0% found this document useful (0 votes)
84 views7 pages

Fil Finals Reviewer

Filipino Reviewer

Uploaded by

Juwana Man
Copyright
© © All Rights Reserved
We take content rights seriously. If you suspect this is your content, claim it here.
Available Formats
Download as DOCX, PDF, TXT or read online on Scribd
0% found this document useful (0 votes)
84 views7 pages

Fil Finals Reviewer

Filipino Reviewer

Uploaded by

Juwana Man
Copyright
© © All Rights Reserved
We take content rights seriously. If you suspect this is your content, claim it here.
Available Formats
Download as DOCX, PDF, TXT or read online on Scribd
You are on page 1/ 7

WIKA

Ang iba pang katawagan sa wika ay “lengguwahe” (Language sa Ingles). Ito ay nagmula sa salitang Latin na “lingua”,
literal na nangangahulugang “dila”.
Pinaniniwalaang dito nagmula ang salitang ito sapagkat nakagagawa ito ng iba’t ibang kombinasyon ng tunog na
nagagamit upang makapaghatid ng damdamin o ekspresyon.
Sa pinakapayak nitong kahulugan, ang wika ay isang sistema ng kumunikasyon na ginagamit ng mga tao.
Ito ay koleksyon ng iba’t-ibang simbolo at mga salita na nagpapahayag ng kahulugan.
Ito ay nagsisilbing behikulo upang maipahayag natin ang ating mga kaisipan, mga saloobin at nararamdaman.
Maaring maihayag ang wika sa pamamagitan ng sulat o pananalita, maituturing din na wika ang kumpas ng kamay o sign
language.
Wikang Pormal – Ito ay itinuturing ng mas angkop at katanggap- tanggap na paggamit ng wika sa lipunan. Ito
karaniwang ginagamit ng mga mag-aaral at propesyonal. Masuri itong binubuo sa pamamagitan ng paggamit ng
pinakawastong salita, at pagsunod sa mga panuntunan tulad ng balarila o gramatika. Tinatawag ding impersonal o
siyentipiko sapagkat ito ay ginagamit upang maghatid ng mahahalagang impormasyon.

Wikang Imporamal – Ito ay karaniwang ginagamit natin sa araw-araw para makipag-usap sa ating kapwa. Ito ay mas
personal kumpara sa wikang pormal. Hindi ito nangangailangan ng mataas na kawastuhan sa gramatika kumpara sa
wikang pormal.

LINGGUWISTIKA – tawag sa pag-aaral ng wika.

LINGGUWISTA – tawag sa taong dalubhasa at pinag-aaralan ito.

HENRY ALLAN GLEASON (1988) – Si Henry Gleason ay isang lingguwista at propesor sa Unibersidad ng Toronto. Ayon sa
kanya, ang wika ay binubuo ng mga tunog na sinasalita. Ang mga salitang ito ay isinaayos sa paraang arbitraryo upang
magamit ng mga taong kabilang sa lipunan. Ani pa niya, ito ay nakabuhol na sa kultura ng mga taong gumagamit nito.

WAYNE WEITEN (2007) – Isang dalubhasa sa sikolohiya. Naninniwala siya na ang wika ay binubuo ng iba’t ibang simbulo
ng naghahatid ng kahulugan. Binubuo rin ito ng mga patakaran na nagbibigay sa mga simbolo ng walang katapusang
mensahe.

BRUCE A. GOLDSTEIN (2008) – Ayon naman kay Goldstein, ang wika ay isang sistema ng pakikipagtalastasan na
ginagamitan ng mga tunog at simbolo. Ito ay ginagamit ng mga tao upang masabi ang kanilang nararamdaman, kaisipan
at maging ang kanilang mga karanasan.

ALFRED NORT WHITEHEAD – Isang educator at pilosopong ingles. Binigyang kahulugan niya ang wika bilang kabuuan ng
kaisipan ng lipunang lumikha nito. Ito ay naglalaman ng mga kaugalian at sumasalamin sa pagkatao ng lahing bumuo
nito.

DR. PAMELA CONSTANTINO – Siya ay isang dalubwika mula sa University of the Philippines – Diliman. Binigyang
kahulugan niya ang wika bilang isang behikulo upang maipahayag ang nararamdaman ng isang tao. Ayon pa sa kaniya,
ang wika ay ginagamit na instrument sa pagtuturo at pagpapahayag ng katotohanan.

Mga Teorya na Pinagmulan ng Wika

Teoryang Biblikal – Ang teoryang ito ay nagmula sa banal na kasulatan, ang Bibliya. Sinasabi sa Bibliya na unang
panahon ay iisa lamang ang wika, at ang lahat ng tao ay nagkakaintindihan

Teoryang Bow-wow – Ayon sa teoryang bow-wow, nagmula ang wika sa pangagaya ng mg tao sa tunog ng hayop at
kalikasan.
Teoryang Ding-dong – Sa teoryang dingdong, sinasabing ang wika raw ay nabuo sa pamamagitan ng panggagaya ng mga
tao sa tunog ng bagay sa paligid. Ang bawat tunog na naririnig nila sa mga bagay ay binibigyan ng interpretasyon at
nagkakaroon ng sarili nitong kahulugan.

Teoryang Pooh- Pooh – Ayong naman sa teoryang Pooh-pooh, ang wika ay nabuo dahil sa bugso ng damdamin na hindi
sinasadyang maipahayag sa pamamagitan ng bibig

Teoryang Ta-ta – Ang tata ay salitang Pranses na nangangahulugang “paalam”. Sa teoryang ito, pinaniniwalaang ang
wika ay nagmula sa kumpas ng kamay ng tao at sa kalaunan ay ginaya ng dila at bibig upang makagawa ng tunog.

Teoryang Yoo-he-yo – Sa teoryang ito, pinaniniwalaang ang wika ay bunga ng pisikal ng pwersa ng tao. Ayon sa
nagmungkahi ng teoryang ito, kapag ang tao ay nag-eeksert ng pisikal ng pwersa, nakakabuo siya ng tunog mula sa bibig.

MICHAEL A.K. HALLIDAY – Siya ay isang lingwistang Briton na ipinanganak sa Inglatera. Pananaw nya ang wika ay isang
panlipunang phenomenon. Siya ang nagpanukala ng Systemic Functional Grammar, isang sikat na modelo ng gramatika
na gamitin at kilala sa daigdig.

REGULATORI – Ang wika ay ginagamit upang kumontrol at gumabay sa kilos at asal ng iba.
INTERAKSYONAL – Ginagamit ang wika sa pakikipag-interaksyon sa kapwa o kaya’y sa pagtatatag ng mga ugnayan at
samahang sosyal.
PERSONAL – Ito ang pagpapahayag ng sariling paninindigan at paniniwala hinggil sa mga isyu
IMAHINATIBO - Nakatuon ang gamit ng wika sa paglalahad ng sarili sa maharaya o malikhain at masining na
pamamaraan na maaaring kaugnay ng panitikan

INSTRUMENTAL - Ang wika ay ginagamit bilang instrument sa pagkamit ng mga layuning nais isagawa o ipatupad sa
pagtugon sa mga pangangailangan ng isang tao.

REPRESENTASYONAL (Impormatib) - Wika ang nagsisilbi o ginagamit bilang tsanel ng impormasyon, kaalaman at
kamalayan.

HEYURISTIKO - Ginagamit ang wika sa paghahatid ng impormasyon. Ang wika sa aspektong ito ay nagsisilbing kagamitan
sa pagtuklas ng mga mahahalagang impormasyon o datos.

ROMAN JACOBSON – Isa sa pinakamagaling na dalubwika ng ika – 20 siglo. Isa sa nagtatag ng Linguistic Circle of New
York. Function of Language ang kanyang ambag sa larangan ng semiotics.

SEMIOTICS – Ang pag-aaral sa mga palatandaan at simbolo at kung paano gagamitin.

1. Pagpapahayag ng Damdamin (Emotive) - Saklaw nito ang pagpapahayag ng mga saloobin, damdamin at emosyon
2. Panghihikayat (Conative) – Ito ay gamit ng wika upang makahimok at makaimpluwensiya sa iba sa pamamagitan ng
pag-uutos at pakikipag-usap.
3. Pagsisimula ng pakikipag-ugnayan (Phatic) – Ginagamit ang wika upang makipag-ugnayan sa kapwa at
makapagsimula ng usapan
4. Paggamit bilang Sanggunian (Referential) – Ipanapakita nito ang gamit ng wikang nagmula sa aklat at iba pang
sangguniang pinagmulan ng kaalaman upang maparating ang mensahe at impormasyon.
5. Paggamit ng Kuro-kuro (Metalingual) – Ito ang gamit na lumilinaw sa mga suliranin sa pamamagitan ng pagbibigay
kumento sa isang kodigo o batas.
6. Patalinghaga (Poetic) – Saklaw nito ang gamit ng wika sa masining na paraan na pagpapahayag gaya ng panulaan,
prosa, sanaysay at iba pa

Antas ng Wika
- Ang Wika ay mahalaga sa lipunang ating ginagalawan
- Ito ang ginagamit natin sa pang-araw-araw na pakikipag-unayan sa kapwa
- Ayon kay Tumangan (1986), “ang Wika ay mahalagang bahagi ng lipunan sa dahilang ito ang kasangkapang
kailangan sa pakikipagtalastaasan
BALBAL
- May katumbas itong “slang” sa Ingles at itinuturing na pinakamababang antas ng wika na karaniwang ginagamit
sa lansagan.
- Singaw ng panahon sapagkat bawat panahon ay may nabubuong salita.
- Ito ang pagpapatunay ng dinamiko ng wika
- Hal: Parak(Pulis); Eskapo (takas sa bilangguan), Istokwa(naglayas), Juding (Bakla), Lobat (lupaypay)
KOLOKYAL
- Ito ang ginagamit sa pang-araw-araw na hinalaw sa pormal na mga salita.
- Ang mga salitang kolokyal ay mga pag-iiksi ng mga salita o grupo ng mga salita.
- Hal: alala; lika; naron; antay; lugal
LALAWIGANIN
- Ito ang mga salitang karaniwang salitain o dayalekto ng mga katutubo sa lalawigan
- Isang palatandaan ng lalawiganing tatak ay ang puntot o accent.
PAMBANSA
- Ang mga salitang ito ang ginagamit sa mga aklat, babasahin at sirkulasyong pangmadla.
- Ito rin ang wikang ginagamit sa mga paaralan at pamahalaan
LINGUA FRANCA
- Ang wikang pambansa ang siyang sumisimbolo ng ating lahi, kultura, at tradisyon
PAMPANITIKAN
- Ito ang pinakamayamang uri. Ginagamit ang salita sa ibang kahulugan, ginagamit ng mga manunulat, dalubhasa
at mananaliksik.
- Mayaman sa paggamit ng idyoma, tayutay.
- Hal: Mabulaklak ang dila; Di-maliparang uwak; kaututang dila; Balat Sibuyas; Taingang Kawali; Nagbukas ng
dibdib

IBA’T IBANG ANTAS NG WIKA

Pormal

Pambansa – Ito ay karaniwang ginagamit sa paaralan at pamahalaan. Ito ay ginagamit na panturo; ginagamit din ito sa
debate sa senado.

Pampanitikan (Panretorika) – Ito naman ay karaniwang ginagamit sa mga akdang pampanitikan tulad ng libro, tula at
awit. Ang katangian ng antas na ito ay masining, makulay, at mayroong malalim na pagpapakahulugan.

Di- Pormal

Panlalawigan – Ito ay ginagamit ng isang partikular na pook o lalawigan. Nagkakaroon ng wikang panlalawigan sapagkat
may mga rehiyon na gumagamit ng sarili nilang dialekto. Maaring magkaroon ng pagkakaiba sa istilo ng paggamit ng
lengguwahe ang bawat lalawigan sa pamamagitan ng pagkakaroon ng sariling tono o punto ng pagsasalita, at maging sa
mga panghaliling salita na kanilang ginagamit

Salitang Balbal – Tinatawag na slang sa wikang Ingles. Ito ay mga salitang bigla na lamang sumusulpot sa kasalukuyang
panahon at karaniwang ginagamit ng kabataan. Ang balbal o salitang kanto ay inimbento ng pangkat ng mga tao na
gustong magkaroon ng sariling pagkakakilanlan.

Kolokyal – Ito ay hinango sa mga pormal na salita at karaniwang ginagamit sa pang-araw-araw na pakikipagtalastasan.
Ang pagpapaiki ng mga salita ay kabilang sa antas na ito.

Panitikan

- Ang salitang titik naman ay nangangahulugang “literatura” Ang titik ay nanggaling sa salitang latin na littera.
- Ang Panitikan ay pagpapahayag ng mga damdamin ng tao hinggil sa mga bagay-bagay sa daigdig, sa pamumuhay, sa
lipunan at sa pamahalaan, at sa kaugnayan ng kaluluwa sa Bathalang Lumikha. (AZARIAS)

- Ito ay ang paraan ng pagpapahayag na iniaayos sa iba’t ibang karanasan at lagay ng kalooban at kaluluwa na nababalot
ng pag-ibig o pagkapoot, ligaya o lungkot, pag-asa o pangamba. (PANGANIBAN)

- Ang Panitikan bilang salamin ng Lahi, kabuuan ng mga karanasan ng isang bansa, kaugalian, paniniwala, pamahiin,
kaisipan, at pangarap ng isang lahi. (DELA CONCHA AT GABRIEL)

- Ang panitikan ay lakas na nakapagbabago sa pag-unlad ng lipunan at kabihasnan. Ang panitikan ay liwanag na walang
pagmamaliw. Mamamatay lamang ito kung wala ng wika sa daigdig at ang mga taoý hindi na nakapagpapahayag ng
kanilang damdamin at isipan. Ang tunay na panitikan ay kalipunan ng diwa, panaginip at damdamin ng tao na nasusulat
sa maganda, madiwa at masining na pahayag.

- Ang tunay na panitikan ay yaong nagpapahayag ng damdamin, panaginip at karanasan ng sangkatauhang nasusulat sa
maganda, makahulugan at masining na mga pahayag. Ang tunay na kahulugan ng panitikan ay nakikita sa mga
katotohanang ito tungkol sa ideya, isipan, at damdamin ng tao gaya ng pag-ibig, kalungkutan, kaligayahan, panibugho,
galit, pagkahabag, pag-alipusta, paghihiganti at mga iba pa.

Ang komunikasyon ay ang proseso ng pagpapadala at pagpapalitan ng mga mensahe sa pagitan ng isang nagpadala at
isang tatanggap.

Ang komunikasyon ay nagmula sa Latin na communicatĭo na nangangahulugang magbahagi, lumahok sa isang bagay o
ibahagi.

Sa pamamagitan ng proseso ng komunikasyon, ang mga tao ay nagbabahagi ng impormasyon sa bawat isa, na
ginagawang pagkilos ng pakikipag-usap ng isang mahalagang aktibidad para sa buhay sa lipunan.

Mga Pundamental na Pananaw ng Komunikasyon

1. Ang komunikasyon ay isang proseso. – kinapapalooban ng iba’t ibang serye ng aksyon na may simula, gitna at
wakas.
2. Ang komunikasyon ay isang sistema – kinapapalooban ng mga bahaging nagtutulungan upang maging konkreto
ang isang bagay o sitwasyon
3. Ang komunikasyon ay interaksyonal at transaksyonal. Interaksyonal- nagkakaroon ng palitan ng mensahe mula
sa mga interlokyutor nito; transaksyonal- nagkakaraon ng patuluyang aksyon ang mga interlukyutor.
4. Ang komunikasyon ay maaaring intensyonal o di-intensyonal. Intensyonal- ang mensahe ay tiyak na
naiparationg sa dapat nitong patunguhan; di-intensyonal- ang mga mensahe ay nakarating sa mga hindi
inaasahang datnan nito.

Mga Komponent ng Komunikasyon

1. Tagahatid ng mensahe- pinagsimulan o taga-gawa ng mensahe


2. Mensahe – tumutukoy sa impormasyong nais ipahatid
3. Hadlang – tumutukoy sa anumang bagay o pangyayaring makapagbago ng kahulugan ng usapan
4. Tsanel- nagsisilbing daan ng mensahe
5. Tagatanggap – tumatanggap ng mensahe/ suriin at bigyang-interpretasyon ang mensahe
6. Pidbak- tumutukoy sa tugon ng tagatanggap mula sa mensaheng tinanggap (elaboratib @ mapanghusga)
7. Kapaligiran – may kaugnayan sa pisikal at sikolohikal na kalagayan
8. Konteksto – tinatawag sa sitwasyon ng komunikasyon, may kaugnayan sa pormalidad o impormalidad
Mga Anyo ng Komunikasyon

1. Berbal na komunikasyon – tumutukoy sa paggamit ng salita sa pagpapahayag ng saloobin ng isang tao;


tinataway na konkretong anyo ng komunikasyon
2. Di-Berbal na komunkasyon – tumutukoy sa paggamit ng kilos sa pagpapahayag; itinuturing na abstrak na anyo
ng komunikasyon

Mga Uri ng Komunikasyon

1. Intrapersonal na komunikasyon – pansariling komunikasyon/ nagaganap sa sarili lamang


2. Interpersonal na komunikasyon – nagaganap sa pagitan ng 2 interlokyutor/ makikita pag-uusap ng 2
magkaibigan
3. Pampublikong komunikasyon – mas malaking bilang ng mga tao na nagbabahaginan ng mga ideya/ faceless
audience
4. Interkultural na Komunikasyon- integrasyon ng 2 o higit pang magkaibang kultura/ akulturasyon
Machine-Assisted na Komunikasyon- paggamit sa anumang uri ng teknolohiya tungo sa mabisang interaksyon
sa kapwa

Mga Klasipikasyon ng Di-Berbal na Komunikasyon

1. Oculesics – tumutukoy sa gamit ng mata


2. Haptics – tumatukoy sa pagpapadama gamit ang paghaplos
3. Kinesics – tumutukoy sa galaw ng katawan
4. Objectics – paggamit ng tao ng bagay
5. Olfactorics – paggamit ng pang-amoy
6. Colorics – ang kulay ay nagtataglay rin ng anyong pagpapakahulugan
7. Pictics – facial expression sa Ingles
8. Iconics – paggamit ng mga icon upang masabi ang nararamdaman ng isang tao
9. Chronemics- may kinalaman sa oras
10. Vocalics- tumutukoy sa tunog na nalilikha ng tao
11. Proximics- tumutukoy sa distansya

Kakayahang Komunikatibo sa kontekstong Filipino

1. Kakayahang Lingguwistiko/Istruktural/Gramatikal – Ang kakayahang lingguwistika ay naglalarawan sa


kakayahan ng indibiwal gumawa at umitindi ng maayos at makahulugang pangungusap.
2. Kakayahang Sosyolingguwistiko – Ang kakayahang sosyolinggwistiko ay naglalarawan sa kakayanan ng mga
indibidwal na makamit ang atensyon ng madla.
3. Kakayahang Pragmatiko – Ang kakayahang pragmatiko ay naglalarawan sa kakayahang sosyo-linggwistika na
ating ginagamit araw-araw. Kabilang na rito ang pagkakaroon ng kakayanang magunawa ng sinasabi o paggalaw
ng mga indibidwal at kung ito ay angkop sa nangyayaring sitwasyon.
4. Kakayahang Diskorsal – ito po ay isang bahagi na nagbibigay-kakayahang magamit ang wikang binibigkas at
wikang ginagamit sa pagsulat sa makabuluhang paraan upang maipabatid ang mensahe at maunawaan din ang
tinatanggap na mensahe.

Pagsulat
Ang pagsulat ay isang paraan upang ang kaisipan ng isang tao ay kanyang maipahayag
sa pamamagitan ng mga simbolo. Ito ay isang paraan ng pagpapahayag kung saan naiaayos ang iba’t ibang ideya
na pumapasok sa ating isipan.

Isang paraan naman ng pagpapahayag ng pag-iisip, kaalaman at damdamin ng tao sa pamamagitan ng mga sagisag
ng mga tunog ng salita sa paraan palimbag

Proseso ng Pagsulat

Ang mabuting pagsulat ay nakukuha sa pamamagitan ng pagsasanay, ng maraming pagtatangka at pag-uulit


ng manuskrito.

Elemento ng Pagsulat

PAKSA - tungkol saan ang ilalathala o isusulat


TAGABASA - para kanino
LAYUNIN - para saan o dahilan ng pagsulat

Pamamaraan ng Pagsulat

Pag-asinta (Triggering) - Kailangang may isang bagay na magsisilbing daan upang tayo’y sumulat.
Pagtipon (Gathering) - Anumang paksang napili, kailangan pa ring magdaan sa masusing pagsasaliksik at pagtuklas.
Paghugis (Shaping) - Habang nangangalap tayo ng mga materyales, binibigyan na natin ng hugis ang ating paksang
susulatin. Maaari na nating sulatin ang burador na maaari ring maging batayan sa pangangalap ng mga kagamitan.
Pagrebisa (Revising) - Ang isang sulatin ay hindi nakukuha sa isang upuan lamang.

URI NG PAGSULAT

Akademik - Ginagamit sa mga kursong komposisyon o malikhaing pagsulat na kalimita’y sariling opinyon, ideya o
karanasan ang isinusulat dito.
Teknikal - Gumagamit ng mga teknikal na terminolohiya sa isang partikular na paksa; Nagsasaad ito ng mga
impormasyong maaaring makatulong sa pagbibigay-solusyon sa isang komplikadong suliranin
Jornalistik - karaniwang ginagawa ng mga mamamahayag; Balita- Anu mang pangyayaring naganap na, nagaganap
pa lamang, o magaganap pa sa isang tiyak na hinaharap / Editoryal - Anu mang artikulong nagbibigay-pakahulugan
sa balita
Referensyal - Pangangalap ng mga datos mula sa iba’t ibang sanggunian
Profesyonal - Ito ay nakatuon sa isang tiyak na profesyon. (police report)
Malikhain - Masining ang paglalahad ng naiisip o nadarama ng sumusulat

URI NG PAGSULAT
Impormative – Naglalayong maghatid o magdagdag ng bagong kaalaman sa manunulat
Persuasive – Nanghihikayat o nanghihimok na pagsang-ayon ng pagsulat
Narrative – Nagsasalaysay ng pangyayari o kuwento
Expository – Nagpapaliwanag at nagbibigay ebidensya
Argumentative – Nanghahamon ng paniniwala o ng pangkalahatang opinion
Sympathetic – Pumupukaw ng damdamin

MGA TEORYA SA PAGTUTURO AT PAGKATUTO NG WIKA


1. Ang Pasumala o random sa wikang Ingles. - 12 Buwan o isang taon. Gumagawa madalas ng tunog ang isang
sanggol upang makakuha ng atensiyon
2. Ang Unitary - 24 buwan o dalawang taon. Nagaganap dito ang panggagagad o panggagaya sa mga tunog na
naririnig ng bata sa kaniyang kapamilya at kapaligiran.
3. Ang ekspansiyon at delimitasyon. 48 buwan o apat na taon. Kampante na ang mga batang makalikha ng
salita hanggang pangungusap.
4. Ang kamalayang estruktural. 60 buwan o limang taon. medyo malinaw-linaw na rito ang kahulugan ng mga
salita at pangungusap na nasasambit ng bata.
5. Ang Awtomatiko sa intelektwal. kinder o anim na taon. nagagawa na ng batang makipag-usap sa iba’t ibang
uri ng tao.
6. Ang malikhain. Grade 1 (pitong taon) at pataas sa elementarya. Mas mahahaba na ang pagbuo ng sariling
pangungusap, malinaw na ito sapagkat may pormal nang pagtuturong nagagaganap

MAKRONG PAGSIPAT SA PAGTUTURO NG WIKANG FILIPINO

Lingguwistika - ang pagsipat kung nakatuon sa mga tuntuning pangwika gaya ng mekaniks, ortograpiya, gramatika,
retorika, estruktura ng isang wika.
Sosyolingguwistika - makabagong phenomenon, kalakaran, isyu, o kairalang pangwika. Hindi ito masyadong nakakiling
sa mga tuntuning pangwika (bumabalikwas)

MGA PAGDULOG SA KLASE NA MAGAGAMIT SA FILIPINO

INTER-AKTIBONG DULOG - Lahat ng estudyante ay dapat na kasali, Buhay na buhay Kitang-kita, at damang-dama
Walang maiiwan sa laylayan
KOLABORATIBO - Pagtutulungan sa klase , Pangkatang- gawain, Kooperasyon upang maisakatuparan ang anumang task
Tematiko - Kailangang maipakita ang konsepto ng multidisiplinaryo at interdisiplinaryo, Hindi dapat tiwalag sa ibang
larang ang asignaturang Filipino

Komunikatibo - Kakayahang Lingguwistika ,Kakayahang umunawa, at makabuo ng estruktura sa wika na sang-ayon sa


mga tuntunin sa gramatika

MGA SANDIGANG TEORYA SA PAGTUTURO NG FILIPINO

BEHEBYORISMO - Gurong mahilig sa gantimpala, Laging isinaalang-alang ang kapaligiran sa pagkatuto

INATISMO - Ito ang nagsasabing likas na matuto ang isang bata kahit hindi lantaran at aktuwal na turuan. Sinasabing ang
utak ng ng tao ay tila may Language Acquisition Device (LAD) ayon kay Noam Chomsky para matuto ng wika

HUMANISMO - Nagtatampok ng silid-aralang kaaya-aya at may respeto sa bawat isa. Ito ang pagtuturong may
pagpapahalaga lagi sa damdamin ng mga mag-aaral

KOGNITIBISMO – May kakayahan ang isip ng bata upang iproseso ang mga datos o impormasyong itinuturo ng isang
guro; nananalig dito sa teoryang ito ang 4 na hakbang ng pag-iisip ng isang tao ayon sa sikologong Jean Peaget.

You might also like