Itinatag ang pamahalaang militar ng mga Amerikano sa Pilipinas noong Agosto 14, 1898 upang wakasan ang rebelyon at magdala ng kaayusan. Ang pamahalaang sibil ay ipinatupad noong 1901 bilang pagpapalit sa militar, kung saan may mga batas na ipinasa upang supilin ang nasyonalismo ng mga Pilipino at kontrolin ang mga ito. Dalawang patakaran, ang pasipikasyon at kooptasyon, ang ginamit ng mga Amerikano upang makuha ang tiwala ng mga Pilipino at puksain ang kanilang pag-aaklas.