75% found this document useful (4 votes)
4K views35 pages

Dynamic Learning Plan: Filipino 9

This document contains information about St. Paul University Philippines including its vision, mission, and core values. It outlines the most essential learning competencies and standards for Filipino 9, including demonstrating understanding of a masterpiece of Philippine literature and participating in presenting a movie trailer or storyboard about characters from Noli Me Tangere that changed society. It emphasizes forming students to be mindful learners, competent performers, collaborative communicators, creative explorers, and advocates for peace based on the university's Paulinian core values of Christ, Commission, Community, Charism, and Charity.

Uploaded by

J and J OFFICIAL
Copyright
© © All Rights Reserved
We take content rights seriously. If you suspect this is your content, claim it here.
Available Formats
Download as DOCX, PDF, TXT or read online on Scribd
75% found this document useful (4 votes)
4K views35 pages

Dynamic Learning Plan: Filipino 9

This document contains information about St. Paul University Philippines including its vision, mission, and core values. It outlines the most essential learning competencies and standards for Filipino 9, including demonstrating understanding of a masterpiece of Philippine literature and participating in presenting a movie trailer or storyboard about characters from Noli Me Tangere that changed society. It emphasizes forming students to be mindful learners, competent performers, collaborative communicators, creative explorers, and advocates for peace based on the university's Paulinian core values of Christ, Commission, Community, Charism, and Charity.

Uploaded by

J and J OFFICIAL
Copyright
© © All Rights Reserved
We take content rights seriously. If you suspect this is your content, claim it here.
Available Formats
Download as DOCX, PDF, TXT or read online on Scribd
  • Vision & Mission: Explains the vision and mission of the university with outlines of core values and commitments.
  • Learning Plan 1: Ang Pagsusuri ng Katotohanan: Introduces the first learning module centered on literary analysis and critical thinking using Jose Rizal's works.
  • Learning Plan 2: Pangamba, Pagdadalita, at Mga Paratang: Focuses on lessons of fear, suffering, and accusations as key themes in the text analysis.
  • Learning Plan 3: Pagkamulat sa Darating na Kapahamakan: Covers awakening to upcoming calamities and analyzing coping mechanisms depicted in the literature.
  • Learning Plan 4: Ang Mga Api at Mapang-api: Explores the themes of oppression and power dynamics.

St.

Paul University Philippines


Tuguegarao City, Cagayan 3500

BASIC EDUCATION UNIT


PAASCU LEVEL III ACCREDITED
ISO CERTIFIED

DYNAMIC LEARNING PLAN

FILIPINO 9
IKAAPAT NA MARKAHAN

Inihanda ni: GNG. ANDREA A. CASTRO Iniwasto ni: Bb. FREDELINA B. CARPI 0
Subject Teacher Subject Team Leader

Inaprubahan ni: GNG. GLENDA P. CARONAN


Principal

St. Paul University Philippines


Tuguegarao City, Cagayan
BASIC EDUCATION UNIT

UNIVERSITY VISION-MISSION STATEMENT

VISION

ST. PAUL UNIVERSITY PHILIPPINES is an internationally recognized institution dedicated to the


formation of competent leaders and responsible citizens of their communities, country, and the world.

MISSION

Animated by the gospel and guided by the teachings of the Church, it helps to uplift the quality of life and
to effect social transformation through:

1. Quality, Catholic, Paulinian formation, academic excellence, research, and community service.
2. Optimum access to Paulinian education and service in an atmosphere of compassionate caring;
and
3. Responsive and innovative management processes.

The SPUP Vision and Mission are reflected in the Paulinian Core Values Framework and the
SPUP Learning Framework which have been adopted by the university.

The core of the Curricula of Studies is embedded in the Paulinian Core Values (the 5 Cs) namely:
Charism, Charity, Commission, Community and with CHRIST as the CENTER of Paulinian life.

BEU VISION-MISSION STATEMENT

VISION
St. Paul University Philippines, Basic Education Unit is a Catholic educational institution committed to
the formation of pupils/students with proficiency in basic knowledge, skills, attitudes, and values
responsive to the changing world.

MISSION
Impelled by the Charity of Christ, this institution will become the premier for basic education by forming
academically prepared, morally upright, and socially responsible young Paulinians in the service of
family, church, and society.

PAULINIAN CORE VALUES


(The 5 Cs) and the SPC Education Ministry Basic Education Exit Outcomes

CHRIST (CONSCIOUS) – Christ is the CENTER of Paulinian life. The Paulinian follows and imitates
Christ, doing everything about Him.
The BEU graduates are Mindful, Self-Directed LEARNERS AND ROLE MODELS, who:
 Initiate and sustain undertakings that strengthen their skills, understandings, health, future
opportunities that benefit others.
 Assess their unique personal qualities, thinking processes, and talents, and explain how
strengthening them can open doors to continued learning and personal fulfilment.
 Explain the elements and factors affecting their decision and actions and the likely
consequences they entail.
 Manage their time and energy to allow for regular periods of planning reflection and
renewal.
 Describe and explain the new possibilities they have developed as the result of self-
initiated projects and learning experiences.
 Describe how their own values and actions mirror the qualities and values of a Paulinian.
 Offer support, constructive feedback, and praise for the sincere efforts of others.

COMMISSION (COMPETENT) – The Paulinian has a mission – a LIFE PURPOSE to spread the Good
News. Like Christ, he/she actively works “to save” this world, to
make it a better place to live in.
The BEU graduates are Conscientious, Adept PERFORMERS AND ACHIEVERS, who:
 Devote focus time to developing competencies required for sound achievement in a chosen
field and skilled implementation in life’s diverse basics.
 Cultivate specialized knowledge and skills in at least one area of their lives that they apply
in a variety of situations with facility and ease.
 Remain focused on fully completing projects in a timely manner.
 Set realistic improvement goals for themselves that require persistence and involve
continual monitoring by others to validate what has been achieved.
 Openly demonstrate their basic and advanced skills to potential employers and improve
them according to the feedback received.
COMMUNITY (COLLABORATIVE) – The Paulinian is a RESPONSIBLE FAMILY MEMBER and
CITIZEN, concerned with building communities, promotion of peoples, justice and peace, and the
protection of the environment.
The BEU graduates are credible, Responsive, COMMUNICATORS AND TEAM PLAYERS, who:
 Take time before speaking or writing to assess the accuracy and clarity of what they are
about to share, its tone, how it is likely to be received and interpreted.
 Consistently revise intended communications to be clearer, more accurate and better
understood.
 Acknowledge suggestions made by others and respond honestly and constructively to
them regarding their likely consequences.
 Agree to join in group endeavors that bring benefit to all and foster the greater good.
 Willingly share responsibilities and participate actively to foster group collegiality,
cohesion, and effectiveness.
 Anticipate where extra assistance or support in team activity may be needed, and
spontaneously offer it to bolster team results.

CHARISM (CREATIVE) – The Paulinian develops his/her GIFT/TALENTS to be put in the service of
the community, he/she strives to grow and improve daily, always seeking the better and finer things and
the Final Good.
The BEU graduates are Creative, Resourceful, EXPLORERS AND PROBLEM SOLVERS, who:
 Independently seek out issues, possibilities, and sources of related information for
further investigation and development.
 Search beyond readily available sources of information, resources, and standard
techniques to create workable solutions to existing problems.
 Routinely select issues or problems facing their communities and formulate new ways
they can be understood, addressed, and resolved.
 Experiment with combinations of ideas, data, materials, and possibilities to derive
and test potential solutions to existing problems.
 Use ideas and resources in unconventional ways to plan and design works of artistic
appeal to others

CHARITY (COMPASSIONATE) – urged on by the LOVE OF CHRIST, the Paulinian is warm,


loving, hospitable and “all to all”, especially to the underprivileged.
The BEU graduates are Committed, ADVOCATES FOR PEACE AND UNIVERSAL WELL-BEING,
who:
 Initiate and sustain efforts that draw attention to environmental issues and propose
workable measures to reduce and eventually eliminate it.
 Persist in the face of open resistance to their efforts to teach peace, reduce violence, and
redress the harm being levied against others.
 Join others in operating local projects that tangibly protect and preserve the
environment and all life forms.
 Call attention to the causes and consequences of poverty, and marshal others to assist
those in ill-health and physical need.
 Contribute their time, heartfelt attention, and resources in directly assisting those who live
in little hope of improving their lives

Anchored on the 21st century learning skills, the Curricula of Studies for the different programs are
designed based on the four core concepts/statements adopted by the University for its General Learning
Framework, namely: HUMAN PERSON, COMMUNICATION RESEARCH AND CLIMATE
CHANGE.

MOST ESSENTIAL LEARNING COMPETENCIES


GRADE 9 - FILIPINO
MARKAHAN PAMANTAYANG PAMANTAYAN MGA KASANAYANG
PANGNILALAMAN SA PAGGANAP PAMPAGKATUTO
Ikaapat na Naipamamalas ng mga Ang mag-aaral ay  Batay sa napakinggan,
Markahan mag-aaral ang pag-unawa nakikilahok sa natitiyak ang kaligirang
sa isang obra maestrang pagpapalabas ng pangkasaysayan ng akda
pampanitikan ng Pilipinas isang movie trailer sa pamamagitan ng: -
o storyboard pagtukoy sa layunin ng
tungkol sa isa ilang may- akda sa pagsulat
tauhan ng Noli Me nito - pag-isa-isa sa mga
Tangere na binago kondisyon ng lipunan sa
ang mga katangian panahong isinulat ito
(dekonstruksiyon) pagpapatunay sa pag -iral
pa ng mga kondisyong ito
sa kasalukuyang panahon
sa lipunang Pilipino
 Nailalarawan ang mga
kondisyong panlipunan
bago at matapos isinulat
ang akda
 Natutukoy ang mga
kontekstuwal na
pahiwatig sa pagbibigay
-kahulugan
 Nabibigyang -patunay na
may pagkakatulad /
pagkakaiba ang binasang
akda sa ilang napanood
na telenobela
 Nailalahad ang sariling
pananaw, kongklusyon,
at bisa ng akda sa sarili at
sa nakararami
 Naitatala ang nalikom na
datos sa pananaliksik
 Nagagamit ang mga
angkop na salita /
ekspresyon sa: -
paglalarawan -
paglalahad ng sariling
pananaw - pag-iisa-isa
pagpapatunay
 Natutukoy ang
kahalagahan ng bawat
tauhan sa nobela
 Naisusulat ang isang
makahulugan at masining
na iskrip ng isang
monologo tungkol sa
isang piling tauhan
 Nagagamit ang tamang
pang -uri sa pagbibigay –
katangian
 Naibabahagi ang sariling
damdamin sa tinalakay na
mga pangyayaring
naganap sa buhay ng
tauhan
 Nailalahad ang sariling
pananaw sa
kapangyarihan ng pag -
ibig sa magulang, sa
kasintahan, sa kapwa at
sa bayan
 Napapangkat ang mga
salita ayon sa antas ng
pormalidad ng gamit nito
(level of formality)
 Nakasusulat ng iskrip ng
Mock Trial tungkol sa
tunggalian ng mga tauhan
sa akda
 Nagagamit ang mga
angkop na ekspresyon sa
pagpapahayag ng: -
damdamin - matibay na
paninindigan
 Natitiyak ang
pagkamakatotohanan ng
akdang napakinggan sa
pamamagitan ng pag
-uugnay sa ilang
pangyayari sa
kasalukuyan
 Naipaliliwanag ang mga
kaugaliang binanggit sa
kabanata na
nakatutulong sa
pagpapayaman ng
kulturang Asyano
 Naipaliliwanag ang iba’t
ibang paraan ng
pagbibigay - pahiwatig sa
kahulugan
 Naipaliliwanag ang mga
kaisipang nakapaloob sa
aralin gaya ng: 
pamamalakad ng
pamahalaan  paniniwala
sa Diyos  kalupitan sa
kapuwa  kayamanan 
kahirapan at iba
 Naihahambing ang mga
katangian ng isang ina
noon at sa kasalukuyan
batay sa napanood na
dulang pantelebisyon o
pampelikula
 Naipaliliwanag ang
kahalagahan ng pagtupad
sa tungkulin ng ina at ng
anak
 Nagagamit ang mga
angkop na ekspresyon sa:
 pagpapaliwanag
 paghahambing
 pagbibigay ng opinyon
 Nasusuri ang pinanood na
dulang panteatro na
naka-video clip batay sa
pamantayan

St. Paul University Philippines


Tuguegarao City, Cagayan 3500
BASIC EDUCATION UNIT
PAASCU LEVEL III ACCREDITED
ISO CERTIFIED

LEARNING PLAN 1: ANG PAGSISIWALAT NG KATOTOHANAN (Kabanata 1-13)


INTRODUCTION (PANIMULA)

Ang Noli Me Tangere ay ang unang nobelang isinulat ng ating bayaning si Dr. Jose Rizal. Ito ay
nagsisilbing daan upang maunawaan ang mga kaganapan noon sa panahon ng pananakop ng mga dayuhan sa
Pilipinas. Sa kabanata 1-13 ay matutunghayan mo ang pagsisiwalat ng katotohanan. Ang isa sa mga ginintuang
aral na dapat mamahay sa puso ng isang tao ay ang katapatan sa kanyang pananalitang binibitiwan, sa kanyang
iniisip at sa lahat ng kanyang ginagawa. Kung ang isang tao ay hindi tapat at laging nagsisinungaling, sino pa
kaya ang maniniwala sa kanya? Wala nang magtitiwala sa kanya at higit sa lahat sira na ang kanyang pagkatao.
Bakit kaya may mga taong nakukuhang magkunwari gayong alam ng kanyang kausap na hindi siya nagsasabi
ng katotohanan? Maraming bagay ang maaaring dahilan nito. Una, maaaring gusto niyang magsabi ng totoo ang
marami, na inyong paninindigan ang kanyang binitiwang salita. Ikalawa, ayaw niyang mapahiya at masira ang
pagkakakilala sa kanya. Higit sa lahat pinangangatawanan na niyang isa siyang totoong tao.

OBJECTIVES (LAYUNIN):
Sa modyul na ito ikaw ay inaasahang:
1. nakatutukoy ng sakit ng lipunan sa bawat binasang kabanata;
2. nakapagbabahagi ng mga sariling damdamin o pananaw ukol sa tinalakay na paksa;
3. nakapagpapahayag ng mga angkop na salita/ekspresyon sa paglalarawan o paglalahad; at
4. nakapagpapakita ng halaga ng katapatan sa pamamagitan ng pagsasagawa ng mga aktibidad nang mag-
isa

LESSON PROPER/DISCUSSION (TALAKAYAN)


Paalala:
1. Kung may mga katanungan tungkol sa aralin, huwag mag-atubiling makipag-ugnay sa akin sa
pamamagitan ng aking cp # 0956-635-3614 o isang pribadong mensahe.
2. Sa modyul na ito ay susubukin ang iyong galing sa pagbabasa. Mababatid dito ang mga kabanata na
mababasa sa nobelang Noli Me Tangere. Para mas maunawaan ay basahin sa inyong E-book o kaya’y
ang inyong aklat sa pahina 446-527 ng PINAGYAMANG PLUMA 9 (AKLAT 2). Ang iyong
mababasa sa ibaba ay buod ng ilan sa mga mahahalagang kabanata sa unang aralin ng Noli Me
Tangere.

Hook Up Activity: IBAHAGI MO!


May kasabihang, "Ang buhay ay parang gulong. Minsan ay nasa ibabaw, minsan ay nasa ilalim."
Nangangahulugan itong ang buhay ay may tagumpay at kasawian. Ang tagumpay ay panahong tila tayo ay nasa
itaas at masayang nabubuhay. Samantalang ang kasawian ay panahong nasa mababang bahagi tayo ng buhay na
para bang naapakan, naapi, at puno ng kapighatian. Ibahagi mo ang iyong karanasan at pananaw ukol dito gamit
ang graphic organizer sa ibaba.
Kasawian na Aking
Tagumpay na Aking
Naranasan
Naranasan

Ang aking pananaw at realisasyon sa mga naranasang tagumapay at kasawian


KABANATA I: ISANG HANDAAN
Sa araling ito, masasaksihan mo ang isang handaang ginanap sa bahay ni Kapitan Tiago na dinaluhan ng
iba’t ibang uri ng tao sa lipunan. Mula sa mga pangyayari sa nasabing handaan ay masasalamin ang mga ugali
ng mga Espanyol na nanakop sa ating mga ninuno at kung paano nila tinitignan o inuuri ang mga Pilipino noon
sa lipunan. Masaya ang nagging pagtitipon ngunit sa bandang huli, nauwi ito sa pagtatalo sa pagitan ng mga
pangunahing tauhang sina Padre Damaso at ang tenyete ng guardia civil.

KABANATA II: CRISOSTOMO IBARRA


Malugod na ipinakilala ni Kapitan Tiago sa mga panauhin si Crisostomo Ibarra na kadarating lámang
mula sa Europa. Mahahalatang natakot si Padre Damaso nang makita niya ang binata samantalang ang tenyente
naman at ang iba pang panauhin ay labis na humanga sa kanya nang marinig nilang siya ang anak ng nasirang
Don Rafael Ibarra na namalagi sa Europa upang magpakadalubhasa. Nahiyang makipagkilala sa kanya ang mga
panauhin lalo na ang mga dalagang Pilipina kayâ siya na ang gumawa ng paraan para makipagkilala.

KABANATA III: SA HAPUNAN


Dumulog ang mga panauhin sa hapag-kainan para pagsaluhan ang inihandang hapunan. Lalong
humanga ang mga bisita kay Ibarra nang mabatid nilang halos nalibot nan g binate ang buong Europa at
gayundin sa kakayahan niyang makapagsalita ng iba’t ibang wika. Kapansin-pansin ang pagkakayamot ni Padre
Damaso habang kumakain ng hapunan na humantong sa pang-iinsulto niya sa binate. Sa halip na gumanti at
magalit ang binate kay Padre Damaso ay maayos niya pa ring tinugon ang pangungutya ng matandang pari at
pagkatapos magalang siyang nagpaalam sa mga naroroon.

KABANATA IV: EREHE AT PILIBUSTERO


Matinding sakit at sama ng loob na naranasan ni Crisostomo Ibarra nang malaman niya mula kay
Tenyente Guevarra ang tunay na dahilan ng pagpanaw ng kanyang ama. Ayon sa tenyente, hinuli at ikinulong
ng pulisya ang kanyang ama dahil sa pagkamatay ng artilyerong Kastila nang tumama ang ulo nito sa bato dahil
sa pagtatanggol ng kanyang ama sa isang batang lalaking pinukol niya ng baston sa ulo na nagging sanhi upang
mawalan ng mala yang bata. Sa pagsasakdal ng kasong krimen sa kanyang ama ay nagsilantad ang mga kaaway
ni Don Rafael Ibarra. Nagsimulang maglabasan ang mga kasinungalingan laban sa kanya na humantong upang
akusahan siya bilang erehe at subersibo. Tumagal ang paglilitis ng kanyang usapin hanggang sa mamatay na
siya sa loob ng bilangguan.

KABANATA V: BITUIN SA KARIMLAN


Matapos ang kanilang pag-uusap ni Tenyente Guevarra ay wala sa sariling tumungo si Crisostomo
Ibarra sa Hotel Lala. Dito ay patuloy na naglaro sa kanyang isipan ang malupit at malungkot na kapalarang
sinapit ng kanyang ama na naging dahilan upang hindi niya mapansin ang magandang tanawing makikita sa
kabilang ibayo ng ilog.

KABANATA VI: SI KAPITAN TIAGO


Sa araling ito, makikilala mo ang pinakamayamang tao sa Binondo, walang iba kundi si Kapitan Tiago.
Dahil sa kanyang taglay na kayamanan at kapangyarihan, siya ay itinuturing ng marami na pinapala ng Diyos,
malakas sa gobyerno, at kasundo ng mga tao. Madalas siyang magbigay ng regalo sa mga tao sa gobyerno.
Nakikiayon siya sa mga pumipintas at lumalait sa mga Pilipino, palibhasa’y ipnalalagay niyang hindi siya
Pilipino. Kaya naman, para sa taong hindi niya kapanalig siya ay itinuturing na walang awa, malupit, at
mapagsamantala sa mga magigipit. Napangasawa niya si Pia Alba na taga-Santa Cruz. Siya ay isang maganda,
balingkinitan at kaakit-akit ang tindig. Sa loob ng anim na taon ng kanilang pagsasama ay hindi sila nabiyayaan
ng anak kaya’t nagpasiya siyang magnobena at mamanata sa iba’t ibang pintakasi sa payo na rin ni Padre
Damaso. Siya ay nagbuntis, at nagging anak si Maria Clara. Ngunit sa panahong ng kanyang paglilihi ay
nagging malungkutin si Pia Alba na nagging dahilan para mahulog ang kanyang katawan at dapuan ng
matinding sakit na nagging sanhi ng kanyang kamatayan pagkaraang magsilang.

KABANATA VII: SUYUAN SA BALKONAHE


Madarama mo sa kabanatang ito ang tunay at wagas na pagmamahalan a Crisostomo Ibarra at Maria
Clara. Kanilang napatunayang ang pitong taon nilang pagkakalayo ay hindi maaaring makahadlang sa kanilang
dalisay pagmamahalan. Magkahalong pananabik at kaba ang naranasan ni Maria Clara nang muli niyang makita
ang kasintahan. Sa balkonahe ng tahanan ni apitan Tiago, nangyari ang kanilang pagsusuyuan kung saan muli
nilang binalikan ang kanilang matatamis na alaala at wagas na sumpaan bago Sila anap na magkahiwalay.
Masakit man sa kalooban na iwanan ng binata ang minamahal ay sinunod niya ang kanyang ama na siya ay
tumungo sa Europa upang mag-aral nang sa gayon sa kanyang muling pagbabalik ay git niyang mapaglingkuran
ang kanyang Inang Bayan.

KABANATA VIII: MGA ALAALA


Di pa man ganap na natatapos ang pag-uusap ng magkasintahan ay agad na iniwan ni Crisostomo ibarra
ang dalaga dahil bigla niyang naalalang kailangan niyang umuwi sa kanyang bayan. Sakay ng karwahe ay
binagtas ng binata ang San Gabriel kung saan sa kanyang paglalakbay ay muling nagbalik sa kanyang alaala
ang bayang kanyang nilisan pitong taon na ang nakararaan.

KABANATA IX: IBA’T IBANG PANGYAYARI


Nang papaalis na sina Maria Clara at ang kanyang Tiya Isabel upang kunin nila ang mga gamit ng
dalaga sa Beaterio ay siyang dating naman ni Padre Damaso. Nang mabatid ng pari ang pakay ng pag-alis ng
magtiya ay mapapansing sumamâ ang mukha nito at sabay tuloy sa 1oob ng bahay ni Kapitan Tiago. Agad din
itong napansin ni Kapitan Tiago lalo pa't nang sabihan siyang kailangan nilang mag-usap nang sarilinan. Sa
kabilang dako, matapos makapagmisa si Padre Sibyla ay agad naman siyang nagtungo sa kumbento ng mga
Dominiko at doon ay nakausap niya ang isang matandang paring may sakit. Napag-usapan nila ang naganap na
alitan sa pagitan nina Crisostomo Ibarra at Padre Damaso. Sa gitna ng kanilang pag-uusap ay ipinaliwanag din
ng matandang paring kailangan nang magbago ng pamamalakad ang mga prayle sa Pilipinas sapagkat
namumulat na ang isipan ng mga tao sa katotohanan.
KABANATA X: ANG SAN DIEGO
Inilalarawan sa kabanatang ito ang bayan ng San Diego. Ito ay isang karaniwang baying nagtataglay ng
malaking sakahan sa Pilipinas na matatagpuan sa baybayin ng isang lawa. Taglay ng baying ito ang isang
alamat kung paano ito nagsimula at bahagi nito ang kuwentong may kinalaman sa mga ninuno ni Crisostomo
Ibarra.

KABANATA XI: ANG MGA MAKAPANGYARIHAN


Sa kalagayang panlipunan ng San Diego, dalawa ang kinikilalang makapangyarihan sa bayang ito, una
ang kurang kumakatawan sa kapangyarihan ng simbahan at ang alperes na kumakatawan naman sa
kapangyarihan ng pamahalaan. Si Don Rafael Ibarra bagama't maituturing na pinakamayaman sa bayang ito ay
hindi 'kailanman ibinilang na makapangyarihan sa dahilang maraming tao ang naiinggit sa kanya -lalo na ang
mga may katungkulan Sa pamahalaan. Maliban sa kura at alperes ang iba pang mga pinunO ng bayang ito ay
maituturing na mga tauetauhan lamang.

KABANATA XII: TODOS LOS SANTOS


Masasalamin sa akda kung paano ipinagdiriwang ng mga taga-San Diego ang Todos Los Santos. Hindi
magkamayaw ang mga tao sa sementeryo. May mga taong naghahanap ng puntod ng kanilang mahal sa buhay,
may nakaluhod, at kabi-kabila ay maririnig ang ingay ng mga nagdarasal. Sa isang bahagi ng sementeryo ay
masasaksihan ang dalawang lalaking tagapaglibing na nag-uusap hinggil sa bangkay na hinukay ng isa sa kanila
na dalawampung araw pa lamang ang nakalilipas, Ayon sa humukay nito, ito ay kanyang ginawa bilang
pagtugon lamang sa utos ng kurang malaki na ilipat ang nasabing bangkay sa sementeryo ng mga Intsik.

KABANATA XIII: HUDYAT AT UNOS


Sakay ng karwahe ay dumating sa sementeryo ng San Diego si Crisostomo Ibarra kasunod ang isang
matandang utusan. Marahan nilang binagtas ang lugar na kinalalagyan ng puntod ni Don Rafael Ibarra ngunit
gayon na lamang ang kanilang pagkagulat nang matuklasan nilang wala na rito ang labi ng kanyang ama.
Nanghilakbot sag alit si Crisostomo Ibarra nang mabatid niyang ito ay kagagawan ng malaking kura. Sa gitna
ng nagbabantang unos ay tinahak niya ang kabayanan patungo sa isang lumang bahay na niyang hindi
napupuntahan. Sa kanyang paglalakad ay nakaslubong niya si Padre Salvi na agad niyang sinugod at dinaganan
sa balikat dala ng matinding galit dahil sa pag-aakala niyang siya ang utak sa pagpapahukay sa labi ng kanyang
ama.

IN A NUTSHELL

 Ang kabanta 1-13 ay pinamagatang “PAGSISIWALAT NG KATOTOHANAN” dahil ipinakita


dito sa mga kabanata kung ano ang tunay na nangyari sa ama ni Crisostomo Ibarra na si Don
Rafael Ibarra kung paano ito namatay at paano binaboy ang kanyang libingan/bangkay.
 Ipinakita din ang tunay na ugali ng isang kilalang prayle o pari na si Padre Damaso na siya ang
nagpahukay at nagpalipat sa bangkay ni Don Rafael Ibarra sa libingan ng mga Intsik.
 Inilahad din sa kabanata 8 at 10 ang kawalan ng pagbabago o kaunlaran ng bayan ng San
Diego na siyang ikinalungkot ni Crisostomo Ibarra.
 Sa kabanata 1,2,3,5 at 7 ay ipinakita rin ang kultura at kaugalian ng mga Pilipino gaya na
lamang ng pagkahilig ng mga Pilipino sa handaan, Paggalang sa mga nakatatanda, pag - upo
sa mesang kainan, Pag alaala sa mga yumao, Pagdalaw, suyuan, at panliligaw.
FORMATIVE ASSESMENT (PORMATIBONG PAGTATAYA)
A. Panuto: Tukuyin ang mga sakit ng lipunan na makikita sa bawat kabanata at magbigay ng solusyon
ukol dito.
KABANATA SAKIT NG LIPUNAN SOLUSYON
1. I Kaisipang Kolonyal (Colonial Mentality) Dapat ay mahalin at
tangkilikin ang sariling atin.
2. II
3. III
4. IV
5. XI
6. VI
7. XIII
8. VIII
9. X
10. XII
B. Panuto: Gamit ang estratehiyang Read and React suriin mo ang isinasaad ng mga ito at pagkatapos
ay ibigay ang iyong sariling pananaw o reaksiyon ukol dito.
1. Pagmamahal sa Magulang
Read: “Napuno ng luha ang mga mata ng aking ama. Napaluhod ako at niyakap ko siya. Humingi
ako ng tawad at sinabing handa na akong maglakbay.”
React:

 
2. Pagmamahal sa Kasintahan
Read: “ Maaari ba kitang malimot? Paano ko tatalikuran ang isang sumpa? Isang banal na sumpa.
Natatandaan mo pa ba nang isang gabing bumabagyo ay lapitan mo ako sa tabi ng bangkay ng
aking ina? Ipinatong mo sa aking balikat ang iyong palad… ang palad mong hindi ko man lamang
mahawakan… Sabi mo: ‘nawalan ka ng ina. Ako’y hindi nagkaroon ng ina kailanman.’ At nakisalo
ka sa aking pagluha.”
React:

3. Pagmamahal sa Kapwa
Read: “May kaugalian sa Alemanya na kung walang magpakilala sa isang panauhin ay siya na
mismo ang nagkapapakilala sa kanyang sarili. Itulot ninyong gayahin ko ang kaugaliang iyon, hindi
dahil sa kagustuhan ko lamang magpasok ng ugaling dayuhan, kundi dahil lamang sa hinihingi ng
pagkakataon.”
React:

4. Pagmamahal sa Bayan
Read: Ang mga pag-ibig mo ay isa-isa pa lamang sumisilang samantalang ang sa akin ay isa-isa
nang naghihingalo. Sumusulak pa ang dugo sa iyong mga ugat samantalang ang sa akin ay unti-
unti nang nanlalamig. Ngunit umiiyak ka at hindi makapagtiis ngayon alang-alang sa ikabubuti ng
iyong bayan.
C. Panuto: Batay sa mga kabanatang nakatala sa ibaba ay ipahayag mo ang iyong damdamin.
 Damdamin (maaaring masaya, malungkot, nainis, nagulat, at iba pa)
1. Kabanata 1:_________________________________________________________________
___________________________________________________________________________.
2. Kabanata 3:_________________________________________________________________
___________________________________________________________________________.

 Matibay mong paninindigan tungkol sa mga kabanatang ito:


3. Kabanata 4:_________________________________________________________________
____________________________________________________________________________.
4. Kabanata 13:________________________________________________________________
____________________________________________________________________________.

 Ordinaryong Pangyayari:
3. Kabanata 6:_________________________________________________________________
____________________________________________________________________________.
4. Kabanata 10:________________________________________________________________
____________________________________________________________________________.

SUMMATIVE ASSESSMENT (SUMATIBONG PAGTATAYA)

Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na tanong. Isulat sa patlang ang sagot.

_____________1. Siya ang naghanda ng isang piging bilang pasasalamat sa mahal na birhen
para sa maluwalhating pagbabalik ni Crisostomo galing Europa.
____________ 2. Ang kalye sa Binondo, na tinatawag ngayong Juan Luna, kung saan
matatagpuan ang bahay ni Kapitan Tiago.
____________ 3. Ilang taong namalagi si Crisostomo sa Europa para mag-aral?
____________ 4. Ikinuwento niya kay Crisostomo kung bakit namatay ang ama nito, gayundin
ang pagkakapiit nito.
____________ 5. Nang hindi siya napakilala ni Kapitan Tiago sa mga panauhin, siya na mismo
ang lumapit sa mga ito para magpakilala.
____________ 6. Siya ang tinutukoy na erehe at pilibustero sa Kabanata IV.
____________ 7. Ang nagpahukay sa bangkay ng ama ni Crisostomo Ibarra.
___________ 8. Ang diumano’y napatay ng ama ni Crisostomo matapos na maitulak dahil sa
pagtatanggol sa mga bata.
___________ 9. Pinayuhan niya si Kapitan Tiago at ang asawa nito na sumayaw sa kapistahan ng
bayan ng Obando upang mabiyayaan sila ng supling.
___________ 10. Ang kabiyak ni Kapitan Tiago na namatay nang ipinanganak si Maria Clara.
___________ 11. Sa anong negosyo magkasosyo sina Kapitan Tiagoat mga kaibigang Intsik?
___________ 12. Sino ang nakatapak sa kola ng saya ni Donya Victorina sa hapunan?
___________ 13. Siya ang kabiyak ni Donya Victorina.
___________ 14. Sa hapunan, hinamak niya ang mga ginawa at naranasan ni Crisostomo sa Europa.
___________ 15. Ang mga tawag ng mga Espanyol sa mga katutubong Pilipino.
___________ 16. Ang tawag sa magkabilang dulo ng mesa.
___________ 17. Isang Kristyanong sumusuway at ayaw sumampalataya sa ilang mga kautusan ng
Simbahang Katolikong Romano.
___________ 18. Taong kalaban ng mga prayle o ng relihiyong Katoliko Romano.
___________ 19. Taong kumakalaban sa umiiral na sistema ng pamahalaan.
___________ 20. Ang lugar kung saan itinapon ng sepulturero ang bangkay ni Don Rafael.

Ang mga kabanatang nabasa, ay nag-iwan sa atin ng mga mahahalagang aral gaya na lamang ng huwag
tayong mag maliit ng ating kapwa. Huwag nating tularan ang ginawang pangmamaliit at pang-iinsulto ni Padre
Damaso. Para sa kanya ang mga Pilipino ay mga mapagwalang bahala mga walang pakialamam mga
mangmang, tamad at mga walang pinag-aralan kaya nararapat lamang daw tawaging indiyo. Huwag nating
pairalin ang diskriminasyon dahil lahat tayo ay may kanya-kanyang karapatang kailangang ipaglaban.

CHARITY (COMPASSIONATE)
I am a compassionate, committed advocate for peace and universal well-being through charity for all.
COMMISSION (COMPETENT)
I am a conscientious, adept performer and achiever competently sharing Christ’s mission.

REFERENCES (SANGGUIAN)

Ailene G. Baisa-Julian,M., et.al., (2019). Ikalawang Edisyon Pinagyamang Pluma 9 Aklat 2. Phoenix
Publishing House , Inc.
Dynamic Instructional Plan, Filipino 9 (2019)
http://where13blackangelslive.blogspot.com/2019/04/noli-me-tangere-ang-buod.html
https://brainly.ph/question/2097089

Binabati kita! Natapos mo na ang iyong unang modyul!

St. Paul University Philippines


Tuguegarao City, Cagayan 3500

BASIC EDUCATION UNIT


PAASCU LEVEL III ACCREDITED
ISO CERTIFIED

LEARNING PLAN 2: PANGAMBA, PAGDARALITA, AT MGA PARATANG (Kabanata 14-24)

INTRODUCTION (PANIMULA)
Sadyang may mga taong hindi iniisip kung sila ay nakasasakit ng kanilang kapwa. Hindi nila inaalintana
kung ang damdamin ng kanilang kapwa ay nasaling. May mga tao kasi na walang preno kung magsalita lalo na
kung ang kanilang kausap ay isang mahirap lamang. Mahirap man ang tao siya ay may dignidad na dapat
ingatan. Dapat isipin ng bawat isa na ang mahirap ay may karangalan din.

OBJECTIVES (LAYUNIN):
Sa modyul na ito ikaw ay inaasahang:
1. nakapagpapaliwanag ang mga kaugaliang binanggit sa kabanata na nakatutulong sa pagpapayaman ng
Kulturang Asyano;
2. nakapagpapahalaga ng kadakilaan ng isang ina;
3. nakauugnay ng mga pangyayari sa kabanatang binasa sa mga pangyayari sa kasalukuyan; at
4. nakapagpapakita ng halaga ng katapatan sa pamamagitan ng pagsasagawa ng mga aktibidad nang mag-
isa

LESSON PROPER/DISCUSSION (TALAKAYAN)


5.
Paalala:
6.
7. 1. Kung may mga katanungan tungkol sa aralin, huwag mag-atubiling makipag-ugnay sa akin sa
8. pamamagitan ng aking cp # 0956-635-3614 o isang pribadong mensahe.
9. 2. Sa modyul na ito ay susubukin ang iyong galing sa pagbabasa. Mababatid dito ang mga kabanata na
mababasa sa nobelang Noli Me Tangere. Para mas maunawaan ay basahin sa inyong E-book o kaya’y
ang inyong aklat sa pahina 528-609 ng PINAGYAMANG PLUMA 9 (AKLAT 2). Ang iyong
mababasa sa ibaba ay buod ng ilan sa mga mahahalagang kabanata sa unang aralin ng Noli Me
Tangere.

Hook Up Activity: “GANAP SA KASALUKUYAN”


Ang mga nangyayari sa loob man o labas ng bansa ay madaling marinig, malaman, o mapanood. Kayå naman,
hindi mahirap lalo na sa mga kabataang tulad mo ang magkaroon ng kaalaman sa mga bagay na nangyayari sa
ating paligid.
Anong pinakasariwang balita ang iyong nalaman sa kasalukuyan tungkol sa mga kaguluhan o di magagandang
pangyayari sa paligid na nakaaapekto sa iyo? Isulat ito sa ibaba.

KABANATA XIV: BALIW O PILOSOPO


Sa araling ito ay makikilala mo ang isang taong maituturing na mahiwaga sa paningin ng iba sapagkat
siya ay nagtataglay ng pag-iisip at pananaw sa buhay na kakaiba sa nakararami. Siya ay walang iba kundi si
Don Anastacio o mas kilalá sa pangalang Pilosopong Tasyo. Galing siya sa mayamang pamilya ngunit dahil sa
kanyang katalinuhan ay pinatigil siya ng kanyang ina sa pag-aaral sa Kolehiyo de San Jose dahil sa takot na
makalimutan ng anak ang Diyos. ISang araw bagama't masama ang panahon ay mapapansing masayang-masaya
si Pilosopong Tasyo dahil ayon sa kanya ay mayroon siyang hinihintay— walang iba kundi ang pagdating ng
malakas na unos.

KABANATA XV: ANG MGA SAKRISTAN


Habang nagsasalimbayan at dumadagundong ang mga kulog ay naroon sa kampanaryo ng kumbento ang
magkapatid na sakristang humihila ng kampana rito. Sila ay sina Basilio at Crispin na pinagbintangang mga
magnanakaw na naging sanhi upang sila’y di pahintulutang makauwi sa kanilang tahanan. Tunay na naging
kalunos-lunos at kahabag-habag ang kanilang sinapit lalo na si Crispin sa kamay ng sakristan mayor.

KABANATA XVI: SI SISA


Ramdam mo ang pait at paghihirap na dinanas ni Sisa dahil sa kanyang pangungulila sa dalawang anak
na sina Crispin at Basilio na nawalay sa kanya. Larawan ng mayuming Pilipina si Sisa. Kayumangging
kaligatan ang kutis niya. Mababakas sa kanyang mukha ang angking kagandahan bagama’t makikita sa kanyang
kaanyuang siya ay nagdaranas ng matinding kahirapan dala ng kasalatan at pagtitiis sa kamay ng kanyang
malupit na asawa.

KABANATA XVII: SI BASILIO


Labis na natakot at nangamba si Sisa nang makita niyang duguan at nag-iisang umuwi ang kanyang anak
na si Basilio na tumakas mula sa kumbento. Ang kanyang bunsong anak na si Crispin ay naiwan sa kamay ng
sakristan mayor at pilit na pinaaamin at pinananagot sa ibinibintang na salang pagnanakaw.

KABANATA XVIII: NAGDURUSANG KALULUWA


Dahil sa labis na pag-aalala sa bunsong anak, maagang gumising at naghanda si Sisa sa pagtungo sa
kumbento bitbit ang mga sariwang gulay para sa kura, buo ang pag-asang makikitang nasa maayos na
kalagayan ang anak. Ngunit gayon na lamang ang pagkabagabag at pagdurusang naramdaman nang malaman
niyang wala roon ang minamahal na anak. Wala siyang nagawa kundi ang humagulgol nang marinig ng mga
taong walang awang naroroon ang naging dahilan upang siya ay ipagtulakan papalabas ng kumbento.

KABANATA XIX: KARANASAN NG ISANG GURO


Sa araling ito, mauunawaan mo ang dahilan kung bakit nabuo sa puso ni Crisostomo Ibarra ang
magpatayo ng paaralan para sa kabataan ng San Diego. Naantig ang kanyang damdamin hinggil sa bagay na ito
nang marinig niya ang malulungkot at mahihirap na karanasan ng guro na kanyang nakilala na tinulungan ng
kanyang ama. Mula sa kanilang paguusap ay nabuo ang isang layuning ipagpatuloy ang misyong pagbutihin ang
edukasyon sa kanilang bayang sinimulan ng kanyang ama.
Ibinahagi ng guro ang iba't ibang suliraning kanyang hinarap sa kanyang pagtuturo. Ilan dito ay ang matinding
kahirapang dinaranas ng mga magaaral, ang pakikialam ni Padre Damaso sa paraan ng pagtuturo gaya ng hindi
paggamit ng pamamalo na bagama't masama sa loob ng guro ay wala siyang nagawa kundi ang sundin ang payo
ng pari.
Upang maibsan ang sakit at samâ ng loob na nararanasan ng guro ay nangako si Ibarrang tutulungan niya ito sa
pamamagitan ng pulong tribunal na kanyang dadaluhan sa paanyaya ng tenyente mayor.

KABANATA XX: PULONG NG BAYAN


Dahil sa nalalapit na ang pista ng San Diego ay isang pulong pambayan ang ginanap sa bulwagan ng
tribunal. Ito ay dinaluhan ng mga lider ng bayang nahahati sa dalawang łapian. Ang matałanda ang grupong
bumubuo sa Partidong Conservador samantalang ang kabataan naman ang bumubuo sa Partido Liberał.
Magkaiba ang mithiin at panuntunan ng dalawang partido. Ito ang dahilan kung bakit bumuo ng plano si Don
Filipo na siyang tenyente at lider ng Partido Liberał. Kayâ bago magsimula ang pulong ay ibinulong niya sa
dalawa o tatło pa niyang mga kasama ang mga payo ni Pilosopong Tasyo na sinabi sa kanya nang
makasalubong niya iło kaninang umaga. Sinabi niya na ayon sa matanda ay mas galit sa kanila ang mga
miyembro ng Partido Conservador kaysa sa kanilang mga bałak kayâ sa gagawing pulong ay kailangan nilang
magmungkahi ng mga planong hindi magugustuhan ng matałanda. Dumating din sa pulong si Ibarra at ang
gurong kanyang nakilala.
Sa pulong, ang unang naghain ng plano ay si Kapitan Basilio na mula sa grupo ng Conservador. Maligoy at
mabulaklak ang kanyang mga pananalita. Agad itong sinundan ni Don Filipo na gaya ng inaasahan ay hindi
tinanggap ng matałanda ang kanyang mga panukala. Ito ay sinundan ng isang kabesa na nakapagpahinuhod
naman sa damdamin ng lahat. Nang sumang-ayon na ang lahat matapos ang mahabang diskusyon ay nagsalita
ang kapitan na sumasang-ayon siya sa kanilang mga plano ngunit sinabing iba ang gusto ng kura. Masama man
ang loob at dismayado ang lahat ay wala silang nagawa kundi ang isagawa ang plano ng kura.

KABANATA XXI: KUWENTO NG ISANG INA


Takot na takot si Sisa nang Makita niya ang mga guardia civil sa kanilang munting dampa. Pilit na ipinalalabas
sa kanya ang dalawang anak na pinagbibintangang tumakas at nagnakaw ng pera sa kumbento. Sinabi niyang
hindi pa rin nakikita ang kanyang mga anak ngunit hindi siya pinaniwalaan ng mga guardia civil. Dahil dito siya
ay pilit na dinakip at hinuli ng mga ito. Lumuhod si Sisa para magmakaawana huwag siyang isama ngunit hindi
siya pinakinggan.
Walang nagawa si Sisa kundi ang sumama sa mga guardia civil. Sa kanilang paglalakad patungong kuwartel,
napagigitnaan siya ng mga guardia civil. Pinagtinginan at kinutya siya ng mga taong nakakita sa kanya. Halos
mamatay sa kahihiyan si Sisa noong mga oras na iyon.
Dalawang oras napiit si Sisa sa himpilan. Tanghali na nang malaman ng alperes na nakulong si Sisa at agad na
pinag-utos na palayain siya. Pinagtulakang papalabas si Sisa sa kuwartel sapagkat ayaw na niyang kumilos sa
kinalugmukan. Nang mapansin niyang nasa gitna na siya ng lansangan ay nagmamadali siyang lumakad pauwi.
Nang marating ang kanilang bahay ay tinawag niya ang pangalan ng mga anak. Nagpagala-gala si Sisa.
Umiiyak nang kakatwa. Minsan ay umaawit at kinakausap ang lahat ng bagay.

KABANATA XXII: DILIM AT LIWANAG


Abala na ang mga tao sa San Diego sa paghahanda para sa nalalapit na pistang-bayan. Usap-usapan na
ang pagdating nina Maria Clara at Tiya Isabel. Tuwang-tuwa ang marami sa pagdating ng dalaga sapagkat
bukod sa kinagigiliwan nila ang dalaga ay hinahangaan din nila ang kagandahan nito. Lalong lumala ang
bulungan nang makita nila si Crisostomo Ibarra na dumalaw sa tahanan ng dalaga, Sa pag-uusap ng
magkasintahan ay nakikiusap ang dalaga sa binata na huwag imbitahan sa gagawing pagsasalo sa gubat si Padre
Salvi dahil sa napapansin niyang kakaibang kilos nito para sa kanya bagay na hindi naman pinagbigyan ng
binata.

KABANATA XXIII: PANGINGISDA


Kinabukasan ay maagang gumising ang kabinataan at kadalagahan kasama ang ilang magulang sa
paglalakad patungong lawa dala ang mga pananglaw. Isang binatang makisig na tinatawag na piloto ang
nakasama nila sa pamamangka. Ang bawat isa'y masaya habang namamangka subalit biglang nagkagulo ang
lahat nang may nakita silang buwqayang nakulong sa baklad. Natakot at nagsigawan ang kababaihan. Agad na
tumalon ang piloto sa dagat at dahil sa kanyang liksi at lakas ay nahuli niya ang buwaya. Isinampa ito ng piloto
sa tuntungan ng bangka at tinangkang gapusin ngunit ito ay biglang bumaluktot at inihampas ang buntot sabay
talon sa dagat na kala-kaladkad ang piloto. Mabilis na tumalon si Ibarra sa tubig upang iligtas ang piloto.
Biglang pumula ang tubig. Ilang sandali pa ay lumitaw si Ibarra at ang pilotong hila ang patay na buwaya.
Nagpasalamat ang piloto
kay Ibarra at sinabing utang niya sa binata ang kanyang buhay. Nawala ang takot ng lahat at nagpatuloy Sila sa
pamamangka hanggang sa marating ang pampang ng gubat.

KABANATA XXIV: SA GUBAT


Idinaos sa gubat malapit sa batis ang isang salusalo o pagtitipong inihanda ni Crisostomo Ibarra. Ito ay
dinaluhan ng kanyang kasintahan, ng mga kabataan, magulang, at ilang matataas na tao sa kanilang bayan.
Masama man ang loob ni Padre Salvi ay sumunod pa rin ito sa gubat kung saan nang makita niya si Maria Clara
kasama ang mga kaibigan nitong naglalakad sa batisan ay palihim niyang sinundan. Nang dumulog na ang lahat
sa hapag-kainan ay magkakasamang kumain sina Ibarra, ang tenyente, at ang kura. Sa gitna ng pagsasalo ay
nagkaroon ng iringan at pagpaparinigan ang dalawang taong itinuturing na makapangyarihan sa kanilang bayan
dahil sa biglaang pagdating ni Sisa sa kagubatan. Mabilis ding umalis ang babae ngunit agad namang
ipinahanap ni Ibarra sa kanyang mga utusan subalit hindi na siya nasumpungan. Dumating din sa kagubatan ang
grupo ng mga guardia civil upang dakpin ang isang tulisang walang iba kundi ang pilotong nakasama nina
Ibarra sa kanilang pamamangka.

IN A NUTSHELL
 Ang kabanata 14-24 ay pinamagatang “PANGAMBA, PAGDARALITA AT MGA
PARATANG” dahil ang mga pangyayari sa mga kabanatang ito ay umiikot sa kuwento ng ina
at ng kanyang mga anak na kung saan sila ay puno ng pangamba dahil sa mga paratang sa
kanila ng mga nakatataas sapagkat sila ay maralita na kayang kaya na maliitin ng iba.

 Ang mga sakristan na sina Crispin at Basilio ay patuloy na pinagmamalupitan, dahil sa bintang
na si Crispin daw ang nagnakaw ng pera ng simbahan kahit wala naming ebidensyang
nagpapatunay nito pero walang naniwala sa kanila.

 Si Sisa ang ina nina Basilio at Crispin na nag-asawa ng sabungerong nagbubuhat ng kamay sa
kanya ngunit tinitiis niya ito dahil sa kanyang pag-ibig sa kanyang asawa at sa kanyang mga
anak; sa gabing iyon, ay naghanda si Sisa ng masarap na hapunan para nina Basilio at Crispin
ngunit hindi parin sila bumabalik galing sa simbahan pero nang makita niya si Basilio na
dumudugo ang noo at hindi na kasama si Crispin, ay nakaramdam ng kilabot si Sisa.

 Hindi sinabi sa kanyang ina ang malupit na dinadaanan ng kanyang naiwang kapatid at sa
pagtulog niya’y napanaginipan ni Basilio si Crispin na walang awing pinagpapaluan hanggang
sa mawalan ng malay; hindi sumagot si Basilio nang tanungin siya ni Sisa tungkol sa kanyang
napanaginipan sa halip ay sinabihan niya ang kanyang mga balak para sa ikauunlad at
ikabubuti ng kanilang pamumuhay nila Sisa, at Crispin.
 Maagang pumunta sa kumbento si Sisa upang malaman ang kalagayan ng kanyang anak na si
Crispin ngunit natuklasang wala na doon si Crispin at mas lalong sumakit ang kurot sa kanyang
puso nang ang mga tao doon ay pinagsasalitaan ng masama si Crispin tungkol sa pagnanakaw
na nagmana sa kanyang asawang sabungero.

 Nang si Sisa ay nadakip ng mga guwardya at napahiya sa lahat nang siya’y na bilanggo; nung
siya’y pinalaya ay masakit na hinarap niya ang katotohanan na hindi parin niya nakikita ang
kanyang mga anak at ito’y nagpasimuno sa kanyang pagkabaliw.

FORMATIVE ASSESMENT (PORMATIBONG PAGTATAYA)

MAGAGAWA NATIN

A. Panuto: Basahin at suriin ang sumusunod na mga kaugaliang Asyanong nabanggit sa


kabanatang binasa. Isulat ang OO kung ito ay nararapat na panatilihin o ang HINDI kung
dapat na itong iwaksi sa ating lipunan. Pagkatapos ay ipaliwanag ang iyong sagot.

Kaugalian OO o Hindi Paliwanag


1. Ang ama bilang pinuno ng
pamilya

2. Matinding sakripisyo ng ina


para sa mga anak

3. Pagdaraos ng mga pagsasalo o


pagtitipon ng mga magkakaibigan

4. Pagsunod sa kagustuhan ng mga


magulang anuman ang bunga nito
(gaya ng pagpili ng
mapapangasawa o kursong
kukunin sa kolehiyo)
5. Pagpapaalala ng magulang sa
mga dapat na ikilos ng anak

6. Pagtulong sa mga estranghero

7. Pagpapahalaga sa edukasyon sa
kabila ng kahirapan

IUGNAY SA KASALUKYAN
B. Panuto: Kompletuhin ang graphic organizer sa ibaba sa pamamagitan ng pag-uugnay nito sa mga
pangyayari sa kasalukuyan.
8. Pang-aabuso at pagmamaltrato sa 9. Labanan ng simbahan at 10. Mababa at masamang pagtingin
kababaihan gaya ni Sisa. pamahalaan gaya ng mga prayle, sa mahihirap gaya nina Basilio at
Pag-uugnay at pagpapatunay na alperes, gobernador, at iba pang Crispin.
nangyayari sa kasalukuyan: pinuno ng pamahalaan. Pag-uugnay at pagpapatunay na
_____________________________ Pag-uugnay at pagpapatunay na nangyayari sa kasalukuyan:
_____________________________ nangyayari sa kasalukuyan: _____________________________
_____________________________ _____________________________ _____________________________
_____________________________ _____________________________ _____________________________
_____________________________ _____________________________ _____________________________
_____________________________ _____________________________ _____________________________
_____________________________ _____________________________ _____________________________
_____________________________ _____________________________ _____________________________
_____________________________ _____________________________ _____________________________
_____________________________ _____________________________ _____________________________
_____________________________ _____________________________ _____________________________
_____________________________ _____________________________ _____________________________
_____________________________ _____________________________
BUOIN NATIN

C. Panuto: Sumulat ng isang salita ukol sa pagpapahalaga sa kadakilaan ng


isang ina sa pamamagitan ng pagbuo ng acronym sa salitang “INA”.
11-20.

Pamantayan
Nilalaman--------------4 puntos
I- Pagkamalikhain-------3 puntos
Atraksiyon sa bumabasa--- 3puntos
N- KABUOAN------------- 10 puntos

A-

SUMMATIVE ASSESSMENT (SUMATIBONG PAGTATAYA)


Panuto: Punan ang patlang ng wastong sagot.
1. Pinagmalupitan ng __________________ sina Crispin at Basilio sa simbahan.
2. Napagbintangang nagnakaw ng ______________________ si Crispin at ito ay pinababayaran sa kaniya.
3. Tumakas si __________________ nang makakuha ng pagkakataon habang pinagmamalupitan ang kanyang
kapatid.
4. Pinaghandaan ni Sisa ang kanyang mga anak ng ________________________.
5. Labis ang _______________ ni Sisa at tila napaluha sa kapabayaan ng kaniyang asawa.
6. Napasigaw si Sisa nang makita ang ______________ sa noo ng bata.
7. ____________ nang hindi maganda si Basilio tungkol sa kanyang kapatid ngunit tungkol sa pag-aani ng mga
bulaklak sa bukirin ang sinabi niya sa kaniyang ina.
8. Dumating si Sisa sa simbahan na may dalang_________________ na naglalaman ng bunga ng tanim na
gulay.
9. Pinaghahanap ng mga guardia civil sina Crispin at Basilio upang ______________________.
10. Nawala sa sariling _____________________ si Sisa sa paghahanap sa kaniyang mga anak.
11. Ang panalangin ay _____________ ng mga tao sa kaluluwa ng kanilang mga mahal sa buhay.
12. Ang pagdarasal ay kanilang ginagawa upang __________ ang kaluluwa sa purgatoryo.
13. Si Sisa ay biglang ____________ sa isang bangkong nasa daan ng kalye dahilan sa sobrang pagod niya sa
paghahanap kay Cripin.
14. ______________ ang sunong ni Sisa na may mga lamang gulay na kanyang dadalhin sa kumbento.
15. Naging _______________ ang kalagayan ni Sisa sapagkat tinaboy siya ng kusinero at nilibak ng utusan ang
katauhan ng kanyang anak.
16. Kinausap ni Sisa ang ___________________ upang alamin kung naroon si Crispin.
17. Ipinagmamalaki ni Sisa ang __________________.
18. Ang mga guardia civil ay siyang tumutok ng ____________ kay Sisa.
19. Sa ________________ dinala si Sisa ng mga sundalo.
20. Ang _____________ ang nag-utos na palayain na si Sisa.

Ang mga kabanatang nabasa ay nag-iwan sa atin ng mga mahahalagang aral na “Maging mapanuri at
imulat ang isipan upang ang pang-aabuso ay maiwasan, Tapang at kabutihan ang maipairal nang masumpungan
ang katarungan at kaunlaran.” Kinakailangan nating maging mapanuri upang sa gayon ay maiwasan natin ang
makagawa ng pagkakamali/makasakit ng tao o makaranas ng pang-aabuso at para makamit ang tamang
katarungan at kaunlaran ay dapat na pairalin ang tapang at kabutihan ng ating puso.

CHRIST-CENTEREDNESS (CONSCIOUS)
I am mindful, self-directed learner and role model consciously expressing my Christ-centeredness.
CHARITY (COMPASSIONATE)
I am a compassionate, committed advocate for peace and universal well-being through charity for all.

REFERENCES (SANGGUIAN)

Ailene G. Baisa-Julian,M., et.al., (2019). Ikalawang Edisyon Pinagyamang Pluma 9 Aklat 2. Phoenix
Publishing House , Inc.
Dynamic Instructional Plan, Filipino 9 (2019)
http://where13blackangelslive.blogspot.com/2019/04/noli-me-tangere-ang-buod.html
https://www.scribd.com/presentation/457910126/Presentation1

Binabati kita! Natapos mo na ang iyong ikalawang modyul!


St. Paul University Philippines
Tuguegarao City, Cagayan 3500

BASIC EDUCATION UNIT


PAASCU LEVEL III ACCREDITED
ISO CERTIFIED

LEARNING PLAN 3: PAGKAMULAT SA DARATING NA KAPAMAHAKAN (Kabanata 25-39)

INTRODUCTION (PANIMULA)
Nilikha ng Diyos ang tao na kanyang kawangis. Nangangahulugan lamang na ang lahat ng tao ay nilikha
niyang mabubuti. Subalit bakit maraming tao ang gumagawa ng masama? Ganito bang uri ng mga tao ang
hinulma ng ating panginoon? Maraming tao sa kasalukuyan ang gumagawa ng kasamaan sa kanilang kapwa.
Ang ibang tao ay nagtatanim ng sama ng loob at hindi marunong magpatawad. Kalimita’y paghihiganti ang
kanilang iniisip upang ang galit na namumuo sa kanilang dibdib ay maisiwalat. Tunay nga namang
nakalulungkot ang ganitong pangyayari subalit kailangan nating tandaan na hindi dapat tayo nag-iisip ng
masama sa ating kapwa.

OBJECTIVES (LAYUNIN):
Sa modyul na ito ikaw ay inaasahang:
1. nakakikilala ng tauhan batay sa kilos, paniniwala, at paninindigan;
2. Nakapaglalahad ng mga kaisipang gaya ng pamamalakad ng pamahalaan, paniniwala sa Diyos,
kalupitan sa kapwa, kayamanan, kahirapan, at iba pa;
3. nakapagbabahagi ng sariling damdamin sa naging kapalaran ng tauhan batay sa akda;
4. nakagagamit ang angkop na ekpresyon sa pagpapaliwanag, paghahambing at pagbibigay ng opinyon; at
5. nakapagpapakita ng halaga ng katapatan sa pamamagitan ng pagsasagawa ng mga aktibidad nang mag-
isa

LESSON PROPER/DISCUSSION (TALAKAYAN)


6.
Paalala:
7.
8. 1. Kung may mga katanungan tungkol sa aralin, huwag mag-atubiling makipag-ugnay sa akin sa
9. pamamagitan ng aking cp # 0956-635-3614 o isang pribadong mensahe.
2. Sa modyul na ito ay susubukin ang iyong galing sa pagbabasa. Mababatid dito ang mga kabanata na
mababasa sa nobelang Noli Me Tangere. Para mas maunawaan ay basahin sa inyong E-book o kaya’y
10.

11.

Hook Up Activity: “LARAWANG SURI”

Panuto: Suriin ang mga larawang makikita sa loob ng bilog. Magtala sa loob ng mga ulap ng mga kaisipang
mahihinuha sa mga ito. Sagutin mo rin ang mga tanong sa makikita sa ibaba nito. Isulat ang iyong sagot sa mga
linya.

1. Anong pangunahing kaisipan ang mabubuo sa mga larawang iyong sinuri sa itaas? ____________________

________________________________________________________________________________________.

2. Masasabi mo bang laganap parin ang mga ito sa ating bansa? Patunayan. ____________________________
________________________________________________________________________________________.

KABANATA XXV: SA BAHAY NG PANTAS


Sa kabila ng pangungutya ng ilan na baliw si Pilosopong Tasyo ay pumunta si Ibarra sa kanyang bahay
upang humingi ng payo kung ano ang nararapat niyang gawin sa plano niyang pagpapatayo ng paaralan sa San
Diego at binigyan siya ng mga payo; isa na dito ang isaalang-alang niya muna bago siya magpatayo dahil ang
kanilang bayan ay hinaharian ng kapangyarihan ng Simbahan.
KABANATA XXVI: BISPERAS NG KAPISTAHAN
Puno ng kasiyahan ang mga taga-San Diego sa paghahanda ng kanilang nalalapit na pista at abala
namang gumagawa ng pundasyon ang mga manggagawang sa ipinapatayong paaralan ni Ibarra.

KABANATA XXVII: KINAGABIHAN


Labis din ang paghahanda ni Kapitan Tiago para sa nalalapit na pista upang mas mahigitan niya ang
lahat na mayayamang pamilya sa San Diego at upang mapasaya sina Maria Clara na paging hinahangaan ng tao
at Ibarra na kinikilala ng lahat dahil sa knayang kahusayan at kagitingan.

KABANATA XXVIII: MGA SULAT


Sa pamamagitan ng mga sulat ay inilarawan ng Jose Rizal ang mga pangyayari sa bisperas ng kapistahan
ng San Diego. Sa unang liham, ipinakilala ang makapangyarihang taong dumalo at naging abala sa pagdiriwang
ng pista gayundin ang magarbong paraan ng pagdiriwang nito mula sa mga palabas sa entablado, maringal na
prusisyon, masasarap na pagkain hanggang sa inuming nakahanda sa mesa. Sa ikalawang liham ay mababasa
ang kuwento ni G. Martin Aristorenas tungkol sa karanasan niya sa pagsusugal kasama ang mga kilalang tao
gaya nina Padre Damaso at Kapitan Tiago. At sa huli ay mababasa ang sulat ni Maria Clarang may himig pag-
aalala para kay Ibarra na hind nakita sa mga pagdiriwang dahil sa masamang pakiramdam nito.

KABANATA XXIX: ARAW NG PISTA


Sa mismong araw ng pista, halos karamihan ng mga mamamayan ay nakasuot ng pinakamahuhusay
nilang damit, magagandang alahas, at mga sombrero. Umaga pa lamang ay punumpuno ng mga tao ang
simbahan. Si Padre Damaso ay muntik nang hindi makapagsermon dahil sa sipon at pamamaos ng boses na
nagawang malunasan ng matandang babae sa kumbento. Maagang nagsimula ang prusisyon na halos wala
naming ikinaiba sa prusisyon ng mga nagdaang araw maliban lamang sa insidenteng nangyari kay Padre Salvi
kung saan siya’y tinawag na “Pa-pa! Pa-pa!” ng isang sanggol na mukhang Kastila.

KABANATA XXX: SA SIMBAHAN


Pumong-puno ang simbahan ng mga taong makikinig ng sermon na P250 ang halaga kasi naniniwala
ang mga tao na kahit na mahal ang bayad sa komedya, ang manonood dito ay mahuhulog sa impierno ang
kaluluwa pero ang mga nakikinig naman sa sermon ay tuloy-tuloy sa langit.

KABANATA XXXI: ANG SERMON


Lubhang tahimik sa loob ng simbahan habang nagsesermon si Padre Damaso. Mapapansin ang taimtim
na pakikinig ng mga tao sa kanyang sermon na sa simula pa lamang ay nagpahanga na sa mga paring nagbigay
ng unang sermon. Tinalakay niya ang tungkol sa kaluluwa, impiyerno, mga ayaw magkumpisal, kasamaan, at
kamunduhan ng mga tao. Iba’t iba ang naging reaksiyon ng tao sa kanyang sinasabing nagpamutla sa tenyente
at nakapagpabalisa sa gobernador. Ngunit sa huli ay parang nawalan ng saysay ang kanyang sermon dahil
nakatulugan at nakainipan na ito ng mga tao dahil sa haba.

KABANATA XXXII: ANG PANGHUGOS


Dumating ang araw ng seremonya ng panghugos para sa paaralang nais ipatayo ni Ibarra. Naging usap-
usapan at pinapurihan ng mga tao ang makinang gagamitin sa panghugos dahil sa mahusay na at mukhang
matibay na pagkakagawa nito. Ngunit sa hindi inaasahang pangyayari ay nagiba ito nang si Ibarra ay bumaba sa
hukay. Di sinasadyang natamaan nito at namatay ang lalaking may maputlang mukhang siya ring gumawa ng
nasabing panghugos.

KABANATA XXXIII: MALAYANG ISIPAN


Pinuntuhan ni Elias si Ibarra sa kanyang tahanan. Binigyan muli ng babala ni Elias si Ibarra laban sa
mga lihim nitong kaaway. Habang nag-uusap ang dalawang binate ay napagtanto ni Ibarra ang malaya at
malawak na kaisipan ni Elias sa buhay.

KABANATA XXXIV: PANANGHALIAN


Masayang nagkatipon sa isang masaganang pananghalian ang ilang kilalang tao sa San Diego. Bahagya
itong naputol nang makatanggap ng telegram si Kapitan Tiago at ilan pang pinuno hinngil sa pagdating ng
Kapitan-Heneral sa kanilang bayan. Nagpatuloy ang masayang pagkain at pag-uusap nang lahat hanggang sa
dumating si Padre Damaso. Dito’y tila itinuloy niya ang kanyang sermon na karamiha’y patungkol kay Ibarra.
Nanatiling tahimik at pigil ang binate sa lahat ng sinabi ng pari ngunit hindi nang banggitin ni Padre Damaso
ang tungkol sa kanyang amang si Don Rafael Ibarra. Nasaktan niya ang pari at muntik nang mapatay kundi
lamang sa mabilis na pagkilos ni Maria Clara.

KABANATA XXXV: REAKSIYON


Ang nasabing pangyayari ay mabilis na kumalat sa bayan at umani ng iba’t ibang reaksiyon. May ilang
nagsasabing mali ang ginawa ni Ibarra at dapat sana’y hinabaan na lamang ang kaniyang pasensiya. Ang ilan
naman ay nagsasabing sang-ayon sila sa ginawa ng binate dahil walng sinuman ang may karapatang humamak
sa alaala ng isang namayapang ama. Napag-usapan din ang maaaring maging parusa o maging kalagayan ni
Ibarra maging ng paaralang kanyang ipinatatayo dahil sa pangyayari. Nalungkot at tila nawalan ng pag-asa ang
ilang mahihirap na hindi na makapag-aaral pa ang kanilang mga anak kung hindi na matutuloy ang pagpapatayo
ng paaralan.

KABANATA XXXVI: UMANG MGA EPEKTO


Dahil sa ginawa ni Ibarra kay Padre Damaso sa pananghalian ay pinatawan siya ng parusang
ekskomulgado at inutusan si Kapt. Tigao ng mga prayle na putulin ang relasyon nina Maria Clara at Ibarra na
nagsanhi ng away ng mag-ama na dinamdam ni Maria Clara na maghapong nag-iyak at tinanong ang Diyos
kung bakit nangyayari ito sa kanya.

KABANATA XXXVII: ANG KAPITAN-HENERAL


Ang lahat ng mga makapangyarihan at importanteng tao ay nagbigay-galang sa pagdating ng kapitan-
heneral sa San Diego; humanga siya sa talino at pagmamalasakit ni Ibarra para sa bayan kaya siya’y tumulong
na ipawalang bisa ang kanyang pagka-ekskomulgado, ipinatupad ang kanyang proyekto at para sa mga darating
pa.

KABANATA XXXVIII: ANG PRUSISYON


Nagsimula ang prusisyon nang sumapit ang gabi at isa-isang ipinarada ang mga santos at nakisama ang
mga tao ng San Diego at sinabayan ng kanta na nagdulot ng kalungkutan at pangamba kay Ibarra ngunit naputol
ito nang inalok siya ng kapitan–heneral na makisalo sa pagkain upang usapan ang pagkawala nila Basilio at
Crispin.

KABANATA XXXIX: DONYA CONSOLACION


Habang abala ang marami sa pakikipagsaya sa pista, si Donya Consolacion na dumalo lamang ng misa
ay nakakulong sa kanyang bahay dahil siya’y ikinahihiya ng kanyang asawang tenyente kaya sa kanyang pag-
iisa ay napagdiskitahan niya si Sisa na kanyang pinasayaw, pinakanta, pinagsasalitaan ng masama at hinahataw
ng latigo kung hindi siya susunod sa kanyang mga nais.

IN A NUTSHELL
 Ang kabanata 25-39 ay pinamagatang “PAGKAMULAT SA DARATING NA KAPAMAHAKAN”
dahil ipinakito dito ang pagkamulat sa katotohanan ni Ibarra sa kasamaan ni Padre Damaso at sa mga
babala ni Elias at kung saan naging usap-usapan ang nangyaring pag-aaway ng dalawa.
 Inilathala sa isang malaganap na pahayagan sa Maynila ang tungkol sa pista; mga makapangyarihang
taong dumalo, maringal na prusisyon, masasarap na pagkain at iba pa; sa isang sulat ni Maria Clara
ay puno ng pag-aalala para kay Ibarra na hindi naadalo sa pagdiriwang dahil sa masamang
pakiramdam nito.
 Sa araw ng pista ay punong-puno ang San Diego ng mga taong nakasuot ng knailang pinakamahuhusay
na damit at kagaya ng mga nakaraang pista ay sinimulan ng prosesyon nang may batang tumawag kay
Padre Salvi na “papa” at napahiya ang pari sa lahat kahit di totoo ang sinasabi ng bata.
 Maiging nakinig ang mga tao sa sermon ni Padre Damaso tungkol sa kaluluwa, impyerno, mga ayaw
magkumpisal, kasamaan at kamunduhan na nakakuha ng iba’t ibang reaksyon ng mga tao pero dahil sa
haba ng sermon ay nakatulugan at nakainippan na ito ng lahat.
 Sa araw ng seremonya ng panghugos para sa paaralang nais ipatayo ni Ibarra ay sa kalayua’y
nagmamanman si Elias, ang pilotong iniligtas ni Ibarra, sa taong may hawak ng lubid na siya mismong
gumawa sa panghugos; sa hindi inaasahang pangyayari, naputol ang makinang gagamitin sa
panghugos na babagsak kay Ibarra na bumaba sa hukay pero sa halip ay ang gumawa ng nasabing
panghugos ang namatay sa aksidente.
 Pinuntahan ni Elias si Ibarra sa kanyang tahanan upang magbigay ng babala sa kanya laban sa mga
taong ang nais lamang ay mapabagsak si Ibarra at ginagawa niya ito dahil rin sa utang na loob.
 Masayang nagsalu-salo sa panghalian ang ilang kilalang tao sa San Diego kabilang na sila Maria
Clara at Ibarra ngunit ito’y nagtapos ng si Padre Damaso ay nagsermon ng masama patungkol kay
Don Rafael, ang ama ni Ibarra; sinubukang ipinaglaaban ni Ibarra ang kanyang ama pero di parin
tumigil sa pananalita ng masama ang pari kaya di na nakayang kontrolin ni Ibarra ang kanyang galit
ay sinaktan at muntikang mapatay niya ang pari kundi lamang siya pinatigil ni Maria Clara.
 Kumalat sa San Diego ang nangyari sa pananghalian at umani ng iba’t ibang reaksyon kagaya ng
pagkadismayado ng iba dahil dapat ay pinahaba pa ang pasensya ng binate ngunit meron ding
sumasang-ayon sa nagawa ni Ibarra dahil walang karapatan ang sinuman na maglapastangan sa
amang namayapa; ito naman ay nagdulot na mapait na balita sa mga mahihirap kung makakapag-aral
pa baa ng kanilang anak sa paaralang ipinatayo ni Ibarra pagkatapos sa nangyari.

FORMATIVE ASSESMENT (PORMATIBONG PAGTATAYA)


A. Panuto: Mula sa binasang kabanata, suriin ang mga tauhan sa
SAGUTIN NATIN
pamamagitan ng pagpuno sa talahanayang nasa ibaba.

Tauhan Kilos Paniniwala Paninindigan

1. Crisostomo Ibarra

2. Pilosopo Tasyo

3. Padre Damaso

4. Padre Salvi

5. Elias

B. Panuto: Ibahagi ang iyong damdamin tungkol sa naranasan ng tauhan sa


BUOIN NATIN kabanatang binasa. Gumamit ng angkop na ekspresyon para sa paglalahad ng
iyong kaisipan at damdamin.

ELIAS IBARRA

PILOSOPO
TASYO

C. Panuto: Suriin ang mga isyung nabanggit sa pamamagitan ng


MAGAGAWA NATIN pagtukoy sa sanhi, epekto, at posibleng solusyon para sa mga ito.

Problema Sanhi Epekto Solusyon


Paglulustay ng pera ng
mga lider sa lipunan para
sa personal na kasiyahan
at kapakinabangan.
Magarbo at maluhong
pagdiriwang ng mga
piyesta
Pang-aabuso sa kahinaan
at kahirapan ng kapwa
tulad ng nangyari kay
Sisa sa kamay ni Donya
Consolacion

SUMMATIVE ASSESSMENT (SUMATIBONG PAGTATAYA)


Panuto: Isulat sa kahon ang A kung ang pangungusap ay tama at B kung ang pangungusap ay mali.
Kung
mali, isulat ang tamang salita sa patlang upang maging wasto ang pangungusap.
______________ 1. Nailathala sa pahayagang Kastila ang pagdiriwang ng Araw ng Patay sa San
Diego.
______________ 2. Nakatanggap naman ng isang sulat si Elias mula kay Maria Clara ukol sa
pag-aalala ng isang dalaga sa karamadaman ng binata.
______________ 3. Nagbihis ng magagandang kasuotan ang mga tao at isinuot ang lahat ng
alahas nang dumating ang Araw ng Patay sa San Diego.
______________ 4. Napilitang magbigay ng Sermon si Padre Damaso dahil siya lamang ang
nakakaalam ng buhay at himala ni San Diego.
______________ 5. Hindi binati ni Padre Sibyla ang mga taong kilala niya na nakadungaw sa
bintana sa tahanan ni Kapitan Tiago bagkus ay nagtaas lamang ng ulo at tumayo.
______________ 6. Sinimulan ni Padre Damaso ang unang bahagi ng kanyang sermon sa
wikang Kastila.
______________ 7. Inaantok ang lahat dahil sa ikli ng sermon ng pari.
______________ 8. Ipinagpatuloy ni Padre Damaso ang ikalawang bahagi ng sermon sa wikang
Kastila.
______________ 9. Nagtimpi si Ibarra sa mga parinig ng Padre Salvi ukol sa kanya at sa
kanyang ama.
______________ 10. Nilayuan ni Elias si Ibarra upang siya ay paalalahanan sa gagawing
paglalagay ng unang bato sa kanyang ipinatayong paaralan.
______________ 11. Gumayak si Padre Sibyla at binasbasan niya ang paglalagay ng unang bato.
______________ 12. Sinubaybayan ni Elias ang kilos ni Ibarra habang pinagmamasdan nito ang
panghugos.
______________ 13. Napilitang maglagay ng kutsarang palitada si Ibarra dahil sa kapipilit ng
Tenyente.
______________ 14. Mahinang dagundong ang narinig kasabay ng pagbagsak at pagguho ng
panghugos.
______________ 15. Nasawi ang taong madilaw samantalang nailigtas sa panganib si Elias.
______________ 16. Hindi inaasahan ni Ibarra na magiging panauhin niya si Elias sa araw na
iyon.
______________ 17. Pinag-iingat ni Pilosopong Tasyo si Ibarra dahil marami itong kaaway
bukod pa sa kailangan siya ng bayan.
______________ 18. Dumating si Padre Damaso sa pananghalian at pinaringgan si Kapitan
Tiago tungkol sa kanyang ama.
______________ 19. Hindi nakapagpigil si Kapitan Tiago sa mga parinig ni Padre Damaso at
mabilis niyang pinadapo ang kanyang kamao sa pari.
______________ 20. Nagkaroon ng reaksiyon ang mga kababaihan ukol sa ginawa ni Ibarra kay
Padre Salvi.

Ang mga kabanatang nabasa ay nag-iwan sa atin ng mga mahahalagang aral na “Ang pagkamulat sa
mga nagaganap sa lipunan ay kailangan upang lumaya sa kamangmangan at tiyak na kapamahakan.”
Kailangang maging mulat ang lahat sa mga maling sistemang nangyayari sa lipunan at sa daigdig upang
magkaroon tayo ng kamalayan sa mga napapanahong isyung nangyayari sa ating paligid. Ito ang gagabay sa
bawat isa sa atin sa pag-iisip ng mga paraan upang masolusyunan ang mga isyung ito at ito rin ang magbibigay
kamalayan sa atin upang ating maiwasan ang mga magiging epekto nito sa ating sa buhay.
CHRIST-CENTEREDNESS (CONSCIOUS)
I am mindful, self-directed learner and role model consciously expressing my Christ-centeredness.
COMMUNITY (COLLABORATIVE)
I am a credible, responsive communicator and team player building collaborative communities.

REFERENCES (SANGGUIAN)

Ailene G. Baisa-Julian,M., et.al., (2019). Ikalawang Edisyon Pinagyamang Pluma 9 Aklat 2. Phoenix
Publishing House , Inc.
Dynamic Instructional Plan, Filipino 9 (2019)
http://where13blackangelslive.blogspot.com/2019/04/noli-me-tangere-ang-buod.html
https://www.scribd.com/presentation/457910179/MABINI-GROUP

Binabati kita! Natapos mo na ang iyong ikatlong modyul!


St. Paul University Philippines
Tuguegarao City, Cagayan 3500

BASIC EDUCATION UNIT


PAASCU LEVEL III ACCREDITED
ISO CERTIFIED

LEARNING PLAN 4: ANG MGA API AT MAPANG-API (Kabanata 40-51)

INTRODUCTION (PANIMULA)
Nakalulungkot isipin na may mga taong inaapi at may mga taong mapang-api. Anumang panahon,
anumang lahi, at anumang edad, ito ay isang realidad ng buhay na hindi natin maikakaila. Kung paano ba natin
maiiwasan o mapaglalabanan ay isa pa ring malaking talinghaga, ngunit kailangan nating tandaan na walang
maaapi kung walang magpapa-api. Nararapat lamang na alamin natin ang ating karapatan at ipaglaban ito sa
maayos na paraan.
Sa araling ito matutunghayaan ang mga api at ang pagnanais nilang mabago ang kanilang buhay, at ang
mga mapang-api na nararapat lamang mamulat sa mabuting aral “Ang nagmamataas ay ibababa, at ang
nagpapakumbaba ay itinataas”.

OBJECTIVES (LAYUNIN):
Sa modyul na ito ikaw ay inaasahang:
1. nakatutukoy ng katangian at kahalagahan ng bawat tauhan sa nobela;
2. nakakikilala ng mga tauhan batay sa pahayag ng bawat isa;
3. nakahuhula ng maaaring maging wakas ng buhay ng bawat tauhan;
4. nakasusulat ng isang talata na nagsasaad ng damdaming ipagtanggol ang bayan mula
sa kaapihan; at
5. nakapagpapakita ng halaga ng katapatan sa pamamagitan ng pagsasagawa ng mga aktibidad nang
mag-isa

LESSON PROPER/DISCUSSION (TALAKAYAN)


1.
Paalala:
2.
3. 1. Kung may mga katanungan tungkol sa aralin, huwag mag-atubiling makipag-ugnay sa akin sa
pamamagitan ng aking cp # 0956-635-3614 o isang pribadong mensahe.
2. Sa modyul na ito ay susubukin ang iyong galing sa pagbabasa. Mababatid dito ang mga kabanata na
4.
5.

6.

Hook Up Activity: 3,2,1

Panuto: Basahin ang pamagat ng araling ito.

Ang mga Api at Mapang-api


Ibigay ang sumusunod:

3 bagay na iyong naisip nang mabasa ang pamagat


________________________, ____________________________, ___________________________

2 damdaming pinukaw ng pamagat


________________________________, ______________________________

1 tanong hinggil sa pamagat


________________________________

KABANATA XL: ANG KARAPATAN AT KAPANGYARIHAN

Huling gabi ng pista, napuno ng tao ang plasa upang manood ng dula. Si Don Filipo ang namahala sa
pagdiriwang. Halos magtatapos na ang dula nang dumating si Ibarra. Hindi nagustuhan ng mga prayle ang
kanyang pagdating kaya't hiniling ng mga itong paalisin si Ibarra. Ngunit nanindigan si Don Filipo na hindi niya
maaaring paalisin ang binata dahil sa malaking abuloy nito sa pagdiriwang at dahil na rin sa utos ng Kapitan-
Heneral. Nagkaroon ng iba pang hindi pagkakaunawaan nang gabing iyon na nauwi sa malaking kaguluhan.
KABANATA XLI: DALAWANG PANAUHIN

Samantala nang makauwi sa bahay si Ibarra ay halos hindi siya dalawin ng antok. Iniisip niya ang
kaguluhang nangyari kaya't minabuti niyang gumawa na lamang sa kanyang aklatan. Una siyang dinalaw ni
Elias at sinabi nitong may sakit si Maria Clara at kung may ipagbibilin ba si Ibarra dahil pupunta siya sa
Batangas. Sumunod na dumalaw sa kanya si Lucas na nangungulit sa kanya tungkol sa perang makukuha ng
kanyang pamilya dahil sa pagkamatay ng kanyang kapatid. Sinabi nitong maaari lamang silang maging
magkaibigan ni Ibarra kung malaki ang perang ibabayad ni Ibarra para sa kanyang namatay na kapatid.
KABANATA XLII: ANG MAG-ASAWANG DE ESPADAÑA

Madarama mo ang lungkot ng mga tao sa bahay ni Kapitan Tiago habang hinihintay nila ang doktor na
titingin kay Maria Clara, si Dr. Tiburcio de Espadana, ang asawa ni Donya Victorina. May kakaiba at
kakatwang kuwento ang buhay ng mag-asawa bago pa nila napagkasunduang magpakasal, at sa pagsasalaysay
ng kanilang kuwento masasalamin mong hindi sila masaya sa kanilang pag-iisang dibdib. Ang dahilan ng
kanilang pagpapakasal ay upang matugunan ang kanilang magkaibang pangangailangan. Sa pagdating ni Don
Tiburcio kasama ang kanyang maybahay ay binigyan nila ng pag-asa ang pamilya ni Maria Clara upang
maibsan ang kanilang kalungkutan.
KABANATA XLIII: MGA BALAK

Si Padre Damaso ay labis na nabalisa sa pagkakasakit ni Maria Clara. Naibsan panandalian ang kanyang
pagkabalisa nang ipakilala sa kanya ni Donya Victorina si Alfonso Linares, ang inaanak ng bayaw ni Padre
Damaso. May liham na dala si Linares para kay Padre Damaso. Habang sila ay naguusap ay siya namang
pagdating ni Lucas na pagkaraang masabi ang sadya ay sinigawan at pinagtabuyan ni Padre Salvi.

KABANATA XLIV: ANG PANGUNGUMPISAL


Napagdesisyunan ng kura na ipangomonyon ang dalaga upang mawala na ang kanyang karamdaman
pero sa halip na mawala ay pangungunot at pamimigta sa pawis ng kanyang noo ang naihayag na
nangunguhulugan na hindi siya napatawad sa kanyang pangumpisal.

KABANATA XLV: ANG MGA API


Sa gitna ng kagubatan ay nakipagkita si Elias kay Kapt. Pablo na kasalukuyang nagtatago dahil itinuring
siyang rebelde ng pamahalaan ngunit di niya masisisi ang kanyang sarili kung ang nagpasimuno nitong
kalupitan, galit at sakit na kanyang nadarama ay galing sa mga kamay ng mga Espanyol; pinag-usapan ni Elias
ang kapitan na si Ibarra Crisostomo ay maaring magbigay sa kanila ng susi upang mapuksa ang mga kaaway at
siya nama’y umayon at nagsabing maghihintay sila sa tamang oras na pabagsakin ang pamahalaan ng Kastila.

KABANATA XLVI: ANG SABUNGAN


Naging bahagi na sa pamumuhay ng mga Pilipino ang pagsasabong na isang sugal; nakilahok ang
magkapatid na sina Kapt. Bruno at Kapt. Tarsilo at sila’y nakiusap kay Lucas na pautangin sila ng pera
pampusta sa sabungan pero sinabihan sila ni Lucas na may kondisyon sa pagpapahiram ng pera dahil pag-aari
ito ni Ibarra Crisostomo; nawalan ng gana ang magkapaitd na humingi sa takot na pareho ang kapalaran nila sa
kanilang ama na pinatay ng mga guwardya sibil ngunit kalauna’y nakalimutan ito nang mabilag sa kasayahan
ng kalalakihan sa pagsasabong at sa huli ay nakipagsundo sila kay Lucas at pinagsabihan silang sasalakayin nila
ang kuwartel at simbahan—na kapag matagumpay ang pagsalakay ay may gantimpala galing kay Ibarra
Crisostomo; sa ikawalo naman ng gabi sa makalawa ay kailangan magtungo sila sa libingan upang tumanggap
ng utos.

KABANATA XXLVII: ANG DALAWANG SENYORA


Ang paghaharap ng dalawang donya ay bunga ng mababang tingin at mataas na pagpapahalaga sa sarili
ni Donya Victorina kay Donya Consolacion kaya pinatulan din ito ni Donya Consolacion; pagbalik ni Donya
Victorina sa bahay ni Kapt. Tiago ay binantaan niya si Linares na kapag hindi hinamon ng duwelo ang tenyente
ay ibubunyag niya ang lihim nito.
KABANATA XXLVIII: ISANG TALINGHAGA
Nakabalik na si Ibarra sa San Diego dala ang balitang pinatawad siya ng arsobispo sa pagiging
ekskomulgado kaya madali niyang dinalaw si Maria Clara ngunti tila nabigla at gulong-gulo ang isip nang
madatnan niya si Linares sa bahay ni Kapt. Tiago; sa kabilang banda ay nakita niya si Elias na nagtatrabaho
para kay Maestro Juan kahit hindi ito kasali sa listahan ng mga manggagawa at agad naming inimbitahan ni
Elias si Ibarra na makipagkita sa kanya dahil may mahalaga siyang sasabihin sa kanya.

KABANATA XLIX: TAGAPAGBALITA NG MGA API


Nang nakipagkita si Ibarra kay Elias ay sinabihan siya nitong may mga taong maghihimagsik at
napagtantong magkaiba ang kanilang pananaw sa pagsugpo ng pamahalaan at simbahan; nang malaman ito ni
Ibarra ay humiling siya kay Elias na ikuwento ang kanyang buhay upang mas maunawaan niya ang mga hinaing
na idinulog sa kanya.

KABANATA L: ANG KASAYSAYAN NI ELIAS


Inilahad ni Elias kay Ibarra ang masaklap na dinanas ng kanyang angkan—ang kanyang lolo ay
pinagbintangang sumunog ng bahay ng mayamang negosyante kahit walang katotohanan ngunit di siya
pinakinggan at napilitang mabuhay sa dilim kasama ang kanyang asawa at doon nagsisimula ang mga buhay ng
mga ninuno ni Elias na nabuhay ng masaklap, sa hiya, takot at kondena ng mga tao hanggang sa kanilang
mapait na kamatayan.

KABANATA LI: ANG MGA PAGBABAGO


Sa bahay ni Kapt. Tiyago ay lihim na balisang-balisa si Linares kung paano niya matutupad ang utos ni
Donya Victorina kapalit sa kanyang lihim na labis niya pinagtataguan; nandoon din sina Padre Salvi na
nagpahayag sa lahat sa pagkawalang bisa ng ekskomulgado ni Ibarra, Kapt. Tiago at Sinang (kaibigan ni Maria
Clara) na masayang tinanggap ang balita, Maria Clara na walang imik at parang puno ng kalungkutan at si
Ibarra na gustong makipagsarilinan si Maria Clara dahil sa natuklasang kaalaman na ang babaeng minamahal
niya ay nagdaramdam sa kanilang magulong agos ng pag-iibigan.

NUTSHELL (SINTESIS)
 Ang kabanata 40-51 ay pinamagatang “Ang mga Api at Mapang-api” dahil natunghayan o inilahad sa
mga kabanata kung sino ang mga tauhang api tulad ni Elias at mga taong mahihirap at mga tauhang
mapang-api tulad ng mga prayle at mga nakaupo sa pamahalaan.
 Sa huling gabi ng pista ay napuno ng tao ang plasa upang manood ng dula na pinamamahala ni Don
Filipo; papatapos na ng pagdudula nang dumating si Ibarra at di ito pabor ng mga prayle kaya
inutusan si Don Filipo na papaalisin ang suwail na binata ngunit di niya magagawa dahil si Ibarra ay
may malaking ambag sa pagdiriwang at dahil din sa utos ng kapitan-heneral pero hindi ito
pinakinggan ng mga prayle na nauwi sa malaking kaguluhan.
 Sa gitna ng kagubatan ay nakipagkita si Elias kay Kapitan. Pablo na kasalukuyang nagtatago dahil
itinuring siyang rebelde ng pamahalaan ngunit di niya masisisi ang kanyang sarili kung ang
nagpasimuno nitong kalupitan, galit at sakit na kanyang nadarama ay galing sa mga kamay ng mga
Espanyol; pinag-usapan ni Elias ang kapitan na si Ibarra Crisostomo ay maaring magbigay sa kanila
ng susi upang mapuksa ang mga kaaway at siya nama’y umayon at nagsabing maghihintay sila sa
tamang oras na pabagsakin ang pamahalaan ng Kastila.
 Nang nakipagkita si Ibarra kay Elias ay sinabihan siya nitong may mga taong maghihimagsik at
napagtantong magkaiba ang kanilang pananaw sa pagsugpo ng pamahalaan at simbahan; nang
malaman ito ni Ibarra ay humiling siya kay Elias na ikuwento ang kanyang buhay upang mas
maunawaan niya ang mga hinaing na idinulog sa kanya.
 Inilahad ni Elias kay Ibarra ang masaklap na dinanas ng kanyang angkan—ang kanyang lolo ay
pinagbintangang sumunog ng bahay ng mayamang negosyante kahit walang katotohanan ngunit di siya
pinakinggan at napilitang mabuhay sa dilim kasama ang kanyang asawa at doon nagsisimula ang mga
buhay ng mga ninuno ni Elias na nabuhay ng masaklap, sa hiya, takot at kondena ng mga tao hanggang
sa kanilang mapait na kamatayan.

FORMATIVE ASSESMENT (PORMATIBONG PAGTATAYA)


A. Panuto: Tukuyin at maghinuha tungkol sa katangian at kahalagahan ng
SAGUTIN NATIN
iba pang tauhan sa nobela. Gumamit ng tamang pang-uri sa pagbibigay ng
katangian ng tauhan.

Tauhan Mga Katangian Kahalagahan ng Papel na


Ginagampanan
Donya Victorina
Padre Damaso
Padre Salvi
Tiya Isabel
Sinang

BUOIN NATIN B. Panuto: Punan ang graphic organizer sa ibaba.

Tauhan Ang maaaring maging wakas ng buhay ng tauhan


Crisostomo Ibarra
Maria Clara
Elias
Pilosopo Tasyo
Padre Damaso
Padre Salvi
Kapitan Tiago
Donya Victorina
Donya Consolacion
Sisa

ISULAT NATIN C. Panuto: Magsulat ng isang talata na nagsasaad ng iyong damdaming


ipagtanggol ang iyong bayan mula sa kaapihan. Gawin itong parang isang
monologo ng tauhan sa Noli Me Tangere.

Gawing gabay ang rubic sa ibaba para sa iyong susulating talata


RUBRIC
Puntos Pamantayan

4 Malikhaing naisulat ang nilalaman ng talata/sulat. Maayos ang daloy.


Nauunawan ang nilalaman ng talata/sulat.
3 Maayos na naisulat ang talat/sulat. Nauuanwan ang nilalaman.

3 Hindi gaanong maayos na naisulat ang talata/sulat. Hindi gaanong nauunawan


ang nilalaman.

SUMMATIVE ASSESSMENT (SUMATIBONG PAGTATAYA)


A. Panuto: Tukuyin kung sinong tauhan ang nagpahayag nito.
1. "Ikinalulungkot kong hindi kayo mapagbigyan, Padre. Si Ginoong Ibarra po ang isa sa may malalaking
inambag sa kasayahang ito at may karapatan siyang mamalagi rito kung hindi rin lamang nanggugulo"

a. Lucas b. Don Filipo


c. Linares d. Elias
2. “Ginoo, ibig kong malaman kung magkano ang maibibigay ninyo para sa naiwang pamilya ng aking
kapatid."
a. Lucas b. Don Filipo
c. Linares d. Elias

3. "Ako'ng bahala. Wala kang gagalawing sinuman. Gusto ko lamang matawag kang Doktor, at ako nama'y
Madam Doktor."
a. Donya Consolacion b. Don Filipo
c. Linares d. Donya Victorina

4. "Maria, anak ko, hindi ka mamamatay!"


a. Kapitan Tiyago b. Padre Damaso
c. Tiya Isabel d. Padre Salvi

5. "Nagtapos po ako ng abogasya sa Unibersidad Central sa Madrid."


a. Lucas b. Don Filipo
c. Linares d. Elias

6. "May palagay ako, Padre, na ang pagkakasakit ni Maria Clara ay nagsimula sa mga sama ng 100b niya noong
araw ng pista."
a. Kapitan Tiyago b. Padre Damaso
c. Tiya Isabel d. Padre Salvi

7. "Hindi ko alam kung sino ka ngunit may kutob ako na hindi ka isang ordinaryong tao."
a. Elias b. Crisostomo Ibarra
c. Lucas d. Maria Clara

8. "Huwag tayong magbingi-bingihan sa daing nilae Bigyan ninyo ng halimbawa ang iba. Bigyan ninyo kami
ng ideya sa kahalagahan ng pagkakaroon ng isang bayan."
a. Elias b. Crisostomo Ibarra
c. Lucas d. Maria Clara

9. "Patuloy ang pagkakaroon ko ng simpatiya sa binatang Ibarra. Noong una ay mali ang palagay ko sa kanya."
a. Kapitan Tiyago b. Padre Damaso
c. Tiya Isabel d. Padre Salvi

10. "Ewan ko. Pero lagi't lagi niyang sinasabina makabubuti pa sa iyong alimutin mo na siya, at pagkatapos ay
bibirahan ng iyak."
a. Kapitan Tiyago b. Andeng
c. Sinang d. Maria

B. Panuto: Tukuyin ang kasingkahulugan ng mga salitang nakasulat ng madiin.

1. Ang mga sagabal na kanyang nadaanan ay di mabilang.


a. kakaunti b. napakarami
c. maniwala d. sakto

2. Pagpasok niya ay nakita niya ang mukha ng mga tao na tigib ng hapis.
a. sobrang saya b. nababaliw
c. sobrang lungkot d. nag-aalala

3. Sa pagbabalik nila sa bayan kailangang iwasan ang pag: danak ng dugo.


a. kaguluhan b. kasayahan
c. paglalaro d. patayan

4. Hiniling ng panauhin na manalig sa kanya ang mga tao at sisikapin niyang masolusyunan ang
problema.
a. maniwala b. magduda
c. madiskarte d. manloko

5. Binitiwan ng Donya ang kanyang inaalalayan at ito ay nagsiklab. Sinugod niya ang babae.
a. nagalit b. natuwa
c. nagalak d. nagmukmok

6. Nagulat si Ibarra ia nasaksihan. Siya ay parang tuod sa pagkakatayo.


a. hindi nakahinga b. hindi nakagalaw
c. hindi nakalaban d. hindi nakasagot

7. Si Maria Clara ay napipi at ni gaputok ay hindi nakapagsalita.


a. natahimik at walang nasabi b. nautal at nahirapang bumigkas ng salita
c. natakot at nanigas d. umurong ang dila

8. Kahanga-hanga si Maria Clara sa pagkakaroon ng daliring hubog kandila.


a. mainit na mga daliri b. mapapayat na daliri
c. mahahabang daliri d. magagandang hubog ng daliri

9. Bagama't nagsasalita ng katunggakan at kababawan ay itinuturing na dakila dahil sa kanilang dila.


a. iba ang kulay ng dila b. iba ang wika na ginagamit
c. katabilan d. kakayahang gumawa ng kuwento

10. Nahulog ang bantog na si Balat sa kamay ng batas.


a. nadapa sa harap ng guwardiya civil b. napadpad sa presinto
c. sumuko sa batas d. nahuli ng mga tagapagpatupad ng batas

Ang mga kabanatang nabasa ay nag-iwan sa atin ng mga


mahahalagang aral na “Sa pakikipaglaban para sa karapatan, palaging piliin ang mapayapang paraan.” Ito’y
nangangahulugan na sa pakikipaglaban ay hindi laging gulo o giyera ang paraan upang makamit ang karapatan.
Kailangang piliin ang mapayapa o tahimik na paraan sa pakikipaglaban para mapatunayan na ang pinaglalaban
ay may kabuluhan at mas mabuti na sa mapayapang paraan nalang upang makumbinsi at matulungan na rin
natin ang iba. Gaya nalang ng ginawa ni Dr. Jose Rizal.
CHRIST-CENTEREDNESS (CONSCIOUS)
I am mindful, self-directed learner and role model consciously expressing my Christ-centeredness.
CHARITY (COMPASSIONATE)
I am a compassionate, committed advocate for peace and universal well-being through charity for all.

REFERENCES (SANGGUIAN)

Ailene G. Baisa-Julian,M., et.al., (2019). Ikalawang Edisyon Pinagyamang Pluma 9 Aklat 2. Phoenix
Publishing House , Inc.
Dynamic Instructional Plan, Filipino 9 (2019)
http://where13blackangelslive.blogspot.com/2019/04/noli-me-tangere-ang-buod.html
https://www.panitikan.com.ph/kabanata-40-ang-karapatan-at-lakas-noli-me-tangere-buod
Binabati kita! Natapos mo na ang iyong ikaapat na modyul!

You might also like