0% found this document useful (0 votes)
463 views29 pages

Noli Me Tangere: Rizal's Novel Overview

The document provides background information and a summary of the first two chapters of Jose Rizal's novel Noli Me Tangere. It introduces important characters such as Crisostomo Ibarra, Maria Clara, Padre Damaso, and others. It describes the social gathering hosted by Captain Tiago in chapter 1 and the tensions between the friars and civilians. In chapter 2, Crisostomo returns from Europe and encounters prejudice from Padre Damaso, but maintains his polite demeanor toward all people.

Uploaded by

Pierre Zehara
Copyright
© © All Rights Reserved
We take content rights seriously. If you suspect this is your content, claim it here.
Available Formats
Download as DOCX, PDF, TXT or read online on Scribd
0% found this document useful (0 votes)
463 views29 pages

Noli Me Tangere: Rizal's Novel Overview

The document provides background information and a summary of the first two chapters of Jose Rizal's novel Noli Me Tangere. It introduces important characters such as Crisostomo Ibarra, Maria Clara, Padre Damaso, and others. It describes the social gathering hosted by Captain Tiago in chapter 1 and the tensions between the friars and civilians. In chapter 2, Crisostomo returns from Europe and encounters prejudice from Padre Damaso, but maintains his polite demeanor toward all people.

Uploaded by

Pierre Zehara
Copyright
© © All Rights Reserved
We take content rights seriously. If you suspect this is your content, claim it here.
Available Formats
Download as DOCX, PDF, TXT or read online on Scribd
  • Introduction to Noli Me Tangere
  • Characters
  • Kabanata 1: Isang Handaan
  • Kabanata 2: Crisostomo Ibarra
  • Kabanata 3: Ang Hapunan
  • Kabanata 4: Erehe at Filibustero
  • Kabanata 5: Bituin sa Karimlan
  • Kabanata 6: Si Kapitan Tiago
  • Kabanata 7: Suyuan sa Asotea
  • Kabanata 9: Mga Bagay-bagay Tungkol sa Bayan
  • Kabanata 8: Mga Gunitâ
  • Kabanata 10: Ang Bayan ng San Diego
  • Kabanata 53: Makikilala sa Umaga ang Isang Magandang Araw
  • Kabanata 55: Malaking Sakuna
  • Kabanata 54: Pangarap sa Gitna ng Kadiliman
  • Kabanata 56: Sabi-sabi at Kuro-kuro
  • Kabanata 58: Bumagsak ang Langit
  • Kabanata 59: Katapusan

The Title of the Novel

 The title Noli Me Tangere is a latin phrase which means “Touch Me Not”.
 Noli Me Tangere, word are taken from Gospel of St. John (Chapter 20, Verses 13
to 17)
 Rizal dedicated his Noli Me Tangere to the Philippines - “To My Fatherland”

Uncle Tom’s Cabin - by Beecher Stowe’s, inspired Dr. Rizal to write a novel that
would depict the miseries of his people (Filipino) under the lash of the Spanish tyrants

Rizal began writing the novel in Madrid and finished about one-half of it
Rizal went to Paris after completing his studies in the Central University of Madrid,
he continued writing the novel finishing one half of the second half.
Rizal finished the last fourth of the novel in Germany.
He wrote the last few chapters of the Noli in Wilhemsfeld in April-June 1886
In Berlin, Rizal made the final revisions on the manuscript of the Noli.

Dr. Maximo Viola - savior of the novel Noli, Rizal’s rich friend from Bulacan. He
loaned him the needed to publish the novel.

Berliner Buchdruckrei Action Gesselschaft - a printing shop which charged the lowest
rate, that is 300 pesos for 2,000 copies.

The cover of Noli Me Tangere was design by Rizal


CHARACTERS

Juan Crisóstomo Ibarra y Magsalin, commonly referred to in the novel as Ibarra or


Crisóstomo, is the protagonist in the story. Son of a Filipino businessman, Don Rafael
Ibarra, he studied in Europe for seven years. Ibarra is also María Clara's fiancé.

María Clara de los Santos y Alba, commonly referred to as María Clara, is Ibarra's
fiancée. She was raised by Capitán Tiago, San Diego's Cabeza de barangay, and is the
most beautiful and widely celebrated girl in San Diego

Don Santiago de los Santos, known by his nickname Tiago and political title Capitán
Tiago is a Filipino businessman and the cabeza de barangay or head of barangay of
the town of San Diego. He is also the known father of María Clara.

Dámaso Verdolagas, or Padre Dámaso is a Franciscan friar and the former parish
curate of San Diego. He is best known as a notorious character that speaks with harsh
words and has been a cruel priest during his stay in the town.

Elías is Ibarra's mysterious friend and ally. Elías made his first appearance as a pilot
during a picnic of Ibarra and María Clara and her friends.

Filosofo Tacio, known by his Filipinized name Pilosopo Tasyo His full name is only
known as Don Anastacio. The educated inhabitants of San Diego labeled him as
Filosofo Tacio (Tacio the Sage) while others called him Tacio el Loco (Insane Tacio)
due to his exceptional talent for reasoning.

Doña Victorina de los Reyes de Espadaña, commonly known as Doña Victorina, is


an ambitious Filipina who classifies herself as Spanish and mimics Spanish ladies by
putting on heavy make-up.

Sisa, Crispín, and Basilio represent a Filipino family persecuted by the Spanish
authorities.

Narcissa or Sisa is the deranged mother of Basilio and Crispín. Described as


beautiful and young, although she loves her children very much, she cannot protect
them from the beatings of her husband, Pedro.

Crispín is Sisa's 7-year-old son. An altar boy, was unjustly accused of stealing money
from the church.

Basilio is Sisa's 10-year-old son. An acolyte tasked to ring the church bells for the
Angelus, he faced the dread of losing his younger brother and the descent of his
mother into insanity

Padre Hernando de la Sibyla is a Dominican friar. He is described as short and has


fairskin. He is instructed by an old priest in his order to watch Crisóstomo Ibarra

Padre Bernardo Salví is the Franciscan curate of San Diego, secretly harboring lust
for María Clara. He is described to be very thin and sickly.
El Alférez or Alperes is the chief of the Guardia Civil; the mortal enemy of the
priests for power in San Diego and husband of Doña Consolacion.

Doña Consolacíon is the wife of the Alférez, nicknamed la musa de los guardias
civiles (The muse of the Civil Guards) or la Alféreza, was a former laundrywoman
who passes herself as a Peninsular; best remembered for her abusive treatment of
Sisa.

Don Tiburcio de Espadaña is a Spanish Quack Doctor who is limp and submissive
to his wife, Doña Victorina

Teniente Guevara is a close friend of Don Rafael Ibarra. He reveals to Crisóstomo


how Don Rafael Ibarra's death came about.

Alfonso Linares is a distant nephew of Tiburcio de Espadaña the would-be fiancé of


María Clara.

Tía Isabel is Capitán Tiago's cousin, who raised Maria Clara


.
Pedro is the abusive husband of Sisa who loves cockfighting.

KABANATA 1: ISANG HANDAAN

MAHALAGANG PANGYAYARI
•Bago matapos ang buwan ng Oktubre ay nagpahayag si Don Santiago delos Santos o
mas kilala sa tawag na Kapitan Tiago na may magaganap na handaan sa kaniyang
bahay.
•Mababa ang bahay ni Kapitan Tiago dahil hindi maayos ang pagkakagawa ng
arkitekto at epekto na rin ng nagdaang lindol, bagyo at kalamidad.
•May inimbitahan siyang mga panauhin at lumaganap ang balitang ito sa buong
Binondo, Intramuros at ilan pang lugar sa Kamaynilaan.
•Ang mga kadete sa paligid ng bahay ay masayang nag-uusap. Pinagmamasdan nila
ang mga panauhin gaya ng mga prayle,mga sundalo at ilang pangkaraniwang
mamamayan.
•Kausap ni Padre Damaso ang isang binatang may mapulang buhok. Nagpahayag si
Padre Damaso ng kaniyang saloobin ukol sa kaniyang paninirahan sa Pilipinas at ang
tungkol sa kaniyang dalawampung taong paninilbihan bilang kura ng San Diego
ngunit masama ang kaniyang loob sapagkat hindi umano marunong tumanaw ng
utang na loob ang mga mamamayan ng San Diego.
•Muling tumaas ang boses ni Padre Damaso at sinabing may wala nang mas hihigit pa
sa kamangmangan ng mga Indio.
•Pinutol ni Padre Sibyla ang paghihimutok ni Padre Damaso. Ngunit hindi pa rin
natitinag ang pari. Patuloy ito sa pagtaas ng boses at nakikipagbalitaktakan sa mga
kausap.
•Pinatigil ni Tinyente Gueverra si Padre Damaso. Naging matindi ang pagtatalo at
namagitan na si Padre Sibyla.
• Naungkat ang mga nakaraan sa sinabi ni Tinyente Gueverra tungkol sa isang taong
marangal na namatay ngunit dahil sa hindi ito nangungumpisal ay naturingan na
erehe. At pinahukay ang bangkay nito at ipinatapon sa ilog. Sinabi rin ni Tinyente
Gueverra na ang marangal na taong ito ay may kaisa-isang anak na pinaaral sa
Europa. Ito ang dahilan ng pagkalipat ni Padre Damaso sa ibang lalawigan.
•Nang umalis ang tinyente, humingi ng paumanhin si Padre Sibyla kay Padre Damaso
dahil naungkat ang maselang bagay sa nakaraan. Hindi pa rin nawawala sa mukha ni
Padre Damaso ang galit at pagkasuklam.
• Ilang sandali pa'y dumating na ang mag-asawang De Espadana at nabaling ang
pansin ng ibang tao sa bagong dating na mga bisita.

ISYUNG PANLIPUNAN -
-Sa unang Kabanata ng Noli Me Tangere ay inilarawan ng ating Pambasang bayani
ang isang kaugalian ng mga Pilipino kapag may Isang handaan o pagtitipon. Ang mga
ugaling hindi kanais-nais na ipinakita ng mga kantanod, at maging ang mga iba pang
bisitang naroroon.
-Ang handaan ay pagpapakita ng karangyaan at pagpapakita ng pagmamalaking
kaugalian ni Kapitan Tiyago. Inimbitahan ang mga natatanging tao sa lipunan, upang
higit na makilala siya na kabilang sa mga nakakataas.
-At sa huling bahagi ng Kabanata, ang huling pagdating ng mag- asawang De
Espadana ay namana ng mga lilan sa ating mga kaugalian bilang Pilipino.
Nagpapahuling dumating sa mga mahahalagang okasyon upang mapansin ng mga tao
at upang bigyang mas halaga
-At ang hindi pagrespeto ng mga bisita sa bahay mismo ng nagdaraos ng piging.

KABANATA 2: CRISOSTOMO IBARRA

MAHALAGANG PANGYAYARI:
•Nabigla si Padre Damaso nang makita ang binatang kasama ni Kapitan Tiago na
nakadamit panluksa.
•Ipinakilala ni Kapitan Tiago ang kaniyang panauhing pandangal, sinabi nitong siya
ang anak ng kaniyang yumaong kaibigan at binanggit na kagagaling pa lamang nito
mula sa Europa.
•Dahil sa pagkabigla ay hindi nagawang basbasan ng dalawang pari si Kapitan Tiago
pagkakakita kay Crisostomo Ibarra.
• Inabot ni Ibarra ang kamay kay Padre Damaso subalit hindi tuminag sa pagkakaupo
ang pari.
•Agad ang paghingi ni Ibarra ng paumanhin kay Padre Damaso sa pag-aakalang
nagkamali siya sa palagay at napagkamalan lamang ang paring kaharap.
•Sinagot siya ng pari na hindi ito nagkamali. Napahiya s Ibarra sa tinuran ng kura at
kusa na lamang binawi ang kamay.
•Maging ang tinyente ay nabigla sa pagdating ng dalawa at nilapitan nito si Ibarra ay
sinabing: "Tunay nga ba kayong anak ni Don Rafael Ibarra?" •Yumuko si Ibarra tanda
ng paggalang at pagsang-ayon habang hindi inalis ni Padre Damaso ang masamang
tingin kay Tinyente Gueverra.
• Matapos papurihan ang ama ni Ibarra tumalikod ang tinyente at itinago kay Ibarra
ang kalungkutang nadama. Naiwang mag-isa si Ibarra at napagpasyahang kusang
magpakilala sa mga binibining panay ang sulyap sa kanya.
•Nilapitan rin ni Ibarra ang mga binatang bisita sa pagtitipon at ipinakilala ang sarili.
•Isang lalaking nakabihis ng Barong Tagalog na may butones na brilyante ang
nakangiting lumapit kay Ibarra at nagyayang imbitahan si Ibarra kinabukasan ng isang
pananghalian, siya ay si Kapitan Tinong.
• Ikinagagalak ni Ibarra ang imbitasyon ng kapitan subalit kanya itong tinanggihan
sapagkat uuwi ito ng San Diego kinabukasan.
•Lumapit kina Ibarra at Kapitan Tinong ang isang utusan ng Cafe La Campana, isang
tanyag na restawran sa panulukan ng kalyer Escolta at San Jacinto at nagsabing handa
na ang pagkain. •Tumugon sina Ibarra at nagtungo sa komidor at iba pang panauhin
(wakas ng buod ng Kabanata 2)
Enter

MGA ISYU •ISYUNG PANLIPUNAN


- Sa ikalawang kabanata ng Noli Me Tangere ay ipinakita ng ating pambansang
bayani ang pagkumpol-kumpol ng mga kalalakihan at kababaihan sa isang pagtitipon
Hindi maaring makipagkuwentuhan ang mga kababaihan sa mga kalalakihan
Mayroong namamagitan na deskriminasyon sa kababaihan ngunit ipinakita ni Rizal sa
ugaling Alemanya ni Crisostomo na siya ang kusang lumapit sa mga kababaihan at
nagpakilala sa sarili gayundin sa mga kumpol ng kalalakihan Ang pantay-pantay na
pagtingin sa mga tao maging babae man ito o lalaki ang ipinalutang na kahalagahan sa
kabanata.

KABANATA 3 ANG HAPUNAN

MAHALAGANG PANGYAYARI
•Isa-isang nagtungo ang mga panauhin sa harap ng hapagkainan. Siyang-siya si Padre
Sibyla samantalang banas na banas naman si Padre Damaso. Sinisikaran niya ang
lahat ng madaanan hanggang sa masiko niya ang isang kadete. Hindi naman umiimik
ang tenyente. Ang ibang bisita naman ay magiliw na nag-uusap at pinupuri ang
masarap na handa ni Kapitan Tiyago.
•Sa may kabisera umupo si Ibarra. Ang magkabilang dulo naman ay pinagtatalunan
ng dalawang pari kung sino sa kanila ang dapat na lumikmo roon.
• Sa mga panauhin, tanging si Ibarra lamang ang nakaisip na anyayahan si Kapitan
Tiyago. Pero, kagaya ng may karaniwang may pahanda, magalang na tumaggi ang
kapitan sabay sabing "Huwag mo akong alalahanin.
•Sa tingin ni Padre Sibyla, si Padre Damaso ang dapat umupo roon dahil siya ang
padre kumpesor ng pamilya ni Kapitan Tiyago. Pero, si Padre Sibyla naman ang
iginigiit ng Paring Pransiskano. Si Sibyla ang kura sa lugar na iyon, kung kaya't siya
ang karapat-dapat na umupo.
•Anyong uupo na si Sibyla, napansin niya ang tenyente at nagkunwaring laalok ang
upuan. Pero, tumanggi ang tenyente sapagkat umiiwas siyang mapagitnaan ng
dalawang pari.
•Sinimulan ng idulot ang pagkain. Naragdagan ang pagpupuyos ng damdamin ni
Padre Damaso, ang thain ang tinola. Paano puro upo, leeg at pakpak ng manok ang
napunta sa kaniya. Ang kay Ibarra ay puro masasarap na bahagi ng tinola. Hindi alam
ng pari, sadyang ipinatuto ng kapitan ang manok para kay Ibarra.
•Habang kumakain, nakipag-usap si Ibarra sa mga ibang panauhin na malapit sa
kinaroroonan niya. Batay sa sagot ng binata sa tanong ni Lanuja, siya ay mayroon
ding pitong taong nawala sa Pilipinas Bagama't wala siya sa bansa, hindi niya
nakakalimutan ang kaniyang bayan. At sa halip, siya ang nakakalimutan ng bayan
sapagkat ni wala man lang isang thong nakapagbalita tungkol sa masaklap na sinapit
ng kaniyang ama. Dahil sa pahayag na ito ni Ibarra, nagtumibay ang paniniwala ng
tenyente na talagang walang alam ang binata sa tunay na dahilan ng pagkamatay ng
kaniyang amang si Don Rafael.
•Naudiot ang pagpapaliwanag ni Ibarra sapagkat biglang sumabad si Padre Damaso.
Walang pakundangan ininsulto niya ang binata. Sinabi niyang kung iyon lamang ang
nakita o natutuhan ni Ibarra, siya ay nag-aksaya lamang ng pera sapagkat kahit na
bata ay alam ang mga sinabi nito. Nabigla ang lahat sa diretsang pagsasalita ng pari.
•Kalmado lamang si Ibarra, ipinaliwanag niyang sinasariwa lamang niya ang mga
sandaling madalas na pumunta sa kanila si Padre Damaso noong maliit pa siya upang
makisalo sa kanilang hapag-kainan. Ni gaputok ay hindi nakaimik ang nangangatal na
si Damaso.
•Nagpaalam na si Ibarra. Pinigil siya ni Kapitan Tiago sapagkat darating si Maria
Clara at ang bagong kura paroko ng San Diego. Hindi rin napigil sa pag-alis si Ibarra.
Pero, nangako siyang babalik kinabukasan din.
• Ngumakngak naman si Padre Damaso, nang umalis si Ibarra. Binigyang-diin niya na
ang gayong pagkilos ng binata ay tanda ng kaniyang pagiging mapagmataas. Dahil
dito, aniya, dapat na ipagbawal ng pamahalaang kastila ang pagkakaloob ng
pahintulot sa sinumang Indio na makapag- aral sa Espanya.

MGA ISYU ISYUNG PANLIPUNAN


-Ang ipinakitang katangian ni Padre Damaso na nais siyang bigyan ng importansya
bilang kompesor ng tahanan ni Kap. Tiago ay isang isyung panlipunan. Maraming
mga malalaking tao sa lipunan sa kasalukuyan ang nais talaga makilala nang
karamihan at nais ipabatid ang kanilang kapangyarihan.

MGA ISYU •ISYUNG PANG-EDUKASYON -Sa kabanatang ito, ipinakita na ang


malinaw na pagtutol ng mga Kastila na matuto ang mga Pilipino. Nais nilang
ipagdamot ang edukasyon at patuloy na maging mangmang ang mga Indio nang sa
ganun ay mapanatili nila itong maging alipin. Ayaw nilang magkaroon ng kaalaman
ang mga Pilipino, at pinalalabas nilang magiging walang modo at mayabang ang mga
Pilipinong may pinag-aralan.

KABANATA 4 EREHE AT FILIBUSTERO

MAHALAGANG PANGYAYARI:
•Sa paggala-gala ng paningin ni Crisostomo, naramdaman niyang may dumantay na
kamay sa kaniyang balikat. Si tenyente Guevarra, sumunod sa kaniya upang na
paalalahanan na mag-ingat din sapagkat nangangamba siyang baka matulad siya (si
Ibarra) sa sinapit ng kaniyang ama. Nakiusap si ibarra na isalaysay ng tenyente ang
tungkol sa buhay ng kaniyang ama sapagkat tunay na wala siyang nalalaman dito.
•Sinabi ni Ibarra na sumulat ang kaniyang ama sa kaniya may isang taon na ang
nakakalipas. Nagbilin si Don Rafael (ama ni Ibarra) na huwag nitong ikagugulat kung
sakali mang hindi siya makasulat sapagkat lubha siyang abala sa kaniyang mga
gawain.

MAHALAGANG PANGYAYARI
•Ayon sa tenyente: Si Don Rafael ay siyang pinakamayaman sa buong lalawigan.
Bagama't siya ay iginagalang, may ilan din namang naiinggit. Ang mga nuno nila ay
mga Kastila. Ang mga Kastila dahil sa kasawian ay hindi gumagawa ng mga
nararapat. Ang masasama sa Espanya ay nakakarating sa Pilipinas. Si Don Rafael ay
maraming mga kagalit na mga Kastila at pari. Ilang buwan pa lamang nakakaalis sa
Pilpinas si Ibarra, si Don Rafael at Padre Damaso ay nagkasira. Di- umano, 'di
nangungumpisal si Don Rafael.
• Nabilanggo si Don Rafael dahil sa pagkakaroon ng mga lihim na kaaway.
Pinagbintangan pa siya ang pumatay sa isang mangmang at malupit na artilyerong
naniningil ng buwis ng mga sasakyan. Ngunit hindi naman totoo.
* Isang araw may isang grupo ng mga bata na sinigawan ang artilyero ng "ba, be, bi,
bo, bu" na labis na ikinagalit nito. Pinukol ng kaniyang tungkod ng artilyero ang mga
bata. Isa ang sinampal na tinamaan at nabuwal. Pinagsisipa niya ito. Napatiyempo
namang nagdaraan si Don Rafael. Kinagalitan niya ang artilyero. Ngunit, ito ay lalong
nagpuyos sa galit at si Don Rafael ang kaniyang hinarap. Walang nagawa si Don
Rafael kung hindi ipagtanggol ang sarili.
•Sa hindi malamang dahilan, bigla na lamang sumuray-suray ang artilyero at dahan-
dahang nabuwal. Malala ang kaniyang pagkakabuwal sapagkat ang kaniyang ulo ay
tumama sa isang tipak na bato. Nagduduwal ito at hindi nagkamalay hanggang sa
tuluyang mapugto ang hininga.
•Dahil dito, nabilanggo si Don Rafael. Pinagbintangan siyang erehe at pilibustero.
Masakit sa kaniya ang ganito sapagkat iyon ang itinuturing na pinakamabigat na
parusa.
•Ngunit lalong nadagdagan ang dagan sa kaniyang dibdib. Pinaratangan din siyang
nagbabasa ng mga ipinagbabawal na aklat (El Correo de Ultramar) at diyaryo,
nagtatago ng larawan ng paring binitay, isinakdal sa salang pangangamkam ng lupain
at nagbibigay ng tulong sa mga tulisan.
•Gumawa siya (tenyente) ng paraan upang tulungan si Don Rafael at sumumpang ito
ay marangal na tao. Katunayan, siya ay kumuha ng isang abogadong Pilipino na si
G.A at G.M. Ito ay pagkaraang lumitaw sa pagsusuri na ang ikinamatay ng artilyero
ay nag pamumuo ng dugo sa ulo nito.
•Nang lumaon, ang katwiran ay nagtagumpay din. Nang si Don Rafael ay malapit
nang lumaya dahil sa tapos nang lahat ang mga kasong ibinintang sa kaniya. Ang
sapin-saping kahirapan ng kalooban na kaniyang dinanas ay hindi nakayanan ng
kaniyang pisikal na katawan.
•Hindi na niya natamasa ang malayang buhay. Sa mismong loob ng bilangguan,
nalagutan ng hininga si Don Rafael.
•Huminto sa pagsasalaysay ang tenyente. Inabot nito ang kaniyang kamay kay Ibarra
at sinabing si Kapitan Tiyago na lamang ang bahalang magsalaysay ng iba pang
pangyayari. Nasa tapat sila ng kuwartel nang maghiwalay. Sumakay sa kalesa si
Ibarra. (wakas ng buod ng Kabanata 4)

MGA ISYU •ISYUNG PANRELIHIYON -Ang pagparatang kay Don Rafael Ibarra
na isang erehe at Pilibustero dahil sa hindi nito pagpangungumpisal at pagsisimba ay
malinaw na ginagamit ng mga Kastila noon ang relihiyon upang takutin at hamakin
ang mga walang kalaban-labang Pilipino.

MGA ISYU ISYUNG PAMPAMAHALAAN -Noong unang panahon, ang mga


Kastila ay makapangyarihan dito sa Pilipinas. Kahit ang isang artilyero na walang
pinag-aralan ay nagkaroon ng kapangyarihan at nanghahamak rin ng mga Indio,
ginagamit nila ang kanilang pagiging Kastila, taga- Europa upang matakot at
magpapasailalim sa kanilang batas ang mga Pilipino. Sila ang namamahala sa
Pilipinas dahil sila ang makapangyarihan.

KABANATA 5: BITUIN SA KARIMLAN

MAHALAGANG PANGYAYARI: •Bumaba sa kalesa si Ibarra at nagtungo sa Fonda


de Lala. Ito ang tinutuluyan niya tuwing pupunta ng Maynila. Balisang dumiretso si
Ibarra sa nirentahang silid at inisip ang kalunos-lunos na sinapit ng kaniyang ama.
•Tumanaw ito sa bintana at nakita ang isang maliwanag na tahanan sa kabilang bahagi
ng ilog. Mula sa kinaroroonan ay rinig niya ang mga kubyertos at ang tugtugin ng
orkestra. Nagmasid-masid ang binata at pinanood ang mga nagtatanghal.
•Nakita niya ang ilang binibini na may mamahaling suot at mga diyamante at ginto.
May mga anghel na nag-aalay ng bulaklak at mga pastol na nakikiisa sa programa.
Kita rin niya sa umpukan ng mga tao ang mga Pilipino, Kastila, Intsik, at mga prayle.
•Ngunit ang mas pumukaw ng kaniyang atensiyon ang binibining si Maria Clara.
Nabighani si Ibarra sa angking ganda nito at hindi maiwaglit ang tingin sa dalaga.
Nang makita naman ni Ibarra ang batang Pransiskano na payat at putlain ay nahabag
naman ito.
•Abala naman noon si Padre Sibyla na makipag-usap sa mga dalaga habang si Donya
Victoria naman ay abata sa pag- aayos ng buhok ng napakarikit na si Maria Clara.
•Saglit lamang ang kaligayahan ng pagmuni-muning iyon ng binate dahil ang kanyang
magandang gunita'y napalitan ng isang madilim na eksena. Nakita niya ang isang
madilim na silid na napapaliguran ng pader, may isang gulagulanit na banig na
nakalatag at nakahiga ang isang matandang lalaking gusgusin.
•Ang lalaki ay walang iba kundi ang kanyang amang si Don Rafael. Nakikita niya na
kaawa-awa ang sinapit nito. Naririnig pa ni Crisostomo ang sigaw ng ama, sinisigaw
ang pangalan niya, mga daing at kapos na paghinga, ito ang bumabalot sa diwa ni
Crisostomo.
•Dahil pagod sa maghapon, madaling nakatulog si Ibarra at nagising kinabukasan na
habang si Padre Salvi naman ay di mawaglit si Maria sa kaniyang isipan. (wakas ng
ika-5 Kabanata)
KABANATA 6: SI KAPITAN TIAGO

MAHAHALAGANG PANGYAYARI
►1. Si Kapitan Tiago ay isang lalaking bilugan ang mukha. kayumanggi ang kulay at
hindi kataasan kung titingnan sa pisikal na anyo. Ngunit kung susumahin sa kabuuang
pagtingin ng bayan ng San Diego, isa siya sa pinakamayaman, malapit sa simbahan at
sa pamahalaan.
►2. Hindi nakapag-aral si Kap. Tiago dahil sa kakuriputan ng ama, natuto siya sa
pamamasukan sa isang paring Dominiko.

MAHALAGANG PANGYAYARI:
• Napangasawa ni Kap. Tiago si Donya Pia Alba at dahil sa sipag at tiyaga sa
pangangalakal, napayabong nilang mag- asawa ang kanilang kabuhayan.
• Sa kanilang pagsasama na umabot sa anim na taon, hindi sila nabiyayaang
magkaanak. At mula sa payo ng kapanalig na si Padre Damaso, nanalig silang mag-
asawa sa Birhen ng Obando upang sila'y mabiyayaan ng supling.
• Si Maria Clara ang bunga ng kanilang pananampalataya. Isang marikit na sanggol,
mukhang anghel, mamula-mula ang kanyang buhok, matangos ang ilong, may biloy
sa pisngi at taglay ang mapuputi at maninipis na balat.
• Naging palaisipan ang pananamlay ni Donya Pia Alba nang ito ay magdalangtao.
Naging malulungkutin ito at nanghina ang pangangatawan hanggang sa dapuan ng
malubhang karamdaman. Dahilan ng pagkasawi nito. At mula pagkasanggol, ay
pinalaki si Maria Clara ng kanyang Tiya Isabel at sa pangangalaga ng amang si
Kapitan Tiago at amain na si Padre Damaso.
• Tunay ngang malapit si Kap. Tiago sa simbahan at sa mga kapatiran dahil nagagawa
nitong tumbasan ng salapi ang kabanalan.
•Ang kanyang pagiging malapit sa pamahalaan at pakikipagmabutihan Sa mga
opisyales ang nagdudulot ng usapin ng mga taong bayan tungkol sa pagkakaluklok
niya bilang Kapitan ng kapisanan ng mga mestizo gayong hindi naman siya mestiso.
•Nang magkatorse anyos si Maria Clara ay ipinadala siya sa Beateryo ng Sta.
Catalina.
•Ipinagkasundo nina Kapitan Tiago at Don Rafael sina Maria Clara at Crisostomo
Ibarra.

MGA ISYUNG NANGINGIBABAW:


►ISYUNG PANLIPUNAN-Ipinakita sa kabanatang ito ang katangian ni Kapitan
Tiago na mapaglangis sa mga Kastila upang mabigyan ng posisyon sa pamahalaan.

►ISYUNG PANRELIHIYON- Ang paniniwala ng mga Pilipino noon sa simbahan


katulad ni Kapitan Tiago na magbabayad ng isang halaga upang ipagpanonobena ang
sarili. At ang pag-uubaya sa himala ng Birhen upang magkaanak.

ISYUNG PANG EDUKASYON- Si Kapitan Tiago ay hindi nakapag-aral dahil sa


kakuriputan ng magulang nito. Sa panahon ng Kastila, maraming mga Pilipino ang
pinagkaitang makapasok sa paaralan upang matuto. Walang mga pormal na paaralan
para sa mga kabataan at wala ring mga guro na nais magturo.
KABANATA 7 SUYUAN SA ASOTEA 10

MAHAHALAGANG PANGYAYARI
•Hinintay ni Maria Clara ang pagdating ni Ibarra at ang pagdalaw nito sa kanilang
bahay Alumpihil siya sa tuwing may magdaraang sasakyan sa tapat ng kanilang
bahay, sa pag-asam na ito na ang kanyang hinihintay. Si Tiya Isabel ay abala sa pag-
iimis ng kalat na dulot nang nagdaang kasiyahan samantalang panay ang buklat ni
Kapitan Tiago ng kanyang mga papeles.
• Ipinayo ni Kapitan Tiago na bumalik sina Maria Clara at Tiya Isabel sa beaterio
upang kunin ang lahat ng damit at hindi na babalik at pupunta na lamang ito sa San
Diego dahil papalapit na ang pista doon.
• Dumating si Crisostomo at binati ito ni Kapitan Tiago. Napatda si Maria Clara nang
marinig ang tinig ng binatang bagong dating. Patakbo siyang nagtungo sa silid
dasalan. Napangiti na lamang ang ama at tiya sa ginawi ng dalaga.
• Nabigla si Maria Clara nang bumungad sa kanyang harap ang tiyahin habang
sinisilip niya si Ibarra mula sa maliit na butas ng susian ng kanyang silid. Sa tuwa ay
nahalikan at niyakap niya ang matandang babae.
Sa asolea napadpad ang magkasuyo at doon nag-usap. Sa umpisa y tahimik ang
dalawa at nagpapakiramdaman dahil sa matagal na hindi pagkikita. Napagbalik-tanaw
ang dalawa sa kanilang masasayang alaala noong kanilang kabataan. •Ang kanilang
suyuan ang tanging baon nila sa paghihiwalay nang ipadala si Maria Clara sa
Beateryo at nang magtungo naman si Ibarra sa ibang bansa upang mag-aral. Isang
liham ang iniwan ni Ibarra kay Maria Clara at tuyong dahon ng sambong ang inilagay
ng dalaga sa loob ng sombrero ng binata.
• Sa asotea rin binasa ni Maria Clara ang liham ng binata, na ayon kay Maria Clara ay
pulos kasinungalingan ang laman kaya nais laktawan ang palagay niya'y bahagi ng
liham na hindi totoo. •Sa asotea rin sinabi ni Ibarra ang desisyon ng kanyang ama na
pagpapaaralin siya sa Europa at napaiyak ito sa harapan ng ama. Noon din niya
ipinagtapat sa ama na iniibig si Maria Clara.
• Sinabi ni Maria Clara kay Ibarra ang pag-aalala nito nang siya ay nasa ibang bansa.
Na kung ito'y nalilimutan na ng binata dahil sa maraming mga magagandang dilag sa
Alemanya. Ngunit sinabi ng binata na walang kahit sinumang babae ang bumighani sa
puso't isipan ng binata kundi si Maria Clara lamang.
• Biglang naalala ni Crisostomo ang alalahaning araw ng mga patay kinabukasan at
kailangan niyang magbalik sa San Diego upang dalawin ang puntod ng ama.
Nalungkot man si Maria Clara ay hindi niya pinigilan ang pag-alis ni Crisostomo.
Muling nagbalik sa silid dasalan ang dalaga at nakita ni Kapitan Tiago habang
lumuluha.

MGA ISYUNG NANGINGIBABAW:


ISYUNG PANG-EDUKASYON: ▸ Dahil sa walang maayos na paaralan dito sa
Pilipinas noong panahon ng mga Kastila, napipilitan ang mga magulang na ipapadala
ang kanilang anak sa ibang bansa upang mag-aral. Katulad ng ginawa ni Don Rafael
kay Crisostomo Ibarra.

KABANATA 8 MGA GUNITA

MAHAHALAGANG PANGYAYARI
• Napalis ang lungkot ni Ibarra habang tumatakbo ang sasakyan sa kanyang
paglalakbay. Isa-isang nagbalik sa kanyang alaala ang mga masasaya at malulungkot
na alaala habang pinagmamasdan ang mga tanawing dinadaraanan.
• Hindi nakaligtas sa kanyang paningin ang mga karitong hila ng mga kalabaw. Baku-
bako pa rin ang kalsada at hindi aspalto kaya't lubhang malubak kapag tag-ulan at
maalikabok kapag tag araw.
•Napansin din ni Ibarra na hindi kagandahan ang Escolta ang ang mga puno ng
Talisay asa kalye San Gabriel ay tuluyan nang nabansot.
• Namataan ni Ibarra si Padre Damaso na pormal na nakakunot-noo habang lulan ng
magarang sasakyang Victoria.
•Nakasabay ni Ibarra sa karwahe ni Kapitan Tinong at kasama nito ang maybahay at
dalawang anak na babae.
• May sumurot sa damdamin ng binata nang Makita niya ang mga bilanggong
inaalipin sa pagpapatag ng kalsada. At mas lalo siyang nasasaktan dahil sa alam niya,
na sa gayong estado ay natatamo pa nila ang karahasang hindi na sana nila
natatanggap mula sa kapwa bilanggo na may kaparis na kapalaran at sitwasyon.
• Sa kahindik na pangitain ay hindi niya maiwasang ikumpara ang Europa sa kanyang
mga nakikita. Naparaan sila sa Mehan Garden o Hardin ng Botanika. Biglang sumagi
sa kanyang isip ang Jardin Botanico sa Europa. •Kapansin-pansin ang kaunlaran nito
dahil ginugulan ng salapi kung ikukumpara sa sa kabulukan ng hardin ng Maynila
dahil napababayaan ito.
• Naalala niya ang mga salita ng isang gurong pari na namayapa. Ayon ditto, ang
karunungan ay para sa mga sumusunod pang henerasyon. Kung ang mga dayuhan ay
nagpunta sa Pilipinas upang dumukal ng ginto, kailangang hanapin naan sa kanila ang
gintong kailangan ng bayan, ang Karunungan. • Nagpatuloy sa paglalakbay si Ibarra
hanggang sa tuluyan siyang dalawin ng antok.

MGA ISYUNG NANGINGIBABAW:


ISYUNG PAMPAMAHALAAN- Noong panahon ng mga Kastila dito sa Pilipinas,
maraming mga nabibilanggong Pilipino ang hindi nabigyan ng sapat na hustisya
upang ipagtanggol ang kanilang sarili. Ang mga bilanggong ito ay nakararanas ng
paglabag sa karapatang pantao dahil marami sa kanila ang napaparusahan,
pinapahirapan sa loob ng bilangguan. Ang pamahalaan ay walang paki-alam sa
dinanas ng bayan, dulot ng tuluyang paghihirap ng bansa at walang kaunlarang
nakikita sa Pilipinas.

KABANATA 9 MGA BAGAY- BAGAY TUNGKOL SA BAYAN 10


MAHAHALAGANG PANGYAYARI
• Tama ang naging hinala ni Ibarra na si Padre Damaso ang nakita niyang lulan ng
Victoria at nagtungo ito sa bahay ni Kapitan Tiago. Huminto ito sa tapat ng bahay ni
Kapitan Tiago. Pormal ang mukha nito at nagmamadali na parang may mahalagang
sadya.
•Nabigla si Padre Damaso dahil sa tinuran ni Maria Clara. Pabulong na sinabi nito sa
sarili, "Tingnan natin kung sino ang masusunod at kung sino makapangyarihan."
• Nang oras na iyon ay may nagaganap ring pag-uusap sa pagitan ng isang paring may
malubhang sakit na nasa kumbento, at kay Padre Sibyla na naroon upang dalawin ito
at balitaan ng mga nagaganap sa paligid. •Inilahad ni Padre Sibyla ang naging piging
at ang pagdalo ni Ibarra. Mula sa kuwento ay naghinuha itong maaring mali ang
balitang natanggap nila tungkol kay Ibarra.
• Ayon sa paring may sakit. "May kapangyarihan tayo dahil pinaniniwalaan tayo.
Kapag may kumakalaban sa atin, pinaparatangan agad ng pamahalaan ng erehe ang
kalaban. At dahil tutol tayo sa Kalayaan ng bayan, nagiging dahilan pa ito para hindi
tayo maalis sa puwesto." • Ayon kay Padre Sibyla, natuto nang lumaban ang mga
Indiyo. Nagigising na sila sa kanilang kalagayan. Mawawala na lahat sa kanila gaya
ng mangyari sa Europa na sila rin ang tanging dahilan. At kailangan nilang
paghandaan upang hindi sila maalis sa puwesto.
• Samantala, nakarating sa Kapitan Heneral ang mga naging parunggit ni Padre
Damaso tungkol sa kanya sa pamamagitan ng isang lathala sa pahayagan na si Laruja
ang nagsalaysay.
• Nasabi na ni Padre Damaso ang lahat ng gustong sabihin at mangyari kay Kap.
Tiago. Pinagtakpan ni Kapitan Tiago ang inasal na gayon ni Padre Damaso. Paanong
mas makapangyarihan pa ang kagustuhan ng isang inaama sa tunay na ama?
• Tahasang sinabi ni Padre Damaso na tutol siya sa pakikipagmabutihan ni Maria
Clara kay Crisostomo Ibarra. •Binanggit pa ni Padre Damaso na siya ang
magdedesisyon nang makabubuti sa dalaga. Matagal nang wala si Padre Damaso
ngunit hindi pa rin mapakali si Kapitan Tiago kaya tumungo siya sa silid dasalan.

MGA ISYUNG NANGINGIBABAW:


ISYUNG PAMPAHALAAN- lumutang sa kabanatang ito ang pagiging sakim sa
kapangyarihan ng mga prayleng Kastila, ayaw nilang maalis sa puwesto o sa
kinalalagyan patunay ito ng kanilang pagkagahaman sa kapangyarihan.

ISYUNG PANLIPUNAN- makikita sa katauhan ni Kapitan Tiago katulad ng ibang


mamayang Pilipino noon ang labis na paglilingkod (Servility) sa mga Kastila. Takot
silang baliin ang utos o hindi sundin ang pinag-uutos ng mga prayle kahit ito'y labag
sa kanilang kalooban.

KABANATA 10 ANG BAYAN NG SAN DIEGO


MAHAHALAGANG PANGYAYARI
• Isang magandang tanawin ang makikita sa bayan ng San Diego. Pinaliligiran ito ng
mga mayayabong na punong kahoy. sagana sa mga pananim tulad ng kape at asukal.
Pangangalakal ang kanilang uri ng pamumuhay ngunit karaniwang mura ang
pagkakabili ng mga intsik sa kanilang kalakal.
•May gubat sa San Diego kung saan malalabay ang mga punong kahoy at maraming
baboyramo, usa at mga ligaw na hayap. Kakikitaan ang bayan ng kasaganaan sa likas
na yaman.
•Nabighani ang isang matandang kastila sa kalikasang ito lalo nang makita nito ang
batis na kay linis na may sariwang tubig. Inalam ng matandang lalaki ang may-ari ng
lupain at binili niya ito gamit ang mga alahas at salapi. Ngunit ayon sa mga nakaalala
hindi na raw nakita ang matanda simula noon.
• Nagkaroon ng bulung-bulungan tungkol sa matanda, isa raw itong engkanto ngunit
ang ilan naman ay hindi naniniwala sa kuwento.
•Nang lumaon ay natagpuan ang nabubulok na bangkay ng matanda sa kagubatan na
nakabigti sa punong balite. Karumal-dumal ang paraan ng pagkamatay ng matanda
Dumagdag ito sa mga dugtong-dugtong na alamat na kuwentong katatakutan sa lugar.
• Hanggang sa isang araw ay may dumating na binata. Anak raw ito ng matandang
Kastila. Saturnino ang pangalan nito.
• Pinayabong ni Saturnino ang kaalaman tungkol sa pagtatanim at pangangaso.
Nagsikap ito at namuhay ayon sa kagustuhan ng ama. Naging matagumpay ang
kabuhayan nito at di naglaon ay nakapagpangasawa ito. • Ang bunga ng
pagmamahalan ni Don Saturnino at asawa nito ay si Don Rafael Ibarra, ama ni
Crisostomo. Napakabuting tao ni Don Rafael kaya minahal siya ng lahat ng mga
magsasaka. Likas ang taglay nitong dunong kaya mas lalong napagyaman ang lupaing
minana.
•Pinanatili ni Don Rafael Ibarra ang yamang iniwan ng mga ninuno at tinatamasa ni
Crisostomo Ibarra ang yamang iyon.

MGA ISYUNG NANGINGIBABAW:


ISYUNG PANLIPUNAN- Ang kaugaliang pinakita sa kabanatang ito ng mga
Pilipino ay ang paniniwala nila sa mga kuwentong bayan o alamat. Maraming mga
mamamayan sa San Diego ang mas higit na pinaniniwalaan ang bulung-bulungan
tungkol sa pagkamatay ng matanda na hindi man lang inalam ang tunay na dahilan sa
likod ng pagkamatay nito. Nababalot sila ng takot mula sa mga kuwentong naririnig.

KABANATA 11 ANG MGA KAPANGYARIHAAN


MAHAHALAGANG PANGYAYARI
•Si Don Rafael Ibarra ang pinakamayaman sa San Diego dahil siya ang may-ari ng
pinakamalawak na lupain. Sa Kanya lumalapit ang mga taong mahihirap upang
humingi ng tulong. pinansyal. Sa kabila niyo, nanatili ang kababaan ng kanyang loob
at kawalang interes sa pulitika man o sa paghawak ng anumang kapangyarihan.
• Si Kapitan Tiago ay nabibilang sa mga taong mayayaman sa San Diego. Maraming
mga taong nagpapalakas sa kanya. Nagpapasalubong siya ng bandang musiko sa
kanyang pagdating o di kaya'y sinasalubong siya ng mga taong may pagkakautang sa
kanya. Ngunit ang mga tao sa bayan ay mababa pa rin ang pagtingin sa kanya at lihim
siyang tinatawag na sacristan Tiago.
• Buong akala ni KAPITAN TIAGO na Isa siyang makapangyarihan tao sa San
Diego, ngunit itinuturing lamang na makapangyarihan si Kapitan Tiago dahil sa
pagiging malapit sa mga prayle at pagpapautang nito sa mga mahihirap.
• Kahit tinagurian siyang Kapitan, hindi iyon ang dahilan upang isiping siya'y
makapangyarihang tao sapagkat ang kapitan o gobernadorsilyo ay tunay na walang
katumbas na kapangyarihan kundi ang tagatanggap lamang ng utos mula sa itaas.
• Ang bayan ng San Diego ay maihahambing sa Roma pagdating sa paghawak ng
kapangyarihan. Ang Papa sa Roma ay ang Kura sa San Diego. Ang kasalukuyang
kura ng San Diego ay Padre Bernardo Salvi. Isa pinakamakapangyarihan sa bayan.
•Ang hari sa Italya ay ang alperes at mga gwardiya sibil sa San Diego. Isa rin sila sa
mga naghari-harian sa bayan, isa siya sa makapangyarihan sa San Diego.
•Kumpara kay Padre Damaso, magkaiba ang pagpataw ni Padre Salvi noong ito'y
nanunungkulan pa. Binibilangan ni Padre Damaso ng palo ng tungkod o suntok ang
mga nagkakasala samantalang si Padre Salvi ay nagpapataw ng multa bilang parusa.
•Ang Alperes ay tinuturing din na isa sa makapangyarihan sa San Diego. Usap-usapan
ang pagiging malas nito sa pag-aasawa dahil sa bibig mismo ng alperes nanggaling na
impiyerno ang makisama kay Donya Consolacion sapagkat mas madalas na
magkaaway kaysa magkasundo ang dalawa.
• Parehong makapangyarihan ang Alperes at Kura sa Bayan ng San Diego ngunit
silang dalawa ay mortal na magkaaway. Nakarating sa kura ang paninira at galit sa
kanya ang Alperes at bilang ganti, sa tuwing magsisimba ang Alperes ay ipinapasara
ng kura ang pinto ng simbahan at magsesermon ito ng napakahaba upang makatulog
ang alperes. Ganun din ang alperes. gumaganti rin ito sa kura, ang utusan ng kura ang
tumatanggap ng mura sa alpares, pinapalinis sa kwartel at hambalos ng parusa.
• Sa kabila nito'y kapwa nagpapakita ng kabaitan sa isa't isa ang alperes at kura sa
tuwing magkakasalubong na animo'y tunay na magkaibigan at kadalasang
magkakamay at nagyayakap. Puno ng pagkukunwari ang kanilang mga ngiti.

MGA ISYUNG NANGINGIBABAW:


ISYUNG PAMPAMAHALAAN- Ang pag-aagaw ng kapangyarihan ng dalawang
kastila (alperes at kura) ay patunay kung gaano ka gahaman ang mga dayuhan noon
upang makaangkin lamang ng kapangyarihan. Talamak ang pang-aabuso, korapsyon
at panglilinlang sa mga Pilipino na walang kalaban-laban.

KABANATA 12 TODOS LOS SANTOS


MAHAHALAGANG PANGYAYARI
1. Ipinagdiriwang ang Araw ng mga Patay o Todos Los Santos sa unang araw ng
Nobyembre bilang pag-alala sa mga yumaong mahal sa buhay Matatagpuan sa
kanluran ng San Diego ang sementeryo na nababakuran ng bato at kawayan.
• Malawak sa loob ng sementeryo at isang malaking krus na kahoy ang palatandaan sa
pinakagitna ng libingan. Nakasulat ang INRI sa isang yero na nakapako sa
pinakatuktok ng Krus.

MAHALAGANG PANGYAYARI:
• Isang bunton ng bungo at buto ang nasa paanan ng krus na inilagay ng mga
naghuhukay na sepulturero para sa mga bagong paglilibingan.
•Maraming mga gumagalang hayop tulad ng manok, bibe, baboy o kalabaw sa loob
ng sementeryo ngunit binulabog ito ng dalawang lalaking sepulturero dahil sa
nasabing okasyon.
• Ang isa sa mga lalaki ay panay ang hitit buga ng sigarilyo kasabay ang pagdura
habang binabantayan ang kasamahang naghuhukay.
•Ayon dito, nakakadiri ang kanilang hinuhukay dahil kalilibing pa lang nito, ang baho
ng amoy, fila may dugo pa ang mga buto kaya't grabe ang sangsang. May buhok pa
ng tao. At ayon sa kanya, siya'y masusuka sa amoy at hindi niya ito kayang tagalan.
• Ayon sa isang lalaking sepulturero, "Para kang taga-tribunal sa selan. Noon nga may
bangkay na ipinahukay sa akin halos dalawampung araw pa lamang nalilibing. Ang
lakas ng ulan noon at namatay pa ang dala kong ilawan. Natanggal ko ang takip ng
ataul lumabas ang kalahati ng katawan ng bangkay. Saksakan ang baho ng bangkay at
binuhat ko pa iyon sa gitna ng malakas na ulan."
•Hindi makapaniwala ang lalaking kinukuwentuhan ng sepulturero at nagtanong kung
bakit niya ginawa iyon. Ayon sa lalaki, wala siyang magawa dahil ito ang utos ng
Kurang Malaki.
•Ayon sa lalaki, ang utos sa kanya ng Kurang Malaki ay ilibing ang bangkay sa
libingan ng mga Intsik ang bangkay na hinukay. Hindi ito nagawa ng lalaki dahil
kasagsagan ng malakas na ulan at malayo ang libingan ng mga Intsik • Halos
napupuno na ng tao ang sementeryo. Ang ilan ay nahihirapan sa paghahanap ng mga
puntod ng kanilang yumaong mahal sa buhay. Ang ilan naman ay nakikipag agawan
sa isang libing ang ibang hindi matagpuan ang libing ng kamag-anak o kapamilya ay
basta na lamang lumuluhod at nagdarasal patungkol sa mga kaluluwa ng kanilang
mahal sa buhay.

MGA IS YUNG NANGINGIBABAW:


ISYUNG PANLIPUNAN- Ang mga Pilipino ay may tradisyon at paniniwala sa araw
ng mga patay, kung saan pinahahalagahan ang mga mahal sa buhay na namatay na.
Nag-aalay ng panalangin para mapupunta sa langit ang kaluluwa ng namayapang tao.
Ito'y isang kultura na hanggang sa kasulukuyan ay ipinagdiriwang pa rin ng mga
Pilipino. Hindi mali ang pag alala sa mga taong mahal sa buhay ngunit ang paraan ng
paghahandog ng dasal nobena o pagbayad ng halaga para mailigtas ang kaluluwa
mula daw sa impyerno ay isa sa mga dahilan kung bakit naging isyu ang pagdiriwang
ng TODOS LOS SANTOS.

KABANATA 13 ANG BADYA NG UNOS


MAHAHALAGANG PANGYAYARI •Bumaba ng karwahe si Crisostomo sa tapat
mismo ng sementeryo kasama ang kanyang utusan na nagtungo sa loob upang
hanapin ang puntod ng kanyang amang si Don Rafael.
•Hindi natagpuan ng utusan ang palatandaan. Hinanap nila ang puntod at nagtanong
sila sa isang sepulturero. Ayon sa sepulturero, wala na ang bangkay dahil inutos ng
kurang Malaki, kurang namamalo si Padre Garote na hukayin ito.
•Lalong namangha si Crisostomo at ang utusan sa huling sinabi ng sepulturero.
Isinalaysay nito na ipinahukay ang bangkay para ilipat sa libingan ng mga Intsik.
• Galit na hinawakan ni Crisostomo ang balikat ng sepulturero at saka niyugyog ng
malakas. Matinding takot ang naramdaman ng sepulturero.
• Isinalaysay ng sepulturero na hindi nito inilibing ang bangkay ni Don Rafael sa
libingan ng mga Intsik dahil mas nakakabuti umanong anurin na lamang ang bangkay
kaysa mapalibing sa libingan ng mga erehe kaya't tinapon niya ito sa ilog.
• Matinding galit ang naramdaman ni Crisostomo subalit nagpigil nang husto upang
huwag niyang masaktan ang sepulturero. Binitiwan niya ito at nagtatakbong palayo sa
libingan.
Enter
• Dumating sa kabayanan ng San Diego si Crisostomo at papunta siya sa matandang
bahay.
•Hindi pa man siya ganap na nakakauwi ng bahay ay agad niyang natanawan ang kura
sa hindi kalayuan kaya nagmamadali niya itong nilapitan. Nakasuot ito ng abito at ang
sombrero ay nayuyupi sa lakas ng hangin at tila mabubuwal ng hangin dahil sa
kapayatan.
•Mariing hinawakan ni Crisostomo ang dalawang balikat ng kura. At galt itong
finanong kung ano ang ginawa nito sa kanyang ama. Namutla sa takot si Padre Salvi
at sa takot nasabi nitong Baka nagkakamalibkayo, wala akong ginawang masama sa
inyong ama baka ang pinalitan kong kura na si Padre Damaso ang tinutukoy ninyong
may ginawang masama sa inyong ama.
•Tila natauhan si Crisostomo sa narinig kaya agad binitiwan ang kura.

MGA ISYUNG NANGINGIBABAW:


ISYUNG PANLIPUNAN- Angpaniniwala ng sepulturero na mas mabuti pang itapon
ang bangkay sa ilog kaysa ilibing sa libingan ng mga intsik na tinuturing mga erehe
noong panahon ng Kastila.

KABANATA 53 : Makikilala sa Umaga ang Isang Magandang Araw

Kinabukasan ng umaga, kumalat ang balita tungkol sa mga ilaw na nakita sa


libingan ng nakaraang gabi.
Sa paniniwala ng mga puno ng mga kapatiran ni San Francisco, may 20
ang nakita niyang kandila na sinindihan.
Panaghoy at pahikbi naman ang narinig ni hermana sipa kahit na malayo
ang kaniyang bahay sa libingan.
Sa pulpito, binigyang diin naman ng kura sa kaniyang sermon ang
tungkol sa kaluluwa sa purgartoryo.
Ang usapan ay hindi nakaligtas sa matalas na paningin nina Don Filipo at
Pilosopong Tasio na ilang araw na ilang araw ng naghihina. Nasabi ni Don na
tinaggap ng alkade ang kaniyang pagbibitiw sa tungkulin.
Hindi naman mapakali si Tandang Asyo sapagkat naniniwala siyang ang
pagbibitiw ay hindi nararapat at napapanahon.
Sa panahon ng digmaan, anya, ang puno ay dapat na manatili sa kaniyang tao.
Sa pag-iisip ni Pilosopong Tasio. Ayon sa kaniya, nag iba ang bayan na di
na katulad noon na may 20 na taon na ang nakalipas.
Ang nakaraan ay nagbigay ng aralin.
Namamalas na nag naging bunga ng pagdayo sa Pilipinas ng mga Europeo at
ang pagdayo naman ng mga kabataan sa Europa ay nadadma na rin.
Ang mga kabataang nakapag aral sa Europa ay nagkaroon ng malawak
na kaalaman tungkol sa kaysayan, Matematika, Agham, wika at iba pang
uri ng kaalamn na itutring na enerhiya noong una.
Kaya na ng tao na pangasiwaan ang malawak na daigdig na kaniyang
ginagalwan at tinatahanan. Sa panitikan, nagsimula na ring lumitaw ang mga
makatang nagpapahayag ng malaya at mga makaagham ng pagsubok. Hindi na
rin kayang sawatain ng kumbento ang paglaganap ng mga modernong
kabihasnan.
Nagkaroon pa ng palitan ng katwiran ang dalawa tungkol sa bayan, sa
relihiyon, sa kahihinatnan ng bayan, ugali ng mga binata at dalaga ang
ng mga naglilingkod sa Simbahan.
hanggang sa tanungin ni Don Filipo si Tandang Tasio kung hindi
nangangailangan ng mga gamot sapagkat napansin nitong hinang-hina na sya.
Pero
tinugon sya ni Tandang Tasio na “ang mga mamamatay ay hindi na
nangangailangan ng gamot at sa halip ang mga maiiwan ang
mangangailangan”.
Ipinakiusap din niya sa Don na sabihin kay Ibarra na makipagkita sa
kaniya sa loob ng ilang araw sapagkat malapit na siyang yumao.
Sa kabila ng karamdaman ni Tandang Tasio ang kapakanan ng bayan
ang kaniyang inaalala. Matibay ang kaniyang paniniwala na ang Pilipinas
ay tumatahak parin sa karimlan.
Hindi nagluwat, nagpaalam na si Don Filipo.

KABANATA 54 :  Pagbubunyag

Pahangos na patungo ang kura sa bahay ng alperes. Ang mga taong


gustong humalik sa kaniyang kamay ay hindi niya pinapansin. Tuloy-
tuloy na pumanhik ito ng bahay at malakas na tinawag ang alperes.
Lumabas agad ang alperes kasunod ang asawang si Donya Consolacion.
Bago makapag salita ang kura, inireklamo agad ng alperes ang mga kambing
ng kura na naninira sa kaniyang bakod.
Sinabi naman ng pari na nanganganib ang buhay ng lahat. Katunayan,
anya ay mayroong napipintong pag-aalsa na gagawin nang gabing iyon.
Nalaman ito ng pari, anya sa pamamagitan ng isang babae na
nangumpisal sa kaniya na nagsabi sa kaniya na sasalakayin ang kuwartel
at kumbento.
Dahil dito nagkasundo ang kura at alperes na paghandaan nila ang
gagawing paglusob ng mga insurektos. Humingi ang kura ng apat na sibil
na nakapaisana ang itatalaga sa kumbento.
Sa kuwartel naman ay palihim ang pagkilos ng mga kawal upang mahuli
nang mga buhay ang mga lulusob. Layunin nito na kanilang mapakanta
ang sinumang mahuhuling buhay.
Ika-walo ng gabi ang nakatakdang paglusob, kuna kaya nakini-kinita ng
alperes at kura ang pag-ulan ng kurus at bituin sapagkat ganap silang
nakahanda.
Sa kabilang dako, isa naman lalaki ang mabilis na tumatakbo sa daan
patungo sa tirahan ni Ibarra. Pagkakita ni Elias kay Ibarra ipinagtapat
niya kaagad ang nakatakdang paglusob at batay sa kaniyang natuklasan.

Mabilis na umakyat ng bahay at hinanap sa nakitang utusan ang amo nito na


kaagad naman itinuro na ito ay nasa laboratoryo. Si Ibarra ang kapural at
nagbayad sa mga kalahok sa paglusob.
Ipinasunog ni Elias kay Ibarra ang lahat ng mga aklat at kasulatan nito
sapagkat di na maiiwasan na siya ay mapasangkot at tiyak na siya ang
isisigaw ng sinumang mahuhuli ng mga sibil.
Tinulungan ni Elias si Ibarra sa pagpili ng mga kasulatan.
Sa mga kasulatan, nabasa niya ang tungkol kay Don Pedro
Eibarramendia at tinanong niya kay Ibarra kung ano ang relasyon nito sa
kaniya.
Halos nayanig ang buong pagkatao ni Elias nang sabihin ni Ibarra na iyon ang
kaniyang nuno na ipinaikli lamang ang apilyido. Isa pa, ito ay isang
Baskongado.
Natagpuan na ng piloto ang lahing lumikha ng matinding kasawian sa
kanilang buhay. Biglang bumunot ng balaraw si Elias at naisip niyang
gamitin iyon kay Ibarra.
Ngunit, saglit lang ang pagkadimlan ng kaisipan ng biglang siyang
matauhan. Binitiwan niya ang hawak na balaraw at tulirong tumingin ng
tuwid kay Ibarra at saka mabilis na pumanaog ng bahay.
Nagtaka si Ibarra. Itinuloy ang pagsunog sa mga mahahaagang papeles at
dokumento.

KABANATA 55 : Malaking Sakuna

Oras ng hapunan pero nagdahilan si Maria na wala siyang ganang kumain.


Kaya niyaya niya ang kaibigan ni Sinangsa piyano. Nagbulungan silang
dalawa habang palakad lakad si Padre Salvi sa loob ng bulwagan.
Hindi mapakali si si Maria sa paghihintay nilang magkaibigan ang
pagdating ni Ibarra.
Kasalukuyan kumakain noon ang argos na si Linares at isinadasal nilang
umalais na ang “multong” si Padre Salvi.
Nakatakdang dumating sa ikawalo ng gabi si Ibarra.
Nang sumapit ang ikawalo, napaupo sa isang sulok ang pari samantalang
ang magkaibigan ay hindi malaman ang gagawin.Ika-walo rin ng gabi
ang nakatakdang paglusob sa kumbento at sa kwartel.
Nang tumugtog ang kampana, silang lahat ay tumindig upang magdasal.
Sya namang pagpasok ni Ibarra na luksang luksa ang suot. Tinangkang
lapitan ni Maria ang kasintahan ngunit biglang umalingawngaw na
lamang ang sunod sunod na putok.
Napapatda si Ibara, hindi makapagsalita.
Ang Kura naman ay nagtago sa likod ng haligi.
Ang mga tao sa bahay ni Kapitan Tiyago ay nakakarinig ng puro putokan,
sigawan at pinagbuhan sa may kumbento. At mga nagsisikain na kumedor ay
biglang pumasok at panay na ‘tulisan…tulisan…
Si Tiya Isabel ay panay ang dasal samantalang ang magkaibigan ang
nagyakapan. Si Ibarra ay walang tinag sa kinatatayuan.
Nagpatuloy ang putukan at silbatuhan kasabay ng pagsasara ng mga pintuan at
bintana ng biglaan.
Tinawag ni Tiya Isabel, si Padre Salvi dahil sabi ng alperes ay gusto
nitong magumpisal. Umalis si Padre Salvi Mula sa kaniyang
pinagtataguan sa may haligi. Takot na takot din si Tiya Isabel para kay
Crisostomo dahil Gustong lumabas nito, ngunit ayaw nito ito
mahintulutan dahil hindi pa ito nangungumpisal sa kura.
Pagdating ni Ibarra sa bahay, kaagad na inutusan ni Ibarra ang kaniyang
katulong na ihanda ang kaniyang kabayo. Tumuloy siya sa gabinete at
isinilid nya ang kaniyang maleta ang mga hiyas, salapi, ilang mga
kasukatan at larawan ni Maria. Nagsukbit siya ng isang balaraw at
dalawang rebolber.
Ngunit aalis na lamang siya nakarinig sya ng malakas na pagputok sa
pintuan. Tinig ng isang kawal na kastila. Lalaban sana siya ngunit
nagbago ang kaniyang isip. Binitawan niya ang kaniyang baril at
binuksan ang pinto. Dinakip siya ng Sarhento ng mga dumating na
kawal.
Sa kabilang dako, gulong gulo ang isip ni Elias ng pumasok siya sa bahay
ni Ibarra. Para siyang sinusurot sa sariling budhi. Naalalala niya ang
sinapit ng kaniyang angkan, ang kaniyang nuno, si Balat, kapatid na
babae at ang kaniyang ama. Waring ang lahat ay tinatawag siyang
duwag… isang duwag.
Labis na pangingipospos ang kaniyang damdmin. Hanggang sa maisip niyang
balikan ang bahay ni Ibarra.
Dinatnan niya ang mga katulong ni Ibarra na hilong naghihintay sa
kanilang amo. Nang malaman niya ang nangyari kay Ibarra, nagkunwari
itong umalis. Pero lumigid lamang saka umakyat sa bintana na patungo
sa gabinete. Nakita niya ang mga kasulatan, mga aklat, alahas at baril.
Dinampot niya ang baril at ang iba naman ay isinilid niya sa sako at
inihulog sa bintana. Nakita niyang dumating ang mga sibil. Kinuha ni
Elias ang larawan ni Maria at isinilid ito sa isang supot. Nagipon siya ng
mga damit at papel, Binuhusan niya ito nga mga gas at saka sinilaban.
Ang mga kawal ay nagpupumilit namang pumasok. Sinabihan sila ng
matandang katulong ng walang pahintulot sa may-ari, kaya hindi maaari
silang pumasok. Sa isang hudyat niya tinabig ng kawal ang matanda at
mabilis silang pumanik. Pero sinalubong sila ng makapal na usok at ang
apoy na nakarating na sa gabinete. Biglang nagkaroon ng bumalalakas na
pagsabog. Mabilis pa sa lintik na umatras at nanaog ng bahay ang mga
kawal kasama ang mga katulong ni Ibarra.

KABANATA 56 : Sabi-sabi at Kuro-kuro


Hanggang sa kinabukasan sakmal pa rin ng takot ang buong bayan ng San
Diego. Ni isa mang tao ay walang makitang naglalakad sa gitna ng daan.
Tahimik na tahimik ang buong paligid. Pamaya-maya, isang bata ang naglakas
loob na magbukas ng bintana at inilibot ang paningin.

Dahil sa ginawa ng bata, nagsisunod ang mga iba na magbukas ng bintana.


Ang mga magkakapit-bahay ay nagbalitaan.

Lubhang kalagim-lagim daw ang nagdaang gabi tulad noong mandambong si


Balat. Sa kanilang pag-uusap, lumilitaw na si Kapitan Pablo raw ang
sumalakay. Ipinapalagay naman ng iba na ang mga kuwadrilyero raw kaya
dinakip si Ibarra. Ang mga lalaki ay nagpunta naman sa kuwartel at sa may
tribunal.

Lumitaw pa sa usapan ng mga tao na tinangka raw ni Ibarra na itanan ang


kasintahang si Maria upang hindi matuloy ang pakikipag-isang dibdib niya
kay Linares. Kaya lang sinansala ni Kapitan Tiyago ang kanilang pagtatanan
sa tulong ng mga sibil. Samantala, nakausap ni Hermana Pute ang isang
lalaking kagagaling lamang sa tribunal. Sinabi nitong nagtapat na si Bruno.
Pinatunayan nito ang balita tungkol sa magkasintahang sina Ibarra at Maria.
Sa ngitngit daw ni Ibarra, pati simbaha’y nais niyang paghigantihan, mabuti na
lamang at nasa bahay ni Kapitan Tiago si Padre Salvi. Ang mga sibil daw ang
sumunog sa bahay ng binata. May isang utusang babae naman ang nagpahayag
na nakita niyang nakabitin sa ilalim ng puno ng santol si Lucas.

57: Vae Victis (Magdusa ang mga Nalupig!)


Balisa ang mga sibil na nasa kwartel. Panay ang kanilang pagbabanta
sa mga batang sumisilip sa puwang ng mga rehas upang tingnan ang
mga nadakip. Naroroon ang alperes, direktorsillo, Donya Consolation
at nag kapitan na halatang malungkot. Bago mag-ikasiyam dumating
ang kura at wala sa loob na naitanong niya sa alperes sina Ibarra at
Don Filipo. Kasunod niya ang isang parag batang umiiyak at duguan
ang salawal. Hinarap sa kura ang dalawang tanging buhay na nabihag
ng mga sibil.
Tarsilo Alasigan ang tunay na pangalan ni Tarsilo. Pilit siyang
tinatanong kung kaalam si Ibarra sa nasabing paglusob. Ngunit,
iginigiit din niyang walang kamalay-malay si Ibarra sapagkat ang
ginawa ay upang ipaghiganti ang kanilang amang pinatay sa palo ng
mga sibil. Dahil dito, iniutos ng alperes na dalhin si Tarsilo sa limang
bangkay, ito ay umiling. Nakita niya ang kaniyang kapatid na si Bruno
sa tadtad ng saksak, si Pedro na asawa ni Sisa at ang kay Lucas na may
tali pang lubid sa leeg. Dahil sa patuloy itong walang immik kahit sa
sunod-sunod ang pagtatanong sa kaniya. Nagpuyos sa galit ang
alperes. Iniutos na paluin ng yantok si Tarsilo hanggang sa magdugo
ang buong katawan nito.
Hindi maoakanta si Tarsilo, kaya ito ay ibinalik sa bulwagan. Nadatnan
niya ang isang bilanggo ring nagpapalahaw sa iyak at tumatawag sa
mga santo. Ipinasino kay Tarsilo ang dinatnan. Sinabi niyang noong
lamang niya nakita. Dahil dito, muli siyang pinalo hanggang sa
mabalot ng dugo ang buong katawan. Hindi nakayanan ng kura ang
gayong tanawin kaya lumabas siya sa bulwagan na namumutla. Nakita
ng kura ang isang dalagang parang nagbibilang ng mga naririnnig sa
loob ng tribunal, humahalinghing at nanananghoy ng malakas. Ang
babaing ito ay ang kapatid na dalaga nina Bruno at Tarsilo. Samantala,
nang di mapansin si Tarsilo, lalong nagngitngit ang alperes.
Binulungan pa siya ni Donya Consolacion na lalong pahirapan ang
binata. Pero, hiningi na lamang ni Tarsilo na madaliin ang kaniyang
kamatayan. Walang makuhang anumang impormasyon at di mapaamin
si Tarsilo kaya ito ay itinimba sa isang balong nakakabaligtad ng
sikmura ang tubig at amoy. Kung ilang bese ibinulusok ang katawan ni
Tarsilo sa balon. Hindi niya natagalan ang pagpapahirap hanggang sa
takasan siya ng hininga sa gayong uri ng kalupitan. Nang matiyak na
patay na si Tarsilo ang binalingan naman ay ang isa pang bilanggo.
Ang pangalan di-umano ng bilanggong ito ay Andong luko-luko at
kaya napapunta sa patyo ay upang magbawass sapagkat pinapakain ng
bulok ng biyenan nito. Inaantok ang alperes sa naging sagot ng
bilanggo, kaya iniutos itong ipasok na muli sa karsel.
58: Isinumpa
Tuliro at balisa ang mga pamilya ng mga bilanggo. Sila ay pabalik-
balik sa kumbento, kuwartel at tribunal. Ngunit, hindi sila
makapagtamo ng luna sa kanilang mga inilalakad. Palubhasa wala
silang kilalang malakas at makakapitan na makakatulong upang
palayain ang kanilang kaanak na bilanggo. May sakit ang kura at ayaw
na lumabas ng kaniyang silid at ayaw daw itong makipag-usap kahit
kanino. Ang alperes naman ay nagdagdag ng mga bantay upang
kulahatin ang mga babaingh nagsusumamo sa kanaya. Ang kapitan
naman ay lalong nawalan ng silbi.
Nakakapaso ang sikat ng araw, ngunit ang mga babae ay ayaw umalis.
Palakad-lakad umiiyak ang mag-ina ni Don Filipo. Inusal-usal naman
ni Kapitana Tinay ang pangalan ng kaniyang anak na si Antonio. Si
Kapitana Maria naman ay pasilip-silip sa rehas upang tignan ang
kambal niyang anak. Ang biyenan ni Andong ay nanduroon din at
walang gatol na ipinagsasabio na kaya raw hinuli si Andong ng mga
sibil ay dahil sa bago nitong salawal. Amy isang babae naman ang
halos mangiyak-ngiyak na nagsabing si Ibarra ang may pakana at
kasalanan ng lahat. Ang suro ng paaralan ay kasama-sama rin ng mga
tao. Samantalang si Nyor Juan ay nakaluksa na sapagkat ipinalagay
niyang wala ng kaligtasan si Ibarra.
Mag-iikalawa ng hapon ng dumating ang isang kariton na hila ang
isang baka. Tinangka ng mga kaanak ng mga bilanggo na sirain at
kalagan ang mga hayop na humihila sa kariton. Pero, ipinagbawalan
sila ni Kapitana Maria at sinabing kapag ginawan nila iyon,
mahihirapan sa paglakad ng kanilang ka-anak ng bilanggo.
Pamaya-maya, lumabas ang may 20 kawal at pinaligiran ng kariton.
Ang sinunod na ilaban ay mga bilanggo sa pangunguna ni Don Filipo
na nakuha pang batiin ng naka ngiti ang kaniyang asawang si Doray ng
yakapin ang asawa, pero hinadlangan siya ng dalawang sibil. Nang
makita naman si Antonio ng inang si Kapitana Tinay binirahan ito ng
katakot takot na hagulgol. Si Andong ay napaiyak din ng makita ang
biyenan na may pasari ng kaniyang pagkakakulong. Katulad ng kambal
na anak ni Kapitana Maria, ang seminaristang si Albano ay nakagapos
na mabuti. Ang huling lumabas ay si Ibarra na walang gapos ngunit
nasa pagitan ng dalawang kawal. Ang namumutlang si Ibarra ay
pasuyod na tinignan ng mga maraming tao at naghahanap ng isang
mukhang kaibigan.
Pagkakita kay Ibarra ng mga tao, biglang umugong ang salitaan na
kung sino pa ang may sala ay siya pa itong walang tali. Dahil dito ay
inutusan ni Ibarra na gapusin siya ng mga kawal ng abot-siko. Kahit na
walang utos ang kanilang mga pinuno ang mga sibil sumunod sin sila
sa utos ng binata. Ang alperes ay lumabas na naka-kabayo at batbat ng
sandata ang katawan. Kasunod ay may 15 ng kawal na umaalalay sa
kaniya.
Sa kalipunan ng mga bilanggo, tanging kay Ibarra lamang na walang
tumatawag sa kaniyang pangalan sa halip siya ang binubuntunan ng sis
at tinwag na siyang duwag. Pati ang kaniyang mga nuno at magulang
ay isinumpa ng mga tao hanggang siya ay tinawag ng erehe ng dapat
mabitay. Kasunod nito ay pinagbabato si Ibarra. Naalala niya ang
kuwento ni Elias tungkol sa babaeng nakakita ng ulong nasa bakol at
nakabitin sa punongkahoy. Ang kasay sayan ng piloto ay parang
biglang naglaro sa kaniyang pangitain.
Waring walang ibig dumamay kay Ibarra. Pati si Sinang ay
pinagbawalan umiyak ni Kapitan Basilio. Kahit na nasa gipit at abang
kalagayan ang binata. Walang naawa sa kaniya. Doon nya nadama ng
husto ang mawalan ng inang bayan, pag-ibig, tahanan kaibigan at
magandang kinabukasan.
Mula sa isang mataas na lugar, maamang nagmamasid si Pilosopong
Tasyo na pagod na pagod at naka balabal ng makapal na kumot.
Sundan nya ng tingin ang papalaong kariton na sinakyan ng bilanggo.
Ilang sandali pa ipinasiya na niyang umuwi. Kinabukasan, nagisnan ng
isang pastol patay na si Tasyo sa may ointuan ng kaniyang bahay.
59: Pambayan at mga Pansariling Kapakanan
Ang ginawang pagluson ng mga naapi o sawimpalad ay nakarating at
napalathala sa mga diyaryo sa Maynila. Iba rin ang balitang nagmula
sa kumbento. Iba-iba ang estilo ng mga balitang lumaganap. At ang
pang-unawa sa mga ito ay batay sa talas ng isip, kuro-kuro, damdamin
at paniniwala. Ang mga tauhan ng kumbento ay higit na naliligalig.
Ang mga provincial ay palihim na nagdadalawan at gumagawa ng mga
pagpapanayam hinggil sa nangyari. Ang ilan naman ay nagpunta sa
palasyo at naghahandog ng tulong sa pamahalaang nasa panganib.
Nabanggit pa nga na na maging ang munting heneral o generalillo daw
MAG-AGUERO ay napagkuro ang kahalagahan ng korporasyon.
Samantala, ipinagbubunyi naman si Padre Salvi at sinabing ito ay
karapat-dapat na bigyan ng isang mitra.
Sa ibang kumbento naman ay iba ang pinag-uusapan. Ang mga nag-
aaral daw sa mga heswita sa Ateneo ay lumalabas na nagiging
pilibustero. Sa isang bahay naman sa Tundo, hindi mapakali si Kapitan
Tinong dahil minsan ito ay nagpakita ito ng kagandahang loob kay
Ibarra. Kaya panay ang sisi sa kaniya ng asawang si kapitana
Tinchang. Ang kanilang dalawang anak na dalaga ay sa isang tabi
lamang at di umiimik. Nasabi pa ni Tinchang na kung siya ay naging
lalaki lamang, disin sana ay haharap siya sa Kapitan-Heneral at
ihahandog nito ang kaniyang paglilingkod laban sa mga
manghihimagsik.
Malapit ng mabanas ng husto si Tinong sa kakulitan ng asawa nang
dumating ang kanilang pinsan si Don Primitivo. Ito ay isang lalaking
may edad at mahilig magsasalita ng Latin. Siya ay ipinasundo ni
Tinchang upang hingan ng payo sapagkat marunong itong
mangatwiran. Kaagad na nag-umpisa ng pagsasalita si Tinchang
pagkakita sa pinsa. Ayon sa kaniya, pinakain ni Tinong si Ibarra sa
kanilang bahay at niyukuran pa niya ito nang makita sa may tulay ng
Espanya sa gitna ng maraming tao at sinabing sila magkaibigan.
Sinabi ni Don Primitivo na dapat napakilala si Tinong kay Ibarra
pagkat ang mga mabubuti raw ay napaparusahan dahil sa mga
masasama. Kaya’t walang ibang nalalabing paraan kundi ang gumawa
ng huling habilin si Tinong. Nawalan ng malay ng di oras si Tinong
dahil sa payo. Nang bumalik ang kaniyang ulirat, dalawang payo ang
ibinigay ni Don Primitivo: (1) magbigay sila ng regalo sa heneral ng
kahit anong alahas at idahilan na ito ay pamasko at (2) sunuging lahat
ng mga kasilulatan na maaaring makapagpahamak kay Tinong, na
katulad ng ginawang pagsunong ni Ibarra sa kaniyang mga kasulatan.
Boto silang lahat sa payo. Sa kabilang dako sa isang pagtitipon sa
Intramuros na dinaluhan ng mga dalaga, mga asawa at mga anak ng
kawani ang tema ng kanilang pag-uusap ay ang tungkol din sa naganap
na pag-aalsa. Ayon sa isang lalaking komang galit na galit daw ang
heneral kay Ibarra sapagkat naging napakabuti pa nito sa binata. Sinabi
naman ng isang ginang na talagang walang utang na loob ang mga
indiyo kaya’t di dapat silang ituring na mga tunay na tao. Kahit na
araw ang itatayong paaralan ay isang pakana lamang sapagkat ang
tunay na layunin ni Ibarra ay gawin lamang itong kuta na gagamitin
niya sa kaniyang pansariling pangangailangan. Sumabad naman ang
isa pang babae at ipinaliwanag na is Tinchang daw ay nagregalo ng
isang singsing na puno ng brilyante sa heneral. Napalingon ang
lalaking komang at tiniyak kung totoo ang balita. Nagdahilan ang
pingkok at nanaog na ng bahay.
Ilang oras pa ang nakalipas, ang ilang mag-anak sa Tundo ay
tumanggap ng mga paanyaya ng pamahalaan sa pamamagitan ng mga
kawal. Ang imbitasyon ay tungkol sa pagtulog ng ilang mayayaman at
tanyag na tao sa Fuerza de Santiago na may bantay pa. Si Kapitan
Tinong ay kasama sa mga inimbita.
60: Ikakasal si Maria Clara
Tuwang-tuwa si Kapitan Tiyago sapagkat hindi siya nahuli o natanong
man lamang. Hindi rin siya nakuryente o nabilanggo sa ilalim ng lupa.
Dahil dito, siya ay nagpamisa sa Mahal na Birhen sa Antipolo, Birhen
del Rosario at sa Birhen del Carmen. Kung hindi naimbita si Kapitan
Tiyago ng pamahalaan, masamang kapalaran naman ang dumapo kay
Kapitan Tinong. Tulad ng karamihan siya ay inimbitahan ng
pamahalaan. Di nakabuti ito sa kaniya ang ‘paglalakbay’ sa ibat-ibang
tanggapan nito sapagkat ng siya ay lumabas. Siya ay may sakit,
putlain, namamanas at di palaimik. Hindi na rin siya bumaba ng bahay,
dahil nangangamba itong baka batiin siya ng isang pilibustero. Alam ni
Tiyago ang ganitong sinapit ni Tinong.
Dumating sa bahay ni Tiyago si Linares at ang mag-asawang de
Espadaña na kapwa itinuring na pangkat ng makapamahalaan. Sinarili
ni Donya Virtorina ang usapan. Sinabi na kung babarilin si Ibarra, iyon
ang nararapat sapagkat siya ay isang pilibustero. Bagama’t namumutla
at mahina si Maria, kaniyang hinarap ang mga bisita. Humantong ang
usapan tungkol sa pagpapakasal nina Maria at Linares. Nagkayarian
din na magpapapista si Tiyago. Sinabihan niya si Tiya Isabel na kung
ano ang nasa loob ni Maria tungkol sa napipinto nitong pakikipag-
isang dibdib. Sa wari, desidido na si Tiyago na ipakasal si Maria
sapagkat nakini-kinita niyang siya’y maglalabas-masok sa palasyo sa
sandaling maging manugang niya si Linares. Si Linares ang tagapayo
ng Kapitan Heneral, kaya’t inaakala ni Tiyago na siya ay kaiinggitan
ng mga tao.
Kinabukasan, ang bulwagan ni Tiago ay puno ng mga bisitang kastila
at intsik. Nangunguna sa mga ito si Padre Salvi, Padre Sibyla, ilang
pransiskano at dominikano, ang alperes na ngayon ay tenyente at may
grado ng komandante, ang mag-asawang de Espadaña, si Linares na
nagpatihuli ng dating at si tenyente Guevarra ng mga sibil.
Mangyari pa, ang paksa ng mga babae ay si Maria na kahit malungkot
siya ay magalang na tinanggap ang mga bisita. Sinabi ng isang babae
na maganda nga raw si Maria, pero ito raw ay tanga naman.
Kayamanan lang daw habol ni Linares. Sinabi rin na marunong daw
siya sa buhay sapagkat kaya siya ikakasal dahil bibitayin ang unang
katipan ni Ibarra. Sa narinig ni Maria lalo siyang nasaktan at naghirap
ang kalooban. Iniwan niya ang mga babaing nag-uusap.
Sa pulutong ng mga lalaking nag-uusap naman, lumitaw na ang kura
ay lilipat na ng Maynila samantalang di tiyak ng alperes kung saan ito
madedestino. Ipinaliwanag ni Guevarra na hindi mabibitay si Ibarra na
katulad ng mga nangyari kina GOMBURZA at sa halip ito ay
ipatatapon lamang. Binanggit din niya ang tungkol sa kaso ng binata at
pagkaraan ay binati niya si Maria. Ito raw ay nakakatiyak ng
magandang kinabukasan. At nagpaalam na ang tenyente.
Nagtungo sa asotea si Maria. Nakita niya ang bangkang pasadsad sa
may sadsaran ng bahay ni kapitan Tiyago. Puno ng damo ang ibabaw
ng bangka at may lulan itong dalawang lalaki. Bumaba ang isa sa lulan
ng bangka at pinanhik siya, si Ibarra. Nakatakas siya sa tulong ni Elias.
Dumaan lamang ang binata upang ipaalam ang damdamin nito at tuloy
bigyan ng laya ang kasintahan tungkol sa kanilang kasunduan. Inilahad
ni Maria ang tunay na kasaysayan at pagkatao nito. Napilitan umano
itong talikuran ang kanilang pag-iibigan alang-alang sa kaniyang inang
namayapa at sa dalawang amang nabubuhay pa. Pero wala siyang
tanging pag-ibig kundi si Ibarra lamang. Mahigpit na niyapos at
pinupog ng halik ni Ibarra si Maria. Matagal. Pagkaraan, lumundag
muli ito sa pader at sumakay sa bangka. Nag-alis ng sumbrero si Elias
at yumukod kay Maria. Sumagwang papalayo sa lumuluhang si Maria.
61: Pagtakas Hanggang Lawa
Habang mabilis na sumasagwan si Elias, sinabi niya kay Ibarra na
itatago siya sa bahay ng isang kaibigan sa Mandaluyong. Ang salapi ni
Ibarra na itinago niya sa may puno ng balite sa libingan ng ninuno nito
ay kaniyang ibabalik upang may magamit si Ibarra sa pagpunta nito sa
ibang bansa. Nasa ibang lupain daw ang katiwasayan ni Ibarra at hindi
nababagay na manirahan sa Pilipinas, dahil ang buhay niya ay hindi
inilaan sa kahirapan. Inalok ni Ibarra na magsama na lang sila ni Elias,
tutal pareho na sila ng kapalaran at magturingan na parang magkapatid.
Pero, tumanggi si Elias.
Nang mapadaan sila sa tapat ng palasyo, napansin nilang nagkakagulo
ang mga bantay. Pinadapang mabuti ni Elias si Ibarra at tinakpan ng
maraming damo. Nang mapadaan sila sa tapat na polvorista, sila’y
pinatigil at tinanong ng bantay si Elias kung saan ito nanggaling.
Ipinaliwanag ni Elias na siya’y galing ng Maynila at rarasyunan niya
ng damo ang hukom at ang kura. Kumbinsido ang bantay sa paliwanag
ni Elias kaya ipinatuloy niya ito sa pagsasagwan at pinagbilinan na
huwag magpapasakay sa bangka sapagkat katatakas pa lamang ng
isang bilanggo. Kung mahuhuli raw ito ni Elias, siya ay bibigyan ng
gantimpala. Inilarawan ng bantay ang bilanggong tinutukoy ay
nakalebita at mahusay magsalita ng Kastila. Nagpatuloy sa
pagsasagwan si Elias. Lumihis sila ng landas. Pumasok sila sa may
ilog-Beatang inawit ni Balagtas upang akalaing siya ay taga-
Peñafrancia.
Itinapon ni Elias ang mga damo sa pampang, kinuha ang isang
mahabang kawayan at ilang bayong at sumige sa pagsagwan.
Nagkuwentuhan muli sina Elias at Ibarra. Nakalabas na sila sa ilog-
Pasig
At nakarating sa may Sta. Ana. Napadaan sila sa tapat ng bahay-
bakasyunan ng mga heswitas kaya hindi maiwasang manariwa sa isip
ni Elias ang masasayang araw na tinamasa niya, may magulang,
kapatid at maganddang kinabukasan. Namuhay nang masagana at
mapayapa. Sumapit sila sa malapad na bato at nang makitang inaantok
na bantay na wala siyang kasama at mahihingi, pinaraan niya si Elias.
Umaga na ang sapitin nila ang lawa. Pero sa di-kalayuan nabanaagan
nila ang isang palwa ng mga sibil na papalapit sa kanila. Pinahiga ni
Elias si Ibarra at tinakpan niya ito ng bayong. Nahalata ni Elias na
hinahadlangan sila sa baybayin. Kaya sumagwan itong patungo sa may
Binangonan, ngunit nagbago rin ng direksiyon ang palwa. Tinawag
sila. Inisip ni Elias na magbalik sa bunganga ng Ilog-Pasig. Nakuro ni
Elias na napagtatalikupan sila at walang kalaban-laban. Isa pa wala
silang dala ni isa mang sandata. Mabilis na naghubad ng damit si Elias.
Sinabi niya kay Ibarra na magkita na lamang sila sa noche buena sa
libingan ng nuno ni Ibarra. Tumayo si Elias at tumalon sabay sikad sa
bangka.
Ang atensiyon ng mga sibil sa palwa at nakasakay sa bangka ay natuon
kay Elias. Pinaulanan nila ng punglo ang lugar na pinagtalunan nito.
Kapag lumilitaw si Elias pinapuputukan ito. Nang may 50 dipa na
lamang ang layo ni Elias sa may pampang, nahapo na ang humahabol
sa kaniya sa kasasagwan . Makalipas ang tatlong oras ay umalis na ang
mga sibil sapagkat napansin nilang may bahid ng dugo sa tubig ng
baybayin ng pampang.
62: Nagpaliwanag si Padre Damaso
Umaga, hindi pansin ni Maria ang maraming regalo na nakabunton sa
itaas ng hapag. Ang mga mata niya ay nakapako sa diyaryong
nagbabalita tungkol sa pagkamatay o pagkalunod ni Ibarra. Pero, hindi
naman binabasa ni Maria ang Diyaryo. Pamaya-maya dumating si
Padre Damaso na hinilingan kaagad ni Maria na sirain ang kasunduan
ng kaniyang kasal kay Linares at pangalagaan ang kapakanan ng ama.
Sinabi ni Maria na ngayong patay na si Ibarra walang sinumang
lalaking kaniyang pakakasalan. Dalawang bagay na lamang ang
mahalaga sa kaniya, ang kamatayan o ang kumbento. Napagmuni ni
Padre Damaso na pinaninindigan ni Maria ang kaniyang sinabi, kaya
humingi ito ng tawad sa kaniya. Napahagulgol pa ito ng malakas
habang binibigyan diin niya ang walang kapantay na pagtingin kay
Maria. Wala siyang nagawa kundi pahintulutan na pumasok sa
kumbento si Maria kaysa piliin nito ang kamatayan. Umalis si Padre
Damaso na sakbibi ng lumbay. Tumingala ito sa lagit at pabulong na
sinabing totoo ngang may Diyos na nagpaparusa. Hiniling niya sa
Diyos na siya ang parusahan at huwag ang walang malay niyang anak
na nangangailangan ng kaniyang pagkalinga. Damdam na damdam ng
pari ang kasiphayuang dinaranas ni Maria.
63: Nochebuena
May isang kubo na yari sa balu-baluktot na sanga ng kahoy ang
nakatayo sa libis ng isang bundok. Sa dampa ay mayroong nakatirang
mag-anak na tagalog na nabubuhay dahil sa pangangaso at
pangangahoy. Sa lilim ng isang puno mayroong isang matanda na
gumagawa ng walis. Sa isang tabi naman mayroong isang dalaga na
naglalagay ng mga itlog ng manok, gulay at dayap sa isang bilao. Sa
di-kalayuan, may isang batang lalaki at batang babae ang naglalaro sa
tabi ng isang payat at putlain. Ang batang nakaupo sa nakabuwal na
kahoy ay si Basilio, may sugat ito sa paa. Inaaliw siya ng dalawang
batang naglalaro. Nang utusan ng matanda ang apong dalaga na
ipagbili ang mga nagawang walis, sinabi niya kay Basilio na may
dalawang buwan na ang nakakaraan nang ito ay kanilang matagpuang
sugatan at kalingain pagkatapos. Isinalaysay naman ang tungkol sa
buhay nilang mag-anak. Kaya, nang ito ay magpaalam na uuwi na sa
kanila, siya ay pinayagan ng matanda at ipinagbaon pa niya ng pindang
na usa para sa kaniyang inang si Sisa.
Samantala, noche buena na, ngunit ang mga taga-San Diego ay
nangangatog sa ginaw bunga ng hanging amihan na nagmumula sa
hilaga. Hindi katulad ng nakaraan na masayang-masaya ang mgat tao.
Ngunit ngayon lungkot na lungkot ang buong bayan. Wla man lamang
nakasabit na mga parol sa bintana ng bahay. Kahit na sa tahanan ni
Kapitan Basilio ay wala ring kasigla-sigla. Kausap ng kapitan si Don
Filipo na napawalang sala sa mga bintang na laban dito nang
mamataan nila si Sisa na isa ng palaboy. Pero, hindi naman nananakit
ng kapwa.
Ang pinsan nitong si Victoria at si Iday. Si sinang ay tumanggap ng
liham buhat kay Maria subalit hindi niya ito binubuksan sa takot na
malaman ang nilalaman. Habag na habag ang magkakaibigan sa
magkasintahang Maria at Ibarra. May kumalat namang balita na ang
pagkakaligtas ni Kapitan Tiyago mula sa bibitayin ay utang niya kay
Linares.
Nakarating na si Basilio sa kanilang tahanan. Pero, wala ang kaniyang
ina. Paika-ika niyang tinalunton ang landas patungo sa tapat ng bahay
ng alperes. Nanduon ang ina, umaawit ng walang katuturan. Inutusan
ng babaing nasa durungawan ang sibil na papanhikin si Sisa. Subalit
nang makita ni Sisa ang tanod, kumaripas ito ng takbo. Takot. Hinabol
ni Basilio ang ina, pero binato siya ng alilang babaing nasa daan.
Nasapol sa ulo si Basilio pero hindi ito tumigil sa pagsunod sa inang
tumatakbo. Nakarating sila sa may guabat. Pumasok sa pinto ng
libingan ng matandang kastila si Sisa. Ito ay nasa tabi ng punong baliti.
Pilipt na binubuksan ito ni Basilio. Nakita niya ang isang sanga ng
baliting nakakapit sa kinaroroonan ng ina. Kaagad niya itong niyakap
at pinaghahagkan hanggang sa mawalan ng ulirat.
Nang makita naman ni Sisa ang duguang ulo si Basilio, unti-unting
nagbalik ang katinuan ng kaniyang isip. Nakilala rin niya ang anak.
Napatili ito ng malakas at biglang napahandusay sa ibabaw ng ank.
Nawalan ng malay. Nang magbalik naman ng ulirat si Basilio at nakita
ang ina, kumuha ito ng tubig at winisikan sa mukha. Dinaiti niya ang
kaniyang taynga sa dibdib ni Sisa. Sinakmal ng matinding pagkasindak
si Basilio. Patay na ang kaniyang ina. Buong higpit na niyakap niya
ang malamig na bangkay ng ina at napahagulgol ng malaks, pasubsob
sa ina. Nang mag-angat siya ng ulo, nakita niya ang isang taong
nagmamasid sa kaniya. Tumango si Basilio nang tanungin siya ng tao
kung anak siya ng namatay.
Hinang-hina ang lalaking sugatan, hindi niya matutulungan si Basilio
na mailibing si Sisa. Sa halip pinagbilinan niya si Basilio na mag-ipon
ng maraming tuyong kahoy at ibunton sa bangkay ng kaniyang ina at
pagkaraan sila ay silaban hanggang sa maging abo ang kanilang
katawan. Itinagubilin rin ng lalaki kay Basilio ang malaking
kayamanan na nakabaon sa may punò ng balite. Kay Basilio na raw ito
kung walang ibang dumating na tao upang gamitin niya sa pag-aaral.
Ang lalaking sugatan na kausap ni Basilio na dalawang araw ng hindi
kumakain at sa wari ay malapit ng mamamatay ay si Elias. At lumakad
na si Basilio upang manguha ng panggatong. Si Elias ay tumanaw
naman sa dakong silangan at nagwikang higit pa sa isang dalangin.
Siya ay babawian ng buhay nang 'di nakikita ang pagbubukang-
liwayway ng bayang kaniyang minamahal. Sa mga mapalad, huwag
lámang daw limutin nang ganap ang mga nasawi sa dilim ng gabí. Sa
pagkakatingala niya sa langit, kumibot hanggang sa unti-unting
nabuwal sa lupa.
Nang magmamadaling-araw, namalas ng buong bayan ng San Diego
ang isang malaking siga na nagmumula sa may lugar na kinamatayan
ni Sisa at Elias. Sinisi pa ni Manang rufa ang gumawa ng siga na hindi
raw marunong mangilin sa araw ng pagsilang ni Hesus.
64: Katapusan
Magmula nang pumasok sa kumbento si Maria, nanirahan na si Padre
Damaso sa Maynila. 'Di nagtagal, siya ay inilipat ng padre provincial
sa isang malayong probinsiya. Kinabukasan, siya ay nakitang bangkay
sa kaniyang higaan. Sa pagsusuri ng doktor, samâ ng loob o bangungot
ang sanhi ng kaniyang ikinamatay. Sa kabiláng dako, si Padre Salvi
habang hinihintay niya ang pagiging obispo ay nanungkulan
pansamantala sa kumbento ng Sta. Clarang pinasukan ni Maria Clara.
Kasunod nito ay umalis na rin sa San Diego at nanirahan na sa
Maynila. Ilang linggo naman bago naging ganap na mongha si Maria,
si Kapitán Tiago ay dumanas ng sapin-saping paghihirap ng
damdamin, nangayayat nang husto, naging mapag-isip at nawalan ng
tiwala sa mga kainuman. Pagkagaling niya sa kumbento, sinabihan
niya si Tiya Isabel na umuwi na ito sa Malabon o sa San Diego
sapagkat gusto na lámang mabuhay mag-isa. Ang lahat ng mga santo at
santang kaniyang pinipintakasi at nalimot na niya. Ang kaniyang
inaatupag ay ang paglalaro ng liyempo, sabong at paghitit ng
marijuana. Madalas tuwing takipsilim ay makikita siya sa tindahan ng
intsik sa Sto. Cristo. Di nagtagal, napabayaan niya ang kaniyang
katawan at kabuhayan. Ang kaniyang dáting marangyang tahanan ay
mayroong nakasulat sa pintuan na: Fumadero Publico de Anfion.
Ganap na siyang nalimot ng mga tao. Wala ni isa mang nakakaalala sa
kaniya, siya na isang tanyag at dáting iginagalang. Nagdagdag ng mga
kulot sa ulo si Donya Victorina upang mapagbuti ang pagbabalatkayo
niyang siya’y taga-Andalucia. Siya ngayon ang nangungutsero. Si Don
Tiburcio ay hindi na niya pinakikilos. Nagsasalamin na ito. Hindi na
rin siya natatawag bílang “doktor” para manggamot. Wala na rin
siyang ngipin.

You might also like