Aralin 3: Wika at Kultura
WIKA
Ang wika ay ginagamit sa pakikipag – ugnayan sa acting kapuwa para
maiparating ang impormasyon at damdamin.
KULTURA
Ito ay tumutukoy sa paaran ng pamumuhay na nakagawian ng tao.
Kabilang dito ang sining,wika,musika, at panitikan. Kasama rin ang
paninirahan, pananamit,kaugalian,tradisyon at mga mahahalagang
moral ng isang pangat ng tao.
Ang mga dalubwika ay nagkakaisa sa kaisipan na ang wika at kultura ay
magkaagapay kaya nga nararapat na kapuwa ito mahalin at linangin
bilang simbolo ng katatagan at pinagmulan ng bansa. May ilang nag
papahayag ng iba pang kaisipan tungkol sa wika at kultura at ang lahat
ay may katotohanan dahil nakabatay ito sa indibidwal na karanasa nila
bilang tagapagsalita. Ipinapakita sa sumusunod na hanay ang kaisap ng
mga dalubwika ukol sa pagkakaugnay ng wika at kultura.
Arrogante (2007) Ang kultura ay hango sa mga tao
at ang wika ang nagpapahayag ng
espiritu/kaluluwa ng mga tao na
bumubuo ng lipunan o
kumunidad.
Benjamin Lee Whorf (1996) Ang wika ay nakabatay sa
pagpapakahulugan ng tao sa
kaniyang kapaligiran.
Noam Chomsky (1968) Ang wika ay nakabatay sa
kakayahan at kagalingan ng
pakikinig.
Allan Pace Nielsen (1990) Ang wika ay nakabatay sa
Kasabian (Language Sexism)
Liam Hudson (1967) Ang wika ay nakabatay sa
karaniwang karanasan
Basil Bernstein (1971) Ang wika ay nakabatay sa gamit
ng lipunan.”
Marami ring mga Pilipinong awtor ang naniniwala sa mahigpit na
pagkakaugnay ng wika at kultura. Sila rin ay naglalahad ng kani-kanilang
paniniwala kung paanong ang wika ay nakabuhol sa kultura.
Timbreza (2008) Bawat tao ay isinilang sa isang
kultura at walang sinuman ang
maaaring isalang sa labas nito,
sapagkat ang pamilya mismo ang
siyang saligang instrument ng
kultura.
Ito ay isang proseso habang may
tao sa mundo, at Kung wala ng
tao, Wala ring pamimilosopiya at
kultura, sapagkat ang tao ang
lumikha at patuloy na lumilikha.
Arrogante (2007) Sa wika lamang nag kakaunawan
ang mga tao,sinasalamin nito ang
kultura, kasanayan at singing ng
sambayanan pati na ang
kalikasan.
Austero (2008) Ang wika ay nagpaging tao
samakatuwid, puwede nating
sabihin na ang wika ay tao,
sapagkat tao mismo ang
tagapagdala nito.
Sa mga Pilipino, namumukod tangi ang pamilya at lipunan kaya ang
kultura at wika ay nasasalaminsa mga Gawain, ugali at paniniwala.
Mayroon ding mga pagpapahalagang natatangi sa mga Pilipino at sa
pamamagitan ng wika ay naipaparanas ang mga ito.
Hinuhubog ng kultura ang wika at gayon din ang wika sa kultura. Dahil
dito nabuo ang isang pilosopiya ng kultura, kasama ang wika Kung saan
ay tataglayin at mamahalin pa ng mga susunod na salinlahi- at
mamanahin at magpasalin-salin sa susunod na henerasyon.
Ang wika ang pinakagamit sa lahat ng aspektong ito upang malaman
nang Mas malalalim ang nilalaman ng isang lipunan. Sa pamamagitan
ng wika ay nasasala ang mga detalyeng maghahatid sa nag-aaral ng
nilalaman ng wika tungo sa iba’t ibang tunguhin ng paggamit mismo ng
wika sa loob ng pangkat na kinaabibilangan.
Sa madaling sabi, ang sosyolingguwistika ay isang makabuluhang
sangay na makakatulong para sa pag-unawa sa uganayan ng wika,
kultura at lipunan.
Iba ang sosyolingguwistika sa sosyolohiya ng wika dahil nakatuon ang
sosyolingguwistika sa epekto ng lipunan sa wika, habang ang
sosyolohiya ng wika ay nakatuon sa epekto ng wika sa lipunan.
Wency Mae D. Bantugan
BSED 2
Tagapag- ulat