KOM-PAN REVIEWER
LESSON 1:
WIKA- pinakamahalagang sangkap at ugnayan ng pakikipagkapwa-tao
MANUEL LUIS QUEZON- Ama ng wikang Pambansa at Pangulo ng Pamahalaang
Komonwelt
HENRY GLEASON- sinabing ang wika ay isang masistemang balangkas
PAZ HERNANDEZ AT PANYERA(2003)- sinabing ang wika ay tulay na ginagamit para
maipahayag ang anumang minimithi
CAMBRIDGE DICTIONARY- binigyang kahulugan ang wika bilang “ isang Sistema ng
komunikasyaong nagtataglay ng tunog..”
KATANGIAN NG WIKA: “ANG WIKA AY:
1. SINASALITANG TUNOG
2. MASISTEMANG BALANGKAS
3. PINILI AT ISINAAYOS SA PARAANG ARBITARYO
4. KABUHOL NG KULTURA
5. NAGBABAGO
6. DINAMIKO AT MALIKHAIN
7. GAMIT SA LAHAT NG DISIPLINA
8. NATATANGI
9. MAY ANTAS AT LEBEL
ANTAS NG WIKA:
PORMAL- salitang standard dahil kinikilala, natatangi at ginagamit ng higit sa
nakararami
Pambansa- ginagamit sa mga aklat , pangwika/pambaralila sa paaralan
Pampanitikan o Panretoriko- salitang gamitin ng mga manunulat sa akdang
pampanitikan
IMPORMAL- salitang karaniwan ma madalas gamitin sa pakikipagusap
-malalalim na salita (balat sibuyas)
LALAWIGANIN- bukabolaryong diyalektal(mangan)
KOLOKYAL- pangaraw-araw na salita na ginagamit sa mga pagkakataong
impormal(na’san)
BALBAL- tinatawag sa ingles na slang/ ginagamit upang magkaroon ng codes
(parak)
KONSEPTONG PANGWIKA
1. WIKANG PAMBANSA- Isang wika o diyalekto na natatanging kinatawan ng isang
lahi/bansa. Ginagamit sa POLITIKA AT LEGAL NA DISKURSO
2. WIKANG OPISYAL-LEGAL na wikang ginagamit ng pamahalaan sa mga
transaksyong panggobyerno (FILIPINO AT INGLES)
3. WIKANG PANTURO- wikang ginagamit sa mga paaralan, tinatawag ding MEDIUM OF
INSTRUCTION O MOI)
LINGUA FRANCA- tumutukoy sa tatlong konseptong pangwika
Pinakagamiting wika sa sentro ng kalakalan
Wikang nabubuo bunga ng magkausap na may magkaibang wika
Dominenteng wika ng iba’t-ibang larangan ng pag-aaral o disiplina
UNANG WIKA(L1)- wikang kinagisanan, unang itinuro, pinaka-mataas o pinaka-mahusay
na naipapahayag ng tao (tinatawag ding katutubong wika, mother tongue, arterial na
wika)
PANGALAWANG WIKA (L2)- wikang natutuhan mula sa media, tagapag-alaga, kalaro,
kaklase o guro
MONOLINGGUALISMO- iisang wika
BILINGGUALISMO- isang penomenang pangwika na tahasan at ouspusang tinatalakay
(paggamit at pagkontrol sa dalawang wika na tila ito’y kanyang katutubong wika---
LEONARD BLOOFIELD 1935)
IBA’T-IBANG URI NG BILINGGUALISM:
COMPOUND BILINGGUALISM (ADDITIVE)- natuto ng dalawang wika sa PAREHAS na
kapaligiran at konteksto
COORDINATE BILINGGUALISM(SUBTRACTIVE)-natamo ang pagkatuto sa dalawang
wika sa MAGKAIBANG konteksto
SUB-COORDINATE BILINGGUALISM- IISANG wika ang nangingibabaw
MULTILINGGUWALISMO-paggamit ng wekang Pambansa at katutubong wika bilang
pangunahing medium.
SPEECH COMMUNITY/KOMUNIDAD NG TAGAPAGSALITA-
Ang mga taong hindi gumagamit ng wika sa magkakatulad na paraan…Ayon kay
Dell Hymes
Kung may isang pangkat ng mga taong nagkakaunawaan sa layunin at istilo(salita,
tunog ekspresyon)… Ayon kay LABOV
MGA PANGYAYARING NAGBIGAY DAAN SA PAGHIRANG NG WIKA:
1934- tinalakay sa KOMENSIYONG KONSTITUSYUNAL ang pagpili sa wikang umiiral
-iminungkahi ni LOPE K. SANTOS
1935- nagbigay daan sa probisyong pangwika na nakasaad sa ARTIKULO XIV,
SEKSIYON 3 NG SALIGANG BATAS: Ang kongreso ay gagawa ng hakbang tungo sa
pagkakaroon ng wikang Pambansa
1937- DISYEMBRE 30,1937 ipinoklama ni pangulong Manuel Quezon ang wikang
tagalog upang maging batayan ng wikang Pambansa
- rekomedasyon ng SURIAN
1940- ang Kautusang Tagaganap blg. 134 ay inumpisahang ituro anag wikang
Pambansa batay sa tagalog sa mga paaralan
1946- HULYO 4, 1946 ipinahayg ang wikang Pambansa ay TAGALOG AT INGLES sa
bisa ng BATAS KOMONWELT blg. 570
1959- AGOSTO 13 1959 mula sa tagalog ito ay nagging PILIPINO sa KAUTUSANG
PANGKAGAWARAN blg. 7 na
-ipinalabas ni JOSE E, ROMERO (KALIHIM NG EDUKASYON)
1972- ARTIKULO XV, SEKSIYON 3, BLG. 2: Ang Batasan ay dapat magsagawa ng
mga hakbang na mapaunlad at pormal na mapagtibay ang isang panlahat na wika
na kikilalaning FILIPINO
1987- SA SALIGANG BATAS NG 1987 ay pinagtibay ng KOMISYONG
KONSTITUSYUNAL
- Binuo ni Pangulong Cory Aquino
- ARTIKULO XIV, SEKSIYON 6: Ang wikang Pambansa ng Pilipinas ay filipino”
NORBERTO ROMUALDEZ- isinulat ang BATAS KOMONWELT BLG. 184
- Nagtatag ng grupong SURIAN NG WIKANG PAMBANSA
Pamantayang kanilang binuo bakit TAGALOG ang nagging batayan ng Wikang
Pambansa:
1. SENTRO NG PAMAHALAAN
2. SENTRO NG KALAKALAN
3. SENTRO NG EDUKASYON
4. PINAKAMARAMI AT PINAKADAKILANG NAISUSULAT SA PANITIKAN
LESSON 2: BARAYTI NG WIKA
BARAYTI-Pagkakaroon ng natatanging katangian,Pagkakaiba-iba sa uri ng wika na
ginagamit ng mga tao sa pormalidad, bigkas, tono, uri, anyo ng salita
HOMOGENOUS- wikang puro at walang anumang kahalong barayti ng wika
HETEROGENOUS- wikang hindi maaring maging puro dahil ito’y binubuo ng iba’t-ibang
barayti
2 DIMENSYON NG BARAYTI NG WIKA
1. Dimensiyong heograpiko – kasama rito ang dayalekto o wikain
2. Dimensiyong sosyal – kasama naman dito ang sosyolek
BARAYTI NG WIKA
1. DAYALEK- wikang kinamulatan o kinagisnan sa tahanan, komunidad at lalawigan
2. IDYOLEK- wika na may kaugnayan sa personal na kakayahan ng tagapagsalita
- Mike Enriquez, Ruffa Mae,Noli De Castro, Gus Abelgas
3. SOSYOLEK- klasipikasyon ng mga mamamayan batay sa Lipunan
- Ayon kay RUBRICO (2009) ang sosyolek ay isang mahusay na palatandaan
ng istratipikasyon ng ng isang Lipunan
- Jejemon, taglish, conyospeak, gay lingo, jargon(para sa my mga propesyon)
4. ETNOLEK- pinagsamang etniko at dayalek, mula sa mga etnolonguwistikong grupo
- Vakkul (salitang Ivatan)
5. REGISTER/REHISTRO- uri ng wika batay sa uri at paksa ng natalakay o larangang
pinaguusapan
- Mouse (computer, zoology)
- Stress (language, Psychology)
6. PIDGIN- nabubuo dahil sa pinaghalo-halong higit sa 2 wika
- Gamit ng taong may iba-ibang pinagmulan
7. CREOLE- barayti ng wika na unang nagging pidgin at kalaunan ay nagging creole
- Chavacano
LESSON 3:
TUNGKULIN NG WIKA ayon kay W.P ROBINSON (ang tungkulin ng wika sa Lipunan ay
pagkilala sa estado ng damdamin at pagkatao…):
F1. NTERAKSYUNAL- nakakapagpatatag ng relasyong sosyal
F2. INSTRUMENTAL- tumutugon sa pangangailangan
F3. REGALUTORI- gumagabay sa kilos at asal ng iba
F4. PERSONAL-nakapagbibigay ng sariling opinyon
F5. IMAHINATIBO- nakapagpapahayag ng sariling imahinasyon
F6. HEURISTIKO- naghahanap ng mga impormasyon
F7. IMPORMATIBO- nagbibigay ng impormasyon o datos
6 na paraan ng pagbabahagi ng wika ayon kay JAKOBSON (2003):
1. PAGPAPAHAYAG NG DAMDAMIN (EMOTIVE)- pagpapahayag ng damdamin, saloobin
o emosyon
2. PAGHIHIKAYAT (CONATIVE)- gamit ng wika upang manghimok o manghikayat
3. PAGSISIMULA NG UGNAYAN (PHATIC) – ginagamit ang wika upang makipag-
uganayn
4. PAGGAMIT BILANG SANGGUNIAN (REFERENTIAL)- gamit ng wika na nagmula sa
aklat
5. PAGGAMIT NG KURO-KURO (METALINGUAL)- gamit na lumilinaw sa mga suliranin
sa pamamagitan ng pagbibigay komento sa isang kodigo o batas
6. PATALINHAGA(POETIC)-gamit ng wika sa masining na paraan