Komunikasyon at
Pananaliksik sa Wika at
Kulturang Filipino
Unang Markahan – Modyul 8:
Paraan ng Paggamit ng Wika
sa Lipunan
Iba’t Ibang
Sitwasyon ng
Gamit ng Wika
sa Lipunan
Kasabay ng paglipas ng panahon, natututo rin tayo sa iba’t
ibang uri ng wika na angkop lamang gamitin sa
natatanging sitwasyon. Ang mga wikang ito ay may
sapat na kakayahan, tungkulin at kasanayan na kailangang
pagtuonan ng pansin upang masanay ang sarili sa tamang
paggamit nito upang magkaroon ng isang epektibong
komunikasyon.
Ayon kay Halliday noong 1973 sa kanyang “Explorations
in the Functions of Language”, mayroong kategorya na
ginagampanan ang wika sa ating buhay. Ito ay pasulat at
pasalitang paggamit ng wika.
Halimbawa:
Pasulat: Pagpapadala ng liham sa guro dahil sa hindi pagpasok sa
klase sapagkat mayroong sakit.Bahagi ng kulturang Pilipino ang
pagpapabatid sa guro ng kanyang kalagayan sa pamamagitan ng
liham. Ang liham na ito ang makatutulong sa magaaral upang
makahabol sa mga gawaing hindi nagawa habang siya ay nakaliban
sa klase.
Pasalita: Pag-uusap ng guro at mag-aral sa panahong nagpapasa
ng mga sagot sa modyul. Karaniwang ang mga salitang ginagamit
ay may paggalang habang nakikipag-usap. Makikita sa ibaba ang
ilan pa sa mga halimbawa ng sitwasyon o gawaing pasalita at
pasulat kaugnay ng gamit ng wika ni Halliday:
Gamit ng Wika
ayon kay Pasalita Pasulat
M.A.K. Halliday
1. Instrumental
(tumutugon sa Pag-uutos, pakikitungo Liham-pangangalakal
pangangailangan)
2. Regulatori
Pagsasabi ng mga paalala Pagbibigay ng panuto sa
(kumokontrol o
tungkol sa mga health pagsusulit, resipi
gumagabay sa
protocol
kilos o asal ng ibang Tao)
3. Interaksyunal
(nagpapatatag at
Pag-aayayang
Pagbuo ng imbitasyon o
nagpapanatili ng relasyong kumain,pagpatuloy sa
programa
sosyal sa bahay, pagpapalitan ng
kapwa tao). biro
4. Personal
(pagpapahayag ng Pormal/di-pormal na Pagbuo ng editoryal at
sariling damdamin talakayan, debate pagsulat ng Suring- Basa
o opinyon)
5. Heuristiko
(paghanap o Pagsasagawa ng sarbey Pagsulat ng pamanahong
paghingi ng tungkol sa pandemya papel, tesis
impormasyon)
6. Representatibo/
Pagbibigay ng pahayagan, mga anunsyo
Impormatibo (pagsagot sa
mga tanong,pagpapahayag ng impormasyon, pag-uulat at patalastas
mga hinuha o pahiwatig)
7. Imahinasyon
(pagpapahayag ng Pagbigkas ng tula, Pagsulat ng sariling tula
imahinasyon sa pagganap sa teatro
malikhaing paraan)
Ilan lamang ito sa iba’t ibang sitwasyong pangwika sa lipunan na maituturing
nating bahagi ng kultura.
Malaki ang impluwensya ng kultura sa pag-unlad ng wika. Bahagi ng ating
kultura ang pandarayuhan dala-dala ang kanilang sariling wika. Mula sa mga
wikang ito na pinag-aralang bigkasin at gamitin, nakalilikha ng bagong salita na
nagiging bahagi ng bokabularyo ng isang pamayanan o lipunan.
Gawain 1.2: Isulat ang T kung ang pahayag ay tama at M
naman kung mali. Isulat
sa sagutang papel.
1. Ang sitwasyon ng gamit ng wika sa Pilipinas ay hindi na umiiral
ngayon.
2. Ang heuristiko ay paraan ng pangangalap ng datos.
3. Ang sitwasyon ng wika sa lipunan ay maaaring pasulat at
pasalita.
4. Kapag sinasabi kung ano ang dapat o hindi dapat gawin, ito ay
kabilang sa
regulatori.
5. Kapag nagpapahayag ng imahinasyon sa malikhaing paraan, ito
ay
instrumental na gamit ng wika.
Gawain 1.3: Tukuyin kung ang sumusunod na
sitwasyon sa lipunan ay mas
mainam na pasulat o pasalita. Isulat sa
sagutang papel.
1. Pagtatanong
2. Pagpapaliwanag sa kausap
3. Paghingi ng paumanhin sa text message
4. Pagbuo ng resipi ng isang ulam
5. Pamimili sa palengke
ANSWER KEY !!
Gawain 1.2
1.M
2.T
3.T
4.T
5.M
Gawain 1.3:
1. Pasalita
2.Pasalita
3.Pasulat
4.Pasulat
5.Pasalita