Republic of the Philippines
DEPARTMENT OF EDUCATION
Region VII, Central Visayas
DIVISION OF CITY SCHOOLS
CITY OF NAGA, CEBU
Ecology Center, West Poblacion, City of Naga, Cebu
BANGHAY ARALIN SA FILIPINO 5
Week 3
UNANG ARAW
Petsa: September 5-9, 2022
I. LAYUNIN
Sa araling ito, 80% ng mga mag-aaral ay inaasahang:
a. Natutukoy ang wastong baybay ng mga salitang natutuhan sa aralin; salitang
hiram; at salitang kaugnay ng ibang asignatura, F5PU-lc-1;
b. naisusulat nang wasto ang baybay ng salitang natutuhan sa aralin; salitang
hiram; at salitang kaugnay ng ibang asignatura, F4PU-lla-j-1; at
c. napapahalagahanang ang pagbababybay ng mga salitang natutuhan at mga
hiram na salita sa pagsulat nang may kawastuhan.
II. PAKSANG ARALIN
A. Paksa: “Wastong Pagbabaybay ng mga Salitang Natutuhan sa Aralin;
Salitang Hiram; at Salitang Kaugnay ng ibang Asignatura”
B. Sanggunian: Mahalom, Arnel B. “Panghihiram Ng Mga Salita” Huling binago
noong Hunyo 29, 2012. https://bit.ly/3cNPOWx
“Mga Hiram na Salita”, 2020. https://bit.ly/2Sf8Trb
Ignacio, Christen. Mga tuntunin sa pagbabaybay. Published on July 28, 2013.
https://bit.ly/3ijVhFv
“Mga Tuntunin sa Pagbabaybay ng Salitang Hiram.’’Published on December
4, 2014. https://lrmds.deped.gov.ph/detail/6956
“Mga Salitang Hiram sa Ingles.” https://www.tagaloglang.com/salitang-hiram-
sa- wikang-ingles/
C. Kagamitan:Teksto, tsart, mga larawan,powerpoint presentation
III. PAMAMARAAN
A. Paghahanda
Nasubukan niyo na bang makatanggap ng isang regalo? Minsan
makatanggap tayo ng regalo bilang isang gantimpala sa ating pagsisikap sa
pag-aaral o pagiging mabait. Ngayon, aalamin natin mula sa tula kung anong
regalo ang ibinigay ni titser sa isang bata.
Panuto: Basahin ang tula ng may angkop na damdamin.
Ang Regalo ni Titser ni: Gng. Christina B. Catigbe
Ako’y batang mahirap lang,
Kabilang sa populasyong maliit lamang.
Wala kaming telebisyon,
Ngunit pangarap kong tumira sa mansyon.
Kahit mahirap ang buhay,
Sa pag-aaral di ako naging matamlay,
Upang makapasa, at makapag hayskul,
Perpektong iskor lagi kong hinahabol.
Sa bawat perpektong pasulit,
Regalo’y gusto kong makamit,
Ngunit dahil wala kaming pera,
Palaging regalo ko ay wala,
Ngunit isang araw, akoy natuwa,
Sa regalo ni titser akoy nanghula,
Nang ito’y aking buksan,
Kompyuter pala ang laman.
Sagutin ang mga katanungan:
1. Ano ang gustong makamit ng bata?
2. Ano ang ibinigay na regalo ni titser sa bata?
3. Bukod sa kagustuhan na magkaroon ng regalo, bakit kaya pinagbubutihan
ng bata ang kanyang pag-aaral?
4. Kung ikaw ang bata sa tula, magpupursige ka rin ba sa pag-aaral kahit
wala kang regalong natatanggap? Bakit?
5. Napansin mo ba ang mga salitang sinalungguhitan sa tula? Ano kaya ang
tawag sa mga ito?
B. Paglalahad
Maraming mga salita ang lumalabas sa ating bibig araw-araw. Alam
mo ba kung alin sa mga salitang ito ang hiram natin? Ano-ano ba ang mga
salitang hiram?
Muli mong basahin ang mga salitang sinalungguhitan na
matatagpuan sa tula.
Populasyon titser
Mansyon hayskul
Telebisyon kompyuter
Ilan lamang ito sa mga salitang hiram na kalimitan nating ginagamit sa
araw-araw.
Ang ating wikang Filipio ay hindi puro. Maraming wikang banyaga ang
ating ginagamit sa pang araw-araw. May mga salitang banyaga na hindi
matatagpuan sa salitang Filipino kapag isinasalin. Dahil dito, ang tanging
magagawa ay manghiram ng salita o lumikha ng bagong salita. Ayon sa
pag-aaral, limang libong salitang Kastila, tatlong libong salitang Malay, isang
libong salitang Ingles at daan-daang salitang Arabe, Latin, Sanskrito, Aliman
at iba pa ang hiniram nating mga Pilipino.
Halaw mula sa: https://bit.ly/3ndXGWa
C. Pagtatalakay
May dalawang paraan ng panghihiram ng salita. Nalalaman natin ang
uri nito sa kung paano ito binabaybay.
a. Tuwirang Hiram – hinihiram ng buo ang salitang banyaga at inaangkop
ang bigkas at ispeling sa ortograpiyang Filipino. Binabaybay ito sa
pamamagitan ng pagsasaayos ng mga letra sa kung paano ito binibigkas
sa wikang Filipino.
Halimbawa:
Teacher – titser
High school – hayskul
Antenna – antena
Mansion – mansyon
Population – populasyon
b. Ganap na Hiram – dahil sa praktikalidad, hinihiram ng buo ang salitang
banyaga na walang pagbabago sa anyo nito. Kung paano ito binabaybay
sa wikang ingles ay ganun din ang pagbaybay nito sa wikang Filipino.
Halimbawa:
door bell
hamburger
siomai
carbon dioxide
oxygen
Halaw mula sa: https://bit.ly/3igI3JG
Ang pagbaybay ay ang pagsusulat ng salita o mga salita sa
pamamagitan ng lahat ng kinakailangan na letra sa tama nitong
pagkakasunod-sunod. Ito ay isa sa mga napaka-importanteng bahagi ng
isang wika. https://bit.ly/3kQWh5I
Pasulat na Pagbaybay – mananatili ang isa sa isang tumbasan ng tunog at
letra sa pagsulat na pagbaybay ng mga salita sa wikang Filipino.
Kung ano ang bigkas ay siyang sulat at kung ano sulat ay siyang basa.
Halimbawa:
janitor = dyanitor
formal = pormal
computer = kompyuter
television = telebisyon
magazine = magasin
D. Paglalapat
Panuto: Ihanay ang mga salitang nasa loob ng kahon ayon sa dalawang
paraan ng panghihiram ng mga salita (tuwirang hiram, ganap na
hiram). Isulat ang sagot sa iyong kuwaderno.
basketbol ice cream klinika tren pizza
keyk laser party artery kemistri
Tuwirang Hiram Ganap na Hiram
E. Paglalahat
Paano naisusulat nang wasto ang baybay ng salitang natutuhan sa aralin
at salitang hiram?
Ang salitang hiram ay ang mga salitang walang katumbas na salita sa
Filipino kaya hiniram ang pagbigkas at pagbaybay nito. Ang dalawang uri ng
panghihiram ng salita ay tuwirang hiram at ganap na hiram. Ang mga salitang
tuwirang hiniram gaya ng mga salita mula sa tulang ating binasa na titser at
mansyon ay binabaybay ayon sa kung paano ito binibigkas sa wikang Filipino
habang hinihiram ang buong salitang dayuhan.
IV. PAGTATAYA
Panuto: Ayusin ang mga salita ayon sa tamang baybay nito. Isulat ang sagot sa
iyong kuwaderno.
Halimbawa: Magkasamang nanunuod ng bagong palabas sa
(ntoyebesil) __________ an gaming buong pamilya.
Sagot: telebisyon
1. Ang damit ay nakalagay sa loob ng (binetka) __________.
2. Isinakay sa (kart)_________ ang mga tubo.
3. Ginagamitan ko ng (poosham)_________ ang aking buhok sa tuwing ako
ay naliligo.
4. Mapula ang labi ng dalaga dahil sa inilagay na (sticklip)________.
5. Isinugod kaagad sa (talhospi) __________ si Ana dahil sa trangkaso.
V. TAKDANG ARALIN
Panuto: Gamitin sa pangungusap ang mga salitang hiram na nasa loob ng
puso. Isulat ito sa iyong kuwaderno.
zoo
trak
sandwich
ballpen
bag
1. ________________________________________________
2. ________________________________________________
3. ________________________________________________
4. ________________________________________________
5. ________________________________________________
Republic of the Philippines
DEPARTMENT OF EDUCATION
Region VII, Central Visayas
DIVISION OF CITY SCHOOLS
CITY OF NAGA, CEBU
Ecology Center, West Poblacion, City of Naga, Cebu
BANGHAY ARALIN SA FILIPINO 5
Week 3
IKALAWANG ARAW
Petsa: September 5-9, 2022
I. LAYUNIN
Sa araling ito, 80% ng mga mag-aaral ay inaasahang:
a. Natutukoy ang wastong baybay ng mga salitang natutuhan sa aralin; salitang
hiram; at salitang kaugnay ng ibang asignatura, F5PU-lc-1;
b. naisusulat nang wasto ang baybay ng salitang natutuhan sa aralin; salitang
hiram; at salitang kaugnay ng ibang asignatura, F4PU-lla-j-1; at
c. napapahalagahanang ang pagbababybay ng mga salitang natutuhan at mga
hiram na salita sa pagsulat nang may kawastuhan.
II. PAKSANG ARALIN
A. Paksa: “Wastong Pagbabaybay ng mga Salitang Natutuhan sa Aralin;
Salitang Hiram; at Salitang Kaugnay ng ibang Asignatura”
B. Sanggunian: Mahalom, Arnel B. “Panghihiram Ng Mga Salita” Huling binago
noong Hunyo 29, 2012. https://bit.ly/3cNPOWx
“Mga Hiram na Salita”, 2020. https://bit.ly/2Sf8Trb
Ignacio, Christen. Mga tuntunin sa pagbabaybay. Published on July 28,
2013. https://bit.ly/3ijVhFv
“Mga Tuntunin sa Pagbabaybay ng Salitang Hiram.’’Published on December
4, 2014. https://lrmds.deped.gov.ph/detail/6956
“Mga Salitang Hiram sa Ingles.” https://www.tagaloglang.com/salitang-hiram-
sa- wikang-ingles/
C. Kagamitan:Teksto, tsart, mga larawan,powerpoint presentation
III. PAMAMARAAN
A. Pagbabalik Aral
Panuto: Tingnan at kilalanin ang mga larawan at isulat sa patlang ang
pangalan ng mga ito. Piliin ang iyong sagot mula sa kahon na nasa
ibaba. Gawin ito sa iyong kuwaderno.
https://bit.ly/30d3HbA https://bit.ly/3n00Zjl
1. ____________________ 2. ____________________
https://bit.ly/36dkFKA https://bit.ly/337NoyE
3.____________________ 4. ___________________
https://bit.ly/3kXe4Z7 https://bit.ly/3j9bheP
5._____________________ 6.____________________
https://bit.ly/342x4hX https://bit.ly/2EBZiY2
7._____________________ 8.____________________
https://bit.ly/341BLsp https://bit.ly/3cA6OiK
9._____________________ 10.__________________
toothpaste mouse
tablet lipstik
keyk cellphone
laptop lighter
brush envelope
B. Paglalahad
Maraming mga salita ang lumalabas sa ating bibig araw-araw. Alam
mo ba kung alin sa mga salitang ito ang hiram natin? Ano-ano ba ang mga
salitang hiram?
Muli mong basahin ang mga salitang mula sa itaas.
toothpaste mouse
tablet lipstik
keyk cellphone
laptop lighter
brush envelope
Ilan lamang ito sa mga salitang
hiram na kalimitan nating ginagamit sa araw-araw.
Ang ating wikang Filipio ay hindi puro. Maraming wikang banyaga ang
ating ginagamit sa pang araw-araw. May mga salitang banyaga na hindi
matatagpuan sa salitang Filipino kapag isinasalin. Dahil dito, ang tanging
magagawa ay manghiram ng salita o lumikha ng bagong salita. Ayon sa
pag-aaral, limang libong salitang Kastila, tatlong libong salitang Malay, isang
libong salitang Ingles at daan-daang salitang Arabe, Latin, Sanskrito, Aliman
at iba pa ang hiniram nating mga Pilipino.
Halaw mula sa: https://bit.ly/3ndXGWa
C. Pagtatalakay
May dalawang paraan ng panghihiram ng salita. Nalalaman natin ang
uri nito sa kung paano ito binabaybay.
Tuwirang Hiram – hinihiram ng buo ang salitang banyaga at inaangkop
ang bigkas at ispeling sa ortograpiyang Filipino. Binabaybay ito sa
pamamagitan ng pagsasaayos ng mga letra sa kung paano ito binibigkas
sa wikang Filipino.
Halimbawa:
Teacher – titser
High school – hayskul
Antenna – antena
Mansion – mansyon
Population – populasyon
Ganap na Hiram – dahil sa praktikalidad, hinihiram ng buo ang salitang
banyaga na walang pagbabago sa anyo nito. Kung paano ito binabaybay
sa wikang ingles ay ganun din ang pagbaybay nito sa wikang Filipino.
Halimbawa:
door bell
hamburger
siomai
carbon dioxide
oxygen
Halaw mula sa: https://bit.ly/3igI3JG
Ang pagbaybay ay ang pagsusulat ng salita o mga salita sa
pamamagitan ng lahat ng kinakailangan na letra sa tama nitong
pagkakasunod-sunod. Ito ay isa sa mga napaka-importanteng bahagi ng
isang wika. https://bit.ly/3kQWh5I
Pasulat na Pagbaybay – mananatili ang isa sa isang tumbasan ng tunog at
letra sa pagsulat na pagbaybay ng mga salita sa wikang Filipino.
Kung ano ang bigkas ay siyang sulat at kung ano sulat ay siyang basa.
Halimbawa:
janitor = dyanitor
formal = pormal
computer = kompyuter
television = telebisyon
magazine = magasin
D. Paglalapat
Panuto: Tingnang mabuti ang larawan. Piliin ang mga bagay na nagtataglay
ng mga hiram na salita. Isulat sa iyong kuwaderno ang tamang
baybay o ispeling sa Filipino pagkatapus gamitin ito sa pangungusap.
1. _____________________________________________________
2. _____________________________________________________
3. _____________________________________________________
4. _____________________________________________________
5. _____________________________________________________
E. Paglalahat
Paano naisusulat nang wasto ang baybay ng salitang natutuhan sa aralin
at salitang hiram?
Ang salitang hiram ay ang mga salitang walang katumbas na salita sa
Filipino kaya hiniram ang pagbigkas at pagbaybay nito. Ang dalawang uri ng
panghihiram ng salita ay tuwirang hiram at ganap na hiram. Ang mga salitang
tuwirang hiniram gaya ng mga salita mula sa tulang ating binasa na titser at
mansyon ay binabaybay ayon sa kung paano ito binibigkas sa wikang Filipino
habang hinihiram ang buong salitang dayuhan.
IV. PAGTATAYA
Panuto: Isulat ang tamang baybay sa Filipino ng mga sumusunod na hiram na
salita. Isulat ito sa iyong kuwaderno.
1. English ______________
2. train ______________
3. Nitrogen ______________
4. artificial ______________
5. taxi ______________
6. control ______________
7. leader ______________
8. barangay ______________
9. basket ______________
10. August _______________
V. TAKDANG ARALIN
Republic of the Philippines
DEPARTMENT OF EDUCATION
Region VII, Central Visayas
DIVISION OF CITY SCHOOLS
CITY OF NAGA, CEBU
Ecology Center, West Poblacion, City of Naga, Cebu
BANGHAY ARALIN SA FILIPINO 5
Week 3
PANGATLONG ARAW
Petsa: September 5-9, 2022
II. LAYUNIN
Sa araling ito, 80% ng mga mag-aaral ay inaasahang:
d. Natutukoy ang wastong baybay ng mga salitang natutuhan sa aralin; salitang
hiram; at salitang kaugnay ng ibang asignatura, F5PU-lc-1;
e. naisusulat nang wasto ang baybay ng salitang natutuhan sa aralin; salitang
hiram; at salitang kaugnay ng ibang asignatura, F4PU-lla-j-1; at
f. napapahalagahanang ang pagbababybay ng mga salitang natutuhan at mga
hiram na salita sa pagsulat nang may kawastuhan.
II. PAKSANG ARALIN
D. Paksa: “Wastong Pagbabaybay ng mga Salitang Natutuhan sa Aralin;
Salitang Hiram; at Salitang Kaugnay ng ibang Asignatura”
E. Sanggunian: Mahalom, Arnel B. “Panghihiram Ng Mga Salita” Huling binago
noong Hunyo 29, 2012. https://bit.ly/3cNPOWx
“Mga Hiram na Salita”, 2020. https://bit.ly/2Sf8Trb
Ignacio, Christen. Mga tuntunin sa pagbabaybay. Published on July 28, 2013.
https://bit.ly/3ijVhFv
“Mga Tuntunin sa Pagbabaybay ng Salitang Hiram.’’Published on December
4, 2014. https://lrmds.deped.gov.ph/detail/6956
“Mga Salitang Hiram sa Ingles.” https://www.tagaloglang.com/salitang-hiram-
sa- wikang-ingles/
F. Kagamitan:Teksto, tsart, mga larawan,powerpoint presentation
III. PAMAMARAAN
A. Pagbabalik Aral
Panuto: Isulat ang tamang baybay sa Filipino ng mga sumusunod na hiram na
salita. Isulat ito sa iyong kuwaderno.
1. English ______________
2. train ______________
3. Nitrogen ______________
4. artificial ______________
5. taxi ______________
6. control ______________
7. leader ______________
8. barangay ______________
9. basket ______________
10. August _______________
B. Paglalahad
1. Ano ang paksa ng iyong binasa?
2. Paano magiging ligtas laban sa Covid-19?
3. Bakit mahalagang ingatan ang sarili at maging ligtas?
4. Ano-ano ang bagong salitang natutuhan mo sa iyong binasa? Itala ito.
5. Ano ang napansin mo sa mga salitang nakaitaliko?
6. Ano kaya ang tawag sa mga salitang ito?
7. Pansinin ang mga salitang nakaitaliko, paano kaya ito binaybay?
C. Pagtatalakay
Ang tawag sa mga bagong salitang dumagdag sa ating wika, na hindi
orihinal o hindi likas sa atin ay mga Salitang Hiram. Sa araling ito, tatalakayin
natin ang wastong pagbaybay ng mga salitang hiram na maaaring
matututuhan mo sa aralin at sa ibang asignatura.
D. Paglalapat
E. Paglalahat
Paano naisusulat nang wasto ang baybay ng salitang natutuhan sa aralin
at salitang hiram?
Ang salitang hiram ay ang mga salitang walang katumbas na salita sa
Filipino kaya hiniram ang pagbigkas at pagbaybay nito. Ang dalawang uri ng
panghihiram ng salita ay tuwirang hiram at ganap na hiram. Ang mga salitang
tuwirang hiniram gaya ng mga salita mula sa tulang ating binasa na titser at
mansyon ay binabaybay ayon sa kung paano ito binibigkas sa wikang Filipino
habang hinihiram ang buong salitang dayuhan.
IV. PAGTATAYA
Panuto: Piliin ang tamang baybay-Filipino ng salitang hiram na sinalungguhitan
sa bawat pangungusap. Isulat ang titik ng tamang sagot sa iyong
kwaderno.
1. Isa sa mahalagang kagamitan sa pag-aaral ng mga kabataan ngayon
ang computer.
A. computer B. kompoter C. kompyuter D. kompuyter
2. Ang mga doctor ay gumagamot ng mga taong may karamdaman.
A. duktor B. doktor C. doctor D. doktur
3. Hinuhuli ng mga police ang mga taong lumalabag sa batas.
A. polis B. poles C. pules D. pulis
4. Binibilhan ako ni Nanay ng cake tuwing kaarawan ko.
A. kik B. kiyk C. ceyk D. keyk
5. Nakikinig kami ng mga awitin sa radio tuwing hapon.
A. radyo B. radio C. radyu D. radeo
6. Mataas ang score na nakuha ni Mark sa pagsusulit.
A. skor B. iskor C. eskor D. iskur
7. Binibigyan ng mga module ang mga mag-aaral para hindi na sila
lumabas pa ng kanilang bahay.
A. modyul B. mudyol C. mudyul D. modyule
8. Nagtutulong-tulong ang mga artista para makalipon ng donation para sa
mga nasalanta ng bagyo.
A. donesyun B. donasyun C. donasyon D. donasion
9. Itinago ni Marlon ang bola sa loob ng cabinet.
A. kabinet B. cabenet C. kabenit D. kabenet
10. Mahilig magbasa ng mga magazine si ate Joy.
A. magazine B. magasin C. magasen D. magasine
V. TAKDANG ARALIN
Panuto: Gamitin sa pangungusap ang mga salitang hiram na nasa loob ng
puso. Isulat ito sa iyong kuwaderno.
police
nurse
doctor
pandemic
alcohol
6. ________________________________________________
7. ________________________________________________
8. ________________________________________________
9. ________________________________________________
10. ________________________________________________
Republic of the Philippines
DEPARTMENT OF EDUCATION
Region VII, Central Visayas
DIVISION OF CITY SCHOOLS
CITY OF NAGA, CEBU
Ecology Center, West Poblacion, City of Naga, Cebu
BANGHAY ARALIN SA FILIPINO 5
Week 3
IKA-APAT NA ARAW
Petsa: September 5-9, 2022
I. LAYUNIN
Sa araling ito, 80% ng mga mag-aaral ay inaasahang:
a. Natutukoy ang wastong baybay ng mga salitang natutuhan sa aralin; salitang
hiram; at salitang kaugnay ng ibang asignatura, F5PU-lc-1;
b. naisusulat nang wasto ang baybay ng salitang natutuhan sa aralin; salitang
hiram; at salitang kaugnay ng ibang asignatura, F4PU-lla-j-1; at
c. napapahalagahanang ang pagbababybay ng mga salitang natutuhan at mga
hiram na salita sa pagsulat nang may kawastuhan.
II. PAKSANG ARALIN
A. Paksa: “Wastong Pagbabaybay ng mga Salitang Natutuhan sa Aralin;
Salitang Hiram; at Salitang Kaugnay ng ibang Asignatura”
B. Sanggunian: Mahalom, Arnel B. “Panghihiram Ng Mga Salita” Huling binago
noong Hunyo 29, 2012. https://bit.ly/3cNPOWx
“Mga Hiram na Salita”, 2020. https://bit.ly/2Sf8Trb
Ignacio, Christen. Mga tuntunin sa pagbabaybay. Published on July 28,
2013. https://bit.ly/3ijVhFv
“Mga Tuntunin sa Pagbabaybay ng Salitang Hiram.’’Published on December
4, 2014. https://lrmds.deped.gov.ph/detail/6956
“Mga Salitang Hiram sa Ingles.” https://www.tagaloglang.com/salitang-hiram-
sa- wikang-ingles/
C. Kagamitan:Teksto, tsart, mga larawan,powerpoint presentation
III. PAMAMARAAN
A. Pagbabalik Aral
Panuto: Piliin ang tamang baybay-Filipino ng salitang hiram na sinalungguhitan
sa bawat pangungusap. Isulat ang titik ng tamang sagot sa iyong
kwaderno.
1. Isa sa mahalagang kagamitan sa pag-aaral ng mga kabataan ngayon
ang computer.
B. computer B. kompoter C. kompyuter D. kompuyter
2. Ang mga doctor ay gumagamot ng mga taong may karamdaman.
B. duktor B. doktor C. doctor D. doktur
3. Hinuhuli ng mga police ang mga taong lumalabag sa batas.
B. polis B. poles C. pules D. pulis
4. Binibilhan ako ni Nanay ng cake tuwing kaarawan ko.
A. kik B. kiyk C. ceyk D. keyk
5. Nakikinig kami ng mga awitin sa radio tuwing hapon.
A. radyo B. radio C. radyu D. radeo
B.Paglalahad
Panuto: A. Basahin ang sumusunod na mga salitang hiram sa ibaba at
iugnay sa bawat larawan. Isulat ang sagot sa iyong kuwaderno.
nurse police doctor pandemic alcohol
______1. ______ 2.
https://bit.ly/2IEEZeO https://bit.ly/36JG5Om
_____ 2. ______ 4.
https://bit.ly/35HMqKG https://bit.ly/3lKzt8t
Panuto: B. Ibaybay sa Filipino ang mga sagot mo sa Gawain 1 A. Punan
lamang ng patlang sa ibaba ng iyong tamang sagot at isulat ito
sa iyong kuwaderno.
1. _________________________
2. _________________________
3. _________________________
4. _________________________
C. Pagtatalakay
Narito ang mga halimbawa ng salitang hiram mula sa salitang orihinal.
Orihinal Bay-bay - Filipino
Doctor Doktor
Nurse Nars
Police Pulis
Alcohol Alkohol
infection impeksyon
Iba pang halimbawa ng mga salitang hiram na binaybay sa wikang
Filipino.
believe – bilib suspect – suspek interview – interbyu
basket – basket tricycle – traysikel score -- iskor
export – eksport training – treyning
Halimbawang pangungusap:
1. Mataas na iskor ang nakuha ni Joy sa pagsusulit sa Filipino.
2. Matinding treyning ang dinaanan ni Cardo bago naging isang pulis.
D. Paglalapat
A. Panuto: Isulat ang wastong baybay-Filipino ng mga sumusunod na
salitang hiram. Sa kwaderno isulat ang iyong mga sagot.
1. principal -
2. traffic -
3. driver -
4. ballpen -
5. basketball –
B. Panuto: Piliin at isulat sa kwaderno ang wastong baybay-Filipino ng
mga salitang hiram sa ibaba.
1. economics - (ikonomiks, ekonomiks)
2. communication - (kumonikasyon, komunikasyon)
3. local - (lokal, lukal)
4. magnetic - (magnitik, magnetik)
5. ambition – (ambision, ambisyon)
E. Paglalahat
Paano naisusulat nang wasto ang baybay ng salitang natutuhan sa aralin
at salitang hiram?
Ang salitang hiram ay ang mga salitang walang katumbas na salita sa
Filipino kaya hiniram ang pagbigkas at pagbaybay nito. Ang dalawang uri ng
panghihiram ng salita ay tuwirang hiram at ganap na hiram. Ang mga salitang
tuwirang hiniram gaya ng mga salita mula sa tulang ating binasa na titser at
mansyon ay binabaybay ayon sa kung paano ito binibigkas sa wikang Filipino
habang hinihiram ang buong salitang dayuhan.
IV. PAGTATAYA
Panuto: Isulat sa iyong kwaderno ang wastong baybay-Filipino ng mga
sumusunod na salitang hiram. Pagkatapos, gamitin ito sa pangungusap.
Halimbawa:
cake - Napakatamis ng ginawang keyk ni Lola Flora.
1. doctor - ______________
Pangungusap:
_____________________________________________________
2. police - ______________
Pangungusap:
_____________________________________________________
3. teacher - _____________
Pangungusap:
_____________________________________________________
4. television - ____________
Pangungusap:
_____________________________________________________
5. education - ____________
Pangungusap:
_____________________________________________________
V. TAKDANG ARALIN
Panuto: Kopyahin sa iyong kwaderno ang mga pangungusap sa ibaba. Bilugan ang
wastong baybay-Filipino ng mga salitang hiram.
1. Ang Cagayan ay isa sa mga lugar na may malaking (produksion, produksyon)
ng bigas sa bansa.
2. Maraming naglalakihang (truk, trak) ang dumadaan sa kalsada araw-araw.
3. Magpapatawag ng (miting, meting) ang aming guro sa darating na Lunes.
4. Bumangga ang sasakyang minamaneho ni Mang Atoy dahil nawalan siya ng
(kontrol, kontrul) sa manibela.
5. Maraming tao ang nakapila sa estasyon ng (trin, tren) dahil gusto na nilang
umuwi sa kanila-kanilang probinsya.
Inihanda ni:
ARNIEL P. FLORENTINO
Master Teacher