HANDOUTS IN AP 10 (3RD GRADING PERIOD)
SEX-tumutukoy sa biyolohikal o pisyolohikal na katangian na nagtatakda ng pagkakaiba ng babae sa lalaki (WHO)
GENDER-tumutukoy sa panlipunanng gampanin, kilos, at gawain na itinatakda ng lipunan para sa mga babae at lalaki
(WHO)
*Ang mga aspektong may kinalaman sa sex ay hindi mag-iiba paghambingin man ang mga lipunan, subalit sa aspekto ng
gender maaaring malaki ang pagkakaiba sa mga lipunan
(Babae) (Lalaki) (Transgender)
ORYENTASYONG SEKSUWAL (Sexual Orientation) - tumutukoy sa kakayahan ng isang tao na makaranas ng malalim na
atraksyong apeksyonal, emosyonal, sekswal, at ng malalim na pakikipagrelasyon sa taong ang kasarian ay maaaring tulad
sakanya, iba sa kanya, o sa kasariang higit sa isa.
*Sa simpleng pakahulugan, ang salitang oryentasyong sekswal ay tumutukoy sa iyong pagpili ng iyong makakatalik, kung
siya ay lalaki o babae,
MGA URI NG ORYENTASYONG SEKSWAL:
HETEROSEXUAL: Mga taong nagkakaknasang sekswal sa miyembro ng kabilang kasarian. Mga lalaki na ang gusting
makatalik ay babae at mga babaeng gusto naman ay lalaki
HOMOSEXUAL: Mga nagkakaroon ng pagnanasang sekswal sa mga taong nabibilang sa katulad na kasarian. Mga lalaking
mas gustong lalaki ang makatallk at mga babaeng mas gusto ang babae bilang sekswal na kapareha.
PAGKAKAKILANLANG PANGKASARIAN (Gender Identity): kinikilala bilang malalim na damdamin at personal na
karanasang pangkasarian ng isang tao, na maaaring nakatugma o hindi nakatugma sa sex nya nang siya’y ipinanganak.
Kabilang dito ang personal na pagtuturing niya sa sariling katawan (na maaaring mauwi, kung malayang pinipili, sa
pagbabago ng anyo o kung ano ang gagawin sa katawan sa pamamagitan ng pagpapaopera, gamut, at iba pang paraan)
at iba pang ekspresyon ng kasarian, kasama na ang pananamit, pagsasalita, at pagkilos.
LGBTQIA+
LESBIAN: Sila ay mga babae na ang kilos at damdamin ay panlalaki, mga babaeng may pusong lalaki at umiibig sa kapwa
babae. Tinatawag sa ibang parte ng Pilipinas na tibo o tomboy
GAY: Mga lalaking nakararamdam ng atraksyon sa kanilang kapwa lalaki; may iilang bakla ang nagdadamit at kumikilos
na parang babae. Tinatawag sa ibang bahagi ng Pilipinas na bakla, beki, bayot
BISEXUAL: Mga taong nakakaramdam ng atraksyon sa dalawang kasarian
TRANSGENDER: -Kung ang isang tao ay nakakaramdam na siya ay nabubuhay sa maling katawan, ang kaniyang pag-iisip
at pangangatawan ay hindi magkatugma, siya ay maaaring may transgender na katayuan.
-Salitang naglalarawan sa mga taong ang gender identity o gender expression ay hindi tradisyunal na kaugnay ng
kanilang sex assignment noong sila ay pinanganak
-Sila ay maaaring transexual (mga taong ang gender identity ay direktang salungat sa kanilang sex assignment noong
sila ay pinanganak. Marami pero hindi lahat ng mga taong transsexual ay binabago ang kanilang gender expression at
katawan sa pamamagitan ng hormone replacement therapy (HRT) ay iba’t ibang operasyong na parte ng prosesong
tinatawag na transition.), cross-dresser (mga taong nagbibihis gamit ang damit ng kabilang kasarian. Hindi nila
binabago ang kanilang katawan.), o genderqueer (-mga taong itinatakwil ang gender binary o ang konsepto na dalawa
lang ang kasarian. Naniniwala ang ibang genderqueer na sila ay walang kasarian (agender) o kombinasyon ng kasarian
(intergender).
ASEXUAL: Mga taong walang nararamdamang atraksiyong sekswal sa anumang kasarian
GENDER ROLE:
ang itinakdang mga pamantayan na tinatanggap ng karamihan bilang basehan ng pagiging babae o lalaki. Ito ay batay sa
panlipunan o interpersonal na ugnayan.
GENDER ROLE SA PILIPINAS
PANAHON MGA PANGYAYARI
PRE-KOLONYAL -Ang mga datos pangkasaysayan ay nagpapakita na ang kababaihan sa Pilipinas noon maging ito man
ay kabilang sa pinakamataas na uri o sa uring timawa, ay pagmamay-ari ng mga lalaki.
-Patunay nito ang pagkakaroon ng binukot at pagbibigay ng tinatawag na bigay-kaya.
BINUKOT: mga babae na itinatago sa mata ng publiko. Itinuturing silang prinsesa at hindi sila
pinapayagang umapak sa lupa at makita ng kalalakihan hanggang sa magdalaga. Ito ay isang
kulturang nakasanayan sa Panay
BOXER CODEX: -kilala rin bilang Manila Manuscript
-isang dokumento na tinatayang ginawa noong 1595
-pinaniniwalaang pagmamay-ari ni Luis Perez Dasmariňas (gobernadora heneral ng Pilipinas noong
1593)
-napunta kay Charles Ralph Boxer kaya ito ipinangalan sa kanya
*Ayon sa Boxer Codex, ang mga lalaki ay pinapayagang magkaroon ng maraming asawa; subalit
maaaring patayin ng lalaki ang kanyang asawang babae sa sandaling makita nya itong kasama ng
ibang lalaki.
*PAANO WINAWAKASAN ANG PAGKAKATALI SA KASAL NOON?
Kung gustong hiwalayan ng lalaki ang kaniyang asawa, maaari niya itong gawin sa pamamagitan ng
pagbawi sa ari-ariang ibinigay niya sa panahon ng kanilang pagsasama.
Subalit, kung ang babae ang nagnanais na hiwalayan ang kanyang asawa, wala siyang makukuhang
anumang pag-aari.
PANAHON NG *Makikita sa pag-aaral ni Garcia na limitado pa rin ang karapatang taglay ng kababaihan sa panahon
KASTILA ng Espanyol. Ito ay dahil sa sistemang legal na dinala ng mga Espanyol sa bansa ay nakabatay sa
kanilang batas na tinitingnan ang kababaihan na mas mababa kaysa sa kalalakihan.
PANAHON NG PAG-AALSA: May mga Pilipina na nagpakita ng kabayanihan sa panahon ng pag-aalsa
GABRIELA SILANG- nag-alsa upang labanan ang pang-aabuso ng mga Espanyol ng mamatay ang
kaniyang asawa
Marina Dizon- katipunera na tumulong sa adhikain ng mga katipunero na labanan ang pang-aabuso
ng mga Espanyol
PANAHON NG -Panahon na nagdala ng kalayaan, karapatan, at pagkakapantay-pantay sa Pilipinas.
AMERIKANO -Pagsisimula ng pampublikong paaralan na bukas para sa kababaihan at kalalakihan,
mahirap o mayaman. Maraming kababaihan ang nakapag-aral.
-Nabuksan ang isipan na ang kababaihan ay hindi lamang dapat sa bahay at simbahan ang
mundong ginagalawan.
Ang isyu ng pagboto ng kababaihan sa Pilipinas ay naayos sa pamamagitan ng isang espesyal
na plebesito na ginanap noon Abril 30, 1937. 90% ng mga bumoto ay pabor sa pagbibigay-
karapatan sa pagboto ng kababaihan.
Ito ang simula ng pakikilahok ng kababaihan sa mga isyu na may kinalaman sa politika
PANAHON NG Ang kababaihan sa panahong ito ay kabahagi ng kalalakihan sa paglaban sa mga Hapones.
HAPON Ang kababaihan na nagpapatuloy sa kanilang karera ang dahilan ng kanilang pag-iwan sa
tahanan ay hindi ligtas sa ganitong gawain
*Ang mga babae ay ginawang comfort women/sex slave at ang mga lalaki ay naging
“puppet”
KASALUKUYANG *Marami ng pagkilos a batas ang isinusulong upang mapagkalooban ng pantay na karapatan sa
PANAHON trabaho at lipunan ang mga babae, lalaki, at LGBT
KASAYSAYAN NG LGBT SA PILIPINAS
Ika 16 hanggang ika-17 *BABAYLAN- lider ispiritwal na may tungkuling panrelihiyon at maihahalintulad sa sinaunang
siglo priestess at shaman. Mayroon ding lalaking babaylan. Halimbawa nito ang ASOG sa Visayas
noong ika-17 siglo na hindi lamang nagbibihis babae kundi nagbabalat-kayo ring babae.
Dekada 60 pinanniniwalaang dekada kung kailan umusbong ang Philippine Gay Culture sa bansa. Sa
panahong ito, maraming akda ang nailathala na tumatalakay sa homosekswalidad.
Huling bahagi ng umiral ang konsepto tungkol sa LGBT mula sa magkasamang impluwensya ng international
dekada 80 at unang media at lokal na interprerastyon ng mga taong LGBT na makaranas mangibang bansa.
bahagi ng dekada 90 -maraming pagsulong ang inilunsad na naging dahilan sa pag-usbong ng kamalayan ng mga
Pilipinong LGBT.
LADLAD- isang antolohiya na panulat ng mga Pilipinong miyembro ng gay community na inedit
nina Danton Remoto Jr. at J. Neil Garcia noong 1993
LESBIAN COLLECTIVE: samahan na kauna-unahang sumali sa martsa ng International Women’s
Day noong 1992. Ito ang kauna unahang demonstrasyon na nilauhkan ng isang organisadong
sektro ng LGBT
DEKADA 90 Pinaniniwalaang simula ng LGBT movement sa Pilipinas. Itinatag ang Progay Philippines noong
1993, ang Metropolitan Community Church noong 1992, at ang UP Babaylan
(pinakamatandang organisasyon ng mga mag-aaral na LGBT sa UP) noong 1992.
LAGABLAB- Lesbian and Gay Legislative Advocacy Network (1999)
GENDER ROLES SA IBA’T IBANG LIPUNAN SA MUNDO
Kanlurang Asya at Africa
Mahigpit ang lipunan para sa mga babae lalo na sa miyembro ng LGBT. Nito lamang na ika-2o siglo nang
payagan ng ilang bansa sa Africa at Kanlurang Asya ang mga babae na makaboto. Bukod sa hindi pagboto,
ipinagbabawal din sa mga babae ang magmaneho ng sasakyan nang walang pahintulot sa kamag-anak na
lalaki. Ang paglalakbay rin ng mga babae ay napipigilan sapagkat may mga bansa na hindi pinapayagan ang
mga babae na maglakbay ng mag-isa .
FEMALE GENITAL MUTILATION (FGM)
-isang proseso ng pagbabago sa ari ng kaabaihan (bata o matanda) ng walang anumang benepisyong medikal.
Ito ay isinasagawa sa paniniwalang mananatiling walang bahid dungis ang mga babae hanggang siya ay
maikasal. Walang basehang panrelihiyon ang paniniwala at prosesomg ito na nagdudulot ng impeksyon,
pagdurugo, hirap umihi, at maging kamatayan. May 125 milyong kababaihan ang biktima nito ayon sa World
Health Organization (WHO)
*Sa bahagi ng South Africa, may mga kaso ng gang rape sa mga lesbian (tomboy) sa paniniwalang mababago
ang oryentasyon nila matapos silang gahasain.
PANGKULTURANG PANGKAT SA PAPUA NEW GUINEA
PANGKAT GAMPANIN
BABAE LALAKI
ARAPESH Walang pangalan ang mga tao dito. Ang mga babae at lalaki ay
(nangangahulugang tao kapwa mapag-aruga sa kanilang anak, matulungin, payapa, at
kooperatibo sa pamilya
MUNDUGUMOR (Biwat) Ang mga babae at lalaki ay kapwa matapang, agresibo,
bayolente at naghahangad ng kapangyarihan o posisyon sa
kanilang pangkat
Tchambuli (Chambri) Dominante kaysa sa mga lalaki. Mahilig sa kwento at abaka
Sila ang naghahanap ng sa pag-aayos ng kanilang
makakain ng kanilang pamilya sarili
ARALIN 2: MGA ISYU SA KASARIAN AT LIPUNAN
“Invisible Minority” – tawag ni Hillary Clinton (2011) ang mga LGBT. Ang kanilang mga kwento ay itinago, inilihim, at
marami sa kanila ang nananahimik sa takot.
Anti-HOMOSEXUALITY ACT OF 2014: batas na ipinasa sa Uganda na nagsasaad na ang same sex relations at marriages
ay maaaring parusahan ng panghabambuhay na pagkakabilanggo
SI MALALA YOUSAFZAI at ang Laban sa Edukasyon ng Kababaihan sa Pakistan
Malala Yousafzai: ipinanganak noong ika 12 ng Hulyo 1997 sa Mingora, Swat Valley. Ipinaglaban niya ang edukasyon ng
mga kababaihan sa Pakistan ng masakop ito ng mga Taliban (kilusang political na nagmula sa Afghanistan at itinuturing
na terorista ng Estados Unidos)
Ang pagbaril kay Malala ang nagpakita sa mundo ng tunay na kalagayan ng edukasyon ng mga babae sa Pakistan.
Matapos siyang maoperahan, iba’t ibang pagkilala ang kanyang natanggap.
FOOT BINDING (CHINA)
-isinasagawa ng mga sinaunang babae sa China. Ang mga paa ay pinapaliit hanggang tatlong pulgada gamit ang pagbalot
ng isang pirasong bakal o bubog sa talampakan. Ang korte ng mga paa ay pasusunurin sa bakal o bubog sa pamamagitan
ng pagbali sa mga buto ng paa nang paunti-unti gamit ang telang mahigpit na ibinabalot sa paa
-tinatawag ang ganitong uri ng paa na lotus feet o lily feet. Ang pagkakaroon ng ganitong klaseng paa ay simbolo ng
yaman, ganda, at karapat dapat sa pagpapakasal
BREAST IRONING/BREAST FLATTENING: isang kaugalian sa bansang Cameroon sa kontinente ng Africa. Ito ay pagbabayo
o pagmamasahe ng isang batang nagdadalaga sa pamamagitan ng bato, martilyo, o spatula na pinainit sa apoy.
Ipinapaliwanag ng ina sa anak na ang pagsasagawa nito ay normal lamang at ang mga dahilan nito ay:
(1)maiwasan ang maagang pagbubuntis (2)maiwasan ang paghinto sa pag-aaral (3) maiwasan ang pagkagahasa.
General Assembly Binding Women for Reforms, Integrity, Equality, Leadership, and Action (GABRIELA)
-isang samahan sa Pilipinas upang labanan ang ibat ibang porma ng karahasang nararanasa ng kababaihan na
tinaguriang 7 Deadly Sins Against Women. Ito ay ang mga: (1)pambubugbog/ pananakit (2)panggagahasa (3) incest at
iba pang sekswal na pang-aabuso (4) sexual harassment (5) sexual discrimination at exploitation (6) limitadong access sa
reproductive health (7) sex trafficking at prostitusyon.
DOMESTIC VIOLENCE: karahasan na nagaganap sa isang relasyon.
Ikaw ay nakakaranas ng domestic violence kung ang iyong kapareha ay:
(a)tinatawag ka sa pangalang di maganda para sa iyo at sa ibang tao, iniinsulto ka. (b)pinipigilan kang pumasok sa
trabaho o paaralan (c)pinipigilan kang makipagkita sa iyong kapamilya o kaibigan (d)nagseselos at palagi kang
pinagdududahan na nanloloko (e)pinagbabantaan ka na sasaktan (f)sinisipa, sinasampal, sinasakal, o sinasaktang ang
iyong mga anak o alagang hayop etc.
VIOLENCE AGAINST WOMEN: anumang karahasang nauugat sa kasarianna humahantong sa pisikal, seksuwal, o mental
na pananakit o pagpapahirap sa kababaihan, kasama na ang pagbabanta at pagsikil sa kanilang kalayaan
G O O D L U C K !