0% found this document useful (0 votes)
91 views7 pages

KOMPAN Reviewer Q1

For presentation

Uploaded by

itsjomilyn08
Copyright
© © All Rights Reserved
We take content rights seriously. If you suspect this is your content, claim it here.
Available Formats
Download as PDF, TXT or read online on Scribd
0% found this document useful (0 votes)
91 views7 pages

KOMPAN Reviewer Q1

For presentation

Uploaded by

itsjomilyn08
Copyright
© © All Rights Reserved
We take content rights seriously. If you suspect this is your content, claim it here.
Available Formats
Download as PDF, TXT or read online on Scribd
You are on page 1/ 7

KOMUNIKASYON AT PANANALIKSIK SA WIKA AT KULTURANG PILIPINO

Ano ba ang wika? Isa sa pinakapopular na pagpapakahulugan ay nagmula kay Henry


Gleason (1988). Ayon sa kaniya, ang wika ay isang masistemang balangkas na sinasalitang
tunog, pinipili at isinasaayos sa paraang arbitraryo upang magamit ng mga taong kabilang sa
isang kultura.

Sa aklat nina Bernales et al. (2002), ang wika bilang proseso ng pagpapadala at pagtanggap
ng mensahe sa pamamagitan ng simbolikong cues o pahiwatig na maaaring berbal at di-
berbal.

Para sa Panitikan na si Bienvenido Lumbera (2007), “Parang hininga ang wika, sa bawat
sandali ng buhay natin ay nariyan ito. Palatandaan ito na buhay tayo, at may kakayahang
umugnay sa kapwa nating gumagamit din nito. Sa bawat pangangailangan natin ay
gumagamit tayo ng wika upang kamtin ang kailangan natin.

Mahalaga ang wika kahit saang aspekto ito tingan. Narito ang ilan sa kahalagahan ng wika na
maaari nating makita sa ilang mga aklat ng mga eksperto.

a. Ang wika bilang bahagi ng lipunan, instrumento ito sa komunikasyon. Magiging ganap
lamang ang komunikasyon kung maayos at may malinaw na pagpapadaloy ng
mensahe.
b. Mahalaga ang wika sa pagtamo, pagpapakalat at maging tagapagingat ng karunungan
at kaalaman sa mundo.
c. Ang wika at kultura ay magkatambal, gamit ang wika sa pagpapangalan,
pagpapayabong at pagpapaunlad ng kultura.
d. Nagagamit ang wika sa pagpapahayag ng saloobin, mithiin, at pangangailangan. Susi
ito sa pagkamulat sa katotohanan.
e. Mahalaga ang wika bilang lingua franca (tulad ng Wikang Filipino) upang maka-ugnay
at magkaunawaan ang iba’t ibang grupo ng tao na may kani-kaniyang wikang
nakagisnan.
Iba pang Konseptong Pangwika at Wikang Pambansa
Ayon sa Webster, ang wikang pambansa ay tumutukoy sa isang wikang ginagamit nang
pasalita at pasulat ng mga mamamayan ng isang bansa. Ito ang nag-iisang wika na ginagamit
batay sa kultura ng lipunan. Sa Pilipinas, ang Wikang Filipino ang pambansang wika. De jure
sapagkat batay sa batas na matatagpuan sa Artikulo XIV Seksyon 6 ng Konstitusyong 1987,
sinasabing:

Ang wikang pambansa ng Pilipinas ay Filipino. Samantalang nililinang, ito ay dapat


payabungin at pagyamanin pa salig sa umiiral na wika sa Pilipinas at iba pang wika.

Wikang Panturo- Ang wikang panturo ang wikang ginagamit na midyum o daluyan ng
pagtuturo at pagkatuto sa sistema ng edukasyon.

Wikang Opisyal- Ang wikang opisyal naman ay wikang itinadhana ng batas bilang wikang
gagamitin sa opisyal na komunikasyon tulad sa pamahalaan, korte, atbp. Sa Pilipinas,
itinakda sa Konstitusyon 1987 ang Filipino at Ingles bilang mga Opisyal na wika sa bansa.

Bilingguwalismo -Tumutukoy ito sa polisiya ng bansa hinggil sa magkahiwalay na paggamit


ng dalawang wika (Filipino at Ingles) at hindi paghahaloin. Ang konseptong ito ay buhay
na buhay sa mga komunidad, paaralana at pamantasan.

Multilingguwalismo- Tumutukoy ito konsepto ng paggamit ng maraming wika sa iba’t ibang


konteksto maging sa pag-aaral. Isa sa halimbawa dito ay ang pagpapatupad ng Mother-
Tongue-Based and Multi-Lingual Education sa bansa na isang multi-lingual na lipunan.
Unang Wika- Tinatawag ding katutubo o sinusong wika (mother tongue). Ito ang unang
wikang natutuhan at ginamit ng isang tao simula pa sa pagkabata na naging gabay para
sa kaniyang lubos na pag-unawa sa mga bagay-bagay.

Ikalawang Wika- Ito ang wikang natutuhan at ginagamit ng tao kasunod sa kaniyang unang
wika.

Ang dayalek ay nalilikha dulot ng dimensyong heograpikal at ginagamit sa loob ng isang


partikular na lugar o teritoryo ng isang pangkat ng tao.

Ang sosyolek ay nabubuo dahil sa pangangailangang makaangkop ng tao sa iba.

Tinatawag na Jargon na tumutukoy sa mga tanging bokabularyo ng isang partikular na


pangkat ng gawain.

Ang idyolek kung saan ay tumutukoy sa nakasanayang pamamaraan sa pagsasalita ng


isang tao o maaari rin naming grupo ng tao.

Barayti at Baryasyon ng Wika


Ang barayti ng wika ay tumutukoy sa tiyak na pagkakaiba-iba ng mga wika sa lipunan.
Samantala ang baryasyon ay tumutukoy naman sa proseso o kung papaano nagkakaiba-
iba ang mga wika. Ilan sa barayti ng wika ay ang mga sumusunod: idyolek, sosyolek, jargon,
register, dayalekto, creole, mix-mix at iba pa.

Antas ng Wika
Ang diskusyon kaugnay sa antas ng wika sa lipunan ay isang makalumang
pagpapaliwanag sa kalagayan ng wika sa isang lipunan. Bagaman nagkaroon na ito ng
rebisyon, maituturing pa rin itong isang tradisyunal na pagtingin.

1. Pormal – Mga salitang istandard dahil kinikilala, tinatanggap at nauunawaan ng higit na


nakararami.
a. Pambansa – Wikang karaniwang ginagamit sa aklat, pahayagan, telebisyon, sa
pamahalaan at wikang tinuturo sa paaralan.
b. Pampanitikan o Panretorika– wikang ginagamit ng mga manunulat sa mga
panitikan. Karaniwang matatayog, masining tulad ng idyoma at tayutay.

2. Impormal
a. Lalawiganin – mga salitang ginagamit sa particular na pook o lalawigan lamang.
Nagiging impormal dahil sa paghahalo nito sa iba pang wika tulad ng Tagalog.
Halimbawa.Gawpa, Kaon, Napintas, Bayot, Palangga
b. Kolokyal – Ito ay palasak sa pasalitang komunikasyon, madalas napapaikli ang
mga salita at nakakaltas ang ilang pantig. Halimbawa: nasa’n, pa’no, sa’n, sa ’yo, kelan,
meron atbp.
c. Balbal –tinatawag na slang sa Ingles. Nagmula ito sa pangkat na lumilikha ng
sariling codes. Iba’t iba ang kayarian nito, may pinaikli (awit, sikyo, orig, abno), binaligtad
(erpat, dehins,arat), dinaglat (otw, skl, dds), hiniram (chicks) nilikha (charot, etchos,
churva).

Register ang tawag sa mga salita o terminong nabanggit sa itaas. Tinatawag na register ang
mga espesyalisadong termino gaya ng mga salitang siyentipiko o teknikal na nagtataglay ng
iba’t ibang kahulugan sa iba’t ibang larangan o disiplina. (Taylan et al. 2016)

Ang wika ay bahagi ng lipunan. Ang lipunan ay binubuo ng mga tao na gumagamit ng wika.
Ang wika ang midyum na ginagamit sa komunikasyon at instrument sa pagpapadala at
pagtanggap ng mensahe. Ginagamit natin ang wika sa pagpapahayag ng ating mga naisin,
saloobin, kaisipan at maaaring sa pagkontrol ng ating paligid.

May iba’t ibang komunikatibong gamit ang wika sa lipunan. Nakabatay ang pagkakaiba-iba
nito sa nilalaman ng mensahe, intensiyon ng nagsasalita o gumagamit ng wika.
Sa ginawang obserbasyon ni Michael Halliday (1978) sa unang yugto ng pagtamo ng wika
ng isang bata, nabuo niya ang pitong (7) panlipunang tungkulin ng wika (Taylan et al. 2016).
Talakayin natin ang unang apat na tungkulin:

May Instrumental na tungkulin ang wika. Ginagamit ang wika upang tumugon sa
pangangailangan ng tao. Sa madaling salita, ginagamit ng tao ang wika bilang instrument
sa pagpapahayag ng kanyang gusto, mungkahi, sa pagbibigay ng utos, panghihikayat at
maging sa pagpapangalan sa isang bagay. Tingnan ang halimbawa sa ibaba.
a. Pagbibigay ng mungkahi – Mainam na makapagsagawa ng Mass Testing nang maaga at
maaagapan ang pagkalat ng virus.
b. Pagbibigay ng utos – Ibili mo naman ako ng facemask.
c. Panghihikayat – Kahit tayo ay nasa ating mga tahanan, maaari pa rin tayong matuto ng
mga kaalamang kapaki-pakinabang.
d. Pagpapangalan – Ang Covid-19 ay isang nakahahawang sakit na nagdala ng panganib
sa kaligtasan ng marami.

Regulatori ang gamit ng wika kung ito ay nagkokontrol ng pag-uugali ng iba o ng kaya ng
paligid na ginagalawan. Halimbawa nito ang mga panuto, batas, babala o mga paalala.

May Representasyonal na tungkulin ang wika. Ginagamit ang wika upang makapagbahagi
ng mga pangyayari, makapagpahayag ng detalye, gayundin makapagpadala at
makatanggap ng mensahe sa iba. Ilan sa mga ito ay ang sumusunod:
a. Pagbabalita – Ayon sa bagong datos na prinisinta ng DOH sa IATF, isa ang lungsod ng
Marikina sa nakapagtala ng mababang pagdami ng kaso ng Covid-19 sa buong Metro
Manila.
b. Pagbibigay-impormasyon – Ang oras ng curfew sa lungsod ng Marikina ay 8:00 ng gabi
hanggang 5:00 ng umaga.

Nagiging Heuristik ang gamit ng wika kapag nagnanais ang isang tao na makapagtamo ng
kaalaman. Sumusulpot ang ganitong tungkulin kapag tayo ay nagtatanong o
naghahanap ng impormasyon. Ang pakikipanayam at pananaliksik ay hueristik.

Kapag ang tao ay umuugnay sa kanyang kapwa o sa lipunan, ang wika ay may
interaksyonal na tungkulin. Ang pahayag sa Filipino na “Kumusta ka?” ay isang hudyat
ng pagbubukas ng interaksyon sa kapwa.

Samantala, may personal din na tungkulin ang wika. Layunin nitong mapalakas ang ating
personalidad at pagkakakilanlan bilang indibidwal.

Sa kabilang banda, gumagamit din ang tao ng wika upang maglakbay ang isip. May
imahinatibong tungkulin ang wika. Likas sa mga Pilipino ang pagiging malikhain sa
paggamit ng wika, tulad ng isang makata na hinahatid tayo sa ibang dimensiyon ng
buhay o bagong daigdig sa pamamagitan ng pagsusulat.
Pagsusuri sa Isang Pananaw

a. Pagsusuri sa naging batayan -Sa pagsusuri ng isang pananaw, mahalagang masuri at


matukoy nang mabuti ang pinagmulan o naging batayan sa pagkakabuo ng pananaw.
b. Pagtukoy sa layunin at damdamin -Higit na masusuri ang isang pananaw kung malinaw
na mababatid ang layunin at damdamin ng nagbibigay-pananaw.
c. Pagsusuri sa kaisahan at kaugnayan -Suriin ang kaisahan at kaugnayan ng mga ideyang
pinahayag. Sa tulong nito, madali mong makikilala ang pangunahing ideya maging ang
layunin at damdamin ng nagbibigay-pananaw.
d. Kaangkupan ng mga salitang ginamit- Sa anumang diskurso, mahalaga ang pagtiyak sa
kaangkupan ng mga salitang ginamit. Sa mabisang paggamit ng wika, mas epektibong
maipapahayag ang pananaw o opinion.
Kasaysayan ng Wikang Pambansa
Panahon ng Pananakop ng mga Espanyol
Ang paghahati ng pamayanan ay nagkaroon ng malaking epekto sa pakikipagtalastasan
ng mga katutubo. Nang sakupin ng mga Espanyol ang katutubong Pilipino, mayroon na ang
mga itong sariling wikang ginagamit sa pakikipag-usap at pakikipagkalakalan ngunit pinigil
ito ng mga Espanyol. Sa loob ng maraming taon, sinikil ng mga Espanyol ang kalayaan ng
mga katutubong makipagkalakalan sa ibang lugar upang hindi na nila magamit ang wikang
katutubo. Upang mas maging epektibo ang pagpapalaganap ng Kristyanismo, ang mga
misyonerong Espanyol mismo ang nag-aral ng mga wikang katutubo. Nabatid nila na sa
pagpapalaganap ng kanilang relihiyon mas magiging kapani-paniwala at mas mabisa kung
mismong banyaga ang nagsasalita ng wikang katutubo. Ang mga prayle ay nagsulat ng mga
diksyunaryo at aklat-panggramatika, katekismo, at mga kumpresyonal para mapabilis ang
pagkatuto nila ng katutubong wika. Nasa kamay ng mga misyonerong nasa ilalim ng
pamamahala ng simbahan ang edukasyon ng mamamayan noong panahon ng Espanyol.
Inutos ng hari na ipagamit ang wikang katutubo sa pagtuturo ngunit hindi ito nasunod.
Nagmungkahi si Gobernador Tello na turuan ang mga Indio ng wikang Espanyol. Si Carlos I
at Felipe II ay naniniwlang kailangan maging bilingguwal ang mga Pilipino. Iminungkahi ni
Carlos I na ituro ang Doctrina Christiana gamit ang wikang Espanyol. Napalapit ang mga
katutubo sa mga prayle dahil sa wikang katutubo ang ginagamit nila samantalang napalayo
sa pamahalaan dahil wikang Espanyol ang ginamit ng mga ito.
Noong ika-2 ng Marso, 1634, muling inulit ni Haring Felipe II ang utos tungkol sa
pagtuturo ng wikang Espanyol sa lahat ng katutubo. Noong Disyembre 29, 1792, si Carlos
IV ay lumagda sa isa pang dekrito na nag- uutos na gamitin ang wikang Espanyol sa lahat ng
paaralang itatatag sa pamayanan ng mga Indio. Sa panahong ito, nanganib ang wikang
katutubo ng mga Pilipino, nagkawatak-watak ang mga Pilipino. Matagumpay na nahati at
nasakop ng mga Espanyol ang mga katutubo.

Panahon ng Rebolusyong Pilipino

Matapos ang mahigit 300 taong pananakop ng mga Espanyol, namulat ang mga
mamamayang Pilipino sa kaapihang kanilang dinaranas. Sa panahong ito, maraming
Pilipino ang naging matindi ang damdaming nasyonalismo. Noong 1872, nagkaroon ng
kilusang propaganda na siyang naging simula ng kamalayan upang maghimagsik. Itinatag
ni Andres Bonifacio ang Katipunan.

Ang Wikang Tagalog ang ginamit nila sa mga kautusan at pahayagan. Ito ang
sinasabing unang hakbang sa pagtataguyod ng wikang Tagalog.

Noong panahong iyon sumibol sa mga manghihimagsik na Pilipino ang kaisipang


“isang bansa, isang diwa” laban sa mga Espanyol. Pinili nilang gamitin ang Tagalog sa
pagsulat ng mga sanaysay, tula, kwento, liham, at mga talumpati na pumupuno sa
damdaming makabayan. Si Rizal at iba pang propagandista na sumusulat sa Espanyol ay
nakababatid na ang wika ay malaking bahagi upang mapagbuklod ang mga kababayan nila.
Noong 1897, ang Konstitusyong ng Biak-na- Bato ang masasabing unang kongkretong
pagkilos ng mga Pilipino.

Ginawang opisyal na wika ang Tagalog bagama’t walang isinasaad na ito ang
magiging wikang pambansa ng Republika. Nang itatag ang Unang Republika sa pamumuno
ni Aguinaldo, isinaad sa Konstitusyon na ang paggamit ng wikang Tagalog ay opisyal.
Sinasabing ang pamamayani ng mga ilustrado sa Asembleyang Konstitusyonal ang
pangunahing dahilan nito.
Panahon ng Pananakop ng mga Amerikano

Matapos ang kolonyalistang Espanyol, dumating naman ang mga Amerikano sa


pamumuno ni Almirante Dewey. Lalong nagbago ang sitwasyong pangwika ng Pilipinas dahil
nadagdagan ng wikang Ingles na nagkaroon ng malaking pagbabago sa buhay ng mga
Pilipino.
Ginamit ang wikang Ingles bilang panturo nang panahong iyon. Buhat sa antas
primarya hanggang kolehiyo, ang Ingles ang naging wikang panturo. Nagkaroon ng
pambansang sistema ng edukasyon sa kapuluan dahil sa pagnanais na maisakatuparan ang
mga plano alinsunod sa pakikipag-ugnayan.
Inaasahang sa pamamagitan ng sistema ng edukasyon, magiging tama ang
edukasyon ng mamamayan, masasaklaw at maituturo sa mga Pilipino ang pamamahala sa
sariling bayan. Ang komisyong pinagunahan ni Jacob Schurman ay naniwalang kailangan ng
Ingles sa edukasyon primarya. Ang Batas Blg. 74 noon ika-24 ng Marso, 1901, itinakda ng
komisyon na nagtatag ng mga paaralang pambayan at nagpahayag na Ingles ang gagawing
wikang panturo. Hindi naging madali para sa nagsisipagturo ang paggamit agad ng Ingles sa
mga mag-aaral, sa mga naturang asignatura.

3R’s - Reading, Writing, Arithmetic - Hindi maiwasan ng mga guro ang paggamit ng
bernakular sa kanilang pagpapaliwanag sa mga mag- aaral. Ang Superintende Heneral ng
mga paaralan ay nagbigay ng rekomendayon sa Gobernador Militar na ipagamit ang
bernakular bilang wikang pantulong sa pagtuturo. Pinagtibay ng Lupon ng Superyor na
Tagapayo ang resolusyon sa pagpapalimbag ng mga librong pamprimarya na Ingles-Ilokano,
Ingles- Tagalog, Ingles-Bisaya, at Ingles- Bikol. Noong 1906, pinagtibay ang isang kurso sa
wikang Tagalog para sa mga gurong Amerikano at Pilipino sa panahon ng bakasyon ang mga
mag-aaral.

Nang sumunod na taon, may ipinakilalang bill sa Asembleya na nagmumungkahi ng


paggamit ng mga diyalekto sa pambayang paaralan, ngunit ito ay hindi napagtibay. Mga
sundalo ang unang nagsipagturo ng Ingles at sumunod ang grupong kinilala sa tawag na
Thomasite. Noong 1931, ang bise Gobernador Heneral Goerge Buttena na siyang kalihim
ng Pambayang Pagtuturo ay nagpahayag ng kanyang panayam ukol sa paggamit ng
bernakular sa pagtuturo sa unang apat na taong pag-aaral. Sinabi rin na hindi kailanman
magiging wikang pambansa ng mga Pilipino ang Ingles sapagkat hindi ito ang wika ng
tahanan. Sang-ayon naman kina Jorge Bocobo at Maximo Kalaw, matibay ang pananalig ng
Kawani ng Pambayang Paaralan na nararapat lamang na Ingles ang ituro sa pambayang
paaralan.

Noong nagkaroon ng Kumbensiyong Konstitusyonal naging paksa ang pagpili ng


wikang pambansa. Iminungkahi ni Lope K. Santos na isa sa mga wikang ginagamit ang
nararapat na maging wikang pambansa. Ang panukala ay sinusugan naman ni Pang.
Manuel A. Quezon na siyang pangulo ng Pamahalaang Komonwlet ng Pilipinas.

Nakasaad ang probisyon sa Artikulo XIV, Seksyon 3 ng Saligang Batas ng 1935.


Nilikha ng Batasang Pambansa ang Batas Komonwelt Blg. 184 na nagsasaad nang paglikha
ng Surian ng Wikang Pambansa noong ika-13 ng Nobyembre, 1936.

➢ Tungkulin nito na magsagawa ng pananaliksik, gabay, at alituntunin na magiging


batayan sa pagpili ng wikang pambansa ng Pilipinas.

➢ Napili nila ang Tagalog bilang batayan ng wikang tatawaging Wikang Pambansa sa
kadahilanang pinakamaunlad ito sa estruktura, mekanismo at panitikan, at ito rin ang
wikang ginagamit at nauunawaan ng maraming mamamayan.

➢ Ipinalabas noong 1937 ng Pangulong Quezon ang Kautusang Tagapagpaganap


Blg. 134 na nag-aatas na Tagalog ang batayan ng wikang gagamitin sa pagbuo ng wikang
pambansa.
Panahon ng Pananakop ng mga Hapon
Noong panahon ng mga Hapones, nagkaroon ng pagsulong ang wikang pambansa.
Sa pagnanais na mabura ang anumang impluwensya ng mga Amerikano, ipinagbawal ang
paggamit ng Ingles sa ano mang aspeto ng pamumuhay ng mga Pilipino. Ipinagbawal din
ang paggamit ng lahat ng aklat at peryodikal tungkol sa Amerika. Ipinagamit nila ang
katutubong wika, partikular ang wikang Tagalog, sa pagsulat ng mga akdang
pampanitikan. Sa panahong ito ipinatupad ang Ordinasa Militar Blg. 13 na nag-uutos na
gawing opisyal na wika ang Tagalog at wikang Hapones (Niponggo). Itinuro ang wikang
Nihonggo sa lahat, ngunit binigyang-diin ang paggamit ng Tagalog upang maalis ang
paggamit ng wikang Ingles.

Sa pagnanais ng mga Hapones na maitaguyod ang Wikang Pambansa ay binuhay


ang Surian ng Wikang Pamabansa. Si Jose Villa Panganiban ay nagturo ng Tagalog sa mga
Hapones at di-tagalog. Para sa madaling ikatututo ng kanyang mga mag-aaral ay gumawa
siya ng kasanayang tinawag na “A Shortcut to the National Language.” Iba’t iba ang kanyang
pormularyo upang lubos na matutunan ang wika.

Panahon ng Pagsasarili hanggang sa Kasalukuyan

Ito ang panahon ng liberasyon hanggang sa tayo ay magsarili simula noong Hulyo 4,
1946. Ipinagtibay rin ang wikang opisyal sa bansa ay Tagalog at Ingles sa bisa ng Batas
Komonwelt Blg. 570.

Noong Agosto 13, 1959 ay pinalitan ang tawag sa wikang pambansa, mula Tagalog
ay Pilipino sa bisa ng Kautusang Pangkagawaran Blg. 7 na ipinalabas ni Jose B. Romero,
dating Kalihim ng Edukasyon na nilagdaan naman ni Kalihim Alejandro Roces at nag-uutos
na simulan sa taong- panuruan 1963-1964 na ang mga sertipiko at diploma sa pagtatapos
ay ipapalimbag sa wikang Pilipino. Ito ay base sa Kautusang Tagapagpaganap Blg. 60 s.
1963 na nilagdaan ni dating Pangulo Diosdado Macapagal.
Nang umupo si Ferdinand E. Marcos bilang pangulo ng Pilipinas, inutos niya sa bisa
ng Kautusang tagapagpaganap Blg. 96 s. 1976, na ang lahat ng edipisyo, gusali, at
tanggapan ay nasa pangalan sa Pilipino. Nilagdaan din ni Kalihim Tagapagpaganap Rafael
Salas ang Memorandum Sirkular Blg. 172 (1968) na nag-uutos na ang mga ulong-liham ng
mga taggapan ng pamahalaan ay isulat sa Pilipino. Ang Memorandum Sirkular Blg. 199
(1968) naman ay nagtatagubilin ng Surian ng Wikang Pambansa sa iba’t ibang purok
linggwistika ng kapuluan. Noong 1969, nilagdaan ni Pangulong Marcos ang Kautusang
Tagapagpaganap Blg. 187 na ang-uutos sa lahat ng kagawaran, kawanihan, tanggapan, at
iba pang pangsangay ng pamahalaan na gamitin ang wikang Pilipino hangga’t maaari sa
Linggo ng Wikang Pambansa at pagkaraan naman ay sa lahat ng opisyal na komunikasyon
at transaksyon.

Noong Hunyo 19, 1974, ang Kagawaran ng Edukasyon at Kultura sa pamumuno ni


Kalihim Juan L. Manuel ay nagpalabas ng Kautusang Pangkagawaran Blg. 25 s. 1974 ng mga
panununtunan sa pagpapatupad ng Patakarang edukasyong Bilingguwal. Nang umupo si
Corazon C. Aquino bilang unang babaeng pangulo ng Pilipinas ay bumuo ng bagong batas
ang Constitutional Commission. Sa Saligang Batas 1987 ay nilinaw ang mga kailangang
gawin upang maitaguyod ang wikang Filipino. Sinasabing sa termino ni Pangulong Aquino
isinulong ang paggamit ng wikang Filipino.

Artikulo XIV seksyon 6 - 9 ng Saligang Batas 1987


Sek. 6. Ang wikang pambansa ay Filipino. Samantalang nalilinang, ito dapat
payabungin at pagyamanin pa sa umiiral na mga wika ng Pilipinas at sa iba pang mga
wika.
Sek. 7.Ukol sa mga layunin ng komisyon at pagtuturo, ang mga wikang opisyal ng
Pilipinas ay Filipino, at hangga’t walang ibang itinatadhana ang batas, Ingles. Ang mga
wikang pangrehiyon ay pantulong ng mga wikang opisyal sa mga rehiyon at magsilbi
ng pangtulong na mga wikang panturo roon. Dapat itaguyod nang kusa at opsyonal
ang Kastila at Arabic.
Sek. 8. Ang Konstitusyong ito ay dapat ipahayag sa Filipino at Ingles at dapat isalin sa
mga pangunahing wikang panrehiyon, Arabic at Kastila.
Sek. 9 Dapat magtatag ang Kongreso ng isang Komisyong wikang pambansa na
binubuo ng mga kinatawan ng iba’t ibang mga rehiyon at mga disiplina na
magsasagawa, mag-uugnay, at magtataguyod ng mga pananaliksik sa Filipino at iba
pang mga wika para sa kanilang pagpapaunlad, pagpapalaganap, at pagpapanatili.

Ipinatupad ni Pang. Corazon C. Aquino sa pamamagitan ng Executive Order No.


335. Ito ay “Nag-aatas sa lahat ng mga kagawaran, kawanihan opisina, ahensya, at
instrumento ng pamahalaan na magsagawa ng mga hakbang na kailangan para sa layuning
magamit ang Filipino sa opisyal na mga transaksyon, komunikasyon, at korespondensiya.”

Nang maupo naman si Pangulong Gloria Macapagal Arroyo ay naglabas siya ng


Executive Order No. 210 noong Mayo 2013 na nag-aatas ng pagbabalik sa isang
monolingguwal ng wikang panturo-ang Ingles, sa halip na ang Filipino.

Sa kasalukuyan, marami pa ring sagabal sa pagsulong ng wikang Filipino. Ngunit kung


ang pagbabatayan natin ay ang paglaganap at paggamit ng wikang Filipino, masasabi nating
mabilis nga ang paglusong nito.

Noong ika-15 ng Agosto 2013, sa pagmamagitan ng Kapasiyahan blg. 13-39 ay


nagkasundo ang Kapulungan ng KWF sa sumusunod na depinisyon ng Filipino:

Ang Filipino ay ang katutubong wika na ginagamit sa buong Pilipinas bilang wika ng
komunikasyon, sa pagbigkas at pagsulat na paraan, ng mga pangkating katutubo sa buong
kapuluan. Katulad ng nasabi ng Komisyon ng Wikang Filipino, napakarami pang dapat gawin
upang isulong at magtagumpay ang wikang Filipino Patuloy itong yayaman sa pamamagitan
ng paggamit araw-araw ng mga mamamayan.

Sanaysay
Ang sanaysay ay isang akdang pampanitikan na nasa anyong tuluyan na karaniwang
naglalaman ng mga kaisipan, opinyon o kuro- kuro ng manunulat ukol sa paksa o
napapanahong isyu. May dalawang pangunahing uri ng sanaysay.

Ang pormal na sanaysay ay nagtataglay ng mga makatotohanang impormasyon at


may piling-piling mga salita upang makabuo ng maingat na pahayag at lohikal na paglalahad
ng kaisipan na tumatalakay sa mga seryosong paksa o usapin.

Ang di-pormal na sanaysay naman ay kalimitang nagtatampok ng mga paksang


personal, pangkaraniwan o pang-araw-araw. Ang mga salitang ginagamit ay magaan lamang
na animo’y nakikipag-usap lamang.

Pagbuo ng Sanaysay

1. Pumili ng makabuluhang paksa


2. Magtala ng mga makabuluhang kaisipan o punto
3. Bumuo ng balangkas o outline
4. Buuin ang simula
5. Busugin ang katawan
6. Mag-iwan ng isang epektibong wakas

You might also like