lOMoARcPSD|18065987
Signed-off Komunikasyon-at-Pananaliksik 11 q2 m6
-Kasaysayan-ng-Wika v3
Business Administration 2 (Cotabato State University)
StuDocu is not sponsored or endorsed by any college or university
Downloaded by Leomar Papares (
[email protected])
lOMoARcPSD|18065987
lOMoARcPSD|18065987
Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino – 11
Alternative Delivery Mode
Ikalawang Markahan – Modyul 6: Kasaysayan ng Wika (Ikalawang Bahagi)
Unang Edisyon
Republic Act 8293, section 176 states that: No copyright shall subsist in any
work of the Government of the Philippines. However, prior approval of the
government agency or office wherein the work is created shall be necessary for
exploitation of such work for profit. Such agency or office may, among other things,
impose as a condition the payment of royalties.
Barrowed materials (i.e.,songs, stories, poems, pictures, photos, brand
names, trademarks, etc.) included in this book are owned by their respective
copyright holders. Every effort has been exerted to locate and seek permission to
use these materials from their respective copyright owners. The publisher and
authors do not represent nor claim ownership over them.
Development Team of the Module:
Author: Bonifacio N. Gegato Jr.
Editors: Ina Joana L. Sultan
Analiza R. Solatorio
Jocelyn P. Zamora
Reviewer: Gina L. Mandawe
Illustrator: Janeth U. Tigol
Management Team:
Chairperson: Dr. Arturo B. Bayocot, CESO III
Regional Director
Co-Chairpersons: Dr. Victor G. De Gracia Jr., CESO V
Asst. Regional Director
Mala Epra B. Magnaong
CES, CLMD
Members: Dr. Bienvenido U. Tagolimot, Jr.
Regional ADM Coordinator
Elesio M. Maribao
EPS, Filipino
Printed in the Philippines by: Department of Education – Regional Of昀椀ce 10
Of昀椀ce Address: Zone 1, Upper Balulang Cagayan de Oro City 9000
Telefax: (088) 880-7071, (088) 880-7072
E-mail Address:
[email protected] lOMoARcPSD|18065987
11
Komunikasyon at
Pananaliksik sa Wika at
Kulturang Pilipino
Ikalawang Markahan – Modyul 6
Kasaysayan ng Wika
(Ikalawang Bahagi)
This instructional material was collaboratively developed and
reviewed by educators from public and private schools, colleges, and
or/universities. We encourage teachers and other education stakeholders to
email their feedback, comments, and recommendations to the Department of
Education at
[email protected].
We value your feedback and recommendations.
Kagawarang ng Edukasyon . Republika ng Pilipinas
lOMoARcPSD|18065987
Talaan ng Nilalaman
Mga Pahina
Pangkalahatang Ideya ……………………………… 1
Alamin ……………………………… 2
Subukin ……………………………… 2
Tuklasin ……………………………… 4
Suriin ……………………………… 5
Pagyamanin ……………………………… 7
Isagawa ……………………………… 8
Karagdagang Gawain ……………………………… 9
Isaisip ……………………………… 11
Tayahin ……………………………… 14
Sanggunian ……………………………… 18
lOMoARcPSD|18065987
Modyul 6
Kasaysayan ng Wika
(Ikalawang Bahagi)
Pangkalahatang Ideya
Magaling! Binabati kita! Masaya mong natapos ang Modyul 1
hanggang 5. Ngayong nitiyak kong magugustuhan mo ang susunod nating
aralin sa modyul 6. Sa Modyul na ito matutunghayan ang Kasaysayan ng
Wika. May malaking impluwensya and dala ng mga dayuhang nanakop sa
ating bansa dulot ng pagbabagong ito ang kasabay na pag-usbong ng
teknolohiya kung saan napapabilis ang daloy ng komunikasyon.
Gagabayan ka ng modyul na ito sa iyong paglalakbay at pagtuklas sa
mundo ng kaalaman tungkol sa Kasaysayan ng Wikang Pambansa.
Nakapaloob dito ang mga gawain, mga pagsasanay na sasagutan ng sa
gayon ay masukat ang iyong kaalamang malinang sa modyul
Nilalaman ng Modyul
Ang modyul na ito ay may apat pinagsamang aralin:
Balik-tanaw sa Kasaysayan ng Wikang Pambansa:
Aralin 1- Panahon ng Hapon
Aralin 2- Panahon ng Pagsasarili
Aralin 3- Panahon ng Kasalukuyan
Aralin 4- Mga Batas Pangwika sa nabanggit na panahon
lOMoARcPSD|18065987
Alamin
Ano ang Inaasahan Mo?
Inaasahang pagkatapos ng modyul na ito ang mga mag-aaral ay:
1. Natutukoy ang mga pinagdaanang pangyayari / kaganapan tungo sa
pagkabuo at pag-unlad ng Wikang Pambansa. (F11PS-Ig-88)
2. Nakakasulat ng sanaysay na tumatalunton sa isang partikular na
yugto ng kasaysayan ng Wikang Pambansa. (F11WG- Ih-86)
3. Natitiyak ang mga sanhi at bunga ng mga pangyayaring may
kaugnayan sa pag-unlad ng Wikang Pambansa. (F11WG-Ih-86)
Pangkalahatang Panuto
Upang makamit ang mga inaasahan, gawin ang mga sumusunod:
Basahin nang taimtim at seryoso ang mga aralin.
Sundin ang mga panuto ng bawat gawain at pagsasanay.
Sagutin ang lahat ng mga ibinigay na gawain at pagsasanay sa
iyong kwaderno o ibang sagutang papel ayon sa iyong
kakayahan at angking kasanayan dahil malaki ang tiwala ko sa
iyong angking talino.
Subukin
Panuto: Basahin at tukuyin ang tamang sagot kaugnay sa Kasaysayan ng
Wikang Pambansa .Isulat ang iyong mga sagot sa sagutang kwaderno
1. Ano ang katutubong wika na ginamit sa Pilipinas bilang wika ng
komunikasyon?
A. Ingles
B. Filipino
C. Taglish
D. Cebuano
lOMoARcPSD|18065987
2. Ang ibig sabihin ng KWF ay na samahang nangangasiwa ng pambansang
wika.
A. Kawanihan ng Wikang Filipino
B. Komisyon ng Wikang Filipino
C. Kaukulang Wikang Filipipino
D. Kongregasyong ng Wikang Filipino
3. Sa panahon ng pagsasarili, ano naging wikang opisyal?
A. Tagalog at Ingles
B. Filipino
C. Taglish
D. Cebuano
4. Sa panahong ito ipinaturo ang Nihongo at inalis ang Ingles.
A. Rebolusyunaryo
B. Hapon
C. Amerikano
D. Pagsasarili
5. Naging masigasig at masigla ang mga Pilipino sa paggamit ng sariling wika
sa panahong ito.
A. Amerikano
B. Pagsasarili
C. Kasalukuyan
D. Hapon
6. Ipinalimbag ang lahat ng sertipiko at Diploma sa wikang Filipino?
A. Kautusang Tagapagpaganap 24
B. Blg 60
C. Saligang Batas 1973
D. Kautusang Tagapagpaganap 25
7. Ama ng Pambansang Wika na Filipino.
A. Ferdinand Marcos
B. Manuel L. Quezon
C. Fernando Amorsolo
D. Isagani Cruz
lOMoARcPSD|18065987
8. Naipatupad ng Patakarang Bilingguwal.
A. Kasalukuyan
B. Panahon ng Hapones
C. Panahon ng mga Amerikano
D. Pagsasarili
9. Ipinag-utos ni ___ na awitin ang Pambansang Awit sa Wikang Pilipino.
A. Jose Corazon de Jesus
B. Jusan Manuel
C. Ferdinand E. Marcos
D. Corazon C. Aquino
10. Pagtuturo ng anim (6) na yunits ng Filipino sa kolehiyo.
A. Jose Corazon de Jesus
B. Juan Manuel
C. Ferdinand E. Marcos
D. Corazon C. Aquino
Tuklasin
Handa ka na ba? Alam kong kayang-kaya mo ito at masisiyahan ka sa
mga matutuklasan mo habang pinag-aaralan ang araling ito. Sinasabi na
malayo na ang nalakbay ng wikang Filipino. Nasaan na nga ba o ano na nga
ba ang kalagayan ng Wikang Filipino sa Panahon ng Hapon, Panahon ng
Pagsasarili at Kasalukuyan? Ating alamin ang wika natin kaya matutulungan
ka at madagdagan ang kaalaman mo sa aralin ito.
Gawain 1.1. PAGBASA NG TAHIMIK. Panuto: Basahin nang tahimik ang
kaalamang inilatag sa ibaba at tandaan ang mga mahalagang impormasyong
ilalatag nito.
Panahon ng Pagsasarili
Pagkaraan ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig, nagtagumpay ang
pagtuturo ng wikang pambansa na tinatawag na Pilipino sa isang kautusang
nilagdaan ng naging kalihim na si Jose Romero ng Pagtuturo. Dala ng
malaking pangangailangan ng mga tagasubaybay sa pagtuturo ng Pilipino,
lOMoARcPSD|18065987
nadagdagan ng dalawa ang bilang ng tagamasid sa Punong Tanggapan. Ang
Maynila ay nagkaaaroon naman ng isa bagama’t wala ang mga nasa
lalawigang Tagalog at di-Tagalog.
Naging opisyal na wika ang Tagalog at Ingles. Naging midyum sa mga
paaralan ang Ingles at asignatura ang Pilipino. Nagkaroon na ng aklat para
sa mga Pilipino. Marami ang pag-aaral na isinagawa sa wika upang magamit
itong panturo.
Panahon ng Kasalukuyan
Nagpatupad ng Patakarang Bilingguwal ang Kagawaran ng Edukasyon
at sinimulang ipatupad ito ng taong 1974 sa mababang paaralan, sekondarya
sa tersyarya sa lahat ng paaralan sa bansa. Ipinaunlad ang wikang Filipino
upang magamit sa mga paaralan mula elementarya hanggang koliheyo. Higit
na Lumaganap ang paggamit ng wika pag-aaral ng wika at nagkaroon ng
intelektuwalisasyon, estandardisasyon at elaborasyon ng wikang Filipino.
Sipi mula kay MO Jocson. Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at
Kulturang Pilipino. Vibal Group, Inc.2016 p96-111
Suriin
Panuto:Napakahusay mo na pa lang magbasa at umunawa, magaling! Kaya
ipagpatuloy natin ito, ngayon Punan ng mga mahalagang naiambag sa
wikang Filipino sa bawat panahon.Sa talahanayan sa ibaba may tatlong
yugto ng wika sa panahon ng Hapon, Pagsasarili at kasalukuyan.
Panahon ng Hapon Panahon ng Kasalukuyan
Pagsasarili
lOMoARcPSD|18065987
MGA BATAS PANGWIKA.Panuto: Tuklasin natin ang ilang ligalidad sa
mga batas pangwika sa tatlong yugtong inilahad sa itaas. Muli Basahin mo
ang mga impormasyong ilalahad sa ibaba. Ito ay mga Kautusang
Tagapagpaganap. Kautusang Pangkagawaran, Memorandom,
Proklimasyon at iba pa na nagpapahayag tungkol sa wikang pambansa.
Kautusng Pangkagawaran Blg.24.- Ipinalabas noong 1962 ng Kalihim ng
Edukasyon,
Alejandro Roces na nag-uutos, na mula sa taong-aralan 1963-
1964, Ipalimbag ang lahat ng sertipiko at diploma ang pagtatapos sa wikang
Pilipino.
Kautusang Tagapagpaganap Blg.60- Ipinag-utos ni Pangulong Diosdado
Macapagal na awitin ang pambansang awit sa wikang Pilipino.
Saligang Batas ng 1973- Dapat gumagawa ang Batasang Pambansa ng
mga hakbang tungo sa paglinang at pormal na adapsyon ng isang panlahat
na wikang pambansa na tawaging Pilipino.
Kautusang Pangkagawaran Blg.25 –Hulyo 19, 1974 –Nilagdaan ng Kalihim
ng Edukasyon at Kultura, Juan Manuel ang pagpapairal ng Edukasyong
Bilingguwal sa mga paaralan simula taong-panuruan 1974-1975.
Kautusang Blg. 22- Hulyo 21, 1978- Nilagdaan ni kalihim Juan Manuel na
simula sa taong panuruan 1979-1980 ituturo ang 6 na yunit sa Kolehiyo.
Kautusang Tagapagpaganap Blg. 1179(1981)- Pagpapalit ng pangalan ng
Surian ng Wikang Pambansa (SWP) sa Linangan ng mga Wika sa Pilipinas
(LWP)
Batas Republika Blg.7104 (1986)- Nilikha ang Komisyon sa Wikang Filipino
(KWF)
Marahil naging malinaw na ang kaalaman mo tungkol sa kasaysayan ng
wikang pambansa. Maraming Salamat sa iyong pagpuporsige na magkaroon
ng karagdagang kaalaman kaya’t muli maraming salamat at magbigay ka ng
palapakan sa iyong sarili.
lOMoARcPSD|18065987
Sipi mula kay MO Jocson . Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at
Kulturang Pilipino. Vibal Group, Inc.2016 p96-112
Pagyamanin
Panuto: Ibigay at ipaliwanag ang kahulugan ng mga salitang pangkasaysayan
nang ayon sa pagkakagamit nito sa binasang akda. Gamitin sa sarling
pangungusap gawin sa puwang na inilaan s ibaba.
Mga Salita Kahulugan / paliwanag at sa ibaba
ang halimbawang pangungusap.
1, Ikalawang Digmaang Pandaigdig
2. implementasyon
3.pagpapaunlad
4.nagtatag
5.lumaganap
6.pormal na hakbang
lOMoARcPSD|18065987
Isagawa
Panuto: Gumuhit sa loob ng kahon ng isang simbolo na sumasagisag sa
bawat panahon sa kasaysayan ng wika at ipaliwanag ito sa pasalitang
paraan sa ibaba naman ng kahon ang mga sanhi at bunga ng naging
impluwensiya ng mga dayuhan sa bawat panahong sinakop tayo.
Panahon ng Hapon
Panahon sa Pagsasarili Kasalukuyang Panahon
lOMoARcPSD|18065987
Karagdagang Gawain
Mga ibat’ibang batas pangwika sa panahon ng Hapon, Pagsasarili at
Kasalukuyan.
Ilahad ang mga batas
pangwika
lOMoARcPSD|18065987
Paggawa ng Biodata ng Nasyonalismo
BIO-DATA NG NASYONALISMO
I-Pangalan: __________________________________________
______________ Edad: ___________
Tirahan:
________________________________________________________________
Sektor na Kinabibilangan:
____________________________________________________________
Estado sa Buhay (Lagyan ng tsek)
______________ Empleyado
______________ Mag-aaral
______________ May Negosyo
______________ Nag-aaral/Nagtatrabaho
Kapanganakan:
________________________________________________________________
_
Lugar ng Kapanganakan
________________________________________________________________
II. Mga Kailangan Upang Maipakita ang Pagkakaroon ng Nasyonalismo:
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
____________________________________.
III. Mga Nagawa na Nagpapatunay ng Pagkakaroon ng Nasyonalismo
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
____________________________________.
10
lOMoARcPSD|18065987
Petsa: _____________________________________
Lagda: _____________________________________
Mula kay MOJocson. Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang
Pilipino. Vibal Group, Inc. 2016 p- 121
Panuto: Sumulat ng isang sanaysay na pangangatuwiran na binubuo ng
sampong pangungusap kung maunlad ba o hindi ang wikang pambansa sa
kasalukuyan. Isaalang-alang ang gamit ng mga salita o pahayag ng
maglalahad ng mga pangyayari na magiging batayan ng pangangatuwiran.
Isulat sa maikling katalan o coupon bond.
Isaisip
Ibuod Mo ,Muli itong basahin
TATLONG HULING YUGTO SA KASAYSAYAN NG WIKANG
PAMBANSA
Panahon ng Hapon
Sapilitang ipinaturo ang Nihongo at inalis ang Ingles. Naging masigla
ang mga Pilipino sa paggamit ng sariling wika. Sumigla ang panitikang
Pilipino gaya ng nobela at maikling kuwento. Noong panahon ng mga
Hapones nagkaroon ng pagsulong ang wikang pambansa. Sa pagnanais na
burahin ang anumang impluwensiya ng mga Amerikano, ipinagbawal ang
pagggamit ng Ingles sa anumang aspekto ng pamumuhay ng mga Pilipino.
Maging ang paggamit ng mga aklat at peryodiko tungkol sa Amerika ay
ipinagbabawal din. Ipinagamit nila ang katutubong wika, partikular ang wikang
Tagalog, sa pagsulat ng mga akdang pampanitikan.
Panahon ng Pagsasarili
Pagkaraang ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig, nagtagumpay ang
pagtuturo ng wikang pambansa na tinatawag na Pilipino sa isang kautusang
11
lOMoARcPSD|18065987
nilagdaan ng naging kalihim Jose Romero ng Pagtuturo. Dala ng malaking
pangangailangan ng mga tagasubaybay sa pagtuturo ng Pilipino,
nadagdagan ng dalawa ang bilang ng tagamasid sa Punong Tanggapan. Ang
Maynila ay nagkaaaroon naman ng isa bagama’t wala ang mga nasa
lalawigang Tagalog at di-Tagalog.
Naging opisyal na wika ang Tagalog at Ingles.Naging midyum sa mga
paaralan ang Ingles at asignatura ang Pilipino. Nagkaroon nan g aklat na para
sa mga Pilipino. Marami ang pag-aaral na isinagawa sa wika upang magamit
itong panturo. Ito ang panahon liberasyon hanggang sa tayo ay magkasarili
simula noong Hunyo 4, 1946. Pinagtibay rin na ang wikang opisyal sa bansa
ay Tagalog at Ingles sa bias ng Batas Komonwelt Bilang 570. Ito ang
panahon sa pagbangon ng mga nasalanta ng digmaan. Sumentro ang
gawaing pang-ekonomiya ng mga Pilipino.Maraming kapitalistang dumagsa
sa ating bansa lalo na ang mga Amerikanong kapitalista Nakaapekto ito sa
larangan ng edukasyon na tumutugon sa pangangailangan ng mga
korporasyon at kompanya.
Panahon ng Kasalukuyan
Nagpatupad ng Patakarang Bilingguwal ang Kagawaran ng Edukasyon
at sinimulang ipatupad ito ng taong 1974 sa mababang paaralan, sekondarya
ta tersyaryasa lahat ng paaralan sa bansa. Ipinaunlad ang wikang Filipino
upang magamit sa mga paaralan mula elementarya hanggang koliheyo. Higit
na Lumaganap ang paggamit ng wika, pag-aaral ng wika at ngkaroon ng
intelektuwalisasyon, estandardisasyon at elaborasyon ng Filipino.
Sa kasalukuyan marami pa ring sagabal sa pagsulong ng wikang
Filipino. Ngunit kung ang pagbabatayan natin ang paglaganap at paggamit ng
wikang Filipino, masasabi nating mabilis nga ang pagsulong nito. Bunga ito
ng epektong pagtuturo ng wikang Filipino sa mga paaralan. Resulta rin ito ng
patuloy at dumaraming paglabas ng mga babasahin na nakasulat sa wikang
Filipino, lalo na ang komiks Ilan pang dahilan ay patuloy na pambansang
pagtakilik sa mga telenobela at pelikulang Pilipino at paggamit ng radyo at
telebisyon.
Sipi mula kay A Dayag et.al. (2016). Pinagyamang Pluma Komunikasyon at
Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino. Phoenix Publishing P-103 -104
12
lOMoARcPSD|18065987
MGA MAHALAGANG BATAS PANGWIKA
Kautusang Pangkagawaran Blg.24.- Ipinalabas noong 1962 ng Kalihim ng
Edukasyon, Alejandro Roces na nag-uutos, na mula sa taong-aralan 1963-
1964, Ipalimbag ang lahat ng sertipiko at diploma sa pagtatapos sa wikang
Pilipino.
Kautusang Tagapagpaganap Blg.60- Ipinag-utos ni Pangulong Diosdado
Macapagal na awitin ang pambansang awit sa wikang Pilipino.
Saligang Batas ng 1973- Dapat gumagawa ang Batasang Pambansa ng
mga hakbang tungo sa paglinang at pormal na adapsyon ng isang panlahat
na wikang pambansa na tawaging Pilipino.
Kautusang Pangkagawaran Blg.25 –Hulyo 19, 1974 –Nilagdaan ng Kalihim
ng Edikasyon at Kultura, Juan Manuel ang pagpapairal ng Edukasyong
Bilingguwal sa mga paaralan simula taong-panuruan 1974-1975.
Kautusang Blg. 22- Hulyo 21, 1978- Nilagdaan ni kalihim Juan Manuel na
simula sa taong panuruan 1979-1980, ituturo ang anim -6 na yunit sa
Kolehiyo.
Kautusang Tagapagpaganap Blg. 1179(1981)- Pagpapalit ng pangalan ng
Surian ng Wikang Pambansa (SWP) sa Linangan ng mga Wika sa Pilipinas
(LWP)
Batas Republika Blg.7104 (1986)- Nilikha ang Komisyon sa Wikang Filipino
(KWF)
Sipi mula kay MO Jocson. Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at
Kulturang Pilipino. Vibal Group, Inc 2016. p96-100
13
lOMoARcPSD|18065987
Tayahin
Panuto: Sagutin ang sumusunod na mga tanong kaugnay ng mga
sitwasyong pangwika. Bilugan ang titik na magbibigay ng tamang sagot.
1. Ano ang katutubong wika na ginamit sa Pilipinas bilang wika ng
komunikasyon?
a. Ingles
b. Filipino
c. Taglish
d. Cebuano
2. Ang ibig sabihin ng KWF ay na samahang nangangasiwa ng pambansang
wika.
a. Kawanihan ng Wikang Filipino
b. Komisyon ng Wikang Filipino
c. Kaukulang Wikang Filipipino
d. Kongregasyong ng Wikang Filipino
3. Sa panahon ng pagsasarili, ano naging wikang opisyal?
a. Tagalog at Ingles
b. Filipino
c. Taglish
d. Cebuano
4. Sa panahong ito ipinaturo ang Nihonggo at inalis ang Ingles.
a. Rebolusyunaryo
b. Hapon
c. Amerikano
d. Pagsasarili
14
lOMoARcPSD|18065987
5. Naging masigasig at masigla ang mga Pilipino sa paggamit ng sariling wika
sa
panahong ito.
a. Amerikano
b. Pagsasarili
c. Kasalukuiyan
d. Hapon
6. Ipinalimbag ang lahat ng sertipiko at Diploma sa wikang Filipino?
a. Kautusang Tagapagpaganap 24
b. Blg 60
c. Saligang Batas 1973
d. Kautusang Tagapagpaganap 25
7. Ama ng Pambansang Wika na Filipino.
a. Ferdinand Marcos
b. Manuel L. Quezon
c. Fernando Amorsolo
d. Isagani Cruz
8. Naipatupad ng Patakarang Bilingguwal.
a. Kasalukuyan
b. Panahon ng Hapones
c. Panahon ng mga Amerikano
d. Pagsasarili
9. Ipinag-utos ni ___ na awitin ang Pambansang Awit sa Wikang Pilipino
a. Jose Corazon de Jesus
b. Jusan Manuel
c. Ferdinand E. Marcos
d. Corazon C. Aquino
10. Pagtuturo ng anim (6) nan g Filipino sa kolehiyo.
a. Jose Corazon de Jesus
b. Jusan Manuel
c. Ferdinand E. Marcos
d. Corazon C. Aquino
15
lOMoARcPSD|18065987
Susi ng Pagwawasto
Susi ng Pagwawasto ng Panimulang Pagsusulit
1. A
2. B
3. D
4. B
5.A
6. A
7. B
8. D
9. B
10. C
Tuklasin
Sagot: Na sa guro ang pagpapasya kung tama ba ang sagot ng estudyante.
Suriin
Sagot: Depende sa guro ang pagpapasya kung tama ba ang sagot ng
estudyante
Pagnilayan at Unawain
Sagot: Gamit ang Ingles, Filipino at mga salitang ginagamit na code switching
Pagyamanin
Sagot: Depende na sa guro ang pagpapasya kung tama ba ang sagot ng
estudyante
Isagawa
Sagot: Depende na sa guro ang pagpapasya kung tama ba ang sagot ng
estudyante
Karagdagang Gawain
Sagot: Depende na sa guro ang pagpapasya kung tama ba ang sagot ng
estudyante.
16
lOMoARcPSD|18065987
Nasyonalismo
Sagot: Depende na sa guro ang pagpapasya kung tama ba ang sagot ng
estudyante.
Isaisip
Sagot: Depende na sa guro ang pagpapasya kung tama ba ang sagot ng
estudyante
Isaisip
Sagot: Depende na sa guro ang pagpapasya kung tama ba ang sagot ng
estudyante
Susi sa Pagwawasto ng Pangwakas na Pagsusulit
1. A
2. B
3. D
4. B
5.A
6. A
7. B
8. D
9. B
10. C
17
lOMoARcPSD|18065987
Mga Sanggunian
Dayag, Alma M. at del Rosario, Mary Grace. Pinagyamang Pluma
Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino. 927
Quezon Avenue, Quezon City: Phoenix Publishing House, 2016.
Jocson, Magdalena O. Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang
Pilipino. 1253 Gregorio Araneta Avenue, Quezon City: Vibal Group,
Inc. 2016
Nuncio, Rhoderick V. et.al. SIDHAYA 11 Komunikasyon at Pananaliksik sa
Wika at Kulturang Pilipino. Cand E Publishing, Inc. 2016.
18
lOMoARcPSD|18065987