0% found this document useful (0 votes)
106 views27 pages

AP 10 Handouts - 094545

Aral Pan Handouts Melc based
Copyright
© © All Rights Reserved
We take content rights seriously. If you suspect this is your content, claim it here.
Available Formats
Download as DOCX, PDF, TXT or read online on Scribd
0% found this document useful (0 votes)
106 views27 pages

AP 10 Handouts - 094545

Aral Pan Handouts Melc based
Copyright
© © All Rights Reserved
We take content rights seriously. If you suspect this is your content, claim it here.
Available Formats
Download as DOCX, PDF, TXT or read online on Scribd
You are on page 1/ 27

Republic of the Philippines

Department of Education
Region VI – Western Visayas
Division of Antique
AURELIANA NATIONAL HIGH SCHOOL
Aureliana, Patnongon, Antique
Introduction to the Philosophy of a Human Person

Philosophy - Philos “Love” ; Sophia – “Wisdom”


The love of wisdom
Philosopher- Lover of wisdom
“Philosophy is the knowledge of all things through their ultimate causes, acquired through the use of reason.”

History of Philosophy
Greece is the birthplace of Philosophy in the West (now Turkey). Thales, the father of Philosophy in the western
civilization. He was made philosopher of his ultimate desire to know the ultimate stuff that makes the different things
we perceive. Thales approach highlights the difference between religion and philosophy. Religion rest on faith while
philosophy rest on reason. His greatest contribution to the problem he posed “What is the ultimate stuff of the
universe?”.

Philosophy is Characterized by 3 Things (Thales)


1. Philosophy involves widest generalization- embraces all types of knowledge
2. Philosophy is all about fundamentals- fundamental is the root cause
3. Philosophy is driven by the desire to integrate things in to a coherent whole- desire to find one in the many.

Branches of Philosophy

1. Epistemology – studies the nature of knowledge and the rationality of belief; the means of production of knowledge
(How do I know it?). Nature and means of human knowledge
2. Metaphysics- studies and ask questions about the essence and existence of a being
a. Ontology (study existence)
b. Philosophical Anthropology (fundamental and essential characteristics of human nature)
3. Logic- concerned with “reasoning” or “truth”
4. Ethics/Axiology- concerns the matter of “value/morality”
5. Aesthetics- explores the nature and appreciation of art, beauty and taste.
Republic of the Philippines
Department of Education
Region VI – Western Visayas
Division of Antique
PIS-ANAN NATIONAL HIGH SCHOOL
Pis-anan, Sibalom, Antique
Araling panlipunan 10 Q3m1

Konsepto ng Gender, Sex at Gender Roles


Ang konsepto ng gender at sex ay magkaiba. Ayon sa World Health Organization (2014), ang sex ay tumutukoy sa
bayolohikal at pisyolohikal na katangian na nagtatakda ng pagkakaiba ng babae sa lalaki. Samantalang ang gender
naman ay tumutukoy sa mga panlipunang gampanin, kilos, at gawain na itinatakda ng lipunan para sa mga babae at
lalaki. Ang gender ay hindi lamang nahahati sa dalawang kategorya ito ay mayroong iba’t ibang uri.
Katangian ng Sex
Ang sex ay ang bayolohikal, pisyolohiko at natural na katangian ng isang tao mula kapanganakan. Ito ay tumutukoy kung
lalaki o babae ang isang tao. Ang taglay na mga katangian ng lalaki at babae ay makikita sa anumang lahi, kultura,
lipunan at panahon. Ang mga ilang bayolohikal at pisikal na katangian ng lalaki at babae ay ang mga sumusunod:
• May adams apple
• May bayag/titi at testicles
• May XY chromosomes
• may androgen at testosterone

• May developed breast


• May puki at bahay bata
• May xx chromosomes
 May estrogen at progesterone

Katangian ng Gender
Ang gender naman ay isang social contract at nakabatay sa mga salik panlipunan (social factors).
Kabilang sa mga salik na ito ay ang mga panlipunang gampanin at tungkulin, kapasidad, intelektual, emosyonal
at panlipunang katangian at katayuan na nakaatas sa mga babae at lalaki at iba pang kategoryang itinakda ng kultura at
lipunan. Maaaring ikaw ay feminine o masculine depende sa tingin sayo ng lipunan.
Malaki ang epekto ng mga salik na ito sa katangian ng gender katulad ng mga sumusunod:
 Ito ay natutunan. Ang mga gender roles ay natutunan sa pamamagitan ng iba’t-ibang social institutions kagaya ng
pamilya, eskuelahan, mass media, relihiyon, estado, at lugar ng trabaho.
 Ito ay puedeng magbago sa pag-usad ng panahon.
 Ito ay iba-iba sa bawat kultura at lipunan.
Mga Simbolo
Sa panahon ng mga Griyego kilala ang kalalakihan sa larangan ng pakikipagdigma gamit ang kanilang espada at
pana. Samantalang ang kababaihan ay sumisimbolo ng kagandahan at pagiging modelo ng kanilang makulay na kultura
sa larangan ng pagpipinta. Ito ang naging basehan ng simbolo ng gender o kasarian. Ang pana ang naging batayan ng
simbolo ng lalaki at ang imahen ng salamin ang naging simbolo ng babae. Samantalang ang pinaghalong simbolo ng lalaki
at babae ang siyang kumakatawan sa lesbian, gay, bisexual at transgender (LGBT).

Sa Pilipinas, isang mahaba at masalimuot ang kasaysayan ng LGBT community. Bago pa man dumating ang mga
mananakop na Kastila sa bansa ay nakapaloob na sa ating kultura at tradisyon ang usaping pangkasarian. Isa sa mga
halimbawa nito ay ang konsepto ng mga babaylan, kung saan kadalasan ang mga lalaking babaylan ay nagkukunyari at
nag-aanyong mga babae upang kalugdan ng diyos.

Gender Roles
Ang gender role sa salitang tagalog ay tungkulin o gampanin base sa kasarian. Ito ay ang itinakdang pamantayan
na basehan ng tungkulin o gampanin ng babae at lalaki batay sa tinatanggap ng lipunang ginagalawan. Ayon sa isang
artikulo na mula sa Hesperian Health Guides ang gender role ng isang tao ay ang pagtatakda ng komunidad kung paano
ang pagiging babae at lalaki. Umaasa ang komunidad sa bawat tao na mag-isip, makadama at kumilos sa takdang paraan,
dahil lang sa sila’y babae o lalaki. Ang mga sumusunod ay mga halimbawa na isinulat sa nasabing artikulo.
 Ang babae ang inaasahang maghanda ng pagkain, mag-ipon ng tubig at panggatong, at mag-alaga sa mga anak at
kapartner.
 Madalas naman, lalaki ang inaasahang magtrabaho sa labas ng bahay para suportahan ang pamilya at mga magulang
sa pagtanda, at magtanggol sa pamilya mula sa kapahamakan.
Uri ng Gender at Sex
Ano ang pagkakaiba ng sexual orientation at gender identity (SOGIE)?
Ayon sa GALANG, isang organisasyon sa Pilipinas na naglalayong ipagtanggol ang karapatang ng mga nasa laylayan na
miyembro ng LGBT at ayon din sa Yogyakarta Principles (2006), ang oryentasyong seksuwal (sexual orientation) ay
tumutukoy sa kakayahan ng isang tao na makaranas ng malalim na atraksiyong apeksiyonal, emosyonal, seksuwal; at ng
malalim na pakikipagrelasyon sa taong ang kasarian ay maaaring katulad ng sa kanya, iba sa kanya, o kasariang higit sa
isa.
Samantalang ang pagkakakilanlan at pagpapahayag na pangkasarian (gender identity and expression) ay
kinikilala bilang malalim na damdamin at personal na karanasang pangkasarian ng isang tao, na maaaring nakatugma o
hindi nakatugma sa sex niya nang siya’y ipanganak. Kabilang na dito ang personal na pagtuturing niya sa sariling katawan
(na maaaring mauwi, kung malayang pinipili, sa pagbabago ng anyo o kung ano ang gagawin sa katawan sa pamamagitan
ng pagpapaopera, gamot, o iba pang paraan) at iba pang ekspresyon ng kasarian, kasama na ang pananamit, pagsasalita,
at pagkilos.
Sa simpleng pakahulugan, ang salitang oryentasyong seksuwal ay tumutukoy kung kanino ka naaakit, kung siya
ay lalaki o babae o pareho o wala. Ang oryentasyong seksuwal ay maaaring maiuri bilang heteroseksuwal,
homoseksuwal, at biseksuwal, atbp. Samantalang ang gender identity and expression ay nagsasaad ng identipikasyon o
pagkakakilanlan o pagpapahayag sa sarili. Ito ay depende sa tao at karanasan nya sa lipunanag ginagalawan nya.
 Heterosexual –tao na nagkakagusto o naaakit sa taong hindi kahalintulad ng kanyang kasarian.
 Homosexual –tao na nagkakagusto o naaakit sa taong kahalintulad ng kanyang kasarian.
 Bisexual–tao na naaakit sa parehong babae at lalaki. Ang ibang tawag sa kanya ay AC-DC, silahis, atbp.
 Intersex –tao na ipinanganak na may reproductive o sexual anatomy na hindi akma sa lalaki o babae. Ang halimbawa
ay ipinanganak na babae ngunit mayroon syang male reproductive organ. Ang ibang tawag sa kanya ay hermaphrodite.
 Lesbian–babae na nagkakagusto o naakit sa kapwa babae. Ang ibang tawag sa kanya ay tibo, tomboy, lesbiyana, atbp. 
Gay–lalaki na nagkakagusto o naakit sa kapwa lalaki. Ang ibang tawag sa kanya ay bakla, beki, bayot, bading, paminta,
sirena, atbp.
 Transgender –tao na kinikilala ang kanyang kasarian na maaaring taliwas sa ari nung ipinanganak siya o yung inatas sa
kanya ng lipunan. Ang ibang tawag sa kanya ay transwoman, transman, atbp.
 Queer – tao na may sexual orientation o sexual identity na hindi nakapirmi o nag-iiba o maaring hindi limitado sa
dalawang kasarian lamang.
Gender Roles sa Iba’t Ibang Bahagi ng Daigdig
Paano natutunan ang Gender Role sa Pilipinas
Ang Gender Role ay ipinapasa ng mga magulang sa mga anak natutunan ito sa pamamagitan ng magkaibang trato ng
mga magulang sa kanilang anak na babae at lalaki. Sa pang-araw-araw na pamumuhay ng mag-anak nasusubaybayan ng
mga bata ang kanilang mga magulang sa kanilang mga gawi at kilos, pagtrato sa isa’t-isa at papel sa komunidad na
kanilang kinabibilangan. Dahil dito, tinanggap ng mga bata ang mga naturang papel para mapasaya ang kanilang mga
magulang. Tumutulong din ang gender role na malaman ng mga bata kung sino sila at kung ano ang inaasahan sa kanila.
Habang nagbabago ang mundo, nagbabago rin ang mga papel batay sa gender role. Isang halimbawa nito ang
pagbabago ng gender roles ng mga kababaihan at kalalakihan mula noong panahon ng Kastila, Hapones, Amerikano at
hanggang sa kasalukuyan.

Gender Roles sa Ibang Bahagi ng Daigdig Sa mga iba’t-ibang rehiyong ng mundo, ay iba iba ang gender roles ng mga
lalaki at babae. Hindi maitatatwa na mahigpit ang lipunan para sa mga babae lalo na sa mga miyembro ng komunidad ng
LGBT. Matagal ang panahong hinintay ng mga babae upang mabigyan sila ng pagkakataong makalahok sa proseso ng
pagboto. Nito lamang Ikalawang bahagi ng ika-20 siglo nang payagan ng ilang bansa sa Africa at Kanlurang Asya ang mga
babae na makaboto. Ngunit nananatili ang kaharian ng Saudi Arabia sa paghihigpit sa kababaihan hanggang dumating
ang taong 2015 nang pormal na naibigay sa mga kababaihan ng Saudi Arabia ang karapatang bumoto ayon sa ulat ng
BBC News, Disyembre 12, 2015. Ayon din sa datos ng World Health Organization (WHO), may 125 milyong kababaihan
(bata at matanda) ang biktima ng Female Genital Mutilation (FGM) sa 29 na bansa sa Africa at Kanlurang Asya.
Napatunayan ng WHO na walang benepisyong-medikal ang FGM sa mga babae, ngunit patuloy pa rin ang ganitong uri ng
gawain dahil sa impluwensiya ng tradisyon ng lipunang kanilang ginagawalan

Ang Female Genital Mutilation o FGM ay isang proseso ng pagbabago sa ari ng kababaihan (bata o matanda) nang
walang anomang benepisyong medikal. Ito ay isinasagawa sa paniniwalang mapapanatili nitong walang bahid dungis ang
babae hanggang siya ay maikasal. Walang basehang panrelihiyon ang paniniwala at prosesong ito na nagdudulot ng
impeksiyon, pagdurugo, hirap umihi at maging kamatayan. Ang ganitong gawain ay maituturing na paglabag sa
karapatang pantao ng kababaihan. Sa South Africa, may mga kaso ng gang-rape sa mga Lesbian (tomboy) sa
paniniwalang magbabago ang oryentasyon nila matapos silang gahasain. Bukod pa rito, ayon na rin sa ulat na inilabas ng
United Nations Human Rights Council noong taong 2011, may mga kaso rin ng karahasang nagmumula sa pamilya mismo
ng mga miyembro ng LGBT.
Prepared by:Arnold A. Bautista/Subject Teacher

Republic of the Philippines


Department of Education
Region VI – Western Visayas
Division of Antique
PIS-ANAN NATIONAL HIGH SCHOOL
Pis-anan, Sibalom, Antique
Araling panlipunan 10 Q3m2

Diskriminasyon sa mga kalalakihan, kababaihan, at LGBT


Nananatiling malaking isyu at hamon ang pagkakapantay-pantay ayon sa kasarian. Sa Pilipinas, kahit malayo na
ang narating ng kababaihan sa larangan ng politika, negosyo, media, akademya, at iba pang larangan; nanatiling biktima
pa rin sila ng diskriminasyon at karahasan. Sinasabi ng UN Declaration on the Elimination of Violence Against Women
(DEVAW) na: “Ang karahasan laban sa kababaihan ay isang patunay na hindi pantay ang turing noon pa man sa pagitan
ng kalalakihan at kababaihan”, at “isa sa mga mapanganib na pamamaraan sa lipunan ang karahasan laban sa
kababaihan kung saan sapilitang nalalagay sa mas mababang posisyon ang babae kaysa sa mga lalaki.”
Idineklara ni Kofi Annan, ang Kalihim-Panlahat ng Nagkakaisang Bansa sa isang ulat noong 2006 na matatagpuan
sa websayt ng United Nations Development Fund for Women (UNIFEM). Isinasaad dito na: “Nangyayari sa buong daigdig
ang karahasan laban sa kababaihan. Wala itong pinipiling lipunan o kultura. Ayon pa kay Annan isa sa bawat tatlong
babae sa buong mundo ay masasabing biktima ng pambubugbog, sapilitang pakikipagtalik, at pagmamaltrato sa tanan
ng kanyang buhay na ang umaabuso ay madalas kilala ng biktima.”
Ngunit hindi lamang ang kababaihan ang nahaharap sa diskriminasyon at karahasan, maging ang mga
kalalakihan ay biktima nito. Sa katunayan, maraming kalalakihan din ang nakakaranas ng pang-aabuso sa salita (verbal
abuse) ng kanilang maybahay.
Sa panayam ni Lilia Tolentino (2003) kay dating kalihim ng Kagawaran ng Kagalingan at Pagpapaunlad
Panlipunan (DSWD) na si Dinky Soliman, sinabi niya na, isa sa bawat 20 lalaki sa bansa ang biktima ng pagmumura at
masasakit na pananalita ng kanilang mga misis. Tinawag ni Hillary Clinton (2011) na “invisible minority” ang mga LGBT,
sapagkat ang kanilang mga kuwento ay itinago, inilihim at marami sa kanila ang nanahimik dahil sa takot. Marami sa
kanila ang nahaharap sa malaking hamon ng pagtanggap at pagkakapantay-pantay sa pamilya, paaralan, negosyo,
lipunan at maging sa kasaysayan.
Ayon sa pag-aaral na ginawa ng United Nations Office of the High Commissioner for Human Rights o UN-OHCHR
noong 2011 may mga LGBT (bata at matanda) na nakaranas nang di-pantay na pagtingin at pagtrato ng kanilang kapwa,
pamilya, komunidad at pamahalaan. Ang ganitong uri ng pagkatao ay nagkakaroon ng diskriminasyon lalong lalo na sa
oportunidad sa pagtatrabaho, pagkakaroon ng karapatan sa pagpapakasal, o pagkakaroon ng sariling negosyo.
Nagpapakita lamang na kahit isinusulong ang pagkapantay-pantay sa bawat tao ay mayroon paring diskriminasyon
lalong lalo na sa mga LGBT.
Sa kabuuan, layon ng araling ito na pagtuunan ng pansin ang mga isyung kinakaharap ng lipunan kaugnay sa mga
karahasan at diskriminasyon kontra sa mga kababaihan, kalalakihan at LGBT. Bagama’t may kapulungang nagtatanggal
sa lahat ng mga porma ng diskriminasyon laban sa kababaihan tulad ng Convention on the Elimination of All Forms of
Discriminations Against Women (CEDAW) na pinagtibay noong 1979 ng Pangkalahatang Kapulungan ng Nagkakaisang
Bansa, may ilang mga bansa at insidente pa ring hindi pantay ang pagtingin at pagtrato sa mga kababaihan.
Mga kilalang personalidad sa iba’t ibang larangan
ELLEN DEGENERES (lesbian) Isang artista, manunulat, stand-up comedian at host ng isa sa pinakamatagumpay na talk-
show sa Amerika, ang “The Ellen Degeneres Show”. Binigyang pagkilala rin niya ang ilang Pilipinong mang-aawit gaya ni
Charice Pempengco. Noong Nobyembre 2011, ang Kalihim ng Estado na si Hillary Clinton ay ginawaran siya ng isang
importanteng sugo para sa Global AIDS Awareness.
TIM COOK (gay) Ang CEO ng Apple Inc. na gumagawa ng iPhone, iPad, at iba pang Apple products. Siya ay pumasok sa
kompanyang ito noong Marso 1998. Bago mapunta sa Apple Corporation nagtrabaho rin si Cook sa Compaq at IBM, at
mga kompanyang may kinalaman sa computers.
DANTON REMOTO (gay) Isang propesor sa kilalang pamantasan, kolumnista, manunulat, at mamamahayag. Siya ay
tumanggap ng unang gantimpala sa ASEAN Letter-Writing Contest for Young People na naging dahilan kung bakit naging
iskolar siya sa Ateneo de Manila University. Nakilala siya sa pagtatag ng Ang Ladlad, isang pamayanan na binubuo ng
mga miyembro ng LGBT.
MARILLYN A. HEWSON (babae) Chair, Presidente, at CEO ng Lockheed Martin Corporation, na kilala sa paggawa ng mga
armas pandigma at panseguridad, at iba pang mga makabagong teknolohiya. Sa mahigit 30 taon niyang pananatili sa
kompanya, naitalaga siya sa iba’t ibang matataas na posisyon. Noong taong 2015, siya ay pinangalanang ika-20
pinakamalakas na babae sa mundo ni Forbes. Taong 2017 siya ay napabilang sa Manufacturing Jobs Initiative sa Amerika.
CHARICE PEMPENGCO (lesbian) Isang Pilipinang mang-aawit na nakilala hindi lamang sa bansa maging sa ibang panig ng
mundo. Tinawag ni Oprah Winfrey na “the talented girl in the world.” Isa sa sumikat na awit niya ay ang Pyramid. Noong
2010, inilabas ang kanyang unang internasyunal na studio album na Charice at pumasok ito sa ika-pitong pwesto sa
Billboard 200 na naging dahilan upang si Charice ang kauna-unahang Asyanong solong mang-aawit na nakapasok sa
kasaysayan ng Top 10 ng tsart ng Billboard 200.
ANDERSON COOPER (gay) Isang mamamahayag at tinawag ng New York Time na “the most prominent open gay on
American television.” Nakilala si Cooper sa Pilipinas sa kanyang coverage sa relief operations noong bagyong Yolanda
noong 2013. Kilala siya bilang host at reporter ng Cable News Network o CNN.
PARKER GUNDERSEN (lalaki) Siya ang Chief Executive Officer ng ZALORA, isang kilalang online fashion retailer na may
sangay sa Singapore, Indonesia, Malaysia, Brunei, the Philippines, Hong Kong, at Taiwan.
GERALDINE ROMAN (transgender) Kauna-unahang transgender na miyembro ng Kongreso. Siya ang kinatawan ng
lalawigan ng Bataan. Siya ang pangunahing tagapagsulong ng AntiDiscrimination Bill sa Kongreso. Siya ay nakapagtapos
ng kursong European Languages major in Spanish and French sa Unibersidad ng Pilipinas at kumuha ng Master’s Degree
in Journalism sa Unibersidad del Pais Vasco sa Northern Spain.

Ang DISKRIMINASYON ay ang anumang pag-uuri, eksklusyon, o restriksiyon batay sa kasarian na naglalayon o nagiging
sanhi ng hindi pagkilala, paggalang, at pagtamasa ng lahat ng kasarian ng kanilang mga karapatan o kalayaan.

Si Malala Yousafzai at ang Laban sa Edukasyon ng Kababaihan sa Pakistan


Nakilala si Malala Yousafzai habang lulan ng bus patungong paaralan, nang siya ay barilin sa ulo ng isang
miyembro ng Taliban noong ika-9 ng Oktubre 2012 dahil sa kanyang paglaban at adbokasiya para sa karapatan ng mga
batang babae sa edukasyon sa Pakistan. Kinondena hindi lamang ng mga Muslim ang pagtatangka sa buhay ni Malala.
Bumuhos ang tulong pinansyal upang agarang mabigyang lunas ang pagbaril sa kanyang ulo.
Ipinanganak siya noong ika-2 ng Hulyo 1997 sa Mingora, Swat Valley, sa hilagang bahagi ng Pakistan, malapit sa
Afghanistan. Taong 2007 nang masakop ng mga Taliban ang Swat Valley sa Pakistan at mula noon ipinatupad nila ang
mga patakarang nakabatay sa batas Sharia ng mga Muslim. Kabilang sa mga ito ay ang pagpapasara ng mga dormitoryo
at paaralan para sa mga babae, nasa mahigit 100 paaralan ang kanilang sinunog sa Pakistan upang hindi na muli pang
makabalik ang mga babae sa pag-aaral. Sa mga taong ito, isang batang babae pa lamang si Malala na nangangarap na
makapag-aral. Nagsimula ang mga pagpapahayag ni Malala ng kanyang mga adbokasiya noong 2009. Lumawak ang
impluwensiya ni Malala dahil sa kanyang pagsusulat at mga panayam sa mga pahayagan at telebisyon. Dahil dito,
nakatanggap ng mga banta sa kanilang buhay ang pamilya ni Malala, ngunit hindi ito naging hadlang upang ipagpatuloy
niya ang paglaban para sa edukasyon ng mga babae sa Pakistan. Ang pagbaril kay Malala ang nagpakilala sa mundo ng
tunay na kalagayan ng edukasyon ng mga babae sa Pakistan. Matapos siyang maoperahan, iba’t ibang mga pagkilala at
parangal ang kanyang natanggap ngunit hindi niya kinalimutan ang mga kapwa niya babae hindi lamang sa Pakistan,
maging sa iba pang bahagi ng daigdig. Itinatag niya noong 2013 ang Malala Fund, isang organisasyong naglalayon na
makapagbigay ng libre, ligtas, at de-kalidad na edukasyon sa loob ng 12 taon. Naglaan din ang pamahalaan ng Pakistan
ng malaking pondo para sa edukasyon ng mga babae. Iginawad din sa kanya ang Nobel Peace Prize kasama ang
aktibistang si Kailash Satyarthai noong 2014. Nakapagpatayo na rin siya ng paaralan sa Lebanon para sa mga batang
babae na biktima ng digmaang sibil sa Syria. Sa kasalukuyan, patuloy ang pagpapakilala ni Malala sa tunay na kalagayan
edukasyon ng mga batang babae sa iba’t ibang bahagi ng daigdig sa pakikipagkita at pakikipag-usap sa mga pinuno ng
iba’t ibang bansa at pinuno ng mga organisasyong sibil at nongovernment organizations o NGOs gaya ng United Nations
at iba.
Prepared by:Arnold A. Bautista/Subject Teacher

Republic of the Philippines


Department of Education
Region VI – Western Visayas
Division of Antique
PIS-ANAN NATIONAL HIGH SCHOOL
Pis-anan, Sibalom, Antique
Araling panlipunan 10 Q3m3

Mga Karahasan sa mga kababaihan, kalalakihan at LGBT

Ang ibat ibang anyo ng karahasan ay walang pinipiling kasarian. Ito ay maaaring nangyayari sa paaralan, sa
lansangan, sa pinapasukang trabaho maging mismo sa loob ng ating tahanan, subalit inaakala ng iba na ito ay natural
lamang at bunga ng pagiging mahina ng kababaihan o maaring kawalan ng batas na nagbibgay proteksiyon ng walang
pagkiling sa kasarian.
Ang kababaihan, sa Pilipinas man o sa ibang bansa, ay nakararanas ng pangaalipusta, hindi makatarungan at
hindi pantay na pakikitungo at karahasan. Ang mababang pagtingin sa kababaihan ay umiiral na noon pa sa iba’t ibang
kultura at lipunan sa daigdig. Mababanggit ang kaugaliang foot binding noon sa China na naging dahilan ng
pagkakaparalisa ng ilang kababaihan.
Ang “foot binding” ay isinasagawa ng mga sinaunang babae sa China. Ang mga paa ng mga batang babae ay
pinapaliit hanggang sa tatlong pulgada gamit ang pagbalot ng isang pirasong bakal. Ang korte ng paa ay pasusunurin sa
bakal sa pamamagitan ng pagbali sa mga buto ng paa nang paunti-unti gamit ang telang mahigpit na ibinalot sa buong
paa. Ang tawag sa ganitong klase ng mga paa ay lotus feet o lily feet. Halos isang milenyong umiral ang tradisyong ito.
Ang pagkakaroon ng ganitong klase ng paa sa simula ay kinikilala bilang simbolo ng yaman, ganda, at pagiging karapat-
dapat sa pagpapakasal. Subalit dahil sa ang kababaihang ito ay may bound feet, nalimitahan ang kanilang pagkilos,
pakikilahok sa politika, at ang kanilang pakikisalamuha. Tinanggal ang ganitong sistema sa China noong 1911 sa panahon
ng panunungkulan ni Sun Yat Sen dahil sa di-mabuting dulot ng tradisyong ito.

Ano ba ang karahasan sa kababaihan?


Ayon sa United Nations, ang karahasan sa kababaihan (violence against women) ay anomang karahasang
nauugat sa kasarian na humahantong sa pisikal, seksuwal o mental na pananakit o pagpapahirap sa kababaihan, kasama
na ang mga pagbabanta at pagsikil sa kanilang kalayaan. May ilang kaugalian din sa ibang lipunan na nagpapakita ng
paglabag sa karapatan ng kababaihan. Subalit ang nakakalungkot dito, ang pagsasagawa nito ay nag-uugat sa maling
paniniwala. Mababanggit na halimbawa ang breast ironing o breast flattening sa Africa.
Ang breast Ironing/ breast flattening sa Africa ay isang matandang kaugalian sa bansang Cameroon sa
kontinente ng Africa. Ito ang pagbabayo o pagmamasahe ng dibdib ng batang nagdadalaga sa pamamagitan ng bato,
martilyo o spatula na pinainit sa apoy. May pananaliksik ang Cameroonian women’s organization at Germany’s
Association for International Cooperation noong 2006 na nagsasabing 24% ng mga batang babaeng may edad siyam ay
apektado nito. Ipinapaliwanag ng ina sa anak na ang pagsagsagawa nito ay normal lamang upang maiwasan ang:
(1) maagang pagbubuntis ng anak;
(2) paghinto sa pag-aaral; at
(3) pagkagahasa.
Ang karahasan sa kababaihan ay hindi lamang problema sa Pilipinas kundi pati na rin sa buong daigdig. Sa
katunayan, itinakda ang Nobyembre 25 bilang International Day for the Elimination of Violence Against Women. Dito sa
Pilipinas itinakda naman ang Nobyembre 25 hanggang December 12 na tinaguriang 18 Day Campaign to End VAW na
ayon sa mandato ng proclamation 1172 s. 2006. Ang adbokasiyang ito ay may layuning ipaalam ang iba’t ibang uri ng
karahasan sa mga kababaihan at kung paano ito mapipigilan.
ISTATISKA NG KARAHASAN SA KABABAIHAN (Mula sa 2013 National Demographic Health Survey ng Philippine
Statistics Authority)
1. Isa sa bawat limang babae na nasa edad 15-49 ang nakaranas ng pananakit na pisikal simula edad 15, anim na
porsyento ang nakaranas ng pananakit na pisikal.
2. 6% ng mga babaeng 15-49 ang nakaranas ng pananakit na seksuwal
3. Isa sa apat na mga babaeng kasal na may edad 15-49 ang nakaranas ng emosyonal, pisikal at/o pananakit na seksuwal
mula sa kanilang mga asawa.
4. Mula sa mga babaeng may asawa at kasal na nakaranas ng pisikal o sekswal na pang-aabuso sa loob ng 12 buwan,
65% ang nagsabing sila ay nakaranas ng pananakit.

Ang GABRIELA (General Assembly Binding Women for Reforms, Integrity, Equality, Leadership, and Action) ay
isang samahan sa Pilipinas na laban sa iba’t ibang porma ng karahasang nararanasan ng kababaihan na tinagurian nilang
“Seven Deadly Sins Against Women”. Ang mga ito ay ang:
1. pambubugbog/pananakit,
2. panggagahasa,
3. incest at iba pang seksuwal na pang-aabuso,
4. sexual harassment,
5. sexual discrimination at exploitation,
6. limitadong access sa reproductive health,
7. sex trafficking at prostitusyon.
Ayon sa ulat ng Mayo Clinic, hindi lamang kababaihan ang biktima ng karahasan na nagaganap sa isang relasyon
o ang tinatawag na domestic violence, maging ang kalalakihan at LGBT ay biktima rin. Ayon pa sa ulat, ang ganitong uri
ng karahasan sa mga kalalakihan ay hindi madaling makita o makilala. Ang ganitong uri ng karahasan ay maaring
emosyonal, seksuwal, pisikal, at ibang banta ng pangaabuso. Tandaan din na ito ay maaaring maganap sa heterosexual
at homosexual na relasyon.
Maaari mong malamang inaabuso ka na kung napapansin mo ang mga ganitong pangyayari:
1. tinatawag ka sa ibang pangalang may kaakibat na pang-iinsulto;
2. pinipigilan ka sa pagpasok sa trabaho o paaralan;
3. pinipigilan kang makipagkita sa iyong pamilya o mga kaibigan;
4. sinusubukan kang kontrolin sa paggastos sa pera, saan ka pupunta at kung ano ang iyong mga isusuot;
5. nagseselos at palagi kang pinagdududahan na nanloloko;
6. madalas pinagagalitan ka ng walang dahilan;
7. pinagbabantaan ka na sasaktan;
8. sinisipa, sinasampal, sinasakal o sinasaktan ka;
9. pinipilit kang makipagtalik kahit labag sa iyong kalooban; at
10. sinisisi ka sa kanyang pananakit o sinasabi sa iyo na nararapat lamang sa iyo ang ginagawa niya sa iyo.
11.pinagbabantaan kang sasabihin sa iyong pamilya, mga kaibigan at mga kakilala ang iyong oryentasyong seksuwal at
pagkakakilanlang pangkasarian.
Prepared by:Arnold A. Bautista/Subject Teacher

Republic of the Philippines


Department of Education
Region VI – Western Visayas
Division of Antique
PIS-ANAN NATIONAL HIGH SCHOOL
Pis-anan, Sibalom, Antique
Araling panlipunan 10 Q3m4

Tugon ng Pandaigdigang Samahan sa mga Isyu sa Karahasan at Diskriminasyon

“LGBT rights are Human Rights” Ito ang mga katagang winika ni dating UN Secretary Gen Ban Ki-moon upang
hikayatin ang mga miyembro ng Nagkakaisang Bansa na mawakasan ang mga pang-aapi at pang-aabuso laban sa mga
LGBT.
Ang patuloy na pakikilahok at pakikibaka ng mga LGBT sa usaping panlipunan ay nagpapalakas ng kanilang mga
boses upang matugunan ang kanilang mga hinaing tungkol sa di-pantay na pagtingin at karapatan. Nasa 29 na eksperto
sa oryentasyong seksuwal at pangkasariang pagkakakilanlan (sexual orientation at gender identity) na nagmula sa iba’t
ibang bahagi ng daigdig ang nagtipon-tipon sa Yogyakarta, Indonesia noong ika-6 hanggang ika-9 ng Nobyembre, 2006
upang pagtibayin ang mga Yogyakarta Principle na makatutulong sa pagkakapantaypantay ng mga LGBT. Narito ang ilan
sa mga mahahalagang Yogyakarta Principle. Mga Batayang Simulain ng Yogyakarta sa Oryentasyong Seksuwal,
Pangkasariang Pagkakakilanlan at Pagpapahayag (SOGIE)
Principle 1 ANG KARAPATAN SA UNIBERSAL NA PAGTATAMASA NG MGA KARAPATANG PANTAO
Lahat ng tao ay isinilang na malaya at pantay sa dignidad at mga karapatan. Bawat isa, anuman ang oryentasyong
seksuwal at pangkasariang pagkakakilanlan ay nararapat na ganap na magtamasa ng lahat ng karapatang pantao.
Principle 2 ANG MGA KARAPATAN SA PAGKAKAPANTAY-PANTAY AT KALAYAAN SA DISKRIMINASYON
Bawat isa ay may karapatang magtamasa ng lahat ng karapatang pantao nang walang diskriminasyong nag-uugat sa
oryentasyong seksuwal o pangkasariang pagkakakilanlan. Dapat kilalanin na ang lahat ay pantay-pantay sa batas at sa
proteksiyon nito, nang walang anumang diskriminasyon, kahit may nasasangkot na iba pang karapatang pantao.
Principle 4 ANG KARAPATAN SA BUHAY Karapatan ng lahat ang mabuhay. Walang sinuman ang maaaring basta na
lamang pagkaitan ng buhay sa anumang dahilan, kabilang ang may kaugnayan sa oryentasyong seksuwal o
pangkasariang pagkakakilanlan. Ang parusang kamatayan ay hindi ipapataw sa sinuman dahil sa “consensual sexual
activity” (gawaing seksuwal na may pahintulot ng kapwa) ng mga taong nasa wastong gulang o batay sa oryentasyong
seksuwal o pangkasariang pagkakakilanlan.
Principle 12 ANG KARAPATAN SA TRABAHO
Ang lahat ay may karapatan sa disente at produktibong trabaho, sa makatarungan at paborableng mga kondisyon sa
paggawa, at sa proteksiyon laban sa dis-empleyo at diskriminasyong nag-uugat sa oryentasyong seksuwal o
pangkasariang pagkakakilanlan.
Prinsipyo 16 ANG KARAPATAN SA EDUKASYON
Ang lahat ay may karapatan sa edukasyon nang walang diskriminasyong naguugat at sanhi ng oryentasyong seksuwal at
pangkasariang pagkakakilanlan.
Prinsipyo 25 ANG KARAPATANG LUMAHOK SA BUHAY-PAMPUBLIKO
Bawat mamamayan ay may karapatang sumali sa mga usaping publiko; kabilang ang karapatang mahalal, lumahok sa
pagbubuo ng mga patakarang may kinalaman sa kanyang kapakanan; at upang mabigyan ng pantay na serbisyopubliko
at trabaho sa mga pampublikong ahensiya; kabilang ang pagseserbisyo sa pulisya at militar nang walang diskriminasyong
sanhi ng oryentasyong seksuwal o pangkasariang pagkakakilanlan.

Convention on the Elimination of All Forms of Discrimination Against Women (CEDAW)


Ang CEDAW ay ang Convention on the Elimination of All Forms of Discrimination Against Women. Karaniwang
inilalarawan bilang International Bill for Women, kilala rin ito bilang The Women’s Convention o ang United Nations
Treaty for the Rights of Women. Ito ang kauna-unahan at tanging internasyunal na kasunduan na komprehensibong
tumatalakay sa karapatan ng kababaihan hindi lamang sa sibil at politikal na larangan kundi gayundin sa aspektong
kultural, pang-ekonomiya, panlipunan at pampamilya. Inaprubahan ng United Nations General Assembly ang CEDAW
noong Disyembre 18,1979 sa panahong UN Decade for Women. Pumirma ang Pilipinas sa CEDAW noong Hulyo 15, 1980,
at niratipika ito noong Agosto 5, 1981. Kasunod sa Convention of the Rights of the Child, ang CEDAW ang pangalawang
kasunduan na may pinakamaraming bansang nagratipika. Umaabot na sa 180 bansa mula sa 191 na lumagda o State
parties noong Marso 2005. Ang Pilipinas ay isa sa mga lumagda o state parties. Unang ipinatupad ang kasunduan noong
Setyembre 3, 1981 o 25 taon na ang nakakaraan noong 2006, pero kaunti pa lang ang nakakaalam nito.
Paano nilalayon ng CEDAW na wakasan ang diskriminasyon sa kababaihan?
1. Nilalayon nitong itaguyod ang tunay na pagkakapantay-pantay sa kababaihan. Inaatasan nito ang mga estado na
magdala ng konkretong resulta sa buhay ng kababaihan.
2. Kasama rito ang prinsipyo ng obligasyon ng estado. Ibig sabihin, may mga responsibilidad ang estado sa kababaihan
na kailanma’y hindi nito maaaring bawiin.
3. Ipinagbabawal nito ang lahat ng aksiyon o patakarang umaagrabyado sa kababaihan, anomang layunin ng mga ito.
4. Inaatasan nito ang mga state parties na sugpuin ang anumang paglabag sa karapatan ng kababaihan hindi lamang ng
mga institusyon at opisyal ng gobyerno, kundi gayundin ng mga pribadong indibidwal o grupo.
5. Kinikilala nito ang kapangyarihan ng kultura at tradisyon sa pagpigil ng karapatan ng babae, at hinahamon nito ang
State parties na baguhin ang mga stereotype, kostumbre at mga gawi na nagdidiskrimina sa babae.
Epekto ng pagpirma at pagratipika ng Pilipinas sa CEDAW Bilang state party sa CEDAW, kinikilala ng Pilipinas na
laganap pa rin ang diskriminasyon at di-pagkakapantay-pantay sa karapatan ng babae, at may tungkulin ang estado na
solusyonan ito.
May tungkulin ang State parties na igalang, ipagtanggol at itaguyod ang karapatan ng kababaihan. Ang mga state
parties ay inaasahang:
1. Ipawalang-bisa ang lahat ng batas at mga nakagawiang nagdidiskrimina;
2. Ipatupad ang lahat ng patakaran para wakasan ang diskriminasyon at maglagay ng mga epektibong mekanismo at
sistema kung saan maaaring humingi ng hustisya ang babae sa paglabag ng kanilang karapatan;
3. Itaguyod ang pagkakapantay-pantay sa pamamagitan ng iba’t ibang hakbang, kondisyon at karampatang aksiyon; at 4.
Gumawa ng pambansang ulat kada apat
(4) na taon tungkol sa mga isinagawang hakbang para matupad ang mga tungkulin sa kasunduan

Anti-Violence Against Women and Their Children Act ng 2004


Ang Anti-Violence Against Women and Their Children Act of 2004 ay isang batas na nagsasaad ng mga karahasan laban
sa kababaihan at kanilang mga anak, nagbibigay ng lunas at proteksiyon sa mga biktima, at nagtatalaga ng mga
kaukulang parusa sa mga lumalabag dito.Ang mabibigyan ng proteksiyon ng batas na ito ay ang kababaihan at kanilang
mga anak. Ang “kababaihan” sa ilalim ng batas na ito ay tumutukoy sa kasalukuyan o dating asawang babae, babaeng
may kasalukuyan o nakaraang relasyon sa isang lalaki, at babaeng nagkaroon ng anak sa isang karelasyon. Ang “mga
anak” naman ay tumutukoy sa mga anak ng babaeng inabuso, mga anak na wala pang labingwalong (18) taong gulang,
lehitimo man o hindi at mga anak na may edad na labingwalong (18) taon at pataas na wala pang kakayahang alagaan o
ipagtanggol ang sarili, kabilang na rin ang mga hindi tunay na anak ng isang babae ngunit nasa ilalim ng kaniyang
pangangalaga. Ang mga maaaring magsagawa ng krimeng ito at maaaring managot sa ilalim ng batas na ito ay ang mga
kasalukuyan at dating asawang lalaki, mga kasalukuyan at dating kasintahan at live-in partners na lalaki, mga lalaking
nagkaroon ng anak sa babae, at mga lalaking nagkaroon ng “sexual or dating relationship” sa babae.
Ang Republic Act 9710 o Magna Carta of Women ay isinabatas noong Agosto 14, 2009 na naglalayon na alisin ang lahat
ng uri ng diskriminasyon laban sa kababaihan at sa halip ay itaguyod ang pagkakapantay-pantay ng mga babae at lalaki
sa lahat ng bagay, alinsunod sa mga batas ng Pilipinas at mga pandaigdigang instrumento, lalo na ang Convention on the
Elimination of All Forms of Discrimination Against Women o CEDAW. Ang MCW o ang Mgna Carta of Women ay isang
komprehensibong batas ng karapatang pantao para sa kababaihan na naglalayong tanggalin ang diskriminasyon sa
pamamagitan ng pagkilala, pagbibigay proteksyon at katuparan at pagsulong ng mga karapatan ng mga kababaihang
Pilipino, lalo na ang mga kabilang sa mga marginalized na sektor ng lipunan.
Layunin ng batas na itaguyod ang husay at galing ng bawat babae at ang potensiyal nila bilang alagad ng pagbabago at
pag-unlad sa pamamagitan ng pagkilala at pagtanggap sa katotohanan na ang mga karapatan ng kababaihan ay
karapatang pantao.
Anong mga karapatan ang binibigay ng batas na ito?
1. Patas na pagtrato sa babae at lalaki sa harap ng batas.
2. Proteksyon sa lahat ng uri ng karahasan, lalo na sa karahasan na dulot ng estado.
3. Pagsigurado sa kaligtasan at seguridad ng kababaihan sa panahon ng krisis at sakuna.
4. Pagbibigay ng patas na karapatan sa edukasyon, pagkamit ng scholarships at iba’t ibang uri ng pagsasanay.
Pinagbabawal nito ang pagtatanggal o paglalagay ng limitasyon sa pag-aaral at hanapbuhay sa kahit anong institusyon ng
edukasyon dahil lamang sa pagkabuntis nang hindi pa naikakasal.
5. Karapatan sa patas na pagtrato sa larangan ng palakasan(sports)
6. Pagbabawal sa diskriminasyon sa mga babae sa trabaho sa loob ng gobyerno, hukbong sandatahan, kapulisan at iba
pa.
7. Pagbabawal sa di makatarungan representasyon sa kababaihan sa kahit anong uri ng media.
8. Iginagawad ng batas na ito ang pagkakaroon ng two-month leave na may bayad sa mga babae na sumailalim sa isang
medikal na operasyon, pagbubuntis o gynecological na mga sakit.
9. Isinusulong ng batas na ito ang patas na karapatan sa mga bagay at usapin kaugnay ng pagpapakasal at mga usaping
pampamilya.
10.Ang batas na ito ay naglalayon na hikayatin ang mga babae na maging bahagi ng politika at pamumuno at itulak ang
ilang mga agenda na kaugnay sa kababaihan.

Sino ang saklaw ng Magna Carta of Women?


Lahat ng babaeng Pilipino, anuman ang edad, pinag-aralan, trabaho o hanapbuhay, propesyon, relihiyon, uri o
pinagmulang ethnicity ay saklaw ng Magna Carta. Higit napagtutuunan ng pansin ng batas ang kalagayan ng mga batang
babae, matatanda, may kapansanan, mga babae sa iba’t ibang larangan, Marginalized Women, at Women in Especially
Difficult Circumstances.
Ang Magna Carta of Women ay tumutukoy sa mga marginalized na sektor bilang yaong kabilang sa pangunahing,
mahirap, o mahina na grupo na karamihan ay nabubuhay sa kahirapan at may maliit o walang access sa lupa at iba pang
mga mapagkukunan, pangunahing mga serbisyong panlipunan at pang-ekonomiya tulad ng pangangalagang
pangkalusugan, edukasyon, tubig at kalinisan, oportunidad sa trabaho at pangkabuhayan, seguridad sa pabahay, pisikal
na imprastraktura at ang sistema ng hustisya.
Kasama rito, ngunit hindi limitado sa mga kababaihan sa mga sumusunod na sektor o grupo: Mga maliliit na magsasaka
at mga manggagawa sa kanayunan, Fisherfolk, Mahirap sa lunsod, Mga Manggagawa sa pormal na ekonomiya, Mga
Manggagawa sa impormal na ekonomiya, Migrant na manggagawa, Mga Lumad na Tao, Moro, Mga Bata, Senior mga
mamamayan, Mga taong may kapansanan, at mga magulang ng Solo.
Ang tinatawag namang Women in Especially Difficult Circumstances ay ang mga babaeng nasa mapanganib na kalagayan
o mahirap na katayuan tulad ng biktima ng pang-aabuso at karahasan at armadong sigalot, mga biktima ng prostitusyon,
“illegal recruitment,” “human trafficking” at mga babaeng nakakulong.
Responsibilidad ng Pamahalaan
Ang Pamahalaang Pilipinas ay may pangunahing tungkulin sa pagpapatupad ng nasabing batas.
Nangangahulugan ito na ang lahat ng mga tanggapan ng gobyerno, kabilang ang mga pamahalaang lokal. Ang mga
pagmamay-ari at kontroladong korporasyon ng gobyerno ay dapat managot na ipatupad ang mga probisyon ng Magna
Carta of Women sa ilalim sa kanilang mandato, partikular ang paggarantiya ng mga karapatan ng kababaihan na
nangangailangan ng tiyak na aksyon mula sa Estado. Tuwirang responsibilidad ng pamahalaan na proteksiyunan ang
kababaihan sa lahat ng uri ng diskriminasyon at ipagtanggol ang kanilang mga karapatan. Katuwang ang mga ahensya at
yunit nito, maglalatag ang pamahalaan ng mga nararapat at mabisang paraan upang maisakatuparan ang mga layunin ng
batas. Kabilang sa mga paraan na ito ang paglikha at pagpapatupad ng mga batas, patakaran at programa na
nagsasaalang-alang sa mga pangangailangan ng mga babae, tungo sa kanilang kahusayan at kabutihan. Gagawa rin ng
mga hakbang ang pamahalaan upang marepaso o maalis ang mga batas, patakaran, programa, at polisiya na nagpapalala
sa diskriminasyon laban sa kababaihan.
Prepared by:Arnold A. Bautista/Subject Teacher

Republic of the Philippines


Department of Education
Region VI – Western Visayas
Division of Antique
PIS-ANAN NATIONAL HIGH SCHOOL
Pis-anan, Sibalom, Antique
Araling panlipunan 10 Q3m3
Republic of the Philippines
Department of Education
Region VI – Western Visayas
Division of Antique
PIS-ANAN NATIONAL HIGH SCHOOL
Pis-anan, Sibalom, Antique
Araling panlipunan 10 Q3m5
Tugon sa mga Isyo sa Kasarian at Lipunan

Iba’t ibang hakbang tungo sa pagtanggap at paggalang sa kasarian


Gender Equality
Nananatiling malaking isyu at hamon ang pagkakapantay-pantay ayon sa kasarian. Sa Pilipinas, kahit malayo na
ang narating ng kababaihan sa larangan ng politika, negosyo, media, akademya, at iba pang larangan; nanatiling biktima
pa rin sila ng diskriminasyon at karahasan. Ngunit hindi lamang sila ang nahaharap sa diskriminasyon at karahasan,
maging ang mga kalalakihan rin ay biktima nito. Panghuli, ang tinawag ni Hillary Clinton (2011) na “invisible minority” ay
ang mga LGBT, ang kanilang mga kuwento ay itinago, inilihim at marami sa kanila ang nanahimik dahil sa takot. Marami
sa kanila ang nahaharap sa malaking hamon ng pagtanggap at pagkakapantay-pantay sa pamilya, paaralan, negosyo,
lipunan at maging sa kasaysayan. Kaya naman ang gender equality o pantay na karapatan at oportunidad sa lahat ng
kasarian ay dapat isulong at paigtingin sapagkat kung hindi magiging pantay ang turing sa bawat kasarian o kung ito ang
magiging basehan ng pagkatao ng isang indibidwal, ito ay maaaring magdulot ng hindi pantay na pagtrato.
Ayon sa dating senador na si Loren Legarda (Senate Women's Month Privilege Speech, 2011) ang papel na
ginagampanan ng mga babae sa ating lipunan ay patuloy na nagbabago. Matapos mabigyan ng pagkakataong makapag-
aral, ang mga babae ay naging aktibong bahagi na ng puwersang manggagawa, kadalasa'y gumagawa ng trabahong
dati'y laan lang para sa mga lalaki. Isang magandang halimbawa ay ang hakbang ng ilang bus companies na kumuha ng
babaeng driver na tinuruang magmaneho ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) at
rekomendado ng Metro Manila Development Authority. Ayon pa rin sa kanya, hindi komo maraming babae na ang
nakapagtatrabaho ay sapat na ito. Hindi komo nakikibahagi na sila sa paggawa ng desisyon sa pamilya, sa komunidad at
sa bansa, ay nangangahulugang pantay na sila sa mga lalaki.
Noong 2018, inilabas ng Forbes Magazine ang kanilang “Most Powerful People in the World.” Sa 75 na tao na
nasa listahan, lima lamang dito ang babae. Sina Angela Merkel, Chancellor ng Germany; Theresa May, Prime Minister ng
United Kingdom; Christine Lagarde ng International Monetary Fund; CEO ng General Motors na si Mary Barra at si
Abigail Johnson, CEO ng Fidelity Investments. Sa kabuuang 49.6% na populasyon ng babae sa mundo, limang tao lamang
ang napabilang at itinuturing na pinakamakapangyarihan sa mundo. Dito sa Pilipinas, ang partisipasyon ng kababaihan sa
politika ay higit na mababa kumpara sa kalalakihan. Dalawang babae ang naging presidente ng bansa at sa ika-18
kongreso, 7 lamang sa 24 na senador ang babae. Sa edukasyon, higit na marami ang babaeng nakapag-enrol sa
elementarya at sekondarya. Sa taong 2015, ang female net enrollment ratio (NER) sa pribado at pampublikong
mababang paaralan ay nasa 91.96% habang ang ay male NER ay nasa 90.2%. Samanatala, batay sa Labor Force Survey o
LFS noong Enero 2021, mas mataas ang Labor Force Participation Rate ng mga lalaki (73.9%) kaysa sa mga babae (46.9%)
(Philippine Statistics Authority, 2021).
Republic of the Philippines
Department of Education
Region VI – Western Visayas
Division of Antique
PIS-ANAN NATIONAL HIGH SCHOOL
Pis-anan, Sibalom, Antique
Araling panlipunan 10 Q4m1
Pagkamamamayan: konsepto ng katuturan

Ang Pagkamamamayan o Citizenship ay nangangahulugan ng pagiging kasapi o miyembro ng isang bansa, ayon
sa itinatakda ng batas. Hindi lahat ng naninirahan sa bansa ay mamamayan nito dahil may mga dayuhang nakatira na
hindi kasapi rito. Tulad halimbawa ng mga mamamayan na naninirahan sa ating bansa na ang layunin lamang ay mag-
aral mamasyal, at magnegosyo ay hindi maituturing na mamamayan ng Pilipinas dahil sila ay mamamayan ng ibang
bansa.

Ayon kay Murray Clark Havens (1981), ang pagkamamamayan o citizenship ay ugnayan ng isang indibiduwal sa
isang estado. Ito ay tumutukoy sa pagiging miyembro ng isang indibiduwal sa isang estado at kabilang siya bilang isang
citizen, siya ay gumagawa ng karapatan at tungkulin. Sa Pilipinas, ang pagkamamamayan ay may mga batayan at ito ay
nakapaloob sa Saligang Batas ng Pilipinas. Dito rin nakapaloob ang mga tungkulin at karapatan ng bawat mamamayang
Pilipino.

ANG MAMAMAYANG PILIPINO


Sa Artikulo IV, Seksyon 1- 5 ng 1987 Konstitusyon, nakasaad ang mga itinatakda ng batas hinggil sa kung sino ang
itinuturing na mamamayang Pilipino.
SEKSYON 1. Ang sumusunod ay ang mamamayan ng Pilipinas:
(1) Ang mamamayan ng Pilipinas sa panahon ng pagpapatibay ng Saligang Batas na ito;
(2) Ang mga ama o ina ay mamamayan ng Pilipinas;
(3) Ang mga isinilang bago sumapit ang Enero 17, 1973 na ang ina ay Pilipino, na pumili ng pagkamamamayang Pilipino
pagsapit ng karampatang gulang; at
(4) Ang naging mamamayan ayon sa batas.
SEKSYON 2. Ang katutubong inanak na mamamayan ay ang mamamayan ng Pilipinas mula pa sa pagkasilang na wala
nang kinakailangang gampanan ano mang hakbangin upang matamo o malubos ang kanilang pagkamamayang Pilipino.
SEKSYON 3. Ang pagkamamamayang Pilipino ay maaaring mawala o muling matamo sa paraang itinatadhana ng batas.
SEKSYON 4. Mananatiling angkin ang pagkamamamayan ng mga mamamayan ng Pilipinas na mag-asawa ng mga
dayuhan, matangi kung sa kanilang kagagawan o pagkukulang, sila ay ituturing sa ilalim ng batas na nagtakwil ito.
SEKSYON 5. Ang dalawahang katapatan ng pagkamamamayan ay salungat sa kapakanang pambansa at dapat lapatan
nang kaukulang batas.
MGA PRINSIPYO NG PAGKAMAMAMAYANG PILIPINO
May dalawang prinsipyo ng pagkamamamayan na sinusunod sa Pilipinas. Ito ay ang:
1. Jus Sanguinis – ay naaayon sa dugo o pagkamamamayan ng mga magulang o isa man sa kanila. Ito ang prinsipyo na
sinusunod sa Pilipinas. Halimbawa, kung ang isang dayuhang Indian ay nanganak sa Pilipinas, ang pagkamamamayan ng
kanyang anak ay Indian din katulad ng kanyang magulang kahit sa Pilipinas ito naipanganak.
2. Jus Soli – ang prinsipyo na naaayon sa lugar ng kanyang kapanganakan anuman ang pagkamamamayan ng mga
magulang. Ito ang prinsipyo na sinusunod sa bansang Amerika. Halimbawa, ang isang Pilipino na ipinanganak sa Amerika
ay magiging American Citizen ito kahit Pilipino ang kanyang mga magulang dahil sa bansang Amerika siya ipinanganak.
Alinsunod Seksyon 3 ng Saligang Batas, ang pagkamamamayan ng isang indibiduwal ay maaaring mawala ngunit
ito ay maaaring maibalik. Ang sumusunod ay maaaring maging mga balidong sanhi ng pagkawala ng pagkamamamayan
ng isang Pilipino: (1) sa pamamagitan ng naturalisasyon sa ibang bansa, (2) expatriation o kusang pagtalikod sa
pagkamamamayan, (3) panunumpa ng katapatan ng Saligang Batas ng mga banyaga pagsapit ng 10-20 taon, (4)
paglilingkod sa hukbong sandatahan ng ibang bansa, at (5) pag-aasawa ng dayuhan at pagsunod sa pagkamamamayan
nito.

PAANO MAIBABALIK ANG PAGKA-PILIPINO?


Ang nawalang pagkamamamayan ay maaaring maibalik sa pamamagitan ng sumusunod na paraan:
(1) Naturalisasyon – ay paraan ng pagtanggap ng bansa sa isang dayuhan at pagkakaloob sa kanya ng karapatang
tinatanggap ng mga mamamayan. Maaari itong makamit sa pamamagitan ng hatol ng hukuman o batas ng Kongreso.
Ang mga mamamayan na sumailalim sa bisa ng naturalisasyon ay tinatawag na naturalisado.
(2) Repatriation – ang tawag sa kusang pagbabalik ng isang tao sa kanyang pinanggalingang bansa pagkatapos na
mabawi ang kanilang pagkamamamayan.
(3) Aksyon ng Kongreso – pagtugon ng Mababang Kapulungan ng Kongreso ukol sa aplikasyon para maging isang
mamamayang Pilipino.
(4) Pagpapatawad ng gobyerno sa isang tumakas sa Sandatahang Lakas ng bansa – ang paraang ito ay kadalasang para sa
mga sundalo na nagsilbi sa pamahalaan ngunit tumakas habang sila’y nasa tungkulin lalo na sa panahon ng digmaan kaya
nabawi ang pagkamamamayang Pilipino mula sa kanila.
KAHALAGAHAN NG PAKIKILAHOK NG MGA MAMAMAYAN SA GAWAING PANSIBIKO AT GAWAING POLITIKAL
Ang sibika ay tumutukoy sa pagiging mabuting mamamayan ng bansa. Bawat mabuting mamamayan ay
nararapat na makibahagi sa mga iba’t ibang gawaing pansibika at gampanan ang kanyang mga responsibilidad upang
matamo ng bansa ang minimithing pag-unlad.
Ang pag-unlad na hinahangad ng isang estado na matamo ay nakakamit nito kung ito’y pinahihintulutan ng
pinakamahalaga nitong elemento - ang mamamayan. Lahat ng mga bansa sa kasalukuyan ay apektado sa iba’t ibang
suliraning may kaugnayan sa aspektong pang-ekonomiya, politikal, at sosyal. Kung paano hinaharap ng mga tao ang mga
hamon na ito ay nagsasabi kung paano ang kanilang pakikisalamuha at pakikipagrelasyon sa kapwa ay nakatutulong para
maproteksyunan ang karapatan, dignidad, at potensyal nito bilang tao.
Tunay na ang pagpupunyagi ng tao na makamit ang pag-unlad ay nakabatay sa pagprotekta at pagsulong ng
karapatang pantao. Samakatuwid, ang isang maunlad na komunidad ay mananatili dahil sa maayos at matiwasay na
pamayanan, maunlad na industriya at pangkabuhayan, at higit sa lahat, ang pagkakaroon ng mga edukado at maabilidad
na mga mamamayan. Ngunit ang pag-unlad na ito ay nakadepende pa rin sa patuloy na magkatuwang na pagkilos ng
mga mamamayan at pamahalaan.
Madalas nating naririnig ang mga katagang “Hindi dapat tanungin ng isang mamamayan ang magagawa ng
kanyang bansa para sa kanya, bagkus ay tanungin nito sa sarili kung ano ang kanyang magagawa para kanyang bansa”.
Ang katagang ito ay tunay na totoo sapagkat ang pag-unlad ng bansa ay nakasalalay sa kasanayan, katalinuhan, at
paggawa na ipinapamalas ng mga mamamayan. May responsibilidad at obligasyon ang bawat tao sa komunidad. Ito ay
maaaring tawagin na gawaing pansibiko o civic engagement. Hindi rin maikakaila na mayroong tungkulin ang mga tao sa
estado bilang mamamayan nito, kung kaya’t ang mga mamamayan ay may tungkulin sa kapwa, sa komunidad, at sa
kanyang estado.
Ang mga bansang demokratikong republikano tulad ng Pilipinas ay inaasahang mabigyan ng kaganapan ang
pagsasabuhay ng mga prinsipyo at mga gawaing nagsusulong ng demokrasya. Nararapat na ang mga tao ay magkaroon
ng mataas na antas ng interes sa mga pangyayaring politikal at mga isyung panlipunan. Sa pagkakataong ito, nalilinang
ang kanilang kakayahan sa tamang pagdedesisyon tulad ng pagpili ng mga pinuno ng pamahalaan tuwing panahon ng
halalan. Naipapakita rito na ang kapangyarihan na pumili ng pinuno ay nasa kamay ng mga mamamayan. Ang estado ay
pagmamay-ari ng mga tao. At ang mga tao ang kumakatawan sa estado kaya nararapat lamang na sila ang magsilbing
tagabantay sa mga namamahala ng pamahalaan dahil ang pagkakataong mamahala ay nagmumula sa kanila.
Samakatuwid, ang mga nahalal na politiko na kumakatawan sa mga tao ay inaasahang magsilbi para sa kapakanan at
kagalingang panlahat. Kung sakali man na ang mandatong ito ay malabag, ang mga tao ay may karapatan na sila’y
patalsikin at isulong ang mga pagbabago na kanilang hinahangad tungo sa kaunlaran. Nagagawa ng mga tao ang kanilang
tungkulin sa bayan kung sila ay napabibilang o aktibong nakibabahagi sa mga usaping may kinalaman sa ekonomiya at
politika. Ang dalawang bagay na ito ay hindi maitatangging mayroong malaking impluwensiya sa pang-araw-araw na
pamumuhay ng bawat tao.
Ang bansang demokratiko tulad ng Pilipinas ay nagsusulong ng layunin na makapagsagawa ng isang malaya,
malinis, at patas na eleksiyon. Pero tulad ng napapansin sa mga nakalipas na panahon, ang sistema ng eleksiyon sa
bansa ay kontrolado ng iilang makapangyarihang tao na kadalasang nanggaling sa iisang partido o pamilya at ang
kanilang mga tagasuporta. Ang boses ng mga mamamayan na dapat sanang pinapakinggan ay naipagwawalang bahala o
naikokompromiso dahil sa kultura ng pagdomina ng mga elitista.
Natutuhan natin sa kasaysayan ng ating bansa na nakipaglaban ang mga Pilipino para matamo ang mga
pagbabago o reporma na hinahangad para sa bansa. Ito ay naganap sa panahon pa ng pananakop ng mga dayuhan
hanggang sa naitatag ang Republika. Ilang beses din pinatunayan ng mga Pilipino ang pagkakaroon ng pagkakaisa sa mga
naganap na rebulosyon gaya sa EDSA noong 1986 kung saan napatalsik sa puwesto ang mga pinunong may mga isyu ng
katiwalian at paglabag sa karapatang pantao habang sila’y nanunungkulan. Ang mga kaganapang ito ay nagpapakita na
ang mga Pilipino ay hindi lamang nagmamasid at nanahimik sa kanilang nasasaksihan na katiwalian sa pamahalaan.
Bagkus, sila ay handang lumabas sa kani-kanilang tahanan patungo sa mga kalye, magprotesta, ipinaparating ang
kanilang mga hinaing sa pamahalaan, at ipinaglalaban ang kanilang karapatan. Patunay ito na ang mga mamamayang
Pilipino ay mulat at palaging naghahangad ng mabuting pamahalaan at maunlad na lipunan. Sila’y aktibong nakilalahok
upang maiparating sa pamahalaan ang nais nilang imungkahi para sa pagbabago ng lipunan.
Dito sa ating bansa, may mga organisasyon o samahang pansibiko na nabuo na hindi lamang tumutulong para
maidaos nang maayos at mapayapa ang halalan kundi para proteksyunan at isulong ang demokratikong proseso ng
eleksyon. Narito ang ilang halimbawa ng mga organisasyong nabanggit:
1. National Citizens’ Movement for Free Elections (NAMFREL) – tagabantay sa panahon ng halalan na naorganisa
noong 1983. Ito ang kauna-unahang organisasyon na sumubaybay sa eleksyon na kinilala ng Commission on
Elections (COMELEC) para magsagawa ng quickcount noong 1984 at mayroon na itong libu-libong miyembro na
nagbubuluntaryo mula sa ibat’t ibang sektor.
2. Parish Pastoral Council for Responsible Voting (PPCRV) – nabuo noong 1991 sa pamumuno ng mga pari sa
pangunguna ni Archbishop Jaime Cardinal Sin bilang tugon sa tawag ng pagtulong ng simbahan sa panahon ng
eleksyon. (Halimbawa ng mga Samahang Sibiko,Taguiwalo, Judy M. Ph.D. 2015. Philippine Contemporary Issues.
IBON Foundation Inc, pp 228-229)
Isa ring anyo ng gawaing pansibiko ang pagbubulontaryo sa mga iba’t ibang samahang pansibiko na naglalayon ng
pagbabago sa ating lipunan. Ang pagbubulontaryo ng mga mamamayan na sumali sa mga gawaing pansibiko ay
nangangahulugan ng pagkilos kung saan ay nakatutulong sila nang malaki sa mga namamahala ng bansa upang
malunasan ang ilang mga suliranin na kinakaharap ng bawat komunidad. Samakatuwid, ang aktibong pagkilos ng bawat
mamamayan ay napakahalaga para mapanatili ang organisadong anyo ng pagkilos para sa kapakapan ng nakararami na
isinusulong ng mga namumuno sa ating bansa. Kaya kadalasan ang pakikilahok na pansibiko ay lalong nagiging epektibo
kung ito’y naisasagawa ng mga mamamayan na may pakikiisa sa mga sektor ng lipunan.
Mga Katangian na Dapat Taglayin ng Isang Aktibong Mamamayang Nakilalahok sa Gawaing Pansibiko
Ang pagsulong at pag-unlad ng ating bansa ay nakasalalay sa ating mga mamamayan. Gampanin ng bawat isa sa atin
na makibahagi sa mga gawaing pansibiko upang makaagapay tayo sa pangangailangan ng ating komunidad at sa ating
bansa. Sa pamamagitan ng pagkukusa na makipagtulungan at pakikiisa sa paggawa ng mga gawaing pansibiko, gaano
man kadali o kahirap ito ay may malaking tulong upang mabigyang kalutasan ang mga suliranin na kinakaharap ng ating
pamayanan. Para tayo ay lubos na makalahok sa mga gawaing pansibiko, dapat nating taglayin ang mga katangian ng
isang aktibong mamamayan.
Narito ang mga katangian na dapat taglayin ng isang aktibong mamamayang nakilalahok sa mga gawaing
pansibiko:
1. MAKABANSA
Isa sa mga katangian na dapat taglayin ng isang aktibong mamamayan ang pagiging makabansa. Tungkulin ng bawat isa
sa atin na sikaping isulong ang pagtutulungan, pagbubuklod-buklod, at pagkakaisa. Sa paniniwalang matatamo ang
kaunlaran ng bawat isa at ng ating bayan kung may pagtutulungan, sinisikap natin sa abot ng ating makakaya na
makibahagi at dumamay sa ating pamayanan lalo na sa panahon ng pangangailangan tulad ng pagsalanta ng kalamidad.
Nagbuwis ng buhay ang ating mga bayani dahil sa pag-ibig sa bayan sa hangarin na makamit ang kalayaan mula
sa kamay ng mga mananakop. Masusuklian natin ang sakripisyo na ginawa ng ating mga bayani para sa atin kung
tumutulong tayong mapanatili ang katahimikan at kaayusan sa ating pamayanan at isulong ang pag-unlad ng bansa.
Sa kasalukuyan, may mga itinuturing na makabagong bayani na nagpapakita ng kanilang pagmamahal sa ating
bansa. Sila ang mga OFW (Overseas Filipino Worker). Ang kanilang pagsasakripisyo na mangibang bansa upang
makapaghanapbuhay at kumita ng salapi para sa kanilang pamilya ay may malaking tulong upang lumago ang ating
ekonomiya. Gayundin ang mga frontliner sa panahon ng pandemiya na dulot ng COVID-19 ay walang takot na ibuwis
ang kanilang buhay para lamang magampanan ang kanilang tungkulin na higit na kailangan ng ating bansa ngayong
panahon ng krisis na pangkalusugan.
Ang isang mamamayang makabayan ay:
a. Tapat sa Bansa
Nangangahulugan ito na handa tayong magmalasakit at maglingkod para sa bansa sa anumang oras kung may
magnanais na pabagsakin ito. Kaakibat ng tiwala at pananalig sa republika ay ang paggalang sa ating pambansang
sagisag tulad ng ating watawat. Ang simpleng pagtayo nang matuwid, paglalagay ng kanang kamay sa dibdib, at pag-
awit nang may kasiglahan sa pambansang awit ay palatandaan ng pagkilala, pagtitiwala, at pagmamahal sa
republika.
Ito ang itinatakda ng Konstitusyon partikular na sa Artikulo XVI, Seksyon 1: “Ang bandila ng Pilipinas ay dapat na
pula, at bughaw, na may isang araw at tatlong bituin, na dinadakila at iginagalang ng sambayanan at kinikilala ng batas.”
Ang pagpapahalaga at pangangalaga natin sa ating mga makasaysayang pook, at bagay na sumisimbolo sa pagiging
malayang bansa ay isa ring palatandaan ng pagiging tapat sa bansa. Tulad ng ginawa ng labindalawang taong gulang na
batang si Janela Lelis na iniligtas ang ating watawat sa kasagsagan ng bagyo at mataas na pagbaha.

b. Handang Ipagtanggol ang Estado


Ang kahandaang ipagtanggol ang estado tulad ng ginawa ng ating mga bayani ay pagpapakita rin ng pagiging
makabayan. Sa lahat ng pagkakataon, bilang isang mapanagutang mamamayan, tayo ay dapat na handang
magtanggol sa ating bansa.
Itinatakda ng Artikulo II, Seksyon 4 ng ating Konstitusyon: Ang pangunahing tungkulin ng pamahalaan ay
paglingkuran at pangalagaan ang sambayanan. Maaaring tawagan ng pamahalaan ang sambayanan upang
ipagtanggol ang estado, at sa ikatutupad niyon, ang lahat ng mamamayan ay maaaring atasang maghandog ng
personal na serbisyo militar o sibil, sa ilalim ng kondisyong itinatakda ng batas.
c. Sinusunod ang Saligang Batas at iba pang mga batas ng Pilipinas
Nararapat na sundin ng bawat mamamayan ang Saligang Batas at ang iba pang batas ng bansa. Ang hindi paggalang
sa batas ay nagdudulot ng kaguluhan sa lipunan. Inaalis nito ang katahimikan, kaayusan, at seguridad ng bawat isa
at hinahadlangan nito ang pag-unlad. Kung ang lahat ng mamamayan ay sumusunod sa batas, tayong lahat ay
mamumuhay nang mapayapa, masagana, at tahimik sa isang pamayanan. Halimbawa na lamang ang hindi pagtawid
sa tamang tawiran. Kung minsan kahit nakikita na natin na may karatula na bawal tumawid ay hindi pa rin natin ito
sinusunod. Ito ay simpleng bagay lamang sa karamihan pero kailangan natin itong sundin dahil sa ito ang nararapat
at makabubuti hindi lamang sa atin kundi sa mas nakararaming mamamayan. Simple man o mabigat ang
naipatutupad na batas at patakaran ay kailangan itong sundin upang mas maging maayos ang takbo ng lipunang
ating ginagalawan.
d. Nakikipagtulungan sa Gobyerno
Ang bawat mamamayan ay kailangang makipagtulungan sa may kapangyarihan upang mapanatili ang kaayusan
at mapangalagaan ang katarungan ng ating lipunan. Mahalaga ang partisipasyon at magandang koneksiyon ng pinuno sa
mga mamamayan at ang partisipasyon ng mga tao upang mapabilang sila sa paggawa ng desisyon, matukoy ang mga
suliranin sa lipunan at mabigyan ito ng angkop na solusyon.

e. Pagtangkilik sa Sariling Produkto


Kung ang bawat Pilipino ay prayoridad na bilhin ang produktong gawa ng mga Pilipino, makakatulong ito sa
paglago ng ekonomiya ng ating bansa. Ang pagtaas ng demand ng produktong gawa ng Pilipino ay
nangangahulugang tataas din ang kita ng mga prodyuser at tataas ang babayarang buwis na siyang ginagamit ng
pamahalaan para pondohan ang mga programa at proyektong panlipunan. Ang pagtangkilik sa sariling produkto ay
magbubukas ng oportunidad sa mga mamamayan sapagkat mangangailangan ang mga kompanyang pagmamay-ari
ng Pilipino ng karagdagang manggagawa. Alalahanin natin na sa bawat produktong gawa ng mga Pilipino na binibili
natin ay nakatutulong para umangat ang ating ekonomiya.
f. Pagbabayanihan sa Panahon ng Kalamidad at mga Suliranin na ating Kinakaharap
Ang ating bansa ay madalas na tamaan ng bagyo dahil sa ang lokasyon nito ay matatagpuan sa tinatawag na
typhoon belt. Kaya naman taon-taon ay hindi tayo nakaiiwas sa pinsalang dulot ng kalamidad na ito sa ating bansa.
Sa panahon ng ganitong sakuna, namamayani sa puso at diwa ng mga Pilipino ang espiritu ng bayanihan kung saan
maraming mamamayan ay nagbibigay ng ambag sa simpleng paraan para maiparating sa mga nasalangtang
kababayan ang kanilang munting tulong.

2. MAKATAO
Bawat tao ay may karapatan na dapat igalang at protektahan. Bilang mamamayan, may kalayaan tayong gamitin
ang bawat karapatan ngunit dapat nating tandaan na ang bawat karapatan ay may kalakip na pananagutan at
tungkulin na igalang din ang mga karapatan ng iba. Kaya nararapat lamang na tiyakin natin na hindi tayo nakasasakit
o nakapipinsala sa ibang tao habang tinatamasa natin ang mga karapatang ito.
3. PRODUKTIBO
Ang aktibong mamamayan ay nagtatrabaho o gumagawa sa malinis na paraan. Ginagampanan nito ang kanyang
tungkulin nang mahusay, may buong katapatan, at pagkukusa. Ang pagiging matiyaga at masipag sa paggawa ay
ugali na nating mga Pilipino noon pa man. Ito ay ipinakita sa atin ng ating mga ninuno na Ifugaoeňo sa pagkakagawa
ng Banaue Rice Terraces. Dahil sa tiyaga at sipag ng mga ninunong Ifugaoeňo, nagawa nilang makabuo ng isang
tanawin na ngayon ay hinahangaan hindi lamang sa Pilipinas kundi sa buong mundo. Kailangan nating maging
produktibo upang makatulong sa pagsulong at pag-unlad ng ating bansa. Ang Pilipinas ay may mataas na bilang ng
batang populasyon na maaari nitong sanayin, linangin, at paghusayin upang maging produktibo at makatulong sa
pagpapaangat sa ating pamumuhay at ekonomiya sa hinaharap.
4. MAY LAKAS NG LOOB AT TIWALA SA SARILI
Ang katangian na pagiging matatag, at may tibay ng loob ay ipinamalas ng ating mga bayani sa paglaban sa mga
mananakop na Kastila, Amerikano, at Hapones upang lumaya ang bansa mula sa kamay ng mga mapanlupig na
dayuhan. Katatagan din ng loob ang ipinamamalas ng mga manggagawang Pilipino na nangingibang bansa upang
doon maghanapbuhay. Hindi matatawaran ang sakripisyo at tatag ng kalooban nila na iwanan ang kanilang pamilya
at lisanin ang bansa sa pagnanais na mapabuti ang estado ng kanilang pamumuhay. Kaya naman nararapat lamang
na sila ay itinuturing na mga makabagong bayani. Sa iba’t ibang larangan naipapamalas nating mga Pilipino ang
ating galing dahil sa tatag ng loob, kumpiyansa, at tiwala sa sarili na ating angkin, kaya untiunti ay nakikilala tayong
mga Pilipino sa buong mundo.
5. MAKATUWIRAN
Isinasaalang-alang ang kapakanan ng nakararami kaysa sa pansariling interes. Ang makabayan mamamayan ay
kumikilos nang naaayon sa isinasaad ng batas at pinahahalagahan kung ano ang tama.
6. MATULUNGIN SA KAPWA
Likas na sa mga Pilipino ang pagtulong sa kapwa. Tayo ay likas na mapagkawang-gawa lalong lalo na sa mga kapus-
palad at dumaranas ng hirap sa buhay. Madalas na nakikita rin ang pagiging matulungin nating mga Pilipino sa
panahon ng mga kalamidad, sakuna, aksidente, at pagdadalamhati. Palaging namamayani sa ating puso at isipan sa
mga panahon na ito ang pagtutulungan at bayanihan. Ang pagtulong na walang hinihintay na kapalit ay palatandaan
ng pagmamahal sa kapwa.
7. MAKASANDAIGDIGAN
Ang makasandaigdigang mamamayan ay mamamayan ng kanyang bayan at gayundin sa buong mundo. Palagi
nitong isinasaalang - alang ang kapakanan ng kanyang bansa at ng mundo sa pangkalahatan.
Ang nabanggit na mga katangian ay nararapat maisabuhay ng isang mamamayan habang siya’y aktibong
nakikibahagi maging ito ma’y tuwiran o dituwiran sa mga gawaing pansibiko at nakilalahok sa mga usaping
pampolitika nang sa ganun ay magampanan niya nang maayos ang kaniyang mahalagang papel tungo sa kaunlaran
ng bansa at pagbabagong panlipunan.
AP 10-Q4
Narito ang mga katangian na dapat taglayin ng isang aktibong mamamayang nakilalahok sa mga gawaing pansibiko:
1. MAKABANSA
Isa sa mga katangian na dapat taglayin ng isang aktibong mamamayan ang pagiging makabansa. Tungkulin ng bawat isa sa atin na
sikaping isulong ang pagtutulungan, pagbubuklod-buklod, at pagkakaisa. Sa paniniwalang matatamo ang kaunlaran ng bawat isa at
ng ating bayan kung may pagtutulungan, sinisikap natin sa abot ng ating makakaya na makibahagi at dumamay sa ating pamayanan
lalo na sa panahon ng pangangailangan tulad ng pagsalanta ng kalamidad.
Nagbuwis ng buhay ang ating mga bayani dahil sa pag-ibig sa bayan sa hangarin na makamit ang kalayaan mula sa kamay ng
mga mananakop. Masusuklian natin ang sakripisyo na ginawa ng ating mga bayani para sa atin kung tumutulong tayong mapanatili
ang katahimikan at kaayusan sa ating pamayanan at isulong ang pag-unlad ng bansa.
Sa kasalukuyan, may mga itinuturing na makabagong bayani na nagpapakita ng kanilang pagmamahal sa ating bansa. Sila
ang mga OFW (Overseas Filipino Worker). Ang kanilang pagsasakripisyo na mangibang bansa upang makapaghanapbuhay at kumita
ng salapi para sa kanilang pamilya ay may malaking tulong upang lumago ang ating ekonomiya. Gayundin ang mga frontliner sa
panahon ng pandemiya na dulot ng COVID-19 ay walang takot na ibuwis ang kanilang buhay para lamang magampanan ang kanilang
tungkulin na higit na kailangan ng ating bansa ngayong panahon ng krisis na pangkalusugan.
Ang isang mamamayang makabayan ay:
d. Tapat sa Bansa
Nangangahulugan ito na handa tayong magmalasakit at maglingkod para sa bansa sa anumang oras kung may magnanais na
pabagsakin ito. Kaakibat ng tiwala at pananalig sa republika ay ang paggalang sa ating pambansang sagisag tulad ng ating
watawat. Ang simpleng pagtayo nang matuwid, paglalagay ng kanang kamay sa dibdib, at pag-awit nang may kasiglahan sa
pambansang awit ay palatandaan ng pagkilala, pagtitiwala, at pagmamahal sa republika.
Ito ang itinatakda ng Konstitusyon partikular na sa Artikulo XVI, Seksyon 1: “Ang bandila ng Pilipinas ay dapat na pula, at
bughaw, na may isang araw at tatlong bituin, na dinadakila at iginagalang ng sambayanan at kinikilala ng batas.” Ang pagpapahalaga
at pangangalaga natin sa ating mga makasaysayang pook, at bagay na sumisimbolo sa pagiging malayang bansa ay isa ring
palatandaan ng pagiging tapat sa bansa. Tulad ng ginawa ng labindalawang taong gulang na batang si Janela Lelis na iniligtas ang
ating watawat sa kasagsagan ng bagyo at mataas na pagbaha.

e. Handang Ipagtanggol ang Estado


Ang kahandaang ipagtanggol ang estado tulad ng ginawa ng ating mga bayani ay pagpapakita rin ng pagiging makabayan. Sa
lahat ng pagkakataon, bilang isang mapanagutang mamamayan, tayo ay dapat na handang magtanggol sa ating bansa.
Itinatakda ng Artikulo II, Seksyon 4 ng ating Konstitusyon: Ang pangunahing tungkulin ng pamahalaan ay paglingkuran at
pangalagaan ang sambayanan. Maaaring tawagan ng pamahalaan ang sambayanan upang ipagtanggol ang estado, at sa
ikatutupad niyon, ang lahat ng mamamayan ay maaaring atasang maghandog ng personal na serbisyo militar o sibil, sa ilalim ng
kondisyong itinatakda ng batas.
f. Sinusunod ang Saligang Batas at iba pang mga batas ng Pilipinas
Nararapat na sundin ng bawat mamamayan ang Saligang Batas at ang iba pang batas ng bansa. Ang hindi paggalang sa batas ay
nagdudulot ng kaguluhan sa lipunan. Inaalis nito ang katahimikan, kaayusan, at seguridad ng bawat isa at hinahadlangan nito
ang pag-unlad. Kung ang lahat ng mamamayan ay sumusunod sa batas, tayong lahat ay mamumuhay nang mapayapa,
masagana, at tahimik sa isang pamayanan. Halimbawa na lamang ang hindi pagtawid sa tamang tawiran. Kung minsan kahit
nakikita na natin na may karatula na bawal tumawid ay hindi pa rin natin ito sinusunod. Ito ay simpleng bagay lamang sa
karamihan pero kailangan natin itong sundin dahil sa ito ang nararapat at makabubuti hindi lamang sa atin kundi sa mas
nakararaming mamamayan. Simple man o mabigat ang naipatutupad na batas at patakaran ay kailangan itong sundin upang
mas maging maayos ang takbo ng lipunang ating ginagalawan.
d. Nakikipagtulungan sa Gobyerno
Ang bawat mamamayan ay kailangang makipagtulungan sa may kapangyarihan upang mapanatili ang kaayusan at
mapangalagaan ang katarungan ng ating lipunan. Mahalaga ang partisipasyon at magandang koneksiyon ng pinuno sa mga
mamamayan at ang partisipasyon ng mga tao upang mapabilang sila sa paggawa ng desisyon, matukoy ang mga suliranin sa lipunan
at mabigyan ito ng angkop na solusyon.
g. Pagtangkilik sa Sariling Produkto
Kung ang bawat Pilipino ay prayoridad na bilhin ang produktong gawa ng mga Pilipino, makakatulong ito sa paglago ng
ekonomiya ng ating bansa. Ang pagtaas ng demand ng produktong gawa ng Pilipino ay nangangahulugang tataas din ang kita ng
mga prodyuser at tataas ang babayarang buwis na siyang ginagamit ng pamahalaan para pondohan ang mga programa at
proyektong panlipunan. Ang pagtangkilik sa sariling produkto ay magbubukas ng oportunidad sa mga mamamayan sapagkat
mangangailangan ang mga kompanyang pagmamay-ari ng Pilipino ng karagdagang manggagawa. Alalahanin natin na sa bawat
produktong gawa ng mga Pilipino na binibili natin ay nakatutulong para umangat ang ating ekonomiya.
h. Pagbabayanihan sa Panahon ng Kalamidad at mga Suliranin na ating Kinakaharap
Ang ating bansa ay madalas na tamaan ng bagyo dahil sa ang lokasyon nito ay matatagpuan sa tinatawag na typhoon belt.
Kaya naman taon-taon ay hindi tayo nakaiiwas sa pinsalang dulot ng kalamidad na ito sa ating bansa. Sa panahon ng ganitong
sakuna, namamayani sa puso at diwa ng mga Pilipino ang espiritu ng bayanihan kung saan maraming mamamayan ay
nagbibigay ng ambag sa simpleng paraan para maiparating sa mga nasalangtang kababayan ang kanilang munting tulong.
2. MAKATAO
Bawat tao ay may karapatan na dapat igalang at protektahan. Bilang mamamayan, may kalayaan tayong gamitin ang bawat
karapatan ngunit dapat nating tandaan na ang bawat karapatan ay may kalakip na pananagutan at tungkulin na igalang din ang
mga karapatan ng iba. Kaya nararapat lamang na tiyakin natin na hindi tayo nakasasakit o nakapipinsala sa ibang tao habang
tinatamasa natin ang mga karapatang ito.
3. PRODUKTIBO
Ang aktibong mamamayan ay nagtatrabaho o gumagawa sa malinis na paraan. Ginagampanan nito ang kanyang tungkulin nang
mahusay, may buong katapatan, at pagkukusa. Ang pagiging matiyaga at masipag sa paggawa ay ugali na nating mga Pilipino
noon pa man. Ito ay ipinakita sa atin ng ating mga ninuno na Ifugaoeňo sa pagkakagawa ng Banaue Rice Terraces. Dahil sa
tiyaga at sipag ng mga ninunong Ifugaoeňo, nagawa nilang makabuo ng isang tanawin na ngayon ay hinahangaan hindi lamang
sa Pilipinas kundi sa buong mundo. Kailangan nating maging produktibo upang makatulong sa pagsulong at pag-unlad ng ating
bansa. Ang Pilipinas ay may mataas na bilang ng batang populasyon na maaari nitong sanayin, linangin, at paghusayin upang
maging produktibo at makatulong sa pagpapaangat sa ating pamumuhay at ekonomiya sa hinaharap.
4. MAY LAKAS NG LOOB AT TIWALA SA SARILI
Ang katangian na pagiging matatag, at may tibay ng loob ay ipinamalas ng ating mga bayani sa paglaban sa mga mananakop na
Kastila, Amerikano, at Hapones upang lumaya ang bansa mula sa kamay ng mga mapanlupig na dayuhan. Katatagan din ng loob
ang ipinamamalas ng mga manggagawang Pilipino na nangingibang bansa upang doon maghanapbuhay. Hindi matatawaran
ang sakripisyo at tatag ng kalooban nila na iwanan ang kanilang pamilya at lisanin ang bansa sa pagnanais na mapabuti ang
estado ng kanilang pamumuhay. Kaya naman nararapat lamang na sila ay itinuturing na mga makabagong bayani. Sa iba’t ibang
larangan naipapamalas nating mga Pilipino ang ating galing dahil sa tatag ng loob, kumpiyansa, at tiwala sa sarili na ating
angkin, kaya untiunti ay nakikilala tayong mga Pilipino sa buong mundo.
5. MAKATUWIRAN
Isinasaalang-alang ang kapakanan ng nakararami kaysa sa pansariling interes. Ang makabayan mamamayan ay kumikilos nang
naaayon sa isinasaad ng batas at pinahahalagahan kung ano ang tama.
6. MATULUNGIN SA KAPWA
Likas na sa mga Pilipino ang pagtulong sa kapwa. Tayo ay likas na mapagkawang-gawa lalong lalo na sa mga kapus-palad at
dumaranas ng hirap sa buhay. Madalas na nakikita rin ang pagiging matulungin nating mga Pilipino sa panahon ng mga
kalamidad, sakuna, aksidente, at pagdadalamhati. Palaging namamayani sa ating puso at isipan sa mga panahon na ito ang
pagtutulungan at bayanihan. Ang pagtulong na walang hinihintay na kapalit ay palatandaan ng pagmamahal sa kapwa.
7. MAKASANDAIGDIGAN
Ang makasandaigdigang mamamayan ay mamamayan ng kanyang bayan at gayundin sa buong mundo. Palagi nitong
isinasaalang - alang ang kapakanan ng kanyang bansa at ng mundo sa pangkalahatan.
Ang nabanggit na mga katangian ay nararapat maisabuhay ng isang mamamayan habang siya’y aktibong nakikibahagi maging
ito ma’y tuwiran o dituwiran sa mga gawaing pansibiko at nakilalahok sa mga usaping pampolitika nang sa ganun ay
magampanan niya nang maayos ang kaniyang mahalagang papel tungo sa kaunlaran ng bansa at pagbabagong panlipunan.

Gawain: Sa kalahating bahagi ng papel na pahalang (1/2 crosswise),


Sumulat ng sanaysay sa naglalahad ng iyong sariling karanasan bilang aktibong miyembro ng ating bansa.
Pamantayan
Malinaw na pagkakalahad 10 puntos
Kugnayan sa paksa 15 puntos
Orihinalidad 10 puntos
Kabuo-an 35 puntos
Inihanda ni:

G. Arnold A. Bautista

Republic of the Philippines


Department of Education
Region VI – Western Visayas
Division of Antique
PIS-ANAN NATIONAL HIGH SCHOOL
Pis-anan, Sibalom, Antique
Araling panlipunan 10 Q4m2

Karapatang pantao

Ang Kasaysayan ng Karapatang Pantao: Dokumentong Naglalahad ng mga Karapatang Pantao


539 B.C.E. – Sinakop ni Haring Cyrus ng Persia at kanyang mga tauhan ang lungsod ng Babylon. -Nakatala ito sa isang bakedclay
cylinder na tanyag sa tawag na “Cyrus Cylinder.” -Tinagurian ito bilang “world’s first charter of human rights.”
1215, sapilitang lumagda si John I, Hari ng England, sa Magna Carta, isang dokumentong naglalahad ng ilang karapatan ng mga
tagaEngland. -Karapatan ng mga balo (widow) na magmay-ari at makapili na hindi na muling mag-asawa. -Makatwirang proseso (due
process) sa pagdinig ng kaso at pagkapantay-pantay sa mata ng batas.
Karapatan noong 1628-Ang Petisyon ng Karapatan - Sa pangunguna ni Edward Coke, ipinadala ng English Parliament kay Haring
Charles I ng England.
1628 sa England, ipinasa ang Petition of Rights na naglalaman ng mga karapatan tulad nang hindi pagpataw ng buwis nang walang
pahintulot ng Parliament, pagbawal sa pagkulong nang walang sapat na dahilan, at hindi pagdeklara ng batas militar sa panahon ng
kapayapaan.
Ang Deklarasyon ng Kalayaan ng Amerika (1776) Isinulat ito ni Thomas Jefferson. -Nakapaloob dito ang kalayaan ng 13 kolonya
mula sa British Empire. -Pagbibigay karapatan sa indibidwal at karapatan sa rebolusyon.
1787, inaprubahan ng United States Congress ang Saligang Batas ng kanilang bansa. Sa dokumentong ito, nakapaloob ang Bill of
Rights na ipinatupad noong Disyembre 15, 1791
1789, nagtagumpay ang French Revolution na wakasan ang ganap na kapangyarihan ni Haring Louis XVI. -Ang paglagda ng
Declaration of the Rights of Man and of the Citizen na naglalaman ng mga karapatan ng mamamayan.
Ang Unang Konbensyon sa Geneva 1864, ang pagpupulong ng labing-anim na Europeong bansa at ilang estado ng Amerika sa
Geneva, Switzerland. -Layunin nito na isaalang-alang ang pag-alaga sa mga nasugatan at may sakit na sundalo nang walang anumang
diskriminasyon.
UNIVERSAL DECLARATION OF HUMAN RIGHTS
Noong 1948, itinatag ng United Nations ang Human Rights Commission sa pangunguna ni Eleanor Roosevelt, asawa ng yumaong
Pangulong Franklin Roosevelt ng Amerika. Sa naturang komisyon, nilagdaan at ipinatupad ang dokumentong tinawag na Universal
Declaration of Human Rights.
Disyembre 10, 1948 Malugod na tinanggap ng UN General Assembly ang UDHR at binansagan ito bilang “International Magna Carta
for all Mankind.”
Ang Universal Declaration of Human Rights (UDHR) ay isa sa mga mahahalagang dokumentong naglalahad ng mga
karapatang pantao ng bawat indibidwal na may kaugnayan sa bawat aspeto ng buhay ng tao. Kabilang sa mga ito ang karapatang
sibil, politikal, ekonomiko, sosyal, at kultural. (UDHR, Department of Education. 2017. “Kontemporaryong Isyu”, Modyul ng mga
Mag-aaral. Pahina 374) Tunay na nagbibigay-tangi sa tao bilang nilalang na nagtatamasa ng kalayaan at mga karapatang maghahatid
sa kanya upang makamit ang kanyang mga mithiin sa buhay at magkaroon ng mabuting pamumuhay.
Narito ang mga ilang artikulo na nakapaloob sa UDHR, ang preamble:
Artikulo 1 nakalahad na lahat ng tao ay isinilang na malaya at pantay-pantay.
Artikulo 3 – 21 ay nakalahad ang karapatang pantao bilang isang mamamayan sa aspekto ng politiko at sibil.
Sa Artikulo 22 – 27 ay nakasaad na ang karapatang pantao na may karapatan sa aspekto ng edukasyon, sining, pansibiko, at
pangkultura.
At ang Artikulo 28 – 30 ay isinasaad na ang bawat tao ay mayroong karapatan na itaguyod ang karapatan ng ibang tao. Ang
Kalipunan ng mga Karapatan o Bill of Rights ng Konstitusyon ng ating bansa ay listahan ng mga pinagsama-samang karapatan ng
bawat tao mula sa dating konstitusyon at karagdagang karapatan ng mga indibidwal na nakapaloob sa Seksyon 8, 11, 12, 13, 18 (1),
at 19.
Ang karapatang pantao ay ang mga karapatan na tinatamasa ng tao sa sandaling siya ay isilang. Ang pagkamit ng tao ng mga
pangangailangan niya tulad ng pagkain, damit, bahay, edukasyon at iba pang pangangailangan ay nangangahulugan na nakakamit
niya ang kanyang karapatan (Martinez, 2020). Dahil sa karapatang pantao nagiging makabuluhan ang ating buhay sa mundong
ginagalawan natin. Nabubuhay tayo nang matiwasay at maayos sa ating mga kalagayan dahil alam natin na bawat indibidwal ay
maaaring mabuhay nang mapayapa at nahuhubog nito ang kanyang katayuan bilang isang tao sa lipunan.

Gawain: (1/2 Crosswise) Sumulat ng sanaysay na naglalahad ng kahalagahan ng karapatang pantao.

Republic of the Philippines


Department of Education
Region VI – Western Visayas
Division of Antique
PIS-ANAN NATIONAL HIGH SCHOOL
Pis-anan, Sibalom, Antique
Araling panlipunan 10 Q4m2

Karapatang pantao

Ang Kasaysayan ng Karapatang Pantao: Dokumentong Naglalahad ng mga Karapatang Pantao

Mga uri ng Constitutional Rights:


a. Karapatang Sibil – mga karapatan na titiyak sa mga pribadong indibidwal na maging kasiya-siya ang kanilang pamumuhay sa
paraang nais nang hindi lumalabag sa batas at pagsususulong ng kabuhayan at disenteng pamumuhay.
b. Karapatang Politikal – kapangyarihan ng mamamayan na makilahok, tuwiran man o hindi, sa pagtatag at pangangasiwa ng
pamahalaan tulad ng pagboto sa mga opisyal, pagsali sa referendum at plebisito.
c. Karapatang Sosyo-ekonomiks – mga karapatan na sisiguro sa katiwasayan ng buhay at pang-ekonomikong kalagayan ng mga
indibiduwal gayon din ang lumahok sa buhay kultural ng pamayanan.
d. Karapatan ng akusado – mga karapatan na magbibigay proteksyon sa indibidwal na inakusahan sa anumang uri ng krimen. Ang
pagkakaroon ng karapatang pantao ay nakabatay sa mga ginagawang batas sa Pilipinas at sa pandaigdigang kasunduan. Sapagkat
mula sa pagkasilang natin ay mayroong na tayong karapatan na dapat matamasa. Kaya karapat dapat lamang na bigyang galang at
respeto lahat ang nabubuhay sa ating ginagalawang daigdig, sapagkat wala sa atin ang gustong mabastos nang basta basta na
lamang, kung kaya’t dapat lang na alamin natin kung ano ano ang ating mga karapatan bilang isang tao sa lipunan.
Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang mga pahayag. Isulat kung anong uri ng karapatan ang sumusunod. Gamit ang iyong
sagutang papel, isulat sa patlang kung ito’y natural rights, constitutional rights o statutory rights.
1. Karapatang ipagtanggol ang sarili. 6. Karapatang magplano ng pamilya.
2. Karapatan sa malayang pagpapahayag. 7. Karapatang makapagtrabaho.
3. Karapatang mabigyan ng pangalan. 8. Karapatang mabigyan ng mabilis at makatarungang paglilitis.
4. Karapatang makapag-aral. 9. Karapatan magkaraoon ng sariling relihiyon.
5. Karapatang tumangging maging saksi laban sa kapwa. 10.Karapatang hindi makawala sa panganib ng kaparusahan sa
anumang paglabag sa batas

Republic of the Philippines


Department of Education
Region VI – Western Visayas
Division of Antique
PIS-ANAN NATIONAL HIGH SCHOOL
Pis-anan, Sibalom, Antique
Araling panlipunan 10 Q4m3

Politikal at pansibikong pakikilahok

Pakikilahok na Pampolitika Ang Pilipinas ay isang bansang demokratiko na nangangahulugan na ang


kapangyarihan ay nasa kamay ng mga tao. Bilang mga mamamayan ng bansang Pilipinas ay may karapatan tayong
makialam sa iba’t ibang kaganapan at makilahok sa mga gawain na may napakalaking epekto sa ating lipunan.
Ang salitang politika ay galing sa salitang Griyego na “polis” na nangangahulugang mga gawain sa isang lungsod
estado, habang ang pakikilahok ay galing naman sa salitang Latin na “participatio” na ang ibig sabihin ay makisali, o
makibahagi. Samakatuwid, ang Politikal na Pakikilahok ay tumutukoy sa mga gawain ng mga tao na may kinalaman sa
pamamahala ng mga lungsod estado, at sa kasalukuyan ay ang pakikibahagi sa pamamalakad ng ating bansa.
Sa isang bansang demokratiko, may dalawang uri ng pakikilahok na maari nating pakisamahan. Una ay ang
tinatawag nilang tuwiran na kung saan ang pakikilahok ng mga mamamayan ay direktang naipararating ang kanilang
mga ninanais sa mga taong kinauukulan. Ang halimbawa ng tuwirang pakikilahok ay ang pagpunta sa mga asembleya.
Ang mga mamamayan ay nakikibahagi sa pagbuo ng desisyon na walang nakikialam sa kanila. Ang pangalawang uri
naman nito ay ang di-tuwiran kung saan ang mga kagustuhan ng mga mamamamayan ay ipararating sa mga kinatawan
na pinili ng tao sa pamamagitan ng pagboto.
Mga Paraan ng Pakikilahok
1. Malayang Pamamahayag at Mapayapang Pagtitipon
2. Pagsali at pagsuporta sa mga Organisasyong Pampolitika
3. Paglahok sa Civil Society
1. Malayang Pamamahayag at Mapayapang Pagtitipon
Ang karapatan sa pamamahayag ay nakapaloob sa ating Saligang Batas ng 1987 sa Artikulo III ng Katipunan ng
mga Karapatan. Ang karapatang ito ay hindi lamang para sa mga mamamahayag pero ito ay isang karapatan na
tinatamasa ng lahat ng mga mamamayan. Nakasaad sa ating Saligang Batas na ang mga mamamayan ay may
karapatan na ipahayag ang kanilang mga saloobin at damdamin sa pamamagitan nang malayang pagpapahayag o
pagsasalita. Karapatan din ng mga mamamayan na ipahayag ang kanilang mga kurokuro ng walang nanghihimasok.
Napakahalaga rin ang tungkulin ng media sa pampublikong pamamahala, narito ang ilan sa mga ito:
a. Magpaalam - tungkulin ng media na ipahayag sa madla ang mga nararamdaman, nakikita, at naiisip ng mga
tao. Bilang mga mamamahayag, tungkulin nila ang maghatid ng katotohanan sa publiko. Sa pagpapahayag ng balita
ay kinakailangang balanse, hindi dapat magkaroon ng bias o ang pagpabor sa isang panig lamang. Kinakailangan ng
media na ipaalam sa mga mamamayan ang mga kaganapan at magsilbi bilang tagabantay ng mga gawain ng
pamahalaan nang sa gayon ay maiwasan ang mga pang-aabuso, mapahusay ang pananagutan at magkaroon ng
transparency sa mga usaping pampinansyal.
b. Impluwensiya - tungkulin ng media na magbigay nang sapat na impormasyon sa mga mamamayan upang sila
ay makabuo ng sariling opinyon tungkol sa iba’t ibang isyu na kinahaharap ng ating lipunan. Tungkulin din ng media
na maging daan upang ipahayag ng mga tao ang kanilang saloobin, lalo na ang mga mahihirap.
Pagboto
Bilang mga mamamayan ng ating bansa, tungkulin natin na makibahagi sa pamamahala maging ito man ay
tuwiran o sa pamamagitan ng pagpili ng ating kinatawan. Dahil umiiral ang demokrasysa sa ating bansa laging
nangingibabaw ang kagustuhan ng mga nakararami lalong lalo na sa pagpili kung sino ang mga mamumuno.
Nakapaloob sa Saligang Batas ng 1987 ang karapatan sa paghalal at maihalal sa isang posisyon. Ang karapatan sa
pagboto ay nangangahulugan nang pakikilahok ng mga mamamayan sa pamamalakad ng ating bansa. Iba’t ibang uri
ng pagboto:
a. Eleksyon - ay isang pormal na proseso ng pagpili ng mga mamamayan ng mga opisyal na sa tingin nila ay may
kakayahan na mamuno at mapagkakatiwalaan nila.
b. Plebesito - ay paraan ng pagboto ng mga mamamayan sa bansa o isang distrito ng kanilang pangsang-ayon o
pagtutol sa isang panukala, halimbawa ay ang pagbabago o pagrerebisa ng Saligang Batas.
c. Recall - ay paraan ng pagboto kung saan ang isang nanalong kandidato sa isang eleksyon ay matatanggal sa
kanyang puwesto bago pa man matapos ang kanyang termino. Nagkakaroon lamang ng recall kung may petisyon
mula sa mga kuwalipikadong botante.
d. Initiative - ay proseso na kung saan ang mga mamamayan ay nabibigyan ng pagkakataon upang magmungkahi
ng batas.
e. Referendum - ay pagboto ng tao laban o pabor sa isang panlipunang isyu.
Sino-sino ang maaaring bomoto?
Batay sa Artikulo V ng Saligang Batas, ang mga maaring bumoto ay:
1. mamamayan ng Pilipinas;
2. may edad na labinwalong taong gulang sa araw ng eleksyon;
3. residente ng Pilipinas sa loob ng isang taon; at
4. residente sa lugar ng pinili niyang bumoto sa loob ng anim na buwan sa petsang itinakda sa pagdaraos ng
eleksyon. Dahil ang pagboto ay isang karapatan at isang pribilehiyo, mayroon ding mga indibidwal na hindi maaring
bumoto kahit nasa kanya pa ang mga kuwalipikasyon.
Sino-sino naman ang hindi maaaring bumoto?
1. Mga taong napatawan ng pinal na sentensiya na may kaakibat na pagkakakulong ng hindi bababa sa isang taon at
hindi napagkalooban ng “pardon” o napabilang sa programang amnestiya ng Pangulo na magpapabalewala sa
desisyon ng Korte.
2. Kung siya ay napatawan ng pinal na kaparusahan ng isang Korte o Tribunal sa pagsasagawa ng anomang krimen na
may kaugnayan sa pagtataksil sa pamahalaan tulad ng rebelyon, sedisyon, paglabag sa ant subversion at fire-arms
law o ano mang krimeng may kinalaman sa pagbabanta sa seguridad ng bansa.
3. Kung napatunayan na siya ay wala sa katinuan ng pag-iisip sa pamamagitan ng mga pamamaraang isinagawa ng
mga eksperto sa kaugnay na larangan.

I. Tama o Mali: Isulat ang salitang Tama kung wasto ang pangungusap at Mali kung hindi.

1. Bilang mga mamamayan ng ating bansa, tungkulin natin na makibahagi sa pamamahala.


2. Ang karapatan sa pagboto ay nangangahulugan nang pakikilahok ng mga mamamayan.
3. tungkulin ng media na ipahayag sa madla ang mga nararamdaman, nakikita, at naiisip ng mga tao.
4. Ang salitang politika ay galing sa salitang Griyego na “polis” na nangangahulugang mga gawain sa isang
lungsod.
5. Ang maaring bomoto ay mamamayan ng Pilipinas.
6. Ang pagboto ay isang karapatan at isang pribilehiyo, mayroon ding mga indibidwal.
7. Referendum ay pagboto ng tao laban o pabor sa isang panlipunang isyu.
8. Nagkakaroon lamang ng recall kung may petisyon mula sa mga kuwalipikadong botante.
9. Sa isang bansang demokratiko, may dalawang uri ng pakikilahok na maari nating pakisamahan.
10. Ang halimbawa ng tuwirang pakikilahok ay ang pagpunta sa mga asembleya.
Republic of the Philippines
Department of Education
Region VI – Western Visayas
Division of Antique
PIS-ANAN NATIONAL HIGH SCHOOL
Pis-anan, Sibalom, Antique
Araling panlipunan 10 Q4m4

Politikal at pansibikong pakikilahok

Kahulugan ng Pagkamamamayan o Citizenship


Dapat mong tandaan na ang pagkamamamayan ay hindi na lamang isang katayuan sa lipunan na isinasaad ng
estado, bagkus, maituturing ito bilang pagbubuklod sa mga tao para sa ikabubuti ng kanilang lipunan. Ang
pagkamamamayan ng isang indibidwal ay nakabatay sa pagtugon niya sa kaniyang mga tungkulin sa lipunan at sa
paggamit ng kanyang mga karapatan para sa kabutihang panlahat. Mangyari pa, tinitingnan ng indibidwal na siya ay
bahagi ng isang lipunan kasama ang ibang tao. Hindi lamang magiging tagamasid sa mga pagbabagong nagaganap sa
lipunan ang isang mamamayan. Bilang bahagi ng isang lipunan na may mga karapatan at tungkuling dapat gampanan,
inaasahan na siya ay magiging aktibong kalahok sa pagtugon sa mga isyung kinahaharap ng lipunan at sa mas malawak
na layunin ng pagpapabuti sa kalagayan nito.
Ayon sa lumawak na pananaw ng pagkamamamayan, igigiit ng isang mamamayan ang kanyang mga karapatan
para sa ikabubuti ng lipunan. Kanyang gagamitin ang pamamaraang ipinahihintulot ng batas upang iparating sa mga
kinauukulan ang kanyang mga hinaing at saloobin. Ang mamamayan ngayon ay hindi tagasunod lamang sa mga ipinag-
uutos ng pamahalaan sapagkat wala namang monopolyo ang pamahalaan sa mga patakarang ipatutupad sa isang
estado. Kung gayon, hindi niya inaasa sa pamahalaan ang kapakanan ng lipunan sa halip, siya ay nakikipagdiyalogo rito
upang bumuo ng isang kolektibong pananaw at tugon sa mga hamong kinakaharap ng lipunan.
Ikaw ay kasapi sa lipunan at inaasahan na ikaw ay kaakibat hangaring ito upang makamtan ang inaasam na
pagbabago. Ang mga iniatang sa iyong mga tungkulin ay kailangang gampanan nang maayos upang makamtan ang
pambasansang kapayapaan at kaunlaran.
Labindalawang Maliliit na Gawain Upang Makatulong sa Bansa
1. Sumunod sa batas trapiko Ang pagsunod sa batas trapiko ang pinakasimpleng batas na dapat matutuhan ng bawat
Pilipino. Napakasimple subalit ito ay nagpapakita nang mataas na antas ng disiplina sa sarili. Disiplina ang kailangan sa
ikauunlad ng bayan. Ang problema sa trapik ang dahilan kung bakit nasasayang ang oras ng mga mamamayan, hindi
nagiging episyente ang mga manggagawa dahil naaantala ang kanilang mga gawain, maraming pera, at proyekto ang
nasasayang at higit sa lahat may mga buhay na naisasakripisyo. Lumalala ang problema sa trapik dahil sa kawalan ng
disipina ng mga motorista. Pansariling interes lamang ang kanilang tinitingnan na parang ang oras lang nila ang
mahalaga. Nalilimutan nilang mahalaga ang bawat minuto sa tao. Sa kanilang pagmadali, nagiging sistema sa lansangan
ang singit dito, singit doon, na nagdudulot ng lalong pagkakabuhol-buhol ang mga sasakyan.
2. Humingi ng resibo kapag bumibili Ugaliin ang paghingi ng opisyal na resibo tuwing bumibili ng produkto o
gumagamamit ng serbisyo. Ang paghingi ng opisyal na resibo ay isa sa paraan ng pagpapakita ng nasyonalismo. Sa
paghingi ng opisyal na resibo, natitiyak natin na ang EVAT, isang uri ng buwis ay napupunta sa gobyerno. Napakahalaga
ang papel ng buwis sa lipunan. Ito ang isa sa pinanggagalingan ng pondo ng pamahalaan. Ang nalikom na buwis mula sa
mamamayan ang ginagamit ng gobyerno upang pondohan ang mga programa o proyekto para sa panlipunang
kapakanan.
3. Tangkilikin ang sariling produkto Walang mas hihigit na pagpapakita ng pagmamahal sa bansa kundi ang ipagmalaki
ang kanyang sariling tatak o pagkakakilanlan at ang pagtangkilik nito sa sariling produkto. Kung bawat Pilipino ay
prayoridad niya sa pagbili ang sariling produkto, hindi malayo na uunlad ang bansa natin. Ang pagtangkilik sa sariling
produkto ay nagbubunga ng: pagtaas sa demand ng lokal na produkto, pagtaas ang kita ng mga lokal na prodyuser,
pagtaas ng buwis na malilikom ng gobyerno at higit sa lahat na magbubukas ng oportunidad para sa mga walang
trabaho.
4. Maging positibo sa pagpapahayag sa sariling bansa Maging mabuting tagapagsalita sa sariling bansa. Sino pa nga ba
ang magmamalasakit at maghayag nang positibo sa bansang Pilipinas kundi tayong mga Pilipino? Kung mabuting
tagapagsalita ang bawat isa, magiging buhay na buhay ang turismo. Maaring makukumbinsi ang mga dayuhan na
pasyalan at tuklasin ang nakatagong ganda ng ating bansa o maaring mahikayat silang magtayo ng negosyo rito.
5. Igalang ang mga lingkod bayan Ang pagpapakita ng paggalang sa mga lingkod bayan ay pagpapakita ng pagsuporta sa
lipunan. Tumataas ang kompiyansa nila sa kanilang sarili at nabibigyan ng dignidad ang kanilang propesyon kaya’t
pinagbubuti nila ang kanilang paglilingkod sa bayan.
6. Itapon nang wasto ang basura Napakahalaga ang kalikasan sa buhay ng tao at sa pagkamit ng kaunlaran. Sa kalikasan
nagmumula ang pantustos sa pang-araw araw na pangangailangan. Ang mga hilaw na sangkap na isinasaproseso upang
gawing kapaki-pakinabang na produkto ay nagmumula sa kalikasan. Wala kang maiiisip na anomang bagay na hindi
produkto ng kalikasan.
7. Suportahan ang simbahan Ang pagsuporta sa simbahan ay pagsuporta sa kapus-palad. Ang donasyon na ibinibigay
natin sa simbahan ay ginagamit para sa mga kawanggawa kung saan nakikinabang ang sambayanang Pilipino na nasa
laylayan ng lipunan.
8. Gampanan ang tungkulin tuwing eleksiyon Ang pagboto ay proseso ng pagpili sa magiging lider o pinuno ng isang
pamayanan o isang bansa. Ito ay karapatang ipinagkaloob ng estado sa bawat mamamayan upang mailuklok sa puwesto
ang pinipili ng nakararami. Sa pagboto, nararapat na isaalang-alang ang kapakanan ng bansa; iboto ang kandidatong
karapat dapat sa posisyon. Tandaan, ang kaunlaran ng ating bansa ay nakasalalay sa ating kamay. Gamitin ang
kapangyarihan na baguhin ang lipunan at bumoto nang naayon sa dikta ng konsensiya.
9. Maayos na maglingkod sa pinaglilingkuran Ibigay kay Juan ang dapat para kay Juan. Wala nang mas hihigit pang
pagpapakita ng pagmamalasakit sa kapwa kundi ang pagbibigay nang tamang pasahod sa manggagawa. Ang tagumpay
ng bawat kompanya ay nakasalalay sa episyenteng kamay ng bawat manggagawa.
10. Magbayad ng tamang buwis Buwis ang nagsisilbing langis upang umandar ang behikulo ng kaunlaran sa lipunan.
Kung mas mataas ang nalikom na buwis ng pamahalaan, mas maraming programa o proyekto ng maisasakatuparan
upang tugunan ang panlipunang pangangailangan ng mamamayan. Pananagutan ng bawat isa na magbayad nang
tamang buwis sa gobyerno.
11. Tulungan ang mga batang kabilang sa maralitang angkan Ang pag-angat ng kapwa ay pag-angat ng buong bansa.
Likas sa ating mga Pilipino ang pagdadamayan. Isa ito sa kaugaliang hinahangaan ng ibang lahi sa atin. Makikita na buhay
na buhay ang bayanihan sa panahon ng kalamidad at iba pang pagsubok kung saan, handang tumulong ang ilan para
maibsan ang hirap ng kapwa Pilipino.
12. Maging mabuting magulang sa mga anak Pamilya ang pinakamaliit na yunit ng lipunan. Pinakamaliit subalit
napakahalaga ang papel na ginagampanan nito sa lipunan. Sa pamilya nahuhubog ang pagkatao ng bawat indibidwal.
Ang mga magulang ay dapat magsilbing huwaran sa kanilang mga anak. Ang bawat anak ay nararapat din na igalang ang
kanilang mga magulang.

Panuto: Unawaing mabuti ang mga pahayag sa kahon. Suriin kung ito ay Karapatan o Pananagutan ng isang
Mamamayang Pilipino. Kung Karapatan ng Mamamayan, isulat sa patlang bago ang bilang ang akronim na NIA
(Nararapat Ibigay sa Akin) kung Pananagutan, isulat ang NKG (Nararapat Kong Gawin). Gawin ito sa hiwalay na papel.

You might also like