AP 6
Napahahalagahan ang
Pagtatanggol at Pagpapanatili
sa Karapatang Pantao at
Demokratikong Pamamahala
1. Kumustahan
2. Pagbibigay ng pamantayan sa
klase.
COT-AP6-Q4.pptx araling panlipunan 6 quarter 1
This Photo by Unknown Author is licensed under CC BY-SA
Balik-aral:
Pang ilang pangulo ng Ikatlong
Republika ng pilipinas si Ferdinand
E. marcos Sr?
Ano ang mga programa niya na
nagbigay daan upang umangat
ang pamumuhay ng mga Pilipino?
Panuto: Basahin ang bawat
taludtod ng tulang “Malaya Ka Na
Pilipinas.”
Malaya Ka Na Pilipinas
Nickalou C. Orantes
Kalayaa'y nakamtan ng ating bayan
Nang tayo'y nagkaisa at nagtulungan
Iisa ang hangarin sa pakikipaglaban
Kaya tayo'y nagtagumpay sa laban
Lahat ng bagay ay may katapusan
Kaya pananakop nila'y nalampasan
Sa tulong na rin ng ating kababayan
Kaya dapat sila'y ating pasalamatan.
Sina Luna, Gregorio, at Bonifacio
Pati Silang ,Rizal, At Aquino
Nagbuwis ng buhay para sa bayan
Silang lahat ay di dapat kalimutan
Dahil buhay nila’y ibinuwis sa bayan
Kaya't kalayaan ingatan at mahalin
Upang ang bayang iniibig di na uli maangkin
At di mawalan ng saysay ang ipinaglaban sa atin
At sa pagkakaisa laging isisigaw ang salitang
Malaya Ka Na Pilipinas!
Tanong:
1. Ano ang pamagat ng tula?
2. Bakit kailangang mahalin at ingatan
ang kalayaan?
3. Paano nakamtan ng Pilipinas ang
kalayaan?
Panuto: Basahin ang teksto.
Presentasyon
Pagtatanggol at Pagpapanatili sa
Karapatang Pantao at Demokratikong
Pamamahala at Pagtatanggol sa
Kalayaan
Simula sa panahon ng pananakop
ng mga Espanyol, Amerikano at mga
Hapones ay nagsikap at naghirap ang
mga Pilipino upang maipagtanggol at
makitang ganap na malaya ang ating
bansa.
Noong ika 12 ng Hunyo
1898, ideneklara ni Gen.
Emilio Aguinaldo ang
kalayaan ng bansa,
matapos ang tatlong daan
at tatlumpu’t tatlong (333)
taon na pananakop ng
mga Espanyol sa Pilipinas.
Ang inakalang kalayaan ng mga Pilipino ay
hindi naging ganap sapagkat ang Pilipinas
ay muling napasailalim sa kapangyarihan
ng isa pang imperyalistang bansa – ang
Estados Unidos.
Noong ika-4 ng Pebrero 1899
sumiklab ang digmaang Pilipino-
Amerikano. Ang iba pang labanan sa
pagitan ng Digmaang- Pilipino
Amerikano ay ang Labanan sa
Pasong-Tirad at ang Balangiga.
Maraming mga Pilipino ang napatay
sa labanang ito
Isa na rito ay si Hen. Gregorio
Del Pilar dahil sa
pagtatanggol nya sa
kalayaan. Bukod sa mga
Espanyol at Amerikano, ang
Pilipinas ay sinakop din ng
isang maliit ngunit malakas na
bansa. Ito ay ang bansang
Hapon.
Maraming
paghihirap ang
dinanas ng mga
Pilipino sa kamay
ng mga Hapones.
Isa na rito ay ang
tinaguriang Martsa
ng Kamatayan.
Sa kabila ng matinding kahirapan at
pagmamalupit na naranasan ng mga
Pilipino sa kamay ng mga Hapones ay
marami pa rin sa kanila ang
nakipaglaban sa kalayaan.
Sila ay namundok at nagtatag ng
mga rebolusyunaryong kilusan laban
sa mga Hapones, Isa sa
pinakamatagumpay na kilusan ay
ang HUKBALAHAP o Hukbong Bayan
Laban sa Hapon.
Noong ika 4 ng
Hulyo 1946,
ipinahayag ng mga
Amerikano ang
kasarinlan ng Pilipinas
na kinilala ng buong
mundo bilang isang
bansang malaya at
may soberanya.
Subalit may kakaibang rebolusyon na
naganap sa kalagitnaan ng dekada 80
dahil isa itong pakikipaglaban para sa
kalayaan mula sa isang diktador.
Nakamit ng sambayanang Pilipino ang
kalayaan ng umalis sa puwesto si
Pangulong Marcos at humalili si Gng.
Corazon Aquino
dahil sa
pagkakaisa ng
mga tao sa
mapayapang
rebolusyon na
tinawag na
Rebolusyon sa
EDSA.
 Ano nga ba ang karapatang
pantao?
Pagpapanatili sa Karapatang Pantao
Ang mga karapatang pantao ay
tumutukoy sa "payak na mga
karapatan at mga kalayaang
nararapat na matanggap ng lahat ng
mga tao.“
COT-AP6-Q4.pptx araling panlipunan 6 quarter 1
Kabilang sa mga
halimbawa ng mga
karapatan at mga
kalayaan, ang mga
karapatang sibil at
pampulitika,
tulad ng karapatang mamuhay,
pagkakapantay-pantay sa harap ng
batas; at mga panlipunan,
pangkalinangan at
pangkabuhayang karapatan,
kasama ang mga karapatang
makilahok sa kalinangan,
karapatan sa pagkain, karapatang
makapaghanapbuhay, karapatan sa
edukasyon at kalayaan sa
pagsasalita.
COT-AP6-Q4.pptx araling panlipunan 6 quarter 1
May tatlong tungkulin ang
pamahalaan sa karapatang pantao.
Una igalang, pangalawa
pangalagaan at pangatlo bigyang
katuparan.
Upang maitaguyod at
mapangalagaan ang karapatang
pantao may mga batas ang
pamahalaan ipinatupad tulad ng
Batas Bilang 10368, Batas Bilang 10353
at marami pang mga batas na
nangangalaga sa karapatang
pantao.
Ang Bill of Rights o
Katipunan ng mga
Karapatan na
nakapaloob sa Saligang
Batas ng 1987 Artikulo III
ay nagiging proteksyon
ng mga mamamayan
sa mga paglabag sa
kanilang mga
May mga organisasyon din
na nangangalaga sa
karapatang pantao tulad ng
United Nations, at ang
Commission on Human
Rights. May mahahalagang
tungkulin na ginagampanan
ang organisasyong ito
Tungkulin nilang mangalap,magsiyat
at magbigay kabatiran ng mga
impormasyon ukol sa karapatang
pantao at paglabag rito.
Tungkulin din nila ang pagpapanatiling
demokratiko ang sistemang politikal
upang matiyak ang pagkakaroon ng
pagkakataong matamasa ng
mamamayan ang kanilang mga
karapatan.
Pagpapanatili sa Demokratikong
Pamamahala
Ang demokrásya (mula sa Español na
democracia) ay isang sistema ng
pamahalaan ng mamamayan ang
humahawak ng kapangyarihan sa
pamamagitan ng mga kinatawan na pinilì
nilá sa malayang halalan.
Bukod sa malayang halalan, humihingi
din ang isang demokratikong lipunan ng
pantay na mga karapatan at pribilehiyo
ng mga tao.
Ang Pilipinas
bilang isang
republika ay
nagtataguyod ng
demokrasya. Ito ay
demokratikong
pamahalaan
Ang pamahalaan ay
pinamumunuan ng isang pangulo
na tuwirang inihalal ng
mamamayan. Ang katangian ng
pamahalaan ay alinsunod sa
Saligang Batas ng 1987 na umiiral
sa bansa.
Nakasaad dito ang tatlong sangay ng
pamahalaan: tagapagpaganap,
tagapagbatas at tagapaghukom.
Naninindigan ang bawat sangay ng
pamahalaan tungo sa
demorkratikong pamamahala at
paglilingkod
COT-AP6-Q4.pptx araling panlipunan 6 quarter 1
Ang bansa ay nakaranas ng
diktatoryal na pamahalaan sa ilalim
ng batas Militar sa panahon ng
pamamahala ni Pangulong Marcos.
Ito ay nagwakas noong maganap
ang People Power sa EDSA noong
1986 at muling naibalik ang kalayaan
at demokrasya sa bansa.
Hanggang sa kasalukuyan ay sinisikap
ng mga Pilipino na mapanatili ang
diwa ng kalayaan at demokrasya sa
bansa
Tanong:
1.Ano ang karapatang
pantao?
2. Ano ang demokrasya?
Tanong:
1. Ano ang karapatang pantao? Ano
ang demokrasya?
Sagot: Ang karapatang pantao ay
tumutukoy sa "payak na mga
karapatan at mga kalayaang
nararapat na matanggap ng lahat ng
mga tao.“
Ang demokrásya (mula sa
Español na democracia) ay isang
sistema ng pamahalaan ng
mamamayan ang humahawak ng
kapangyarihan sa pamamagitan
ng mga kinatawan na pinilì nilá sa
malayang halalan.
Tanong:
2. Bakit mahalaga na ipagtanggol
ang karapatang pantao at ang
demokratikong pamamahala sa
bansa?
Sagot: Mahalaga ito para magkaroon ng
pantay pantay na karapatan at oportunidad
ang mga mamamyan ng bansa at para
maiwasan ang mga paglabag sa karapatang
pantao at demokrasya. Kailangan natin itong
ipagtanggol dahil ito ay pinaghirapang
makamit ng mga bayani ng ating bansa dahil
ibig sabihin ng demokrasya ay kalayan.
3. Sa paanong paraan
napahalagahan ng mga Pilipino ang
pagtatanggol at pagpapanatili sa
karapatang pantao at demokratikong
pamamahala sa bansa?
Sagot: May mga organisasyon na
nangangalaga sa karapatang
pantao tulad ng United Nations, at
ang Commission on Human Rights.
May mahahalagang tungkulin na
ginagampanan ang
organisasyong ito.
4. Sa inyong palagay,
nararanasan pa rin ba ng
mamamayan ang karapatang
pantao at ang demokratikong
pamamahala sa ating bansa?
Ipaliwanag.
Sagot: Oo, dahil malaya pa ring
nagagawa ng mga tao ang anumang
naisin nilang gawin alinsunod sa batas.
Mayroon pa ring sistema ng halalan
kung saan pwede tayong mamimili ng
pinuno natin at malaya nating
naihahayag kung may paglabag sa
ating mg a karapatan sa pamahalaan.
5. Bilang isang batang mag-aaral,
paano mo pahahalagahan ang
ginawang pagtatanggol ng mga
Pilipino para sa pagpapanatili ng
karapatang pantao at demokratikong
pamahalaan?
Sagot: Bilang isang mag-aaral, ako ay
mag-aaral ng mabuti para malaman
ko ang aking mga karapatan.
Susunod ako sa batas ng bansa at
tutuparin ko ang mga tungkuling
iniatang sa akin.
Isusumbong ko ang sinumang
lumalabag nito sa mga kinauukulan
at pipiliin ko ang mga karapatdapat
na mga pinuno ng ating bansa.
Pangkatang Gawain
Pangkat I - Sa pamamagitan ng Tri-
Question Chart, punan ang tsart sa
ibaba batay sa iyong naunawaan sa
teksto. Sagutin ang mga tanong sa
bawat hanay. Isulat ang sagot sa
sagutang papel.
COT-AP6-Q4.pptx araling panlipunan 6 quarter 1
Pangkat II -Gumawa ng sanaysay na
nagpapahayag ng iyong damdamin
tungkol sa kahalagan ng
pagtatanggol at pagpapanatili sa
karapatang pantao at demokratikong
pamamahala. Gamiting gabay ang
rubrik sa ibaba.
KRAYTIRYA SA PAGSUSULAT NG SANAYSAY
Nilalaman 45%
Kaugnayan sa Tema 30%
Paggamit ng Salita 25%
Kabuuan 100%
Pangkat III – Isagawa ang
kahalagahan ng pagtatanggol sa
Kalayaan sa pamamagitan ng
paggawa ng islogan. Gamiting
gabay ang rubrik sa ibaba.
Pangkat III – ISLOGAN
“Aanhin mo ang tagumpay na
nakamit kung sama ng loob sa sariling
bayan ay mananatiling nakaukit.”
RUBRIK SA PAGGAWA NG POSTER
PAMANTAYAN PAGLALARAWAN PUNTOS
Nilalaman
Wasto ang impormasyon tungkol
sa kahalagahan sa pagpapanatili
ng karapatang pantao.
10
Presentasyon
Mahusay na naipahatid ang
mensahe sa pagpapanatili ng
karapatang pantao.
5
Pagkamalikhain
Mahusay ang pagkakalatag ng
disenyo at mga larawan na
lubhang kaakit-akit sa mga
tumitingin
5
Pangkat IV- Sagutin ang katanungan
gamit ang larawan ng tao. Isulat sa
ulo ang Aking mga Karapatan, at sa
katawan naman ay ang mga
karapatang tinatamasa mo ngayon.
Bilang isang mag-
aaral, ano-ano
ang mga
karapatang
pantao ang
tinatamasa mo
ngayon?
Independent Practice
Panuto: Isulat sa sagutang papel ang
PK kung ang pangungusap ay tumutukoy
sa pagtatanggol ng Kalayaan, KP kung
pagpapahalaga sa karapatang pantao
at DP kung demokratikong pamamahala.
____1. Itinatag ang Kilusang
HUKBALAHAP ng mga Pilipino.
____2. Ang paglulunsad ng
organisasyon tulad ng United Nations
at Human Rights Commission.
____3. Ang pagpapatupad ng mga
batas, tulad ng Bill of Rights o
Katipunan ng mga Karapatan.
____4. Ang ating pamahalaan ay
mayroong tatlong sangay na
naninindigan sa demokrationg
pamamahala at paglilingkod.
____5. Ang pagbuwis ng buhay ng
mga bayani tulad ni Heneral Gregorio
del Pilar, Andres Bonifacio, Jose Rizal
at marami pang iba.
Application
Panuto: Bilang isang batang
Pilipino, paano mo pahahalagahan
ang mga ginawa ng mga unang
Pilipino na nakipaglaban para sa
kalayaang iyong tinatamasa ngayon
Paglalahat
 Ano ang karapatang pantao?
• Ano ang demokrasya
Pagtataya
Panuto: Basahin at unawain ang mga
pangungusap. Piliin mula sa kahon
ang tamang sagot. Isulat ang titik sa
inyong sagutang papel.
A. Pagtatanggol sa kalayaan
B. Pagpapanatili ng karapatang pantao
C. Demokratikong pamamahala
A. Pagtatanggol sa kalayaan
B. Pagpapanatili ng karapatang pantao
C. Demokratikong pamamahala
1. Ang ating mga bayani ay
nagbuwis ng buhay para sa
kalayaan ng bansa.
A. Pagtatanggol sa kalayaan
B. Pagpapanatili ng karapatang pantao
C. Demokratikong pamamahala
2. Maraming mamamayan ang
pumunta sa EDSA, mayaman at
mahirap ay nagkaisa para sa isang
layunin.
A. Pagtatanggol sa kalayaan
B. Pagpapanatili ng karapatang pantao
C. Demokratikong pamamahala
3. Ang mga krimen tulad ng
pagpatay, pang-aabuso sa kapwa
ay binibigyang katarungan ng
pamahalaan
A. Pagtatanggol sa kalayaan
B. Pagpapanatili ng karapatang pantao
C. Demokratikong pamamahala
4. Ang pagtatag ng mga samahang
rebolusyunaryo tulad ng HUKBALAHAP ay
nagpapakita pagmamahal sa bansa.
5. Ang mga Pilipino ay binigyan ng
pagkakataong makaboto ng hindi
pinipilit at ayon sa kanilang sariling
pasya.
A. Pagtatanggol sa kalayaan
B. Pagpapanatili ng karapatang pantao
C. Demokratikong pamamahala
Panuto: : Gumawa ng isang
Reflection Journal sa iyong kwaderno
tungkol sa magandang epekto ng
pagkakaisa ng mga Pilipino.
Thank You and
God Bless!!!

More Related Content

PPTX
COT-Araling Panlipunan 6-Quarter 4-WEEK5.pptx
DOCX
Unit Plan IV - Grade Six
PPTX
Araling panlipunan (Mga hamon ng nagsasariling bansa)
DOCX
Katipunan (KKK)
PPTX
AP-Q3-Araling Panlipunan Grade four.pptx
DOCX
Unit Plan III - Grade Six
PPTX
Karapatang Pantao-Quarter 4 Week 4 ppwerpoint
PDF
AP6-Q3-MODYUL3.pdf
COT-Araling Panlipunan 6-Quarter 4-WEEK5.pptx
Unit Plan IV - Grade Six
Araling panlipunan (Mga hamon ng nagsasariling bansa)
Katipunan (KKK)
AP-Q3-Araling Panlipunan Grade four.pptx
Unit Plan III - Grade Six
Karapatang Pantao-Quarter 4 Week 4 ppwerpoint
AP6-Q3-MODYUL3.pdf

Similar to COT-AP6-Q4.pptx araling panlipunan 6 quarter 1 (20)

PPTX
Araling Panlipunan ppt jan. 28, 2025.pptx
PPT
KARAPATANG PANTAO PPT #2.ppt QUATER 4 MODULE 2
PPT
A. P 10 Q4 - Mga Karapatang Pantao.ppt
PPTX
MODULE WEEK 3.pptx,ARALING PANLIPUNAN GRADE 6
PPTX
Pagkamamamayan-at-Karapatang-Pantao-Copy.pptx
DOCX
Q4_AP_DLL_WEEK 2.docxsadsadsadsadsadasdsad
PDF
AP6-ADM-WEEK-1-4.pdf
DOCX
Araling Panlipunan-Course Outline for Grade Five
PPTX
Pag-usbong ng Liberal na Ideya with out internet.pptx
PPTX
Aralin 2- Q4- Karapatang Pantao.pptx
DOCX
ARALING-PANLIPUNAN-6-Q2-table of specifications and test questions.docx
DOCX
DLL_ARALING PANLIPUNAN 5_Q3_W9.docx
PPTX
Demo Mga Uri ng mga karapatang Pantao.pptx
PPTX
Ang Tatlong Uri ng Karapatang Pantao.pptx
PPT
PPTX
AP6-IM-Modyul 10.pptx
DOCX
las 11.docx
PPT
People power2
PPTX
karapatang pantao, karapatan ng mga bata.pptx
PPTX
karapatang pantao, karapatan ng mga bata.pptx
Araling Panlipunan ppt jan. 28, 2025.pptx
KARAPATANG PANTAO PPT #2.ppt QUATER 4 MODULE 2
A. P 10 Q4 - Mga Karapatang Pantao.ppt
MODULE WEEK 3.pptx,ARALING PANLIPUNAN GRADE 6
Pagkamamamayan-at-Karapatang-Pantao-Copy.pptx
Q4_AP_DLL_WEEK 2.docxsadsadsadsadsadasdsad
AP6-ADM-WEEK-1-4.pdf
Araling Panlipunan-Course Outline for Grade Five
Pag-usbong ng Liberal na Ideya with out internet.pptx
Aralin 2- Q4- Karapatang Pantao.pptx
ARALING-PANLIPUNAN-6-Q2-table of specifications and test questions.docx
DLL_ARALING PANLIPUNAN 5_Q3_W9.docx
Demo Mga Uri ng mga karapatang Pantao.pptx
Ang Tatlong Uri ng Karapatang Pantao.pptx
AP6-IM-Modyul 10.pptx
las 11.docx
People power2
karapatang pantao, karapatan ng mga bata.pptx
karapatang pantao, karapatan ng mga bata.pptx
Ad

Recently uploaded (20)

PPTX
Identification_Questions_Resilience_No_Answers.pptx
PPTX
Araling Panlipunan 6 - Aralin 1, Quarter 1
PPTX
Art Theory and Critique Visual Arts Presentation in a Colorful Hand Drawn Sty...
DOCX
nabdhjahdbajbdjkabadaaadaddadaasdsadsadada
PPTX
2. MAKABANSA- KASAYSAYAN NG PASIG-PASAY.pptx
PDF
Marungko Booklet 5 (Mga Hiram na Titik) (1).pdf
PPTX
Y1-Aralin-1-Kahulugan-at-Kahalagahan-ng-Ekonomiks-converted.pptx
PPTX
AIF-MAKABANSA-SESSION 6- for matatag curriculum Grade 2 Teachers.pptx
PPTX
ARPAN PPT.pptx Social Studies Reading on Philippine History
PPTX
PPT-LANGUAGE-Q1-WEEK1.pptx GRADE ONE 2025-2026
PPTX
MAKABANSA-WEEK 1 DAY 1 QUARTER 1 2025-2026C(1).pptx
PPTX
Mga_Karunungang_Bayan SA mALAYSIA ........
PPTX
G6 - Lesson 1.3 Likas na Yaman ng Pilipinas
PPTX
GR 6-AP-WK 1-QTR 2 Nasusuri ang uri ng pamahalaan patakarang ipinatupad sa pa...
PPTX
Malikhaing pagsulat sa filipino senior high
PPTX
FILIPINO 10 ANG PARABULA NG TUSONG KATIWALA.pptx
PPT
FILIPINO.Q1.Grade3.Week 3_Day1-Day4).ppt
PPTX
week 8 BAYOGRAPIKAL na sanaysay day 1.pptx
PPTX
Kahalagahan_ng_Pagkonsumo_Ekonomiks9.pptx
PPTX
ORYENTASYON NG KURSO PANITIKAN....................pptx
Identification_Questions_Resilience_No_Answers.pptx
Araling Panlipunan 6 - Aralin 1, Quarter 1
Art Theory and Critique Visual Arts Presentation in a Colorful Hand Drawn Sty...
nabdhjahdbajbdjkabadaaadaddadaasdsadsadada
2. MAKABANSA- KASAYSAYAN NG PASIG-PASAY.pptx
Marungko Booklet 5 (Mga Hiram na Titik) (1).pdf
Y1-Aralin-1-Kahulugan-at-Kahalagahan-ng-Ekonomiks-converted.pptx
AIF-MAKABANSA-SESSION 6- for matatag curriculum Grade 2 Teachers.pptx
ARPAN PPT.pptx Social Studies Reading on Philippine History
PPT-LANGUAGE-Q1-WEEK1.pptx GRADE ONE 2025-2026
MAKABANSA-WEEK 1 DAY 1 QUARTER 1 2025-2026C(1).pptx
Mga_Karunungang_Bayan SA mALAYSIA ........
G6 - Lesson 1.3 Likas na Yaman ng Pilipinas
GR 6-AP-WK 1-QTR 2 Nasusuri ang uri ng pamahalaan patakarang ipinatupad sa pa...
Malikhaing pagsulat sa filipino senior high
FILIPINO 10 ANG PARABULA NG TUSONG KATIWALA.pptx
FILIPINO.Q1.Grade3.Week 3_Day1-Day4).ppt
week 8 BAYOGRAPIKAL na sanaysay day 1.pptx
Kahalagahan_ng_Pagkonsumo_Ekonomiks9.pptx
ORYENTASYON NG KURSO PANITIKAN....................pptx
Ad

COT-AP6-Q4.pptx araling panlipunan 6 quarter 1

  • 1. AP 6 Napahahalagahan ang Pagtatanggol at Pagpapanatili sa Karapatang Pantao at Demokratikong Pamamahala
  • 2. 1. Kumustahan 2. Pagbibigay ng pamantayan sa klase.
  • 4. This Photo by Unknown Author is licensed under CC BY-SA
  • 5. Balik-aral: Pang ilang pangulo ng Ikatlong Republika ng pilipinas si Ferdinand E. marcos Sr? Ano ang mga programa niya na nagbigay daan upang umangat ang pamumuhay ng mga Pilipino?
  • 6. Panuto: Basahin ang bawat taludtod ng tulang “Malaya Ka Na Pilipinas.”
  • 7. Malaya Ka Na Pilipinas Nickalou C. Orantes Kalayaa'y nakamtan ng ating bayan Nang tayo'y nagkaisa at nagtulungan Iisa ang hangarin sa pakikipaglaban Kaya tayo'y nagtagumpay sa laban
  • 8. Lahat ng bagay ay may katapusan Kaya pananakop nila'y nalampasan Sa tulong na rin ng ating kababayan Kaya dapat sila'y ating pasalamatan.
  • 9. Sina Luna, Gregorio, at Bonifacio Pati Silang ,Rizal, At Aquino Nagbuwis ng buhay para sa bayan Silang lahat ay di dapat kalimutan Dahil buhay nila’y ibinuwis sa bayan
  • 10. Kaya't kalayaan ingatan at mahalin Upang ang bayang iniibig di na uli maangkin At di mawalan ng saysay ang ipinaglaban sa atin At sa pagkakaisa laging isisigaw ang salitang Malaya Ka Na Pilipinas!
  • 11. Tanong: 1. Ano ang pamagat ng tula? 2. Bakit kailangang mahalin at ingatan ang kalayaan? 3. Paano nakamtan ng Pilipinas ang kalayaan?
  • 12. Panuto: Basahin ang teksto. Presentasyon Pagtatanggol at Pagpapanatili sa Karapatang Pantao at Demokratikong Pamamahala at Pagtatanggol sa Kalayaan
  • 13. Simula sa panahon ng pananakop ng mga Espanyol, Amerikano at mga Hapones ay nagsikap at naghirap ang mga Pilipino upang maipagtanggol at makitang ganap na malaya ang ating bansa.
  • 14. Noong ika 12 ng Hunyo 1898, ideneklara ni Gen. Emilio Aguinaldo ang kalayaan ng bansa, matapos ang tatlong daan at tatlumpu’t tatlong (333) taon na pananakop ng mga Espanyol sa Pilipinas.
  • 15. Ang inakalang kalayaan ng mga Pilipino ay hindi naging ganap sapagkat ang Pilipinas ay muling napasailalim sa kapangyarihan ng isa pang imperyalistang bansa – ang Estados Unidos.
  • 16. Noong ika-4 ng Pebrero 1899 sumiklab ang digmaang Pilipino- Amerikano. Ang iba pang labanan sa pagitan ng Digmaang- Pilipino Amerikano ay ang Labanan sa Pasong-Tirad at ang Balangiga. Maraming mga Pilipino ang napatay sa labanang ito
  • 17. Isa na rito ay si Hen. Gregorio Del Pilar dahil sa pagtatanggol nya sa kalayaan. Bukod sa mga Espanyol at Amerikano, ang Pilipinas ay sinakop din ng isang maliit ngunit malakas na bansa. Ito ay ang bansang Hapon.
  • 18. Maraming paghihirap ang dinanas ng mga Pilipino sa kamay ng mga Hapones. Isa na rito ay ang tinaguriang Martsa ng Kamatayan.
  • 19. Sa kabila ng matinding kahirapan at pagmamalupit na naranasan ng mga Pilipino sa kamay ng mga Hapones ay marami pa rin sa kanila ang nakipaglaban sa kalayaan.
  • 20. Sila ay namundok at nagtatag ng mga rebolusyunaryong kilusan laban sa mga Hapones, Isa sa pinakamatagumpay na kilusan ay ang HUKBALAHAP o Hukbong Bayan Laban sa Hapon.
  • 21. Noong ika 4 ng Hulyo 1946, ipinahayag ng mga Amerikano ang kasarinlan ng Pilipinas na kinilala ng buong mundo bilang isang bansang malaya at may soberanya.
  • 22. Subalit may kakaibang rebolusyon na naganap sa kalagitnaan ng dekada 80 dahil isa itong pakikipaglaban para sa kalayaan mula sa isang diktador.
  • 23. Nakamit ng sambayanang Pilipino ang kalayaan ng umalis sa puwesto si Pangulong Marcos at humalili si Gng.
  • 24. Corazon Aquino dahil sa pagkakaisa ng mga tao sa mapayapang rebolusyon na tinawag na Rebolusyon sa EDSA.
  • 25.  Ano nga ba ang karapatang pantao? Pagpapanatili sa Karapatang Pantao Ang mga karapatang pantao ay tumutukoy sa "payak na mga karapatan at mga kalayaang nararapat na matanggap ng lahat ng mga tao.“
  • 27. Kabilang sa mga halimbawa ng mga karapatan at mga kalayaan, ang mga karapatang sibil at pampulitika,
  • 28. tulad ng karapatang mamuhay, pagkakapantay-pantay sa harap ng batas; at mga panlipunan, pangkalinangan at pangkabuhayang karapatan, kasama ang mga karapatang makilahok sa kalinangan,
  • 29. karapatan sa pagkain, karapatang makapaghanapbuhay, karapatan sa edukasyon at kalayaan sa pagsasalita.
  • 31. May tatlong tungkulin ang pamahalaan sa karapatang pantao. Una igalang, pangalawa pangalagaan at pangatlo bigyang katuparan.
  • 32. Upang maitaguyod at mapangalagaan ang karapatang pantao may mga batas ang pamahalaan ipinatupad tulad ng Batas Bilang 10368, Batas Bilang 10353 at marami pang mga batas na nangangalaga sa karapatang pantao.
  • 33. Ang Bill of Rights o Katipunan ng mga Karapatan na nakapaloob sa Saligang Batas ng 1987 Artikulo III ay nagiging proteksyon ng mga mamamayan sa mga paglabag sa kanilang mga
  • 34. May mga organisasyon din na nangangalaga sa karapatang pantao tulad ng United Nations, at ang Commission on Human Rights. May mahahalagang tungkulin na ginagampanan ang organisasyong ito
  • 35. Tungkulin nilang mangalap,magsiyat at magbigay kabatiran ng mga impormasyon ukol sa karapatang pantao at paglabag rito.
  • 36. Tungkulin din nila ang pagpapanatiling demokratiko ang sistemang politikal upang matiyak ang pagkakaroon ng pagkakataong matamasa ng mamamayan ang kanilang mga karapatan.
  • 37. Pagpapanatili sa Demokratikong Pamamahala Ang demokrásya (mula sa Español na democracia) ay isang sistema ng pamahalaan ng mamamayan ang humahawak ng kapangyarihan sa pamamagitan ng mga kinatawan na pinilì nilá sa malayang halalan.
  • 38. Bukod sa malayang halalan, humihingi din ang isang demokratikong lipunan ng pantay na mga karapatan at pribilehiyo ng mga tao.
  • 39. Ang Pilipinas bilang isang republika ay nagtataguyod ng demokrasya. Ito ay demokratikong pamahalaan
  • 40. Ang pamahalaan ay pinamumunuan ng isang pangulo na tuwirang inihalal ng mamamayan. Ang katangian ng pamahalaan ay alinsunod sa Saligang Batas ng 1987 na umiiral sa bansa.
  • 41. Nakasaad dito ang tatlong sangay ng pamahalaan: tagapagpaganap, tagapagbatas at tagapaghukom. Naninindigan ang bawat sangay ng pamahalaan tungo sa demorkratikong pamamahala at paglilingkod
  • 43. Ang bansa ay nakaranas ng diktatoryal na pamahalaan sa ilalim ng batas Militar sa panahon ng pamamahala ni Pangulong Marcos.
  • 44. Ito ay nagwakas noong maganap ang People Power sa EDSA noong 1986 at muling naibalik ang kalayaan at demokrasya sa bansa.
  • 45. Hanggang sa kasalukuyan ay sinisikap ng mga Pilipino na mapanatili ang diwa ng kalayaan at demokrasya sa bansa
  • 47. Tanong: 1. Ano ang karapatang pantao? Ano ang demokrasya? Sagot: Ang karapatang pantao ay tumutukoy sa "payak na mga karapatan at mga kalayaang nararapat na matanggap ng lahat ng mga tao.“
  • 48. Ang demokrásya (mula sa Español na democracia) ay isang sistema ng pamahalaan ng mamamayan ang humahawak ng kapangyarihan sa pamamagitan ng mga kinatawan na pinilì nilá sa malayang halalan.
  • 49. Tanong: 2. Bakit mahalaga na ipagtanggol ang karapatang pantao at ang demokratikong pamamahala sa bansa?
  • 50. Sagot: Mahalaga ito para magkaroon ng pantay pantay na karapatan at oportunidad ang mga mamamyan ng bansa at para maiwasan ang mga paglabag sa karapatang pantao at demokrasya. Kailangan natin itong ipagtanggol dahil ito ay pinaghirapang makamit ng mga bayani ng ating bansa dahil ibig sabihin ng demokrasya ay kalayan.
  • 51. 3. Sa paanong paraan napahalagahan ng mga Pilipino ang pagtatanggol at pagpapanatili sa karapatang pantao at demokratikong pamamahala sa bansa?
  • 52. Sagot: May mga organisasyon na nangangalaga sa karapatang pantao tulad ng United Nations, at ang Commission on Human Rights. May mahahalagang tungkulin na ginagampanan ang organisasyong ito.
  • 53. 4. Sa inyong palagay, nararanasan pa rin ba ng mamamayan ang karapatang pantao at ang demokratikong pamamahala sa ating bansa? Ipaliwanag.
  • 54. Sagot: Oo, dahil malaya pa ring nagagawa ng mga tao ang anumang naisin nilang gawin alinsunod sa batas. Mayroon pa ring sistema ng halalan kung saan pwede tayong mamimili ng pinuno natin at malaya nating naihahayag kung may paglabag sa ating mg a karapatan sa pamahalaan.
  • 55. 5. Bilang isang batang mag-aaral, paano mo pahahalagahan ang ginawang pagtatanggol ng mga Pilipino para sa pagpapanatili ng karapatang pantao at demokratikong pamahalaan?
  • 56. Sagot: Bilang isang mag-aaral, ako ay mag-aaral ng mabuti para malaman ko ang aking mga karapatan. Susunod ako sa batas ng bansa at tutuparin ko ang mga tungkuling iniatang sa akin.
  • 57. Isusumbong ko ang sinumang lumalabag nito sa mga kinauukulan at pipiliin ko ang mga karapatdapat na mga pinuno ng ating bansa.
  • 58. Pangkatang Gawain Pangkat I - Sa pamamagitan ng Tri- Question Chart, punan ang tsart sa ibaba batay sa iyong naunawaan sa teksto. Sagutin ang mga tanong sa bawat hanay. Isulat ang sagot sa sagutang papel.
  • 60. Pangkat II -Gumawa ng sanaysay na nagpapahayag ng iyong damdamin tungkol sa kahalagan ng pagtatanggol at pagpapanatili sa karapatang pantao at demokratikong pamamahala. Gamiting gabay ang rubrik sa ibaba.
  • 61. KRAYTIRYA SA PAGSUSULAT NG SANAYSAY Nilalaman 45% Kaugnayan sa Tema 30% Paggamit ng Salita 25% Kabuuan 100%
  • 62. Pangkat III – Isagawa ang kahalagahan ng pagtatanggol sa Kalayaan sa pamamagitan ng paggawa ng islogan. Gamiting gabay ang rubrik sa ibaba.
  • 63. Pangkat III – ISLOGAN “Aanhin mo ang tagumpay na nakamit kung sama ng loob sa sariling bayan ay mananatiling nakaukit.”
  • 64. RUBRIK SA PAGGAWA NG POSTER PAMANTAYAN PAGLALARAWAN PUNTOS Nilalaman Wasto ang impormasyon tungkol sa kahalagahan sa pagpapanatili ng karapatang pantao. 10 Presentasyon Mahusay na naipahatid ang mensahe sa pagpapanatili ng karapatang pantao. 5 Pagkamalikhain Mahusay ang pagkakalatag ng disenyo at mga larawan na lubhang kaakit-akit sa mga tumitingin 5
  • 65. Pangkat IV- Sagutin ang katanungan gamit ang larawan ng tao. Isulat sa ulo ang Aking mga Karapatan, at sa katawan naman ay ang mga karapatang tinatamasa mo ngayon.
  • 66. Bilang isang mag- aaral, ano-ano ang mga karapatang pantao ang tinatamasa mo ngayon?
  • 67. Independent Practice Panuto: Isulat sa sagutang papel ang PK kung ang pangungusap ay tumutukoy sa pagtatanggol ng Kalayaan, KP kung pagpapahalaga sa karapatang pantao at DP kung demokratikong pamamahala.
  • 68. ____1. Itinatag ang Kilusang HUKBALAHAP ng mga Pilipino. ____2. Ang paglulunsad ng organisasyon tulad ng United Nations at Human Rights Commission. ____3. Ang pagpapatupad ng mga batas, tulad ng Bill of Rights o Katipunan ng mga Karapatan.
  • 69. ____4. Ang ating pamahalaan ay mayroong tatlong sangay na naninindigan sa demokrationg pamamahala at paglilingkod. ____5. Ang pagbuwis ng buhay ng mga bayani tulad ni Heneral Gregorio del Pilar, Andres Bonifacio, Jose Rizal at marami pang iba.
  • 70. Application Panuto: Bilang isang batang Pilipino, paano mo pahahalagahan ang mga ginawa ng mga unang Pilipino na nakipaglaban para sa kalayaang iyong tinatamasa ngayon
  • 71. Paglalahat  Ano ang karapatang pantao? • Ano ang demokrasya
  • 72. Pagtataya Panuto: Basahin at unawain ang mga pangungusap. Piliin mula sa kahon ang tamang sagot. Isulat ang titik sa inyong sagutang papel. A. Pagtatanggol sa kalayaan B. Pagpapanatili ng karapatang pantao C. Demokratikong pamamahala
  • 73. A. Pagtatanggol sa kalayaan B. Pagpapanatili ng karapatang pantao C. Demokratikong pamamahala 1. Ang ating mga bayani ay nagbuwis ng buhay para sa kalayaan ng bansa.
  • 74. A. Pagtatanggol sa kalayaan B. Pagpapanatili ng karapatang pantao C. Demokratikong pamamahala 2. Maraming mamamayan ang pumunta sa EDSA, mayaman at mahirap ay nagkaisa para sa isang layunin.
  • 75. A. Pagtatanggol sa kalayaan B. Pagpapanatili ng karapatang pantao C. Demokratikong pamamahala 3. Ang mga krimen tulad ng pagpatay, pang-aabuso sa kapwa ay binibigyang katarungan ng pamahalaan
  • 76. A. Pagtatanggol sa kalayaan B. Pagpapanatili ng karapatang pantao C. Demokratikong pamamahala 4. Ang pagtatag ng mga samahang rebolusyunaryo tulad ng HUKBALAHAP ay nagpapakita pagmamahal sa bansa.
  • 77. 5. Ang mga Pilipino ay binigyan ng pagkakataong makaboto ng hindi pinipilit at ayon sa kanilang sariling pasya. A. Pagtatanggol sa kalayaan B. Pagpapanatili ng karapatang pantao C. Demokratikong pamamahala
  • 78. Panuto: : Gumawa ng isang Reflection Journal sa iyong kwaderno tungkol sa magandang epekto ng pagkakaisa ng mga Pilipino.
  • 79. Thank You and God Bless!!!