lamang. Ang mga tauhan ng kuwento ay
ay pawang mga hayop. Mga hayop na kumakatawan o sumasagisag sa mga katangian o pag-uugali ng tao.
Ang ahas halimbawa ay karaniwan nang nangangahulugan ng isang taong taksil. Ang pagong, makupad.
Ang kalabaw, matiyaga. Ang palaka, mayabang. Ang unggoy o matsing, isang tuso. Ang aso, matapat. Sa
mga bagay naman, ang rosas ay kumakatawan sa babae at pag-ibig. Ang bubuyog sa isang mapaglarong
manliligaw.Itinuturo ng pabula ang tama, patas, makatarungan at makataong ugali at pakikitungo sa
aating kapwa. Ang pabula ay lumaganap dahil sa magagandang aral sa buhay na ibinibigay nito. Taliwas
sa iniisip ng marami, ang pabula ay hindi maituturing na “pambata lamang” sapagkat ang mga ito ay
nangangailangan ng pagg-unawa sa mga katangian ng mga tauhang hayop at paghahambing ng mga ito sa
katangian ng mga tao. Mahalaga ring makilatis ang mga aral o mahahalagang kaisipang taglay ng mga
ito.

Gawain 1. Ilarawan ang katangian at ginampanan ng bawat tauhan sa pabula. Kopyahin ang porma sa
sagutang papel

A.

Pangalan ng Tauhan Katangian Ginampanan

B. Sa Antas ng Iyong Pag-unawa. Sagutin ang mga gabay na tanong.


1. Bilang kabataan na pag-asa ng bayan, ano ang maimumungkahi mo upang maiwasan ang pang-
aabuso sa sumusunod:
a. Hayop b. kalikasan

Gawain 2. Ikuwento Mong Muli. Ayusin ang mga salita batay sa wastong pagkakasunod-sunod ng mga
pangyayari sa pabula. Gamitin ang bilang 1-5.

1. Kuneho________
Puno ng pino_____
Tigre____________
6

Baka____________
Lalaki___________

Filipino 9
Ikalawang Markahan
Modyul 2
BASAHIN MO! Basahin mo ang pabulang mula sa ating bansa. Maging
kritikal ka sa iyong pagbasa upang makita mo ang pagkakatulad o
pagkakaiba nito sa pabula sa Korea.
NAGKAMALI ANG UTOS

Sa malayong kaharian ng mga tutubi ay may naninirahang isang


prinsesang tutubi. Siya’y bugtong na anak nina Haring Tubino at Reyna
Tubina ng kahariang Matutubina. Mahal na mahal ng hari at reyna ang anak nila. Sinasabing ipaglalaban
ng buong kaharian ang anumang kaapihan ni Prinsesa Tutubi. Si Prinsesa Tutubi ay mahilig mamasyal at
magpalipad-lipad sa papawirin. Lagi niyang kasa-kasama ang kaniyang mga piling dama at mga
tagasubaybay na mangyari pa ay pawang tutubi rin. Isang araw, naisipan niyang lumipad patungo sa labas
ng kaharian. Ibig niyang alamin kung ano ang daigdig sa labas ng kanilang kaharian. Tumakas siya sa
kaniyang mga dama at tagasubaybay. Mag-isa niyang nilakbay ang malawak na papawirin.
Maligayang-maligaya si Prinsesa Tutubi. Umaawit-awit pa siya sa kaniyang paglipad. Wiling-
wili siya sa lahat ng kaniyang nakikita. Totoong naibang si Prinsesa Tutubi at hindi niya napansin ang
pamumuo ng maitim na ulap sa papawirin. Huli na nang ito ay mapuna ni Prinsesa Tutubi. Mabilis man
siyang lumipad pabalik sa kaharian ay inabutan din siya ng malakas na ulan.
“Titigil muna ako sa punongkahoy na ito,” ang sabi sa sarili ng prinsesa.
Ngunit sa punongkahoy pala naman iyon ay maraming mga matsing. Pinaalis nilang pilit ang
nakikisilong na tutubi. Bawat dapuang sanga ni Prinsesa Tutubi ay niyuyugyog ng mga matsing. Hindi
lamang iyon. Pinagtawanan pa nila ang prinsesa.
“Kra-kra-kra! Nakakatawa. Malaki pa sa kaniyang tuhod ang kaniyang mga mata.” Malakas na
na sabi ng isa. Sinundan ito ng malakas na hagikgikan ng mga matsing.
Sa laki ng galit ng Prinsesa Tutubi umuulan pa ay umalis na siya sa punongkahoy na iyon at
lumipad pauwi sa palasyo. Tuloy-tuloy siya sa silid ng kaniyang amang hari. Kaniyang isinumbong kay
Haring Tubino ang mga matsing. Laking galit ng hari. Nagpatawag agad ang hari ng kawal.
7

“Pumunta ka ngayon din sa kaharian ng mga matsing,” ang utos niya sa kawal. “Sabihin mong
dahil sa ginawa nila sa aking anak na Prinsesa, gusto kong hamunin ang kaharian ng mga matsing sa
isang labanan.”
Mabilis na lumipad ang inatasang kawal. Pagdapo niya sa kaharian ng mga mating ay walang
paligoy-ligoy niyang sinabi ang kaniyang pakay. Malakas na tawanan ng mga matsing ang nagging sagot
sa pahayag ng kawal na tutubi.

Filipino 9
Ikalawang Markahan
Modyul 2
“Mga tutubi laban sa mga matsing! Ha-ha-ha-ha!” Muling nagtawanan ang mga matsing.
“Nakakatawa , ngunit pagbibigyan naming anginyong hari,” ang sabi ng pinuno. “Ang mga mating laban
sa mga tutubi!” Nagtawang muli ang mga matsing.
“Kailan at saan gaganapin ang labanan?” ang tanong ng pinuno.
“Bukas ng umaga sa gitna ng parang!” ang tugon ng kawal.
“Magaling! Bukas ng umaga sa gitna ng parang kung gayon,” masiglang pag-ulit ng matsing
sa sinabi ng tutubi.
Bumalik sa kanilang kaharian ang kawal a tutubi at ibinalita sa Haring Tubino ang nagging
katugunan ng mga matsing. Kinabukasan naroroon na sa isang panig ng parang ang hukbo ng mga
matsing. Anong daming matsing. Waring ang buong kamatsingan ay naroroon at pawing sandatahan.
Bawat isa ay may dalang putol na kahoy na pamukpok. Nasa kabilang panig naman ng parang ang
makapal na hukbo ng mga manlilipad na tutubi.
“Kailangang pukpukin ninyo ang bawat makitang tutubi,” ang malakas na utos ng haring
matsing.
Sa kabilang dako naman ay ibinigay na rin ng pinuno ng mga tutubi ang kaniyang utos.
“Dapat nating ipaghiganti ang kaapihan ni Prinsesa Tutubi.
Kailangang magbayad ang mga matsing. “Dumapo sa ulo ng mga matsing. Kapag may
panganib ay dagling luang malinaw at marahan niyang utos.
Nagsalubong sa gitna ng parang ang mga manlilipad na tutubat ang hukbo ng sandatahang
matsing. Buong-buo ang pagtitiwala ng mga sandatahang matsing sa kanilang sandatang pamukpok.
Matapang din naming sumunod ang mga kawal na tutubi palibhasa ay nais nilang ipaghiganti ang
kaapihan ng prinsesa at ng buong kahariang Matutubina. Nagsimula ang labanan. Dapo at lipad, dapo at
lipad ang mga tutubi. Pukpok dito, pukpok doon naman ang mga matsing. Kung tatanawin buhat sa
malayo ang labanan, ay wari bang matsing laban sa matsing. Nakita ng pinuno ng mga matsing ang
pangyayari. Nagkamali siya ng utos. Hindi nalaman agad na sa ulo pala ng kaniyang mga kawal darapo
8

ang maliliksing tutubi. Babaguhin sana niya ang kanyang utos, subalit huli na ang lahat. Isang kawal na
matsing ang pilit na pinukpok pa ang tutubi sa ulo ng pinunong matsing. Kayat nang matapos ang labanan
nakabulagtang lahat ang mga matsing. Samantala, walang sinumang tinamaan sa mga mabilis umiwas at
lumipad na mga tutubi. Naipaghiganti nila ang pagkaapi ng kanilang prinsesa at ng buong kahariang
Matutubina.
photo credits: http://www.dragonfly-site.com/4-free-dragonfly-clip-art.html

Filipino 9
Ikalawang Markahan
Modyul 2
UGNAY-WIKA
Mga Paraan ng Pagpapahayag ng Emosyon o Damdamin
Maramming emosyon o damdaminn tayong naramdaman habang binabasa ang pabula. Maaaring
hindi pare-pareho sapagkat iba-iba naman ang pananaw ng bawat tao. Mayroong ding iba’t ibang paraan
ng pagpapahayag ng emosyon upang epektibo nating maiparating ang ating nararamdaman. Ating alamin
ang iba’t ibang paraan upang sa gayon ay magamit natin ito sa pang-araw-araw na buhay.

Ang sumusunod ay ang iba’t ibang paraan ng pagpapahayag ng damdamin at emosyon:

1. Mga Pangungusap na Padamdam- Ito ay mga pangungusap na nagpapahayag ng matinding


damdamin o emosyon. Ginagamitan ito ng bantas na tandang padamdam (!).
Halimbawa: Ay, nandyan na ang mabangis na tigre!
2. Maikling Sambitla- Ito ay mga sambitlang iisahin o dadalawahing pantig na nagpapahayag ng
matinding damdamin.
Halimbawa: Yehey! Naku! Huwag!Lagot!
 Maaaring isama ang mga sambitlang ito sa parirala o sugnay upang maging higit na tiyak ang
damdamin o emosyong nais ipahayag.
3. Mga Pangungusap na Nagsasaad ng Tiyak na Damdamin o Emosyon ng Isang Tao-
Kadalasan, ito’y mga pangungusap na may anyong pasalaysay kaya’t mahihinuhang hindi
gaanong matindi and damdaming ipinahahayag subalit maaari rin itong maging pangunguap na
padamdam na nagsasaad naman ng matinding damdamin.
Halimbawa:
a. Kasiyahan: Natutuwa ako sa pagdating ng binatang sumalba sa aking buhay.
b. Pagtataka: Bakit hindi siya nagsasawang tumulong sa iba?
c. Pagkalungkot: Ikinalulungkot ko ang ginawa ng mabangis na tigre.
d. Pagkagalit: Galit ako sa pagmamalupit ng mga tao sa mahihina.
e. Pagsang-ayon: Tunay ngangn nakabubuti ang pagsasama-sama.
f. Pagpapasalamt: Salamat sa iyong pagdating.
4. Mga Pangungusap na Nagpapahiwatig ng Damdamin sa Hindi Tuwirang Paraan.
Halimbawa
Nakalulungkot isiping ang tauhan ay sumakabilang buhay na.
Kahulugan: PUMANAW
9

Gawain 3. Tukuyin Mo! Piliin ang maikling sambitla sa bawat pangungusap, at piliin ang damdaming
ipinahahayag ng bawat bilang. Piliin sa kahon ang sagot at isulat sa sagutang papel.

Nasaktan pagkainis humanga pagkatakot kasiyahan pagkadismaya


1. Grabe! Nahilo ako sa dami ng taong dumating upang panoorin ang pagtatanghal. Sana hindi na
lang ako nagpunta.
2. Aray, natapakan ang paa ko! May sugat pa naman ako.
3. Awwwwww! Napakaganda ng kanyang ginawa.
4. Yehey! Ikaw ang nanalo.
5. Ngwk, hindi iyan ang pinabibili ko!

Filipino 9
Ikalawang Markahan Sagutang Papel
Modyul 2

Pangalan: ____________________________Seksyon__________Code #: Score: ______

Gawain 1. A.

Tauhan Katangian Ginampanan


Lalaki

Tigre

kuneho

B.Sa Antas ng Iyong Pag-unawa. Sagutin ang mga gabay na tanong.

Hayop kalikasan
10

Gawain 2. Ikuwento Mong Muli.

Kuneho________ Tigre____________ lalaki____________

Puno ng pino_____ Baka____________

Gawain 3. Tukuyin Mo!

1. 2. 3. 4. 5
Filipino 9
Ikalawang Markahan Pagsusulit 2
Modyul 2
Pangalan: ____________________________Seksyon__________Code #: Score: ____

TEST I. TALASALITAAN: Piliin sa mga salita sa ibaba ang kasingkahulugan ng mga salitang may
salungguhit sa bawat bilang. Isulat ang sagot sa patlang
Mabangis nag-ensayo pinaghanadaan sinayang walang pagod
Malaki nagpursige pinag-isipan walang pinipili inisip

1. Maraming kuwento ang aming narinig tungkol sa mabagsik na tigre.__________________________


2. Nagsanay nang husto ang binata upang mapaghandaan ang paghaharap._______________________
3. Pilit niyang pinag-igihan ang kanyang ginagawa upang matiyak ang kanyang tagumpay. _________
4. Wala siyang oras na inaksaya, ginugol niya ang bawat oras sa paghahasa ng kanyang sarili. _______
5. Ang kanyang kalaban ay walang sinasanto kaya’t dapat ay handa ang makakalaban nito.__________

TEST II. PAGKILALA: Kilalanin ang tinutukoy ng bawat bilang. Isulat ang sagot sa patlang.
1. Dating tinatawag na Choson na ang ibig sabihin ay “Lupain ng Mapayapang Umaga”_____________
2. Siya ang nagsalin sa Filipino ng pabulang “Ang Hatol ng Kuneho”.___________________________
3. Ang mga tauhan ng kuwento ay ay pawang mga hayop na kumakatawan sa pag-uugali ng tao._____
4. Ang ahas halimbawa ay karaniwan nang nangangahulugan ng isang taong taksil. ________________
5. Ang pagong ay sumisimbolo sa pagiging ________________________________________________

TEST I. TAMA O MALI: Isulat sa sagutang papel ang letrang T kung tama ang ipinapahag ng bawat
bilang, at kung mali ay salungguhitan ang salitang mali sa bawat pahayag at palitan ito ng tamang sagot.
1. Maiikling tugtugin ang ibig sabihin ng tanka.
__________________________________________
2. Tatlumpu’t pito ang tiyak na bilang ng pantig ng
tanka.___________________________________
3. Anim na taludtod ang tradisyonal na tanka.
____________________________________________
4. Noong panahon ng pananakop ng mga Amerikano sa Pilipinas lumaganap nang lubos ang
haiku.__
11

5. Binubuo ng labimpitong pantig na nahahati sa tatlong taludturan ang haiku.


__________________
6. Ang pinakamahalaga sa haiku ay ang pagbigkas ng taludtod na may wastong antala o paghinto.
__
7. Kiru ang tawag dito o sa Ingles ay cutting.____________________________________________
8. Ang kiru ay kahawig ng sesura sa ating panulaan.
______________________________________
9. Ang kireji naman ang salitang paghihintuan o cutting word. Ito ay kadalasang matatagpuan sa
dulo ng isa sa huling tatlong parirala ng bawat berso.
________________________________________
10. Ang salitang kawazu ay “palaka” na nagpapahiwatig ng taglagas.
_________________________
11. Ang shigure naman ay “unang ulan sa pagsisimula ng taglamig”.
__________________________
12. Mahalagang maunawaan ng babasa ng haiku at tanka ang kultura at paniniwala ng mga Hapon
upang lubos na mahalaw ang mensaheng nakapaloob sa tula. _____________________________
13. Parehong anyo ng tula ang tanka at haiku ng mga Egyptian. _____________________________
14. Ang haiku ay mas pinaikli pa sa tanka. _______________________________________________
15. May labimpitong bilang ang pantig na may apat na taludtud.
______________________________

You might also like