Our Lady of The Pillar College – San Manuel, Inc
District No. 3, San Manuel, Isabela
COLLEGE OF EDUCATION DEPARTMENT
School Year 2021-2022
NOLI ME TANGERE
KABANATA 3: ANG HAPUNAN
Modyul 1
Inihandani:
LESTER JAY R. ACUPIDO
Guro sa Filipino
[email protected] 09752079128
1|Ang Hapunan
OLPC-SMI VISION:
OLPC-SMI, a Catholic institution in communion with the evangelical mission of the local
church and modern society, envisions the formation of a Christ-centered community for
social transformation.
OLPC-SMI MISSION:
Thus, OLPC-SMI commits to:
a. Provide equal access to holistic Catholic education through integral and excellent
spiritual educational formation.
b. Promote community of peace, justice, equality, love and culture of excellence
responsive to global challenges.
c. Create an environment that solidifies individual’s transformation without neglecting
their interests and needs.
d. Create safe, friendly, nurturing and compassionate environment where love is
shared, respect is given, positive relation is supported and culture of inclusion is
established.
e. Equip learners with life-long learning skills needed in a globally competitive world.
f. Conduct relative researches.
g. Uplift people’s dignity through social teachings of the church and service to the
community.
h. To be a servant leader and steward of the community.
i. To be of service to the poor and marginalized.
j. Promote care and protection of the environment.
OLPC-SMI CORE VALUES:
People-oriented with preferential option for the poor
Insistent passion for excellence
Loyal to the school and team work oriented
Life-long learners
Accountable and Christ-centered
Responsible Filipino citizen with social concern for gender equality and environmental
consciousness
2|Ang Hapunan
Layunin:
1. Nalalaman ang kasaysayan nobela.
2. Nakikilala ang awtor ng akda.
3. Nakikilala ang mga tauhan ng akda/kabanata.
4. Nalalaman ang nais ipahayag ng nobela.
5. Nakabubuo ng isang sanaysay patungkol sa pangunahing ideya ng nobela.
6. Nabibigyang kahulugan ang mga salita.
7. Naipaliliwanag ang mga simbolismo na nasa akda.
NOLI ME TANGERE
TALAMBUHAY NI JOSE RIZAL
Jose Protacio Rizal Mercado y Alonso Realonda ang buong pangalan ni Dr. Jose
Rizal. Labing-isa silang magkakapatid at ikapito siya. Ang kanyang mga magulang ay
sina Francisco Engracio Rizal Mercado y Alejandro at Teodora Morales Alonso
Realonda y Quintos. Nakita niya ang unang liwanag noong ika-19 ng Hunyo, 1861
sa Calamba, Laguna.
Kung susuriin ang pinagmulan niyang angkan, ang kanyang ama na si Francisco
Mercado ay anak ng isang negosyanteng Instik na nagngangalang Domingo Lam-co at
ang kanyang ina ay isa ring mestisang Intsik na ang pangalan ay Ines dela Rosa. Intsik
na Intsik ang apelyidong Lam-co kung kaya’t kung minsan ay nakararanas si Domingo
Lam-co ng diskriminasyon kaya upang makaiwas sa ganoong pangyayari at
makasunod sa ipinag-uutos ni Gobernador Claveria kaugnay ng pagpapalit ng mga
pangalang Pilipino noong 1849, ang Lam-co ay pinalitan ng apelyidong Kastila at pinili
nila ang Mercado na nababagay sa kanya bilang negosyante, sapagkat ang ibig sabihin
ng Mercado ay palengke. Ang pamilyang Lam-co ay kilalang mangangalakal noon sa
bayan ng Binan, Laguna.
Bagamat ang mga ninuno ni Rizal sa ama ay kilalang negosyante, ang kanyang ama
ay isang magsasaka. Isa siya sa mga kasama sa Hacienda Dominicana sa Calamba,
Laguna.
Ang apelyidong Rizal ay naidagdag sa kanilang pangalan sa bias ng Kautusan
Tagapagpaganap na pinalabas ni Gob. Claveria noong 1849 at ito’y hinango sa salitang
Kastila na luntiang bukid. Masasabing mayaman ang angkang Rizal sapagkat ang
pamilya ay masikap, matiyaga at talagang nagbabanat ng buto.
Nang tumuntong si Rizal sa gulang na tatlong taon, 1864, siya ay tinuruan ng
abakada ng kanyang ina at napansin niyang nagtataglay ng di-karaniwang talino at
kaalaman ang anak, kahit kulang sa mga aklat ay nagawa ng ginang na ito ang
paglalagay ng unang bato na tuntungan ni Rizal sa pagtuklas niya ng iba’t ibang
karunungan.
Nang siya’y siyam na taong gulang, si Jose ay ipinadala sa Binan at nag-aral sa
ilalim ng pamamahala ni Padre Justiniano Aquino Cruz, ngunit pagkalipas ng ilang
buwan ay pinayuhan na ito na lumipat sa Maynila dahil lahat ng nalalaman ng guro ay
naituro na niya kay Rizal.
Noong ika-20 ng Enero, 1872, si Jose ay pumasok sa Ateneo Municipal de
Manila. Siya ay nagpamalas ng kahanga-hangang talas ng isip at nakuha ang lahat ng
pangunahing medalya at notang sobresaliente sa lahat ng asignatura. Sa paaralang ito
natamo niya ang katibayang Bachiller en Artes at notang sobresaliente, kalakip ang
pinakamataas na karangalan.
Nang sumunod na taon sa Pamantasan ng Santo Tomas ay nag-aral siya ng
Filosofia y Letras at Agham sa pagsasaka naman sa Ateneo Municipal de
Manila. Kumuha rin siya ng panggagamot sa naturang pamantasan. Di pa nasiyahan,
nagtungo siya sa Europa noong ika-5 ng Mayo, 1882 upang doon ipagpatuloy ang
kanyang pag-aaral.
Nagpatuloy siya sa pag-aaral ng Medicina at Filosofia y Letras sa Madrid,
Espana at tinapos ang kursong ito noong 1884 at 1885.
3|Ang Hapunan
Noong 1884, si Rizal ay nagsimulang mag-aral ng Ingles; alam na niya ang Pranses
pagkat sa Pilipinas pa lamang ay pinag-aralan na niya ang wikang ito. Bukod sa mga
wikang ito, nag-aral din siya ng Aleman at Italyano dahil naghahanda siya sa
paglalakbay sa iba’t ibang bansa sa Europa. Alam niyang mahalaga ang mga wikang ito
sa pag-aaral ng mga kaugalian ng mga tao roon at ng pagkakaiba nila sa mga Pilipino sa
bagay na ito. At upang mapag-aralan ang kasaysayan ng mga baying nabanggit na
mapaghahanguan ng mga aral na alam niyang makatutulong sa kanyang mga
kababayan. Bunga nito, si Rizal ay maituturing na dalubwika.
Ayon kay Retana, ipinahayag ni Rizal na sinulat niya ang unang kalahati ng Noli Me
Tangere sa Madrid noong magtatapos ang 1884, sa Paris naman ang ikaapat na bahagi
at isa pang bahagi ay sa Alemanya. Ipinalimbag ito sa Berlin, at noon lamang Marso,
1887 ay lumabas ang 2000 sipi. Si Dr. Maximo Viola na taga-San Miguel, Bulacan ang
nagbayad ng pagpapalimbag sa halagang 300 piso.
Ang El Filibusterismo ang kasunod na aklat ng Noli Me Tangere na ipinalimbag sa
Gante, Belhika noong 1891.
Itinatatag naman ni Dr. Jose Rizal ang La Liga Filipina noong ika-3 ng Hulyo, 1892. Ang
kapisanang ito ay lihim na itinatag at layuning magkaroon ng pagbabago sa palakad ng
pamahalaan sa Pilipinas sa pamamagitan ng mapayapang pamamaraan at di sa
paghihimagsik.
Noong ika-5 ng Agosto, 1887, siya ay nagbalik sa Pilipinas. Ngunit noong Pebrero 3,
1888, siya ay muling umalis sapagkat umiilag siya sa galit ng mga Kastila dahil sa
pagkakalathala ng Noli Me Tangere. Bumalik siya sa Maynila noong ika-26 ng Hunyo,
1892.
Noong Hulyo 7, 1892, alinsunod sa kautusan ni Kapitan-Heneral Despujol, si Rizal ay
ipinatapon sa Dapitan, isang maliit na bayan sa hilagang kanluran ng Mindanao, dahil sa
bintang na may kinalaman siya sa paghihimagsikan nang mga araw na iyon. Sa Dapitan,
nagtayo si Rizal ng isang maliit na paaralan na may labing-apat na batang taga-roon na
kanyang tinuturuan.
Habang nagaganap ang labanan sa pagitan ng Espana at Cuba, sa pangambang
madamay sa kilusang ukol sa paghihimagsik kaya hiniling niya na makapaglingkod siya
sa mga pagamutan sa Cuba. Binigyan niya ng isang liham si Kapitan-Heneral Blanco na
nagpapatunay na kailanman ay di siya nakikilahok sa mga himagsikan sa Pilipinas.
Ngunit noong bago magtapos ang taong 1896, siya’y hinuli ng mga kinauukulan at
ibinalik sa Pilipinas.
Ikinulong si Rizal sa Maynila sa Real Fuerza de Santiago. Nang iharap sa hukumang
militar at litisin, siya ay nahatulang barilin sa Bagumbayan.
Noong ika-29 ng Disyembre, 1896, Sinulat ni Rizal ang kanyang Mi Ultimo Adios
(Huling Paalam) isang tulang kakikitaan ng magigiting na kaisipan at damdamin. At
noong ika-30 ng Disyembre, si Rizal ay binaril sa Bagumbayan na ngayon ay
tinatawag na Luneta.
KASAYSAYAN NG NOLI ME TANGERE
Panahon Detalye
Bago ang 1884 Nabasa ni Rizal ang nobelang Uncle Tom’s
Cabin ni Harriet Beecher Stowe na naglahad
ng pang-aapi sa mga aliping Negro sa
Amerika.
Enero 2, 1884 Mayroong isang pagdiriwang ng mga mag-
aaral na Pilipino ng Central University of
Madrid sa Espanya. Nakasama ni Rizal sina
Jaena, Valentin Ventura at ang
magkakapatid na Paternos. Inimungkahi ni
Rizal sa kanyang mga kasamang Pilipino sa
Madrid na sumulat sila ng isang nobelang
4|Ang Hapunan
hango sa masamang kalagayan ng mga
Pilipino sa Pilipinas sa ilalim ng pamumuno ng
Kastila at ang lahat ay sumang-ayon.
Inimungkahi ni Rizal na pangkat sila upang
mailahad ang lahat ng pananaw.
Ang mungkahi ni Rizal na sumulat “bilang
pangkat” ang nobela ay hindi natupad
sapagkat ang iba, sa halip na umpisahan
ang nobela ay nalihis ang perspektibo at
ukol sa babae na ang nais isulat. Nalulon
ang lahat maliban kay Rizal sa sugal at
pambabae kaya napabayaan ang
napagkasunduan.
Bago matapos ang 1884 Inumpisahan ni Rizal ang pagsulat sa nobela
sa Madrid at natapos ang unang kalahati.
1885 Pagkatapos ng kanyang pag-aara sa CUM,
ipinagpatuloy ni Rizal ang pagsusulat sa
nobela sa Paris, Fransya kung saan natapos
niya ang kalahati ng ikawalang kalahati ng
nobela
April-June 1886 Sa loob ng mga buwan na ito, tinapos ni
Rizal ang nobela sa Wilhelmsfeld, Alemanya
ngunit wala pang pamagat
Disymebre, 1886 Hindi napadalhan si Rizal ng perang
panggastos mula sa Pilipinas kaya siya’y
nagutom at nagkasakit. Sa kanyang
pagkagutom, siya ay dumadalo sa mga
pagdiriwang nang hindi naman inaanyaya
(gate crasher). Halos nawalan na siya ng
pag-asa na mailimbag ang nobela kaya
napag-isipang sunugin ito. Salamat na
lamang at dumating si Dr. Maximo Viola,
isang dating kamagaaral na siyang
tumulong kay Rizal sa pagpapalathala ng
nobela at nagbigay ng pera upang
matugunan ang mga pangangailangan.
Pebrero 21, 1887 Inayos ni Rizal ang orihinal na manuskrito ng
nobela upang mahanda sa paglathala.
Napili niya ang bahay-palimbagan na
Berliner-Buchdruckrei-Action-Gesselschaft.
Nagpalathala siya ang 2, 000 sipi sa halaga
lamang ng P300.00.
Marso 5, 1887 Habang iniimprenta ang nobela ni Rizal, saka
lang siya nakapagdesisyon ng pamagat
para dito. Sa kanyang sulat kay
Felix R. Hidalgo, binanggit ni Rizal na hinugot
niya ang pamagat na “Noli Me Tangere” sa
Ebanghelyo ni Lucas. Ngunit nagkamali
si Rizal sa pagbanggit ng pinagkunan dahil
nakuha niya ito sa Ebanghelyo ni Juan,
Kapitulo 20, versikulo 13-17. Ang bahaging
ito bibliya ay nagsalaysay sa araw ng “Easter
Sunday,” ang ikatlong araw ng kamatayan
ni Kristo kung saan nabuhay siya
muli at nagkita sila ni Maria Magdalena:
“Huwag mo akong salingan, dahil hindi ko
5|Ang Hapunan
nakasasama ang aking Ama sa langit.”
Marso 21, 1887 Inilabas na ang nobelang Noli Me Tangere ni
Rizal sa publiko sa wikang Kastila.
Mayo 5, 1887 Sinulatan ni Dr. Antonio Ma. Regidor si Rizal.
Pinuri ni Regidor ang nobela at inihambing
pa sa Uncle Tom’s Cabin at Don Quixote ng
Espanya.
*Nasalin ang nobelang Noli Me Tangere sa iba’t ibang wika dahil sa husay nito at
natatanging katangian.
MGA TAUHAN
Padre Damaso: Isang kurang Pransiskano na napaalis sa parokya dahil sa nagawang
kasalanan.
Padre Sibyla: Paring Agustino na lihim na sumusubaybay sa mga kilos ni Ibarra.
Crisostomo Ibarra: Binatang nag-aral sa Europa; nangarap na makapagtayo ng paaralan sa
San Diego.
Kapitan Tiago: Ang punong-abala sa piging.
Maria Clara: Mutya ng San Diego at ang magiging kasintahan ni Crisostomo Ibarra.
Doktor Espadana: Isang bungal na Kastila na napadpad sa Pilipinas; napangasawa ni Donya
Victorina.
Donya Victorina: Babaing naghahangad na maging mestisang Kastila kung kaya abut-abot
ang kalorete sa mukha.
Tinyente Guevarra: Isang matapat na tinyente ng gwardya sibil.
KABANATA 3: ANG HAPUNAN
Salin ni Virgilio S. Almario
6|Ang Hapunan
7|Ang Hapunan
8|Ang Hapunan
9|Ang Hapunan
Mga Tala:
1. Jele, jele bago quiere: pinaghalong Espanyol-Tagalog na salawikain, at maaaring
isalin na "Aayaw-ayaw kahit ibig." Tumutuya ito kina Padre Damaso at Padre Sibyla na
kapuwa naglulunggating maupo sa kabesera ng hapag-ang puwestong ibinibigay sa
pinakamahalaga o pinakaiginagalang na panauhin.
2. mas may gulang, dangal, at tungkulin: Ang buong tuntunin ay "Para sa higit na
nakatatanda sa gulang, dangal, kaalaman, at tungkulin" at ginagamit upang
pagbigyan ang isang tao na nais parangalan bilang nakahihigit sa alinman sa mga
nabanggit na pamantayan.
3. katedra: Sa orihinal, catedra, isang puwesto o katungkulan.
4. Cedant arma togae: Kawikaang Latin na: Dapat sumunod ang sandata sa toga
(kasuotan ng mga senador na Romano). Ang ibig sabihin, higit na mataas ang
kapangyarihang sibil kaysa militar. Sinusugan ito sa Filipinas at ginawang cedant arma
cottae, ibig sabihin, dapat sumunod ang sandata sa sutana, o dapat yumukod ang
kapangyarihang militar sa kapangyarihang panrelihiyon.
5. Cicero: Si Marcus Tullius Cicero (106-46 B.C.). isang dakilang orador at manunulat na
Romano
6. hindi kumakain si Lucullus sa bahay ni Lucullus: Isang heneral na Romano si Lucullus at
tanyag sa pagdudulot ng mararangya at kagila-gilalas na bangkete. Minsan, dahil
walang panauhin, dinulutan lamang siya ng karaniwang hapunan, kaya't nayayamot
niyang sinabing: "Kumain ngayon si Lucullus sa bahay ni Lucullus." Binaligtad ni Rizal
ang pahayag sapagkat okupado nang lahat ang upuan sa hapag at wala nang
puwesto para sa may-ari ng bahay na si Kapitan Tiago
7. Benedicite: Unang salita, nangangahulugang "pagpalain," sa dasal na Latin at inuusal
bago simulan ang pagkain. Inuusal ito ng superyor o pinuno at sinasagot ng
nakapaligid.
8. Peninsula: bahagi ng kamangmangan ni Donya Victorina. Tulad ng ibang di bihasa sa
Espanyol, inakala niyang higit na Hispanisado kung bibigkasing Ñ ang N.
9. Exodo: maaari ding Exodus, mula sa Latin at nangangahulugang "landas palayo." Sa
Bibliya, ang pagtakas ng mga Hebrew mula sa Ehipto at paghahanap ng Lupang
Pangako. Sa gamit dito ni Ibarra, ang paglalakbay ng isang nasyon sa kasaysayan at
ang dinaranas na paghihirap at kalungkutan ng isang bayan bago maging isang
bansa o estado
MGA MAHAHALAGANG PANGYAYARI SA:
KABANATA 3: ANG HAPUNANAN
Nagtungo na ang mga panauhin sa hapag-kainan. Kanya-kanyang kilos at
nararamdaman ang mga panauhin, na kung panonoorin ay maihahalintulad sa isang
komedya. Si Padre Sibyla ay nasisiyahan, kabaligtaran naman ni Padre Damaso. Ito ay
walang pakundangangnagdadabog at nataamaan tuloy ang isang kadete. Hindi naman
ito pinansin ng Tinyente, bagkus ay masusing pinagmamasdan ang kulot na buhok ni Donya
Victorina. Hindi tuloy nito namalayan na natapakan na niya ang kola ng saya nito, bagay
na nakapag-painis saDonya. Ang ibang bisita naman ay kanyakanya ng usapan at papuri
sa masarap nahanda ng Kapitan. Sapagkat ang hapunang iyon ay pagsalubong sa
pagdating niIbarra, karapat-dapat na siya ay maupo sa kabisera. Pinagtalunan naman ng
dalawang Pari kung sino ang dapat maupo sa kabilang dulo ng kabisera. Ayon kay Padre
Damaso, si Padre Sibyla ang dapat maupo sapagkat siya ang kura sa lugar na iyon.
10 | A n g H a p u n a n
Sinalungat naman ito ni Padre Sybila at kinatwiran nito na si Padre Damaso ang padre
kumpesor ng pamilya ni Kapitan Tyago. Sa kalaunan, inialok ni Padre Sybila ang upuan sa
Tinyente, na tinanggihannaman ng huli. Inanyayahan naman ni Ibarra si Kapitan Tyago
ngunit magalangitong tumanggi bilang nakaugalian. Nang inihain na ang pagkain, hindi
sinasadyang napunta kay Padre Damaso ang hindi masasarap na bahagi ng manok;
bagkus ay mga leeg at pakpak ang laman ng kanyang tinola. Lalo itong nag-alburuto sa
mga pangyayari. Lingid sa kaalaman ng pari, ang espesyal na tinola ay para lamang kay
Ibarra. Kasabay ng kainan ang mahabang usapan. Nagbahagi ang binata ng kanyang
buhay, tulad ng pag-aaral sa
Europa ng pitong taon, ang pagpunta sa iba't ibang bansa at pag-aaral ng kasaysayan at
pag-unlad ng mga bansang ito, ang pagsasalita ng ibang wika, ang hindi paglimot sa
kanyang bayan sa kabila ng kaunlarang namasdan sa ibang bansa, at ang ang hindi
pagkaka-alam sa tunayna dahilan sa nangyari sa kanyang ama. Ang bagay na ito naman
ang nagkumpirma sa hinala ng Tinyente na wala ngang alam ang binata. Binanggit ni
Ibarra na sa kanyang mga bansang napuntahan, iisang antas lamang ang kabuhayan,
pulitika at relihiyong tinatamasa ng mga ito sapagkat pinahihintulutan ito ng sarili nilang
kalayaan at kakayanang pamahalaan ang kanilang sariling bansa. Binatikos naman ito ni
Padre Damaso at ininsulto ang binata na kahit paslit ay kaya itong matutunan; at ang
kanyang pagpunta sa Europa ay maliwanag na pag-aksaya ng salapi. Magalang naman
na tinanggap ni Ibarra ang salita ng pari at binanggit na lamang ang mga ala-ala niya na si
Padre Damaso ay karaniwan nang kasalo sa kanilang hapag-kainan at malapit na kaibigan
ng kanyang ama. Hindi naman nakakibo ang pari dahil sa mga naging kaganapan sa
pagitan nila ng ama ni Ibarra. Maagang nagpaalam si Ibarra ng gabing iyon, kaya't hindi
sila nagkita ni Maria Clara, ang dalagang anak ni Kapitan Tyago. Nagpatuloy naman ng
pag-alipusta si Padre Damaso sa binata. Isinulat naman niIbarra sa pahayagan ng Estudios
Coloniales ang kanyang mga obserbasyonsa gabing iyon
Mga Gabay na Tanong:
1. Bakit walang abogadong nais magtanggol kay Don Rafael Ibarra?
____________________________________________________________________________________

2. Paano pinatunayan ni Tenyente Guevarra ang kasabihang, “Ang tunay na kaibigan
ay nasusubok sa oras ng kagipitan”?
____________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________
3. Puno ng politika ang hapunang ito tulad ng marami sa mga ritwal ng tao. Sino-sino
ang nangibabaw /lumabas na mas mataas sa hapunan, sinandya man nila ito o hindi?
____________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________
4. Sa politika n gang Hapunang ito, sino-sino ang lumabas na nasa itaas at sino ang
mga nasa ibaba?
11 | A n g H a p u n a n
____________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________
GAWAIN:
Suriin ang nobela batay sa sumusunod:
A. Bisang Pampanitikan
Bisang Pangkaisipan (mensaheng nais ipabatid ng nobela/kabanata sa mga
mambabasa)
____________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________
2. Bisang Pandamdamin (damdaming namayani sa nobela/kabanata)
____________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________
3. Bisang Panlipunan (pag-iisa-isa sa isyung panlipunan tinalakay sa nobela/kabanata)
____________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________
B. Sagutin:
Bilang isang kabataan, paano mo mababago ang maling sistema ng nakaraan
na ginagawa parin sa kasalukuyan?

C. Ibigay ang mga simbolismo ng karakter?
1.Padre Damaso: ____________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________
2.Padre Sibyla: ______________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________
3.Crisostomo Ibarra: _________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________
12 | A n g H a p u n a n
____________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________
4.Kapitan Tiago: _____________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________
5.MariaClara: _______________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________
6.Doktor Espadana: __________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________
7.Donya Victorina____________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________
8.Tinyente Guevarra: _________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________
D. Ibigay ang simbolismo ng bawat parte ng manok na nasa tinola.
1.Pakpak___________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________
2.Leeg_____________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________
13 | A n g H a p u n a n
Mga Sanggunian:
https://plumakabayan.wordpress.com/2016/03/08/noli-me-tangere-kabanata-3-ang-
hapunan/
file:///C:/Users/Admin/Downloads/modyul_sa_noli_me_tangere.docx.pdf
14 | A n g H a p u n a n