SlideShare a Scribd company logo
2
Most read
3
Most read
1
CO QAH + MELC LW
HANDOUT Blg. 2
sa FILIPINO SA PILING LARANGAN:
(Akademik)
Course Outline & Quality Assured
Handouts paired with MELC-
Based Learner’s Worksheet
MELC:
1. Nabibigyang-kahulugan ang mga terminong akademiko na may kaugnayan sa piniling sulatin
(CS_FA11/12PT-0mo90)
2. Natutukoy ang katangian ng isang sulating akademiko (CS_FA11/12PB-0m-o-102)
Semester: 2 Linggo Blg. 2 Tudlaan ng Oras: __4__
Replektibong Sanaysay
ARALIN 1: KAHULUGAN, KATANGIAN AT KAHALAGAHAN NG REPLEKTIBONG SANAYSAY
Replektibong Sanaysay
Ang Replektibong Sanaysay ay isang masining na paraan ng pagsulat na may kaugnayan sa
pansariling pananaw at damdamin sa isang partikular na pangyayari. Sa pamamagitan nito ay mas
natutuklasan ng isang tao ang sariling pag-iisip, damdamin o opinyon tungkol sa paksa, pangyayari o
tao. Ang akademikong sulatin na ito ay isa ring gawain na humahamon sa mapanuring pag-iisip.
Ang Replektibong Sanaysay ay naiiba sa iba pang akademikong sulatin sapagkat ang ganitong uri ng
sulatin ay hindi na nangangailangan na sumangguni sa ibang akda o manghiram ng kaisipan. Ang
pagpapahayag ng isang manunulat sa ganitong sulatin ay tumatalunton sa sariling pananaw, opinyon o
kaisipan batay sa kanyang naging karanasan. Ang sulating ito ay maaaring nasa anyo ng personal na
sanaysay, lahok sa journal, diary, at reaksiyong papel o learning log.
Kahalagahan ng Replektibong Sanaysay
Marami ang natutuklasan ng isang manunulat tungkol sa kanyang sarili, kapuwa o kapaligiran sa
pamamagitan lamang ng pagsusulat ng replektibong sanaysay. Maging ang kanyang kalakasan at
kahinaan ay nabibigyan niya ng pansin, at nakaiisip din siya ng mga solusyon sa mga problemang
kinakaharap. Nahahasa rin ang kasanayan sa metacognition o ang kakayahang suriin at unawain ang
sariling pag-iisip sa pagsulat ng replektibong sanaysay. Ayon sa pag-aaral nina Di Stefano, Pisano,
Staats (2014), magiging mas mabisa ang pagkatuto mula sa sariling karanasan kung lalangkapan ito ng
repleksiyon. Pinapakita nila na ang replektibong gawain ay makapangyarihang mekanismo sa pagkatuto.
Nakapagbibigay-aliw sa tao ang pagbabalik-tanaw sa mga mahahalagang kaganapan lalo
na ang mga tagumpay at masasayang pangyayari sa buhay ng tao. May ilang mga indibidwal ang
nakahihiligan ang magsulat ng kanyang mga karanasan at masayang alaala upang ito’y hindi
mabaon sa limot at patuloy na mamuhay sa isip at puso ng tao. Ang ganitong uri ng sulatin ay
hindi lamang kasiyahan ang dala ng pagbabalik-tanaw sa masasayang alaala bagkus ay
natutuklasan din ng isang tao ang sariling pag-iisip at damdamin.
Sa modyul na ito ay mauunawaan at makikilala mo ang sulatin na nagbibigay ng
kagandahan sa ating nakaraan at maghahasa sa ating kakayahan upang maging isang mahusay
na manunulat.
2
At ayon din kay John Dewey, “Hindi tayo natututo sa karanasan…natututo tayo sa pagbubulay sa ating
karanasan.”
Mga Katangian ng Replektibong Sanaysay
Personal at subhetibo ang replektibong sanaysay. Ang sulating ito ay sumasagot sa mga
katanungan na naglalayong ipakita ang ugnayan ng manunulat at ng paksa. Bagaman personal at
subhetibo, ang sulating ito ay may sinusunod pa ring direksiyon. Hindi lahat ng pumapasok sa isipan ay
maaaring isulat, dapat ay sumusunod ito sa kumbensiyon ng akademikong sulatin. Hindi rin maaaring
puro paglalarawan o paglalahad ng kuwento ang nakalagay sa sulating ito bagkus ay nangangailangan
ito ng mataas na kasanayan sa pag-iisip, gaya ng mapanuring kamalayan at mapagmuning diwa.
Kinakailangan din ng pagsusuri sa ideya, pagbuo ng sintesis at pagpapasiya kung sapat at angkop ba
ang ginawang sulatin. Gumagamit din ito ng deskriptibong wika upang mas maipabatid sa mga
mambabasa ang paksang sinulat. At dahil nakabatay ito sa sariling karanasan, ideya o opinyon ,
inaasahan na ang paggamit ng panghalip na “ako”.
ARALIN 2: HAKBANG AT KONSIDERASYON SA PAGSULAT NG REPLEKTIBONG SANAYSAY
Pagsulat ng Replektibong Sanaysay
Paano ba magsulat ng isang mahusay na replektibong sanaysay? Ano-ano ba ang mga dapat
isaalang-alang sa pagbuo ng ganitong uri ng sulatin? May proseso at hakbang bang dapat sundin?
Ang replektibong sanaysay ay isang pagsasanay sa pagbubulay-bulay. Ang lahat ng ideyang
nakapaloob sa ganitong uri ng sulatin ay tungkol sa sariling ideya, pananaw, komento, o puna ng
manunulat. Bagama’t nagpapahayag ito ng sariling pananaw o ideya ng manunulat, kinakailangan nitong
sundin ang layunin at kumbensiyon ng isang akademikong sulatin. At dahil nakatutok ito sa sariling
opinyon o ideya ng manunulat ay dapat hasain at suriin ng may-akda ang kanyang sariling pag-iisip.
Kailangan ng isang manunulat na tanungin ang sarili sa ideyang ilalahad. Ano ba ang nalalaman,
karanasan o pakiramdam sa paksang isusulat? Ano ang epekto nito sa sarili? Lahat ng maaaring itanong
sa sarili, ay itanong at bigyan muna ng kasagutan upang masimulan ang pagsulat. Ang mga sagot sa
katanungan ay maaaring maging gabay sa pagbuo ng replektibong sanaysay. Maaari din itong
magsilbing pangunahing ideya o tesis na gagabay sa iyong sulatin. Kinakailangan ng pagkuha ng mga
ebidensya o datos na makasusuporta sa iyong ideya upang magkaroon ng bigat at sustansiya sa
gagawing sulatin. Sa pagbuo ng konklusyon ay maaari ding gamitin ang mga tanong sa sarili na
nasagutan. Maaari ding mag-iwan ng tanong sa bahaging ito tungkol sa kung ano ang pananaw ng mga
mambabasa. Maaari ding hamunin ang mga mambabasa na magbahagi ng kanilang pananaw. Kapag
natapos ang sulatin ay balikan ang mga tanong sa sarili. Angkop ba ang mga sagot o ideyang gusto
mong ilahad? Sa paraang ito ay masusubok at masisiguro ang katapatan sa sarili. Kung hindi tapat sa
sariling naiisip at nararamdaman ay mawawalan ng saysay ang isinulat ng sanaysay.
Mga Dapat Isaalang-alang sa Pagsulat ng Replektibong Sanaysay
Ang mga sumusunod ay mahahalagang konsiderasyon na dapat isaalang-alang sa pagsulat ng
replektibong sanaysay:
 Magkaroon ng isang tiyak na paksa
3
 Pagkalap ng ebidensiya o datos na susuporta sa ideya
 Isulat ito gamit ang unang panauhan na panghalip
 Gumamit ng pormal na salita
 Malinaw na paglalahad ng ideya o punto upang lubos maipabatid sa mambabasa ang saloobin
 Sundin ang tamang estruktura o bahagi sa pagsulat ng sanaysay (Introduksyon, Katawan,
Konklusyon)
 Gawing lohikal at organisado ang pagkakasulat ng mga talata
 Sa unang bahagi pa lamang ay dapat nakakapukaw ito ng interes
 Sa konklusyon ay dapat magkaroon ng repleksiyon sa lahat ng tinalakay
 Suriin nang maigi ang naisulat na replektibong sanaysay
Mga Hakbang sa Pagsulat ng Replektibong Sanaysay
Sa pagsulat ng replektibong sanaysay ay dapat na magtaglay ito ng introduksiyon, katawan,
wakas o konklusyon.
Sa simulang bahagi ng sanaysay ay kinakailangang nakapupukaw ito ng interes o atensiyon ng
mga mambabasa. Inaasahang ang manunulat ay gagamit ng iba’t ibang paraan sa pagsulat ng mahusay
na panimula. Maaring gumamit ng mga kotasyon, anekdota o iba pang salaysay ng iba sa pagsisimula
ng sanaysay. Sundan agad ito sa pagpapakilala ng paksa at layunin sa pagsulat ng sanaysay. Sa
bahaging ito, inillalahad ang mga sagot sa katanungan sa sarili; ito ang magsisilbing gabay o
pangunahing ideya sa sanaysay.
Ang mga ebidensyang nakalap ay matatagpuan naman sa katawang bahagi ng sanaysay. Ito ang
susuporta sa mga ideya ng manunulat upang mas maging kapani-paniwala at magkaroon ng bigat at
sustansiya ang sulatin. Sa bahaging ito rin matatagpuan ang mga pagninilay, natutuhan, puna, komento,
at pananaw ng manunulat. Kinakailangan maging malinaw, organisado, at lohikal ang paglalahad ng
kaisipan upang maunawaan ng mga mambabasa ang ipinapabatid ng may-akda.
Sa pagtatapos naman ng sanaysay ay dapat na pinag-iisipan nang mabuti kung paano tatapusin
ang sulatin. Mahalagang banggitin muli ang tesis o pangunahing ideya ng paksa sa bahaging ito.
Bigyang konklusyon ang sulatin sa pamamagitan ng paglalahad ng mga natutuhan sa buhay at kung
paano ito mapapakinabangan sa hinaharap. Maaari ding mag-iwan ng mga tanong na susubok sa mga
mambabasa upang sila naman ang magnilay sa kanilang buhay hinggil sa iyong natutuhan.
Tandaang ang replektibong sanaysay ay isang personal na pagtataya tungkol sa isang paksang
maaaring makapagdulot ng epekto o hindi sa iyong buhay o maging sa mga taong makababasa nito.
SANGGUNIAN
Balsa-Julian, Ailene, Lontoc, Nestor. Pinagyamang Pluma, Filipino sa Piling Larangan: Akademik.
Quezon City: Phoenix Publishing House Inc., 2016
Dela Cruz, Mar Anthony Simon. Pagsulat sa Filipino sa Piling Larangan: Akademik. Makati City: Diwa
Learning Systems Inc., 2016

More Related Content

PPTX
FILIPINO SA PILING LARANG (AKADEMIK).pptx
PPTX
Pagsulat ng bionote
PPTX
Akademikong Pagsulat Abstrak
PPTX
REPLEKTIBONG SANAYSAY (DAY 1).pptx
PPTX
PAGSULAT NG REPLEKTIBONG SANAYSAY.pptx
PPTX
6. TEKSTONG ARGUMENTATIBO.pptx
PPTX
Akademikong Pagsulat
PPTX
FILIPINO SA PILING LARANGAN: PAGSUSULAT
FILIPINO SA PILING LARANG (AKADEMIK).pptx
Pagsulat ng bionote
Akademikong Pagsulat Abstrak
REPLEKTIBONG SANAYSAY (DAY 1).pptx
PAGSULAT NG REPLEKTIBONG SANAYSAY.pptx
6. TEKSTONG ARGUMENTATIBO.pptx
Akademikong Pagsulat
FILIPINO SA PILING LARANGAN: PAGSUSULAT

What's hot (20)

PPTX
Mapanuring pagbasa
PPTX
Filipino Piling larang -akademikong sulatin-talumpati
PPTX
LAKBAY SANAYSAY.pptx
PPTX
MGA-AKADEMIKONG-SULATIN.pptx
PPTX
Tekstong impormatibo
PPTX
PDF
Posisyong papel
PPTX
MGA URI NG TALUMPATI
PPTX
Teskstong Naratibo
PPTX
PPTX
pagsulat ng abstrak
PPTX
Ang Pagsulat.pptx
PPTX
FILIPINO SA PILING LARANG-ppt 1-uNANG mARKAHAN.pptx
PPTX
Talumpati
PPTX
Tekstong Argumentatibo
PPTX
Sining ng pagsulat
PPT
Piling larang - Lakbay sanaysay.ppt
PPT
Uri ng pagsulat
PPT
uri ng pagsulat
PDF
Posisyong papel
Mapanuring pagbasa
Filipino Piling larang -akademikong sulatin-talumpati
LAKBAY SANAYSAY.pptx
MGA-AKADEMIKONG-SULATIN.pptx
Tekstong impormatibo
Posisyong papel
MGA URI NG TALUMPATI
Teskstong Naratibo
pagsulat ng abstrak
Ang Pagsulat.pptx
FILIPINO SA PILING LARANG-ppt 1-uNANG mARKAHAN.pptx
Talumpati
Tekstong Argumentatibo
Sining ng pagsulat
Piling larang - Lakbay sanaysay.ppt
Uri ng pagsulat
uri ng pagsulat
Posisyong papel
Ad

Similar to Fil12_Pil Larang_Akad_HO_w2.docx (20)

PPTX
Replektibong Sanaysay.Filipino Sa Piling Larang-Akadpptx
PPTX
Replektibong Sanaysay.pptx-jhabsbsvsvavsv
PPTX
REPLIKTIBONG SANAYSAY.pptx
PPTX
ANG PAGSULAT NG REPLEKTIBONG SANAYSAY.pptx
PPTX
FIL. AKAD. GROUP 2.pptx hsdhgjasjdbahdwiue
PPTX
repliktibong sanaysay.pptx...................
PPTX
replektibong sanaysay 3.pptx is a powerpoint
PPTX
PPT_FPL_11_12 Q1 1003_Mga Hakbang Sa Pagsulat ng Replektibong Sanaysay.pptx
PPTX
PAGSULAT NG REPLEKTIBONG SANAYSAY.pptx
PPTX
REPLEKTIBONG-SANAYSAY-SHS
PPTX
Akademikong Pagsulat_Replektibong Sanaysay by Maam Toni.pptx
PPTX
REPLEKTIBONG SANAYSAY-Filipino Sa Piling Larang.pptx
PPTX
Lesson 3 REPLEKTIBONG-SANAYSAY. Talakyan. pptx
PPTX
replektibong sanaysay 2. powerpoint presentation
PPTX
Ang Pagsulat ng Replektibong Sanaysay.pptx
PPTX
Replektibong Sanaysay para sa subject na Filipino sa Piling Larang
PPTX
PAG SULAT NG REPLECTIBONG SANAYSAY PILIPINO
PPTX
REPLEKTIBONGSanaysaysaPilingLaramgan.pptx
PPTX
REPLEKTIBONG SANAYSAY.pptx_ Filipino sa Piling Larang
PPTX
PPT_FPL_11_12 Q1 1002_Mga Bahagi ng Replektibong Sanaysay.pptx
Replektibong Sanaysay.Filipino Sa Piling Larang-Akadpptx
Replektibong Sanaysay.pptx-jhabsbsvsvavsv
REPLIKTIBONG SANAYSAY.pptx
ANG PAGSULAT NG REPLEKTIBONG SANAYSAY.pptx
FIL. AKAD. GROUP 2.pptx hsdhgjasjdbahdwiue
repliktibong sanaysay.pptx...................
replektibong sanaysay 3.pptx is a powerpoint
PPT_FPL_11_12 Q1 1003_Mga Hakbang Sa Pagsulat ng Replektibong Sanaysay.pptx
PAGSULAT NG REPLEKTIBONG SANAYSAY.pptx
REPLEKTIBONG-SANAYSAY-SHS
Akademikong Pagsulat_Replektibong Sanaysay by Maam Toni.pptx
REPLEKTIBONG SANAYSAY-Filipino Sa Piling Larang.pptx
Lesson 3 REPLEKTIBONG-SANAYSAY. Talakyan. pptx
replektibong sanaysay 2. powerpoint presentation
Ang Pagsulat ng Replektibong Sanaysay.pptx
Replektibong Sanaysay para sa subject na Filipino sa Piling Larang
PAG SULAT NG REPLECTIBONG SANAYSAY PILIPINO
REPLEKTIBONGSanaysaysaPilingLaramgan.pptx
REPLEKTIBONG SANAYSAY.pptx_ Filipino sa Piling Larang
PPT_FPL_11_12 Q1 1002_Mga Bahagi ng Replektibong Sanaysay.pptx
Ad

Recently uploaded (20)

PPTX
WEEK7-Q1-relihiyon sa sinaunang kabihasnan.pptx
PPTX
428931649-Pagsulat-Ng-Editoryal.pptxfilipino
PPTX
Values Education Curriculum Content.pptx
PPTX
FILIPINO 206: PANULAAN SA KASALUKUYANG PANAHON
PPTX
PPT_FILIPINO_G4_Q2_W4.pptxhjshjhejhjhehhe
PPTX
AP7 MATATAG Q2 Week 1 - Kolonyalismo at Imperyalismo with Unang Misa.pptx
PPTX
-Panghalip-at-Mga-Uri-Nito-at-Simposyum-Pagsagawa-Ng-Critique.pptx
PPTX
Kabihasnang_Tsino_Buo Kabihasnang_Tsino_Buo.pptx
PPTX
buwan ng wikang pambansa tagisan ng talino.pptx
PPTX
Panitikan ng Rehiyon (LIT 101)_Olazo.pptx
PPTX
Gamit ng Wika sa Lipunan_Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pi...
PPTX
FILIPINO 7 Q1 W5-TEKSTONG IMPORMASYONAL.pptx
PPTX
ESP QUARTER 1LESSON AND ACTIVITY.pptx
PDF
AP8_Q1_Week_3-4_Kabihasnang_Mycenaean.pdf
PDF
Edukasyon sa Pagpapakatao Most Essential Learning Competencies
PPTX
Panitikan-ng-Pilipinas - Introduction of Topic.pptx
PPTX
GRADE FIVE, WEEK SEVEN, QUARTER ONE GMRC.pptx
DOCX
ap10_q1_exam.docxbadjhbjadjkashdjkashdjas
DOCX
BUWAN NG WIKANG PAMBANSA fLow of the Program 2025
PPTX
Mga_Karunungang_Bayan SA mALAYSIA ........
WEEK7-Q1-relihiyon sa sinaunang kabihasnan.pptx
428931649-Pagsulat-Ng-Editoryal.pptxfilipino
Values Education Curriculum Content.pptx
FILIPINO 206: PANULAAN SA KASALUKUYANG PANAHON
PPT_FILIPINO_G4_Q2_W4.pptxhjshjhejhjhehhe
AP7 MATATAG Q2 Week 1 - Kolonyalismo at Imperyalismo with Unang Misa.pptx
-Panghalip-at-Mga-Uri-Nito-at-Simposyum-Pagsagawa-Ng-Critique.pptx
Kabihasnang_Tsino_Buo Kabihasnang_Tsino_Buo.pptx
buwan ng wikang pambansa tagisan ng talino.pptx
Panitikan ng Rehiyon (LIT 101)_Olazo.pptx
Gamit ng Wika sa Lipunan_Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pi...
FILIPINO 7 Q1 W5-TEKSTONG IMPORMASYONAL.pptx
ESP QUARTER 1LESSON AND ACTIVITY.pptx
AP8_Q1_Week_3-4_Kabihasnang_Mycenaean.pdf
Edukasyon sa Pagpapakatao Most Essential Learning Competencies
Panitikan-ng-Pilipinas - Introduction of Topic.pptx
GRADE FIVE, WEEK SEVEN, QUARTER ONE GMRC.pptx
ap10_q1_exam.docxbadjhbjadjkashdjkashdjas
BUWAN NG WIKANG PAMBANSA fLow of the Program 2025
Mga_Karunungang_Bayan SA mALAYSIA ........

Fil12_Pil Larang_Akad_HO_w2.docx

  • 1. 1 CO QAH + MELC LW HANDOUT Blg. 2 sa FILIPINO SA PILING LARANGAN: (Akademik) Course Outline & Quality Assured Handouts paired with MELC- Based Learner’s Worksheet MELC: 1. Nabibigyang-kahulugan ang mga terminong akademiko na may kaugnayan sa piniling sulatin (CS_FA11/12PT-0mo90) 2. Natutukoy ang katangian ng isang sulating akademiko (CS_FA11/12PB-0m-o-102) Semester: 2 Linggo Blg. 2 Tudlaan ng Oras: __4__ Replektibong Sanaysay ARALIN 1: KAHULUGAN, KATANGIAN AT KAHALAGAHAN NG REPLEKTIBONG SANAYSAY Replektibong Sanaysay Ang Replektibong Sanaysay ay isang masining na paraan ng pagsulat na may kaugnayan sa pansariling pananaw at damdamin sa isang partikular na pangyayari. Sa pamamagitan nito ay mas natutuklasan ng isang tao ang sariling pag-iisip, damdamin o opinyon tungkol sa paksa, pangyayari o tao. Ang akademikong sulatin na ito ay isa ring gawain na humahamon sa mapanuring pag-iisip. Ang Replektibong Sanaysay ay naiiba sa iba pang akademikong sulatin sapagkat ang ganitong uri ng sulatin ay hindi na nangangailangan na sumangguni sa ibang akda o manghiram ng kaisipan. Ang pagpapahayag ng isang manunulat sa ganitong sulatin ay tumatalunton sa sariling pananaw, opinyon o kaisipan batay sa kanyang naging karanasan. Ang sulating ito ay maaaring nasa anyo ng personal na sanaysay, lahok sa journal, diary, at reaksiyong papel o learning log. Kahalagahan ng Replektibong Sanaysay Marami ang natutuklasan ng isang manunulat tungkol sa kanyang sarili, kapuwa o kapaligiran sa pamamagitan lamang ng pagsusulat ng replektibong sanaysay. Maging ang kanyang kalakasan at kahinaan ay nabibigyan niya ng pansin, at nakaiisip din siya ng mga solusyon sa mga problemang kinakaharap. Nahahasa rin ang kasanayan sa metacognition o ang kakayahang suriin at unawain ang sariling pag-iisip sa pagsulat ng replektibong sanaysay. Ayon sa pag-aaral nina Di Stefano, Pisano, Staats (2014), magiging mas mabisa ang pagkatuto mula sa sariling karanasan kung lalangkapan ito ng repleksiyon. Pinapakita nila na ang replektibong gawain ay makapangyarihang mekanismo sa pagkatuto. Nakapagbibigay-aliw sa tao ang pagbabalik-tanaw sa mga mahahalagang kaganapan lalo na ang mga tagumpay at masasayang pangyayari sa buhay ng tao. May ilang mga indibidwal ang nakahihiligan ang magsulat ng kanyang mga karanasan at masayang alaala upang ito’y hindi mabaon sa limot at patuloy na mamuhay sa isip at puso ng tao. Ang ganitong uri ng sulatin ay hindi lamang kasiyahan ang dala ng pagbabalik-tanaw sa masasayang alaala bagkus ay natutuklasan din ng isang tao ang sariling pag-iisip at damdamin. Sa modyul na ito ay mauunawaan at makikilala mo ang sulatin na nagbibigay ng kagandahan sa ating nakaraan at maghahasa sa ating kakayahan upang maging isang mahusay na manunulat.
  • 2. 2 At ayon din kay John Dewey, “Hindi tayo natututo sa karanasan…natututo tayo sa pagbubulay sa ating karanasan.” Mga Katangian ng Replektibong Sanaysay Personal at subhetibo ang replektibong sanaysay. Ang sulating ito ay sumasagot sa mga katanungan na naglalayong ipakita ang ugnayan ng manunulat at ng paksa. Bagaman personal at subhetibo, ang sulating ito ay may sinusunod pa ring direksiyon. Hindi lahat ng pumapasok sa isipan ay maaaring isulat, dapat ay sumusunod ito sa kumbensiyon ng akademikong sulatin. Hindi rin maaaring puro paglalarawan o paglalahad ng kuwento ang nakalagay sa sulating ito bagkus ay nangangailangan ito ng mataas na kasanayan sa pag-iisip, gaya ng mapanuring kamalayan at mapagmuning diwa. Kinakailangan din ng pagsusuri sa ideya, pagbuo ng sintesis at pagpapasiya kung sapat at angkop ba ang ginawang sulatin. Gumagamit din ito ng deskriptibong wika upang mas maipabatid sa mga mambabasa ang paksang sinulat. At dahil nakabatay ito sa sariling karanasan, ideya o opinyon , inaasahan na ang paggamit ng panghalip na “ako”. ARALIN 2: HAKBANG AT KONSIDERASYON SA PAGSULAT NG REPLEKTIBONG SANAYSAY Pagsulat ng Replektibong Sanaysay Paano ba magsulat ng isang mahusay na replektibong sanaysay? Ano-ano ba ang mga dapat isaalang-alang sa pagbuo ng ganitong uri ng sulatin? May proseso at hakbang bang dapat sundin? Ang replektibong sanaysay ay isang pagsasanay sa pagbubulay-bulay. Ang lahat ng ideyang nakapaloob sa ganitong uri ng sulatin ay tungkol sa sariling ideya, pananaw, komento, o puna ng manunulat. Bagama’t nagpapahayag ito ng sariling pananaw o ideya ng manunulat, kinakailangan nitong sundin ang layunin at kumbensiyon ng isang akademikong sulatin. At dahil nakatutok ito sa sariling opinyon o ideya ng manunulat ay dapat hasain at suriin ng may-akda ang kanyang sariling pag-iisip. Kailangan ng isang manunulat na tanungin ang sarili sa ideyang ilalahad. Ano ba ang nalalaman, karanasan o pakiramdam sa paksang isusulat? Ano ang epekto nito sa sarili? Lahat ng maaaring itanong sa sarili, ay itanong at bigyan muna ng kasagutan upang masimulan ang pagsulat. Ang mga sagot sa katanungan ay maaaring maging gabay sa pagbuo ng replektibong sanaysay. Maaari din itong magsilbing pangunahing ideya o tesis na gagabay sa iyong sulatin. Kinakailangan ng pagkuha ng mga ebidensya o datos na makasusuporta sa iyong ideya upang magkaroon ng bigat at sustansiya sa gagawing sulatin. Sa pagbuo ng konklusyon ay maaari ding gamitin ang mga tanong sa sarili na nasagutan. Maaari ding mag-iwan ng tanong sa bahaging ito tungkol sa kung ano ang pananaw ng mga mambabasa. Maaari ding hamunin ang mga mambabasa na magbahagi ng kanilang pananaw. Kapag natapos ang sulatin ay balikan ang mga tanong sa sarili. Angkop ba ang mga sagot o ideyang gusto mong ilahad? Sa paraang ito ay masusubok at masisiguro ang katapatan sa sarili. Kung hindi tapat sa sariling naiisip at nararamdaman ay mawawalan ng saysay ang isinulat ng sanaysay. Mga Dapat Isaalang-alang sa Pagsulat ng Replektibong Sanaysay Ang mga sumusunod ay mahahalagang konsiderasyon na dapat isaalang-alang sa pagsulat ng replektibong sanaysay:  Magkaroon ng isang tiyak na paksa
  • 3. 3  Pagkalap ng ebidensiya o datos na susuporta sa ideya  Isulat ito gamit ang unang panauhan na panghalip  Gumamit ng pormal na salita  Malinaw na paglalahad ng ideya o punto upang lubos maipabatid sa mambabasa ang saloobin  Sundin ang tamang estruktura o bahagi sa pagsulat ng sanaysay (Introduksyon, Katawan, Konklusyon)  Gawing lohikal at organisado ang pagkakasulat ng mga talata  Sa unang bahagi pa lamang ay dapat nakakapukaw ito ng interes  Sa konklusyon ay dapat magkaroon ng repleksiyon sa lahat ng tinalakay  Suriin nang maigi ang naisulat na replektibong sanaysay Mga Hakbang sa Pagsulat ng Replektibong Sanaysay Sa pagsulat ng replektibong sanaysay ay dapat na magtaglay ito ng introduksiyon, katawan, wakas o konklusyon. Sa simulang bahagi ng sanaysay ay kinakailangang nakapupukaw ito ng interes o atensiyon ng mga mambabasa. Inaasahang ang manunulat ay gagamit ng iba’t ibang paraan sa pagsulat ng mahusay na panimula. Maaring gumamit ng mga kotasyon, anekdota o iba pang salaysay ng iba sa pagsisimula ng sanaysay. Sundan agad ito sa pagpapakilala ng paksa at layunin sa pagsulat ng sanaysay. Sa bahaging ito, inillalahad ang mga sagot sa katanungan sa sarili; ito ang magsisilbing gabay o pangunahing ideya sa sanaysay. Ang mga ebidensyang nakalap ay matatagpuan naman sa katawang bahagi ng sanaysay. Ito ang susuporta sa mga ideya ng manunulat upang mas maging kapani-paniwala at magkaroon ng bigat at sustansiya ang sulatin. Sa bahaging ito rin matatagpuan ang mga pagninilay, natutuhan, puna, komento, at pananaw ng manunulat. Kinakailangan maging malinaw, organisado, at lohikal ang paglalahad ng kaisipan upang maunawaan ng mga mambabasa ang ipinapabatid ng may-akda. Sa pagtatapos naman ng sanaysay ay dapat na pinag-iisipan nang mabuti kung paano tatapusin ang sulatin. Mahalagang banggitin muli ang tesis o pangunahing ideya ng paksa sa bahaging ito. Bigyang konklusyon ang sulatin sa pamamagitan ng paglalahad ng mga natutuhan sa buhay at kung paano ito mapapakinabangan sa hinaharap. Maaari ding mag-iwan ng mga tanong na susubok sa mga mambabasa upang sila naman ang magnilay sa kanilang buhay hinggil sa iyong natutuhan. Tandaang ang replektibong sanaysay ay isang personal na pagtataya tungkol sa isang paksang maaaring makapagdulot ng epekto o hindi sa iyong buhay o maging sa mga taong makababasa nito. SANGGUNIAN Balsa-Julian, Ailene, Lontoc, Nestor. Pinagyamang Pluma, Filipino sa Piling Larangan: Akademik. Quezon City: Phoenix Publishing House Inc., 2016 Dela Cruz, Mar Anthony Simon. Pagsulat sa Filipino sa Piling Larangan: Akademik. Makati City: Diwa Learning Systems Inc., 2016