1. Republic of the Philippines
Department of Education
REGION IV-A CALABARZON
SCHOOLS DIVISION OF BATANGAS
ANGELES LUISTRO INTEGRATED SENIOR HIGH SCHOOL
Unang Markahang Pagsusulit sa Araling Panlipunan 10
Kontemporaryong Isyu
PANGALAN: PETSA: / /
BAITANG AT PANGKAT: ISKOR:
Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat pahayag. Piliin at isulat sa patlang ang titik ng
wastong sagot.
1. Alin sa mga sumusunod ang pinakamalapit na kahulugan na nagpapaliwanag sa konsepto ng
kontemporaryong isyu?
A. pag –aaral sa mga isyu at hamong panlipunan sa kasalukuyan
B. anumang isyung nagaganap at pinag-uusapan sa ating lipunan
C. pag-aaral ng pagbabalik tanaw sa nakaraang isyu na nais bigyan ng kahulugan sa
kasalukuyan
D. anumang kaganapan, ideya, opinyon, o paksang may kaugnayan sa kasalukuyang panahon
2. Alin sa mga sumusunod ang halimbawa ng kontemporaryong isyu?
A. Mga nagdaang kalamidad sa bansa
B. Uri ng pamumuhay ng ating mga ninuno
C. Kabuhayan ng isang maliit na komunidad
D. Kasalukuyang sitwasyong politikal sa bansa
3. Bakit nakakaranas ang Pilipinas ng mas matitinding kalamidad at iba’t ibang suliraning
pangkapaligiran?
A. Dahil naghihiganti ang kalikasan
B. Dahil sa lokasyon ng ating bansa
C. Dahil sa kakulangan ng programa ng pamahalaan
D. Dahil sa pang-aabuso at pagpapabaya ng mga tao sa kalikasan
4. Paano malulutas ang problema ng solid waste management sa inyong tahanan?
A. Isagawa ang waste segregation sa sariling tahanan
B. Bumili lamang ng mga produktong may biodegradable packaging
C. Muling gamitin sa ibang paraan ang packaging ng produkto na non-biodegradable
D. Bumili ng maramihan ng mga gamit sa tahanan upang malimitihan ang paggamit ng
single use plastic
5. Paano nakaaapekto ang mga maling gawain ng tao sa buhay at kalikasan?
A. Pag-iral ng tunggaliang pampulitika sa bansa
B. Nakararanas tayo ng ibat-ibang panganib at sakuna
C. Pagbaba ng kalagayang pang-ekonomiya ng bansa sa kasalukuyan
D. Nakaaapekto ito hindi lamang sa pagkasira ng kalikasan maging sa kalusugan ng tao
6. Paano nakakaapekto ang climate change sa kalusugan ng mga mamamayan sa Pilipinas?
A. Pagliit ng ng produksiyon sa sektor ng agrikultura
B. Pagtaas ng bilang ng mga nagiging biktima ng sakit dahil sa pabago-bagong panahon.
C. Paglikas ng mga mamamayan dahil sa pagkasira ng tahanan dulot ng malalakas na
bagyo
D. Pagkawala ng tahanan dulot ng pagkain ng mga karagatan sa dating lupa na
kinatatayuan ng kanilang tahanan.
7. Bakit maituturing na isa sa dahilan ng pagkakaroon ng suliraning pangkapaligiran ang patuloy at
walang habas na pagtatapon ng basura sa mga daanan ng tubig?
A. Dahil nagdudulot ito ng malawakang pagbaha
B. Nagiging dahilan ito ng pagkasira ng ozone layer
C. Dahil nagdudulot ito ng iba’t ibang sakit sa mga tao
D. Nagiging dahilan ito ng pagkamatay ng mga hayop at halaman
8. Bakit sinasabing ang mga mahihirap na mamamayan ang pangunahing naaapektuhan ng nagaganap
2. na deforestation?
A. Sila ay napeperwisyo sa mga illegal na gawain ng mga tao
B. Karamihan sa kanila ay nakatira malapit sa mga kagubatan
C. Wala silang magawa kung hindi makipagtulungan sa mga illegal loggers
D. Ang patuloy na pagliit ng kagubatan ay nangangahulugan din ng pagliit ng kanilang
pinagkukunan ng pangangailangan
9. Dahil ang Pilipinas ay isang kapuluan, isa ito sa mga bansang labis na apektado ng climate change
lalo na ang sektor ng pagsasaka at pangingisda. Ano ang maaaring implikasyon nito sa kabuhayan ng
mga mamamayan?
A. Nagiging sagabal ito sa pag-unlad ng bansa
B. Sanhi ito ng paglikas ng mga tao papuntang siyudad
C. Nagdudulot ito ng panganib sa seguridad ng pagkain
D. Nanganganib lumubog ang mga mababang bahagi ng bansa
10. Ano ang maaaring mangyari kung hindi malulutas ang mga suliraning pangkapaligiran na
kinakaharap sa kasalukuyan?
A. Nasasanay ang mga tao sa maruming kapaligiran
B. Maraming aalis sa Pilipinas dahil sa sobrang populasyon
C. Patuloy na daranas ang ating bansa ng matitinding kalamidad
D. Lahat ng nabanggit
11. Ang mga pamayanang may banta ng hazard at kalamidad ay aktibong nakikilahok sa pagtukoy,
pagsuri, pagtugon, pagsubaybay, at pagtataya ng mga risk na maaari nilang maranasan. Ano ang
tawang sa pamamaraang ito na may kinalaman sa Disaster Management?
A. Bottom-Up Approach C. NDRRMC
B. CBDRM D. Top-Down Approach
12. Ang Bicol Region ay kadalasang tinatamaan ng iba’t ibang kalamidad na nagiging dahilan ng
pagkawasak ng mga ari-arian at pagkasawi ng maraming tao. Alin sa mga pangunahing ahensya ng
pamahalaan ang namamahala at nagsasagawa ng mga paghahanda at pagpaplano upang mabawasan
ang epekto sa komunidad ng iba’t ibang kalamidad?
A. DOST C. PAGASA
B. NDRRMC D. PHIVOLCS
13. Ang bantay-kalikasan ay gumagamit ng media upang mamulat ang mga mamamayan sa suliraning
pangkapaligiran. Sila din ang nanguna sa reporestasyon ng La Mesa Watershed at sa Pasig River
Rehabilitation Project. Anong programa naman ang naglalayong baguhin ang kaugalian at pananaw
ng tao sa pagtrato at pangangalaga sa kalikasan at pagsusulong ng kapayapaan?
A. Mother Earth Foundation C. Greenpeace
B. Green Choice Philippines D. Clean and Green Foundation
14. Anong termino sa Disaster Management ang tumutukoy sa lugar, tao, at imprastruktura na may
mataas na posibilidad na maapektuhan ng mga hazard?
A. Vulnerability C. Resilience
B. Hazard D. Disaster
15. Alin sa mga sumusunod ang maaaring ipagkaloob na tulong ng pamahalaan sa tuwing may
suliraning pangkapaligiran?
A. Pagbibigay ng libreng edukasyon sa mga mag-aaral
B. Pagbibigay benipesyo sa mga manggagagawa
C. Pagpapatupad ng programa ng pagpapautang
D. Pagbibigay ng babala at rehabilitasyon ng mga nasira ng kalamidad
16. Alin sa mga sumusunod ang kalimitang pasilidad na inihahanda ng bawat barangay at lalawigan
bilang pansamantalang panuluyan sa oras ng kalamidad?
A. Bahay paanakan C. Evacuation Center
B. Isolation Center D. Health Center
17. Alin sa mga sumusunod ang hindi nakapaloob sa disaster management plan patungo sa pagbuo ng
isang pamayanang handa at matatag sa pagharap sa mga hamong pangkapaligiran?
A. Paghahanda C.Pagtataya
B. Pagpaplano D.Pagwawalang-bahala
18. Ang inyong lugar ay madalas nakararanas ng pagbaha at dahil sa mababa ang kinatatayuan ng
inyong bahay ay madalas nalulubong ito sa tubig. Ano ang maaaring gawin ng pamunuan ng inyong
barangay o ng iyong pamilya ukol sa sitwasyon upang maiwasan ang hazard (panganib) sa mga
mamamayan?
A. Maging malinaw ang bubuoing Hazard Assessment sa Disaster Management Plan
B. Maglaan ng mga Budget sa paggwa ng dike o upang maging ligtas ang pamayanan
C. Bumuo ng Hazard Mapping
D. Lahat ng nabanggit
19. Ang NDRRMC ang isa sa nagbibigay babala sa mga mamamayan ukol sa banta ng paparating na
bagyong Karding. Ayon dito ang iyong lugar ay maaaring daanan ng nasabing bagyo, ano ang una
3. mong gagawin bago dumating ito?
A. Makikipagtulungan sa mga opisyales ng barangay upang mailikas ang kapwa
mamamayan.
B. Lilikas sa ibang lugar sa kabila ng wala pang abiso ng pamahalaa.
C. Maghahanda ng mga pangunahing pangangailangan.
D. Gawing evacuation Center ang sariling tahanan
20. Bilang miyembro ng sangguniang kabataan , si Kirby ay kabilang sa magbibigay ng anunsyo o
patalastas ukol sa Disaster Preparedness ng kanilang lugar. Kung ikaw si Kirby, paano mo
isasagawa ito?
A. Makipagtulungan sa mga kasapi ng CBDRRM na magbigay ng mga babala ukol sa
Disaster preparedness
B. Makikiusap sa isang television station upang mapanood ng mga mamamayan ang
anunsyo o patalastas
C. Magpatawag ng isang pagpupulong kabilang mag lahat ng mga mamamayan
D. Makibahagi sa mga gawain at pagpupulong ng Sangguniang Barangay
21. Ang bagyong Karding ang isa sa kalamidad na nakapinsala sa malaking bahagi ng Northern at
Central Luzon. Paano mo gagamitin ang ganitong pangyayari kung ang iyong lugar ay isa sa
naapektuhan nito?
I. Ito ang aking magiging batayan upang hindi na maulit ang pangyayari
II. Ito ang magiging batayan upang tumulong sa naapektuhan ng bagyo
III. gagamitin kong batayan sa pagbuo ng plano ukol sa iba pang kalamidad.
IV. gagamitin kong batayan upang humingi ng tulong mula sa ibang bansa.
A. I,II,III B. I,III,IV C. II, III, IV D. I, III, IV
22. Maraming kabahayan at ilang buhay ang nawala dulot ng bagyong Karding. Ang mga sumusunod ay
mga serbisyong kailangang matugunan ng DSWD sa iyong lugar upang manumbalik ang kaayusan
at normal na daloy ng pamumuhay ng mga mamamayan. Kung ikaw ang pinuno ng ahensya, alin
ang TATLO na maaari mong ipagkaloob?
I. Pagkakaloob ng serbisyong psychosocial upang madaling matanggap ng mga biktima ng
kalamidad ang kanilang mga naranasan
II. Magdaos ng isang kasyahan upang pansamantalang malimutan ng mga mamamayan ang
kanilang naranasan.
III. Sapat na suplay ng pagkain, damit at gamut
IV. Suplay ng tubig at kuryente
A. I, III,IV B. II,III,IV C. I,II,IV D. I, II, III
23. Ang pamamaraang ginawa ng pamahalaan upang maipaalam sa mga mamamayan ang konsepto ng
DRRM plan ay ang pagtuturo nito sa mga paaralan. Bilang isang mag-aaral sa Grade 10, paano mo
mapahahalagahan ang kaalaman iyong matututuhan?
A. Ibabahagi ko sa aking pamilya at kakilala ang mga natamong kaalaman upang maging
batayan ng paghahanda sa anumang uri ng kalamidad na maaaring maranasan
B. Aking itatago ang lahat ng mga babasahing ibinahagi ng aming guro ukol dito.
C. Aking tatandaan ang mga kaalamang naibahagi sa amin ng aking guro
D. Wala sa nabanggit
24. Ayon sa PAGASA ay may namumuong dalawang bagyo sa bahagi ng Silangan ng bansa at
tatahakin nito ang Hilagang bahagi ng Luzon. Paano paghahandaan ang kalamidad na ito at ano
ang dapat gawin bago, habang bumabagyo at pagkatapos ng bagyo?
I. alamin ang balita ukol sa panahon at mga anunsyong pangkaligtasan
II. hintayin ang abiso ng kinauukulan ng ligtas ng bumalik sa tahanan
III. manatili sa loob ng bahay o evacuation center
IV. siguraduhing walang basa o nakababad na outlet bago buksan ang linya ng kuryente
A. IV-I-II-III B.I-III-II-IV C. III-II-I-IV D. II-I-IV-III
25. Ang paglindol ay maituturing na kalamidad na hindi natitiyak kung kailan maaaring maganap. Ayon
sa mga eksperto may posibilidad itong maganap batay sa ilang pangyayari na katulad ng mga
nakaraang paglindol sa bansa. Sa ganitong pagkakataon ang mga ahensya ng pamahalaan tulad ng
Department of Education (DepEd) ay nagsasagawa ng malawakang Earthquake drill sa mga paaralan
upang maiwasan ang epekto nito. Paano mo ihahanda ang iyong sarili sa nabanggit na kalamidad?
I. Ihanda ang “Go Bag” upang may pangunahing pangangailangan maaring magamit sa
panahon ng paglikas
II. Isagawa sa bahay kasama pamilya ang natutuhang earthquake drill sa paaralan
III. Magplano kasama ang pamilya sa maaaring gawin sa panahong ng kalamidad
IV. Magpagawa ng matibay na lamesa upang kublihan sa panahon ng paglindol
A. I,II,III,IV B. I,II,IV C. II,III,IV D. I,II,III
26. Anong uri ng disaster ang tinutukoy kapag ito ay bagyo/cyclone?
4. A. Man-made Disaster
B. Natural Disaster
C. Biological Hazard
D. Technological Hazard
27. Anong uri ng disaster ang tinutukoy kapag ito ay air pollution?
A. Natural Disaster
B. Man-made Disaster
C. Climate Hazard
D. Geological Hazard
28. Anong uri ng disaster ang tinutukoy kapag ito ay pandemic?
A. Natural Disaster
B. Man-made Disaster
C. Biological Hazard
D. Technological Hazard
29. Anong uri ng disaster ang tinutukoy kapag ito ay baha/flood?
A. Natural Disaster
B. Man-made Disaster
C. Technological Hazard
D. Industrial Hazard
30. Anong uri ng disaster ang tinutukoy kapag ito ay storm surge?
A. Natural Disaster
B. Man-made Disaster
C. Industrial Hazard
D. Biological Hazard
31. Anong uri ng disaster ang tinutukoy kapag ito ay oil spill?
A. Natural Disaster
B. Man-made Disaster
C. Biological Hazard
D. Geological Hazard
32–35 (Pag-aanalisa – ayon sa TOS)
32. Anong uri ng disaster ang tinutukoy kapag ito ay sunog/fire?
A. Natural Disaster
B. Man-made Disaster
C. Biological Hazard
D. Geological Hazard
33. Anong uri ng disaster ang tinutukoy kapag ito ay deforestation?
A. Natural Disaster
B. Man-made Disaster
C. Technological Hazard
D. Climate Hazard
34. Anong uri ng disaster ang tinutukoy kapag ito ay atomic bomb?
A. Natural Disaster
B. Man-made Disaster
C. Climate Hazard
D. Geological Hazard
35. Anong uri ng disaster ang tinutukoy kapag ito ay lindol/earthquake?
A. Natural Disaster
B. Man-made Disaster
C. Technological Hazard
D. Climate Hazard
III. FACT O BLUFF (Pagsusuri/Pagtataya – Items 36–40)
Piliin ang tamang sagot.
36. Ang kontemporaryong isyu ay tumutukoy sa mga napapanahong pangyayari na maaaring gumagambala,
nakaapekto at maaaring makapagpabago sa kalagayan ng tao at lipunan.
A. Fact
5. B. Bluff
C. Mali
D. Tama
37. Ang salitang isyu ay nangangahulugang mga paksa, tema, pangyayari, usapin o suliraning nakaaapekto
sa tao sa lipunan.
A. Fact
B. Bluff
C. Mali
D. Tama
38. Ang mga pangyayari sa nakaraan na may kinalaman sa mga kaganapan sa kasalukuyan ay hindi
maituturing na kontemporaryong isyu.
A. Fact
B. Bluff
C. Tama
D. Mali
39. Kinakailangang maging mulat ang mga mamamayan sa pagharap sa mga kontemporaryong isyu.
A. Fact
B. Bluff
C. Mali
D. Tama
40. Ang salitang kontemporaryo ay nangangahulugan ng mga pangyayari sa daigdig mula ika-20 dantaon
hanggang sa kasalukuyan.
A. Fact
B. Bluff
C. Mali
D. Tama
IV. (Paglalapat at Pag-aanalisa – Items 41–50)
41. Bilang mag-aaral, alin sa mga ito ang pinakamainam mong gawin upang makatulong sa kasalukuyang
isyu sa lipunan?
A. Manatili sa bahay at huwag makialam
B. Magbahagi ng impormasyon sa social media
C. Magdaos ng talakayan sa klase tungkol sa isyu
D. Wala sa nabanggit
42. Ano ang maaari mong gawin upang makatulong sa paglutas ng suliranin sa kapaligiran?
A. Magtapon ng basura kahit saan
B. Magsagawa ng tree planting
C. Sunugin ang basura
D. Iwasan ang pakikilahok sa community programs
43. Sa gitna ng sakuna, alin ang pinakamainam na hakbang na maaari mong gawin?
A. Sumunod sa evacuation plan
B. Magpanic agad
C. Iwasang makinig sa awtoridad
D. Mag-isa lamang kumilos
44. Paano mo maisusulong ang kaalaman tungkol sa climate change sa iyong komunidad?
A. Pagsusulat ng artikulo at pagbabahagi nito
B. Pagsira ng mga tanim
C. Pagwawalang-bahala sa isyu
D. Pagkakalat ng maling impormasyon
45. Alin sa mga sumusunod ang hindi epektibong paraan upang makatulong sa kasalukuyang isyu sa
lipunan?
A. Pagsali sa mga clean-up drive
B. Pagtulong sa pagbibigay ng relief goods
C. Pagsusunog ng plastik sa bakuran
D. Pagtatanim ng puno
46. Kung ikaw ay magiging lider, alin ang pinakamainam na programa laban sa kalamidad?
A. Disaster risk reduction training
6. B. Pagwawalang-bahala sa babala
C. Paghinto ng lahat ng rescue operations
D. Pagpapaliban ng mga emergency drill
47. Anong programang pangkaligtasan ang dapat unahin bilang lider?
A. Pagpapagawa ng evacuation center
B. Pagpapaliban ng rescue operations
C. Pagbabawas ng rescue team
D. Pagbawal sa paggamit ng early warning systems
48. Alin ang hakbang na makatutulong upang mapalakas ang kahandaan ng mamamayan?
A. Pagsasagawa ng regular na earthquake drill
B. Pagbawal sa information campaigns
C. Pag-alis ng disaster management team
D. Pagwawalang-bahala sa hazard map
49. Anong polisiya ang maaari mong ipatupad upang mabawasan ang epekto ng baha?
A. Pagtatayo ng flood control systems
B. Pagtatapon ng basura sa kanal
C. Pagsira sa drainage system
D. Paggiba ng mga flood barrier
50. Bilang lider, paano mo matitiyak na laging handa ang komunidad sa sakuna?
A. Pagbibigay ng sapat na disaster preparedness training
B. Pagbawas ng budget para sa disaster management
C. Pagwawalang-bahala sa early warning
D. Pag-alis ng mga evacuation plan
"The best preparation for tomorrow is doing your best today."
- H. Jackson Brown Jr.
Inihanda ni:
Gng. Christine Joyce A. Garcia/Gng. Wendy B. Ramirez
Guro sa Araling Panlipunan 10
Binigyang Pansin ni:
Gng. Marites G. Caponpon
Gurong Tagapamanih