B ATANGAS S TATE U NIVERSITY
JPLPC Malvar
College of Engineering Technology
KAUGNAYAN NG BIGAT NG AKADEMIKONG GAWAIN
SA ANTAS NG PRESYUR NG MGA MAG-AARAL SA
PAMBANSANG PAMANTASAN NG BATANGAS –
KAMPUS NG MALVAR
Isang Konseptong Papel na Iniharap kay
Bb. Maricar R. Lajos
Fakulti, Kolehiyo ng Teknolohiya sa Inhinyeriya
PAMBANSANG PAMANTASAN NG BATANGAS
Ang Pambansang Pamantasan ng Inhenyeriya
JPLPC MALVAR
Malvar, Batangas
Bilang Bahagi ng Pagtugon
sa Pangangailangan sa Kursong
Filipino sa Iba’t ibang Disiplina
ABARIENTOS, JOHN CARLO J.
BAUTISTA, PHOEL CHRISTAN
CUARTO, DENNIELL G.
LAYVA, JOMMEL A.
LOPEZ, ALEXIS T.
SALUDO, ANGEL SAM M.
Mayo 9, 2023
B ATANGAS S TATE U NIVERSITY
JPLPC Malvar
College of Engineering Technology
TALAAN NG MGA NILALAMAN
INTRODUKSIYON 1
LAYUNIN 5
METODOLOHIYA 6
INAASAHANG RESULTA 7
BIBLIYOGRAPIYA i
B ATANGAS S TATE U NIVERSITY
JPLPC Malvar
College of Engineering Technology
INTRODUKSIYON
Isa sa mga mainit na usapin sa kasalukuyang panahon ay ukol sa kalusugang
pangkaisipan o mas kilala sa terminong mental health. Ayon sa Departamento ng
Kalusugan (DOH), ang pangkalahatang kalusugan ay hindi kumpleto kung wala ang
mental na kagalingan. Ang kalusugan ng isip ay mahalaga para sa pangkabuuan at
indibidwal na kakayahang makapagtrabaho, makapag-isip, makaramdam, at mabuhay. Isa
sa mga paksa na nasa ilalim nito ay ang presyur o mas kilala rin sa tawag na stress. Sa
isang lathalain ni Zauderer (2023), inilahad niya na 45 porsyento ng mga mag-aaral sa
sekondaryang paaralan ang nakaranas ng presyur sa pag-aaral. Sa kabilang banda, isang
pag-aaral na isinagawa sa GC Women University sa Sialkot, Pakistan, ang nagpakita na
84.4% ng mga mag-aaral ay nakaranas ng presyur, kung saan ang 13.2% nito ay malalang
kaso at 2.8% naman ay lubhang malala (Asif et al., 2020). Sa isang pag-aaral naman na
isinagawa nina Dy et al. (2015), pumangalawa sa mga maaring dahilan ng presyur ng mga
mag-aaral ang bigat ng gawain o workload na nararanasan ng isang indibidwal. Dito ay
naipakita na ang mga mag-aaral, lalo na sa kolehiyo, ay malamang na madaling kapitan ng
presyur na may kaugnayan sa pag-aaral ngunit ang maaaring dahilan nito ay hindi pa
naitatag ng tuluyan, partikular kung may kaugnayan ang presyur sa bigat ng akademikong
gawain. Sa kadahilanang ito, naniniwala ang mga mananaliksik na ang pag-kumpleto ng
pag-aaral na ito ay kinakailangan.
Sa Pambansang Pamantasan ng Batangas — Kampus ng Malvar manggagaling ang
mga respondente. Napili ang paaralan na ito dahil sa pag-unlad at pagdaragdag ng mga
kurikulum dito, na naging sanhi ng pagbigat ng mga gawain kailangang gawin at mga dapat
1
B ATANGAS S TATE U NIVERSITY
JPLPC Malvar
College of Engineering Technology
ipasa, pagdami ng oras na ginugugol sa pag aaral, pagdami ng araw na ipapasok, at pag-
unti ng oras para sa sarili ng mga mag-aaral. Mga mag-aaral sa kolehiyo rin ang napili dahil
gaya ng naunang nabanggit, ang dami at bigat ng mga gawain sa kolehiyo ay lubhang naiiba
sa mga gawain sa sekondaryang paaralan at elementarya. Dahil dito mas malamang na
tamaan sila ng presyur kaysa sa mga mag-aaral sa sekondarya at elementarya.
Ang kalusugan, partikular na ang kalusugang pangkaisipan ay isa sa mga paksang
nabigyang pansin sa patuloy na pagbabago at pag-unlad ng mundo. Ayon sa Pandaigdigang
Organisasyon para sa Kalusugan (WHO), ang kalusugang pangkaisipan ay isang estado ng
mental na kagalingan na nagbibigay-daan sa mga tao na mapagtanto ang kanilang mga
kakayahan, makapagtrabaho ng maayos, makayanan ang mga presyur o stress sa buhay,
matuto nang mabuti, at makapag-ambag sa kanilang komunidad. Maraming salik ang
nakakaapekto sa estado o kalagayan ng kalusugang pangkaisipan ng isang tao. Ilan sa mga
ito ay ang kapaligirang ginagalawan, karanasan sa buhay, pamilya, at kung paano pinalaki
ang isang indibidwal (Gibson, 2020). Sa lahat ng mga ito, ang presyur o stress ang isa sa
mga pinaka-karaniwang dahilan ng mga sakit na madalas maiuugnay sa kalusugang
pangkaisipan. Ayon kay Berger (2022), ang presyur ay isang pakiramdam ng pisikal o
emosyonal na katangian. Ito ay maaaring magmula sa anumang kaganapan o pag-iisip na
nagdudulot ng galit, pagkabigo, o kaba. Isinaad rin niya na ang presyur ay ang pagtugon
ng iyong katawan sa isang paghihirap o pangangailangan. Sa mga panaka-nakang pagranas
nito, ang presyur ay maaaring maging kapaki-pakinabang, tulad ng kapag nakakatulong ito
sa pagsunod sa isang deadline o pag-iwas sa panganib. Ngunit ang presyur ay maaaring
makapinsala sa kalusugan kapag ito ay tumatagal ng mahabang panahon.
2
B ATANGAS S TATE U NIVERSITY
JPLPC Malvar
College of Engineering Technology
Bagama’t iba-iba ang epekto ng presyur sa bawat indibidwal dahil sa iba’t-ibang
salik gaya ng paraan ng pagharap sa problema, kalakasan ng pag-iisip, kalakasan ng loob,
at iba pa, isa sa pinaka-karaniwang tamaan o nakakaranas nito ay ang mga mag-aaral,
partikular ang mga mag-aaral sa kolehiyo (Cornejo, 2020). Nitong mga nakaraang taon,
ang mga alalahanin tungkol sa kalusugang pangkaisipan ng mga mag-aaral sa unibersidad
ay tumataas o mas nabibigyang pansin (Milojevich & Lukowski, 2016). Ipinakita ng
maraming pag-aaral na ang edukasyon sa kolehiyo ay nauugnay sa mga sintomas ng
kalusugan ng isip (Kim et al., 2015), at isa sa mga problemang psychosocial na naging
laganap ay ang presyur o stress (Gustems-Carnicer et al, 2019). Ayon kay Freire et al.
(2020), ang mga mag-aaral ay nahaharap sa maraming nakakapinsalang sitwasyon sa
kanilang pang-araw-araw na buhay pang-akademiko, na maaaring negatibong makaapekto
sa kanilang kalusugan at akademikong tagumpay. Sa pag-aaral na ginawa nina Deb et al.
(2015), lumalabas na 63.5% ng mga respondanteng mag-aaral sa India ang nagsabi na
nakakaranas sila ng presyur sa pag-aaral — na walang makabuluhang pagkakaiba sa edad,
kasarian, grado, at iba pang mga indibidwal na salik. Humigit-kumulang isang-katlo
(32.6%) ng mga mag-aaral naman ang nagpakita ng mga sintomas ng depresyon, at 81.6%
ng mga mag-aaral ang nag-ulat ng pagkabalisa na may kaugnayan sa pagsusulit. Ang
resulta ay nagpapakita na ang mga mag-aaral ay malinaw na nakakaranas ng presyur,
depresyon, at pagkabalisa. Lumalabas rin dito na walang malinaw na ugnayan ang mga
demograpikong salik kung bakit nakakaranas ng presyur ang mga mag-aaral.
Sa isang pag-aaral na isinagawa ni Barnayannis (2022), lumabas na ang nag-iisang
pangunahing salik sa presyur na nakakaapekto sa mental na kagalingan ng mga mag-aaral
3
B ATANGAS S TATE U NIVERSITY
JPLPC Malvar
College of Engineering Technology
sa kolehiyo ay maaaring ang bigat ng akademikong gawain. Ang bigat ng akademikong
gawain ay tumutukoy sa bilang ng mga gawain na kailangang gawin o tapusin ng mga mag-
aaral bilang bahagi ng kanilang akademikong gawain sa pag-aaral (Smith, 2019). Sa isang
pag-aaral na inilathala sa International Journal of Asian Education, lumalabas na isa sa
mga pinaka-karaniwang problemang nararanasan ng mga mag-aaral sa kolehiyo ay ang
sidhi o tindi ng mga gawain at uri nito; bunga nito, maraming oras ang kinakailangang
igugol ng isang mag-aaral sa paggawa ng mga akademikong gawain (Licayan et al., 2021).
Binigyang diin at iminungkahi rin ni Licayan (2021) na dapat matugunan ng institusyon sa
edukasyon ang mga pamamaraan ng interbensyon sa pamamagitan ng mga serbisyong
pang-akademiko at hindi pang-akademiko upang matugunan ang problema. Sa kabilang
banda, lumabas naman sa pag-aaral nina Yangdon et al. (2021), na ang mga mag-aaral ay
hindi nasisiyahan sa buhay kolehiyo, lalo na tungkol sa pag-aaral, bigat ng akademikong
gawain, mga pasilidad, at mga serbisyo. Gaya ng naunang nabanggit na pag-aaral, ini-
rekomenda rin nina Yangdon (2021) ang agarang estratehikong interbensyon sapagkat
ipinakita rin ng resulta na maaaring maging sanhi ito ng presyur na makaapekto naman sa
pangkalahatang kalusugan at buhay ng mga mag-aaral.
Ang mga resulta, konklusyon, at mungkahi ng mga nabanggit na pag-aaral ay
nagpapahiwatig na ang mga mag-aaral ay madalas na nakakaranas ng presyur bilang isang
hindi maiiwasang bahagi ng kanilang edukasyon, partikular sa kolehiyo. Ito ay
kinakailangan din upang mahubog ang mga kakayahan ng mga mag-aaral sa anumang
propesyon o akademikong larangan na kanilang pinili. Gayunpaman, ang labis na presyur
sa mag-aaral ay maaaring magdulot ng isyu na nakakaapekto sa kalusugan ng mag-aaral,
4
B ATANGAS S TATE U NIVERSITY
JPLPC Malvar
College of Engineering Technology
lalo na ang kanilang mental na kagalingan. Lumalabas rin na isa sa mga nangungunang
problemang nararanasan ng mga mag-aaral ay ang bigat ng akademikong gawain, na kung
saan parehong binigyang diin na maaring magdulot ito ng mas malalang problema gaya ng
presyur at pagkabalisa. Iminungkahi rin ang pagpapatupad ng estratehikong interbensyon
upang maagapan ito.
Bagama’t may mga pag-aaral ng nailathala na nagsusuri ng antas ng presyur na
nararanasan ng mga mag-aaral at mga maaring dahilan nito, madalas ito ay isinagawa ng
magkahiwalay at inilathala bilang magkaibang pag-aaral. Kaunti rin ang mga pag-aaral na
gaya nito na isinagawa sa Pilipinas at ang madalas na respondante dito ay mga mag-aaral
sa sekondarya at mataas na paaralan. Madalas ring suriin ang kaugnayan ng antas ng
presyur sa mga salik gaya ng problema sa pamilya, problemang pinansyal, o kaya naman
ay mga problema sa emosyon gaya ng depresyon at pagkabalisa, ngunit hindi ang
kaugnayan nito sa bigat ng akademikong gawain.
LAYUNIN
1. Masuri ang bigat o dami ng mga akademikong gawain na ginagawa ng mga mag-
aaral sa loob ng isang semestre sa Pambansang Pamantasan ng Batangas JPLPC —
Kampus ng Malvar.
2. Matukoy ang antas ng presyur o stress na nararanasan ng mga mag-aaral.
3. Malaman kung mayroong signipikanteng ugnayan ang bigat o dami ng
akademikong gawain at ang antas ng presyur o stress na nararanasan ng mga respondante.
5
B ATANGAS S TATE U NIVERSITY
JPLPC Malvar
College of Engineering Technology
4. Makabuo ng mga mungkahi at mga hakbang upang mapabuti ang distribusyon
ng akademikong gawain at mabawasan ang stress, o presyur, na nararanasan ng mga mag-
aaral sa kolehiyo.
METODOLOHIYA
Korelasyonal ang disenyong gagamitin sa pag-aaral na ito sapagkat ang
pananaliksik na ito ay naglalayong matukoy ang relasyon ng bigat ng akademikong gawain
at antas ng stress o presyur na nararanasan ng mga mag-aaral. Ayon kay Tan (2014), ang
korelasyonal na disenyo ng pag-aaral ay naglalayong alamin ang relasyon sa pagitan ng
dalawa o higit pang mga baryabol. Ang magiging respondente ng pag-aaral na ito ay ang
mga piling mag-aaral sa Pambansang Pamantasan ng Batangas - Kampus ng Malvar sa
taong panuruan 2023-2024. Sa websayt ng paaralan, kukunin ng mga mananaliksik ang
kabuuang populasyon habang ang bilang naman ng mga kalahok ay tutukuyin sa
pamamagitan ng paggamit ng Slovin's formula sa 0.05 na antas ng halaga. Ang mga
respondente ay pipiliin gamit ang stratified sampling at ang iba't-ibang departamento sa
kolehiyo bilang strata. Ang stratified sampling ay isang pamamaraan ng pagkalap ng
respondente sa pananaliksik na ginagamit upang matiyak na ang bawat subgroup sa isang
populasyon ay maayos na kinakatawan ang kabuuang populasyon (Cole, 2020).
Ang pag-aaral na ito ay gagamit ng talatanungan sa pagkalap ng mga datos at
impormasyong kailangan. Ayon kay Mcleod (2023), ang talatanungan ay binubuo ng mga
serye ng mga katanungan para sa pangangalap ng impormasyon mula sa mga respondente.
Ang mga mananaliksik ay gumawa at nagdisenyo ng talatanungan upang matukoy ang
6
B ATANGAS S TATE U NIVERSITY
JPLPC Malvar
College of Engineering Technology
bigat ng akademikong gawain ng mga mag-aaral sa isang semestre habang
istandardisadong talatanungan (Shahid et al., 2012) naman ang gagamitin upang
mailarawan ang antas ng presyur na nararanasan ng mga mag-aaral. Ang unang bahagi ng
talatanungan ay naglalayong masuri ang bigat o dami ng mga akademikong gawain na
ginagawa ng mga mag-aaral sa loob ng isang semestre, partikular sa mga parametro ng
oras na ginugugol sa pag-aaral, dami ng araw ng pagpasok sa paaralan, at oras para sa sarili.
Habang ang ikalawang bahagi naman ay mula kina Shalid et al. (2012), na kanilang
idinisenyo upang matukoy ang antas ng presyur o stress na nararanasan ng isang
indibidwal. Ito ay isasalin ng mga mananaliksik sa wikang Filipino mula sa orihinal nitong
wikang Ingles. Ang mga talatanungan na ito ay ipamamahagi ng mga mananaliksik sa
napiling respondante sa pamamagitan ng pag-iikot at pagbibigay nito sa bawat silid-aralan.
INAASAHANG RESULTA
Isasagawa ang pag-aaral na ito upang matuklasan kung mayroong signipikanteng
ugnayan ang bigat ng akademikong gawain ng mga mag-aaral sa kolehiyo sa antas ng
presyur na kanilang nararanasan sa pag-aaral at makabuo ng mga hakbang at
rekomendasyon upang mas mapabuti ang distribusyon ng akademikong gawain at
mabawasan ang stress o presyur, na nararanasan ng mga mag-aaral sa kolehiyo. Ang
hinuha ng mga mananaliksik ay lalabas na mataas ang antas ng presyur na nararanasan ng
respondente at meron itong signipikanteng ugnayan sa bigat ng akademikong gawain nila
sa isang semestre. Ito ay ibinatay ng mga mananaliksik sa mga datos na nailimbag sa mga
nakaraang pag-aaral na nagsusuri ng antas ng presyur ng mga mag-aaral; madalas ay sa
7
B ATANGAS S TATE U NIVERSITY
JPLPC Malvar
College of Engineering Technology
mga mag-aaral sa sekondaryang paaralan, at mga pag-aaral naman na nagsusuri ng mga
posibleng dahilan ng presyur ng mga mag-aaral sa paaralan.
Ang mga rekomendasyon ng mga mananaliksik batay sa inaasahang resulta ay; una,
rebisahin ang kasalukuyang akademikong kurikulum at tanggalin ang mga bahagi nito na
hindi lubusang kailangan o mahalaga, pangalawa, palakasin ang mga sistema ng suporta sa
mga mag-aaral upang mas maging epektibo ang mga interbensyong gagawin (gaya ng
Cognitive-Behavioral Stress Management, Mindfulness-Based Stress Reduction (MBSR),
Programa sa Pagsasanay sa Pamamahala ng Presyur, atbp.); at pangatlo, magsagawa ng
mga seminar, symposium, o kumperensya sa mga mag-aaral na maglalayong ipalaganap
ang kaalaman tungkol sa presyur, mga masasamang epekto nito, at ang kahalagahan ng
pamamahala ng presyur (stress management). Iminumungkahi rin ang pagrebisa sa mga
tuntunin ng unibersidad gaya ng pagbabago sa iskedyul ng mga mag-aaral upang
masiguradong magkakaroon sila ng sapat na tulog at pahinga, at pagbebenta ng mga
masustansyang pagkain sa mga karinderya upang mahikayat ang mga mag-aaral na
magkaroon ng malusog na diyeta.
8
B ATANGAS S TATE U NIVERSITY
JPLPC Malvar
College of Engineering Technology
BIBLIYOGRAPIYA
A. ELEKTRONIKONG SANGGUNIAN
Asif, S., Mudassar, A., Shahzad, T. Z., Raouf, M., & Pervaiz, T. (2020). Frequency of
depression, anxiety and stress among university students. Pakistan journal of
medical sciences, 36(5), 971–976. https://doi.org/10.12669/pjms.36.5.1873
Barnayannis, G., Bandari, M., Zheng, X., Baquerizo, H., Pecor, K. W., & Ming X. (2022).
Academic Stress and Mental Well-Being in College Students: Correlations,
Affected Groups, and COVID-19. Frontiers in Psychology, 13.
https://doi.org/10.3389/fpsyg.2022.886344
Berger, F. K. (2022). Stress and your health Medline Plus.
https://medlineplus.gov/ency/article/
Cole, N. L. (2020, January 27). Understanding Stratified Samples and How to Create
Them. Greelane. https://www.greelane.com/tl/science-tech-math/mga-agham-
panlipunan/stratified-sampling
Cornejo, J. (2020). Stress and Coping Mechanisms Among College Students.
https://scholarworks.calstate.edu/
Department of Health. (2024). Walang health kung walang mental health!.
https://caro.doh.gov.ph/walang-health-kung-walang-mental-
health%F0%9F%A7%A0/
Dy, M. R., Espirito-Santo, K., Ferido, M. P., & Ria, S. (2015). Stressors and stress
responses of Filipino college students. Asia Life Sciences, 24(2), 737-759.
i
B ATANGAS S TATE U NIVERSITY
JPLPC Malvar
College of Engineering Technology
Freire, C., Ferradás, M. del M., Regueiro, B., Rodríguez, S., Valle, A., & Núñez, J. C.
(2020). Coping Strategies and Self-Efficacy in University Students: A Person-
Centered Approach. Frontiers in Psychology, 11. doi:10.3389/fpsyg.2020.00841
Gibson, R. (2024). What factors affect our mental health? Understanding the social,
physiological and environmental impact Northern Healthcare.
https://www.northernhealthcare.org.uk/news-resources/what-factors-affect-our-
mental-health-understanding-the-social-physiological-and-environmental-
impact/
Gustems-Carnicer, J., Calderón, C., & Calderón-Garrido, D. (2019). Stress, coping
strategies and academic achievement in teacher education students. Eur. J. Teach.
Educ. 42, 375–390. doi: 10.1080/02619768.2019.1576629
Kim, J. E., Saw, A., & Zane, N. (2015). The influence of psychological symptoms on
mental health literacy of college students. Am. J. Orthopsychiatry 85, 620–630.
doi: 10.1037/ort0000074
Licayan, R. J., Chierife C, F. M., P, L. G., & Kim, C. R. (2021). Academic Stress Level
Determination among College Students in Times of Covid-19 Pandemic: Basis
for an Intervention Scheme. International Journal of Asian Education, 2(3), 313–
326. https://doi.org/10.46966/ijae.v2i3.119
Mcleod, S. (2023, December 13). What is a questionnaire and how is it used in research?
Simply Psychology. https://www.simplypsychology.org/questionnaires.html?
Z4yP0IuSPVxrHUVXUQTNVk7qvUBK2R8_aem
ii
B ATANGAS S TATE U NIVERSITY
JPLPC Malvar
College of Engineering Technology
Milojevich, H. M., & Lukowski, A. F. (2016). Sleep and mental health in undergraduate
students with generally healthy sleep habits. PLoS One 11:e0156372. doi:
10.1371/journal.pone.0156372
Shahid, A., Wilkinson, K., Marcu, S., & Shapiro, C. M. (2012). Perceived stress
questionnaire (PSQ). STOP, THAT and One Hundred Other Sleep Scales, 273–
274. https://doi.org/10.1007/978-1-4419-9893-4_64
Smith, A.P. (2019). Student Workload, Wellbeing and Academic Attainment. In: Longo,
L., Leva, M. (eds) Human Mental Workload: Models and Applications. H-
WORKLOAD 2019. Communications in Computer and Information Science, vol
1107. Springer, Cham. https://doi.org/10.1007/978-3-030-32423-0_3
Tan, L. (2014). Correlational Study. NIE Digital Repository.
https://repository.nie.edu.sg/bitstream/10497/18115/4/BC-MSB-2014-269.pdf
World Health Organization. (2022). Mental health. https://www.who.int/news-room/fact-
sheets/detail/mental-health-strengthening-our-response?
Yangdon, K., Sherab, K., Choezom, P., Passang, S., & Deki, S. (2021). Well-being and
academic workload: Perceptions of Science and technology students. Academic
Journals, 16(11), 418-427. DOI:10.5897/ERR2021.4197
Zauderer, S. (2023, September 19). 47 Student Stress Statistics (High School/College)
Cross River Theraphy. https://www.crossrivertherapy.com/student-stress-
statistics?
iii