UNANG MARKAHANG PAGSUSULIT
GOOD MANNERS AND RIGHT CONDUCT 1
TP: 2024-2025
Pangalan: __________________________________________ Iskor: _____________
Baitang/Seksyon: __________________________________ Petsa:______________
I. Isulat ang letra nang tamang sagot sa patlang.
_____1. Gusto mong malaman kung ilang taon ka na. Ano ang dapat mong
gawin?
A. Magtanong sa iyong kaibigan C. Maghula ng edad
B. Magtanong sa iyong mga magulang. D. Tumingin sa
kalendaryo
______2. Saan mo makikita ang pangalan ng isang tao?
A. Sa kanyang damit B. Sa kanyang larawan
B. Sa kanyang birth certificate D. Sa kanyang laruan
______3. Ano ang tawag sa taong nagsilang sa iyo?
A. Guro B. Kaibigan C. Kapitbahay D. Nanay
______4. Ito ay tumutukoy sa pagiging kasapi o miyembro ng isang tao sa
isang bansa.
A. Pangalan B. Tirahan C. Pagkamamamayan D. Edad
_______5. May bago kang kaklase. Gusto mong makipagkaibigan sa kanya.
Ano ang gagawin mo?
A. Lalapitan mo siya at ipakikilala ang iyong sarili.
B. Lalayuan mo siya dahil hindi mo siya kilala.
C. Magkikipagkwentuhan ka sa kanya tungkol sa mga hindi
magagandang bagay tungkol sa iba mong kaklase
D. Sasabihan mo ang iyong mga kaibigan na huwag siyang
kausapin.
_______6. May kaibigan kang nagagalit sa iyo. Ano ang gagawin mo?
A. Ipapaalam mo sa iba ang kanyang ginawa.
B. Lalapitan mo siya at susubukan mong kausapin upang malaman
ang dahilan ng kanyang galit.
C. Lalayuan mo siya.
D. Magagalit ka rin sa kanya.
_______7. Alin sa mga larawan ang nagpapakita ng may wastong
pagkakaibigan?
A. B.
C. D.
______8. Ano ang dapat mong gawin kung may kaibigan kang iba ang
paniniwala at kultura kaysa sa iyo?
A. Huwag mo siyang kausapin.
B. Igalang mo ang kanyang paniniwala at kultura.
C. Ipapakita mo sa kanya na mali ang kanyang paniniwala.
D. Tutuksuhin mo siya.
______9. Ano ang dapat mong gawin sa mga papel na hindi mo na
ginagamit?
A. Ilagay mo sa basurahan B. Ipunin at gawing kalakal
C. Itapon mo sa sahig D. Huwag na lang pansinin
______10. Ano ang masasabi mo sa batang laging nagtitipid?
A. Siya ay kuripot. B. Siya ay mapag-impok.
C. Siya ay mahirap. D. Siya ay masaya.
______11. Bakit mahalaga ang pag-iimpok para sa ating hinaharap?
A. Upang magkaroon ka ng maraming pera.
B. Upang maibili mo ang mga gusto mo.
C. Upang maging masaya ka.
D. Upang matugunan ang iyong mga pangangailangan sa
hinaharap.
_____12. Alin sa mga sumusunod na pahayag ang nagpapakita ng batang
mapag-impok?
A. Nanalo sa paligsahan sa pag-awit si Siso.Nakatanggap siya ng
pera bilang gantimpala at ipinambili niya agad lahat ang
kaniyang nakuhang premyo sa pagkain
B. Pinadalhan ng pera si Sara ng kaniyang Lola mula sa ibang bansa.
Binigyan din siya ng mga laruan. Binili pa rin niya ng mga laruan
ang natanggap na pera.
C. Matiyagang nag-iipon ng pera si Rosa upang may maipambili ng
kaniyang gamit sa pag-aaral.
D. Tuwing umuuwi si Ela sa kanilang tahanan galing paaralan ay
bumibili siya ng laruan, kahit marami pa siyang laruan.
_____13. Ang mga sumusunod na pahayag ay nagpapakita ng pagiging
batang matipid MALIBAN sa isa.
A. Matipid si Roy. Nagrerecycle sya ng kwaderno kasama ang
kaniyang kuya Jay. Ginagamit nila ang mga natitirang pahina ng
mga lumang kwaderno.
B. Tuwing umuuwi si Mina sa kanilang tahanan galing paaralan ay
pinupunit niya ang mga pahina ng kaniyang kuwaderno.
C. Maayos na inilalagay ni Ben ang kaniyang lapis sa kaniyang
pencil case. Iniingatan niya itong huwag mahulog upang hindi
mabali o maputol ang dulo.
D. Ginagamit muna ni Roy ang magkabilang bahagi ng pahina
bago magbukas ng bagong pahina. Ginagamit din niya ang
magkabilang bahagi ng papel bago ipunin at ipagbili.
______14. Nakalimutan mong magdasal bago kumain. Ano ang gagawin
mo?
A. Huwag ka na lang magdasal.
B. Magdadasal ka pagkatapos kumain.
C. Magdadasal ka bago maglaro.
D. Magagalit ka sa sarili mo.
______15. Gusto mong humingi ng tulong sa Diyos. Ano ang gagawin mo?
A. Mananalangin ka.
B. Maglalaro ka.
C. Magkukuwento ka sa iyong kaibigan.
D. Maghahanap ka ng ibang tao na tutulong sa iyo.
______16. Ang batang_____________ ay nagpapakita ng mga mabuting
gawi. Dahil isinasabuhay niya ang nilalaman ng kaniyang
panalangin.
A. Mabait B. Madasalin C. Matapat D. Matipid
______17. Ang mga sumusunod na larawan ay nagpapakita ng dapat ikilos o
gawi ng isang batang madasalin MALIBAN sa isa.
A. B.
C. D.
_______18. Bakit mahalaga ang pananalangin?
A. Upang magkaroon ng maraming kaibigan.
B. Upang maging masaya ka.
C. Upang makatulong sa iba.
D. Upang mapalapit ka sa Diyos.
_______19. Bakit mahalagang i-recycle ang mga basura?
A. Upang hindi na makaramdam ng init.
B. Upang hindi na magkaroon ng sakit.
C. Upang makatulong sa pag-iingat ng kalikasan.
D. Upang maging masaya tayo.
_______20. Bakit kailangan nating magpasalamat sa mga nilikha ng Diyos sa
atin na mga yaman mula sa kalikasan?
A. Dahil sa kalikasan, mayroon tayong hangin na nalalanghap.
B. Dahil sa kalikasan, mayroon tayong tubig na iniinom.
C. Dahil sa kalikasan, mayroon tayong pagkain.
D. Lahat ng nabanggit.
_______21. Ano ang dapat mong gawin sa mga papel na hindi mo na
ginagamit?
A. Itapon mo sa basurahan para sa nabubulok na basura
B. Itapon mo sa basurahan para sa di-nabubulok na basura
C. Itapon mo sa kanal
D. Itapon mo sa sahig
_______22. Ano ang dapat mong gawin sa mga balat ng prutas?
A. Itapon mo sa basurahan para sa nabubulok na basura
B. Itapon mo sa basurahan para sa di-nabubulok na basura
C. Itapon mo sa kanal
D. Itapon mo sa sahig
_______23. Alin sa mga sumusunod ang HINDI dapat itapon sa basurahan
para sa nabubulok na basura?
A. Balat ng prutas C. Lata ng gatas
B. Tuyong dahon D. Balat ng itlog
_______24. Alin sa mga larawan ang nabubulok na basura?
A. B. C. D.
_______25. Ano ang maaari mong gawin para ipakita ang iyong
pagpapahalaga sa iyong karapatan na makapag-aral?
A. Ayaw magsanay sumulat at magbasa.
B. Maglaro ng video games habang nag-aaral
C. Magsikap at mag-aral nang mabuti.
D. Manood ng telebisyon habang nag-aaral.
_______26. Umuwi kayo sa probinsya. Puro sariwang gulay ang inihaing ulam
ng inyong lola sa oras ng kainan. Ano ang dapat mong gawin?
A. Hindi ako kakain ng ulam at sa halip ay magpapabili na lamang
ako ng instant noodles.
B. Hindi ako kakain at iiyak ako para lutuan ako ng paborito kong
ulam.
C. Kakainin ko ang mga inihaing ulam dahil mabuti sa katawan
ang mga sariwang gulay.
D. Makikiusap ako sa aming lola na karne naman ang iluluto sa
susunod.
_______27. Ano ang ibig sabihin ng karapatan?
A. Paborito
B. Mga bagay na dapat matamasa o makamit ng isang bata.
C. Regalo
D. Mga bagay na hindi dapat makuha ng isang tao.
_______28. Ano ang karapatang magkapag-aral?
A. Ang karapatang maglaro sa paaralan.
B. Ang karapatang kumain sa paaralan.
C. Ang karapatang matuto sa paaralan.
D. Ang karapatang maglaro ng computer sa paaralan.
_______29. Bakit mahalaga ang karapatan ng mga bata na magkaroon ng
pamilya?
A. Upang magkaroon ng maraming kaibigan.
B. Upang magkaroon ng mga magulang na magmamahal sa
kanila.
C. Upang magkaroon ng maraming laruan.
D. Upang magkaroon ng magandang bahay.
_______30. Bakit mahalaga ang karapatan ng mga bata na magkaroon ng
pagkain?
A. Upang lumaki ng malusog ang mga bata.
B. Upang masaya ang mga bata.
C. Upang magkaroon ng maraming laruan.
D. Upang magkaroon ng magandang bahay.