GAMIT NG WIKA SA
LIPUNAN
Presented by: Group 3
Ang wika ay isang paraan ng pagtukoy sa
antas ng buhay sa lipunan. Ang tungkulin
ng wika ayon kay Wallas P. Robinson ay
makilala sa estado at damdamin, pagkatao,
panlipunang pagkakalinlan at ugnayan.
Ang wika ay hindi lang ginagamit sa
pagbabalagtas ng mga salita ngunit
marami-rami na rin ang nagtankang
i-kategorya ang mga tungkulin ng
wika batay sa gampanin nito sa ating
buhay. Ayon kay Michael Alexander
Kirkwood Halliday o M.A.K Halliday
may mga pitong na tungkulin ng
wika na mababasa sa kanyang aklat
"Explorations in the Functions of
Language".
ANG PITONG
TUNGKULIN NG
WIKA:
1.) Instrumental
- Ito ay tumutugon sa mga pangangailangan ng tao gaya ng pakikipag-
ugnayan sa iba
Halimbawa:
-Ang pakikiusap mo sa iyong nanay na ibilhan ng bagong cellphone para
sa iyong online class
2.) Regulatoryo/Regulatori
- Ito ay tumutukoy sa pagkontrol sa ugali o asal ng ibang tao
Halimbawa:
- Pagturo ng direksyon ng isang partikular na lugar
- Ang pagbibigay ng panuto sa eksaminasyon
3.) Inter-aksiyonal
- Ito ang paraan ng pakikipag-ugnayan ng tao sa
kanyang kapwa tulad ng:
•Pakikipagbiruan
•Pagkukuwento
•Pakikipagpalitan ng kuro-kuro tungkol sa
partikyular na issue
•Paggawa ng liham
4.) Personal
-Ito ang pagpapahayag ng sariling opinyon o kuro-kuro sa paksang pinag-uusapan
-Paghahayag ng sarili mong damdamin
Halimbawa:
-Pagsulat ng diary at pagtweet ng iyong saloobin sa twitter batay sa isang
sensitibong gawain
5.) Heuristiko
- Ito ay ginagamit sa pagkuha o paghanap ng impormasyon na may kinalaman sa
paksang tinatalakay
Halimbawa:
-Pakikibanayan o interbyu
-Pagbasa ng libro
-Pag-eeksperimento
6.) Impromatibo
- Ito ang kabaliktaran ng Heuristiko
-Kung Heuristiko ay ang paghanap ng impormasyon, ang impormatibo
naman ay ang pagbibigay ng impormasyon sa paraang pagsulat at pagsalita
Halimbawa:
-Pagsulat ng tesis
-Pagtuturo
-Pag-uulat
7.) Imahinatibo
- Ginagamit ito sa pagpapalawak ng imahinasyon
Halimbawa:
-Pagsulat ng mga tula, kuwento, at mga awit
Submitted by:
Bacagan, Cairo Steve
Bartolome, Jahmyis Cholksen
Akilit, Yvex Pias
Dumlao, Ryker Jay
Paroway, RJ
Day-ong, Kyla
Romero, Ozzy
Mendoza, Hermione