0% found this document useful (0 votes)
21 views9 pages

Mfil 004-Exam Aldunar Jean Jireh

Sample exam
Copyright
© © All Rights Reserved
We take content rights seriously. If you suspect this is your content, claim it here.
Available Formats
Download as DOCX, PDF, TXT or read online on Scribd
0% found this document useful (0 votes)
21 views9 pages

Mfil 004-Exam Aldunar Jean Jireh

Sample exam
Copyright
© © All Rights Reserved
We take content rights seriously. If you suspect this is your content, claim it here.
Available Formats
Download as DOCX, PDF, TXT or read online on Scribd
You are on page 1/ 9

SCHOOL OF GRADUATE STUDIES

1st TRIMESTER 2023-2024


MIDTERM AND FINAL EXAM MFIL 004
PANITIKAN NG REHIYON

NAME: JEAN JIREH J. ALDUNAR

I. PANUTO: Sagutin ang sumusunod, gawing komprehensibo ang paglalahad.


Bawat tanong ay magtataglay ng 10 puntos.

1. Ipaliwanag gamit ang sariling pananalita.

a. Ang panitikan bilang salamin ng lahi

Ang panitikan ay maituturing bilang salamin ng lahi dahil ito ay naglalaman ng


iba’t ibang aspekto na nagrerepresenta ng kabuuang katangian ng mga tao sa isang
bansa. Ang mga aspektong ito ay mga tradisyon, kultura, damdamin, kaugalian,
paniniwala, wika, ideya o kaisipan, pagkakakilanlan, kasaysayan at mga isyung
hinaharap ng lipunan. Ang mga akdang isinulat ng mga awtor ay may
pinanggagalingang inspirasyon o impluwensya mula sa kanilang lipunang
kinabibilangan. Dito natutuklasan ng mga mambabasa kung paano sila mag-isip o
mag-ugali. Natutukoy ang kanilang lahi base sa wikang ginamit sa pagsusulat.
Nadidiskubre nila ang identidad. Nasusuri nila ang mga mahahalagang pangyayari sa
nakaraan na nagbigay ng kontribusyon sa kasalukuyan. Sa pangkalahatan, ang
panitikan ay bahagi na ng kultura na nagtatala ng mga importanteng detalye na
magbibigay daan sa pagtuklas ng lahing pinagmulan.

b. Kahalagahan ng pag-aaral ng panitikan

Ang pag-aaral ng panitikan ay makabuluhan dahil sa maraming dahilan. Una,


mahalagang inaaral ang panitikan dahil ito ay nagpapalawak ng kaalaman tungkol sa
mga tao, kultura at lipunan. Ito ay nakatutulong upang maiwasan ang “culture shock”
kapag dadayo sa isang komunidad. Pangalawa, ito ay naghahatid ng pagkaunawa sa
mga pananaw ng ibang tao at nagpapausbong ng empatiya sapagkat mababasa sa
akda kung ano ang pinanggagalingan ng mga kilos ng mga tauhan o karakter.
Pangatlo, napapaunlad nito ang mga kasanayan sa pagbabasa, pagsusulat, pakikinig,
pagsasalita, pag-aanalisa, at pagpapahayag ng sariling opinion o saloobin. Nahahasa
ang mag-aaral sa pakikipagkomunikasyon at nakagagawa ng matalinong pagpapasya
sa pamamagitan ng paggamit ng kritikal na pag-iisip. Pang-apat, ito ay nagpapalawak
din ng bokabolaryo dahil sa yaman ng wika na ginamit sa panitikan. Natututo ang
mag-aaral ng iba pang mga wika na maaaring magbigay ng pakinabang sa kanilang
paglalakbay sa hinaharap. Panlima, may mga aral na natututunan ang mga
mambabasa na pwede nilang maiugnay sa sarili o mai-aplay sa kanilang pang-araw-
araw na buhay. At ang panghuli, namumulat ang mga mag-aaral sa mga isyung
kinakaharap ng lipunan tulad ng katarungan, diskriminasyon, pulitika, kalayaan at
marami pang iba. Sa pangkalahatan, ang pag-aaral ng panitikan ay hindi lamang
tungkol sa pagbasa ng kwento o tula, kundi tungkol sa mas malalim na pag-unawa sa
sarili, sa iba, at sa lipunan. Ito ay mayroong mahalagang bahagi sa edukasyon at
pagpapalaganap ng kultura.

c. Ang bisa ng panitikan sa tao

1|Page
Ang panitikan ay may magagandang epekto sa tao. Sila ay nabibigyan ng
inspirasyon upang patuloy na makibaka at magpursige sa buhay. Sila ay nagiging
mabuting mamamayan dahil sa mga aral na natututunan sa pagbabasa ng panitikan.
Sila ay nabibigyan ng hamon upang mas lalong mapaunlad ang kanilang mga
kasanayan at ang kanilang mga estado sa buhay. Sila ay nahahasang mag-isip nang
kritikal dahil sa mga malalalim na pagpapakahulugan at pagkakaayos ng mga ideyang
naisulat sa mga iba’t ibang uri ng akda. Sila ay namumulat sa isyung panlipunan dahil
ito ay isa sa naging daan sa pag-unlad ng sibilisasyon. Sila ay naging mas mapanuri
sa mga kasalukuyang nangyayari sa kanilang paligid at nagkakaroon sila ng pag-
unawa sa mga kilos at pananalita ng mga tao sa loob ng lipunan. Sila ay nagkakaroon
ng kumpiyansa sa sarili na kaya nilang makipagsabayan sa iba dahil mayroon silang
maipagmamalaking yaman ng kanilang kultura. Sila ay nagiging panatag sa kanilang
identidad na hinulma ng kanilang lipunang kinabibilangan at ang mga ito ay
mananatiling nakaukit sa kasaysayan magpakailanman.

2. Bigyan ng angkop na sitwasyon ang sumusunod na mga kawikaan.

a. Kung ikaw ay magtatanim ng tubo


Di man lang lumingon ang dumaan sa iyo
Pero pag may alak ka na, mas masarap
Bibisitahin ka anuman ang oras

May isang lalaki na nakadiskubre na pwede palang pagkakitaan ang kakaiba at


modernong pamamaraan ng pangangalakal sa online platform. Ibinahagi niya ito sa
kaniyang mga kaibigan. Inalok sila na mag-aral ng negosyo na ito. Hindi siya
pinaniwalaan ng kaniyang mga kaibigan. Bagkus, tinawanan pa nila ito. Sa kabila ng
nangyari, hindi ito napanghinaan ng loob. Siya ay mag-isang nag-aral nang puspusan.
Maging araw man o gabi ay kaniyang iginugol upang gumaling sa larangan ng crypto
trading. Ilang beses man siyang pumalpak ay mas lalo niya pang ginalingan ang pag-
aaral. Makalipas ang pitong taon, naging milyonaryo na ang lalaki. Siya ay bumili ng
lupa at mga magagarang sasakyan. Nabalitaan ito ng kaniyang mga kaibigan at dali-
dali siyang pinuntahan sa kaniyang bahay. “Uy Steve, kamusta ka na? Libre mo
naman kami. Balita ko mayaman ka na!”, masigasig na pagkakasabi ng isa sa mga
kaibigan. “Magsi-aral kayo, hindi ‘yong puro libre nasa utak n’yo”, pabirong sagot ni
Steve.

b. Kung ang matulog na walang banig ay mahirap,


mas lalo na ang walang katabi

May dalawang babaeng magkapatid na naulila sa magulang. Sila ay naiwan sa


munting bahay na itinayo ng kanilang tatay. Sa hirap ng buhay, napagdesisyunan ng
isa na lumuwas ng Maynila para maghanap ng trabaho. Si Maria ang naiwan sa
probinsya habang si Clara naman ay nanilbihan bilang kasambahay sa Maynila. Sila ay
parehong nakaranas ng mga pagsubok sa kanilang pag-iisa. Si Maria ay tinangkang
gahasain ng kanilang kapitbahay nang malaman nito na wala siyang kasama sa bahay
habang si Clara naman ay nagkasakit at nahirapan dahil walang mag-aalaga sa kaniya
sa mga panahong hindi niya kayang alagaan ang sarili. Napaiyak silang dalawa at
nangungulila sa isa’t isa. Inaalala nila ang mga panahong sila ay nagdadamayan
gaano man kahirap ang nararanasan. Bumalik si Clara sa kanilang probinsya dala-dala
ang perang naipon sa pagiging katulong at ito ay ginamit nila sa pagnenegosyo.

2|Page
Napagtanto nila na mas mahalaga ang may kasama sa buhay kaya nangako sila na
hindi na sila maghihiwalay.

c. Ang kaliwang kamay, minsan ay sinisibak ng kanang kamay.

May dalawang magkapitbahay na malapit sa isa’t isa. Sila ay naging magkaibigan.


Nagbibigayan sila ng ulam paminsan-minsan. Isang araw, nakiusap ang isa na hihiram
siya ng malaking halaga sa isang pautangan ngunit kailangan nito ng co-maker kaya
lumapit siya sa kaniyang kapitbahay at nakiusap kung pwede siyang maging garantor
kapalit ng pangakong babayaran niya ang kaniyang utang sa itinakdang oras. Subalit,
nagulat na lamang ang butihing kapitbahay nang malaman niyang ang kaniyang
kaibigan ay tumakas at ang pautangan ay sinisingil siya sa kadalihanang siya ang
garantor. Lubos ang kaniyang pagsisisi sa pag-aakalang ang kaniyang kapitbahay ay
magiging responsable sa pagbabayad dahil sila ay malapit na magkaibigan at hindi
niya iniisip na ito ay magagawa siyang lokohin.

d. Sa inahing mapagkupkop, di man anak sumusukob.

Karamihan sa mga ina sa Pilipinas ay maituturing na mga huwarang ina dahil sa


kanilang labis na pagmamahal sa mga anak. Isa na rito si Nanay Milagros. Siya ay
may anim na anak. Siya ay maaga pang nag-asawa kaya siya ay mulat na sa mga
responsibilidad bilang ina. Isang araw, nakiusap ang kaniyang kapitbahay na kupkupin
ang kaniyang bagong silang na sanggol dahil hindi niya ito kaya pang alagaan dahil
sobrang salat siya sa buhay. Walang ano-ano, tinanggap ni Nanay Milagros ang hiling
ng kapitbahay. Inalagaan niya ito na parang tunay niyang anak.
Isang beses habang sumasakay sa bus si Nanay, may isang ina na hindi
makapaglabas ng gatas sa kaniyang suso. Iyak nang iyak ang bata na rinig sa buong
sasakyan ang hikbi nito. Sa awa ni Nanay Milagros, nagboluntaryong tumulong ito.
Kinuha niya ang sanggol at pinadede niya ito sa kaniyang suso. Laking pasalamat ng
nanay sa ginawang kabutihan ni Nanay Milagros. Tunay na mapag-aruga si Nanay na
kahit ang mga kaklase ng kaniyang anak ay tinuturing na rin siyang nanay dahil sa
pag-aasikaso nito sa kanila tuwing sila ay dumadalaw ng bahay.

e. Kung ang kalabaw na apat ang paa ay nagkakamali pa,


paano na ang tao.

Araw ng eleksyon. Magsisilbi na naman si Reya bilang klerk ng botohan. Ito ang
kaniyang unang beses na paninilbihan. Naging maayos at organisado ang kaniyang
pagtatrabaho simula pa ng umaga. Kinagabihan, kailangan na nilang tapusin ang
pagkakalkula ng mga datos na nalikom kasama ang kaniyang tagapangulo na
nagmamadali nang umuwi. Tinapos ni Reya ang pagkakalkula ngunit napagtanto
niyang hindi nagtutugma ang mga numero kaya kailangan niyang ulitin ang
pagbibilang. “Ano ba yan! Paulit-ulit! Ayusin mo naman ayoko ng paulit-ulit!”,
malakas na pagkakasigaw ng kaniyang tagapagpangulo. Nagulat ang mga tao sa
paligid ng silid-aralan. Sa sobrang kahihiyan, nagpaalam si Reya na pumunta ng
banyo at doon napahagulgol. “Ang tanga-tanga ko naman!”, mahinang bulong ni
Reya. Napatanong siya sa kaniyang sarili kung kaya niya pa bang tapusin ang
natitirang mga gawain na gano’n ang ugali ng kaniyang tagapangulo. Pinunasan nito
ang mga luha, inayos muli ang sarili at bumalik sa mesa. Maingat niyang isinagawa
ang istatistika at napagtagumpayan niya ito. Nakauwi sila nang maaga.
Kinaumagahan, nakipagkwentuhan siya sa iba pa niyang mga kaibigan na nagsilbi rin
sa araw ng botohan at napagtanto niyang marami rin pala ang nagkamali at
natagalan sa pagkakalkula. Napagtanto niyang ang ibang tao kahit na magaling na ay
3|Page
nagkakamali pa rin. Naisip niya na dapat siya ay matutong magpatawad sa sarili sa
tuwing magkakamali muli ito. Inisip niyang sana matutunan din ito ng kaniyang
tagapangulo upang maging mas mapagpasensya pa siya sa pagkakamali ng iba.

3. Pumili ng 5 akda buhat sa 13 rehiyon, bigyan ng maikling buod at ibigay


ang hinihiling sa talahanayan

Rehiyon Buod ng akda Aral na Makukuha

REHIYON II Si Florante ay isang prinsipe sa kaharian Magandang


(Florante at Laura) ng Albanya at si Laura naman ay isang nagsisimula ang
mayamang dalaga sa kaharian ng isang relasyon sa
Krotona. pagkakaibigan at
Si Florante ay nakulong dahil kay ito ay nagbubunga
Menandro, isang masamang ng malalim na pag-
mangangalakal samatalang si Laura iibigan. Sa pag-ibig,
naman ay napilitang makasal sa walang hindi
gahamang hari ng Krotona na si Adolfo. magagawa para sa
minamahal.
Nang makalabas si Florante sa kulungan,
nakita niya si Laura na inaabuso ng Kung mayroong
kanyang asawa. Iniligtas ni Florante si inaasam, dapat na
Laura. Dahil sa pangyayaring ito, naging ito ay samahan
magkaibigan ang dalawa. Sila ay natin ng kilos upang
naglakbay at natuklasan ni Florante ang ito ay
mga masasamang nangyayari sa maisakatuparan.
kanyang kaharian sa Albanya. Siya ay Kung ang
naging tagapagtanggol ng kanyang hinahangad ay
bayan kasama si Laura. katarungan, dapat
ilabas ang angking
Naging matagumpay sina Florante at katapangan tulad
Laura sa pagsulong ng kanilang hangarin ng ginawa ng mga
na magkaroon ng kalayaan sa kanilang tauhan sa kwento.
kaharian. Tunay na makapangyarihan Sila ay nagsilbing
ang pag-ibig na may kaakibat na inspirasyon upang
katapangan. makamit ang
kalayaan.

REHIYON 1 Sa lambak ng Nalbuan ay may mag- Ang mga aral na


(Biag ni Lam-ang) asawang nakatira na sina Don Juan Juanmakukuha sa Biag
at Namongan. Buntis ang asawa nang ni Lam-ang ay
lusubin ito ng mga Igorot. Naghigante si
tapang at
Don Juan ngunit hindi na ito nakabalik pa
determinasyon,
sa kanila. pagmamahal sa
pamilya, kahusayan
Nanganak si Namongan ng batang at talino,
nakakapagsalita na kaagad nang ito ay pagkakaroon ng

4|Page
ipinanganak. Sa katunayan, siya ang kasangga at
pumili ng kanyang pangalan na “Lam- kaibigan,
ang”. Siya ay may angking kakaibang katarungan,
lakas at mabilis itong lumaki. pagtanggap ng
pagkukulang at
Hinanap ni Lam-ang ang kanyang ama. pagpapakumbaba.
Sa edad na siyam na buwan pa lamang,
pinuntahan niya ang lugar ng mga Igorot
kasama ang kanyang mahiwagang aso at
tandang. Galit na galit si Lam-ang nang
natagpuan niyang pugot ang ulo ng
kaniyang ama sa tribu ng mga Igorot.
Hinamon niya ang mga ito at
pinagpapatay.

Umuwi si Lam-ang sa kanila at naligo sa


Ilog Amburayan. Namatay ang mga isda
dahil sa dungis nito.

Matapos siyang makapagpahinga,


nagtungo si Lam-ang sa Kalanutian
upang manligaw. Habang siya ay
naglalakbay, kaniyang nakalaban ang
higanteng si Sumarang at
napagtagumpayan niya ito.

Siya ay nagpakitang gilas sa mga


magulang ng kaniyang nililigawan na si
Ines Kannoyan. Sila ay nagkatuluyan. Sa
kanilang pagsasama, namatay si Lam-
ang subalit ito ay muling nabuhay.

REHIYON III Sa kaharian ng Berbanya, nagkaroon ng Ang mga aral na


(Ibong Adarna) isang masamang panaginip ang haring si makukuha sa Ibong
Don Fernando. Dahil dito, siya ay Adarna ay
nagkasakit at ang tanging lunas ay ang kahalagahan ng
awit ng ibong Adarna na makikita katapatan at
lamang sa Piedras Platas ng bundok pagkakaisa sa
Tabor. pamilya,
kapangyarihan ng
Inutusan ni Don Fernando ang kanyang pagpapatawad, ang
mga anak na sina Don Pedro, Diego at pagsubok bilang
Juan na hulihin ang nasabing ibon. Sa paraan ng
kanilang paglalakbay, hindi pagtuklas sa tunay
nagtagumpay sina Don Pedro at Don na sarili, huwag
Diego. Sila ay naging bato. Ang nakahuli magpabaya sa
ng ibon ay si Don Juan dahil sa tulong ng ating mga
ermitanyo. Nagkaroon ng pagtataksil ang responsibilidad,
mga kapatid ni Don Juan subalit sila ay hindi lahat ng
naipagpatawad. bagay ay nakukuha
sa madaling

5|Page
Matagumpay na naidala sa palasyo ang paraan, at ang
ibon at pinabantayan ito ng hari kay Don tunay na pag-ibig
Juan ngunit ito ay nakatulog. ay hindi
Pinakawalan ng kaniyang mga kapatid nakakalimot.
ito. Sa sobrang takot na maparusahan,
tumakas si Don Juan at tumungo ng
Armenya kung saan natuklasan niya ang
mahiwagang balon.. Dito niya nakilala
sina Donya Juana at Donya Leonoras.
Sinundan siya ng kanyang dalawang
kapatid na patuloy na nagbibigay sa
kanya ng mga sagabal at kapalpakan
ngunit tinulungan naman si Don Juan ni
Donya Leonoras.

Nagkita si Don Juan at ang ibong Adarna


at inutusan itong pumunta ng Reyno
delos Cristales kung saan nakilala niya
ang dalagang si Maria Blanca. Humarap
sa iba’t ibang pagsubok si Don Juan
upang mahingi ang kamay ng dalaga. Sa
kasamaang palad, siya ay naisahan ng
hari at isinumpa noong sila ay tumakas
ni Maria. Dahil sa sumpa, nakalimutan ni
Don Juan si Maria at ito ay umibig kay
Leonoras ngunit hindi sumuko si Maria,
ginawa niya ang lahat upang maalala
siya ng iniibig. Siya ay nagtagumpay at
sila ay nanirahan nang masaya sa
kaharian ng Reyno delos Cristales.

REHIYON VIII Si Magayon ay anak ng Rajah na Ang mga aral na


(Ang Alamat ng kinahuhumalingan ng mga kalalakihan makukuha sa
Bulkang Mayon) dahil sa taglay nitong ganda. May isang Alamat ng Bulkang
binatang nagngangalang Kauen ang Mayon ay pag-ibig
nagtapat ng pag-ibig kay Magayon at katapatan,
ngunit hindi niya ito gusto. pagmamahal sa
kalikasan,
Sa kaniyang paliligo sa batis, nakilala kahalagahan ng
niya si Gat Malaya. Hindi man maayos pagtutulungan,
ang kanilang unang pagkikita ngunit sila pag-aalaga sa
ay nahulog sa isa’t isa. Dahil sa kapwa, pag-asa, at
kabutihang taglay ni Malaya ay paggalang sa
tinanggap din siya ng Rajah. tradisyon at kultura.

Nang malaman ni Kauen na


magpapakasal na si Magayon ay agad
itong pinuntahan at binantaan. Pinilit
niyang pakasalan siya ng dalaga. Sinabi
ni Magayon na kung hindi magpapakita si
Malaya sa kabilugan ng Buwan ay

6|Page
magpapakasal ito kay Kauen. Nahuli
nang kaunti ang pagdating ni Malaya na
agad namang tinutulan ang kasal. Ang
dalawang lalaki ay nagtunggali ngunit sa
di inaasahang pangyayari, sinalo ni
Magayon ang sibat na hinagis ni Kauen
kay Malaya.

Si Magayon ay namatay at inilibing sa


isang lupain ng Albay. Biglang naghimala
at lumaki nang lumaki ang lupa at
nagkaroon ng hugis na kasingganda ni
Magayon.

REHIYON IV-A Si Crisostomo Ibarra ay pinag-aral ng Ang mga aral na


(Noli Me Tangere) kanyang Ama sa Europa sa loob ng makukua sa Noli Me
pitong taon. Ngayon na siya ay umuwi ng Tangere ay pagtutol
Pilipinas, ipinaghanda siya ng salo-salo ni sa abuso at
ni Kapitan Tiyago kasama ang mga taong katiwalian,
matataas ang posisyon sa lipunan. kahalagahan ng
Ipinahiya siya ni Padre Damaso ngunit edukasyon,
hindi niya na lang ito pinansin at pagmamahal sa
magalang isyang nagpaalam. bayan at
pagsasakripisyo,
Dumalaw si Ibarra kay Maria Clara, ang paggalang sa
kaniyang nobya na anak-anakan ni identidad at
Kapitan Tiyago. kultura, pag-asa at
pagbabago,
Pinuntahan rin ni Crisostomo si Tinyente responsibilidad ng
Guevarra at doon niya nalaman ang mamamayan,
karumal dumal na sinapit ng kaniyang kahalagahan ng
ama na si Don Rafael bago siya mamatay pagkakaisa, at pag-
na kung saan sangkot dito si Padre alala sa mga
Damaso. nagsakripisyo.
Imbis na maghigante, isinulong ni Ibarra
ang pangarap ng ama – ang
makapagpatayo ng paaralan.

Sa isang pananghaliang inihanda ni


Ibarra, muli na naman siyang pinahiya ni
Padre Damaso. Dahil naalala ni Ibarra
ang kanyang ginawa sa ama nito, mas
lalong kumulo ang dugo nito na umabot
siya sa puntong muntik niya nang
saksakin ito ngunit napigilan siya ni
Maria Clara. Ipinroklamang
ekskumunikado si Ibarra dahil sa
pangyayaring iyon.

Sinamantala ni Padre Damaso ang


kaganapan at nagpasya siyang ipakasal

7|Page
si Maria Clara kay Alfonso Linares.
Nagkasakit ang dalaga sa labis na
pagdaramdam.

Sa tulong ng Kapitan Heneral ay


napawalang bisa ang pagiging
ekskumunikaso ni Ibarra. Sa kasamaang
palad, si Ibarra ay napagbintangan at
ibinilanggo. Nakatakas naman ito sa
tulong ni Elias.

Sa kanilang pagtakas, nilinlang ni Elias


ang mga tumutugis sa kanila at siya ay
nabaril nung tumalon ito sa tubig.

Nakarating si Elias sa gubat at


natagpuan si Basilio at si Sisa na wala
nang buhay. Nanalangin siya bago
malagutan ng hininga at hindi man lang
nasilayan ang bukang liwayway. Bilin
niya para sa makakakita nito ay batiin at
huwag kalimutan ang mga nabulid sa
dilim ng gabi.

4. Ilahad ang mga mahahalagang pangyayari sa bawat Panahon ng


Panitikang Pilipino at ang naging impluwensya nito sa mga nasulat na
panitikan.

Ang Panahon ng Panitikang Pilipino ay nahahati sa ilang mga bahagi – Panahon


ng mga Alamat at Epiko o Pre-Kolonyal, Panahon ng Pamahalaang Kolonyal, Panahon
ng Himagsikang Pilipino, Panahon ng Pamahalaang Amerikano, Panahon ng Ikalawang
Digmaang Pandaigdig, at Kasalukuyang Panahon.

Panahon ng mga Alamat at Epiko o Pre-Kolonyal ay ang panahon bago pa


dumating ang mga Kastila sa Pilipinas. Noong panahong ito, ang mga kwento ay
ipinapasa mula sa henerasyon sa henerasyon sa pamamagitan ng salaysay. Kabilang
dito ang mga epiko tulad ng "Biag ni Lam-ang" at mga alamat na nagpapakita ng mga
kaugalian, kultura, at mga diyos-diyosan ng mga sinaunang Pilipino.

Sa panahon ng kolonyalismo ng Espanya, ginamit ang panitikan upang


mapalaganap ang Kristiyanismo, at ang mga unang akda ay naglalaman ng mga
gawaing relihiyoso. Isinulat ang mga unang tanyag na akda tulad ng "Doctrina
Cristiana" ni Juan de Plasencia. Ang mga tanyag na tanyag na akdang tulad ng
"Florante at Laura" ni Francisco Balagtas ay nagsilbing halimbawa ng tanyag na
panitikan sa panahon na ito.

Noong panahon naman ng mga Himagsikan laban sa pamahalaang Espanyol,


ang mga akda ay naging mas nakakapukaw at nakakaagaw-pansin. Isinulat ni Emilio
Jacinto ang tanyag na "Kartilya ng Katipunan," na naglalaman ng mga prinsipyong

8|Page
rebolusyonaryo. Ang mga akdang tulad ng "Noli Me Tangere" at "El Filibusterismo" ni
Jose Rizal ay naging inspirasyon sa kilusang rebolusyonaryo.

Sa panahon ng pamahalaang Amerikano, ang panitikan ay ginamitan ng wikang


Ingles at Filipino. Isinulat ni Manuel L. Quezon ang tanyag na "Batas ng Biak-na-Bato"
na nag-aatas ng paggamit ng wikang Filipino sa mga dokumento ng pamahalaan. Ang
mga makata tulad nina Jose Corazon de Jesus at Amado V. Hernandez ay naglikha ng
mga tanyag na tula tungkol sa kalayaan at katarungan. Isang halimbawa nito ay ang
“Bayan Ko”.

Sa panahon ng digmaan, ang panitikan ay naging paraan ng paglaban sa mga


Hapones at Amerikano. Ang mga tulang laban sa Hapon ni Amado V. Hernandez at
mga akda tungkol sa kahalagahan ng kalayaan ay naging popular.

Sa kasalukuyang panahon, ang panitikan ng Pilipinas ay patuloy na dumadami


at nagbabago. Ang lahat ay nabibigyan ng pagkakataong magsulat at makapaglathala
sa tulong ng makabagong teknolohiya. May iba't ibang karanasan at tema ang mga
akda, mula sa kahirapan, pulitika, kultura, at sosyal na isyu. Kilala ang mga
manunulat tulad nina Nick Joaquin, F. Sionil Jose, at Lualhati Bautista.

Sa bawat panahon ng panitikan, naging boses at salamin ito ng mga


kaganapan, pagbabago, at pakikibaka ng mga Pilipino. Ipinapakita nito ang
impluwensya ng lipunan, kasaysayan, at kultura sa mga akda ng mga manunulat. Ang
mga akda ay naglalantad ng mga pangarap at pag-asa ng mga Pilipino, pati na rin
ang mga hamon at mga pagbabago sa kanilang kalakaran ng buhay.

DEADLINE: NOV. 3, 2023 (IPASA SA TEAMS)

9|Page

You might also like