0% found this document useful (0 votes)
53 views4 pages

Banghay - Aralin Week6

Week
Copyright
© © All Rights Reserved
We take content rights seriously. If you suspect this is your content, claim it here.
Available Formats
Download as DOCX, PDF, TXT or read online on Scribd
0% found this document useful (0 votes)
53 views4 pages

Banghay - Aralin Week6

Week
Copyright
© © All Rights Reserved
We take content rights seriously. If you suspect this is your content, claim it here.
Available Formats
Download as DOCX, PDF, TXT or read online on Scribd
You are on page 1/ 4

Banghay- Aralin sa Filipino

GRADE 11
Sept.26-30, 2022

Natutukoy ang iba’t ibang gamit ng wika sa lipunan sa pamamagitan ng napanood na


palabas sa telebisyon at pelikula (Halimbawa: Be Careful with My Heart, Got to Believe,
Ekstra, On The Job, Word of the Lourd (http://lourddeveyra.blogspot.com) F11PD – Id –
87

I. Layunin
1. Nakikilala ang iba’t ibang komunikatibong gamit ng wika sa lipunan
2. Nakabubuo ng dalawang minutong commercial na nagpapakita ng isa sa
alinmang gamit ng wika sa lipunan

II. Paksang Aralin

Komunikatibong Gamit ng Wika sa Lipunan


Sanggunian: Komunikasyon sa Akademikong Filipino
Austero, et al. 2012
Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino
Taylan, et.al. 2016
Kagamitan: Powerpoint presentation, papel at bolpen

III. Pamamaran

A. Pagganyak
Pagbabalik-Aral sa nakaraang leksiyon
Suriin ang mga lawaran sa ibaba, Tukuyin kung ano ang iyong napansin sa
bawat larawan?

B. Aktiviti
Punan ang tsart ng kaalaman ukol sa larawang iyong napansin

Modernong Teknolohiya Paano Gamitin Nakatutulong ba ito


upang palaganapin ang
paggamit ng wika? (Oo o
Hindi)
C. Analisis
Itanong sa klase ang sumusunod:
1. Paano mapaghahambing ang pasalita at pasulat na gamit ng wika?
2. Bakit kailangang mapaghambing ang pasalita at pasulat na gamit ng wika?

D. Abstraksyon
Pag-usapan sa klase ang mga sumusunod:
Inilahad ni Halliday (1973) sa kaniyang Explorations in the Functions of
Language, na ang mga tungkuling ginagampanan ng wika sa ating buhay ay
kinategorya. Ginagamit nang pasalita at pasulat ang nasabing tungkulin. Pasalita
man o pasulat, may kaniya-kaniyang gamit ang wika sa lipunan. Mahalaga ang
mga nasabing tungkulin o gamit ng wika sa epektibong pakikipagkomunikasyon.
PANG-INSTRUMENTAL
Katangian: Tumutugon sa mga pangangailangan. Nagpapahayag ng
pakikiusap, pagtatanong, at pag-uutos.
Pasalita Pasulat
Pakikitungo, Pangangalakal, Pag- Liham Pangangalakal
uutos

PANG-INtERAKSIYONAL
Katangian: Nakapagpapanatili, nakapagtatatag ng relasyong sosyal.
Pasalita Pasulat
Pormulasyong Panlipunan Liham Pangkaibigan
-Pangungumusta, pag-aanyayang -Imbitasyon sa isang okasyon
kumain, at marami pang iba (kaarawan, anibersaryo)

PANREGULATORI
Katangian: Kumukontrol/Gumagabay sa kilos at asal ng iba.
Pasalita Pasulat
Pagbibigay ng panuto/direksiyon, Resipe,direksiyon sa tuntunin sa
paalala Batas na ipinatupad

PAMPERSONAL
Katangian: Nakapagpapahayag ng sariling damdamin/opinion
Pasalita Pasulat
Pormal o Di-pormal na talakayan, Editoryal o pangulong tudling,
debate pagsulat ng suring-basa.

PANGHEURISTIKO
Katangian: Naghahanap ng mga impormasyon o datos.
Pasalita Pasulat
Pagtatanong, pananaliksik Sarbey, pamanahong papel

PAREPRESENTATIBO
Katangian: Nakapagpapahayag ng komunikasyon sa pamamagitanng mga
simbolo o sagisag.
Pasalita Pasulat
Pagpapahayag ng hinuha o pahiwatig Mga anunsiyo. Paalala
sa mga Simbolismo ng bagay o
paligid
PANG-IMAHINASYON
Katangian: Ang pagiging malikhain ng tao ay tungkuling nagagampanan niya
sa wika. Nalilikha ng tao ang mga bagay-bagay upang maipahayag niya ang
kaniyang damdamin.
Pasalita Pasulat
Pagbigkas ng tula Pagsulat ng akdang pampanitikan.

Gamit ng Wika sa Lipunan


Ang mga sumusunod ay ang mga gamit ng Wika sa Lipunang Pilipino. Hindi
man natin batid ay araw-araw nating ginagamit ang mga ito sa
pakikipagkomunikasyon.

Conative – Ginagamit kung nagbibigay ng utos. Hal.: Pakikuha naman ng mask


ko sa loob ng kwarto. Junjun, pakainin mo nga ang mga alagang kambing sa
kural.
Informative – Ginagamit kung nagbibigay ng impormasyon Hal.: San Miguel ang
isa sa pinakaunang kompanya ng inumin sa Pilipinas. Makasaysayang lugar ang
Luneta Park para sa lahat ng mga Pilipino.
Labelling – Ginagamit kung nagbibigay ng panawag/turing Hal.: Bansag na
PGMA bilang tawag kay dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo. Si
Fernando Poe Jr. ay kilala rin bilang “The King”.
Phatic - ang gamit ng wika bilang panimula sa isang usapan o pakikipag-
ugnayan sa kapwa. Karaniwang maikli ang mga usapang Phatic. Social talk o
Small talk ang tawag nito sa Ingles. Hal:. Magandang Umaga po Manong Joe.
Salamat sa regalo Bb. Santos.
Emotive - Sa mga sitwasyon sinasabi natin ang ating mga nararamdaman tulad
ng: masaya ako, kinakabahan ako, galit ako, at iba pa. Hal. Nakakapagsiklab ng
damdamin ang ginawa ng mga tao sa mag-inang elepante sa India.Nakakatakot
ang bagong episode ng “Gabi ng Lagim” ng Kapuso Mo, Jessica Soho.
Expressive - Sa ilang usapin, personal man o panlipunan, nababanggit natin
ang mga saloobin o kabatiran, ideya o opinion ang gamit ng wika kung maririnig
natin ang maga pariralang “paborito ko”, “gusto ko” “palagay ko” at iba pa. Hal.:
Sa ganang akin, epektibong pangontra para sa mga terorista ang “Anti-Terror
Bill”. Paboritong kong artista si Coco Martin

E. Aplikasyon
Nais kong bigyang pansin mo ang ilan sa mga konseptong mababasa sa
ibaba. Basahing mabuti. Nais ko ring pagmuni-munihan mo ang mga sumusunod na
katanungang bahagi ng pagkatuto ng aralin.

1. Bilang mag-aaral, mahalaga ang pagtukoy sa mga gamit ng wika sa lipunan dahil
_________________________________________________________________.
2. Sa aking palagay, kailangang nating matutuhan ang mga gamit ng wika sa lipunan
liban sa kabahagi ito ng aralin sa Filipino dahil
______________________________________________________________.
3. Hindi magkakaroon ng tunay na pagkakakilala sa ating karangalan bilang isang
bansa hangga’t wala tayong wika na sariling atin. Ito ay totoo/hindi totoo sapagkat
______________________________________________________________.

IV. Pagtataya
Mamili lamang ng isa sa mga sumusunod. Itatanghal mo ang isa sa mga
gawaing iyong pinili sa pamamagitan ng video o pagrekord. 1. Pagtula, 2. Pag-awit,
3. Paggawa ng Tiktok Video, 4. Pagbi-vlog, 5. Concert. Ikaw na ang bahalang mamili
kung anong twist ang gusto mo sa gagawin mong video.
Rubrik
5 pts. – Kawastuhan sa gamit ng wika
5 pts. – Kaangkupan sa ginamit na pamamaraan
5 pts. – Pagiging malikhain o artistiko
5 pts. – Dating sa madla
20 puntos

V. Takdang-Aralin
Panuto: Gumawa ng isang commercial na itatanghal mo sa iyong guro sa
panahong magkikita na kayo. Ang nasabing commercial ay kailangang maglaman ng
tatlo hanggang limang gamit ng wika. Ang nasabing gawain ay magiging kabuuan ng
natutunan mo sa aralin ito. Ang commercial ay magtatagal ng 2-5minuto.

Rubrik sa Pagtataya ng Commercial


Krayterya Lubhang kasiya- Kasiya-siya (4) Nalilinang (3)
siya (5)
Gamit ng Wika sa
Lipunan
Pagiging malikhain
Kasuutan/Props
Kaangkupan ng
gramatika/estruktur
a sa itinanghal na
commercial
Kabuuang Iskor

Inihanda ni:

SHERYL G. RAMORAN-LEAL
Guro

Inaprobahan ni:

GLENDA C. FERMAN
Filipino-Department Head

You might also like