8
Most read
9
Most read
11
Most read
ANEKDOTA
•Ito ay mula sa salitang Griego na
“Anekdoto/Anekdota” nangangahulugang
“unpublished/hindi nailathala” na may
orihinal na salin sa Ingles na “secret or
private stories. Ngunit ang
pinakakaraniwang kahulugan ngayon ay
ang tungkol sa "isang nakakatawang
kuwento tungkol sa isang bagay na
nangyari."
ANEKDOTA
•Isang kuwentong nakawiwili at
nakatutuwang pangyayari sa buhay ng
isang tao. Layon nitong
makapagpabatid ng isang magandang
karanasan na kapupulutan ng aral.
Ito’y magagawa lamang kung ang
karanasan o mga pangyayari ay
makatotohanan.
Anekdota vs. Maikling kuwento
•Paano mo masasabi na ang kuwento mo ay
isang kuwento? Baka naman ang kuwento
mo ay yaong isinasalaysay mo lang sa iyong
kaibigan, kuwentong hindi nailathala.
•Ang Anekdota ay may iilang elemento tulad
ng tauhan, tagpuan at aksyon di tulad ng
Maikling kuwento.
Anong nangyari sa pisngi mo? Bakit
may peklat ‘yan?
• Noong ako ay labing-apat na taong gulang, naghahanap
ako ng mga organismo sa mga bato sa dagat (totoo!) Isang
napakalaking alon ang humampas sa akin at tinangka
kong salagin ito sa pamamagitan ng bato na siya namang
humampas sa akin. Nagpa-ikot-ikot ako sa ilalim ng dagat
habang ang mukha ko ay sumasadsad sa buhangin.
Napunta ako sa pampang, puno ng sugat ang mukha
kaya kinakailangang tahiin pa ng doctor para tumigil ang
pagdurugo. Iyan kasi, kung nananahimik ka dito ay hindi
mangyayari sa’yo ‘yan, pagalit na sambit ni nanay.
ISANLIBONG PISO
• Naalala ko noong papasok ako sa trabaho, habang ako ay
naglalakad papasok sa paaralan ay may nakasabay akong isang
Ale, napansin kong may sanlibong piso malapit sa kaniya kaya
kinuha ko ito at dali-daling ibinigay sa kaniya na kaniya namang
kinuha kapagdaka. Ako ay nagpatuloy na sa aking paglalakad,
nagmamadali sapagkat malapit na mag-ika-6 ng umaga.
Nakarating ako sa paaralan ng maayos at ligtas, at inayos ang
sarili para sa paghahanda sa pagtuturo. Sumapit ang ika-8 ng
umaga, tamang oras para bumili ng aking makakain dahil ito ang
natatangi kong bakanteng oras. Lumabas ako ng paaralan para
bumili at kinapa ko ang aking bulsa para magbayad pero sa
aktong ako’y magbabayad na, wala ‘yong pera sa bulsa ko. Ang
alam ko isanlibong piso ‘yon at bigla kong naalala ‘yong perang
inabot ko sa ale, isanlibo rin, sa akin pala iyon. Sa huli, para
makabayad ako ay nangutang ako ng pera sa kasamahan kong
guro.
Si Kuya
May dalawang magkaibigan na papasok sa paaralan.
Ang isa ay nagsambit, “ huwag na muna tayong
pumasok, wala namang gagawin”. Saad naman ng isa,
alam mo; ‘iyong kuya ko ay matagumpay na sana sa
buhay ngayon. Oh tapos anong nangyari sa kuya mo?
Noong siya ay estudyante pa, puro siya cutting classes,
computer, magulo sa klase at mapang-asar. Inakala
niya na sa ginagawa niyang ganoon ay nananalo siya o
naiisahan niya ang kaniyang mga guro at mga kamag-
aral pero hindi, kaya ngayon nandoon siya sa bahay
palamunin ni nanay.
• Pinilit ako ng aking mga magulang na mag-kolehiyo, ngunit hindi
talaga ako interesado sa anumang bagay, kaya kumuha lang ako
ng ilang piling mga klase upang mapanatili ang kanilang hitsura
at mapasaya sila, habang nagsu-surf sa sofa kasama ang mga
kaibigan na sinusubukang magsaya. Sa kalaunan ay nagsimula
kami ng aking kaibigan sa isang maliit na negosyo sa isang
garahe, ito ay nagsimula at ako ay kumita ng maraming pera.
Ako rin ang namamahala sa kumpanya, ngunit pagkatapos ay
pinilit akong umalis at tinanggal sa kumpanyang sinimulan ko.
Nalungkot ako, ngunit kalaunan ay nagsimula ako ng ilan pang
kumpanya, kumita ng mas maraming pera, at nabawi ko ang
aking orihinal na kumpanya, na ngayon ay mas matagumpay
kaysa dati.
Anekdota: Pamasahe
• Nasa labas na si Norman at naghihintay ng
masasakyang Bus pauwi dahil tapos na ang klase
niya sa araw na iyon. May isang bente at
sengkwenta si Norman. Binunot niya ang bente at
ibinayad sa konduktor. Sobra ang sukli niya kaya’t
isinauli niya ang sobra. Masayang naglalakad
pauwi si Norman. Magaan ang kaniyang loob na
naging matapat siya at nakatulong sa kapwa.
Habang naglalakad ay tiningnan niya ang pitaka at
nabigla nang makitang wala doon ang segkwenta
at tanging bente lamang ang nandoon.
Mga Hakbang sa Pagsulat ng Anekdota
1. Alamin ang paksa o layunin sa paggagamitan ng personal na
anekdota. Piliin ang pangyayari sa iyong buhay na angkop sa
paksa at layunin. Dapat ay makatotohanan at may isang
paksa.
2. Alalahanin ang mga detalye sa pangyayaring ilalahad mo sa
iyong anekdota.
3. Sa paglalahad ng iyong anekdota ay huwag munang sasabihin
ang kasukdulan upang hindi mawala ang pananabik ng mga
mambabasa.
4. Sa pagwawakas ay dapat isaalang-alang ang kakintalang
maiiwan sa mga mambabasa.
Akasya o Kalabasa
ni Consolation P. Conde
• Hindi maikakaila na kung malaki ang puhunan ay maaaring tumubo rin
iyon nang malaki kaysa maliit ang naturan. Gayundin ang paghahanda
at pagpupunyagi ng tao na pinamumuhunanan ng puu-puung taong
pag-aaral at pagpapakasakit. Karaniwan nang sa may mataas na pinag-
aralan ay maamo ang kapalaran. At ito’y maitutulad din nga sa
paghahalaman. Pasukan na naman. Nagbukas na ang mga pamantasan
at matataas na paaralan sa Maynila. Samantala, sa nayon ng Kamias,
hindi kalayuan sa lungsod… Maagang nagbangon nang umagang yaon
si Aling Irene at inihanda kapagkaraka ang mga pangangailangan ng
kabutong anak na si Iloy. Si Mang Simon naman ay hindi muna
nagtungo sa linang upang samahan sa pagluwas ang anak na
pagaaralain sa Maynila. Awa naman ng Diyos ay maluwalhating
nakarating sa lungsod ang mag- ama. Isang balitang paaralang sarili
ang kanilang tinungo agad. Dinatnan nila ang tagatala na abalang-abala
sa pagtanggap ng dikakaunting mga batang nagsisipagprisinta.
• Nagpalinga-linga si Mang Simon. Nang makita ang babalang
nakasabit sa may pintuan ng Tanggapan ng Punung-guro ay
kinawit sa bisig si Iloy. “Halika at makikipag-usap muna ako sa
punung-guro.” “Magandang umaga po sa kanila,” panabay na
bating galang ng mag-ama. “Magandang umaga po naman,”
tugon ng punung-guro na agad namang nagtindig sa
pagkakaupo at nag-alok ng upuan. “Ano po ang maipaglilingkod
ko sa kanila?” “E, ibig ko po sanang ipasok ang aking anak dito
sa inyong paaralan.” “A, opo. Sa ano po namang baitang?” usisa
ng punung-guro. “Katatapos pa po lamang niya ng elementarya
sa aming nayon noong nakaraang Marso,” paliwanag ni Mang
Simon. “Kung gayon po’y sa unang taon ng haiskul, ano po?”
“Ngunit… ibig ko po sanag malaman kung maaaring ang kunin
na lamang niya ay isang maikli-ikling kurso ukol sa isang
tanging karunungan upang siya’y makatapos agad, maaari po
ba?”
• “Aba, opo,” maagap na tugon ng punong-guro. “Maaaring
ang lalong pinakamaikling kurso ang kaniyang kunin. Iyan
ay batay sa kung ano ang gusto ninyong kalabasan niya.
Kung ang nais ninyo ay magpatubo ng isang mayabong na
punong akasya, gugugol kayo ng puu-puung taon, subalit
ang kakailanganin ninyo ay ilang buwan lamang upang
makapaghalaman kayo ng isang kalabasa. Dili di natubigan
si Mang Simon sa huling pangungusap ng punong-guro.
Gayundin si Iloy. Pagkuwan ay nagbulungan ang mag-ama.
At… umuwi nang nag-iisa si Mang Simon. Habang
naglalakbay na patungong lalawigan ay tatambis-tambis sa
sarili: “A, mabuti na ngang kunin niyang buo ang kurso sa
haiskul, tiyak na higit na magiging mayabong ang kaniyang
kinabukasan.”
Mullah Nassreddin
Isinalin sa Filipino ni Roderic P. Urgelles
• Si Mullah Nassreddin na kilala bilang Mullah Nassr-e Din (MND)
ang pinakamahusay sa pagkukuwento ng katatawanan sa
kanilang bansa. Lagi itong naaalaala ng mga Iranian na dating
mga Persiano noong sila ay mga bata pa. Libo-libong kuwento ng
katatawanan ang naiambag ni Mullah Nassreddin sa kanilang
lipunan. Tinagurian din siyang alamat ng sining sa pagkukuwento
dahil sa mapagbiro at puno ng katatawanang estilo sa pagsulat.
Nagpasalin-salin sa bibig ng mga tao ang kaniyang mga naisulat
mula noon magpasahanggang ngayon. Naimbitahan si Mullah
Nassreddin upang magbigay ng isang talumpati sa harap ng
maraming tao. Sa pagsisimula niya, nagtanong siya, “Alam ba
ninyo ang aking sasabihin?” Sumagot ang mga nakikinig “Hindi,”
kung kaya’t kaniyang sinabi “Wala akong panahong magsalita sa
mga taong hindi alam ang aking sasabihin,”
• at siya ay umalis. Napahiya ang mga tao. Inanyayahan
siyang muli upang magsalita kinabukasan. Nang muli niyang
tanungin ang mga tao ng katulad na katanungan ay sumagot
sila ng “Oo,” sumagot si Mullah Nassreddin “Kung alam na
pala ninyo ang aking sasabihin, hindi ko na sasayangin ang
marami ninyong oras” muli siyang umalis. Ang mga tao ay
nalito at nataranta sa kaniyang naging sagot. Sinubukan
nilang muli na anyayahan si Mullah Nassreddin upang
magbigay ng pahayag at muli siyang nagtanong “Alam ba
ninyo ang aking sasabihin?” Handa na ang mga tao sa
kanilang isasagot ang kalahati ay nagsabi ng “Hindi,” at ang
kalahati ay sumagot ng “Oo,” kung kaya’t muling nagsalita si
Mullah Nassreddin “Ang kalahati ay alam ang aking
sasabihin, kaya’t kayo ang magsasabi sa kalahati na di alam
ang aking sasabihin,” at siya ay lumisan.
MGA URI NG ANEKDOTA
1. Nakakatawa
-Isang anekdota na nagdaragdag ng katatawanan sa paksa.
2. Nakapagpapaalaala
-Ang isang kuwento na nagpapaalala ng mga bagay na
pangkalahatang tungkol sa nakaraan o isang partikular na
kaganapan , na ipinahayag sa mga paraan tulad ng “Naalala ko pa
noong … ” at iba pa.
3. Inspirasyonal
-Isang anekdotang isinasalaysay upang magbigay ng inspirasyon o iba
pang positibong damdamin.Ito ay madalas na tungkol sa hindi
pagsuko, pagkamit ng mga layunin o pangarap , ginagawang posible
ang imposible , at iba pa.
4. Pagbibigay ng babala
-Mga kuwento na binabalaan ang iba tungkol sa mga panganib o
negatibong kahihinatnan na pumapalibot sa paksa.
• Ano ang iyong napapansin sa isang anekdota?
• Anong paksa ng anekdota?
• Ano ang layunin nito?
• Anong aral o mensahe ang nais nitong ituro sa atin?

More Related Content

PPTX
Mullah Nassreddin, anekdota mula sa Persia.
PPTX
Anekdota.pptx
PPTX
anekdota-180226120044.pptx
PPTX
Anekdota FILIPINO 10 MODYUL 3
PPTX
anekdota-mullah.pptx
PPTX
FILIPINO COT.pptx........................
PPTX
anekdota-180226120044.pptx aralin sa grade 7
PDF
. Anekdota mula sa Persia at kasaysayan at politika .pdf
Mullah Nassreddin, anekdota mula sa Persia.
Anekdota.pptx
anekdota-180226120044.pptx
Anekdota FILIPINO 10 MODYUL 3
anekdota-mullah.pptx
FILIPINO COT.pptx........................
anekdota-180226120044.pptx aralin sa grade 7
. Anekdota mula sa Persia at kasaysayan at politika .pdf

Similar to ANEKDOTA.pptxRRRRRRRRRRRRRRRRRRRRRRRRRRRRR (20)

PPTX
anekdota10-.pptx
PPTX
anekdota10-mullah , akasya o kalabasa.pptx
PPTX
ANEKDOTA 10.pptx
PDF
FILIPINO10-Q3-MODYUL2.pdf
PPTX
Akasya-O-Kalabasa.pptx
PPTX
Lesoon 2.. Anekdota mula sa Persia 3rd QTR.pptx
PPTX
Anekdota ni Dr. Jose P. Rizal (Ang Tsinelas ni Pepe).pptx
PPTX
FILIPINO 10_Anekdota mula sa Persia.pptx
PPTX
Anekdota Filipino Grade 10 Lesson Quarter 3 Week 2
PPTX
Ang Anekdota, Katangian at Elemento ng Anekdota
PPTX
anekdotalesson-221209235847-d36e9525.pptx
PPTX
Mullah Nassreddin (Anekdota mula sa Persia/ Iran)
PPTX
anekdota-grade 9.pptx
PDF
Filipino 10-q3-modyul2-week2-igaya anamaria-6
PPTX
ARALIN 3.2 SLIDE Anekdota mula sa Persia / Iran
PPTX
Diskursong-Pasalaysay.pptx
PDF
filipino10q3week1-230831041718-b807610f (1).pdf
PPTX
FILIPINO 10 q3 week 1.pptx
PPTX
MULLAH pptx
PPTX
jake casiple COT 1 FILIPINO 10 (Anekdota).pptx
anekdota10-.pptx
anekdota10-mullah , akasya o kalabasa.pptx
ANEKDOTA 10.pptx
FILIPINO10-Q3-MODYUL2.pdf
Akasya-O-Kalabasa.pptx
Lesoon 2.. Anekdota mula sa Persia 3rd QTR.pptx
Anekdota ni Dr. Jose P. Rizal (Ang Tsinelas ni Pepe).pptx
FILIPINO 10_Anekdota mula sa Persia.pptx
Anekdota Filipino Grade 10 Lesson Quarter 3 Week 2
Ang Anekdota, Katangian at Elemento ng Anekdota
anekdotalesson-221209235847-d36e9525.pptx
Mullah Nassreddin (Anekdota mula sa Persia/ Iran)
anekdota-grade 9.pptx
Filipino 10-q3-modyul2-week2-igaya anamaria-6
ARALIN 3.2 SLIDE Anekdota mula sa Persia / Iran
Diskursong-Pasalaysay.pptx
filipino10q3week1-230831041718-b807610f (1).pdf
FILIPINO 10 q3 week 1.pptx
MULLAH pptx
jake casiple COT 1 FILIPINO 10 (Anekdota).pptx
Ad

More from JayarValenzuela (20)

PPTX
Maaring Lumipad ang Tao.pptxTTTTTTTTTTTTT
PPTX
mitolohiyaaaaaa PaghahambiRRRRRRRRRRRRRRng.pptx
PPTX
FILDIS PANANALIKSIK.pptxcccccccccccccccccccccccccccc
PPTX
QCRCY ORIENTATION .pptxccccccccccccccccc
PPTX
Pagkuha ng Ideya o Paksa.pptxiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiii
PDF
etimolohiya-ng-pinagmulan-ng-skkkkkkkkkkkkkkkkalita.pdf
PPTX
FILIPINO 10 MITO MULA SddddA - Copy.pptx
PPTX
FILIPINOoooo 10 MITO MULA SA ICELAND.pptx
PPTX
Q3-PPT-Music9 (Characteristics of Romantic Period) (1).pptx
PPTX
ARTS PPT.pptx [Autosaved] PHILIPPINES.pptx
PPTX
neoclassicism.pptx
DOCX
MAPEH-9-MUSIC-2nd-Grading-2.docx
PPTX
ARTS PPT.pptx
PPTX
Q3-PPT-PE9 (Nature-Concept of Festival).pptx
PPTX
Q3-PPT-Arts9 (Artist of Neoclassic and Romantic Period) (1).pptx
PPTX
Q3-PPT-Arts9 (Art Production)_1 (1).pptx
PPTX
neoclassicism.pptx
PPTX
summative test in P.E and ARTS.pptx
PPTX
LOCO-AND NON LOCOMOTOR.pptx
PPTX
Q3-PPT-Arts9 (Art Production)_2 (1) for PETA.pptx
Maaring Lumipad ang Tao.pptxTTTTTTTTTTTTT
mitolohiyaaaaaa PaghahambiRRRRRRRRRRRRRRng.pptx
FILDIS PANANALIKSIK.pptxcccccccccccccccccccccccccccc
QCRCY ORIENTATION .pptxccccccccccccccccc
Pagkuha ng Ideya o Paksa.pptxiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiii
etimolohiya-ng-pinagmulan-ng-skkkkkkkkkkkkkkkkalita.pdf
FILIPINO 10 MITO MULA SddddA - Copy.pptx
FILIPINOoooo 10 MITO MULA SA ICELAND.pptx
Q3-PPT-Music9 (Characteristics of Romantic Period) (1).pptx
ARTS PPT.pptx [Autosaved] PHILIPPINES.pptx
neoclassicism.pptx
MAPEH-9-MUSIC-2nd-Grading-2.docx
ARTS PPT.pptx
Q3-PPT-PE9 (Nature-Concept of Festival).pptx
Q3-PPT-Arts9 (Artist of Neoclassic and Romantic Period) (1).pptx
Q3-PPT-Arts9 (Art Production)_1 (1).pptx
neoclassicism.pptx
summative test in P.E and ARTS.pptx
LOCO-AND NON LOCOMOTOR.pptx
Q3-PPT-Arts9 (Art Production)_2 (1) for PETA.pptx
Ad

Recently uploaded (20)

PDF
KILUSANG PROPAGANDA_20250810_123818_0000.pdf
PPTX
Uri, Kailanan, at Kasarian ng Pangngalan (1).pptx
PPTX
Edukasyon sa Pagpakatao 5 Week 10 - Les1
DOCX
First Quarter PERIODICAL TEST IN AP 4.docx
PPTX
EsP Quarter1 Module1 powerpoint presentation
PPTX
17._Mahahalagang_pangyayari_sa_daigdig_noong_ikalabing_lima_at_ikalabing_anim...
PPTX
Araling Panlipunan 6 - Aralin 1, Quarter 1
PDF
6)Filipino-sa-Piling-Larang-AGENDA-AT-KATITIKAN-NG-PULONG (1).pdf
PPTX
Walong antas o yugto ng sikososyal na pag-unlad.pptx
PPTX
Anektdota at kayarian ng pangngalan grade 4
PPTX
EPP: Desktop Publishing Software - Week 6
PPTX
Phatic, Emotive, at Expressive na Gamit ng Wika
PPTX
Identification_Questions_Resilience_No_Answers.pptx
PDF
ponolohiya-reporting-batayan-231011075624-c09dc5e8.pdf
PPTX
ORYENTASYON NG KURSO PANITIKAN....................pptx
PDF
Araling Panlipunan First Quarter Lesson 1 - Lipunan
PPTX
GR 6-AP-WK 1-QTR 2.pptx Nasusuri ang uri ng pamahalaan at patakarang ipinatup...
PPT
FILIPINO.Q1.Grade3.Week 3_Day1-Day4).ppt
PPTX
424651512-Sa-Panahon-Ng-Amerikano.pptxss
PPTX
KONSEPTO NG KOLONYALISMO AT IMPERYALISMO.pptx
KILUSANG PROPAGANDA_20250810_123818_0000.pdf
Uri, Kailanan, at Kasarian ng Pangngalan (1).pptx
Edukasyon sa Pagpakatao 5 Week 10 - Les1
First Quarter PERIODICAL TEST IN AP 4.docx
EsP Quarter1 Module1 powerpoint presentation
17._Mahahalagang_pangyayari_sa_daigdig_noong_ikalabing_lima_at_ikalabing_anim...
Araling Panlipunan 6 - Aralin 1, Quarter 1
6)Filipino-sa-Piling-Larang-AGENDA-AT-KATITIKAN-NG-PULONG (1).pdf
Walong antas o yugto ng sikososyal na pag-unlad.pptx
Anektdota at kayarian ng pangngalan grade 4
EPP: Desktop Publishing Software - Week 6
Phatic, Emotive, at Expressive na Gamit ng Wika
Identification_Questions_Resilience_No_Answers.pptx
ponolohiya-reporting-batayan-231011075624-c09dc5e8.pdf
ORYENTASYON NG KURSO PANITIKAN....................pptx
Araling Panlipunan First Quarter Lesson 1 - Lipunan
GR 6-AP-WK 1-QTR 2.pptx Nasusuri ang uri ng pamahalaan at patakarang ipinatup...
FILIPINO.Q1.Grade3.Week 3_Day1-Day4).ppt
424651512-Sa-Panahon-Ng-Amerikano.pptxss
KONSEPTO NG KOLONYALISMO AT IMPERYALISMO.pptx

ANEKDOTA.pptxRRRRRRRRRRRRRRRRRRRRRRRRRRRRR

  • 1. ANEKDOTA •Ito ay mula sa salitang Griego na “Anekdoto/Anekdota” nangangahulugang “unpublished/hindi nailathala” na may orihinal na salin sa Ingles na “secret or private stories. Ngunit ang pinakakaraniwang kahulugan ngayon ay ang tungkol sa "isang nakakatawang kuwento tungkol sa isang bagay na nangyari."
  • 2. ANEKDOTA •Isang kuwentong nakawiwili at nakatutuwang pangyayari sa buhay ng isang tao. Layon nitong makapagpabatid ng isang magandang karanasan na kapupulutan ng aral. Ito’y magagawa lamang kung ang karanasan o mga pangyayari ay makatotohanan.
  • 3. Anekdota vs. Maikling kuwento •Paano mo masasabi na ang kuwento mo ay isang kuwento? Baka naman ang kuwento mo ay yaong isinasalaysay mo lang sa iyong kaibigan, kuwentong hindi nailathala. •Ang Anekdota ay may iilang elemento tulad ng tauhan, tagpuan at aksyon di tulad ng Maikling kuwento.
  • 4. Anong nangyari sa pisngi mo? Bakit may peklat ‘yan? • Noong ako ay labing-apat na taong gulang, naghahanap ako ng mga organismo sa mga bato sa dagat (totoo!) Isang napakalaking alon ang humampas sa akin at tinangka kong salagin ito sa pamamagitan ng bato na siya namang humampas sa akin. Nagpa-ikot-ikot ako sa ilalim ng dagat habang ang mukha ko ay sumasadsad sa buhangin. Napunta ako sa pampang, puno ng sugat ang mukha kaya kinakailangang tahiin pa ng doctor para tumigil ang pagdurugo. Iyan kasi, kung nananahimik ka dito ay hindi mangyayari sa’yo ‘yan, pagalit na sambit ni nanay.
  • 5. ISANLIBONG PISO • Naalala ko noong papasok ako sa trabaho, habang ako ay naglalakad papasok sa paaralan ay may nakasabay akong isang Ale, napansin kong may sanlibong piso malapit sa kaniya kaya kinuha ko ito at dali-daling ibinigay sa kaniya na kaniya namang kinuha kapagdaka. Ako ay nagpatuloy na sa aking paglalakad, nagmamadali sapagkat malapit na mag-ika-6 ng umaga. Nakarating ako sa paaralan ng maayos at ligtas, at inayos ang sarili para sa paghahanda sa pagtuturo. Sumapit ang ika-8 ng umaga, tamang oras para bumili ng aking makakain dahil ito ang natatangi kong bakanteng oras. Lumabas ako ng paaralan para bumili at kinapa ko ang aking bulsa para magbayad pero sa aktong ako’y magbabayad na, wala ‘yong pera sa bulsa ko. Ang alam ko isanlibong piso ‘yon at bigla kong naalala ‘yong perang inabot ko sa ale, isanlibo rin, sa akin pala iyon. Sa huli, para makabayad ako ay nangutang ako ng pera sa kasamahan kong guro.
  • 6. Si Kuya May dalawang magkaibigan na papasok sa paaralan. Ang isa ay nagsambit, “ huwag na muna tayong pumasok, wala namang gagawin”. Saad naman ng isa, alam mo; ‘iyong kuya ko ay matagumpay na sana sa buhay ngayon. Oh tapos anong nangyari sa kuya mo? Noong siya ay estudyante pa, puro siya cutting classes, computer, magulo sa klase at mapang-asar. Inakala niya na sa ginagawa niyang ganoon ay nananalo siya o naiisahan niya ang kaniyang mga guro at mga kamag- aral pero hindi, kaya ngayon nandoon siya sa bahay palamunin ni nanay.
  • 7. • Pinilit ako ng aking mga magulang na mag-kolehiyo, ngunit hindi talaga ako interesado sa anumang bagay, kaya kumuha lang ako ng ilang piling mga klase upang mapanatili ang kanilang hitsura at mapasaya sila, habang nagsu-surf sa sofa kasama ang mga kaibigan na sinusubukang magsaya. Sa kalaunan ay nagsimula kami ng aking kaibigan sa isang maliit na negosyo sa isang garahe, ito ay nagsimula at ako ay kumita ng maraming pera. Ako rin ang namamahala sa kumpanya, ngunit pagkatapos ay pinilit akong umalis at tinanggal sa kumpanyang sinimulan ko. Nalungkot ako, ngunit kalaunan ay nagsimula ako ng ilan pang kumpanya, kumita ng mas maraming pera, at nabawi ko ang aking orihinal na kumpanya, na ngayon ay mas matagumpay kaysa dati.
  • 8. Anekdota: Pamasahe • Nasa labas na si Norman at naghihintay ng masasakyang Bus pauwi dahil tapos na ang klase niya sa araw na iyon. May isang bente at sengkwenta si Norman. Binunot niya ang bente at ibinayad sa konduktor. Sobra ang sukli niya kaya’t isinauli niya ang sobra. Masayang naglalakad pauwi si Norman. Magaan ang kaniyang loob na naging matapat siya at nakatulong sa kapwa. Habang naglalakad ay tiningnan niya ang pitaka at nabigla nang makitang wala doon ang segkwenta at tanging bente lamang ang nandoon.
  • 9. Mga Hakbang sa Pagsulat ng Anekdota 1. Alamin ang paksa o layunin sa paggagamitan ng personal na anekdota. Piliin ang pangyayari sa iyong buhay na angkop sa paksa at layunin. Dapat ay makatotohanan at may isang paksa. 2. Alalahanin ang mga detalye sa pangyayaring ilalahad mo sa iyong anekdota. 3. Sa paglalahad ng iyong anekdota ay huwag munang sasabihin ang kasukdulan upang hindi mawala ang pananabik ng mga mambabasa. 4. Sa pagwawakas ay dapat isaalang-alang ang kakintalang maiiwan sa mga mambabasa.
  • 10. Akasya o Kalabasa ni Consolation P. Conde • Hindi maikakaila na kung malaki ang puhunan ay maaaring tumubo rin iyon nang malaki kaysa maliit ang naturan. Gayundin ang paghahanda at pagpupunyagi ng tao na pinamumuhunanan ng puu-puung taong pag-aaral at pagpapakasakit. Karaniwan nang sa may mataas na pinag- aralan ay maamo ang kapalaran. At ito’y maitutulad din nga sa paghahalaman. Pasukan na naman. Nagbukas na ang mga pamantasan at matataas na paaralan sa Maynila. Samantala, sa nayon ng Kamias, hindi kalayuan sa lungsod… Maagang nagbangon nang umagang yaon si Aling Irene at inihanda kapagkaraka ang mga pangangailangan ng kabutong anak na si Iloy. Si Mang Simon naman ay hindi muna nagtungo sa linang upang samahan sa pagluwas ang anak na pagaaralain sa Maynila. Awa naman ng Diyos ay maluwalhating nakarating sa lungsod ang mag- ama. Isang balitang paaralang sarili ang kanilang tinungo agad. Dinatnan nila ang tagatala na abalang-abala sa pagtanggap ng dikakaunting mga batang nagsisipagprisinta.
  • 11. • Nagpalinga-linga si Mang Simon. Nang makita ang babalang nakasabit sa may pintuan ng Tanggapan ng Punung-guro ay kinawit sa bisig si Iloy. “Halika at makikipag-usap muna ako sa punung-guro.” “Magandang umaga po sa kanila,” panabay na bating galang ng mag-ama. “Magandang umaga po naman,” tugon ng punung-guro na agad namang nagtindig sa pagkakaupo at nag-alok ng upuan. “Ano po ang maipaglilingkod ko sa kanila?” “E, ibig ko po sanang ipasok ang aking anak dito sa inyong paaralan.” “A, opo. Sa ano po namang baitang?” usisa ng punung-guro. “Katatapos pa po lamang niya ng elementarya sa aming nayon noong nakaraang Marso,” paliwanag ni Mang Simon. “Kung gayon po’y sa unang taon ng haiskul, ano po?” “Ngunit… ibig ko po sanag malaman kung maaaring ang kunin na lamang niya ay isang maikli-ikling kurso ukol sa isang tanging karunungan upang siya’y makatapos agad, maaari po ba?”
  • 12. • “Aba, opo,” maagap na tugon ng punong-guro. “Maaaring ang lalong pinakamaikling kurso ang kaniyang kunin. Iyan ay batay sa kung ano ang gusto ninyong kalabasan niya. Kung ang nais ninyo ay magpatubo ng isang mayabong na punong akasya, gugugol kayo ng puu-puung taon, subalit ang kakailanganin ninyo ay ilang buwan lamang upang makapaghalaman kayo ng isang kalabasa. Dili di natubigan si Mang Simon sa huling pangungusap ng punong-guro. Gayundin si Iloy. Pagkuwan ay nagbulungan ang mag-ama. At… umuwi nang nag-iisa si Mang Simon. Habang naglalakbay na patungong lalawigan ay tatambis-tambis sa sarili: “A, mabuti na ngang kunin niyang buo ang kurso sa haiskul, tiyak na higit na magiging mayabong ang kaniyang kinabukasan.”
  • 13. Mullah Nassreddin Isinalin sa Filipino ni Roderic P. Urgelles • Si Mullah Nassreddin na kilala bilang Mullah Nassr-e Din (MND) ang pinakamahusay sa pagkukuwento ng katatawanan sa kanilang bansa. Lagi itong naaalaala ng mga Iranian na dating mga Persiano noong sila ay mga bata pa. Libo-libong kuwento ng katatawanan ang naiambag ni Mullah Nassreddin sa kanilang lipunan. Tinagurian din siyang alamat ng sining sa pagkukuwento dahil sa mapagbiro at puno ng katatawanang estilo sa pagsulat. Nagpasalin-salin sa bibig ng mga tao ang kaniyang mga naisulat mula noon magpasahanggang ngayon. Naimbitahan si Mullah Nassreddin upang magbigay ng isang talumpati sa harap ng maraming tao. Sa pagsisimula niya, nagtanong siya, “Alam ba ninyo ang aking sasabihin?” Sumagot ang mga nakikinig “Hindi,” kung kaya’t kaniyang sinabi “Wala akong panahong magsalita sa mga taong hindi alam ang aking sasabihin,”
  • 14. • at siya ay umalis. Napahiya ang mga tao. Inanyayahan siyang muli upang magsalita kinabukasan. Nang muli niyang tanungin ang mga tao ng katulad na katanungan ay sumagot sila ng “Oo,” sumagot si Mullah Nassreddin “Kung alam na pala ninyo ang aking sasabihin, hindi ko na sasayangin ang marami ninyong oras” muli siyang umalis. Ang mga tao ay nalito at nataranta sa kaniyang naging sagot. Sinubukan nilang muli na anyayahan si Mullah Nassreddin upang magbigay ng pahayag at muli siyang nagtanong “Alam ba ninyo ang aking sasabihin?” Handa na ang mga tao sa kanilang isasagot ang kalahati ay nagsabi ng “Hindi,” at ang kalahati ay sumagot ng “Oo,” kung kaya’t muling nagsalita si Mullah Nassreddin “Ang kalahati ay alam ang aking sasabihin, kaya’t kayo ang magsasabi sa kalahati na di alam ang aking sasabihin,” at siya ay lumisan.
  • 15. MGA URI NG ANEKDOTA 1. Nakakatawa -Isang anekdota na nagdaragdag ng katatawanan sa paksa. 2. Nakapagpapaalaala -Ang isang kuwento na nagpapaalala ng mga bagay na pangkalahatang tungkol sa nakaraan o isang partikular na kaganapan , na ipinahayag sa mga paraan tulad ng “Naalala ko pa noong … ” at iba pa. 3. Inspirasyonal -Isang anekdotang isinasalaysay upang magbigay ng inspirasyon o iba pang positibong damdamin.Ito ay madalas na tungkol sa hindi pagsuko, pagkamit ng mga layunin o pangarap , ginagawang posible ang imposible , at iba pa. 4. Pagbibigay ng babala -Mga kuwento na binabalaan ang iba tungkol sa mga panganib o negatibong kahihinatnan na pumapalibot sa paksa.
  • 16. • Ano ang iyong napapansin sa isang anekdota? • Anong paksa ng anekdota? • Ano ang layunin nito? • Anong aral o mensahe ang nais nitong ituro sa atin?