City of Good Character
DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
Manunulat: Olivia E. Catubig
2
G
National Capital Region
SCHOOLS DIVISION OFFICE
MARIKINA CITY
Araling Panlipunan
Ikalawang Markahan – Modyul 7
Pagpapahalaga sa Pagkakakilanlang Kultural ng
Komunidad
1
City of Good Character
DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
Sa pagtatapos ng aralin, inaasahang ikaw ay:
1. nabibigyang halaga ang pagkakakilanlang kultural
ng komunidad;
1.1 nasusuri ang pagkakakilanlang kultural ng
sariling komunidad;
1.2 nabibigyang-galang ang mga bagay na
nagbago at nanatili sa pamumuhay ng
komunidad.
Ang modyul na ito ay binubuo ng isang aralin.
Aralin 1: Pagbibigay Halaga sa Pagkakakilanlang
Kultural ng Komunidad.
Aralin
1
Pagpapahalaga sa
Pagkakakilanlang Pangkultural
ng Komunidad
Alamin
2
City of Good Character
DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
Magandang araw sa iyo! inaasahan ko na masigla
mong babasahin at sasagutan ang aralin sa modyul na ito.
Bago ka magpatuloy sa bagong aralin, subukan
mong sagutin ang mga sumusunod na pahayag. Iguhit
ang masayang mukha kung naglalarawan ng
komunidad at malungkot na mukha kung hindi.
__________1. Ang komunidad ay binubuo ng pangkat ng mga
tao na namumuhay at naninirahan sa isang pook.
__________2. Matatagpuan sa komunidad ang paaralan,
pamilihan, sambahan, pamahalaan, pook libangan, sentrong
pangkalusugan at mga panahanan.
__________3. Ang mga tao sa komunidad ay may
kanya-kanyang wika at hindi nakikisalamuha sa isa’t isa.
__________4. Ang mga mamamayan ay may kaniya-kaniyang
tungkulin at mga gawain sa komunidad.
__________5. Maituturing na komunidad ang karagatan,
bulubundukin, kagubatan na walang naninirahan.
Subukin
3
City of Good Character
DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
May iba’t ibang paraan ng pamumuhay ang mga
tao sa isang komunidad na naglarawan ng kultura. Kilalanin
mo ang mga salitang may kaugnayan sa kultura. Ayusin ang
mga pantig upang makabuo ng angkop na salita, isulat ito sa
bawat guhit.
1.__________________
yawsa
2.________________ 3. ______________
nantaha inpagka
4._________________ KULTURA 5._______________
tankagami laanpamaha
6. ________________ 7._________________
tankasuo 8._______________ ligusa
yontradis
Balikan
4
City of Good Character
DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
A. Panimula
Alam mo ba ang komunidad na iyong kinabibilangan?
Ano ang iyong ginagawa upang lubos na makilala at
maipakita ang pagpapahalaga sa sarili mong komunidad?
Sa komunidad nabubuo ang kultura ng mga
mamamayan na may mga bahaging materyal tulad ng
pagkain, kagamitan, kasuotan, at iba pang bagay na
nakikita at nahahawakan at di-materyal , mga impluwensiya
ng kinagisnang kultura gaya ng paniniwala, kaugalian,
tradisyon, at mga pagdiriwang.
Sa pamamagitan ng kultura, matutukoy ang
pagkakakilanlan ng bawat pangkat ng tao ng isang lugar.
Nabubuo ito upang matugunan ang mga pangangailangan
ng tao sa komunidad o pamayanan.
Tingnan ang mga sumusunod na larawan, iIan lang ang
mga ito sa pagkakakilanlang kultural ng isang komunidad
tulad ng lungsod ng Marikina. Nakikilala mo ba ang mga ito?
Tuklasin
5
City of Good Character
DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
Punong Lungsod ng Marikina Marikina City Hall
Marikina Cityhood Park Marikina River Park
Rehiyon-Rehiyon Sayaw na Lerion
6
City of Good Character
DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
Populasyon ng Marikina 537,183 San Isidro Labrador Church
(Jesus Dela Peña Chapel)
(Hango mula sa Marikina Facts and Figures)
Halina at kilalanin mo pa ang iyong komunidad sa
mababasa mong impormasyon at pagpapahalaga.
Ang Marikina ay isang patag na lupain na napaliligiran
ng mga burol at bundok kaya’t maituturing na lambak ang
kinalalagyan ng lungsod. Tagalog ang wikang sinasalita ng
karamihan sa nakatira dito.
Suriin
7
City of Good Character
DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
Sa pagdaan ng panahon may mga pagbabagong
nagaganap sa isang lugar o pamayanan maaring magdulot
ng pagbabago sa kasaysayan, mabuti man o hindi ang
naging bunga ng pagbabagong ito, siguradong nag-iiwan
ito ng alaala sa ating isipan.
Maging mapanuri ka, bigyan ng pagpapahalaga ang
mga bagay na nagbabago at nananatili sa iyong
komunidad.
Mga Pagbabago sa Komunidad
• Populasyon ng Marikina
Mapapansin mo na habang lumilipas ang panahon
parami ng parami ang bilang ng tao sa komunidad
Taon 1990 2000 2010 2016
Bilang ng
Tao
357,231 391,170 424,150 537,183
• Mga Pagbabago sa Kapaligiran
Ang pisikal na anyo ng lugar ay nag-iiba rin dahil
bahagi ito ng pag-unlad. Kabilang dito ang naitayong mga
tulay, daan, gusali, at iba pang impraestruktura. Ang mga ito
ay dapat mong bigyang halaga, panatilihing itong malinis at
maayos.
• Pagbabago sa Transportasyon
Noon, mabagal at kakaunti lamang ang mga
sasakyan ngayon ay iba-iba na ang uri ng mga ito na
nagdudulot ng malaking pagbabago sa transportasyon,
nakatutulong ito upang maging maayos at mabilis ang
8
City of Good Character
DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
paglalakbay.
• Pagbabagong pang-ekonomiya
Dati ang Marikina ay kilala lamang sa matitibay na
sapatos at pagiging “Shoe Capital of the Philippines” ngayon
ay kilala na rin ang lungsod sa iba’t ibang industriya tulad ng
turismo at pagkain.
Ang pagkakaroon ng bago, malinis at maayos na
pamilihan ay nagbigay din ng karangalan sa lungsod. Kaya’t
dapat mo itong tangkilikin at ipagmalaki.
• Pagbabagong Panlipunan
Hindi lang pagbabago sa kapaligiran ang mahalaga sa
komunidad kundi higit sa lahat ay ang pagbabago sa
pamumuhay ng mga tao. Nararanasan ng mga
mamamayan ang paglilingkod at serbisyo mula sa lokal na
pamahalaan.
• Maayos at ligtas na tirahan, wala na ang mga informal
settler sa tabing-ilog dahil nabigyan na sila ng lupang
matitirikan ng kanilang tahanan.
• Mabilis na tulong at tugon ng pamahalaang,
panlungsod sa mamamayan sa oras ng panganib.
• May mga liwasan, palaruan at aliwan , matatagpuan
din sa Riverpark ang skating rink ,jogging lane at
pasyalan.
• Nararanasan din ang katahimikan at kaligtasan ng mga
mamamayan sa komunidad sa tulong ng mga alagad
ng batas.
9
City of Good Character
DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
➢ Mga Nananatili at Nagpapatuloy sa Sariling
Komunidad
1. Tradisyon ay mga kinagawian o kinagisnang gawain,
paniniwala, pagdiriwang at iba pa.
• Pagbabansag sa mga Angkan, karamihan sa mga taal
na taga-Marikina ay may mga bansag at kahulugan
nito kung kaya’t nagdaraos sila taon-taon ng Ka-
Angkan Festival upang ipakita ang pagkakaisa.
• Pagdaraos ng mga pagdiriwang tulad ng Pista sa
bawat baranggay, Shoe Marikina Festival, Rehiyon-
Rehiyon, Ka-Angkan Festival, Christmas Festival at iba
pa.
2. Ayon sa isang panayam ang mga Marikeño ay may
kabihasaan o kasanayan sa isang bagay, may disiplina at
masisipag. Nananatili ang magagandang katangian ng mga
Marikeño, nakikita ito sa pagsunod ng mga mamamayan sa
mga ordinansa o kautusan ng pamahalaan.
• pagtawid sa tamang tawiran
• paggamit ng wasto sa bangketa
• pagsasaayos ng mga basura
Sagutin ang mga tanong
1. Ano-ano ang mga bagay na nagbabago sa komunidad?
________________________________________________________
2. Paano nakatulong ang mga pagbabagong ito sa mga
komunidad?
_________________________________________________________
10
City of Good Character
DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
3. Ano-ano naman ang nananatili at nagpapatuloy sa
komunidad?
_________________________________________________________
4. Paano mo maipapakita ang pagiging mabuting
mamamayan sa sarili mong komunidad?
5. Ngayon sa pangyayari ng pandemya (Covid-19), ano-ano
ang maari mong gawin para maging ligtas sa sakit at hindi
maging problema ng komunidad?
Kilalanin mo ang mga sumusunod na larawan na
nagpapakilala ng sariling komunidad ng Marikina. Piliin ang
sagot sa loob ng kahon. Isulat ang letra ng tamang sagot sa
patlang.
Pagyamanin
11
City of Good Character
DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
1. _______________________ 2._________________________
3._______________________ 4.________________________
A Sayaw na Lerion B. Industriya ng Sapatos
C. Waknatoy D. Marikina River Park
E. Marikina Cityhood F. 537,183
G. City Hall of Marikina H. Rehiyon-Rehiyon
I. Kapitan Moy
(Marikina Facts&Figures 2016)
12
City of Good Character
DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
5.________________________ 6.________________________
7._______________________ 8._______________________
✓ Ang Lungsod ng Marikina ay ang iyong komunidad na
may sariling kultura na dapat kilalanin, igalang at
pahalagahan.
✓ Ilan sa mga pagkakakilanlan ng komunidad nito:
➢ Punong Lungsod: Hon. Marcelino R. Teodoro
➢ Tagalog ang wikang sinasalita
➢ Populasyon: 537,183 (Marikina Facts & Figures 2016)
➢ Pangunahing Industriya : Paggawa ng sapatos
➢ Kilalang parke at gusali :Marikina Cityhood Park,
Marikina River Park, Kapitan Moy, Marikina City Hall,
Shoe Museum at iba pa.
Isaisip
13
City of Good Character
DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
➢ Mga tradisyon at pagdiriwang :
Pista ng bawat barangay, Marikina Shoe Festival,
Ka-Angkan Festival, Rehiyon-Rehiyon, Christmas
Festival at iba pa.
➢ Magagandang katangian ng Marikeño
- Masisipag at may disiplina
- pagsunod sa mga batas trapiko
- pagsasaayos ng basura
- wastong paggamit ng bangketa
Gamit ang graphic organizer. Itala ang mga nananatili
pa at nagpapatuloy hanggang ngayon sa pamumuhay sa
sarili mong komunidad.
1. Kaugalian 2 .Tradisyon
_________________________ _________________________
________________________ ___________________________
Mga bagay/gawain na
nananatili at nagpapatuloy
sa aking komunidad
3. Kabuhayan 4.Lansangan
__________________________ ____________________________
_____________________ _______________________
Isagawa
14
City of Good Character
DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
Kulayan ng pula ang hugis puso kung ang mga
sumusunod na pahayag ay nagpapakita ng
pagpapahalaga sa pagkakakilanlang kultural ng komunidad
at asul naman kung hindi.
1. Tinatangkilik ang mga produktong gawa sa
lungsod tulad ng paggamit ng sapatos Marikina.
2. Nakikiisa sa mga pagdiriwang ng lungsod,
sumasali sa mga aktibidad na nagpapakita ng
pagmamahal sa sariling komunidad.
3. Pinipiling maglagi sa malalaking mall kaysa sa
mamasyal sa tabing-ilog ng Marikina.
4. Isinasalaysay o ikinukuwento sa iba ang
magagandang katangian ng sariling lungsod.
5. Iniwasan damputin ang kalat sa parke na nadaanan.
Tayahin
P
15
City of Good Character
DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
Alalahanin ang mga pagbabagong nagaganap sa
iyong komunidad/ lungsod. Isulat ang sagot sa talaan sa
ibaba.
Antonio, Eleonor D. et al. Kayamanan, pp. 112-123. Manwal sa AP Marikina Noon
at Ngayon Ikalawang Baitang
Antonio, Eleonor D. et al. Kayamanan pp. 112–Kasaysayan ng Marikina pp. 132-
Website:
Araling Panlipunan K-12 Gabay Pangkurikulum Disyembre 2013 p. 32
https://www.google.com.ph/search?q=ilog+ng+marikina+ngayon&espv=2&bi
http://www.google.com.ph/search?q=images=of=marikina
http://www.google.com.ph/search?q=mayor+marcy+teodoro&source
http://vigattintourism.com/tourism/articles/Proud-to-be-Marikenos
http://turismosamarikina.blogspot.com/
https://www.google.com/imgres?imgurl=httpsupload.wikimedia.commMarikina_Ri
ver..marikina-river-marikina-river-
transforms2.jpg&imgrefurl=httpwww.pinoise.netpositive-change-ang-pagbabago-
https://marikinacity.wordpress.com/2013/12/06/marikina-cityhood-park/
Pisikal
(Kapaligiran)
Pang-ekonomiya
(Industriya)
Panlipunan
(Pamumuhay ng
Tao)
Karagdagang Gawain
Sanggunian
16
City of Good Character
DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
5.
Susi sa Pagwawasto
Subukin
1.
2.
3.
4.
5.
Balikan
1.
sayaw
2.
tahanan
3.
pagkain
4.
kagamitan
5.
pamahalaan
6.
kasuotan
7.
gusali
8.
tradisyon
Pagyamanin
1.
E
6.
H
2.
D
7.
B
3.
I
8.
C
4.
F
5.
A
Isagawa
1.
Pisikal
(tulay,
mga
gusali,
ilog,
parke)
2.
tradisyon
(mga
pagdiriwang,
kaugalian,
pamahiin,
paniniwala)
3.
ekonomiya
(industriya
ng
sapatos
at
bag,
pagkain
at
turismo)
4.
transportasyon
(
tricycle,
dyip,
taxi,UV
express,
bus,LRT/MRT)
Tayahin
1.
2.
3.
4.
5.
17
City of Good Character
DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE
Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul
Manunulat: Olivia E. Catubig
Tagasuri – Panloob: Aaron S. Enano
Tagaguhit: Nathalia A. Malaga
Tagapamahala:
Sheryll T. Gayola
Pangalawang Tagapamanihala
Pinunong Nanunuparan - Tanggapan ng Tagapamanihala
Elisa O. Cerveza
Hepe – Curriculum Implementation Division
Pinunong Nanunuparan - Tanggapan ng Pangalawang Tagapamanihala
Aaron S. Enano
Superbisor sa Araling Panlipunan
Ivy Coney A. Gamatero
Superbisor sa Learning Resource Management System
Catherine Paningbatan
Learning Resource, Librarian
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:
Schools Division Office- Marikina City
Email Address: sdo.marikina@deped.gov.ph
191 Shoe Ave., Sta. Elena, Marikina City, 1800, Philippines
Telefax: (02) 682-2472 / 682-3989

More Related Content

PPTX
310715602-Panghalip-at-Mga-Uri-Nito.pptx
PPTX
filipino 4 deeeeeeeeeeeeeeeentasyon.pptx
PPTX
Q1 FILIPINO WEEK 566666666666666666.pptx
PPTX
Q1 FILIPINO WEEK 7.pptx.................
PPTX
GMRC-Q4-LAGUMANG-PAGSUSULIT.....-1-.pptx
PPTX
Q4-DAY2-WEEK4...........................
PPTX
Q4-WEEK-4-GMRC-DAY-3.pptx...............
PPTX
MAKABANSA-LAGUMANG-PAGSUSsULIT1-QR4.pptx
310715602-Panghalip-at-Mga-Uri-Nito.pptx
filipino 4 deeeeeeeeeeeeeeeentasyon.pptx
Q1 FILIPINO WEEK 566666666666666666.pptx
Q1 FILIPINO WEEK 7.pptx.................
GMRC-Q4-LAGUMANG-PAGSUSULIT.....-1-.pptx
Q4-DAY2-WEEK4...........................
Q4-WEEK-4-GMRC-DAY-3.pptx...............
MAKABANSA-LAGUMANG-PAGSUSsULIT1-QR4.pptx

More from JesiecaBulauan (17)

PPTX
Q4-MATH-W4-D1.pptx matatag..............
PPTX
Q4-WEEK-4-GMRC-DAY-2.pptx matataaag.....
PPTX
MAKABANSA-QR4-WK4-DAY2.pptx matatag.....
PPTX
Q4_LANGUAGE_WEEK-4_DAY-2.pptx matatag ..
PDF
NCR-FINAL-Q2-ENG2-M8-ICI 222222222222222
PPTX
LANGUAGE.pptx
PDF
Filipino1_Q2_Mod16_Pag-uulatnangPasalitangmga-NaobserbahangPangayayrisaPaligi...
PDF
Filipino1_Q2_Mod15_Pagsunod-sunod-ng-mga-Pangyayari-sa-Kuwento-sa-Tulong-ng-m...
PDF
Filipino1_Q2_Mod4_PagsabiNgMensahengNaisIpabatidNgNabasangBabalaOPaalala_vers...
PDF
Filipino1_Q2_Mod5_Pagsulat-Nang-May-Tamang-Laki-at-Layo-sa-Isat-isa-ang-mga-L...
PDF
Filipino1_Q2_Mod3_MagalangNaPananalitaSaAngkopNaSitwasyon_version2.pdf
PPTX
W2-Q2 MTB 3.pptx
PPTX
W9-Q1 MTB 3.pptx
PDF
Health Declaration.pdf
PPTX
Recognizing Useful and Harmful Materials Day 1.pptx
PPTX
Arts Q1Aralin1Day1&2.pptx
PPTX
Grade 5 PPT_Science_Q1_W1_Lesson 3.pptx
Q4-MATH-W4-D1.pptx matatag..............
Q4-WEEK-4-GMRC-DAY-2.pptx matataaag.....
MAKABANSA-QR4-WK4-DAY2.pptx matatag.....
Q4_LANGUAGE_WEEK-4_DAY-2.pptx matatag ..
NCR-FINAL-Q2-ENG2-M8-ICI 222222222222222
LANGUAGE.pptx
Filipino1_Q2_Mod16_Pag-uulatnangPasalitangmga-NaobserbahangPangayayrisaPaligi...
Filipino1_Q2_Mod15_Pagsunod-sunod-ng-mga-Pangyayari-sa-Kuwento-sa-Tulong-ng-m...
Filipino1_Q2_Mod4_PagsabiNgMensahengNaisIpabatidNgNabasangBabalaOPaalala_vers...
Filipino1_Q2_Mod5_Pagsulat-Nang-May-Tamang-Laki-at-Layo-sa-Isat-isa-ang-mga-L...
Filipino1_Q2_Mod3_MagalangNaPananalitaSaAngkopNaSitwasyon_version2.pdf
W2-Q2 MTB 3.pptx
W9-Q1 MTB 3.pptx
Health Declaration.pdf
Recognizing Useful and Harmful Materials Day 1.pptx
Arts Q1Aralin1Day1&2.pptx
Grade 5 PPT_Science_Q1_W1_Lesson 3.pptx
Ad

Recently uploaded (20)

PPTX
Araling Panlipunan 8 Sinaunang Kabihasnan
PPTX
lesson 2.Ang mga Kalakasan at Limitasyon
PDF
Alternative Learning System - Sanghiyang
DOCX
BAGANGAN_LE-COT4.docx matatag curriculum lesson plan pe 4
PPTX
ANG MGA DULA SA PANAHON NG AMERIKANO.pptx
PPTX
values 8 w1 quarter 1.power point presentation
PPTX
ALOKASYON - powerpoint presentation Copy.pptx
PPTX
Edukasyon Sa Pagpapakatao 10 Q2 Module 1.
PPTX
Q1-edukasyon sa pagpapakatao Ikatlong Linggo Day 2.pptx
PPTX
Uri_ng_-Pamahalaang_Amerikano_Day 1.pptx
DOCX
Eslava_COT_4.docxmatatag curriculum cot 4 in filipino
PPTX
Parent's and Teacher's Conference 2.pptx
PPTX
Lesson 1 in GMRC 5 Quarter 2 Week 1.pptx
PPTX
INTRODUCTION TO AGRICULTURE EPP GRADE 4 AND GRADE 5
PPTX
,,,,,,,,,,,,Mitolohiyang_Romano_Quiz.pptx
PPTX
Maikling Pagsusulit Filipino 10 (QA1A)..
PPTX
GMRC 2 Quarter 2 Week 1 Matatag Curriculum
PDF
ARALIN 1- KOMUNIKASYON-AT-PANANALIKSIK-SA-WIKA-AT-KULTURANG-PILIPINO.pdf
PPTX
Uri, Kailanan, at Kasarian ng Pangngalan (1).pptx
DOCX
EDUKASYONG PANTAHANAN AT PANGKABUHAYAN 1ST.docx
Araling Panlipunan 8 Sinaunang Kabihasnan
lesson 2.Ang mga Kalakasan at Limitasyon
Alternative Learning System - Sanghiyang
BAGANGAN_LE-COT4.docx matatag curriculum lesson plan pe 4
ANG MGA DULA SA PANAHON NG AMERIKANO.pptx
values 8 w1 quarter 1.power point presentation
ALOKASYON - powerpoint presentation Copy.pptx
Edukasyon Sa Pagpapakatao 10 Q2 Module 1.
Q1-edukasyon sa pagpapakatao Ikatlong Linggo Day 2.pptx
Uri_ng_-Pamahalaang_Amerikano_Day 1.pptx
Eslava_COT_4.docxmatatag curriculum cot 4 in filipino
Parent's and Teacher's Conference 2.pptx
Lesson 1 in GMRC 5 Quarter 2 Week 1.pptx
INTRODUCTION TO AGRICULTURE EPP GRADE 4 AND GRADE 5
,,,,,,,,,,,,Mitolohiyang_Romano_Quiz.pptx
Maikling Pagsusulit Filipino 10 (QA1A)..
GMRC 2 Quarter 2 Week 1 Matatag Curriculum
ARALIN 1- KOMUNIKASYON-AT-PANANALIKSIK-SA-WIKA-AT-KULTURANG-PILIPINO.pdf
Uri, Kailanan, at Kasarian ng Pangngalan (1).pptx
EDUKASYONG PANTAHANAN AT PANGKABUHAYAN 1ST.docx
Ad

AP2-Q2-MODULE 7 -CATUBIG (1).pdf22222222

  • 1. City of Good Character DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE Manunulat: Olivia E. Catubig 2 G National Capital Region SCHOOLS DIVISION OFFICE MARIKINA CITY Araling Panlipunan Ikalawang Markahan – Modyul 7 Pagpapahalaga sa Pagkakakilanlang Kultural ng Komunidad
  • 2. 1 City of Good Character DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE Sa pagtatapos ng aralin, inaasahang ikaw ay: 1. nabibigyang halaga ang pagkakakilanlang kultural ng komunidad; 1.1 nasusuri ang pagkakakilanlang kultural ng sariling komunidad; 1.2 nabibigyang-galang ang mga bagay na nagbago at nanatili sa pamumuhay ng komunidad. Ang modyul na ito ay binubuo ng isang aralin. Aralin 1: Pagbibigay Halaga sa Pagkakakilanlang Kultural ng Komunidad. Aralin 1 Pagpapahalaga sa Pagkakakilanlang Pangkultural ng Komunidad Alamin
  • 3. 2 City of Good Character DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE Magandang araw sa iyo! inaasahan ko na masigla mong babasahin at sasagutan ang aralin sa modyul na ito. Bago ka magpatuloy sa bagong aralin, subukan mong sagutin ang mga sumusunod na pahayag. Iguhit ang masayang mukha kung naglalarawan ng komunidad at malungkot na mukha kung hindi. __________1. Ang komunidad ay binubuo ng pangkat ng mga tao na namumuhay at naninirahan sa isang pook. __________2. Matatagpuan sa komunidad ang paaralan, pamilihan, sambahan, pamahalaan, pook libangan, sentrong pangkalusugan at mga panahanan. __________3. Ang mga tao sa komunidad ay may kanya-kanyang wika at hindi nakikisalamuha sa isa’t isa. __________4. Ang mga mamamayan ay may kaniya-kaniyang tungkulin at mga gawain sa komunidad. __________5. Maituturing na komunidad ang karagatan, bulubundukin, kagubatan na walang naninirahan. Subukin
  • 4. 3 City of Good Character DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE May iba’t ibang paraan ng pamumuhay ang mga tao sa isang komunidad na naglarawan ng kultura. Kilalanin mo ang mga salitang may kaugnayan sa kultura. Ayusin ang mga pantig upang makabuo ng angkop na salita, isulat ito sa bawat guhit. 1.__________________ yawsa 2.________________ 3. ______________ nantaha inpagka 4._________________ KULTURA 5._______________ tankagami laanpamaha 6. ________________ 7._________________ tankasuo 8._______________ ligusa yontradis Balikan
  • 5. 4 City of Good Character DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE A. Panimula Alam mo ba ang komunidad na iyong kinabibilangan? Ano ang iyong ginagawa upang lubos na makilala at maipakita ang pagpapahalaga sa sarili mong komunidad? Sa komunidad nabubuo ang kultura ng mga mamamayan na may mga bahaging materyal tulad ng pagkain, kagamitan, kasuotan, at iba pang bagay na nakikita at nahahawakan at di-materyal , mga impluwensiya ng kinagisnang kultura gaya ng paniniwala, kaugalian, tradisyon, at mga pagdiriwang. Sa pamamagitan ng kultura, matutukoy ang pagkakakilanlan ng bawat pangkat ng tao ng isang lugar. Nabubuo ito upang matugunan ang mga pangangailangan ng tao sa komunidad o pamayanan. Tingnan ang mga sumusunod na larawan, iIan lang ang mga ito sa pagkakakilanlang kultural ng isang komunidad tulad ng lungsod ng Marikina. Nakikilala mo ba ang mga ito? Tuklasin
  • 6. 5 City of Good Character DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE Punong Lungsod ng Marikina Marikina City Hall Marikina Cityhood Park Marikina River Park Rehiyon-Rehiyon Sayaw na Lerion
  • 7. 6 City of Good Character DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE Populasyon ng Marikina 537,183 San Isidro Labrador Church (Jesus Dela Peña Chapel) (Hango mula sa Marikina Facts and Figures) Halina at kilalanin mo pa ang iyong komunidad sa mababasa mong impormasyon at pagpapahalaga. Ang Marikina ay isang patag na lupain na napaliligiran ng mga burol at bundok kaya’t maituturing na lambak ang kinalalagyan ng lungsod. Tagalog ang wikang sinasalita ng karamihan sa nakatira dito. Suriin
  • 8. 7 City of Good Character DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE Sa pagdaan ng panahon may mga pagbabagong nagaganap sa isang lugar o pamayanan maaring magdulot ng pagbabago sa kasaysayan, mabuti man o hindi ang naging bunga ng pagbabagong ito, siguradong nag-iiwan ito ng alaala sa ating isipan. Maging mapanuri ka, bigyan ng pagpapahalaga ang mga bagay na nagbabago at nananatili sa iyong komunidad. Mga Pagbabago sa Komunidad • Populasyon ng Marikina Mapapansin mo na habang lumilipas ang panahon parami ng parami ang bilang ng tao sa komunidad Taon 1990 2000 2010 2016 Bilang ng Tao 357,231 391,170 424,150 537,183 • Mga Pagbabago sa Kapaligiran Ang pisikal na anyo ng lugar ay nag-iiba rin dahil bahagi ito ng pag-unlad. Kabilang dito ang naitayong mga tulay, daan, gusali, at iba pang impraestruktura. Ang mga ito ay dapat mong bigyang halaga, panatilihing itong malinis at maayos. • Pagbabago sa Transportasyon Noon, mabagal at kakaunti lamang ang mga sasakyan ngayon ay iba-iba na ang uri ng mga ito na nagdudulot ng malaking pagbabago sa transportasyon, nakatutulong ito upang maging maayos at mabilis ang
  • 9. 8 City of Good Character DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE paglalakbay. • Pagbabagong pang-ekonomiya Dati ang Marikina ay kilala lamang sa matitibay na sapatos at pagiging “Shoe Capital of the Philippines” ngayon ay kilala na rin ang lungsod sa iba’t ibang industriya tulad ng turismo at pagkain. Ang pagkakaroon ng bago, malinis at maayos na pamilihan ay nagbigay din ng karangalan sa lungsod. Kaya’t dapat mo itong tangkilikin at ipagmalaki. • Pagbabagong Panlipunan Hindi lang pagbabago sa kapaligiran ang mahalaga sa komunidad kundi higit sa lahat ay ang pagbabago sa pamumuhay ng mga tao. Nararanasan ng mga mamamayan ang paglilingkod at serbisyo mula sa lokal na pamahalaan. • Maayos at ligtas na tirahan, wala na ang mga informal settler sa tabing-ilog dahil nabigyan na sila ng lupang matitirikan ng kanilang tahanan. • Mabilis na tulong at tugon ng pamahalaang, panlungsod sa mamamayan sa oras ng panganib. • May mga liwasan, palaruan at aliwan , matatagpuan din sa Riverpark ang skating rink ,jogging lane at pasyalan. • Nararanasan din ang katahimikan at kaligtasan ng mga mamamayan sa komunidad sa tulong ng mga alagad ng batas.
  • 10. 9 City of Good Character DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE ➢ Mga Nananatili at Nagpapatuloy sa Sariling Komunidad 1. Tradisyon ay mga kinagawian o kinagisnang gawain, paniniwala, pagdiriwang at iba pa. • Pagbabansag sa mga Angkan, karamihan sa mga taal na taga-Marikina ay may mga bansag at kahulugan nito kung kaya’t nagdaraos sila taon-taon ng Ka- Angkan Festival upang ipakita ang pagkakaisa. • Pagdaraos ng mga pagdiriwang tulad ng Pista sa bawat baranggay, Shoe Marikina Festival, Rehiyon- Rehiyon, Ka-Angkan Festival, Christmas Festival at iba pa. 2. Ayon sa isang panayam ang mga Marikeño ay may kabihasaan o kasanayan sa isang bagay, may disiplina at masisipag. Nananatili ang magagandang katangian ng mga Marikeño, nakikita ito sa pagsunod ng mga mamamayan sa mga ordinansa o kautusan ng pamahalaan. • pagtawid sa tamang tawiran • paggamit ng wasto sa bangketa • pagsasaayos ng mga basura Sagutin ang mga tanong 1. Ano-ano ang mga bagay na nagbabago sa komunidad? ________________________________________________________ 2. Paano nakatulong ang mga pagbabagong ito sa mga komunidad? _________________________________________________________
  • 11. 10 City of Good Character DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE 3. Ano-ano naman ang nananatili at nagpapatuloy sa komunidad? _________________________________________________________ 4. Paano mo maipapakita ang pagiging mabuting mamamayan sa sarili mong komunidad? 5. Ngayon sa pangyayari ng pandemya (Covid-19), ano-ano ang maari mong gawin para maging ligtas sa sakit at hindi maging problema ng komunidad? Kilalanin mo ang mga sumusunod na larawan na nagpapakilala ng sariling komunidad ng Marikina. Piliin ang sagot sa loob ng kahon. Isulat ang letra ng tamang sagot sa patlang. Pagyamanin
  • 12. 11 City of Good Character DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE 1. _______________________ 2._________________________ 3._______________________ 4.________________________ A Sayaw na Lerion B. Industriya ng Sapatos C. Waknatoy D. Marikina River Park E. Marikina Cityhood F. 537,183 G. City Hall of Marikina H. Rehiyon-Rehiyon I. Kapitan Moy (Marikina Facts&Figures 2016)
  • 13. 12 City of Good Character DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE 5.________________________ 6.________________________ 7._______________________ 8._______________________ ✓ Ang Lungsod ng Marikina ay ang iyong komunidad na may sariling kultura na dapat kilalanin, igalang at pahalagahan. ✓ Ilan sa mga pagkakakilanlan ng komunidad nito: ➢ Punong Lungsod: Hon. Marcelino R. Teodoro ➢ Tagalog ang wikang sinasalita ➢ Populasyon: 537,183 (Marikina Facts & Figures 2016) ➢ Pangunahing Industriya : Paggawa ng sapatos ➢ Kilalang parke at gusali :Marikina Cityhood Park, Marikina River Park, Kapitan Moy, Marikina City Hall, Shoe Museum at iba pa. Isaisip
  • 14. 13 City of Good Character DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE ➢ Mga tradisyon at pagdiriwang : Pista ng bawat barangay, Marikina Shoe Festival, Ka-Angkan Festival, Rehiyon-Rehiyon, Christmas Festival at iba pa. ➢ Magagandang katangian ng Marikeño - Masisipag at may disiplina - pagsunod sa mga batas trapiko - pagsasaayos ng basura - wastong paggamit ng bangketa Gamit ang graphic organizer. Itala ang mga nananatili pa at nagpapatuloy hanggang ngayon sa pamumuhay sa sarili mong komunidad. 1. Kaugalian 2 .Tradisyon _________________________ _________________________ ________________________ ___________________________ Mga bagay/gawain na nananatili at nagpapatuloy sa aking komunidad 3. Kabuhayan 4.Lansangan __________________________ ____________________________ _____________________ _______________________ Isagawa
  • 15. 14 City of Good Character DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE Kulayan ng pula ang hugis puso kung ang mga sumusunod na pahayag ay nagpapakita ng pagpapahalaga sa pagkakakilanlang kultural ng komunidad at asul naman kung hindi. 1. Tinatangkilik ang mga produktong gawa sa lungsod tulad ng paggamit ng sapatos Marikina. 2. Nakikiisa sa mga pagdiriwang ng lungsod, sumasali sa mga aktibidad na nagpapakita ng pagmamahal sa sariling komunidad. 3. Pinipiling maglagi sa malalaking mall kaysa sa mamasyal sa tabing-ilog ng Marikina. 4. Isinasalaysay o ikinukuwento sa iba ang magagandang katangian ng sariling lungsod. 5. Iniwasan damputin ang kalat sa parke na nadaanan. Tayahin P
  • 16. 15 City of Good Character DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE Alalahanin ang mga pagbabagong nagaganap sa iyong komunidad/ lungsod. Isulat ang sagot sa talaan sa ibaba. Antonio, Eleonor D. et al. Kayamanan, pp. 112-123. Manwal sa AP Marikina Noon at Ngayon Ikalawang Baitang Antonio, Eleonor D. et al. Kayamanan pp. 112–Kasaysayan ng Marikina pp. 132- Website: Araling Panlipunan K-12 Gabay Pangkurikulum Disyembre 2013 p. 32 https://www.google.com.ph/search?q=ilog+ng+marikina+ngayon&espv=2&bi http://www.google.com.ph/search?q=images=of=marikina http://www.google.com.ph/search?q=mayor+marcy+teodoro&source http://vigattintourism.com/tourism/articles/Proud-to-be-Marikenos http://turismosamarikina.blogspot.com/ https://www.google.com/imgres?imgurl=httpsupload.wikimedia.commMarikina_Ri ver..marikina-river-marikina-river- transforms2.jpg&imgrefurl=httpwww.pinoise.netpositive-change-ang-pagbabago- https://marikinacity.wordpress.com/2013/12/06/marikina-cityhood-park/ Pisikal (Kapaligiran) Pang-ekonomiya (Industriya) Panlipunan (Pamumuhay ng Tao) Karagdagang Gawain Sanggunian
  • 17. 16 City of Good Character DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE 5. Susi sa Pagwawasto Subukin 1. 2. 3. 4. 5. Balikan 1. sayaw 2. tahanan 3. pagkain 4. kagamitan 5. pamahalaan 6. kasuotan 7. gusali 8. tradisyon Pagyamanin 1. E 6. H 2. D 7. B 3. I 8. C 4. F 5. A Isagawa 1. Pisikal (tulay, mga gusali, ilog, parke) 2. tradisyon (mga pagdiriwang, kaugalian, pamahiin, paniniwala) 3. ekonomiya (industriya ng sapatos at bag, pagkain at turismo) 4. transportasyon ( tricycle, dyip, taxi,UV express, bus,LRT/MRT) Tayahin 1. 2. 3. 4. 5.
  • 18. 17 City of Good Character DISCIPLINE • GOOD TASTE • EXCELLENCE Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul Manunulat: Olivia E. Catubig Tagasuri – Panloob: Aaron S. Enano Tagaguhit: Nathalia A. Malaga Tagapamahala: Sheryll T. Gayola Pangalawang Tagapamanihala Pinunong Nanunuparan - Tanggapan ng Tagapamanihala Elisa O. Cerveza Hepe – Curriculum Implementation Division Pinunong Nanunuparan - Tanggapan ng Pangalawang Tagapamanihala Aaron S. Enano Superbisor sa Araling Panlipunan Ivy Coney A. Gamatero Superbisor sa Learning Resource Management System Catherine Paningbatan Learning Resource, Librarian Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa: Schools Division Office- Marikina City Email Address: [email protected] 191 Shoe Ave., Sta. Elena, Marikina City, 1800, Philippines Telefax: (02) 682-2472 / 682-3989