Ang 'La Solidaridad' ay opisyal na pahayagan ng kilusang propaganda na inilathala sa Barcelona, Spain noong Pebrero 15, 1889. Pinangunahan ito ni Graciano Lopez-Jaena at pinalitan ni Marcelo H. Del Pilar noong Disyembre 15, 1889. Layunin nitong itaguyod ang malayang kaisipan, kaunlaran, at mapayapang paghingi ng reporma sa Pilipinas.