0% found this document useful (0 votes)
12 views

Character Sketch

ergasdx
Copyright
© © All Rights Reserved
We take content rights seriously. If you suspect this is your content, claim it here.
Available Formats
Download as DOCX, PDF, TXT or read online on Scribd
0% found this document useful (0 votes)
12 views

Character Sketch

ergasdx
Copyright
© © All Rights Reserved
We take content rights seriously. If you suspect this is your content, claim it here.
Available Formats
Download as DOCX, PDF, TXT or read online on Scribd
You are on page 1/ 1

Name: Arlen Sigrid L.

Rabino
Grade 12-STEM St. Erasmus

“Ang aking Dakilang Inay”


Ang buhay ng bawat ina ay nagpapaalala sa atin ng kanilang pagmamahal at
walang hanggang pagsasakripisyo upang mapalaki ng maayos ang kanilang mga
supling. Ang bawat magulang, partikular ng mga ina ay walang hinangad kung hindi
ang magandang kinabukasan ng kanilang mga anak

Arlen Rabino, ang aking dakilang ina. Isa siya sa pinaka importanteng tao sa
buhay ko. Siya ang nag alaga at nagpalaki sa akin simula noong bata pa lamang ako.
Iniluwal niya ako sa loob 9 na buwan, tiniis ang sakit upang masaksihan ko lang ang
kagandahan ng mundo. Siya ang nagpabago ng buhay ko sa maraming paraan. Siya
ay ang aking mapagmahal na ina.

Sa lahat ng tao sa mundo, sa aking paningin siya lang ang pinakamagandang


regalo na ibinigay ng Panginoon sa akin. Siya ang pinakamagandang babae na aking
nakilala. Mapupulang labi, makinis na balat at mga mahahabang pilik-mata na kay
gandang pagmasdan. Mga ngiti niyang nakakaakit pag iyong tititigan. Tinig niya ang
nagsisilbing musika sa akong tainga. Bukod sa kanyang pisikal na anyo, ako ay
napabilib sa kanyang kasipagan. Ginagawa niya ang lahat ng nakabubuti sa aming
magkakapatid. Gumagawa siya ng mga bagay na mahihirap para lang makatulong sa
pamilya.

Hinahangaan ko ang kanyang pagkatao. Mabait siya sa lahat ng tao na


nakapaligid sa kanya. Mapag-aruga, maasikaso, at maaalahanin siya saaming
magkakapatid. Isa pang nakakamanghang ugali niya ay ang pagiging maunawain,
siya lang ang taong nakakaintindi sa akin at sinusuportahan ang aking mga
kagustuhan. Isa siyang mapagmahal na ina. Hindi man siya perpektong nanay,oo
nagkakamali siya minsan pero walang sinuman ang hihigit pa sa kanya. Masungit at
strikta siya lalo na sa mga tuntunin niya pagdating saakin ngunit sa kabilang dako,
siya namay mapaglambing partikular na sa akin.

Ang nanay ko ay para ko na ring matalik na kaibigan. Madali lang siyang


lapitan, kung may problema man akong kinakaharap, hindi niya hinahayaang
harapin ko ito mag isa kundi dadamayan niya ako. At tulad ng mga matatalik na mag
kakaibigan, we share laughter with each other, sa madaling salita siya ay madaling
patawanin. Sa kabilang bahagi, siya’y mapagsakripisyo, ginagawa niya lahat para
lang mabigyan kami ng magandang bukas. Siya’y napakamasipag, kahit pagod na
pagod na siya sa trabaho niya inaasikaso niya parin kami at ang mga ibang gawaing
bahay. Kahit na makikita mo na ang pagod sa kanyang mukha ay lagi parin siyang
nagpapakatatag para saamin. Kay laki ng ginagampanan ng isang ina sa pamilya. Ang
swerte ko kasi may ina ako na sobra-sobrang magmahal.

Ang ina ay ilaw ng tahanan, gumagabay sa kanyang mga anak, gumagabay sa


kaniyang mga anak upang magkaroon ng magandang asal at maging isang mabuting
tao. Kung wala ang pagmamahal at alaga ng isang ina, kulang ang buhay ng isang
bata. Sila ang dahilan kung bakit tayo ay nandito sa ating kinaroroonan. Sila ng
nagbibigay sa atin ng ating mga kailangan. Kapag tayo ay nagkakamali, sila ang
nagtuturo sa atin kung ano ang tama at mali. Ang bawat araw ng ating buhay ay
nagiging makabuluhan dahil sa kanila. Kung susumahin, ang lahat ng kanilang
ginagawa ay hindi natin kayang matumbasan. Walang sino man ang kayang
mapantayan ang alaga ng isang ina sa kanyang mga anak.

You might also like