0% found this document useful (0 votes)
358 views7 pages

Mga Pagtalakay Sa Paksa Komunikasyon

Komunikasyon 1st semester

Uploaded by

jasonandme54
Copyright
© © All Rights Reserved
We take content rights seriously. If you suspect this is your content, claim it here.
Available Formats
Download as PDF, TXT or read online on Scribd
0% found this document useful (0 votes)
358 views7 pages

Mga Pagtalakay Sa Paksa Komunikasyon

Komunikasyon 1st semester

Uploaded by

jasonandme54
Copyright
© © All Rights Reserved
We take content rights seriously. If you suspect this is your content, claim it here.
Available Formats
Download as PDF, TXT or read online on Scribd
You are on page 1/ 7

KOMUNIKASYON AT PANANALIKSIK SA WIKA AT KULTURANG PILIPINO

Unang Kuwarter
Unang Semestre, T/P 2024-2025

MGA PAGTALAKAY SA PAKSA


KABANATA I: TUNGO SA MABISANG KOMUNIKASYON

ARALIN 1.1: Mga Konseptong Pangwika-Kahulugan,Kahalagahan at mga Pananaw sa iba’t ibang Awtor
ANG KAHULUGAN NG WIKA
• Napakahalagang instrumento sa komunikasyon
• Behikulong ginagamit sa pakikipag-usap at pagpaparating ng mensahe.
• Ang salitang Latin na lingua ay nangangahulugang “dila” at “wika” o “lengguwahe”.
• Ang mga salitang wika at dila ay halos magkaparehong kahulugan.
MGA IBA’T IBANG PANANAW UKOL SA KAHULUGAN NG WIKA
PAZ, HERNANDEZ AT PENEYRA (2003)
Ang wika ay tulay na ginagamit para maipahayag at mangyari ang anumang minimithi o pangangailangan
natin.
HENRY ALLAN GLEASON, JR.
Ang wika ay masistemang balangkas ng sinasalitang tunog na pinipili at isinasaayos sa paraang arbitraryo
upang magamit ng mga taong kabilang sa isang kultura.
CAMBRIDGE DICTIONARY
Ang wika ay isang sistema ng komunikasyong nagtataglay ng mga tunog, salita, at gramatikang ginagamit
sa pakikipagtalastasan ng mga mamamayan sa isang bayan o sa iba’t ibang uri ng gawain.
CHARLES DARWIN
Ang wika ay isang sining tulad ng paggawa ng serbesa o pagbe-bake ng cake o pagsusulat.
BERNALES ET AL. 2002
Ang wika ay proseso ng pagpapadala at pagtanggap ng mensahe sa pamamagitan ng simbolikong cues na
maaaring berbal o di-berbal.
Caroll 1973: 289
Ang wika ay isang kaayusang sistema ng mga tunog na gamit sa interpersonal na komunikasyon at
nakgagawa nang puspusang pagkakatatag ng mga bagay, pangyayari, at mga proseso ng mga karanasan ng mga
tao.
Mangahis et al., 2005
May mahalagang papel na ginagampanan ang wika sa pakikipagtalastasan. Ito ang midyum na ginagamit
sa maayos na paghahatid at pagtanggap ng mensahe na susi sa pagkakaunawaan.
Lumbera, 2007
Parang hininga ang wika. Gumagamit tayo ng wika upang kamtin ang bawat pangangailangan.
UP Diksiyonaryong Filipino, 2002
Ang wika ay lawas ng mga salita at sistema ng paggamit sa mga ito na laganap sa isang sambayanan na
may iisang tradisyong pangkultura at pook na tinatahanan.

Aralin 1.2: Mga Konseptong Panwika- Ang Wikang Pambansa, Wikang Opisyal at Wikang Panturo

WIKANG PAMBANSA
Ang wika ay sagisag ng pambansang pagkakakilanlan. Ang wikang pambansa ay siyang susi sa pagkakabuklod-
buklod ng damdamin at diwa ng mga mamamayan.
PAMBANSANG WIKA- Hindi naging madali ang pagpili nito Dumaan sa mahaba at masalimuot na proseso
1934- Nagkaroon ng Kumbensyong Konstitusyunal - Lope K. Santos at Pangulong Manuel L. Quezon
1935- Art. XIV Seksyon 3 ng 1935 na Saligang Batas - Batas komonwelt Blg 184 (Surian ng Wikang Pambansa)
1937- iprinoklama ni Pangulong Quezon ang wikang Tagalog bilang batayan (Kautusang Tagapagpaganap Blg. 134)
1940- inumpisahang ituro ang wikang pambansang batay sa Tagalog sa lahat ng paaralan- publiko at pribado
1946- ipinahayag na Tagalog at Ingles ang opisyal na wika ng Pilipinas (Batas Komonwelt Blg. 570)
1959- pinalitan ng Pilipino ang wikang pambansa (Kautusang Pangkagawaran Blg. 7)
1972- nagkaroon ng mainitang pagtatalo sa Kumbensyong Konstitusyunal - unang na gamit ang salitang Filipino
bilang bagong katawagan sa wikang pambansa ngunit hindi napagtibay
1987- Art. XIV, Seksyon 6 ng S.B. - Ang wikang pambansa ng Pilipinas ay Filipino.

WIKANG OPISYAL
Wika na maaaring gamitin sa anumang uri ng komunikasyon (lalo na sa anyong nakasulat, sa loob at labas
ng alinmang sangay o ahensiya ng gobyerno)

WIKANG PANTURO
1. Ginagamit sa pormal na edukasyon.
2. Ginagamit sa pagtuturo at pag-aaral sa mga eskuwelahan.
3. Wika sa pagsulat ng mga aklat at kagamitan sa pagtuturo sa silid-aralan.
4. Sa pagpasok ng K-12 kurikulum, ang Mother Tongue o unang wika ay naging opisyal na wikang panturo
mula kindergarten hanggang grade 3
5. Tinawag itong Mother Tongue-Based-Multilingual Education (MTB-MLE)
Ang mga wika at diyalekto para magamit ang MTB-MLE (19)
1. Tagalog 11. Mëranao
2. Kapampangan 12. Chavacano
3. Pangasinense 13. Ybanag
4. Iloko 14. Ivatan
5. Bikol 15. Sambal
6. Cebuano 16. Aklanon
7. Hiligaynon 17. Kinaray-a
8. Waray 18. Yakan
9. Tausug 19. Surigaonon
10. Maguindanaoan

Aralin 1.3: Mga Konseptong Panwika- Mga Katangian ng Wika

1. MASISTEMANG BALANGKAS
-Isinasaayos ang mga tunog sa sistematikong paraan upang bumuo ng makabuluhang yunit katulad ng
mga tunog, salita, parirala, pangungusap at diskors.
Ponolohiya- maka agham na pag-aaral ng mga tunog
Morpolohiya- maka agham na pag-aaral ng mga morpema
Sintaksis- maka agham na pag-aaral ng mga sistema ng pagsasama sama o pag-uugnay ugnay ng mga
salita upang bumuo ng pangungusap
Diskors- makabuluhan na palitan ng mga pangungusap na dalawa o higit pang tao
2. SINASALITANG TUNOG
-Galing sa magkakasunod-sunod na tunog na nabubuo sa pamamagitan ng interaksyon ng iba’t ibang
aparato sa pagsasalita tulad ng bibig, dila, ngipin, ngalangala, velum at gilagid.
SPEECH ORGANS-Ang tawag sa mga bahagi ng katawan na ginagamit natin sa pagpapahayag
3. ARBITRARYO
-Ang wika ay napagkakasunduan ng mga gumagamit nito
4. KOMUNIKASYON
-Kasangkapan ng komunikasyon ng dalawa o higit pang taong nag-uusap.
-naipapahayag ang damdamin, kaisipan, pangarap, imahinasyon, layunin at pangangailangan ng tao
5. PANTAO
-Isang exclusibong pag-aari ng tao ang wika.
-Ang pagkakaroon ng wika ay isang katangian na ikinaiiba ng tao sa ibang nilalang.
6. GINAGAMIT
-Upang manatili ang wika kinakailangan na ginagamit ito.
7. NATATANGI/KAKANYAHAN
-Bawat wika ay may kaibahan sa ibang wika. Walang dalawang wika ang magkatulad
-may sariling panggramatika, sistema ng ponolohiya, morpolohiya, sintaksis at pang sematika.
8. MALIKHAIN
-May kakayahan ang wika na makabuo ng walang katapusang dami ng pangungusap
-Nakabubuo ng iba’t ibang pangungusap o pahayag
9. BUHAY/ DINAMIKO
-Ang wika ay buhay at patulog sa pagbabago dahil patuloy na nagbabago ang pamumuhay ng tao at
iniaangkop ang wika sa mabilis na takbo ng buhay dulot ng agham at teknolohiya.

ARALIN 2: MONOLINGGUWALISMO, BILINGGUWALISMO, MULTILINGGUWALISMO

UNANG WIKA (L1) ang tawag sa wikang kinagisnan mula sa pagsilang at unang itinuro sa isang tao. Tinatawag din
itong katutubong wika, mother tongue, at arterial na wika. Sa wikang ito pinakamatatas o pinakamahusay na
naipahahayag ng tao ang kanyang mga ideya, kaisipan, at damdamin. Habang lumalaki ang bata ay nagkakaroon
siya ng exposure sa iba pang wika sa kanyang paligid na maaaring magmula sa telebisyon, o sa iba pang tao. Dito
ngayon umuusbong ang kanyang PANGALAWANG WIKA (L2).
Sa pagdaraan ng panahon ay lalong lumalawak ang mundo ng bata. Dumarami pa ang mga taong nakasasalamuha
niya, gayun din ang mga lugar na kanyang nararating, mga palabas na kanyang napapanood sa telebisyon, mga
aklat na kanyang nababasa at tumataas din ang antas ng kanyang pag-aaral. Ang wikang ito ang ginagamit niya sa
pakikiangkop sa lumalawak na mundong kanyang ginagalawan. Ito ang IKATLONG WIKA O L3.
MONOLINGGUWALISMO ang tawag sa pagpapatupad ng iisang wika sa isang bansa tulad ng isinasagawa sa mga
bansang England, Pransya, South Korea, Hapon at iba pa. Maliban sa edukasyon, sa sistemang
monolingguwalismo ay may iisang wika ring umiiral bilang wika ng komersyo, wika ng negosyo, at wika ng
pakikipagtalastasan sa pang-araw araw na buhay.

BILINGGUWALISMO
-Ang salitang bilingguwalismo ay galing sa salitang “bi” (dalawa) “lingua” (wika) at “ismo” (pag-aaral).
Samakatuwid, ang bilingguwalismo ay tumutukoy sa pag-aaral ng dalawang wika.
-ay paggamit at pagkontrol ng tao sa dalawang wika na tila ba ang dalawang ito ay kanyang katutubong wika.
Maituturing na bilingguwal ang isang tao kung magagamit niya ang dalawang wika ng matatas sa lahat ng
pagkakataon.
MULTILINGGUWALISMO
-Pagkakaroon ng kakayahang gumamit ng maraming wika nang may parehong katatasan sa mga ito (Frank Clint
2023)
-Ang Pilipinas ay isang bansang multilingguwal. Mayroon tayong mahigit 150 na wika at wikain.

ARALIN 3: MGA BARAYTI NG WIKA

1. DIYALEKTO-ito ay ginagamit ng partiikular na pangkat ng mga tao mula sa isang partikular na lugar tulad ng
lalawigan, rehiyon, o bayan.
2. IDYOLEK- Kahit iisang dayalek ang sinasalita ng pangkat ng mga tao ay mayroon pa ring pansariling paraan
ng pagsasalita ang bawat isa.
3. SOSYOLEK- Ito ang barayti ng wika na nakabatay sa katayuan o antas panlipunan o dimensiyong sosyal ng
mga taong gumagamit ng wika.
4. ETNOLEK- Ito ay barayti ng wika mula sa mga etnolongguwistikong grupo. Mula sa pinagsamang etniko at
dialek, taglay nito ang mga salitang nagiging bahagi na ng pagkakakilanlan ng isang pangkat-etniko.
5. REGISTER- barayti ng wika kung saan naiaangkop ng isang nagsasalita ang uri ng wikang ginagamit niya sa
sitwasyon at sa kausap. Nagagamit ng nagsasalita ang pormal na tono ng pananalita kung ang kausap niya
ay isang taong may mas mataas na katungkulan o kapangyarihan, nakatatanda, o hindi niya masyadong
kakilala.
6. PIDGIN AT CREOLE- Ang pidgin ay umusbong na bagong wika o tinatawag sa Ingles na ‘nobody’s native
language’ o katutubong wikang di pag-aari ninuman. Ang Creole ang wikang nagmula sa isang pidgin at
naging unang wika sa isang lugar.

ARALIN 4: GAMIT NG WIKA SA LIPUNAN

7 TUNGKULIN NG WIKA SA LIPUNAN AYON KAY M.A.K. HALLIDAY

1. INSTRUMENTAL – ito ang tungkulin ng wikang tumutugon sa pangangailangan ng tao.


2. REGULATORYO – ito ang tungkulin ng wikang tumutukoy sa pagkontrol sa asal o ugali ng ibang tao.
3. INTER-AKSIYONAL – ito ang tungkulin ng wikang makikita sa paraan ng pakikipag-ugnayan
4. PERSONAL - saklaw ng tungkuling ito ang pagpapahayag ng sariling opinion o kuro-kuro
5. HEURISTIKO- pagkuha o pagkalap ng impormasyon
6. IMPORMATIBO – kabaliktaran ng heuristiko, pagbibigay ng impormasyon
7. IMAHINATIBO-Mahalaga naman ang imahinatibong tungkulin ng wika upang ipahayag ang
imahinasyon at haraya ,maging mapaglaro sa gamit ng mga salita,lumikha ng bagong kapaligiran o
bagong daigdig.(Batnag et al,2016)

6 NA GAMIT NG WIKA AYON KAY JAKOBSON (2003)


1. Pagpapahayag ng damdamin (Emotive)-Saklaw nito ang pagpapahayag ng mga saloobin, damdamin,
at emosyon.
2. Panghihikayat (Conative)-Ito ay ang gamit ng wika upang makahimok at makaimpluwensiya sa iba sa
pamamagitan ng pag-uutos at pakiusap.
3. Pagsisimula ng pakikipag-ugnayan (Phatic) -Ginagamit ang wika upang makipag-ugnayan sa kapwa
at makapagsimula ng usapan.
4. Paggamit bilang sanggunian (Referential)-Ipinakikita nito ang gamit ng wikang nagmula sa aklat at iba
pang sangguniang pinagmulan ng kaalaman upang magparating ng mensahe at impormasyon
ipinadala mo.
5. Paggamit ng kuro-kuro (Metalingual)-Ito ang gamit nalumilinaw sa mga suliranin sa pamamagitan ng
pagbibigay ng komento sa isang kodigo o batas.
6. Patalinghaga (Poetic)- Saklaw nito ang gamit ng wika sa masining na paraan ng pagpapahayag gaya ng
panulaan, prosa, sanaysay, at iba pa.

ARALIN 5: KASAYSAYAN NG WIKANG PAMBANSA (UNANG BAHAGI)


MGA TEORYA NG PINAGMULAN NG WIKA
1. Paniniwala sa Banal na Pagkilos ng Panginoon- Ang mga teologo ay naniniwalang ang pinagmulan ng
wika ay matatagpuan sa Banal na Aklat. Sa Genesis 2:20 naisulat na “At pinangalanan ng lalaki ang lahat
ng mga hayop, at ang mga ibon sa himpapawid, at ang bawat ganid sa parang.” Ayon sa bersong ito
magagamit kasabay ng pagkalalang sa tao ay ang pagsilang din ng wika na ginagamaitsa
pakikipagtalastasan.
2. Ang Tore ng Babel- 11 Sa simula'y iisa ang wika at magkakapareho ang mga salitang ginagamit ng lahat ng
tao sa daigdig. 2 Sa kanilang pagpapalipat-lipat sa silangan,[a] nakarating sila sa isang kapatagan sa Shinar
at doon na nanirahan. 3 Nagkaisa silang gumawa ng maraming tisa at lutuin itong mabuti para tumibay. Tisa
ang ginagamit nilang bato at alkitran ang kanilang semento. 4 Ang sabi nila, “Halikayo at magtayo tayo ng
isang lunsod na may toreng abot sa langit upang maging tanyag tayo at huwag nang magkawatak-watak sa
daigdig.”5 Bumabâ si Yahweh upang tingnan ang lunsod at ang toreng itinayo ng mga tao. 6 Sinabi niya,
“Ngayon ay nagkakaisa silang lahat at iisa ang kanilang wika. Pasimula pa lamang ito ng mga binabalak
nilang gawin. Hindi magtatagal at gagawin nila ang anumang kanilang magustuhan. 7 Ang mabuti'y bumabâ
tayo at guluhin ang kanilang wika upang hindi sila magkaintindihan.” 8 At ginawa ni Yahweh na ang mga tao
ay magkawatak-watak sa buong daigdig, kaya natigil ang pagtatayo ng lunsod. 9 Babel[b] ang itinawag nila sa
lunsod na iyon, sapagkat doo'y ginulo ni Yahweh ang wika ng mga tao. At mula roon, nagkawatak-watak
ang mga tao sa buong daigdig dahil sa ginawa ni Yahweh.
-Genesis 11: 1-9 Ang Bagong Magandang Balita Bibliya
3. Ebolusyon -Ayon sa mga antropologo, masasabi raw na sa pagdaan ng panahon ang mga tao ay
nagkaroon ng mas sopistikadong pag-iisip. Umunlad ang kakayahan ng taong tumuklas ng mga bagay na
kakailanganin nila upang mabuhay kaya sila ay nakadiskubre ng mga wikang kanilang ginamit sa
pakikipagtalastasan. Nagsulputan ang mga sumusunod na teoryang nagtatangkang ipaliwanag ang
pinagmulan ng wika.
a. Teoryang Ding-Dong- Sa teoryang ito nagmula ang wika sa panggagaya ng mga sinaunang tao sa
mga tunog ng kalikasan.
b. Teoryang Bow-Wow- Katulad ng teoryang Ding-Dong, ang wika raw ay nagmula sa panggagaya ng
mga sinaunang tao sa mga tunog na nilikha ng mga hayop, katulad ng bow-wow para sa aso, ngiyaw para
sa pusa, kwak-kwak para sa pato, at moo para sa baka.
c. Teoryang Pooh-Pooh- Isinasaad ng teoryang ito na nagmula raw ang wika sa mga salitang
namutawi sa mga bibig ng sinaunang tao nang nakaramdam sila ng masisidhing damdamin tulad ng
tuwa, galit, sakit, kalungkutan, at pagkabigla.
d. Teoryang Ta-Ta-Batay sa teoryang ito, may koneksiyon ang kumpas o galaw ng kamay ng tao sa
paggalaw ng dila. Ito raw ay nagging sanhi ng pagkatuto ng taong lumikha ng tunog at matutong magsalita.
e. Teoryang Yo-he-ho- Ayon sa teoryang ito, ang wika ay nabuo mula sa pagsasama-sama, lalo na
kapag nagtatrabaho nang magkasama. Ang mga tunog o himig na namumutawi sa mga bibig ng tao
kapag sila at nagtatrabaho nang sama-sama ay sinasabing pinagmulan ng wika.

KASAYSAYAN NG WIKANG PAMBANSA


1. PANAHON NG MGA KATUTUBO
Bago pa man dumating ang mga Kastila’y may sarili nang kalinangan ang Pilipinas. Mayroon nang
sariling pamahalaan (sa kaniyang barangay), may sariling batas, pananampalataya, sining, panitikan at
wika. Ang bagay na ito’y pinatutunayan ng mga mananalasysay na kastilang nakarating sa kapuluan. Isa na
sa nagpatunay sa kalinangan ng Pilipinas si Padre Perdro Chirino sa kaniyang Relacion de las Islas
Filipinas (1604). Sinabi niyang may sariling wika sa Pilipinas at ang mga naninirahan dito’y may sistema ng
pagsulat na tinatawag na alibata o baybayin. Ang baybayin any binubuo ng labimpitong titik-tatlong patinig
at labing-apat na katinig.
Ang ginagamit na pinakapapel noon ay ang mga biyas ng kawayan, mga dahon ng palaspas o balat
ng punongkahoy at ang pinakapanulat nila’y ang mga dulo ng matutulis na bakal o iyong tinatawag sa
ngayong lanseta. Sa kasamaang palad, ang mga katibayan ng kanilang pagsulat noo’y hindi na
matatagpuan sapagkat sinunog ng mga mananakop na Kastila dahil ang mga iyon daw ay gawa ng mga
diyablo.

Mayaman sa mga kuwentong-bayan ang Pilipinas. Ito ang kabang- yaman ng ating panitikan. Dito
nasasalamin ang naging buhay ng ating mga ninuno.
2. PANAHON NG MGA KASTILA

Iniutos ng Hari na gamitin ang Wikang Katutubo sa pagtuturo ngunit hindi naman ito nasunod.
Nagmungkahi naman si Gobernador Tello na turuan ang mga Indio ng wikang Espanyol. Sina Carlos I at
Felipe II naman ay naniniwalang kailangang maging bilingguwal ng mga Pilipino. Iminungkahi ni Carlos I na
ituro ang Doctrina Christiana gamit ang wikang Espanyol. Sa huli, napalapit ang mga katutubo sa mga
prayle dahil sa wikang katutubo ang ginamit nila samantalang napalayo naman sa pamhalaan dahil sa
wikang Espanyol ang gamit nila.
Mababatid sa parte ng kasaysayang ito na nanganganib ang wikang katutubo. Lalong
nagkakawatak-watak ang mga Pilipino. Matagumpay na nahati at nasakop ng mga Espanyol ang mga
katutubo. Hindi nila itinanim sa isipan ng mga Pilipino ang kahalagahan ng isang wikang magbibigkis ng
kanilang damdamin.

3. PANAHON NG REBOLUSYONG PILIPINO


Matapos ang mahigit na tatlong daang taong pananahimik dahil sa pananakop ng Espanyol,
namulat ang mga mamamayan sa kaapihang kanilang dinanas. Sa panahong maraming Pilipino ang naging
matindi ang damdaming nasyonalismo. Nagtungo sila sa bansa upang kumuha ng mga karunungan.

Nagkaroon din ng kilusan ang mga propagandista noong 1872 na siyang naging simula ng
kamalayan upang maghimagsik. Itinatag din ni Andres Bonifacio ang Katipunan. Ang wikang Tagalog ang
ginamit sa kanilang mga kautusan at pahayagan. Ito ang sinasabing unang hakbang sa pagtataguyod ng
wikang Tagalog.

Nang panahong iyon sumibol sa mga manghihimagsik na Pilipino ang kaisipang “Isang Bansa Isang
Diwa” laban sa mga Espanyol. Pinili nilang gamitin ang Tagalog sa pagsulat ng mga sanaysay, tula,
kuwento, liham, at mga talumpating punumpuno ng damdaming Makabayan. Masasidhing damdamin
laban sa mga Espanyol ang pangunahing paksa ng kanilang mg isinulat. Kahit si Rizal at iba pang
propagandistang sumulat na gamit ang wikang Espanyol a nakabahatid na ang wika ay malaking bahagi
upang mapagbuklod ang kanilang mga kababayan.
Masasabing ang unang kongkretong pagkilos og mga Pilipino ay nang pagtibayin a Konstitusyon ng
Biak-na-Bato noong 1899. Ginawang opisyal na wika ang Tagalog bagamat walang isinasaad na ito ang
magiging wikang pambansa ng Republika
Nang itinatag ang Unang Republika sa pamumuno ni Aguinaldo, isinaad sa Konstitusyon ang paggamit ng
wikang Tagalog ay opsiyonal. Doon lamang sa mga gawaing nangangailangan ng paggamit ng wikang
Tagalog ito gagamitin. Sinasabing ang pamamayani ng mga Ilustrado sa Asembleyang Konstitusyonal ang
pangunahing dahilan nito. Nais ding maakit ni Aguinaldo ang mga di Tagalog. Nakalulungkot isiping naging
biktima ng politika ang wikang Tagalog. Nag-uumpisa pa lamang sana itong lumago ay napailalim na
naman ito sa dayubang wika.

ARALIN 6: KASAYSAYAN NG WIKANG PAMBANSA (IKALAWANG BAHAGI)


4. PANAHON NG MGA AMERIKANO

5.
6.

Mga Sanggunian: Aklat sa Pinagyamang Pluma:Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino, at


CO_Q1_KPWKP SHS Module 9

You might also like