Ang repliktibong sanaysay ay isang tiyak na uri ng sanaysay na nakatuon sa introspeksiyon at nagpapakita ng personal na karanasan at paglago ng isang tao. Ito ay karaniwang gumagamit ng unang panauhan at dapat ay isulat ng maayos, may estruktura, at naglalaman ng mga patunay at pormal na salita. Ang mga halimbawa ng mga paksang maaaring gawan ng ganitong sanaysay ay karanasan sa pagbabasa, mga proyekto, at paglalakbay.