Ang health-related na mga sangkap ay tumutukoy sa kalusugan samantalang ang skill-related na mga sangkap naman ay
may kinalaman sa kakayahan ng paggawa. Bawat sangkap ay mahalaga upang mapanatili ang pagkalahatang kalusugan.
 Sangkap o          Kahulugan                                          Halimbawa ng gawain        Paraan ng
 Komponent                                                                                        Paglilinang
 Cardio-vascular    Kakayahang makagawa ng pangmatagalang              Pagtakbo, paglalakad       3-minute step
 Endurance          gawain na gumagamit ng malakihang mga              nang mabilis, pag-         test
 (Tatag ng Puso     galaw sa katamtaman hanggang mataas na             akyat sa hagdanan
 at Baga)           antas ng kahirapan
 Muscular           Kakayahan ng mga kalamnan (muscles) na             Pagtakbo, pagbubuhat       Curl-up
 Endurance          matagalan ang paulit-ulit at mahabang              nang paulit-ulit
 (Tatag ng          paggawa
 Kalamnan)
 Muscular           Kakayahan ng mga kalamnan (muscles) na             Pagpalo nang malakas       Push up
 Strength           makapagpalabas ng puwersa sa isang beses           sa baseball, pagtulak
 (Lakas ng          na buhos ng lakas                                  sa isang bagay
 Kalamnan)
 Flexibility        Kakayahang makaabot ng isang bagay nang            Pagbangon sa               Sit and Reach
 (Kahutukan)        Malaya sa pamamagitan ng pag-unat ng               pagkakahiga, pagbuhat
                    kalamnan at kasukasuan                             ng bagay, pag-abot ng
                                                                       bagay mula sa itaas
 Body               Dami ng taba at parte na walang taba               --------------------       Body Mass
 Composition        (kalamnan, buto, tubig) sa katawan                                            Index
Ang skill-related na mga sangkap naman ay kinabibilangan ng agility, balance, coordination, power, reaction time, at
speed. Katulad ng health-related na sangkap, mayroon ding mga gawain na mainam na nagpapakita ng mga ito. Madalas
ding ang isang gawain ay maaaring magtaglay ng iba’t ibang skill-related na mga sangkap. Ang bawat sangkap ay
nalilinang din sa pamamagitan ng iba’t ibang pagsubok (physical fitness tests).
Sangkap o           Kahulugan                                        Halimbawa ng gawain         Paraan ng
Komponent                                                                                        Paglilinang
Balance             Kakayahan ng katawan na panatilihing             Gymnastics stunts,          Stork Balance
                    nasa wastong tikas at kapanatagan habang         pagsasayaw, pagspike        Stand Test
                    nakatayo sa isa o dalawang paa (static           sa volleyball
                    balance), kumikilos sa sariling espasyo at
                    patag na lugar (dynamic balance) o sa pag-
                    ikot sa ere (in flight)
Coordination        Kakayahan ng iba’t ibang parte ng katawan        Pagsasayaw,                 Paper juggling
                    na kumilos nang sabay-sabay na parang            pagdidribol ng bola
                    iisa nang walang kalituhan
Power               Kakayahang makapgpalabas ng puwersa              Pagpukol sa bola ng         Standing Long
                    nang mabilisan batay sa kombinasyon ng           baseball, paghagis ng       Jump, Vertical
                    lakas at bilis ng pagkilos                       bola                        Jump
Reaction Time       Kakayahan ng mga bahagi ng katawan sa            Pagkilos ayon sa baton      Stick Drop Test
                    mabilisang pagkilos sa pagsalo, pag-abot         g bola sa batuhan ng
                    at pagtanggap ng paparating na bagay o sa        bola, pag-iwas sa taya
                    mabilisang pag-iwas sa hindi inaasahang          sa patintero
                    bagay o pangyayari
Speed (Bilis)       Kakayahang makagawa ng kilos sa                  Pagtakbo, pagpasa ng        50 m sprint
                    maiksing panahon                                 bola
PAMPASIGLANG GAWAIN
Unahin mong gawin ang mga pampasiglang gawain.
1. Pag-jogging ng limang ikot sa palaruan.
2. Head Twist
Starting Position (S.P) Tumayo na bahagyang nakabuka ang mga paa
at ang mga kamay ay nasa baywang.
Panuto
a. Ipaling ang ulo sa kanan at bumilang ng 1-8.
b. Ipaling ang ulo sa kaliwa at bumilang ng 1-8.
c. Bumalik sa posisyon
d. Ulitin mula a-c.
3. Shoulder Rotation
S.P. Tumayo na bahagyang nakabuka ang mga paa, nakapatong sa
balikat ang mga kamay at tuwid ang ulo.
Panuto:
a. Paikutin ang balikat paharap at bumilang ng 1-8.
b. Paikutin ang balikat patalikod at bumilang ng 1-8.
c. Ulitin mula a-c.
4. Arm Circles
S.P. Tumayo na bahagyang nakabuka ang mga paa at nakataas ang
mga braso
Panuto:
a.I-unat ang braso sa gilid na pantay sa balikat at paikutin paharap at
bumilang ng 1-8.
b. Paikutin pabalik at bumilang ng 1-8.
c. Ulitin ang (a) ngunit gawing malaki ang bilog.
d. Paikutin ng pabalik katulad ng (c).
5. Half-Knee Bend
S.P. Tumayo nang tuwid at nasa baywang ang mga kamay.
Panuto:
a. Dahan-dahang ibaluktot ang tuhod at bumilang ng 1-4.
b. Iunat ang tuhod at bumilang ng 1-4.
c. Ulitin ang (a) at (b) ng tatlong beses
6. Jumping Jack
S.P Tumayo na magkadikit ang mga paa at nasa gilid ang mga kamay.
Panuto:
a. Tumalon at ibuka ang paa kasabay ng pagpalakpak ng kamay sa
ibabaw ng ulo at bumilang ng isa.
b.Bumalik sa panimulang posisyon at bumilang ng dalawa.
c. Ulitin ang (a) at (b) ng tatlong beses